You are on page 1of 44

PAGHAHAMBING NG MGA SALITANG BIKOLANO AT FILIPINO NA MAY

PAREHONG BAYBAY NGUNIT MAGKAIBANG KAHULUGAN

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Guro sa Wika, Kagawaran ng Filipino

Fakulti ng Sining at mga Wika, Pamantasang Normal ng Pilipinas

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng

Asignaturang S-Fil 14, Estruktura ng Wika

Ng

Pangkat 4

II-4 BSE-Filipino

Marso 2015

1
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Kalipunan ng mga

Salitang Bikolano at Filipino na Magkakatulad ang Bigkas at Baybay Ngunit

Magkaiba ang Kahulugan bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa

Asignaturang S-Fil 14, Estruktura ng Wika ay iniharap ng mga mananaliksik

mula sa II-4 BSE-Filipino na kinabibilangan nina:

Aglibot, Sheiwen Klein Buso, Niezel

Garcia, Janice Mercado, Camille

Recla, Mary Florilyn Mae Suerte, Kimberly

Tinanggap sa pangalan ng Kagawaran ng Filipino, Fakulti ng Sining at

mga Wika, Pamantasang Normal ng Pilipinas, bilang isa sa mga

pangangailangan sa asignaturang S-Fil 14, Estruktura ng Wika.

Myrna Gasingan

Propesor

2
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat taong

naging bahagi at tumulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

Kay Gng. Myrna Gasingan, guro sa wika na nagbigay ng gawaing ito at

naniwala sa aming mga kakayahan bilang mga nagpapakadalubhasa sa wika,

Sa aming mga kaklase , na nagbahagi ng kanilang mga kaalaman hinggil

sa aming paksa

Sa aming mga nakapanayam, na naglaan ng kanilang panahon at

tumanggap sa amin at sa pagsagot sa aming mga katanungan,

Sa aming mga magulang, sa suportang pinansyal at walang sawang

pag-unawa sa amin sa mga panahong ginagabi kami ng uwi; at higit sa lahat,

Sa Poong Maykapal, sa paggabay sa amin habang isinasagawa ang

pananaliksik na ito.

- Mga

Mananaliksik

3
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pakikipagkomunikasyon, napakahalaga na magkatulad ang wikang

sinasalita ng mga nag-uusap upang maging mabisa ang palitan ng ideya. Isa rin

ito sa mga salik na nakakaapekto upang maging matagumpay ang pag-uusap.

Kaya naman para sa mga taong mayroong magkaibang wika na ginagamit sa

pagsasalita ay nagiging mahirap ang pag-unawa sa isa’t isa.

Ang Pilipinas ay isang arkipelago — binubuo ng maraming isla at sa

bawat isla, mayroong natatanging relihiyon, kultura at dayalekto ang isang grupo

ng mga mamamayan. Kaya naman, ang buong bansa ay mayroong daan-daang

wika at hindi mabilang na dayalekto na nagiging pangunahing dahilan kung bakit

nagkakaroon ng kalituhan at hindi pagkakaintindihan ang maraming Pilipino.

Ngunit kung pag-aaralang mabuti ang katangian ng mga wika sa bansa,

mapapansin ang pagkakaunay-ugnay at pagkakatulad nito.

Katulad ng isa sa mga pangunahing dayalekto sa Pilipinas, ang Bikolano

na ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na matatagpuan sa

tangway ng Bicol, mayroong mga salita na magkatulad ng baybay sa Filipino

ngunit magkaiba ang kahulugan. Nagkakatulad ng baybay dahil sa magkaugnay

na balarila’t ortograpiya ng wikang Filipino at iba pang mga dayalekto sa


4
Pilipinas, ngunit nagkakaiba naman dahil sa magkaibang etimolohiya at kultura

ng mga taong bumuo ng salita. At ito ang patunay na ang wika at kultura ay

parang buhol ng goma na hindi mapaghihiwalay at kapag pinagpilitang kalagin

ay mawawalan ng saysay.

Dahil sa limitadong kaalaman ng bawat indibidwal sa mga wika o

dayalekto sa Pilipinas, nagdudulot ito ng kalituhan sa mga Bikolano na piniling

manirahan sa lungsod at gayundin naman sa mga taga-Maynila na nakikipag-

usap sa mga Bikolano. Ito ang nagiging pangunahing dahilan kung bakit hindi

nagkakaroon ng mabisang pakikipagtalastasan ang bawat indibidwal.

Sa mga ipinahayag ng mga mananaliksik, ito ang mga dahilan na nagtulak

sa kanila upang tunguhin ang pag-aaral na tumatalakay sa mga salitang

magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan sa wikang Filipino at

Bikolano.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Kabuuang Layunin:

Ang layunin ng pag-aaral na ito na bigyang-linaw ang mga salitang

Bikolano na magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ng kahulugan sa wikang

Filipino.

5
Tiyak na Layunin:

1. Ilahad ang mga salitang Bikolano at kahulugan nito sa

Filipino

2. Tukuyin ang mga salitang magkatulad ng baybay ngunit

magkaiba ang kahulugan sa wikang Filipino at Bikolano

3. Paghambingin ang mga salitang Bikolano at Filipino na

magkatulad ng baybay ngunit magkaiba ng kahulugan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga taga-lungsod at mga

Bikolano upang magkaroon ng kalinawan sa paggamit ng mga salita na may

katulad na bigkas at baybay sa Bikolano. At upang magkaroon ng mabisang

pakikipag-ugnayan sa bawat isa na walang humahadlang na wika.

MGA BIKOLANO

Batid ng bawat isa na maraming bagay ang dapat na isinasaayos o

kinokonsidera sa paninirahan sa ibang lugar. Kaya naman ang pag-aaral na ito

ay makatutulong sa mga Bikolano na naninirahan sa lungsod upang mabawasan

ang kalituhan sa paggamit ng mga salita at nang sa gayon ay magkaroon ng

pagkaka-unawaan.

6
MGA TAGA-LUNGSOD

Makatutulong ang pag-aaral na ito upang mabawasan ang

kalituhan na dulot ng pagkakaroon ng mga salitang magkatulad ng bigkas at

baybay ngunit magkaiba ng kahulugan sa wikang Filipino sa dayalektong

Bikolano. Lalong lalo na sa mga guro upang magkaroon sila ng basikong

kaalaman at ilang mga salita sa Bikolano upang magamit nila sa ilang mga

pagkakataon. Ang mga guro ay dapat na may kaalaman din sa iba’t ibang

dayalekto upang magamit sa mga pagkakataong mayroong mag-aaral na galing

sa probinsya.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tukuyin at alamin ang mga salitang

magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan sa wikang Filipino at

Bikolano. Ang mga prolemang nangangailangan ng kaukulang pansin ay ang

mga sumusunod:

a. Ano-ano ang katumbas ng mga karaniwan o gamiting salitang

Bikolano sa Filipino?

b. Paano nakaaapekto sa mga Bikolano ang pagkakaroon ng mga

salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang kahulugan sa

Filipino?

c. Paano nakaaapekto ang unang wika sa pagkatuto at paggamit ng

ikalawang wika?

7
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kalipunan ng mga salitang Bikolano

na magkatulad ng baybay ngunit magkaiba ang kahulugan sa Filipino. Saklaw rin

nito ang naging epekto ng suliraning ito sa mga Bikolano.

Ngunit hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang iba pang dayalekto sa

Pilipinas bukod sa Bikolano.

BATAYANG KONSEPTWAL

Pagkakaroon ng Kalituhan sa Pakikipagtalastasan

Pagkakaroon ng mga salitang Bikolano na magkatulad ng bigkas at baybay ngunit magkaiba ng kahulugan sa Filipino

Paglilinaw sa mga salitang Bikolano na magkatulad ng bigkas at baybay ngunit magkaiba ng kahulugansa Filipino

8
DEPINISYON NG MGA SALITANG GINAMIT

1. Bikolano

- tumutukoy din sa wika ng mga taong naninirahan sa mga

probinsya na matatagpuan sa tangway ng Bikol, at nagsisilbi

bilang Lingua Franca o ang pangunahing wika ng rehiyon.

- isang wikang Austronesyano na ginagamit sa Pilipinas tangi sa

Bicol Peninsula sa isla ng Luzon

2. Filipino

- Pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng bansa

3. Tagalog

- Wikang ginagamit ng mga katagalugan

4. Baybay

- Pagkakabuo ng salita mula sa pinagsamang mga letra

5. Maginoong Oragon

- marubdob, mapusok ngunit malambing at

mapagmahal

9
KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang Bikolano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa mga

probinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Catanduanes

at hilagang bahagi ng Masbate. Kilala ang mga ito sa kanilang mga produkto

tulad ng pili na ginagawang suspiros, masapan, pastilyas at peanut brittle. Ang

mga Bikolano ay nakilala sa buong Pilipinas dahil sa kanilang mga putahe na

ginamitan ng gata at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo tulad ng Laing at

Bikol Express.

Ang Bikolano ay tumutukoy din sa wika ng mga taong naninirahan sa mga

probinsya na matatagpuan sa tangway ng Bikol, at nagsisilbi bilang Lingua

Franca o ang pangunahing wika ng rehiyon.

Ang Bikol ay isang wikang Austronesyano na ginagamit sa Pilipinas tangi

sa Bicol Peninsula sa isla ng Luzon. Bicol-Naga ang isa sa mga halimbawa nito.

Ang Bikol-Naga, isang diyalekto sa Coastal Bikol na nakabatay sa

Canaman, Camarines Sur at ang pundasyon ng Pamantayang Bikol, kasama ng

Bikol-Legazpi, na nakabatay sa Lungsod ng Legazpi, ay nauunawaan ng halos

lahat ng mananalita ng Bikolano. Sinasalita ito sa una at ikalawang distrito ng

Camarines Sur (maliban sa bayan ng Del Gallego, kung saan ang mga

10
naninirahan dito ay mananalita ng wikang Tagalog) at sa bayan ng San Pascual

sa lalawigan ng Masbate.

Ang Bikol-Legazpi ay sinasalita sa silangang bahagi ng Albay at sa

hilagang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon

Ang iba pang mga diyalekto ay kinabibilangan ng Bikol-Daet, na sinasalita

sa Daet at sa mga kalapit na bayan sa Camarines Norte, at ang Bikol-Partido, na

sinasalita sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur at sa Virac, San Andres at sa

katimugang bahagi ng Caramoran sa Catanduanes.

Mga paghahambing sa iba pang wikang Bikolano

1. Coastal Bikol

 Tâdaw ta dae luminayog an bayong ni Pedro dawà na dae nin kandado

su hawla?

2. Bikol Naga

 Tanô daw ta dai naglayog an gamgam ni Pedro dawà na mayò nin

kandado si hawla?

3. Bikol- Partido

 Hadaw ta `e naglayog an gamgam ni Pedro maski `e nin kandado su

hawla?

4. Bicol- Legazpi

 Natà dai naglayog an bayong ni Pedro maski daing kandado su hawla?

11
5. Bicol- Virac

 Ngata ta dai naglayog an gamgam ni Pedro maski dai nin kandado an

hawla?

6. Bikol- Daet

 Bakin dai naglayog an gamgam ni Pedro maski mayong kandado si

hawla?

7. Inland Bikol

 Ta'onō / Ta ŋātâ ta dirî naglayog adtoŋ bayoŋ ni Pedro dāwâ ədâ

kandādo su laə̄man?

8. Bisakol

 Nakay daw kay dire naglayog an tamsi ni Pedro maski wara kandado an

hawla?

Sa Tenga ng mga Bikolano

Kilala ang Pilipinas bilang isang arkipelago na binubuo ng 7,107 na isla.

Dahil sa dami ng isla sa Pilipinas, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng iba’t-

ibang lenguahe, ilan sa mga ito ay ang filipino, hiligaynon, bikol, atbp. Sa

kasalukuyan Filipino o mas kilala sa tawang na Tagalog ang opisyal o

kinikilalang lenguahe sa bansa. Ngunit, hindi ito ginagamit ng lahat ng Pilipino sa

bansa dahil na rin sa cultural diversity. Karamihan pa sa mga salita sa atin ay

12
hiram o nagmula sa ibang lenguahe, ilan sa mga hiram na salita ay ang

telebisyon, radyo, atbp.

Sinasabing ang salita ay kasing importante ng pagkakabigkas nito. Sa

dami ng lenguahe sa Pilipinas hindi maiiwasang magkaroon ng magkaparehong

salita na may ibang ibig sabihin dahil na rin sa paraan ng pagkakabigkas nito.

Ako bilang isang mamayan sa Bicol ay gustong magbahagi ng ilang mga bagay

na aking napansin sa pagaaral ko sa Maynila. Likas sa aming mga bikolano na

ang pagsasalita ay kadalasang matigas. Ngunit, naiintindihan naman namin ang

pagkukulang ng mga dayuhan kung sinusubukan nilang magsalita ng aming

lenguahe. Pero, paano kaya kung karamihan sa amin ay pumunta sa malalaking

lungsod tulad ng Maynila na kulang ang dala-dalang kaalaman sa mga salita sa

Filipino? Hindi kaya magkaroon ng malaking problema sa pagkakaintindihan

kung hindi mabibigyan ng tamang impormasyon sa kahulugan ng salita?

Ilan sa mga salita na aking napansin na iba ang kahulugan sa aming

lenguahe ay ang “payo (mas kilala bilang Banaue Rice Terraces) “,”Banog (mas

kilala bilang Monkey Eating Eagle), “mabata”, at “umiling-iling”

1. Payo, Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe o Banaue Rice Terraces

Ang banue rice terraces ay tinatawag na payo sa ifugao. Ayon kay virgilio

almario dapat nating gamitin ang tunay na pangalan ng mga bagay-bagay sa

atin at hindi ang mga hiram na salita tulad nga ng banaue rice terraces at

philippine monkey eating eagle. Sa amin ang ibig sabihin ng payo ay ulo.

Ang paraan ng pagbigkas sa payo sa ifugao ay may mahabang “o” sa

13
hulihan samantalang sa bikol matigas na “o” ang hulihan.Isipin niyo ano ang

koneksyon ng Hagdan-hagdang Palayan sa ulo? Kakaiba diba?

Halimbawang pangungusap:

1. Filipino: Ipinagmamalaki ng Banawe ang Payo o mas kilala bilang

Hagdan-hagdang Palayan.

2. Bikolano: Punong-puno ng hangin ang payo (ulo) niya.

2. Banog o Philippine Monkey Eating Eagle

Ang ibon na ito ay tinatawag na banog na nagmula sa salitang griyego na

ang ibig sabihin ay tagakain ng unggoy. Samantalang sa aming mga bikolano

ang salitang banog ay ginagamit bilang isang pandiwa na ang ibig sabihin

ay suntok o suntokin. Ang banog sa bisaya ay ginagamit bilang pangalan

samtalang sa bikol ito’y ginagamit bilang isang pandiwa. Ang tono ng

pagbigkas sa dalawang lenguahe ay pareho lamang, ngunit kapag ito’y

ginamit na sa pangungusap mahirap na itong intindihin lalong-lalo na kapag

nagusap ng mga bikolano at bisaya ang banog.

Halimbawang pangungusap:

1. Bisaya: Sa Samar kalimitang nakikita ang Banog na lumilipad.

2. Bikolano: Banog ang inabot niya matapos taraman ning maraot ang

ama. (Suntok ang inabot niya matapos pagsalitaan ng masama ang

ama.)

14
1. Mabata

Ang salitang mabata ay una kong narinig sa aking guro na ang ibig

sabihin ay tiisin. Samanatalang sa aming lugar ang ibig sabihin

ng mabata any mabaho. Tulad ng paraan ng pagkakagamit sa filipino ito’y

ginagamit din bilang isang pandiwa. Ngunit, pagbinigkas ito sa filipino walang

impit ang “a” samantalang sa bikol ay may roon itong impit. Napakalayo ng

kahulugan sa isa’t-isa noh? Kahit ako ma’y nagulat sa pagkakagamit ng

aming guro sa salitang ito. Eto ang pumasok sa aking isipan ng marinig ko

ang salitang iyon “huh? Ano raw?? Mabata ang mundo?? Mabaho ang

mundo???

Halimbawang pangungusap:

1. Filipino: Hindi niya mabata ang hirap ng kanyang buhay kaya siya

nagpakamatay.

2. Bikolano: Mabata na ang basura sa bakuran nindo(niyo).

. Umiling-iling

Ang huling salita na aking napansin sa klase ay angsalitang umiling-iling

na ang ibig sabihin ay tumango. Samantalang sa amin ang ibig sabihin

ng umiling-iling ay tumingin-tingin. Ang salitang umiling-iling ay pawang

ginagamit bilang pandiwa sa pangungusap at pareho ang paraan ng

pagbigkas sa dalawang lenguahe. Eto na naman ang isa pang salita na may

malayong kahuluhgan sa aming lenguahe, isipin niyo tumanggo at

tumingin??? Ang layo diba?

15
Halimbawang pangungsap:

1. Filipino: Umiling-iling ang mga estudyante sa guro kahit wala silang

naiintindihan.

2. Bikol: Umiling-iling ka na ning mga sapatos sa SM para sa

eriskwelahan. (Tumingin-tingin ka na ng sapatos sa SM para sa

pasukan.)

Ilan lamang yan sa mga salitang may ibang ibig sabihin sa aming

lenguahe. Ako’y nabigla nang una kong maring ang mga salitang iyan sa

Maynila, akala ko sa amin lamang iyan ginagamit ngunit hindi pala. Hindi lamang

iyan, kung hindi pa sinabi ng aking guro ang ibig sabihin ng mga salitang iyan

marahil iba na sana ang pumasok sa utak ko. Maraming pang mga salita sa

filipino ang may ibang kahulugan sa ibang lenguahe sa Pilipinas. Karamihan sa

mga ito ay tanging sa probinsiya lamang maririnig kaya kung kayo’y makaririnig

ng mga ganito marapat lamang na alamin muna kung ano ang kahulugan upang

hindi magkaroon ng problema sa komunikasyon at pagkakaunawaan at

tumugma ang inyong iniisip.

16
BIKOL: WIKA NG MGA MAGINOONG ORAGON

(Para sa Ambagan-Wika: Kumperensiya sa Paglikom ng Salita Mula sa Iba’t

ibang Wika sa Filipinas, Marso 5, 2009) ni Abdon M. Balde Jr.

Tunay na ang BIKOL ay wika ng maginoong oragon: marubdob, mapusok

ngunit malambing at mapagmahal. Bilang patunay, narito at ilalahad ang mga

salitang may natatanging kahulugang mapagkakakilanlan ng lahi at kulturang

Bikolnon, at ipinapanukalang maisali sa korpus ng Wikang Pambansa:

1. ANDÚROG—a)pandiwa, b)kahulugan: makiisa ng damdamin.

Kaandúrog mo ako sa iyong nararamdaman. Pakikiramay. Nakiki-andúrog ako

sa iyong pagdadalamhati. Sa Ingles: to share experiences or feelings, to offer

condolences; c) etimolohiya: Ang andurog ay salitang nagmula sa matatanda.

Malimit itong ginagamit sa mga tala, sa panahon ng pagluluksa upang aliwin ang

mga nangungulilang naiwan. “Nakikiandurog ako sa dalamhating dala ng

pagpanaw ng iyong mahal na ina.” Pag-andurog din ang pagtira sa bahay ng

isang kamag-anak na hiniwalayan ng asawa o naiwan ng isang naglakbay sa

malayong pook. Habang ang duróg ng mga Tagalog ay nagpapahiwatig ng

paghihiwahiwalay ng kabuuan sa maliliit na bahagi sa pamamagitan ng pagbayo

o pagdikdik, ang dúrog ng wikang Bikol ay nagpapahiwatig ng pagkabuo ng

dalawa o maraming bagay at ng tao patungo sa pagkakaisa. Ang dúrog ng Bikol

ay palaging may pahiwatig ng pakikiisa sa maligaya o malungkot na karanasan

17
ng kaniyang kapwa tao. Mahalagang maisama ang salitang andúrog sa wikang

pambansa dahil magpapayaman ito sa korpus ng mga salitang tumutukoy sa

maselang damdamin ng pakikipagkapwa tao.

2. BINTÁAS—a) pangngalan); b) kahulugan: sahig sa itaas ng

pinakasahig ng kabahayan o sahig sa ilalim ng bubong. Sa Ingles, loft,

mezzanine, attic; c)etimolohiya: Ang salitang bintáas ay nagsimula noong unang

panahon na ang mga tao ay nakatira sa maliliit na kubo na gawa sa kawayan at

pawid at mahalagang 6 mapakinabangan na imbakan ng gamit hindi lamang ang

silong ng bahay kundi ang puwang o agwat ng ilalim ng bubong at ng batangan o

barakilan. Sa mga hindi bihasa sa bahagi ng bahay, ang batangan o barakilan ay

ang mga pahigang kahoy na nagdudugtong sa itaas na dulo ng mga haligi upang

maging matatag ang dingding. Sa kasalukuyan, na ang mga bahay ay gawa na

sa kongkreto, ang barakilan ay tinatawag na beam sa Ingles at bega sa

Espanyol. Ang mga barakilan ay sinasapinan ng sahig na gawa sa mga patpat

na kawayan o kaya ay plywood. Sa gayon ang barakilan ay maaari na ring

tawaging soleras, o pamakuan ng sahig sa itaas. Sa ganitong paraan,

nagkakaroon ng dalawang sahig ang bahay kubo: ang pinakasahig ng

kabahayan na kinalalagyan ng salas, ng silid-tulugan at ng kusina; at ang sahig

sa ilalim ng bubong na malimit ay pinaglalagyan ng binalumbon na banig, kumot,

unan at mga hindi-pagagamiting gamit-bahay na pansamantalang itatabi upang

hindi makaabala sa pinakasahig—itong pangalawang sahig ang tinatawag na

bintáas. Nagkakaroon din ng bintaas ang mga kubol sa bukid na nakatayo sa

mga pampang ng sapa, sa gilid ng mga pilapil at burol. Ito ang mga kubol na

18
may bubong at apat na haligi, walang dingding, walang sahig at malimit ay may

tatlong lampas-tuhod ang taas na pahalang na buong kawayang nakatali sa mga

haligi upang maging upuan ng magsasakang ibig magpahinga o kumain ng

baon. Katulad ng sa bahay kubo, ang bintáas ay mga patpat na kawayan na

isinasapin sa itaas ng barakilan upang paglagyan ng asarol, bareta, kalaykay.

May mga bintáas na bahagyang ibinababa upang lumuwang at mapaglagyan ng

malalaking gamit sa bukid tulad ng araro at pagulong. Minsan, ang bintaas ay

nagagawa ring tulugan ng batugan na magbubukid o pahingahan kung malakas

ang ulan. Maraming maaaring paggamitan sa bintáas. Nang akoy walong-7

taong gulang lamang, may kubol sa malawak na bukid sa likod ng bahay namin.

Isang dapithapon ay nagkagulo sa paligid ng kubol at ayon sa narinig kong usap-

usapan ng matatanda, ang Lolo ko raw, na setenta anyos na, ay muntik mataga

ng asawa ng kaniyang katalik sa loob ng bintáas. Mabuti at nakatalon at

nakatakas ang Lolo. Ipinagmamalaki ko ang kuwentong ito dahil ito’y

nagpapahiwatig ng lakas ng katawan kung hindi man ng loob ng oragon kong

Lolo. Pansinin na ang bintáas ng kubol ay malimit na walang hagdan,

samantalang ako ngayon, na di hamak na mas bata sa kaniya noon ay hirap

nang umakyat kahit sa may hagdan na mezzanine. Ang Lolo Fermin Remoto ay

lolo rin ni Danton Remoto; sayang at pareho kami hindi nagmana ng kaniyang

pagka-oragon. Ang bintáas ay maaaring nanggaling sa mga salitang binitin sa

itaas. Maaari ring panggalingan ang mga salitang bintana at itaas, bagama’t ang

bintana ay mula sa wikang Espanyol at ang kubol, na may bintáas, ay walang

bintana. Naniniwala akong may mga bintáas na ang mga kubo bago pa dumating

19
sa bansa ang mga mananakop na Kastila; d) kahalagahan ng salita: Sa

kasalukuyang problema ang tirahan ng dumaraming mamamayan, ang halaga

ng mga pabahay ng gobyerno at pribadong developer ay kailangang umagpang

sa kakayahan magbayad ng mga karaniwang empleyado. Kaya ang mga

pabahay ngayon ay halos kasinlaki na lamang ng mga bahay-kalapati noong

araw, na kung tawagin ng mga Espanyol ay casillas. Maraming low-cost housing

ngayon na nagbabalatkayong condominium. Ang nilalaman ng pinakasahig ay

isang multi-purpose na parisukat na salas-kainan-kusina; may isang maliit na

palikuran, at ang tulugan ng mga tao ay munting sahig na nakabitin sa pagitan

ng bubong at salas, na malimit ay tawaging mezzanine, ngunit sa totoo, sa

wikang Filpino ay nararapat lamang tawaging bintáas. 8 Kung sabagay, mas

class kung sabihing nahuli ang Lolo ko na nakikipagtalik sa mezzanine, ngunit

hindi angkop sa katutubong kaligiran ng bukid at hindi makatotohanan ang

paglalarawan.

3. GIMATÁ—a1)pandiwa; b) kahulugan: magising, magkamalay,

maunawaan, matanto buhat sa pagkakagupiling o sa pagtulog. Ang pagkakaiba

ng gimatá sa agimadmád, na na kasama na sa Diksiyunaryong Filipino: Ang

agimadmád ay pag-unawa na bunga ng pananaliksik o pagkatapos ng pagsusuri

ng isang bagay o kaisipan; ang gimatá ay kusang pagkakaroon ng kamalayan

mula sa pagkalingat, pagkaidlip o pagtulog. Sa Ingles, to become aware of; to

have something dawn on you; to awaken to, to realize; c)etimolohiya: Ang gimata

ay nagmula sa salitang mata—hindi ang bahagi ng katawan o ulo na nakakakita

—kundi ang estado ng pagiging gising o may kamalayan. Halimbawa: “Nagimatá

20
ako sa katotohanang matagal na pala niya akong pinagtataksilan. Nagimatán ko

na ang kaugaliang pagmamano sa matatanda, kahit hindi kamag-anak.”

“Nagimata ako ngayong umaga na ang agimadmad ay suob pa ng matamis na

samyo ng pagtatalik natin kagabi.” May isa pang kahulugan ang Gimata:

GIMATÁ—a2)pangngalan; b) kahulugan: ang lima hanggang anim na araw ng

bagong buwan (new moon). Ito ang panahon na sinasamantala ng mga

mangingisda na pumalaot dahil madilim ang paligid ng dagat; c) etimolohiya:

Maaaring ihinahalintulad ng mga katutubong Bikolano ang buwan sa mata ng

tao, at ang bagong buwan ay siyang simula ng pagbubukas ng mga mata, na

siya pa lamang na pagsisimula ng liwanag. Ikinukuwento ng matatanda na ang

panahon ng gimata ay hindi ganap na karimlan kundi karimlang mapusyaw. Kaya

marahil ito ang ipinapalagay nilang pinakamagandang panahon ng pangingisda,

dahil naaapuhap nila ang 9 mga gamit sa ibabaw ng bangka, nang walang sulo o

ilaw na de-gaas o de-kalburo, ngunit nananatili pa ring madilim ang ilalim ng

tubig upang hindi maaninag ng isda ang bingwit o lambat. Sa madaling sabi, may

anagag ng liwanag na sapat lamang upang makita ng mangingisda ang mga

gamit niya at may karimlan ang tubig na sapat upang lumambong sa bingwit o

lambat na panghuli ng isda. d) kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang

salitang gimata sa diksiyunaryong Filipino sapagkat may mga ibang konsepto ito

at kahulugan kaysa kahawig na salitang gamit sa ibang rehiyon. Magagamit ang

salitang gimata upang tumukoy sa natatanging panahong angkop upang

mangisda sa laot ng dagat. Noong kami’y bata pa at mahilig maglaro sa kalsada

kung gabi, naaalala kong mas gusto naming mga binatilyo na magpatentero

21
kung gimata kaysa kung kabilugan ng buwan. Kung panahon ng gimata ay

maaaninag mo pa rin ang kalaro na hahabulin at tatagain. Ngunit may lambong

na ng karimlan upang hindi mahalata ng magandang dalagita na habol-habol mo

kung tatagain mo nga siya o yayakapin. At marahil maaari ring mapag-aralan

ang gimata upang malaman kung anong mga hayop sa gubat ang madaling

hulihin kapag gimata.

4. ILÁWOD—a) pangngalan; b) kahulugan: patungo sa laot, paayon sa

agos ng tubig (downstream), pababa ng dagat mula sa kaitaasan, mababang

pook. Ipinagkakahulugan din ito sa hanging patungong Kanluran (west wind);

c)etimolohiya: Ang salitang ugat ay lawód, na sa wikang Filipino ay laot,

samakatuwid ay pababa o patungo sa ibaba. Ang mga taong naninirahan sa

paanan ng bundok, sa tabi ng ilog o sa pampang ng dagat ay tinatawag na taga-

ilawod. Ang taong umaakyat ng bundok ay sinasabing nanggaling sa ilawod. Ang

kasalungat na salita (antonym) ng ilawod ay iraya o ilaya. Noong unang 10

panahon, ang mga tao ay kalimitang naglalakbay sa pamamagitan ng tubig. Ito

ang pinakamadaling paraan ng paglalakbay, lalo na kapag pababa at paayon sa

natural na agos ng tubig. Napakahirap ang maglakbay sa lupa dahil wala pang

mga kalsada noon at ito’y nangangahulugan ng paglalakad sa magugubat na

pook na malimit ay tahanan ng mababangis na hayop at mga taong

mandarambong. Ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga baranggay

noon ay nasa tabi ng mga ilog at pampang ng dagat. Karamihan sa mga

mauunlad na tribo ay mga taga-ilog (Tagalog) o mandaragat, dahil madali sa

kanilang maglakbay at makipagkalakalan sa ibang tribo o kumunidad, na nasa

22
tabi rin ng ilog at pampang ng dagat. Kaya masasabing ang sibilisasyon ay

totoong nagsimula sa ilawod. Nagsimula lamang umakyat ng matataas na pook

ang mga tao upang makaiwas sa panganib, katulad ng kalimitang pagbaha at

sungit ng dagat; ganoon din nang sila’y simulang salakayin ng mga pirata at

nang dumating ang mga mananakop na Kastila. May mga umakyat din ng

bundok bungsod ng mapagsapalarang isip. Nakita ng tao na bukod sa mga isda

at pagkaing nahuhuli sa tubig ay may mga hayop din naman sa gubat na

maaaring hulihin at kainin. At natuklasan na rin nila ang pagtatanim o ang

agrikultura. Hindi nagtagal ang mga tao ay nahati sa mga taga-ilawod at mga

taga-iraya. d) kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang salitang ilawod

sa diksiyunaryong Filipino dahil naglalarawan ito ng bahagi ng kaligiran na

tutukoy sa mabababang pook at sa pagkakaiba nito sa kabundukan o ilaya.

5. RAWITDÁWIT— a) pangalan; c) kahulugan: tula, dalit berso, poem; c)

etimolohiya: Mula sa sinaunang wikang Bikol, ang rawitdawit (walang gitling) ay

mga salitang mabulaklak at maligoy na nanggagaling sa isang taong madaldal,

matabil, magaslaw at 11 hindi mapigilan ang dila. Literal na salin ng rawitdawit,

halimbawa sa ilang dialect ng Rinconada, ay satsat o daldal. Ang salitang

rawitdawit ay maaari ring nanggaling sa salitang rawi’ na nangangahulugang

“sugot” (biro o tukso, to tease or to joke with), na may karugtong na “hindi/di

awit”; sa kabuuan ang ibig sabihin ay satsat lamang at hindi matinong awit.

Sinasabing noong unang panahon ang mga rawitdawit ay karaniwang maiikling

diskurso na mabida, maligoy, at mabulaklak na mga pananalitang ang pakay ay

pagpugayan ang isang magandang dilag o tudyuin ang isang nagkukunwaring

23
magaling. Nang tumagal, ang rawitdawit ay naging isang anyo ng literaturang

Bikol na sinimulang isulat at tuloy nagkaroon ng anyo at porma at tumulad na sa

mga tula, berso at awit. Marami sa mga unang rawitdawit ay tungkol sa pag-ibig

at pangungulila, katulad nito: “Màwot ko pa man daw/ Pagkugos-kugoson/ Ikang

pighihidaw/ Paghulid sa hapon” Sa Filipino: “Pangarap kong sa tuwina/ Ikaw ay

yakap-yakapin/ sapagkat nangungulila/ pagsapit ng takipsilim” May rawitdawit

ding tungkol sa kapalaran ng buhay: “Daing aksidente sa buhay kan tawo/ May

tuyo an kada pag-iro kan mundo/ Dai matatakdag sa sanga an dahon/ Dawa

bagyuhon kun dai sa panahon/ May taob an dagat pagsirang kan bulan/ Dawa

dai lubos na nasasabutan” Salin sa Filipino: “Walang aksidente sa buhay ng tao/

May dahilan ang bawat inog ng mundo/ Hindi malalagas sa tangkay ang dahon/

Kahit bagyuhin kung wala sa panahon/ Aapaw ang dagat pagsikat ng buwan/

Kahit hindi natin nauunawaan.” May rawitdawit ding tungkol sa pagtanda: “Nata

kun nuarin ika naggugurang/ Saka puro aki an kapalibutan/ Sain man kumiling

kagagayon sana/ Kan nakapalibot na mga daraga/ Dangan an makulog sa puso,

sa payo/ Pagka naduotan o nasa’gidan mo/ Dai man malikay, dai man maribok/

Gari nanunuksong sagin man mali’od/ Namamatian daw, naaagimadmad/ Kun

ika talagang dai nang kamandag?.” 12 Salin sa Filipino: “Bakit kung kailan ika’y

tumatanda/ Saka ang paligid lalong bumabata/ Saan man bumaling mukhang

paraluman/ ang nakapaligid na kababaihan/ At ang masakit pa sa ulo’t sa puso/

Kapag nasagi mo o kaya’y nahipo/ Hindi man iiwas, hindi man kikibo/ Ngingiti

pang tila nanunuksong lalo/ Nakikilatis ba o naaaninag/ Na ikaw ay sadyang wala

nang kamandag?” Sa ngayon ang rawitdawit ay isa nang matatag na literaturang

24
Bikol na ginagamit sa pagtalakay sa iba’t ibang kalagayan ng buhay;

d)kahalagahan ng salita: Mahalagang maisama ang salitang rawitdawit sa

wikang pambansa upang siyang tumukoy sa isang natatanging literaturang Bikol

at sa mga tulang nakasulat sa wikang Bikol.

6. SALIMAGYÓ—a) pangngalan; b) kahulugan: badya ng bagyo, sigwa,

malakas na ihip ng hangin (the onset of tempest, storm, gale); c) etimolohiya:

Ang salita ay galing sa sáli (to flaunt, ostentatious display) at bagyò (storm,

typhoon), samakatuwid ito ang unang paglakas ng hangin na nagpapahiwatig na

maaaring magkaroon ng bagyo. Tumutukoy din ito sa biglang unos o biglang

hagupit ng hangin na akala mo’y bigla ka na lamang binulaga ng bagyo ngunit

dagli rin namang humupa. Kaya maaari rin itong tawaging dagling bagyo.

Popular na salita ito sa pulo ng Catanduanes, na napakalimit daanan ng bagyo.

Naranasan ko ang salimagyo nang huling nakaraang ika-5 ng Nobyembre,

pagkatapos naming mag-lecture sa Kapitolyo ng Virac, Catanduanes ay

inanyayahan kami ni Gobernador Joseph Cua sa kaniyang Twin Rock Beach

Resort sa labasan lamang ng Virac. Habang nagsisimula kaming dumighay-

dighay sa napakasarap na hapunang mga mala-higanteng alimango at sugpo, at

nagsimula nang tumungga ng beer, ay walang kaabog-abog na biglang

bumagsak ang ulan na sinundan ng napakalakas 13 na hanging tumuklap sa

toldang panangga sa ulan. Bago kami nakatayo ay nagtumbahan na’t gumulong

sa mesa ang mga baso’t bote ng beer. Nagtakbuhan kami papasok sa pinaka-

tindahang yari sa kongkretong dingding at yerong bubong. Ngunit bago kami

nakapuwesto sa mga mesa’t upuang bakal ay parang nagdahilan lamang na

25
humupa ang unos at ang naiwan ay tikatik na ulan. Natatawang kinantyawan

kami ng mga tagaCatanduanes. “Kaunting salimagyo, nasindak ang mga taga-

Maynila.”; d) kahalagahan ng salita: Kung maisasama sa diksiyunaryo ang

salitang salimagyo, magkakaroon ng salitang aangkop sa paglalarawan ng

bugso ng hangin na nasa pagitan ng banayad na ihip at ng malakas na unos. Sa

gayon, hindi na lamang panay bagyo, sigwa o unos ang ginagamit. Isang

magandang halimbawa ng salin ng unang saknong ng tulang Canto del Viajero ni

Jose Rizal: “Hoja seca que cuela indecisa/ Y arrebata violente turbión/ Asi vive

en la tierra el viajero/ Sin norte, sin alma, sin patria ni amor.” Ito ay malimit na

isinasalin sa Tagalog nang ganito: “Kagaya ng dahong nalanta, nalagas/

Sinisiklut-siklot ng hanging marahas/ Abang manlalakbay ay wala nang liyag/

Layunin, kaluwa't bayang matatawag.” Sa aking palagay ay mas angkop ang

salin sa Bikol na ganito: “An alang na dahon lagalag na gayo/ Ipiglayog-layog

ka’ning salimagyo/ Siring man sa mundo an buhay b’yahero/ Daing giya, kalag,

daga, o pagmangno” Ang “hanging marahas” sa Tagalog ay maaari nang palitan

ng salimagyo, na isang salita lamang.

7. SÛBANGAN—a) pangngalan; b) kahulugan: Ang silangang bahagi ng

papawirin na sinisikatan ng araw at ng buwan, Silangan, ang pook na unang

kinakikitaan ng pagsikat ng araw at ng buwan; c) etimolohiya: Ang salita ay

nanggaling sa sûbang, (to rise, to go upstream). Ang Sûbangan kung minsan ay

nagsisimula sa malaking titik upang14 ipahiwatig na ito ang Silangan (the East).

Halimbawa: Kulay pula ng itlog ang araw na nakasungaw sa Sûbangan.

Ginagamit ang sûbangan na nagsisimula sa maliit na titik kung tinutukoy ang

26
bahagi ng ilog na ang mga isda ay lumalangoy pasalubong sa agos ng tubig.

Ang kasalungat na salita ng Sûbangan ay Sulnópan (the West) na lubugan ng

araw at ng buwan; d) kahalagahan ng salita: Mahalagang makasama ang

salitang Sûbangan upang magkaroon ng salitang tutukoy sa tanging bahagi ng

Silangan na sinisikatan ng araw ganoon din sa bahagi ng ilog na nilalanguyan ng

isda pasalubong sa agos ng tubig.

8. SULNÓPAN—a) pangngalan; b) kahulugan: Ang kanlurang bahagi ng

papawirin na nilulubugan ng araw at ng buwan, Kanluran, ang pook na dahan-

dahang nilulubugan ng araw at ng buwan; c) etimolohiya: Ang salita ay

nanggaling sa sulnóp (to hide from view, to disappear from view). Ang Sulnópan

kung minsan ay nagsisimula sa malaking titik upang ipahiwatig na ito ang

Kanluran (the West). Halimbawa: Nagkukulay dugo ang anagag ng araw sa

Sulnópan; d) kahalagahan ng salita: Mahalagang makasama ang salitang

Sulnópan upang magkaroon ng salitang tutukoy sa tanging bahagi ng kanluran

na nilulubugan ng araw.

9. TALÍNGKAS, KATALÍNGKASAN—a) pangngalan; b) kahulugan:

malaya (free), kalayaan (freedom); c)etimolohiya: Ang ugat na salitang talíngkas

ay mula sa tangkas (tanggal, hiwalay, hindi nakakabit; disconnected,

disenggaged). Sa 1865 edition ng Vocabolario de la lengua bicol ni Marcos de

Lisboa ay may nakatala na salitang Bikol na talikála, na ang kahulugan ay

cadena. Katulad ito ng tanikala ng mga Tagalog. Kung ganoon, ang talingkas na

Bikol ay maaaring nagmula sa “tangkas na talikala” o kaya ay 15 “talikalang

27
tangkas.” Ang katalíngkasan ay malimit na ginagamit ng mga Bikolano sa

rawitdawit, tigsik at sa iba pang anyo ng literatura. Ang salita ay malimit ding

gamitin ng mga nanunungkulan sa gobyerno at ng mga politiko sa opisyal na

kalatas at sa mga talumpati. Halimbawa: “An katalíngkasan daing kamugtakan

kun dai kita makatalingkas sa pagtios” Ang salin sa Filipino: Walang halaga ang

kalayaan kung hindi tayo makawala sa kahirapan. Hindi ginagamit ang

katalíngkasan sa relasyon ng mag-asawa o ng magkasintahan. Asiwa at kakatwa

kung ganito ang gamit ng salita: Ipagkaloob mo sa akin ang katalíngkasan

sapagkat may iba na akong mahal. Mas angkop gamitin ang salitang bulag o

siblag (hiwalay); d) kahalagahan ng salita: Ang salitang kalayaan ng mga

Tagalog ay mula sa salitang ugat na laya, na nagpapahiwatig ng kawalan ng

kontrol, kawalan ng nakikialam at karapatang gawin ang nais. Hindi ito

nangangahulugan ng pagkaalpas mula sa pagkatanikala o pagkapiit o

pagkatanggal ng tali na pumipigil sa isang tao upang gawin ang nais niyang

gawin nang walang hahadlang. Kung kaya higit na angkop ang salitang talingkas

o katalíngkasan sa paglalarawan ng isang taong napiit o isang bansang sinakop

na ngayon ay malayang nakapagsasarili.

10. TIGSÍK—a)pangngalan; b) kahulugan: tagay o parangal (toast), puna

(banter, satirical remark) o pasaring (whimsical or puzzling remark); c)

etimolohiya: Ang tigsik ay isang uri ng literaturang Bikol na pabigkas (oral

literature), maikli, daglian, na kalimitan ay tatlo hanggang limang taludtod at may

tugma. Noong unang panahon, bago dumating ang mga mananakop, ang mga

katutubong Bikolano ay nakaugalian na magkaroon ng mga kasiyahan kapag

28
may namamanhikan, magkasintahang pinag-iisang 16 dibdib o may bagong

silang na sanggol. Ang tawag sa mga pagdiriwang na ito—na malimit ay kasama

ang inuman ng nakalalasing na tuba o lambanog—ay ABATÁYO. Sa ganitong

pagdiriwang, ang mga manginginom na naghahalong lalaki at babae ay

nakapaligid sa isang mesa at umiinom sa iisang daod, bao, kopita o maliit na

baso at pinagpapasa-pasahan ang baso. Ang unang tinagayan ng inumin ay

obligadong itaas muna ang baso at bumigkas ng tigsik bago tunggain ang tuba.

Ang iinom na rin ang pipili ng paksa ng tigsik. Kung kasal, ang paksa ay malimit

parangal sa mag-kasintahang pinagisang puso; kung binyagan ay tinitigsik ang

bata o ang mga magulang na may gawa ng bata. Pagkatapos tumigsik ay

tutungain ang tuba, kailangang ubusin ang laman, kung hindi ay tatagayan siya

ng isa pang baso at kailangan niyang muling tumigsik. Pag natungga na ang

tuba, ipapasa ang baso sa katabi, tatagayan at siya naman ang susunod na

titigsik. Ang tigsik ay palaging nagsisimula sa mga salitang “Tinigsik ko

ang/si/ikaw/itong/iyang/iyong/kayong…” at ang karugtong ay ang simunò o ang

paksang tatalakayin. Ganito ang pinakapopular na tigsik: “Tinigsik ko an baso/

Tubig-apoy ang laman nito/ Bumilang ka ng tatlo/ Ang laman uubusin ko” sabay

tungga ng alak. Malimit ay biglaan ang pagbikas at nagiging sukatan ito ng talas

ng pag-iisip at galing sa paggamit ng mabulaklak na salita. Nang tumagal hindi

lamang parangal ang tigsik, nagiging puna o pagbatikos na rin, pasaring ng

kabastusan, pagbibiro, politika, relihiyon, pahiwatig ng pag-ibig at kung ano-ano

na lang. Halimbawa: “Tinigsik ko ikaw na tumitigsik/ Tigsik ka nang tigsik/ Mata

mo’y nanlilisik/Laway mo’y tumitilamsik” Nagiging masaya ang pagdiriwang kung

29
sagutan ang tigsik: “Tinigsik ko ang aking tandang/ Saan man isabong palaging

palaban/ Matapang, malakas ang katawan/ Pagsalpok tusok ang kalaban” At

may sasagot: “Tinigsik ko ang totoo mong tandang/ 17 Kapag mabalahibo ang

kalaban/ Kahit himasin ayaw manindigan/ Nanlalambot at ayaw nang lumaban.”

Pagdaan ng mga taon, ang makabagong tigsik ay nakibagay na rin sa mga

tulang may takdang anyo, sukat at rima. Kapag may tigsikan, pinaghahandaan

na at isinusulat ang tigsik. May mga manunulat na nilapatan na ng sukat ang

tigsík. Ang isang magaling na tigsik ay inaasahang matanlinhaga, angkop sa

pinararangalan, nakaaaliw pakinggan, at kalimitan ay may kabulastugang

mahirap makalimutan. Ang salitang tigsik ay kinamulatan na ng maraming

Bikolano. May nagsasabing ang ugat na mga salita ay tigis ( to pour liquid into a

cup) at sikrap (sulyap, to take a quick glimpse of). Ang sabi naman ng iba ay

pinaikling tigsisikrap (an attempt to take a quick glance at). Maaaring tanggapin

ang dalawang paniniwalang ito dahil ang tigsik ay totoong isang napakaikling

sulyap o irap pa man din sa isang bagay na dapat pag-ukulan ng pansin—

pagkatapos tagayan ng inumin at bago inumin ang laman ng hawak na baso; d)

kahalagahan ng salita: Ang tigsik ay salitang tutukoy sa natatanging anyo ng

literaturang Bikolnon na daglian at pabigkas. Maaaring masabing kahawig ito ng

sinaunang dalit ng mga Tagalog, subalit kaiba dahil may simuno o tiyak na

paksang tahasang tinatalakay, at ang pagtalakay ay palaging sa pamamaraang

tiyak, sadya, matalinhaga, makahulugan, makabuluhan, may kabulastugan at

nakakatuwa. Magagamit din ang salita upang tumukoy sa mga maiikling tagay,

puna o pasaring na matalinhaga, makahulugan, at nakaaaliw pakinggan. Marami

30
pang ibang salitang Bikol na dapat masali sa korpus ng Wikang Pambansa. Ang

kulang lamang ay ang panahon sa pulong na ito upang ipahayag ang iba pang

magagandang salitang mapupulot sa anim na malakihang diyalekto ng Wikang

Bikol. Naniniwala ako na marami pang 18 ibang panahon at pagkakataon upang

tayo ay mag-ambagan ng mga salitang magpapayaman sa isang wikang

nararapat lamang na paglagakan ng lahat ng kaalaman ng lahing Filipino.

Naniniwala ako na darating ang panahon ang pambansang literatura ay isusulat

sa isang wika lamang. Naniniwala rin ako na sa pagpapayaman ng isang Wikang

Pambansa ay hindi mamamatay, bagkus kasamang yayaman, ang mga wika ng

mga rehiyon ng ating bansa. Naniniwala ako na tatatag lamang ang ating bansa

kung nagkakaisa tayo at nagkakaunawaan sa pamamagitang iisang Wikang

Pambansa.

31
KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito, tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga paraan o

metodo na kanilang gagamitin upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-

aaral na ito.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang Paglalarawang Pamamaraan (Descriptive Method) ang ginamit sa

pag-aaral na ito dahil saklaw nito ang kasalukuyang kalakaran at kalagayan ukol

sa mga bagay-bagay. Gumamit ang mga mananaliksik ng mga katanungan na

binigyang kasagutan ng mga taga-tugon.

Ang pakikipanayam sa mga Bikolano sa pamamagitan ng mga nakalaang

tanong upang malaman ang mga salitang Bikolano na may katulad na bigkas at

baybay sa Filipino ngunit magkaiba ang kahulugan.Ang nakalaang tanong ay

nakatuon din sa kung paano nakaapekto ang pagkakaroon ng magkaibang

wikang ginagamit sa araw-araw.

RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa 50 Bikolano na may iba’t ibang

edad at kasarian upang makalikom ng mga salita na may magkatulad na baybay

ngunit magkaiba ng kahulugan sa Filipino. Ang mga nakapanayam ay

magbabahagi ng kanilang karanasan tungkol sa naging epekto ng magkaibang

wikang sinasalita sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

32
INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK

Nagsagawa ng panayam ang mga mananaliksik upang malaman ang

pananaw at karanasan ng mga Bikolano sa pagkakaroon ng dalawang wika na

may malaking pagkakaiba.

SETTING NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa iba,t ibang lugar sa Maynila katulad

ng Quezon City, Pasay at iba pa. Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga

Bikolano na naninirahan sa Maynila at kinapanayam sa pamamagitan ng

pagsagot sa mga questionnaire.

HAKBANG NA ISINAGAWA

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga katanungan ukol sa mga

pananaw at karanasan ng mga Bikolano na naninirahan sa lungsod. Naghanap

ng mga Bikolano at kinapanayam ang mga ito. Ang mga kinapanayam ay

nagbahagi ng ilang mga salitang Bikolano na may katulad sa Filipino ngunit

magkaiba ng kahulugan. Nilikom ito ng mga mananaliksik at sinuri.

33
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS

Ang kabanatang ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga katanungan sa

mga suliraning ninais bigyang kasagutan.

Sinikap ng mga mananaliksik na ang mga datos na nakalap ay tama at

nilapatan ng kaukulang pagsusuring istatistika. Ang bawat pagsusuri ay nilagyan

ng interpretasyon ng naaayon sa hinihingi ng pag-aaral.

Bilang ng Respondente
60

50

40
Bilang ng Respondente
30

20

10

0
Babae Lalaki Kabuuan

Respondente

34
Kahulugan
Bilang Salita
Filipino Bikolano

1 abo mganatirangbahagi ng ayaw , hindi gusto


isangbagaynanasunog
2 kawat pagnakaw paglalaro
3 sangsang kumakalatnamabahongamo suntok
y
4 matali mabigkis matalino
5 kamot isanggawainnaresulta ng kamay
pangangati
6 asin maalatnasangkapsapaglulut at, pati
o
7 mata parte ng katawan ng tao gising
8 umay nananawa kanin
9 bakal uri ng metal bili
10 aso uri ng hayopna may usok
apatnapaa
11 utong parte ng katawan ng unggoy
isangtao
12 wala wala kaliwa
13 puto isanguri ng bunso
kakaninnagawasabigas o
harina
14 burak bulaklak

35
15 bayong lalagyanggawasadahon ng ibon
niyog
16 bata bata baho
17 akin pag-aariko kuya
18 bulong pagsasalita ng mahinang- gamot
mahina
19 dako lugar malaki
20 ipisan lagyan ng ipis lagyan ng tubig/magsalin
21 iyo pag-aari mo oo
22 hiling pag-asam ng isangbagay tingin
23 sugo inutusan / alagad utos
24 dagit nakuha / nahuli galit
25 poon santo mula
26 samo paglapit/ pagsuyo saamin
27 tulak tulak tiyan
28 mayo buwan liban
29 sopas pagkaing may sabawna biskwit
may sangkapna macaroni at
gatas
30 damulag malaki kalabaw
31 bunyag ihayag binyag
32 lawa anyongtubig gagamba
33 mag-iba magpalit/magbago samahan
34 dapit orasnangpalubog ng araw ukolsa
35 kulisap uri ng insekto balakubak
36 tuyo tuyo sinadya
37 burat maselangbahagi ng lasing
katawan
38 magturo- magturo ng magturo tulo ng tubig

turo
39 puro walang halo wakas
40 ma-uri maipangkat/maihiwalay inggit
41 pako metal urihalamangdagat
nakasangkapansakarpintero
42 sira sira/ hindiayos isda
43 madaldal madamingsinasabi masaraplamangsapandinig
44 masiba matakaw pabonglalaki
45 magtino umayos bumati
46 kamot kamot/pagkukuskos ng kamay
makatingbahagi ng katawan
47 kulog kulog pinsala
48 anit parte ng ulo ng tao magtago
49 orig tunay/ kontraksiyon ng taongmatakaw
orihinal

36
50 payag sumasang-ayon kubo
51 maluya maramingluya mahina
52 kasalan pag-iisangdibdib pasaway
53 tulo tulo/lumalabasnalikido o tatlo
tubig
54 kuya matandangkapatidnalalaki walang-wala
55 saro lalagyan ng alak bilangisa
56 yero bubong bakal
57 bangga nagkabunggo/nabungo simiksik
58 senti malungkot pera
59 daga uri ng hayop lupa
60 bistado nahuli kilala / alam
61 turo ituro tumagas
62 daing hinanakit walang/wala
63 kadikit kasama/ kasangga maliit
64 magwakas magtapos iangat
65 hambog mayabang kasinungalingan
66 putik lupang may tubig / putik kasinungalingan
67 butasan butasan / lagyan ng butas palayain
68 anit parte ng ulo ng tao magtago
69 mahiling naisin/ hinahangad tingnan
70 laylay nakabuyangyang/ kantangpantulog
duluhangbahagi ng
kasuotan
71 sako lalagyan ng bigas o akin
semento
72 bareta solido at balita
palapadsabongpanglaba
73 pula kulay walangimik
74 kulog malakasnatunoghabangbum sakit/kirot
abagyo
75 lapag sahig pagpursigi
76 sakit karamdaman magkasala
77 bakas halata/palatandaan samahan
78 tabi gilid pakiusap
79 lantad labas talampas
80 hawak hawak katawan
81 hardin bahagi ng tahananna may iwasan
inaalagaangmgahalaman
82 utos utos bulutong
83 punta pagtungo imus
84 labi bangkay/ bahagi ng bibig ng sobra
tao
85 ilusyon imahinasyon sinta
86 tampok pinakasentro ng usapin mahalaga

37
87 gana sigla tagumpay
88 paha sinturon tigang
89 eksakto akmang-akma maingat
90 balon malalimnapinagkukuhaan baonnapagkain
ng tubig
91 tibay lakas kakayahan
92 pundo naipon talunin
93 itaon itama/naayonsapanahon itaas
94 dagdag pagsama magtaguyod
95 irepaso ayusin ulitin
96 magpundo mag-ipon paurungin
97 tinampo ikinagalit daan, kalye
98 matunton mahanap matuyo
99 mundo daigdig malungkot
100 medyo hindigaano tahimik
101 gapo balbal ng salitangOlongapo bato
102 bata maliitnatao/ batanggulang gamitpantuyopagkataposm
aligo
103 asal ugali mag-ihaw
104 kawatan masamangtao laro/ kalaro
105 dumog kinuyog basa
106 barat kuripot kanluran
107 lagok inom loob
108 bala bala/laman ng baril pat-pat
109 alas piyesasabaraha ahas
110 pulot pagkuha ng di-kaakit-akit
bagaynanasaibaba
111 makulog malakasnaingay masakit
112 tadtad pino/ durog tattoo
113 agad daglian hingi
114 su´so uri ng hayopnagumagapang siksikan
115 puson bahagi ng tiyan uri ng hayop
116 pagpaso resulta ng pagkakadikit ng pagpasyalan
maiinitnabagay
117 bugsok pagbunggo patiwarik
118 padusa paghihirap penalti
119 tusok pagtama ng matulisnabagay tuktok
120 ugali gawi paningin
121 gusgus marumingayos ng tao luma/matanda
122 buko prutas bahagi ng paa
123 putik dumi pagsisinungaling
124 aliwalas magaansapakiramdam binalewala
125 arena uri ng tanghalan sangkapsapagluluto
126 sukol pagpigil pagsukat
127 laboy paggala putiknamalapot

38
128 Magbuno maglaban magkatay
129 urong atras ilong
130 sala lugarsatahanan upo
131 lusong sugod pinagbabayuhan ng bigas
132 dusta maghirap madamot
133 kurba kurba/ korte pumihit
134 abay kasama sinturon

39
KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito ang buod ng pagsusuri, konklusyon at

rekomendasyon na hinango mula sa mga datos na nakalap sa mga

kinapanayam na mga Bikolano na naging tag-tugon ng pag-aaral na ito.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman at maipaghambing ang

mga salitang Bikolano at Filipino na magkapareho ang baybay subalit magkaiba

ang kahulugan.

Gamit ang paraang deskriptib, ang mga mananaliksik ay naghanda ng

mga sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa 50 respondenteng Bikolano na

naninirahan sa lungsod.

Sa pamamagitan ng mga ipinamahaging sarbey-kwestyoner, ang mga

mananaliksik ay nakakalap ng mga salitang Bikolano at Filipino na

nagkakapareho sa baybay subalit nagkakaiba sa kahulugan.

Kinalabasan ng Pag-aaral

Matapos tipunin at pag-aralan ang mga datos, ang mga sumusunod na

kinalabasan ay naitala:

40
Konklusyon

Batay sa mga nakalap at inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay

humantong sa sumusunod na kongklusyon:

a. Maraming mga salitang Bikolano ang may katulad na baybay sa

Filipino subalit naiiba ang pagpapakahulugan.

b. Ang pagkakaroon ng mga salitang magkatulad ang baybay ngunit

magkaiba ang kahulugan sa mga salitang Bikolano at Filipino ay

nagdudulot ng kalituhan sa mga taga-Bicol na naninirahan sa

lungsod at minsa’y nagiging dahilan upang mahirapan sila sa

pakikipagkomunikasyon sa mga tagalunsod.

c. Ang unang wika ay nagdudulot ng malaking impak sa pang-araw-

araw na pakikipagkomunikasyon ng mga taong gumagamit nito sa

mga taong gumagamit ng ikalawang wika.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, inirerekomenda ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Sa mga mag-aaral, marapat na maging maingat sa paggamit ng mga

salita, mapa-akademikong aspeto man o sa pang-araw-araw na

pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao sapagkat maaaring

41
may mga salitang hindi lingid sa kaalaman ay nagdudulot na ng

negatibong kahulugan sa ibang tao o sa kausap.

b. Sa mga nagpapakadalubhasa sa wika, nawa’y maging bukas sa

pagtanggap ng iba pang dayalekto at maging matiyaga at masigasig

sa pag-aaral nito upang magkaroon ng higit na malawak na

bokabularyo.

c. Sa mga guro, lalo na sa mga nagtuturo ng wika, nawa’y maging

tagapanguna sila sa pagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa

ng mga mag-aaral na nagbuhat sa iba’t ibang lugar, nagtataglay ng

iba’t ibang kultura at gumagamit ng iba’t ibang wika.

d. Para sa mga Bikolano, higit lalo sa mga naninirahan sa lungsod,

marapat na maging bukas sila sa mga pagbabago sa kanilang

kapaligiran kabilang na ang bagong wikang kanilang makakasalamuha

na maaaring magdulot sa kanila ng kalituhan at negatibong

pagpapakahulugan.

e. Para sa mga tagalunsod, nawa’y maging bukas at maging maingat sa

pagtanggap at paggamit ng mga salita sapagkat ito’y maaaring hindi

maunawaan at magdulot ng maling kaisipan sa mga taong baguhan sa

wikang sinasalita ng mga tagalunsod.

42
Pamantasang Normal ng Pilipinas
Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro
Fakulti ng Sining at mga Wika
Daang Taft, Maynila

Pangalan:

Edad:

Tirahan:

Bilang ng taon ng paninirahan sa Maynila:

Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng napiling
sagot.

1. Nakaranas ka na ba ng kalituhan sa paggamit ng wikang Filipino at Bikolano?

a. Oo, madalas b. Oo, minsan c.


Hindi

2. Nakaapekto ba ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at maging sa iyong


pamilya?

a. Oo, madalas b. Oo, minsan c.


Hindi

3. Kung oo, sa paanong paraan?

______________________________________________________________________
______-
______________________________________________________________________
______

4. Magbigay ng mga salitang Bikolano na kapares ng baybay at bigkas sa Filipino ngunit


magkaiba ng kahulugan.

43
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat Pahina

Pamagat ng Pananaliksik 1

Dahon ng Pagpapatibay 2

Pasasalamat 3

Kabanata I – Ang Suliranin at Kaligiran Nito 4-9

Kabanata II – Mga Kaugnay na Pag-aaral 10-31

Kabanata III- Pamamaraan ng Pananaliksik 32-33

Kabanata IV- Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapaliwanag

Ng Kinalabasang Pag-aaral 34-41

Kabanata V- Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 41-44

Sarbey-Kwestyoner 45

44

You might also like