You are on page 1of 5

John Samuel DL.

Villafania

3EDFIL5B

Introduksiyon sa Pagsasalin

1. Ipaliwanag ang pahayag na, "habang napag-iingatan ng isang bayan ang

kanyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya," ng

tauhang si Simoun sa nobelang El Filibusterismo. Ano ang kaugnayan ng

pahayag na ito sa relasyon ng wika at kultura?

- Sinasabi lamang ng pahayag na ang Wika ay identidad ng isang bansa na

sumasalamin sa lahi na kung saan makikita ang kultura at panitikan. Binibigyang diin na

ang kahalagahan ng wika sa pagtatala at paggunita, partikular ang mga pakikibaka ng

mga bayani sa kalayaan at maitaguyod ito. Ang wika ay hindi lamang isang paraan ng

komunikasyon, nagsisilbi itong yaman at pamana, sapagkat kung gaya nang

soberanya, kung hindi natin ito mapprotektahan at malilinang, mababalewala ang

bansang Pilipinas.

2. Ano ang konseptong linguistic relativity na pananaw nina Sapir at Whorf?

- Ang konsepto ng linguistic relativity ay ang iyong wikang ginagamit o sinasalita ay

marahil nakaiimpluwensya sa kung papaano ka mag-isip, maging umunawa sa buhay at

mundo. Kung ating pang bibigyang-tuon, ang katotohanan na iyong tinitingnan ay

maaaring humubog sa iyong kaisipan base sa salita at istruktura ng wika.


3. Sa paanong paraan nagsisilbi ang wika bilang pahayag-pahiwatig ng kultura?

bilang impukan-kuhanan? bilang daluyan?

- Pahayag-pahiwatig ng kultura - ang kaisipang lutang sa pahayag na ito na kung ang

wika ay isang mahalagang sangkap sa isang pamayanan, magreresulta ito nang

sariling pagpapakahulugan sa salita bagaman mayroon ito katulad sa iba. Kung kaya't

mahihinuha na ang wika ay kakaiba o "unique".

- Impukan-kuhanan ng kultura - Nagbibigay ito ng mga kagamitang pangwika na

kailangan upang magkaroon ng koneksyon sa isang partikular na konsteksto ng kultura.

Halimbawa, sa pampamilya, madaling tukuyin ang sa ingles ngunit pagdating sa atin,

may hipag, bayaw, bilas at kung ano-ano pa na tiyak at walang kalituhan.

- Bilang daluyan - Sapagkat ang kultura ay naipapasa mula sa isang henerasyon

hanggang sa susunod. Sa pamamagitan ng wika, natututo ang isang indibidwal na

kanilang kultural na pamana, maging pamantayan at halaga nito.

4. Ipaliwanag ang iba't ibang antas ng konseptong Pilipino na binalangkas ni

Enriquez, Magbigay ng sariling halimbawa sa bawat isa.

- Katutubong Konsepto - konsepto nakikitaan sa paraan ng nabago at nahasa ng

panahon ang iba't ibang pananw, karanasan at kaalaman ng Pilipino


Halimbawa: Mga konsepto bunga ng pagtatakda ng kahulugan - binibigyang pansin dito

ang teknikal na kahulugan ang konseptong bahagi sa pagiging isang Pilipino.

Halimbawa: Tagapagbatid at kalahok na naididikit sa salitang subject

Pagaandukha - pabibigay kahulugan sa salitang hiram at ideya nito, iba ang

pakahulugan ng sa dayuhan at katutubo.

Halimbawa: Paniniyansing na ang kahulugan ay hindi dapat basta-bata hawak nang

hawak kung kani-kanino sa kuktuang Pilipino.

Pagbibinyag - pagbibigay sa katutubong salita na naging arbirtraryo sa kahulugan sa

kultura ng isang bayan.

Halimbawa: "Hiya" - ang pagiging kawalan nang kumpiyansa sa sarili sa isang partikular

na sitwasyon.

Paimbabaw na asimilasyon ng taguri at konseptong hiram - salitang banyagang walang

tiyak na pakahulugan sa wikang Filipino.


Halimbawa: Cellphone

Mga ligaw at banyagang konsepto - mga konseptong walang malinaw na ibig-sabihin

dahil malayo o hindi akma sa kulturang Pilipino.

Halimbawa: Ang konsepto ng "Prejudice" na mas may kaakibat na bigat ng salita kaysa

stereotypes.

5. Sa paanong paraan nagiging pagsasaling-kultura ang ginagawang pagsasalin?

- Sa esensya, ang pagsasaling pangkultura ay higit pa sa katumpakan ng wika; ito ay

tungkol sa paghahatid ng kakanyahan at kultural na kahalagahan ng isang teksto.

Kinikilala nito na ang wika at kultura ay malalim na magkakaugnay, at ang matagumpay

na pagsasalin ay nangangailangan ng malalim na pag-unawa sa parehong pinagmulan

at target na kultura upang mabisang tulay ang puwang.

6. Ano-ano ang mga kategoryang kultural na nararapat isaalang-alang sa

pagsasalin? Magbigay ng sariling halimbawa sa bawat kategorya.

Pagkain: Sinigang na baboy na ang salin sa ingles ay pork sour or pork stew

Kilos, gawi at ekspresyon: "Ano boi?" salin ay 'Kumusta ka?" o "How are you"

Kaugalian: Maboteng Usapan

Kasuotan: T'nalak ng T'boli


Paniniwala: Ang maliit na burol ng langgam sa ilalim ng bahay ay isang palatandaan ng

magandang suwerte.

You might also like