Professional Documents
Culture Documents
Module No.6
Activity
MORPEMA
ASSESSMENT
1. Kung ikaw ay magsasagawa ng pagsusuri sa isang wikang hindi mo nauunawaan, alin sa tatlong lawak
ang una mong susuriin – palatunugan, palabuuan, o palaugnayan? Pangatwiran.
Sagot:
Pipiliin ko ay palatunugan dahil aalamin ko muna ang nagsusuri kung anu-ano ang mga tunog na
makahulugan o ponemiko sa nasabing wika. Pagkatapos ay saka ko pa lamang siya tutungo sa ikalawang
antas – ang pag-alam sa mga morpema. Gayundin, ang pagsusuring sintaktiko naman ay karaniwang
isinasagawa kung nasuri na ng nagsusuri ang palatunugan at palabuuan ng wika.
2.Pumili ng isang wikang hindi mo nauunawaan at suriin ang palatunugan nito sa pamamagitan ng
paggamit ng impormante.
Sagot:
Ekolek- Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad
sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito at mahirap itong gamitin
sa di sanay. Halimbawa: Pappy = ama Mumsy =ina Mc Guyver =karpintero Lady Gaga = lola 3.
Etnolek- Nalikha ang wikang ito sa mga etno-linggwistikong pangkat Halimbawa: Wika ng mga Tausug
Wika ng mga Ivatan Wika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai.
REFLECTION:
Alin sa dalawa ang higit na makapagsasagawa ng maagham na pagsusuri sa isang wika? Pangatwiranan
ang sagot.
Sagot:
Sa dalawang pagpipilian pipiliin ko ay isang linggwista na hindi marunong mag salita sa wikang sinusuri
dahil isa itong malaking hamon at mapag aralan ito ng mabuti dahil kailangang alamin ng isang
linggwista kung ano ang ibig sabihin at kung ano laman at naniniwala akong lahat ng bagay ay mapag
aralan.
Name: Criselito Comais Crujedo
Module No.7
Activity
1. ni Gleason
2. ni Pike
✓Pagkuha ng impormante
EXERCISE
Patunayan na ang /d/ at /r/, ang /i/ at /e/, at ang /u/ at /o/, sa Filipino kung minsan, ay mapatutunayang
magkaibang ponema at kung miinsan naman ay nasa malayang pagpapalitan.
Sagot
Mga Halimbawa:
Politika = Pulitika
Tutoo = Totoo
Bibi = Bibe
Lalaki = Lalake
Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/, gayundin naman
ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa pagbabago ng kahulugan ng mga
salita. Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema.
Maari rin naman maging pares minimal ang mga ito tulad ng mga :
Mesa = misa
Tela = Tila
Uso = Oso
ASSESSMENT
REFLECTION
Bakit may kahirapang gamitin sa loob ng silid-aralan ang mga modelo ni Chomsky?
Sagot
Mahirap gamitin sa loob ng silid-aralan ang mga Modelo ni Chomsky dahil katangian na nilalaman nito
na nagdudulot ng kahirapan sa pag-intindi dahil tungkol ito sa pag-aaral ng sintaks o palaugnayan ng
isang wika ay maaaring isagawa sa paraang autonomous o hiwalay sa ibang antas ng wika. Bago pa rito,
ang interes ni Chomsky ay tungkol sa tinatawag sa Ingles na ‘mathematical theory of formal languages’.
Module No.8
ACTIVITY
EXERCISE
ASSESSMENT
Enumerasyon
3. ang patunugan o resonador Ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na
siya naman nating naririnig.
4-7. Apat na bahagi ng bibig na mahalaga sa pagbigkas ng iba’t ibang tunog sa pagsasalita.
REFLECTION
Bakit mahalagang mapag-aralan muna ang ponolohiya ng isang wika bago mapag-aralan ang ibang
bahagi o antas?
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Sa aking paningin mahalaga ang pag-aaral ng wikang Filipino
sapagkat tungkulin ng isang Pilipino na malaman at magamit ng husto sa maayos na paraan ang ating
wika upang lubos na maintindihan ang at kasaysayan at kultura. Mahalaga ang wika ng isang bansa
katulad ng Wikang Filipino. Ibat-ibang wika sa bawat lugar komunidad at bansa. Ang totoo magkaugnay
ang Filipino at Panitikankambal na maituturingsa kabuuan ng kasaysayan ng sistema ng edukasyon sa
Filipinas.
Name: Criselito Comais Crujedo
Module No.9
ACTIVITY
1.Konsistent na palabaybayan
Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago. halimbawa: Salitang Banyaga
Filipino Reporter reporter Soprano soprano Memorandum memorandum
2.Di-konsistent na palabaybayan
Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa simulain
kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa. Halimbawa: Salitang Hiram
Filipino Control kontrol Meeting miting Teacher titser
3.Dating Abakada
Ito ang dating abakadang alpabeto na kung saan ito ay ang unang alpabeto ng wikang pambansa ayon sa
baybayin ng tagalog. Ngunit nilagyan na ng ibang prinsipyong pang wika, upang mas maintindihan ang
paggamit nito.
Halimbawa
4.Bagong Alpabeto
Ang bagong alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t-walong (28) letra.Ang tatawagin nating
bagong alpabeto ay ang binabo o pinayamang Dating ABAKADA, batay sa Memorandum Pangkagawaran
Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976. Ang mga tuntunin sa
palabaybayang Filipino na isinasaad sa nasabing memorandum ay pinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng
Wikang Pambansa noong Abril 1, 1976
Halimbawa
EXERCISE
Isulat kung ano ang sa palagay mo ay magandnag paraan ng paghiram o pag-asimila sa mga salitang
Ingles na sumusunod. Maaari kang magbigay ng higit sa isang sagot.
1.solid-
Salitang Ingles na solid ay may katumbas na salita o baybay na "Solido" saFilipino at "Sólido" naman sa
kastila.Ang ekspresyong solid ay ginagamit bilang pang-uri natumutukoy sa isang solidong bagay,
matatag, siksik at malakas. Gayundin, tumutukoy ito sakatawan na ang mga molekula ay may higit na
pagkakaisa sa bawat isa kaysa sa mga likido
2.delicate-
Wastong pagbaybay sa filipino sa salitang ingles na “delicate” ay “maselan”.Ang salitang katumbas nito
sa kastila ay delicado/delicada ngunit hindi maaaring ang salitangingles na “delicate” ay hiramin ito sa
salitang katumbas nito sa kastila na “delicado” at ibaybay ayon sa naayong palabaybaying filipino
sapagkat nag iiba ang kanilang kahulugan. Bukod ditohindi maaaring gamitin ang mga salitang katumbas
nito sa kastila kagaya ng nasa tsart sapagkatmay katumbas ang salitang delicate sa filipino at ito ay
“maselan
3.jet-jam,” “jazz,” “jéster,” “jínggel,” “joy,” “enjóy” ng Ingles, “jujítsu” ng Hapones, at “jatáka
4.quorum-kerida
5.lemonade-
6.arithmetic-Bilnuran
7.colgate- Toothpaste
8.mimeograph- panalinan
9.straggles- mapaggala
10.fraternity- kapatiran
Pantigin ang mga sumusunod:
1.kailangan- Kai-la-ngan
2.naglalanguyan- Nag-la-la-ngu-yan
3.magtutulungan- Mag-tu-tu-lu-ngan
4.patutunguhan- Pag-tu-tu-ngu-han
5.iuuwi- i-u-u-wi
6.pinanalanginan- Pi-na-na-la-ngi-nan
7.pinanggagalingan- Pi-nang-ga-ga-li-ngan
8.transkripsyon- Trans-krip-syon
9 nakatunganga- Na-ka-tu-nga-nga
10.ortograpiya- Or-to-gra-piya
REFLECTION
Sang-ayon ka ba na ang mga titik ng alpabetong Filipino ay tawagin nang tulad ng sa Ingles?
Sagot:
Hindi ako sang-ayon, dahil naniniwala akong tangkilikin ang sariling atin at dahil may sarili tayong wika,
ang wika natin ang dapat nating gamitin sa pagtawag sa alpabeto nating mga Pilipino.
Name: Criselito Comais Crujedo
Module No.10
EXERCISE:
Bilugan ang letra ng salitang sa palagay mo ay siyang may tamang tuldik ayon sa isinasaad sa bilang.
ASSESSMENT
Malumay – binibigkas ito nang may diin sa pantig na penultima o ikalawang pantig mula sa huli. Ang mga
salitang malumay ay hindi tinutuldikan at maaaring magtapos sa patinig o sa katinig.
Halimbawa:
dalaga nanay
babae silangan
Malumì – tulad ng malumay, binibigkas ito nang diin sa pantig na penultima. Ito ay palaging nagtatapos
sa glottal na pasara o impit na tunog.
Halimbawa:
batà dalamhatì
talumpatì dambuhalà
Mabilís – binibigkas ito nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Tulad ng mga salitang
malumay, ang mga salitang mabilis ay maaaring magtapos sa patinig o katinig. Ang mga salitang mabilis
ay ginagamitan ng tuldik na pahilis (′) na itinatapat sa huling pantig.
Halimbawa:
takbó bulaklák
isá katawán
Maragsâ – tulad ng mabilis, binibigkas ang mga ito nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.
Ngunit tulad ng mga salitang malumi, ang mga salitang maragsa ay laging nagtatapos sa patinig. Ang
mga salitang maragsa ay laging nagtatapos sa glottal na pasara. Ang tuldik na ginagamit sa mga salitang
maragsa ay pakupya (ˆ) na itinatapat sa huling patinig ng salita.
Halimbawa:
kaliwâ salitâ
dukhâ butikî
REFLECTION
Mahalaga ang pag gamit ng diin dahil maraming mga salita ang magkaparehas ang baybay ngunit
magkaiba sa kahulugan. Ito’y mas lalong makikita sa loob ng Pilipinas kung saan mayroong iba’t-ibang
lengwahe at dialekto ang bawat pulo.