You are on page 1of 10

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO

ALAMIN
Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman sa bawat aralin.
Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing inihanda sa bawat yugto ng
pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga barayti ng wika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao? Ngunit dahil lagi na
natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.Natural na lamang
sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman atpagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating kaalaman ay
maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari mong pagkunan ng iyong
mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ito. Kaya
mo’ to! Hand ka na ba?Simulan mo na.

Mga Barayti ng Wika


Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon. Ang mga
kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki upang ihanda ka sa mga gawaing
may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon.
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga barayti ng wika. Makatutulong ito sa iyo
upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig
nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng iyong komunidad at lipunan

Mga Layunin

Sa modyul na ito, gagabayan ka sa mga barayti ng wikang ginagamit sa lipunan. Inaasahang sa


katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod na kasanayang pampagkatuto:
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa
mga konseptong pangwika F11EP – Ic – 30
Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M. A. K.
Halliday) F11PT – Ic – 86

PANGKALAHATANG PANUTO
Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng
pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa
bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa
bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga
mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung
sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigtingsa mga natutunan sa araling tinalakay.Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na
ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o
tuntunin sa paggamit sa aralin.
Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman.
Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala.
Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito.
Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay nagawain. Mababasa
mo kung paano ito gagawin.
Sagutin mo ang pangwakas napagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo
inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging
matapat ka sa pagwawasto.
Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng
hiwalay na sagutang papel o notbuk.
TANDAAN: ISULAT ANG LAHAT NG KASAGUTAN SA SAGUTANG PAPEL NA MAKIKITA SA
HULING BAHAGI NG SANAYANG PAPEL SAPAGKAT ITO AY IYONG ISUSUMITE SA IYONG
GURO PAGKATAPOS NG LINGGONG ITO.

1
MGA BARAYTI NG WIKA
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titk o
letra ng mapipili mong sagot sa SAGUTANG PAPEL

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na


kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a.Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

2.Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga
taga- Metro Manila.
a.Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

3.Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah,
ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

4.Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng
wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

5.Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang
taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang
naging unang wika ng mga naging anak nila.
a.Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

6.Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo


a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

7.Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.
Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y
alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
a.Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

8.Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-
ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal angb paraan nila ng
pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek
9. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang
salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek
10.“Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K.
a. Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

Heterogenous at Homogenous na Wika Barayti ng Wika


A. TUKLASIN
Sa araling ito, matutunghayan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng
tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Kaya sa araling ito
susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman sa wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na
pinagmulan nito.

Gawain 1: Isulat ang lahat ng kasagutan sa Sagutang Papel.

2
Isulat ang kasagutan sa Sagutang Papel.
1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang paraan ng iyong
pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?
2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo ng pagbati
o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?

ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang


porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sapagkakaroon ng iisang porma o kaya ay pagkakaroon ng
iba't ibang porma o barayti

Heterogeneous Na Wika

Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at genos (uri/lahi)
nabuo ang heterogeneous.Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang
ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay, nagkaroon ng
ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan ay nakasama dito ang mga
idyolek at dayalektong uri ng wika.

Halimbawa:Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar dito ay may ibat-ibang
katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.

Ang Homogeneos na Wika

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o
aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling kahulugan dito.
Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o
paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng
mga kaibigan."

https://brainly.ph/question/679230#readmore

3
Gawain 2:

Gumawa ng facebook wall sa iyong hiwalay na


sagutang papel o notbuk. Magpaskil ng
pagkakaiba nghomogenous o heterogenousna
wika sa iyongfacebook wall. Lagyan rin ng
sariling halimbawa katulad sa modelo sa
diskusyon sa itaas na bahagi.(Nagagamit ang
kaalaman samodernong teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga
konseptong pangwika
F11EP – Ic – 30

C. PAGYAMANIN

Barayti ng Wika

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang


epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang
pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap
at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular
na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan..Gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng
sa iba pang lugar subalit naiiba angpunto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit na salitapara sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap
na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar.Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng
pagsasalita ang bawat isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.
IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nangmagkaparehong-
magkapareho.Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng isang tao na makikita sa punto at
paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang aspektong pangwika.Hal:Magandang gabi,
bayan" ni Kabayan Noli de Castro
SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taonggumagamit ng wika.
Kapansin-pansin kung paano makikitang nagkakapangkat-pangkat angmga tao batay sa ilang
katangian.Ayon kay Rubrico(2009), ang sosyolek ang pinakamahusay na palatandaan
ngistratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika
ngmga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
kanilangkinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan
niyangmatutunan ang sosyolek na ito.Hal:Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"

4
ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.Ang salitang etnolek ay nagmula sa mga
salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul = tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo
sa init man o saulan Bulanon= full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at
dulo ng salitatulad ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen (hawak).Hal:Panghihiram ng
salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa mga banyaga
PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o
katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang
mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi
nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.
Bibigyan kita ng diskawnt.)
CREOLE
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng batangisinilang sa
komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo ito hangggang sa
magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan. Ito ngayonang creole, ang
wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.Hal:Buenas dias. (Chavacano)
(magandang umaga.)

Gawain 3
Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin
ang tungkol sa barayti ng wika. Pahalagahan ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat
ang sagot sa hiwalay na sagutang papel o notbuk.
1. Tungkol saan ang ilustrasyon?

2. Paano ginagamit ang mga salita sa ilustrasyon?


May panghihiram ba ng mga salita o wala?

5
3. Ano-ano ang barayti ng wikang ginagamit?
D. ISAGAWA
Gawain 4
Bilang mag-aaral, pumili ng tatlong asignatura, at
magtala ng mga salitang nasa ilalim ng bawat
isa. Suriin kung anong barayti ng wika ang
ginamit? Ipaliwanag ang sagot sa Sagutang
Papel.

Asignatura 1

Asignatura 2

Asignatura 3

Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito nagkakaroon ng pagkakaunawaan at
pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan ng saysay ang lahat ng ating sinasabi. Mahalagang
pag-aralan ang iba't ibang barayti ng wika upang:

1. Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa atingkasaysayan at mga pamumuhay ng mga
tao noong unang panahon.

2. Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.

3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at damdamin kapag mayroon siyang gustong
sabihin

4. Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung gagamitin niya ang kanyang sariling
dayalekto kumpara sa kung gagamit siya ng wikang Ingles kung siya ay purong Pilipino.

TAYAHIN: Saguting ang huling pagtataya sa Sagutang Papel.

HULING PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga
pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang
ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang


paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na
kapag sinasabi niya ang pamoso niyang
linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal


pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng
mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek
6
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng
pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla!
Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang


Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa
man dumating ang mga Espanyol. Dahil
parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa,
bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa
kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa


ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga
dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang
binuo na maituturing na hindi pag-aari
ninuman ay siyang naging unang wika ng mga
naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo


a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig


niyang nag-uusap ang dalawang babae sa
unahan. Narinig niya sa usapan ang mga
salitang lesson plan, quiz, essay, at grading
sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang
mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register
8. Habang nakahanda ng report o ulat ang
magkaibigang Rio at Len ay maharot at
nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita
subalit nang maihanda ang mga kagamitan at
magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase
at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal
na paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek

9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula


sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig
niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang
salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa
gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a.Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang


binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K.
a.Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

Tandaan: Isulat ang lahat ng kasagutan sa Sagutang Papel.

7
SAGUTANG PAPEL NG MAG-AARAL

Pangalan ng Mag-aaral:__________________________________Baitang & Sek. :_________________________


Tirahan : ___________________________________Petsa :_________________________
Paksa : ___________________________________Contact No. : _________________________
Linggo Blg. :___________Sanayang Blg. ___________Email Address :_________________________
Facebook/Messenger Account :________________________________________________________________

PALATANDAAN:
Ang pahinang ito ay magsisilbing SAGUTANG PAPEL. Isulat ang lahat ng kasagutan dito at sundin
ang pormat na ipinapakita sa mga kasanayan sa Sanayang Papel. Ang SAGUTANG PAPEL ay ang ibabalik
sa guro pagkatapos ng linggong ito. Hindi mo na kailangang isauli ang Sanayang Papel sapagkat ito ay
magsisilbing iyong materyal sa pag-aaral para sa mahabang pagsusulit sa pagtatapos ng Unang Kuwarter.
Subukin:

1. __________ 6. __________
2. __________ 7. __________
3. __________ 8. __________
4. __________ 9. __________
5. __________ 10. __________
Tuklasin

Gawain 1

1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang paraan ng
iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?

2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo ng


pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?

8
Gawain 2:
Gumawa ng facebook wall sa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk. Magpaskil ng pagkakaiba
ng homogenous o heterogenousna wika sa iyong facebook wall. Lagyan rin ng sariling halimbawa
katulad sa modelo sa diskusyon sa itaas na bahagi.(Nagagamit ang kaalaman sa modernong
teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
Isulat ditto ang link ng iyong Facebook Post.____________________________________________________
Gawain 3:
1. Tungkol saan ang ilustrasyon?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano ginagamit ang mga salita sa ilustrasyon? May panghihiram ba ng mga salita o wala?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang barayti ng wikang ginagamit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
D. ISAGAWA
Gawain 4

Asignatura 1

Asignatura 2

Asignatura 3

Tayahin (Huling Pagtataya)

1. __________ 6. __________
2. __________ 7. __________
3. __________ 8. __________
4. __________ 9. __________
5. __________ 10. __________

9
10

You might also like