You are on page 1of 8

KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

http://depedkto12.blogspot.com

1. PONOLOJI – pag-aaral ng makabuluhang tunog.


1. Bawat wika ay may sariling tunog na sinusunod
batay sa paraan ng pagsasaayos nito.

1. Fown o Speech Sounds – ito ang tawag sa mga


tunog na lumalabas sa bibig at ilong sa
pamamagitan ng hangin.
2. Fonetiks – sangay ng linggwistiks na kung saan
pinag-aaralan kung paano binubuo ang isang
tunog, at masining na pagbigkas ng mgasalita.
3. Tatlong Salik na Kinakailangan para Magprodyus
ng Isang Tunog:

1. Pinanggagalingang Lakas o Enerhiya.


2. Artikulador – bagay na nagpapagalaw sa
hangin
3. Resonador – sumasala at nagmomodipika ng
tunog patungong bibig.

4. Dalawang Uri ng Tunog:


1. Tunog na Oral
2. Tunag na Neysal
5. Apat na Mahalagang Sangkap sa Pagbigkas
(Bibig):

1. Dila at Panga (sa ibaba)


2. Ngipin at Labi (sa unahan)
3. Matigas na Ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na Ngalangala (sa Likod)
2. Ponoloji ng Wikang Filipino
1. Ang Ponema
1. KAHULUGAN – tawag sa pinakamaliit na
makabuluhang tunog sa isang wika.
2. Halimbawa: (1) pala at bala, (2) mata at bata,
(3) akala at abala
3. Ang Filipino ay may 21 na ponema – 16 ay
katinig (consonants); 5 ay patinig (vowels).

Paraan Punto ng Artikulasyon


ng Panla Pangngi Panggila Palat Vel Glott
artikulas bi pin gid al ar al
yon
Pasara P T K
m.t. B D G
w.t.
Pailong M N
m.t.
Pasutsot S H
w.t.
Pagilid L
m.t.
Pakatal R
m.t.
Malapati Y W
nig m.t.

2. Mga Diptonggo
1. Ang mga diptonggo: aw, iw, iy, ey, ay, oy at uy.
2. Halimbawa: giliw, kami’y, reyna, kalabaw,
bahay, aruy, kahoy
3. RULE: Kapag ang alinmang diptonggo ay
napapasama sa kasunod na pantig, ito ay hindi
na maituturing na isang diptonggo.
Halimbawa, aliw (a-liw) at aliwan (a-li-wan).

Harap Sentral Likod


Mataas I - iw, iy U - uy
Gitna E – ey O - oy
Mahaba A - aw, ay

3. Mga Pares na Minimal


1. KAHULUGAN – ang pares ng salita na
magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema na
magkatulad na magkatulad sa isang ponema sa
magkatulad na posisyon ay tinatawag
na Pares Minimal.
2. Halimbawa: Paso at baso; pala at bala
4. Mga Ponemang Suprasegmental
1. Tono
1. Intonasyon – ang pagbaba o pagtaas ng
tinig.
2. Tonal – sinasabing tonal ang isang salita
kung nababago ang kahulugan ng isang
salita sa sandaling binago ang tono nito.
(Halimbawa: Mandarin)
3. Punto ng Tono – pantig na may kaugnay
na tonong makahulugan.
4. Antas ng Tono – (1) mataas, (2)
katamtaman o normal, at (3) mababa.
Halimbawa: Kanina → ka2ni1na3
(nagtatanong o nagdududa); Ka3ni2na1
(nagsasalaysay)

5. Hubog ng Tono – (1) Ganap ang buong


pagbaba, (2) Kalahating pagbaba, (3)
Pagpapanatili sa antas ng tono, (4)
Pagtaas ng tono
Halimbawa: (4) lumapit ka (Utos); 4
Nandiyan ba (oo o hindi); (1) Nasaan
siya? (Humihingi ng impormasyon);
Combination – Kakain ka ba (4) o hindi(1)
(Tanong na papili)

2. Haba
1. Bahagyang paghinto sa binibigkas
na pantig ng salita nang hindi naman
pinuputol ang paglikha ng nasabing
pantig.
2. Halimbawa: Magnana.kaw; Magna.na.kaw
3. Antala
1. Saglit na paghinto o pagtigil upang bigyan
ng diin o linaw ang mensaheng nais
iparating.
2. Halimbawa: hindi puti; hindi, puti.
4. Diin
1. Aso; a:so – tubo; tu:bo
2. MORPOLOJI – pag-aaral ng istruktura ng mga salita at
ang relasyon nito sa iba pang mga salita sa wika.

1. Morpema – ang morpema ay ang pinakamaliit na


yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan
(Santiago 2003).

1. Uri ng Morpema:
1. Malayang Morpema – mga salitang may
sariling kahulugan na hindi na maaaring
hatiiin. Samakatuwid, ito ay ag salitang ugat.
2. Di-malayang Morpema – mga salitang
binubuo ng salitang-ugat at panlapi o afiks na
nakakabit.
2. Morpemang Diversyunal – nagbago ang
kahulugan nito dahil sa pagkakabit ng ibang
morpema o afiks nito.

1. Halimbawa: Tubig = ma + tubig (Nagtataglay


ng katangiang taglay ng salitang ugat
*maganda) – tubig + an (lugar na kakikitaan
na tinutukoy sa salitang ugat *tambayan) –
pa + tubig (para matupad ang diwa na
pinapahiwatig ng salitang ugat * pamasahe) –
mag + tubig (nagsasaad ng kilos o tumutukoy
sa taong ang Gawain ay ang nasa salitang ugat
*magtinda)

3. Morpemang Infleksyunal – hindi nagbabago ang


kahulugan ng salita kahit kinabitan pa ito ng
ibang morpema o afiks. Anyo at aspekto lang ang
tanging naiba sa salita na kung saan ito ang
nagbibigay ng simbolo kung ang isang kilos
ay natapos na, nag-uumpisa na, o mag-uumpisa
pa lamang.

1. Halimbawa: Linis = Naglinis, Naglilinis,


Maglilinis

2. Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon
1. Asimilasyong Di-ganap – karaniwang
pagbabagong nagaganap sa pailong na “n” na
kung saan pwede itong maging “m” o
mananatiling “n”, at bukod dito ay wala ng
ibang pagbabago ang nagaganap.
Halimbawa: “ng”+ p or b = m – pang +
paaralan = pampaaralan; pang + bayan
= pambayan
“ng” + d, l, s, r, t = n – pang + dikdik =
pandikdik; pang + taksi = pantaksi

2. Asimilasyong Ganap – bukod sa pagbabagong


nagaganap sa ponemang “n”, nawawala pa rin
ang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay
napapaloob na sa sinusundang ponema.
Halimbawa: pang + palo = pampalo = pamalo;
pang + tali = pantali = panali

2. Pagpapalit ng Ponema
1. Mga ponemang nagbabago o napapalitan sa
pagbubuo ng mga salita.
2. Halimbawa: “d” → “r” - ma + dunong =
marunong (pusisyong inisyal); tawid + in =
tawirin (pusisyong pinal); “h” → “n” - tawa +
han = tawahan → tawanan; “o” → “u” – dugo +
an = duguan; Mabango = mabangung-mabango

3. Metatesis
1. Kapag ang salitang ugat na nagsisimula sa “l” o
“y” ay ginitlapian ng “in”, ang “l” o “y” ng
salitang-ugat at “n” ng gitlapi ay nagkakapalit
ng pusisyon.
2. Halimbawa: in +lipad = nilipad; in +yaya =
niyaya
3. Mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas ng
ponema bukod sa pagkakapalit ng pusisyon ng
dalawang ponema.
4. Halimbawa: tanim + an = taniman = tamnan;
atip + an = atipan = aptan

4. Pagkakaltas ng Ponema
1. Halimbawa: sara +han = sarahan = sarhan;
takip + an = takipan = takpan

5. Paglilipat-diin
1. Mga salitang nagbabago ng diin kapag
nilalapian.
2. Halimbawa: basa + hin = basahin; ka + sama +
han = kasamahan

You might also like