You are on page 1of 8

Kabanata II:

Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigdig at sa Pilipinas

Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigdig

Linggwistika

- ito ay ang maagham na proseso ng pag-aaral sa wika ng tao.


- pinag-aaralan din dito ang kayarian o estroktura ng wika, kalikasan,
katangian, kahalagahan, kasaysayan, kaanyuan ng wika at ang kaugnayan
ng Filipino sa iba pang wika.

Linggwista

- ang tawag sa mga nag-aaral ng wika.

Pagsusuri sa palawikaan

 Sinkronika at diakronika
- binabahala ng sinkronika na pag-aaral ng wika ang kanyang anyo sa
isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diakronika na pag-
aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng
kayarian sa paglipas ng panahon.
 Teoritiko at nilalaman
- binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para
isalarawan ang kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na
aspekto ng wika samantalang ang nilalapat ng linggwistikang nilalapat
ang mga teorityikong ito sa ibang larawan.
 Kontekstwal at Malaya
- binabahala ng lingwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang
wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha,
paano ito nilikha at namataan. Binabahala naman ng malayang
linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan,
maliban sa panlabas na kaugnay na wika.

10 | P a h i n a
 Masasabing nagsimula ang maagham na pag-aaral sa wika mula nang
magtanung-tanong ang tao ng ganito;

 Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito o ganiyong bagay?


 Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na tinutukoy nito? Papaano
na likha ang unang salita?
 Bakit hindi magkakatulad ang mga wikang sinasalita ng tao?

Sa kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong katanungan. Mga
Teologo (Theologians). Sinasabing ang pagkakaroon ng iba‘t- ibang wika sa daigdig ay
parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao (gaya ng natalakay sa kabanata I) Sinasabing
nilikha ng Diyos ang wika. Sakanila nagbuhat ang mga unan sagot sa mga gayong
katanungan.

Subalit ang mga palaaral nang unang panahon, tulad nina Plato at Socrates, ay
hindi nasiyahan sa mga ganong paliwanag ng simbahan. Nagsimula silang maglimi
tungkol sa wika. Sa kanilang mga sinulat ay mababakas ang kanilang halos walang
katapusang pagtatalu-talo tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ngwika

Sinasabing ang mga mambabalarilang Hindu ang kauna-unahang pangkat na


kinilala sa larangan ng linggwistika. Nang panahong iyon, naniniwala ang mga tao na
wika ng Diyos ang ginamit sa matatandang banal na himnong Ebreo. Mahabang
panahong hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing mga himno kahit na
kaiwanan na ng panahon sa paniniwalang paglapastangan sa gawang Diyos ang
anumang isasagawang pagbabago dito. Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na
Hindu. Sinuri nila ang matandang wikang ginamit sa nasabing mgahimno—
sapalatunugan, palabuuan, palaugnayan, sa layuning makatulong sa pagpaliwanag ng
diwang halos di maunawaan ng mga tao.

Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay naging


simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa. Mapapatunayan nito sa mga
terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang mambabalarilang Hindu na
hangggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at
linggwista. Sa mga wikang Griyego at Latin, unang nagkaanyo ang wika sa tunay na
kahulugan nito, sapagkat ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wika ng
unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa ng panahong iyon.
Mapapansing kung sa anumang paraan nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang
nagkaanyo ang kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika. Si  Aristotle at ang
pangkat ng mga Stoics ay ilan lang sa mga linggwistang laging nababanggit nang mga
panahong yaon. Itinuturing na siyang nagsipang-una sa larangan ng agham –wika.

11 | P a h i n a
Sa panahon ng Kalagitnaang Siglo (Middle Ages ay hindi gaanong umunlad ang
agham-wika sa pagkat ang napagtuunan ng pansin ng mga palaaral noon ay kung
papaanong mapapanatili ang Latin bilang wikang simbahan.

Sa Panahon ng Pagbabagong-isip (Renaissance) sa dahilan ng mabilis na pag-


unlad ng sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa iba‘t-ibang panig ng daigdig
mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi at puspusan ang pagsusuring
panlinggwistika sa mga wikang Griyego at Latin dahil sa napakarami at iba‘t-ibang
karunungang sa dalawang wikang ito lamang matatagpuan. Ang pag-aaral sa mga
wikang Griyego at Latin ay na kaimpluwensya sa iba‘t-ibang wika sa Europa. Wikang
Ebreo ang orihinal na wikang kinasusulatan ng Matandang Tipan. Pinaniniwalaang
siyang wikang sinasalita sa paraiso kaya‘t inakalang lahat ng wika‘y dito nag-ugat, pati
na ang Griyego at Latin na siyang unang mga wikang kinasalinan ng nasabing Bibliya.

Pagsapit ng ika-19 siglo. Nagkaroon ng malawak na paglaganap at ng agham-


wika. Nagkaroon ng pananaliksik at pagsusuri, hanggang sa humanton sa
pagpapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa pinagmulan ng angkan sa panahon ding ito
lumitaw ang iba‘t-ibang disiplina sa linggwistika.

Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na naglalayong magpatotoo na


ang mg wika sa daigdig ay mula sa iba‘t-ibang angkan. (Historical Linguistics) Sa payak
na pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga salitang
magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa palatunugan, palabuuan, at
palaugnayan ay pinapangkat sa isang angkan. Ang ganitong simulain ay pinatunayan
sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salitang magkakaugat (cognates) sa mga wika.

Naging matagumpay ang linggwistikang historical bilang isang disiplina sa


linggwistika dahil noong 1970 ay masasabing na pangkat na halos ang mga wika sa
daigdig.

Ang linggwistikang historikal ay sinundan ng linggwistikang struktural. Iba‘t-ibang


mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa Asya, Australya at sa
Amerika sa ilaim ng disiplinang ito. Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga
ponema at morpema sa isang salita o pangungusap. Ngunit sa pagsusuri sa balangkas
ng mga pangungusap sa iba‘tibang wika ay nangangailanganan ng mga dalubwika ng
mga simbolong pamponetika at pamponemika upang kumatawan sa iba‘tibang tunog.

•Taong 1870 lumitaw ang IPA (InternationalPhonetic Alphabet) na gumamagamit


ng hindi kukulangin ng 400 simbolo. Sa I.P.A. ay binibigyan ng katumbas na simbolo
pati mga alopono ng isang ponema kaya‘ tlubhang napakarami ang ginagamit na mga
simbolo.Nagsimulang umisip ang mga dalubwika kung papaano nila magagawang
payak ang kanilang isinasagawang paglalarawan sa mga wikang kanilang sinusuri. Ang
gayong daming simbolo ay nagging suliranin hindi lamang sa mga dalubwika kundi

12 | P a h i n a
gayundin sa bumabasa ng bunga ng kanilang pananaliksik. Hindi nagtagal ay
lumitawangponema (phonemes) na naging palasak na palasak hanggang sa
kasalukuyan.  Sa pamamagitan ng ponema ay naging payak ang paglalarawan sa
palatunugan ng isang wika sapagkat kakaunting simbolo na lamang ang ginagamit.
Gumagamit din ang mga instrukturalistang katawagang morpema (morpheme) sa
pagsusuri sa palabuuan ng mga salita ng isang wika. Ang ponema ay itinuturing na
panulukang-bato ng linggwistikang-istruktural.

  Ang linggwistikang istruktural ay naging popular noong 1925 hanggang


1955.Subalit sa paglakad ng panahon ay napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na
ilarawan lamang ang mga balangkas ng mga pangungusap. Ang mga pantas
(philosophers), mga sikologo(psychologists), antropologo (anthropologists), at maging
mga inhinyero (engineers) ay nangangailangan ng isang wikang inilalarawan sa
pamamagitan ng isang maagham na pamamaraanu upang kanilang higit na
maipahayag ang kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na paraan. Sa
panahong ito lumitaw ang tinatawag na logical syntax na pinagyaman ni Zellig Harris.

Sabi ni Santiago ay ang pinakamalaman, pinakamalaganap at painakapalasak


sa darating na panahon ay ang Mathematical Linguistics o LinggwistikangMatematikal.
Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na ito‘y magiging palasak
sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng computer‘ sa lahat halos ng larangan ng
pag-unlad. Tinatawag din itong computational linguistics‘. Ang pinakahuli at ang
ipinapalagay na siyang magiging pinakamalaganap at gamitin sa mga darating na araw.
Siguro ang panahong ito ang sinasabing panahon ni Santiago dahil kung
mapapansinnatin 1979 pa ang aklat ni Santiago at hindi pa uso ang computer.

Kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas


Panahon ng mga Kastila

Nag simula noong ika-16 na daan taon at natapos noong ika-19 na daan taon.
Ayon kay Scheerer, ang pag-aaral sa mga wika ay isinagawa ng mga misyonerong
Kastila na karamihan ay mga paring Heswita at Dominikano sa layuning mapabilis ang
pag papalaganap ng Kristiyanismo sa dakong ito ng daigdig. Napatunayan ng mga
misyonerong Kastila na higit na madali na sila ang mag-aral sa mga katutubong wika
kaysa ang mga ‗Indio ang turuan ng wikang Kastila. Ganito ang naging karanasan ng
mga misyonerong Kastila sa Timog at Hilagang Amerika. (c.f. Phelan 1955). Kaya‘t
nang dumating sa Cebu noong Pebrero 13, 1965 ang 6 na paring Augustinian na
kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi, ay gayon nga ang kanilang isinagawa
sa pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko Romano.

13 | P a h i n a
Ang sabi ni Phelan:
―The friars had learned the necessity of preaching the Gospel to the natives in
their own tongues. Only thus could the message of Christianity could reach the Indian‘s
hearts. The natives were to be asked to repudiate their pagan cults but not their mother
tongues. In 1582, the Ecclesiastical Junta extended this axiom of Spanish missionary
procedure to the Philippines.
Ang mga pag-aaral sa wika na isinagawa ng mga prayle, kung sabagay, ay mga
pag-aaral na hindi sopistikado. Natural lamang na magkagayon sapagkat ang
linggwistika ay hindi pa gaanong nalilinang ng mga panahong iyon, bukod sa mga
prayleng nagsagawa ng mga pag-aaral ay hindi nagkaroon ng pormal na pagsasanay
sa larangan ng agham wika. Gayunpaman, ang isinagawang pag-aaral ng mga prayle
ay maituturing na napakahalaga bilang mga panimulang pag- aaral sa ating mga
katutubong wika.
Sa larangan ng wikang Tagalog na nagging saligan ng wikang pambansa,
masasabing bahagi ng kasaysayan ang sumusunod na mga isinagawang pag-aaral ng
mga prayle at ilang nakapag-aral na Pilipino.

Nauukol sa Gramatika.

1. “Arte y Vocabulario de la Lengua Tagala” ni Pari Juan de Quiñones. Nilimbag


noong 1951. Maraming naniniwala na ito ang kauna- unahang pananaliksik na
isinagawa ng mga prayle ukol sa wikang Tagalog. (cf. Phelan 1955)
2. “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” ni Pari Francisco Balancas de San Jose,
O. P. Nilimbag ni Tomas Pinpin (Ama ng Limbagang Pilipino) noong 1610.
3. “Arte de la Lengua Tagala” ni Pari Gaspar de San Agustin. Nalathala noong
1703 at muling nilimbag noong 1787.
4. “Nueva Gramatica Tagalog” ni Pari Juan Coria (1872).
5. “Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (1878) ni Pari Toribio Minguella
6. Pari San Juan Plasencia- sumulat ng isang gramatika sa Tagalog, isang
diksyunaryo sa Tagalog, at isang katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical
Junta noong 1852.

Nauukol sa Talasalitaan
1. “Vale-Mecum o Manual de la Concervacion Familiar Espanyol-Tagalog, “Siglo
de un Curioso Vocabulario de Modismos Manileños” ni T.M. Abella (walang petsa)
2. “Vocabulario de la LenguaTagala” ni Pari San Buena Ventura (1613).
Sinasabing ito ang kauna-unahang talasalitaa nsa Tagalog.
3. “Vocabulario de la LenguaTagala” nina Pari Juan de Noceda at Pari Pedro de
San Lucar (1754). Pinaka makapal ito sa mga nasulat noong panahon ng Kastila.
4. “Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala” ni Rosalio Serrano, (walang
petsa)
14 | P a h i n a
5. “Diccionario de Terminos Communes Tagalo-Castellano” ni Pari Juan Coria
(1869)
6. “Diccionario Hispano-Tagalog” ni Pedro Serrano Laktaw (1889)

Iba pang Pag-aaral:


1. “Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala” ni Pari Balancas de San
Jose (1605)
2. “Compendiodel Arte de la Lengua Tagala” ni Gaspar de San Agustin (1703)
3. “Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog” ni Sebastian de Totanes (1745)
4. “Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala” ni Dr. Jose Rizal (1889)
Ang itinuturing na pinaka dahilan kung bakit na pabilis ang pag-aaral sa mga
wikang katutubo noong panahon ng Kastila ay ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa
apat na Orden noong 1594, bilang pagsunod sa kautusan ni Haring Felipe II. Ang
pagkakahati-hati ay gaya ng ss: Ang Kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at
Jesuitas. Ibinigay diin sa mga Augustinian ang Ilocos at Pampanga. Ang mga Intsik at
ang mga lalawigan ng Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican. Ang mga
Franciscan naman ang pinangasiwa sa Kabikulan. Ang Katagalugan ay hinati rin sa
apat naOrden.
Sapagkat nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak na pangangalagaan ang bawat
Orden, nagkaroon ng sigla ang pag-aaral sa mga katutubong wika na humantong sa
paglilimbag ng mga gramatika at diksyunaryo. Ngunit kapansin-pansin na sinadya man
o hindi ay napakaraming na isagawang pag-aaral sa Tagalog.
Ayon kay Phelan, hindi kukulangin sa 24 na aklat ang nalimbag tungkol sa wikang
Tagalog, Samantalang 5 lamang sa mga wikang Bisaya. Ang dahilan marahil ay
sapagkat Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang pinakasentro ng
pamahalaan.
Kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas
Panahon ng mga Amerikano

Ang pangunahing layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ay ang maihasik sa


sambayanang Pilipino ang ideolohiyang demokratiko. Naging suliranin ng mga Kastila
sa pagpapalaganap ng kanilang layunin sa Pilipinas, ito ay ang kawalan ng iisang
wikang magiging daluyan ng komunikasyon. Sa mga wika sa Pilipinas na tinatayang,
higit kumulang sa walumpu, higit na kilala ang Tagalog, Bisaya at Iloco. Ang mga
wikang ito ang ginamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga wika sa
Pilipinas.
Ayon kay Santiago, noong panahon ng mga Amerikano ay may mga anim o
pitong linggwista lamang ang nagsagawa ng totohanang pagsusuri ng mga wika o
wikain sa Pilipinas.

Napapangkat ang mga ito sa dalawa:


15 | P a h i n a
1. Ang mga linggwistika na nasa Pilipinas. Ang mga linggwistang sina Cecilio
Lopez (isang Pilipino), Otto Scheere at H. Costenoble (mga Aleman), Morice
Vanoverbergh (misyonerong Belhikano), Carlos Everett Conant (isang
Amerikano).
2. At ang mga linggwista s a Estados Unidos. Ang mga linggwistang sina
Frank R. Blake T Leonard Bloomfield (mga Amerikano).

Carlos Everett Conant

Hindi lang siya nakilala sa larangan ng linggwistikang Historikal. Ang una niyang
artikulong ginawa sa linggwistika ay tungkol sa mga tunog na f at v s a mga wika sa
Pilipinas. Sinabi niyang karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay walang f at v, mga
tunog na karaniwang wala sa mga wikang Malay. Ngunit nakatagpo naman siya ng
mga kataliwasan nito.
Ang kanyang “RGH Law in the Philippine Languages” (1910) at6 ang kanyang
“Pepet Law in the Philippine Languages” (1912) ang pinakakilala sa kanyang mga
pananaliksik.Tinatalakay nito ang mga pagbabago sa mga tunog na iba’t-ibang wika sa
Pilipinas.
Sina Blake at Bloomfield—dalawang linggwistang Amerikano na nagsagawa ng
mga pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa kabila ng katotohanan na hindi pa sila
nakarating sa Pilipinas.

Frank R. Blake

Labis na napag-ukulan ni Blake ng pansin sa pagsusuri niya ng Tagalog at iba


pang wika sa Pilipinas ang mga yunit sa gramatika: verb, voice at case.
Ang itinuturing na pinakamahalagang ambag ni Blake sa linggwistika sa Pilipinas
ay ang kanyang aklat tungkol sa gramatika sa Tagalog (1925). Ang mga kategorya ng
kanyang gramatika at mga katawagang ginamit ay tulad ng ginamit ng mga
mambabalarilang Kastila.
Sinabi niya na bilang alituntunin na pangkalahatan, masasabing lahat ng salita
sa tagalong, anumang uri, ay maaring gawing pandiwa.

Leonard Bloomfield

Ang pagsusuring kanyang ginawa ang higit na kilala. Naniniwala sina Lopez at
Constantino na wala pa ang nakahihigit sa pag-aaral ni Bloomfield.
Ang pagkalathala ng aklat ni Bloomfield na Language noong 1933 na
kinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sa gramatikang Tagalogt at ang
kaalinsabay na paglaganap ng linggwistikang Bloomfieldian pagkatapos ng ikalawang
16 | P a h i n a
digmaang pandaigdig ang nagging dahilan upang ang pamaraan ni Bloomfield ay
gamiting modelo ng mga sumunod na palaaral sa wika.

Cecilio Lopez

Natapos niya ang kanyang titulo sa pagkadoktorado sa linggwistika sa


Unibersidad ng Hamburg noong 1928. Ang kanyang disertasyon ay tungkol sa
pahambing na pagsusuri ng Tagalog at Ilokano. Sa pamamatnubay ni Dempwolf.
Si Lopez ang kinikilalang kauna-unahang linggwistang Pilipino. Kinilala siya
bilang “Ama ng Linggwistikang Pilipino” noong 1970 ng Pambansang Samahan sa
Linggwistikang Pilipino. Pinakamahalagang ambag ni Lopez sa larangan ng
Linggwistikang Pilipino ay ang kanyang manwal na nauukol sa gramatika ng wikang
pambansa (1941). Ang manwal na ito ay isang maagham na pagtalakay sa gramatika
ng Tagalog ba angkop gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng wikang pambansa.

17 | P a h i n a

You might also like