You are on page 1of 3

Van Andrew L. Leal Mrs.

Rosan Gomez de Vera


(BSIT 2-3) (Instructor)

Pantayong Pananaw
I. Introduksyon

Ang Pantayong Pananaw ay isang diskursong pangkabihasnan/pangkasaysayan na


naglalayon na dalin ang konseptong Pilipino at nasyong Pilipino sa mas mataas na
antas ng pagkapino at pagkabuo. Sa mga artikulo ni Dr. Salazar, ginawa nyang
malinaw na ang bayan ngayon (na sa mapangsuring papel na ito ay idadalumat natin
bilang ang kolektibang grupo ng mga itinuturing na Pilipino, kahit na sila’y magkakaiba
ng etnolinggwistikong grupo) ay nakahiwalay sa akulturadong elite, na sya namang
nagdidikta ng pinakalaman ng modelo ng pagiging bansa o nasyon. Naniniwala rin si
Dr. Salazar na ang “dambuhalang pagkakahati” na ito sa espasyo ng kultura,
kasaysayan at wika ang naging dahilan kung bakit, una, hindi mabuo ang
bansa/nasyon, at pangalawa, kung bakit hindi umunlad ang “taal” at lubos na
Pilipino/maka-Pilipinong kalinangan at kasaysayan. Sa paggamit ng diskurso at metodo
ng Pantayong Pananaw, nilalayon ng pagkilos na ito sa historyograpiya na magbuo ng
“nagsasariling talastasan” kung saan ang pinaka-“pook” ay ang bayan. Ang paggamit
ng salitang “bayan” ay madalas na nagagamit rin sa polarisasyon sa antas ng
pagteteorisa at sa materyal na realidad, tulad ng bayan-elite, bayan-banyaga, atbp. Ang
mga polarisasyon ay nangyayari sapagkat nais na makitang muli ang “taal” at tunay na
Pilipino, upang tumalab na ang paradigm ng Pilipinas bilang tunay na bansa/nasyon. Sa
kabila ng mga mabuting layunin nito, bilang isang diskrusong nasyonal/pang-
nasyonal/nasyonalista, maaari nating sabihin na ang metodo nito, na nag-uugat pa sa
mga sinulat ni Dr. Zeus Salazar ay problematiko sa dahilang marami itong mga
dimensyon na pinipiling hindi tingnan. Sa bokabularyo ni Raymond Williams, sa
kanyang sariling pagsusuri sa daloy ng ideolohiya at hegemonya sa mga lipunan,
maaari nating ihalintulad ang mga kahinaan ng Pantayong Pananaw sa selective
tradition o tradisyong namimili. Tulad ng dominanteng ideoloyohiya, ang Pantayong
Pananaw na paglapit sa pagka-Pilipino, atbp., ay nagpapaliwanag sa ilang mga bagay,
at naglulubog sa dilim ng iba pa na may kontradiksyon sa mga istrukturang ito. Ito ay
simplistikong pagbubukas ng pagsusuri na ito, ngunit mahalaga rin ang paghahalintulad
na ito sapagkat sa unang tingin pa lamang, ang Pantayong Pananaw ay kasama pa rin
sa dominanted ideyolohiyang namamayani sa ating bansa, ngunit ito ay nagpupumiglas
mula sa pinag-ugatan nito, sapagkat nais nitong bumuo ng panibagong modelo para sa
“bayan”.
II. Buod

Mula dito, nais ko munang suriin sa paraan ng close reading ang mga
pundasyon ng teorya/perspektibang Pantayong Pananaw. Ang una marahil na dapat
nating tingnan ay ang pangalan mismo ng Pantayong Pananaw. Ang pan + tayo ay
hindi nakapasok sa bokabularyong Pilipino. Samakatuwid, ang perspektibang ito na
nagnanais na bumuo ng pagka-Pilipino sa kasaysayan at kultura ay may pangalan na
hindi “taal” na Pilipino. Ang kontradiksyong ito ay nakasabit sa katotohanang ang
“pantayo” ay isang neologism, o isang panibagong salita na inimbento, mula sa loob ng
pagkilos. Muli, mahalaga ito dahil kung ninanais ng isang mulat na kilusan sa agham na
pangkultura, pangkasayasayan at pangkabihasnan na makipagtalasatasan sa tunay na
“bayan” ay dapat maging makatotohanan muna ito sa mga kausap nila sa talastasan.
Dito papasok ang tanong na lang na “Ano ba ang Pilipino?” Sa aking sariling pagsusuri
ng Pantayong Pananaw mabigat ang naging pagpapahalaga ng pagkilos na ito sa mga
sumusunod: ang posibilidad na ang mga Pilipino ay nagmula nga sa binhi ng mga
Austronesyano, na ang basehan ng pagkabansa natin ay ang wikang Filipino, na ang
pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan nating bilang bansang nagnanais
magsarili ay ang rebolusyong Katipunero, at iba pang mga magkakapatid na konsepto
na lumulusot o tumatalon sa mga iba’t ibang disiplina. Ang lahat ng mga
pagpapahalaga na ito ay nakakadena sa iisang layunin: na bumuo ng isang
“nagsasariling” grand meta-narrative, na magbibigay ng saysay sa kasaysayang
“winasak” ng kolonyalismo at mga uring mapanlinlang at “nakikinabang”. Ilang mga
bagay ang dapat tandaan sa pagsusuring ito; una, ang mga tao ay nagbabago ng
pananaw, at tulad ng paggamit ng linggwahe, hindi static ang mga miyembro ng isang
imagined community na maaari na lamang ikahon sa isang
paradigm/model/pagdadalumat na nagsasabing may namamayaning code na
implisitong naiintindihan, pangalawa, ang kultura, na produkto ng pamumuhay ng mga
tao sa kahit anong “pook” bilang mga tunay na zoopolitikon ay hindi rin static o hindi
nagbabago at pang-huli, sa dalawa pa lamang na argumentong ito, hindi maaaring
sabihin na mayroong iisang diskurso o paraan ng talastasan na naaangkop sa lahat ng
mga Pilipino na iba’t iba ang uri, edad at pinagmulan, at lalong lalo na na hindi pwedeng
sabihin na ang diskursong ito ay may paraan na nga sa pagbubuo ng bansa/nasyon.

III. Konklusyon
Ang pagbubuo ng bansa/nasyon ay hindi nadadaaan sa paggamit lamang ng
wika at pagpapayabong ng kalinangan ng “bayan”. Ang bansa/nasyon ay mas madalas
na nabubuo pagkatapos lamang nitong dumaan sa matinding paghihirap- tulad ng
kolonyalismo. Ang pagkokolonisa sa Pilipinas ang nag-centralize ng mga pulo at
nakinabang sa mga ito. Ngunit dapat nating tandaan na dahil dito’y nagkaroon ng
dahilan na mag-sanib ang mga taong hindi magkakakilala bilang isa political entity na
naiiba sa iba pang mga political entity. Ang pagkakawatak-watak ng bansa ay dulot ng
pagbabago sa mga sistema- at una na rito ang sistemang pang-ekonomiya, sapagkat
ito ang nagdidikta ng mga uri ng tao. Ang mga sistema ang naghihiwalay, at ang mga
sistema rin ang dahilan kung bakit nagkakaisa.

You might also like