You are on page 1of 2

Pahayag para sa Pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang mga Sabjek sa Kolehiyo

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas


Kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
18 Hunyo 2014

1. Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas


matinding tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang
Filipino sa General Education Curriculum ng Commission on Higher Education (CHE
pamamagitan ng ipinalaba na CHED Memorandum Order No, 20, Series of 2012 Naniniwala
kaming ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Serie 2013 ay
paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng mga
Filipino. kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi
ng mga Filipino.
2. Narito ang aming batayan.
3. Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa kolehiyo.
Ang pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa ingles o
Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunit ang
wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga
unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro at mag-aaral, gayundin sa iba pang mga
puwersa sa loob at labas ng akademiya. Ang kunwa'y paglalatag ng mga kursong GE na
maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay likha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika,
bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpil sa Ingles dahil ito ang inimaheng "wika ng edukado”
at "wikang susi ng kaunlaran.”
4. Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang
lehitimong dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang
ang Filipino, kahanay ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala
ng ganitong pagtingin ang integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng
karunungan at isa ring paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung
gayon, nag-aambag sa pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.
5. Pangatlo, ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang
pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa pagpapaunlad ng isang bayan.
6. Ang wikang Filipino ay kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na ang wikang
pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa
maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong dekada 1970,
yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang
pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan-maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng iba't
ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan
gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika, Isa
sa mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang intelektuwalisasyon nito, Resulta ito
ng paggamit ng wikang Filipino sa iba't ibang disiplina na ibinunga rin naman ng
mga pinuniang kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa Filipino. Kung ibinaba sa senior
high school ang pagtuturo ng mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa
ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga
diskursong panlipunan sa iba't ibang disiplina.
7. Ang wikang Filipino ay identidad ng Filipino, Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Dahil
nasa wika mismo ang kaalaman sa sariling pisikalat di-pisikal na daigdig, hindi lamang usapin
ng wikang panturo ang Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka-Filipino. Sasaklawin
ng sabjek na Filipino ang ibat ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino
na magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad. Ito ang
magiging matibay na pundasyon ng mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa
mabilis na pagbabago ng kaayusang global ngayon.
8. Ang wikang Filipino ay susi ng kaalamang bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang
lokal - mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang
pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa
akademiya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng
dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa
antas tersiyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang
gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng
mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng
serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag
at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang
kaalaman.
9. Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng
karahasang pangkamalayan. Nilulusaw nito ang pagpapahalaga sa kasaysayan at
kabihasnang tanging wikang Filipino ang makapagpapaliwanag. Ang pagsisikap ng ating mga
ninuno sa pagkilala sa galing at integridad ng lahing Filipino ay mapapalis kung hindi ito
maipakikilala sa wikang nakauunawa ng pasakit at pakikipagsapalarang ibinuwis nila,
makamit lamang ang kasarinlan.
10.Napagtagumpayan na ng mga naunang bayani ng bayan ang mga tinatamasa
nating pagkilala sa wikang Filipino bilang isang wikang mayaman at taglay ang
karunungang matalas at nangunguna sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Nasa wikang
Filipino ang karunungang makapagtutulos ng pagka-Filipino sa mabilis na nagbabagong daigdig.
11.Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education na
pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan
at tungkulin bilang Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing
kasangkapan para matamo ito-ang wikang Filipino ay buburahin ng institusyon na
dapat sana'y nagtataguyod at pumapanday nito.
12.Kaya kaming mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino, kasama na
kaming mga kapuwa guro, manunulat, mananaliksik, at artistang nagmamahal sa wika at
kaalamang Filipino ay naninindigang dapat ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa antas
tersiyarya.
13. Ituro ang Filipino bilang regular na kurso sa kolehiyo!
14.Ibasura ang CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013!

Constantino,Zafra (2016),Filipino sa Pling Larangan (Akademik), Rex Book Store

You might also like