You are on page 1of 48

Don Carlos Polytechnic College

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos,


Bukidnon
Email address: literatusjinky39@gmail.com
Facebook: Jinky A. Literatus
Departamento ng Edukasyon
Fil 4: UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN
Second Semester of A.Y. 2021-2022

Introduction

Ang wika, kultura, at lipunan ay magkakaugnay. Wika ang pangunahing


ginagamit ng tao bilang instrumento sa kaniyang pakikipag-ugnay sa lipunan
at kultura. Dito umusbong ang pangangailangan niya para
makipagkomyunikeyt, gamit ang wikang alam niya. Bagaman tao ang
pangunahing may pangangailangang makipagtalastasan subalit ginagawa rin
ito ng ibang nilalang o hayop.

Rationale

Walang taong namumuhay nang mag-isa. Ito ang dahilan kaya patuloy
siyang nakikipagsalamuha upang mabuhay. Hindi mahihiwalay sa pag-unlad
ng buhay ang kultura at lipunang kinabibilangan ng tao. Dahil dito, ang wika
ay mahalaga sa pag-andar kultura ng tao.

Discussion

ARALIN 1

1.1. ANG WIKA

- Ang pinakamahalagang interes ng pag-aaral sa wika ay hindi ang wika


mismo kundi ang gamit nito - kung paano ang wika nagpapakilala sa
tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga pangarap at mithiin niya,
persepsiyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung
saan siya kasapi (A.D. Edwards, 1979).
- Sa bahaging ito ay tatalakayin ang pagbabalik-tanaw sa kahulugan ng
wika at ilan pang impormasyon sa wika bilang wika. At ang
pinakatunguhin ng susunod pang talakayan ay ang pag-aaral sa wika
bilang kultura at ang kaugnayan nito sa araw-araw na
pakikipagsalamuha ng tao sa kapuwa niya tao at sa iba pang miyembro
ng lipunan na kaniyang kinabibilangan. Gamit pa rin ng wika- natututo
siyang makitungo sa mga taong nasa labas ng kaniyang lipunan.

- Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang


makapagsasabi na nakahihigit o mas nangunguna ang wika niya kaysa
sa iba. Kung may pangalan o simbolo ang isang bagay sa mga
1
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Amerikano, ganoon din ito sa mga Pilipino. Sa mahigit na 6,000 wika sa
buong daigdig, walang nakakalalamang o superior na wika.

1.2. PINAGMULAN NG WIKA


- Walang tao o aklat man ang nakapagpapatunay na ang wika ay nag-
ugat o nanggagaling sa isang tiyak na tao, bagay o pangyayari. Ang
lahat ng tungkol sa pinagmulan nito ay puro mga haka-haka o
pansariling opinion lamang kaya magpahanggang ngayon ay patuloy
ang pagtatalo hinggil sa pinag-ugatan nito.

- Saan nga ba nagmula ang wika? Ayon sa mga iba’t ibang manunulat at
teorista, ang mga Egyptian daw ang pinakmatandang lahi kaya ang
wikang Egyptian ang pinakamatandang wika. Ang manlilikha ng
panalita para sa kanila ay si Haring Thot.

Mula sa aklat nina Fromkin, V. & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang


lahat ng mga kultura ay may kani-kanilang kuwento ng pinagmulan ng
wika. Kung minsan, ang mga kuwentong ito ay walang kabuluhan
ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan dahil parang may katotohanan
nga para sa kanila. Sa aklat naman ni Darsna Tyagi (2006), sinasabing
sa China, naniniwala sila na ang Son Of Heaven na si Tien-Zu ang
nagbigay ng wika at kapangyahiran. Sa Japan naman, ang manlilikha
nila ng wika ay si Amaterasu. Ang ibang teorya ay nagsasabing ang
wika ay kasama na ng pag-anak o paglikha ng tao. Ang Genesis
Story/ Divine Theory ay nagpapaliwanag din na ibinigay ng Diyos sa
tao ang wika. Binigyan ng Dios ng kapangyarihan ang tao para
magpangalan sa mga bagay-bagay. Sa mga Babylonians, ang
nagbigay raw ng wika sa kanila ay si God Nabu at para sa mga Hindu,
ang kakayahan nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos nila na si
Saravasti na asawa ni Brahma, ang taga paglikha ng sangkatauhan.
Totoo man o hindi ang lahat ng ito, dahil wala pang wika, may iba’t
ibang paraan ng komunikasyon noong unang panahon. Ayon pa rin kay
Hoebel (1996) walang makapagsasabi kung saan o kung paano ba
talaga nagsimula ang wika. Maaring ang tao noon ay
nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag- iyak, paghiyaw,
pagkilos o paggalaw, pagkumpas ng kamay hangga’t ang mga senyas
na ito ay binigyan ng mga simbolo at kahulugan.

Tandaan na ang pahapyaw na pag-aaral na ito sa wika ay


makakatutulong sa pag-unawa kung bakit ang bawat indibidwal ay
kakaiba hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi maging sa kaniyang
panalita na isa sa batayan kung bakit siy kakaiba sa lahat. Ang wika
bilang isang kultura ay malaking factor sa pagkilla sa kapuwa.
1.3. DEPINISYON NG WIKA

1. Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisaipan, damdamin at
2
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
mithiin.
2. Caroll (1954) – ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting
paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat
henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat
kasapi ng pangkat o komunidad.

3. Todd (1987) – ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag


na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay
hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay sinusulat din. Ang
tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito,
walang dalawang wikang magkapareho bagaman ang bawat isa
may ay sariling set ng mga tuntunin.

4. Buensuceso – ang wika ay isang arbitraryong sistema ng mga


tunog o ponema na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan.

5. Tumangan, Sr. et al. (1997) – ang wika ay isang kabuuan ng


mg sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay
nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang isang
pulutong ng mga tao.

1.4. IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA


1. Bow-wow – pinaninindigan ng teoryang ito ang panggagaya sa
mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
2. Poo-pooh – naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong
pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa, atbp.
Ipinalalagay na ang unang mga pananalitang nalikha ay mg
padamdam na nagpapahayag ng biglang sulak at masidhing
damdamin.
3. Ding-dong – kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may
ugnayang misteryo ang mga tunog at katuturan ng isang wika
at bagay-bagay sa paligid.
4. Yum-yum – nagsasaad na ang tao at tumutugon sa
pamamagitan ng kumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon.

5. Yo-he-ho – naniniwalng ang wika ay nagmula sa mga ingay na


nalilikha ng mga taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho
o puwersang pisikal.
6. Tarara-boom-de-ay – mga tunog mula sa ritwal ng mga
sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao. Ang
mga sayaw, sigaw, o inkantasyon at mga bulong ay binigyan
3
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
nila ng kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay nagbago.
1.5. IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA

- Sinabi ni Virgilio Almario, “kung ano ang wika mo, iyon din ang
pagkatao mo.” Natumbok sa winika ni Almario ang uganayan ng
wika, kultura, at lipunan. Kung ano ang sinasabi at wikang sinasalita
ng tao, iyon din ang uri ng pagkataong mayroon siya. Nahulma ang
pagkatao ang pagkatao ng isang indibidwal mula sa kaniyang ugali,
paniniwala, at pamamaraan ng buhay na maaring bunga ng
lipunang kinabibilangan. Bagaman pamilya ang unang may malaking
ambag sa paghubog ng pagkatao ngunit ang patuloy na
pakikisalamuha sa lipunan ay magdudulot din nang higit na ambag
sa pagiging tao. Maaaring manatili ang ilang kinagawian at puwede
ring may mabago hindi lamang sa ugali o paniniwala ngunit posible
ring sa wika na sinasalita.

- Sa kabila ng matatag na pagmamahal ng iba sa kanilang kinagisnan,


maaaring may magbabago o pagbabago dulot din ng pagtanggap sa
mga impluwensiya ng lipunan tulad ng ASEAN na integrasyon. Kung
may nakakalimot man, ito ay depende na sa tao at sa impluwensiya
ng lipunan sa kanila.
 Halimbawa, ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na
nagtatrabaho sa Saudi Arabia na nagkikita sa isang hotel. Kung
napapansin ni OFW-A na si OFW-B may puntong Filipino (o kahit
anong wika sa Pilipinas) sa pagsasalita, tatanungin agad ito ni
OFW-A kung taga-Pilipinas. magkakamustahan sa isa’t isa at
bahagi sa magiging paksa ng pag-uusapan ay pilipinas. Sa
puntong ito, ang Pilipinas bilang kanilang komon na lipunan ay
nagsisilbing tulay sa kanilang kominikasyon. Tiyak pa, gagamitin
nila ang wikang Filipino sa pag-uusap. Ang pag-uusapan ng
dalawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang ugnayan
kahit hindi pa nila kilala ang bawat isa. Ito ang sinasabi ni Trudgill
(2000) na panlipunang tungkulin ng wika.
 Ipinahayag sa sitwasyong ito na hindi lamang simpleng
pakikipagkomunikasyon ng impormasyon ang wika. Isa ring itong
pinakamahalang paraan sa pagbuo at pagbibigay ng koneksyon
at relasyon sa ibang tao. Malamang ding ang piankamahalang
bagay tungkol sa kanilang kombersyon ang lipunang nag-uugnay
sa kanila at ang wikang ginagamit. Maaaring sa pagtira nila sa
ibng bansa ay may impluwensya at pagbabago sa kanilang ugali
at kilos dahil sa bagong wika, lipunan, at kultura ng palibot.
 Ang sitwasyong ito ay gawi ng tao sa kaniyang wika o tinatawag
na gawi sa wika (language behavior). May binanggit si Trudgill
(2000) na dalawang aspekto ng gawi sa wika na mula sa
panlipunang punto de bista: (1) Ang tungkulin ng wika sa pagbuo

4
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
ng panlipunang relasyon, at (2) ang papel na ginagampanan ng
wika sa paghahatid ng impormasyon tungkol sa tagapagsalita.
Sa unang aspekto, isang instrument ang wika sa
pagkakaunawan at pagbuo ng ugnayan sa isa’t isa. Ang
ikalawang aspekto naman, ay nagsasabing tagapaglarawan
ang wika sa gumagamit nito.

 Talagang ang wika ay isang sistema ng komunikasyon kung saan


ang tunog o simbolo ay nagtataglay ng mga bagay, kilos, at
ideya. Ayon kay Tumangan, Sr. et al. (1977), ang wika ay isang
kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa
pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa, at
nagkakaugnay- ugnay ang isang pulutong ng mga tao. Bagaman
ang wika ay primaryang sinasalita at hindi sinusulat subalit sa
paglalaganap ng teknolohiya at mga ambag ng pagbabago
naging esensyal na rin aang pasulat na anyo nito.

Aralin 2: ANG WIKA SA LIPUNAN


2.1. PANANAW SA UGNAYAN NG WIKA AT LIPUNAN

- Nailalahad na sa unang bahagi ng aklat na ito ang kahulugan ng


wika na sistema ng simbolo. Simbolo ito na may mga element
tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika, semantika/
pragmatika, at tuntunin gaya ng gramatika. Bunga ang mga
ito sa napagkasunduang paggamit ng lipunan ng isang wika.
- Sa kabilang banda naman, nabanggit ni Wardhaugh (2006) na
ang isang lipunan ay anumang grupo ng mga tao na
magkakasama para sa isang tiyak na layunin o mga layunin.

Hal. Ang grupo ng mga bayot/ bakla ay may sariling wika na sila-
sila lamang ang nakapagsasalita at nakakaunawa. Kinikilala nila
at at ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na bekimon.
Gumagamit naman ng sarili nilang wika ang lipunan ng mga
doctor na sila-sila lamang ang makakaunawa dahil sa teknikal
nitong kahulugan at anyo. Ang kalagayan na ito ng wika at
lipunan ay naipaliliwanag sa mga araling tumatalakay sa
interrelasyon ng wika at lipunan sa isa’t isa.

2.2. SOSYOLINGGWISTIKA
- Sa talakay ni Wardhaugh (2006), ang sosyolinggwistika ay
tungkol sa pagsisiyasat ng mga relasyon sa pagitan ng wika at
lipunan na may layunin sa pag-unawa sa istruktura ng wika at
kung papano gumagana ang mga wika sa komunikasyon. Higit na
empasis rito sa wika bilang may direktang relasyon sa
lipunan. Ito ay tinatawag rin na mikro- sosyolinggwistika.
5
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
- Ang sosyolinggwistika ay malawak na larang, at maaari itong
magamit upang ilarawan ang maraming iba’t ibang paraan ng
pag-aaral ng wika. Ito ba ay tungkol sa kung paano ang mga
indibiduwal na nagsasalita gamitin ang wika. Ito ba ay tungkol sa
kung paano ginagamit ang wika sa magkaibang bayan o rehiyon?
Ito ba ay tungkol sa kung paano ang isang bansa ay magpasiya
kung anong mga wika ang makikilala sa mga korte o edukasyon?
Sa pagitan ng mga tagapagsalita ng anumang wika, mayroong
pagkakaiba-iba sa paraan na ginagamit nila ang kanilang wika. Ito
ay tinatawag na baryasyon ng wika. Bahagi ito ng ugnayan ng
wika sa lipunan kung saan ito ginagamit. Ang mga baryasyong ito
ay ipinakita ng mga pagkakaiba sa wika sa mga tuntunin ng
tunog (ponetiko) at istruktura (grammar). Maaaring may mga
bahagyang pagkakaiba lamang sa pamamagitan ng mga anyo ng
isang wika, gaya sa paraan ng pagbigas.
Hal. Ang bigkas ng mga Mindanawon sa /e/ ay /i/ kaya ang pera
ay nagiging [pira]. Ito ay mapapansin sa isang patalastas ng
Palawan Pawnshop Express Pera Padala na pinagbibidahan ni
Aling Dionisa, ang ina ni Senador Manny Pacquiao.
Sosyolinggwistika ay nakatuon sa pagkakaiba- iba ng wika na
mula sa lipunan. Ang mga baryasyon at pagkakaibang ito ay
bunga ng mga panlabas na factor o dahilan gaya ng heograpikal
o grupong sosyal. Tinalakay nina Santos, et al. (2012) ang
heograpikal at sosyal bilang pangunahing ugat sa pagkakaiba ng
wika.
- Ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral sa ugnayan ng wika o
lenggwahe sa lipunan at sa paggamit ng tao sa wika. Ito rin ang
malalimang pagsusuri sa epektong dulot ng lipunan sa wika at ng
wika sa lipunan. Ilan sa mga sanhi na tinitingnan ay pagkakaiba
ng salita sa iba't ibang lugar, kultura, kasarian, bilingwalismo, at
klase ng pamumuhay.
Heograpikal na pagkakaiba ng wika ang magaganap dahil sa
lugar o lokasyon ng tagagamit nito. Ito ang dahilan ng
pagkakaroon ng diyalekto o wikang subordineyt sa katulad ding
wika kaya tangi lamang ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
Halimbawa, ang Cebuano ay magkakaroon ng ibang paraan ng
paggamit sa mga lugar ng Iligan, kaya naging Cebuano-Iligan,
Cagayan de Oro kaya naging Cebuano Cagayan de Oro, Surigao
kaya may Cebuano-Surigaonon.
Sosyal naman na salik ng baryasyon ng wika ang tawag dahil sa
posisyong sosyal o panlipunan ng bawat grupo. Ang konteksto ng
pagkakaiba ng gamit ng wika dulot ng sosyal na paktor ay
tinatawag naman na sosyolek.

6
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
2.3. REHISTRO NG WIKA
- Kilala rin sa tawag na Jargon. Set ng mga salita o ekspresyon na
nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi familiar
sa profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan
(Santos, Hufana, at Magracia, 2008). Halimbawa, ang mga guro
ay may mga salita na grupo lamang nila ang nakauunawa at
gumagawa/gumagagmit tulad ng lesson plan.

2.4. ARGOT
- Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong
kinabibilangan, ngunit hindi limitado ng mga magnanakaw, at
iba pang mga kriminal. Layunin nito na maiwasang mabatid o
maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang kombersasyon
sa loob ng samahan.
- Isang espesyal na bokabularyo o hanay ng mga idyoma na
ginagamit ng isang partikular na uri o grupong panlipunan, lalo
na ng mga hindi sumusunod sa batas. Tinatawag din itong cant
at cryptolect.

- BALBAL – iba ang balbal o slang sa argot sapagkat hindi sikreto


ang kahulugan ng mga salita, higit na pampubliko, mas
pangkalahatang magagamit at siyempre mas kagalang-galang.

Salitang Balbal Ibig sabihin


Syota kasintahan
Datungs pera
Olats talo
Todas patay
Sikyo guwardiya
Purita mahirap
Ngetpa pangit
Erpat ama
Yosi sigarilyo

2.5. SOSYOLOHIYA NG WIKA

- Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng agham na sumusuri sa lipunan,


pakikipag-ugnayan ng mga tao sa bawat isa, at ang iba't ibang mga
kultura. Ito ay agham-panlipunang nag-aaral sa pinagmulan, tungkulin,
kahalagan, problema ng lipunan, at ang kakayahan ng mga taong
makipag-ugnayan sa iba. Sosyolohista naman ang tawag sa mga
ekspertong nag-aaral ng sosyolohiya.

2.6. ANTROPOLOHIKONG LINGGWISTIKA


- Ang antropolohiyang lingguwistiko o antropolohiyang lingguwistika
7
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
(Ingles: linguistic anthropology) ay ang interdisiplinaryong pag-aaral sa
kung paano nakakaimpluwensiya ang wika sa buhay na panlipunan o
pakikisalamuha. Isa itong sangay ng antropolohiya na nagmula sa
pagpupunyagi na maitala o maidokumento ang nanganganib na mga
wika, at lumawig sa loob ng huling 100 mga taon upang saklawan ang
halos anumang aspekto ng kayarian ng wika at paggamit ng wika.

2.7. ETNOLINGGWISTIKA
- Ang etnolingguwistika ay isang larangan sa antropolohiyang
lingguwistika na nag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika at
kalinangan, at ang paraan kung paano tinatanaw at dinarama ng mga
pangkat etniko ang mundo. Isa itong kombinasyon sa pagitan ng
etnolohiya at ng lingguwistika. Ang etnolohiya ay tumutukoy sa paraan
ng buhay ng isang buong pamayanan, o iyong lahat ng mga katangian
kung bakit naiiba ang isang pamayanan mula sa isa pa. Ang mga
katangiang ito ang gumagawa ng mga aspektong pangkultura ng isang
pamayanan o ng isang lipunan. Ang isang kilalang-kilala (ngunit
kontrobersiyal) na paksang etnolingguwistiko ay ang Hipotesis na Sapir-
Whorf, na nagsasaad na ang persepsiyon ay hinahangganan o
nililimitahan ng kung ano ang mailalarawan sa sariling wika ng isang
tao.

- Pinag-aaralan ng mga etnolingguwista ang paraan kung paano


naiimpluwensiyahan ng persepyon at konseptuwalisasyon ang wika,
ang nagpapakita kung paano ito may kaugnay sa iba't ibang mga
kultura at mga lipunan.

ARALIN 3. MGA ESTRUKTURA NG WIKA SA LIPUNAN

Ang bawat lipunan ay may katutubong wika. Ang bawat lipunan ay


bumubuo ng isang speech community na kinabibilangan ng mga tao na may
iba’t ibang social orientation batay sa kanilang katayuan sa buhay, sa mga
grupo na kanilang ginagalawan, sa iba’t ibang tungkulin na kanilang
ginagampanan. Isa sa mga batayan sa baryasyon ng wika ay ang pagkakaiba ng
katangian ng mga grupo na napaloob sa istruktura ng isang lipunan. Ang
baryasyong ito ng wika ay tinatawag na sociolect o social dialect.
Ang bawat tao sa lipunan ay may sariling pamamaraan ng paggamit ng
kaniyang wika. Ito ay tinatawag na ideolect. Ito ay bunga sa pamilya na
kaniyang pinanggalingan, sa grupo na kaniyang sinasamahan, sa lugar na
kaniyang kinaroroonan, at sa mundo na kaniyang ginagalawan.
Bakit kay daling sabihing "Nasa probinsya ang erpat at ermat ko" sa
kaibigan mo. Ngunit kung guro mo ang kausap mo, bigla itong maging "Nasa
probinsiya ang tatay at nanay ko." At bakit kay daling bigkasin ang mga salitang
tsok, tsoys, ayskrim, sentens, at iba pa ngunit bakit naging tisa, pagpipilian,
sorbetes, at pangungusap ang mga ito kung isulat? Napansin mo ba na iba ang
tono ng pananalita mo kung ikaw ay nakipaglokohan sa mga barkada mo at

8
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
kung ikaw ay nagrereport sa klase? May iba’t ibang anyo ang wika batay sa uri
at paksa ng talakayan, sa mga tagapakinig o sa kinakausap, sa okasyon. Ang
baryasyon na ito ay tinatawag na register.

3.1. Diyalekto
- Ang diyalekto ay isang natatanging uri ng wika na ginagamit sa isang
rehiyon o lugar. Ang mga diyalekto ay tinatawag ding wikain o salitang
bernakyular. Ang mga ito ay magkakaiba sa punto, diin at pagbigkas
depende sa rehiyon kung saan ito ginagamit. Nabubuo ang diyalekto
mula sa pangunahing wika at nagkakaroon ng kawing ang mga
grammar o bokabolaryo. Maaaring dahil sa lokasyon o relihiyoso at
etniko, ay nagkakaroon ng diyalekto.

Mayroong walong pangunahing diyalekto na ginagamit sa Pilipinas,


ang mga ito ay ang nga sumusunod:

- Cebuano
- Bikolano
- Ilonggo
- Ilocano
- Kapampangan
- Pangasinense
- Waray
- Tagalog

3.2. Idyolek

- Ang wikang Filipino ay nauuri sa napakaraming barayti dahil sa


pagkakaroon ng pagkakapangkat-pangkat ng bawat indibidwal ayon
sa antas ng edukasyon na natapos, lugar kung saan nakatira,
okupasyon, uri ng lipunan na ginagalawan, kasarian, edad at
kapaligirang etniko.
- Dahil dito ay nagkaroon pa ng iba’t ibang barayti ang wika. May
homogeneous at heterogeneous na uri ng wika.
3.3. Taboo

- Ito ay mga salitang bawal gamitin o hindi maaaring gamitin sa


siang pormal na usapan sa lipunan. Kung ang gawain ay taboo, ang
paggawa nito ay isa ring taboo kung nakikita ng karamihan. Una
ipinagbabawal ang paggawa nito kung hindi pinahihintulutan na
bukas sa mga mta ng publiko at ipinagbabawal din ang pag-uusap
tungkol ditto lalo na sa pormal na usapan ay domeyn. Mahirap
itong bigkasin sa mga lugar na pampubliko at tinitignan ng mga
nakikinig na hindi tama. Sa halip, papalitan ito ng mga salitang
yufemismo. Hal. Bawal sabihin na puki, nagtae, utin, kantutan,
9
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
atbp.

3.4. Yufemismo
- Ang mga ideya o salitang taboo ang naging dahilan sa
pagkakaroon ng mga salitang yufemismo. Ito ay salita o parirala na
panghalili sa salitang taboo o mga salitang hindi masabi dahil
malaswa, bastos o masama ang kahulugan o di-magandang
pakinggan.

Hal. Nagsiping sa halip na nagtalik, sumakabilang buhay sa halip


na namatay, naksakses sa halip na nagtae, ibon sa halip n utin,
bulaklak sa halip na puki, atbp.
3.5. Speech community/Komunidad ng Pagsasalita

- Ang komunidad ng pagsasalita ay maaaring hango sa wikang


Aleman na Sprachgemeinschaft na ngangahulugang Speaking
Community sa wikang Ingles. Paliwanag nina Zalzmn, Stanlaw, at
Adachi, lahat ng mga nagbabahagi ng mga tiyak na tuntunin para
sa pagsasalita at pagbibigay kahulugan sa wika at kahit isang
barayti ng wika ay tinatawag na komunidad ng pagsasalita.

3.6. Lingua Franca, Pidgin , at Creole


A. Lingua Franca – paghahanap ito ng komon o wikang alam ng
mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika para
magkaugnayan.
B. Pidgin – bunga ito ng dalawang lipunan na may mga wikang
hindi magkakalapit o unintelligible languanges ngunit kailangan
ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil sa tiyak na limitado o
natatanging layunin- lalo na sa kalakalan.

a. Hindi unang wika ninuman.


b. Limitado ang gamit.
c. Limitado ang bokabularyo.

C. Creole – wika na napaunlad sa pidgin.

Creolization o ekspansyon sa halaga at gamit ng pidgin na wika.

Hal: chavacano – dumaan sa proseso ng creolization.

Gradwal na creolization (biglaang creolization) – ay


mangyayari sa pinahaba/ pinalawak na yugto ng pidgin.
10
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
3.7. Bilinggwalismo at Multilinggwalismo
 Bilinggwalismo – ito ay tumutukoy sa isang taong
nakapagsasalita n g dalawang wika.
 Mutilinggwalismo – ito ay tumutukoy sa higit sa
dalawang wikang batid ng isang indibidwal na gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon.

3.8. Gamit ng Wika sa Lipunan


1. Nagbibigay-kaalaman/Informational – tinitingnan ng
karamaihan na pinakaimportante sa lahat ng tungkulin ng
wika ang sa lipunan.
2. Nagpapakilala/Expressive – ginagamit ang wika sa
pagpapahayag ng damdamin at atityud ng nagsasalita.
3. Nagtuturo/directive – layuning magbigay ng
impluwensya sa pag-uugali o atityud ng iba.
4. Estetika/aesthetic – gamit ng wika para sa kapakanan
ng paggamit/ paglikha ng wika o linguistic artifact mismo
at wala ng iba pa.
5. Nag-eengganyo/phatic – maaaring berbal o di-berbal
na pakikipagtalastasan na nagbibigay palatandaan ng
pagiging laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan at
pagpapanatili ng maayos na relasyon sa iyong lipunan.
Resources and Additional Resources

 Hufana et al. 2018. Wika at Kultura sa Mapayapang Kultura

Additional Resources:

 https://philnews.ph/2019/07/23/kahulugan-ng-wika-buod-katangian-uri-
teorya/
 https://brainly.ph/question/2372072
 https://www.bing.com/search?
q=antropolohikong+linggwistika&PC=U316&FORM=CHROMN
 https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika
 https://brainly.ph/question/85707

Introduction

Ang kultura ay ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang


lipunan. Ang mga pangunahing elemento nito ay ang kaugalian,
pagpapahalaga, paniniwala, simbolo, wika, sining, panitikan.
at relihiyon.
11
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Rationale

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa


ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa
isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa
sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng
bawat mamamayan.

Intended Learning Outcomes

A. Nakapagbibigay ng katangian ng kultura at nauunawaan ang ibang mga


konsepto hinggil rito;
B. Nasusuri at natutukoy ang mga materyal at di-materyal na kultura;
C. Nakapag-oobserba ng mga kultura ng iba’t ibang tao at naibabagi ito sa
klase.

Discussion

IKALAWANG BAHAGI

- Bawat indibidwal ay may natatanging katangian at kaugalian na


ikinaiba niya sa iabng indibidwal. Mat sariling gawi at kparaanan para
mabuhay niya ang kanyang sarili. Natututo siyang makisalamuha sa
iba gamit ang kaniyang wika at sariling paraan ng pakikitungo sa iba.
Kultura ang nagpapakilala sa kaniya bilang tao upang mabuhay sa
mundongg ibabaw. Ang lahat na tungkol sa paniniwala at bawat kilos
niya ay kultura.

“It’s because we are so different from each other that we have


so much to share”.

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong


impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga
unang mangangalakal at mananakop nito noon.

ANG KULTURANG PILIPINO

Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at


marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo
pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan
ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga
nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at
pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.

2.1 KAHULUGAN NG KULTURA


12
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
- Ang kultura ang itinuturing na kaluluwa ng isang bansa. Masasabing
ito ang nagbibigay buhay sa isang lugar sapagkat ito ang nagiging
batayan ng kilos o gawi ng mga mamamayan.

- Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng


mga tao sa kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang
koleksyon ng mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at
iba pa. Maaring ang mga pananaw na ito ay pamana pa ng mga
naunang henerasyon na naisalin hanggang sa kasalukuyang
panahon.

- Ito ay tumutukoy din sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.


Nagbibigay ito ng kahulugan at paglalarawan sa lipunang kanyang
ginagalawan. Dagdag pa, nagsisilbi rin itong batayan ng mga kilos
at gawi ng mga tao. Sa isang lipunan o kumunidad, tumutulong ang
kultura sa pagbibigay ng katwiran kung ano nga ba ang kaibahan
ng tama sa mali, at mabuti sa masama.

- Ang kultura ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng isang lugar.


Nabubuo ang kultura upang tugunan ang mga pangangailangan ng
mga indibidwal sa isang partikular na lugar. Dahil bawat rehiyon ay
mayroong sariling pangangailangan, nag-iiba ang mga kilos at gawi
nila kumpara sa iba pa.

ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG PILIPINO

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang Pilipino


2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino
3. Sinasalamin Ng Wikang Ito Ang Kulturang Pilipino
4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino
5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino.

Kahulugan ng Kultura

Kultura- katumbas na salitang “kalinangan”.


Linang( cultivate)
Linangin( to develop/ to cultivate)

Ang kalinangan o kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sap ag-


iisip, pag-uugali, at Gawain ng tao (Timbreza, 2008).

Edward burnett Tylor – Ama ng Antropolohiya

Ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw


13
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/valyu,
kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.

Leslie A. White

Nagsabing ang kultura ay isang organisasyong phenomena na


sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali), bagay (kagamitan) at iba
pang kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman), at sentiment, karakter/
kilos at valyu).

Ang kultura ay nagpapakilala kung sino at ano tayo. Ito ang


umiimpluwensiya sa ating kaalaman, paniniwala, at valyu. Ito ang
nagbibigay-kahulugan at nagdedetermina sa paraan ng ating pag-iisip,
damdamin, at pag-uugali.

Ayon sa sumusunod, ito ang kahulugan ng kultura:

- Hudson (1980) - ang kultura ay socially achieved knowledge.


Nakukuha ang kultura sa kasamahan na nasa paligid lamang.
- Ward Goodenough (2006) - ang kultura ay patterns of behaviour
(way of life) and patterns for behaviour (designed for that life). May
kulturang ginagawa o sinusunod dahil iyon ang kinagisnan ng isang
grupo o pangkat.
- Timbreza (2008) - ang kultura ay kabuuan ng mga natamong
gawain,mga natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng
pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi o mga tao.

2.1. KATANGIAN NG KULTURA

1. NATUTUNAN (learned) - ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga


magulang at kung paano siya inaalagaan, pinakakain, pinaliliguan,
dinadamitan, atbp. ay isang prosesong kulturang natutunang nagsimula
sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan niya.

- Enculturation - isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng


ibang kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon.

- Socialization - naman ay isang pangkalahatang proseso sa


pakikipagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura.

- Enculturation at socialization - natututo ang tao kung paano


mamuhay nang mabuti sa pamamagitan ng pag-oobserba at

14
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
pakisalamuha sa kultura at lipunang kanyang kinagisnan.

2. Ibinabahagi (shared) - Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod


sa mga tao bilang isang pagkakilanlan ng kanilang pangkat.

3. Naaadap (adapted) - Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng


kapaligirang nagkokondisyon sa isang tao sa likas o teknolohikal na
resorses.

Hal: eskimo – nakatira sa malamig at yelong lugar.


Mayaman- nahihirapan sa buhay-mahirap

4. Dinamiko (dynamic) - ang kultura ay dinamikong Sistema kaya


patuloy na nagbabago.

2.3. MANIFESTASYON NG KULTURA

Nasisinag ang ilang manifestasyon ng kultura sa mga sumusunod:

1. Valyu - tumutukoy ito sa kung ano ang karapat-dapat at


nakabubuting ugaliin.

Ito’y naiimpluwensiyahan ng prestige (kapangyarihan), istatus


garbo, katapatan sa pamilya, pag-ibig sa bayan, paniniwalang
panrelihiyon at karangalan.

2. Di-berbal na Komunikasyon - ang kahulugan ng aksyon at


ekspresyon ay naglalarawan ng konteksto ng kultura.

Hal:

Ang pakikipagkamay, pagsaludo o paghalik sa bibig sa harapan


ng maraming tao na walang kiyeme ay nagpapakita ng
pagkakaiba sa kultura.

MGA KOMPONENT NG KULTURA

1. MATERYAL NA KULTURA - mga bagay itong nalilikha ng tao.

Mga materyal na objek na nagagawa at ginagamit ng tao mula sa

15
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
pinakapayak tulad ng mga kasangkapan, muwebles, at pananamit
hanggang sa malalaking bagay tulad ng arkitektural na desinyo, mga
kotse, makina atpb.

2. Di-Materyal na Kultura

a. Norms (Kaugalian) - tinatawag ng mga sosyolohista ang


norm na kumakatawan sa kung ano ang aktwal na ginagawa o
ikinikilos ng isang tao o ideyal at standard na inaasahang
uugaliin niya sa isang partikular na sitwasyon.

Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng


isang indibidwal kung paano siya gagalaw sa lipunan.

b. Folkways - isa itong kaugaliang nakikita sa isang sitwasyon na


tinitingnan ang magandang kapakanan ng isang pangkat.

Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos ng


mga tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas,
pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng bahay
ang kanilang mga tsinelas.

c. Mores - tumutukoy ang mga ito sa pamantayan ng kaasalang


ludhang iginagalang at pinahahalagahan ng isang grupo.

Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan natutukoy


ang moralidad ng isang tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing
nagsisimba.

d. Batas - para sa mga sosyolohista ang batas ay pormal at


karaniwang ginagawa at isinabatas ng federal state o lokal na
awtoridad.

Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng kinauukulan


para sundin ng mga mamamayan. Ito ay kalimitang pormal at
nakasulat sa konstitusyon.

e. Valyu - ito ang inaasahang mabubuting pag-uugali o dapat


gawin/ kilos o ipakita.

f. Paniniwala - ayon sa mga sosyologo, persepsiyon ito ng isang


16
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
tao sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran at mundo.

g. Wika - (balikan ang kahulugan ng wika sa naunang bahagi ng


teksto).

h. Technicways - pakikiangkop ito ng lipunan sa mga


pagbabagong dala ng teknolohiya.

KULTURA AT ANG GRUPO

May tatlong mahalagang tungkulin ang kultura sa isang pangkat.


Anumangg kultura ay:

1. Isang paraan upang makita ang biyolohikal na pangangailangan


ng grupo para mabuhay.
2. Nagbibigay sa isang indibidwal na kasapi ng grupo na mag-adjust
o makibagay sa sitwasyon ng kapaligiran.
3. Sa pamamagitan ng komon na kultura, nagiging tsanel upang
makapag-interak ang bawat myembro ng isang pangkat at
maiwasan ang anumang alitan.

PANDAIGDIGANG HULWARAN NG KULTURA (Universal Pattern of


Culture)

Wet Rice Pattern - kumakatawan sa maraming katangian ng kultura na


ginagamit tulad ng paggamit ng kalabaw, paggamit ng araro, sakahan,
espesyal na varayti ng palay, espesyal na paraan ng pagtatanim at muling
pagtatanim.

Ang kultura o kalinangan tumutukoy sa araw-araw na pangkabuhayan


ng isang grupo. sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng
sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga
tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-
bagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang
mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng
sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring
makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika,
pananamit, pagluluto, at iba pa.

Winsker - amerikanong antropolohista ang unang nagbigay ng pakahulugan


sa universal pattern of culture. Ayon sa kanya ang lahat ng tao sa mundo ay
may:
17
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
1. Wika at pananalita

Ang wika ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon. Ang wika ay


maaaring nasa anyo ng sulat o bigkas. Mahalaga ang wika sa lipunan
sapagkat sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan
ang bawat indibidwal.

Dalawang uri ng Kultura

Nahahati ang kultura sa dalawang uri. Ito ay ang materyal at hindi


materyal na kultura. Ang dalawang uring ito ay naiiba sa isa’t isa.

1. Materyal na kultura

Masasabing ang materyal na kultura ay mga bagay na makikita mo sa


iyong paligid. Ito ay mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan. Ilang
halimbawa nito ay mga gusali o arketekturam mga likhang sining, mga
kasuotan, kagamitan, at iba pa. Maaari rin bang sabihin na ang
pagkain ay isang materyal na kultura sapagkat ito ay masasabing
nagpapakita kungg anong paniniwala o mismong kultura ng isang
pangkat o grupo ng mga tao.

Halimbawa

 Food habits/ kinasanayan g pag-uugali sa pagkain


 Pamamahay
 Transportasyon
 Kagamitan
 Pananamit
 Sandata
 Trabaho at industriya

2. Di-materyal na Kultura

Ang di-materyal na kultura ay mga bagay na hindi nahahawakan


ngunit maaring maramdaman o iyong maobserbahan sa iyong paligid.
Kabilang dito ang mga ideya, paniniwala, batas, mga kaugalian, at
norms ng isang lupon ng mga tao. Halimbawa sa di-materyal na
kultura ay ang paniniwala ng isang tribo sa mga anito o sinasabing
diyos-diyosan.

18
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Kahalagahan ng Kultura

 Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao.


 Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito ng
pagkakaisa.
 Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang
mga talento.
 Binubuo nito ang ating pagkatao
 Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan.

Pagpapahalaga (Values)

Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng lipunan kung ano ang mga


gawaing katanggap-tanggap at ano ang mga kilos na hindi kanais-nais. Basehan
din ito sa kung ano ang tama at mali, at kung anong mga kilos ang mabuti at
nararapat. Halimbawa, ang pagmamano ng mga bata sa nakakatanda.

Paniniwala (Beliefs)

Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na tinatanggap sa lipunan


bilang totoo. Halimbawa, ang pananalig at paniniwala ng ibang tao sa mga
Albularyo.

Simbolo (Symbols)

Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay na nagbibigay ng


kahulugan. Maari din itong paggamit ng di-berbal na kumunikasyon. Sa
pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng kahulugan ang isang bagay kahit
hindi ito gamitan ng wika. Halimbawa ng bagay na nagbibigay ng kahulugan ay
ang Krus. Para sa iba, ito ay tanda ng pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin
tayo sa ating mga kasalanan; Ang magandang halimbawa naman ng simbolo na
gumagamit ng hindi berbal na kumunikasyon ay sign language at pagkumpas
(gestures).

Sining at Panitikan (Arts and Literature)

Ang sining at panitikan ay ang produkto ng imahinasyon ng mga tao. Sa


pamamagitan ng dalawang ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang
emosyon at nararamdaman sa mas masining na paraan. Mahalaga ang sining at
panitikan sa kultura sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita at naipapasa
ng mga naunang henerasyon ang ganda na nakaraan.

Relihiyon (Religion)

Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng mga tao sa mga ispiritwal


na bagay, tao, o pangyayari, partikular na sa mga Diyos. Sa ibang lugar, ito ang
19
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
nagiging sentro ng kultura sapagkat dito nakabase ang kanilang kaugalian,
pagpapahalaga at mga paniniwala. Ang halimbawa ng relihiyon ay Hudaismo,
Kristiyanismo at Islam.

ALTERNATIBO/ MGA ALTERNATIBO

Ang bawat lipunan ay may mga kaugaliang sinusunod at mayroon din


namang maaaring hindi sinusunod na tinatawag na alternatibo. Maaaring mamili
ng kung ano ang sa palagay ng bawat isa ay nakapagdudulot sa kaniya ng
kabutihan at kasiyahan.

PAGTINGIN NG IBANG TAO SA SARILING KULTURA AT KULTURA NG


IBA

1. Noble Savage - tanggap niya kung ano siya. Hindi niya


ikinakahiya kung ano siya.
2. Ethnocentrism - paniniwala ito ng iba na ang kanilang kultura
ay tama at nakahihigit sa ibang kultura samantalang ang iba ay
mali kaya hindi dapat gayahin ng iba.
3. Cultural relativity - ditto, tinitingnan na ang lahat ng kultura
bilang pantay-pantay, walang superior at imperyor.
4. Xenocentrism - mapagmahal sa imported na bagay.

KULTURAL NA KATANGIAN NG IBANG MGA TAO

1. Polychronic - sa ibang kultura, may mga taong gumagawa ng


isang bagay o Gawain ng sabay-sabay.
2. Monochromic - ang mga tao ay paisa-isa kung gumawa ng
trabaho.

KATANGIANG KOMUNIKATIBO AYON KINA HOFSTED AT TRIANDS

Ayon kay Hofsted(1984), maaaring uriin sa dalawa ang katangiang


komunikatibo:

1. Individualist - sarili lang ang iniisip at mahalaga para sa isang


tao.
2. Collectivist - iniisip ng isang tao ang kapakanan at pag-uunawa
ng lahat. Mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba.

Inuri naman ni Triands (1990) ang katangiang komunikatibo sa dalawa:

1. Allocentric - sa katangiang ito, iniisip ng isang tao na mahalag


20
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
para sa kanya ang iba.
2. Idiocentric - nagsasabi ang katangiang ito na sarili lamang ng
isang tao ang mahalaga.

Introduction

Ang wika ay nakaaapekto sa kultura at lipunan, sapagkat matutukoy o


makikilala na atin ang isang tao sa kung ano ang wikang kaniyang ginagamit,
gayun din malalaman natin kung ano ang kultura o etnikong kaniyang
pinagmulan. Hindi maitatanging hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura
dahil sumasalamin sa kultura ng isang tao ang kanyang ginagamit na wika,
may mga salita din kasing pag-aari lamang ng isang bansa.

Rationale

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa


ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspekto
sa isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa
sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan ng
bawat mamamayan.

Intended Learning Outcomes

A. Natatalakay ang iba’t ibang paniniwala at tradisyon ng mga taga-Luzon;

B. Naibibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga paniniwala at


tradisyon ng mg a taga-Luzon sa sariling paniniwala ng mga estudyante
batay sa kanilang kultura;
C. Napagsasagawa ng maikling pelikula bata sa kultura, pananaw at
paniniwala ng mga pangkat sa Luzon.

Discussion

ARALIN 1 – LUZON

1.1. ANG MGA ILOKANO ni Teresita L. Abrea

Ang pagiging kuripot ay yumayakap sa pagtitipid. Ang bawat sentimong


kinikita at may tamang paggagastusan. Masinop ang bawat segundo, minuto,
oras at araw ng paggawa sa mga makabuluhang bagay na pagkakakitaan. Ang
badget sa isang taong konsumo ay para sa pagkain at pangangailangan.
Karaniwang nagtatabi ng pera upang may magamit sa hindi inaasahang
paggagastusan. Sa pagkakataong tinatayang kakapusin, hangga’t maaga ay
gagawa ng paraan upang maibsan o matugunan ng pangangailangan. Ito ang
mga Ilokano.

Sadyang masipag ng mga Ilokano. Makikita ang karamihan sa kanila sa


Ilocos. Sa mga nagnanais marating ang lugar na ito, napakasariwa ng simoy ng
21
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
hangin. Luntian ang mga dahoon ng sari-saring halaman. Naglalakihan ang mga
punongkahoy at may malalawak na kapatagan. Matatagpuan sa iba’t ibang
lugar ang mga natural na atraksiyong dinadayo ng mga lokal at dayuhang
bibisita hanggang sa kasalukuyan. Pinakatanyag sa Ilocos Sur ang Vigan Spanish
Town. Ang impluwensiya ng mga Kastila ay mababakas sa mga nagtatayugang
gusaling batong itinayo sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang Vigan
ang kapital ng Ilocos Sur. Mararating ito sa pamamagitan ng bus. Sa Kalakhang
Maynila ay maaaring sa iba’t ibang terminal ng bus sumakay. Ang pinakamalapit
na airport ay ang Pasay City sampung oras ang biyahe mula sa Pasay hanggang
Vigan.

Kilala ang mga pagkain ng mga Ilokano ng tulad ng denendeng at


pinakbet. Kilala rin sila sa sinuman, sinubong, at bibingka.

Naniniwala ang mga Ilokano sa bari-bari, isang hindi nakikitang nilalang.


Naniniwala rin sila sa multo, duwende, kapre, engkanto, at iba pang espiritu.
Upang hindi magkasakit, kapag napadaan sa mga punso ay dapat magpaalam
sa pamamagitan ng pagsambit ng “Tabi Po”.

Kung may patay, karaniwang pinalalamayan ng ilang araw. Nakadepende


ang tagal ng lamay sa mga dahilan ng namatayan. Sa paglibing ng bangkay,
ang uluhan ng kabaong ang dapat mauna sa paglabas sa bahay. Itinataas ang
kabaong upang ang miyembro ng pamilya ay makadadaan sa ilalim. Ang mga
dadaanan sa ilalim ng kabaong ay batay sa edad. Ang pinakamatanda sa
pamilya ang muuna at susundan ng iba pang miyembro.

1.2. ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN

Ang pook ng Kalahan ay nasa matataas ng lugar ng Acacia, Kahel, at


Kapaya, Nueva Vizcaya. Matataas ang pook na ito at buhat sa ituktok ng isang
bundok ay buong paghangang namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na
kapaligiran na iginuhit ni Bathala.
Kalahan – ay isa sa mga grupong etniko na naninirahan sa kabundukan ng
ng Nueva Vizcaya. Tulad ng ibang grupo may kakanyahan ang mga ito.
Ang ilang paniniwalang inilahad dito’y hinati sa:

1. Pagpapahayag ng kalikasan
a. Ang takbo ng ulap ay nagpapaliwanag din ng kagandahan at
kasamaan ng panahon.
b. Ang langit, araw, at buwan ay nagpapahayag din ng kagandahan at
kasamaan ng panahon. May pagkakataong nagtatgo ang buwan, may
maaliwalas na langit at may maulap na langit, may mapula-pulang
araw na nagbabadya ng di kainamang mga pangyayaring darating
told ng lindol.
c. May mga pahiwatig din ang hayop tungkol sa kalagayan ng panahon.
22
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Kaya ang mga kilos ng hayop minamatyagan nila sapagka’t ito’y
nagbibigay- babala ng maaaring maganap, sa gayo’y nakagagawa na
sila ng kaukulang pag-iingat.

2. Panggagamot

Tagapamagitan – siya ang tumutuklas kung sino ang sanhi ng


karamdaman at kung paano magagamot ang
karamdamang iyon.
- gumagamit ng gadangkal na tambo na may maliit na
buto ng anongya sa magkabilang butas. Tinatawag ito na
dinagen.

a. Paggawa – lalaki ang nagpapahinga sa bahay pagkatapos na sila’y


makapagpapagod, makapagbungkal, at makapag-araro. Ang
kababaihan, ang magtatanim, mag-aalaga ng pananim, at mag-aani.

b. Pag-asawa – ang paraan ng pagkakasal ay simple lamang. Kukuha ng


isang basong tubig na malamig ang matandang babaing magkakasal
at sasabihang “sanay malamig ang pagsasama ninyo”. Pinaiinom ng
babae ang ikinakasal at tapos na ang seremonya. Matandang babae o
batang lalaki ang nagkakasal dahil may pakahulugan daw ito.
Matandang babae dahil babae ang nasa bahay at batang lalaki dahil
lumalaki pa iyon na siyang nagsasaad naman ng paghaba ng
pagsasamahan ng mag-asawa.

Wika – ang wika ng mga Kalahan ay Kallahan. May mga dayalekto ito na
Tinoc o Kalangoya.

1.3. MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS ni


Maria Bondoc Ocampo

Isang tunay na pangarap para sa mga dalaga sa Ibaan, Batangas ang


kasal. Maaaring sabihing lahat naman ng dalaga ay nangangarap maksal subalit
higit siguro na pananabik ng mga babae sa naturang lugar. Marahil, dulot ito ng
kakaibang tradisyon na hanggang sa kasalukuyan ay sinusunod ng mamamayan
lalo na ng mga tagabaryo. Sa babae, ito ay isang pangarap, ngunit sa lalaki, ito
ay masasabing bangungot lalo’t maiisip ang malakihang salaping kasangkot sa
ganitong pagdiriwang. Gayunpaman, sapat ng pampalubag-loob ang kaalamang
mula sa araw na iyon ay magkakatuwang na sila ng kaniyang minamahal sa
paghabi ng buhay na kanilang pagsasaluhan.

Naisanan ang tawag sa kasalang namamanhik ang mga magulang ng


kalalakihan sa mga magulang ng kababaihan. Ito’y katumbas sa pamanhikan
sa Bulakan. Ito ay isang matandang kaugalian na nananatili at hindi naitaboy ng
makinisasyon mula sa mga bakuran t bukirin ng Ibaan. Nanatili ito tulad ng mga
pangaral ng kanilang nanay at patuloy na sumisibol sa punla ng mga tradisyon

23
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
tulad ng pagsibol ng bagong henerasyon.

Sa pamamaisan ay hindi lamang ang mga magulang ng mga ikakasal ang


nakakompromiso lahat ng mga kamag-anak at kapatid ng mga lalaki ay
inaasahang tutulong sa pagluluto at paglilinis. Ang mga batang lalaki ay
inaasahang iigib, ang mga dalagita at dalaga ang mamamahala sa paghahainan
at pag-iistima sa mga bisita. Ang mga my edad ang mga nasa pagluluto at ang
iba ay ang maghuhugas ng pinggan. Hindi nila mahihiling tumulong kahit sino
man sa partido ng kadalagahan sapagkat sila ang nanunuyo. Kaya kadalasan,
kung may baisanan, walang tao sa bahay ng mamamaisan sapagkat sila ay
buong sipag at pagpapakasakit tumulong sa ano mang gawain sa bahay ng
binabaisan.

Ang babaisan ay isa ring okasyong pambaryo. Hindi lamang ang dalawang
pamilya ng mga ikakasal ang abla at naggagastusan, bagkus, pati na ang
kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at mga kapitbahay. Maging ang mga
tagamalayong lugar na nagkataong ninang at ninong ng ikakasal ay kailangang
dumalo o magpunta ng kanilang kinatawan. Gayunpaman, hindi sila uuwing
mabigat ang loob sapagkat tiyal namang ang kahon ng alaala ay nasa kanilang
bahay bago pa man ang kasalan.

Ang pamamaisan, ay hindi natatapos sa isang araw lamang. Ito ay tulad ng


pagpanhik saa hagdan na may mga baiting. Patubigan ang unang hakbang.
Ang mga kamag-anak ng lalaki ay pupunta sa bahay ng mga pinsan ng babae
upang punuin ng tubig ang kanilang tapayan. Hindi mahalaga kung ang bagay
ng naturang pinsan ay nasa kabilang bayan pa; basta rin lamang at mararating
ng mga namamaisan ay tiyak na puno ang kanilang tapayan. Ang pamilya ng
lalaki ang inaasahang pupuno sa tapayan ng babae. Dahil dito, hindi
maiiwasang maging isang balita sa buong bayan ang pamamaisan. Ang lahat ng
mga tumutulong sa patubigan ay tutuloy sa bahay ng lalaki upang doon kumain.

Mga ilang araw matapos ang patubigan, isusunod naman ang bulungan. Sa
hakbang na ito ay pupunta sa bahay ng babae ang mga magulang ng lalaki na
may dalang malaking isdang tambakol. Pag-uusapan na nila ang mga magiging
ninong at ninang at mga abay sa kasal, at petsa ng kasal at pati na ang
ihahanda sa raw ng kasal. Ngayon, din itatakda ang halaga ng pamaraka. Ang
pamaraka ang perang ipambibili ng gagamitin ng babaing ikakasal. Lahat ng
bagay, tungkol sa gagamitin ng babae ay kailangang gastusan ng lalaki.

Sa pag-uusap tungkol sa handa, kung ano ang igagayak ng lalakihan ay


gayon din ang igagayak ng kababaihan. Lagi silang hati sa pagkaing ihahanda,
tulad ng bigas ta mga hayop na kakatayin. Ang mga naturang mga hayop ay
buhay na dadalhin sa bahay ng nobya at doon kakatayin at lulutuin. Ang
pagluluto ang simula sa ante- disperas (ikalawang araw bago ang kasal). Sa
araw na ito ipapadala ang kahon ng alaala sa mga ninong at ninang sa binyag,
kumpil at kasal ng mga ikakasal. Ito ay naglalaman ng sangkapat na putol ng
hayop na kinatay at labindalawang klase ng tinapay na ipinasadya at ihahatid
ito sa kani-kanilang tahanan ng mga kamag-anak ng ikakasal kundi man lang sa
24
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
magulang nila.

Ang kasangkapang gagamitin ay nasa responsibilidad din ng kalalakihan.


Kailangang dalhin nila sa bahay ng nobya ang talyasi, kawali, kaldero, at tinidor,
at maging ang basahang kanilang ipamumunas. Sa bakuran ng nobya ay
nagtatago pa sila ng sibi na siyang magiging lugar ng kainan sa bisperas ng
kasal. Ang pagpapatugtog ng mga plaka at pagsasahimpawid ng mga
imbitasyon para sa mga kababaryo ay sisimulan sa umga at magpapatuloy ito
haggang kinabukasan.

Sa gabi, matapos maghapunan ang mga bisita, ang mga bangko ay


isasaayos nang pabilog sa harap ng babaing ikakasal. Ang kabinataan at
kalalakihan ay magsisipagupo sa naturang bangko upang pasimulan ang
pasayaw. Sa saliw ng malambing na tugtog ng plakang nakatapat sa dawang
ispiker, ang magnobyo ang sasayaw bilang pagbubukas ng pambisperas na
pagdiriwang. Sa kagitnaan ng tugtog, sila ay sasabitan ng pera sa kani-kanilang
partido. Ang partido ng kakalakihan ang magsasabit sa babae at ang
kababaihan ay magsasabit sa lalaki. Dito ay magpaparamihan sila ng maisasabit
ang dalawang partido at di umano, ang halaga ng isasabit ang siyang batyan ng
pagkagusto sa nobya o nobyo ng magiging biyanan nito. Kaya kung marami ang
isinabit ng partido ng kalalakihan, sadyang gusto nila ang naturang nobya para
sa kanilang binata. Ang halagang masasabit ang magiging pasimulang pondo ng
mga ikakasal.

Matapos ang sabitan, isusunod naman ang paghiling ng mga awitin ng


kamag-anak at kaibigan upang bigyang aliw ang mga nagtitipon at upang
mapanatiling gising ang mga tagaroon sa buong magdamag.

Sa umaga ng kasal, ang lahat sa bahay ng babae mag-aamusal. Mula doon


ay tutuloy sa simbahan para sa panrelihiyong seremonya. Pagbalik sa bahay,
ang sasakyan ng bagong kasal ay sasalubungin ng mga paputok. Sasabuyan sila
ng bulaklak at bigas sa puno ng hagdanan. Magpapakiramdaman kung sino ang
mauunang tatapak sa baiitang sapagkat may pamaihin sila na kung sino ang
mauuna ay siyang mananaig sa disposisyon kapag sila ay nagsasama na.

Bago naman pumasok sa mismong kabahayan, may mag-aalay ng kalamay


at inumin. Susubuan ng lalaki ang babae gayun din ang gagawin ng babae.
Pagkainom ng tubig ng lalaki ay saka pa lamang iinom ang babae. Pagpasok pa
lang nila kabahayan, lahat ng naroong mattanda ay pagmamanuhin ng mga
asawa bilang paghingi ng bendisyon.

Ang kainan ay ginagawa sa ibaba ng bahay, doon sa itinayong sibi. Sa


unang hain, pupunuin ang mesa sa mga taong gumaganap sa kasalan, mula sa
ninong at ninang hanaggang sa batang nagsala at nagsaboy ng bulakalak sa
simbahan. Sa susunod na hain ay ang lahat nman ng kasapi ng partido ng
kababaihan. Walang miyembro ng pamilya ng kalalakihan ang makikitang
nakadulog sa mesa. Lahat sila ay ay magsisilbi sa mga kumakain. Kung wala

25
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
nang iba pang kumakain ay saka na lamang sila maaaring dumulog.

Bilang huling hakbang, ang bbae ay magbibihis na ng damit pangkasal.


Ang pagbibihis ay sa bahay ng lalaki ginagawa upang ipahayag na ang lahat ng
angkin ng babae ay ipinailalaim n aniya. Dito aktuwal na nagtatapos ang
pamamaisan. Sa unang gabi ay sa bahay ng babae matutulog ang mag-asaw.
Magpalipat-lipat sila ng tulugan sa loob ng isang linggo hanaggang manatili na
sila sa bawat bahay ng kung ilang linggo. Ganito ang kanilang magiging buhay
sa unang taon ng kanilang pagsasama. Kawalang utang na loob sa magulang
kung agad silang bubukod at mamumuhay nang sarili.

Wika

Tagalog ang gamit na wika ng mga Batangueno. May pekulyaridad din ito
depende sa komunidad na gumagamit nito dahil sa leksikon at polohiya,
morpolohiya, at sa iba pang mga component ng speech act na batayan ni
Hymes (1975).

1.4. ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY ni Florencia C.


Victor

Isa sa mga lalawigan ng bulubundukin sa bahaging norte ng luzon ay ang


lalawigan ng Benguet. May labintatlong munisipalidad ito: Bakon, Kibungan,
Manyakan, Bughias, Kapangan, Bukod, Tublay, Itugon, La Trinidad, Sablan, Tuba,
Atok, Kabayan, at Siyudad ng Baguio. Kung ang hinahanap ng isang turista ay
isang lugar na tahimik at may napakagandang klima, dapat siyang pumunta sa
lalawigan ng Benguet. Ang mga tao rito’y tahimik at mapagmahal sa
kapayapaan at marahil ang ganitong uri ng disposisyon ay dulot ng malamig na
klima. Bilang Salad Bowl of The Phillipines ay makikita rito ang iba’t ibang
uri ng gulay na pampalusog. Sagana rin ditto ang berries na tulad ng
strawberries, mulberries, at blueberries. Ang mga bundok ditto ay
mayaman sa mina tulad ng tumbaga o tanso, plata, at ginto.

Sa pangkalahatan, kawili-wiling pag-ukulan ng pansin ang mamamayang


taga-benguet. Sila’y nahahati sa dalawang pangkatetniko; ang mga kankana-ey
at ang mga Ibaloy. Nakikikilala sila sa kanilang katutubong kasuotan at sa
kanilang pagiging payak, mapagkumbaba, masipag, may sariling paniniwala at
paninindigan. Malamig ang ulo subalit nakahandang magtanggol sa oras ng
panganib.

Totoong dahilan sa kakulangan ng mga paaralang mapapasukan ang mga


naunang Kankana-ey ay hindi halos nakapag-aral, subalit ang bagong
henerasyon ay higit na mapalad. Hindi na mabilang ang mga nakapagtapos ng
mga kursong tulad ng agrikultura o panghahalaman, forestry o
panggugubatan, inhenyeriya, panggagamot sa tao at hayop, pagtuturo,
pagmimina at iba pa.
26
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Ang wika ng Kankana-ey ay isa sa mga ginagamit sa mga lalawigan ng
bulubundukin. Bawat tribu sa mga llawigan ng bulubundukin aay may kani-
kanyang wikang ginagamit bilang paraan ng komunikasyon sa bahay at sa mga
taong-bayan.

Noong unang panahon ang mga kankana-ey ay hindi nagpapahaayag ng


kanilang mga iniisip, ideya, at damdamin sa pamamagitan ng pagsult kundi sa
pamamagitan ng pagsasalita lamang. Ang mga kwento, paniniwala, panalangin
ay natutuhn sa pamamagitan ng pakikinig lamang at hindi sa pagbasa.

Sa pagsulat ng wikang kankana-ey ay walang orihinal na alpabeto kaya


ang ginagamit ay alpabetong Romano. Hnggang sa kasalukuyan wala pang
opisyal ng linggwistikng pagsusuri ang wikang ito.

Paghahanapbuhay ng mga Kankana-ey

Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at


paggugubat; ito ay dahil na rin sa kanilang kapaligirang ginagalawan. Pareho
ang naging pag-unlad ng industriyal na pamumuhay ng mga Kankanay at
Nabaloi. Ang inilamang lamang ng Nabaloi ay mas marami silang pananim na
bigas. Parehas rin ang kanilang mga kagamitan.

Ang organisasyon sa paggawa sa mga Kankanay ay nababagay sa edad at


kasarian. Pagsasaka ang karaniwang trabaho. Ang mga batang nasa edad siyam
pataas ay naaatasang alagaan ang kanilang mga kapatid. Katulad ng sa mga
Nabaloi, ang tradisyon ng mana sa mga Kankanay (sa timog na parte ng
Benguet) ay ang pagpapasa sa susunod na henerasyon: ang mga magulang,
kapatid na lalaki at tiyuhin ang may karapatan na humawak sa yaman. Isa pang
prinsipyong parehas pinapairal ng dalawang pangkat sa Benguet ay ang
pagkakaroon ng mga kamag-anak ng pantay-pantay na hati sa mana.

Ang Kasalan

Iba-iba ang estilo ng mga panliligaw ng mga kankana-ey. Ayon sa salinsabi


at ginawang obserbasyon ng sumulat, ang panliligaw ay maaring isaayos sa
dalawang parte – ang mga magulang ng ikakasal. Mayroon ding, ang lahat ng
mga anak na lalaki ng isang mag-asawang kaibigan ng mga magulang ng
dalaga ang haharap sa nasabing dalaga at bahala na silang pumili ng kaniyang
gusto kasamahin sa buhay. Ganito ang nagyayri sa beyinan na sumulat. Sa
ibaba nman, ang mga lalaki ang talagang lantarang nagpapahayag ng kanilang
damdamin sa nililigawan.

Sa pagdaraos ng kasal, may iba’t ibang seremonyas, may payak, may


elegante. Ang katutubong paraan ay may kanyao na idinaraos sa tahana n ng
babae. Sa pamamagitan ng knilang mga magulang, mg akamag-anak na
nakakatanda sakanila at khrap ang isang tinatawag na pari, pari nila, ang kasal
ay pinagtibay. Kasama sa seremonya ang pagpaparte ng mga hayop na maaring
27
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
nuwang (kalabaw), baka, o baboy.

Kung ang seremonya naman ay gaganapin sa simbahang katoliko,


opsiyunal na ang pagpaparte ng hayop. Kaugaliang makabago na nag sinusunod
kung kainn ang pag-uusapan.

Wika
Kankanaey din ang tawag maging sa wika ng mga Kankanaey. Ito ay
malimit na gamitin ng mga Cordillerans partikular ng mga taga-kanlurang
bahagi sa Mountain Province at sa hilagang Benguet.

Ang Igorot ng Hilagang Benguet (at halos lahat ng namamalagi sa


Amburayan at timog Lepanto) ay nagsasalita ng parehong dayalekto, parehong
adwana at tinatawag ang kanilang sarili bilang Kakanay o Kankanay. Ang kultura
ng grupong ito ay walang mahalagang pinagkaiba sa cultural features ng mga
Nabaloi. Lingguwistika ang isa sa maaaring basehan ng kanilang pagkakaiba

1.5. ANG PAGKAKANYAO ni Edgar Daniel

May ibang dahilan kung bakit nag papadit o nagkakanyao. Ang isa’y bilang
pasasalamat sa pagkakarron ng kayamanan at ang isa’y bunga ng kahilingan ng
isang patay na miyembro ng pamilya na naipabatid sa pamamagitan ng
panaginip o kapag matagal na nag karamdaman ng isang miyembro ng pamilya
at hindi mapagaling ng mga gamut, sa gayo’y tumatawag na sila ng nakaaalam
sa Gawain ito na kilala sa katawagang hi-bok o anop upang malaman kung
magpapadit ang pamilya.

Kapag sinasabi nn taong ito na kailangang magpadit, agad sisimulan na


ang paghahanda: tatlong baboy, isang kalabaw, at isang baka; mga dama o
putek na alak na buhat sa bigas na tinatawag na tapey; bumibili siya ng bagong
dmit para sa patay tulad ng lukba o tapis, bahag panyolito o banda at kumot.
Kapag handa na ang lahat, inananyayahan ang lahat ng kaibigan, kamag-anak
buhat sa iba’t ibang pook. Kinaumagahan ng araw na iyon,ang pinakapair nila
ay ang mabaki ay nagdarasal at ibabaon ang isang itlog o ang isang maliit na
bilog na bato sa ilalaim ng hagdan. Tinatawag itong haday. Ang taong
magpapadit ay magkukulong sa bahay buong araw na iyon. Kinahapunan din ng
araw na iyon ay madadaratingan ang mga panauhin at kamag-anakan. Sa
gayo’y kakatayin nan a ang isang baboy upang maipakainan sa mga dumarating
na panauhin. Hindi magdarasal habang kinakatay ang baboy.Sa gayo’y maaari
nang pasimulan ang pagsasayaw ng katutubong sayaw na ginagamitan ng
gong. Sisimulan narin ang sagutan sa katutubong awiting tinatawag na baklew.

Kinabukasan kapag may bakud na ang kanilang bakuran, pinapakawalan


ang tatlong baboy at hahayaang hulihin ito ng matatapang na lalaki. Kapag
nahuli na ang baboy, uupuan ito ng nakahuhuli. Ang ilang lalaki naman ang
lalapit at tatalian ang baboy. Ilalagay ang baboy sa harap ng bahay o hagdan ng
ng bahay na kinalalagyan ng mabaki. Nasa bilao na rin ang mga kumot, mga
bagong damit, maliit nalalagyan ng tapey at trey na tinatawag na talaka na
28
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
nilalagyan ng mga barya o lumang pera na tinatawag na tinapun. Pagkatapos
magsimula ng magdarasal mabaki. Sa pagdarasal ng mabaki binabangggit ang
lahat ng pangalan na namatay na mga kamag-anak. Habang nagdarasal ay
tinatawag naman makaalung na bahagi ng pagsasayaw ng nagpapadit.
Gingamit ng mag-asawang nagpapadit ang kumot. Ang isang kumot ay nasa
balikat ng lalaki at ang isa naman ay nakabalot sa babae at sasayaw sila sa
saliw ng gong. Habang nagsasayaw sila, isa namang mabaki ay sisigaw habang
itinuturo ang nagsasayaw. Tinatawag itong lastuan. Pagkatapos nito, ang isang
mabaki ay sasayaw habang tangan-tangan niya nag mga barya, ang bawat
mananayaw ay kakatawan sa bawat binaggit na pangalan ng mga namatay.

Buong araw at gabing ngsasayawan, nagkakantahan ng baklew at nag-


iinuman ng tapey. Ang lahat naman ng ulo ng hayop na piṅata na hayop ay
itatabi na at iyong mga dapat iluto ay iluluto na para makakain kinabukasan.

Sa pagpapadit may tinatawag na katlu, ikatlong araw kung saan kinakatay


ang isang baboy, pagkatapos ay ang kawalu o ang ikalawang araw kung kalian
nagkakatay naman ng dalawang baboy at pinatutugtog ang gong upang
magsayawan naman ng gabi at isang araw habang nag iinumam ng tapey.
Pagkaraan nito mayroon pang kawanal o ikalabindalawang arw at ikalabinlimang
araw, kung saan maliit na baboy na lamang ang kin akatay at wala na ring
sayawan, kundi pagdarasal na lamang ng mga mabaki.

Ang huling raw ng padit ay ang pagpatay ng mga manok. Ang babae at
lalaki’y tutungo sa uma o kaingan. Dala-dala ng lalaki ang piko at may dala
naming basket o kayabang na may ilang kamote ang babae at pag-uwi nila
lulutuin ang manok. Pagkatapos magdasal ng mabaki maaari nang makapunta s
malayo ang mag-asawang nagpadit dahil sa panahon na pagpapadit ay hindi
sila maaaring lumayo.

1.6. MGA ITA SA BUNDOK NG ZAMBALES ni Ligaya T. Rubin

Sabi ng propesor namin sa Linguistics 225 , ang klase naming ay


magkakaroon ng field trip sa mga baryo ng Naculcol at Naguisguis sa Zambales
na ang pangunahing layunin namin ay pag-aralan ang ponolohiya, morpolohiya,
at sintaktika ng wika ng mga Ita, na sa kasaysayan ng Pilipinas ay siyang
itinuturing na kauna-unahang mga pangkat ng tao na naninirahan dito. Kung
makukuha rin anami ang karunungan bayan nila tulad ng mga kwentong bayan,
salawikain, mga epiko, mga pamahiin, mga dasal, at mga tulang pambata ay
higit na mabuti. Ang mga Ita’y itinaboy ng sibilisasyon at kawlan ng kaalaman
sa mga kabundukan; sila’y patuloy na nagpalipat-lipat sang-ayon na kung saan
sila mabubuhay; kaya’t bago tuluyang mawala ang kanilang panitikan at ang
wika mismo ay dapat itong maitala at mapag-aralan.

Limang oras na biyahe sa trak ang Botolan mula sa Siyudad ng Caloocan.


Ang dalawang baryong ito, Naculcol at Naguisguis ay dalawang baryo ng mga
Ita n nasa kalagitnaan ng mga bulubundukin ng Zambales. Ayo sa aming
propesor, mga limang ilog lang an gaming tatawarin sa aming paglalakad mula
29
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Naculcol hanggang Naguisguis. Huli na nang aming matuklasang mga limampu
nap ala kung bibilangin naming ang mga batis, sapa, kanal, at saluysoy.

Sabi pa nila kailanagn magdala kami ng lahat ng mga kailanagn naming


sa tatlong araw na tigil naming doon; mula gamut kontra sipon, ,malaria, at
pagkasira ng tiyan, hanaggang pagkain lalo na ang ulam tulad ng tuyo, tinapa,
sardinas, at itlog; ang mga Ita ay walang ulam-ulam kung kumakain, kanin
lamang ang kinakain nila at minsan ay nilagang kamote lang. Magdala raw kami
ng makapal na kumot; malamig na malamig raw doon sa gabi hindi lang sa
malamig na klima kundi dahil ang titigalan naming kubo ay hindi
makapagbibigay sa amin ng proteksiyon laban sa malmig na simoy ng hangin.
Sa madaling sabi ay silang-silat ang sahig at may siwang ang mga dingding. At
higit sa lahat ay magdala raw kami ng mga labis sa aming bahay na kaya
naming dalhin at kayang ibigay sa mga Ita.

Sa daan pa lamang ay inilalarawan na namin an gaming diwa at hitsura ng


tipikal na Ita, kulot na kulot ang buhok, sunog na sunog ang balat, pandak na
pandak, sarat na sarat ang ilong, ay makapal na makapal ang labi.

Nang makita naming sila ay nasabi naming halos ganoon na nga ang
hitsura nila, maliban sa napakaganda pala ng sunog nilang kulay- mamula-mula
at tila ginintuan na kumikinang sa tama ng sikat ng araw; ang kulot na buhok at
kakulay ng buhok ng mais; at ang mga may halong ibang dugo ay may
matatangos na ilong. Hindi sila hubad-baro tulad ng aming hinala; sila’y
nagsusot din ng damit.

Ang Naguisguis ay binubuo ng humigit-kumulang sa apatnapung kubo ng


mga Ita t isang eskwelahang nagtuturo hanggang grade four; lahat ng mga Ita’y
nagtatrabho sa lupa; ang tanging status symbol ng pagiging medyo maykaya
ay ang pagiging sementdo ng pinakapundasyon ng kubo.

Salat man sa materyal na bagay, ang mga Ita’y saganang-sagana naman


sa kagandahang loob. Nang mabatid ng sambayanan na may panauhing galing
UP ay may magdala ng ginataang kamote, ng maaayos na banig, unan, at
kumot. Sa pagitan ng mga nahihiyang ngiti at pnay na paghingi ng paumanhin,
kinausap nila kami at sa sigid ng lamig ng gabi’y isinasalaysay ng matatanda
ang kanilang mga kwentong Ita.

May kahirapan ang pagpunta sa lugar na iyon, at may kahirapan ang


buhay doon sa isang sanay na sanay sa maginhawang buhay ngunit hindi kami
nagreklamo kahit bahagya sapgkat ni bahagya’y hindi nagrereklamo ang mga
Ita gayong iyon na ang buong buhay nila. Doo’y nasaksihan namin ang uri ng
pamumuhayna ikinukubli ng mga kabundukan, at pagkatapos ng pananaw
namin sa buhay ay hindi na mananatiling gaya ng dati.

Sila, ang mga Ita, ang tunay na mga Pilipino; walang bahid-dungis ng
kalinangang banyaga. Sila’y itinaboy hin di ng walang kaalaman kundi ng
kawalang-kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan doon sa kabundukan
30
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
ngunit sila’y nagpatuloy sa pamumuhay na matapat at walang pag-iimbot sa
kapwa. Sa kabila ng kadahupan ng buhay at pagwawalang-bahala ng mga higit
na nakapag-aral at higit sa sibilisado, sila’y nananatiling nabubuhay nang may
dignidad sa sarili nilang pamamaraan.

Introduction

Ang Republika ng Pilipinas ay isang arkipelago kung kaya ito ay


binubuo ng mahigit-kumulang pitong libong isla. Nahahati sa tatlong
kapuluan ang bansa – Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa bahaging ito ay
iisa-isahin ang iba’t ibang kultura sa ilang piling lugar sa pulo ng Visayas.
Ipaliliwanag dito ang kanilang kasaysayan, paniniwala, tradisyon, sining,
pista, tribu at iba pa upang lubusang maunawaan ang iba’t ibang kultura
mayroon ang ating bansa tungo sa pagkamit ng isang lipunang
mapayapa.

Intended Learning Outcomes

A. Nailalahad ang iba’t ibang kultura sa ilang piling lugar sa Visayas;


B. Naisasapuso ang kahalagahan ng iba’t ibang kultura sa Visayas sa
pamamagitan ng paglalapat nito sa sariling kultura; at
C. Nakalilikha ng paghahambing at pagkukumpara sa iba’t ibang kultura sa
Visayas sa iba pang kultura sa Pilipinas.

Discussion

ARALIN 4 – Visayas

1.1. Ang Isla ng Siquijor: Kaligirang Kasaysayan at Ilang


Impormasyon sa Paningin ng mga Mananambal
- nina Julie Anna Cabal Asari, Marjorie Valdez Enguio, at Leanvic
Omondang Paling

 Ayon kay Tikos (Siquijor Today, 1999) ang islang ito ay nadiskubre ni
Esteban Rodriguez sa ekspedisyon ni Legaspi noong 1565
 Nasa ilalim ng pamamahala ng Bohol (1854-1892)
 Naging probinsya ng Negros Oriental (1892)
 Sa pamamagitan ng R.A. 6398, naging ganap na probinsya ang Siquijor
noong Setyembre 17, 1971
 Bahagi ng Rehiyon 7, kasama ang Dumaguete, Bohol, Negros Oriental,
at Cebu
 May 6 na bayan – Enrique Villanueva (14 barangay), Larena (23
barangay), Maria (22 barangay), Lazi (18 barangay), Siquijor (kabisera:
42 barangay), at San Juan
 Mga Paniniwala at Kaugalian – pagsangguni sa mananambal o sa

31
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
tinatawag na albularyo

 Panganganak:

1. Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may puson ang


habak na galing sa “kupo” o sa unggoy para hindi mahirapan sa
panganganak.

 Kamatayan:

1. Kung may namatay ay dadasalan ito ng siyam na araw at


apatnapung araw ang pagrorosaryo.
2. Bawal magwalis ang namatayan kung may nakaburol.
3. Ipinagbabawal ang paliligo at paglalaba sa loob ng bahay.
4. Babasagan ng baso ang ilalim ng ataul para wala nang susunod
na mamamatay.
5. Hindi dapat na tinutulugan ang patay dahil hindi maganda sa
pag-alala sa kanya.
6. Hindi maaaring kumanta, manood ng telebisyon, at makinig sa
radyo.
7. Kapag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin
na lang ang ikatlong araw bago maglinis.

 Paglilibing:

1. Daraan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatayan


upang hindi sunod-sunod ang mamamatay sa pamilya.
2. Ang mga natunaw na kandila sa simula ng lamay hanggang sa
katapusan ay ipasok sa nitso upang malayo sa kamatayan ang
pamilya ng namatay.
3. Kung titirhan ang libingan nang walang pahintulot,
magkakasakit ang titira.

 Pag-iwas sa Pagbubuntis:

1. Lumay (gayuma) – isinisinturon ang buyo (betel leaf pepper o


ikmo sa Tagalog) malapit sa puson para hindi mabuo ang bata.

 Pag-aalaga at Pagdidisiplina sa Anak:

1. Kailangang ilagay sa may pintuan ang pusod ng bata upang


lumaki siyang hindi mahiyain.
2. Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi
lumaking malikot.

 Mga Batas at Tradisyon sa Panggagamot:

32
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
1. Pagsisimba tuwing Martes at Biyernes.
2. Hindi pagkain ng karne kundi purong gulay lamang.
3. Hindi nanggagamot sa ibang lugar sapagkat paparusahan ng
sukod.
4. Ang librito (booklet) ay hindi ipinapakita sa ibang tao at walang
ibang makakabasa kundi ang manggagamot lamang.
5. Hindi dinadala sa loob ng simbahan ang lumay dahil
nawawalan ito ng kapangyarihan.

 Mga Gamot at Paniniwala sa Sakit:

1. Mas mainam pa rin para sa kanila ang mga inireresetang


halamang gamot ng mga albularyo/mananambal dahil sa
kabisaan at kapuruhan (natural at walang halong kemikal) ng
mga ito.

 Pamahiin:

1. Kapag hindi pa kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong


lugar ang ikakasal dahil may mangyayaring masama. Kailangan
maghintay ng tatlong araw bago umalis.
2. Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal,
suklayan at painumin ng bulaklak ng dapo o orkids na kulay
puti.
3. Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae
ang bagong kasal para maayos ang kanilang buhay mag-
asawa.
4. Maghanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana
upang mamalayang may magnanakaw na papasok sa bahay.
5. Sa pagpapatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at
tamang petsa. Lagyan ng agnos ang bahay, kung walang agnoy
ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng bahay.

 Mga Paniniwala sa Pagtatanim at Paghahanapbuhay:

1. Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang biwan,


magsumbrero ng malaki, magpakabusog, kumain ng marami at
huwag tumingala para magkabunga ng malaki at hindi
matayog ang bunga nito.
2. Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin
para ang ani ay matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na
mula sa puso upang hindi magalit ang mga diwata at para
mabigyan ng masaganang ani.
3. Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng
tabako, tuba at tubig dahil may pausok na gagawin. Maggiling
din ng mais para gawing pintos. Magpintos ka ng dalawa.

33
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Manalangin, pagkatapos ay ilagay sa baul ang mga pintos.
4. Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay.
Gumapang habang nagtatanim at sabayan ng pagdarasal
upang sinlaki ng tuhod ang magiging bunga nito.

 Mga Paniniwala sa Aswang at Mahika:

1. Mahika – sistema ng paniniwala at kaugalian na naniniwalang


nakokontrol ng tao ang likas at supernatural na puwersang
nakaapaekto sa kanyang buhay
 Pagputol nitong lubid, pareho pa rin ang haba nito. Sa paraang
ito ay magdarasal ako ng Latin.
 Sa aking pagsasalita ng Latin, gagalaw itong mga anino na
nasa likod ng tela dahil sa aking mga kamay.
2. Aswang – nakakatakot at di-pangkaraniwang nilalang
 Ang aswang ay tao lamang ngunit may kapangyarihan.
 Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo.
 Espiritu o Anito:
1. Kung may malapit nang mamatay, lalo na kung
naghihingalo, diyan magsisilabasan ang masasamang
espiritu.
2. Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito.
 Lumay (Gayuman):
1. Kung manlulumay ang lalaki sa babae, manlulumay din
ang babae sa lalaki.
2. Mababango ang mga lumay. Kung manlulumay sa babae,
ang mga pinaghalong sangkap nito ay iba’t ibang uri ng
bulaklak, ugat ng kahoy, lalo na ang matitinik. Ang mga
mababango ang siyang kinahihiligan ng mga babae.
3. Ang mga lumay ay kinukuha sa punongkahoy na kakikitaan
ng alitaptap. Dahil may nagmamay-aring espirity, ito’y
espesyal kaya kaunti lamang ang kinukuhang bahagi ng
puno.
4. Kumuha ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay
at tiklupin. Ipalo ito ng tatlong beses sa lalaki na hindi niya
namamalayan para madaling mapaibig.
5. Ang pinakatamang ihalo sa lumay ay ang lawig-lawig sa
dagat.
 Negosyo at Lumay:
1. Kung may negosyo, para dumami ang iyong suki, ilagay
ang lumay sa iyong pitaka.
 Eksaminasyon (Board Exam) at Lumay:
1. Kung kukuha ng eksam, ilagay lang sa panyo o bulsa ang
lumay para hindi makalimutan ang pinag-aralan.
 Kapangyarihan (Gahum)/Anting-anting:
1. Ang gahum (power) ay mutya galing kay San Antonio
at lagi itong hinuhugasan.
2. Librong maliit ang gahum na nakasulat sa Latin. Maliit
34
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
ito at kahit mga bata ay hindi makababasa kundi ang
albularyo lamang at maliwanag ito.
3. Ang kapangyarihan ay sa paraang tawal (ritwal) na
Latin at sa orasyon.

1.2. Sulyap sa Kasaysayan at Kalinangan ng Cebu


- ni Evelyn Valencia Gabansos

 Sa Kabisayaan matatagpuan ang Cebu na ang umiiral na wika ay


Sebwano
 Ang mga Cebuano ay masasabing mga saling-angkan ng Malay
 Kilala ang bantog na bayaning Cebuano na si Lapu-lapu sa kanyang
matagumpay na pakikihamok sa mga Kastila
 Abril 14, 1521 – unang naganap ang pagdaraos ng unang misa ng
mga Kristiyano sa dalampasigan ng Cebu at pagbinyag kay Raha
Humabon kasama ang kanyang mga sakop at mandirigma
 Ciudad Del Santisimo Nombre de Jesus – kauna-unahang simbahan
 Cebuano – kauna-unahang matatawag na Kristiyano sa kapuluan ng
Pilipinas
 Cebu – itinuturing na pinakamatandang siyudad sa Pilipinas
Mga Kaugalian na Sinusunod ng mga Cebuano sa Pag-aasawa:
1. Ang Monogamya – mahalaga at lubos nilang iginagalang ang
Sagradong Bagong Testamento ng Banak na Aklat na mahigpit na
nagbabawal sa pagkakaroon ng maraming asawa samantalang buhay
ang unang asawa
2. Ang legal na paghihiwalay – ang pagpapakasal ay mahigpit na
nagbabawal sa paghihiwalay
3. Ang tinatagay na Bugay – katumbas sa dowry o kalimitang hinihingi
ng mga magulang ng nobya sa magulang ng nobyo
4. Ang pagbibigay-handog – ang mga alaala o pagbibigay-handog sa
bagong kasal; nararapat dumaan muna sa mga sumusunod bago
magpakasal:
 Pag-ila-ila – pagkikilala
 Pangulitawo – panliligaw ng binate sa dalaga lalo na ang pag-akyat ng
ligaw
 Panagtrato – pagkakasundo ng dalaga’t binate na mag-ibigan
 Pamalaye – paghingi ng kamay ng babae mula sa kanyang mga
magulang
 Pagrehistro – paghahanda ng mga papeles at paglalathala ng mga
pangalan ng ikakasal sa munisipyo
 Kasal – pag-iisampuso ng magnobyo sa harap ng isang pari sa
simbahan

Mga Paniniwala Tungkol sa Bagong Kasal:


1. Ang ikakasal ay kailangang tumigil sa bahay at hindi paalis-alis
habang ang araw ng kasal ay hinihintay.
2. Hindi puwedeng isukat o isuot ng nobya ang kanyang damit
35
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
pangkasal hanggang hindi pa sumasapit ang takdang oras ng kasal.
3. Pagkatapos ng kasal at habang papaalis na sa simbahan ang ikinasal,
kailangang tiyakin ng bawat isa na siya ang unang makayakap sa
unang baytang ng hagdan at unang makahakbang paalis sa altar,
kailangang mauna ang isa sa kanila.
4. Ang bigas, asin, at asukal ang siyang mga bagay na kailangan na
mauna sa kanilang bahay bago dumating ang ikinasal.
5. Bago umakyat ang bagong kasal sa kanilang bahay, kailangang
painumin ng isang basong tubig sa iisang baso ang bagong kasal
upang sila’y laging magkakaunawaan; sa hirap man o sa ginhawa sila
ay laging magkakapiling.
6. Ang suklay ay kailangnag isuklay sa buhok ng bagong kasal nang
makailang-ulit upang ito’y magkaroon din ng mahusay na
pagsusunuran at maayos na pamumuhay.
7. Sasabuyan ng bigas o palay ang bagong kasal paglabas ng simbahan
upang maging masagana at maligaya ang kanilang pagsasama
habang buhay.
8. Ang pagkabasag ng baso o pinggan habang dinaraos ang handaan sa
kasal ay nagtataboy ng kamalasan sa buhay mag-asawa.
9. Matapos ang kasal, ang mga ikinasal ay kailangang hindi muna
umalis ng bahay nang sa gayon ay maging maligaya ang kanilang
pagsasama at hindi na sila maghihiwalay kailan man.

1.3. Ang Barotac Nuevo sa Iloilo


- ni Emilina Nepomoceno

 Ang Lungsod ng Iloilo ay kilala dahil sa malambing na intonasyon ng


pagsasalita ng mga Ilonggo at sa kanilang pagiging mabait at
masayahin
 Ipinagmamalaki ng Iloilo sina Graciano Lopez-Jaena at Estevan Javellana
 Barotac Nuevo – isang bayan sa Iloilo na dating nayon ng Dumangas
 Barotaknon – nabubuhay sa pagbubukid o pagtatrabaho sa mga
pataniman ng tubo at halos lahat ng apelyido ng mga katutubo ay
nagsisimula sa B gaya ng Barrido, Bayoneta, Baylosis, Bayo-ang, at
Batilo
 Kapistahan ng bayang ito ay tuwing ika-13 Hunyo sa karangalan ng
patrong si San Antonio de Padua
 Hiligaynon – wika ng mga Ilonggo
 Karay-a – varayti ng Hiligaynon

Mga Pamahiin, Paniniwala, at Kaugalian ng mga Ilonggo


 Tungkol sa Pagdadalan-tao
1. Sa panahon ng paglilihi o “panambok”, kinakailangang ipagkaloob
lahat ng lalaki ang anumang pagkaing mahihiling ng babae sapagkat
kung hindi, tiyak na makukunan ang kanyang asawa.
2. Hindi maaaring magsuot ng kuwintas o maggantsilyo ang isang
babaing nagdadalang-tao sapagkat maaaring maging mahaba ang
36
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
pusod ng bata at ito ay magiging sanhi ng kamatayan nito.
Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng beads sa leeg o kamay o
anuman na lumilikha ng ganap na bilog. Ipinalalagay na ang saradong
bilog ay may masamang epekto sa isang buntis.
3. Kung lalabas ng bahay sa hapon, kinakailangang maglagay ng
tuwalya, patadyong o anumang bagay sa ulo. Pinaniniwalaang ang
isang babaing nagdadalang-tao ay tila isang transparanteng baso sa
paningin ng isang aswang at ang batang nasa loob ng tiyan niya ay
lantad sa mata nito.
4. Huwag maupo o mahiga sa may pintuan o hagdanan ng bahay kung
nagdadalang-tao pagkat ito ay maaaring magbunga ng mahirap na
pangangak. Hindi dapat magpatawing-tawing sa baitang ng hagdan.
5. Bawal ang magpalitrato.
6. Ipinagbabawal rin ang pagtingala kung kabilugan ang buwan o kung
may eklipse sapagkat baka magkaroon ng pinsala ang magiging anak,
gaya ng pagiging bingot (harelip).
7. Huwag pagtatawanan ang bulag, sungi, o duling at baka sa ganito ay
magkakaroon ng kapansanan ang magiging anak.
8. Huwag paglihian ang mga santo at santa dahil baka mapipi ang
magiging anak. Hindi rin mabuting paglihian ang manika sa gayong
kadahilanan din.
9. Ang babaing buntis ay pinapayuhang tumingin sa mga larawan ng
magagandang bata upang ang kanyang sanggol ay magkaroon din ng
magandang kaanyuan. Sa panahon ng kanyang paglilihi, ang kulay ng
pagkaing kanyang kinahuhumalingan ay makakaapekto sa magiging
kulay ng kanyang sanggol. Huwag kakain ng maitim na pagkain tulad
ng duhat magiging maitim ang bata. Kung ibig namang magkaroon ng
batang maputi ang kulay, dapat kumain ang naglilihi ng mapuputing
pagkain tulad ng buko, singkamas, at siopao.
10. Ang babaing kumain ng kambal na prutas ay manganganak ng
kambal, na maaaring praternal o identikal. Ang praternal na kambal
ay siyang bunga ng pagkakain ng ina ng ilang uri ng kambal na
prutas. Samantalang ang identikal na kambal ay ipinanganak ng
isang inagn kumain ng kambal na saging o anumang prutas na
nabibilang sa iasng uri.
11. Ang babaing buntis ay di dapat magpagupit ng kanyang buhok
sapagkat maaaring manganak siya ng isang sanggol na walang
buhok.
12. Anap ng pinagkasag babaing maaari pang mangak ay hindi
hinahayaang kumain ng mga prutas na hindi pa gaanong napoporma
sa takot na makunan ito, gaya ng paniniwala sa Baryo Sambag, Jaro.
13. Sa munisipyo ng Guimbal ay sinusunod ang paniniwalang ito: Ang
isang bahay ay hindi maaaring kumpunihin kapag ang ina ng tahanan
ay buntis saapgkat tiyak na maghihirap ito sa panganganak.
14. Upang hindi mahirapan sa panganganak, ang babaing buntis ay
lumalabas ng bahay bago sumakabilang-buhay ang naghihingalo.

37
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Tungkol sa Pagsisilang ng Sanggol
1. Kapag ang panganganak ay mahirap, ang asawa ng babae o sinuman sa
pamilya ay bababa ng bahay na dumaraan sa bintana at gumagamit ng
kawayan bilang pinakahagdanan. Ang mga mata ay nakatingala sa itaas
samantalang ang kamay ay nakahandang hawakan o kunin ang
anumang bagay na madadampot sa lupa. Ang bagay na madampot ay
pinakukuluan sa tubig at kinukuha ng ina. Ang kaugaliang ito ay
sinasabing makapagpapagaan at makakapagpadali sa pangangak ng
ina.
2. Kapag ang panganganak ay mahirap, inaakala na ang babae ay may
nagawang kasalanan na malulunasan kapag nangako siyang magtitika
nag kanyang nagawa sa harap ng pinagkasalanan o di kaya naman ay
pinabababa nang pagapang, una ang ulo ng asawang lalaki sa may
hagdanan.
3. Ang ina ay binibigyan ng masustansiyang pagkain kapag siya ay
nanganganay. Siya ay pinakakain ng hilaw na pula ng itlog na
pinaniniwalaang magsisilbing lubrikante upang madaling lumabas ang
bata.
4. Ang pagkulapol ng puti ng itlog sa sikmura ng buntis na babae sa
panganganauy nito ay magpapagaan at magpapadali sa kanyang
panganganak.
5. Pagkatapos na mailabas ang bata, iniitsa ito nang paitaas nang dahan-
dahan ng komadrona. Sa paggawa nito, ang bata ay hindi malulula o
mahihilo sa pagtungo sa matataas na lugar.
6. Sa Baryo Balantang, Jaro, pagkalabas na ng bata, ang puso ng saging ay
ipinapahid sa labi nito upang hindi ito maging maitim.
7. Ang mga hipon at ulang, sariwa pa mula sa tubig ay ipinapahid sa bibig
ng bagong silang na anak. Sa pamamagitan nito, ang bata raw ay
magiging masigla at maliksi.
8. Kapag ang isang bata ay ipinanganak nang nauuna ang mga paa,
ipinalalagay na ito ay magkakaroon ng kapangyarihang makalunas sa
mga natinik sa lalamunan. Ang tawag dito ay suli sa Ilonggo at suwi
naman sa mga Tagalog.
9. Sa pagsilang ng isang bata, ang mga matatanda ay naniniwala sa mga
ilang palatandaan at kalagayan at hinuhulaan ang magiging kapalaran
ng bata.

a. Ang bata halimbawa naipinanganak sa gabi ay matapang at di


katatakutan ang dilim at anumang panganib sa hinaharap.
b. Ang batang ipinanganak sa araw ay magiging mahina.
c. Ang pagsilang ng isang sanggol na may kapinsalaan ay
pinaniniwalaang maghahatid ng suwerte sa pamilya.
d. Kapag ang bata ay slit-eyes at lubhang tahimik, ito ay malamang na
makahumalingan ng mga tamawo o mga diwata at kung ito ay maging
dalaga na ay pipintuhuin ng mga ito.
e. Suwerte raw ang pagsisilang ng tatlong anak na lalaki nang sunod-
38
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
sunod.
f. Ang pagsilang ng unang anak na lalaki ay tiyak na maghahatid ng
suwerte sa kanyang mga magulang.
A. Sabaw ng manok ang idinudulog sa bagong kapapanganak na ina
upang mabawi niya ang kanyang lakas.
B. Sa loob ng siyam na araw pagkatapos ng panganganak, ang
nagpapapsusuong ina ay umiiwas sa pagkain ng nilagang berdeng
saging at “calocalo” o sinangang na kanin sapagkat ang mga
pagkaing ito ay inaakalang makababawas ng gatas ng ina.
C. Pagkapanganak ng ina, kinakailangan siyang kumain ng iba’t ibang
prutas upang magkaroon ng maraming gatas.
D. Sinisikap ng bagong kapapanganak na ina na gumawa nang kaunti
ng mga mabibigay na trabaho sa bahay, gaya ng paglalaba ng
damit, pagsisibak ng kahoy, at pag-iigib ng tubig upang ang lahat ng
trabaho ng ganitong uri sa kalaunan ay hindi magiging sanhi ng
pagkabinat na kung minsan ay nauuwi sa lalo pang kapinsalaan. Ang
kaugaling ito ay tinatawag na “padungan”.
E. Ang unang paligo ng ina ay may mga sangkap nag pinakuluang
dahon ng pomelo, bunlao, alibjon, at tanglad. Ito ay ginagawa upang
di-umano ay hindi mabinat ang ina.

Tungkol sa Binyag ng Sanggol


1. Ang bata ay kinakailangang mabinyagan sa lalong madaling panahon
sapagkat pinaniniwalaang ang binyag ay malaki ang kinalaman sa
pagiging malusog at laging ligtas ito sa sakit.
2. Kapag ang isang bata ay umiiyak habang ito ay binibinyagan, ito ay
lalaking pilyo, malikot, at matigas ang ulo. Kapag ito ay tahimik, lalaki
itong mabait.
3. Sa binyag ng bata ay kailangnag may kaunting handa upang laging
may pagkain ito.
4. Ang ninong at ninang ay dapat magbigay ng pera sa bata upang
maging magaan ang pera sa inaanak at madali itong yumaman.
5. Pinaniniwalaang sa binyag ng kambal, kinakailangang ipasok ang
bata sa isang pinto at ang isa naman ay sa kabilang pinto upang
walang mamatay na sinuman sa kanila.

Tungkol sa Pag-aalaga ng Bata


1. Pagbibili sa bata – kapag ang isang pamilya ay namatayan nan g mga
dalawa o tatlong anak sa napakaagang gulang, at ang sumunod na
bata ay tila magkakaganoon rin, ang isan gseremonya ng pagbibili sa
bata ay idinaraos. Ang isang kapitbahay na naging matagumpay sa
pagpapalaki ng maraming anak ay nagdadala ng pera o anumang
bagay upang bilhin ang bata. Ipinahahayag ng ina ng bata na ito ay
ipinagbibili na sa kapitbahay na dumalo sa seremonya. Ang
kapitbahay ay tunay na magbabayad ng pera o anumang bagay. Sa
ganitong paraan, ang bata ay magiging malusog at makababawi sa
sakit. Gayunpaman, ang bata ay pag-aari pa rin ng mga magulang

39
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
nito.
2. Abay – sinuman ay hindi hinahayaang magbigay ng puna o biro
tungkol sa bata na ito ay malusog. Kapag naging matindi ang pagbati
o pagbiro, magiging dahilan ito ng pagkakasakit ng bata. Kaya, bago
magsalita ng anuman kinakailangnag sabihin muna ang “puera abay”
o “puwera usog”.
3. Panagang – pinasusuotan ang bata ng kuwintas na may nakataling
ngipin ng buwaya o anumang bagay na magsisilbing “panagang” o
pangontra. Pinaniniwalaan ng mga tao na ito ay mabisang panlaban
sa mga masasamang espiritung may balak puminsala sa bata. Ang
iba naman ay nagkakabit ng piraso ng luya sa damit ng bata upang
mapigilan ang mga manggagaway sa anumang masamang tangka
nila sa bata, o mapaglalabanan ang anumang masasamang
hangarain ng mga espiritu.

Tungkol sa Pagliligawank Pagnonobyo, Pag-aasawa


1. Pinaniniwalaan na kapag umaawit habang nagluluto sa harap ng
kalan ang isang dalaga, ang mapapangasawa niya ay isang
matandang tila lolo na siya.
2. Ang paghaharap sa nagtatahip ng bigas ay magbubunga ng
pagkakapag-asawa ng isang matanda.
3. Maaaring malaman kung magiging tapat sa suyuan ang kasintahan
sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa mga kuko nito. Ang isang
maputing marka ay nagsasaad ng katapatan sa isa lamang giliw
ngunit kung maraming puti-puti, ito ay nangangahulugan na ang
liyag ay magiging talusaling sa pag-ibig.

Tungkol sa Kamatayan, Pagbuburol, Libing, Pagdarasal

1. Ang isang bata ay pinagbabawlang magsuklay ng buhok sa gabi


sapagkat ang ganito raw ay nakapagpapadali sa buhay ng kanilang
mga magulang.
2. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay pagbabadya na si Kamatayan ay
nasa pali-paligid at handang kunin ang isang nilalang.
3. Ang pagpasok ng isang itim na paruparo sa bahay ay babala na
may kamag-anak na namatay.

Tungkol sa Panahon at mga Elemento

1. Nahuhulaan ng mga tagakuha ng tuba sa Iloilo at Antique kung ang


panahon ay magiging mabuti o masama sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga sisidlang kawayan na siyang pinag-iipunan ng
kaas ng niyog. Karaniwan, kauting mga bula lamang ang nabubuo
sa itaas ng sisidlang kawayan.
2. Kapag ang isang ibong tinatawag na kanuyo ang makitang napunta
sa hilaga, nangangahulugang may bagyo sa timog; kung ito ay
patimong, ang bagyo ay nasa hilaga.
3. Kapag nakita ang ilang mga bituing tila wari’y patungo sa buwan,
40
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
ang ibig sabihin ay may bagyong darating.

Tungkol sa Hayop, Insekto

1. May paniniwala na kapag ang isang pusa ay tumawid sa iyong daan


ay aabutin ka ng kapahamakan o kamalasan. Sa iba naman, ang
ahas o pusang itim na humalang o tumawid sa daanan ay
nagbabadya pa rin ng kamatayan.
2. Kapag kumukulog, sinuman ay di hinahayaang makipaglaro sa mga
pusa sapagkat ang mga ito ay itinuturing na pinagkukunan o
konduktor ng kidlat.
3. Ang tsonggo ay inaakalang isang dating taong pinalo ng sandok sa
pagsuway sa magulang.

Tungkol sa Pagkain

1. Ang mga platong ginagamit sa pagkain ay di dapat agad


pinagpapatung-patong. Kailangang hintayin pang makatapos ang
lahat sa pagkain bago pagpatung-patungin ang mga plato kung di
ay magkakaroon ng patung-patong na utang.
2. Huwag kakain nang maya’t maya kung di ay magiging abut-abot
ang mga utang.
3. Ang pagkain ng bilog na nauntol ang pagkapisa ay nagdadala ng
pagkabigo sa mga binabalak.

Tungkol sa Asuwang at Iba pang mga Kakatwang Nilalang


1. Ang mga asuwang ay mga kakatwang nilalang na nakalilipad.
2. Sinasabi na ang mga ito ay nagtataglay ng kapangyarihang patayin
ang isang tao sa pamamagitan ng pagtingin lamang dito o pagkain
sa atay nito.
3. Magagawa rin ng asuwang na papagkasakitin ang isang tao.

Tungkol sa Halaman at Pagsasaka at Pangingisda


1. Tunay na napakahalaga ng mga pangunahing pananim sa
kalahatang mga magsasaka sa Pilipinas kung kaya ang mga ilang
kaugaliang panrelihiyon ay iniuugnay sa pagtatanim. Ang
magsasaka sa Pototan, Iloilo ay gumagawa ng pagluluhud-luhod
tulad ng isang pari habang gumigiik ng bigas bago magpatuloy.
Lumuluhod muna ito, nagsasabog ng kaunting uling sa bigas na
nakasabog sa isang malaking banig at saka magkakurus. Kung hindi
niya ito gagawin ay hindi siya makaaasa ng isang mabuting ani sa
susunod na taon.
2. Pinaniniwalaang sa unang pagpupunla ng bigas o sa pagtatanim ng
anumang uri ng pananim, ang suklay, nganga at lumang habihan
ay itinatapon kasama ng bigas sa punlaan. Nilalayon ng suklay ang
pagkakaroon ng kaayusan ng mga halaman; ang bunga ay para sa
masagang ani, at ang habihan ay para sa magandang uri ng butil.
3. Sa pagtatanim ng bigas, ang tanglad (mabangong damong
41
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
inilalagay sa sabaw ng manok o karne, dinuguan, atbp.) muna ang
itinatanim sa unang punlaan at ito ay sinusundan ng mga murang
halaman.

Tungkol sa Anting-anting at mga Di-pangkaraniwang Kapangyarihan


1. Sa hatinggabi ng Biyernes Santo, ang mga tao ay gumagawa ng
lahat ng paraan upang makakuha ng bahagi ng damit, buhok o
anumang kagamitan ng Santo Intiero. Ito ay inihahalo nila sa ibang
mga sangkap at pinauusukan ang mga lambat.
2. Ang mga taong naninirahan sa may baybay ay karaniwang
mapapaniwalain sa mga anting-anting.
3. Para sa mga babaylan at albularyo, ang Biyernes Santo ay
pinakaabalang araw dahil nagpupunta sila sa mga yungib at
bundok upang manguha ng mga damong-gamot at balat ng mga
kahoy. Pinaniniwalaang magiging mabisa ang mga ito.

Tungkol sa Sugal, Sabong


1. Kapag naglalakad sa daan at nakakita ng bakal na sapatos ng
kabayo ito ay nangangahulugan ng suwerte.
2. Anumang bagay na kambal ay kailangan ilagay sa bulsa upang
manalo sa sugal.
3. Kapag nakatayo at may butiking lumukso sa bulsa, ipinalalagay na
hudyat ito ng magandang kapalaran sa sugal.

Tungkol sa Pagpapatayo at Paglipat ng Bahay


1. Sa pagtatayo ng unang poste na tinatawag na pasag-ang ang
posisyon ng sinasabing bakunawa ay isinasangguni sa isang aklat
na pinamagatang “Astrologo”. Ang poste ay makikita malapit sa
sentro ng ulunan ng bakunawa. Sa pag-alinsunod dito, ang
itatayong bahay ay magiging ligtas sa anumang sakuna.
2. Sa pagpupuno ng anumang butas ng unang poste, ang isang
suklay, at mga sasampuing sentimo ang inilalagay sa kailaliman ng
butas. Ang mga bagay na ito ay sinasabing makapagbibigay ng
kapayapaan at tagumpay sa pamilya sa anumang bagay na
kanilang kakaharapin.
3. Ang bahagdan ay dapat na papaharap sa silangan o sa sinisikatan
ng araw. Sa ganitong posisyon ng hagdanan, ang pamilyang
maninirahan ay magiging masaya at maginhawa sa lahat ng araw.
4. Sa paglipat naman sa panibagong bahay, ang hugis ng buwan ay
isinasaalang-alang. Lumilipat sa bagong tirahan mga tatlong araw
kapag kabilugan ng buwan o walong araw pagkaraan ng bagong
buwan.

Tungkol sa Iba’t Ibang Okasyon

Bagong Taon – kinakailangang kumpleto ang lahat ng bagay o


pangangailangan upang sa loob ng buong taon ay hindi kulang-
kulang sa anumang bagay. Ang pambinhe ay siyang unang paraan
42
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
sa pagtatanim. Iniipun-ipon ang iba’t ibang uri ng buto o binhi at
inilalagay sa isang plaotng natatakpang mabuti ng bao o anuman.
Tinatandaang mabuti ang lugar ng bawat binhi. Sa susunod na
araw, huling araw ng taon at
1. Bisperas ng Bagong Taon, ang unang gagawin ay tignan kung may
buotng nag-iba ng lugar. Pinaniniwalaang ang mga binhi ay kumikilos.
Ang mga butong lumipat ng puwesto ay magiging salat o kapos sa
susunod na taon. Kaya maaaring makapaghanda nang husto para sa
ganitong kakulangan. Maghanda rin ng maraming pagkain upang
magkaroon ng masaganang pagkain sa loob ng isang taon.
2. Sa Dumangas, sa ika-12 ng hatinggabi, kinakalansing ng mga tao ang
12 perang barya. Bawat barya ay kumakatawan sa bawat buwan. Ang
12 barya ay itinatago sa loob ng isang taon upang maghatid ng
kasaganaan sa may-ari.
3. Sa Guimbal naman, sa hatinggabi ng Bagong Taon, kinakailangang
gumising at makinig nang mabuti sa unang ingay na gagawin ng mga
hayop na pambukid. Kapag ang naririnig ay isang aso, ito ay
masamang pangitain. Kapag kalabaw o baka, ito ay nagbabadya ng
mabuting ani.

Tungkol sa Araw ng mga Patay


1. Sa araw na ito, pinaniniwalaan ng mga tao na ang kaluluwa ng mga
patay ay nagbabalik sa lupa.
2. Pinaghahandaan nila ang mga ito ng mga pagkain gaya ng bayebaye,
suman, at marami pang iba upang paglubagin ang loob ng mga
kaluluwa.
3. Ang mga pagkain ay innilalagay nila sa mesa o sa loob ng isang lihim
na silid upang ang mga ito ay makain ng mga kaluluwa.

Tungkol sa Samut-saring Paniniwala


1. Ang pag-alulong ng aso sa gabi ay nagpapahiwatig ng mga
gumagalang masamang ispirity. Ang pagsagot sa mga kakatwang
tawag ng mga ito sa gabi ay nangangahulugan ng kamatayan sa
sumagot.
2. Tungkol sa damit, isang paniniwala at naging kaugalian na ang bagong
damit ay isinusuot muna sa simbahan bago sa ibang pagkakataon
upang ito ay magtagal.
3. Kapag ang Biyernes ay tumama sa ika-13 araw ng buwan maraming
mga aksidente ang maaaring mangyari.

Kapistahan at Kasayahan
1. Pasungay (bull fight) – idinaraos tuwing ikalawang Sabado ng Enero sa
lugar ng San Joaquin, Iloilo kung saan naglalaban ang mga toro sa
burol
2. Dinagyang – katawagang Ilonggo sa kasayahan, idinaraos tuwing
huling linggo ng Enero, pagbibigay-parangal sa milagrosang Imahen
ng Santo Niño
3. Kapistahan ng Nuestra Señora de la Candelaria sa Jaro – idinaraos
43
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
tuwing Pebrero 2, pinakamarangya at pinakamalaking pagdiriwang na
panrelihiyon sa Kanlurang Bisaya
4. Paraw Regatta – ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Pebrero,
paligsahan sa karera ng mga Bangka na idinaraos sa pagitan ng kipot
ng Iloilo at ng Guimaras
5. Ang Pagtaltal sa Guimaras – idinaraos tuwing Biyernes Santo, isang
pangkuwaresmang pagtatanghal sa Jordan, Guimaras na hinango sa
bantog na dula ni Oberammergau sa Timog Bavaria, Alemanya
6. Ang Parada at Karera ng Kalabaw – ginaganap tuwing Mayo 3 sa Pavia,
Iloilo

1.4. Ang Sining at Kultura ng Aklan

- ni Florida Villanueva

 Ati-atihan – isang napakasayang pagdiriwang na pinagkakapuri ng


mga Aklanon bilang bahagi ng kanilang kultura
 ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Enero sa mga bayan ng Kalibo,
Ibajay, Batan, Makatao, at Altayas
 Ati-ati – nangangahulugang “gaya ng mga ati” na maiitim na mga
unang tao ng Panay, naglilibot sila sa kalye sa pamamagitan ng tugtog
at kalabog ng mga walang lamang lata, kaldero, botelya, tambol at
umiindak at pasayaw-sayaw habang sumisigaw ng “Viva kay Senyor
Santa Niño”, o kaya ay “Hala bira, puwera pasma”
 Maraming bersyon ang pinagmulang kasaysayan ng pagdiriwang ng
Ati-atihan:

 Bago dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay mayroong iba’t ibang
tribo ng mga Ati na naninirahan sa Aklan. Sila ay nagsawa na rin sa
wakas sa kanilang matagal nang pagkakaroon ng alitan at patayan sa
magkabilang panig, kaya’t nagkasundo silang mamuhay na nang
matahimik. Upang ipagdiwang ang kanilang pagkakasundo, angkaroon
sila ng pagdiriwang at kasayahan. Sa himig ng tambol sila ay
nagpasipagsayaw at labis na katuwaan ang sumapuso sa bawat isa. Mula
noon, ipinagdiriwang na nila taun-taon ang pagkakasundong ito. Sa hindi
sinasadyang pangyayari, nang dumating ang mga Kastila, ang
pagdiriwang ay nation sa pista ng Santo Niño kaya’t nagkaroon ito ng
banal na kahulugan.

 Ang kampana ng Madianos na natanggap ng kura paroko galing sa isang


napakagandang babae sa tabing dagat ay putting-puti at napakalaki
kaya’t dalawampung lalaki ang kinakailangan upang mabuhat iyon
papuntang bayan. Pinayuhan ng magandang babaing dala-dala ang Sto.
Niño na magpahid ng itim na uling sa kanilang mga muka at katawan at
sumampalataya sa Poong Nazareno at ipagtanggol ang kampana kahit
ano pa man ang mangyari at huwag itong ipagbibili o itatapon sa dagat
sapagkat may darating na kamalasan sa bayan at sa mamamayan ng
Aklan kung mawawala sa kanila ang kampanang ito. Sinunod ng mga tao
44
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
ang sinabi sa kanila ngunit nang sumunod na mga taon, isang datung
nainggit sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga pari ang nagpasyang
kunin ang kampana at itapon ito sa ilog. Naging totoo ang hula at upang
mabawasan ang galit ng kampana, ang mamamayan at pari ng Aklan ay
nagpasyang magkaroon ng taun-taong isang banal na seremonya na
tinatawag nating Sto. Niño o Ati-atihan.

 Ayon sa isang paring matagal nang kura-paruko ng Ibajay, ang


pinanggalingan daw ng Santo Niño Ati-atihan ay sa Ibajay, Aklan sa
pamamagitan ng isang milagro. Isang mangingisda raw ang laging
pumapalaot upang manghuli ng isda ngunit ang nakukuha lamang niya
ay isang kahoy na may tatlong talampakan ang haba. Nang naisipan
niyang mahalaga rin iyon at inilagay sa kanyang basket, tsaka pa lamang
siya nakahuli ng maraming isda. Pagdating niya sa bahay ng gabing iyon,
itinapon niya ang kahoy sa ilalim ng kanilang kalan at saka natulog.
Nakarinig sila ng tumutuktok ngunit wala silang makita. Nang muling may
tumutuktok, hinanap nilang mabuti ang pinanggagalingan ng ingay na
iyon at nakitang ang kahoy na may nakaukit na mukha ni Sto. Niño. Nang
nalaman ng mga taganayon ang pangyayari, napagpasiyahan nilang
ipagtayo ng kapilya ang imahen at mula noon marami nang dumarayo sa
milagrosong imahen kaya’t inilipat nila ito sa simbahan ng bayan ngunit
palaging bumabalik sa kapilyang pinagkunan sa kanya. Namanata sila na
taun-taon ay magkakaroon sila ng pagdiriwang kung saan magpapahid
sila ng uli sa kanilang mukha at katawan.

 Ayon naman sa mga mananalaysay, ang Ati-atihan ay nagsimula noong


ika-13 ng siglo kung saan nagkaroon ng pagdiriwang dahil sa pagkabili ng
mga datung taga-Borneo sa isla ng Panay sa mga Negrito na
pinamumunuan ni Haring Marikudo. Ang mga datung taga-Borneo ay
umalis sa kanilang bayan dahil sa kalupitan ng kanilang tagapamuno.
Noong 1250, dumating sila sa Aklan, isla ng Panay sa pamamagitan ng
mga bangkang kung tawagin ay barangay. Nais na makipagkaibigan ng
mga datu sa mga Negrito at manirahan nang matahimik kasama sila
kaya’t ipinatawag ni Marikudo ang lahat para sa isang pagdiriwang.
Ipinagdiriwang nilang palagi ang Ati-atihan tuwing sasapit ang panahon
ng tag-ani. Nagpapahid ng uling sa kanilang mukha ang mga taga-Borneo
upang magkapreho sila ng mga kaibigan nilang Negrito. Nang dumating
ang mga Kastila, ipiang-utos ng enkomendero ng Aklan na si Don Antonio
Flores na ang pista ng bayan ay gaganapin sa araw ng Sto. Niño, ang
patron ng mga Kastila.

 Isang Maikling Kasaysayan ng Aklan


 Nagsimula pa noong ika-13 siglo nang dumating ang isang pagkat ng
mga sultan na galing sa Borneo
 Binubuo nina Raha Sumakwil, Bankaaya, Paiburong, at Datu Puti na
siyang pinakapuno
 Binili nila ang Panay sa Hari ng mga Ati na si Haring Marikudo sa
45
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
pamamagitan ng isang gintong salakot at isang gintong kuwintas
 Katilingban ni Madyaas – isang konpederasyon na binubuo ng tatlong
lalawigan: Irong-Irong (ngayon ay Iloilo), Hamtik (Antique), at Aklan
(Aklan) sa pamumuno ni Raha Sumakwel
 Raha Bankaaya – pinakapuno ng lalawigan sa Aklan, ginawa niyang
kabesera ang Madyaos (Marianos, Numancia)
 1213 – maayos na binuo ang lalawigan ng Aklan
 Mga anak ni Bankaaya – Datu Paiburong, Datu Balinganga, Balinsosa
at Dagu-ob
 Dagu-ob – nagtatag ng kaniyang sariling pamahalaan sa Capiz
 Hagnaya – pumalit kay Dagu-ob nang siya’y namatay
 Pumalit kay Hagnaya – Datu Alimbukod, Balit, Sapi, Kalitnan, at
Pagbuhawi
 Dinagandan – pinakahuling datu na namuno sa Capiz kung saan
iniurong niya ang kanyang pamahalaan sa Aklan sa bayan ng Batan.

1.5. Ang Pista ng Pintados

 1668 – dumating ang mga Espanyol sa Visayas at natagpuan nila ang


mga babae’t lalaki na puno ng tatu (tattoo) ang mga katawan na
tinawag na Pintados
 1888 – dinala ng mga misyonaryong Espanyol ang imahen ng batang
Hesus na kilala bilang “El Capitan” sa Pilipinas na sinamba ng mga
katutubo ng Leyte
 1986 – itinayo ang Pintados Foundation, Inc. ng mga negosyante at
mangangalakal sa Tacloban
 Pista ng Pintados – tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, unang
ipinagdiwang noong Hunyo 29, 1987
 Kasadyaan – diyalektong Bisaya na nangangahulugang katuwaan at
kasiyahan
 Tatu (tattoo) – simbolo ng tapang, ganda, at estado sa buhay

1.6. Ilang Tribu sa Visayas

 Tribung Sulod
 matatagpuan sa bulubundukin ng Capiz, partikular na sa
munisipalidad ng Tapaz
 mula sa tribung Mundo, isang etnikong grupo mula sa Indonesia na
lumipat mula sa Mainland Asia at nanirahan sa mga bundok ng Panay
 napalitan ang kanilang pangalan ng Bukidnon na kalunan ay naging
“Sulod” na nangangahulugang “closet” o “room”
 nagsasalita sila gamit an kombinasyon ng diyalektong Kiniray-a at
Hiligaynon
 binukot – magagandang babae na itinatago sa loob ng silid,
pinagbabawalan silang lumabas at mabilid sa ilalim ng araw at
mananatili lamang sa loob mula pagkabata hanggang sa araw na sila
ay ikakasal, tinaguriang epic chanter ng nasabing tribu
 Hinilawod – kilalang epiko ng Panay, maaaring umabot ng tatlumpung
46
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
oras o tatlong araw
 kapag ang tribu ay namatayan ng isang mahalagang tao tulad ng
isang baylan o parangkuton, hindi inililibing sa lupa kundi maghahanda
ng isang kabaong na gawa mula sa pinutol na malaking kahoy,
inilalagay sa kubong gawa sa cogon ang bubong sa taas ng bundok,
ginagawan ng butas ang dulong bahagi ng kabaong at inilalagay ang
isang kawayan na tinatawag na “pasuk” bilang daluyan ng “tagas” o
ng tubig na umaagos mula sa patay na katawan, at matapos ang 2-3
buwan, inaalis ang buto, hinuhugasan, binabalot ng itim na tela, at
inilalagay sa ilalim ng ambi ng bahay

1.7. Tribung Tagbanua

 May 23, 2005 – batay sa EO 429, inilipat ang Palawan mula sa Region
IV (Luzon) at naging bahagi ng Region VI (Visayas)
 Tagbanua – kilalang tribu sa napakagandang lugar ng Palawan,
“people of the world” dahil sa “banua” na nangangahulugang world o
mundo, “people from our place” mula sa “banua” na
nangangahulugang land o place, at “people from the inland” dahil sa
“banua” na nangangahulugang countryside o inland
 Tabon – taong nanirahan sa kuweba ng Tabon ilang libong taon na ang
lumipas, madalas sa hilaga at sentral na bahagi ng Palawan
 mula sa 129,691 na mga miyembro ng Tagbanua noong 1987, 10,000
na lamang ang natitira sa kasalukuyan

 2 Grupo ng Tagbanua
 Sentral Tagbanua – Tagbanua sa gitnang bahagi at naninirahan sa
silangan at kanlurang baybayin ng Palawan, lalong-lalo na sa bahagi ng
Puerto Princesa, Quezon, at Aborlan
 Calamian – Tagbanua sa kanlurang bahagi at naninirahan sa arkipelago
ng Calamian, lalong-lalo na sa isla ng Coron at Busuanga, at
munisipalidad ng El Nido

 Kultura
 paggawa ng sari-saring ornaments tulad ng ear plugs, suklay at
pulseras
 paggawa ang mga babae ng mga kuwintas at angklet na gawa sa brass
at copper
 paggawa ng basket na may iba’t ibang disenyo at ginagamit nila sa
pag-aani
 hayop na nilililok sa kahoy na may seremonyal na gamit
 arudin, babarak, tipanu, tibuldu, kudlung, gimbal, tiring, at babandil –
mga instrumentong pangmusika
 mayroon din silang iba’t ibang sayaw na madalas nakapaloob sa mga
ritwal:
1. Aballardo – isang tradisyunal na sayaw na isinasagawa ng mga lalake
2. Andardi – isang festival na sayaw tuwing Pagdiwata
3. Bugas-bugasan – sinasayaw ng lahat ng dumdadalo sa ritwal ng
47
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus
Pagdiwata
4. Kalindapan – sinasayaw ng mga babaeng babaylan
5. Runsay – isang tradisyunal na sayaw ng mga naninirahan sa baybayin

 Social Class
 may 3 social class ang komunidad ng Tagbanua
1. Upper class – mga lider at ito ay namamana
2. Middle class – ordinaryong mamamayan, pinipili mula rito ang mga
lokal na lider
3. Taong may utang na hindi na nila kayang bayaran
 mahalaga sa kanila ang pag-aasawa na kadalasa’y inaayos ng mga
magulang ang kasal
 pinahihintulutan nila ang polygamy
 mayroong ding diborsyo subalit ipinagbabawal lalong-lalo na kapag
may mga anak na sila
 may sariling mitolohiya at naniniwala sila sa diyos, diyosa, at diwata
 Mangindusa – nakalalamang na diyos na siyang namamahala sa
pagpaparusa sa mga nagkasala
 Polo – diyos ng karagatan at siyang tinatawag kapag may
nagkakasakit
 Sedumanodoc – diyos ng mundo at siyang sinasamba upang
magkaroon ng masaganang ani
 Tablacuod – diyos sa ilalim ng mundo
 Asawa ni Mangindusa – diwatang nagkokontrol sa ulan

48
Inihanda ni: Maricris A. Cañeda
Iniwasto nina: Cleandy Jane R. Obquia at Jinky A. Literatus

You might also like