You are on page 1of 40

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG

MIDYUM NG PAGTUTURO SA ASIGNATURANG AGHAM

IPINASA KAY:

GINOONG PRIMO ARANAS

IPINASA NINA:

AGNES JOY RIVERA

ALESSANDRA NICOLE OLIVEROS

ELAYZA JEAN OMAYA

JOANNA RECABORDA

KENT JAN BALICOT

KIM LIGUTAN

RHENNA MAE PEREZ


ABSTRAK

Wikang Filipino ay sumisimbolo ng ating pagka Pilipino o pagkakakilanlan at

mahalaga ang wika sa larangan ng edukasyon. Sa pag-aaral na ito ay binibigyang diin

ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Pilipino sa asignaturang agham. Sa edukasyon,

isa itong instrumento dahil sa pamamagitan ng paggamit ng sarilang wika ay mas

magiging komportable ang mga mag-aaral, mas naiintindihan ang mga leksyon at mas

napapaunlad nila ang pagka-Pilipino. Sa pananaliksik na ito malalaman ang pananaw

ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa asignaturang agham bilang midyum

ng pagtuturo.
KABANATA I

PANIMULA

Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang

pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at

pampolitika na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na

pambansang wika ng isang bansa. (Andrew G, 2002). Wika ang isa sa mga natatanging

ebidensya na ang isang bansa ay mayaman sa kultura, ito din ay sumasagisag sa pagka

makabayan at sumasalamin sa pagkatao ng isang bansa. Apat na probisyon sa Artikulo

XIV ng 1987 Konstitusyon ang tungkol sa wika. Sa Sek. 6 hanggang Sek. 9 ng nasabing

artikulo ay nakasaad ang: “SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na

mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at

sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga

hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng

Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa

Sistemang pang-edukasyon. “SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at

pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang

itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang

opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat

itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. “SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay

dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang

panrehyon, Arabic, at Kastila. “SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon

ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga
disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa

Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at

pagpapanatili (Article XIV of Philippine Constitution, 2002).

Ang Pilipinas ay mayroong 175 na iba’t ibang dayalekto. Ang Tagalog ang

unang lenguwahe ng isang katlo ng mga mamayang Pilipino, humigit kumulang ay 30

milyon. Ang Tagalog ay siyang pangalawang lenguwahe naman ng halos kalahati ng

populasyon, 45 milyon. Ang Filipino ay isang pamantayang bersyon ng Tagalog. Ito ay

pinagyabong pa at pinagyaman pa ng ibang mga dayalekto, na hindi sumusunod sa mga

katangiang gramatikal ng Tagalog.

Sa kabilang dako, mahalaga ang pag-aaral ng agham sa lahat ng panahon dahil

ito ang susi sa pag-unlad ng bansa, ngunit iilan lamang ang mga guro na nagtuturo sa

nasabing asignatura na gamit ang wikang Pambansa at kung ating iisipin mas magiging

madali ang pagkatuto at pagunawa ng guro at studyante kung ang wikang gagamitin ay

Filipino. Sa kaibahan, kung mapapalitan ng Filipino ang wikang Ingles sa pagtuturo ng

nasabing asignatura, maaapektuhan ang pagiging globally competitive ng mga studyante

dahil Ingles ang lingua franca o universal language ng mundo. Bukod sa ang Ingles ay

ang isang bagay na magiging globally competitive ang isang mag-aaral o tao, sa Pilipinas

iilan sa atin ay iniisip na ang paggamit ng wikang dayuhan ay ang sukatan sa pagiging

matalino ng isang tao kaya naiinganyo ang mga kabataan na mas matuto ng wikang

Ingles, subalit ang Ingles ay wika lamang at hindi sukatan ng talino. May mga estudyante

naman na kung tatanungin tungkol sa pagpapalit ng wikang Ingles mula sa Filipino ay

mas nahihirapan daw silang maintindihan ang salita at aralin kung ito ay naka akda sa

wikang Filipino, isa sa mga kadahilanan sa nasabing sitwasyon ay ang paggamit ng


wikang Ingles sa mga instraksyon at batas ng bansa, halimbawa na lamang nito ay ang

mga traffic rules, kadalasan ay naka akda gamit ang wikang Ingles, kaya masasabi nating

malaki ang naging impluwensiya ng kapaligiran sa pag uugali at pananalita ng isang tao.

Sa kabilang banda, kung maipatupad ito anu-ano kaya ang mga opinyon ng mga mag-

aaral tungol sa paggamit ng wikang Filipino bilang midya ng pagtuturo sa asignaturang

agham? At kung mas magiging mabisa ba ang wikang Filipino sa pagtuturo ng aghman

o mas magiging komplikado? Na inaasahang maisasagot ng mga mag-aaral sa Holy

Child College of Davao-Mintal SHS.

Sa huli, isang malaking tapik ang pagpapalit ng Filipino mula sa Ingles lalo na’t

nasanay tayo sa paggamit ng nasabing wikang. Ngunit, kung globally competitiveness

ang pag-uusapan, ang Pilipinas ay hindi nagpapahuli tungkol dito, may iilang scientist na

Pilipino ang kilalang sa mundo, ngunit hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansang

nangunguna sa larangan ng agham. Nangunguna sa listahan ang bansang Finland at

Japan, na sinundan naman ng Hong Kong at South Korea. Sa mga nasabing bansa, hindi

sila gumagamit ng wikang Ingles sa pagtuturo, gamit nila ay ang sariling wika upang mas

maunawaan ng mga guro at mag-aaral ang leksyon sa agham. Kaya naman, masasabi

nating hindi naaapektuhan ang globally competitiveness ng bansa kung ang gagamitin

ay ang wikang Filipino, at may malaking tsansa pa ang Pilipinas na makasali sa listahan

ng mga bansang nangunguna sa asignaturang agham. Sa kabuuan, ang importansya ng

edukasyon ay ang pag unawa ng isang mag-aaral, kung mayroong mga natutunan ang

isang tao na madadala niya sa kanyang gustong takahing landas. Kung kaya’t ang

pagkamit nito ay hindi imposible sa tulong ng wikang bumubuhay ng ating bansa at

pagkatao, ang wikang Filipino.


LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ang pagsasaliksik na ito ay naglalayong maipasa at gawing midya ang wikang

Filipino sa asignaturang agham o sa pagtuturo.

1. Malalaman ang antas ng kaibahan ng Wikang Filipino sa Agham: Pananaw ng

mga Mag-aaral sa Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Midya ng Pagtuturo sa

Asignaturang Agham kung susuriin ayon sa:

1.1 Mas komportable

1.2 Mas maiintindihan ang leksyon

1.3 Mabuhay ang nasyonalismo.

2. Mababatid ang makabuluhang kaibahan ng Wikang Filipino sa Agham: Pananaw

ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Midya ng Pagtuturo sa

Asignaturang Agham. Kung susuriin ayon sa:

2.1 Departamento ng Grade 11 Senior High School ng Holy Child College of

Davao-Mintal

Katanungan

Ang mga mananaliksik na ito ay may malaking hangarin na maihanap ang

katanungang naglalayong maipasa at gawing midya ang wikang Filipino sa asignaturang

agham o sa pagtuturo upang: mas komportable, mas maiintindihan ang leksyon at

mabuhay ang nasyonalismo. Ang mga suliranin na ito ay malalahad sa sumusunod na

katanungan:
Lubos na sumasang-ayon -5 Sumasang-ayon-4 Katamtaman-3

Hindi sumasang-ayon-2 Lubos na hindi sumangsang-ayon-1

Mga Katanungan 5 4 3 2 1

1. Mas magiging komportable ka ba kung ang wikang gamit sa

pagtuturo ng asignaturang agham ay wikang Filipino?

2. Nakakaapekto ba ang paggamit ng wikang nakasanayan sa

iyong pagkatuto?

3. Mas mapapabilis ba ang iyong pagkatuto kung ang wikang

gamit ay Filipino?

4. Mas tataas ba ang iyong marka kung ang wikang Filipino ang

midyum ng pagtuturo sa asignaturang agham?

5. Dapat bang manatiling Ingles ang mga teknikal na termino o

katawagan sa asignaturang agham?

6. Mas mahihirapan ka ba kung ang wikang gamit sa pagtuturo

ng agham ay Filipino?

7. Nakakatulong ba ang wikang Filipino upang mas madaling

maipaliwang ng mga guro ang leksyon?


8. Mas maipapaliwanag mo ba ng maigi ang leksyon o ano

mang katanungan kung ang iyong gamit ay Filipino?

9. Nakakatulong ba sa bansa ang paggamit ng wikang Filipino

bilang midya ng pagtuturo sa asignaturang agham.

10. Naaapektuhan ba ang pagiging globally competitive ng

bansa sa larangan ng agham kung ang gagamitin sa

pagtuturo ay wikang Filipino?

Hypotesis

Ilalahad ng mga mananaliksik ang hinagap na susukatin sa .05 lebel na

kabuluhan bilang tugon sa tiyak na suliranin na walang makabuluhang kaibahan ang

gawing midya ang wikang Filipino sa asignaturang agham o sa pagtuturo kung susuriin

ayon sa kagawaran/departamento.
Kahalagahan sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipasa ang wikang Filipino bilang midya

ng pagtutro sa agham. mahalaga upang mapanatiling buhay ang wikang Filipino, mas

madaling maunawaan ang asignaturang agham, mas mapapaigting ang pagtangkilik ng

sariling wika at mas maiingatan ang nasabing yaman, sa pamamagitan ng paggamit nito.

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay maaring maging instrumental sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang bagay sa mundo kung kaya’t

upang mas mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga leksyon at mas

maunawaan nila ang mga itinuturo ng kanilang mga guro sa pinakamabilis na paraan,

ang paggamit ng wikang Filipino sa agham ang isa sa mga mabisang paraan upang

makamit ang mga ito at upang malaman ang maaaring maidulot ng wikang ginagamit sa

pagtuturo sa kanilang pag-aaral.

Mga Guro. Ang mga guro ang siyang nagtuturo ng mga lesyon sa mga asignatura, sa p

ag-aaral na ito mabibigyan ng pagkakataon ang mga guro na maibsan ang hirap sa mga

termino o mga leksyong itinituro nila sa asignaturang agham dahil sa nakasanayang wika.

Mas mapapahiwatig ng mas komportable ng mga guro ang kanilang pagtuturo sa mga

leksyon gamit ang wikang Filipino at upang magkaroon ng kaalaman ukol sa isa sa mga

maaaring makaapekto sa pag-aaral ng kanilang mga estudyante.

Para sa mga mananaliksik sa hinaharap. Upang makapagbigay ng ideya ang

pananaliksik na ito at makatulong para sa mga gagawing pag-aaral sa hinaharap.


Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakapaloob na mayroong kaibahang gawing midya

ang wikang Filipino sa asignaturang agham o sa pagtuturo na sinasangkutan ng mga

partisipante ng Grade 11 Senior High School ng Holy Child College of Davao batay sa

kanilang departamento.

Talakayan ng katawagan

Ang pag-aaral na ito ay binibigyan ng operasyonal na kahulugan tungkol

sa:

Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Asignaturang Agham. Ang pagtuturo

ng sariling wika ay mayroong mabubuting epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pati

narin sa mga guro, mas magiging komportable sa lahat ng aspekto ang mga mag-aaral

upang mas matuto sa pinakamabilis at komortableng paraan. Bukod pa dito, mabisa din

ang paggamit ng wikang Filipino sa paglaganap ng ng ating kultura, ang ating yaman,

mas mapahalagahan at tangkilikin ang Wikang Filipino upang mas mapalawak at

mapayabong pa ito sa pamamagitan ng pagpapalaki ng saklaw nito. Sa huli, ang

pagkatuto ay ang isa sa mga layunin ng edukasyon, at kung may mga hakbang na mas

mapapadaling makamit ito, maging bukas tayo sa pagbabago tungo sa kaunlaran. At

kung ito man ay maisasakatuparan, naniniwala kaming kayang makipagsabayan ng ating

bansa sa iba pang wika at mapapaniwala natin ang iba na mas matututo tayo kung

sariling wika ang gagamitin.


Teoritikal na Balangkas

May mga bagong hakbang na ginagawa upang mabago ito. May mga

pagsasaliksik na nagpapakita ng bisa ng pagtuturo ng siyensya sa pang araw-araw na

lengguwahe. Isa na rito ay ang pagsasaliksik nina Brown at Ryoo ng Stanford University

noong 2008. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng tinatawag nila na “content first”

approach. Sa ganitong paraan, inuunang ituro ang mga konsepto gamit ang natural na

wika bago ito dagdagan ng mga panibago at mas komplikado na termino. Ipinakita sa

pag-aaral na mas mataas ang mga nakuhang grado ng mga estudyanteng tinuruan sa

natural na wika sa parehong “multiple choice” at “open-ended” na mga tanong. Senyas

ito ng mas malalim na pagkakaintindi ng mga bata sa bagong impormasyon nilang

natatanggap (Sullivan, 2008).

Ayon kay Nolasco (2010) ng Linguistics Department ng Unibersidad ng

Pilipinas, sa cognitive aspect ng mental development ng mga bata, mas nagiging pahirap

ang pag-aaral gamit ang wikang Ingles. Halimbawa, ang isang estudyante sa Maynila na

malamang ay pinalaki sa wikang Tagalog, ay siguradong malilito sa pag-aaral gamit ang

wikang Ingles. Lalo itong naging mas mahirap sa batang hindi-Tagalog ang unang

lingguwahe; mahirap pagsabayin ang Filipino at Ingles ng estudyante kung rehiyonal na

dayalekto (tulad ng Cebuano, Hiligaynon, Maranao, o iba pa) ang ikinalakihan niya sa

bahay.
Konsepto

Malayang Baryabol

Wikang Filipino sa Pagtuturo sa Asignaturang Agham

 mas kompotable,
 mas maiintindihan ang leksyon, at
 mabuhay ang nasyonalismo.

 Departamento ng Grade 11 Senior High School ng Holy


Child College of Davao MIntal Campus-

Di-Malayang Baryabol
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Lingua franca- tumutukoy sa isang salita o diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang

mga tao na magkaiba ng pangunahing wika. Ito ay upang makipagtalastasan sa isa't isa

gamit ang wikang iyon. Sa lawak ng globalisasyon ngayon, kailangan ng lingua franca

para sa mas epektibong komunikasyon.

Globally competitiveness/globally competitive- tumutukoy sa iba’t ibang kasanayan

na maaring makatulong sa isang tao upang maging isang produktibong miyembro ng

lipunan o ng bansa.

Universal language- ito ay tumutukoy sa hypothetical o makasaysayang wika na

binibigkas at naiintindihan ng lahat o karamihan sa populasyon ng mundo. Sa ilang mga

konteksto, tumutukoy ito sa isang paraan ng komunikasyon na nauunawaan ng lahat ng

mga tao sa mundo.

Midyum- ito ang komunikasyon na ginagamit sa pagtuturo sa nasabing asignatura o

ginagamit sa komunikasyon ng isang bansa.

Balatik- isang grupo ng mga bituin na ginagamit ng mga katutubo sa kanilang

pagtatanim.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa Agham tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at buhay na mundo. Ito

ang nagturo sa atin kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa

ating kapaligiran. Ito rin ang ating gamit upang maghanap ng mga solusyon sa mga

problemang hinaharap ng ating bayan sa mithiin na umunlad ang estado ng buhay ng

bawat mamamayan. Ang pagtuturo sa wikang Ingles ay nagsimula noong naging kolonya

ng Estados Unidos ang Pilipinas. Nagsimula itong magbago noong inilunsad ang

“Bilingual Education Policy” taong 1974. Hinihikayat nito na gawing wika sa pagtuturo ang

Filipino sa mga klasrum at bigyan ng mainam na kakayahan ang mga estudyante sa

parehong Ingles at Filipino. Ninanais rin nito na maging isang wika para sa matalisik na

diskurso ang Filipino (medium.com).

Bagama’t may natutulungan, ang nahihirapan sa kasalukuyang sistema ay ang

mga batang estudyante. Ang siyensya at ang matematika ay itinuturo sa kanila gamit ang

wikang hindi nila ginagamit sa pangkaraniwan na sitwasyon. Karamihan ng mga libro ay

nasa wikang Ingles, kasama na rin ang mga impormasyon na galing sa internet at

telebisyon. Pinag-aaralan nila ang mga bagong konsepto sa wika na kanila’y kasabay na

inaaral pa lamang. Napupuna lamang ito ng mga guro na nagbibigay ng paliwanag sa

natural nilang wika. Pero dahil sa na-develop na “language barrier,” mahirap makahanap

ng mga tamang salita o ehemplo para mapaliwanag ng maayos ang mga konsepto. Ang

resulta, ang agham sa isip ng mga bata ay mistulang hiwalay mula sa araw-araw na

katotohanan. Ang asignatura na nagmimistulang gabay natin sa mga pangyayari sa ating

paligid ay naiiwan sa mga pahina ng textbook (Tolentino, 2017). Isinusulong rin ngayon
ang pagsalin at paggawa ng mga libro sa wikang Filipino. Ayon kay, G. Rommel

Rodriguez, direktor ng Sentro sa Wikang Filipino, ang paghahanap ng ilang siyentipiko

ng mga salita at konseptong Filipino na maihahambing sa mga kanilang

pinagdalubhasaan. “Maraming mga local indigenous knowledge na maaring ma-discover

ng mga mag-aaral natin at kung paano ito maisasakonteksto sa siyensya at teknolohiya”.

Isa na rito ang konsepto ng “balatik” — isang grupo ng mga bituin na ginagamit ng mga

katutubo sa kanilang pagtatanim. Ipinapakita ng mga ganitong ehemplo na may malawak

na kaalaman ang mga katutubo tungkol sa mga bagay na inaaral natin sa agham.

“Marami pa tayong hindi natutuklasan sa kasaysayan, sa kultura natin, sa mga local

indigenous knowledge natin, na kailangan tuklasin ng mga mag-aaral sa siyensya at

teknolohiya.” (Tolentino,2017).

Isa ang pag-aaral na isinagawa ni Marina E. Balce, isang mananaliksik ng

National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED) ng UP

Diliman, na nagpatunay na ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng agham ay

mas mabisa sa pagkatuto ng mga bata. Labing-apat (14) na mag-aaral sa ika-limang

baitang ng isang pampublikong paaralan ang tinuruan tungkol sa respiratory system ng

limang magkakasunod na araw gamit ang wikang Filipino. May iba-ibang antas ng

kakayanang umintindi at matuto ang mga naging test subject ng kanyang pag-aaral. Apat

ay nasa above average (AA) group, limang average (A) at limang below average (BA).

Pagkaraan ng limang araw na leksyon, ang “A” group ang nakakuha ng pinakamataas na

marka sa post-tests, samantalang ang BA group ay nakakuha ng antas na hindi naman

nalalayo sa AA group, at iyon ay sa kabila ng pagiging mas mababa ng mga batang mula

sa grupong iyon ng kanilang kakayanang matuto kumpara sa karaniwan. Kung


kakayahan sa pagsasalin ng mga terminong agham sa wikang Filipino ang pag-uusapan,

marami na ang mga nagsagawa ng pagsasalin ng mga salitang agham at matematika sa

Filipino. Mayroong nabuong diksyunaryo ang mga siyentipiko noong dekada sisenta at

dekada otsenta. Ang mga ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-Agham: Ingles Pilipino”

na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST, at ang English-

Pilipino Vocabulary for Chemistry na nilikha ng mag-asawang Bienvenido Miranda at

Salome Miranda, mga propesor ng kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga

halimbawa ng salin sa chemistry ay ang salitang “tigam” para sa salitang “anhydrous,”

“migat atomika” para sa “atomic mass,” “pampabilis” para sa “catalyst,” at “kemiing

simbilisan” para sa “chemical equilibrium.” Kung kaya’t hindi maaaring iganap na hindi

maituturo ang agham sa ating wika sapagkat kaya itong maisalin. Lamang, kailangan

pang mas pag-ibayuhin ang pagpapagamit, pagpapauso, at paglinang dito. “Iba ang

dating ng Filipino sa estudyante,” diin ni Sevilla. Sinasabi na gumagamit siya ng mga

salitang nasa Wikang Filipino upang mas maunawaan ang mga mahihirap na

terminolohiya tulad na lamang ng, “Haba ng alon” para sa “wavelength,” "bilis" para sa

“speed,” at “tulin” naman para sa “velocity.” Nakakatuwa sa pandinig ngunit naniniwala si

Sevilla na higit na mainam gamitin ang wikang Filipino sa klase. “Hindi lamang tayo

sanay, ‘wirdo’ lamang dahil hindi natin ordinaryong ginagamit (sa Filipino ang agham),”

wika ni Sevilla.

“Ang pinakapangunahing layunin ng ating batas—ng ating konstitusyon—

para sa wikang Pambansa ay gamitin ito bilang wika ng akademya—bilang wika ng

pagtuturo—hindi lamang sa batayang edukasyon [kung hindi pati] sa lahat at buong

sistema ng edukasyon sa Pilipinas,” wika ni Virgilio Almario sa kanyang talumpati sa


bulwagan ng Thomas Research Aquinas Complex. Ayon kay Almario, Pambansang

Alagad ng Sining sa Panitikan at tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),

layunin natin ngayon na gamitin ang wikang Pambansa sa mga usaping teknikal at

maglikom ng mga salita mula sa Tagalog at iba’t ibang wikang katutubo ng Pilipinas

upang ipantumbas sa mga teknikal na salitang Ingles.

“Hangga’t maaari ay magsimula na tayo talaga na gumamit ng Filipino [sa

larangan ng agham] dahil puwede namang gamitin. Nakikita natin [ngayon na] kahit yung

napakahirap na topics ay puwedeng gamitin ang Filipino mas maiintindihan yung ating

pinaguusapan kung nasa Filipino, kaysa nag-iInglesan tayo [ngunit] hindi naman tayo

nagkakaintindihan.”

Sa ngayon, ang ginagamit ng Pilipinas sa pag-aaral ng mga asignaturang

pang-agham ay ang wikang Ingles. Lahat ng libro na pang-agham ay nasa wikang Ingles.

Lahat din ng mga terminong nakapaloob dito ay nasa wikang Ingles. Ang tanging mga

asignaturang ginagamitan ng wikang Filipino ay ang Filipino, kasaysayan, at araling

panlipunan. Minsan ay nakwento ng aking propesor sa Fil 40 na maka-ilang taon lamang

ang nakakaraan ay nagsagawa ng isang eksperimento ang isang grupo ng mga

manunulat ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa mga librong pang-agham. Sa isang

paaralan, ipinagamit sa mga estudyante ang isang aklat sa chemistry na nakalathala sa

wikang Ingles. Sa isa pang paaralan ay ipinagamit sa mga estudyante ang kaparehong

aklat ngunit ito ay nakalathala sa wikang Filipino. Lumabas sa resulta na mas mataas

ang nakuhang marka ng mga estudyante na gumamit ng librong nakalathala sa wikang

Filipino at mas aktibo sila sa partisipasyon at mga gawain sa klase. Implikasyon ito na

maaaring mas epektibo ang pagtuturo ng mga asignaturang pang-agham sa wikang


Filipino kaysa sa wikang Ingles. Kung gayon, bakit hanggang ngayon ay wikang Ingles

ang gamit natin?

Ang kognitibong pagpapaunlad at ang mga epekto nito sa pang-akademikong

gawain ay tinuturuan ang mga mag-aaral na magbasa at magsulat sa kanilang unang

wika nang mas mabilis. Ang mga mag-aaral na natutong magbasa at magsulat sa

kanilang unang wika ay mas mabilis natututo na magsalita, magbasa at magsulat sa

ikalawang wika at ikatlong wika kaysa sa mga tinuruan gamit muna ang ikalawa o

ikatlong wika. Ang mga mag-aaral na tinuruan gamitang kanilang unang wika ay mas

mabilis natututunan ang mga kinakailangang kakayahan (DepEd Order No.

74,s..2009)Ang paggamit ng mother tongue ay pinapagana ang kakayahan ng mga

kabataang mag-aaral na mabilis na magpaliwanag nang walang takot na magkamali,

mapalawak ang kanilangmga ideya at dagdagan ang kanilang nalalaman. Mas tama

namang matatasahan ng mga guro angmga natutunan nila at matutukoy rin ang kanilang

mga kahinaan (Nolasco, Philippine DailyInquirer). Ang edukasyon na nakabase sa

mother tongue ay may positibong dulot sa pagaaral.Ang paggamit sa mother tongue ay

nagtataguyod ng pagkakaisa sa edukasyon at pinagiibayo ang kalidad ng edukasyon sa

paghubog ng kaalaman at mga karanasan sa pareho ng mag-aaral at guro. Ang

UNESCO ay naniniwala at sinusuportahan ang resulta ng mga pagaaral na nagpapakita

na ang mother tongue ang susi sa literasiya at pagkatuto. Ang DepEd ay naglista ng mga

empirikal na pag-aaral, gaya ng "Lingua Franca Project" at "Lubuagan First Language

Component Program", na nagpapakita na ang mga mag-aaral aymas mabilis na

natututong magbasa sa kanilang unang wika. Lumabas sa pag-aaral na ang mga mag-

aaral na natutong bumasa at sumulat sa kanilang unang wika ay mabilis na natututong


magsalita, magbasa at magsulat sa ikalawa at ikatlong wika. Ang mga silid-aralan kung

saan gumagamit ng mother tongue ay hinahayaan ang mgakabataan na maipahayag ang

kanilang sarili, mag-ambag sa mga usapin at mapaunlad ang katalinuhan sapagkat ang

palitan ng mga salita ay ginagamitan ng pamilyar na wika.

Ang mga pagtuturo gamit ang wikang hindi alam bigkasin ng mga mag-aaral

ay tinatawag na" submersion" (Skutnabb-Kangas 2000) dahil ito ay katulad nang

paglagay at pagpapabaya sa mga mag-aaral sa ilalim ng tubig nang hindi sila tinuturuan

lumangoy. Ang mother tongue ay likas na pundasyon sa lahat nang pagkatuto at

importante na ang mga kabataan ay gumamit ng mother tongue sa kanilang unang

pagpasok sa paaralan.

Ayon kay June Jordan (2009), “You will never teach a child a new language

by scoring, ridiculing and forcibly erasing his first language”. Sa simula ng pag-aaral, ang

mother tongue aynapakahalaga hindi lamang para mapaunlad ang mas matatag na

pundasyon ng edukasyon kundi para mas mapatibay ang kognitibong pag-unlad ng mga

mag-aaral. Sa paghubog ng kakayahang pangliterasiya sa unang wika, ang multilingual

na base sa mother tongue ay makakatulong sa pagpapatibay ng unang wika at

tumutugon sa magandang transisyon mula sa (unang wika) hanggang (pambansang

wika) at (internasyonal na wika) na ginagamit bilang paraan at kagamitan sa pagtuturo.

Inilahad ni Arao (2010), isang propesor sa Department of Journalism Ng College of Mass

Communication sa Unibersidad ng Pilipinas, na ang mga estudyante’y mas

komportableng gamitin ang wikang kinagisnan nila, ang midyum na ginagamit sa

pakikipag-usap sa magulang, mga kapatid, kalaro at iba pang kakilala. Ito’y sa


kadahilanang nasa dugo ang pagiging Pilipino, ang wikang Filipino’y natural na bahagi

ng katauhan ng bawat Pilipino.

Ayon kila Arnold, Bartlett, Gowani, at Merali (2006), maraming sistemang

pang-edukasyon sa buong mundo na ipinipilit ang ekslusibong paggamit ng isa o ilang

pribilehiyong mga wika kahit na nangangahulugan itong pagliban sa iba pang wika na

sanay nang sinasalita ng mga bata. Tinutuon ng sistemang pang-edukasyon ang

paggamit at paghasa ng isa o iilang mga wika na hindi isinasaalang-alang ang pang-

unawa ng mga mag-aaral.

Ang UNESCO ay hinihikayat ang paggamit ng mother tongue instruction sa

primaryang edukasyon simula pa noong 1953 dahil simula’t sapul, ito’y may

kapakinabangang maidudulot sa edukasyon: Ayon kay Kosonen (2005), ang mga bata

ay mas magiging produktibo sa paaralan; Batay kay Hovens (2002) at sa UNESCO

Bangkok (2005) ang mga bata sa mga probinsya na hindi gaanong gamay ang

dominanteng wika ay mas lumalagi sa paaralan at mas madalang na umulit ng baitang

ng pag-aaral; at ayon kila Bialystok (2001), Cummins (2000), King & Mackey (2007), ang

mga bata sa multilingual education ay mas umuunlad sa thinking skills kumpara sa mga

monolingguwal.

Ayon sa National Education Support Strategy ng United Nations Educational,

Scientific and Cultural Organisation (UNESCO), lubhang nakakabahala na mababang

kalidad ng edukasyon sa elementarya sa Pilipinas base sa achievement rates.

Dalawampu’t anim na porsiyento (26%) lamang ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang

ang may mastery of English (ang mastery ay nangangahulugang 75% o higit pa ang

marking nakuha). Tatlungpu’t isa (31%)ang may mastery of Mathematics at 15% naman
ang sa Agham. Ganun rin ang isinasaad ng istatistika sa High School: 7% na kahusayan

sa Ingles; 16% sa Matematika, at 2% sa Agham

Wikang Filipino ang kinagisnang wika at ito rin ang gamit sa

pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw kaya hindihamak na mas bihasa ang mga mag-

aaral sa paggamit nitong wika at mas nakakaunawa sila kung sariling wika ang gamit at

hindi ang wikang banyaga. Noong taong 2003, inilabas ng dating Pangulong Gloria

Arroyo ang E.O. 210 nanaglalayong palakasin ang wikang Ingles bilang ikalawang wika

ng Pilipino. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit noong mga nagdaang taon, isinulong

ng isang mambabatas ang pagtatag sa Ingles bilang tanging midyum ng instruksyon.

Ayon sa “English bill” na inakda ni Rep. Eduardo Gullas; mali ang sistema ng edukasyon

at ito raw ay nangangailangan ng wikang dinamiko tulad ng Ingles.

Noong nakaraang taon lamang inaprubahan ang aktuwal na paggamit ng

Multilingual Education (MLE) sa buong bansa sa bisa ng Department Order #74 ng

DepEd ngunit matagal na itong ginagamit ng mga taga-Lubuagan sa probinsiya ng

Kalinga. Sa nagdaang sampung taon. Ang 4th class municipality ng Lubuagan ang

naging modelo ng bansa pagdating sa Multi-lingual Education. Dalawang dekada na ang

nakakaraan, sila ay napabilang sa Top 10 non-performing schools sa buong Pilipinas.

Wikang Libuagen (isang barayti ng Kalingan dialect) lamang ang ginagamit sa Lubuagan

Elementary School mula Grade 1 hanggang 3 kung kaya’t mas naging madali ang pag-

intindi ng mga aralin kagaya ng Matematika, Agham, pati na ang pag-aaral ng Filipino at

ng Ingles. Sa dalawang dekada na paggamit ng bernakular; mayroong zero drop rate ang

paaralan. Noong 2006, ang Lubuagan district ang nagtamo ng pinakamataas na marka

sa National Achievement Test Sa Grade 3 reading test sa Ingles at Filipino sa mean score
na 76.55% at 76.45%. Hindi rin nahihirapan ang mga guro sa pagtuturo kung kaya’t sila’y

nahirang na “Best School for Kalinga” at “Model of Multilingual Education in the

Philippines”. Ang mga resulta ng mga pag-aaral ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw:

para matamo ang kahusayan ng mag-aaral sa Ingles o Filipino, and pinakaepektibong

paraan ng pagtuturo ay ang unang wika nanatutunan ng bata. Kung nakaya nga ng mga

bansang Pransya, Alemanya, Tsina, Hapon, at iba pa, na gamitin ang kanilang sariling

wika sa mga paaralan, siguradong magagawa rin natin ito sa PIlipinas. ‘Di man sila

ganoon kagaling sa Inglesan, mas malalim naman ang kanilang pagkakaintindi sa

mundong nakapaligid sa kanila.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay detalyadong nagpapaliwanag ng mga ginamit na

prosidyur o hakbang upang matukoy, mapili, maproseso at masuri ang mga

impormasyon sa pag-aaral. Partikular, ito ay inilalarawan ang disenyo ng pananaliksik,

instrumento, presentasyon ng mga datos at estadistika sa pag-aaral. Ang disenyo ng pag-

aaral ay tumutukoy sa ginamit na disenyo upang makamit ang layunin ng pag-aaral. Ang

instrumento ng pananaliksik ay tumutukoy sa ginamit na paraan upang makuha ang

espesipikong layunin ng pag-aaral. Ang presentasyon ng datos ay tumutukoy sa proseso

ng pag-oorganisa sa lohikal, sekwensyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon

ayon sa isinigawang pag-aaral at interpretasyon. Ang estadistika, statistics, o palaulatan

ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-aanalisa o pagsisiyasat,

pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga datos (o data).

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay may kwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan

binibigyang diin ang obhektibong pagsusukat at pagsusuri sa mga datos na nakalap. Nais

ng mga mananaliksik sa paggawa ng pag-aaral na may nasabing disenyo ay ang

maipakita at mapatunayan ang relasyon sa pagitan ng nakapag-iisang mga baryabol at

ng di nakapag-iisang baryabol. Napili ng mananaliksik na gamitin ang deskribo-

kwantitatibong pananaliksik na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire).

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para makalikom ng mga
datos mula sa mga respondente at mas makakalap ng impormasyon na magiging

epektibo sa pananaliksik.

Mga Hakbang sa Pag-aaral

Ang ilang hakbang na ginawa sa pag-aaral ay una, humingi ng pahintulot ng

mananaliksik sa administrador ng paaralan, mga kalahok na mag-aaral, at

tagapangasiwa upang masimulan ang survey. Sumunod ay binuo ang talatanungan

tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng wikang Filipino bilang

midyum nga pagtuturo sa asignaturang agham. Matapos mabuo ang mga talatanungan

ay ang pagpapakita at pagpapabalido sa mga guro. Nagsagawa ang mananaliksik ng

survey sa mga Grade 11-SHS ng Holy Child College of Davao. Ibinigay ng mga

mananaliksik ang mga survey questionnaire na may eksaktong limampung (50)

partisipante sa departamentong ICT ( Information and Computer Technology) na may

sampung partisipante, HUMSS (Humanities and Social Sciences) na may benteng (20)

partisipante, STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) na may (10)

sampung partisipante, at ABM ( Accountancy and Business Management) na mayroon

ding (10) sampung partisipante

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoneyr na naglayong makapangalap ng

datos upang masuri ang kahandaan at kaalaman ng mga estudyante kung sakaling
maipasa ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa asignaturang Agham.

Random sampling ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga respondente sa

ika-11 baitang ng Senior High School Department.

Lawak ng Mean Antas Interpretasyon

4.20-5.0 Lubos na sumasang-ayon Lubos na sumasangayon

ang mga respondante sa

mga tanong.

3.40-4.19 Sumasang-ayon Sumasangayon ang mga

respondante sa mga

tanong.

2.60-3.30 Katamtaman Katamtaman lang ang

pagsangayon ng mga

respondante sa mga

tanong.

1.80-2.59 Hindi sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon ang

mga respondante sa mga

tanong

1.79 Pababa Lubos na hindi Lubos na hindi

sumangsang-ayon sumasangayon ang mga

respondante sa mga

tanong.

Talahanayan 1. Antas sa Pangangalap ng Sarbey


Ang talahanayan bilang 1 ay ipinapakita ang antas sa pangangalap ng

sarbey. Ang unang kulom o hanay ay nagpapahiwatig ng lakaw ng mean na ginamit sap

ag-aaral habang ang pangalawang kulom naman ay ang antas sa sarbey na ginamit

upang matukoy kung sumasangayon ba ang mga respondante sa mga tanong at

panghuling kulom ay tinutukoy kung ano ang interpretasyon ng sarbey.

Populasyon at Bilang ng mga Respondente

Sa pananaliksik na ito ang mga mag-aaral sa Seniior High School ng Holy Child

College of Davao-Mintal Campus sa bawat departapento ang napiling respondate ng pag-

aaral. departamentong ICT ( Information and Computer Technology) na may sampung

partisipante, HUMSS (Humanities and Social Sciences) na may dalawampung (20)

partisipante, STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) na may (10)

sampung partisipante, at ABM ( Accountancy and Business Management) na mayroon

ding (10) sampung partisipante.

Kabuuang Bilang ng mga Mag-aaral na Tagatugon sa Pananaliksik


Departamento Bilang ng Tagatugon
HUMSS 20
ABM 10
STEM 10
ICT 10
Kabuuan 50
Talahanayan 1.2 Bilang ng mga respondante

Ang talahayan bilang 2 ay ang kabuuang bilang ng respondent sa pag-aaral. Sa

unang kulom o hanay ay ang Departamento na kinabibilangan ng mga tagatugon at ang


sa pangalawang kulom naman ay ang bilang ng tagatugon sa pananaliksik na may

kabuuang limampung (50) partisipante.

Estadistika

Ang estadistika ay ang pag-aaral tungkol sa pagtitipon, pagsasaayos, pag-

aanalisa o pagsisiyasat, pagbibigay kahulugan o interpretasyon at pagtatanghal ng mga

datos. Kabilang dito ang pagpaplano ng pagkuha o koleksiyon ng datos ayon sa disenyo

o paraan ng mga estadistikal na survey at desinyong eksperimental. Ang estadistiko ay

maalam sa mga paraan na kailangan para sa matagumpay na aplikasyon ng analisis na

estadistikal. Ang mean o average ay ginagamit upang makuha ang sentral ng datos na

pinag-uusapan. Natutukoy ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng lahat ng mga puntos

ng datos sa isang populasyon at pagkatapos ay hinati ang kabuuan ng bilang ng mga

puntos. Ang nagresultang bilang ay kilala bilang mean o average.


KABANATA IV

Resulta at Diskusyon

Sa kabanatang ito itinatalakay ang mga resulta ng nakalop na mga datos sa pag-

aaral. Ang resultang nakapaloob sa kabanatang ito ay mahalaga sa pagtuklas ng

kanilang opinyon sa mga nasabing tanong na siyang magiging basehan sa aming pag-

aaral. Sa kabanatang ito ipinapakita ang mga talahayanan na nagrerepresenta ng

kabuuang mean o average ng mga nakuhang datos sa bawat departamento na mga

respondate sa aming pag-aaral. Nakapaloob rin dito ang mga diskusyon sa mga

resultang aming nakalap at mga interpretasyon mula sa nakuhang datos.

Respondante Mean

HUMSS 3.8

ICT 3.6

STEM 3.6

ABM 3.5

Kabuuang Mean 3.6

Talahayanan 2. Q1. Mas magiging komportable ka ba kung ang wikang gamit sa


pagtuturo ng asignaturang agham ay wikang Filipino?

Ang talahanayan sa itaas ay ang resulta ng datos na nakalap sa bawat strand.

Ang HUMSS ay nakakuha ng 3.80, habang ang ICT ay nakakuha naman ng 3.60, ang

departamentong STEM ay nakakuha ng 3.60 at ang departamentong ABM ay nakakuha


naman ng 3.50, sa unang tanong, lumalabas na ang lahat ng departamento ay may antas

na sumasang-ayon, na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon silang lahat sa nasabing

tanong. Ang kabuuang resulta ng mga strand ay nakakuha ng 3.60, na may antas ring

sumasang-ayon, na ang ibig sabihin rin ay sumasang-ayon ang mga mag-aaral mula sa

iba’t-ibang strand sa nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.0

ICT 3.20

STEM 3.20

ABM 3.50

Kabuuang Mean 3.23

Talahanayan 2.1 Q2.Nakakaapekto ba ang paggamit ng wikang nakasanayan sa iyong


pagkatuto?

Ang talahanayang nasa itaas ay ang representasyon ng datos sa iba’t-ibang

departamento sa pangalawang tanong. Ang departamentong Humss ay nakakuha ng 3.0

na mean o average habang ang strand na Ict naman ay nakakuha ng 3.20 at ang Stem

naman ay nakakuha ng 3.20, lumalabas na ang mga nabanggit na mga departamento ay

may anats na katamtaman, na may interpretasyong katamtaman lamang ang pagsang-

ayon ng mga respondante sa nasabing tanong. Habang ang Abm naman ay ang

natatanging departamento na nakakuha ng mean na 3.50 at antas na sumasang-ayon,

na mayroong interpretasyon na ang mga respondante sa nasabing departamento ay

sumasang-ayon sa nasabing tanong. Ang kabuuang mean sa pangalawang tanong ay


3.23 na may antas na katamtaman, na ang ibig sabihin ay katamtaman lamang ang

kanilang pagsang-ayon sa nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.75

ICT 3.60

STEM 3.80

ABM 3.70

Kabuuang Mean 3.68

Talahanayan 2.2 Q3. Mas mapapabilis ba ang iyong pagkatuto kung ang wikang gamit
ay Filipino?

Ang talahanayan 2.2 ay ang representasyon ng mga datos na nakalap sa

pangatlong tanong sa bawat departamento at ang kabuuang mean nito. Ang

departamentong Humss ay nakakuha ng 3.75 na mean, habang ang Ict naman ay

nakakuha ng 3.60, Stem na mayroong 3.80 at Abm na mayroong 3.70 na mean,

lumalabas na ang mga departamentong nabanggit ay may antas na sumasang-ayon, na

ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ang mga respondante sa nasabing tanong.

Lumalabas na mayroong 3.68 na kabuuang mean, kung saan mayroon din itong antas

na sumasang-ayon, na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ang mga respondate sa

nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.75

ICT 3.40
STEM 3.30

ABM 3.40

Kabuuang Mean 3.46

Talahanayan 2.3 Q4. Mas tataas ba ang iyong marka kung ang wikang Filipino ang
midyum ng pagtuturo sa asignaturang agham?

Ang talahanayang nasa itaas ay ang representasyon ng datos sa iba’t-ibang

departamento sa pang-apat na tanong. Ang departamentong Humss ay nakakuha ng

3.75 na mean o average habang ang strand na Ict naman ay nakakuha ng 3.40 at ang

Abm naman ay nakakuha rin ng 3.40, lumalabas na ang mga nabanggit na mga

departamento ay may antas na sumasang-ayon, na may interpretasyong sumasang-ayon

ang mga respondante sa nasabing tanong. Habang ang Stem naman ay ang

natatanging departamento na nakakuha ng mean na 3.30 at antas na katamtaman, na

mayroong interpretasyon na ang mga respondante sa nasabing departamento ay

katamtaman lamang ang pagsang-ayon sa nasabing tanong. Lumalabas na mayroong

3.46 na kabuuang mean, kung saan mayroon din itong antas na sumasang-ayon, na ang

ibig sabihin ay sumasang-ayon ang mga respondate sa nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.65

ICT 3.60

STEM 3.10

ABM 3.30

Kabuuang Mean 3.41


Talahanayan 2.3 Q5. Dapat bang manatiling Ingles ang mga teknikal na termino o
katawagan sa asignaturang agham?

Ang talahanayang nasa itaas ay ang representasyon ng datos sa iba’t-ibang

departamento sa pang-limang tanong. Ang departamentong Humss ay nakakuha ng 3.65

na mean o average at ang strand na Ict naman ay nakakuha ng 3.60, lumalabas na ang

dalawang departamento ay may antas na sumasang-ayon, na may interpretasyong

sumasang-ayon ang mga respondante sa nasabing tanong. Habang ang Stem ay

nakakuha ng 3.10 at ang Abm naman ay nakakuha ng 3.30 na may antas na

katamtaman, na mayroong interpretasyon na ang mga respondante sa nasabing

departamento ay katamtaman lamang ang pagsang-ayon sa nasabing tanong. Sa huli,

lumalabas na mayroong 3.41 na kabuuang mean sa pang-limang tanong, kung saan

mayroon itong antas na sumasang-ayon, na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ang mga

respondate sa nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.20

ICT 3.70

STEM 3.90

ABM 3.10

Kabuuang Mean 3.47

Talahanayan 2.4 Q6. Mas mahihirapan ka ba kung ang wikang gamit sa pagtuturo ng
agham ay Filipino?

Ang talahanayang 2.4 ay ang representasyon ng datos sa iba’t-ibang

departamento sa pang-anim na tanong. Ang departamentong Ict ay nakakuha ng 3.70

na mean o average at ang strand na Stem naman ay nakakuha ng 3.90, lumalabas na


ang dalawang departamento ay may antas na sumasang-ayon, na may interpretasyong

sumasang-ayon ang mga respondante sa nasabing tanong. Habang ang Humss ay

nakakuha ng 3.20 at ang Abm naman ay nakakuha ng 3.10, na may antas na

katamtaman, na mayroong interpretasyon na ang mga respondante sa nasabing

departamento ay katamtaman lamang ang pagsang-ayon sa nasabing tanong. Sa huli,

lumalabas na mayroong 3.47 na kabuuang mean sa pang-anim na tanong, kung saan

mayroon itong antas na sumasang-ayon, na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon ang mga

respondate sa nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.75

ICT 3.50

STEM 3.80

ABM 3.90

Kabuuang Mean 3.74

Talahanayan 2.5 Q7. Nakakatulong ba ang wikang Filipino upang mas madaling
maipaliwang ng mga guro ang leksyon?

Ang talahanayan sa itaas ay ang resulta ng datos na nakalap sa bawat

strand. Ang HUMSS ay nakakuha ng 3.75, habang ang ICT ay nakakuha naman ng 3.50,

ang departamentong STEM ay nakakuha ng 3.80 at ang departamentong ABM ay

nakakuha naman ng 3.90, sa pang-pitong tanong, lumalabas na ang lahat ng

departamento ay may antas na sumasang-ayon, na ang ibig sabihin ay sumasang-ayon

silang lahat sa nasabing tanong. Sa huli, ang kabuuang resulta ng mga strand ay 3.74,
na may antas ring sumasang-ayon, na ang ibig sabihin rin ay sumasang-ayon ang mga

mag-aaral mula sa iba’t-ibang strand sa nasabing tanong.

Strand Mean

HUMSS 3.40

ICT 3.30

STEM 3.70

ABM 3.80

Kabuuang Mean 3.55

Talahanayan 2.6 Q8. Mas maipapaliwanag mo ba ng maigi ang leksyon o ano mang
katanungan kung ang iyong gamit ay Filipino?

Ang talahanayang nasa itaas ay ang representasyon ng datos sa iba’t-ibang

departamento sa pang-walong tanong. Ang departamentong Humss ay nakakuha ng

3.40 na mean o average habang ang strand na Abm naman ay nakakuha ng 3.80 at ang

Stem naman ay nakakuha rin ng 3.70, lumalabas na ang mga nabanggit na mga

departamento ay may antas na sumasang-ayon, na may interpretasyong sumasang-ayon

ang mga respondante sa nasabing tanong. Habang ang Ict naman ay ang natatanging

departamento na nakakuha ng mean na 3.30 at antas na katamtaman, na mayroong

interpretasyon na ang mga respondante sa nasabing departamento ay katamtaman

lamang ang pagsang-ayon sa nasabing tanong. Sa huli, lumalabas na mayroong 3.55

na kabuuang mean, kung saan mayroon din itong antas na sumasang-ayon, na ang ibig

sabihin ay sumasang-ayon ang mga respondate sa nasabing tanong.


Strand Mean

HUMSS 3.60

ICT 3.60

STEM 3.50

ABM 3.70

Kabuuang Mean 3.61

Talahanayan 2.7 Q9. Nakakatulong ba sa bansa ang paggamit ng wikang Filipino bilang
midya ng pagtuturo sa asignaturang agham?

Strand Mean

HUMSS 3.70

ICT 3.40

STEM 3.55

ABM 3.50

Kabuuang Mean 3.54

Talahanayan 2.8 Q10. Naaapektuhan ba ang pagiging globally competitive ng bansa sa


larangan ng agham kung ang gagamitin sa pagtuturo ay wikang Filipino?
KABANATA V

Rekomendasyon at Konklusyon

Konklusyon

Ang pananaliksik na ito ay may nais na maipasa at may maiparating sa aspeto

ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng asignaturang Agham.

Batay sa mga nailahad na datos, napatunayan ng mga mananaliksik na kinakailangang

maipasa ang wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng nasabing asignatura. Narito

ang mga opinyon ng mga mananaliksik ukol sa benepisyo ng paggamit ng Wikang Filipino

sa pagtuturo ng Agham.
Una, mas tatangkilikin ng mga estudyante ang sariling wika. Kapansin pansin

sa mga mamayan ngayon lalong lalo na sa mga kabataan at mga estudyante na sila ay

naglalayong maging bihasa sa pagsasalita ng ibang lengguwahe tulad na lamang ng

Ingles at Korean Language dahil sa paniniwalang magiging “globally competitive” sila

kung marunong silang magsalita ng lengguwahe ng mga banyaga. Sumasangayon

naman ang mga mananaliksik rito, ngunit hindi maaring maisantabi nalamang ang

Wikang Filipino ng dahil lang sa gustong matuto ng mga mamamayan ng iba’t ibang

lengguwahe.

Pangalawa, magiging malaya ang mga Pilipino mula sa pagkakatali sa ibang

lengguwahe sapagkat kung mas ginagamit ito at mas ipinalalawak ang kaalaman ng mga

estudyante sa Wikang Filipino, tiyak na mas matututo silang pahalagahan ito at maitatak

sa kanilang mga isip na karapatdapat na bigyang pansin ang wikang kanilang kinalakhan.

Ang pangatlo at ang huling benepisyo, hindi lamang ito upang muling

maiangat ang Wikang Filipino mula sa pagkakabaon sa limot kung hindi muli ring maibalik

ang diwa ng kulturanh Pilipino na ngayon ay kinakalimutan na ng mga Pilipino, sapagkat

kung uumpisahan ang pagbabago mula sa paggamit ng wikang Filipino bilang midyum

sa asignaturang agham, magsisimula rin ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa sariling

kultura.

Narito ang mga kailangan gawin ng mga estudyante sa paggamit ng Wikang

Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng asignaturang agham:


Una, mahalin at tangkilikin ang kanilang sariling wika upang maging

interesado sila sa pagkatuto sa Agham gamit ang Wikang Filipino.

Pangalawa, sanayin ang mga sariling gamiting ang Wikang Filipino sapagkat

nakabubuti ito para sa mga estudyante at para sa mismong wika upang hindi maibaon

sa limot. Pangatlo at ang panghuli, gawing bukal sa kanilang kalooban ang paggamit ng

Wikang Filipino sa asignaturang Agham ng hindi gumagamit ng wikang banyaga upang

mas mapahalagahan ang sariling wika at hindi makalimutan. Nagiging sanhi ng

pagkabaon ng Wikang Filipino ang pagtatangkilik sa wikang banyaga ng mga Pilipino.

Gagawing hakbang ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa asignaturang

Agham tungo sa muling pagpapahalaga sa sariling wika ng mga mamamayan lalong lalo

na ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, buong

mapagkumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Sa halip na wikang banyaga ang gamitin sa pagtuturo ng asignaturang Agham, mas

naayong gamitin ang Wikang Filipino para sa kaunlaran nito.

2. Lubos na kinakailangang alamin muna ang saloobin ng mga estudyante tungkol sa

paggamit ng Wikang Filipino sa asignaturang Agham.


3. Kung ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa Asignaturang

Agham ay magdudulot ng positibong epekto, nararapat lamang na ito ay gamitin sa

pagtuturo sa Agham.

4. Kinakailangang paigtingin ang paggamit ng Wikang Filipino upang sa halip na

tangkilikin ang wikang banyaga, ay mas natatangkilik ng mga estudyante ang sariling

wika.

SANGGUNIAN

Article XIV of Philippine Constitution. (2002). Kinuhang muli Pebrero 24, 2020, mula sa

https://www.tagaloglang.com/article-xiv-philippine-constitution/.

Andrew, G. (2009). Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng

Kakanyahang Pilipino. Kinuhang muli Pebrero 24, 2020, mula sa

https://ejournals.ph/article.php?id=7949.
Kasaysayan ng Wikang Filipino. (2009). Kinuhang muli Pebrero 24, 2020, mula sa

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang

filipino/story/.

Sullivan, K. J. (2008, August 20). Using everyday language to teach science may help

students learn, study finds. Kinuhang muli Pebrero 24, 2020, mula

sa http://news.stanford.edu/news/2008/august20/teachsci-082008.html

You might also like