You are on page 1of 9

SIMU-SIMULA NG WIKA

• Naniniwala ang mga antropologo na ang wika ng mga sinaunang tao ay isang uri ng wikang halos katulad ng sa mga hayop.

• Kung nabubuhay man ang mga tao katulad ng hayop, ito ay ‘di mapag-aalinlanganan.

• Tao=hayop.

• Tinaguriang mataas na uri ng hayop (kung hindi lamang sa kaniyang nalinang na wika at kultura) na nagtataglay ng mataas
na uri ng talino kaysa alinmang hayop sa daigdig.

• Nakokontrol ang maraming bahagi ng kalikasan.

• Napaunlad nang napaunlad ang kaniyang sarili. (Tuluyang naibukod ang kaniyang sarili sa mga hayop)

• Iba na ang kultura ng tao sa kaniyang kanunu-nunuan.

• Lahat halos ng wika sa kasalukuyan ay may kasalimuotan at lahat ay maituturing na may kasapatan upang magamit sa
pagpapahayag ng diwang napapaloob sa kaniyang kultura.

• Walang taong walang wika at wala ring hayop ang may wika na gaya ng sa tao. (Ang loro ay nanggagaya lamang ng mga
tunog na naririnig.) (The Child is just parroting)

• Kung pagbabatayan ang mga artifacts na nahukay na gawa ng mga unang tao sa daigdig, masasabing ang pagkakaroon ng
wika ng tao sa tunay na kahulugan ng wika ay mayroon nang humigit kumulang isang milyong taon.

PAANO NAGSISIMULA ANG WIKA?

• Nagsimula ito katulad ng pagsisimula ng kultura sa simple-simpleng paraan, umunlad nang umunlad at naging masalimuot
ang kulturang kinatatamnan o kinabubuhulan nito.

• Maraming mga paniniwala ang mga palaaral tungkol sa kung marami o iisa ang pinagmulan ng mga wika sa daigdig.

• Kung naniniwala tayo na ang mga tao sa buong daigdig ay nagbuhat sa iisang angkan lamang (Ang mga wika ay buhat din sa
iisang angkan)

• (Noah: Sem. Cha at Japhet) Sem: Arphaxard ama ni Sala: Heber: Joctan: Ophir.

• Genesis 11:1-9 Babylonia, Tore)

• Lungsod ng Babel at Tore ng Babel na ang ibig sabihin ay Tower of Confusion at City of Confusion.

• Psammitichus (hari ng Ehipto)

• Bekos= bread (Phrygian= pinakauna at matandang wika sa ehipto. Patay na wika mula sa angkang Indo-Europeo)

MGA PRINSIPAL NA ANGKAN NG WIKA

• pagkakahawig sa isa’t isa at ang iba ay malaki ang pagakakaiba-iba.

• Pinangkat ang mga halos 5000 na wika sa daigdig ayon sa kani-kanilang pinagmulan.

• Isinagawa ng mga antropologo at Dalubwika.

PAANO IPINANGKAT?

• Pagsusuri sa pagkakatulad at pagkakahawig sa palatunugan, palabuuan, palaugnayan, at talasalitaan o leksikon.

• Ang pagkakaroon ng pagkakatulad o pagkakahawig sa mga nabanggit na lawak ay mga palatandaan na ang dalawang wika
ay magkaangkan.

MGA SALIK NA IKINOKONSIDERA NG MGA ANTROPOLOGO

• Binabakas din ng mga antropologo ang kasaysayan ng paglaganap ng tao sa daigdig, ang ugnayan ng mga tao na may
kinalaman sa kanilang pakikipagkalakalan, o politika, ang heograpiya, at iba pang may kaugnayan sa pagbabakas ng wika.

• Inaalam din kung nasakop ng isang bansa ang isa pang bansa. Bakit?

• (Wika ng nanakop = sa bansang sinakop)

• Inaalam din ang pagkakalapit o pagkakalayo ng mga bansa, mga dagat, mga bundok, na nakapagitan.

• Ang nabakas sa kasaysayan ng mga wika ay mula sa nakaraang 6000-8000 taon lamang. Bakit?

• Dahil sa kawalan ng datos na mapananaligan. Sa katotohanan ang pagbakas sa ibang wika ay hindi na nakaabot sa
nakaraang 2000 taon.

1
SIMU-SIMULA NG WIKA

• Maraming mga lingguwista, antropologo, at pilologo ang nagsagawa ng pagkaklasipika ng iba’t ibang wika sa daigdig.

• Sa kabuuan, ay masasabing malaking-malaki ang pagkakahawig ng kani-kanilang klasipikasyon bagamat may mga bahaging
sila’y nagkakaiba-iba.

KLASIPIKASYON NI GLEASON (1961)

1. Indo-European 8. Sino-Tibetan

2. Finno-Ugrian 9. Malayo-Polinesian

3. Altaic 10. Papuan

4. Caucasian sa Rehiyon ng Caucasus sa USSR 11. Dravidian

5. Afro-Asiatic 12. Australian

6. Korean 13. Austro-Asiatic

7. Japanese

1. INDO-EUROPEAN (Pinakamalaking angkan)

(a) Germanic (o Teutonic)

(1) English-Frisian (Baybayin ng Netherlands at Alemanya

English- (Pinakamalaganap)

Frishian (malapit at sakop ng Netherlands at Alemanya ) (Frishian Island)

(2) Dutch-German

Dutch ng Netherlands

German ng Alemanya

Flemish ng Belgium

(Ang Afrikaans, isa sa dalawang opisyal na wika ng Unyon ng Hilagang Africa (Dutch); Yiddish (Alpabetong Ebreo) (Aleman)

(3) Scandinavian

• Danish ng Denmark

• Swedish ng Sweden at Finland

• Riksmal at Landsmal ng Norway

• Icelandic ng Iceland

• Anglo-Saxon ng Britanya

b. Celtic

1. Breton ng Timog Kanlurang Pransya

2. Welsh ng Wales

3. Irish ng Ireland

4. Scots Gaelic ng Scotland

c. Romance

1. Portuges ng Portugal at Brazil

2. Espanyol ng Espanya, Latin Amerika at Brazil

3. Pranses ng Pransiya at ang mga bansang sakop; opisyal na wika ng Belhika, Belgian Congo, Switzerland at Canada.

4. Italyano ng Italya

5. Rumanian ng Rumania

6. Sardinian

7. Rhato-Rumanic
2
SIMU-SIMULA NG WIKA
a. Romansch (isa sa 4 na opisyal na wika ng Switzerland (Aleman, Pranses at Italyano)

8. Haitian Creole

9. Catalian at Galician ng Espanya

10. Latin (Oscan, Umbrian, Venetic) kauri ng mga pinakaugat na wika ng mga wikang Romance.

d. Slavic ng Silangang Europa

1. Ruso- (rehiyon ng Moscow, kumalat sa timog Asya; pangalawang wika ng USSR; pangalawa sa Ingles (dami ng nagsasalita)

2. Byelorussian at Ukranian- wika sa gawing hilaga ng Rusya

3. Polish ng Poland

4. Czech ng Czechoslovakia

5. Slovak ng Slovakia

e. Baltic

1. Lithuanian ng Lithuania

2. Latvian ng Latvia

f. Albanian

g. Armenian (Hilagang Caucasus at ilang lugar sa Near East)

h. Griyego ng Greece

i. Iranian (Kurdish sa kanlurang Turkiya; Persiyano sa mga Muslim ng India at Pakistan; Pashto o Afghan sa bahagi ng
Afghanistan at Paligid-ligid ng Pakistan; Balochi sa isang bahagi ng Pakistan.

j. Indic (mga wika sa gawing timog ng India at Pakistan)

1. Hindi ng Repuklika ng India

2. Urdu ng Pakistan

3. Bengali ng Bengal

4. Nepali ng Nepal

5. Sinhalese ng Ceylon

6. Sanskrito (wikang pampanitikan at panrelihiyon sa Indiya.

2. FINNO UGRIAN

a. Finnish ng Finland

b. Estonian ng Estonia

c. Hungarian ng Hungary

d. Lappish, Mordvin, Cheremiss (Wikang kaangkan ng kumalat sa gawing timog ng Europa at Asya).

3. ALTAIC

a. Turkic (Turkish, Azerbaijani- timog kanluran ng Iran at Caucasus; Krighiz, Uzbeg, kazak- kalagitnaang Asya. )

b. Mongol ng Mongolia

c. Manchu-Tungus ng Silangang Mongolia

4. CAUCASIAN SA REHIYON NG CAUCASUS SA USSR

a. South Caucasian (Georgian, Mingrelian)

b. North Caucasian (Abkhasian, Avar, Chechen, Kabardian)

c. Basque

5. AFRO-ASIATIC (Timog Africa at Hilagang Kanluran ng Asya).

a. Semitic

1. Ebreo ng Israel (Wika sa Matandang Tipan)

2. Arabiko ng Arabia

3. Maltese ng Malta
3
SIMU-SIMULA NG WIKA
4. Assyrian ng Assyria

5. Aramaic (Wika na unang nasulat ang unang bibliya; ginamit ni Hesu Kristo/ kaniyang mga disipulo.

6. Phoenician (Kahawig na kahawig ng Matandang Ebreo; wika ng komersyo noon sa Mediterranian at pinagmulan ng ating
matandang alpabeto)

b. Hamitic

1. Egyptian

2. Berber ng Timog Africa at ng Sahara

3. Cushitic ng Silangang Africa

4. Chad ng Nigeria

c. Mande ng Kanlurang Africa

d. Kwa ng Gitnang Africa

e. Sudanic ng Sudan

f. Bantu (Swahili, Congo, Luba, Ngala, Shona, Nyanja, Ganda, Kafir atbp) ng Niger Congo

6. KOREAN

7. JAPANESE

a. Niponggo

b. Ryuku ng Ryuku Islands sa kanlurang Pasipiko

8. SINO-TIBETAN NG SILANGANG ASYA

a. Tibeto-Burman (Tibetan, Burmese, Garo, Bodo, Naga, Kuki-Chin, Karen)

b. Chinese (Mandarin, Fukien, Wu, Cantonese)

c. Kadai (Thai, Siamese, Laotian, Lao, Shan)

9. MALAYO-POLINESIAN (Pangalawa sa Indo-European pagdating sa laki. Kumalat sa kapuluan sa Pasipiko at sa Kanluran ng


Madagascar.

a. Indonesian ng East Indies; Tagalog, Bisayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa ng Pilipinas; Chamorro ng
Guam.

b. Malay ng Sumatra, Malaya, Borneo, Batak ng Sumatra, Balinese ng Bali, Dayak ng Borneo, Makassar ng Celebes.

c. Micronesian

d. Polinesian (Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori)

e. Melanesian (Fijian ng Fiji)

10. PAPUAN (NEW GUINEA AT MGA KALAPIT-PULO

11. DRAVIDIAN (HILAGANG INDIA)

• a. Telugu

• b. Tamil

• c. Kannarese ng Kamara

• d. Malayalam ng Hilagang Kanlurang India

12. AUSTRALIAN

13. AUSTRO-ASIATIC (HILAGANG-SILANGANG ASYA)

• a. Munda (Kalagitnaang India) Santoli, Kkasi, Nico-labarese, Palauag, Wa, Mon)

ANG ANGKANG MALAYO POLINESYO AT ANG MGA WIKA

• Hindi nagkakaisa ang mga palaaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa kapuluuan.

• MARAMI ANG NANINIWALA SA: ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal
na pinagmulan ng kulturang Indonesyo.

• Sa paglakad ng panahon, ang paglikas ng mga tao, ay nahati :

4
SIMU-SIMULA NG WIKA

1. Ang pangkat na lumikas na pakanluran patungong Indiya, Indo-Tsina, at Indonesya.

2. Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas, Formosa (Taiwan), at iba pang kapuluan sa
Pasipiko.

• Dahil dito, naniniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t ibang sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluuan
(katibayang iisa lamang ang pinagmulan ng mga ito)

• Hindi Alifbata kundi baybayin ang unang sistema ng panulat ng katagalugan.

DAVID AT HALEY

• Summer Institute of Linguistics

• Nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas ang iba’t ibang wikang ating nakilala ngayon.

• Nahati sa tatlong panahon ang malawakang paglaganap ng mga wika mula sa Angkang Malayo Polinesyo noong 700 BC.

• Philippine Stock- Pinapalagay ng mga mananaliksik na ito ay napahalo sa paglaganap ng ibang wika sa Pilipinas at sa iba
pang wikang kaangkan ng Malayo Polinesyo, tulad ng wikang Vietnam.

5
SIMU-SIMULA NG WIKA

PAGPAPANGKAT-
PANGKAT NG MGA WIKA SA PILIPINAS

(AYON KINA DAVID, THOMAS & ALAN


HEALY NG SIL. ‘ANTHROPOLOGICAL
LINGUISTICS, VO. 4, NO. 9)

MGA WIKANG KAANGKAN NG PHILIPPINE SUPERSTOCK AYON SA PALAGAY NG MGA PALAARAL

- Mga wika mula sa Borneo, Celebes, at kanlurang Micronesia, o Formosa

PITONG PANGALANG GINAMIT NI DAVID AT HEALEY SA PAGPAPANGKAT

1. Southern Philippine Family

2. Northern Philippine Family

3. Southern Mindanao Family

4. Chamic Family

5. Philippine Stock

6. Malay Stock

7. Philippine Superstock

PAGSUSURI SA KLASIPIKASYON NINA DAVID AT HEALY:

1. Ang Tagalog=Kapampangan=Cebuano= at =Bicol (magkakalapit) ≠ Ilocano at Pangasinan

2. Ilocano = Pangasinan

3. Ang Tagalog ay = Kapampangan (kaysa) Cebuano o Bicol.

MGA KAHINAAN NG KANILANG PAG-AARAL

1. Hindi naibigay ang tiyak na petsa ng pinagmulan ng inang- wika (parent-language)

2. Ang mga talasalitaang ginamit ay lubhang kakaunti upang magbigay ng mapananaligang resulta.

3. Limitado lamang sa mga talasalitaan ang isinagawang pagsusuri; wala sa morpolohiya at sintaksis;

4. Hindi isinaalang-alang ang maaaring naganap na paghihiram ng mga wika sa kapuluan (interdialectal barrowing) ; at

5. Walang sanligang matematikal ang teknik o pamamaraang ginamit.

6
SIMU-SIMULA NG WIKA

PAANO?

• Batay sa korespondensiya ng mga tunog at iba pang katangiang panglinggwistika.

PAANO?

• Naiklaspika ang wika sa pamamgitan ng Lexicostatistics.

• Gumawa ng panimulang glottochronology (pagtataya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa

inang wika, at ang pagkakawatak-watak ng mga anak na wika.

PAGSUSURI NI DYEN

• Pinakapangunahing lingguwista ng wikang malayo polinesya

• Gumamit ng Lexicostatistics

• Kasama sa kaniyang pag-aaral ang 60 na wika sa Pilipinas.

• Hawig ang resulta ng pag-aaral sa isinagawa nina Thomas at Healey

MGA KAIBAHAN NG PAGSUSURI NI DYEN

1. Tagalog ≠ Kapampangan

2. Tagalog= Cebuano at Kuyunon ≠ Kapampangan

3. Mula sa Tsina ang MP at hangganan ng Tibet

4. Ang wika sa Pilipinas ay galing sa Indonesia

5. Malapit ang Panitikang Pilipino sa Arabia (Alifbata)

6. Bahasa Indonesiya- Panahon ng Madjapahit sa Java.

ANG WIKA AT ANG DALUBWIKA: MGA MAHAHALAGANG PUNTOS

• 5000 hindi bababa sa bilang na ito ang mga wikang sinasalita sa buong mundo.

7
SIMU-SIMULA NG WIKA
• May kaibahan at pagkakatulad (binibigkas at binubuo ng mga tunog)

• Walang tunog na unibersal (KPL/SPL/ NG/ T/ TH/)

• Ang bawat wika ay may kani-kaniyang set at balangkas ng mga tunog

• May kakayahan ang tao na makabuo ng napakarami at walang katapusang uri ng tunog.

• Hindi lahat ng tunog ay ginagamit sa wika. (pumipili lamang ang tao na kaniyang magagamit sa pagbigkas) Maaaring ‘di
magkaunawaan.

• Mahalaga ang wika sa pagkatuto (karunungan, ugnayan, saloobin, ) (Pag-ukulan ng panahon)

• Hindi kailangang matutuhan pa ng dalubwika ang wikang kaniyang sinusuri at hindi rin kailangang maraming wika ang
sinasalita upang matawag na dalubwika. (Iba ang polyglot)

• Pinag-uukulan ng pansin ang palatunugan (bawat wika = set ng mga tunog at paano pinagsasama-sama ang mga tunog)
bukod sa pagbubuo ng salita at balangkas ng pangungusap.

• Kung nag-iisa ang tunog ito ay walang kahulugan.

• Hindi tungkulin ng bata na pumili ng mga tunog sa kaniyang pagsasalita (sanggol)

• Ano ang tungkulin ng bata sa wika?

• Hindi nilikha ng bata ang tunog na kaniyang ginagamit sa pagsasalita (pagkopya, panggagaya) (Pipi)

• Maaaring lumikha ng wika ang dalawang bata kung kapuwa ilalayo sa kabihasnan.

• Ngunit kung lumaki sa isang kabihasnang may wika hindi nila kailangang gumawa ng kanilang sariling wika

• (Sa kabuuan, ayon kay Gleason ukol sa wika)

WIKA AT KULTURA: MGA MAHAHALAGANG PUNTOS

• Ano ang kultura? (karunungan, sining, literatura, paniniwala, kaugalian)

• Lumilinang ng wika ang mga taong may sariling kultura na angkop sa kanilang pangangailangan. (Mithiin, lunggatiin,
pangarap, damdamin, kaalaman, karunungan, moralidad, paniniwala, at kaugalian)

• Bakit hindi maaaring maipaghiwalay ang wika at kultura?

• Maaaring gumamit ng mga wikang dayuhan ang isang pamayanan ngunit hindi ito kasimbisa ng kaniyang sariling wika.
(wika at pananakop) (Kultura ng mananakop)

• Kastila= Espanyol, Ingles ng Amerikano, Hapon= wikang katutubo.

• Bakit nananatili pa rin ang Ingles sa ating bansang nakalaya na sa kanila?

BAKIT SINABING KAAWA-AWA ANG FILIPINO SA kaniyang SARILING TAHANAN?

(Edukasyon, = batas, pamahalaan, komersiyo, industriya).

• Ano ang epekto nito sa Filipino? (restawran, palengke at lansangan hanggang dito na lang ba?)

• Malaya bang nakapapasok ang Wikang Filipino bilang wikang panturo? (bilinggwal, MTB-MLE)

• Paglaganap ng Filipino sa Masang Pilipino (Wika rin ng mga kabataang aktibista)

Ingles bilang wika ng nakataas na bahagi ng lipunan. Ngunit hindi kasimbisa ng Filipino sa ugnayang local

• Walang wikang superyor. Lahat ng wika ay may kinaangkupang kultura.

• Ingles=Amerikano, Niponngo=Hapon, Mandarin=Instik, Filipino=Pilipino/Filipino.

• Filipino= nakatanim, tumutubo at yumayabong sa kulturang Pilipino.

• Kung ang Pilipino ay sinasabing mas sanay sa pagpapahayag ng kaniyang kaisipan sa Ingles =kulturang Amerika ang kanilang
pinaniniwalaan. (Kumundisyon sa kanilang isip mula pagkabata)

• Lahat ng kultura ay naipahahayag sa pamamagitan ng wikang kabuhol nito. Halimbawa: ang kultura ng mga Eskimo (May 14
katawagan sa kalagayan ng Nyebe/Snow upang sila ay maunawaan. Pero ito ay hindi angkop sa Filipino. Wala rin silang
pangkalahatang tawag dito na katulad ng snow ng Amerika)

• Pilipinas= maraming katawagan sa pagsasaka ngunit wala ang mga Eskimo at hindi nila ito magagamit.

• Rice (Ingles) vs Pilipinas (Atbpa)

• Paano nakaaapekto ang panunungkulan ng pinuno sa pagbabago sa wika?

8
SIMU-SIMULA NG WIKA

You might also like