You are on page 1of 8

CSSH-ABFIL-A310301

SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Republic of the Philippines


MINDANAO STATE UNIVERSITY
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

University Vision To be a globally competitive university in Southern Philippines


Maging isang unibersidad sa Katimugang Pilipnas na may kakayahang makipagsabayan sa kompetisyong global.
Mbaling too mbligal gu gambit dini dibli kabanwe Filipinas.
Maaden su unibersidad siya sabangan sa Pilipinas sa makagaga intigya su langun kanu intiro dunya.
University Mission MSU General Santos shall to provide competent human resources for the development of SOCKSARGEN and Southern Mindanao, and help improvethe living conditions of
the Muslims and the Indigenous peoples.
Makapaglaan ng mga propesyunal na may kakayahang mapaunlad ang katimugang Mindanao at makatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng Muslim at Tribong
Katutubo.
College Goals To LEAD in innovative instruction and pursue relevant research and extension initiatives.
To ENSURE incorporation of cultural integration, peace and Development and civic consciousness in all degree program of the college.
To PRODUCE competent graduates embodying the values of honesty and integrity for the human resource requirement of the industry and community.
Layunin ng Programa Layunin ng Programang AB Filipino , MSU – Fatima, GSC na Makapagpatapos ng mga Mag-aaral na mahusay sa pakikipagtalastasan sa Wikang Filipino, pasulat man o pasalita
sa iba’t – ibang pagkakataon at may sapat na kaalaman at kakayahan sa pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang Wika na naaayon sa Tunguhin ng CSSH.

Bunga ng Pagkatuto ng Kapag nakapagtapos ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Kurso 1. Nakapagpapaliwanag ng proseso sa pagsulat ng balita
2. Nakagagamit ng pasalita/at o pasulat na diskurs batay sa konteksto ng pamamahayag.
3. Nakapagpapahalaga ng iba’t ibang komposisyong pasalita at pasulat na nagsaalang-alang sa istandard na wika, nilalaman at formal na pamahayagan.
4. Nakapaglalahad ang mga napapanahong pagbabago sa larangan ng peryodismong pangkampus
5. Nakapagbabalita gaya ng isang sanay na announcer ng iba’t ibang uri ng balitang local, rehiyonal, nasyonal at global gamit ang mabisang estilo sa “lead story” sa baligtad na
tagilo
Pagsasanib ng Edukasyong Respect for others /Paggalang sa kapwa
Pagpapahalaga acting with Integrity /Katapatan
Service to the people / Paglingkod sa bayan
pursuing Excellence/Magtaguyod ng Kagalingan
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

DETALYE NG KURSO
Pamagat ng Kurso Batayang Estruktura ng Wikang Filipino
Bilang ng Kurso Fil 152
Oras/Linggo 3 oras/linggo
Pre-requisites Lahat ng Batayang mga Kurso
Deskripsyon ng Kurso Deskriptibong pag-aaral ng mga tuntunin sa paggamit ng wikang Filipino. Nakatuon ang kursong ito sa nagbabagong gramatika at estruktura ng wikang Pambansa sa
pamamagitan ng pagpapakilala at pagsusuri ng iba’t ibang sistemang pangwika – ponolohiya, morpolohiya, at sintaks.

BALANGKAS NG KURSO

BUNGA NG PAGKATUTO MGA PAKSA MGA GAWAING PAGTUTURO- ESTRATEHIYA SA PANAHONG ITINAKDA
PAGKATUTO PAGTATAYA
Nauunawaan ang deskripsyon, lawak I. ORYENTASYON
at pangangailangan ng kurso. A. Takda at saklaw ng klase Online Orientation Palitan ng ideya/ Tanong Unang Linggo
B. Mga kahingian sa kurso (Marso 19, 2021}
Napahahalagahan ang VMGO ng C. Sistema ng paggrado SYNCHRONOUS MODE
MSU-GSC at CSSH sa pamamagitan ng D. Visyon, Misyon, Tunguhin, Layunin, at Pagpapahalagang MSUGSC, FB LIVE
madulang pakikilahok. CSHS, at Dept. ng Filipino
II. Ang Wika at ang Wikang Filipino Ikalawang Linggo at
Naipapaliwanag ang kalikasan at 1. Ang Wika Pagsasaliksik Maikling Pagsusulit Ikatlong Linggo
kakanyahan ng wikang Filipino A. Kahulugan ng Wika Mahabang pagsusulit (Marso 22 – Marso 31,
B. Kalikasan o Kakanyahan ng Wika Recitation 2021)
Natutukoy ang Kahulugan at tungkulin i. Wika bilang sistema SYNCHRONOUS MODE Oral na Paglalahad
ng wikang Filipino ii. Wika bilang arbitraryo VLE
Takdang-aralin
iii. Wika bilang sagisag GMEET
Reaksyong Papel
Naisasalaysay ang mga pinagdaanan iv. Wika bilang pantao TELEGRAM
ng wikang Pambansa. MESSENGER Pagbubuod
2. Ang Wikang Filipino
A. Kahulugan ng Wikang Filipino
B. Kasaysayan ng Wikang Filipino
C. Debelopment ng Wikang Pambansa
D. Tungkulin at gamit ng wikang Filipino
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

III. Ponolohiya ng Wikang Filipino Tanong-sagot Ikaapat, Ikalima at


Natutukoy ang iba’t ibang Sistema o 1. Ang Pagsasalita Pagsasaliksik at Pagtatalakay Obhektibong Pagsusulit Ikaanim na Linggo
balangkas ng wika. a. Sangkap ng Pananalita Online Maikling pagsusulit (Abril 5- 23, 2021)
b. Patunugan Mahabang Pagsusulit
Natutukoy ang pagkakaiba ng 2. Ang Ponemang Segmental SYNCHRONOUS MODE Recitation
Ponemang Segmental at a. Katinig GMEET Oral na Pagsusulit
Suprasegmental b. Patinig Takdang-aralin
c. Diptonggo VLE
d. Kambal-katinig TELEGRAM
3. Ang Ponemang Suprasegmental MESSENGER
a. Tono at Intonasyon
b. Haba at Diin
c. Antala/Hinto
d. Ang Alpabetong Filipino
e. Ang Pagpapantig

Nakikilala ang uri at anyo ng IV. Morpolohiya ng Wikang Filipino Oral na Paglalahad Ikapitong Linggo
Morpema a. Uri at Anyo ng Morpema Pagsasaliksik at Pagtatalakay Takdang-aralin
b. Kayarian ng mga Salita Online Reaksyong Papel (Abril 26 – 30, 2021
Naipapaliwanag ang mga c. Pagbabagong Morpoponemiko Pagbubuod
Pagbabagong Morpoponemiko VLE
TELEGRAM
Nasusuri ang Kayarian ng isang salita MESSENGER
GMEET

V. Mga Bahagi ng Pananalita Pagsasaliksik at Pagtatalakay Ikawalo, Ikasiyam at


Natutukoy ang lahat ng bahagi ng a. Mga salitang Pangnilalaman Online Ikasampung Linggo
panalita. Mga Nominal
Pandiwa VLE Mayo 3 – 21, 2021)
Nakikilala ang mga gamit ng bawat Mga Panuring TELEGRAM
panalita sa isang pangungusap b. Mga salitang Pangkayarian MESSENGER
Mga Pang-ugnay GMEET
Nasusuri ang estruktura ng isang Mga Pananda
salita.
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Nakabubuo ng iba’t ibang ayos ng VI. Sintaks/Sintaktika ng Wikang Filipino Ikalabin-isang Linngo
pangungusap. a. Ang Pangungusap at bahagi nito Mayo 24-28, 2021
b. Ayos ng Pangungusap
Nasusuri ang estrktura ng isang
pangungusap.
Nabibigyang kahulugan ang semantics VII. Semantiks/Semantika ng Wikang Filipino Ikalandalawang Linggo
a. Aytem Leksikal Hunyo 1-4
Natutukoy ang pagkakaiba sa Aytem b. Estrukturang Leksikal
at Estrukturang Leksikal

D. MGA REPERENSYA

Ceña, Resty M. at Nolasco, Ricardo M. Gramatikang Filipino. 2017. Gramatikang Filipino: Balangkasan. The University of the Philippine Press.
Garcia, Lydia G. 1999. Makabagong Grammar ng Filipino. Manila: Rex Bookstore
Guamen, Pructosa C. et al. 1986. Tanging Gamit ng Filipino. Manila: Rex Bookstore.
Lachica, Veneranda S. 2003. Komunikasyon at Linggwistika. Manila. St. Bernadette Publications, Inc.
Paz, Consuela J. et al. 2010. Ang Pag-aaral ng Wika. The University of the Philippine Press.

Pangagailangan sa kurso:
MIDTERM FINALS
40% - EXAM 40% - EXAM
20% - RECITATION 20% - RECITATION
40% - MAIIKLING PAGSUSULIT 40% - MAIIKLING PAGSUSULIT WALANG FINAL OUTPUT SA HALIP AY MAY
100% - KABUUAN 100% - KABUUAN MGA GAWAING IPAPAGAWA SA ILANG PAKSA
NA BIBIGYAN NG PUNTOS BILANG MAIIKLI O
MAHABANG PAGSUSULIT.

Sistema ng Paggrado:

1.25-1.00 – Excellent 2.75-2.5 – Satisfactory 5.00 – Failed InProg – In Progress


1.75-1.5 – Very Good 3.00 – Passed Inc – Incomplete
2.25-2.0 – Good P – Passed WDRW - Withdrawn
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

PATAKARAN, ALITUNTUNIN AT MGA ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN NG KURSO:

A. MGA GAGAMITING MODE AT PLATFORM

Gagamit ang klase ng iba-ibang mode at platform.

1. Narito ang mga mode na gagamitin: Synchronous, Asynchronous, Modular na maaring Offline, Online at Blended (Pinaghalong mga nauna)

2. Narito ang mga gagamitin na Platform:

a. - Ito ang pinakapangunahing platform ng unibersidad.


Gagamitin ito sa pag-UL at pag-DL ng mga modyul at iba pang artikulong kakailanganin sa klase. Maaari ring platform ito sa mga
mahahaba at maiikling pagsusulit, attendance, chat, workshops, forum, atbp.
b. - Katulad ng VLE, gagamitin rin ang apps na ito sa pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral at paghatid ng kaalaman. (Isang opsyon ito ng guro.)
c. - Ito ang gagamitin para sa Synchronous mode katulad ng online classes, online talakayan, online recitation at mga tanong-sagot
na mga gawain. (depende sa guro).
d. - Gagamitin kapag may mga papanooring lecture o video na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. (minsanan lang o depende sa
pangangailangan).
e. - Gagamitin naman ito sa pakikipag-ugnayan ng buong klase sa pamamagitan ng group chat. Ang lanhat ng anunsiyo o kabatiran ay dito
ipababatid. Maaari ding magsumite ng mga files o media na itinakda na maaaring nasa Doc Format, Pdf Format, Link atbp. (minsanan lang o depende sa
pangangailangan).
f. - Gagamitin sa pagbabahagi ng mga files na kakailanganin sa kurso katulad ng takdang aralin na nasa jpeg, png o video format na hindi kayang
ipasa sa VLE. (minsanan lang o depende sa pangangailangan).
g. - Gagamitin sa mga mahahaba at maiikling pagsusulit. (minsanan lang o depende sa pangangailangan).

B. PATAKARAN AT ALITUNTUNIN SA KLASE ( Atendans ng mga mag-aaral sa klase at iba pang pang-akademikong gawain)

1. SA SYNCHRONOUS NA KLASE – Online Lectures. Paunang aabisuhan ang mga mag-aaral para sa itatakdang online lecture kasama ang paltform na gagamitin Araw at
Oras. (Nasa silabus ang mga paksang nangangailangan ng online lecture.) Wala nang dahilan upang hindi makapaghanda.

PATAKARAN:
a. Inaasahang nakapasok na sa zoom o google meet tatlong (3) minuto bago ang oras na itinakda. Ipababatid sa inyo sa pamamagitan ng Telegram o Messenger kung
bukas na o kung pwede nang pumasok.
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

b. HINDI NA TATANGAPIN O PAPASUKIN kung ikaw ay nahuli ng dalawampung (20) minuto MALIBAN na lamang sa mga sumusunod na DAHILAN AT KONDISYON:
POWER OUTAGE / BROWNOUT agad abisuhan ang guro sa pamamagitan ng text message o chat
WALANG CONNECTION (wifi at data)

c. Ikokonsiderang lumiban sa klase ang mag-aaral na hindi napasok o nakasali sa nasabing online lecture MALIBAN na lamang sa sumusunod na DAHILAN AT
KONDISYON:
POWER OUTAGE / BROWNOUT - Kondisyon: Magpapadala sa guro ng Notice o patunay mula sa SOCOTECO na nagkaroon ng power outage sa
lugar.

d. Kung sa kalagitnaan ng online lecture ay nawala ka dahill sa mga sumusunod na dahilan:


POWER OUTAGE / BROWNOUT - Kondisyon: Magpapadala sa guro ng Notice o patunay mula sa SOCOTECO na nagkaroon ng power outage sa
lugar. Kapag bumalik ang power ay abisuhan ang guro upang muling makapasok sa online lecture
NAWALA ANG CONNECTION - Pumasok ulit sa online lecture kapag nagkaroon na ulit ng connection. Mag-chat lamang sa guro.

PAALAALA: Dahil ito ay naka-iskedyul na lecture at may mga paunang abiso hindi tatangapin ang mga sumusunod na dahilan: Low Battery, Naka -data lamang (maliban kung may mga
kadahilanang katanggap-tanggap), Hindi alam, Nakalimutan at iba pang hindi valid na dahilan. TATAWAGIN ANG ATENSYON NG MAG-AARAL NA TATLONG BESES NA HINDI NAKASALI.

2. SA ASYNCHRONOUS NA KLASE - Offline Classes. Ito ang mga babasahin, Modyul, Gawain at iba pa na mada-download o mababasa sa ating VLE at mga platform katulad
ng Telegram, Google Docs, Messenger o email. Sa mga nabanggit din na platform i-a-upload o ipapasa ang mga sagot sa pinapagawa at mga gawain o takdang aralin. May
mga deadline naise-set. Karagdagan din sa mode na ito ay ang pagpapasaliksik sa inyo ng mga babasahing kakailanganin para sa mga reports, assignments, research atbp.

PATAKARAN:

a. May itatakdang araw at oras ng pag-DL ng mga babasahin ganoon din sa pagpasa ng mga natapos na gawain. Ang deadline ay dapat susundin. Walang extension. Pauna
na kayong inabisuhan ng araw at oras ng pagpasa kaya naman wala nang dahilan upang hindi makapasa. Bagama’t may mga pangyayaring hindi natin kontrolado, nar ito
ang mga KONDISYON:
HINDI NAKAPASA DAHIL NAGKATAONG NAWALAN NG CONNECTION SA KALAGITNAAN NG PAGPASA - Kondisyon: I-screen shot ang
kasalukuyang ginagawang pagpasa at abisuhan ang guro na male-late sa pagpasa. Kapag dalawang beses na itong nangyari, hindi na pahihintulutan.
POWER OUTAGE / BROWNOUT - Kondisyon: Magpapadala sa guro ng Notice o patunay mula sa SOCOTECO na nagkaroon ng power outage sa
lugar. Ipabatd agad sa guro.

b. Kailangang isumite ang mga takdang-aralin at mga pangangailangan bago ang nakatakdang panahon. Bibigyan ng zero ang hindi makakapasa sa pinagpasyahang iskedyul.

c. May itatakdang oras sa panonood ng mga itatakdang panoorin na may kaugnayan sa kurso. Alamin lamang ang mga announcements o schedule. Kalimitang mapapanood
ito sa You tube, Facebook o mga kopya ng panonoorin na ibibigay ng guro.
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

3. ATENDANS - Maraming platform na gagamitin sa attendance ng klaseng ito.

PATAKARAN:
a. Kapag Synchronous, automatic na magbibigay ng class attendance ang Google meet pati ang oras ng pagpasok at pag-
alis.
b. Kapag Asynchronous, magtatakda ang guro ng platform para sa attendance. Katuad ng ating VLE, Telegram at Messenger.
c. Tatawagin ang atensyon bilang warning kapag tatlong beses ka nang hindi nakapasok sa mga online classes.
d. Ikukunsiderang Dropped na ang may pitong beses ka walang attendance sa mga synchronous at asynchronous na klase.
e. Ang mga ipapasang gawain ay isa ring batayan sa pag-tsek ng atendans

4. DAPAT makuha ng mag-aaral ang Pagsusulit sa araw na itinakda. Ang mag-aaral na hindi makakuha ng pagsusulit ay bibigyan ng zero (0) MALIBAN sa mga *espesyal na
kaso. Gagamitin ang mga platform na VLE, GOOGLE FORM, GOOGLE DOCS.

C. ISKEDYUL NG KLASE

Ang iskedyul ng klase, mga gawain at Pagsusulit ay ang mga sumusunod subalit ito ay maaari pang magbago. Ang mga pagbabago ay ipapaalam sa pamamagitan ng pagpo-post sa
mga bulletin. Maaari ding ipapaalam sa pamamagitan ng SMS ang lahat ng pagbabago.

1. Iskedyul ng klase

Susundin natin ang iskedyul na ito sa mga Synchronous at Asynchronous na Klase ngunit hindi araw-araw na magma-
meet online. Bibigyan kayo ng mga gawain sa iskedyul ng klase at ipapasa rin sa araw at oras na iyan. Bagama’t may
TFR 10:30 – 12:00 mga gawaing itatakda o iiskedyul na ipababatid sa inyo.

Ang ating iskedyul rin ang iskedyul para sa konsultasyon.

2. Mga mahahalagang Petsa

Petsa Gawain
HUNYO 25, 2021 FINAL EXAMINATION (WRITTEN)
D. DISIPLINA SA MGA MAG-AARAL
CSSH-ABFIL-A310301
SILABUS SA BATAYANG ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

1. Ang mga mag-aaral sa klase ay kailangang may tamang pag-uugali. BAWAL ANG ANOMANG PAGMUMURA O BASTOS NA SALITA SA LAHAT NG ONLINE PLATFORM.
2. Bawal ang pag-post ng malalaswa at mga bagay na maaaring makakatapak sa kultural at moral na paniniwala ng indibidwal.
3. Ang mga mag-aaral ay kailangang magdamit nang maayos o presentable tuwing may mga online lecture.
4. Hindi pinapahintulutan ang pagkuha ng larawan at pag-post ng anumang bahagi ng modyul at mga babasahin sa publiko.
5. Ang mga mag-araal ay hinihiling na MAGING MATAPAT SA PAGSAGOT AT PAGGAWA NG MGA GAWAIN ONLINE AT OFFLINE. Tandaang hindi ang guro ang niloloko
ninyo kundi ang sarili mismo.
6. Ibabagsak ang mag-aaral na mapapatunayang MAKAGAGAWA NG PANGONGOPYA. Ang pang-aangkin ng mga salita, ideya at argumento mula sa ibang tao o babasahin na
walang pagkilalang ginawa sa anumang pangangailangan ng kurso ay bibiyan ng marking zero.
7. Ang palugit o deadline sa mga Gawain na naitakda ay dapat masunod. May bawas na puntos sa mga nahuli.
8. Maging magalang sa pakikipag-usap o pag-chat sa inyong guro. Tiyaking nasa tamang oras o itinakdang oras ang pag-chat o pag-message sa kanila.
9. Huwag ihambing ang klase ninyo sa ibang klase. Tandaang iba-iba ang guro ganoon din ang kanilang pamamaraan ng pagtuturo.
10. Iwasang mag-private message sa guro. May group chat ang bawat klase at lahat ng nais ipaabot ay sa group chat lamang itatanong.
11. Ang mag-aaral ay dapat na SERYOSO at may POKUS sa lahat ng gawaing kailangan sa kursong ito. Kung ayaw may dahilan, kung gusto ay maraming paraan. Kung maaari ay
HUWAG LAGING MAGDAHILAN.

PAALAALA: Kung may LABAG SA LOOB na gawain, REKLAMO, KATANUNGAN o ISYU kaugnay sa klaseng ito, direktang ipaabot o ipaalam sa guro sa pamamagitan ng group chat, text
message, o pagtawag. Ang pagra-rant o pagpo-post ng mga reklamo sa social media ay mariin naming ipinagbabawal. Tatawagin ang atensyon ng nabanggit na estudyante kapag
napatunayang ginawa ito.

PANGKALAHATANG PAALALA:

Lahat tayo ay nangangapa sa pagbabagong ito sa edukasyon bagaman at inaasahan ang buong pusong kooperasyon ng bawat isa upang mapagtagumpayan nating WALANG
MAIIWAN at maging maayos ang daloy ng paghahatid ng kaalaman sa kabila ng pandemya.

Inihanda ni: Inirekomenda ni: Sinang-ayunan ni: Inaprubahan nI:

LOVE I. BATOON, MA DEBBIE M. CRUSPERO, Ph. D MAULAWI L. CALIMBA, MA DR. MISHELL D. LAWAS, PECE
Fakulti Tserman, Departamento ng Filipino Dekano Bise Tsansilor sa Usaping Pang-Akademiko

You might also like