You are on page 1of 105

Republic of the Philippines

Nueva Vizcaya State University


College of Teacher Education
Secondary Education Department

PANANAW HINGGIL SA IMPLUWENSIYA NG WIKANG GENZ SA


KAKAYAHANG MAGPAHAYAG AT UMUNAWA NG PILING ESTUDYANTE
NG SENIOR HAYSKUL

Pananaliksik

Bilang pangangailangan sa
FILIPINO 113
Introduksyon sa
Pananaliksik-Wika at
Panitikan (Qualitative
Research in Filipino)

GINES, CATHERINE G.
HILARIO, MARIANNE L.
TUMACDER, DANICA HANNAH MAE L.
VALDEZ, MAUREEN FE V.

Mga Mananaliksik

Hunyo, 2022

i
Republika ng Pilipinas
Nueva Vizcaya State
University
Departmento ng Sekundarya
Kolehiyo ng Pampagtuturo

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pamanahong pananaliksik na pinamagatang “PANANAW

HINGGIL SA IMPLUWENSIYA NG WIKANG GENZ SA KAKAYAHANG

MAGPAHAYAG AT UMUNAWA NG PILING ESTUDYANTE NG SENIOR

HAYSKUL” ay ginawa at pinagtibay bilang pagkumpleto ng mga kailangan para sa

asignaturang Introduksiyon sa Pananaliksik (wika at panitikan). Inihanda at iniharap ng

mga mananaliksik ng unang pangkat ng seksiyon BSED 3B mula sa Batsilyer ng

Sekundarya sa Edukasyon na binuo nina:

FERMILA D. CAUILAN, MAT


Tagapayo

Mga Mananaliksik

DANICA HANNAH MAE L. TUMACDER CATHERINE G. GINES

MARIANNE L. HILARIO MAUREEN FE V. VALDEZ

Mga Taga-suri

MERCY B. BIMUYACO, MAT DENNY B. JAMIL,


MAT
Kasapi Kasapi

JOEY M. VILLANUEVA, Ph.D


Punong Taga-suri

Pagsang-ayon

ii
GAIL G. GUMILET, ED.D SANNY J. DANGIS, Ph.D
Pinuno ng Departamento Dekano

DAHON NG PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay buong pusong iniaalay sa aming mga minamahal na

pamilya, na aming pinagmumulan ng inspirasyon at lakas sa buong pananaliksik na ito.

Ang kanilang patuloy na moral, espirituwal, emosyonal, at pinansyal na suporta sa amin

ay nakatulong sa amin na matapos ang pananaliksik na ito.

Iniaalay namin ang pananaliksik na ito sa mga kabataang napapabilang sa GenZ

na nagsilbing dahilan upang maisakatuparan ang aming pag-aaral.

Higit pa rito, iniaalay din namin ang pananaliksik na ito sa Makapangyarihang

Diyos, para sa kanyang patnubay, kapangyarihan, at proteksyon at para sa pagbibigay sa

amin ng malusog na pangangatawan upang maisagawa ang pananaliksik na ito. Lahat ng

ito.

Iniaalay naming ito sa inyo.

Danica

Catherine

Marianne

Maureen

iii
DAHON NG PASASALAMAT

Nais namin kilalanin at ibigay ang aming mainit na pasasalamat sa mga naging

bahagi ng aming isinagawang pananaliksik. Nang dahil sakanila, mas naging maayos at

maganda ang lumabas na mga resulta.

Sa aming mga tagapayo na sina Fermila D. Cauilan at G. Joey M. Villanueva

na siyang tumulong at ginawang posible ang pananaliksik na ito. Ang kanilang patnubay

at payo ay nagdala sa amin sa lahat ng yugto ng pagsulat ng aming proyekto.

Nais rin naming pasalamatan ang aming tagasuri at mga miyembro para sa

isinagawang pinal na depensa na naging isang kasiya-siyang sandali, at para sa kanilang

napakatalinong komento at mungkahi, salamat sa inyo.

Nais rin naming pasalamatan ang aming pamilya sa kabuuan para sa kanilang

patuloy na suporta at pang-unawa sa panahon ng pagsasagawa ng pananaliksik.

Higit sa lahat, nais naming magbigay ng espesyal na pasasalamat sa Panginoong

Maykapal, sa paggabay sa amin sa lahat ng mga paghihirap na aming naranasan. Kami’y

magtitiwala sa iyo hanggang sa huli.

Danica

Catherine

Marianne

Maureen

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina ng Pamagat i
Pahina ng Pagpapatibay ii
Paghahandog iii
Pasasalamat iv
Talaan ng Nilalaman v-vii
Talaan ng Talahanayan at Grap viii
Talaan ng mga Pigura ix
Abstrak x-xi
Kabanata I. ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO
Panimula 1-5
Paglalahad ng mga Suliranin 5-6
Paglalahad ng Layunin 7
Kahalagahan ng Pag-aaral 7-9
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 9-10
Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral 10-11
Pagpapakahulugan ng mga Termino 11-12

Kabanata II. PAG-AARAL NG MGA KAUGNAY NA PANANALIKSIK


Kaugnay na Pag-aaral at Pananaliksik 13-27

Kabanata III. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik 28-29

Tagatugon ng Pag-aaral 29-30

Lokal ng Pag-aaral 30-31

Kagamitan ng Pag-aaral 31-32

v
Pagsusuri ng mga datos 32-34

Kabanata IV. PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Kasarian 35

Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Edad 36

Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Baitang 37

Mga Tagatugon na Napapabilang sa Henerasyong Z 38

Paggamit ng mga Tagatugon sa Wikang GenZ 38-39

Kadalasang Paggamit ng mga Tagatugon sa Wikang GenZ 39

Implikasyon ng Wikang GenZ sa Kasanayang Panggramatika 40-45

Pagsibol ng Wikang GenZ 45-51

Pakikipanayam 51-74

Kabanata V. BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Buod 75

Konklusyon 76

Rekomendasyon 77-78
TALASANGGUNIAN 79-85

MGA APENDIKS

Liham-pahintulot 86-87

Talatanungan 88-91

UKOL SA MANANALIKSIK 92-95

vi
TALAAN NG TALAHANAYAN AT GRAP

Talahanayan Pahina
Grap 1.1 Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Kasarian 35
Grap 1.2 Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Edad 36
Grap 1.3 Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Baitang 37
Grap 1.4 Mga Tagatugon na Napapabilang sa Henerasyong Z 38
Grap 1.5 Paggamit ng mga Tagatugon sa Wikang GenZ 38
Grap 1.6 Kadalasang Paggamit ng mga Tagatugon sa Wikang GenZ 39
Talahanayan 1 Pananaw at mungkahi ng mga tagatugon sa implikasyon 40
ng wikang genz sa kanilang kasanyan panggramatika 41
Talahanayan 2 Kabuuan at Porsyento ng tugon ng mga tagatugon sa
mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagsibol ng wikang genZ. 45

Talahanayan 3 Paraan at klasipikasyon ng pagkakabuo ng mga salitang GenZ

sa kasalukuyan. 56-59
TALAAN NG MGA PIGURA

Pigura Pahina
1 Ang Paradimo ng Pag-aaral 10
2 Mapa ng Bonfal National High School 31

vii
ABSTRAK
Sinaliksik ng pag-aaral na ito ang pananaw hinggil sa impluwensiya ng wikang

genz sa kakayahang magpahayag at umunawa ng piling estudyante ng senior hayskul.

Nilayon ng pag-aaral na ito na maisa-isa ang iba’t ibang salita sa GenZ, mailarawan ang

karanasan ng mag-aaral na nasa GenZ sa paggamit ng Wikang Genz sa kanilang pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan, masuri ang implikasyon nito sa kasanayang

panggramatika ng mga mag-aaral, masuri ang implikasyon nito sa kasanayang

panggramatika ng mga mag-aaral at matukoy ang impluwensyang may malaking impak

sa pagsibol ng wikang Genz bilang modernong anyo ng balbal na salita.

Gumamit ng deskriptibo-kwalitatibong disenyo ang pag-aaral. Ang mga

tagatugon dito ay ang mga piling estudyante ng senior hayskul. Ang kabuuang bilang ng

mga tagatugon ay tatlumpu’t dalawa (32). Ang mga nakuhang datos sa sarbey na

talatanungan ay siniguro ng mga mananaliksik na ang pag-aanalisa sa mga datos at

impormasyon ay tiyak na tama ang resulta. Batay sa resulta ng pag-aaral, kabilang sa

bagong paraan ng pagbuo ng mga salita ay ang pagbabaligtad, paggamit ng akronim,

pagpapalit pantig, kombinasyon, paglilipat o panghihiram at pagbuo ng ekspresyon.

Karamihan din sa mga tagatugon ay sumasang-ayon sa isang pananaw na ang

pinakaimplikasyon ng wikang GenZ sa kanilang kasanayang panggramatika ay ang

pagkalimot sa paggamit ng mga angkop na salita sa tuwing sila ay susulat ng

akademikong sulatin at nagiging sagabal ito sa kanilang kasanayan sa pagsulat.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral na huwag maging alipin sa mga

viii
makabagong wika at pahalagahan at payabungin ang sariling wika lalong lalo na sa

pagsulat ng mga akademikong sulatin.

Mga Susing Salita: Wikang GenZ, Impluwensiya, Magpahayag, Pananaw

ix
Kabanata I

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Salig sa Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang Pambansa sa

Pilipinas ay Filipino. Samantalang, nililinang, ito’y dapat na payabungin at pagyamanin

pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Gayundin, ayon pa

rin sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XVI, Seksyon 9, na dapat magtatag ang

Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng

iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng

mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at

iba pang mga wika. Samakatwid, ang pagpapayabong at pagpapaunlad ng wikang

Filipino ay dapat na dumadaan sa isang pananaliksik at dapat na mayroong aklat

panggramatika o lingguwistikang batayan upang maituring itong pormal na wika at hindi

bunga lamang ng malikot at malikhaing pag-iisip ng mga tao.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pamela Constantino na Tagalog Pilipino/ Filipino: Do

They Differ sa bisa ng Executive Order No. 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon

noong ika-30 ng Agosto, Kinilala ang Tagalog bilang pundasyon ng pagpapaunlad ng

Wikang Pambansa noong Disyembre 1937. Ang pagkakaroon ng opisyal na wika ng

isang bansa ay maaaring magsilbing tulay sa pagkakaunawaan at matatag na ekonomiya.

Higit pa rito, sinasabi naman ni Dr. Aurora Batnag (Kabayan 2001), dahil ang Pilipinas

ay muktilinggwal at multicultural, nagkakaisa ang mga magkakalayong mga isla na

adhikain ay kinakatawan hindi lamang sa iba't ibang boses ng kabataan, kundi pati na rin

sa maraming tinig iba't ibang rehiyon, gayon din sa lahat ay nasa iisang midyum, ang

1
wikang Filipino. Ang resulta, Hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagsisikap na

baguhin ang katayuan ng lipunan ng bansa. Ang wika ng isang bansa, ay hindi rin

maaaring baguhin, o kalimutan dahil nagkaroon ito ng makabuluhang epekto noon

magpasahanggang ngayon.

Ang wika ay dinamiko at patuloy na nagbabago na sumasabay sa mabilis na

pagdaan ng panahon. Hindi maitatangging mayroong mga wikang namamatay at

nababaon sa limot marahil dahil sa wala na gaanong gumagamit nito at hindi napauunlad.

Hindi rin maitatangging marami nang mga salita sa wikang Filipino ang naibaon na natin

sa limot, o kung hindi naman ay hindi na nauunawaan ng iba ang mga salitang ito dahil

na rin sa lalim at komplikadong baybay nito katulad halimbawa ng salitang Marahuyo na

ang ibig sabihin ay mabighani o maakit at Hiraya Manawaro na may kahulugang “sana”

matupad o mangyari. Subalit dahil sa komplikadong bigkat at baybay ng mga ito ay

madalas pinipili na lamang ng mga tao ang mas madaling bigkas nito. Mayroon din

namang mga salitang bumabalik subalit sa makabagong panahon ay nagbabago na ang

kahulugan at baybay nito. Umuusbong ang mga ganitong salita sapagkat kasabay ng

modernisadong panahon ay ang paglaganap ng GenZ. Sila ang nagpapalaganap ng mga

makabagong balbal na salita at binibihisan ng bagong anyo ang Wikang Filipino.

Ang Generation Z (aka Gen Z, iGen, o centennials), ay tumutukoy sa henerasyong

isinilang sa pagitan ng taong 1997-2012, kasunod ng mga millennial. Ang henerasyong

ito ay lumaki sa kasagsagan ng paglago sa paggamit ng internet at sosyal midya

(Meola,2021). Sa pagbabago ng henerasyon ay tila dumarami na rin ang pagbabago sa

pagbabaybay sa mga salitang ginagamit.

2
Habang lumalaki ang bansa, nagbabago rin ang henerasyon; marami na ang

nagbago sa paglipas ng panahon, partikular sa mga tuntunin ng wika. Ang ebolusyon ng

kontemporaryong terminolohiya ay nagpapatuloy, mula sa “jejemon” hanggang sa

umunlad at umusbong ang “bekimon” o beki language at nagpatuloy pa ang pag-unlad ng

ganitong wika kaya naman nabuo ang Wikang GenZ na binuo ng GenZ.

Salig sa pananaliksik ni (Nada, 2007), dahil sa mabilis na paglaganap ng mga

“slang” na salita ay maaari na itong tanggapin bilang istandard na wika. Patuloy na

lumalaganap ang mga ganitong salita bunsod na rin ng mga pagbabagong nagaganap sa

lipunan at sa midya at maging sa mga paglalakbay. Palasak ang mga uri ng ganitong

salita sa midya. Dahil sa bilis ng paglaganap nito ay maihahalintulad ito sa virus na

kumakalat at lumilikha ng polusyon sa isipan ng mga kabataang mag-aaral. Ang salitang

balbal ay madalas na ginagamit din ng mga edukadong tao na naging dahilan upang

masundan at magamit din ng mas nakababatang mga indibidwal at maging sa mga

nakaririnig nito.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Pananaw Hinggil sa Impluwensiya ng

Wikang GenZ sa Kakayahang Magpahayag at Umunawa ng Piling Estudyante ng Senior

Hayskul. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito sapagkat kanilang

napapansin na lubhang malaki ang impluwensiya ng Wikang GenZ sa mga kabataang

GenZ sa kanilang kakayahang magpahayag at umunawa. Marahil bunsod ito ng madalas

na pagkababad ng mga kabataan sa Social Media o Social Networking Sites na higit na

nakaiimpluwensiya sa pagbabago ng paraan ng pagsasalita ng mga kabataan sapagkat

bawat araw ay mayroong lumilitaw na mga salita na nakapagmomodernisa ng Wikang

Filipino katulad halimbawa ng salitang Morena na ngayon ay may katawagang Chubabe

3
at ang salitang Guwapo na ang tawag ng mga GenZers ay Chupapi. Napansin ng mga

mananaliksik na mas kinawiwilihan pa ng mga kabataan ngayon ang paggamit ng mga

ganitong balbal na salita ng Wikang GenZ dahil sa hindi maitatangging preskong

pagbigkas nito. Samakatwid, hindi na gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga kabataan

ang orihinal na anyo ng Wikang Filipino maaaring bunsod sa pagbabago ng kanilang

henerasyon at maaaring mas mahirap itong bigkasin kaysa sa bagong anyo nito. Nais din

malaman ng mananaliksik kung indikasyon ba ito ng patuloy na pag-unlad ng wikang

Filipino o maaaring ito na ang pasimula ng unti-unting paglaho ng nakagisnang orihinal

na anyo ng mga salita.

Dahil dito, ninais ng mga mananaliksik na malaman ang Pananaw Hinggil sa

Impluwensiya ng Wikang GenZ sa Kakayahang Magpahayag at Umunawa ng Piling

Estudyante ng Senior Hayskul.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay gagawin ng mga mag-aaral ng kursong Batsilyer ng

Pansekundaryang Edukasyon na nasa ikatlong taon na nagpapakadalubhasa sa Filipino.

Ito ay nakasentro sa Pananaw Hinggil sa Impluwensiya ng Wikang GenZ sa Kakayahang

Magpahayag at Umunawa ng Piling Estudyante ng Senior Hayskul.

Ispesipikong tutugunan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang propayl ng mga piling estudyante ng Senior Hayskul ayon sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Baitang

4
2. Ano-ano ang mga klasipikasyon ng Wikang GenZ ang madalas na

ginagamit ng piling estudyante ng Senior Hayskul?

3. Ano-ano ang pananaw ng piling estudyante sa Senior Hayskul sa Wikang

GenZ?

4. Ano ang impluwensiya ng Wikang GenZ sa kakayahang magpahayag ng

piling estudyante sa Senior Hayskul?

5. Ano ang impluwensiya ng Wikang GenZ sa kakayahang umunawa ng

piling estudyante sa Senior Hayskul?

Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ng pansin ang mga sumusunod

na layunin:

Maisa-isa ang mga iba’t ibang salita sa Gen Z. Mailarawan ang karanasan ng

mag-aaral na nasa Henerasyong Z sa paggamit ng Wikang Genz sa kanilang pang-araw-

araw na pakikipagtalastasan. Gayundin, masuri ang implikasyon nito sa kasanayang

panggramatika ng mga mag-aaral. At matukoy ang impluwensyang may malaking impak

sa pagsibol ng wikang Genz bilang modernong anyo ng balbal na salita.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inaasahang magiging mahalaga sa mga sumusunod:

5
Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang

malaman kung ano ang maaaring implikasyon ng Wikang GenZ sa orihinal na anyo ng

wikang Filipino. Mauunawan nila ang mga responsableng paraan sa paggamit ng bawat

salita sa paglalabas ng saloobin nila sa social media. Mahalaga rin sa kanila ang

pananaliksik na ito upang malaman nila kung anong wika ba ang dapat nilang paunlarin

at payabungin. Gayundin, nang malaman nila na sa bawat paggamit at pagtangkilik nila

ng ibang wika ay unti-unting nawawala ang kakanyahan ng Wikang Filipino at bumababa

din ang antas ng kanilang kasanayang panggramatika sa wikang Filipino, dahilan upang

huwag nang magpakadalubhasa sa pagpapaunlad ng ating wika.

Mga Guro. Mahalaga din ang pananaliksik na ito sa mga guro upang matulungan nila

ang mga mag-aaral sa pagpapahalaga sa ating wika at upang mapigilan ang mga mag-

aaral na huwag ipakain sa sistema ng wikang genz ang kinagisnang wika. Malalaman nila

kung paanong paraan ang angkop na gamitin sa pagtuturo sa kabila ng pag usbong ng

mga balbal na salita. Makapagbibigay pamulat din sa mga guro upang matagumpay na

makapagbigay ng isang kalidad na edukasyon.

Administrasyon ng Paaralan. Makatutulong din ang pag-aaral na ito upang mabigyan

din nila ang mga guro ng epektibong estratehiya sa pagpapaunlad ng Wika kaysa sa mga

bagong umuusbong na impormal na wika.

Iba Pang Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang maging lunsaran sa

pangangalap ng datos na may kaugnayan sa kanilang isinasagawang pananaliksik.

6
Sa Mga Susunod na Henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang balikan. Ito ay

magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa mga hamon at implikasyon ng wikang genz sa

kasanayang panggramatika ng mga mag-aaral. Gayundin, sa kanila nakasalalay ang

ikauunlad ng ating wika sapagkat dapat nilang malaman na kinakailangang mataas ang

antas ng kasanayang panggramatika ng mga kabataan dahil ito ang makapagsasabi ng

ating pagkakakilanlan at kabihasaan sa ating wika.

Saklaw at Delimitasyon

Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang

implikasyon ng wikang Genz sa kasanayang panggramatika sa mga piling mag-aaral sa

sekundarya ng Bonfal National High School. May mga tuntunin sa paggamit ng wika at

sa pag-aaral nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang. Ang dahilan nito ay

upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito.

Sa pagbibigay ng kalutasan sa suliranin na nais bigyan ng tiyak na solusyon. Ang

mga mananaliksik ay nagpokus lamang sa mga piling mag-aaral ng Bonfal National High

School na nabibilang sa Henerasyong Z at malimit na gumagamit ng Wikang GenZ.

Malayunin ang pagpili ng mga tagatugon. Gumamit ang mga mananaliksik ng purposive

sampling sa pagpili ng mga tagatugon. Isinagawa ang pananaliksik na ito sa taong-aralan

2021-2022. Ang pagtitipon ng mga kinakailangan na datos ay isinagawa sa Senior High

School ng Bonfal National High School Bayombong, Nueva Vizcaya.

7
Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral
Pinagkunan nasabing talatanungan Kinalabasan
sa mga piling mag-
aaral ng Senior High
School ng Bonfal
National
High School upang
Propayl ng mga makalap ang mga
Inaasahan ng mga
tagatugon datos hinggil sa
mananaliksik sa
paksang sinaliksik.
Ano ang propayl ng pagaaral na ito na
Sinundan ito ng harap-
mga estudyante ayon matukoy ang
harapan at birtwal na
sa: implikasyon ng
panayam sa mga
Wikang GenZ sa
kalahok upang
1.1 Edad kasanayang
malaman ang kanilang
1.2 Kasarian panggramatika sa
pananaw hinggil sa
1.3 Baitang makabagong
impluwensiya ng
panahon, upang ang
Wikang GenZ sa
wikang
kakayahang
Filipino ay patuloy na
magpahayag at
mapagyaman ng mga
umunawa. Pagkatapos
Pamamaraan kasalakuyan at mga
ay binigyang
susunod pang
interpretasyon at sinuri
henerasyon.
ang mga tugon. .

Ang mga mananaliksik


ay namahagi ng mga

Pigura 1. Ang Paradimo ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Input-process-output bilang basehan ng

pag-aaral. Sa balangkas na ito inilarawan na ang gampanin ng mga mananaliksik ay

mabigyan ng sapat na pagkukunan ng datos upang higit na malaman ang Pananaw

Hinggil sa Impluwensiya ng Wikang GenZ sa Kakayahang Magpahayag at Umunawa ng

Piling Estudyante ng Senior Hayskul. Ang mga estudyante ang siyang naging panimula

8
kung paano natamo ng mananaliksik ang suliraning kanilang binigyang solusyon. Ang

process frame ay tumalakay sa mga hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ukol sa

pagkalap ng mga datos higgil impluwensiya ng Wikang GenZ sa kakayahang

magpahayag at umunawa ng piling estudyante ng Senior Hayskul. Dahil dito,

mamamahagi ang mga mananaliksik ng talatanungan sa mga piling estudyante ng Senior

High School ng Bonfal National High School at sinundan ito ng isang harap-harapan at

birtwal na pakikipanayam at matapos makalap ang mga datos ay binigyan ang mga ito ng

interpretasyon at sinuri ang kanilang mga naging tugon. Nakasaad naman sa output

frame na mula sa mga nakalap na datos sa pamamagitan ng talatanungan at panayam ay

natukoy na ng mga mananaliksik ang pananaw hinggil sa impluwensiya ng Wikang GenZ

sa kakayahang magpahayag at umunawa ng mga piling estudyante ng senior hayskul at

ang pagpapahalaga sa wikang Filipino upang mapagyaman ng kasalukuyan at mga

susunod pang henerasyon.

Pagpapakahulugan ng mga Mahahalagang Termino

Ang mga terminong ito ay binigyang kahulugan upang mas maunawaan ng mga

mambabasa ang nilalaman ng pananaliksik na ito.

Bonfal National High School- Ito ang paaralan kung saan gaganapin ang pangangalap

ng mga datos sa isasagawang pananaliksik.

Implikasyon- Maaaring ang kinalalabasan o konklusyon na maaaring makuha mula sa

isang bagay bagama't hindi ito tahasang isinasaad.

9
Mag-aaral- Ito ay ang mga taong matatagpuan sa paaralan na handang matuto ng bagong

kaalaman at hubugin ang mga kakayahan gamit ang mga natututunan sa mga guro. Sila

rin ang magiging respondente sa gagawing pananaliksik na ito.

Panggramatika- Ito ay anumang bagay na may kinalaman sa mga pangungusap, bantas,

o mga tamang paraan ng pagsulat o pagsasalita ng isang wika.

Wikang GenZ- Ito ang wikang ginagamit at pinausbong ng mga kabataang ipinanganak

sa pagitan ng taong 1997 hanggang sa kasalukuyan na binigyang pagkakakilanlan sa

katawagang henerasyon Z o GenZers.

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

10
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa

pagsasaliksik na may patungkol sa “Wikang Genz; Implikasyon sa Kasanayang

Panggramatika ng mga Mag-aaral sa Bonfal National High School, Bayombong Nueva

Vizcaya.” Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyong makakatulong sa paggawa ng

panukalang pananalisik na ito.

Ang generation z ay ang mga taong ipinanganak noong 1995 hanggang sa

kasalukuyan kung saan ay sinasabing iba ang henerasyong ito kaysa sa ibang henerasyon

kahit sa millennials. Masasabing sila ay mayroong pinakabukas na isipan at natural na

dalubhasa na sa paggamit ng teknolohiya. (Duncan, 2012).

Ayon naman kay Schwieger (2018) hango sa pagpapakahulugan nina (Merriman,

2015; Williams, Page, Petrosky &, Hernandez; 2010). na kung pag-uusapan ang

makabagong henerasyong ipinanganak sa pagitan ng 1996 hanggang 2012, tinutukoy nito

ang Generation Z bilang Tweens, Baby Boomers, The Founders, Plurals, Homeland

Generation, Generation 9/11, iGeneration at Post-Millennials Paliwanag pa nila, ang Gen

Z ay ipinanganak kasabay ng makabagong teknolohiya gayunpaman, ang antas kung saan

ang teknolohiya ay isinama sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay hindi katulad ng

anumang naunang henerasyon. Hindi maitatangging ang henerasyong z ay mayroong

pinakabukas na isipan at natural na dalubhasa na sa paggamit ng teknolohiya lalong lalo

na sa larangan ng electronic media o social media.

Ayon naman kina Gime at Macascas (2020), dahil sa modernisadong panahon,

tila dumadami na ang sumisibol na slang na siyang ginamit, pinasikat, napalitan, at

nagbagongbihis. Sa katunayan ay isa ang wikang generation z sa mga umuusbong na

11
bagong slang. Ayon sa mananaliksik, ang GenZers ay grupo ng kabataan na isinilang sa

pagitan ng 1990 hanggang 2000. Samantala, naglalarawan naman ng sosyolohikal na

kaligiran sa paggamit ng wika na umiiral lamang sa kanila ang paggamit ng GenZers sa

salita. Malaki ang ambag ng wikang Generation Z (WikaGenZ) sa kasalukuyang

panahon, mula sa malawak na transpormasyon na nagaganap sa kanilang panahon bunsod

na rin ng pag-unlad ng teknolohiya at impluwensya ng online platforms gaya na lamang

ng social media (socmed).

Saligan pa rin sa resulta ng pag-aaral nina Gime at Macasas (2020), malinaw na

palasak pa rin sa mga kabataan ang pagbabaligtad o pagpapalit ng posisyon ng pantig

upang makabuo ng bagong salita. Bagaman hindi na bago ang pamamaraang ito sapagkat

nabakas na rin ito sa panahon ni Gregorio del Pilar na may sagisag na Plaridel. Maging

ang umusong awitin na pinamagatang “Nosi Ba Lasi?” na may orihinal na anyong “Sino

Ba Sila?”. Ani nila, sadya raw itong ginagawa ng mga kabataan upang sila ay maging

kakaiba. Ang ilan nga sa mga salitang muling binigyang bagong anyo ng mga GenZers

ay ang mga salitang aport na mayroong anyo sa slang na tropa at orihinal na anyo sa

wikang Filipino na barkada. Gayundin ang mga salitang petmalu na malupet na slang at

malupit sa wikang Filipino. Hindi maikakaila na magkakalapit ang mga bagong salita sa

lumang anyo nito, ang kaibahan lamang ay patuloy na pinauunlad ng mga GenZers ang

kanilang wika. Ang ganitong porma ng ay sinundan ng mga GenZers nang maitago ang

tunay na kahulugan ng isang salita at maipamalakas ang malikhaing pagkakalikha nito.

Ayon pa rin kina Gimme at Macasas (2020), napag-alaman nila na hindi lamang

binibihisan ng bagong anyo ang mga lumang salita kundi ay mahilig rin ang mga

12
GenZers na gumamit ng mga pangalang tanyag o personalidad upang iugnay sa kanilang

mga salita.

Sinundan ng GenZers ang ganitong konsepto dahil na rin sa malaking impluwensya ng

Beki Language o Gaylinggo kung tawagin. Kung kaya, hindi na bago ang ganitong anyo,

ang kaibahan lamang ay mas nagiging malikhain ang mga GenZers at dinaragdagan nila

ang mga personalidad na maaari nilang maiayon o maiugnay sa kanilang wika. Katulad

na lamang ng Dutetards na may kahulugang tagapagtanggol ni Duterte at ang Leila de

Lima na may kahulugan sa GenZers na Bisexual o Bakla.

Buhat sa pag-aaral ni Gimme at Macasas (2020), kakikitaan ang GenZers bilang

isang malikhaing mga indibidwal pagdating sa pagbuo ng bagong banghay o pagbabago

ng ispeling ng mga salita sa pamamagitan ng pag-iimbento, paglalaro ng mga salita at

metatesis na halos nagaganap sa mga salitang slang. Masasabing ang ganitong

pagpapaunlad ng mga kabataang GenZ sa wikang Filipino ay walang tiyak na

sinusundang lingguwistikang porma na mababasa sa mga aklat panggramatika o

tuntuning panggramatika. Nabubuo lamang ito dahil sa malikot at malikhaing paraan sa

pamamagitan ng mga pantig sa orihinal na salita tulad na lamang ng salitang “kaya” sa

anyong Filipino na binago ang pantig kaya nakabuo ng salitang “keri”. Narito rin ang

salitang “ano ba” na may katumbas sa Wikang GenZ na “enebe”. Masasabing sa ganitong

paraan sa higit na nakaimpluwensya ang Gaylinggo sa pagbuo ng Wikang GenZ.

Karaniwang ginagamit na ponema sa pagbuo ng kanilang mga salita ay ang mga

ponemang /h/, /s/, /c/, at /q/, at gayundin naman sa pagpapalitan ng mga patinig na /a/, /e/,

/i/, /o/, at /u/.

13
Palasak din sa mga GenZers ang pagaabbreviate ng mga salita sa parirala na

katulad na lamang ng nevermind na nagiging NVM, ang to be honest na pinaikli at

nagging TBH, gayundin ang share mo lang na may akronim na SML.

Naiimpluwensiyahan din ng wikang

Ingles ang pagbuo ng wikang GenZ, kadalasan itong ginagamit ng GenZers sa sintaks sa

Filipino na tila halaw sa konyo. Nabubuo ang ganitong paraan ng pagsasalita ng mga

GenZers sapagkat sila ang kadalasang nakalantad sa makabagong teknolohiya, partikular

na sa social media. Sa pamamagitan ng pagsasaakronim ng mga parirala o salita ay higit

na napapadali ang pakikipag-interaksyon ng mga kabataan sa text o sa chat. Nakita rin ni

Sandoval (2012) sa kaniyang pag-aaral ng eFil sa internet ang paggamit ng akronim o

pagdadaglat partikular sa komunikasyon sa internet. Ganito rin ang larawan ng slang sa

isinigawang pag-aaral ni Trimastuti (2017) ng Politeknik Piksi Ganesha Bandung

matapos niyang suriin ang mga post sa social media ng mga kabataan sa Indonesia.

(Gimme at Macasas, 2020)

Samantala, nakita rin ni Concepcion (2012) na higit ang pangangailangan ng

isang mabilisang anyo ng pakikipagkomunikasyon at ang kalalabasan nito ay ang

pagpapaikli o pagpili ng mga bagong maka-Filipinong salita, gayundin ang paglalagay ng

makabagong kahulgan katulad na lamang ng maraming mga ordinaryong salita sa

wikang Filipino ang nabihisan ng panibagong kahulugan halimbawa na dito ang salitang

“asim” na may bagong kahulugang paghabol sa kalaban gayundin ang pagbabago sa

salitang bobo o tanga na ginawang “ampness” . Ang ganitong porma ay nakita rin ni

Pradianti (2013) sa resulta ng kaniyang pananaliksik sa Bandung, Indonesia na maiaayon

14
niya sa salitang clipping ni (Yule, 2010) Ang clipping ay nagaganap kung ang isang salita

nang higit sa isang pantig ay pinaikli sa mas maikli pang anyo.

Lumalabas naman sa pag-aaral ni Jonalyn Albay (2016) na napakahalaga ng papel

na ginagampanan ng ating wika noon at maging sa kasalukuyan. Wika ang siyang tulay

natin tungo sa kapayapaan ng bansa at at malaya rin ang mga Pilipinong maipahatid ang

kanilang mga saloobin at kaisipan. Samakatwid, wikang Filipino lamang ang susi tungo

sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na ekonomiya ng

Pilipinas. Nagpapatuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng wikang Filipino bunsod na

rin ng modernisasyon at pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya.

Binigyang pansin din ni Miclat, M (2015) sa kaniyang artikulong pinamagatang

“Ang Kalagayan sa Panahon Ngayon” na hindi lamang sa dekadang ito sumulpot ang

problema ng pambansang wika o lingua franca kundi ay noong panahon pa nina

Pangulong Quezon sa ilalim ng pamahalaang Commonwealth kalahating siglo na ang

nakakaraan ay malimit nang pinag-uusapan ito kahit noong mahigit apat na raang taon

na. Ang isa sa mga nakikitang salik na siyang ugat ng samo’t saring suliranin patungkol

sa wika ay ang pagsibol ng mga makabagong salita na kung minsan ay nagiging resulta

ng hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Kagaya na lamang ng wikang jejemon, beki

language at marami pang ibang nagsusulputan na nagiging kadahilanan ng mga

pagbabago sa orihinal na termino at kahulugan nito.

Sinasabi ni Ocampo (2013), na ang mga salitang balbal o slang ay hindi

maitatangging bahagi na ng bokabularyong Filipino na tinutugunan ang pangangailangan

ng lipunan. Halaw naman sa pananaliksik nina (Estanislao et al., 2018), lumalabas na ang

mga wikang ito ay pampersonal lamang na pakikipagkomunikasyon na malimit tawaging


15
“salitang kalye”. Samantala, ayon naman kina (Quia et al., 2018), sinasabi nilang ang

mga salitang balbal ay walang pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo sa lipunan. Lipunan na siyang lubhang nanghimok sa kabataan

na sanaying bigkasin ang mga salitang ito tulad na lamang ng lipunang social media, ito

ay maituturing na lipunang digital na nabibigyan ng pagkakataon ang sinumang

makilahok sa anumang paksa o usaping pinag-uusapan.

Ayon kay Rahmawaty (2012), ang mga salitang slang ay umusbong bilang isang

bokabularyo na ginagamit lamang ng isang partikular na pangkat sa lipunan at mayroon

itong tiyak na layunin, halimbawa, ginagamit ito bilang isang instrumento upang maging

pamilyar ang tao sa isang usapan. Ang balbal ay sumibol sa anyo ng mga bagong salita

na may bagong kahulugan o mga lumang salita na binihisan ng bagong anyo. Habang ang

mga tagapagtaguyod ng mga salitang balbal ay maaaring sabihing ito ay isang nauusong

transpormasiyon lamang ng wika. Samantala, itinuturing naman ito ni Chad Dion

Lassiter, propesor ng race relations sa Unibersidad ng Pennsylvania, bilang isang

pagwawalang bahala sa kultura. Si Lassiter ay nangunguna sa isang programang pang-

akademikong pagtuturo para sa mga mag-aaral sa syudad ng Philadelphia at sa kaniyang

pagtuturo ay tila napuna niya ang "sirang antas ng komunikasyon." Sinuri niya ang

kanilang kasanayan sa pagsusulat at ang napansin niyang mayroong miscommunication

dahil sa hindi maitatangging napakalimitado ng kanilang komunikasyon. Ani niya, ang

problema ay ang mga matatanda. Dapat nating sanayin ang mga matatanda na

makipagtulungan sa mga tinedyer at panagutin sila hinggil sa mahihirap na salita at

kasanayan sa pagsulat na kanilang naobserbahan sa araw-araw. Ang isang pag-aaral sa

Communication Research ay nagbigay ng ebidensiya na ang madalas na paggamit ng

16
slang ay negatibong nakakaapekto sa pormal na pagsulat at pang-araw-araw na

komunikasyon.

Ayon pa nga kay (Nada, 2007), dahil sa mabilis na paglaganap ng mga islang na

salita ay maaari na itong tanggapin bilang istandard na wika. Patuloy na lumalaganap ang

mga ganitong salota bunsod na rin ng mga pagbabagong nagaganap sa lipunan at sa

media at maging sa mga paglalakbay. Palasak ang mga uri ng ganitong salita sa media.

Dahil sa bilis ng paglaganap nito ay maihahalintulad ito sa isang virus na kumakalat at

lumilikha ng polusyon sa isipan ng mga kabataang mag-aaral. Ang salitang balbal ay

madalas na ginagamit din ng mga edukadong tao na naging dahilan upang masundan at

magamit din ng mas nakababatang mga indibidwal at maging sa mga nakaririnig nito.

Isiniwalat din ni (Balazo, 2000) na sinisira ng wikang balbal o slang ang imahe at

orihinal na anyo ng wikang Filipino sapagkat dumadami ang ganitong mga salita at mas

pinagyayaman pa ito lalo ng mga kabataan kaysa sa sarili nating wika. Ani niya, hindi ito

maganda sa pandinig lalo na sa mga manunulat at nagpapakadalubhasa sa wikang

Filipino. Ang balbal ay napakasagwang pakinggan sa pandinig ng iba. Mayroong mga

salitang nakakabastos sapagkat sa halip na tatay ang itawag ay erpat ang itinatawag sa

kanilang Ama, gayundin sa ilaw ng tahanan na sa halip na nanay ay ermat ang itinatawag.

Sa naging pahayag nina (Bautista at Kazuhiro, 2009), maituturing nila ang mga

salitang balbal bilang nakapanghihikayat lalo na sa mga kabataang nagsisipag-aral pa. Sa

pananaw ng ibang tao, ang paggamit ng mga salitang ito ay hindi kaaya-aya sapagkat

nagdadala lamang ito ng masamang epekto sa mga mag-aaral na huwag nang pagtuunan

ng pansin at pag-aralan ang wikang Filipino.

17
Ayon pa nga kay (Boeree, 2003) ipinag-uugnay ng wika ang nakaraan,

kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.

Ngunit sa paglipas ng maraming taon ay unti-unti na itong nagbabago dulot ng mga

makabagong panahon at henerasyon. Dahan-dahan nilang binabago ang mga salita na

nakaugalian ng mga tao noon sa pamamagitan ng pagpapalit nito at unti-unti nilang

nakakalimutan ang tunay na pinanggalingan ng wika.

Saligan sa pahayagan ni Glance, D. (2015) na may pamagat na The Conversation,

nauukol ang kaniyang naging pahayag tungkol sa pagkakaroon ng makabagong

pananalita na may sariling kahulugan ang mga tanyag na bagay at kaganapan ng Google

na kung saan ay binago na ang pahayag na “sstalkin kita” at may bagong anyong “igo-

google kita”. Ibig sabihin lamang nito ay maghahanap ng impormasyon ang isang tao

ukol sa isang tao. Bagaman hindi direktang sinasabi na maghahanap ng impormasyon

ukol sa isang tao ay likas na naiintindihan ang pahayag dahil na rin sa kasikatan ng

salitang ginamit, kaya’t alam ang gamit nito sa konteksto ng pananalita. Idinagdag pa

niya na noon pa man ay nangyayari na ang ganitong mga pangyayari, subalit sa tulong na

rin ng makabagong teknolohiya ay sumasabay rin ang mabilis na pagbabago ng ating

pag-iisip at nababago rin natin ang wika.

Ayon kay Davies, S. (2016), maraming mga salita na nabubuo at sumisikat sa

social media tulad ng “hashtag” at “photobomb”. Bukod sa pagbubuo ng mga

makabagong salita ang social media ay nagdudulot rin ng pagbabago sa kahulugan ng

mga makabagong salita.

18
Saligan sa pag-aaral ni (Boeree, 2003), mayroong pagkaka-ugnay ang wika sa

nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Kasabay ng pag-iingat nito sa ating kultura at mga

tradisyon. Subalit dahil na rin sa mabilis na pagbabago ng panahon at ang malinaw na

pagkakaiba-iba ng mga henerasyon sa bawat panahon ay malinaw rin na unti-unti nilang

binabago ang mga salita na nakaugalian na ng mga tao noon at sa pamamagitan ng

pagpapalit ng anyo nito at malinaw rin na nakakalimutan na nila ang tunay na

pinanggalingan ng wika.

Sinasabi naman ni (Mendoza, 2003), na makapangyarihan ang wika, ito ay

patuloy na tinatangkilik ng mga tao kaya naman halos karamihan sa mga indibidwal ay

madaling naiimpluwensiyahan ng wika, isa na rito ang paggamit ng mga salitang balbal.

Dahil sa madalas na paggamit ng salitang balbal ay unti-unting nakakalimutan at

naglalaho sa isipan ng mga kabataan ang wikang Filipino at dahil sa impluwensiya na

siyang nakapaligid sa bawat tao ay naging piligroso na ang wikang Filipino, dahan-dahan

na itong napapalitan at nagbabago.

Isinasaad sa isang pahayagan ng BBC News na malaki ang epekto ng Internet sa

paglaganap ng makabagong uri ng wika tulad ng “internet slang”. Halimbawa na rito ang

mga “memes” kung saan ito ay tinatangkilik ng masa na dumarating sa punto na

karamihan ay nakaiintindi nito at ginagamit sa araw-araw na pamumuhay upang gamitin

bilang pang komunikasyon. Ayon kay Kleinman, Z. (2010), sapagkat ang wika ay

patuloy na nagbabago at umuusbong, ang Internet ang nagpapabilis ng proseso nito.

Ayon kay Marivich Apigo (2016), maraming wika sa Pilipinas at ito ay

kailangang bigyan ng malaking kahalagahan. Ito ay pambansang kapangyarihan sa iba.

19
Ang lahat ng mga wika ng bansa ay dapat na pareho sa pagpapaunlad at pagpapanatili, sa

kabila ng katotohanan na maraming kultura at wika ang pumapasok sa Pilipinas mula sa

ibang mga bansa.

Hirap pa rin ang karamihan sa kabataan na matutuhan at salitain ang wikang

Filipino kahit pa taunang ipinagdidiriwang ang Buwan ng Wika sa mga paaralan. Kung

ang rason ukol dito ay babagtasin, mababanaag na nag-uugali ito sa maagang pagtuturo

ng mga magulang ng wikang Ingles sa kanilang mga anak. Mas pansin ang ganitong mga

pangyayari sa mga mayayaman na pamilya. (Cagatin, 2002)

Ayon kay (Morong, 2009) ang mga kabataan ang siyang lumikha ng ganitong

anyo ng wika, sa kanilang antas ito laganap. Bunga ito ng impluwensya ng

pangkapaligiran katulad ng palengke, sinehan, telebisyon at iba pa. Ang mga salita ay

dumadaan sa iba`t ibang proseso bago ito matawag na salitang balbal. Ilan sa mga

prosesong ito ay ang mga sumusunod: una ay ang paghango sa wikang katutubo,

pangalawa ay ang paghiram ng wikang banyaga at marami pang iba.

Saligan sa pag-aaral ni (Syque, 2010) na may pamagat na “Individuation Theory”,

isiniwalat niya dito na tila unti-unting nawawala ang mga nakasanayan at nakaugaliang

mga salita sa wikang Filipino bunsod ng unti-unti ring pagbuo ng mga bagong salita o

mas kilala sa tawag na salitang balbal ng bawat indibidwal. Dagdag pa niya, ang pagbuo

ng mga bagong salit ng bawat indibidwal ay nakapagdudulot ng masamang epekto sa

wikang Filipino, sapagkat unti-unti nilang binabago ang imahe o anyo ng Wikang

Filipino, untiunti nilang winawasak ang ating wikang Pambansa na siyang maaari na ring

20
maging dahilan sa paglaho o pagkamatay nito kung patuloy nating paiirakin at

tatangkilikin ang paggamit ng mga makabagong salita.

Habang ayon kina (Muharotuyo & Wijaya, 2014), naniniwala sila na ang salitang

balbal ay mayroong masamang epekto sa pakikipagkomunikasyon. Karamihan sa mga

taong ito ay yung mga taong mabababa ang antas, hindi nila alam ang paggamit ng mga

salitang ito na kung minsan ay nagkakamali pa sila sa paggamit dito na siyang

kadahilanan sa hindi nila pagkakaintindihan.

Ayon naman kay (J. Lee, 2015), itinuro niya sa kaniyang pag-aaral ang tamang

paglikha o pagbuo ng mga salita at pangungusap. Inilahad niya na sa pagbuo o paglikha

ng mga salita at pangungusap ay kinakailangang isaalang-alang ang kawastuhan nito,

kinakailangan ding may maayos na deliberasyon sa mga terminolohiya ng mga

pangungusap upang ang pagsasalita nito ay magiging maayos pagdating sa larangan ng

pakikipag-komunikasyon. Kinakailangan na sa pagbuo ng mga salita ay magiging

maayos ito nang sa ganun ay walang mangyari na maling interpretasyon sa mga salitang

iyong pinalalabas.

Sinang-ayunan naman ito ni (Pardianti, 2013). Lumalabas sa kaniyang pag-aaral

na ang kadalasang gumagamit ng mga salitang balbal ay ang mga mag-aaral sa

“sekundarya”. Karaniwan nila itong ginagamit sa kanilang pang araw-araw na pag-aaral o

pamumuhay. Lumalabas din na kaya nila natututunan ang pagsasalita ng mga ito ay dahil

na rin sa kanilang mga barkada, o sa kanilang mga nakakasalamuha.

Sa paglaganap ng Wikang Filipino ay kasabay nito ang paglaganap ng

mapagpalayang Sikolohiyang Filipino kung saan pinapaliwanag ang pag-iisip ng mga

21
P/Filipino base sa kanilang oryentasyon at karanasan. Ang pangangailangan upang

pairalin ang kamalayang pagka-makabayan. Ipinaliwanag ang konsepto na hindi kayang

angatan ng ingles ang kapilipinuhan dahil ang mga mamamayan ay may pananaw sa

pagiging Pilipino. Ang kahalagahan ng wikang katutubo at kanilang mga diyalekto ay

nakapaloob dito. (Villaluz, 2013)

Ayon kay Caroll (1964) sa pagbabalangkas na ni Mangyao, R (2016) sa

kaniyang pananaliksik-pael, ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming taon sa bawat

henerasyon ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang pagtitipon

ng mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas

ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Dagdag sa pag-aaral ni (Reyes, 2016),

maituturing ang modernisasyon bilang isang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng wika

sa pamamagitan ng pagbabago o pagsibol ng mga makabagong terminolohiya na mas

magpapadali sa pagbigkas.

Ayon sa isinagawang pagsasaliksik ng GMA News kung saan sinubukan nilang

alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga

lumang salita kagaya ng alimpuyok, papagayo at salakat ay wala sa mga modernong

kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may

isang matanda ang nakakuha naman ng tamang sagot. Ayon sa ulat na ito, masasabi

nating mahirap para sa mga kabataan ngayon ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol

sa wika mula sa ating kasaysayan.

22
Ayon kay Baker at Baker (1993), Ang kasalukuyan at ang hinaharap ang

"ikinukunekta ng wika ang nakaraan." Ang ating kultura at mga tradisyon na iniingatan

nito. Ang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano o adhikain

sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at susunod pang henerasyon ay

natututo o maaring matuto sa hinaharap.

Saligan sa panayam ng ABS-CBN News (2017) kay G. Virgilio Almario,

tagasubaybay sa wikang Filipino, Hindi siya nagiging mahigpit sa pag-usbong ng mga

makabagong salita, sa halip ay sumasang-ayon siya na bunsod ng modernisasyon ay

kinakailangan ng pag-unawa sa mga bagong gamit ng salita upang mas mapabilis ang

pagsagot sa mga text messages ng millennials. Gaya na lamang ng pagaabbreviate ng

mga salitang "BTW" o "by the way" at "OTW" o "on the way." Iginiit pa ni Almario,

wala siyang nakikitang masamang pagbabago sa wika bagkus ay nababahala siyang

lalong hindi maunawaan ng mga susunod na henerasyon kung mananatiling ang

makalumang gamit ng wika ang ating gagamitin. Paliwanag pa niya ay dinamiko ang

wika, araw-araw itong nagbabago at ang pagbabagong nagaganap sa wika ay isang

katotohanang kailangan nating tanggapin at ang mahalaga ay nauunawaan ito ng bawat

isa.

Ayon kay Tenore, M. (2013), sa kaniyang Blog Post, partikular na sa Facebook,

mayroong limang mga nakabubuting dulot ang teknolohiya at social media partikular na

sa Facebook, Twitter at Instagram sa wika. Ang ilan sa kaniyang mga nabanggit ay ang

pagbuo ng mga makabagong salita na may sariling kahulugan na maaaring makapagdulot

ng kabutihan at maayos na daloy ng pakikipag-usap, ang pagkakaroon ng tamang

kaalaman sa tamang pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang mga disiplina

23
upang mabawasan ang anumang kamalian, at ang patuloy na pagpapaalala sa tao na

patuloy na nagbabago ang wika.

Saligan naman sa Oxford Dictionary Blog, isinulat ni Reed, J (2014), isang

screenwriter, awtor, at social media consultant, ang “From unfriend to selfie, social media

is clearly having an impact on language”. Iginigiit niya dito na, karamihan sa mga

salitang balbal ay nakarating na sa Oxford English Dictionary. Sinusuportahan din niya

na malaking impluwensiya ang social media sa wika, sapagkat ito ang nagsisilbing

pangunahing pamamaraan ng komunikasyon sa mga tao sa kasulukuyan. Naipapasa at

nababahagi ang mga nauusong mga salita sa isa’t isa, lalo na kapag ito ay nanggagaling at

sinusuportahan ng mga tanyag na indibidwal at mga artista. Ito ay instrumento ng

pagbabago na nagaganap sa panahon ngayon, na patuloy na nakahahanap ng sari-saring

paraan upang magbago ang wika at ang gamit sa araw-araw na pamumuhay.

May mga tuntuning sinusunod na tinatawag na balarila o gramatika ang bawat

wika. Ang isang mag-aaral kung gayon ay dapat na marunong sa mga tuntuning ito upang

magamit niya nang tama ang wika sa pagpapahayag, pasalita man o pasulat, ang isang

magaaral kung gayon ay dapat na marunong sa mga tuntuning ito sapagkat mahalaga ito

sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ng mag-aaral, kailangan ang paglinang sa

kakayahang panggramatika ng mag-aaral.

Saligan kay Macasmag (2011), kung natututo ang isang bata sa gramatika

nagiging maalam ito. Ang kanyang pahayag ay napapagyaman. Kailangang madalas ang

pakikipagusap, yumayabong ang kaalaman nito. Sa pakikipagkomunikasyon, nasusuri

ang wasto, nasusuri ang gramatika. Nalilinang sa pakikipagtalasasan ang isang mag-aaral

24
sa kaniyang kabihasaan sa gramatika. Dito ay nakikita kung ano ang kanyang natutunan

ukol sa larangan ng kanyang natutunan ukol sa gramatika.

Ang gramatika ang tawag sa agham na tumatalakay sa kanilang ugnayan at mga

salita ayon sa pagpapaliwanag ni Manaol (2014). Ito ang nagsisilbing kaayusan ng salita

o sa pagbuo ng mga pangungusap at ito ang nagsasaayos ng organisasyon ng mga ideya.

Ang gampanin ng gramatika sa pangungusap ay ang wastong pagkakasunod-sunod nito

sa tamang pagpapakahulugan sa bawat ideya, ang nagbibigay diin. Ang gramatika ay

tungkulin sa wastong paggamit ng mga salita at sa kaibahan ng tama sa maling

pangungusap upang maging wasto at malinaw ang paggamit ng mga salita at sa kaibahan

ng tama sa maling pangungusap upang maging wasto at malinaw ang pagpapahayag.

Sa pagkatuto ng wika ng isang mag-aaral, hindi sapat ang kahandaan at

kakayahang panggramatika. Kung siya ay nakabubuo ng mga pangungusap sa paggamit

ng isang wika, masasabing magaling ang isang tao sa paggamit ng isang wika. Angkop sa

lipunang kanyang ginagalawan. Ang mga nakatuon sa kung ano ang kanyang alam at

makabuo ng pangungusap bagkus ay magamit ang mga nakatuon sa kung ano ang

kanyang alam at makabuo ng pangungusap bagkus ay magamit ang pag nakatuon sa

pangungusap na angkop at tinatanggap ng lipunan. (Hymes, 2002) Hinalaw nina Arca,

Epan, Gonzales, and Minimo (2014)

25
KABANATA III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibo-kwalitatibong pamamaraan ng

pananaliksik upang mailarawan ang karaniwang mga salitang ginagamit ng mga

kabataang GenZ sa pampublikong paaralan ng Bonfal National High School at malaman

kung ano ang implikasyon nito sa kasanayang panggramatika ng mga tagatugon.

Ginagamit ang Deskriptibo-kwalitatibong disenyo kung ninanais matamo ang

isang hindi kumplikadong paglalarawan na sumasagot sa mga katanungang ano, sino,

saan, paano, kailan, at bakit ng isang kaganapan o karanasan.

Layunin ng kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik na malalimang unawain

ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Karaniwan

itong personal at isinasagawa sa pamamagitan ng obserbasyon, pakikipanayam at

pagsusuri sa nilalaman. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang pag-

uugali ng tao ay laging naka batay sa mas malawak na kontekstong pinangyarihan nito at

ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi

maaaring mabilang o masukat.

Samantala, pinag-aaralan naman sa deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik

ang pangkasalukuyan ginagawa, pamantayan at kalagayan. Inilalarawan nito ang mga

26
tanong na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito

makatutugon sa tanong na “bakit” sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at

kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ang nakalipas o hinaharap. Samakatwid,

ang disenyong deskriptibo ay nangangahulugang paghahanap ng katibayan na may sapat

na pagpapakahulugan o interpretasyon. Bibigyang interpretasyon ng pananaliksik na ito

ang implikasyon ng Wikang GenZ sa kasanayang panggramatika ng mga tagatugon at

kung ano ang mga salitang balabl na karaniwan nilang ginagamit.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng survey questionnaire o talatanungan at

panayam na orihinal na ginawang tanong ng mga mananaliksik at naiwasto ng punong-

tagasuri.

Tagatugon ng Pag-aaral

Ang mga pangunahing kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga piling mag-

aaral ng Senior High School ng Bonfal National High School, mula sa bayan ng

Bayombong, Nueva Vizcaya. Malayunin ang pagpili ng mga tagatugon. Tiniyak ng mga

mananaliksik na ang mga tagatugon ay nasasaklaw ng Henerasyong Z. Ang mga

tagatugon ay nasa edad labing-anim (16) hanggang dalawampung (20) taon. Sila ay

karaniwang may ugnayan sa kanilang kapwa GenZers at aktibo sa paggamit ng kanilang

nabuong wika. Isinaalangalang din sa pananaliksik na ito ang mga etikal na

konsiderasyon lalong lalo na sa kanilang personal na impormasyon at pagsang-ayon sa

pagiging tagatugon ng pag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng purposive sampling

sa pagpili ng mga tagatugon. Mayroong sinunod na kriterya ang mga mananaliksik sa

pagpili ng mga kalahok, ang mga sumusunod ay: (1) Kinakailangang gumagamit ng mga

makabagong salitang balbal sa pang-araw-araw at sa paaralan. (2) Nasa edad labing-anim

27
(16) hanggang dalawampung (20) taon at kasalukuyang nag-aaral sa mataas na paaralan

ng Bonfal National High School, Senior

High School Department. At (3) Boluntaryo at bukal sa loob na nakilahok bilang

tagatugon ng pag-aaral. Sa kabuuan, tatlumpu’t dalawang (32) mag-aaral ang napili

bilang tagatugon ng pag-aaral.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa mga piling mag-aaral ng Senior High

School ng Bonfal National High School sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya taong

2021-2022.

Ang Bonfal National High School ay isang paaralan sa lalawigan ng Nueva

Vizcaya, II - Cagayan Valley, sa munisipalidad ng Bayombong (kabisera). Ang Bonfal

National High School ay itinatag noong Enero 01, 2002. Ang edukasyon sa Pilipinas ay

dumaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula pa noong panahon ng pre-espanyol hanggang

sa kasalukuyan. Sa pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan, ang edukasyon ang

nagsisilbing pokus ng mga diin mga priyoridad ng pamunuan sa tiyak. Ang edukasyon ay

di-pormal, di-organisado, at walang pamamaraan bago pa man ang panahon ng

Magellanic. Ang mga bata ay tumatanggap ng mas maraming bokasyonal na pagsasanay

at mas kaunting akademikong pagsasanay (3Rs) mula sa kanilang mga magulang at sa

mga tahanan ng mga tagapagturo ng tribo.

Ang Bonfal National High School ay isa lamang noong ekstensyon ng paaralang

Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS) at kinalaunan ay

tuluyan na itong hiniwalay sa malaking paaralan at naging isa nang matatag at

28
nakapagiisang paaralan. Ang Bonfal National High School ay binubuo ng anim (6) na

baitang mula baitang pito (7) hanggang baitang labindalawa (12) na tinatawag namang

Senior High

School. Ang Senior High School Program naman ay binubuo ng dalawang (2) track, ang

academic track at ang technical vocational and livelihood track. Sa kasalukuyan,

mayroong isang libo’t isang daan at apatnapung (1140) mag-aaral ang nakatala sa mataas

na paaralan

sa pangunguna ng kanilang punong-guro na si Gng. Lourdes P. Abansi PhD.

Pigura 2. Mapa ng Bonfal National High School

Kagamitan ng Pag-aaral

Sa pagnanais ng mga mananaliksik na makuha ang Implikasyon ng Wikang GenZ

sa Kasanayang Panggramatika ng mga tagatugon. Questionaire o talatanungan ang

ginamit na kagamitan upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Sa kabuuan

29
mayroong tatlong daan at lima (305) na mag-aaral na nakatala sa senior hayskul. Kumuha

ang mga mananaliksik ng sampung pursyento (10%) sa kabuuang bilang ng mag-aaral.

Lumabas sa kompyutasyon ng mga mananaliksik na ang sampung pursyento (10%) ng

tatlong daan at lima (305) ay tatlumpu’t isa (31) kung kayat tatlumpu’t isa (31) ang

tutugon sa inihandang talatanungan ng mga mananaliksik.

Ang mga talatanungan ay ipinasagot sa mga piling mag-aaral ng Senior High

School ng Bonfal National High School mula sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ginamitan din harap-harapan at birtwal na panayam ng mga mananaliksik ang

pananaliksik na ito upang makuha ng personal ang mga datos na kinakailangan.

Ang ikalawang bahagi naman ay ang harap-harapan at birtwal na pakikinayam

gamit ang pitong katanungan tungkol sa kanilang karanasan sa paggamit ng makabagong

salitan balbal sa pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng mensahe, mga adbentahe nito sa

lipunan, ang kasalukuyang kalagayan ng Wikang Filipino sa pag-usbong ng impormal na

wika at ang implikasyon nito sa kanilang kasanayang panggramatika. Ang mga

katanungan sa pakikipanayam ay nabuo sa tulong ng isang guro na nagtuturo ng Filipino.

Nabuo ang pitong katanungan ukol sa pag-usbong ng mga panibagong wikang balbal na

ginagamit ng kabataan sa kasalukuyan.

Pagsusuri ng Datos

Ang pag-aaral ay natamo sa pamamagitan ng pagpapasagot ng sarbey na

talatanungan. Ang sarbey na talatanungan ay nahati sa iba’t ibang klasipikasyon na

inihanda ng mga mananaliksik. Nalaman ng mga mananaliksik kung ano ang

implikasyon ng wikang genz sa kasanayang panggramatika ng mag-aaral at natukoy din

30
ang mga dahilan o salik na nakaimpluwensya sa pagbuo ng Wikang GenZ. Ang mga

nakalap na datos ay iniisa-isa. Sinuri ang mga ito sa kasalukuyang kalagayan ng anyo ng

Wikang Filipino.

Ang mga nakuhang datos sa sarbey na talatanungan ay siniguro ng mga

mananaliksik na ang pag-aanalisa sa mga datos at impormasyon ay tiyak na tama ang

resulta.

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng pakikipanayam sa tatlumpu’t isang

tagatungon na mga mag-aaral ng Senior High School ng Bonfal National High School

subalit dalawampu’t apat lamang ang nagpaunlak ng panayam. Sa isinagawang

pakikipanayam, isinaalang-alang ng mananaliksik ang etikal na tuntunin sa pagsasagawa

ng pananaliksik sa pamamagitan ng isang liham pahintulot para sa mga tagatugon.

Ipinaliwanag din ng mananaliksik sa mga tagatugon ang mga layunin na ninais matamo

sa pag-aaral. Tiniyak din ng mga mananaliksik na mananatiling confidential ang kanilang

mga pagkakakilanlan at ang lahat ng mga datos na nalikom ay gagamitin lamang sang-

ayon sa mga layunin ng pag-aaral. Humingi ng pahintulot sa mga tagatugon sa paggamit

ng recorder sa isinagawang pakikipanayam. Matapos maisagawa ang pakikipanayam,

pinakinggan at itinala ng mananaliksik ang nairekord na mga sagot sa pakikipanayam.

Batay sa nilalaman ng linya ng mga pahayag ng mga tagatugon, sinuri ng mananaliksik

ang mga pahayag batay sa mga katanungan.

Ang kasunod na hakbang ay ang pagsusuri sa tugon ng mga tagatugon. Una ay

ang pagkuha ng mga mahahalagang pahayag mula sa tugon ng mga tagatugon ukol sa

kanilang mga karanasan sa paggamit ng mga makabagong balbal na pananalita at

31
pinagbigay rin sila ng mga halimbawang salitang balbal. Pagkatapos, binigyan ng

pagpapakahulugan ang mga mahahalagang pahayag na lutang na lutang sa mga tugon na

nalikom. Sinundan naman ito ng pagsasaayos ng mga nabuong pagpapakahulugan na

may kaugnayan sa mga adbentahe ng pagpapalaganap ng wikang GenZ sa lipunan,

kasalukuyang kalagayan ng Wikang Filipino sa pag-usbong ng impormal na wika, at

implikasyon nito sa kanilang kasanyang panggramatika. Matapos na suriin ang kanilang

tugon, binalangkas ng mananaliksik ang kabuuang paglalarawan sa paksang sinaliksik.

32
KABANATA IV

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang pagsusuri at interpretasyon ng mga nakalap na mga

datos

I. PROPAYL NG MGA TAGATUGON

Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa


Kasarian

29%
Babae
Lalaki

71%

Grap 1.1. Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Kasarian

Sa grap 1.1, ipinapakita ang demograpikong propayl ng mga tagatugon ayon sa

kanilang kasarian. Sa tatlumpu’t dalawang (31) tagatugon, ang mga kababaihan ay

33
dalawanmpu’t dalawa (22) na may porsiyentong pitumpu’t isa (71%) samatalang ang

mga kalalakihan ay siyam (9) na may porsientong dalawampu’t siyam (29%).

Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa


Edad
6%
10%

6% 16
17
18
32%
19
45%
20

Grap 1.2 Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Edad

Sa grap 1.2 ipinapakita ang demograpikong propayl ng mga tagatugon ayon sa

edad. Sa tatlumpu’t dalawang (31) tagatugon, may apat (3) o sampung porsyento (10%)

na tagatugon ang napapabilang sa edad na labing anim (16). Labing apat (14) o

apatnapu’t limang porsiyento (45%) naman sa edad na labing pito (17). Sampu (10) o

tatlumpu’t dalawang porsiyento (32%) naman sa edad na labing walo (18). Samantala

mayroon namang tig-dalawa (2) o tig-anim na porsiyento (6%) ang nasa edad na labing

siyam (19) at dalawampu (20).

34
Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa
Baitang

39%
11
12
61%

Grap 1.3 Distribusyon ng mga Tagatugon Ayon sa Baitang

Sa grap 1.3 ipinapakita ang demograpikong propayl ng mga tagatugon ayon sa

baiting. Sa tatlumpu’t isang (31) tagatugon, may labing dalawa (12) o tatlumpu’t siyam

na porsiyento (39%) ang nabibilang sa ika-labing isang (11) baitang samantalang may

labing siyam (19) o animnapu’t isang porsiyento (61%) ang nabibilang sa ika-labing

dalawang (12) baitang.

35
Mga Tagatugon na Napapabilang sa
Henerasyong Z

0%

Oo
Hindi

100%

Grap 1.4 Mga Tagatugon na Napapabilang sa Henerasyong Z

Sa grap 1.4 ipinapakita ang demograpikong kabuuan ng mga tagatugon na

napapabilang sa henerasyon Z. Lahat ng tagatugon ay napapabilang sa henerasyon Z na

may kabuuang tatlumpu’t isa (31) o isang daang porsiyento (100%).

36
Paggamit ng mga Tagatugon sa Wikang GenZ

0%

Oo
Hindi

100%

Grap 1.5 Paggamit ng mga Tagatugon sa Wikang GenZ


Sa grap 1.5 ipinapakita ang demograpikong kabuuan ng mga tagatugon na

gumagamit ng wikang genZ. Lahat ng tagatugon na napapabilang sa henerasyon Z ay

gumagamit ng wikang GenZ na may kabuuang tatlumpu’t isa (31) o isang daang

porsiyento

(100%).

37
Kadalasang Paggamit ng mga Tagatugon sa
Wikang GenZ

13% 0%
Palagi
29%
Madalas
Paminsan-minsan
Bihira
45% 13%
Hindi

Grap 1.6 Kadalasang Paggamit ng Mga Tagatugon sa Wikang GenZ

Sa grap 1.6 ipinapakita ang demograpikong kabuuan ng mga tagatugon sa dalas ng

paggamit ng wikang genZ. Sa tatlumpu’t isang (31) tagatugon, labing apat (14) o

apatnapu’t limang porsiyento (45%) ang sumagot ng paminsan-minsan. May siyam (9) o

dalawampu’t siyam na porsiyento (29%) ang sumagot ng palagi. Samantala, may tig-apat

(4) o labing tatlong porsiyento (13%) ang sumagot ng madalas at bihira. Habang wala

namang naitalang datos na hindi.

II. IMPLIKASYON NG WIKANG GENZ SA


KASANAYANG PANGGRAMATIKA

Talahanayan 1. Pananaw at mungkahi ng mga tagatugon sa implikasyon ng wikang


genz sa kanilang kasanyan panggramatika
Implikasyon Kabuuan Prosyento Kabuuan Porsyento
Di-
Sumasang-ayon
sumasangayon

38
1. Sumasang-ayon ka ba na
umuunlad / nagbabago ang
anyo ng Wikang Filipino? 20 65% 11 35%

2. Ang makabagong
teknolohiya ba ay isa sa mga
salik na nakaimpluwensya sa
29 94% 2 6%
iyo sa paggamit ng Wikang
GenZ
3. Napapaunlad ba ng mga
balbal na salita partikular ang
Wikang GenZ ang iyong
11 35% 20 65%
kasanayang panggramatika sa
Wikang Filipino
4. Malaya mo bang
naipapahayag ang iyong
saloobin at ideya kung Wikang
11 35% 20 65%
GenZ ang iyong ginagamit na
midyum ng pananalita
5. Nauunawaan ka ba ng iyong
kausap sa tuwing ikaw’y
gumagamit ng Wikang GenZ sa
14 45% 17 55%
pagpapahayag ng iyong
saloobin,mensahe at ideya
6. Bilang isang mag-aaral mas
mainam bang gamitin ang
Wikang GenZ sa pagpapahayag 9 29% 22 71%
ng saloobin sa paaralan
7. Dapat bang gamitin ang
Wikang GenZ sa pagsusulat ng
mga akademikong sulatin at 2 6% 29 94%
maging sa pormal na talakayan
8. Nakakaimpluwensiya ba ang
antas n gating lipunan upang
lalong hikayatin ang mga 8 26% 23 74%
kabataan na sanaying gamitin p
bigkasin ang mga salitang
lumalaganap sa henerasyong Z
9.Nakakaapekto ba ang pagsibol
ng kasanayang
23 74% 8 26%
Panggramatika

39
Isinasaad sa talahanayan 1, ang porsyentong distribusyon ng mga tugon ng mga

magaaral Bonfal National High School, Senior High School Department sa Implikasyon

ng Wikang GenZ sa kanilang Kasanayang Panggramatika. Ito na inilahad sa

pamamagitan ng kanilang pagsagot ng sumasang-ayon at di-sumasang-ayon.

Sa unang implikasyon, na sumasang-ayon ka ba na umuunlad o nagbabago ang anyo

ng wikang Filipino. Dalawampu (20) o animnapu’t limang porsyento (65%) ang sumagot

ng sumasang-ayon at labing isa (11) o tatlumpu’t limang porsyento (35%) naman ang

sumagot ng di sumasang-ayon.

Ayon sa resulta ng pananaliksik nina Gime, A. at Macascas C. (2020), makikita na

ang GenZers ay bumubuo ng bagong banghay o pagbabago ng ispeling ng mga salita sa

pamamagitan ng pag-iimbento, paglalaro ng salita at metatesis na halos nagaganap sa

mga salitang slang. Ang metatesis ay nakita rin sa pag-aaral ng Tagalog Slang (Zorc,

1990). Ang pagbabago ng banghay o ispeling ay walang tiyak na sinusundang

lingguwistikang porma na mababasa sa mga aklat panggramatika o tuntuning

panggramatika.

Sa ikalawang implikasyon, na ang makabagong teknolohiya ay isa sa mga salik na

nakaimpluwensya sa paggamit ng Wikang GenZ. Dalawampu’t siyam (29) o siyamnapu’t

apat na porsyento (94%) ang sumasang-ayon habang mayroon namang dalawa (2) o anim

na porsyento (6%) ang tumugon ng di sumasang-ayon.

Isinaad sa resulta ng pananaliksik nina Gime, A. at Macascas C. (2020),

Kapansinpansin na palasak sa WikaGenZ ang akronim na mula sa unang letra ng bawat

salita sa

40
Parirala. Ang ganitong paraan ng pagbuo ng salita ay bunsod din ng patuloy na

pagunlad ng teknolohiya at lubhang pakikisangkot ng GEnZers sa social media.

Sa ikatlong implikasyon, na napapaunlad ba ng mga balbal na salita partikular ang

Wikang GenZ ang iyong kasanayang panggramatika sa Wikang Filipino. Nakapagtala ng

datos ang mga mananaliksik ng labing-isa (11) o tatlumpu’t limang (35%) porsyento ang

sumagot ng sumasang-ayon at mayroon namang dalawampu (20) o animnapu’t limang

porsyento (65%) ang sumagot ng di sumasang-ayon.

Ayon sa naging resulta ng pananaliksik nina Gime, A. at Macascas C. (2020),

nakabuo ang GenZers na ibang paraan sa pagbuo ng salita tulad ng pagpapalit ng salita sa

salita, pagbabago ng kahulugan, at pagbuo ng ekspresiyon. Masasabi na ang WikaGenZ

ay isang varayti ng wika na maaaring makaimpluwensiya sa baryasyon ng wikang

Filipino sa Maynila. Magaganap lagi ang bagong anyo o transpormasiyon kung ito ay

patuloy na ginagamit at lumalaganap sa isinasagawang interaksiyon at transaksiyon ng

GenZers.

Sa ikaapat na implikasyon, na malaya mo bang naipapahayag ang iyong saloobin at

ideya kung Wikang GenZ ang iyong ginagamit na midyum ng pananalita. Mayroong

labing isa (11) o tatlumpu’t limang porsyento (35%) ang tumugon ng sumasang-ayon

habang mayroon namang dalawampu (20) o animnapu’t limang porsyento (65%) ang di

sumasangayon. Sa ikalimang implikasyon, na nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa

tuwing ikaw’y gumagamit ng Wikang GenZ sa pagpapahayag ng iyong saloobin,

mensahe at ideya.

41
Labing apat (14) o apatnapu’t limang porsyento (45%) ang tumugon ng sumasang-ayon

at labing pito (17) o limampu’t limang porsyento (55%) ang tumugon ng di sumasang-

ayon.

Ayon sa bahagdan na isinagawa ni Albay, J. (2022) sa tanong na bilang pang-anim

mayroon itong 52.7%, makikitang maraming kabataan at mag-aaral ang madalas

magpahayag ng saloobin sa social media gamit ang wikang Filipino bilang midyum na

lenggwahe. Ang bahagdan naman na nakuha sa mga bilang na pito (56.8%), walo

(25.5%), at siyam (53.5%) ay nagpapakahulugan na karamihan ng mga respondente ay

hindi tinatangkilik at ginagamit ang istilo ng jejemon at conyo na pananalita o paglalahad

ng saloobin at opinion. Ayon din sa nakalap na datos hindi umano nagkaka-unawaan ang

bawat isa kung jejemon at conyo ang istilong ginagamit.

Sa ikaanim na implikasyon, na bilang isang mag-aaral mas mainam bang gamitin ang

Wikang GenZ sa pagpapahayag ng saloobin sa paaralan. Nakapagtala ng mga datos ang

mga mananaliksik ng siyam (9) o dalawampu’t siyam na porsyento (29%) ang sumagot

ng sumasang-ayon habang nakakalap ng mga datos ang mga mananaliksik ng

dalawampu’t dalawa o pitumpu’t isang porsyento (71%) sa sumagot ng di sumasang-

ayon. Sa ikapitong implikasyon, na dapat bang gamitin ang Wikang GenZ sa pagsusulat

ng mga akademikong sulatin at maging sa pormal na talakayan. Dalawa (2) o anim na

porsyento (6%) sa mga tagatugon ang sumasang-ayon habang dalawampu’t siyam (29) o

siyamnapu’t apat na

porsyento (94%) sa mga tagatugon ang di sumasang-ayon.

42
Mula sa naging pahayag ng mga kalahok sa isinagawang pakikipagpanayam nina

Sapanta, D. et al. (2020), dahil na rin sa pagkauso na Wikang ito,nagkakaroon ng

malaking hadlang sa pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng mgakabataan sa makabagong

henerasyon at samga nakatatanda o mga indibidwal sa ibanglarangan. Halimbawa nalang

rito ay kapagnag-uusap ang isang guro at ang isang mag-aaral na kasapi sa Henerasyon Z,

mangyayaring may mga salitang hindimaiintindihan ng guro dahil na rin sakakulangan

niya ng impormasyon ukol sanasabing Wika.

Sa ikawalong implikasyon, na nakakaimpluwensiya ba ang antas ng ating lipunan

upang lalong hikayatin ang mga kabataan na sanaying gamitin at bigkasin ang mga

salitang lumalaganap sa henerasyong Z. Walo (8) o dalawampu’t anim na porsyento

(26%) sa mga tagatugon ang sumagot ng sumasang-ayon habang dalawampu’t tatlo (23)

o pitumpu’t apat na porsyento (74%) sa mga tagatugon ang sumagot ng di sumasang-

ayon.

Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at

tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at

nagbabago sa bawat henerasyon ngunit sa isang panahon ng kasaysayan ito ay tinutukoy

na isang set ng mga huwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba,t

ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Sa ikasiyam na implikasyon, na nakakaapekto ba ang pagsibol ng Wikang GenZ sa

iyong kasanayang panggramatika. Nakapagtala ng mga datos ang mga mananaliksik ng

dalawapu’t tatlo (23) o pitumpu’t apat na porsyento (74%) sa mga sumagot ng

43
sumasangayon at walo (8) o dalawampu’t anim na porsyento (26%) ang sumagot ng di

sumasangayon.

Ayon sa naging konklusyon sa isinagawang pananaliksik nina Gime, A. at Macascas,

C. (2020), Masasabi na ang WikaGenZ ay isang varayti ng wika na maaaring

makaimpluwensiya sa baryasyon ng wikang Filipino sa Maynila. Magaganap lagi ang

bagong anyo o transpormasiyon kung ito ay patuloy na ginagamit at lumalaganap sa

isinasagawang interaksiyon at transaksiyon ng GenZers.

III. PAGSIBOL NG WIKANG GENZ

Talahanayan 2. Kabuuan at Porsyento ng tugon ng mga tagatugon sa mga salik na


nakakaimpluwensiya sa pagsibol ng wikang genZ.
Mga Salik Porsyen Porsye
Kabuuan Kabuuan Kabuuan Porsyento
to nto
1
3 2
Hindi
Lubos na Bahagyang
nakakaimp
nakakaim nakakaimpluwe
luwensya
pluwensya nsya
1. Libangan
at katuwaan 19 61% 12 39% 0 0

2. Pagpapahayag o
sariling 2
7 23% 22 71% 6%
pagkakilanlan
3. Pagsabay sa uso at
trend at
pakikisalamuha 24 77% 5 16% 2 6%
o pakikisama
4. Pagkamalikhain
17 55% 11 35% 3 10%
5. Impluwensiya ng
barkada o lipunan 18 58% 12 39% 1 3%

44
6. Pagpapaikli
pagbabali_baliktad at
pagbabagong-ayos ng 21 68% 8 26% 2 6%
mga salita
7. Pagpapadali ng
paraan ng
pakikipagkomunikas 13 42% 15 48% 3 10%
yon
8. Pagpalit ng mga
salita 10 32% 14 45% 7 23%
9. Paghihiram
sa wikang 7 23% 19 61% 5 16%
ingles

Ipinapakita sa talahanayan 2 ang kabuuang porsyento sa mga tugon ng mga

tagatugon sa mga salik na nakakaimpluwensya sa pagsibol ng Wikang GenZ. Ito ay

makikita sa pamamagitan ng kanilang pagsagot ng 3- lubos na nakakaimpluwensya, 2-

bahagyang nakakaimpluwensya, at 1- hindi nakakaimpluwensya.

Sa unang salik, na libangan at katuwaan. Nakapagtala ang mga mananaliksik ng

mga datos na labing siyam (19) o animnapu’t isang porsyento (61%) para sa mga

sumagot ng lubos na sumasang-ayon. Labing tatlo (13) o tatlumpu’t siyam naman ang

bahagyang sumasang-ayon habang wala namang nakalap na datos na sumagot ng hindi

sumasangayon. Sa ikalawang salik, na pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan. Pito

(7) o dalawampu’t tatlong porsyento (23%) ang nagsabing lubos na nakakaimpluwensiya.

Dalawampu’t dalawa (22) o pitumpu’t isang porsyento (71%) ang tumugon ng

bahagyang nakakaimpluwensiya at dalawa (2) o anim (6%) na porsyento ang sumagot ng

hindi nakakaimpluwensiya. Sa ikatlong salik na, pagsabay sa uso at trend at

pakikisalamuha o pakikisama. Mayroong dalawampu’t apat (24) o pitumpu’t pitong

porsyento (77%) ang sumagot ng lubos na nakakaimpluwensiya. Lima (5) o labing anim

45
na porsyento (16%) ang sumagot ng bahagyang nakakaimpluwensiya at dalawa (2) o

anim na porsyento (6%) ang sumagot ng hindi nakakaimpluwensiya.

Nakita naman ito sa resulta ng pananaliksik ni (A. Noval, 2020), na kung saan ay

ginagamit ang mga makabagong salitang balbal sa patuloy na pagpapahayag ng tao sa

kanyang lipunan bilang paraan ng pakikisalamuha o pakikisama. Sa patuloy na

pakikipagugnayan ng tao kasabay ang pagbabago ng panahon ay ginagamit ang mga

salitang balbal at naging bahagi na ito sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Sa pag-

aaral naman nina

Abel et al, (2016), binanggit nila ang mga bagong salita at pagpapakahulugang nalinang

ng mga Pilipinong manlalaro ay simbolo ng pagkakakilanlan ng kalagayan ng lipunan sa

Pilipinas sa pamamagitan ng pagkilala kung paano ito ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Kaugnay nito, ang komunidad ng mga manlalarong Pilipino ay itinuturing na toxic ngunit

dahil sa larong ito, ang dinamikong interaksyon at komunikasyon ng mga manlalaro ay

nabubuo anuman ang kalalabasan ng kanilang laro. At bilang paglalahat ng pag-aaral ni

(A. Noval, 2020), taan. Ginagamit ang mga makabagong salitang balbal bilang kaakuhan

at sa patuloy na pagpapahayag ng kabataan sa lipunan bilang paraan ng pakikisalamuha o

pakikisama. Sa pamamagitan nito, naipaaabot niya ang kanyang mga ninanais, ideya at

saloobin. Higit sa lahat, nakatutulong din ang mga salitang ito upang makasabay sa kung

anoman ang tampok nang sa gayon ay maramdaman ng kabataan na sila ay kabahagi at

hindi nalalayo sa kanilang henerasyon.

Sa ikaapat na salik, na pagkamalikhain. Nakapagtala ng mga datos ang mga

mananaliksik ng labing pito (17) o limampu’t limang porsyento (55%) ang sumagot ng

lubos na nakakaimpluwensiya. Labing isa (11) o tatlumput limang porsyento (35%) ang

46
sumagot ng bahagyang nakakaimpluwensiya habang nakakalap naman ng datos na tatlo

(3) o sampung porsyento (10%) ang sumagot ng hindi nakakaimpluwensiya.

Sang-ayon naman dito ang mananaliksik na si (A. Noval, 2020), ani niya,

nabubuo ang mga makabagong salitang balbal dulot ng pagkamalikhain ng tao sa

pagpapaikli, pagbabaliktad at pagbabagong ayos ng mga salita sa layuning maipaabot ang

kanyang mga ideya at saloobin. Sa lawak ng pag-iisip at pagkamalikhain ng tao nabubuo

ang mga makabagong salitang balbal alinsunod sa pangangailangan ng tao sa

pagpapahayag. Ang kagalingang taglay na ito ng isang tao sa paggamit ng wika ay ang

pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kaantasan ng wika. Ang paghahalo-halo ng

wika sa isa pang wika, panghihiram, pagbabaliktad atbpa. ay halimbawa ng kaantasan ng

wika.

Sa ikalimang salik, na impluwensiya ng barkada o lipunan. Mayroong labingwalo

(18) o limampu’t walong (58%) porsyento ang sumagot ng lubos na

nakakaimpluwensiya. Labing dalawa (12) o tatlumpu’t siyam na porsyento (39%) ang

sumagot ng bahagyang nakakaimpluwensiya at isa (1) o tatlong porsyento (3%) ang

sumagot ng hindi nakakaimpluwensya.

Batay sa pananaliksik ni (A. Noval, 2020), May malaking impak sa kabataang

milinyal ang teknolohiya, social media, mga kaibigan at iniidolong artista sa paggamit ng

mga makabagong salitang balbal sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang

impluwensyang panlipunan ay may malaking impak sa kabataang milinyal sa paggamit

ng mga makabagong salitang balbal sa pakikipagtalastasan. Dagdag nito, ayon kay

Barnett (2011) na sa pamamagitan ng social media, nabubuo ang isang kasangkapang

47
magsisilbing daan sa mga gumagamit nito na makipagtalastasan sa kanilang online

networks sa lahat ng pagkakataon, pinagsama ang kanilang pisikal at online na presensya,

inaangat nito ang larangan ng makabagong uri ng komunikasyon (halaw sa Abadiano et.

al., 2014). Natuklasan din sa pag-aaral nina Tubio et al. (2017) na maraming mga salita

ang umiiral sa social media sa kasalukuyang panahon at karamihan dito ay ngayon pa

lamang narinig dahil na rin sa pag-usbong ng makabagong panahon. Maraming mag-aaral

ang nagsasabi na ang mga salitang ito ay mahalaga para sa kanila at natutulungan sila

nito para mapadali ang pakikipag-usap sa ibang tao ngunit karamihan sa mga salitang ito

ay hindi nagugustuhan at nauunawaan ng ibang mag-aaral.

Sa ikaanim na salik, na pagpapaikli o pagbabali-baliktad at pagbabagong-ayos ng

mga salita. Dalawampu’t isa (21) o animnapu’t walong porsyento (68%) sa mga

tagatugon ang sumagot ng lubos na nakakaimpluwensiya. Walo (8) o dalawampu’t anim

na porsyento (26%) sa mga tagatugon ang sumagot ng bahagyang nakakaimpluwensiya at

dalawa (2) o anim na porsyento (6%) sa mga tagatugon ang sumagot ng hindi

nakakaimpluwensiya.

Mula sa resulta ng pananaliksik nina Gime, A. at Macascas, C. (2020), sa ikatlong

talahanayan, makikita na ang GenZers ay bumubuo ng bagong banghay o pagbabago ng

ispeling ng mga salita sa pamamagitan ng pag-iimbento, paglalaro ng salita at metatesis

na halos nagaganap sa mga salitang slang. Ang metatesis ay nakita rin sa pag-aaral ng

Tagalog Slang (Zorc, 1990). Ang pagbabago ng banghay o ispeling ay walang tiyak na

sinusundang lingguwistikang porma na mababasa sa mga aklat panggramatika o

tuntuning panggramatika. Ito ay nabubuo sa malikhaing paraan sa pamamagitan ng

pagpapalit ng mga pantig sa orihinal na salita tulad ng “kaya” na naging “keri”, “ano ba”
48
na naging “enebe”. Mapapansing nabubuo ang bagong salita na hindi nalalayo sa orihinal

na bigkas nito. Makikita rin ang impluwensiya ng jejemon at bekimon sa pagbuo ng

WikaGenZ. Masasalamin ito sa paggamit ng /h/, /s/, /c/, at /q/ gayudin sa palitan ng mga

patinig na /a/ at /e/, /o/ at /u/. Binanggit din sa pag-aaral nina Oco et al. (2015), napag-

alaman na ang resorses, isyu, pagsubok at kompyutisyunal na karakteristik ay

madetalyado. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang karamihan sa mga pananalitang beki

ay hindi saklaw ng rule file at hindi makikita sa mga ginagamit na resorses. Bilang isang

sosyolek na naging bahagi na ng lipunan, kinakailangan ang constant na pag-update sa

pagbabago at pag-usbong ng mga pananalitang ito.

Sa ikapitong salik, na pagpapadali ng paraan ng pakikipagkomunikasyon.

Mayroong labing tatlo (13) o apatnapu’t dalawang porsyento (42%) ang naitalang

tumugon ng lubos na nakakaimpluwensiya. Labing lima (15) o apatnapu’t walong

porsyento (48%) ang naitalang tumugon ng bahagyang nakakaimpluwensiya at tatlo (3) o

sampung (10%) porsyento ang naitalang tumugon ng hindi nakakaimpluwensiya.

Mula sa resulta ng pananaliksik nina Gime, A. at Macascas, C. (2020),

Kapansinpansin din na palasak sa WikaGenZ ang akronim na mula sa unang letra ng

bawat salita sa parirala maliban sa nevermind na naging NVM at homework na HW.

Makikita rin na ang tala sa itaas ay pawang Ingles. Kadalasan itong ginagamit ng

GenZers sa sintaks sa Filipino na tila halaw sa konyo. Ang tiyak na pagkakaiba nito sa

konyo ay paggamit ng akronim sa halip na buong salita. Ang ganitong paraan ng pagbuo

ng salita ay bunsod din ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at lubhang pakikisangkot

ng GEnZers sa social media. Sa pamamagitan ng akronim, mas napapadali ang

pakikipag-interaksiyon lalo na kung ang bawat isa ay nakikipag-usap sa chat.

49
Sa ikawalong salik na, pagpapalit ng mga salita. Sampu (10) o tatlumpu’t dalawa

(32%) ang sumagot ng lubos na nakakaimpluwensiya. Labing apat (14) o apatnapu’t

limang porsyento (45%) ang sumagot ng bahagyang nakakaimpluwensiya habang pito (7)

o dalawampu’t tatlong porsyento (23%) ang sumagot ng hindi nakakaimpluwensiya. Sa

ikasiyam na salik na, panghihiram sa wikang Ingles. Pito (7) o dalawampu’t tatlong

porsyento (23%) ang tumugon ng lubos na nakakaimpluwensiya. Labing siyam (19) o

animnapu’t isang porsyento (61%) ang tumugon ng bahagyang nakakaimpluwensiya at

lima (5) o labinganim na porsyento (16%) ang tumugon ng hindi nakakaimpluwensiya.

Mula sa resulta ng pananaliksik nina Gime, A. at Macascas, C. (2020),

nakapaloob sa Talahanayan 5 ang pagpapalit ng salita mula sa orihinal na salita.

Kapansin-pansin na ang pagpapalit ay iniuugnay sa salitang Ingles tulad ng salt, retreat,

triggered, nosebleed at iba pa. Pangalawa, may mga salitang hango sa bekinese o jejenese

tulad ng gora, jeee/ jiz, jebs, charot at iba pa. Panghuli, malakas ang impluwensiya ng

telebisyon at social media sa pagpapalit ng salita.

IV. PAKIKIPANAYAM

Ang deskriptibong pagsusuri sa isinagawang pakikipanayam ay nagbigay-daan sa

pagtumbok ng pitong (7) katanungan na bumabalot sa sagot ng mga tagatugon (T). Ang

mga pahayag na isinagot ng mga tagatugon ay nilagyan ng mga panipi upang ipahayag

ang orihinal na tugong ibinahagi ng partisipante. Ang mga katanungang nabuo batay sa

mga tugon ng mga tagatugon (T) ay ang mga sumusunod:

Q1. Gumagamit ka ba ng istilong Wikang GenZ sa iyong pakikipagtalastasan at

pagpapahayag ng iyong mensahe? Bakit?

50
T1: “Oo, gumagamit ako ng wikang GenZ upang makasabay sa uso at upang

magkaintindihan kami ng aking mga kaibigan.”

T2: “Minsan. dahil mas madalas ko pa rin gamitin ang nakasanayang salita.”

T3: “Oo, ako ay gumagamit ng wikang Genz sa pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng

aking mensahe bilang pagsabay sa trend o nauuso.”

T4: “Oo naman, bilang GenZ kailangan kong makisabay para alam ko kung ano ang

sinasabi at maganda ang pag-uusap.”

T5: “Hmmm oo, ngunit inaayon ko ito sa mga taong makakausap ko. Ginagamit ko ang

wikang GenZ upang mailabas o maibahagi ko ng maayos ang aking saloobi at mabilis

itong maunawaan ng aking kakausapin.”

T6: “Oo, bilang GenZ kailangan kong makiayon sa mangyayari sa kapaligiran at mas

nagiging maganda ang pag-uusap kung ginagamitan ng wikang GenZ.”

T7: “Oo dahil para sa akin mas nagiging madali ang pakikipag communicate sa ibang tao

at maimadali ang maki vibes sa kanilang gusto.”

T8: “Oo dahil mas madali makipag-usap sa mga kaedad.”

T9: “Minsan lang, dahil bibihira lamang napapansin at hindi ako masyado naiintindihan.”

T10: “Ginagamit ko ang wikang GenZ sa aking pakikipagtalastasan minsan pagkausap

ang aking mga kaibigan.”

T11: “Oo,gumagamit ako ng wikang GenZ sa pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng

aking mensahe hindi lang dahil ako ay parte ng GenZ.dahil din mas komportable akong

gamitin ito at ito narin ang nakasanayan ko.”

51
T12: “Oo, dahil mas madali ang pagpapahayag ng mensahe sa ganitong paraan.”

T13: “Ahh minsan, dahil ang wikang GenZ ay hindi maintindihan ng ibang tao.”

T14: “Oo, minsan ay mas naipapaliwanag ko nang maayos ang aking mensahe.”

T15: “Yes, dahil mas maikling sabihin, mas nauunawaan at maraming nakakaintindi.”

T16: “Oo, sapagkat mas naipapaliwanag at naipapahayag ko ng mas maayos ang aking

saloobin gamit ang wikang gen z.”

T17: “oo, dahil sa aking mga nakakasalamuha.”

T18: “Oo dahil para sa akin parang mas napapahayag at napapadali ng wikang ito ang

nais kong iparating sa aking kinakausap.”

T19: “Oo, Dahil nakakaimpluwensiya ang mga nakapaligid sa akin at pag sabay na din sa

uso.”

T20: “Oo, dahil sa panahon ngayon mas madali maipahayag sa mga kaibigan ang nais

ipabatid. Halimbawa na lamang nito ay mga salitang sheshh, hindi mo na kailangan

sabihin sa kaibigan mo na ang galing or ang lupet mo, sa isang salita pa lamang ay alam

na nila kung ano ang kahulugan, gayon pa man ay hindi ko iminumungkahi na gamitin

ito sa pampanitikan lalo na sa gawaing pampaaralan.”

T21: “Sa pakikipag talastasan mo sa bawat taong aking nakakasalamuha ,ginagamit ko

lamang ang salitang GenZ sa mga katulad kong mga kabataan. At kung may kaidaran na

ang aking kausal gumagamit akong ng pormal na salita upang mas mag kaunawaan kami

ng aking kausap.”

T22: “Oo, para maipahayag ko ang aking gustong sabihin sa aking kausap.”

T23: “Oo dahil mas madaling ibahagi ang mensahe sa wikang genz.”

52
T24: “Oo, dahil mas naipapahayag ko ng mas maayos ang mensaheng aking gustong

ibahagi.”

Pagsusuri

Batay sa naging resulta ng pakikipanayam ng mga mananaliksik, lumalabas na ang

dahilan kung bakit madalas ginagamit ng mga nasa henerasyong Z ang istilong wikang

GenZ sa kanilang pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng kanilang mensahe ay upang

madali silang maunawaan at magkaintindihan ng kanilang taong kinakausap. Gayundin,

napapadali nito ang daloy ng komunikasyon at nagiging totoo sila sa kanilang sarili kung

wikang GenZ ang kanilang ginagamit. Higit pa dito, sa madalas nilang paggamit ng

istilong wikang GenZ ay nakakasabay sila sa uso at nagkakaroon sila ng kamalayan sa

kanilang kapaligiran. Sinang-ayunan naman ito ng isang pag-aaral na may pamagat na

Millenial Slang: Mga Pagbabago sa Sistema at Pag-unlad ng/sa Gramatikang Filipino, sa

pamamagitan ng millennial slangs, mas nararamdaman ng mga gumagamit nito na

kabilang sila sa isang partikular na grupo, at mas umuunlad ang kanilang

pakikipagkapwatao at pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakasalamuha nila.

Napapagaan ang kanilang komunikasyon at sila ay mas nagiging komportable. Mas

umuunlad din ang wika sapagkat umuunlad din ang kultura at pamumuhay ng tao. Sa

pakikipagtalastasan ng tao sa bawat araw ng kanyang buhay, berbal man o hindi, ang

kanyang kakayahan sa pagpapahayag ay laging kasama. Sa kanyang galing sa

pagpapahayag nakasalalay ang kalinawan ng mensahe na kanyang ipinahahayag sa

kapwa kaya nararapat lamang ito hasain lalo na sa mga paaralan at sa tahanan. Ang pag

aaral na ito ay nakatuon sa pagsasalita kung saan ginagamit ito ng tao sa araw-araw na

53
pakikipag talastasan sa kanyang kapwa, pagpapahayag ng damdamin, pagkalat/ pagkalap

ng impormasyon at marami pang iba (Constantino, 2005).

Q2. Ano-anong mga salitang GenZ ang alam mo o ginagamit mo sa paraang

pagbabaligtad, pagpapaikli, pagbabago ng baybay, akronim, pagbuo ng ekspresyon

at pagpapalit ng salita sa salita?

T1: “Char, charot, ganems, uwu, kepa, marecakes, chikana, chupapi, award, ganern, yarn,

wews, marites, yorme yan yung mga karaniwang salitang GenZ na ginagamit ko.”

T2: “Lods, yasss, char.”

T3: “Ang mga halimbawang mga salitang GenZ na aking ginagamit ay omsim, lods, erp,

desiyonavility, dsurb.”

T4: “Omsim, lodi, char, beshy”

T5: “Omcm, lods, oum, vebs.”

T6: “Omsim, k, lodi”

T7: Char , Chariz , Charot , Vebs,Omsim , Satrue , Hatdog , Share mo lang , OMG, SML

T8: Hayf, LMAO, Deserve

T9: Omsim,Lods,Erap,Petmalu,K

T10: Omcm,Hakdog,Lodi at marami ngunit ginagamit ko lang mga salitang ito sa aking

mga kaibigan

T11: “fr – for real, ISTG- I swear to God”

T12: “otw, brb istg, ngl, fr, tw, cw, p.s.”

T13: “alaws, arep, lodi”

T14: “Bes, afam”

54
T15: “Lods, arat, dehins, starbs, sags, rags, pics, shawty”

T16: “gesi, gedli, olats, oh my gosh, flex, stan, petmalu, werpa, geh”

T17: “omsim, eme, onis, at iba pa”

T18: “omsim, bes, yass, jgh, eme, at gora.”

T19: “Charot, Oumm, Skl, keri, omcim, mema”

T20: “Olanaps, Omcm, sheshh, awit, deym, at iba pa”

T21: “omsim(mismo), Efas(safe), Etneb(bente), Waley(wala), Char, chariszxc, charot

(biro lang), Bet,Lmao( laughing my ass off), Arat(tara).”

T22: “Werpa, mudra, edi wow, repa, yakang-yaka”

T23: “Yasss (yes)”

T24: “Lodi, sakalam, charizzz”

Nagbigay rin ang mga tagatugon ng mga halimbawa ng salitang GenZ na madalas

nilang ginagamit sa kanilang pangaraw-araw at ito’y inuri ng mga mananaliksik ayon sa

kanilang klasipikasyon.

Talahanayan 3. Paraan at klasipikasyon ng pagkakabuo ng mga salitang GenZ sa


kasalukuyan.
Klasipikasyon ng wikang Mga sallitang GenZ Kahulugan batay sa mga

Genz tagatugon

55
Pagbabaligtad kepa (T1) pake

yorme (T1) mayor

erp (T3) pre idol

lodi (T3, 4, 5, 6, 9, 10, 13, 15) mismo

omsim/omcm (T3, 4, 5, 6, 7, 9, 10,

17, 18, 19, 20, 21) pare


erap (T9, 22) malupet sige
petmalu (T16) pawer sino
gesi (T16) werpa panalo safe
(T16, 22) onis bente
(T17) olanaps kayang-
(T20) efas (T21) kaya
etneb (T21)
yakang-yaka
(T22)

sakalam (T24) malakas


arep (T13) pare
olats (T16) talo
arat (T21) tara
dehins (T15) hindi
gedli (T16) gilid

56
Paggamit ng akronim

K (T6, 9) Okay

SKL/SML (T7, 19) Share ko lang/ Share mo lang

OMG (T7, 16) Oh my God/Gosh

LMAO (T8, 21) Laughing My Ass Off

FR (T11, 12) For Real

ISTG (T11, 12) I swear to God

OTW (T12) On the way

BRB (T12) Be right back

NGL (T12) Not gonna lie

TW (T12) Trigger warning

CW (T12) Content warning

P.S (T12) Pahabol sulat

JGH (T18) Just Got Home

Pagpapalit-pantig Ganern/ganems (T1, 7) ganon


joke
Char/charrot (T1, 9, 21) yan

Yarn (T1)

57
Yass (T2, 18) yes

Dsurb (T3) deserve

Oum (T5) oo babe

Vebs (T5, 7) sige

Geh (T16) maganda gwapo

Chikana (T1)

Chupapi (T1)

Kombinasyon Beshy (T4) Best friend

Marecakes (T1) Kumare

Gora (T18) Tara na

Satrue (T7) Sa totoo lang

Afam (T14) American-African (soon to be

husband)

Paglilipat o paghihiram Bet (T21) Gusto ko yan

Flex (T16) stan Ipinapasikat

(T16) Sinusuportahan

Shawty (T15) Sexy/Hot

Desisyonavility (T3) Paladesisyon

Award (T1) Bongga

Starbs (T15) Starbucks

Pics (T15) Pictures

Pagbuo ng ekspresyon Hayf (T8) Mema Hayop na yan May


(T19) masabi lang

58
Eme (T17, 18) Biro-biro lang

Edi wow (T22) Napipikon na nampipikon

Hatdog/Hakdog (T7, 10)

Pagsusuri

Mapapansin sa talahanayang ito ang mga salitang GenZ na madalas ginagamit ng

mga tagatugon na napapabilang sa henerasyong Z. Ang mga salitang balbal na ito o mas

kilala sa tawag na bersyong GenZ ay marahil dahil sa impluwensiya ng mga umiiral nang

salitang balbal. Sadyang pinapaganda at pinapabango lamang ng mga kabataang GenZ

ang estruktura ng dati ng mga salitang balbal. Kapansin-pansin din na hindi na bago ang

mga salitang balbal na ito sapagkat noon pa man ay eksistido na ang mga ganitong salita

sa bokabularyo ng tiyak na pangkat o grupo ng tao. Nakapaloob din sa talahanayan ang

pagpapalit o paghihiram ng salita mula sa wikang Ingles at ang ilan sa mga salitang ito ay

bet, flex, stan, shawty, desisyonavility, award, starbs, at pics. Nabubuo naman ang

ganitong mga salita dahil sa impluwensya ng social media partikular na sa facebook,

twitter at tiktok. Tila talamak din sa mga GenZers ang pagpapaikli ng mga salita o ang

paggamit ng akronim. Ani nila, higit na napapadali ang pagpapadala ng mensahe sa chat

o text at ang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng akronim. Sinang-

ayunan naman ito ni Sandoval (2012) sa kaniyang pag-aaral ng eFil sa internet ang

paggamit ng akronim o pagdadaglat partikular sa komunikasyon sa internet. Ganito rin

ang larawan ng slang sa isinigawang pag-aaral ni Trimastuti (2017) ng Politeknik Piksi

Ganesha Bandung matapos niyang suriin ang mga post sa social media ng mga kabataan

sa Indonesia. Ayon din sa resulta ng pag-aaral nina Gime at Macasas (2020), Kapansin-

59
pansin na isang pantig na lamang ang natira sa naganap na pagpapaikli tulad ng besh, bro,

bruh, dre, mej, geh, at sis. Karaniwan ding nagaganap ang pagkakaltas sa unahan o

hulihang pantig. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pagpapadali sa pagbigkas ng salita.

Q3. Ano-anong maaaring adbentahe ng pagpapalaganap ng wikang GenZ sa ating

lipunan?

T1: “Nakakapagpa-ikli ng salita at mas mabilis maintindihan ang sinasabi.”

T2: “Minsan ito ang kanilang ginagamit para magtago ng sikreto sa ibang tao.”

T3: “Sa aking pakiwari, ang isang adbentahe ng pagpapalaganap ng wikang Genz ay

upang bigyang kulay o ibig sabihin ang mga salitang ating ginagamit. Naglalayon itong

maglahad ng emosyon o kahulugan depende sa kung papaano ipahayag ng nagsasalita

ang salitang ginagamit.”

T4: “Mas magkaintindihan ang nag-uusap.”

T5: “Maski ang ibang henerasyon ay gumagamit na ng wikang GenZ, ang

pagpapalaganap nito ay maaaring magbuklod ng sangkatauhan, mas mapapabilis

maunawaan ang mga impormasyon at higit sa lahat sumasabay ito sa makabagong

mundong meron tayo.”

T6: “Nagkakaintindihan ang mga nasa henerasyon Z.”

T7: “Pagpapadali ng pakikipagtalastasan”

T8: “Nagkakaroon ng mga bagong salita.”

T9: “Recreate, improve and upgrade”

T10: “Nabibigyan ng paglinaw ang bawat pahayag sa tuwing tayo ay nagpapaliwanag at

mas magkakaintindihan kayo ng iyong kausap patungkol sa isang bagay.”

60
T11: “Mabilis makasabay sa uso.”

T12: “Para sa aking pansariling opinyon, wala itong adbentahe sa ating lipunan. Kung

meron man, siguro ito ay ang mas mapadali ang nais sabihin o kaya naman mas magiging

masigla ang pakikipagtalastasan sa ating kapwa. Mas mabuti pa ring gamitin natin ang

ating wikang pambansa dahil ito ang ating kinagisnan.”

T13: “Mas napapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapaikli at

pagdadagdag ng mga salitang ginagamit.”

T14: “Kung ang mga kabataan ang gagamit nito ay mas mapapalawig at magiging

malikhain ang ating wika.”

T15: “Mas mahahasa ang ating mga kaisipan sa pag gamit at pag lalaro laro ng mga
salita.”

T16: “Nagkakaroon tayong aliw tuwing tayo ay nakikipagkomunikasyon.”

T17: “Mas mapapabilis ang pag cocommunicate sa ibang mga tao.”

T18: “Mas makakapagpahayag lamang tayo ng ating nais na ibahagi.”

T19: “Maski ang ibang henerasyon ay gumagamit nang wikang GenZ, sa patuloy na pag

lanaganp nito ay mas napapa bilis ang mga impormasyon at higit sa lahat ito ay

sumasabay sa makabagong hrnrrasyon ngayon.”

T20: “Para magkaintindihan.”

T21: “Siguro sabay sa uso at ang adbentahe ay para maki uso ang mga taong hindi pa

alam ang salitang gen Z at habang tumatagal ay lalo upang uuso ng uuso.”

T22: “Ang wikang GenZ ay maari rin maging dahilan ng pagbubuklod ng bawat

henerasyon. Sa aking palagay, mas mabilis magkakaintindihan ang mga tao.” T23:

“siguro e para hindi mapagiwanan ng henerasyon at makasabay sa uso.”

61
T24: “mas napapadali nito ang pagkakaintindihan ng mga taong nag-uusap.”

Pagsusuri

Lumabas sa resulta ng pakikipanayam ng mga mananaliksik, karamihan sa mga

tagatugon ay sumagot na ang adbentahe ng pagpapalaganap ng Wikang GenZ sa ating

lipunan ay napapadali nito ang daloy ng pakikipagkomunikasyon at ang

pagkakaintindihan ng mga tao sa lipunan. Nagiging dahilan din ito upang higit nilang

maipahayag ang kanilang sarili at ang mga saloobin o opiniyon na nais nilang ilahad.

Ang iba naman, sinasabi nilang ang kanilang kagustuhan lamang ay sumabay sa uso at

upang maging malikhain at umunlad pa ang ating wika. Ayon naman kay Ocampo

(2013), ang salitang balbal ay naging bahagi na ng bokabularyong Filipino na tumutugon

sa kinakailangan ng lipunan. Masasabing ang wikang ito ay pampersonal na

pakikipagkomunikasyon at tinatawag ding “salitang kalye” (halaw sa Estanislao et al.,

2018). Binanggit naman nina Kazuhiro et al. (2009) halaw sa Quia et al., (2018), ang

balbal na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang

partikular na grupo ng lipunan. Isang lipunan na lalong nanghimok sa kabataan na

makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito gaya ng lipunang mabubuo sa

social media, isang lipunang dihital na nabibigyan ang sinoman ng pagkakataong

makilahok o di kaya ay makibahagi sa anomang paksa o usaping pinag-uusapan.

Gayundin sa pag-aaral nina (Aldaca at Villarin, 2012), Ang salitang balbal ay tinatawag

ding slang sa Ingles. Nanggagaling ang mga salitang ito sa mga grupo ng mga tao na

ginagamit ang mga salita upang magkaroon ng sariling codes. Dagdag pa nila, ang isang

wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng pagiging

malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Ang

62
pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataang

pananalita.

Q4. Ano ang maaaring implikasyon ng wikang GenZ sa iyong kasanayang

panggramatika?

T1: “Sa madalas kong paggamit ng wikang genZ kapag ako ay nagsasalita hindi ko na

napipili kung kanino ko ito gagamitin. Minsan kahit matanda ang aking kausap

nagagamit ko ito kungkayat minsan mahirap kami magkaintindihan.”

T2: “Maaari itong magdulot saakin ng bagong pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon.”

T3: “Ang hindi pagkakaintindian. Mayroong iba’t ibang henerasyon ang bumubuo sa

isang nasyon at maaring hindi sila makasabay sa nauuso na magdudulot sa hindi

pagkakaintindihan.”

T4: “Maiba ang mga salita.”

T5: “Pagdating sa pagsulat ng akademikong sulatin, minsan ay nakagagamit ng termino

kung saan hindi ito angkop.”

T6: “Naiiba ang mga salita.”

T7: “Maaaring maging sagabal sa kasanayan sa pagsulat ng pormal na mga sulatin.”

T8: “Nakakagawa ng mga panibagong pangungusap.”

T9: “Mababago at mareretoke ang curriculum.”

T10: “Nakakatulong ito na mas maunawaan ko ang isang pahayag.”

T11: “Maaaring maging impormal ang aking gramatika.”

T12: “Ang mabuting implikasyon nito sa aking kasanayang panggramatika ay mas

mapapadali nito ang pakikipag-usap sa ibang tao o kaedad.”

63
T13: “Ang masamang implikasyon naman nito ay nababalewala na ang ating Wikang

Pambansa dahil mas nagagamit na ngayon ang Wikang GenZ.”

T14: “Mas nasasanay ako sa mga salitang ito kaysa sa pagpapaunlad ng paggamit ng

wikang pang bansa.”

T15: “Mas nailalahad ko ang malawak na pananaw sa lahat ng pagkakataon at

maipababatid sa aking kamag-aral nang kaswal at kagiliw-giliw ang bawat sinasambit.

Mas binibigyan nito ng buhay ang bawat salitang aking ginagamit. Mapapaisip at

maaaliw pa ang aking kausap, kung ito ay aking ka henerasyon. Subalit kung hindi

naman, maguguluhan lamang ito at kung minasal malas pa, baka mag init lang ang ulo

neto at magalit saakin.”

T16: “Minsan nakakalimutan ko ng gumamit ng mga tamang salita dahil nakasanayan ko

ng gumamit ng wikang GenZ.”

T17: “Maaaring hindi na masanay o malito na sa tamang spelling kapag pinagpatuloy

pang gamitin ang wikang genz.”

T18: “Maaaring gamitin ang ilang mga salitang GenZ ngunit hindi lahat ay naaangkop

para gamitin sa panggramatika.”

T19: “Sa pag sulat ng akademikong sulatin kadalasan ay nakakagamit ako ng terminong

hindi angkop para nito.”

T20: “Dahil naiiba ang salita.”

T21: “Nakaka epekto ito sa pag kakaintindihan ko sa kanilang mga sinasabi.”

T22: “Mas magandang ang nakasanyang paggramatika at mas marami ito implikasyon.”

T23: “Pagdating sa pagsusulat ng akademikong sulatin, mayroong mga himdi angkop na

64
salita ang nagagamit.”

T24: “hindi gaanong nahahasa ang mga kabataang mag-aaral sa wikang Filipino sapagkat

mas interesado silang alamin at payabungin ang mga balbal na salita lalong lalo na ang

Wikang GenZ.”

Pagsusuri

Karamihan sa mga tagatugon, sumasang-ayon sa isang pananaw na ang

pinakaimplikasyon ng wikang GenZ sa kanilang kasanayang panggramatika ay ang

pagkalimot sa paggamit ng mga angkop na salita sa tuwing sila ay susulat ng

akademikong sulatin at nagiging sagabal ito sa kanilang kasanayan sa pagsulat. Tila

nasasanay na sila sa paggamit ng wikang GenZ kaysa ang payabungin ang kanilang

kasanayang panggramatika sa wikang Filipino. Sumang-ayon din sila na lubhang

nakakaapekto ito sa kanilang pagkakaunawaan dahil sa mga modernong salitang kanilang

ginagamit. Higit pa dito, dahil sa lumalaganap na wikang GenZ ay unti-unti ng

nababalewala ang ating wikang Pambansa at mas tinatangkilik ang mga mababangong

balbal na salita na kahit sa talatinigan ay hindi makita. Sinang-ayunan naman ito ng isang

pag-aaral na may pamagat na Millenila Slang: Mga Pagbabago sa Sistema at Pag-unlad

ng/sa Gramatikang Filipino, isinaad nila na ang paggamit ng millennial slangs pati ang

paglaganap nito sa buong bansa ay may hinaharap ding suliranin. Minsan ay nadadala ito

sa mga hindi nararapat na pagkakataon gaya na lamang kapag nasa pormal na lugar. Ang

paggamit ng salitang balbal ay nagdudulot ng kahinaan sa ispeling, malabong pakikipag-

komunikasyon at pinaghahalili sa mga wastong salita. Talamak ang paggamit nito sa

paaralan, na nagpapakita ng kawalan ng pormalidad.

65
Nawawaglit din tayo sa ating nakasanayang wika, na dulot ay paghina o kaya’y

pagkawala ng pagkakakilanlan ng isang tao bilang Pilipino. At isa pa ay ang paggamit ng

salitang panlansangan upang mang-asar at magbigay ng insulto sa kapwa na nagbubunga

ng di pagkakaintindihan o away.

Q5. Sa iyong palagay, maaari bang idagdag ang mga impormal na salita gaya ng

Wikang GenZ sa wikang ating nakagisnan o wikang Pambansa?

T1: “Hindi, dahil hindi maaaring mabura sa ating bansa ang ating pambansang wika. May

mga salita na hindi maaring ilagay sa mga pormal na pakikipagtalastasan trulad sa ating

trabaho na dapat seryosohin. Kung gagamitin natin ang salitang di-pormal tiyak na di

tayo tatanggapin.”

T2: “Pwede, dahil minsan ito nadin ang madalas gamitin ng mga kabataan.”

T3: “Maaaring idagdag ngunit hindi maaaring pagsamahin. Ang impormal na salita gaya

ng wikang GenZ ay ginagamit sa pakikipagpalitan ng mensahe o salita habang ang

pormal na salita ay ginagamit sa pagggawa ng letter o ginagamit sa paaralan at mga

opisina.”

T4: “Sa aking palagay, hindi maari sapagkat hindi iyon ang ating pambansang wika.” T5:

“Sa aking palagay hindi ito maari, mas mainam na panatilihin at huwag dagdagan ng mga

impormal na salita ang wikang Pambansa bilang respeto na rin sa ating bayan.”

T6: “Sa aking palagay, hindi maari dahil paggalang na lamang sa ating mga wikang

Pambansa.”

T7: “Para sa akin, ito ay hindi maari, dahil mas mainam paring gamitin ang mga pormal

na salita kaysa sa mga impormal bilang respeto sa ating bayan at kapuwa.”

66
T8: “Sa aking palagay hindi, dahil paggalang na lamang sa ating mga wikang Pambansa.”

T9: “Sa tingin ko pwede kasi isa na din yan sa nakasanayan at mas maganda parin ang

wikang ating nakagisnan.”

T10: “Sa aking palagay , Hindi pag bibigay respeto na rin sa ating pambansang wika.”
T11: “Oo.”

T12: “Hindi.”

T13: ”Yes.”

T14: “hindi.”

T15: “Hindi dahil hindi ang iba rito ay hindi purong Pilipino at ang ibang salita ay

impormal ding pakinggan.”

T16: “Hindi, bilang paggalang na rin sa ating wikang pambansa. Higit sa lahat ay hindi

ito maiintindihan ng mga hindi gumagamit ng mga salitang ito.”

T17: “Dahil sa makabagong henerasyon ay masasabi kong maaari ngunit sa pang araw

araw lamang na gamit o kaswal lamang at hindi sa mga pormal na gamit.”

T18: “Hindi, Magandang may mga bagong salita tayo na natututunan ngunit hindi parin

ito sapat na dahilan upang maidagdag bilang isang wikang pambansa.”

T19: “Hindi, dahil kapag idadagdag natin ito baka makalimutan na natin ang ating

sariling wika at ang tamang ayos ng mga salita.”

T20: “Maaari.”

T21: “Hindi, sapagkat ang wikang GenZ ay hindi angkop.”

T22: “Hindi.”

T23: “Hindi maaaring pagsamahin ang wikang GenZ at wikang Filipino sapagkat

magkaiba ito ng estruktura at higit sa lahat may batayan ang wikang Filipino.”

67
T24: “Hindi dahil makakasagabal lamang ito sa ating inang wika.”

Pagsusuri

Karamihan sa mga tagatugon ay hindi sumasang-ayon na maaaring idagdag ang

Wikang GenZ sa Wikang Filipino sapagkat ani nila, kung idadagdag ang mga salitang

balbal partikular na ang wikang GenZ ay baka tuluyan nang mamatay o makalimutan ng

mga tao o mga susunod na henerasyon ang sariling wika natin gayundin ang wasto a

tamang paggamit ng gramatika at linggwistika. Higit pa dito, hindi mabibigyang galang

at respeto ang Wikang Filipino lalong lalo na ang mga manunulat at mananaliksik na

nagpakadalubhasa para lamang mabuo at maayos ang ating wika. Gayundin, hindi

kailanman maaaring pagsamahin ang impormal at pormal na wika sapagkat magkaiba

ang gamit nito. Nakita din naman ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng PHINMA-

Pangasinan sa “Epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga Senior

High School sa Unibersidad Ng Pangasinan”, Napaglaguman ng mga mananaliksik na

tunay at ganap ang modernisasyon ng wikang Filipino, sa paraan na ito ang magpapa-

unlad at magpapalaganap ng wika. Ang mga social network sites ay nakakatulong, ngunit

ito rin daw ang isang salik na nakakapagpalimot gamitin at alalahanin ang mga

katutubong wika. Ang wikang Ingles din ay dumaragdag sa modernisasyon ng wika.

Makikita sa mga social networking sites na ang pagpapayahag ng saloobin at opinyon ay

nasa wikang Ingles, ngunit sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, madalas pa rin

gamitin ang wikang Filipino. Ang istilong jejemon at conyo naman ay hindi gaano

nakakatulong sa kadahilanan na hindi nagkakaunawaan ang magka-usap, at hindi rin ito

nakakatulong sa pag-unlad ng mga wikang pinaghalo (Ingles at Filipino) dahil sa hindi

ito maganda pakinggan.

68
Q6. Bilang isang mag-aaral ng BNHS, masasabi mo bang bihasa ka na sa iyong

kasanayang panggramatika sa paggamit ng Wikang Filipino sa iyong pag-aaral,

pakikipagtalastasan, at paglalahad ng ideya o pananaw sa social media at realidad?

Bakit?
T1: “Hindi pa, kasi hindi ko pa masyadong maintindihan ang malalallim na salitang

tagalog.”

T2: “Hindi dahil naiimpluwensiyahan ng wikang GenZ.”

T3: “Oo, sapagkat nagagawa kong bumuo o magsulat ng sanaysay gamit ang wikang

Filipino.”

T4: “Oo, dahil marami ng nasasanay sa paggamit ng GenZ dahil sa mga naririnig.” T5:

“Hindi, sapagkat hindi ito maiiwasan na minsa’y gumamit ng mga impormal na salita sa

iba’t ibang larangan.”

T6: “Oo, dahil itinuturo ng maayos sa aming paaralan at nagagamit ito ng maayos ng

mga tao sa aking kapaligiran kaya nagagaya ko.”

T7: “Hindi pa, sapagkat hindi ito maiiwasan na minsa’y gumagamit ng mga impormal na

salita.”

T8: “Oo,dahil itinuro ang maayos sa aming paaralan at nagagamit ito ng maayos ng mga

ito sa aking kapaligiran kaya nagagaya ko.”

T9: “Hindi ganon kahusay ,dahil hindi ko masyadong maiintindihan ang malalim na

salita sa wikang Filipino.”

T10: “Masasabi kong bihasa na ako ngunit may pagkakamali din ako minsan sa

pakikipagtalastasan at paglalahad ng ideya ay nagkakamali na salita.”

69
T11: “Oo, dahil naituturo ito ng maayos sa aming paaralan at nagagamit ito ng maayos.”

T12: “Hindi, dahil may mga salita pa ako na hindi naiintindihan kung kaya't dapat ko

pang palawakin ang aking bokabolaryo.”

T13: “Hindi pa, dahil alam kong kulang pa ang aking mga nalalaman.”

T14: “Sa aking palagay ay masasabi kong oo dahil nagagamit ko ito ng maayos sa

paggawa ng mga formal na aralin sa panitikang Filipino at nailalahad ko rin ng maayos

ang aking

mga saloobin tuwing gumagamit ako ng GenZ na wika sa mga kaswal na

pakikipagtalastasan o maging sa sosyal medya.”

T15: “Hindi. Dahil ang mga malalalim na wikang Filipino ay hindi ko gamay.”

T16: “Oo dahil ang Wikang Filipino ang aking kinikilala at kinalakihang wika.” T17:

“Hindi dahil may mga pagkakataon na hirap ako sa pagpapahayag ng saloobin sa pormal

na kaparaanan.”

T18: “Hindi, dahil marami pa akong kailangan matutunan.”

T19: “Hindi pa, dahil kahit mayroong gen z ay nahihirapan pa rin ako sa pag-intindi sa

ibang salitang filipino.”

T20: “hindi gaano dahil nahahaluan ang aking gramatika sa Filipino ng ibat-ibang salita.”

T21: “Hindi,dahil lubos ang impluwensya ng lipunan at social media sa pag usbong ng

ibat ibang mga makabagong wika na nagagamit ko din sa araw-araw.”

T22: “Hindi, dahil mayroong mga salitang malalalim na kelangan tutukan.”

T23: “Bilang isang mag aaral ,hindi ko pa masasabi na bihasa na ako sa pag gamit ng

wikang pilipino. Marami pa akong dapat na matutunan sa pag sasalita ng pormal gamit

ang ating sariling wika.”


70
T24: “Hindi pa sapagkat mas naiimpluwensiyahan ako ng mga nasa paligid ko na

magsalita ng mga impormal na wika kaysa pagyamanin at hasahin ang aking kasanayang

panggramatika sa wikang Filipino.”

Pagsusuri

Kapansin-pansin naman sa resulta ng tugon ng mag-aaral na tila hindi pa sila

bihasa sa kanilang kasanayang panggramatika sa paggamit ng Wikang Filipino sa iyong

pagaaral, pakikipagtalastasan, at paglalahad ng ideya o pananaw sa social media at

realidad. Ani nila, bukod sa matinding impluwensiya ng wikang GenZ, tila marami pa rin

sa kanila ang hindi lubos na naiintindihan ang mga malalamim na salitang Filipino.

Gayundin, marami sa mga impormal na salita ang naisasali pa rin nila sa kanilang

akademikong sulatin na hindi naman dapat marahil sa dalas ng kanilang paggamit ng

wikang GenZ sa kanilang pakikipagtalastasan at paglalahad ng mga ideya sa reyalidad

man o maging sa social media. Kaya naman napakahalaga ng tungkulin na gagampanan

ng guro dito sapagkat sila ang kauna-unahang dapat na magturo at humubog sa

kasanayang panggramatika ng kanilang mga mag-aaral upang kahit matindi man ang

impluwensiya ng Wikang GenZ ay hindi pa rin nila malimutan ang kanilang sariling

wika. Ayon kay Ana Marie Zaldivar sa kanyang essay na “Ang Gramatikang Filipino”,

Ang gawain ng isang guro sa Filipino ay hindi madali dahil kinakailangan ang kaalaman

na malalim sa teoryang pang gramatika na kanyang ilalapat sa mga inihanda nyang

diskusyon. Kaya para sa mga naghahanagad maging guro ng Filipino balang araw at sa

mga nagtuturo na, malaking ambag ang kaalaman sa teoryang wika at gramatika. Ang

71
gramatika ay bahagi ng diskuro ayon kay Ross Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito

ang pinaka importanteng sangkap sa pagsasalita, pakikinig, pagbabasa, pagsulat, at

panonood. Mas huhusay ang pagtuturo kung alam ng guro paano natututunan at gamitin

ang wika. Gramatika ang batayan ng wika at sa balangkas na ito mabubuo ng mga mag

aaral ang kanilang ginagawa at makikita ang kanilang pag unlad. Nararapat na alamin ng

isang guro ang iba’t ibang teorya sa wika at gramatika dahil ang kabatiran ng mga

teoryang ito ang ay hindi sapat kung hindi maituturo ng tama. Kahit anong ganda ng

aralin na tinuturo, kung ghindi ito napupusuan ng estudyante ay baliwala din ang pagod

ng guro.

Q7. Ano sa tingin mo ang kasalukuyang kalagayan ng Wikang Filipino sa pag-

usbong ng iba’t ibang wika tulad ng Wikang GenZ?

T1: “Ito ay hindi na masyadong umuusbong dahil sa mga wikang ibang bansa at mga

nauusong mga salita.”

T2: “Hindi na umuusbong dahil hindi na masyadong nagagamit”

T3: “Parte parin ito ng ating kultura. Mayroong mga bagong wikatulad ng wikang genZ

ngunit nagagawa pa rin nating panatilihin ang wikang Filipino bilang parte ng ating

kinagisnan at kultura.”

T4: “Ang kalagayan ng wikang Filipino sap ag usbong ng iba’t ibang wika ay maganda

naman pero kailangang gamitin parin ang wikang Filipino.”

T5: “Napapalitan at unti-unting kinakalimutan ang wikang kinagisnan.”

T6: “Sa aking palagay nagbabago na ito.”

T7: “Tingin ko ay unti-unting tinatangkilik ito kaysa sa wikang ating nakagisnan.”

72
T8: “Dahil nagbago na ang mga pananalita ng mga tao sa ngayon kumpara noon.”

T9: “Hindi na masyado nagagamit ang wikang Filipino.”

T10: “Para sa akin mas maganda padin ang wikang nakasanyan kumpara sa wikang genZ

na nauuso uso lang dahil kasikatan.”

T11: “Patuloy na nagbabago ang wikang GenZ.”

T12: “Nakakalimutan natin ang sarili nating wika sapagkat madalas na nating ginagamit

ang mga salitang bago dahil ito ay uso.”

T13: “Ang mga salitang GenZ ay talaga naman nakakatuwa ngunit hindi magiging

pormal ang mga gramatika kung ito ay gagamitan ng mga salitang GenZ.”

T14: “Indikasyon ito ng pagyabong ng ating kultura.”

T15: “Nagkakaroon ng bagong wika na pwedeng magamit sa pakikipagtalastasan.” T16:

“Sa tingin ko, maunlad pa rin naman ang Wikang Filipino ngunit minsan ito ay

naiisantabi na dahil sa mga nauusong GenZ words na madalas gamitin ng mga kabataan

ngayon.”

T17: “Nagiging sagabal ang wika ng GenZ sa Wikang Filipino.”

T18: “Umuuanlad at naipapalaganap”

T19: “Marami sa mga kabataan ngayon ang gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng

pag sasalita kagaya ng “jeje” at “beki languange” dahil dito ay maaring makalimutan nila

ang mga tamang paggamit sa wikang Filipino. Maraming kultura ngayon ang

namamayagpag sa Pilipinas. Makikita ang mga Koreanong grupo kagaya ng “Blackpink”

at “Twice” na talaga namang kinakabaliwan ng madaming Pilipino. Nauuso din ngayon

ang panonood ng animated na palabas ng mga Hapones. Madami din sa mga kabataan

73
ang mas tumatangkilik sa mga american movies o mga palabas na gawa sa bansang

Amerika. Sa kanilang pagtangkilik dito ay nalalaman o nagagamit nila ang wikang

ginagamit dito. Naiipakita nito ang lawak ng impluwensya sa atin ng mga nakikikita o

napapanood na bagay.”

T20: “Sa tingin ko'y unti-unting hindi nabibigyang pansin ang ating sariling wika.”

T21: “Hindi na ito napapaunlad at nagagamit ng tama.”

T22: “Ang wikang filipino ay maaaring mawala dahil sa kasanayan o sa paggamit lagi ng

wikang genz.”

T23: “Marami man ang gumagamit ng mga makabagong linggwahe ngayon, pero mas

pinipili parin ng mga karamihan ang mga sinaunang salita natin lalo na sa paraan nila ng

panliligaw, dahil mas may dating ito at mas kaaya ayang gamitin.”

T24: “Nawawalan na ng interes ang mga kabataang Pilipino sa pag-aaral at pagtangkilik

ng wikang Filipino.”

Pagsusuri

Ayon sa tugon ng mga tagatugon sa kasalukuyang kalagayan ng Wikang Filipino

sa pag-usbong ng iba’t ibang wika tulad ng Wikang GenZ, sinabi nila na unti-unti ng

hindi

nawawalan ng kabuluhan at halaga ang ating Wikang Pambansa. Tila hindi na rin

napapaunlad at nagagamit ng wasto ang ating sariling wika bagkus ay mas napapalawig

at ginagawa na lamang malikhain ang mga wika na naaayon sa kanilang sariling

kagustuhan. Ani naman ng iba, mas nabibigyang oportunidad ang paggamit ng Wikang

74
GenZ sapagkat indikasyon ito na napapayabong ang ating kultura gayundin ang istilo ng

ating pakikipagtalastasan. Batay sa pag-aaral nina (A. Ayon et, al. 2019), malawak ang

wikang Tagalog at madami rin itong uri ngunit habang patagal ng patagal at paunlad ng

paunlad ang teknolohiya marami sa mga Filipino ang nakakaligtaang gamitin angating

wika sa kadahilanan ng pag usbong ng ibat ibang termino at salita. Marami ang

nakakalimot sa tunay na tawag o kahulugan sa kadahilanang maraming salita ang

pwedeng ipalit na mas maikli o di naman kaya’y mas madaling bigkasin. Lalo na ang

mga kabataan malimit kung gumamit.

KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na buod, konklusyon at

rekomendasyon ng pag-aaral upang maitala ang solusyon sa suliraning inilalahad ng

pagaaral ng ito.

BUOD NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning malaman ang “Implikasyon ng

Wikang GenZ sa Kasanayan Pangngramatika ng mga mag-aaral ng Senior High School

ng Bonfal National High School.” Ang ginamit na pamamaran sa pangangalap ng mga

datos ay naghanda ang mga mananaliksik ng isang talatanungan o kwestyoner bilang

instrumento sa pagkuha ng mga datos mula sa mga tagatugon at nagsagawa rin ang mga

mananaliksik ng harap-harapan at birtwal na pakikipanayam. Isinagawa ang pag-aaral na

75
ito sa mga Senior High School ng Bonfal National High School sa bayan ng Bayombong,

Nueva Vizcaya.

Ang mga resulta ng pananaliksik na ito ay naipakita sa paglalarawan at paglalahad gamit

ang mga grap at talahanayan. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, makikitang malaki

ang implikasyon ng wikang GenZ sa kanilang kasanayang panggramatika. Gayundin,

naisa-isa ang mga salitang GenZ na malimit ginagamit ng mga GenZers at maging ang

impluwensyang may malaking impak sa pagsibol ng wikang GenZ bilang modernong

anyo ng balbal na salita.

MGA KONGKLUSYON

Mula sa nabuong suliranin at kaligiran nito, ang mga lumabas na resulta mula sa mga

nalikom na datos at impormasyon;

1. Inilahad sa pananaliksik na ito na ang mga mag-aaral ng Senior High School ng

Bonfal National High School ay gumagamit ng mga salitang GenZ sa malikhaing

paraan. Kabilang sa kanilang paraan ng pagbuo ng mga salita ay ang

pagbabaligtad, paggamit ng akronim, pagpapalit pantig, kombinasyon, paglilipat

o panghihiram at pagbuo ng ekspresyon.

2. Ang mga mag-aaral ay hindi sumasang-ayon sa pagiging malaya sa pagpapahayag

ng sariling saloobin at ideya kung wikang GenZ ang kanilang ginagamit na

midyum sa pagsasalita. Gayundin, hindi sumasang-ayon ang mga tagatugon na

nauunawaan sila ng kanilang kausap sa tuwing sila ay gumagamit ng wikang

GenZ sa pagpapahayag ng saloobin, mensahe at ideya.

76
3. Sa implikasyon ng wikang GenZ sa kasanayang panggramatika ng mga mag-

aaral, karamihan sa mga tagatugon ay sumasang-ayon sa isang pananaw na ang

pinakaimplikasyon ng wikang GenZ sa kanilang kasanayang panggramatika ay

ang pagkalimot sa paggamit ng mga angkop na salita sa tuwing sila ay susulat ng

akademikong sulatin at nagiging sagabal ito sa kanilang kasanayan sa pagsulat.

4. Sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagsibol ng GenZ. Pinakamarami ang

naniniwalang ang pagsabay sa uso at trend at pakikisalamuha o pakikisama ang

lubos na nakakaimpluwensiya sa pagsibol ng GenZ bilang modernong anyo ng

balbal na salita Samakatwid, malaki ang impluwensiya ng social media, mass

media at mga nakakasalamuha sa pag-unlad ng mga ganitong uri ng salita.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, mas marami ang may positibong pananaw

tungkol sa Wikang Genz. Mas marami rin sa mga tagatugon ang nagmumungkahing

malaki ang importansya nito lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Kaya inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod;

1. Sa mga mag-aaral at kabataan, nawa’y huwag maging alipin sa mga balbal o

makabagong wika at nawa’y pahalagahan at payabungin pa ang sariling wika at

maging ang kasanayang panggramatika lalong lalo na sa pagsulat ng mga

akademikong sulatin.

2. Sa mga magulang, unawain ang wikang ginagamit ng mga mag-aaral at kabataan

subalit lakipan ito ng paggabay, pangangaral at pagpapayo sa angkop na gamit ng

impormal na wika upang hindi tuluyang malimutan ang Wikang Filipino.

77
3. Sa mga guro, gabayan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na

gawain na makakatulong upang mahasa ang kanilang kasanayang panggramatika sa

Filipino at hikayatin ang mga mag-aaral na pag-ibayuhin pa ang pagbabasa upang

mapalawak ang kanilang talasalitaan sa wikang Filipino.

4. Sa mga mananaliksik sa hinaharap, nawa’y magbasa ng mga literatura at pananaliksik

na maaaring makatulong sa paggawa ng pananaliksik at upang magkaroon ng

madaming ideya’t kaalaman patungkol sa paksang isasaliksik.

5. Sa mga manunulat ng mga aklat, ipagpatuloy pa ang ibayong pag-aaral sa mga

wikang umuusbong sa modernong panahon na malimit ginagamit ng mga kabataan

sapagkat mabilis ang pag-unlad at pagbabago ng wika ayon sa pangangailangan ng

kanilang henerasyon at pag-ibayuhin din ang pagsulat ng mga diskursong Pilipino.

6. Sa mga mambabasa, nawa’y huwag maging alipin sa mga balbal o makabagong wika

at nawa’y pahalagahan ang sariling wika.

78
TALASANGGUNIAN

W. (2021). Mga katangian ng Generation Z. Saan ako makakalipad? Retrieved From:

https://www.wcifly.com/tl/blog-international-generationzcharacteristics

Schwieger, D. (2018). ERIC - EJ1179303 - Reaching and Retaining the Next Generation:

Adapting to the Expectations of Gen Z in the Classroom, Information Systems

Education Journal, 2018-Jun. Eric.Gov. Wrightsville Beach, NC

https://eric.ed.gov/?id=EJ1179303

Gime, A. & Macascas, C. (2020). (PDF) Wikagenz: Bagong Anyo ng Filipino slang sa

Pilipinas. International Journal of Research Studies in Education. 9.

10.5861/ijrse.2020.5823. Researchgate.net. Manila, Philippines. Retrieved From:


79
https://www.researchgate.net/publication/342849144_WikaGenZ_Bagong_anyo_n

g_Filipino_slang_sa_Pilipinas

Concepcion, G. P. (2012). Ang umuusbong na wika ng kabataang Filipino sa paglalaro


ng

DoTA. In J. M. Retrieved From:

https://www.scribd.com/document/336427236/Ang-Umuusbong-Na-Wika-Ng-

Kabataang-FIlipino-Sa-Paglalaro-Ng-DOTA

Yule, G. (2010). The study of language (4th ed.). Academia.edu. UK: Cambridge

University Press. Retrieved From:

https://www.academia.edu/31721811/The_Study_Of_Language_4th_Edition_pdf

Pradianti, W. (2013). The use of slang words among junior high school students in

everyday conversation: A case study in the ninth-grade students of a junior high

school in Bandung). Journal UPI, 1(1), 87-98. Bandung, Indonesia. Retrieved

From: https://ejournal.upi.edu/index.php/psg/article/view/362

Albay, J. (n.d.). Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior

High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. Academica.edu. Dagupan City,

Pangasinan, Philippines. Retrieved from.

https://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filipi

no_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan

Miclat, M. (2015). Ang Kalagayan ng Filipino sa Panahon Ngayon – National

Commission for Culture and the Arts. National Commission for Culture and the
Arts.

80
Intramuros, Manila. Retrieved From: https://ncca.gov.ph/about-

ncca3/subcommissions/subcommission-on-cultural-disseminationscd/language-

andtranslation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/

Estanislao, J.C., Padrigan, J. C., Cabanes, R. V., Lopez, K. J., Pallega, R. J., Ituralde, J.,

Tapar, J., & Pacat, J. (2018). Effects of slang on the learning of selected grade 12

students in ABM strand this school year. Emilio Aguinaldo College: Cavite

Retrieved From.

https://www.academia.edu/36190864/EPEKTO_NG_SALITANG_BALBAL_SA_

PAG_AARAL_NG_MGA_PILING_MAG_AARAL_SA_IKALABING_DALAW

ANG_BAITANG_SA_STRAND_NA_ABM_PANURUANG_TAONG_2018

Rahmawati, A. (2012). Word Formation Processes on Slang Words Used by


Transsexual.

Semarang: Diponegoro University. Retrieved From:


http://eprints.undip.ac.id/34993/2/WORD_FORMATION_PROCESSES_ON_SLA

NG_WORDS.pdf

WIKA SA ATING LIPUNAN. (2015). Balbal Ay Sagabal. Retrieved From:

https://fili2015.wordpress.com/

Bautista, K., & Elava, A. (2022, February 6). thesis in filipino. Blogspot. Lyceum of

Alabang: Muntinlupa City. Retrieved From: http://annalea-

elava.blogspot.com/2009/03/thesis-in-filipino.html

Boeree, D. C. (2003). Language Change and Evolution. (n.p) Webspace.Ship.Edu.

Retrieved From: http://webspace.ship.edu/cgboer/langevol.html

81
Glance, D. (2015). How technology is changing language and the way we think about the

world. The Conversation. University of Western Australia, Australia. Retrieved

From: https://theconversation.com/how-technology-is-changing-language-and-

theway-we-think-about-the-world-35856

Davies, S. (2018). How Has Social Media Changed Language? Socialnomics.net. (n.p)

Retrieved From: https://socialnomics.net/2016/10/27/how-has-social-

mediachanged-language/

Mendoza, L. (2011). ANG USAPING PANG-WIKA SA BAGONG YUGTO ANG


USAPING

PANG-WIKA SA BAGONG YUGTO NG PANTAYONG PANANAW: ANG

PANLOOB NA HAMON NG PLURALISMO. Researchgate.Net. Oakland


University.

Retrieved From:
https://www.researchgate.net/publication/265319624_ANG_USAPING_PANGWI

KA_SA_BAGONG_YUGTO_ANG_USAPING_PANGWIKA_SA_BAGONG_Y

UGTO_ANG_USAPINGPANGWIKA_SA_BAGONG_YUGTO_ANG_USAPIN

G_PANGWIKA_SA_BAGONG_YUGTO_ANG_USAPING_PANG-

WIKA_SA_BAGONG_YUGTO_NG_PANTAYO

Carino, J. (2017). Tama Ba ang Mga Pagbabago sa Wikang Filipino? ABS. Quezon

City, Philippines. Retrieved February 6, 2022, From: https://news.abs-

cbn.com/life/08/08/17/tama-ba-ang-mga-pagbabago-sa-wikang-filipino

Bristol, A. M. (2017). ANG MGA EPEKTO NG PAGGAMIT NG SALITANG BALBAL SA

PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE MULA SA IKA-10 BAITANG NG

82
KOLEHIYO NG SANTA KATERINA LUNGSOD QUEZON. Prezi.Com. Quezon,

Philippines. Retrieved From: https://prezi.com/on1fplvc3tkl/ang-mga-epekto-

ngpaggamit-ng-salitang-balbal-sa-pag-aaral-n/

Kleinman, B. Z. (2010, August 16). How the internet is changing language. BBC News.

London, United Kingdom. Retrieved From:

https://www.bbc.com/news/technology-10971949

Pillio, P., & Lagumbay, J. (2019). Toaz - Lecture notes 1 - mga epekto ng Salitang Balbal

at Salitang Kanto sa Wikang Filipino Isang. StuDocu. New Corella, Davao Del

Norte. Retrieved February 6, 2022, from

https://www.studocu.com/ph/document/bulacan-polytechnic-college/senior-

highschool/toaz-lecture-notes-1/17941505

Muhartoyo, M. (2014). The Use of English Slang Words in Informal Communication

Among 8th Semester Students of English Department in Binus University. Neliti.

Binus University: Jarakta, Indonesia. Retrieved From:

https://www.neliti.com/publications/166869/the-use-of-english-slang-words-

ininformal-communication-among-8th-semester-stud#cite

By FIDEL R. JIMENEZ, GMA News. (2014). Ang pagsabay sa uso ng wikang Filipino

News. GMA News Online. Quezon City, Philippines. Retrieved From:

https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/376707/ang-pagsabay-

sauso-ng-wikang-filipino/story/

Mangyao, R. (2017). WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON.

83
Academia.Edu. Arellano University: Manila, Philippines. Retrieved From:

https://www.academia.edu/32106593/WIKANG_FILIPINO_SA_%20MAKABA

%20GONG%20_PANAHON

Tenore, M. J. (2013). 5 ways that social media benefits writing and language. Poynter.

Florida, USA. Retrieved From:

http://www.poynter.org/reporting-editing/2013/5ways-that-social-media-benefits-

writing-the-english-language/

Reed, J. (2016, December 12). How Dose Social Media Effects Our Language.
Mohammed

Imamol Hasan Word Press. New York. Retrieved From:

https://mohasan72.wordpress.com/how-dose-social-media-effects-our-language/

Rodriguez-Tatel, M. J. (2018). Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya

sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang

Pilipino

(Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya in Filipino: Redefining

Context and Concept within the Filipino Scholarly Tradition). Academica.Edu.

UP

Diliman: Manila, Philippines. Retrieved From:

https://www.academia.edu/36431778/Philippine_Studies_Araling_Pilipino_Pilipi

nolohiya_sa_Wikang_Filipino_Pagpopook_at_Pagdadalumat_sa_Loob_ng_Kapa

ntasang_Pilipino_Philippine_Studies_Araling_Pilipino_Pilipinolohiya_in_Filipin

o_Redefining_Context_and_Concept_within_the_Filipino_Scholarly_Tradition_

Cagatin, A. C. Y. (2021). Gen Z at ang bumabaluktot nilang dila sa wikang Filipino. Vox

84
Populi PH | Contemporary Philippine Literature & Youth Writing. Manila,

Philippines. Retrieved From: https://voxpopuliph.com/2021/08/07/gen-z-at-

angbumabaluktot-nilang-dila-sa-wikang-filipino/

Rellin, T. (2021). Ang Papel ng Wikang sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa

Bansa. Academia.Edu. (n.p). Retrieved From:

https://www.academia.edu/28337728/Ang_Papel_ng_Wikang_sa_Gitna_ng_Pagk

akaiba-iba_ng_mga_Wika_sa_Bansa

M, Miclat. Ph., D. (2015). Ang Kalagayan ng Filipino sa panahon Ngayon. National

Commission for Culture and the Arts. UP Diliman: Manila, Philippines. Retrieved

February 6, 2022, from https://ncca.gov.ph/about-ncca-

3/subcommissions/subcommission-on-cultural-disseminationscd/language-

andtranslation/ang-kalagayan-ng-filipino-sa-panahon-ngayon/

Santos, T. U. (2011). Pagpapaunlad ng wika, nakatutulong sa ekonomiya.

Varsitarian.Net. University of Sto.Tomas: Manila, Philippines. Retrieved From:

https://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa

_ekonomiya

Noval, A. (2020). ). Pag-usbong ng balbal na pananalita bilang modernong wika ng

kabataan: Isang pagsusuri. International Journal of Research Studies in

Education. Cebu Technological University, Cebu. 10. 1-12.

10.5861/ijrse.2020.5069. Retrieved From:

https://www.researchgate.net/publication/346700877_Pagusbong_ng_balbal_na_

pananalita_bilang_modernong_wika_ng_kabataan_Isang_ pagsusuri

85
APENDIKS A

LIHAM SA TAGATUGON

Republika ng Pilipinas
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong , Nueva Vizcaya

KOLEHIYO NG PAMPAGTUTURO
Bayombong Campus

Hunyo 6, 2022

GNG. LOURDES P. ABANSI, Ph.D School Principal IV Bonfal National High


School Bayombong, Nueva Vizcaya

Mahal na Punnongguro:

86
Isang mapagpalang araw po!
Kami ay mga mag-aaral na nasa ikatlong antas ng kursong Batsilyer ng
Pansekundaryang Edukasyon at nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Nueva Vizcaya State
University Bayombong, Nueva Vizcaya. Sa kasalukuyan, kami po ay nagsasagawa ng
pananaliksik na may pamagat na “Wikang GenZ: Implikasyon sa Kasanayang
Panggramatika ng mga mag-aaral ng Senior High School ng Bonfal National High
School, Bayombong, Nueva Vizcaya.”
Kaugnay nito, kami po ay humihingi ng pahintulot na payagang makapaglikom
ng mga mahahalagang datos at impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga
piling estudyante ng Senior High School Department sa inyong paaralan.

Umaasa kami na inyong mapapaunlakan ang aming kahilingan. Maraming


salamat po sa inyong konsiderasyon na lubhang makakatulong sa ikapagtatagumpay ng
aming akademikong gawain at nawa kayo ay patnubayan ng Panginoon.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik:

GINES, CATHERINE G.
HILARIO, MARIANNE L.

TUMACDER, DANICA HANNAH MAE L.

VALDEZ, MAUREEN FE V.

Binigyang Pansin nina:

JOEY M. VILLANUEVA, Ph.D FERMILA D. CAUILAN, MAT-Fil


Guro sa Pananaliksik Tagapayo

Pinagtibay nina:

GAIL G. GUMILET, Ed. D


Pinuno, Departamento ng Edukasyong Pansekundarya

SANNY J. DANGIS, Ph.D

87
Dekano

APENDIKS B

TALATANUNGAN

Republika ng Pilipinas
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong Campus

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

SEC FIL 110 (Introduksyon sa Pananaliksik) Unang Semestre, 2021-2022

TALATANUNGAN
(Para sa Mag-aaral)

88
Mahal naming mga tagatugon,

Kami, ang mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino ng Nueva


Vizcaya State University, Bayombong Campus ay kasalukuyang nagsasagawa ng
pananaliksik na pinamagatang “Wikang GenZ: Implikasyon sa Kasanayang
Panggramatika ng Mag-aaral ng Bonfal National High School, Bayombong, Nueva
Vizcaya.” Kaugnay nito, nais naming hingin ang inyong kooperasyon upang sagutan ang
aming talatanungan. Ang inyong tapat na pagsagot ay isa nang malaking tulong sa
pagaaral. Umasa kayo na ang lahat ng inyong sagot ay mananatiling konpidensiyal at
gagamitin lamang sa aming pananaliksik. Maraming Salamat.
Mga Mananaliksik
I. PROPAYL NG MGA TAGATUGON
Katangian ng mga tagatugon ayon sa Edad, Kasarian, at Baitang.

Pangalan (Opsiyonal): _______________________________ Kasarian: _________


Edad: _______________ Baitang:
__________

Panuto: Lagyan lamang ng tsek [ / ] ang kahong sumasang-ayon sa iyong kasagutan.


Pumili lamang ng isa.
1. Ikaw ba ay napapabilang sa Henerasyong Z?

[ ] Oo [ ] Hindi

2. Ikaw ba ay gumagamit ng Wikang GenZ?

[ ] Oo [ ] Hindi

II. IMPLIKASYON NG WIKANG GENZ SA KASANAYANG


PANGGRAMATIKA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Markahan ng tsek ( / ) ang bawat bilang
na ninanais mo batay sa kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa
bawat tanong na may kinalaman sa implikasyon ng iyong paggamit ng Wikang GenZ
sa iyong kasanayang panggramatika. Pumili at tugunan ang pinakanaglalarawan ng
iyong sariling kalooban.

Mga Tanong Sumasangayon Hindi


sumasangayon

89
1. Sumasang-ayon ka ba na
umuunlad/nagbabago ang anyo ng Wikang
Filipino?
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa
mga salik na nakaimpluwensiya sa iyo sa
paggamit ng Wikang GenZ?
3. Napapaunlad ba ng mga balbal na salita
partikular ang Wikang GenZ ang iyong
kasanayang pangngramatika sa Wikang
Filipino?
4. Malaya mo bang naipapahayag ang iyong
saloobin at ideya kung Wikang GenZ ang
iyong ginagamit na midyum ng
pananalita?
5. Nauunawaan ka ba ng iyong kausap sa
tuwing ikaw’y gumagamit ng Wikang
GenZ
sa pagpapahayag ng iyong saloobin,
mensahe, at ideya?
6. Bilang isang mag-aaral, mas mainam bang
gamitin ang Wikang GenZ sa
pagpapahayag ng saloobin sa paaralan?
7. Dapat bang gamitin ang Wikang GenZ sa
pagsusulat ng mga akademikong sulatin at
maging sa pormal na talakayan?
8. Nakakaimpluwensiya ba ang antas ng ating
lipunan upang lalong hikayatin ang mga
kabataan na sanaying gamitin o bigkasin
ang mga salitang lumalaganap sa
Henerasyong Z?
9. Nakakaapekto ba ang pagsibol ng Wikang
GenZ sa iyong kasanayang
panggramatika?

III. PAGSIBOL NG WIKANG GENZ

Panuto: Punan ng tsek (/) ang kahon kung ano-ano sa tingin mo ang mga dahilan
o nakaiimpluwensiya sa pagbuo ng wikang GenZ sa modernong panahon.
(Maaaring mag tsek ng mahigit pa sa isa.)
1. Libangan at katuwaan
2. Pagpapahayag o sariling pagkakakilanlan
3. Pagsabay sa uso at trend at pakikisalamuha o pakikisama

90
4. Pagkamalikhain
5. Impluwensiya ng barkada o lipunan
6. Pagpapaikli, pagbabali-baliktad at pagbabagong-ayos ng mga salita
7. Pagpapadali ng paraan ng pakikipakomunikasyon

Republika ng Pilipinas
NUEVA VIZCAYA STATE
UNIVERSITY
Bayombong Campus

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

SEC FIL 110 (Introduksyon sa Pananaliksik) Unang Semestre, 2021-2022

PAKIKIPANAYAM

91
(Para sa Mag-aaral)

1. Gumagamit ka ba ng istilong Wikang GenZ sa iyong pakikipagtalastasan at


pagpapahayag ng iyong mensahe? Bakit?

2. Ano-anong mga salitang GenZ ang alam mo o ginagamit mo sa paraang


pagbabaligtad, pagpapaikli, pagbabago ng baybay, akronim, pagbuo ng
ekspresyon at pagpapalit ng salita sa salit?

3. Ano-anong maaaring adbentahe ng pagpapalaganap ng wikang GenZ sa ating


lipunan?

4. Ano ang maaaring implikasyon ng wikang GenZ sa iyong kasanayang


panggramatika?

5. Sa iyong palagay, maaari bang idagdag ang mga impormal na salita gaya ng
Wikang GenZ sa wikang ating nakagisnan o wikang Pambansa?

6. Bilang isang mag-aaral ng BNHS, masasabi mo bang bihasa ka na sa iyong


kasanayang panggramatika sa paggamit ng Wikang Filipino sa iyong pag-aaral,
pakikipagtalastasan, at paglalahad ng ideya o pananaw sa social media at
realidad? Bakit?

7. Ano sa tingin mo ang kasalukuyang kalagayan ng Wikang Filipino sa pag-usbong


ng iba’t ibang wika tulad ng Wikang GenZ?

UKOL SA MANANALIKSIK

Pangalan: CATHERINE G. GINES

Taon: 22

Kaarawan: July 2, 2000

Tirahan: Purok 3, Bonfal Proper, Bayombong, Nueva


Vizcaya

92
Katayuan: Single

Pangalan ng mga Magulang: Buster G. Gines Trabaho: Construction Worker

: Imelda G. Gines : Vendor

Edukasyon:

Kindergarden: Plaza Daycare Center

(2006-2007)

Elementarya: Bonfal Pilot Central School

(2007-2012)

Sekundarya: Bonfal National High School

(2012-2019)

Kolehiyo: Nueva Vizcaya State University, Bayombong Campus

Bachelor of Secondary Education

Major in Filipino

(2019-2023)

Kasabihan: Work Hard, Dream Big, Never Give Up

UKOL SA MANANALIKSIK

Pangalan: MARIANNE L. HILARIO

Taon: 21

Kaarawan: Disyembre 1, 2000

Tirahan: Purok 2, Magsaysay Bayombong Nueva Vizcaya

93
Katayuan: Single
Pangalan ng mga Magulang: Reynaldo M. Hilario Trabaho: Farmer

: Meriam L. Hilario : OFW


Edukasyon

Kindergarden: Lutucan 1 Day Care Center Sariaya, Quezon

(2006-2007)

Elementarya: Lutucan Central School

(2007-2008)

Lutucan 1 Primary School

(2008-2013)

Sekundarya: Nueva Vizcaya General Comprehensive High School

(2013-2019)

Kolehiyo: Nueva Vizcaya State University, Bayombong Campus

Bachelor of Secondary Education

Major in Filipino

(2019-2023)

Kasabihan: Walang mangyayari sa buhay mo kung papairalin ang takot at hiya sa

paggawa ng mga bagay na kaya mo namang gawin.

UKOL SA MANANALIKSIK

Pangalan: DANICA HANNAH MAE L. TUMACDER

Taon: 21

Kaarawan: Mayo 25, 2001

94
Tirahan: Pimentel Subdivision, La Torre South, Bayombong, Nueva Vizcaya

Katayuan: Single

Pangalan ng mga Magulang: Elmer M. Tumacder Trabaho: Teaching

: Avelina L. Tumacder :Government Employee

Edukasyon:

Kindergarden: Salvacion Day Care Center

(2005-2006)

Elementarya: Bayombong Central School Sped Center

(2006-2012)

Sekundarya: Nueva Vizcaya General Comprehensive High School

(2012-2019)

Kolehiyo: Nueva Vizcaya State University, Bayombong Campus

Bachelor of Secondary Education

Major in Filipino

(2019-2023)

Kasabihan: Things Take Time and That’s Okay

UKOL SA MANANALIKSIK

Pangalan: MAUREEN FE V. VALDEZ

Taon: 21 TAONG GULANG

Kaarawan: IKA-21 NG PEBRERO, 2001

Tirahan: BRGY. CONCEPCION, SOLANO, NUEVA VIZCAYA

Katayuan: SINGLE

95
Pangalan ng mga Magulang: WILLIAM VALDEZ Trabaho: KARPINTERO

:MARIFE VALDEZ : MAYBAHAY

Edukasyon:

Kindergarden: CONCEPCION KINDERGARDEN

(2006-2007)

Elementarya: CONCEPCION ELEMENTARY SCHOOL

(2011-2012)

Sekundarya: SOLANO HIGH SCHOOL

(20018-2019)

Kolehiyo: NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY, KAMPUS NG BAYOMBONG

BACHELOR IN SECONDARY EDUCATION

MAJOR IN FILIPINO

(2019-2023)

Kasabihan: “Pwedeng mapagod, pero hindi pwedeng sumuko”

96

You might also like