You are on page 1of 3

2.

1 Wika

Ang pinakamahalagang interes sa pag-aaral ng wika ay hindi ang wika mismo kundi ang gamit
nito, kung papaano ang wika nagpapakilala sa tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga pangarap at
mithiin niya, persepsyon nila sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung saan siya
nabibilang. (A.D. Edwards, 1979) .

Ang wika ay maituturing na isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat.


Sa aspektong ito, ang pagpapahayag ay nailalahad sa paraang berbal at di-berbal. Ito ay
natututuhan sa lipunang kanilang kinabibilangan at ang wikang natutuhan ay batay sa kultura ng
lipunang kinalakhan.

2.2 PINAGMULAN NG WIKA

Saan nga ba nagmula ang wika? Paano nga ba nagkaroon ng wika ang mga tao sa sanlibutan? Ito
ang mga tanong na madalas na umuukilkil sa isipan ng bawat isa kung ang pag-uusapan ay
patungkol sa pinagmulan ng wika. Ayon sa iba’t ibang manunulat at teorista, ang may
pinakamatandang lahi ay ang mga Egyptian at maging ang kanilang wika ay kasing tanda na rin
nila.

Mula sa aklat nina Fromkin, V.& R. Rodman (1983), ang lahat ng kultura ay may kani-
kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Ayon naman kay Darsna Tyagi (2006),
pinaniniwalaang ang Son of Heaven na si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa
bansang Hapon, si Amaterasu ang tinaguriang manlilikha nila ng wika.

2.3 DEPINISYON NG WIKA

Ang wika ay nabigyan ng depinisyon ayon sa mga iba’t ibang awtor ;

Buensuceso- ang wika ay isang arbitraryong Sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng
tao sa pakikipagtalastasan.

Caroll (1954) – ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.

Edward Sapir (1949) – ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mithiin.

Todd ( 1987 ) - ang wika ay isang set ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.

Tumangan, Sr. et al. (1997)- Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang
isang pulutong ng mga tao.

2.4 IBA’T IBANG TEORYA SA WIKA

Ang pinagmulan ng wika ay may pinaniniwalaang mga teorya kung saan at paano ito nagsimula ;
Teoryang Bow-wow – ang teoryang ito ay naninindigan na ang wika ay nagsimula sa
pamamagitan ng panggagaya sa mga likas na tunog gaya ng ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.

Teoryang Pooh-pooh – ang teoryang ito ay naniniwalang, nabuo ang wika sa instinktibong
pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, galit, tuwa at iba pa.

Teoryang Dingdong- Ito ay kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo
ang mga tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.

Teoryang Yum-Yum- ang teoryang ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng
kumpas sa alinmang bagay na nagangailangan ng aksyon.

Teoryang Yo-he-ho- ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga ingay na nalilikha ng mga
taong magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho o puwersng pisikal.

Teoryang Tarara-boom-de-ay-Ang teoryang ito ay naniniwalang, ang mga tunog na mula sa


ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang magsalita ang tao.

2.5 IBA’T IBANG PANANAW SA WIKA

 Ayon kay Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo.”

 Trudgill (2000) “Ang wika ay isang panlipunang tungkulin ng tao”.

 Tumangan Sr. et al. (1977), “Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang
binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-
ugnay ang isang pulutong ng mga tao”.

 Malinowski (1998 ), “ Wika ang pangunahing kaisipan ng pagkakaisa at


pakikipagtalamitam ”.

Kahalagahan ng Wika

Ngunit bago dumako sa pagtuklas sa katangian ng wika, marapat lamang na malaman ang
kahalagahan ng wika. Sa pag-alam ng kahalagahan nito, magkakaroon ng kabatiran na dapat
pagyamanin ang wika upang manatili itong bahagi ng ating araw-araw na pamumuhay.

Narito ang tatlong dahilan kung bakit mahalaga ang wika:

1. Ginagamit itong medium sa pakikipag-usap o komunikasyon. Pinakamabisang paraan


ng pakikipag-usap ang paggamit ng mga salita o wika. Mas naipakikita nito ang emosyon
at mas malinaw na naipapahayag ang saloobin.
2. Sumasalamin sa kultura at sa henerasyon. Sinasabing ang wika ay yaman ng isang
bansa. Sa paamagitan ng wika, nalalaman kung mula saan at paano nabubuhay ang isang
nilalang. Sa wikang ginagamit din nababatid ang kinabibilangang henerasyon ng isang
tao. Sa paglipas kasi ng panahon, nagbabago ang wika.
3. Mabisang instrument sa pagpapalaganap ng kaalaman. Ang diwa ng buhay ay ang
matuto ng mga bagay. At dahil sa wika, mas madali at mabisang naipalalaganap ang
kaalaman sa mundo, pasalita man o pasulat.

3 Klasipikasyon Ng Kahalagahan Ng Wika

Maliban dito, sa pag-aaral na ginawa ng mga eksperto sa wika, mayroong tatlong klasipikasyon
ang kahalagahan ng wika na nagpapakita rin ng magandang dulot ng mga katangian ng wika.

1. Kahalagahang pansarili – ito ay tumutukoy sa kahalagahang indibidwal na


pangunahing pakinabang ng wika. Sa pamamagitan ng wika ay nailalahad natin ang
damdamin at mga saloobin sa mas malinaw at mabisang paraan. Nailalabas din natin ang
mga nais nating ibahaging kaaalaman sa iba na mahalaga para sa pag-unlad.
2. Kahalagahang panlipunan – Sa komunikasyon ay kailangan ng kausap, kaya naman
ang wikang inilalabas natin na sakop ng kahalagahang pansarili ay natatanggap naman ng
ating kapuwa na bahagi ng isang lipunan. Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ng mga
mamamayan ang isang mithiin para sa kanilang sarili, at maging para sa bayan. Sa
pamamagitan din ng wika kaya napapaunlad ang kultura at tradisyon ng isang
pamayanan.
3. Kahalagahang pandaigdigan – Dito nababatid ang pagpapalitan ng mundo ng
impormasyon. Magkakaiba man ang wika at kulturang kinamulatan, nagsisikap ang
bawat isa na maiparating ang saloobin at ideya para sa iisang mithiin. Sa pamamagitan
din ng komunikasyon ng mga bansa gamit ang wika, ay nabubuksan para sa lahat ang
oportunidad upang paunlarin ang mga sarili maging ang isang bansa. Mabisa rin ito para
sa ekonomiya ng mga bansa. Mahalaga ang komunikasyon para sa pagpapanatili ng
maununlad na nasyon.

You might also like