You are on page 1of 43

KABANATA I

Ang Suliranin at Sandigan nito

Panimula

Bawat tao ay may kaniya kaniyang wika na siyang pangunahing

kasangkapan sa pakikipagtalastasan, nabubuhay tayong gumagamit ng mga salita

upang makipagkomunikasyon sa iba at ang ibang salita natin ay may alituntunin

na sinusunod o binabatayan. Sa paksa ng mananaliksik ay may kaugnayan sa mga

Jargon ng mga sukarap: Isang paghahambing sa Brgy. Fatima at sa pag-aaral ni

Sucal (2016).

Sa kasalukuyan, hindi na makakaila na malawak na ang narating ng

wikang Filipino sa iba’t ibang larangan. Hindi na ito ang wikang ginagamit

lamang ng mga katulong, ng mga probinsyano at ng mga mahihirap, bagkus ito

ang wika ng talastasan ang Lingua Franca ng mga Pilipino. Ginagamit na ito sa

iba’t ibang larangan at grupo depende kung sino ang gumagamit ng wika (Galang

et al. 2007).

Sa araw-araw nating pakikipagsalamuha sa iba’t ibang uri ng tao ay

unti-unting nadaragdagan ang ating kaalaman at bokabularyo. Nakabubuo tayo ng

mga bagong salita dulot ng panibagong paligid at bagong klase ng taong

pinakikisamahan at nakakausap.

1
Ang jargon ay lipon ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng isang

partikular na grupo lamang na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi

kasali sa grupo katulad ng jargon ng mga sukarap.

Ang pahayag na ito ay may kinalaman sa pag-aaral ng mananaliksik dahil

nakapukos ito sa wika o salitang ginagamit ng mga saukarap.

Kasabay ng pagbabago ng panahon, marami ring transisyon ang nagaganap sa

ating kapaligiran. Isa na rito ang pagkakaroon ng mga kabataang tinatawag na

sukarap.

Ang mga batang ito ay biktima ng mga pangyayari na hindi nila kontrol.

Karamihan sa kanila ay biktima ng karahasan, pisikal, emosyonal, sekswal at

kapabayaan sa kanilang pangangailangan at karapatan sa pamilya, pagkain,

tahanan at edukasyon. Maging sila ay may sariling jargon na ginagamit upang

magkaintindihan at magkaunawaan.

Ang mga batang ito ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa ibang

pangkat ng sukarap, dahil sa mga salitang kanilang nilikha na may ibang

kahulugan at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ay nagkakaroon ng di

pagkakaunawaan na nahahantong sa awayan.

Ang mga pahayag sa itaas ay nag bunsod sa mananaliksik na pag-aralan

ang Jargon ng mga sukarap sa Brgy. Fatima at sa pag-aaral ni Sucal (2016). Dahil

layunin ng mananaliksik na malikom at maibigay ang etimolohiya, transkripyon at

kahulugan ng mga Jargon ng Sukarap at maihambing ang jargon ng mga sukarap.

Marahil higit sa atin ang hindi nakaiintindi sa kanila dahil sa kakaiba nilang mga

salita kaya naging sanhi ito upang mapukaw ang interes ng mananaliksik upang

2
mapag-aralan at maipakilala ang mga jargon ng nasabing grupo. Malaki ang

maitutulong o maiambag ng mga salita hindi lang para malaman ng bawat isa ang

kahulugan nito kundi para narin sa ating wikang Pambansa, madaragdagan ang

kaalaman ng lahat at maaari itong magamit sa pang araw araw na pakikipag

komunikasyon, nang sa gayon alam ng lahat ang kahulugan ng mga salitang ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may paksang Jargon ng mga Sukarap: Isang

Paghahambing sa Brgy. Fatima at sa pag-aaral ni Sucal (2016) ay naglalayong

sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Makalap ang Jargon ng mga Sukarap sa Brgy. Fatima partikyular

na zone 4 ekstensyon at sa pag-aaral ni Sucal (2016).

2. Maibigay ang transkripsyon, etimolohiya at kahulugan ng mga

nakalap na mga jargon.

3. Maihambing ang mga Jargon ng mga sukarap sa zone 4 Brgy.

Fatima sa pag-aaral ni Sucal (2016).

4. Matukoy ang implikasyong sosyolinggwistika.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa paglikom ng tatlumpot

walo(38) na mga Jargon ng Sukarap sa zone 4 Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral

Santos, masuri at maihambing sa pag-aaral ni Sucal (2016).

3
Nakapokus ang pag-aaral na ito tungkol sa wikang ginamit at karaniwan

nilang ginagamit sa kanilang pakikipag-usap sa isa’t isa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Magiging kapaki-pakinabang ang pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito

hindi lamang sa mga mananaliksik kung hindi pati na rin sa mga sumusunod:

Sa mga sukarap, mahalaga ang pag-aaral na ito nang sa gayon ay

maipabatid sa kanila na maging ang kanilang wikang ginagamit ay pinag-aaralan

at pinagtutuunan ng pansin.

Sa mga guro, mahalaga ang pag-aaral na ito upang lalo pang mapalago at

mapaunlad ang kaalaman sa wika partikular na sa jargon at upang lubos na

maunawaan kung bakit kinakailangan ng isang partikular na grupo ang ganitong

mga salita. At kung ano ba ang naiaambag nito sa pagpapaunlad ng wika

Sa mga magulang, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabigyan ng

sapat na pag-intindi at pag-unawa ang kanilang mga anak at mas magabayang

mabuti ang mga ito.

Sa mga mag-aaral, mahalaga ito dahil magsisilbing tulong sa

pagsasakatuparan sa kanilang pag-aaral at nang sa gayon ay magamit pa sa

susunod na panahon.

Sa mga mambabasa, mahalaga ang pag-aaral na ito para magkaroon ng

karagdagang kaalaman.

4
Sa mga mamamayan, mahalaga ang pag-aaral na ito upang magkaroon

sila ng kamalayan hinggil sa wika ng mga mga children in conflict with the law

nang maunawaan ang mga ito at maging maingat sa kapaligiran.

Sa susunod pang mananaliksik, mahalaga ang pag-aaral na ito upang

magsilbing gabay at tulong sa kanilang gagawing pag-aaral na may kaugnayan

dito.

Katuturan ng Termino

Ang mga sumusunod ay mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito ay

batay sa kabuuan ng pananaliksik.

Jargon– Varayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng

tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Tumutukoy sa espesyalisadong

paggamit ng wika upang makilala ng ispesipikong domeyn o gawain, isang

set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng ng mga grupong

gumagamit nito. (Santos, A. L., et al. 2009)

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pangangalap ng mga jargon ng mga

Sukarap sa Brgy. Fatima at maihambing ang mga ito. May mga salita

silang nabubuo at ginagamit sa pang-araw-araw na nilang pakikipag

komunikasyon.

5
Paghahambing-Pagtingin at pagsusuri o pagsisiyasat sa dalawang o higit pang

tao, bagay, pook atbp. upang malaman, maipakita o maipakilala ang kanilang

pagkakatulad o pagkakaiba. (Diksyunaryo ng Wikang Filipino)

Sa pananaliksik na ito, inihambing ang jargon ng mga

sukarap ng Zone 4 Brgy.Fatima at sa pag-aaral ni Sucal(2016).

Pagkakaiba- hindi magkatulad, kalahian, di-parrehoang mga karakter

(http://tagalog,pinoydictionary.com/search?q=Pagkakatulad)

Ang mga jargon na mga nakalap ay inihambing sa

pag-aaral ni Sucal (2016) upang malaman ang pagkakaiba nito sa

isinagawang pag-aaral ng mananaliksik.

Pagkakatulad - pagkakamukha, pagkakapareho, pagkakaparis, pagkakagaya.

(Diksyunaryo ng Wikang Filipino)

Ginamit ito sa pananaliksik upang malaman kung anong

mga salita ang magkapareho sa jargon ng mga Sukarap sa zone 4

Brgy. Fatima at at sa pag-aaral ni Sucal(2016).

Sukarap– Ang mga ito ay binubuo ng iba't ibang mga gang na may iba't ibang

mga pangalan. Karaniwan silang nauugnay at nakakonekta sa mga

maling gawain tulad ng paunang pagtatalik, pagbubuntis, at iba pa, at

mga krimen tulad ng pagnanakaw, pagpatay, at rape . Hindi lahat ng

mga miyembro ng "Sukarap" ay "Tambay", ang iba ay mag- aaral.

6
(1jsm.wordpress.com)

Ito ang magiging impormante o pagkukunan ng mga

datos hinggil sa pag-aaral na ito.

Implikasyong sosyo-Linggwistika- ito ay ang pagkakaiba sa wika kontekstong

sosyal at kultural lalong-lalo na kung paano nagkakaiba iba ang mga tao sa

kanilang pagkakakinlan (halimbawa sa kasarian, edad, lahi at uri) sa

pagsasalita at kung paano nagbabago ang pananalita sa iba’t ibang

sitwasyon (Beltran,2013).

Sa pag-aaral na ito, malalaman ang magiging bunga o

resulta ng mga jargon ng mga sukarap sa wika.

7
Reperensya

Galang, Teresita S., et al. (2007) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik:

Rex Printing Company, Inc. Sta. Mesa, Quezon

Santos, A.L. (2009) Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City:

Mutya Publishing House

Santos, A. L., et al. (2010). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Iligan

City: MSU-IIT

Yule(1996)https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika

(http://tagalog,pinoydictionary.com/search?q=Pagkakatulad)

8
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na ginawa ng mananaliksik ay napapatungkol sa jargon

ng mga sukarap: Isang Paghahambing sa Brgy. Fatima at sa pag-aaral ni Sucal

(2016).

Upang mapalawak pa ang kaalaman tungkol sa pag-aaral na ito, sa bahaging

ito, ilalahad ng mananaliksik ang iba’t ibang kaugnay na literatura mula sa mga

mahahalagang aklat. Nakapaloob dito ang iba’t ibang opinyon ng mga awtor at

mga piling tesis na binasa at sinuri nang sa ganoon ay magiging maayos ang

pag-aaral upang maging malinaw na matukoy ang suliranin ng pag-aaral.

Kaligiran ng Sukarap

Ang salitang Sukarap ay nagmula sa Davao na ibang tawag sa batang

ton-og. Ang salitang sukarap ay laganap sa mga paaralan gaya na lamang ng

Irineo L. Santiago National High School at South Elementary School. Sila ang

mga kabataang na kung tawagin ay mga juvenile delinquents na nagiging sanhi ng

problema sa lipunan. Sila ay kilala noon bilang “batang ton-og” na ngayon ay

umusbong at naging Sukarap na sangkot sa mga imoral na gawain gaya ng

pagnanakaw, pagpatay, droga at iba pa.

9
Ayon din sa tagapamahala ng department of Social Welfare Development

Office (DSWDO), ang mga sukarap ay grupo ng mga napapariwarang bata at

kulang sa atensyon ng mga magulang. Mabibilang sila tawag nilang Children in

Conflict with the Law (CICL) kapag sila ay mga krimeng nagawa tulad ng

pagpataya, pagnakaw at paghold up at iba pa. (A brief-explanation-about-sukarap.

(n.d.). Retrieved May 7, 2018, from google:

http:/Kreimechael.wordpress.com/a-brief explanation-about-sukarap/)

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa bahaging ito makikita ang mga kaugnay na pag-aaral at Literatura na may

kaugnayan sa kasalukuyang papel. Nagsilbing gabay ng mananaliksik sa

pangangalap at pagsusuri ng datos ang iba’t ibang aklat, sa pagbabasa ng

di-nalathalang tesis upang makakuha ng mga lietratura at pag-aaral na makatulong

sa kasalukuyang pag-aaral ng mananaliksik.

Nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita, mula sa paggising sa umaga

patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita tayo dahil nakikipag-usap tayo. May mga

taong kumakausap sa hayop, may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita,

kinakausap din natin ang ating sarili sa ating pag-iisa o kahit may kaharap na

ibang tao. Kaya masasabing walang panahong hindi tayo nagsasalita, malakas o

mahina man, pabulong o sa isip lamang. (Fromkin at Rodman sa aklat ni Garcia,

et al. 2009),

Bahagi ang wika sa pang-araw-araw na buhay ng bawat tao at ayon kay

10
Halliday, ang wika ay may gamit na instrumental dahil tumutulong ito sa mga tao

upang maisagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin.

Ayon kay Gabriel (2005), wika ang pangunahing kasangkapan sa

pakikipagtalstasan ng tao. Gumagamit man siya ng pasenyas na paraan, higit na

madalas at masaklaw ang kanyang komunikasyon sa pamamagitan ng pasalita at

pasulat.

Ang mga sukarap ay gumagamit din ng di-berbal na komunikasyon,

gumagamit sila ng pasenyas na paraan sa pakikipagkomunikasyon sa kanilang

kapwa upang sila ay magkakaunawaan. Malaya rin silang pumili ng mga salita na

gagamitin nila sa pakikipag-usap sa kanilang kapwa. Ito ay kanilang paaraan

upang maitago sa kanilang mga kaaway ang kanilang pinag-uusapan. Ang mga

sukarap ay palaging nagtitipon at nagpupulong kaya at madali silang

nagkakaintindihan.

Ayon naman kay Gleason sa aklat ni Belvez (2003), ang wika ay isang

masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang

kultura.

Ang tao ay kayang bumuo ng mga wika sa maayos na paraan upang ito ay

magamit sa pakikipagkomunikasyon o pakikipagtalastasan sa kapwa tao. Katulad

ng mga sukarap, sila ay bumuo ng mga salitang ginagamit nila sa pakikipag-usap,

sa pamamagitan nito naihahatid o naibabahagi nila ang kanilang gustong sabihin o

iparating sa kanilang pangkat.

11
Ang mga sukarap ay masasabi ring may kultura ayon sa naging pahayag ni

Gleason, sapagkat sila ay makikilala sa ayos ng pananamit gaya na lamang ng six

pocket na pantalon o shorts, checkered na polo. Mayroon din silang mga burloloy

na kung tawagin ay “rasta” ito ay nagkukulay pula, berde at dilaw. At ang

kanilang ginagamit na mga salita sa pakikipag-usap ay nagsilbing patunay sa

kanilang kultura. Ang mga sukarap ay nagkaroon ng sariling pagkikilanlan sa

pananamit, pananalita, lakad at tayo.

May dalawang uri ng transkripsyon na karaniwang ginagamit ng mga

dalubwika – transkripsyong ponetiko at transkripsyong ponemiko. Sa

transkripsyong ponemiko, ang lahat ng makahulugang tunog o kinikilalang

ponema sa isang wika ay binibigyang kaukulang simbolo. Samantalang sa

transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na narinig ng linggwista, makahulugan

man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya nga sa transkripsyong ponetiko, hindi

lahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng isang nagsusuri ay

makahulugan o ponemiko. (Santiago at Tiangco, 2003)

Ang pinagbatayan ng mga mananaliksik sa pag-aaal na ito ay ang

transkripsyong ponemiko dahil lahat ng makahulugang tunog o kinikilalang

ponema na makikita sa mga sukarap ay kanilang binigyan ng kaukulang simbolo

na ginawan ng transkripsyon.

Ayon kay Ramos (2012), ang wika ay tumutukoy sa isang sistemang may

partikular na kahulugan sa isang partikular na grupo. Pinahihintulutan nito ang

mga taong bumuo ng salita ayon sa napagkasunduan ng grupong kinabibilangan

12
niya upang makihalubilo sa kapwa. Nangangahulugan ito na ang wika ay ang mga

simbolong ginagamit para sa pagkakaunawaan.

Sa pag-aaral ni Amar (2016) na Jargon ng Online Game na DOTA

pinaksa ng kanyang pag-aaral ang paglalaro ng DOTA. Ang gumagamit ng mga

salitang nagmula sa iba’t ibang wika tulad ng wikang Filipino, Cebuano, Ingles at

likhang salita. Ang mga wikang ito ay makikita sa pagbibigay nila ng codes.

Natuklasan ng kanyang pag-aaral na ang prosesong ginagamit ay pagdadaglat,

pagbabawas o clipping. Nakabuo ng mga termino sa paglalaro upang itago ang

ang paksang pinag-uusapan at mapadali ang kanilang pag-uusap samakatuwid ang

mga nakalap na mga jargon ay nagiging hadlang sa pagiging istandardisasyon at

modernisasyon ng wika sapagkat ang mga salitang nabuo ay di nagtatagal at

walang pamantayang sinusunod upang maging pandaigdigan na wika ng isang

grupo ng tao.

Ito lamang ay mga salitang pandalian lamang at tanging sa grupo lamang

nagtatagal at kung ito man ay tumagal. Natuklasan rin na ang manlalaro ng DOTA

ay malikhain at madaling maimpluwensiyahan ng kanilang kapaligiran bunga ng

pakikiayon sa kung ano ang patok o uso.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik

sapagkat ang mga sukarap ay malikhain rin at madaling maimpluwensyahan ng

kanilang kapaligiran. Ang mga sukarap ay nakikiuso rin sa mga patok kasabay ng

panahon. Magkaiba lang sa grupo, sa lugar at sa impormante na pinagkunan ng

datos ng mananaliksik.

13
Sinang-ayunan naman ni Rubin(2008), na ito ay itunuturing ng kapaligiran

at tagapagbadya ng mga karanasan at kasaysayan ng mga tao. Tagapaglahad din

ito at tagapagsalaysay ng mga panlipunang pangyayari at pagpapahalaga.

Ang mga sukarap rin ay nakakapagbahagi ng kanilang mga karanasan mga

saloobin sa buhay gamit ang kanilang wikang nabuo na tanging sila lamang. Para

sa pagdating ng panahon kung ang grupong ito ay mawala ito ang kanilang

magiging tanda ng kasaysayan nila na sila ay minsan ng nabuhay at nabuo sa ating

lipunan.

Bawat tao ay may iba’t ibang wikang ginagamit. Gaya ng jargon ng mga

sukarap, sila ay may mga natatanging wika na sila lamang ang nakakaunawa.

Nakapagbigay sa kanila ng kasiyahan kung saan nagagamit nila ito sa iba’t ibang

paraan ng kanilang pag-uusap. Pabalbal man ito, sila ay nagkakaunawaan na

nakapagpapalitan ng mga ideya o saloobin.

Ayon naman sa pag-aaral ni Tabog (2014) na pumapaksa mga Jargon ng

mga drug adik may mga wika rin na ginagamit ang mga adik tulad din ng ibang

grupo. Mula ito sa iba’t ibang wika kung saan iba ang ibig sabihin sa kanilang

grupo dahil iba ang kanilang pagpapakahulugan sa mga salita. Ang kadalasang

wikang ginagamit nila ay ang wikang Filipino. Ingles, Hiligaynon at

Maguindanaon.

Ang pamamaraan na ginamit sa pag aaral ay palarawan ilalarawan ang

tampuk na kalagayan ng jargon ng mga adik sa Brgy. Ambalgan, Sto Nino, South

Cotabato. At pagdulog istruktural naman ang ginamit sa pagsusuri sa

pamamagitan ng transkripsyon, etimolohiya at kahulugan ng jargon na nakalap.

14
Natuklasan ng mananaliksik na may mga wika rin na ginagamit ang mga

adik tulad din ng ibang grupo. Mula ito sa iba’t ibang wika kung saan iba ang

sabihin na kanilang grupo dahil iba ang kanilang pagpapakahulugan sa mga salita,

ang kadalasang wikang ginagamit nila ay wikang Filipino, Ingles, Hiligaynon at

Maguindanaon.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral dahil

parehong jargon ang pinag-aaralan magkaiba lamang ito sa grupo, sa lugar at

impormante na pinagkunan ng datos ng mananaliksik.

Ayon kay Dinglasen (2007), ang wika ay kasangkapan ng

pakikipagtalastasan ito ay tagapagdala ng mga ideya. Naiimpluwensyahan nito

ang ugali ng tao, ang isip at damdamin.

Ang mga sukarap ay gumamit ng wika upang makapaghatid ng mga ideya,

saloobin at emosyon sa kanyang kapwa. Bumuo sila ng sariling mga salita na sila

lamang ang nakakaunawa. Dahil rito, nakapagdala ng mga ideya ang mga sukarap

na tanging umiikot sa kanilang pangkat at hindi maiintihan ng ibang tao na hindi

kabilang sa kanilang pangkat.

Ang mga sukarap ay nag umpisa sa isa o tatlong tao lamang bago sila

nagkaroon ng grupo. Ang mga nakakarinig at nakakakita sa kanila ay kanila

lamang itong naimpluwensyahan na sumanib sa kanilang pangkat.

Ang pangkat na sukarap ay bumuo ng mga salitang sila lamang ang

nagkakaunawaan. Ang mga salitang ito ay maaaring likha na, na kanilang

ginagamit sa pakikisalamuha sa pang-araw-araw nilang buhay. Gumamit din sila

ng mga salita na maaaring dinagdagan o binawasan ang isang salita para maitago

15
ang tunay na kahulugan para hindi maintindihan ng mga taong nakapaligid sa

kanila na hindi kasali sa kanilang pangkat,

Sa pag-aaral ni Bargo (2013) na pumapaksa sa Jargon ng Beauty

Pageant ito ay gumamit ng disenyong palarawan, sapagkat inilarawan niya ang

mga jargon na nakalap. Sa pagkalap ng datos, tuwiran (direct method) ang ginamit

ng mananaliksik sapagkat personal na nakihalubilo ang mananaliksik sa mga

impormante upang mangolekta ng mga datos. Nirekord ng mananaliksik ang mga

salita gamit ang tape rekorder upang walang makaligtaang impormasyon. Nasa

pagsusuring istruktura ng kanilang pagbuo ng mga salita.

Natuklasan ng kanyang pag-aaral ang mga salita o jargon ay nabuo sa

pamamagitan ng pagpapahaba, pagdaragdag, paggamit ng pangalan ng mga

kilalang tao, akronim, paghahalo o blending, pagbabawas o clipping, hiram na

salita, paghahambing, paghahalintulad at salitang likha.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa pag-aaral ng jargon ng mga

sukarap, sapagkat parehong tuwirang pamamaraan ang ginamit ng mga

mananaliksik. Nirekord din ang mga salita. Magkatulad din ang mga natuklasan

sapagkat Jargon ng mga sukarap ay nabuo rin sa pamamagitan ng pagpapahaba,

pagdaragdag, paggamit ng pangalan ng mga kilalang tao, akronim, paghalo o

blending, pagbabawas o clipping, hiram na salita, paghahambing, paghahalintulad

at salitang likha. Magkaiba lamang ito s agrupo, sa lugar, at sa impormante na

pinagkunan ng datos.

Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pakikipag-interaksyon o

pakikipagpalitang-kuro. Kaya lubhang mahalaga ang wika sa pagkamit at

16
pagbabahagi ng karunungan. Kung gayon, mahalaga ang wika sa proseso ng

pagkatuto. Mula sa aklat ni (Magracia, 2008).

Katulad na lamang ng mga sukarap, sa pakikipag interaksyon nila sa

kanilang mga kasamahan ay gumamit sila ng wika sa pakipagpalitan ng kuro-kuro

upang mas lalo silang nagkakaintindihan at mas lalong nadaragdagan ang kanilang

pagkatuto sa kanilang sariling wika.

Sa pag-aarl ni Sucal (2016) na pumapaksa sa jargon ng mga sukarap

Poblacion Alabel, Sarangani Province. Ang pag-aaral ay naglayong makalap,

mabigyang trankskripsyon, etimolohiya, kahulugan at matukoy ay implikasyong

sosyolinggwistikal ang mga jargon ng mga sukarap sa Poblacion Sarangani

Province. Ang ginamit na pamamaraan ng mananaliksik ay palarawan.

Inilarawan ang mga Jargon ng mga sukarap ng Poblacion Sarangani

Province. Sa pangangalap ng mga datos, gumamit ng tuwirang pamamaraan ang

mananaliksik sapagkat direktang interbyu ng mananaliksik ang mga impormante.

Inerekord ng mananaliksik ang mga salita ang kanilang pag-uusap gamit ang

selpon o voice recorder upang walang impormasyong makaligtaan sa mga nakalap

na datos. Nasa pagsusuring istruktural sapagkat ang mga jargong nakalap ay

binigyang transkripsyon, etimolohiya at kahulugan. Natuklasan ng mananaliksik

na ang jargon ng mga sukarap ay gumamit ng wikang Cebuano, wikang likha at

wikang Ingles. Natuklasan din ng mananaliksikna mahilig mag-imbento ng mga

salita na tinatawag na wikang balbal na tanging grupo lang nila ang nakakaalam at

nagkakaunawaan.

17
Ang pag-aaral ng mananaliksik ay nakatuon din sa mga jargon ng mga

sukarap. Magkatulad lamang ang pananaliksik na ito sa jargon ng mga sukarap

ngunit magkaiba sa impormante at sa lugar na pinangyarihan ng pananaliksik ng

mga mananaliksik. Ang kaugnayan ng pag-aaral na ito sa mga mananaliksik ay

ihahambing nila kung ano ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga jargon ng

kanilang pag-aaral.

Teoritikal na Balangkas

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng teoryang pagbabatayan ng mananaliksik

sa gagawing pag-aaral.

Ang teoryang ginamit ay ang Implikasyong sosyo-linggwistika ito ay

makikipag-usap, makipagtalastasan, makipagpalitan kuro-kuro at makipagsabayan

sa ating kapwa. Sa kasalukuyan ay maaaring makipag-usap sa pamamagitan ng

makabagong teknolohiya.

Ginamit din ng mananaliksik ang teorya ng akomodasyon na dinibelop ni

Howard Giles. Ang teorya ng akomodasyon ang makakapagpaliwanag ng ilang sa

pagbabago ng paraan sa pagsassalita. Kung bakit ang isang tao ay nagpapalipat-

lipat ng wika sa kanyang pagsasalita o gumawa ng iba pang pagbabago sa

kanyang pagsasalita. Ayon sa dalawang uri ng teorya ng akomodasyon ang

Komverjens o pakikipaghalubilo na nagpapakita na kapag ang isang indibidwal ay

nakikipag-usap sa kapwa, ang kanyang pakikipag-usap ay halos katulad ng sa

kinakausap. Bilang kabatiran nito, ang mga tagapagsalita ay maaari ring gumamit

18
ng kanyang mga salitang mapagkakakilanlan sa pagsasalita upang mabigyan ng

emphasis ang kanyang distansyang sosyal sa kanyang mga kausap.

Teoryang Istrukturalismo, isa rin sa pinagbatayan ng mananaliksik sa

pag-aaral na ito. Sa teoryang ito, ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika

na nakadepende sa aktwal na sinasabi o binigkas. Ang Teoryang Istrukturalismo

ay ang paglalahad ng mahusay na mga salita sa pagpapaunlad at pagpaparami ng

abstraktong ideya at mga damdaming, kailangang makarating sa yugtong

kamalayang istrukturalismo.

(http://filipinosiyam.blogspot.com/2014/07/istrukturalismo.html)

Ayon kay Ferdinand De Saussure sa aklat ni (Mercene, 2009) na ang

istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maari lamang

mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura, ng wika

Ito ang pinagbatayan sa pag-aaral na ito sapagkat binigyan ng

transkripsiyon, etimolohiya at pagpapakahulugan ng mga mananaliksik ang mga

nakalap na jargon na ginagamit ng mga sukarap sa Brgy. Fatima Zone 4 at sa

pag-aaral ni Sucal(2016).

19
Konseptwal na Balangkas

Jargon ng mga Sukarap: Isang


Paghahambing

Transkripsiyon Etimolohiya Kahulugan

Paghambing ng Jargon ng Brgy. Fatima sa


pag-aaral ni Sucal (2016)

Implikasyong Sosyo-
Linggwistika

Pigura 1. Iskema ng Paradaym ng Pananaliksik

Makikita sa balangkas na ginawa ng mananaliksik ang mga hakbang ng


kanilang ginawang pag- aaral. Kinalap ang mga jargon ng mga sukarap sa Brgy.
Fatima at inihambing sa pag-aaral ni sucal(2016) upang matukoy ang teoryang
istruktural.

Matutunghayan sa pinakamatas na kahon ang pinaka paksa ng pag-aaral. Sa


pag-aaral na ito ay nangalap ang mananaliksik ng mga Jargon ng sukarap sa Brgy.
Fatima partikyular na zone 4 ekstensyon at inihambing sa pag-aaral ni
Sucal(2016).

Sa sumunod na kahon ay ibinigay ng mananaliksik ang transkripsyon sa mga


nakalap na datos, iniisa-isa ang mga salita at kung paano ito bibigkasin nang
wasto sa isang wika.

Sa sumunod na kahon ay makikita din natin na ibinigay ng mananaliksik ang


etimolohiya, iniisa-isa ang mga salita kung saan ito nagmula.

20
Sa sumunod naman na kahon ay binigyan na ng mananalksik ng kahulugan
ang mga salita na nakalap.

Sa ika apat naman na kahon ay dito na inihambing ng mananaliksik ang mga


nakalap na datos sa pag-aaral ni Sucal(2016) at makikita dito ang kaibahan ng
mga kahulugan ng mga salita kahit pa ito ay magkapareha ngunit magkaiba ng
kahulugan.

At sa pinakahuling kahon ay tinukoy ng mananaliksik ang Implikasyong


Sosyolinggwistika sa mga Jargon ng Sukarap.

Daloy ng Pag-aaral

Sa bahaging ito ay tatalakayin ang konseptong daloy ng pag-aaral na naayon

sa nais matamo mula sa mga suliranin. Upang sa gayon ay maunawaan kung

paano gagawin ang nasabing pag-aaral.

Prior Pangangalap Pagsasaayos Pag-aanalisa


Imbestigation

Liham Pahintulot ng Transkripsyon Teoryang


Pumunta sa zone punong Barangay Istrukturalismo
4 Brgy. Fatima
GSC
Kahulugang
Apoyntment Literal Adbayser
Nagmasid ng
mga sukarap
Pag set ng Kahulugang
oras, lugar Larang
Aktwal na
Impormante Pagkakategorya
pakikipanayam 21
Reperensiya:

Amar, X. A. C. (2016). Jargon ng Online Game na Dota. Mindanao State


University Fatima, General Santaos City.
Bargo, M. (2013). Jargon ng mga Beauty Pageant. Mindanao State University.
Brgy. Fatima Uhaw, General Santos City.
Belvez, Paz, et al. (2003). Sining at Komunikasyon (Filipino 1) Pangkolehiyo.
856 Daang Nicanor Reyes St. Sampaloc, Manila: Rex BookStore Inc.

Dinglasan, R.D. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila Phil.:


REX Book Store, Inc.
Gabriel, R. S. (2005). Wika Ko: Sining ng Komunikasyon.
Magracia, E. B. (2008). Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Mercene, F.P. (2009) . Sining ng Pakikipagtalastasan Pangkolehiyo. 125
Pioneer Street. Mandaluyong City: National Book Store
Rubin, L. T. (2006). Retorika, Wikang Filipino Sa Sulating Pananaliksik. Quezon
City: Rex Book Store.

Santiago, A.O at Tiangco N.G. (2003). Makabagong Balarilang Fiipino:Binagong


Edisyon .Rex Book Store, INC.
Santos, A. L. (2009). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Malabon City:
Mutya Publishing House.
Sucal, Enjoy Melody M. 2016. Jargon ng Mga Sukarap. Poblacion Alabel Sarangani
Province
Tabog, Zenorin. 2014. mga Jargon ng mga Drug adik. Mindanao State University.
Fatima, Uhaw General Santos City.
(http://filipinosiyam.blogspot.com/2014/07/istrukturalismo.html)
(https://www.unicef.org/chinese/protection/files/Conflict_with_the_Law.pdf

22
KABANATA III

Pamamaraan

Ilalahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral, lokal ng pag-aaral,

impormante at pangkalahatang pamamaraan na ginagawa ng mga mananaliksik.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ng mananaliksik ay uring kwalitatibo. Gamit ng mga

pamamaraang palarawan ang mga mananaliksik upang mailarawan ang mga

tumpak na kalagayan ng Jargon ng mga sukarap sa brgy. Fatima partikyular na sa

zone 4. .

Sa pangangalap ng mga datos ay tuwirang pamamaraan ang ginamit sapagkat

direktang nag-obserba at nakipanayam ang mga mananaliksik sa mga impormante.

Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, gumamit ng pagdulog istruktural dahil

ibinigay ang transkripsyon, etimolohiya at kahulugan ng mga jargon.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa Brgy. Fatima, Lungsod ng Heneral

Santos. Sa mga bahagi ng lugar na ito ay kung saan hahanapin at tutukuyin ang

mga impormante na mga sukarap na siyang pagkukunan ng mga jargon.

23
Pigura 2. Mapa ng Brgy. Fatima, General Santos City

Sa Lungsod ng Heneral Santos may isang Brgy. na tinawag na Uhaw.

Noon, ang lugar na ito ay naging parte ng Brgy. Tambler sa naturang lungsod

ngunit makalipas ang ilang taon, humiwalay ito sa Brgy. Tambler at naging isa sa

mga mayabong na Brgy. sa Lungsod ng Heneral Santos. Ang lupain ng Fatima ay

ibinigay ng dating Pangulong Corazon Aquino at Presidente

Fidel V. Ramos noong ika-24 ng Mayo taong 1990 na may "SP Resolution No. 91

series of 1990." Marami ng mga imprastraktura ang nakatayo sa lugar ng Uhaw.

May isang mataas na paaralan at isang state university. Ang Brgy. Fatima Uhaw

ay nasa 184, 259 kwadrado at binubuo ng labinsiyam na purok. Nasa 96,000

24
mahigit na ang populasyon ng lugar. Tinatayang 80 % ang Kristiyano, 7 % ang

Muslim, 3% B’laan at 10 % sa iba pa.n

Mga Impormante ng Pag-aaral

Ang mga impormante ay ang mga sukarap sa zone 4 Brgy. Fatima, Lungsod

ng Heneral Santos.

Pangkalahatang Pamamaraan

Sa pag-aaral na ito, ang mga hakbang na isasagawa ay ang sumusunod:

Una, gumawa ang mananaliksik ng Konseptong Papel upang gawing batayan

sa pananaliksik na ito.

Pangalawa, pumunta ang mananaliksik sa University Library, sa

Mini-Library ng Departamentong Filipino sa Mindanao State University, Lungsod

ng Heneral Santos at sa City Public Library ng naturang lungsod upang maglikom

ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Ikatlo, gagawa ang mananaliksik ng liham-pahintulot upang humingi ng

permiso sa tagapamahala ng establisyimentong pag-aaralan.

Pang-apat, tuwiran at personal na mag interbyu ang mananaliksik sa mga

sukarap.

Panlima, itinala ng mananaliksik ang mga Jargon ng mga sukarap sa

nasabing lugar sa loob ng tatlong linggo. Gagamit ang mananaliksik ng papel at

25
bolpen sa pagtatala ng mga jargon ng mga impormante, habang selfon at audio

recorder naman ang ginamit sa pagrekord ng mga usapan.

Pang-anim, susuriin ng mananaliksik ang mga nakalap na Jargon sa

pamamaraang Istruktural sapagkat bibigyang transkripsyon, etimolohiya at

pagpapakahulugan ang mga makalap na datos at sunod ay pinalutang ang

implikasyong linggwistika mula sa pag-aaral na ito.

Pagkatapos na maisagawa ang lahat ng mga hakbang, ipapakita na ng

mananaliksik ang nagawang output sa kanyang tagapayo upang maiwasto ang

anumang pagkakamali, mabigyan ng puna at mairebisa ito nang sa ganoon ay

maayos ito.

26
Reperensya

https://bsnnhd.wordpress.com/

https://ph.shop.88db.com/fatimanhs./

https://www.google.com/search?q=Fatima+national+high+school+map&oq

=fati&aqs=chrome.1.69i59l3j0j69i57j69i60.5416j0j7&sourceid=chrome&ie=U

TF-8

27
KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Sa kabanatang ito, ay naglalaman ng paglalahad, pagsusuri at

pagpapakahulugan ng mga datos.

Layunin ng mananaliksik na makalap ang Jargon ng Brgy. Fatima at

maihambing sa pag-aaral ni Sucal, maibigay ang transkripyon, etimolohiya at

kahulugan ng bawat makalap na Jargon at panghuli matukoy ang

sosyo-limggwistika.

Ang mananaliksik ay nakakalap ng tatlumpo’tsyam(39) na mga salitang

jargon. Makikita sa unang talahanayan sa ibaba ang mga Jargon na nakalap mula

sa mga sukarap ng Brgy. Fatima. Makikita sa pangalawang talahanayan ang datos

sa nagawang pag-aaral ni Sucal. At sa panghuling talahanayan ay makikita ang

pagkakatulad ng kahulugan ngunit magkaiba ang salitang Jargon na ginamit.

Leyenda sa Transkripsyong Ponetiko

// - isang yunit ng tunog sapagkat ito’y nakapagpapaiba ng kahulugan.

/ ? /- impit na pasutsot

/ h / - glottal na pasara o impit na tunog

/ŋ / - tinumbasan ng digrapo o dalwang letra ng ‘ ng’.

/ : / - pagpapantig ng mga ponema.

28
Talahanayan 1. Jargon ng mga Sukarap sa Brgy. Fatima, Lungsod ng

Heneral Santos

Transkripsyon Etimolohiya Kahulugan na Kahulugan sa


literal Larang
Jargon

arep /a:rep/ Wikang Filipino Binaliktad na salapi


salita na ibigsahin
(pera) ay pera
Pagbabaliktad

atabs /atabs/ Wikang Filipino Binaliktad na Binaliktad na salita


salita na ibig na ibig sabihin ay
(bata) sabihin ay bata bata
Pagbabaliktad

atchup bulingon /at:chup’ buliŋon/ Likhang Salita labada sukarap

atubs /atubs/ Wikang Cebuano Inumin sa lambanog


cebuano na
(tuba) tinatawag na tuba
Pagbabaliktad

butak /butak/ Likhang Salita nagkalat nagkalat

butang /butang/ Likhang Salita Mga gamit shabu

butoy /butoy/ Likhang Salita butig marijuana

bunso /bunso’/ Wikang Filipino Kapatid na babae Bagong tubo


o lalaki bunso s
(bunso) apamilya

chuya /chu:yah/ Likhang Salita maganda babae

dak /dak/ Likhang Salita kapares Mga kasosyo

dulag baso /du:lag ba:so/ Wikang Cebuano Laroang baso inumin

ekoms /e:koms/ Likhang Salita sigarilyo

filak /filak’/ Wikang B laan pera salapi

fuds /fuds/ Wikang Ingles pagkain makakain

(foods)
29
haum /ha:um/ Wikang Cebuano sakto sakto
high /hay/ Wikang Ingles mataas sabog

ismi /is:mi/ Likhang Salita Uyab Magkasintahan na


babae o lalaki

joyride /joy:ride/ Wikang Ingles pasyal Magliwaliw;

jumbi /jumbi/ Likhang Salita malaki malaki

laling /laliŋ/ Likhang Salita hubog lasing

lubi /lubi’/ Wikang Cebuano niyog puwit

magtama /mag:ta.ma/ Wikang Cebuano Mag tira Mag-inom

pakals /pa:kals/ Likhang Salita kainan May handaan

pakno /pak:no/ Likhang Salita kapares Mga kasosyo

pasi /pasi’/ Likhang Salita lakad lakad

pasingot /pasiŋot/ Wikang Cebuano pawisan basketbol

payts /payts/ Likhang Salita Mag-away sige

rada /rada’/ Likhang Salita kasiyahan kasiayhan

runner /run:ner/ Wikang Ingles tagatakbo utusan

(runner)

sa-e /sa:e/ Likhang Salita uyab magkasintahan

sagal /sagal/ Likhang Salita eksperto eksperto

silup /si:lup// Wikang Filipino pulis Nanghuhuli ng may


kasalanan;
(pulis) tagapatupad ng
pagbabaliktad batas

tayap /tayak/ Likhang Salita patay Walang buhay;


hindi gumagana;
sira na

tidi /ti:di/ Likhang Salita inumin inumin

tinga /tiŋah/ Likhang Salita walang pera Pigado

tirip-tirip /tirip:tirip/ Wikang Ingles kasiyahan byahe

(trip)

Pagdaragdag

30
tow /tow/ Likhang Salita kaibigan magaspang

yamag /ya:mag/ Wikang Cebuano gamay Maliit;

(yamag)

Pagbabaliktad

31
Talahanayan 2.1 Jargon ng mga sukarap sa Pag-aaral ni Sucal (2016) na
magkatulad ang baybay, bigkas at kahulugan sa mga Jargon ng mga sukarap
sa zone 4 Brgy. Fatima.

Jargon Transkripsyon Etimolohiya Kahulugan

Akura /aku’:rakah/ Wikang Cebuano Akin ka lang

(ako ra ka)

alamean /alame:an/ Wikang Cebuano buhay

alaws /alaws/ Wikang Cebuano wala

(wala)

amardz /a:mards/ Wikang Filipino drama

(pagbabaliktad)

ampingats /am’pingats/ Wikang Cebuano ingat

(pagpapahaba)

arepz /arepz’/ Wikang Cebuano pera

(pagbabaliktad)

atabs /atabs/ Wikang Cebuano bata

(Pagbabaliktad)

atchup /at;chup’/ Wikang likha astig

bangot /ba:ngot/ Wikang Filipino mabango

(Pagpapaikli at
pagdaragdad)

birahan /bira:han/ Wikang Cebuano tapusin

Dong suyan /dong suyan/ Wikang Cebuano Lalaking


kinaiinisan

dugheart /dug:heart/ Wikang likha puso

emuser /emu:ser/ Wikang Cebuano dugtungin

32
(imo sir)

ermat /ermat/ Wikang Cebuano ina

erpat /erpat/ Wikang Cebuano ama

gugma /gug:ma/ Wikang Cebuano kasintahan

Himsog ug barog /him:sog ug barog/ Wikang Cebuano matikas

imurako /imu:rako/ Wikang Cebuano Sayo lang ako

(imo ra ko)

Itoy-itoy /itoy:itoy/ Wikang Cebuano duwag

kida /ki:da/ Wikang Filipino adik

(pagbabaliktad)

kurat /kurat’/ Wikang Cebuano bigla

lameon /lameon/ Wikang Cebuano masarap

(lamion)

lukob /lukob/ Wikang Cebuano bukol

(pagbabaliktad)

malaya /malaya’/ Wikang Filipino Nag-iisa o walang


asawa

marama /maramah/ Wikang Cebuano maarte

(wais)

nakituplok /naki:tuplok/ Wikang Cebuano nakitext

nanafo /nanafoh/ Wikang Likha Gwapo

nanayo /nanayo’/ Wikang Cebuano manghingi

(pagbabawas)

pakners /pak’ners/ Wikang Likha partner

pasintawad /pasin.tawad/ Wikang Likha patawad

pinakurat /pina’kurat/ Wikang Cebuano Nabigla

33
shake /shake’/ Wikang Ingles inuman

shemeew /shemđw/ Wikang Likha baliw

soak /sok/ Wikang Likha ako

stokai /sto:kai/ Wikang Likha Babaeng adik

sulirap Suli:rap/ Wikang Likha Kakagising lang

szaiey /szaiiey/ Wikang Likha babae

szoiey /szoiiey/ Wikang Lika lalaki

tugs /tugz’/ Wikang Cebuano tulog

(pagpapaikli)

tuplok /tuplok’/ Wikang Cebuano text

unzwa /unz:wa/ Wikang Cebuano ano

(unsa)

wafo /wafo/ Wikang Cebuano gwapo

(gwapo)

warsak /war:sak’/ Wikang likha Malamya

yours /yourz/ Wikang Ingles ikaw

(yours)

yalab /yalab/ Wikang Cebuano bahay

(pagbabaliktad)

yamag /ya:mag) Wikang Cebuano maliit

(pagbabaliktad)

yayay /ya:yay/ Wikang Likha sakit

34
Talahanayan 3 . Paghahambing sa Brgy. Fatima at sa pag-aaral ni Sucal

Brgy. Fatima Pag-aaral ni Sucal (2016)

Jargo Transkrips Etimolohi kahulug Jargo Transkrips Etimolohi Kahulug


n yon ya an n yon ya an

Likhang magand wafa Wikang magand


Chuy salita a Cebuano a
a

dak Likhang partner pakne Likhang partner


salita rs salita

Dula Wikang inuman shake Wikang inuman


g Cebuano Ingles
baso

filak Wikang pera arepz Wikang pera


Blaan Cebuano

ismi Likhang kasintah gugm Wikang kasintah


salita an a Cebuano an

Sa-e Likhang kasintah


salita an

pakn Likhang partner pakne Likhang partner


o salita rs salita

35
Pagsusuri:
ang mananaliksik ay nakakalap ng tatlumpo’twalo (38) na Jargon ng mga
Sukarap sa Brgy. Fatima partikyular na sa zone 4 Lungsod ng Henral Santos.
Dalawamput isa (21) ay nagmula sa wikang Likha, ito ang mga salitang
sumusunod: atchup bulingon na nagangahulugang sukarap, butak na
nangangahulugang nagkalat, butang na nangangahulugang shabu, butoy na
ngangahulugang marijuana, chuya na nangangahulugang maganda, dak na
nangangahulugang partner, ekoms na nangangahulugang sigarilyoi, ismi na
nangangahulugang uyab, jumbi na nangangahulugang malaki, laling na
nangangahulugang lasing, pakal na nangangahulugang kainan, pakno na
nangangahulugang partner, pasi na nangangahulugang lakad, payts na
nangangahulugang sige o okay, rada na nangangahulugang kasiyahan, sae na
nangangahulugang kasintahan, sagal na nangangahulugang eksperto, tayap na
nangangahulugang patay, tinga na nangangahulugang walang pera, TD na
nangangahulugang inumin at tow na nangangahulugang kaibigan. Sa wikang
Cebuano ay may pitong (7) salita, ang salitang atubs ay nangangahulugang tuba,
dulag baso ay nangangahulugang inuman, haum na nangangahulugang sakto,
lubi na nangangahulugang puwet, magtama na nangangahulugang mag-inom,
pasingot na nangangahulgang basketbol, yamag na nangangahulugang gamay. Sa
wikang Filipino ay may apat (4) salita, ang salitang arep na nangangahulgang
pera, atabs na nangangahulugang bata, bunso na nangangahulugang bagong tubo
at silup na nangangahulugang pulis. Sa wikang Ingles ay may lima (5) na salita,
ang salitang fuds ay nangangahulugang pagkain, high na nangangahulugang
sabog, joyride na nangangahulugang pasyal, runner na nangangahulugang utusan,
tirip-tirip (trip) na nangangahulugang kasiyahan.. Sa wikang Blaan ay may
isang(1) salita, filak na nangangahulugang pera.

Sa talahanayan 1 at 2 ay ipinakita ang tamang pagbigkas ng mga salita sa


pamamagitan ng transkripsyon, ipinakita din kung saan galing ang mga salita, at
lalong lao na ipinakita sa talahanayan ang kahulugan ng mga salita upang
maintindihan ng mga mambabasa ang bawat salita.

36
Makikita sa talahanayan 3 ang mga magkakatulad na kahulugan ngunit
magkaiba ang mga salitang Jargon na ginamit ng Brgy. Fatima at sa pag-aaral ni
Sucal (2016).

Natuklasan ng mananaliksik na ang Jargon ng mga Sukarap sa Brgy. Fatima


partikyular na sa zone 4 ay gumagamit ng wikang Ingles, wikang Cebuano,
wikang Filipino, mga Likhang Salita at wikang Blaan. Maraming nabuo o nalikha
na mga salita ang mga sukarap. May mga salitang ginamit din ang mga sukarap na
binaliktad mula sa wikang Filipino at Cebuano.

Implikasyong Sosyo-Linggwistik

Sa kasalukuyang panahon tayong mga Pilipino ay likas o nakagawian na


nating makipagtalastasan, makipag-usap, mag bigay ng opinyon sa kapwa,
magpahayag ng damdamin sa iba, magpalitan ng kuro-kuro lalong lalo na ang
makipag sabayan sa ating kapwa. Mahilig din ang mga Pilipino na
makipagsabayan sa anumang patok kasabay ng pagbabago ng panahon. Sa
pagbabagong ito, umusbong ang bagong teknolohiya, sa pamamagitang ito ay
madali nalang sa mga Pilipino na makipagkomunikasyon gamit ang teknolohiyang
ito.

37
KABANATA V

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng buod, konklusyon at


rekomendayson tungkol sa ginawang pag-aaral.

Buod

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pangangalap ng mga Jargon ng mga


sukarap sa Brgy. Fatima Lungsod ng Heneral Santos at maihambing sa nagawang
pag-aaral ni sucal (2016).

Ang mga tiyak na suliranin ng pag-aaral na ito, una ay mangalap ng mga


Jargon at maisalin sa wikang Filipino at mailahad ang tamang pagbigkas ng mga
salita sa pamamagitan ng transkripsyon at mabigay ang kahulugan, pangalawa ay
maihambing ang mga nakalap at naisalin na mga Jargon mula sa Brgy. Fatima sa
pag-aaral ni sucal.

Gumamit ng tuwirang pamamaraan ang mananaliksik sa pangangalap ng


datos sapagkat direktang nakipanayam ang mananaliksik sa mga impormante.

Ang impormante ng mananaliksik ay mga sukarap ng Brgy. Fatima


partikyular na sa zone 4. Lungsod ng Heneral Santos. Nakakalap ng
tatlumpo’tsyam(39) Jargon ng mga sukarap ang mananaliksik.

Batay sa naging resulta ng pananaliksik, natuklasan ng mananaliksik na may


mga kahulugan sa Jargon ng Brgy. Fatima na magkatulad ang kahulugan sa
pag-aaral ni Sucal ngunit magkaiba lamang ang salitang Jargon na ginamit. Ito
ang mga sumusunod: Chuya sa Brgy Fatima, Wafa sa pag-aaral ni Sucal na

38
nangangahulugang maganda. Dak o pakno sa Brgy. Fatima, pakners sa
pag-aaral ni Sucal na nangangahulugang partner. Dulag baso sa Brgy. Fatima,
Shake sa pag-aarl ni Sucal na nangangahulugang inuman. Filak sa Brgy. Fatima,
arepz sa pag-aaral ni Sucal na nagangahulugang pera. ismi o sae sa Brgy. Fatima,
gugma sa pag-aaral ni Sucal na nangangahulugang kasintahan.

Konklusyon:

Batay sa naging resulta ng pag-aaral na ito nakabuo ng konklusyon ang


mananaliksik, ito ang mga sumusunod:

Ang pinagsama-samang Jargon ng mga sukarap sa Brgy. Fatima ay


maihahambing sa pag-aaral ni Sucal, dahil may mga nabuong salita ang mga taga
brgy. Fatima na iba ang ginagamit na salita sa pag-aaral ni Sucal ngunit
magkapareho ang kahulugan nito. Ang mga salitang nabuo ng mga sukarap ay
patuloy na ginagamit dahil na rin ito sa impluwensya ng kanilang grupo. Ang mga
hindi kasapi o hindi kabilang ng pangkat na ito ay maaaring magkaroon ng alitan
dahil sa kanilang mga salita na hindi maintindihan ng hindi kabilang nito. Kung
kaya’t ito ang pinagmumulang ng gulo ng mag kabilang grupo.

Natuklasan din ng mananaliksik na mahilig ang mga sukarap sa pagbabawas,


pagbabaliktad at pagpapaikli ng mga salita na mula sa wikang Cebuano, wikang
Filipino at wikang Ingles. Maituturing rin na malikhain ang mga sukarap dahil sa
mga salitang kanilang mga nabuo at nalikha na syang ginagamit nila sa
pakikipagtalstasan, pakikipagkomunikasyon, pagpapahayag ng kanilang mga
damdamin at pagpapalitan ng kuro-kuro na sila lamang nakakaunawa at
nagkakaintindihan. At patuloy na naiimpluwensyahan ng mga sukarap ang ibang
kabataan sa kanilang mga lugar.

39
Rekomendasyon:

Batay sa naging resulta ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay inrekomenda


ang mga sumusunod:

1. Ang pag-aaral ng Jargon ng mga sukarap ay mas palawakin at isasagawa pa sa


iba pang lugar.

2. Ipagpatuloy ang paghambing ng Jargon ng mga sukarap sa iba pang lugar.

40
BIBLIOGRAPIYA

Mga Aklat:

Belvez, Paz, et al. (2003). Sining at Komunikasyon (Filipino 1) Pangkolehiyo.


856 Daang Nicanor Reyes St. Sampaloc, Manila: Rex BookStore Inc.

Dinglasan, R.D. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila Phil.:


REX Book Store, Inc.
Gabriel, R. S. (2005). Wika Ko: Sining ng Komunikasyon.
Rubin, L. T. (2006). Retorika, Wikang Filipino Sa Sulating Pananaliksik. Quezon
City: Rex Book Store.
Santos, A. L., et al. (2010). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. Iligan
City: MSU-IIT
Santiago, A. O. (2005). Makabagong Bararilang Filipino. Manila City: Rex Book
Store.

Di-Nalathalang Tesis:
Amar, X. A. C. (2016). Jargon ng Online Game na Dota. Mindanao State
University Fatima, General Santaos City.
Bargo, M. (2013). Jargon ng mga Beauty Pageant. Mindanao State University.
Brgy. Fatima Uhaw, General Santos City.
Sucal, Enjoy Melody M. 2016. Jargon ng Mga Sukarap. Poblacion Alabel
Sarangani Province

Tabog, Zenorin. 2014. mga Jargon ng mga Drug adik. Mindanao State University.
Fatima, Uhaw General Santos City.

41
March 09, 2020

HON. RENANTE CURIT

BARANGAY CAPTAIN

Fatima General Santos City

Mahal na G. Curit:

Magandang Buhay!

Isang pagbati sa inyo sir! Ako po si Sunshine Rejoice E. Mier, mag-aaral na kumukuha ng
kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino na nasa ikaapat na taon ay humihingi ng pahintulot na
magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa mga Jargon ng mga sukarap sa Barangay Fatima.

Maraming salamat at umaasa po ako sa inyong positibong pagtugon.

Lubos na gumagalang,

SUNSHINE REJOICE E. MIER

Mag-aaral ng AB Filipino

Itinala nina:

DEBBIE M. CRUSPERO, Ph.D ANGELES V. YSMAEL

Tserman, Departamento ng Filipino Adbayser, Filipino 199

42
43

You might also like