You are on page 1of 2

Reaksyon mula sa nabasang artikulong may kinalaman sa Ponolohiya at Morpolohiya.

Batay sa mga artikulong aking nabasa na may kinalaman sa morpolohiya at ponolohiya, hindi
lingid sa ating kaalaman na mahalagang sangkap ang ponolohiya sa pag-aaral at pagbibigay – kahulugan
sa wika. Sa kabilang banda, ang ponolohiya ay nagsisilbing basehan din upang madetermina o matukoy
ang palabaybayan ng isang umiiral na wika. Ngunit sa pagpapatuloy ng aking paglalahad, Ano nga ba ang
ponolohiya? Ang ponolohiya ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “ tunog, boses” na
nabibilang sa sangay ng linggwistika na ngangangahulugan namang pag-aaral ng mga tunog o ponema
ng isang wika ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit
ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan samantala ang motpolohiya
naman ay isang lawak ng karunungang pangwika na nagsisiyasat at nag-aaral sa pagkabuo ng salita
gayundin ang estruktura’t ugnayan nito sa kapwa salita. Sa madaling salita ang dalawang salitang ito ay
may malaking kaugnayan sa isa’t- isa sa pagbuo ng isang makabuluhang pangungusap batay sa pag-aaral
ng mga dalub-wika para sa mabisang pagkakaunawa ng mga mambabasa.

Upang higit pang mapalawig pa an gating kamalayan at kaalaman hinggil sa pagbabagong wika
may mga ilan ditong mahahalagang impormasyon na kung saan ay maaring makatulong sa atin sa
lubusang pag-unawa sa ating wika. Bago dumating ang mga mananakop na espanyol, gumagamit nan g
sistemang abugida ang karamihan ng wika sa Pilipinas. Ang iskrip ng mga wika sa Pilipinas ay katulad ng
mga iskrip na ginamit n gating mga kapit bahay na nasyon sa Timog-Silangang Asya, at “offshoot” ng
Brahma iskrip na ginagamit sa pagsusulat ng mga salitang Sanskrit. Ang sistemang abugida ay segmental
na sistema ng pagsulat kung saan ang pagkakasunod ng katinig at patinig ay itinatala bilang isang yunit.
Ang sinaunang iskrip ng Pilipino na tinatawag na baybayin hanggang ika-17 siglo A.D. Sa kasalukuyan,
ginagamit pa rin ang pagsulat na ito ng mga katutubong Mangyan sa isla ng Mindor. May dalawang iskrip
na ginagamit ang mga mangyan ang Hanunuo at Buhid. Dahil sa patuloy na pag-inog ng mundo at sa
mga pagbabagong nagaganap alinsabay din nito ang pagbabago ng wikang Filipino na dahil na rin sa
bunga ng marubdob na pag-aaral ng mga dalubwika sa Komisyon ng Wikang Paambansa. Batay sa
kanilang mga obserbasyon at pag-aaral marami silang mga bagay-bagay na tagubilin para sa wasto at
angkop na pagbigkas at paggamit ng mga salita . dahil na rin sa maayos na pagkakalahad ng mga
dalubwika mariing nauunawaan ito ng nakararami ngunit hindi sa lahat ng panog o dako ng bansa,
sapagkat hindi taal o lihitimong likas sa mga ilang tao sa Pilipinas ang pagsasalita ng tagalog dahil ditto
isa sa mga nagging hadlang upang palawigin pa at payabungin ang pag-aaral at pagtuturo ng wikang
Filipino. Bagamat nagpupumilit pa rin sila na maisakatuparan ang mga adhikain ng mga dalubwika ay
patuloy pa rin ang kanilang mahusay na partisipasyon sa pag-aaral ng Wikang Filipino. Ngunit hindi ito
magiging madali para sa mga dalubwika ang ipatuto ang mga nasabing adhikain sa kadahilanang sa
malayang pag-usbong ng teknolohiya sa patuloy na kaganapang pagbabago ng wikang Filipino. Bagamat
maroon tayong mga iba’t- ibang dayalektong umiiral sa isang particular na lugar sa Pilipinas hindi ito
magsisilbing balakid sa mga samo’t saring dayalektong ginagamit sa ating bansa bagkus ito ay maaring
maging gabay sa pagkatuto ng wikang Filipino kung kaya’t isa pa mga naging pamamaraan ng mga
tagapagtaguyod ng Wikang Filipino ay ang paggamit ng tinatwag na “mother tongue language”, na kung
saan ay maaring matulungan ng mga guro ang mag-aaral na matuto ng wikang tagalog kahit sila ay
bisaya o kung ano pa mang katutubong lahi sa pilipinas na may kaibang dayalektong sinasalita. Malaki
ang papel na ginagampanan ng ponolohiya at morpolohiya sa pagbabago ng wika sapagkat dito
binabalanse ang kayarian ng mga salitang gagamitin sa paglimbag. Bagamat maraming dibisyon at
sangay ang may kinalaman dito ilan lamang ito upang higit na mapaunlad ang paggamit at pagbabago ng
wikang Filipino.

Bilang pagwawakas, sakabila ng marubdob na pag-aaral at pagsisiyasat ng mga dalubwika,


marami pa ring mga Filipino ang hindi wasto at angkop ang kanilang paggamit ng wikang Filipino.
Maramil bunga na rin ito ng ng mariming nagsusulputang mga diyalekto na mas madalas pa na gamitinh
dahil sa mga taong madalas nilang nakakasalamuha at nakakasama sa araw araw na pamumuhay. Ito na
kaya ang kasagutan sa tila ba’y nakakalimutang sariling atin? Ano kaya ang magiging lagay ng wikang
Filipino pagdating ng panahon simula ngayon? Patuloy pa rin kayang tatangkilikin at pagyayamanain ng
mga susunod na salin-lahi? Ilan lamang yan sa mga umuukit na katanungan sa aking isipan? Sana ay
patuloy nating pangalagaan at pakaingatan ang biyaya ng poong maykapal sa ating mga Filipino.

Bibliyograpi:

Language links. Org.2009

http//tl.wikibooks.org/wika/tagalog/ponolohiya

You might also like