You are on page 1of 2

Ponolohiya- ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita.

Ponema- ang tawag sa tunog na may kahulugan din peropinakamaliit na bahagi ng salita.

Kahalagahan ng pag-aaral ng ponolohiya


 Naihahayag ang diang nais ibigay ng nagsasalita
 Nagbibigay diin o stress,paghinto(juncyure),pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), at pagpapahaba ng
tunog(prolonging o lengthening).

2 uri ng ponema

1. PONEMANG SEGMENTAL–binubuo ng ponemang katinig at ponemang patinig.


- ay ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng I
sang titik sa ating alpabeto.

*Ang mga ponemang katinig ay maiiayos s atagpuan-bigkasan at kung may tinig at walang tinig na pagbigkas sa mga
ito. Sa pagsasalita, ang paglikha ng ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan o punto ng artikulasyon at paraan ng
pagbigkas/artikulasayon.

Tagpuan o punto ng artikulasyon


-naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig
o sa pagbuo ng tunog.

7 Punto ng Artikulasyon
tut
1. PANLABI- ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng katinig.
2. PANGNGIPIN- ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ng ngiping itaas.
3. PANGGILAGID- ang punong gilsgid ay nilalalpitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila.
4. PALATAL(pangalangala)- dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabang punong dila
VELUM(pangalangala)- ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila.
5. PANLALAMUNAN- ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay bahagyang
nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan.
6. GLOTTAL- ang presyur na pagpapalabas ng hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan pagdidiit ng
mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasutsot na tunog.

Paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas


-tumutukoy sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o ilong na siyang ginagamit sa paglikha ng tunog.

1. PASARA- hinaharangan ang daanan ng hangin.


2. PAILONG- nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi,pagtukod
ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig
lumalabas ang hanhin kundi sa ilong.
3. PASUTSOT- sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang tinig lumalabas
ang hangin.
4. PAGILID- dahil ang dulong dila ay nakadiitr sa punong gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin.
5. PAKATAL- dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng
direksyon at ito ay nahahrang.
6. MALAPATINIG- kapag malapatinig ang ponema, ang galaw ng bibig ay mula sa isang pusisyon patungo sa
ibang pusisyon.

2.PONEMANG SUPRASEGMENTAL- ay pag-aaral ng diin(stress),tono (tune),haba(lengthening), at hinto(juncture).

1.TONO- tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig.


2. HABA- tumutukoy sa haba mg bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig.
3.DIIN- tumutukoy ito sa lakas ng bigkassa pantig na kailangang bigyang-diin.
4.ANTALA/HINTO/PAGTIGIL- saglit na pagtigil.

KLASTER- ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig;matatagpuan ito sa
inisyal,sentral,final.
DIPTONGGO- ay ang mga patinog na may karugtong na malapatinig na w at y.

You might also like