You are on page 1of 6

Semantiks at  Pragmatiks

·         Ano  ang semantiks?

                Nabanggit sa simula ng libro na ang grammar ng wika ay binubuo ng fonetiks, fonoloji, morfoloji, sintaks at
semantiks. Ang unang apat na nabanggit ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga form at patern ng wika. Ang semantiks
naman ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika.

                Sinabi ni Matthews, hiwalay ang semantics sa grammar dahil ang grammar ay pag-aaral sa formal na patern ng
wika. Ayon din kay Harris, sakop ng ilang disiplina ang pag-aaral ng kahulugan dahil ang deskriptiv-linggwistiks ay hindi
tumutukoy sa kabuuang sakop ng pagsasalita.

                Sina J.Katz at J.Fodor ang gumawa ng pag-aaral para maintegreyt ang semantic component sa freymwork ng
jenerativ-gramar nang kanilang libro na The Structure of Semantic Theory nung 1963. Ayon sa kanila, ang semantic-tyuri
ay nagpapaliwanag ng kakayahan ng spiker na magprodyus at makaintindi ng infinit-set ng mga sentens ng isang wika.
Ayon kay Simpson, ang interpreteytiv na kakayahan ng isang spike rang dinedeskrayb at ipinapaliwanag ng semantic-
tyuri.

·         Kaahulugan ng kahulugan sa wika

                Ayon kay Lyons, ang mga kahulugan ay tumutukoy sa mga ideya o konsepto na pweding ilipat mula sa isipan ng
nagsasalita tungo sa isipan ng tagapakinig sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ito sa wika. Tinatawag naming
konsepto o mental-imeyj ang mga paglalarawang ito sa isipan ng tao.

                Halimbawa kung sa Ingles ginagamit ang salitang rice para sa luto, sa Tagalog ginagamit ang mga salitang bigas
kung hindi pa luto, kanin kapag luto na ito, bahaw para sa kaning-lamig, palay para sa halaman nito at mumo para sa
butyl ng kanin na naiwan sa plato.

                Ayon kina O’Grady et al., ang kahulugan ng wika ay ang mga mensaheng inihahatid ng ating mga sinasabi.

·         Pag-ekspres ng Konsepto

                Hindi lahat ng konsepto ay malinaw ang kahulugan subalit may mga konsepto ring kaagad naibibigay ang
kahulugan nito.

                Sa halimbawa tungkol sa Ingles rice at iba pang salitang Tagalog ito ay tinatawag na leksikalisasyon.

·         Pagpepresent ng Kahulugan

                Ipapaliwanag dito ang mga term na denotasyon at konotasyon, ekstensyon at intension sa kahulugan at ang
tyuri ng komponensyal-analisis.

·         Denotasyon at Konotasyon

                Ang denotasyon o denoteytiv na pagpapakahulugan, ibinabagay ang kahulugan ng salita o preys sa mismong
referent o tinutukoy. Ang konotasyon naman na pagpapakahulugan, nag-aasosyet tayo ng iba’t ibang kahulugan sa
paggamit natin ng isang salita o preys.

·         Ekstensyon at Intensyon
                Ang ekstensyon ng isang salita sa mga tinutukoy nito sa mundo. Ang intension naman ay tinutukoy nitong
konsepto.

·         Komponensyal-analisis

                Ang semantic-fityur ay isang tyuring panglinggwistiks na nagpapaliwanag ng kahulugan ng isang salita gaya ng
nawn.

                Ayon naman kina O’Grady et al., nagagamit din ang komponensyal-analisis sa mga verb. Inaanalays ang ilang
verb batay sa pagbabago ng pusisyon, pagpapalit ng pagmamay-ari at pagbabago ng pagkatao.

·         Semantic na Relasyon ng Kahulugan sa Salita at Sentens

                Dahil sa angking kahulugan, nagkakakroon ng semantic na relasyon ang mga salita tulad ng mga sinonim,
antonym, polisemi at homofoni.

                Tinatawag na sinonim ang mga salita at mga preys na magkakapareho ang kahulugan. Tinatawag naman na
antonim ang mga salita o preys na magkasalungat ang kahulugan. Polisemus ang tawag sa mga salitang may dalawa  o
higit pang kahulugan na magkaugnay. Tinatawag na mga hofomon ang mga salitang pareho ang tunog pero magkaiba
ang kahulugan.

                Ang semantic na relasyon ay makikita rin sa parafreys, enteylment at kontradiksyon.

                Parafreys ang isang sentens na may magkaparehong kahulugan. Sinasabing may enteylment ang dalawang
sentens kung bibigyan ng katotohanan ng pangalawang sentens ang sinasabi ng unang sentens. Kontradiksyon naman
ang tawag sa relasyon ng mga pares ng sentens na di magkakaugnay.

·         Sintaktik-straktyur at interpretasyon ng Sentens

                Malaki ang relevans sa kahulugan ng mga sentens pati ng mga preys. Ayon kay Cann, tinatawag na prinsipol ng
komposisyonaliti ang tyuring ito na nagsasabing ang kahulugan ng isang sentens.

·         Tematik-rol

                Ipinapaliwanag nito ang papel o rol na ipina[pahayagng isang particular na bagay sa isang aktibiti sa loob ng
sentens.

                Ayon kina O’Grady et al., ang Tematik-rol ay isang leybel na ginagamit para ikategorays ang relasyon sa pagitan
ng mga bahagi ng isang sentens. Gumagamit sila ng: eyjent-ang gumagawa ng aksyon; peysyent/tema-ang tao o bagay
na dumaranas ng pagkilos; ekspiryenser-ang entity na dumaranas ng kalagayang ipinapahayag; benefaktiv-ang
nakikinabang sa aksyon; sors-ang pinanggagalingan ng isang bagy bunga ng aksyong ipinapahayag na aktibiti; gowl-ang
patutunguhan ng aktibiti; instrument-giagamit sa aktibiti; at lugar-kinalalagyan o pinangyayarihan ng aksyon.

·         Interpretasyon ng mga Pronawn

                Ang sintaktik-straktyur ay mahalaga rin sa semantic na interpretasyon ng mga pronawn tulad ng he, she,
himself, herself o sya, sarili nya, kanya at marami pang iba. Ang antisident ng isang pronawn ang element sa sentens na
nagtatakda ng interpretasyon nito.
·         Iba pang Factor Kaugnay ng Interpretasyon ng mga Sentens

                Sa pag-aaral ng kahulugan sa wika malaki din ang papel ng sinasabing mga factor na ekstra-linggwistiks sa
interpretaston ng mga sentens tulad ng paniniwala, atityud, intension ng mga nag-uusap at maging konteksto ng pag-
uusap sa interpretasyon na ipinapahayag sa partikular na sitwasyon.

·         Ano ang Pragmatiks?

                Ang pragmatics ay ang pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng
impormasyon ng mga sentens. Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.

·         Mga Aktwal na Pagsasalita

                Maraming bagay ang nagagawa natin sa pamamagitan ng pagsasalita. Tinatawag naperformativ-verb tulad ng
mangako, ipangako at iba pa. kung saan ginagamit sa isang sentens.

·         Pwersa ng Layunin

                Ang pwersa ng layunin ang naiintindihang intension ng nagsasalita sa punto de bisita ng nakikinig. May dalawa
itong klase: (1) implisit, ang pang-ilalim at hindi sinasabi, (2) explicit, ang direk na sinasabi. Tatlo ang implisit  na pwersa:
asersyon o pahayag, interogativ o yanong at imperative o utos.

                Asersyon ang isang pahayag na naghahatid ng impormasyon at ito’y maiintindihan na totoo o hindi. Interogativ
naman ito kapag gusto nating makakuha ng impormasyon. Imperativ naman kapag gusto nating pakilusin ang iba.

·         Mga Prinsipol na Kombersasyon

                Ang prinsipol ng kombersasyon ay may kinalaman sa mga  inaasahan ng sinumang nakikinig sa nagsasalita o ng
lahat ng mga nag-uusap sa isang kombersasyon ang mga ito.

                Kooperativ-prinsipol ay may pangkalahatang gaydlayn para sa pagpapalitan ng mga pahayag sa isang
kombersasyon.

Ayon kay Paul Grice ang mga kombersasyunal-maksim na ginagamit para maging akma ang mga pahayag ng mga mag-
kausap sa isang kombersasyon. Ang mga ito ay maksim na kwantiti, kwaliti, relevans at maner.

                Sa maksim na kwantiti kailangang gawing imformativ at naaayon sa hinihingi ng pagkakataon ang kontribusyon
ng nagsasalita sa usapan. Sa maksim na kwaliti hindi tayo dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay na
hindi natin alam kung totoo o kung kulang an gating evidens. Sa maskim na relevans ipinapalagay ng nakikinig na
makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang sinasabi ng nagsasalita. Sa maskim na maner ipinapalagay na maliwanag at
hindi Malabo ang sinasabi ng nagsasalita na hindi ito ipagkakait ang anumang bagay na importante.

·         Mga Pagpapalagay

                Ito ay tungkol sa kung ano ang inaakala ng nagsasalita at nakikinig na alamng bawat isa bago ang aktwal na
pagsasalita.

https://akosibebelz.weebly.com/semantiks-at-pragmatiks.html
Mahalagang isaalang-alang na ang wikang katutubo ng isang bayan aynaiimpluwensyahan ng mga dayuhang wika kaya
lumalago ang vokabularyo o talasalitaan.

Ang historikal (pinagmulan at hiniramang wika ng isang salita), sikolohikal, sosyo-kultural-pulitikal-ekonomikal na pag-
aaral at klasipikasyon sa pagbabago ng forma atpaglitaw ng salita ay binibigyang halaga sa linggwistik debelopment
(agham sa pag-aaralng wika)

Kinukunsidera natin ang pagiging nasyunal o pambansa,kadalisayan at pana-panahong gamit bilang &batis' ng
katumpakan sa pagbibigay ngkahulugan ng salita.

Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t ibang panahon. "ng mga katuturangibinigay ngayon sa salita ay maaaring
lumago, lumawak, maiba sa isang henerasyon opartikular na panahon.

Kahulugang Konotasyon

Mga implied o "suggested meaning" kasama ng lahat ngemosyunal, pabor na tono na walang katiyakan at kaiba sa tunay
na kahulugan.

May mga pangyayari na sa pagbibigay ng konotasyon, may ilang gulo itong nalilikhasapagkat maaaring iba ang gustong
"palitawing kahulugan" kaysa sa tunay nakahulugan ng salita.

Kahulugang Denotasyon

Ito ang literal na kahulugan ng mga salita.

Tinatawag din itong "core meaning" ni G. Porter at G. Perrin, isang dalubwika,sapagkat may paniniyak at walang
pasubali; kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao.

Layunin ng pag-aaral ng wika ang pagkakaroon ng kompitens sa linggwistiks ngkatutubong tagapagsalita ng wika, iyon
ang probisyon ng alituntunin at istruktura natumitiyak ng kailanganin ng tao upang malaman niya ang nabanggit na wika.

Isang ebidensya ng kaalaman sa semantiks ng wika ng isang tao ang pagkilala niya sa mgapahayag kung semantik o hindi
kahit na hindi naman sa gramatikal na tuntunin

Walang nakatatalos sa wika kaya kailangang pag-aralan ang relasyon sa loob ngpagganap tulad ng tinatawag na
parapreysing o sinonim (pareho ng kahulugan)
Bawat isa’y iba ang pagkalagay sadiksyunaryo. "ng ponemang ito ay maraming ambiguity o kalabuan o
maipakakahuluganng salita (ponolojikal) ay tinatawag na homonimi, tradisyunal para sa mga di-magkaugnayna
kahulugan ng mga salita.

Nasa bawat leksikon ng espesipikasyon ng bawat aytem, leksikal nakontribusyon ng bawat leksikal aytem na nagpatotoo
sa lahat ng pangungusap nakinapapalooban nito

Masasabi nating may leksikal aytem na consistent, na ito’y komon sa lahat ngpahayag. Halimbawa ang salitang tao

Dalawang lapit ang masasabi natin dito:

1) hindi konstant ang leksikal aytem at nagabago ito sa konteksto at

2) konstant ang leksikalaytem ngunit may dalawang magkaibang leksikal aytem itong tao at tao. Kapag kinuhanatin ang
nauna tila umiwas tayo sa paglalagay ng bilang. Kapag ikalawa naman, magiging higit na malawak ang leksikal aytem
dahil ang penomena ng magkaugnay oekstended senses ng leksikal aytem ay komon

Nabanggit ni Ferdinand de Saussure na may mga relasyong sintaktik ang mga salitasa loob ng wika; at isa sa problema ng
linggwistiks tungkol sa kahulugang leksikal ay angkarakterisasyon ng mga relasyong ito.

Halimbawa ang set na bata, ale, adult at bata. Lahat ng mga ito’y tao. Ang relasyong ito ay tinatawag na

hiponimi (una itong ni Bezzel, 1995. Ipinakilala ito ni Lyons noong 1963 sa kanyang "Structural Semantice".) Hiponimi
ang relasyon ng kahulugan ng isang leksikal aytem na napapaloob sa kahuluganng iba.

May mga relasyon namang tinatawag na inkompatibol tulad ng upuan at sigaw. Maigugrupo ang upuan sa silya, bangko,
sopa at ang sigaw sa

bulong, anas, yakyak. Kapag magkasalungat ang relasyon tinatawag itong antonimi, ngunit maraming paraanang
pagsasalungatan kaya mahahati ito sa apat:

1. pagkakasalungat ng buhay at patay – tunay na antonimi

2. maaaring kasalungat tulad ng mga kulay, uri ng gamit sa bahay, maaring pula’t puti, pula’t itim, pinggan at kutsara,
kutsara’t tinidor
3. pagpapares – gradableng antonimi tulad ng mainit at malamig (may maligamgam o maginaw ngunit hindi isinama sa
mainit.) ginagamit ito sa klima at di sa tubig

4. pagpapares tulad ng bumibili’t nagbibili (buy and sell). Tinatawag din itong "converse" na pares (Lyons 1968) dahil
konbers ang relasyon ng mga pares itaas-ibaba.

Ano ang Semantiks?

Sentro ng pag-aaral ng isip ng tao

Pag-aaral ng kahulugan

Sentrong daluyan ng iba’t ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral.

Istrukturang Leksikal

Ayon sa aklat nina Cardenas, Austero, et. al.

Semantiks

Sentro ng pag-aaral ng komunikasyon

Sa kabuuan, sa semantiks ang fokus ay ang kahulugan ng salita, parirala o pangungusap

Pagtalakay na Panlinggwistiks sa Semantiks

Mga Kahulugan ng Salita

Salita at Aytem Leksikal

https://prezi.com/d5dxg-j5e_08/semantiks/

You might also like