You are on page 1of 4

Sintaks, Sintaksis o Palaugnayan

September 26, 2017

´Ang sintaks ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga parirala, sugnay a
t mga pangungusap.

´Ang tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang panaguri at paksa ay parirala.

    halimbawa: para sa amin, bilhan ng bahay, mabait na guro, mahinang magsalita.

´Maituturing na sugnay ang kalipunan ng mga salita na may panaguri at paksa,may buong diwa at maaar
i rin namang wala. Ito ay maaaring

1. Malaya/punong sugnay/ makapag-iisa/ independente at

2. Pantulong/ di-makapag-iisa/ dependente.

´Ang pangungusap  ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.

´May mga pangungusap na binubuo ng dalawang panlahat na sangkap:

1.  Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ito
ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari na gumaganap ng kilos
o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa.

    hal: Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.

§  Mayroon din naming paksa na sa kahulugan ay siyang layon ng kilos na isinasaad sa pandiwa.

    hal: Inaalagaan ni Inang ang mga baboy at manok na iyan.

2. Panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng   kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. 

  Mga Uri ng Panaguri

´Mayroon tayong iba’t ibang uri ng panaguri:

1.  Panaguring pangalan

    hal: Luntiang Rebolusyon ang paksa ng pulong.

2. Panaguring panghalip

    hal: Siya ang puno ng barangay.

  a.) panghalip na panao yaong inihahalili sa pangangalang pantangi.

    hal: Siya ang puno ng barangay.

  b.) panghalip na pamatlig yaong panghalip na nagtuturo ng isang tao o bagay.

    hal: Ito ang babuyan ni Mang Jose.
3. Panaguring pang-uri ay maaaring isang salita o isang parirala

    hal:  Malinamnam ang manggang hinog.

4. Panaguring pandiwa ay yaong ang pinakamahalagang salita ay pandiwa.

    Dalawa ang uri ng panguring pandiwa

    a.)Yaong may komplemento o layon at

    b.) Yaong walang komplemento o layon .

    Ang pag-uuring ito ay batay sa mga uri ng pandiwa.

5. Panaguring pang-abay

  hal: Bukas ang alis ng mga turista.

6. Panaguring pawatas

    hal: Manggamot ang naging trabaho niya sa nayon.

      Ang mga uri ng pandiwa

qPandiwang katawanin likas na di nangangailangan o di malalagyan ng tuwirang layon.

    hal: Gumising siya nang maaga kanina.

qPandiwang ganap na palipat yaong pandiwang laging may kasamang tuwirang layon.

    hal:  Nagpatay  ng  baboy si Mang Gusting.

qDi sapilitang palipat yaong maaaring mayroon o walang kasamang tuwirang layon.

    hal: kumain siya.

  Mga pangungusap na walang paksa

Pangungusap na existensyal- ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o mahigit pang tao, bagay,at ib
a pa. pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Pangungusap na pahanga- nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong pangungusap.

Mga maikling sambitla-  tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matindin
g damdamin.

Mga pangungusap na pamanahon- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Formulasyong panlipunan- mga pagbati, pagbibigay galang,
at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino.

´Dalawang uri ng pangungusap
1.  karaniwan                                                          

2.Di- karaniwan

  halimbawa:

a.) Taunang pagdiriwang sa Bagiuo, ang Flower festival.

b.) Ang Flower Festival ay taunang pagdiriwang sa bagiuo.

´Ang paksa  ay ang pinag-uusapan sa pangungusap.

´Ang prediktibo  o panaguri naman ay ang nagbibigay-kabatiran sa paksa.

´Mga uri ng pangungusap ayon sa tungkulin o gamit

ØPasalaysay/paturol/ declarativ

ØPautos / imperativ

ØPatanong/ Interogativ at padamdam/Exclamatori

´Ayon sa anyo ang pangungusap ay

ØPayak

ØTambalan

ØHugnayan at

Ølangkapan  

 ´Payak na pangungusap- Ang payak na pangungusap ay isang ganap na sugnay sapagkat ito’y binubuo n
g isang malayang sugnay na maaaring may isang simuno at isang panaguri, dalawang simuno at isang pa
naguri, isang simuno at dalawang panaguri o dalawang simuno at dalawang panaguri.

Hal: Nagtanim ng palay ang magsasaka.

Ang magsasaka at ang kanyang anak ay nagtanim ng palay.

Tambalang pangungusap- Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang Malaya
o makapagiisang sugnay.
Hal: Tumakbo ang bata at ang kanyang aso ay tumatahol.

 Si pangulong Estrada ay nagtatalumpati at ang unang ginang ay nakaupo’t nakangiti.

´Hugnayang pangungusap- Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang malayang sugnay at isang s
ugnay na di-makapagiisa.

Hal: Ang buhay ay parang gulong kung umiikot ito nang pailalim at paibabaw.

Ang ina ay namamaypay habang ang ama ay nananabako

Langkapang pangungusap- Ang langkapang Pangungusap ay binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na m
akapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-
makapag-iisa.

Hal: Nangangahig ang tandang, nanunuka ang dumalaga habang ang inahin ay pumuputak at ang mga si
siw ay nagsisisiyap sa di-malamang takot.

Gawain:
                Bumuo ng mga salita na makapag-uugnay ugnay upang makabuo ng isang diwa batay sa
palaisipan sa ibaba. Bilugan ang mga salita.
        

A G P A K A H G D H T A

G N A Y A N G U A L A P

T P G N G G G P M C M N

R I S R Z T F A R G N G

L N A N D Y O N W J O U

U I S B U O N G X D P N

A T A A H H G F Q P Q G

W I M M L F W I K A U U

I K A G T I O F K B A S

D A S M Y R T A L A T A

J N A E R U L A F C A P

F G M G A I N X H J O Q

Q O A M A K A B U O T S

https://gasfilipinok17.blogspot.com/2017/09/sintaks-sintaksis-o-palaugnayan.html

You might also like