You are on page 1of 1

1.Bumuo ng sariling depinisyon ng Retorika batay sa mga definisyong natalakay.

Para sa akin, ang Retorika ay ang aplikasyon o paggamit ng mga kaakit-akit na


mga salita upang maipahayag ng malinaw, tama at may-kagandahan ang kung anuman
ang mensaheng nais na ipahatid ng isang manunulat sa mga mambabasa.

2. Anu-ano ang mga larangan o disiplina na masasabing nauugnay ang retorika?

Masasabing sa mga disiplinang ito naiuugnay ang retorika:


 Laranagan ng Dyurnalismo/ pagbabalita
 larangan ng Makatang pagtatanghal
 literature
 industriya ng Musika

3.Sa iyong palagay, bakit at paano nauugnay sa retorika ang larangan o disiplinang iyong
natukoy? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 Laranagan ng Dyurnalismo/ pagbabalita- Sa larangan nd Dyurnalismo, nararapat


lamang na maging malinaw ang mga impormasyong nais ipahatid ng mga
tagapagbalita sa mga mambabasa, tagapakinig at manonood.Kaakibat ng malinaw
at tamang pagsusulat o paghahatid ng balita. Ang pagiging masining sa paggamit
ng mga salita ay mahalaga rin upang makapang-akit ng mga tao para pakinggan o
alamin ang kung anumang mensahe , balita, o impormasyon na ipinahihiwatig ng
tagahatid o tagapagsulat

 larangan ng Makatang pagtatanghal-Sa pagtatanghal, hindi magiging mabisa ang


mga tauhan ang mga nagtatanghal mismo kung siya ay tumatatas ng mga salitang
hindi malinaw at ‘di nakakatawag-pansin.

 literatura-Kung literature ang pag-uusapan , ang pagiging masining, malinaw at


tama sa pagsasalita ay mga pundamental na mga bahagi nito. Kung wala ang mga
nabanggit, tatanggap ng kutya o pagtatakwil ng mga eksperto at kritiko ang isang
naturang likha.Kung ikaw ay isang manunulat, dapat lamang na ikaw ay maging
masusi sa lahat ng aspeto ng iyong nagawa, ginagawa at gagawin pa lamang na
likhang panliteratura.

 industriya ng Musika-Ang himig ay hindi isang awit kung wala itong mga salitang
nakakabit. Gayunman, ang awit ay isang tigang na musika kung ang mga salita
nito’y Malabo at walang dating sa mga tagapakinig.

You might also like