You are on page 1of 2

Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko at Kakayahan Komunikatibo

Tumutukoy ang
kakayahang lingguwistiko
sa abilidad ng isang tao namakabuo at makaunawa ng maayos at
makabuluhang pangungusap.Pinag-iiba ng mga lingguwista at
mananaliksik sa wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag na
kakayahang komunikatibo
, nanangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng
mgapangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal
(Hymes 1972

Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino


Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong pagsunod
sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na
samaraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa
nanagbunga ng pagbabago sa matandang balarila.

Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika


A. Mga Salitang Pangnilalaman:
1. Mga nominala. Pangngalan

nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,pook, katangian,
pangyayari, at iba pab. Panghalip

pamalit o panghalili sa pangngalan2. Pandiwa

nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita3. Mga
panuring a. Pang-uri

nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalanat panghalipb. Pang-
abay

nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa pang-
abay
B. Mga Salitang Pangkayarian:
1. Mga Pang-ugnay a. Pangatnig

nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, osugnay (halimbawa:
at, pati, ni, subalit, ngunit
)b. Pang-angkop

katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (halimbawa:
na, -ng
)c. Pang-ukol

nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita(halimbawa:
sa, ng
)2. Mga Panandaa. Pantukoy

salitang laging nangunguna sa pangngalan opanghalip(halimbawa
: si, ang, ang mga
)b. Pangawing o Pangawil

salitang nagkakawing ng paksa o simuno at panaguri [halimbawa : ay]

You might also like