You are on page 1of 15

ANG

PAGTATAGUYOD NG
WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA
ANTAS NG
EDUKASYON AT
LAGPAS PA
Mga Posisyong Papel Hinggil
sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA NG
TANGGOL WIKA
TANGGOL WIKA- Ang alyansa ng mga tagapagtanggol ng
wikang Filipino o Tanggol Wika ang alyansang nangunguna sa
pakikibaka laban sa pagpaslang ng Commission on Higher
Education (CHED) sa Filipino, Patanitikan at Philippine
Government and Constitution Subjects sa kolehiyo at kapatid na
organisasyon ng alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan
(Tanggol Kasaysayan) na grupong nagtataguyod naman ng
pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang
Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul.
Nabuo ang tanggol wika sa isang konsultatibong forum noong
Hunyo 21, 2014 sa Dela Salle University (DLSU), Manila.
 MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA
NG TANGGOL WIKA
 2011- kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo .
 Agosto 29, 2012- nakatala sa presentasyon ni deped assistant secretary Tonisito M. C. Umali sa bagong RGEC ang kawalan ng
asignaturang filipino para sa antas ng tersyarya.
 Oktubre 3, 2012 – sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa
CHED at Department of Education na ipahinto ang implementasyon ng Senior High School/Junior College at ng Revised
General Education Curriculum sa ilalim ng K to 12 na maaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa Departamento ng Filipino
sa unibersidad.
 Disyembre 7, 2012 – inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa bagong CHED Curriculum”
na may pamagat na “ Isulong ang ating Wikang Pambansa Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro
sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas sa akda ni Prop. Ramilito Correa.
 Hunyo 28, 2013- inilabas ng CHED ang CMO no. 20, series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas
ng tersyarya sa ilalim ng K to 12 kabilang dito ang Understanding the Self, Readings in Philippine History, The Contemporary
World, Mathematics in the Modern World, Purposive Communication, Art Appreciation, Science Technology and Society and
Ethics.
 MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA
NG TANGGOL WIKA
 March 3, 2014- sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas ng panibagong liham-pretisyon sa
CHED
 Hunyo 2, 2014- sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sila dalawang
komisyoner ng CHED. Napagkasunduan na muling sumulat sa CHED ang mga guro na pormal na i-
reconvence ang technical panel/ technical working group sa Filipino at sa General Education Committee
kasama ang kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit na magkaroon ng asignaturang Filipino sa antas
tersyarya.
 Hulyo 4, 2014- nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika
 Abril 15, 2015- nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa panguguna ni Dr. Bienvenido
Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan
Partylist Rep. Terry Ridon at mahigit isang daang propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.
 Abril 21, 2015- kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng Temporary
Restraining Order.
MGA ARGUMENTO NG TANGGOL WIKA SA PAG-AALIS NG COMMISSION ON
HIGHER EDUCATION NG ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO

ARGUMENTO 1: Walang makabuluhang argumento ang mga antiFilipino – ang kampong tanggal wika – sa pagpapatanggal
ng Filipino at Panitikan
ARGUMENTO 2: Dapat may Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura na nasa Junior at/o Senior High
School ay may katumbas pa rin sa kolehiyo
ARGUMENTO 3: Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi simpleng wikang panturo
lamang
ARGUMENTO 4: Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura
ARGUMENTO 5: Bahagi ng college readiness standards ang Filipino at Panitikan
ARGUMENTO 6: Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging
wikang panturo nito
ARGUMENTO 7: Binigyan ng DepEd at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum, kaya lalong dapat na
may espasyo para sa wikang pambansa
MGA ARGUMENTO NG TANGGOL WIKA SA PAG-AALIS NG COMMISSION ON
HIGHER EDUCATION NG ASIGNATURANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO

• ARGUMENTO 8: Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang filipino – at may potensyal itong maging isang nangungunang
wikang global – kaya lalong dapat itong pag-aralan sa pilipinas
• ARGUMENTO 9: Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia, at Brunei Malay, mga wikang ginagamit sa
Malaysia, Singapore, Indonesia, at Brunei, na mga bansang kasapi ng ASEAN, kaya’t mahalagang wika ito sa konteksto
mismo ng ASEAN Integration
• ARGUMENTO 10: Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa National Achievement Test (NAT)
• ARGUMENTO 11: Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: ang wika sa demokratiko at
mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong panlipunan
• ARGUMENTO 12: Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21
• ARGUMENTO 13: Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang
ekonomiya ng bansa
• ARGUMENTO 14: May sapat na materyal at nilalaman na maituturo sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo
1. PAGTIYAK SA AKADEMIKONG KATAYUANG AKADEMIKO NG
FILIPINO BILANG ISANG ASIGNATURA SA ANTAS NG TERSYARYA – Isang
posisyong papel na isinulat ng Pambansang Samahan sa Lingwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF) noong Mayo 31, 2013 sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag.
 “Sa antas na tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng
pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya”
 “Sa panahon ito ng globalisasyon, higit na kailangan ang pagpapanatili ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng
antas ng pag aaral upang patatagin at pagyamanin ang ating pagka-Filipino.
 “Ang ating wika at panitikan ay salamin at tagapagpahayag ng ating hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan,
hinanakit, sama ng loob,pangarap, pag-asa at iba pang damdamin na nagbibigay sa atin ng lakas upang humakbang
mula rito patungo sa dako paroon ng hinaharap. Ang pagkakait ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ay
pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.”
 “Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa 12
unit sa bagong general education curriculum, bukod pa sa asignaturang Rizal. Ito ay alinsunod sa patakarang
Bilinggwal Education na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order no. 25, series of 1974 ng Department of
Education, Culture and Sports.”
2. “Pagtatanggol sa wikang filipino, tungkulin ng bawat lasalyano”- Departamento ng
Filipino ng De la Salle University, Manila, Agosto 2014- ang adbokasiyang ito’y pagsasalba
sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at
pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.

 “ Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa


pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan
sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong
mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran, alinsunod ito
sa bokasyon ni San Juan Bautista de la Salle na nagsikhay sa paggamit
ng sariling wika”
 “Sa pamamagitan ng asignaturang filipino sa DLSU, inaasahang may
sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng
pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o
kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura,
tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.”
3. ANG PANININDIGAN NG KAGAWARAN NG FILIPINO SA
PAMANTASANG ATENEO DE MANILA SA SULIRANING PANGWIKANG
UMUUGAT SA CHED MEMORANDUM ORDER NO. 20 SERIES OF 2013

“ Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng
sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob
at labas ng akademya. Dapat itong patuloy na ituro sa tersyarya at gradwado bilang integral
na bahagi ng anumang edukasyong propesyunal.”
“ Ang banta na alisin ang Filipino sa Akademikong konteksto ay nagdudulot ng ibayong
pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. At lalong hindi
dapat pagsabungin ang wika at dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong
ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sariling at kanilang
interes.”
4. POSISYONG PAPEL NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS SA ILALIM
NG KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS DILIMAN

 “ Kahalagahanng Filipino sa komunikasyong panloob, bilang wikang susi ng


kaalamang bayan. Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal- mga
kaalamang patuloy na hinuhubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika din ang
daluyan para mapalaganap ang dunong- bayang na pakikinabangan ng bayan.”
“ Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas na tersyarya ang sanayin ang mag-
aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang
napili nilang disiplina sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.”
5. PANININDIGAN NG KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP), Samahan Ng
Dalubguro Sa Filipino(sadafil), Samahan Ng Mga Batang Edukador Ng Wikang Filipino at Mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro Sa Malikhaing Pagsulat at
PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” ng Polytechnic University

“Kahalagahan ng wikang filipino bilang wika ng pakikipagtalastasan ng mga


Pilipino. Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat .
nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasanng mga
Filipino. Mga Filipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at
naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga
mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,
tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang
wika mo, iyon ang identidad mo.”
6. PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYON PANGGURO NG PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY 2014

“Isang moog na sandigan ang Wikang Filipino upang hindi isalin ang hindi
magmaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa
pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay
mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasanayan ng bawat
mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang
Wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay
ang mga araling hindi lamang nagtatapos sa apat na ulok ng silid-aralan.”
BAKIT MAHALAGA ANG WIKANG FILIPINO?
1. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng
komunikasyon sa mga nakapaligid sa atin.
2. Ang wika ang nagsisilbing sinulid na nagkokonekta sa bawat isa, isang sinulid
na hindi maaring basta-basta mapuputol kung ating iingatan at pahahalagahan.
3. Ang wika ay malaking ginagampanan sa ating lipunan at pamahalaan.
4. Nagiging gabay natin ang wika sapagkat ito ay nagbibigay kaalaman sa atin
kung ano ang tama at mali.
5. Hindi mauuso ang entertainment at media sa mundo. Ang wika ay nagbibigay
impormasyon dahil nalalaman natin ang kaganapan sa ating paligid.
BAKIT MAHALAGA ANG WIKANG FILIPINO?

6. Sa pamamagitan ng wika, napapalawak natin ang ating kaalaman at


mas nalilinang natin ang angking galing sap ag-intindi at wastong
paggamit ng wika.
7. Ang wika ay nagsisilbing tulay natin para mas maintindihan ang mga
bagay bagay na nababasa at naririnig natin.
8. Sa pagkakakaroon ng sariling wika, nagkakaisa ang mga mamamayan.
9. Ang wika ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang mamamayan
kung saang bansa siya nanggaling.

You might also like