You are on page 1of 14

Pagpapanatili ng Filipino sa kolehiyo, daan

para sa pagyabong ng wika


By Tomas U. Santos

August 30, 2016  

HIGIT na lalalim ang talakayan sa silid-aralan kung ang wikang pambansa ang gagamitin sa pagtuturo ng
iba’t ibang asignatura sa mga mag-aaral lalo na ngayong napanatili ang Filipino sa kolehiyo.

Magandang pagbubukas sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon ang desisyon ng Commission on
Higher Education (Ched) na ipagpatuloy ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga institusiyon para
sa mas mataas na edukasiyon.

Patuloy nang natuldukan ang kabi-kabilang protesta ng mga tumututol sa pagkaltas ng asignaturang
Filipino sa pangkolehiyong kurikulum noong ika-18 ng Hulyo sa pangunguna ni Patricia Licuanan,
tagapangulo ng Ched. Ipinag-utos niyang panatilihin ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo mula anim
hanggang siyam na yunit depende sa programang kinukuha ng mag-aaral.

Nakasaad sa Ched Memorandum Order (CMO) 59 serye ng 1996 na mayroong siyam na yunit ng Filipino
para sa Language at Literature habang nasa CMO 4 serye ng 1997 naman nakasaan na mayroong anim
na yunit ng Filipino para sa Humanities.

Ito ang ginawang aksiyon upang hindi maisakatuparan ang CMO 20 serye ng 2013 na nagsasaad na
tanggalin ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat ang mga ito sa dalawang taong dinagdag sa
basic education ng K to 12 o senior high school.

Pagsang-ayon ng akademya

“Sa pagtuturo ng agham, mas mabuti kung ito ay mailalapit sa araw-araw na kabuhayan,” wika ni
Fortunato Sevilla III, propesor emeritus at dating dekano ng College of Science ng Unibersidad na hinirang
ding Kampeon ng Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Aniya, susi ang paggamit ng wikang Filipino sa komunikasiyon sa pagkakaroon ng mas malalim at mas
makabuluhang pakikipanayam.
Mungkahi naman ni Tereso Tullao, Jr., dalubguro ng ekonomiks sa De La Salle University, ang hindi
paggamit ng wikang Filipino ang sanhi kung bakit hindi napagbubuklod ang ating lipunan partikular na sa
sektor ng edukasiyon.

Kung magiging intelektuwalisado ang wikang Filipino, magagawa nitong mapag-isa ang mga Filipino lalo
na kapag ginagamit ito araw-araw ng mga iskolar, propesor at maging ng mga pinuno ng bansa sa kani-
kanilang larang, dagdag pa niya.

“Malaking bahagi ng midya [sa paglago ng wika] lalo na [kung ang’ radyo at telebisyon ay pinatatakbo sa
paggamit ng wikang Filipino,” ani Tullao.

Ipinaliwanag din niyang bagaman magiging malaking ambag ang pagiging maalam at matatas ng mga
Filipino sa wikang Ingles sa mga panlabas na transaksiyon, malalanta naman ang integrasiyong panloob
ng ating lipunan kung pipilitin itong paghariin sa bansa sapagkat malayo pa rin ang wikang banyaga sa
kamalayan at karanasan ng mga ordinaryong Filipino.

Ginawa niyang halimbawa ang larangan ng batas bilang isa sa mga nagpapatunay na napakalaking
bahagdan pa rin ng populasiyon ng Filipinas ang madalang na paggamit ng wikang Ingles.

Samantala, pinabulaanan naman ni Purificacion Delima, Komisyoner sa Ilokano ng KWF, ang paniniwala
ikababagsak ng Ingles ang pag-angat sa wikang Filipino.

Mungkahi ni Delima sa isang talastasan kasabay ng opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wikang


Pambansa 2016 noong ika-1 ng Agosto, sabay dapat na isinusulong ang Ingles at Filipino sapagkat hindi
naman maaaring magpakadalubhasa sa isang wika ang mga Filipino nang walang pangunahing wikang
mas mahusay na nagagamit

Iginiit niyang higit na mapayayabong ang wikang Filipino sa loob at labas ng bansa kung gagamitin at
palalawakin ito gaya ng ginagawa natin sa wikang Ingles.

Sa katunayan, ayon sa resulta ng Test of English as a Foreign Language, isang respetadong pagsusulit sa
wikang Ingles sa buong mundo, noong 2010, ika-35 ang Filipinas mula sa 163 na bansa sa pinakamatatas
na gumagamit ng banyagang wika habang pangatlo naman sa Asya kasunod ng Singapore at India.

Mga susunod na hakbang


Patuloy naman ang KWF sa kampanyang isulong ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan.

Hangarin ng ahensiya na patuloy nang maisalin sa Filipino ang mga terminong likas sa siyensiya,
matematika, biyolohiya at iba pang mga teknikal na usapin nang sa gayon maipaalala na rin sa mga mag-
aaral ang kapangyarihan at kagandahan ng sarili nating wika.

Ayon kay Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining at tagapangulo ng KWF, nasa tuktok ng kanilang
hangarin ang maituring na “wika ng karunungan” ang Filipino kung saan magagamit ito sa pagtuturo at
pang-araw-araw na diskurso. Jolau V. Ocampo at Winona S. Sadia
https://varsitarian.net/news/20160830/pagpapanatili_ng_filipino_sa_kolehiyo_daan_para_sa_pagyabong_ng_wi
ka

Ano ba ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino sa tersyarya?

Sagot ni Dr. George Francisco:

Ang wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Ibig sabihin, ito ang inaasahang wikang magbubuklod tungo sa
pagkakaisa ng mga Pilipino. Bilang lingua franca, ito ‘yung wikang inaasahang nauunawaan at kayang salitain ng lahat ng
tao saanmang pulo ng Pilipinas siya naninirahan. Bukod dito, ito ay nakasaad sa ating Saligang Batas. Samakatwid, ito ay
sumisimbolo sa pagkakaisa at identidad ng mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas.

Sa elementarya, ipinakikilala ang mother tongue—kung ano ang inang wika ng mga bata sa isang lugar, ang paggamit
niyon ang kailangang mahubog muna sa kanila. Kapag nahubog na iyon, tsaka lamang ipapakilala ang wikang Filipino (at
Inggles). Ibig sabihin, foundational ang pag-aaral ng inang wika para mabilis na matutunan ng mga bata sa elementarya
ang Filipino.

Bakit mabilis? Kasi magkakaugnay ang mga wika sa Pilipinas. Halimbawa, ang salitang “bigas”: sa ibang lugar, ito ay “bug-
as,” “bag-as,” o “big-as.” Magkakaiba man ang tunog, alam mo naman na nabibilang sila sa iisang pamilya ng wika
(Malayo-Polynesian language). May paralelismo ang pag-aaral ng inang wika patungong Filipino. Hindi ito mahirap para
sa mga bata, kumpara sa pag-aaral ng Inggles.

Sa high school naman, integrasyon na ito ng wika at panitikan (o literatura). Inaasahan natin na magamit ang wika bilang
instrumento sa pagkatuto ng mga piyesang literatura, gaya ng mga maiikling kwento, nobela, tula, atbp. Ang empasis sa
sekundarya ay mga piyesang literatura, lokal man, pambansa, o pandaigdigan. At Filipino ang instrumento para
matutunan ang mga ito.
Filipino sa tersyarya

Sa tersyarya naman, inaasahan natin na mas mataas na diskurso na ang paggamit ng Filipino: pang-akademiko,
pampolitika, pangnegosyo, at iba pang mga domain. Ngayon, paano ba mapapasok ng wikang Filipino ang mga domain
na ito? Kaya bang magamit ang Filipino sa pag-aaral ng mass media? Sa Engineering? Sa Sciences? Sa turismo?—gaya ng
ginagawa nila sa ibang bansa?

Ipasok natin ang usapin ng ASEAN integration. Napakahalagang may araling Filipino sa tersyarya dahil bawat unibersidad
ngayon sa ASEAN Region ay bumubuo ng isang sentro (center) na may kinalaman sa ASEAN studies. Halimbawa, sa
Korea, Japan, Singapore, Malaysia, Indonesia, may mga sentro sila na may iba’t ibang dibisyon: may Philippine Division,
Malaysian Division, Singaporean, atbp. Ano ang pinag-aaralan dun? Sa Philippine Division, Philippine studies ang pinag-
aaralan, at kasama ang wika doon.

Dahil nga may ASEAN integration kung kaya’t napakahalaga ng tawid-kultural na pagkatuto. Halimbawa, kung may isang
Pilipinong estudyante na pupunta sa Singapore (o Malaysia o Indonesia) upang mag-aral doon ng Singaporean studies,
para matutunan niya ang kultura, itinuturo din sa kaniya ang wika. At ang makakapagbigay lang niyan ay ang mga
tersyaryang institusyon. Kung kaya nga, kailangan talaga sa mga unibersidad na lumikha ng sentro para sa ASEAN
studies.

Hindi matatawaran ang pagyabong ng wikang Filipino sa elementarya at high school. Pero ang higit na
makakapagpayaman para sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay ang nasa tersyarya. Kasi nga, ang tersyaryang
edukasyon ay discipline-based. Ibig sabihin, may mga domain siya, at maaaring lumawak ang paggamit ng Filipino sa mga
domain na ito sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa wika.

Katapatan sa wika

Kamakailan lamang ay bumisita ako sa Japan. Naobserbahan ko doon na masigla nilang ginagamit ang wikang Nihonggo
para mapalago ang IT (information technology) nila. Sa Pilipinas kasi, ang kulang na nakita ko ay ang katapatan (loyalty)
—kasi may tinatawag na language loyalty e. Ang loyalty ng mga tao, wala sa wikang Filipino. Hirap mapasok ng Filipino
ang IT dahil, bukod sa masyadong teknikal (maraming jargons), marami sa mga iskolar natin sa IT ay edukado sa
kanluraning unibersidad.

Magandang balita nga naman na napapasok na ng wikang Filipino ang mga teknikal at bokasyunal na kaalaman (IT,
automotive, atbp.). Dangan lamang at limitado. Mas magiging intelektwal kasi ang paggamit ng Filipino kapag ang
gumalaw dito ay mismong ang mga iskolar na alam ang proseso ng pagsasalin at pagbuo ng mga materyal sa pag-aaral
ng mga domain.

Kasi nga, karamihan sa mga gumagamit ng Filipino sa pagtuturo ng mga teknikal/bokasyonal na kurso ay hindi pa bihasa
sa tamang alituntunin ng ating wika. May mga pagkukulang sa paggamit ng bantas (punctuation), mayroon ding hindi
angkop na gamit ng salita, atbp. Kasi nga…hindi sila dalubhasa sa wika.
Politikal na pagpupursige

Sa atin kasi, sa murang edad pa lang, wikang Inggles na ang ginagamit sa pagpapakilala sa science at math. Kaya
pagdating nila ng high school at kolehiyo, ganun na ang oryentasyon nila at mahirap nang baguhin. Pero kung may
political will ang gobyerno na gamitin ang Filipino sa lahat ng asignatura, mapipilitan ang mga guro na mag-training,
mapipilitan ang mga translators sa buong Pilipinas na isalin sa Filipino ang lahat ng mga materyal mula elementarya
hanggang kolehiyo. Talagang malaki at kolektibong aksyon iyon.

Ang proposisyon ko: ang Filipino subject na dapat ituro sa kolehiyo ay parang ESP (English for Specific Purposes).
Halimbawa, Filipino para sa mass media. Filipino para sa turismo, Filipino para sa pamamahala sa hotel, sa engineering,
etc. Kumbaga, ang magtuturo dapat noon ay iyong mga nasa disiplina. Yun nga lang, ang challenge sa kanila, ang
kaalaman nila ay nasa disiplina lamang, hindi sa wika.

Kaya dapat talaga, hybrid. Ibig sabihin, maaaring mass media man ang disiplina ko, nakapag-aral naman ako ng Filipino.
Hybrid na yun. Kaya ko nang magturo ng Filipino sa mass media. Hindi pwedeng uni- o mono-disciplinal lang. Dapat
cross-disciplinal—pinagsasanib-pwersa mo iyong lakas ng dalawang disiplina.

Sa tersyarya, ang kasanayang inaasahan ay ang makapagsuri o makabuo ng argumento ang mga bata gamit ang Filipino
sa proseso ng kanilang pag-iisip at sa artikulasyon ng kanilang iniisip.

Translation subject sabawatkurso

Bukod sa pagtuturo ng Filipino sa pa-diskursong pagdulog (discourse approach), pwede rin kasing ituro sa kolehiyo yung
translation o pagsasalin. Kumbaga, isang kurso ng mga bata na nasa kurikulum ay pagsasalin. Kung talagang gusto ng
pamahalaan na mapalaganap ang Filipino upang isulong ang pambansang identidad, atbp., dapat ang lahat ng kurso,
may isang subject na pagsasalin (translation). Basic translation.Sa ganung paraan, natutulungan ng akademya ang
pamahalaan para maisakatuparan ang pagiging intelektuwalisado ng wikang Filipino.

Iyon ang isinusulong ko: kung mawawala ang mga kasalukuyang araling Filipino sa tersyarya, palitan na lamang natin sila
ng (1) araling Filipino na angkop sa iba’t-ibang disiplina at (2) pagsasalin sa Filipino ng iba’t ibang disiplina.
Magtutulungan tayo—si Filipino teacher na mahusay sa Filipino, at iyong mga estudyante na mahusay sa disiplina.
Magsasama ngayon sila. Ang resulta noon ang siyang sagot sa panawagan ng gobyerno na gawing intelektwalisado ang
Filipino, habang isinusulong natin ang ating kultural at pambansang identidad sa pamamagitan ng pagpapayaman pa sa
ating wika.

https://dlsudmco.wordpress.com/2015/11/24/ano-ba-ang-kahalagahan-ng-pag-aaral-ng-wikang-filipino-sa-tersyarya/

Pagpapanatili ng Filipino sa kolehiyo, daan para sa pagyabong ng wika

By Tomas U. Santos -August 30, 2016030530

Share on Facebook Tweet on Twitter


HIGIT na lalalim ang talakayan sa silid-aralan kung ang wikang pambansa ang gagamitin sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura sa mga mag-aaral lalo na ngayong napanatili ang Filipino sa kolehiyo.

Magandang pagbubukas sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon ang desisyon ng Commission on Higher Education
(Ched) na ipagpatuloy ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga institusiyon para sa mas mataas na edukasiyon.

Patuloy nang natuldukan ang kabi-kabilang protesta ng mga tumututol sa pagkaltas ng asignaturang Filipino sa
pangkolehiyong kurikulum noong ika-18 ng Hulyo sa pangunguna ni Patricia Licuanan, tagapangulo ng Ched. Ipinag-utos
niyang panatilihin ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo mula anim hanggang siyam na yunit depende sa programang
kinukuha ng mag-aaral.

Nakasaad sa Ched Memorandum Order (CMO) 59 serye ng 1996 na mayroong siyam na yunit ng Filipino para sa
Language at Literature habang nasa CMO 4 serye ng 1997 naman nakasaan na mayroong anim na yunit ng Filipino para
sa Humanities.

Ito ang ginawang aksiyon upang hindi maisakatuparan ang CMO 20 serye ng 2013 na nagsasaad na tanggalin ang mga
asignaturang Filipino sa kolehiyo at ilipat ang mga ito sa dalawang taong dinagdag sa basic education ng K to 12 o senior
high school.

Pagsang-ayon ng akademya

“Sa pagtuturo ng agham, mas mabuti kung ito ay mailalapit sa araw-araw na kabuhayan,” wika ni Fortunato Sevilla III,
propesor emeritus at dating dekano ng College of Science ng Unibersidad na hinirang ding Kampeon ng Wika ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Aniya, susi ang paggamit ng wikang Filipino sa komunikasiyon sa pagkakaroon ng mas malalim at mas makabuluhang
pakikipanayam.

Mungkahi naman ni Tereso Tullao, Jr., dalubguro ng ekonomiks sa De La Salle University, ang hindi paggamit ng wikang
Filipino ang sanhi kung bakit hindi napagbubuklod ang ating lipunan partikular na sa sektor ng edukasiyon.

Kung magiging intelektuwalisado ang wikang Filipino, magagawa nitong mapag-isa ang mga Filipino lalo na kapag
ginagamit ito araw-araw ng mga iskolar, propesor at maging ng mga pinuno ng bansa sa kani-kanilang larang, dagdag pa
niya.

“Malaking bahagi ng midya [sa paglago ng wika] lalo na [kung ang’ radyo at telebisyon ay pinatatakbo sa paggamit ng
wikang Filipino,” ani Tullao.
Ipinaliwanag din niyang bagaman magiging malaking ambag ang pagiging maalam at matatas ng mga Filipino sa wikang
Ingles sa mga panlabas na transaksiyon, malalanta naman ang integrasiyong panloob ng ating lipunan kung pipilitin itong
paghariin sa bansa sapagkat malayo pa rin ang wikang banyaga sa kamalayan at karanasan ng mga ordinaryong Filipino.

Ginawa niyang halimbawa ang larangan ng batas bilang isa sa mga nagpapatunay na napakalaking bahagdan pa rin ng
populasiyon ng Filipinas ang madalang na paggamit ng wikang Ingles.

Samantala, pinabulaanan naman ni Purificacion Delima, Komisyoner sa Ilokano ng KWF, ang paniniwala ikababagsak ng
Ingles ang pag-angat sa wikang Filipino.

Mungkahi ni Delima sa isang talastasan kasabay ng opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2016 noong
ika-1 ng Agosto, sabay dapat na isinusulong ang Ingles at Filipino sapagkat hindi naman maaaring magpakadalubhasa sa
isang wika ang mga Filipino nang walang pangunahing wikang mas mahusay na nagagamit

Iginiit niyang higit na mapayayabong ang wikang Filipino sa loob at labas ng bansa kung gagamitin at palalawakin ito
gaya ng ginagawa natin sa wikang Ingles.

Sa katunayan, ayon sa resulta ng Test of English as a Foreign Language, isang respetadong pagsusulit sa wikang Ingles sa
buong mundo, noong 2010, ika-35 ang Filipinas mula sa 163 na bansa sa pinakamatatas na gumagamit ng banyagang
wika habang pangatlo naman sa Asya kasunod ng Singapore at India.

Mga susunod na hakbang

Patuloy naman ang KWF sa kampanyang isulong ang wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan.

Hangarin ng ahensiya na patuloy nang maisalin sa Filipino ang mga terminong likas sa siyensiya, matematika, biyolohiya
at iba pang mga teknikal na usapin nang sa gayon maipaalala na rin sa mga mag-aaral ang kapangyarihan at kagandahan
ng sarili nating wika.

Ayon kay Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining at tagapangulo ng KWF, nasa tuktok ng kanilang hangarin ang
maituring na “wika ng karunungan” ang Filipino kung saan magagamit ito sa pagtuturo at pang-araw-araw na diskurso.
Jolau V. Ocampo at Winona S. Sadia

https://varsitarian.net/news/20160830/pagpapanatili_ng_filipino_sa_kolehiyo_daan_para_sa_pagyabong_ng_wika
ANG KAHALAGAHAN NG PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO SA MGA BATA

August 14, 2018

By:

Desiree Reyno

share this

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Pero ano nga ba ang kahalagahan ng wika?
Basahin ang repleksyon ni Gng. Desiree Reyno, Filipino Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School.

Sa mahabang panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino, makailang beses na ring naitatanong sa akin ang
tungkol sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?” Ngunit ang
mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang Filipino?”

Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang balarila o gramatika at
pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap at
pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura.

Si Gng. Desiree Reyno ay Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School.

Si Gng. Desiree Reyno ay Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School.

Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?”

Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang
Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa
pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang
wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa
ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig
tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-
unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa
ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang
kultura gamit ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman kailangan
ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang
komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata
ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan
sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan sa
mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong paraan,
babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang
wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa oras ng
panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong
sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili.
Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang
magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang
magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit
kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral, naitanong sa
akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO naman siya ng kanilang
kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo niyang tinatanong. “Gusto mo
bang maging isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang
pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng
wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang
kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na
“Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa kanya.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino
ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga
bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating
mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa
buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

http://ateneo.edu/grade-school/news/features/ang-kahalagahan-ng-pagtuturo-ng-wikang-filipino-sa-mga-bata

Kahalagahan ng Pag- aaral ng Asignaturang Filipino sa mga Mag-aaral.

Saturday, November 18, 2017

Marko Gutierrez (2017), “Malaking bagay ang naibabahagi sa ating mag-aaral ng asignaturang Filipino. Isa ito sa
magiging daan upang mapagbuti ang galing sa pakikipag-komunikasyon at sa pagharap sa bagong bukas at sa pang araw-
araw na pamumuhay. Ang pag aaral ng asignatura na ito ay nangangailangan ng sipag at tiyaga sa pagbabasa.
Pagbubukas ng iyong malawak na kaisipan at pakikipag-kominikasyon. Ito ang mga bagay na sa tingin ko ay kailangan na
mapagbuti upang lalong mas maintindihan at maunawaan ang kahalagahan nito.”

“Isa sa mga natutunan ko sa pag aaral dito ay ang tamang paggamit ng wika at tamang pagbigkas nito. Nalaman ko din
ang ibat-ibang mga pamamaraan ng pagsusulat. Ang pagkakaroon ko ng kamalayan sa retorika na dati ay hindi ko
mawari. Ang paggamit ng mga angkop na salita at idioma, Kamalayan sa paggawa ng talata, komposisyon, journal,
blog/vlog at marami pang iba.”

http://angblognimarko.blogspot.com/2017/11/asignaturang-filipino-sa-aking-buhay.html

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITYCOLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus-
Rosario, Tandag City Ang mga pag-aaral na lokal ay isinaalang-alang sa pananaliksik. Ito ayhango sa mga di nalathalang
tesis at disertansyon. Ang kanilang mga natuklasanat buod ay hinalaw at naging batayan ng mga
pagpapahalagang maypagkakatulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.LokalFilipino ang opisyal na wika ng
Pilipino ayon sa 1987 konstitusyon, artikuloXIV, seksyon 6-9. Dito sa Pilipinas, amrami tayong dialektong ginagamit gaya
nalamang ng Hiligaynon, Waray, Bisaya at iba pa. Kaya marahil ginawangasignatura ang Filipino sa paaralan
mula elementarya ay upang matuto tayonggumamit n gating wika. Kaya natin pinag-aaralan ang Filipino ay para
magingbihasa tayo sa paggamit nito. Higit sa lahat, kaya natin pinag-aaralan ang Filipinodahil ito ang opisyal na wika ng
bansa at magagamit mo ito kung pupunta ka saibang bahagi ng bansa na di mo alam ang kanilang dialekto. Dahil sa
Filipino aynagkakaintindihan tayo, kaya bakit tatanggalin ito sa kolehiyo? Dahil ba mulaelementarya ay pinag-aaralan na
natin ito? At hindi na kailangang pag-aralan sakolehiyo dahil eksperto na kami sa paggamit? Nagkakamali kayo, hindi pa
kamieksperto, marahil ay marunong kaming gumamit ng wikang ito pero hindi pasapat ang aming kaalaman. Marami
nga sa atin, kahit nasa kolehiyo na,, ehnahihirapan pang magbaybay ng mga salita sa Filipino at nahihirapan
dingbumuo ng mga pangungusap. - Kathy Rose O. Vilbar BSA – 2 (2014)13

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITYCOLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus-
Rosario, Tandag City Ang Filipino ay isang asignatura na kung saan ay natuto tayong magbasa,magsulat at magsalita
gamit ang wikang tagalog. Ang Filipino aynapakahalagang asignatura sapagkat ito ang humuhubog sa ating
pagkaPilipino.Dahil rito tayo ay bihasa at pamilyar sa ating kultura. Ito ay ating wika. Kungkaya’t maraming sa
mamamayang Pilipio na tanggalin sa kurikulum ng kolehiyoang Filipino.Minsan, hindi natin maikakaila na meron
paring mga Pilipino nakinakahiya ang sariling atin at mas binibigyang halaga ang wika ng iba. Kungtuluyang tatanggalin
ang Filipino mas lalong mawawalan ng importansya angating sariling wika. Kahit tinuturo pa nga ang Filipino sa kolehiyo
marami paringmga estudyante na hindi bihasa sa asignaturang Filipino.Kung may naidudulotang asignaturang Filipino na
hindi kaaya-aya mas marami parin itong naidudulotna maganda. Naniniwala ako na dapat ipagpatuloy ang pagtuturo ng
Filipino sakolehiyo.Dagdag rito, bakit hahayaan na mas maging bihasa tayo sa wika ngaiba? Pinapatunayan lamang natin
na mababaw tayong mga Pilipino. Kakalimutanang sariling atin at mas tinatangkilik ang wika ng iba. Oo, alam kong kilala
tayongmga Pilipino sa gaya-gaya ngunit hindi ito rason upang hayaang mawala ngtuluyan ang kabuluhan at kahalagahan
ng ating sariling wika.Ipaglaban natin angsariling atin. Iyan ang tunay na Pilipino! Hindi pasusupil kanino man. Dahil
tayongmga Pilipino ay may paninindigan at handing iapglaban ang sariling atin. Mula saating mga ninuno hanggang sa
kasalukuyan at mkabagong panahon, ipaglaban,pagyamanin at huwag nating hayaan na ang asignaturang Filipino ay
tanggalin14

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITYCOLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus-
Rosario, Tandag City sa kurikulum ng kolehiyo. “Tatag ng wika, Lakas ng mamamayang Pilipino.”-Roxanne J. Templa
BSA2 (2014

https://vdocuments.mx/kahalagahan-ng-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo.html

https://www.academia.edu/22286853/_Kahalagahan_ng_asignaturang_Filipino_sa_Kolehiyo_?auto=download

Sinabi ni Heaven Martin Q. Martin (2016), “Mahalaga ang pagkakaroon ng sariling pagkakilanlan sa globalisadong
mundo. Marapat lamang na makiisa ng bawat isa upang higit pang mapaigting ang pagpapanatili ng asignaturang higit na
humuhubog sa pagkakakilanlan ng bawat Pilipino tungo sa patuloy na pag-unlad.”

Ayon kay Palencia (2014), ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas ng pagkakaroon ng sariling mga
paa dahil ito ang tumatayong instrument upang tayo’y magkaunawaan at magkaisa. Ito ang unang hakbang patungo sa
kaunlaran. Ang wika ang nagsisilbing tulay natin sa pakikipagsalamuha, sa pagkuha at pagbigay ng impormasyon, at sa
pagpapahayag ng ating saloobin. Ngunit ang pambansang wika ay higit pa roon – tila ito ang tulay na ginagamit ng lahat
ng tao sa bansa, na tanging sariling atin at hindi tayo kailanman magiging dayuhan at maliligaw ditto, hindi tulad ng mga
wikang hiram lamang mula sa ibang bansa.
Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating pangulong Manuel Luis M. Quezon noong 1940 ang Executive Order No. 263
na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa.
Ito ngayon ang tinatawag nating asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika
at mga literaturang itinuturing nating kayamanan.

Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsulat at pag iisip sa Filipino. Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa.

Ayon naman kayTipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino.
Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon, kasaysayan, at lalo na sa wika ng
Pilipinas. Ang pag-aaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng pagiging Pilipino.
Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral natin sa sarili natin at iyan ang Wikang Filipino.
Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. (“Bakit mahalaga ang
Filipino,” 2014)

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangandsa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino
tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating wika.

Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan man o sa kalsada, maraming
mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito. Marami pa ring mga Pilipino ang patuloy na nagkakamali sa tamang paggamit
ng mga salita. Dahil sa pamamagitan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino, magiging mulat ang bawat mag-
aaral tungkol sa tamang paggamit ng wika at mapapalawig mismo ang ating pambansang wika. Dahil ayon kay
Bienvenido Lumbera, “Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging bansa. “

Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na nabibilang tayo sa iisang nasyon
at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng edukasyon.

Ayon sa Commission on Higher Eucation, ang pangunahing layunin ng CHED Memorandum no 20 series of 2013 ay ang
sumusunod:

“General education thus lays the groundwork for the development of a professionally competent, human and moral
person.  It also prepares the Filipino for the demands of  21st century life and the requisite abilities to anticipate and adapt
to swiftly changing  situation,  to  think  innovatively  and  create  solutions  to  problems.  General  educationen ables the
Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take  part  in  and  hopefully assert her/his
identity  and  sense  of  community  and  nationhood  amid the forces of globalization.

Ayon kay Tabora (2013), ang General  Education ay hindi lamang tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na
mayroon tayo ngayon. Makatutulong ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga
lider balang araw.
Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang paggamit sa sariling wika natin kung ang
asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang
tangkilikin ang sariling atin? Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili.
Repleksyon ng ating mga Pilipino ang ating wika kaya hinid natin ito dapat balewalain bagkus ay mas pahalagahan
natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon sa bawat isa. At komunikasyon na daan
sa tagumpay ng bawat Pilipino.

“Ang wika ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang magkaisa ang mga tao” (Rubin, 1989).

Ayon din kay Ruby Ann Bernado (2014), guro ng Filipino sa Sta. Lucia High School, matapos ang ilang taong
implementasyon ng K to 12, hindi pa rin kumpleto ang kanilang mga modulessa pagtuturo nito. Nananatiling kulang ang
mga guro at iba pang rekisitos para sa programang ito. Tinatayang nasa mahigit kumulang 100,000 na mga
propesor sa kolehiyo sa buong bansa ang pinapangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang
implementasyon ng K to 12.

“Imbes na magsayang ng oras at pondo sa pagpapalit ng kurikulum sa edukasyon para lamang matugunan ang
pangangailangan ng mga malalaking negosyo ng dayuhan, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpapaunlad ng
kalidad at abot-kayang edukasyon na may kakayahang lumikha ng pambansang industriya at ekonomiyang
nakakatindig sa sarili.” (Velasco, 2015).

Ayon naman kay Wilmor Pacay III (2014), isang guro sa kolehiyo sa pribadong pamantasan, may diskriminasyon na
noon pa man sa Wikang Filipino at Wikang Ingles, ngayon tahasan nang tinanggal ang Wikang Filipino.

“Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipno at obligasyon ng gobyerno na ituro ito sa mga
mamamayan. Pero ginawa itong krimen ng CHED sa inilabas nitong memo,” sabi pa ni Pacay.

Ayon kay San Juan (2014), isa sa mga hakbang na isinagawa ng Filipino Department ang paghahain ng position paper sa
CHED na naglalaman ng mga hinaing ng mga propesor ng DLSU patungkol sa pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo.

Ang pahayag ni Dr. Elena R. Mirano (2014) “Dapat lahat ng pumapasok sa kolehiyo ay mayroong isang kabuuan ng
kaalaman hindi lang isang makitid na larangan. Kung kaya’t kami sa mga ibang sining at iba ring larangan at siyensiya sa
Unibersidad ay nakikiisa dito sa isyung ito.”
Sa perspektiba naman ni Flores (2014) tungkol sa bagong kurikulum at sa K to 12, hindi pa handa ang Pilipinas para sa K
to 12 at sinabing “Ang balangkas talaga ng trahedya sa akademya ay iyung K to 12 kasi ilang libo ang kulang na guro, mga
upuan at kuwarto, at ilang milyong teksbuk ang kulang? Sampung milyon hanggang 15 milyong teksbuk pero tinapatan
na naman ng dagdag na tatlong taon. Hindi mo pa nasusukat o naaresto iyung problema ng dating sitwasyon
sa basic education.”

Sinuportahan ni San Juan ang pahayag ni Guillermo at binigyang-diin na maging sa Estados Unidos kung saan kinopya ng
CHED ang balangkas ng K to 12, “Ang hindi nila sinasabi, iyung K to 12 ng Amerika, pagdating ng college, sa GEC ay
required pa rin iyung national language at iyun ay ang Ingles. Sa ibang kaso ay 6 units, sa ibang sitwasyon ay 3 units at sa
iba naman ay 9 units pa ang required na English subjects sa Estados Unidos.”

Filipino ang opisyal na wika ng Pilipino ayon sa 1987 konstitusyon, artikulo XIV, seksyon 6-9. Dito sa Pilipinas, amrami
tayong dialektong ginagamit gaya na lamang ng Hiligaynon, Waray, Bisaya at iba pa. Kaya marahil ginawang
asignatura ang Filipino sa paaralan mula elementarya ay upang matuto tayong gumamit n gating wika. Kaya natin pinag-
aaralan ang Filipino ay para maging bihasa tayo sa paggamit nito. Higit sa lahat, kaya natin pinag-aaralan ang Filipino
dahil ito ang opisyal na wika ng bansa at magagamit mo ito kung pupunta ka sa ibang bahagi ng bansa na di mo alam ang
kanilang dialekto. Dahil sa Filipino ay nagkakaintindihan tayo, kaya bakit tatanggalin ito sa kolehiyo? Dahil ba mula
elementarya ay pinag-aaralan na natin ito? At hindi na kailangang pag-aralan sa kolehiyo dahil eksperto na kami sa
paggamit? Nagkakamali kayo, hindi pa kami eksperto, marahil ay marunong kaming gumamit ng wikang ito pero hindi pa
sapat ang aming kaalaman. Marami nga sa atin, kahit nasa kolehiyo na,, eh nahihirapan pang magbaybay ng mga
salita sa Filipino at nahihirapan ding bumuo ng mga pangungusap. - Kathy Rose O. Vilbar BSA – 2 (2014)

Marko Gutierrez (2017), “Malaking bagay ang naibabahagi sa ating mag-aaral ng asignaturang Filipino. Isa ito sa
magiging daan upang mapagbuti ang galing sa pakikipag-komunikasyon at sa pagharap sa bagong bukas at sa pang araw-
araw na pamumuhay. Ang pag aaral ng asignatura na ito ay nangangailangan ng sipag at tiyaga sa pagbabasa.
Pagbubukas ng iyong malawak na kaisipan at pakikipag-kominikasyon. Ito ang mga bagay na sa tingin ko ay kailangan na
mapagbuti upang lalong mas maintindihan at maunawaan ang kahalagahan nito.”

“Isa sa mga natutunan ko sa pag aaral dito ay ang tamang paggamit ng wika at tamang pagbigkas nito. Nalaman ko din
ang ibat-ibang mga pamamaraan ng pagsusulat. Ang pagkakaroon ko ng kamalayan sa retorika na dati ay hindi ko
mawari. Ang paggamit ng mga angkop na salita at idioma, Kamalayan sa paggawa ng talata, komposisyon, journal,
blog/vlog at marami pang iba.”
Ang kuriulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso 
o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon. (Pena, et al. 2007)

Ayon kay Martin (2016), malaki ang ginagampanan ng wik sa pagbuo ng isang pambansang
identidad o kaakuhan, lalo na sa pagbabagsak sa proseso ng globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad
ng isang bansa, para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon. Ang Wikang Filipino ay isang isyung sosyo-politikal,
isang krusada na nangangailangan ng pag-unawa at atensyon mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna
sa pagpapaunlad nito bilang kaluluwa ng isang bansa. Subalit sa Pilipinas bunga ng globalisasyon, sa halip na paunlarin
ang sariling wika, bakit unti unting humihina ang wikang Filipino?

Ayon pang muli sa pananaliksik ni Martin (2016), bilang mga mananaliksik, napakahalaga ng wikang Filipino. Sa
katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa pagsusulong ng kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang
paaralan at unibersidad dito sa Pilipinas. Nakapaloob ang kuriulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng
mga kurso o asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mga mag aaral.

You might also like