You are on page 1of 4

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Ang kabanatang ito na may paksang ‘Epekto ng Paggamit ng Gay Lingo sa mga
Mag-aaral ng ika-11 na Baitang sa Dalubhasaan ng Divine Word College ng Calapan’ ay
naglalaman ng bangyagang literature, banyagang pag aaral, lokal nap ag aaral at lokal na
literaturang mula sa mga aklat, journal, nalathala at hindi nailathalang tesis at iba pang
lathalain na nagbigay ng mga impormasyon na nagamit ng mga mananaliksik kaugnay sa
nasabing paksa.

Banyagang Literatura

Sa aklat ni Weinrich na may titulong Language in Contact, ipinaliwanag ni Marine


(1998) na ang panglinggwistikang mga pagkakaiba (diversity) ay nagsimula sa sarilinglahi,
sa katangian ng isang tao. Hindi kailangang sabihin na ang isang tao ay laranganng
pagtutunggali sa panglinggwistikang uri at gawi.
Si Weinrich (1998) ay naniniwalang maliit man o malaki ang pagkakaiba o
pagkakatulad ng mga wika na ginagamit ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan ay dapat na
lubusang mailahad sa bawat larangan sa ponema, balarila at mga salita bilang pang-unang
kailangan sa pagsusuri ng mga balakid.
Ipinahayag ni Contreras noong 1994 sa kanyang nilimbag na lathalain nanaipalabas
sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang bakla. Sa pamamagitan nito,
karagdagang unawa ang kailangang matamo ukol sa pagkakaroon sa lipunan ng mga bakla
o gay Variety kadalasan pa ay mix-mix o Taglish Variety ang ginagamit.
Inilahad ni Phillips (1990) sa wikang Ingles na ang homosexual sa Amerika
aymahilig gumamit ng mga swards lingo na kung saan kalimitan ay para lamang sa
kanilang pangkat na mamamayan. Ipinahayag ni Conteras (1994) sa kanyang nilimbag na
lathalain na ipinalabas sa Readers Digest Vol.10, No.5 ang katangian ng isang gay o bakla.
Sa pamamagitan nito, karagdagang unawa ang kinakailangang matamo ukol
sapagkakaroon sa lipunan ng mga bakla.
Sinabi naman ni Benjamin (1996) na ang swards lingo ay nauso lamang dahilang
mga bakla ay nagnanais na matamo ang kalayaan at ang pang-unawang lipunan.
Ipinahayag ni Umali (1991) na ang ating wikang Filipino ang pinagbabayan ng
kaalaman na dapat maiukol at maipasok sa kaisipang ng bawat mag-aaral. Ito ay isang
mayamang batayan ng karunungan na maibabahagi sa bawat mag-aaral. Ito ay isang
mayamang pahayagan na naibahagi ang balita at kultura sa bunog kapuluan na maunlad at
nakararating sa pinakaabang nasa ng bansa. Ang mga babasahing nakikiisa sa bawat
nilikhang kayumanggi ay dapat pang bigyang diin upang mapalawak sapamamagitan ng
wika. Sa wika madaling maipahayag ang nais na maipadaman at maipahayag ng nagsasalita
nito.
Ang gawaing pagsasalita ang sinasabing pinakamahalaga na dapat linangin ngmga
mag-aaral sa pang-unawa ng kanilang sinasabi o ipinapahayag sa pamamagitan kung paano
sila lilikha ng mga talasalitaan o salita upang makabuo ng isang pangunahing diwa.
Sa isang seminar, winika ni Papa (1987) ang ganito:
“Ang pangunahing layunin ng pagtuturo ng wika ay ang kasanayang magagamit ito ng
buong bukas sa aktwal at angkop na sitwasyon. Hindi lamang kaalaman sa mga kayariang
panglinggwistikaang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, kundi lalo’t higit ang kasanayang
magamit ito sa angkop na pagkakataon at tamang paraan.’’
Ayon naman kay Sebastian(1982), ang iba pang suliranin sa pagpapalaganap at pagtuturo ng wika
sa mga saligan at batayang aklat at karaniwang pagdampu’t damput ng mga guro sa pagbibigay ng
paksang aralin.

Banyagang Pag-aaral

Ayon kay Ball (1998) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na Dictionaries and
Ideology: The Treatment of Gays, lesbians and Bisexuals in lexicographic works na:
“There are two different but related approaches to the study of the influence of
language structure on cognitive processes and other symbolically mediated behavior. One
approach deals with the generic function of language inshaping cognitive processes, while
there is concerned with the comparativeproblem of how lexical and grammatical
differences among languages systematically relate to differences in the cognitive processes
of their speakers.”
Ayon dito, may dalawang pagkakaiba subalit may kinalaman sa kung paano na
iimpluwensyahan ang istruktura ng wika sa kognitibong proseso at ibang simbolikong
pagkilos. May pagkakatulad at pagkakaiba sa kung paanong nag-iisip ang tagapagsalita
batay sa kanilang personalidad halimbawa na lamang ang tagapagsalita na nasa ikatlong
kasarian.
Ayon naman kay Baker (2000) sa kanyang papel na may pamagat na Constructing
Polari-Speaking Gay Identities: The Triangulation Approach na:
“It has become descriptive of the over all experience of life in the gay community,
includes names for common words that have no exclusive relation to the culture. Most of
the middle aged gays seemed to be aware of gay life, identity and culture in the West.”
Ayon dito, nagkaroon na ng deskriptibo sa kabuuan ng kmga karanasan sa komunidad ng
mga bakla, kasama na dito ang mga salitang hindi eksklusibo sa pangaraw-araw na
pamumuhay.
Ayon naman kay Troiden (1979) sa kanyang pag-aaral na may pamagat na
Becoming homosexuals Research on acquiring a gay identity na:
“There are also people who still think of homosexuality as a disease and therefore
as contigious, even if this view has long been drunked and by studying sexuality and
gender, they will be able to free themselves from their prescribed roles in society.”
Ayon dito, sa pag-aaral ng kasarian, maaaring magkaroon ng kalayaan ang bawat
isa na gumalaw sa kanyang lipunan tulad ng mga bakla sa lipunan.

Lokal na Literatura
Nagbigay ng kongklusyon si Baytan (2002) sa kanyang librong “Language, Sex,
and Insults: Notes on Garcia and Remoto’s The Gay Dict” na ang pag-unlad ng wikang
bakla sa Pilipinas sa halos mga taon ay isang uri ng defense mechanism na
makipagtalastasan sa paraang pasalita.
Ayon naman kay Siguitan (2008) sa kanyang ginawang dyornal na may titulong “A
Semantic Look at Feminine Sex and Gender Terms in Philippine Gay Lingo” ang gay lingo
tulad ng ibang wika ay patuloy ring nagbabago. Subalit hindi katulad ng ibang wika ang
mga salita at terminolohiya nito ay mabilis na naipoproseso at hindi makikita sa
diksyunaryo nang agad-agad at kung may sinulid na humahawak sa wikang ito para mabuo,
iyon ay ang kalayaan: kalayaan sa mga batas at dikta ng lipunan.
Si Murphy Red (1996) naman, ayon sa kanyang article na “Gayspeak in the
Nineties” ay nagbigay ng magandang pagbabalik-tanaw sa wikang bakla sa
Pilipinas,isinaad niya dito na kahit mismo sa wikang bakla, ang mga bakla ay walang
pinaghahawakang alituntunin. Buhat sa mga lumabas na pag-aaral tungkol sa wikang bakla
o gay Lingo sa lokal at internasyunal na konteksto na ang Gay Lingo ay wika ng
marginalisadong sektor ayon kay Suguitan (2005).
Kaugnay dito, sinabi ni Cruz (2006) sa kanyang haligi na may pamagat na “Don
we now our gay apparel” na nailimbag ng Philippine Star press ay:
“...At ang mga paaralan ngayon ay nababalot na ng paglaganap ng ikatlong uri o
mga bakla. Isang araw, habang naglalakad ako sa bandang university belt, napadaan sa
harapan ko ang grupo ng mga kalalakihang nagbibiruan habang sinabi ng isang lalaki sa
seryosong paraan. Aalis na ako. Magpapasuso pa ako!. Ang ganoong pananalita ay laganap
na sa paaralan ng lima kong anak na lalaki noong dekada ’70 habang ang mga estudyante
ay maskuladong lahat. Ngayon, karamihan sa mga estudyante ay bakla at hindi ko ibig
sabihing masaya ako. Marahil ay naimpluwensyahan na sila ng mga palabas katulad ng
Brokeback Mountains, ang gawa sa Pilipinas o ating atin na Ang Pagdadalaga ni Maximo
Oliveros, Queer Eye for the Straight Guy at iba pa.”
Sa pahayag na ito ni Cruz (2006) nilalaman na maging sa paaralan ay laganap na
rin ang paggamit ng wikang bakla. Idinagdag pa niya ang mga salik nasa tingin niya ay
nakaimpluwensya ng pag-usbong nito sa nasabing paaralan.
Lokal na Pag-aaral

May mga pag-aaral din na isinagawa hinggil sa paksang may kinalaman sa Gay
Lingo sa Pilipinas. Sinasakop ng mga nasabing pag-aaral ang suliranin, layunin at iba pang
may kinalaman sa Gay Lingo.
Isang Pagsusuri sa gay Lingua ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Sining at Agham
ng University of the East ni Rosalie M. Galicia ng Manuel L. Quezon University taong
2001. Ayon sa kanyang pag-aaral:
“Ang salitang gay lengua na madalas gamitin ng mga mag-aaral ay mga salitang
repleksyon sa pang-araw-araw na buhay ng isang mag-aaral. Malaki ang papel na
ginagampanan ng kasarian sa paggamit ng gay lingo at nagpapapatunay lamang na popular
ang paggamit ng gay lingo sa mga kababaihan.”
Ayon naman sa pag-aaral ni Miko D. santos na may Pamangat na Ang Gay lingo
sa Panahon ng impormasyon taong 2007 ay nagsaad na:
“Ang panahon ng Impormasyon at ang yumayabong na wika ng mga bading, ang
sward language o gay lingo, lahat ay sa konteksto ng Pilipinas.”
Ayon naman sa pamanahong papel ni Oriondo Sandy (1992) na may Pamagat na
“Isang paglilinaw sa salitang bakla at wikang berbal ng mga Maricona na Resulta ng
Kanilang pakikipagsapalaran na naging bahagi ng pag-unlad ng Wikang Filipino” ay
naglalalaman ng:
“Isa lamang ito sa mga nagsasalamin sa pagkakamalikhain ng mga Pilipino.
Maraming paraan kung saan tayo angat sa nakararami lalo na kung paglikha ng iba’t ibang
bagay ang pinag-uusapan. Sa bunga ng karamihan, marami tayong pauso, pakulo, marami
tayong alam pagdating sa mga bagay-bagay, sa kalokohan man o seryosong usapan. Iba
tayong mga Pilipino, kahit saang bahagi man tayo ng mundo ilagay.”
Batay sa pahayag na ito ni Sandy (1992), ang Gay Lingo ay sumasalamin sa
pagkamalikhain ng mga Pilipino. Marami tayong mga pakulo, pauso at iba tayong mga
Pilipino saan man ilagay sa mundo.

You might also like