You are on page 1of 3

SULONG WIKANG FILIPINO

Ayon sa MEMO 20 s.2013 ng CHED, sila ay nagtatakda ng bagong sistema sa general education
curriculum sa buong unibersidad at at kolehiyo sa Pilipinas kung saan mula sa 63 units ay
nabawasan ito at nagging 36 units na lamang. Sinsabing ito ay mapupunta sa K-12 kurikulum,
kasama sa aalisin sa kolehiyo ay ang Filipino. Ayon sa mga eksperto, ito ay magiging malaking
hamon sapagkat madami ang maaapektuhan ditto kasama na ang mga guro lalo ang mga mag-
aaral. Pinapatay rin ito ang intektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Hindi ito nagbibigay galang at respeto sa naabot na ng wikang Filipino. Ang ating wika ay
simbolo ng ating bansa ngunit hindi nangangahulugan na dapat lamang itong manatili na isang
simbolo. Sinasabi nga na obligasyon ng konstitusyon ng administrasyong Aquino ang
pagpapalaganap,pagtaguyod at pagpapaunlad sa Filipino bilang wikang pambansa at wikang
panturo ngunit ang CHED na mismo ang lumalabag dito. Hindi sapat na ilagay ang Filipino sa
sekondaryang edukasyon sapagkat hindi ito maituturo ng maayos. Hindi sapat ang kontekstong
alam ng mga guro sa sekondarya upang maibahagi ang tunay sa kahalagahan ng Filipino. Hindi
pa handa ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa pagalis nito sa kolehiyo at paglipat sa
sekondarya. Kailangang ilaban at isulong ang patuloy na pagturo ng Filipino sa kolehiyo
sapagkat kailangan ito ng kabataang Pilipino

MGA POSISYONG PAPEL NG IBA'T IBANG UNIBERSIDAD KAUGNAY NG


FILIPINO SA KOLEHIYO

Ipinataw ng CHED ang General Education Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang


Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal sa Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi pagtatanggal din ng mga guro sa
Filipino na karamihan ay matagal nang panahong nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang
mga diskurso at usapan hinggil sa pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino,
pagpapayabong ng sariling kultura at pagmamahal sa bayan.
Mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro sa kolehiyo, nabuo ang Tanggol Wika o Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino na naglalayon na panatilihin ang asignaturang Filipino
sa kolehiyo, at isulong ang makabayang edukasyon. Dahil naniniwala sila na ang sariling wika
rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa
akademya.

POSISYONG PAPEL NG PAMBANSANG SAMAHAN SA LINGGWISTIKA AT


LITERATURANG FILIPINO (PSLLF)

Ang pinakapunto sa posisyong papel ng organisyon ay hinggil sa paggamit ng wikang Filipino


bilang wikang panturo sa kolehiyo, at pagkakaroon ng mga asignaturang Filipino bilang
mandatory core course sa kolehiyo. Naninindigan sila na gamitin ang wikang Filipino bilang
mandatory na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC),
bukod pa sa asignaturang Rizal.

Ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa “social studies/social sciences,
music, arts, physical education, home economics, practical arts and character education.”
Katunayan, maraming asignatura sa larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal
nang itinuturo sa Filipino. Iminumungkahi ng organisasyon na palawakin pa ang saklaw ng
Filipinisasyon ng wikang panturo sa kolehiyo sa pamamagitan ng mandatory na paggamit nito sa
12 yunit sa bagong GEC. Sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course
sa kolehiyo, sumusuporta ang PSLLF sa pagkakaroon ng 9 na yunit ng asignaturang Filipino na
may multi/interdisiplinaring disenyo. Ilan sa mga asignaturang Filipino na maaaring ituro sa
kolehiyo bilang core course ang mga sumusunod: Wikang Filipino Bilang Wikang Intelektwal sa
Agham Panlipunan, Humanidades, Agham, at Teknolohiya; Panitikan at Lipunan; Mga Wika at
Kultura ng Pilipinas; at Mga Babasahin sa Araling Pilipinas (Philippine Studies). Ayon din sa
organisasyon, ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang larangan ay
magiging epektibo lamang kung may mga asignaturang Filipino sa kolehiyo na magtitiyak sa
mataas na antas ng kasanayan ng mga estudyante sa paggamit nito.
ALYANSA NG MGA TAGAPAGTANGGOL NG WIKANG FILIPINO/TANGGOL
WIKA: INTERNAL NA KWENTO, MGA SUSING ARGUMENTO AT DOKUMENTO
(2014-2017)

Ang papel na ito ay panimulang pagsasalaysay ng ilang internal na kwento kaugnay ng


pagtatatag ng Tanggol Wika, ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng
Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and
Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol
ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) ang grupong nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at
bukod na asignaturang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul. Ang papel ay
naglalaman ng labing apat na argumento na nagpapatunay na mahalaga at hindi dapat alisin ang
wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod: -walang makabuluhang argumento ang mga anti-
filipino – ang kampong tanggal wika – sa pagpapatanggal ng filipino at panitikan - dapat may
filipino at panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa junior at/o senior high school
ay may katumbas pa rin sa kolehiyo - ang filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng
pag-aaral, at hindi simpleng wikang panturo lamang - para maging epektibong wikang panturo
ang filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura -bahagi ng college readiness
standards ang filipino at panitikan -sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling
wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito -binigyan ng deped at ched ng
espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum, kaya lalong dapat na may espasyo para sa
wikang pambansa - pinag-aaralan din sa ibang bansa ang filipino – at may potensyal itong
maging isang nangungunang wikang global –kaya lalong dapat itong pag-aralan sa pilipinas -
malapit ang filipino sa bahasa melayu, bahasa indonesia, at brunei malay, mga wikang ginagamit
sa malaysia,singapore, indonesia, at...

You might also like