You are on page 1of 4

Pangalan: Carl John E.

Cruz
Kurso at Taon: BSIT 1-A

Talakayin:

1. Batay sa dokumentaryong aking napanood ay nais lamang nila na palakasin ang wikang
filipino na siyang ating wika. Sa pamagat palang ay may ideya na tayo kung ano ang nais
ipaalam sa atin ng dokumentaryo. Nais nito na isulong ang ating wika sa pamamagitan ng
edukasyon sa ating bansa sapagkat sino ang manginginabang sa ating wikang na siyang
humubog sa ating pagka-Pilipino. Sa pagtaguyod ng wikang Filipino sa pamamagitan nag
edukasyon ay nagkaroon ito ng problema gaya na lamang ng magsimula ang K-12 kung saan
batay sa memorandum na inilabas ay Ingles ang wikang gagamitin sa pagtuturo depemde sa
HEI's, dito nagkaroon ng usapin na bakit pa Ingles ang siyang gagamitin sa pagtuturo kung may
sarili naman tayong wika. Dahil rito, nagkaroon ng pangamba na malusaw ang wikang Filipino
sa sistema ng edukasyon sa ating bansa dahil sa bagong curriculum kung kaya't maraming guro
ang ipinaglaban ang wikang Filipino sapagkat tayo ang manginginabang rito.

2. Ang wikang pambansa sa kontekswalisadong kominukasyon sa komunidad ang siyang


nagiging paraan upang magkaroon ng maayos na pag-uusap ang bawat isa. Ito ang nagsisilbing
gabay sa mga tao upang maipahayag nila ang kanilang mga sariling damdamin o pananaw ukol
sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang komunidad. Ang wikang pambansa ang siyang
tumutulong sa ating bansa upang pagbukludin ang mga pinoy kahit gaano pa man sila kalayo sa
isa't-isa. Ito rin ang nagiging paraan upang maipakita kung sino tayong mga Pilipino, kung paano
binago ng ating wikang pambansa ang ating bansa sa iba't-ibang aspeto. At para naman sa
dokumentaryo, ito ang siyang nagiging daan upang magbigay kaalaman sa mga manonood. Ang
wikang pambansa na siyang ating ginagamit ay ang siyang naging paraan upang lubos na
maunawaan ng mga tao ang nais nating ipahayag sa bawat dokumentong ating isinasagawa.

3. CHED Memo No. 20-2013 , bakit nga itiniuturing ito na Anti-Filipino. Batay sa nilalaman ng
memorandum, nakasaad dito na hindi na ituturo ang asignaturang Filipino sa kolehiyo kapag
naipatupad na ang K-12 curriculum. At dahil nga sa nilalaman ng nasabing memorandum ay
marami ang tumuligsa rito kabilang na ang grupong Anakbayan dahil ipinapairal nito ang
kaisipang kolonyal at pagka Anti-Filipino. Nabuo rin ang grupong tanggol ng wika dahil sa
usaping ito, binunuo ito ng mga guro at propesor na siyang isinusulong na panatilihin ang
asignaturang Filipino sa mga estudyante sa kolehiyo.
TASAHIN:
Pangalan: Carl John E. Cruz Puntos:
Kurso at Taon: BSIT 1-A Petsa:

A.

1. Anong batas ang nagpapatunay na ang Wikang pambansa ay FILIPINO?


a. Kautusang Tagapagpalaganap Blg.263 c.Saligang Batas ng 1987
b. Proklama Blg. 186 d.Batas-Komonwelt Blg. 184

2. Sinong pangulo ng Pilipinas ang nag-utos at naghirang ng Surian ng


Wikang Pambansa noong Enero 12,1937?
a. Pangulong Magsaysay c. Pangulong Marcos
b. Pangulong Quezon d. Pangulong Macapagal

3. Sino ang unang pangulo ng Surian ng Wikang Pambansa sa taong 1937?


a. Lope K. Santos c.Jaime C de Vera
b. Cecilio Lopez d.Santiago A. Fonacier

4. Ayon sa pagsusuri ng SWP ang tagalog ay ginawang saligan ng Wikang


Pambansa sa kadahilanang;
a. ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa
b. ito’y madaling wikain ng mga tao
c. Ito’y tanyag sa mga dayuhan
d. marami populasyon ng mga tagalong

5. Ito ang kahulugan ng CHED


a. Commission on Higher Education
b. Commision on Higher Education Department
c. Committee on Higher Education
d. Commision on Higher Evolution of Education

6. Petsa nang ilabas ang CHED ang CMO No. 20 s, 2013.


a. Agosto 29, 2012 c.Disyembre 7, 2012
b. Mayo 31, 2012 d. Hunyo 28, 2013

7. Ito ang petsa kung kalian nagsampa ng kaso sa korte Suprema ang
Tanggol Wika ni Lumbrera.
a. Abril 15, 2015 c. Hunyo 21, 2014
b. Hulyo 4, 2014 d. Hunyo 16, 2014

8. Anong trabaho ang nag-udyok kay Gng. Arroyo para ilabas ang Executive
Order Blg. 210 na pamagat na “ Establishing the Policy to Strengthen the
Use of English as a Second Language in the Education System”?
a. House Bill no. 5094 c. House Bill no. 5093
b. House Bill no. 5092 d. House Bill no. 5091

9. Siya ang tagapagsalita sa konsultatibong forum sa DLSU na itinuturing na


de-kalibre dahil sa siya ang Alagad ng Sining.
a. Dr. David Michael San Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbrera d. Dr. Fanny Garcia

10. Ito ang integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya.


a. Wika c. komunikasyon
b. Liwanag d. salita

II.
Pormal Impormal
Pambansa Pampanitikan/ Lalawiganin Kolokyal Balbal
Panretorika
baliw Nasisiraan ng ulo buang Sira ulo praning
umiiyak humihikbi naghihibi magulang Krayola
magulang magulang magurang magulang mats
maganda maganda magayon maganda Gandara
nagtuturo Nagbibigay ng nagtutukdo tutor tutorist
impormasyon o
ideya
salapi salapi kwarta datung anda
Pilipino Pilipino Pilipino Pinoy noypi
iniibig kasintahan iniirog inibig syota
Guro tagapagturo maestra guro titser
manunulat makata manunurat manunulat writerist

II. Gawaing Interaktibo

1. Simbahan
Magkakasama kaming pamilya na nagsisimba tuwing linggo. Nakikinig kami sa
isinasagawang misa at nanalangin sa Panginoon.
Obserbasyon( Tahimik ang paligid, wikang pampanitikan o minsan ay lalawiganin ang
wikang ginagamit sa isinasagawang misa, iba-iba an pamaraan ng pananamit ng mga
nagsisimba.)

2. Iskwelahan/Paaralan
Kasama ko ang aking mga kamag-aral sa silid-aralan, tili at tawanan ang aming ginagawa
sa tuwing wala ang aming guro.
Obserbasyon( Malakas ang aming mga boses sa tuwing nag-uusap, malimit na balbal o
salitang kalye ang aming wikang ginagamit, naka uniporme ang suot ng mga mag-aaral.)

3. Tahanan
Madalas kami mag usap-usap sa tahanan sapagkat may trabaho ang aking ina at may
pasok naman ako sa paaralan at ang aking bunsong kapatid.
Obserbayon( Wikang panlalawigan ang aming wikang ginagamit, malimit kami mag
usap-usap).

You might also like