You are on page 1of 55

Ortograpiya

ng Wikang
Filipino
Paggamit ng tamang
salita para sa Masining
na pagpapahayag.
RETORIKA
Ibinahagi ni:
Bb. Cristina S. Galacgac
Ortograpiya
• Ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa
wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa
simpleng salita, ito ang paraan ng
pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang
wika.
KASAYSAYAN NG
ALPABETO
AT
ORTOGRAPIYANG
FILIPINO
1521
• Mayroon nang ginagamit na alpabeto
ang ating mga ninuno. Tinawag itong
alibata o baybayin.
ALIBATA
Ito ay binubuo
ng labimpitong
simbolo na
kumakatawan
sa mga letra:
14 na katinig
at 3 patinig.
• Sa pagdating ng mga Kastila, ang
Alibata na kauna-unahang
Abakadang Filipino ay
nahalinhan ng Alpabetong
Romano na siya naming
pinagbatayan ng Abakadang
Tagalog.
1940
• Sa taong ito isinulat ni Lope K.
Santos ang Balarila ng Wikang
Pambansa at binuo ang
Abakadang Tagalog.
ABAKADANG TAGALOG
• Ang Alibatang Tagalog ay binubuo ng
dalawampung letra.
Lima ang patinig: A, E, I, O, U
Labinlima ang Katinig: B, K, D, G, H, L, M, N,
NG, P, R, S, T, W, Y

Hindi isinama sa dalawampung letra ang labing-


isang banyagang letra na kinakabilangan ng C,
CH, F, LL, ñ, Q, RR, V, X, Z sapagkat ang mga
ito ay ginagamit lamang sa mga pangngalang
panangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga letra ang
Abakada.
C= k- Calesa – Kalesa
s- Cocinera – Kusinera
CH = ts- Cheque – Tseke
s- Chinelas – Sinelas
F= p- Fiesta – Piyesta
J= h- Jota – Hota
LL = ly- Billar – Bilyar
y- Caballo – Kabayo
Ñ= ny- Paño – Panyo
Q= k- Queso – Keso
RR = r- Barricada – Barikada
V= b- Ventana – Bintana
X= ks- Experimento – Eksperimento
s- Texto – Teksto
h- Raxa – Raha
Z= s- Zapatos – Sapatos
1971
• Sa taong ito masusing pinag-ukulan
ng pansin ng noo’y Surian ng
Wikang Pambansa (SWP), na ngayon
ay Komisyon sa Wikang Pilipino
(Filipino)
Komisyon sa Wikang Filipino
• Itinatag noong Nobyembre 13, 1936
sa pamamagitan ng Commonwealth
Act No. 184 bilang Surian ng Wikang
Pambansa (SWP).
1976
• Makalipas ang humigit-kumulang na
limang taon na pag-aaral at pagsangguni
sa iba’t ibang sektor sa larangan ng wika,
nirebisa ng Surian ang “Abakadang
Tagalog” ni Lope K. Santos.
Paano?
• Sa bias ng Memorandum pangkagawaran
Blg. 194, 1976 ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura, pinayaman ang
dating Abakada upang makaagapay sa
mabilis na pag-unlad at pagbabago ng
wikang Pilipino. Tinawag itong ang
Bagong Alpabetong Pilipino.
Bagong Alpabetong Pilipino
• Ang dalawangpung letra ay dinagdagan
ng labing-isang letra kaya’t naging
tatlumpu’t isa. Kabilang sa idinagdag ang
mga letra at digrapo: C, F, J, ñ, Q, V, Y, Z,
CH, LL, RR. Subalit hindi ito
nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at
kalituhan sa paggamit.
• Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag
sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-
sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw
ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay
(papantig o patitik) ng mga letra.
1987
• Sa taong ito, muling nireporma ang
Alpabetong Pilipino gayundin ang
mga tuntunin sa Ortograpiyang
Filipino.
Sino-sino ang nagreporma?
• Ang pagreporma ay isinagawa ng noo’y
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
(LWP) (dating SWP na nagging KWF) sa
tulong ng mga lingguwista, dalubwika,
manunulat, propesor, guro at mga
samahang pangwika.
Paano?
• Nagsagawa ng Simposyum ang
Linangan. Ang una ay idinaos sa Asian
Institute of Tourism. Ang pangalawa ay
sa National Teacher’s College. Bumuo rin
ng mga Lupon ang Linangan upang
magsagawa ng mga pag-aaral tungkol sa
balak na rebisyon sa iba’t ibang aspekto o
lawak ng bubuuing bagong ortograpiya.
Ang Kinalabasan ng Simposyum
• Napagkaisahan sa nabanggit na
simposyum na ang Alpabetong
Filipino ay bubuuin na lamang ng
dalawampu’t walong letra. Ang
bagong dagdag na letra ay: C, F, J, ñ,
Q, V, X, Z.
Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap
ito sa iba’t ibang kapulungan at kongresong
pangwika gaya ng:

• Pebrero 26, 1987 – Taunang kumbensyon


ng LEDCO na binubuo ng pambansang
samahang pangwika.
• Abril 6, 1987 – Taunang kumprehensiya
ng PASATAF.
• Mayo 18, 1987 – Taunang kombensyon
ng PSLF.
• Agosto 19, 1987 – Pormal na inilunsad
ang “1987 Alpabeto at Patnubay sa
Ispelling ng Wikang Pilipino”. Ang
paglulunsad ay isinabay sa pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa na
idinaos sa Pamantasan Normal ng
Pilipinas.
1999 - 2001
1999
• Sa taong ito sinimulan ang pagbuo ng
2001 Revisyon ng Alpabeting Filipino. Sa
ika-apat na pagkakataon, muling nirebisa
ng KWF ang Alpabetong Filipino pati na
ang mga tuntunin sa pagbaybay nito.
Sanhi ng Pagrebisa
• Di ganap na pagtupad sa Kautusang
Pangkagawaran ng 1987.
• Mahigpit at Di-makatotohanang mga
tuntunin sa ispeling ng walong dagdag ma
letra.
• Nalimitahan ang gamit sa mga hiram na
salita.
• Kakulangan ng mga tuntunin sa paggamit
ng mga karaniwang salita.
2001 Revisyon ng Alpabetong Filipino
• Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang gamit ng
walong dagdag na letra. Hinati sa dalawang
grupo ang walong letra: F, J, V, at Z ay
gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang
salitang hiram na binago ang ispeling sa
Filipino. Samantalang ang C, ñ, Q, X na
itinuturing na redundant ay hindi
ipinapagamit sa pagbaybay ng mga hiram
na salitang karaniwan.
2001
• Sa bias ng Kautusang Pangkagawaran
Blg. 45, 2001 inilunsad ang “2001
Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino” noong
Agosto 17, 2001.
II. Pasalitang Pagbaybay
1. Salita
• Plano (pasulat) - \pi-el-ey-en-o\
(pagbigkas)
• Ganda (pasulat) - \ji-ey-en-di-ey\
(pagbigkas)
• Mata (pasulat) - \em-ey-ti-ey\ (pagbigkas)
2. Pantig
• it (pasulat) - \ay-ti\ (pabigkas)
• kon (pasulat) - \key-o-en\
• trans (pasulat) - \ti-ar-ey-en-es\
(pabigkas)
3. Akronim
• MERALCO – (Manila Electric
Company) \em-i-ar-ey-el-si-o\
• ASEAN – (Association of Southeast
Asian Nations)
• IAS – (International Accounting
Standards) \ay-ey-es\
4. Daglat
• Bb (Binibini) \Kapital bi-bi\
• G (Ginoo) \Kapital ji\
• Kgg (Kagalang-galang)
\Kapital key-ji-ji\
5. Inisyal ng tao
• MLQ (Manuel L. Quezon) \em-el-kyu\
• CPR (Carlos P. Romulo) \si-pi-ar\
• LKS (Lope K. Santos) \el-key-es\
6. Inisyal ng Samahan/Institusyon
• KWF (Komisyon ng Wikang Filipino)
\key-dobolyu-ef\
• KBP (Kapisanan ng mga Broadcaster sa
Pilipinas) \key-bi-pi\
• USC (University of San Carlos) \yu-es-si\
6. Simbolong Pang-agham/ Pang-
matematika
• Fe (iron) – \ef-i\
• NaCL (table salt) - \en-ey-si-el\
• Kg (Kilogram) - \key-ji\
III. Pasulat o Pagbaybay
1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga
salitang mula sa ibang katutubong wika
sa Pilipinas.
a. Hadja
b. Cabalen
c. Butanding
2. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita
mula sa mga banyagang wika, panatilihin
ang orihinal nitong anyo.
a. Pizza pie
b. Bouquet
c. French Fries
d. Samurai
3. Sa pagbaybay na mga salitang mula sa
Espanyol, baybayin ito ayon sa
ABAKADA.
a. Familia – Pamilya
b. Cheque – Tseke
c. Maquina – Makina
4. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na
nagtatapos sa patinig na “e” hindi ito
pinapalitan ng letrang “i” kinakabitan
lamang ng pag-ugnay na “ng” at
ginagamitan ng gitling sa pagitan ng
salitang-ugat.
a. Berde – Berdeng-berde
b. Kape – Kapeng-kape
c. Karne – Karneng-karne
5. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na
nagtatapos sa patinig na “o” hindi ito
pinapalitan ng letrang “u”.
a. Ano-ano
b. Sino-sino
c. Buto-buto
6. Kapang hinuhulapian ang huling pantig na
salitang-ugat na nagtatapos sa “e” ito ay
nagiging “i” at ang “o” ay “u”.
a. Atake – Atakihin
b. Puso – Pusuan
c. Korte – Kortihan
*Paalala – may mga salitang mananatili
ang “e” kahit hinuhulapian.
d. Sine
e. Bote
7. Makabuluhan ang tunog na “e” at “o”
kapag inihahambing ang mga hiram na
salita sa mga katutubo o hiram na salita.
a. Mesa – Misa
b. Uso – Oso
c. Tela – Tila
8. Hindi puwedeng palitan ng “i” ang “e” at
“o” ang “u”. Papat pa ring gamitin ang
baybay na matagal na o lagi nang
ginagamit.
a. Babae, hindi babai
b. Buhos, hindi buhus
c. Sampu, hindi sampo
IV. Pantig at Palapantigan
1. Ang Pantig
 Saltik ng dila
- walang antalang bugso ng tinig sa
pagbibigkas ng salita.
 Ako
 Alin
 Ikaw
 Amin
2. Kayarian ng Pantig
- paggamit ng simbolo “k” para sa katinig
“p” para sa patinig.
Kayarian Halimbawa
P u -po
KP ma -li
PK is -da
KPK han -da
KKP pri -to
PKK ins -truk-tor
KKPK trum -po
KKPKK klerk
KKPKKK shorts
3. Pagpapantig
- paraan ng paghahati ng salita.
a. Kapag may magkasunod na dalawa o
higit ng patinig sa posisyong inisyal,
midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay
na mga pantig.
• Uupo – \u-u-po\
• Paano – \pa-a-no\
• Noo – \no-o\
b. Ang magkasunod na katinig sa loob ng
isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay
kasama sa pantig na sinusundan at ang
ikalawa ay sa pantig na kasunod.
• Tukso – \tuk-so\
• Pandak – \pan-dak\
• Luksa – \luk-sa\
c. Kapag may tatlo o higit pang
magkakaibang katinig na magkakasunod sa
loob ng isang salita, ang unang dalawa ay
kasama sa pantig na sinusundan at ang hulo
ay sa kasunod na pantig.
• Eksperto – \eks-per-to\
• Transpormer –
• Ekskomunikado –
d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod
na katinigay ‘m’ o ‘n’ at ang kasunod na
dalawa ay alin man sa bl, br, dr, pl, tr ang
unang katinig (‘m’ o ‘n’) ay sa sinusundang
patinig kasama at dalawa ay sa kasunod na
patinig.
• Sobre - \so-bre\
• Alambre - \a-lam-bre\
• Komplikado - \kom-pli-ka-do\
e. Kapag may apat na magkakasunod na
katinigsa loob ng isang salita, ang unang
dalawang katinig ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang huling dalawa ay sa
patinig na kasunod.
• Ekspresyon - \eks-pres-yon\
V. Mga salitang Hiram sa Español
1. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA
• Continente – Kontinente
• Litania – Litanya
2. May mga salitang hiram español na may
“e” panatilihin ang “e”.
• Estilo – hindi istilo
• Espiritu –
• Desgrasya –
• Estudyante –
3. Salitang hiram na español na may “o”
panatilihin ang “o”.
• Politika – di pulitika
• Opisina – di upisina
• Tradisyunal – di tradisyunal
4. Mga salitang hiram sa español at ingles:
kung hindi tiyak ang pagtutumbas, hiramin
ang orihinal na español at ingles.

Espanyol Filipino Ingles


Imagen Imahen Image
Dialogo Diyalogo Dialogue
Prioridad Priyoridad Priority
* Paalala – Hindi ipinapayong panumbas
ang mga sumusunod:
• Imeyds – imahe
• Dayalog – Dayalogo
• Prayoriti – Prayoridad

You might also like