You are on page 1of 3

BSED MAJOR IN FILIPINO

1. Isa-isahin ang mga uri ng Di-berbal na Wika at ibigay ang kahulugan nito.

1. Kinesika (Kinesics)

Ito ay ang paggamit ng bahagi ng katawan sa pakikipagkomunikasyon, ang paggalaw ng


mga ito habang ang isang tao ay nakikipagtalastasan.Tumutukoy rin ito sa lenggwahe
ng bahagi ng katawan.

Halimbawa: ekspresyon ng mukha

2. Proksemika (Proxemics)

Ayon kay Edward T. Hall, ito ang katawagang nangangahulugang pagaaral ng


komunikatibong gamit ng espasyo o distantsya.

Halimbawa: Ang pagsasalita sa harap ng mga estudyante at Ang paguusap ng


masinsinan ng magkaibigan

3. Kronemika (Chronemics)

Ito ay may kaugnayan sa oras. Ang paggamit ng oras ay maaring kaakibat ang
mensahe.

Halimbawa: Kung ang isang tao ay laging huli sa trabaho ay nangangahulugang siya ay
tamad o walang gana sa paggawa

4. Haptik (Haptics)

Ito ay ang paghawak ng isang tao o ang paggamit ng sense of touch.

Halimbawa: pagpindot, pagpisil, pagbatok, paghawak, pagpisil at paghipo

5. Bokaliks (Vocalics)

Tinutukoy nito ang tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng
pagsasalita.

Halimbawa: Pagsutsot, ungol. halinghing at hikbi

6. Aykoniks (Iconics)

Mga simbolo na nakikita sa ating paligid ay isa rin sa di-berbal dahil sa pamamagitan ng
aykonics maaari na tayo magkaroon ng di-berbal na wika.
Halimbawa: Kung ikaw ay nasa mall at ikaw ay pupunta sa palikuran ay may simbolo
para sa panlalaki at pambabae.

7. Olpatoriks (Olphatorics)

Binibigyang-kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-berbal na mensahe. Maaaring


nakapagpapaala ito ng nakaraan lalo't ang amoy ay naging bahagi ng karanasan.

8. Kulay

Ang mga kulay ay nagpapakita rin ng komunikasyong di-berbal.

Halimbawa: Kapag ang isang tao lalo na ang kaIlokanuhan ay nakita mong nakasuot ng
puting panyo sa kanyang noo ay nangangahulugang siya ay namatayan

Kapag ikaw ay nasa lansangan at nakita mo ang kulay ng traffic light ay pula, ito ay
nanganga-hulugang hinto

2. Alamin ang kahulugan ang Paralingguwistika


Ang paralingguwistika ay ang pag-aaral ng mga vocal at kung minsan ay di-vocal na
mga senyas na lampas sa pangunahing salitang pandiwang o pananalita . Kilala rin
bilang vocalics. Ang paralingguwistika rin ay ang bahagi ng komunikasyon na maaaring
magbigay ng mga bagong kahulugan na maaaring maghatid ng mga mensahi o damdamin sa
pamamagitan ng mga diskarte na maaring pwedeng gawin.

Kabilang sa paralingguwistika ang accent , pitch , volume, rate ng pagsasalita,


modulasyon, at katatasan . Kasama rin sa ilang mga mananaliksik ang ilang mga di-vocal na
phenomena sa ilalim ng heading ng paralanguage: facial expression, mga paggalaw ng mata,
mga kilos ng kamay, at iba pa.

3. Tukuyin ang Siyam(9) na Palatandaang Paralingguwistika

1. Pitch (tono)
2. Pagbabago-bago ng tono (inflection)
3. Paningit o Pamuno (Filler Words)
4. Bigkas (Pronunciation)
5. Lakas (Volume)
6. Tulin o Bilis (Vocal Rate)
7. Artikulasyon (Articulation)
8. Punto (Accent)
9. Katahimikan o pagwawalang imik (Silence)
9

You might also like