You are on page 1of 33

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA
FILIPINO
MGA NILALAMAN

Ang modyul ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga


sumusunod:

• Panahon
• Mga Layunin
• Lunsaran
• Mga Dapat Tandaan
• Pagpapalalim
• Mga Gawain
• Rubrik sa mga Gawain

MODYUL 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG


PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA

Pangkalahatang Pananaw
Ang modyul ng pagkatutong ito ay nakatuon sa maikling
kasaysayan ng adbokasiya ng Tanggol Wika. Ipinapahayag
dito ang mga importanteng batas, memorandum order,
samahan, tao at paaralan, kolehiyo at unibersidad na
nagtaguyod upang hindi tuluyang mawala ang asignaturang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Tinatalakay din ng modyul
na ito ang mga posisyong papel hingil sa Filipino at Panitikan
at ang Filipino bilang wika ng komunikasyon sa kolehiyo at
mas mataas na antas.

Anim na oras ang pwede ninyong ilaan sa pag-aaral ng mga


nilalaman at mga gawain.

Mga Layunin

• Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,


pagpapatibay ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran.
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
• Makapagpahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
• Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ngpagpapahayag ng mga Pilipino
sa iba’t ibang antas at larangan.
• Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang ideya.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Umaasa ako na binigyang pansin ninyo ang layunin ng


pag-aaral na ito.

Lunsaran
1. Alam nyo ba kung bakit mahalaga ang taong 2014 sa larangan ng
pagtataguyod ng wikang Filipino?
*Sa kadahilanan na sa taong ito naitatag ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University,
Manila.
2. Sino-sino naman kaya ang dumalo sa konsultatibong forum na ito?
*Halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad,
organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing
forum.
3. Sino naman kaya ang isa sa tagapagsalita sa forum na naganap?
* Si Dr. Bienvenido Lumbera, ang pambansang alagad ng sining, ang
isa sa mga tagapagsalita sa naturang forum.
4. Ano naman kaya ang mahalagang isyu ng konsultatibong forum na
ito?
*Ang nasabing forum na ito ay kulminasyon ng mga nauna pang
kolektibong inisyatiba simula pa noong 2012 tungkol sa CMO No.20,
Series of 2013 na nagtakdang alisin ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo.

Leksyon 1 Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng


Tanggol Wika

Mga Dapat Ninyong Mabatid


❖ Mga Mahahalagang Petsa:
2011-kumalat ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng
mga asignatura sa kolehiyo
Agosto 29, 2012- ipiniresenta ni DEPEd secretary Tonisito M.
Umali, Esq. ang kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong RGEC
sa tersarya
Oktubre 3, 2012- sinimulan ng mga instructor sa kolehiyo ang
pagpapalaganap ng petisyon na ipahinto ang pagpapatupad ng
senior high, junior college at RGEC sa ilalim ng K12 curriculum
Disyembre 7, 2012- inilabas ang posisyong papel ng
departamento ng Filipino ng DLSU
Hunyo 28, 2013- inilabas ang CMO No.20, Series of 2013
Marso 3, 2014- ginawa ang panibagong liham-petisyon sa CHED

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Hunyo 2, 2014- nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng 2 CHED


komisyoner at mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC at
MSU*pinagkasunduan ang muling pagsulat sa CHED*
Hunyo 16, 2014- ipinadala ang liham sa CHED
Hunyo 21, 2014- naghanda para sa paglaban sa CMO 20, s.2013
Hulyo 4, 2014- nagpatawag ng konsultasyon ang CHED sa demand
ng Tanggol Wika
Abril 15, 2015- nagsampa ng demanda ang Tanggol Wika sa Korte
Suprema
Abril 21, 2015- nagkaroon ng TRO dahil kinatigan ng Korte Supreme
ang Tanggol Wika

❖ Memorandum Orders:
CMO No. 59, Series of 1996- naglalaman na ang wikang Filipino bilang
mandatoring wikang panturo
CMO No.04, Series of 1997- naglalaman ng 6 hanggang 9 na yunit
ng asignaturang Filipino at 3 hanggang 6 na yunit ng Panitikan sa
kolehiyo
CMO No.20, Series of 2013- nagtangkang alisin ang asignaturang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo at naglalaman na opsiyonal na lamang
ang Filipino bilang midyum na panturo
CMO No. 04, Series of 2018- naglalaman ng pagkakaroon pa rin ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo

❖ Mga Mahahalagang Tao:

• ACT Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Rep. Fernando Hicap,


Kabataan Rep. Terry Ridon- mga nanguna sa pagsampa ng
demanda sa Korte Suprema
• Alex Brilliantes at Cynthia Bautista- mga dating CHED komisyoner
• Atty. Maneeka Sarzan, Atty. Gregorio Fabros at Dr. David Michael
San Juan - naghanda ng 45 pahinang petisyon sa Korte Suprema
• Dr. Antonio Contreras - nag-inisyatiba ng dayalogo sa 2 dating
komisyoner
• Dr. Bienvenido A. Lumbera - pambansang alagad ng sining at isa
sa mga nanguna sa pagsampa ng demanda sa korte suprema
• Dr. Ernesto Carandang II- tagapamuno ng departamento ng
Filipino sa DLSU
• Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas- mga nag-udyok sa
paggawa ng panibagong liham sa CHED noong Marso 3, 2014
• Dr. Patricia C. Licuanan- dating CHED komisyoner
• Dr. Rowell Madula- vice chair departamento ng Filipino sa DLSU
at pangulo ng ACT- pribadong paaralan
• Pres. Benigno Simeon C. Aquino III- dating pangulo ng Pilipinas
• Prop. Jonathan Geronimo at Prop. Crizel Sicat- De Laza, mga
propesor ng UST

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

• Prop. Marvin Lai- pinamunuan ang departamento ng


Filipinolohiya sa PUP
• Prop. Ramilito Correa - pangalawang tagapangulo sa
departamento ng Filipino sa DLSU at may akda ng posisyong papel
• Tonisito M.C. Umali, Esq.- DEPEd assistant secretary

❖ Mga Akronim:
ACT- Alliance of Concerned Teachers
ADMU- Ateneo de Manila University
CHED- Commission on Higher Education
CMO- Ched Memorandum Order
MC- Miriam College
MSU- Mindanao State University
NTC- National Teachers College
PATAS- Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin at
Sanggunian sa Filipino
PNU- Philippine Normal University

PSSLF- Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino


Itinakdang Core Courses na inilabas sa CMO No. 20, Series of
PUP- Polytechnic University of the Philippines
2013
SANGFIL- Sanggunian sa Filipino
Understanding the Self
SBCM- San Beda College-Manila
Art Appreciation
RGEC- Revised General Education Curriculum
Readings in the Philippine History
TRO- Temporary Restraining Order
Science,UPD-
Technology
Universityand
of theSociety
Philippines-Diliman
The Contemporary World
UPM- University of the Philippines-Manila
Ethics UST- University of Santo Tomas
Mathematics in the Modern World
Purposive Communication

Mga Lugar ng Asembliya para sa Tanggol Wika:


• DLSU- nagbigay ng malalaki at libreng venue para sa mga
asembliya at forum ng Tanggol Wika
• PUP- pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng Tanggol
Wika

Mga Nakatulong ng Malaki sa Mabilis na Pagsulong at


Popularisasyon ng Pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na
media reports at dokumentaryo:
• ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para
sa GMA News Online
• ulat ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

• ulat ni Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze


Umil (2017) para sa Bulatlat.com
• dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng
“Sulong Wikang Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera)
at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?”
na kapwa inupload sa youtube noong Agosto -2014

45 na Pahinang Petisyon
Ang 45 pahinang petisyon na nakasulat sa Filipino ay ang kauna-
unahang buong petisyon sa wikang pambansa at opisyal na nakalathala
bilang G.R. No.217451(Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng
Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon Aquino III, at Punong
Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/
Commissioner on Higher Education [CHED] Dr. Patricia Licuanan.
Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series
of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon gaya ng ng Artikulo XIV,
seksyon 6; Artikulo XIV, seksyon 14, 15 at 18; Artikulo XIV, seksyon 3;
Artikulo II, seksyon 17; at ArtikuloXIV seksyon 2; Artikulo II, seksyon
18; at Artikulo XIII, seksyon 3 ng Konstitusyon 1987, at sa mga batas
gaya ng Batas Repblika 7104 o Commission on the Filipino Language
Act “An Act of Creating the Commission on the Filipino Language,
Prescribing Its powers, Duties and Functions, and For Other
Purposes”,Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982”at
Batas Republika 7356 o Än Act of Creating the National Commission for
Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture
and the Arts, and for Other Purposes”.

Leksyon 2 Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at


Panitikan sa Kolehiyo
May humigit-kumulang 200 delegado sa isang Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) noong Mayo
31, 2013 sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating
director sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Posisyong Papel/Resolusyon Impormasyon


• Isa sa mga posisyong papel na
nagtaguyod sa pagpapanatili ng ng
Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
• Sa nasabing resolusyon na inilakip ng
PSLLF na isinumite sa CHED noong
2014, ito ang pangunahing inakda ni
“Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Dr. Lakandupil Garcia.
Filipino Bilang Asignatura sa Antas • Ito isang ekspresyon ng kolektibong
Tersyarya” reaksyon ng mga guro sa patuloy na
pagkalat ng balita na wala na sa
bagong kurikulum ng kolehiyo ang
asignaturang Filipino.
• Pangunahing nilalaman ng
resolusyon na hindi dapat patayin
ang asignaturang Filipino sa kolehiyo

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

sapagkat “sa antas tersyarya


nagaganap at lubhang nililinang ang
intelektwalisasyon ng Filipino sa
pamamagitan ng pananaliksik,
malikhaing pagsulat, pagsasalin,
pagsasalitang pangmadla at
kaalamang pangmidya.”
• Pinagtibay noong Mayo 23, 2014 ng
National Commission on Culture and
the Arts-National Committee on
Language and Translation (NCCA-
Resolusyon na humihiling sa CHED at NCLT).
kongreso at senado na agarang • Ang pagkakaroon ng mandatory na 9
magsagawa ng mga hakbang upang yunit ng asignaturang Filipino.
isama sa bagong General Education • Binigyang-diin ng resolusyon na
Curriculum (GEC) sa antas tersiyarya. “puspusan lamang masusunod ang
Konstitusyong 1987 sa paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon, at bilang wikang
panturo sa sistemang pang-
edukasyon kung mananatili sa antas
tersyarya ang asignaturang Filipino.”
• Inilabas noong Hunyo 20, 2014, na
naglilinaw sa tindig ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) hinggil sa
“Kapasiyahan ng kalupunan ng mga Commission on Higher Education
komisyoner blg. 14-26, Serye noong (CHED) Memorandum Blg. 20, Series
2014 2013 na ginigiit na ang pagtuturo ng
9 na yunit sa Wikang Filipino, na
hindi pag-uulit lamang ng mg sabjek
sa Filipino sa antas sekundarya,
kundi naglalayong magamit at
maituro ang wika sa iba’t ibang
disiplina.
• Posisyong papel na inilathala ng
Departamento ng Filipino ng De La
Salle University, Manila noong Agosto
2014.
• Naglalaman ito ng kahalagahan ng
pagtataguyod sa wikang Filipino
“Pagtatanggol sa Wikang Filipino, bilang batayan ng pagpapalakas ng
Tungkulin ng Bawat Lasalyano” ugnayan ng akademya.
• Ang pagpapalakas sa ugnayan ng
ating pamantasan at ng mga
ordinaryong mamamayan ay
alinsunod sa bokasyon ni San Juan
Bautista De La Salle.
• Iginiit ng Departamento ng Filipino
ng De La Salle University, Manila na
“ang adbokasiyang ito’y pagsasalba
sa kolektibong identidad, salamin ng

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

ating kultura, sa daluyan ng


diskursong pambansa, at
pagatataguyod ng nasyonalistang
edukasyon na huhubog ng mga
estudyanteng magiging mga kapaki-
pakinabang na mamamayan sa ating
bansa”
• Naglabas din ng posisyong papel ang
“Ang Paninindigan ng Kagawaran ng mga guro sa Ateneo de Manila
Filipino ng Pamantasang Ateneo de University. Binigyang-diin nito ang
Manila sa Suliraning Pangwikang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay
Umuugat SA CHED Memorandum Order pagkakait din ng espasyo para sa iba
No. 20, Series of 2013” pang wika ng bansa.
• Ayon sa kanila, “Hindi lamang
midyum ng pagtuturo ang Filipino.
Isa itong disiplina.”
• Binigyang-tuon din ng posisyong
papel ng UP ang kahalagahan ng
Filipino sa komunikasyon panloob,
“Posisyong papel mula sa bilang wikang “susi ng kaalamang
Departamento ng Filipino at Panitikan bayan.”
ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng • “Nasa wika ang ang pagtatanyag ng
Arte at Literatura ng Unibersidad ng kaalamang lokal – mga kaalamang
Pilipinas, Diliman. patuloy na hinubog at humuhubog sa
bayan.
• Sariling wika rin ang pinakamabisang
daluyan para mapalaganap ang
dunong-bayan at kaalamang
pinanday sa akademya.
• Inilathala ng iba’t ibang organisasyon
at yunit sa Polytechnic University of
the Philippines, Manila ang
“Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas (PUP),
Samahan ng mga Dalubguro sa
Filipino (SADAFIL), Saamahan ng
“Posisyong papel mula sa Polytechnic mga Batang Edukador ng Wikang
University of the Philippines, Manila” Filipino at mga Sining sa Pilipinas,
PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat,
at PUP Ugnayan ng Talino at
Kagalingan” noong 2014.
• Malinaw rin ang kahalagahan ng wika
ng wikang Filipino sa mga taga-PUP
bilang gamit sa pakikipagtalastasan
ng mga Pilipino na inilahad sa
pangwakas ng kanilang posisyong
papel: “Umiiral sa realidad sa
Pilipinas na ang Filipino ay wikang
panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

pakikipagtalastasan ng mga Filipino.


Mga Pilipino ang kusang
tumatanggap nito bilang wikang
pambansa at nagiging katangi-tangi
ang tatag nito dahil ito ang identidad
ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino,
kaya kung ihihiwalay sa mga mag-
aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang
patuloy na pag-aaral sa wikang
Filipino, tinaggal na rin natin ang
identidad natin bilang Pilipino. Dahil
kung ano ang wika mo, iyon ang
identidad mo.”
• Ang posisyong papel mula sa
Pambansang Sentro sa Edukasyong
Pangguro ng Philippine Normal
University ay nagpapahayag na
“isang moog sa sandigan ang wikang
Filipino upang isalin ang hindi
“Posisyong papel mula sa mga guro sa magmamaliw na karunungan na
Philippine Normal University” pakikinabangan ng mga mamamayan
para sa pambansang kapakanan. Ang
paaralan bilang institusyong
panlipuan ay mahalagang domeyn na
humuhubog sa kaalaman at
kasanayan ng bawat mamamayan ng
bansa. Kaakibat sa pagpoproseso ng
ng pagtuturo at pagkatuto ang
wikang Filipino upang lubos na
maunawaan at mailapat sa paaralan
ng buhay ang mga araling hindi
lamang nagtatapos sa apat na sulok
ng silid-aralan.

Iba pang mga unibersidad na nagpahayag ng pagsuporta sa


adbokasiya ng Tanggol Wika:

a. NTC
b. MSU-IIT (noo’y SBC-Manila)

Naninindigan kaming napakalaking bahagi ang ginampanan ng Filipino sa patuloy na


paghahanap natin sa sariling identidad at pagkakakilanlan. Marubdob din ang aming
paniniwalang patuloy na nagsisilbing instrument ang wika at panitikang Filipino sa
pagpapalinaw ng landasin tungo sa makatotohanang kalinaw (kapayapaan) dito po sa amin sa
Mindanao. Sinusuportahan din po naming ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang
mandatory core course sa kolehiyo. Sa amin pong paglantaw, napakahalagang maisama ang
9 yunit sa asignaturang Filipinong may multi/interdisiplinaring disenyo. Sa ganitong
kaayusan, mas mapahuhusay ang ganitong kaayusan, mas mapahuhusay ang kasanayan ng
mga estudyante sa paggamit ng Filipino at mas mapalalim ang kanilang unawa sa samu’t
saring isyung panrehiyon at pambansa. Nakalulan din sa wika at panitikan ang mga
diskursong panlipunan at pampolitikong magpapatalas sa mga mag-aaral at magdidiin upang
ang Unibersidad ay magkaroon ng tunay na nasyonalistang karakter.”

- MSU-IIT (2014)
GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

c. Technological University of the Philippines (TUP-Manila)


d. De La Salle-College of St. Benilde (DLS-CSB)
e. Xavier University
f. Pamantasang Lungsod ng Marikina (PLMar)

Mga Organisasyong Pangkabataan na naglabas din ng kanya-


kaniyang posisyong papel:

Dalubhasaan ng mga Umusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino


(DANUM)

“Sa isang bansa pinagdedebatehan pa rin ang pambansang identidad, hindi


matatawaran ang ambag ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa lahat ng antas
ng edukasyon, tungo sa pagpapatibay ng kolektibong kaakuhan ng ating
sambayanan”.
- DANUM (2014)

League of Filipino Students (LFS)

…ang CMO No. 20 ay larawan ng pagpapasahol ng kolonyal na oryentasyon ng


edukasyon na nakadirekta sa pagtugon ng mga guni-guni ng globalisasyon o ang
lalong pagpapalakas ng control sa ekonomiya, pulitika, at kultura ng mga dayuhang
bansa, pangunahin ang Estados Unidos. Hindi nito pinagsisilbihan ang interes ng
mga mamamayang Pilipino para sa ganap na pag-unlad bagkus ay sinusunod ang
mga pangangailangan ng mga makapangyarihang bansa. Isa itong kaparaanan ng
gobyerno upang gapiin ang ideyalismo at diwang makabayan ng mga kabataan at
ipalaganap sa kanila ang kaisipang palaasa sa dayuhan.”
- LFS (2014)

University Student Government (USG) ng DLSU

“Ang pagpapanatili ng mga asignaturang Filipino at Ingles sa GEC ay umaangkop


sa ninanais ninyong (CHED) pagkakaroon ng holistic growth sa mga mag-aaral,
upang mas mahasa at maging bihasa pa lalo ang mga Pilipino sa dalawang wika na
ito. Karagdagan pa roon, ang kahalagahan ng pagmamahal sa ating kultura at wika
ay lalong pang mapatitibay kung mananatili ang asignaturang Filipino sa GEC.
Ngunit, nararapat lamang na mas maging komprehensibo at magbigay ng mas
malalim at malawak na kaalaman sa mga mag-aaral. Samakatuwid, nais naming
idagdag sa GEC ang asignaturang Filipino na hindi lamang basic Filipino ngunit
magtuturo rin ng mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa wika.”
- USG ng DLSU-Manila (2014)

Mga inilahad ng PSLLF:

1. Mga argumentong maka-Filipino sa konteksto ng globalisasyon sa


bukod na pasisyong papel na inilabas noong 2014.
• Ang wika at panitikan ay dapat lamang na patibayin upang
makapag-ambag ang mga ito sa mga proytekto na global at
rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

2. Ugnayan ng wikang pambansa at ng holistikong paghubog sa


mga mamamayang Pilipino.
• Ang ating wika at panitikan ay salamin at tagapagpahayag
ng ating mga hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan,
hinanakit, sama ng loob, pangarap, pag-asa at iba pang
damdaming nagbibigay sa ating ng lakas.

3. Inilahad din ng PSLLF na ang pagtuturo sa wikang pambansa


bilang required na asignatura sa kolehiyo, bukod pa sa paggamit
nito bilang pangunahing wika.

4. Detalyadong ipinaliwanag ng PSLLF ang historical na paninindigan


para sa bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa.
• Gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na wikang
panturo sa 12 yunit sa bagong General Education
Curriculum (GEC), bukod sa asignaturang Rizal.
• Ito ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa edukasyon na
ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No.
25, Series of 1974 ng Department of Education, Culture,
and Sports (DECS) na hanggang ngayon ay may bisa mula
baitang 4 hanggang antas tersyarya.
• Ang pagpapalawak sa Filipino bilang wikang panturo sa
kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyong 1987.
• Ang pagkakaroon asignaturang Filipino bilang mandatory
core course sa kolehiyo ay ang pagkakaroon ng 9 na yunit
ng asignaturang Filipino.

Leksyon 3 Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa


Kolehiyo at Mas Mataas na Antas

Ayon kay Dr. Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga Komisyoner


ng 1986 Contitutional Commission, ipinanukala niya ang
mga probisyong kalauna’y naging Artikulo XIV sa Saligang
Batas ukol sa edukasyon, wika at sining na “ang ating Wikang
Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang makabuluhang
pangkulturang muhon para pambansang pagkakakilanlan. Ngunit higit
sa pangkulturang muhon, ang isang wikang pambansang nagsisilbing
pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-linggwistikal na
grupo at uri ay magbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng
kapangyarihan ng ating mamamayan,” batay sa pagbanggit sa petisyon
ng Tanggol Wika sa Korte Suprema (2015).

San Juan (2014), ang wikang pambansa lamang ang


makapagtitiyak na ang sistemang pang-edukasyon ng bansa ay
nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino. Ilan lamang ito
sa napakaraming argumento pabor sa pagkakaroon ng Filipino sa
kurikulum sa mataas na antas ng edukasyon, tulad ng 12 dahilan na

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

inilahad ni San Juan (2014) sa artikulong “12 Reasons To Save The


National Language” at Debunking PH language myths”.

• Ayon sa pamphlet ng KWF na inihanda ni Almario (2014), kung


ibabatay sa pagdami ng gumagamit ng wikang Filipino ay malaki
ang isinulong ng pagpapalaganap sa Wikang Paambansa.
• Sa pambansang senso mula 1939 hanggang 1980 ay dumami ang
nagsasalita ng Wikang Pambansa mula 4,068,565 hanggang
12,019,193 o mula 25.4% hanggang 44.4% ng kabuuang
populasyon ng Pilipinas
• Noong 1989, lumitaw sa survey ng Ateneo de Manila University na
92% ang nakaiintindi ng Tagalog sa buong bansa, 83% ang
nakapagsasalita nito, 88% ang nakababasa, at 81% ang
nakasusulat gamit nito.
• Napakalaki ng agwat nito sa sinasabing 51% na nakaiintindi ng
Ingles at 41% nakaiintindi ng Sebwano (Pansinin na “Tagalog” at
hindi “Filipino” ang ginagamit na tawag sa Wikang Pambansa).
Nangangahulugang isa na itong maituturing na “wika ng bayan”
o lingua franca, at ginagamit na wika ng komunikasyon ng
sinumang dalawang Filipino na may magkaibang wikang katutubo
at nais mag-usap. Ito’y bunga ng epektibong pagtuturo ng wikang
Filipino sa mga paaralan at ang patuloy at dumadaming paglabas
ng mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino.
• Nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang ating republika bunsod
ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa EDSA noong 1986.
• Ang Wikang Pambansa ay isa sa pinaka pinagtalunang usapin ng
mga delegado sa kumbensyong konstitusyunal.
• Sa pagpapalit ng pangalan mula sa “Pilipino” tungong “Filipino”
ganap na napatahimik na nag protestang mga rehiyunalista.
• Ang pagbabanyuhay ng Pilipino na nagiging “Filipino” ay pagyakap
ng wikang pambansasa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas
na may mga tunog na wala sa Tagalog.
• Ang wikang Filipino ay sumusulong na rin bilang aktuwal na
wikang opisyal ng Pilipinas.
• Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988 upang lalong
pasiglahin ang paggamit ng Filipino. Pinagtibay rin
administrasyong Aquino ang patakarang bilinggwalismo sa
edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Bilang.
53. Serye ng 1987.
• Nagkamit ng tagumpay at pagsulong ang wikang Filipino sa mass
media. Nauso ang paggamit ng Filipino sa mga public affairs at
news programs.
• Kumpara sa mga henerasyong sinilang sa huling bahagi ng dekada
’90, ang isinilang sa unang bahagi ng dekada ’80 hanggang simula
ng dekada ’90 ay pawang higit na may kakayahang
makipagtalastasan sa wikang Filipino.
• Mas malaki ang papel ng radio sa mass media, sapagkat hindi pa
gaanong maraming Pilipino ang may telebisyon.
• Nagningning nang lubos ang wikang Filipino sa panahong ito
sapagkat naipasa ang Batas Republika Blg. 7104 na nagtatadhana
ng paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang pangunahing

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na


pagpapaunlad at pagtataguyod ng paggamit ng wikang pambansa
at iba pang mga wika sa Pilipinas, kagaya ng hinalinhan nitong
Institute of the National Language.

❖ Mga Akronim:
a. NCCA-NCLT - National Commission on Culture and the Arts-
National Committee on Language and Translation.
b. SADAFIL - Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
c. PSLLF - Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino
d. KWF - Komisyon sa Wikang Filipino
e. GEC - General Education Curriculum
f. DECS – Department of Education, Culture, and Sports
g. DLSU - De La Salle University

Pagpapalalim

Panoorin sa YouTube ang dokumentaryong “Sulong Wikang


Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino? na tumatalakay sa mga
pagbabago sa kurikulum kaugnay ng K to 12. Sipatin din ang pahina ng
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(www.facebook.com/TANGGOLWIKA) upang balikan ang kasaysayan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino para hindi mawala ang mga asignaturang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Paano naapektuhan ng K to 12 ang
kurikulum ng Filipino at Panitikan? Bakit maituturing na makasaysayan
ang adbokasiya ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng wikang Filipino
bilang asignatura at bilang wikang panturo?

Tayain ang Pang-unawa

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa patlang

Hanay A Hanay B
______1. CMO No.20, Series of a. nagtangkang tanggalin ang
2013 asignaturang Filipino sa kolehiyo
______2. Dr. Antonio Contreras b. nag inisyatiba ng dayalogo sa
______3. Dr. Bienvenido dalawang komisyoner
Lumbera c. nagsilbing pinakamalakas na
______4. Dr. Patricia Licuanan balwarte ng Tanggol Wika
______5.PUP d. tinaguriang Pambansang
Alagad ng Sining
e. dating CHED Komisyoner

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Pagsulat ng Maikling Lathalain

Panuto: Sumulat ng isang maikling lathalain na hindi hihigit sa 500 na


salita at nakaangkla sa temang “Mula Noon Hanggang Ngayon: Wikang
Sarili Ang Wikang Tulay sa Mabisang Pagkakaunawaan ng mga
Mamamayan sa Ating Arkipelago. Ang iyong maikling lathalain ay dapat
na may angkop na pamagat at subheading, pumapaksa sa temang
ibinigay, wasto ang pagbabaybay ng mga salita at gramatika, malinaw
ang paraan ng pagpapahayag, at naglalahad ng mga makabuluhang
impormasyon at mga siniping pahayag na nakabatay sa ibat-ibang
sanggunian.

Rubrik sa Pagsulat ng Lathalain

Pamantayan Kahanga- Mahusay Maayos Kaya mo iyan Marka


hanga
Paksa/Nilalaman Nakaangkla Nakaangkla Nakaangkla Hindi
(60%) sa ibinigay sa ibinigay sa ibinigay nakaangkla sa
na tema ang na tema ang na tema ang ibinigay na
buong malaking ilang bahagi tema ang
lathalain. bahagi ng ng lathalain. buong
(60) lathalain. (30-49) lathalain.
(50-59) (0-29)
Kabuluhan ng Makabuluhan Makabuluhan Makabuluhan Hindi
impormasyon at ang ang ang makabuluhan
mga siniping impormasyon impormasyon impormasyon ang
pahayag (20%) at mga at mga at mga impormasyon
siniping siniping siniping at mga
pahayag na pahayag na pahayag na siniping
inilahad sa inilahad sa inilahad sa pahayag na
buong malaking ilang bahagi inilahad sa
lathalain. bahagi ng ng lathalain. buong
(20) lathalain. (8-13) lathalain.
(14-19) (0-7)
Kawastuhan ng Walang mali May ilang Marami- Napakaraming
baybay at sa mali sa raming mali mali sa
kawastuhang pagbabaybay pagbabaybay sa pagbabaybay
panggramatika ng mga salita ng mga salita pagbabaybay ng mga salita
(20%) at sa at sa ng mga salita at sa
gramatika ng gramatika ng at sa gramatika ng
buong buong gramatika ng buong
lathalain. lathalain. buong lathalain.
(20) (17-19) lathalain. (0-13)
(14-16)
(100%) Kabuoan

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

MODYUL 2: PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA


SA KOMUNIKASYON

Pangkalahatang Pananaw
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa pagpoposeso ng
impormasyon para sa komunikasyon. Binibigyang diin din dito kung ano
ang pananaliksik at ang komunikasyon sa buhay ng tao. Sa
pananaliksik, kailangan na bigyang pansin ang paglilinaw sa paksa,
layon nito, ang sitwasyong pangkomunikasyon at pagmumulan ng batis
ng impormasyon. Tinatalakay din ng modyul na ito ang mga
pamamaraan ng paghahagilap at pagbabasa, pagsusuri ng mga datos,
pagbubuod ng mga impormasyon hanggang sa pagbuo ng pahayag ng
kaalaman.

Labindalawang oras ang pwede ninyong ilaan sa pag-aaral ng


mga nilalaman at mga gawain.

Mga Layunin

• Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;
• Matukoy ang mga mapagkakatiwlaan, makabuluhan, at kapaki-pakinabang na
sangggunian sa pananaliksik;
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;
• Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto;
• Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma
sa iba’t ibang konteksto;
• Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan; at
• Maisalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-ideya

Umaasa ako na binigyang pansin ninyo ang


layunin ng pag-aaral na ito.

Leksyon 1 Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa


Ating Buhay
• Sa pagsusuri sa ating lipunan, gumagamit tayo ng iba’t ibang uri
ng pakikipagkomunikasyon tulad ng pakikipag-ugnayan,
pakikisalamuha, at pakikipagtalastasan. Ito ang pumapanday sa
ating karunungan (wisdom) na siyang gumagabay sa ating mga
desisyon o hakbang sa ating buhay.
• Ang mga ibinabahagi rin natin sa ating kapuwa ay ang mga
impormasyong ating nasagap din mula sa ibang tao, sa ating

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

kapaligiran, at sa midya. Sabi nga, ang kaalaman ay


kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan.
• Ang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang
midya, malakas ang bisa at talab ng mga ibinahaging kaalaman
ay nakabatay sa malalim at malawak na pagsusuri.
• Isa rin itong malakas na sandata sa panlilinlang, pang-aapi, at
pang-aabuso, lalo na kung mali o baluktot nag impormasyon na
ginagamit sa kasamaan sa lipunan.
• Sa panahon ngayon na laganap na ang kultura ng pangmadlang
midya at virtual na komunikasyon, mas madali ang pagkalat ng
disinformation, na mas kilala sa bansag na fake news.
• Dapat marunong kumilatis ng mga impormasyong nasasagap,
may mapanuring mata, taynga at isipan sa pagkilala ng mga
tunay na impormasyon mula sa midya gaya ng palasak na
information ang communication technology (ICT).

MIDYA

Maxwell McCombs at Donald Shaw George Gerbner

Ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung Ang midya, lalo na ang telebisyon, ay ang
ano ang pag-uusapan ng publiko. tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang ng
kaisipan ng mga madalas manood na ang
mundo’y magulo at nakakatakot.
Marshall McLuhan
Binabago ng midya ang simbolikong Stuart Hall
kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensiyahan nito ang pananaw, Ang midya ang nagpapanatili ng ideolohiya
karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t ng mga may hawak ng kapangyarihan sa
masasabing “ang midyum ay ang lipunan (Griffin, 2012).
mensahe.”

• Mahalaga ang pagatatasa, pagtitimbang, o pagtatahi ng mga


impormasyon na galing sa iba’t ibang tao bilang batis ng
impormasyon – mula sa mga taong nakadaranas hanggang sa
mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o
penomenong pinag-uusapan.
• Dapat ding isaalang-alang ang pamamaraan ng pagkuha ng
impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto
ng pinagkunan o pinagmulang impormasyon bukod sa batis ng
impormasyon.
• Ang konteksto ang nagbibigay linaw sa tukoy na kahulugan ng
impormasyon at nagsisilbing gabay ng interpretasyon.
• Ang ating wika ay “hindi lamang daluyan kundi tagapahiwatig at
imbakan-kuhaan ng kultura” natin bilang Pilipino (Salazar, 1996).
• Makakatulong ito sa paglago at pagkabuo ng “kaisahang kultural
na Pilipino” (Salazar, 1996).
• Hindi lamang sa paggawa ng tesis isinasabuhay ang metikulosong
pagpoproseso ng impormasyon, mahalaga rin ito sa pagbuo ng
anumang kaalaman na maibabahagi sa harapang pakikipag-

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

ugnayan (halimbawa: umpukan, talakayan sa silid-aralan,


pulong-bayan sa isang komunidad, pagbabahay-bahay, lektyur sa
seminar at iba pa).
• Sa panahon ng “post-truth”, idineklara ng Diksyonaryong Oxford
(2016) na kailangang mas maging responsible sa paggawa ng
pahayag, maging harapan man o ginamitan ng midya.
• Sa pagsasaliksik, minimithi ang “pagtatamo ng karunungan” na
nakabatay sa masusing “pagsusuri ng ebidensiya” at tungo sa
“higit na matatag na direksiyon sa pananaw at pamumuhay ng
tao” (Almario, 2016).
• Ikakategorya sa dalawa ang konsteksto sa pagbuo ng kaalaman
na layong ibahagi sa sitwasyong pangkomunikasyon: harapan
(face-to-face-interpersonal) o mediado (mediated).

Leksyon 2 Mga Panimulang Konsiderasyon: Paglilinaw sa


Paksa, mga Layon, at Sitwasyong Pangkomunikasyon

Mga Dapat Isalang-alang ng Mananaliksik sa Pagpili ng Batis ng


Impormasyon:

1. Tukoy na paksa at layon sa pananaliksik. (Ano ba talaga ang


paksa ng talakayan?)
a. Paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon
b. Pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon
2. Pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon. (Ano ang
inaasahan niyang mangyari sa kapuwa-kalahok o audience?)
3. Uri at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon. (Sino-sino
sila?) (Ano ang sosyo-ekonomik, politikal, kultural, at
edukasyonal na background ng kapuwa-kalahok)
• Ang pagkilala sa audience ay gabay para maibahagi ang
kaalamang makabuluhan sa kanila kaugnay ng paksa;
mailagay ang angkop na konteksto ang pagbabahagi ng
kaalaman; makagamit ng pamamaraan, estilo at mga salitang
makapupukaw sa kanilang isipan at makabayang damdamin;
at maiayos ang estruktura at nilalaman ng pahayag ng
kaalaman sa paraang mas naiintindihan nila.
• Maaaring ikonsidera ng mananaliksik ang mungkahi nina
Santiago at Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong
pananaliksik.
1. Iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy
na paksa.
2. Pamamaraan ng pagsiyasat na nakagawian ng mga Pilipino,
angkop sa kultura, at katanggap-tanggap sa ating mga
kababayan.
3. Humango ng mga konteksto at paliwanag mula sa mga kalahok,
lalo na ang mga makabuluhan sa kanila.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Leksyon 3 Mulaan ng Impormasyon: Mapanuring Pagpili mula


sa Samo’t Saring Batis

Pinanggalingan ng katunayan (halimbawa: facts,


and figures at datos) (obserbasyon, berbal at
Batis ng Impormasyon biswal na teksto, artifact fossil) na kailangan
upang makagawa ng mga pahayag hinggil sa isyu,
penomeno, o panlipunang realidad.

Dalawang Kategorya

Primaryang Batis
Sekundaryang Batis
Orihinal na pahayag,
Pahayag ng interpretasyon,
obserbasyon, teksto na direktang
opinion, at kritisismo mula sa mga
nagmula sa isang indibidwal, grupo, o
indibidwal, grupo, o institusyon na
institusyon na nakaranas, nakaobserba,
hindi direktang nakaranas,
o nakapagsiyasat ng isang paksa o
nakaobserba, o nagsaliksik sa isang
penomeno. Halimbawa ng primaryang
paksa o penomeno.
batis ang sumusunod:
Kasama rito ang “account o
interpretasyon” sa mga pangyayari
❖ Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa-tao: mula sa taong hindi dumanas nito o
1. pagtatanong-tanong; “pagtalakay sa gawa ng iba”
2. pakikipagkuwentuhan; (Hinampas, 2016). Halimbawa ng
3. panayam o interbyu; sekundaryang batis ang sumusunod:
4. pormal, impormal, estrukturado, o semi-
estrukturadong talakayan;
5. umpukan; at
6. pagbabahay-bahay
1. ilang artikulo sa dyaryo at magasin
kagaya ng editorial, kuro-kurong
tudling, sulat sa patnugat , at tsismis
o tsika;
❖ Mula sa mga materyal na nakimprenta 2. encyclopedia;
sa papel, na madalas ay may kopyang
3. teksbuk;
elektroniko:
4. manwal at gabay na aklat;
1. awtobiyograpiya;
5. diksyonaryo at tesoro;
2. talaarawan;
6. kritisismo;
3. sulat sa koreo at email;
7. komentaryo;
4. tesis at disertasyon;
8. sanaysay;
5. sarbey 9. sipi mula sa orihinal na hayag o
6. artikulo sa journal; teksto;
7. balita sa dyaryo, radio, at telebisyon;
10. abstrak;
8. mga record ng mga tanggapan ng
11. mga kagamitan sa pagtuturo kagaya
gobyerno kagaya ng konstitusyon,
ng powerpoint presentasyon; at
katitikan ng pulong, kopya ng batas at
12. sabi-sabi
kasunduan,jnkjikll
taunang ulat, at
pahayagang pang-organisasyon;
9. orihinal na dokumento kagaya ng
sertipiko ng kasal at testamento;
10. talumpati at pananalita; at
11. larawan at iba pang biswal na grapika.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

✓ Alinman sa mga sekundaryang batis ay maaaring maging


priimaryang batis kung ito ang mismong paksa ng pananaliksik.
✓ Sa dalawang uri ng batis, mas binibigyang prayoridad ng
mananaliksik ang primaryang batis kaysa sa sekundaryang batis
sapagkat ang primary ay nanggaling sa aktuwal na karanasan,
obserbasyon, o pagsisiyasat kaya mas katiwa-tiwala kaysa
sekundarya.
✓ Marami ang posibleng batis ng impormasyon, kailangang lamang
piliin ang angkop na paksa, layon, at disenyo ng pananaliksik.
✓ Ang mga balita at lathalain ay matatawag na primaryang batis
kung ito ay ulat hinggil sa tao, bagay, lugar, o pangyayari na
naranasan, naobserbahan, o nasaliksik ng manunulat.
✓ Ang mga kolum ng opinion at sulat sa patnugot ay itinuturing na
sekundaryang batis, maliban kung ito ay inilahad dito ang sariling
karanasan o obserbasyon ng manunulat.

Kapuwa-tao Bilang Batis ng Impormasyon


• Ang pagpili ng mga kapuwa-tao bilang batis ng impormasyon,
kailangang timbangin ang kalakasan, kahinaan, at
kaaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag-ugnayan.
• Isang primaryang batis, maliban kung nakuha lang din sa
sinabi ng iba pang tao.
• Harapang ugnayan sa kapuwa-tao, sinasadya, tinatanong, at
kinakausap ng mananaliksik ang mga indibidwal o grupo.
• Sa mediadong ugnayan naman, maaaring makakalap ng
impormasyon mula sa kapuwa-tao sa pamamagitan ng ICT.
Kalakasan ng harapang ugnayan ang sumusunod:
1. maaaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa
tagpagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na kasunod na tanong (follow-up
question) sa kaniya;
3. malinaw na agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresyon.

Ngunit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas


maraming oras para sa fieldwork lalo na kung malayo ang
kinaroroonan ng tagapagbatid.
Bentahe naman sa mediadong ugnayan ang:
1. pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na nasa
malayong lugar sa anumang oras at pagkakataon kung kailan nila
maisisingit ang pagresponde;
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi kailangang
puntahan nang personal ng mananaliksik ang mga tagapagbatid;
at
3. ang mas madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung may
elektronikong sistema na ginagamit ang mananaliksik sa pagkalap
ng datos (halimbawa. Mga online survey tools, digital transcriber,
video analysis software, computer assistive qualitative data
analysis).

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

✓ Kadalasa’y hangad ang random na pagpili ng kalahok sa


kwantitatibong disenyo ng pananliksik lalo na kung hangad ang
panlalahat mula sa sample ng isang populasyon.
✓ Sa kwalitatibong pamamaraan naman, pakay ang dibersidad sa
katangian ng mga tagapagbatid, maliban kung kahingian sa
pananaliksik ang pagkakatulad ng isa o ilang partikular na
katangian ng mga paksa.
✓ Dapat ding isalang-alang ang uri ng sitwasyong
pangkomunikasyon bukod sa layon ng pananaliksik, kung saan
ipapahayag ang binubuong kaalaman.

Midya Bilang Batis ng Impormasyon


• Pag-isipan ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para
sa binubuong pahayag ng kaalaman.
• Unahin ang mga primaryang batis, ang angkop na uri ng
midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
• Kailangan ang panimulang pagbabasa habang nangangalap ng
impormasyong kung hindi pa natutukoy ang espesipikong
sanggunian mula sa isang uri ng batis na napili.

➢ Halimbawa:
1. mga publikasyon
2. tesis
3. disertasyon
4. aklat
5. ulat

✓ Kung kapuwa-tao ang natukoy sa batis, timbangin kung mas


praktikal at angkop ang harapan o mediadong pakikipag-
ugnayan; tukuyin ang espesipikong pamamaraan at instrument
ng pagkuha ng datos; at magkaroon ng kaalaman sa mga etikal
na panuntunan dahil kapuwa nagkasalamuha.
✓ Kung midya naman, alamin muna kung saan, kailan, o paano ito
maakses.
✓ Ang datos na makakalap mula kwalitatibong pamamaraan ay
inaasahang “makapal” at makapagbibigay ng mayaman at
malalim na paliwanag hinggil sa pinag-aaralan.

➢ Rebyuhin ng mananaliksik ang mga pamamaraan ng pagpili ng batis


ng impormasyon, kapuwa-tao man o midya, na establisado na ang
larangan ng pagsaliksik.
➢ Palasak ang kwantitabong disenyo ng pagsaliksik ang pagpili ng
respondent o kalahok sa pamamagitan ng iba’t ibang klase ng
probability sampling (halimbawa. simple random sampling,
stratified, systematic, cluster at nonprobability sampling
(halimbawa. convenience judgmental, snowball, quota) (Baxter &
Babbie, 2004)
➢ Sa kwalitatibong disenyo naman, madalas gamitin ang purposive o
purposeful sampling kagaya ng theoretical, maximum variation,
typical case, critical case, extreme o deviant case, at criterion (Lindlof
& Taylor, 2002).

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Leksyon 4 Paglubog sa mga Impormasyon: Mga Pamamaraan


ng Paghahagilap at Pagbabasa
• Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng
saliksik kung kaya inaasahang natukoy na ng mananaliksik bago
pa man pumili ng batis ng impormasyon
✓ Sa kwantitatibong disenyo, palasak ang pamamaraang
sarbey na ginagamitan ng talatanungan at eksperimento na
may pretest at posttest.
✓ Sa kwalitatibong disenyo, malawak ang pagkakaiba-iba ng
mga pamamaraan, pero mas palasak ang panayam at
pangkatang talakayan.
Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon
➢ Halimbawa ng pagsasaliksik (kung saan kailangan munang
malikom ang datos bago ang pagbabasa at pagsusuri nito).
1. sarbey
2. eksperimento
3. sosyometrikong analisis
Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao
✓ Importanteng ipaalam agad sa mga tagapagbatid na sila ay napili
para sa pananaliksik, hingin ang permiso na lumahok, at isangguni
ang takdang lugar, araw, at oras ng harapan o mediadong
interaksyon para sa pangangalap ng datos.
✓ Maaaring magsagawa ng survey sa internet.
✓ Sa mga pananaliksik na deskriptibo at kuwalitatibo, ang harapang
interaksyon ay inaasahang makapagbibigay ng mas mayamang
datos at magagawa ito sa pamamagitan ng fieldwork.
✓ Ang pinakapalasak na pamamaraan ay ang online.
✓ Unang nakilalang pamamaraan ang eksperimento, sarbey,
panayam o interbyu, at focus group discussion.
✓ May pamamaraan na rin nadebelop mula sa larangan ng
Sikolohiyang Pilipino (SP) na madalas nang gamitin ngayon
ng mga Pilipinong iskolar.

➢ Mga halimbawa:
a. pagtatanong-tanong
b. pakikipagkwentuhan
c. pagdalaw-dalaw
d. pakikipag-umpukan
e. pakikiisa
f. pakikisangkot
g. pakikipanuluyan

Leksyon 5 Eksperimento
Isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan
sinusukat ang epekto ng independent variable, na nagsisilbing
interbersiyon, sa dependent variable, na tinatalaban ng interbensyon.
✓ Madalas na gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga
pangkat ng kalahok para mapagkumpara ang resulta sa pagitan
ng pangkat na hindi ginagamitan ng interbersiyon (kontrol) at sa
pangkat na ginagamitan nito (eksperimental).

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

✓ Limitado ang gamit ng eksperimento sa agham panlipunan at


nahaharap ito sa banta ng katumpakan.

Survey –ginagamit sa mga deskriptibo at kuwantitatibong pag-aaral ng


malaking populasyon para sukatin ang kaalaman, persepsiyon,
disposisyon, nararamdaman, kilos, gawain, at katangian ng mga tao
(Baxter & Babbie, 2004).

➢ Ginagamit sa talatanungan at maaaring isagawa sa harapan


o online.
➢ Maaaring magbigay ng open-ended na tanong sa survey,
subalit hindi inaasahan na makakuha ng komprehensibong
sagot mula sa mga respondent kumpara sa interbyu at iba
pang kuwalitatibong pamamaraan.

Interbyu – tinatawag ding panayam ay isang interaksyon sa pagitan


ng mananaliksik bilang tagapagtanong at tagapakinig, at tagapabatid
na siyang tagapagbahagi ng impormasyon (Baxter & Babbie, 2004).

➢ Estrukturadong interbyu - Gumagamit ang mananaliksik


ng gabay na tanong, na ang pagkakasunod-sunod ay
mahalaga upang matiyak ang konsistensi sa lahat ng
tagapagbatid.
➢ Semi-estrukturadong interbyu – may gabay ring tanong
ang mananaliksik, subalit puwede niyang baguhin ang
pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari
niyang dagdagan kung mayroon siyang follow-up na
tanong.
➢ Di- estrukturadong interbyu – hindi kahingian ang gabay
na tanong upang mas maging natural ang daloy ng usapan,
ngunit makabubuti na kahit papaano’y laging tinatandaan
ang mananaliksik sa layon at paksa na kaniyang sinisiyasat
habang nag-iinterbyu para magabayan siya sa mga dapat
itanong at malaman.

✓ Mainam ang interbyu sa pagkalap ng datos na hindi direktang


naoobserbahan, sa pag-unawa sa iba’t ibang kahulugan ng
karanasan o penomeno.

Focus Group Discussion (FGD) – isang semi-estrukturadong


talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy, kadalasa’y ginagampanan ng
mananaliksik, at anim hanggang sampung kalahok.

➢ Gamit ang gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay


nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng
mg kalahok. Ilang bentahe ng FGD ang sumusunod:
1. naitatama, napapasubalian, o nabeberipika ng mga kalahok
ang impormasyong ibinabahagi;
2. may naiisip, nababanggit, napagtatanto ang mga kalahok
kapag sila’y magkakasamang nag-uusap (na maaaring di
lumalabas sa indibidwal na interbyu);

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas


at napapag-usapan sa isang pagtitipon.
Kahinaan ng FGD kapag:
1. may nag dominate sa grupo;
2. may nag-aagam-agam na sumalungat sa kasama o itama ang
impormasyong ibinigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali,
mapuna, matsismis. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang
magaling at maparaan ang tagapagpadaloy upang maging
organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang talakayan.

Pakikisangkot habang pakapa-kapa


• ay isang eksplorasyon hinggil sa isang paksa sa konteksto ng
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga
katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng
“pagmamasid, pagtatanong-tanong, pagsubok, pagdalaw,
pakikilahok, at pakikisangkot” (Torres, 1982).

Pagtatanong-tanong
➢ Ang pagtatanong-tanong ay mainam sa sumusunod na
pagkakataon:
1. kung ang impormasyong siniyasat ay makukuha sa higit sa isang
tagapagbatid;
2. kung hindi tuwirang matatanong ang mga taong may direktang
karanasan sa paksang sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil
sa paksa; at
4. kung nais maberipika ang mg impormasyong nakuha mula sa
ibang tagapagbatid (Gonzales, 1982).

Pakikipagkwentuhan
• di-estrukturado at impormal na usapan ng mananaliksik at
tagapagbatid hinggil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang
mananaliksik ay walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi
niya pinipilit igaya ang daloy sa isang direksiyon.

Pagdalaw-dalaw
• ay ang “pagpunta-punta at pakikipag-usap” ng mananaliksik sa
tagapagbatid upang sila ay magkakilala, matapos magkakilala ay
makuha ang loob ng isa’t isa.

Pakikipanuluyan
• ay pakikisalamuha sa mga tao at pakikisangkot sa ilan nilang
aktibidad kagaya ng pakikipagkwentuhan sa umpukan,
pangangapitbahay, at pagdalo sa mga pagtitipon, pagmamasid sa
kapaligiran, at patatanong-tanong hinggil sa paksang sinasaliksik.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Ang pakikipanuluyan ay pangmatagalan at masaklaw na


pamamaraan dahil ginagawa ito sa loob ng maraming araw.

Pagbabahay-bahay
• hindi lamang pumupunta sa bahay ng tagapagbatid ang
mananaliksik, nagmamasid, nagtatanong-tanong, nakikipanayam
din siya. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng
survey.

Pagmamasid
• maaaring magamit hindi lamang sa paglikom ng datos mula sa
kapuwa-tao kundi pati na rin sa mga bagay, lugar, pangyayri at
iba pang penomeno. Sa madaling salita, ito ay pag-oobserba
gamit ang mata, taynga, ilong, at pandama sa tao, lipunan, at
kapaligiran.

❖ Apat na Uri ng Tagapagmasid ayon kay Gold


(1958)
1. Complete observer (ganap na tagamasid)
2. Complete participant (ganap na kalahok)
3. Observer as participant (tagamasid bilang kalahok)
4. Participant as observer (kalahok bilang tagamasid)

❖ Instrument sa Pagkalap ng Datos mula sa


Kapuwa-tao
1. Talatanungan at gabay na katanungan
2. Pagsusulit at eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan


Ang aklatan ay puno ng mga midya tulad ng mga libro, journal,
magasin, diyaryo, tesis at disertasyon, encyclopedia, diksyonaryo,
globo, at marami pang iba.
Mahalaga ang aklatan dahil dito makikita ang maraming
sanggunian na magagamit sa pananaliksik.
1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang batis ng
impormasyon na natukoy sa pananaliksik.
2. Gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung aklatan ng
ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad ang pupuntahan.
Magtatanong-tanong din sa protokol o patakaran na pinaiiral sa
aklatang tinukoy.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

3. Kung hindi kailangan ng sulat gaya sa ilang pampubliko aklatan,


alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit ng
pasilidad at mga resources ng aklatan.
4. Rebyuhin ang sistemang Dewey Decimal at sistemang Library
of Congress, alinman dito ang batayan ng klasipikasyon ng mga
aklat sa pangkalahatang karunungan.
5. Tandaan, bawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis,
disertasyon, at ilan pang printed na material.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap
ng sanggunian bago pa man pumunta sa aklatan.
7. Huwag kalimutang halughugin ang pinagkukunan na online na
aklatan gaya ng subskripsyon sa journals, e-books, e-databases,
at iba pang batis ng impormasyon sa internet.

Pangangalap ng impormasyon mula sa online na materyal


Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulo sa journal, balita
sa online news site, at account ng karanasan sa blog.

✓ Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik,


bigyang prayoridad ang online news sites na:
1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon
dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang
panig;
2. pumupuna sa sarili umaamin ng pagkakamali sa
pamamagitan ng komento at errata
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa
pangalan ng isang tao, grupo, o institusyon habang
tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

Pangangalap ng impormasyon mula sa pangmadlang midya


• Maaaring kumuha sa radio, diyaryo, magasin, telebisyon, pelikula
at internet.
• Para makalap ang datos mula sa radio at telebisyon, abangan ang
programa o palabas sa oras ng brodkast nito.
• Kung pelikula na batis ng impormasyon, mas mainam na bumili
ng kopya nito o manghiram sa kakilala na may kopyang kinuha sa
paraang na naayon sa batas.
• Maaari ring sadyain ang prodyuser ng programa sa radio at
telebisyon.

Pagbabasa ng Impormasyon
• Ang masinsinan at mapanuring pagbabasa ay madalas na
ginagawa kapag nalikom na lahat ng batis ng impormasyon na
kailangan.
• Maaaring sabayan ng coding ng datos ang pagbabasa para
mabilang na ang mga obserbasyong pasok sa bawat variable
(kuwantitatibong dulog) o mapalitaw na ang mga kategorya ng
impormasyon (kuwalitatibong dulog) tungo sa pagbubuo ng
pahayag na kaalaman.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

• Kailangan basahin at bilanging isa-isa ang datos mula sa


survey, kompyutin ayon sa estadistika, at ilagay sa angkop na
porma ng presentasyon kagaya ng dayagram, talahanayan, at
tsart.
• Mainam na basahin ang talaan ng fielwork nang paulit-ulit
habang nangangalap ng datos.
• Madalas na pinagsasabay ang pagbabasa at coding ng
transkripsyon.
• Mula pangmadlang midya, mas mainam munag isalin ang audio
bago basahin at suriin.

Leksyon 6 Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at Buod ng


mga Impormasyon Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng
Kaalaman
1. Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon
• Karaniwang saligan ng pananaliksik ang mga maraming batis
ng impormasyon kaya’t kailangang nagtatanglay ang
mananaliksik ng kasanayan sa pag-uugnay-ugnay ng mga
impormasyon na iba’t ibang pinanggalingan.
Iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-ugnay ng impomasyon
a. Palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga
impormasyon kagaya ng pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at
disbentahe, iba’t ibang anggulo at anyo/mukha, pagtataguyod o
pagsalungat/pagtutol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim, mga
hakbang sa isang proseso, at elaborasyon.
b. Maaaring tingnan ang tinatawag ni Spradley (1979) na mga
semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon.

Halimbawa ng Semantikong Relasyon:


1. Istriktong paglalakip (strict inclusion)
2. Espasyal (spatial)
3. Pagbibigay-katuwiran (rationale)
4. Sanhi-bunga/kinalabasan (cause-effect)
5. Lugar ng isang kilos (place of action)
6. Gamit (function)
7. Paraan-kinayarian (means-end)
8. Pagkakasunod-sunod (sequence)
9. Atribusyon (attribution)

c. Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa


disenyo ng pananaliksik.

❖ Dalawang Klasipikasyon ng Pagkokoda (Saldaña, 2009)


1. Unang Sikulo – pinapalitaw ang mga kategorya ng
impormasyon na makikita sa datos. Halimbawa: attribute coding,
descriptive coding, versus coding, in vivo coding, initial coding,
values coding, at structural coding.
2. Pangalawang Sikulo – pinagtitibay pa ang mga kategorya at
pinapalitaw rin ang mga tema. Halimbawa: pattern coding,
focused coding, theoretical coding, elaborative coding, at axial
coding.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

❖ Ang tema ay tumutukoy sa dalawang bagay:


1. ang ugnayan ng ilang kategorya sa isa’t isa
2. ang mas masaklaw na diwa ng isa o higit pang kategorya

❖ Tatlong Bahagi ng Pagkokoda


1. Bukas na pagkokoda (Open coding) – unang sikulo, kung saan tinutukoy,
pinapangalan, inuuri, at inilalarawan ang mga kategorya ng impormasyon na
lumalabas o lumilitaw sa teksto.
2. Aksiyal na pagkokoda (Axial coding) – pangalawang sikulo, hinahanap ang
kaugnayan ng mga kategorya ng impormasyong natukoy sa unang bahagi.
3. Selektibong pagkokoda (Selective coding) - tinutukoy ang isa o higit pang
pangunahingng
Pagbubuod temang magbubuklod –
impormasyon sa pinapalitaw
lahat ng mga tema
ang ng kaalaman na
pangunahing
naplitaw sa aksiyal na pagkokoda.
puntong makukuha sa mga pinag-ugnay-ugnay at tinahi-tahing
impormasyon.

✓ Makakatulong ang pagbubuod kung may abstrak at sumaryo ang


binasang material.
✓ Karaniwang nasa pinakauna naman ang pamatnubay (lead) na
pinakabuod o pinakamahalagang mensahe sa mga balita o
lathalian sa pangmadlang midya gaya ng diyaryo at radio.

Mga Gabay sa Pagbubuod ng Impormasyon


1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang
teksto bago tukuyin ang mga susing salita, ang paksang
pangungusap, at ang pinakatema.
2. Uri ng material ang angkop na element at estruktura ng buod.
3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang
etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding
ay isang mabisang paraan dahil ang hinahantungan ng huling
sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
4. Iwasan ang panlahat na pahayag kung kakaunti lang bilang ng
kalahok o tinanong.

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman


• Dapat na nakabatay sa mga pangunahing temang natukoy
mula sa pinag-ugnay-ugnay at binuod na impormasyon na
nanggaling sa iba’t ibang batis
• Iorganisa ng mananaliksik ang mga pangunahing tema at
karampatang detalye
• Ang tema dapat sasagot sa mga layon ng pananaliksik;
isasaayos ayon sa mga layong ito; at papalawigin ng mga
paliwanag, katwiran, exemplar na hinalaw na datos, pati ang
analitikal na ideya at konseptong nagmula sa eksperto sa
paksa.
• Ang exemplar ay tipikal o malinaw na ehemplo na
nagpapatunay sa kategorya ng impormasyon o tema ng
kaalamang napalitaw sa pagsusuri.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

• Dapat masagot nang malinaw ng mananaliksik ang layon ng


pananaliksik.

Gabay sa Paghahanda ng Materyal


1. Dapat na malinaw kung harapan o mediadong sitwasyon ng
komunikasyon ipapahayag ang nabuong kaalaman mula sa
pananaliksik.

URI NG HARAPANG SITWASYON MEDIADONG PAGPAPAHAYAG


1. umpukan 1. paskil
2. talakayan 2. diyaryo
3. debate 3. polyeto
4. pagsasanay 4. bidyo
5. worksyap 5. dokumentaryo
6. poro 6. pelikula
7. kumperensiya 7. komiks
8. seremonya ng pagtatapos 8. magasin
9. journal at iba pa

2. Pumili ng angkop na plataporma kung midya ang gagamitin sa


pagpapahayag ng kaalaman.
3. Pagsusulat ng iskrip para sa midya, iskrip ng talumpati o
pananalita, teksto ng publikasyon na ibabahagi sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon

Leksyon 7 Sintesis
Sa puntong ito, naiisip natin marahil na mahirap ang magsaliksik
para sa pagbuo ng malamang pahayag na may kabuluhan at katuturan.
Halimbawa, kung gagawa tayo ng pananalita para sa pagtitipon ng mga
bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan sa ating barangay,
kailangan ba talaga nating pagdaanan ang lahat ng tinalakay sa taas?
Sa unang tingin, tila masalimuot ang gumawa ng pananalitang
nakasandig sa masusing proseso ng paghahanda sa pagsisiyasat, pagpili
ng batis ng impormasyon, pag-uugnay-ugnay at pagbubuod ng nakalap
na impormasyon, at pagbuod ng sariling pahayag ng kaalaman. Pero
kung bubuksan pa natin ang isipan sa mas malalim at malawak na
pagtanaw sa buhay, madaling yakapin ang kultura ng pananaliksik sa
maraming kadahilanan.
Una, ito ay usapin ng kaugalian. Baka naiisip ng marami sa atin
na mahirap gawin ang pananaliksik dahil hindi natin nakaugalian, lalo
na sa mga aktibidad natin sa araw-araw. Halimbawa, gumagawa ba tayo
ng hakbang upang patotohanan o pasubalian ang mga sabi-sabing
naririnig natin hinggil sa isang kaibigan, kaklase, o kapitbahay bago
natin ito ibahagi sa iba? Sino-sino o ano-ano ang pinipili nating batis ng
impormasyon? Paano tayo nangangalap, nag-uugnay-ugnay, at
nagbubuod ng mga impormasyong nakalap natin? Paaano tayo
bumubuo ng pahayag ng kaalamang magpapatunay, magpapasubali, o
magwawasto sa sabi-sabi? Sa madaling sabi, kung nakasanayan natin
na magsaliksik nang maayos kahit sa mga simpleng usapin ng buhay sa
atingg lipunan, ito’y magiging pangkaraniwang gawain na lang para sa
atin. Sabi nga, ang nakasanayan nang gawin ay mani-mani na lang.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Pangalawa, ito ay usapin ng responsableng pakikipagkapuwa. Sa


lipunaang Pilipino, ang pakikipagkapuwa ay taal at mahalagang salik ng
ating mga gawing pangkomunikasyon. Kung ayaw nating ipahamak ang
ating kapuwa, hindi tayo magbibitiw ng mga pahayag na hindi naksandig
sa mga batayan at datos. Gayundin, ayaw nating ipahamak tayo ng mga
mali o baluktot na pahayag ng kapuwa hinggil sa atin.
Pangatlo, ito ay usapin ng kaayusan at kaunlaran ng lipunan.
Ayaw nating mamayani ang disinformation at mga kasinungalingan sa
ating lipunan dahil hindi ito makatutulong sa pagbabago at pag-unlad
ng ating bansa. Sabi ni Almario (2016), nagsasalik tayo para sa
pagbabago sa kapuwa-tao at sa kaniyang daigdig.
Samakatuwid, para maging kawili-wili ang pananaliksik, umigpaw
tayo sa mga kalakarang humahadlang sa ating pagyakap ditto. Una,
iugnay natin ang paksang sinusuri sa ating karanasan, kapaligiran, at
lipunan para ang mga pahayag natin ay maging makabuluhan at kapaki-
pakinabang hindi lamang sa sarili kundi sa bayan at mga kababayan.
Gamitin natin ang imahinasyong sosyolohiya para dumaloy sa ating
kamalayan bilang mananaliksik na ang problema sa sarili kaugnay ng
mas malalaking pangyayari sa lipunan (Salazar, 2016).
Pangalawa, magandang gamitin natin ang bernakular at
pambansang wika hindi lamang para samadaling magkaintindihan,
kundi para sa pagsasakonteksto ng pananaliksik sa lipunang Pilipino at
para mabasa’t mapakinabangan ito ng mga kapuwa Pilipino. Hindi
matutumbasan ng wikang Ingles ang wikang Filipino sa paglalarawan at
pagtatalakay ng mga penomenong matatagpuan lamang sa bansa.
Nakatahi ang wika sa kultura, politika, kasaysayan at sosyo-ekonomik
na kalagayan ng mga Pilipino at ng Pilipinas kung kaya’t bernakular at
wikang pambansa ang nararapat na gamitin sa pagsusuri at paglalahad
ng anumang pahayag ng kaalaman batay sa pananaliksik. Sabi nga ni
Constantino (1996), “patuloy na pinarurupok o pinahihina ng ating
pagtanggap at pagkaalipin sa wikang banyagang kalidad ng
intelektwalisasyon dito sa bansa”. Aniya, “hirap na hirap ang marami sa
atin na makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ito ang
napabayaan” (Constantino, 1996). Kung gusto ng mga Pilipino umunlad
ang ating isipan kailang paunlarin din bernakular at pambansang wika
sapagkat “ang wika ay instrument ng pag-iisip” (Constantino, 1996).
Pangatlo, ibahagi natin ang mga nabuo nating kaalaman lalo na
sa midya. Makilahok tayo sa pamamahayag bilang mga citizen journalist
na nagbabahagi ng mga balitang binuo mula sa masinop na pananaliksik
ng mga impormasyon. Kayang-kaya natin itong gawin sa social media,
na ayon sa pananaliksik nina Suva at Manalo’y (2016) tinitingnan na
ngayon bilang isang pook para buuin ang sariling identidad, magsulong
aktibismo, mapalawig ang demokrasyang pangmidya, at magpraktis ng
citizen journalism.
Huwag nating hayaan na ang malalaking korporasyon ng midya
ang magdomina sa pagpapalaganap ng mga kaalaman. Sa malaking
bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ang malalaki at pangmadlang midya
ay kontrolado ng naghaharing-uri sa loob at labas ng bansa (Santos,
2014). Kailangan nating magpunyagi sa pagpoprodyus ng alternatibong
midya na tunay na edukasyonal, makabayan, makatao, at maka-
Pilipino.

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Sagutin mo ako nang may pang-unawa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit mahalaga ang pananaliksik bago bumuo at magbahagi ng
pahayag ng kaalaman sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon?

2. Tumutukoy sa isang napapanahong isyu sa bansa na kaugnay ng


iyong larangan o disiplina. Kung ikaw ay magpoprodyus ng poster
tungkol sa isyung ito, ano-anong batis ng impormasyon ang iyong
bibigyang prayoridad? Bakit?

3. Ikaw ay naimbitahang magbigay ng talumpati sa pulong ng isang


organisasyon ng mga kabataan tungkol sa kalagayan ng edukasyon sa
inyong bayan ngayon. Paano ka mangangalap ng mga impormasyon na
gagawin mong saligan ng iyong talumpati?

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

4. Sa iyong karanasan sa pananaliksik sa hayskul, paano pinag-uugnay-


ugnay ang mga impormasyon na galing sa iba’t ibang batis? Paano
naman ginagawan ng buod ang mga pinag-ugnay-ugnay na
impormasyon?

5. Bakit mahalagang gamitin ang wikang Filipino sa pagpoproseso ng


mga impormasyon para sa komunikasyon, mula sa pagpili ng paksa
sisiyasatin hanggang sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman?

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

Misyon ko’y hikayatin ka!

Panuto: Pumili ng isang napapanahon at mainit na isyung panlipunan


na pinag-uusapan at pinagbabaliktaktakan ng maraming Pilipino.
Magdesisyon kung ano ang panig o posisyon (halimbawa, sang-ayon, di
sang-ayon, medyo sang-ayon lang, sumusuporta, di sumusuporta) mo
sa napiling isyu. Layon ng gagawin mong pananalita na himukin ang
tagapakinig na pumanig o sumuporta sa posisyong kinikilingan mo.

Sa pangangalap ng impormasyon para makabuo ng pahayag ng


kaalaman sa papel, sumangguni sa mga online na material (halimbawa:
Philippine E-Journals Database, online news sites, blogs). Maaaring
makipagpanayam at makipagtalakayan sa mga eksperto at iba pang
indibidwal na may malawak na kaalaman at karanasan sa paksa.

Sa pagsusulat, isaalang-alang ang sumusunod na mga katangian


ng mapanghikayat na pananalita: malinaw ang posisyon o panig;
matibay ang mga argumentong sumusuporta sa posisyon o panig;
organisado at maayos ang daloy ng impormasyon mula simula
hanggang dulo; at malikhain at kawili-wili ang estilo ng paglalahad ng
impormasyon. Ang eskripto ng pananalita ay dapat naglalaman ng
2,000 hanggang 3,000 salita.

Rubrik sa Mapanghikayat na Pananalita


Pamantayan Kahanga-hanga Mahusay Maayos Kaya mo iyan! Marka
(5) (3-4) (2) (0-1)
Pagkakaroon ng Angkop at Angkop ang Di-gaanong Hindi angkop
angkop na malikhain ang pamagat ng angkop ang ang pamagat
pamagat (10%) pamagat ng pananalita. pamagat ng ng pananalita.
pananalita. pananalita.
Malinaw na Malinaw ang Halatang may Hindi gaanong Lubhang di
posisyon o panig posisyon o pnig posisiyon o panig malinaw ang malinaw ang
(20%) ng ang posisyon o posisyon o
tagapagsalita. tagapagsalita, panig ng panig ng
subalit may ilang tagapagsalita. tagapagsalita.
bahaging
nagbibigay ng
kalituhan hinggil
dito.
Matibay na mga Matibay ang mga Matibay ang Hindi gaanong Mahina ang
argumento argumentong karamihan sa matibay ang argumentong
(40%) nailahad; mga argumentong nailahad.
maraming argumentong nailahad.
katibayan at nailahad.
datos na
nagpapatunay sa
mga ito.
Organisasyon at Nailahad ang Nailahad ang Kulang sa Walang
daloy ng mga mga ideya at mga ideya at lohikal at kaayusan ang
ideya at impormasyon sa impormasyon sa maayos na daloy ng mga
impormasyon lohikal na medyo lohikal na daloy ang mga ideya at
(10%) pamamaraan at pamamaraan at ideya at impormasyon.
maayos na medyo maayos impormasyon.
daloy. na daloy.
Konstruksyon ng Walang mali sa May ilang mali sa Marami-raming Napakaraming
pangungusap at konstruksyon ng konstruksyonng mali sa mali sa
gramatika (10%) mga mga kontruksyon ng konstruksyon
pangungusap at mga ng mga

GEC10Kontekstuwalisado…binibini
SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY LUCENA CAMPUS

sa gramatika sa pangungusap sa pangungusap pangungusap


wikang Filipino. gramatika. at sa at sa
gramatika. gramatika.
Sanggunian Nakapagtala ng Nakapagtala ng Hindi umabot Hindi umabot
(10%) higit sa 10 8-10 katiwa- sa walo ang sa lima ang
katiwa-tiwalang tiwalang bilang ng bilang ng
sanggunian. sanggunian. sanggunian, at sanggunian, at
ang ilan sa karamihan sa
mga ito ay mga ito ay
hindi katiwa- hindi katiwa-
tiwala. tiwala.
Kabuoan

GEC10Kontekstuwalisado…binibini

You might also like