You are on page 1of 245

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ESTILISTIKONG PAGSUSURI SA PAGGAMIT NG WIKANG


FILIPINO SA MGA KUWENTONG PAMBATANG “AKO
AY MAY TITI” AT “AKO AY MAY KIKI”

Mungkahing Tesis na Ihinarap sa Kaguruan ng


Kagawaran ng Filipinolohiya
Kolehiyo ng Artes at Literatura
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Sta. Mesa, Maynila

Bilang parsiyal na kahingian para sa digring


Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya

nina

Floro G. Gumba
Ina Patricia A. Sayo

2023
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Karapatang-sipi 2023
nina Floro G. Gumba at Ina Patricia A. Sayo
Kagawaran ng Filipinolohiya
Kolehiyo ng Arte at Literatura
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Lahat ng karapatan ay nakareserba. Ang mga bahagi ng manuskritong ito ay maaaring


ilathalang muli nang may maayos na pagsangguni at pagkilala sa mga may-akda.

ii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

SERTIPIKASYON

Ang tesis na ito na may pamagat na ESTILISTIKONG PAGSUSURI SA PAGGAMIT


NG WIKANG FILIPINO SA MGA KUWENTONG PAMBATANG “AKO AY MAY TITI”
AT “AKO AY MAY KIKI” na inihanda at isinumite nina FLORO G. GUMBA AT INA
PATRICIA A. SAYO bilang bahagi ng pagtupad sa kahingian para sa titulong
BATSILYER NG ARTES SA FILIPINOLOHIYA ay sinuri at iminungkahi para sa
Pagpapatibay at Oral na Pagsusulit.

Komite sa Ebalwasyon

ROMEO P. PEÑA, PhD SHEILA MAE C. INTOY, MAF


Dalubguro, Pagsulat ng Tesis Tagapayo

JENILYN C. MANZON, MAF MC LOUGIN D. MISLAN, MAF


Kasapi, Lupon ng Tagasulit Kasapi, Lupon ng Tagasulit

JOMAR G. ADAYA, MAF


Puno, Lupon ng Tagasulit

PAGPAPATIBAY

Pinagtibay ng Lupon ng Tagasulit para sa Pasalitang Pagsusulit na may


markang __________.

JOMAR G. ADAYA, MAF


Puno, Lupon ng Tagasulit

JENILYN C. MANZON, MAF MC LOUGIN D. MISLAN, MAF


Kasapi, Lupon ng Tagasulit Kasapi, Lupon ng Tagasulit

Tinanggap bilang bahagi ng pagtupad sa kahingian para sa titulong Batsilyer


ng Artes sa Filipinohiya.

ROMEO P. PEÑA, PhD


Dekano, Kolehiyo ng Arte at Literatura

iii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga sumusunod na tao

para sa kanilang walang sawang pagtulong at pagsuporta gayundin ang pagbabahagi

ng kanilang kaalaman na nakatulong nang malaki sa tagumpay ng pag-aaral na ito.

Kay Prop. Sheila Mae C. Intoy na gumabay, tumulong, at nagbigay ng mga

payo at suporta habang nasa proseso ng pagsusulat at pagbubuo ng pag-aaral ang

mga mananaliksik. Walang sawa ang kaniyang pag-agapay sa tesis at paglalaan ng

oras upang makapagbahagi ng karunungan at pananaw na naging daan upang

mapahusay at mapalalim ang pananaliksik na ito.

Kay Prop. Romeo P. Peña na propesor ng mga mananaliksik sa tesis na

pumasok sa klase at nagturo ng mga pamamaraan kung paano isusulat at gagawin

ang bawat bahagi ng pananaliksik.

Kina Prop. Jomar G. Adaya, Prop. Jenilyn C. Manzon, at Prop. Mc Lougin

D. Mislan na tumayo bilang mga tagasulit ng pananaliksik at nagbigay ng matapat na

suhestiyon at komento hinggil sa nilalaman ng tesis na nakatulong upang maging

matagumpay ang pananaliksik na ito.

Kina Asst. Prof. Genaro R. Gojo Cruz at Asst. Prof. Glenda C. Oris na mga

may-akda ng dalawang kuwentong pambatang sinuri at nagbigay-pahintulot sa mga

mananaliksik na aralin at suriin ang kanilang mga natatanging akda. Nagsilbi silang

inspirasyon sa mga mananaliksik upang masimulan, maipagpatuloy, at matapos ang

pag-aaral na ito. Wala ang pananaliksik na ito kung hindi dahil sa kanilang husay at

dunong.

Kina Monica Sofia B. Grengia at Rhea Marie G. Verano na mga dating

kagrupo ng mga mananaliksik sa tesis na ito nguni’t hindi na nakatuloy sa pag-aaral.

iv
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Nakatulong sila sa pagsusulat ng panimula ng tesis na ito. Kasama rin sila sa naging

proseso ng pagbubuo at pagkokonseptuwalisa ng naging paksain ng pag-aaral. Hindi

mabubuo ang pag-aaral na ito kung wala ang tulong ng dating dalawang kagrupo.

Sa mga kamag-aaral at kaibigan na walang sawang tumulong, umagapay, at

sumuporta sa mga mananaliksik upang patatagin ang kanilang mga loob at

mapagtagumpayan ang pagsasagawa ng tesis na ito.

Sa mga magulang, kapatid, at pamilya ng mga mananaliksik na lubos ang

pagbibigay ng suporta at silang nagsilbing kalakasan ng mga mananaliksik sa mga

panahong kapwa nahihirapan na ang dalawa. Naisakatuparan at nakamit ang

tagumpay ng pananaliksik na ito dahil sa kanilang lahat.

Muli, lubos at taos-puso ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa kanilang

lahat. Hindi mabubuo at matatahi ang bawat piraso ng pag-aaral na ito kung wala ang

presensiya ng bawat isa. Mabuhay ang lahat at patuloy na magsaliksik ng kaalaman

saanman magtungo.

F.G.G.

I.A.S.

v
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang ESTILISTIKONG PAGSUSURI SA

PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA MGA KUWENTONG PAMBATANG “AKO AY

MAY TITI” AT “AKO AY MAY KIKI” ay taos-pusong inihahandog ng mga mananaliksik

sa mga sumusunod:

Unang-una, sa Bayan . . .

Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas . . .

Sa Kagawaran ng Filipinolohiya . . .

Sa Pamilya ng mga mananaliksik . . .

Sa mga May-akda ng dalawang kuwento . . .

Sa mga Manunulat ng kuwentong pambata . . .

Sa mga Mag-aaral ng wika . . .

Lalo’t higit, para sa mga Bata . . .

At sa mga taong patuloy na nagnanais na mailuklok ang wika at disiplinang

Filipino sa pedestal ng ganap na kaunlaran!

F.G.G.

I.A.S.

vi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KATIBAYAN NG ORIHINALIDAD

Ito ay pagpapatunay na ang tesis na may pamagat na ESTILISTIKONG

PAGSUSURI SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA MGA KUWENTONG

PAMBATANG “AKO AY MAY TITI” AT “AKO AY MAY KIKI” para sa pagkakaloob ng

titulong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya mula sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas ay mabunying isinakatuparan ng nakalagda. Ang tesis na ito ay hindi

naglalaman ng anumang pananalita o ideya mula sa mga nakalimbag na batayan o

mga akdang nasulat ng ibang taon at tinanggap bilang batayan ng pagkakaloob ng

anumang titulo mula sa ibang institusyon, maliban sa ilang tala na may karampatang

pagkilala.

FLORO G. GUMBA
INA PATRICIA A. SAYO
Mga Mananaliksik

Petsa: Pebrero 24, 2023

Binigyang-pansin:

SHEILA MAE C. INTOY


Tagapayo

Petsa: Pebrero 24, 2023

vii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pahina ng Pamagat i
Karapatang-sipi ii
Sertipikasyon iii
Pasasalamat iv
Paghahandog vi
Katibayan ng Orihinalidad vii
Talaan ng Nilalaman viii
Talaan ng Talahanayan x
Talaan ng Pigura x
Abstrak xi

1 Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito


Panimula 1
Paglalahad ng Suliranin 12
Balangkas Teoretikal 12
Balangkas Konseptuwal 31
Saklaw at Limitasyon 34
Kahalagahan ng Pag-aaral 34

2 Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Diwa ng Musmos: Pangwikang Pagsusuri sa mga Panitikang
Pambatang Filipino 37
Kuwentong Pambata bilang Tagapagtalakay ng Seksuwal na
Edukasyon 42
Kultural na Pagsipat sa mga Kuwentong Pambatang Filipino 47
Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 54

3 Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik 56
Paraan ng Pangangalap/Paglalatag ng Datos 57
Metodo sa Pagsusuri ng Datos 58
Pinagmulan ng Datos 89
Instrumentong Ginamit 90
Mga Etikal na Konsiderasyon 91

4 Resulta at Pagtalakay
Tungkulin ng Diksiyon sa Pagbubuo ng mga Parirala sa Dalawang
92
Kuwentong Pambata

viii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Mga Salita at Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay


93
May Titi”
Mga Salita at Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay
109
May Kiki”
Gampanin ng Sintaks sa Paghahabi ng Diwa ng mga Sugnay sa
127
Dalawang Kuwentong Pambata
Mga Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi” 128
Mga Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki” 146
Kahalagahan ng Gramatikal na Estruktura sa Pagpapamalas ng
163
Kaangkupan ng Dalawang Akda sa Edad ng mga Mambabasa
Mga Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong
164
Pambatang “Ako ay May Titi”
Mga Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa
172
Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”
Mga Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong
177
Pambatang “Ako ay May Kiki”
Mga Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa
184
Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”
Semantikal na Ugnayan ng Diksiyon, Sintaks, at Gramatikal na
190
Estruktura sa Pagbubuo ng Kuwento ng mga Akda
Mga Piling Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay
191
May Titi”
Mga Piling Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay
200
May Kiki”
Saysay ng Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtalakay ng
208
Seksuwal na Edukasyon
Ang Kamalayang Loob, Ligid, at Lalim 211

5 Lagom ng Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon


Lagom ng Natuklasan 215
Kongklusyon 218
Rekomendasyon 220

Mga Sanggunian 223

APENDIKS
Apendiks 1 : Tala sa Sarili 227
Apendiks 2 : Mga Liham ng Pahintulot 229
Apendiks 3 : Mga Larawan 232

ix
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

TALAAN NG TALAHANAYAN
Bilang Pamagat Pahina

1 Mga Antas ng Wika 24


2 Halimbawang Pag-uuri sa mga Bahagi ng Parirala 70
Mga Pangunahing Elemento ng Estruktura ng Sugnay
3 74
o ang Pattern na ‘PCSA’
4 Buod ng Pitong Uri ng Kahulugan 88
Mga Salita at Parirala mula sa Kuwentong Pambatang
5 93
“Ako ay May Titi”
Mga Salita at Parirala mula sa Kuwentong Pambatang
6 109
“Ako ay May Kiki”
Mga Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay
7 128
May Titi”
Mga Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay
8 146
May Kiki”
Pagmamarka sa mga Sugnay na Kompleto ang
9 Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May 165
Titi”
Pagmamarka sa mga Sugnay na Hindi Kompleto ang
10 Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May 172
Titi”
Pagmamarka sa mga Sugnay na Kompleto ang
11 Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May 177
Kiki”
Pagmamarka sa mga Sugnay na Hindi Kompleto ang
12 Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May 184
Kiki”
Mga Piling Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang
13 191
“Ako ay May Titi”
Mga Piling Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang
14 200
“Ako ay May Kiki”

TALAAN NG PIGURA

Bilang Pamagat Pahina

1 Konsepto ni Widdowson ng Estilistika (1975, p. 4) 19


Proseso ng Pagbubuo ng Estilistikong Pagsusuri sa
2 30
Isang Akdang Pampanitikan
3 Balangkas Konseptuwal 33
Hanayan ng mga Pangngalan para sa Kolokatib na
4 85
Kahulugan

x
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ABSTRAK

Pamagat: Estilistikong Pagsusuri sa Paggamit ng Wikang Filipino sa mga


Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako ay May Kiki”
Mga Mananaliksik: Floro G. Gumba at Ina Patricia A. Sayo
Digri: Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya
Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Taon: 2023
Tagapayo: Sheila Mae C. Intoy

Sa kasalukuyan kung saan tayo ang inaasahang maging tagapagmulat ng kabataan,

mahalagang mabigyan ng atensiyon ang mga panitikang pambata na umaalpas sa

nakagawian at nagsusulong ng kamalayan patungkol sa maseselang paksa. Ang

kuwalitatibong pananaliksik na ito ay layong suriin ang pagkakagamit ng wikang

Filipino sa dalawang aklat-pambatang “Ako ay May Titi” na isinulat ni Genaro R. Gojo

Cruz at “Ako ay May Kiki” na isinulat naman ni Glenda C. Oris. Intensiyon ng mga

mananaliksik na buksan ang diskurso sa papel ng paggamit ng wikang Filipino sa

pagtukoy at pagtalakay sa mga pribadong bahagi ng katawan at pagsasaposisyon nito

sa mga kuwentong pambata. Sa pamamagitan ng sangay ng lingguwistika na estilistika

(stylistics) bilang pangunahing teorya, gabay ang apat na mga pangwikang elementong

pumapailalim dito—diksiyon, sintaks, gramatika, at semantika, ay hinimay ng mga

mananaliksik ang mga elementong pangwikang nakalilok sa dalawang akda nang

makapagpanday ng masikhay na estilistikong pagsusuri na tumatalunton sa naging

gamit ng wikang Filipino sa dalawang akdang pambata. Inilatag ang pag-uuri sa mga

tampok na salita, parirala, at sugnay pati na rin ang semantikal na ugnayan ng diksiyon,

sintaks, at gramatikal na estruktura sa isa’t isa. Sa huli ay inilahad ang naging saysay

ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtalakay ng seksuwal na edukasyon batay sa

isinagawang estilistikong pagsusuri sa dalawang akdang pambata.

Mga Susing Salita: akdang pambata, stylistics, wikang Filipino, seksuwal na

edukasyon

xi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Sa bahaging ito inilatag at tinalakay ng mga mananaliksik ang Panimula na

paliwanag hinggil sa pinagbatayan ng pagsasagawa ng pananaliksik, ang

kaligirang kasaysayan at ang layunin nito. Matatagpuan din sa kabanatang ito

ang Paglalahad ng Suliranin na tinugunan ng pananaliksik, ang Balangkas

Teoretikal at Konseptuwal, ang Saklaw at Limitasyon, at higit sa lahat, ang

Kahalagahan ng Pananaliksik.

Panimula

Masasabing ang panitikan ay mga ukit ng mga pagbabagong naganap—

bakas ng kasaysayang iniiwan at ipinamamana sa bawat henerasyon ng iba’t

ibang lahi. Mula sa tatlong yugto ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan ni Zeus

Salazar (2004) na Pamayanan, Bayan, at Bansa, matatandaang sa yugtong

Pamayanan pa lamang ay nag-umpisa nang umusbong ang kabihasnang

nakasalig sa mayamang kulturang buhat sa mga pangkat Austronesyanong

nagtungo at namalagi sa ating kapuluan. Patunay lamang ito na bago pa man

mapasailalim sa pananakop, tangan-tangan na ng ating mga ninuno ang mga

tapayang nag-uumapaw sa katutubong-karunungan, partikular sa larangan ng

panitikang nagpapasalin-saling-dila lamang noon gaya ng mga bulong,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, at awitin na kalauna'y lumaganap

sa anyong pasulat.

Samot-saring pakahulugan ng panitikan ang ibinigay ng iba’t ibang mga

dalubhasa. Sinasabing ang panitikan ay sumasalamin sa mga layunin at

damdamin ng mamamayan—mga panulat na nagpapahayag ng mga

karanasan, kaisipan, o kuwento ng isang tao. Ito rin ay talaan ng buhay kung

saan nagsisiwalat ang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay

ng buhay sa kaniyang daigdig na kinabibilangan. Sa makatuwid at kung

titimbangin ang mga pahayag na ito, maipagpapalagay na ang panitikan ay may

higit na kapangyarihan at kahalagahan sa lipunan. Pinatibayan pa ito ng

pahayag na siyang tumukoy sa panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw

sa lipunan (Ramos, w.p.; Arrogante, 1983; Salazar, 1995, sinipi mula kay

Donaire, w.p.).

Kung ating babalikan, naging mabisang sandata ng mga Pilipinong

manunulat ang panitik sa pagpukaw ng damdaming makabayan na minsan

pang naging mitsa ng rebolusyon. Ilan sa tanyag na panitikan noon ang La

Soberana En Filipinas ni Del Pilar, Sa Mga Pilipino ni Jaena, Por Madrid ni

Antonio Luna, Katungkulang Gagawin ng Mga Anak ng Bayan ni Bonifacio, El

Verdado Decalogo ni Mabini, Kartilya ng Katipunan ni Jacinto, at siyempre, ang

Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal na nagpasiklab sa himagsikang

1896. Sa makatuwid, hindi maipagkakailang may malaking papel na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

ginagampanan ang panitikan sa pagsusulong ng pagbabago, uring piksiyon

man o hindi. Hangga’t naihahayag ang kabuluhan ng akda sa direkta o masining

na paraan, nananatiling mabisa itong tagapagpalaganap ng kamalayan sa mga

mambabasa maging sa mga tagapakinig.

Kaugnay nito, panitikang pambata naman ang naging pangunahing

kasangkapan sa paghubog sa kabataang Pilipino. Sa talakay ni Ibarrientos

(2008) tungkol sa kalagayan at gampanin ng panitikang pambata sa iba’t ibang

yugto ng kasaysayan, mula pa noong pre-kolonyal ay nagsilbi nang

kasangkapan ang panitikang pambata, sa anyo ng kuwentong-bayan at awiting-

bayan upang maihanda ang kabataan sa pakikiisa ng mga ito sa kanilang

komunidad. Pagsapit ng panahon ng kolonyalismong Espanyol, bagama’t wala

pa ring tiyak na panitikang pambata, mahalaga umano ang naging ambag ni Dr.

Jose Rizal sa panitikang pambata sa Pilipinas nang isulat niya ang Sa Aking

mga Kababata at isalin sa Tagalog ang dulang Guillermo Tell ni Schiller pati na

rin ang Matalinong Pagong at Hangal na Matsing ni Andersen.

Mga Amerikano naman ang nagpakilala sa mga Pilipino ng fairy tale na

nasusulat sa wikang Ingles at ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.

Sa panahon ding ito, nailathala ang ilang panitikang nasusulat sa wikang

Tagalog tulad ng Lola Basyang (1922) ni Severino Reyes na nagsasalaysay ng

mga kuwentong engkantada, hari at prinsipe, sinundan pa ng Kulapo ni

Conching, at Kenkoy ni Tony Velasquez na maituturing na ngang mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

babasahing pambata. Makikita umano sa mga akdang ito, ang lakas ng mga

manunulat at makatang Pilipino sa pakikipagtunggali sa kolonyal na kaisipan.

Matapos ang digmaang Hapon-Pilipino, naitatag noong 1959 ang

pinakamalaking ambag sa larangan ng Panitikang Pambata sa Pilipinas, ang

Filipino Library na kauna-unahang institusyong naglimbag ng mga akdang para

talaga sa mga bata. Dahil sa epekto ng biglaang pagbabagong politikal at

panlipunan noong dekada '60 hanggang '70, naging lutang na tema maging sa

pambatang panitikan ang mga panlipunang kritisismo na may layuning imulat

ang mga bata sa tunay kalagayan ng lipunan.

Ngayon, sa modernong panahon ng kalayaan, ang panitikang pambata

sa Pilipinas ay tila nakakulong naman sa konsumerismong kapitalismo kung

saan ang mga nangungunang libro at materyal pambata sa merkado ay mga

akdang maka-kanluran, na karaniwang pumapaksa sa paghahangad ng bata

sa masarap na buhay at pagkasiphayo sa mga pantasya na nakapaglalayo sa

mga bata tungkol sa realidad ng lipunan. Talamak na tema ngayon ang

kabutihang-asal o wastong pag-uugali na wika nga ni Dr. Almario (sinipi mula

kay Ibarrientos, 2008) ay “hot pandesal mentality” o gayahan sa produksiyon

ng mga akda—‘sunod sa pormula’. Na ayon naman kay Dr. Tolentino ay

pagiging masyadong “wholesome” ng panitikang pambata. Malaking salik

umano sa mga trend na ito ang pagtanggi ng mga mambabasa sa mga radikal

na akdang pambata.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

Sa pagsusuring ito, binigyang-pokus ng mga mananaliksik ang

panitikang pambata—partikular ang dalawang kuwentong pambatang “Ako ay

May Titi” at “Ako ay May Kiki.”

Unang nailathala ang “Ako ay May Titi” noong taong 2019. Ito ay sa

panulat ni Genaro R. Gojo Cruz at sa pagguhit naman ni Beth Parrocha-

Doctolero. Sa isang panayam kay Gojo Cruz (Limos, 2020), ipinaliwanag niya

kung paanong nabuo ang pamagat ng aklat. Ayon sa kaniya, mula pa

pagkabata ay pansin na niya ang pagtukoy ng kaniyang ama, na noo’y jeepney

driver, sa mga nakausling parte ng jeep gamit ang salitang “titi.” Aniya, “. . .

gamitin ko na ito sa tunay na konteksto ng literature. Wala na akong

pangambang gamitin itong salitang ito, pakakawalan ko na iyong salita para

mawala na ‘yung malisya kapag binigkas ng bata.”

Mahigit isang taon matapos maisapubliko ang akda ni Gojo Cruz,

inilabas naman ang kahawig na librong “Ako ay may Kiki” sa panulat ni Glenda

C. Oris, at sa pagguhit pa rin ni Beth Parrocha-Doctolero. Kaiba sa aklat ni Gojo

Cruz na nakatutok sa aring panlalaki, ang tinutukoy naman sa aklat ni Oris ay

ang ari ng babae. Ang parehong libro ay naglalayong turuan ang kabataan kung

paano mapangangalagaan nang maayos ang pribadong parte ng kanilang mga

katawan at upang higit na maiwasan ang seksuwal na pang-aabuso sa mga

bata.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

Hati ang opinyon ng mamamayan sa pagkakalimbag ng mga ito, hindi

naiwasan ang pag-ani ng batikos ng mga naturang akda. Nariyan ang

negatibong pidbak ukol sa kakatwang pamagat ng libro, na sa palagay ng ilang

mamamayan ay hindi angkop sa mga musmos dahil sa ‘masagwa’ nitong

dating, habang suportado naman ng ilang sikolohista, guro, at magulang ang

interesanteng babasahin dahil sa tunguhin nitong maturuan ang mga batang

kilalanin ang sarili at pahalagahan kung ano ang mayroon sila.

Laging magkabuhol ang panitikan, kultura, at wika. Kapansin-pansin iyon

sa dalawang aklat. Dahil sa panahon ng pagkakalathala sa dalawang

kuwentong pambata ay naging matunog sa mamamayang Pilipino ang

paggamit ng mga salitang titi at kiki, hindi lamang sa pamagat, nguni’t pati sa

nilalaman ng dalawang libro. Sa Sex and Sexuality ni Tan (1998), sinasabing

ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga salitang gaya ng titi, burat, puki, kiki,

at pekpek bilang mga salitang masyadong bulgar at bastos ay sumasalamin sa

kolonyal na kasaysayan ng bansa.

Nariyan ang pangamba ng iba na baka maging bukambibig ito ng

kanilang mga anak. Gayunpaman, ipinaliwanag ni Villanueva (2014) na

nangangailangan pa rin ng gabay ng magulang ang mga batang mambabasa

sa kabila ng kakayahan nilang makaintindi ng isinasaad ng ilang pangungusap

sapagka’t nananatili pang limitado ang pang-unawa nila sa malalalim na

konsepto at komplikadong paksa. Samakatuwid, magiging bastos sa pananaw


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

ng bata ang isang salita kung bastos ito sa pakiwari ng taong umaagapay sa

kaniyang pagkatuto.

Sa kabilang banda, hindi isinulat ang mga aklat na ito para gawing

katatawanan; hangad ng dalawang akdang burahin ang malisyang nakadikit sa

wastong terminong alinsunod sa katangiang bayolohikal ng bawat indibidwal,

magbahagi ng kaalaman sa mga bata hinggil sa tamang pangangalaga sa kani-

kanilang katawan, at kung paano iingatan ang sarili gamit ang mga

impormasyong matututuhan bilang depensa sa posibleng banta ng pang-

aabuso.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority noong 2020,

nasa 31.17 milyon ang kabuoang populasyon ng kabataang may edad na 5

hanggang 17 taong gulang. Kaugnay nito, ayon sa tala ng internasyonal na

organisasyong CAMELEON (w.p.), nasa tinatayang pitong milyong kabataang

Pilipino ang dumaranas ng pang-aabusong seksuwal taon-taon, kung saan 70%

ng mga biktima ay naglalaro sa edad mula 10 hanggang 18 taong gulang. Sa

bilang na ito, 20% ay nasa edad anim pababa. Bagama’t mayroong mga batas

na ipinasa laban sa karahasan, nangunguna pa rin ang panggagahasa sa

listahan ng pang-aabusong seksuwal kung saan 18% ng mga biktima ay

kababaihan at ang masaklap pa rito, 33% ng kaso ay kamag-anak ang salarin.

Kung bakit patuloy itong nangyayari, kasalatan sa seksuwal na edukasyon ang

isa sa mga nakikitang salik sa pagtaas ng bilang ng ganitong uring paglabag sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 8

karapatan. Karaniwan kasing hindi lubos nauunawaan ng mga batang walang

muwang ang maling ginagawa sa kanila ng iba. Sa mata ng bata, walang

malisya ang haplos, hipo, at pisil, lalo na kung kakilala nila ang tao.

Ayon kay Evasco (2008), “sa lipunang Filipino, maselang pag-usapan

ang mga maseselang bahagi ng katawan, lalo pa’t may pang-aabusong

maiuugnay rito.” Isa ito sa mga isyung sa halip na bigyan ng pansin ay dinaraan-

daanan lang. Mas palasak pang gamitin ang mga salitang flower at bird kaysa

tiyak na ngalan ng parteng tinutukoy. Kung tutuusin, mahirap nga namang

buksan ang usaping ito sa harapan ng bata nang hindi naiilang. Pinaniniwalaan

nina Clemente et al. (2017) na ang pagkilos nang naaayon sa panuntunan ng

lipunan ang nasa likod ng pagpapahalaga natin sa hiya. Nguni’t kung hindi

kayang ipaliwanag ng mga magulang ang mga bagay na dapat maintindihan ng

anak dahil mas nangingibabaw ang hiya, paano mawawari ng bata ang dapat

niyang asahan at hindi niya dapat danasin?

“Kapag ang isang tao ay nahihiya, may mga kilos na hindi maisagawa

(e.g., hindi makapagsalita sa harap ng awtoridad, hindi makapagtanghal sa

harap ng maraming tao, hindi makapagpahayag ng tunay na nararamdaman, at

iba pa)” (Torres, 1985; Jocano, 1997, sinipi mula kina Clemente et al., 2017).

Sa madaling salita, ang malimit na pag-iwas sa pagtalakay ng sensitibong

paksa gaya ng usaping seksuwal ay nagiging sanhi pa ng pag-aalangan at

pananahimik ng mga bata.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

Maaaring maiugnay natin ang hiya sa maligoy nating pakikitungo. Batay

sa isang suring isinagawa ni Dagmang (1996) hinggil sa hiya, “sa ugaling

paligoy-ligoy ay mapapansin natin na kahit may ibig tayong iparating, ipagawa

o sabihin sa ating kapwa ay hindi kaagad natin ito ipinahahayag sa

pamamagitan ng prangkahang pananalita.”

Sa mga sitwasyong umaandar ang pagkamausisa ng mga bata, may

pagkakataong hindi makatugon nang diretso ang mga nakatatanda;

kinakasangkapan ang mga tayutay upang ilihis nang bahagya ang usapan, na

bagama’t nakukuha agad ng iilan ang kahulugan, nagdudulot naman ng

kalituhan sa ibang bata. Madalas kasing ang mga hinihinging seryosong sagot

sa inosenteng tanong ay naglalaman ng mahabang paliwanag, o ‘di kaya’y

nangangailangan ng ibayong pag-iingat o paglalagay ng filter sa bawat

pangungusap upang hindi magdulot ng pakabigla sa mga murang isipan.

Dahil likas na mabilis magproseso ng bagong kaalaman ang mga bata,

madali rin nilang mapulot ang anumang gawing nasasaksihan sa paligid, mabuti

man o hindi kaaya-aya gaya ng pagmumura, bangayan, at maging karahasan.

Ang paggamit ng yupemistikong pananalita upang mapagaan ang anumang

bigat ng nais ipabatid ang nakalakhan ng marami sa atin.

Sa kasalukuyan kung saan tayo ang inaasahang maging tagapagmulat

ng kabataan, mahalagang mabigyan ng atensiyon ang mga panitikang pambata

na umaalpas sa nakagawian at nagsusulong ng kamalayan patungkol sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

maseselang paksa. Sa pagsasakatuparan nito, imperatibong pag-aralan ang

wikang ginamit sa pagsusulat ng mga akdang ito.

Ayon kay Tarrayo (2017), ang lingguwistika ay isang mabisang

kasangkapan para sa pagsusuring pampanitikan. Esensiyal ito bilang isang

larang para sa pag-unawa sa estruktura, porma, at mga epekto ng panitikan;

kaya malalim na nagdaragdag ang lingguwistika sa karanasan at

pagpapahalaga ng isang tao sa panitikan. Binigyang-diin niya na sa pagbibigay-

kahulugan sa mga akdang pampanitikan, dapat maigting na magtambal ang

wika at panitikan para sa ikahuhusay at ikalilinaw ng pagsusuring tunguhing

habihin. Sa pagpapalawig ni Manzanilla (2015), bilang sangay ng lingguwistika,

ang estilistika (stylistics) na pagsasama ng dalawang salitang “estilo” (sa

panitikan) at “lingguwistika” (o siyentipikong pag-aaral ng wika) ay isang

metodolohikal na balangkas sa pagsusuri ng wika sa panitikan. Ito ang

lingguwistikong pagsusuri ng estilo sa panitikan sa pamamagitan ng

sistematikong pagtingin sa mga pormal na katangian ng isang teksto at

pagtukoy sa kanilang kahalagahang pantungkulin (functional significance) para

sa interpretasyon ng teksto. Para naman sa mga estilistiko (stylisticians), ang

mga anyo, dibuho (pattern), at antas ng wika (hal., ponolohiya, morpolohiya,

sintaks, semantika) ay mahahalagang tanda ng esensiya ng isang teksto.

Sa kabuoan, masasabing isa sa mga pangunahing layunin ng

pagkakalimbag sa dalawang kuwentong pambatang nabanggit ay ang magturo


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

ng basikong seksuwal na edukasyon sa mga musmos kaya’t napagdesisyunan

ng mga mananaliksik na pagtuonan ang paksang ito upang lusawin ang

konserbatibong pagtingin sa ganitong mga usapin, kung saan madalas gamitan

ng mga yupemistikong termino o katawagan ang ari ng lalaki at babae dahil

“bulgar” at “bastos” ang kiki at titi dahilan upang maging salat sa mahahalagang

karunungan hinggil dito ang kabataan.

Layon ng pananaliksik na suriin ang pagkakagamit ng wikang Filipino sa

dalawang aklat-pambatang may pamagat na “Ako ay May Titi” at “Ako ay May

Kiki” sa estilistikong pagsipat—sa pamamagitan ng paghihimay sa mga

pangwikang elementong nakalilok sa mga ito. Intensiyon ng mga mananaliksik

na buksan ang diskurso sa papel ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtukoy

at pagtalakay sa mga pribadong bahagi ng katawan at pagsasaposisyon nito sa

mga kuwentong pambata.

Inaasahan ding sa pagtatapos ng pananaliksik ay makita nang may

kalinawan ang implikasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa panitikang

pambata sa paghubog ng kamalayan ng mga batang Pilipino.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na pinamagatang Estilistikong Pagsusuri sa Paggamit

ng Wikang Filipino sa mga Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi” at

“Ako ay May Kiki” ay tutugunan ang sumusunod na mga suliranin:

1. Paano nakatulong ang diksiyon o pagpili ng salita ng mga may-akda sa

pagbubuo ng mga parirala sa dalawang kuwento?

2. Ano ang naging gampanin ng sintaks o pagkakabuo ng mga parirala sa

paghahabi ng diwa ng mga sugnay sa dalawang kuwento?

3. Paano naging esensiyal ang gramatikal na estruktura ng mga akda sa

pagpapamalas ng kaangkupan nito sa edad ng mga mambabasa?

4. Paano napatibay ng semantikal na ugnayan ng diksiyon, sintaks, at

gramatikal na estruktura ang pagbubuo ng kuwento ng mga akda?

5. Ano ang saysay ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtalakay ng

seksuwal na edukasyon batay sa isinagawang estilistikong pagsusuri?

Balangkas Teoretikal

Sinipat at nilapatan ng suri ng mga mananaliksik ang pagkakagamit ng

wikang Filipino sa dalawang kuwentong pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako

ay May Kiki” gamit ang sangay ng lingguwistika na Estilistika (Stylistics) bilang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 13

batayang teorya sa pagbuo ng estilistikong pagsusuri. Sinandigan ng pagsusuri

ng mga mananaliksik ang talakay ng estilistika nina Widdowson (1975),

Simpson (2004) at Jeffries & McIntyre (2010) na kapwa mga nakilala bilang

naunang nagsulong at nagtatag ng larang na ito.

Estilistika Bilang Sangay ng Lingguwistika

Tumutukoy ang estilistika sa kasanayan sa paggamit ng lingguwistika sa

pag-aaral ng panitikan, at gayundin sa iba pang teksto (Leech, 1969, sinipi mula

kay Sunday, 2011; Tarrayo, 2017; Jeffries & McIntyre, 2010; Widdowson, 1975;

Manzanilla, 2015; Simpson, 2004). Dagdag pa ni Tismo (2008), bilang isang

matayog nang lapit sa pagsusuri ng teksto, binibigyang-tuon dito ang

kasanayan sa paggamit ng wika sa pag-aaral ng panitikan lalo’t mas partikular

ang estilistika sa larang ng lingguwistika kaysa sa iba pang pampanitikang

prinsipyo. Sinasabi naman ni Simpson (1993, sinipi mula kay Tismo, 2008) na

nag-aalok ang mga tekstong pampanitikan ng naaakmang lugar upang

masubok ang mga prinsipyo at tuntunin ng lingguwistika.

Sa pagpapalawig ni Widdowson (1975), may kinalaman ang estilistika sa

pagsusuri, interpretasyon, at sa mismong wika; kung ano ang ibig sabihin ng

teksto at kung bakit at paano nito binibigyang-bihis at buhay ang esensiya ng

akda. Sa pagpapatuloy ni Tismo (2008), ipinalalagay na purong ‘obhetibo’

(objective) na pamamaraan ng pagsusuri sa teksto ang estilistika dahil ganap

itong nakasandig sa agham ng lingguwistika. Dahil sa pagbatay na ito ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 14

estilistika sa lingguwistika, patuloy na ihinahanay ng estilistika ang mga

pamamaraan nito kasabay at kaalinsunod sa mas sopistikadong pag-unlad ng

larang ng lingguwistika.

Bilang sangay ng lingguwistika, nagsisilbing paraan ng tekstuwal na

interpretasyon ang estilistika kung saan ang kahigitan ng tuon ay nakatakda sa

wika (Simpson, 2004, sinipi mula kay Tarrayo, 2017). Para sa mga estilistiko

(stylisticians), ang mga anyo, dibuho (pattern), at antas ng wika (hal.,

ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika) ay mahahalagang tanda ng

esensiya ng isang teksto. Mahalaga sa kahulugan ng estilistika ang ugnayang

ito sa pagitan ng anyo at tungkulin ng teksto.

Sa pagpapatuloy ni Tarrayo (2017), nagpapatunay ang lingguwistika, na

isang mabisang kasangkapan para sa pagsusuring pampanitikan, na esensiyal

siya bilang isang larang para sa pag-unawa sa estruktura, porma, at mga epekto

ng panitikan; kaya malalim na nagdaragdag ang lingguwistika sa karanasan at

pagpapahalaga ng isang tao sa panitikan.

Dagdag pa ni Tismo (2008), anumang teksto, kabilang ang lahat ng uri

ng tekstong pampanitikan, ay palaging itinuturing na isang lingguwistikong

konstruksiyon (linguistic construct) at sa gayon, ay maaaring palaging iproseso

bilang lingguwistikong konstruksiyon. Kasama sa posisyong ito,

nangangailangan ang isang pagtatangka na alamin ang kahulugan ng anumang

teksto ng masusing pagsusuri sa wika ng tekstong sinusuri.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 15

Nakasalalay ang konsepto sa likod ng estilistika sa paniniwala na ang

mga may-akda, malay man o hindi, ay sumusulat sa o mula sa isang partikular

na pananaw na may partikular na intensiyon sa isip upang makamit ang isang

layunin (Fairclough, 2003, sinipi mula kay Manzanilla, 2015). Ginagawa ito ng

may-akda sa pamamagitan ng masining na pagpili ng mga salita o termino at

mahusay na pagsasaayos o paghahabi ng mga naturang elemento upang

makabuo ng masikhay na naratibo sa isang akdang pampanitikan.

Tinalakay ni Tarrayo (2017) na sa pagbibigay-kahulugan sa mga akdang

pampanitikan, dapat maigting na magtambal ang wika at panitikan para sa

ikahuhusay at ikalilinaw ng pagsusuring tunguhing habihin. Binigyang-diin

naman nina Jeffries at McIntyre (2010) na nakabatay sa teksto ang estilistika.

Sa isang punto, nangangahulugan itong walang sangay ng pag-aaral na

estilistika kung walang tekstong sinusuri.

Sa paliwanag ni Khader (2010), agham ang estilistika na tumatalakay sa

kung paano nakikipag-ugnayan ang mga mambabasa sa wika ng mga teksto—

na karaniwan ay pampanitikan—upang maipaliwanag kung paano naiintindihan

at naaapektuhan ng mga teksto ang mambabasa kapag binabasa ang mga ito.

Dagdag pa ng may-akda, siyentipikong pag-aaral ng estilo ang estilistika, na

maaaring tingnan sa maraming paraan. Sa mas teknikal na sipat, ang estilistika

ay ang pag-aaral ng mga katangiang pangwika ng isang tekstong

pampanitikan—ponolohikal, leksikal, sintaktikal—na direktang nakaaapekto sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 16

kahulugan ng isang teksto o pahayag. Ang pagkakaiba-iba sa estilistika ay mula

sa mga pangunahing impluwensiya ng lingguwistika at panitikan.

Sa talakay naman ni Mambrol (2020), tumutukoy ang ilang mga lapit sa

estilistika sa paglalarawan ng estilo bilang isang nakagawiang anyo ng

pagpapahayag partikular ng isang may-akda o pag-iisip ng may-akda (authorial

psyche), habang nagsisimula sa estilo ang ibang mga format bilang isang

pampakiramdam (affective) na tugon na nabuo sa mambabasa.

Dagdag pa, katulad ng mga mapagpahayag at mapagtanggap na lapit

(expressive and receptive approaches) na ito ay ang mga kahulugan na

tinitingnan ang estilo bilang pagpapahiwatig ng isang mas malaking konteksto:

kultural na sensibilidad (cultural sensibility), makasaysayang panahon

(historical period), o pambansang damdamin (national feeling). Tumutukoy ang

mga lapit na mas nakadiin sa teksto sa estilo ng mga tuntunin ng isang partikular

na genre, o kaugnay ng iba pang mga rehistro ng lingguwistika, o bilang isang

sanga-sangang relasyon sa pagitan ng mga elemento ng mismong teksto.

Estilistika Bilang Tulay ng Wika at Panitikan

Ang estilistika, na paghahalo ng dalawang larang ng pag-aaral na estilo

(style) at lingguwistika (linguistics), ay isang lapit ng wika sa pampanitikang

pagsusuri na ginagamit upang masiwalat at matuklasan ang mga maingat na

pamamaraan na kinakasangkapan ng mga manunulat ng akdang pampanitikan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 17

upang makamit ang mga partikular na layuning pampagsusuri (Jeffries &

McIntyre, 2010, sinipi mula kay Manzanilla, 2015).

Sa pagpapatuloy ni Manzanilla (2015), ang estilistika, na pagsasama ng

dalawang salita—estilo (sa panitikan) at lingguwistika (o siyentipikong pag-aaral

ng wika) ay isang metodolohikal na balangkas sa pagsusuri ng wika sa

panitikan. Ito ang lingguwistikong pagsusuri ng estilo sa panitikan sa

pamamagitan ng sistematikong pagtingin sa mga pormal na katangian ng isang

teksto at pagtukoy sa kanilang kahalagahang pantungkulin (functional

significance) para sa interpretasyon ng teksto.

Ang pagsusuri ng wika sa panitikan, o estilistika, ay tugon ng mga iskolar

ng wika sa panawagan para sa higit pang makaagham at may lingguwistikong

kamalayan na pagsusuri. Sa mahabang panahon, pangunahing itinuturing ang

paraan ng kritisismong pampanitikan na isang teritoryo lamang ng mga iskolar

sa panitikan, na ibinabatay lamang ang karamihan ng mga pagsusuri sa mga

teoryang pampanitikan, na pinupuna rin dahil sa uri ng pagsusuri na kulang sa

empirikal na batayan (Salonga, 2006, sinipi mula kay Manzanilla, 2015).

Sa pagpapalalim pa ni Widdowson (1975) na isa sa mga kilalang

manunulat na unang nagsulong sa sangay ng lingguwistika na estilistika,

binigyang-linaw niya ito bilang pag-aaral ng panitikan mula sa oryentasyong

panlingguwistika. Dagdag pa niya, dapat tingnan ang pananaw na ang

pagkakaiba ng estilistika mula sa kritisismong pampanitikan at sa lingguwistika


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 18

ay tagapag-ugnay ito nitong dalawang mahalagang larang at sa ngayon ay wala

pa itong sariling domain.

Aniya, maaaring magsagawa ng lingguwistikong pag-uusisa o pagtataya

nang walang anumang pagsangguni sa kritisismong pampanitikan, nguni’t

sinasabi ng ilang mga lingguwistang hindi maaaring magsagawa ng mga

pagsusuri sa kritisismong pampanitikan nang walang anumang pagtukoy sa

lingguwistika dahil ang kritiko ng panitikan ay dapat na kasangkot sa anumang

talakayan hinggil sa wika. Gayunpaman, kinabibilangan ang estilistika ng

parehong panitikan at panlingguwistikang pagsusuri; gaya ng iminumungkahi

ng morpolohikal na pagkakabuo sa salitang ito—ang bahagi ng ‘estilo’ (style)

na nauugnay sa panitikan at ang bahagi ng ‘istika’ (istics) na panlingguwistika.

Sa paglilinaw ni Widdowson (1975), sinabi niyang wala pang sariling

domain o awtonomiya ang estilistika nguni’t hindi nangangahulugang hiwalay

sa iba pang mga disiplina ang larang ng lingguwistika at kritisismong

pampanitikan. Malaya at may awtonomiya ang dalawang ito sa kabila ng

katotohanang patuloy silang kumukuha at humihiram ng mga idea at

pamamaraan mula sa ibang mga disiplina. Ang puntong nais sabihin ni

Widdowson (1975), sa kasalukuyang yugto ng pag-unlad ng estilistika, wala pa

sa ganitong katayuan ng awtonomiya ang sangay ng pag-aaral na ito, nguni’t

maaaring umasa na balang araw ay makakamit din ito ng estilistika.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 19

Dagdag naman nina Jeffries at McIntyre (2010), hindi dapat ikahon ang

estilistika sa iisang partikular na teoretikal na pananaw o pamamaraan. Sa

kabuoan, pangunahing lakas ng estilistika ang manatiling bukas sa mga bagong

teorya ng wika at panitikan, at umunlad sa pamamagitan ng pagsasama ng mga

bagong pananaw na ito sa kasanayan ng naturang larang.

Sa aklat ni Widdowson (1975), tinitingnan ang estilistika bilang isang

larang na namamagitan sa gitna ng dalawang disiplina—lingguwistika at

panitikan. Binigyang-paglalarawan niya ang tinatalakay niyang ugnayan ng

dalawang disiplina sa binuo niyang dayagram sa ibaba:

Pigura 1

Konsepto ni Widdowson ng Estilistika (1975, p. 4)

Disiplina: lingguwistika pagsusuring pampanitikan

estilistika

Paksa: wika panitikan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 20

Sa pagpapaliwanag ni Widdowson (1975), naglalayon ang simpleng

balangkas na ito na mailarawan ang esensiya ng estilistika at maipakita ang

katotohanang hindi ito isang nagsasarili o may awtonomiyang disiplina o larang

bagkus ay isang tulay na nag-uugnay sa mga disiplina at paksa. Gaya ng

ipinahihiwatig ng dayagram, ang ugnayang ito ay hindi lamang sa pagitan ng

disiplina at disiplina, paksa at paksa kundi pati na rin sa pagitan ng paksa at

disiplina at ang kabaligtaran.

Mula rito, sinasabi ni Widdowson (1975) na maaaring magsilbi ang

estilistika bilang isang kaparaanan kung saan ang panitikan at wika bilang mga

paksa ay maaaring lumipat patungo sa parehong lingguwistika at pagsusuring

pampanitikan sa pamamagitan ng isang proseso ng unti-unting pagtatantiya.

Kaya’t sa huli ay iminungkahi ng may-akda na maging daan ang estilistika sa

pag-unlad ng isang iskolar o mag-aaral ng wika mula sa alinman sa wika o

panitikan patungo sa alinman sa pagsusuring pampanitikan o lingguwistika.

Layunin ng Estilistika

Sa libro ni Simpson (2004), tinanong niya kung bakit dapat aralin ang

estilistika. Aniya, ang pag-aaral ng estilistika ay paggalugad sa wika, at mas

partikular, ang paggalugad sa malikhaing paggamit ng wika. Sa gayon,

nagpapayaman ang pag-aaral ng estilistika sa mga pamamaraan sa pag-iisip

tungkol sa wika at gaya ng naobserbahan, nag-aalok ang paggalugad sa wika


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 21

ng pagkakamit ng mas masikhay na pag-unawa sa mga teksto, partikular sa

pampanitikang teksto.

Sa talakay naman ni Tarrayo (2017), nilulutas ng estilistika ang mga

problema ng interpretasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga

kongkretong dahilan kung bakit mas posible ang isang tiyak na estruktura kaysa

sa iba. Dahil ang mga teksto ang pangunahing datos sa pagsusuring

pampanitikan, nagbibigay-daan ang pagkakaroon ng mga tekstuwal na tampok

tulad ng mga bantas, salita, at pangungusap sa pag-unawa sa esensiya ng mga

akdang pampanitikan. Mula rito, napakahalaga ng sapat na mga paglalarawang

tekstuwal ng mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng pagsusuring

pangwika kung may gagawin o bubuoing anumang kritisismo o pagsusuri.

Sa pagpapatuloy ni Simpson (2004), sa buong hanay ng mga modelong

pangwika na mayroon sa kasalukuyan, isang likas na pamamaraang

nagbibigay-linaw sa pamamagitan ng analitikong pagsisiyasat ang maaaring

magamit. Dagdag niya, mahalaga ang pamamaraang ito ng pagtatanong dahil

makapagbibigay ito ng linaw sa mismong sistema ng wika na pinanggagalingan

nito; itinatakda nito ang mga talakay tungkol sa mga ‘tuntunin’ ng wika dahil

madalas nitong ginagalugad ang iba’t ibang uri ng mga teksto. Pagsusuma ni

Simpson (2004), palaging nangunguna ang interes sa wika sa

kontemporanyong pagtatasa ng estilistika kung kaya’t hindi dapat ito aralin

maliban kung interesado sa wika.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 22

Sa pagbubuo ni Simpson (2004) ng mas pormal na pagbabalangkas sa

kaniyang mga obserbasyon, ipinalalagay niyang maaaring umayon ang

pagsasagawa ng pagsusuring estilistika sa mga sumusunod na tatlong

pangunahing prinsipyo, na kinakatawan ng tatlong letrang ‘Ms’ (tatlong ‘Rs’ sa

Ingles). Ang tatlong Ms ay nagsasaad na:

• ang estilistikong pagsusuri ay dapat masinop (rigorous);

• ang estilistikong pagsusuri ay dapat mababalikan (retrievable);

• ang estilistikong pagsusuri ay dapat mauulit (replicable).

Sa pagpapaliwanag ni Simpson (2004), kapag sinabing masinop ang

estilistikong pamamaraan, nangangahulugang dapat nakabatay ito sa isang

tahasang balangkas ng pagsusuri. Hindi produkto ang estilistikong pagsusuri

ng isang di-organisadong pagkakasunud-sunod ng mga biglaan at malalabong

panuntunan sa halip ay bumabatay ito sa mga masikhay na estruktura ng

modelo ng wika at diskurso na nagpapaliwanag kung paano pinoproseso at

nauunawaan ang iba’t ibang dibuho (pattern) sa wika.

Sa pagpapatuloy ni Simpson (2004), kapag sinabing mababalikan ang

estilistikong metodo, nangangahulugan itong isinaayos ang pagsusuri sa

pamamagitan ng mga tahasang termino at pamantayan, na napagkasunduan

ang mga kahulugan ng iba pang mga mag-aaral ng estilistika. Bagama’t

napatunayan nang mahirap tukuyin nang eksakto ang mga tumpak na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 23

kahulugan para sa ilang aspekto ng wika, mayroong pinagkakasunduan tungkol

sa kung ano ang ibig sabihin ng karamihan sa mga termino sa estilistika.

Nagbibigay-daan ang pagkakasundong ito sa iba pang mga mag-aaral, iskolar,

o dalubhasa sa estilistika na masundan ang prosesong pinagtibay sa isang

pagsusuri, upang masubukan din ang mga pamamaraang ginamit at makita

kung paano naabot ng pagsusuri ang kongklusyon nito; upang mabawi, sa

madaling salita, ang estilistikong analisis.

Panghuli, kapag sinabing may kakayahan ang isang estilistikong

pagsusuri na maulit sa ibang konteksto, hindi nangangahulugan na dapat

subukang kopyahin ang gawa ng bawat isa. Sa talakay ni Simpson (2004),

nangangahulugan lamang ito na dapat may sapat na kalinawan (transparency)

ang mga pamamaraan upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang mga

estilistiko na masuri ang mga ito, alinman sa pamamagitan ng pagsubok sa

parehong teksto o sa pamamagitan ng paglalapat ng mga ito sa iba pang mga

teksto. May prinsipyong maaabot ang mga kongklusyon kung nauulit ang

proseso at tahaking sinusundan ng pagsusuri at maaaring makopya sa iba pang

konteksto. Sa ganang ito, isang mahalagang kakaniyahan ng estilistika ang

katangiang nauulit at nalalapat sa iba pang konteksto ng pagsusuri dahil

naglalayon itong idistansiya ng estilistika ang sarili mula sa ibang praktikang

umiiral lamang dahil sa hindi pa nasusubok o hindi masusubok na mga

pamamaraan.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 24

Estilistika at mga Antas ng Wika

Sa talakay pa rin ni Simpson (2004), sa naging pagtingin sa

metodolohikal na kahalagahan ng tatlong Ms, mahalaga naman dito ang

pagtatatag ng ilan sa mga mas pangunahing kategorya, antas, at yunit ng

pagsusuri sa wika na makatutulong sa pag-aayos at paghubog ng isang

estilistikong pagsusuri. Sa pinakamalawak na konseptuwalisasyon nito, hindi

isang disorganisadong lupon ng mga tunog at simbolo ang wika, nguni’t sa halip

ay isang masalimuot na sanga-sanga ng mga antas, leyer, at kawing. Kaya ang

anumang pagbigkas o piraso ng teksto ay nakaayos sa pamamagitan ng ilang

natatanging antas ng wika.

Mula sa pagbabalangkas ni Simpson (2004), narito ang isang listahan

ng mga pangunahing antas ng wika at ang mga nauugnay na terminong teknikal

sa pag-aaral ng wika, kasama ang maikling paglalarawan ng kung ano ang

saklaw ng bawat antas:

Talahanayan 1

Mga Antas ng Wika

Antas ng wika Sangay ng pag-aaral ng wika

Ang tunog ng sinasalitang wika; ang


ponolohiya; ponetiks
paraan ng pagbigkas ng mga salita.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 25

Ang mga pattern ng nakasulat na


grapolohiya
wika; ang hugis ng wika sa pahina.

Ang paraan ng pagbuo ng mga

salita; mga salita at mga morpolohiya

estrukturang bumubuo rito.

Ang paraan ng pagsasama ng mga

salita sa iba pang mga salita upang


sintaks; gramatika
makabuo ng mga parirala at

pangungusap.

Ang mga salitang ginagamit natin;


pagsusuring leksikal; leksikolohiya
ang bokabularyo ng isang wika.

Ang kahulugan ng mga salita at


semantiks
pangungusap.

Ang paraan ng paggamit ng mga

salita at pangungusap sa pang-araw-


pragmatiks; pagsusuri ng diskurso.
araw na sitwasyon; ang kahulugan

ng wika sa konteksto.

Maaaring masipat at magamit ang mga pangunahing antas ng wikang ito

sa estilistikong pagsusuri ng teksto, na kung saan ginagawang mas organisado


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 26

at may daloy ang mismong pagsusuri, higit pa sa pagsunod sa prinsipyo ng

tatlong Ms. Gayunpaman, kung ano ang ganap na sentro sa pag-unawa sa wika

(at estilo) ay magkakaugnay ang mga antas na ito: nasasangkot at umaasa sila

sa isa’t isa at kumakatawan sa maramihan at sabay-sabay na mga operasyong

pangwika sa pagpaplano at paggawa ng isang pahayag.

Mga Elemento ng Estilistika

Sa talakay ni Manzanilla (2015), gumagamit ang mga manunulat ng sarili

nilang estilo sa kanilang mga akda, at naniniwala ang mga iskolar na nag-aaral

sa estilistika na mayroong mga nakikilalang elemento ng estilo sa

pangkalahatan na maaaring magmarka o magbigay-identidad sa iba’t ibang

manunulat. Sumasang-ayon ang iba’t ibang mga iskolar na kinabibilangan ang

mga elemento ng pangkalahatang estilistika ng: Tagapagsalaysay (Narrator),

Punto de Bista (Point of View), Pagpili ng Salita o Diksiyon (Word Choice),

(Indibidwal) na Gramatika, Pagkakabuo ng Parirala at Pangungusap o Sintaks,

Alegorya (Allegory), Simbolismo, Tono, Larawang-Diwa (Imagery), Paksa

(Motif), Bantas (Punctuation), Imahinasyon, Pagkakaisa (Cohesion),

Suspensiyon ng Di-paniniwala (Suspension of Disbelief), at Boses (Voice).

Subali’t mahalagang tandaan na labis na mapiling gawain ang

estilistikong pagsusuri. Naniniwala sina Leech at Short (2007, sinipi mula kay

Tarrayo, 2017) na ang bawat estilistikong analisis ay nangangailangan ng

maingat na pagpili ng ilang mga panlingguwistikang tampok at katangian


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 27

habang hindi iniintindi ang ilan; kaya sinasabing lubos na mapiling gawain ang

isang estilistikong pagsusuri, na maaaring tumuon lamang sa iilang mga tampok

o prinsipyo. Sinusubukang itatag ng estilistikong seleksiyon ang ugnayan sa

pagitan ng kahalagahan ng isang teksto at ang mga katangiang pangwika kung

saan ang esensiya ng teksto ang dapat maipakita at maitampok (Tarrayo,

2017).

Sa konteksto ng pag-aaral na ito, pinili lamang ng mga mananaliksik ang

mga elemento ng estilistika na nakikitang akma upang masuri ang

pagkakagamit ng wikang Filipino sa mga kuwentong pambatang susuriin.

Pangunahing nakatuon ang analisis ng pag-aaral na ito sa mga elementong

pagpili ng salita o diksiyon, pagkakabuo ng parirala o sintaks, gramatika,

at semantika.

Ipinaliwanag nang detalyado ang bawat elemento, ang partikularidad ng

mga ito, at kung paano gagamitin ang bawat isa sa paglalapat ng suri sa

dalawang kuwento sa bahaging Kabanata 3, Metodo sa Pagsusuri ng Datos.

Sa pamamagitan ng pagtutulay-tulay ng mga analisis, layon ng mga

mananaliksik na higit na mapalalim ang estilistikong pagsusuri na bubuoin

hinggil sa dalawang kuwentong pambata.

Kakatwang pag-aralan ang mga kuwentong pambata dahil madalas ay

nababaon na ito malayo sa hinagap ng mga intelektuwal at pantas (Hunt, 2002).

Kaya’t gamit ang sangay ng pag-aaral na estilistika (stylistics) bilang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 28

pangunahing teorya sa paglalapat ng pagsusuri habang gabay ang ilan sa mga

elemento nito, hihimay-himayin ng mga mananaliksik ang pangwikang

katangian ng dalawang kuwentong pambata nang makapagpanday ng

masikhay na estilistikong pagsusuri na lumalangkap at tumatalunton sa naging

gamit ng wikang Filipino sa dalawang akdang pampanitikan na susuriin.

Ayon kay Anderson (2016), proseso ang pampanitikang pagsusuri ng

paghihilatsa ng mga detalyeng pangwika sa maliliit na piraso na makikita sa

mga akdang pampanitikan. Ang panitikan ay maaaring isang tula, nobela,

pandulaang akda, maikling kuwento, talaarawan, o personal na sanaysay.

Kinakailangan sa pampanitikang analisis ang pagpapahayag ng sariling mga

idea at sipat hinggil sa akda. Ibinabatay ang mga kuro o dalumat sa masinsing

pagsusuri sa paggamit ng wika ng may-akda.

Bilang pangunahing teorya sa paglalapat ng estilistikong pagsusuri ang

sangay ng pag-aaral na estilistika, kasasangkapanin naman ng mga

mananaliksik ang apat na mga nabanggit na pangwikang elemento bilang

gabay sa pagbuo ng estilistikong pagsusuri. Una na rito ang diksiyon o pagpili

ng salita. “Ang salita ay napakalaking elemento ng komunikasyon” (Maggay,

2002, p. 13). Sa makinis na pagsusuri ng panitikan, kailangan ang tapat na

atensiyon sa paraan ng paggamit at pagpili ng may-akda ng mga salita. Dagdag

pa ni Anderson (2016), “ang paraan o estilo ng pagsulat ng may-akda ay


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 29

singhalaga rin ng mismong isinusulat niya” (tal. 7) (makikita ang detalyadong

pagpapalawig sa Kabanata 3, Metodo sa Pagsusuri ng Datos).

Pangalawa ang sintaks o pagkakabuo ng pangungusap. Maraming

maipapalagay sa paraan kung paano binuo ng may-akda ang kaniyang

pangungusap. Dagdag pa ni Anderson (2016), maaaring magpahayag ang

maiikling pangungusap na putol-putol ang diwa ng nagsasalaysay habang ang

mahahaba naman ay maaaring tanda ng paglalarawan ng may-akda ng

mahahalagang bagay.

Sa paglalagom nina Anderson at Ward (2022), ang paggamit ng lahat ng

iba’t ibang elemento ng estilo ay nagbibigay-daan sa mga may-akda upang

makalikha ng mga natatanging piraso ng pagsulat na partikular na

nagpapahayag ng kanilang mga idea, kaisipan, o kuwento. Ang iba’t ibang

elementong ito, na pinagsasama-sama ng mga manunulat sa isang walang

katapusang hanay ng mga posibilidad, ay gumagawa ng pinong sining ng

panitikan at malikhaing pagsulat.

Samakatuwid, batay sa mga inilatag na pagpapakahulugan, makabubuo

ang mga mananaliksik ng isang paradaym na magbibigay-paglalarawan sa

proseso ng paglalapat at pagbubuo ng estilistikong pagsusuri sa isang akdang

pampanitikan gamit ang sangay ng pag-aaral na estilistika sa gabay ng apat na

mga nabanggit na pangwikang elemento.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 30

Pigura 2

Proseso ng Pagbubuo ng Estilistikong Pagsusuri sa Isang Akdang

Pampanitikan

Estilistika
(Stylistics)
Estilistikong
Akdang - gabay ang 4 na
Pagsusuri
Pampanitikan . Pangwikang
(Literature) Elemento (Stylistic
(diksiyon, sintaks, Analysis)
gramatika, at
semantika)

Masasabing isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakalimbag sa

dalawang kuwentong pambata ang magturo ng basikong seksuwal na

edukasyon sa mga musmos at sa kabuoan, upang lusawin ang konserbatibong

pagtingin sa ganitong mga usapin. Madalas gamitan ng mga yupemistikong

termino o katawagan ang ari ng lalaki at babae dahil “bulgar” at “bastos” ang

kiki at titi dahilan upang maging salat sa mahahalagang karunungan hinggil dito

ang mga bata.

Kaugnay nito, sinikap namang ipaliwanag ni Pamela Constantino sa

kaniyang papel na “Euphemism/Yupemismo sa Lenggwahe ng mga Pinoy” ang

karaniwang dahilan sa hindi tuwirang pagpapahayag ng mga Pilipino sa

nararamdaman na nagreresulta sa paggamit ng pahiwatig o kaya’y yupemismo.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 31

Pahayag niya, ayaw ng Pilipinong mapahiya o kaya’y mawalan ng pag-asa ang

kaniyang kausap kaya may paraan siya sa pag-iwas. Maaaring masuri na ang

ganitong gawi ng mga Pilipino sa komunikasyon ay upang mapanatili ang

mabuting pakikitungo at pagpapanatili ng konseptong “pakikipagkapuwa” sa

sinumang kausap o patutunguhan ng mensahe (Constantino, 2003, sinipi mula

sa “Pahiwatig at Yupemismo sa Komunikasyong Pilipino,” 2020).

Sa huli, ang mga suri at siyasat na ibubunga ng paglalarawan ng

penomenong pangwika at pangkultura ang magiging batayan ng mga

mananaliksik sa pagbuo ng mga interpretasyon at/o dalumat-suri (Zafra, 2016).

Balangkas Konseptuwal

Nilapatan ng suri ng mga mananaliksik ang pagkakagamit ng wikang

Filipino sa dalawang kuwentong pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako ay May

Kiki” gamit ang sangay ng lingguwistika na Estilistika (Stylistics) bilang

batayang teorya sa pagbuo ng estilistikong pagsusuri habang gabay naman ang

apat na pangwikang elementong pumapailalim sa pag-aaral na estilistika—

diksiyon o pagpili ng salita, sintaks o pagkakabuo ng parirala, gramatika,

at semantika. Nagmula ang paliwanag ng diksiyon sa talakay ni Ellis (2022),

pinagbatayan naman ng paliwanag ng sintaks ang talakay rito ni Ceña (2012),

sumangguni naman ang mga mananaliksik sa talakay ni Simpson (2004) ng

gramatika at panguli, sa talakay ni Leech (1974) ng semantika. Sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 32

pangkalahatan, sinandigan ng mga mananaliksik ang talakay ng estilistika nina

Widdowson (1975), Simpson (2004), at Jeffries & McIntyre (2010) na kapwa

mga nakilala bilang naunang nagsulong at nagtatag ng larang na ito.

Masusundan ang kabuoang proseso ng pagbuo ng mga mananaliksik sa

estilistikong pagsusuri ng dalawang kuwentong pambata gamit ang paradaym

sa ibaba:
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 33

Pigura 3

KUWENTONG PAMBATANG “AKO AY


MAY TITI” AT “AKO AY MAY KIKI”

Estilistika (Stylistics)

gabay ang 4 na Pangwikang Elemento

Diksiyon

Sintaks

Gramatika

Semantika

Estilistikong Pagsusuri sa mga


Kuwentong Pambatang “Ako ay May
Titi” at “Ako ay May Kiki”
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 34

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa estilistikong pagsusuri sa

pagkakagamit ng wikang Filipino at sa pangwikang mga elementong nakalilok

sa dalawang kuwentong pambatang “Ako ay May Titi” na isinulat ni Genaro R.

Gojo Cruz at “Ako ay May Kiki” na isinulat ni Glenda C. Oris, at wala nang iba

pang akdang susuriin.

Bilang siyasat sa pagkakagamit ng wika ang kabuoang tunguhin ng

pananaliksik, ang pagsusuri ay limitado lamang sa tekstuwal na aspekto ng

dalawang kuwentong pambata at hindi na nito sakop ang ilustrasyon, kulay, at

iba pang grapikong elementong makikita sa dalawang akda.

Gamit ang apat na mga pangwikang elementong pumapailalim sa

estilistika (stylistics) na diksiyon o pagpili ng salita, sintaks o pagkakabuo ng

parirala, gramatika, at semantika, hihimayin ng mga mananaliksik ang

pangwikang mga elementong nakalilok sa dalawang kuwentong pambata nang

makapagpanday ng masikhay na estilistikong pagsusuri.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa estilistikong pagsusuri ng wikang

Filipino sa dalawang kuwentong pambata na “Ako ay May Titi” at “Ako ay May

Kiki.” Ang resulta ng pag-aaral ay makatutulong sa mga sumusunod:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 35

Sa mga Manunulat at Mag-aaral ng Panitikan

Ang pagsusulat ng kuwentong pambata na may temang seksuwal sa

gitna ng katangian ng wika at lipunang Filipino na konserbatibo at tradisyonal

lalo't higit sa mga nakatatandang henerasyon ay isang komplikadong gawain

kaya’t malaki ang magiging tulong ng pag-aaral na ito upang matukoy ang mga

kahinaan, kalakasan, suliranin, at posibleng solusyon sa paggamit ng wikang

Filipino bilang pangunahing midyum sa paglikha ng mga ganitong uri ng

kuwento sa hinaharap.

Sa mga Magulang at mga Bata

Ang magulang at kanilang mga anak na siyang pangunahing

mambabasa at tagatanggap ng kaalaman mula sa mga nabanggit na kuwento

ay magkakaroon ng mas bukas na pagtingin at maluwag na pagtanggap sa mga

usaping seksuwal na lubos na mauunawaan sa tulong ng sariling wika.

Sa mga Guro at Mag-aaral ng Seksuwal na Edukasyon

Ang resulta ng pag-aaral ay maaaring maging batayan sa pagbuo ng

pundasyon at paunang hakbang sa pagtuturo ng seksuwal na edukasyon sa

pamamagitan ng mga kuwentong pambata na epektibong makapaghahatid ng

kaalaman sapagka’t nasusulat ang mga ito sa wikang Filipino.

Sa mga Kapwa Mananaliksik


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 36

Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging sandigan para sa mga

susunod pang pag-aaral na may kinalaman sa estilistikong pagsusuri sa

paggamit ng wikang Filipino sa mga kuwentong pambata, seksuwal na

edukasyon, at yupemismo sa wika at kultura.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 37

Kabanata 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Tinalakay sa bahaging ito ang mga lokal at banyagang pag-aaral maging ang

mga lokal at banyagang literaturang nahanap ng mga mananaliksik na kaugnay

ng paksa ng pag-aaral na ito.

Diwa ng Musmos: Pangwikang Pagsusuri sa mga Panitikang Pambatang

Filipino

Ang panitikang pambata ang malimit makaligtaang anyo ng panitikan.

Kawili-wiling pag-aralan ang ganitong mga kuwento dahil madalas ay nababaon

na ito malayo sa hinagap ng mga intelektuwal at pantas—nakakaligtaan dahil

kakaunting kritiko ang naglalaan ng panahon at isip upang suriin ito dahil sa

nakasanayan nang tingnan ang mga bata bilang mahina at mababang uri na

nilalang, na nagdudulot ng pagiging mapanghamak na pagturing ng ilan sa

pambatang panitikan (Gojo Cruz, 2007; Evasco, 2011; Hunt, 2002). Kadalasan,

ang pagsusuri ay nagtatapos na lamang sa tanong na kung ang kuwento ba ay

nagbibigay-aral o hindi sa mga bata kaya’t kahit pinagbabasa ang halos lahat

ng mga mag-aaral sa paaralan ay kakaunti ang nabibigyan ng pagkakataon at

natuturuan ng kakayahang masuri ang mga binabasa nilang akda gamit ang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 38

mga naitatag nang metodo o pamamaraan sa kritikal na pag-aanalisa ng mga

teksto (Gojo Cruz, 2007; Georgandis, 2010).

Binigyang-talakay rin ni Ordonez (2008) ang usapin hinggil sa katangian

ng wikang Filipino na patuloy na namamayani sa ating lipunan na hinuhubog ng

kaisipan, paniniwala, at pananaw ng mga tao. Idiniin niya sa kaniyang sanaysay

ang patuloy na pagkakakahon sa wika at ang pananatili nito sa kabansutan o

kawalan ng pagyabong at pag-unlad dahil sa iba’t ibang aspekto at puwersang

sumasagka sa higit pa nitong pamumukadkad.

Aniya, matagal nang nakabilanggo ang sariling wika ng bansa sa selda

ng pagkukunwari o ipokrisya. Pinatingkad ng kaniyang mga pahayag ang

tinatalakay ng pananaliksik na ito hinggil sa konserbatibong wika at lipunang

Filipino na palaging tumutuloy sa paggamit ng mga tao ng yupemistikong mga

termino lalo sa mga usaping “bulgar” o “bastos” para sa pandinig ng marami

dahil sa konsepto ng hiya. Dagdag pa ni Ordonez (2008), hindi magamit ng mga

tao ang eksaktong mga salita sa pagtukoy ng mga bagay lalo na kapag may

kinalaman sa seks at mga usaping itinuturing na kalaswaan ng “nagbabanal-

banalang lipunan.”

Idagdag pa ang namamayaning pagtanaw na mababaw at di-seryosong

anyong pampanitikan ang pambatang panitikan. Tinalakay ni Evasco (2011) na

dahil nga sa nakasanayan nang tingnan ang mga bata bilang mahina at

mababang uri na nilalang, nagdudulot ito ng pagiging mapanghamak na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 39

pagturing ng ilan sa wika, nilalaman, at kabuoang saysay ng pambatang

panitikan. Nariyan din ang mga pagkakataong makaririnig ng mga puna mula

sa iba na “pambata lang naman” o kaya’y hindi maituturing na seryosong pag-

aakda o pagsusulat ang mga kuwentong pambata. Maidaragdag pa rito ang

paniniwalang ang pagkatha ng panitikang pambata ay tuntungan lamang o

pagsasanay patungo sa mas dakila o mataas na panulat.

Dagdag pa ni Evasco (2011) na batay sa mga nailahad, pinatutunayan

lamang nito na marami ang nag-aakalang di-seryosong anyo ng panitikan ang

mga akdang pambata—na kaugnay ng hindi rin pagseryoso sa pagkabata

bilang mahalagang yugto sa pagkatao ng bawat isa. Sa mga lipunan sa iba’t

ibang dako ng daigdig, nagiging tanda agad ng kahusayan ang pagkagulang o

pagiging matanda. Ginagamit tuloy sa maraming pagkakataon na pambansag

na may intensiyong mangmaliit ang mga salitang “bata,” “paslit,” o “musmos.”

Dagdag pa ni Evasco (2011), kasama ring epekto ng ganitong baluktot na

pagtingin at paniniwala hinggil sa pagkabata ang mga katagang “marami ka

pang kakaining bigas” o “papunta ka pa lang, pabalik na ako.”

Daan sa paglilinang at pagpapayabong ng kaisipan ang pagsusulat ng

panitikan para sa mga bata at bilang isang espesyal na daluyan ng

komunikasyon, sinisiguro ng panitikang pambatang magagamit ang wika sa

paraang tumutugon sa kakayahan at pangangailangan ng isang batang

mambabasa (Fajilan, 2014). Simple mang gawain kung titingnan subali’t alam
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 40

ng sinumang manunulat na hindi basta-bastang kasanayan ang paghahabi ng

mga akmang salita upang makabuo ng isang kuwentong pambatang

makatutugon sa murang kamalayan ng mga bata habang huhusto sa wikang

kanilang naaabot nang hindi naman nasasagkaan ang proseso ng kanilang

pagkatuto ng mga bagong karunungan.

Sa aklat ni Evasco (2001, sinipi mula kay Aguila, 2017), sinabi niyang

bilang isang manunulat partikular ng panitikang pambata, nararapat pakaisipin

na ang kuwentong pambatang nililikha ay may pangunahing layunin na isulat

para sa mga bata at nararapat na tumutugon sa interes, pangangailangan, at

kapasidad sa pagbasa ng mga bata. Ayon pa sa kaniya:

Pinakamalaking kasalanan sa pagsusulat ng kuwentong pambata


ang gawing salimpusa ang mga batang tauhan sa loob ng
kuwento. Mahalagang ipamalas ang pagkabata ng isang bata,
ipakita ang kanilang kultura sa loob ng teksto. Laging payo ng
mga batikang manunulat na sumulat ng kuwento ukol sa tunay na
ginagawa at gusto ng mga bata. (p. 185)

Ipinaliwanag ni Hunt (2002) na “binubuo ng tatlong elemento ang pag-

aaral ng pambatang panitikan—ang akda, ang mga bata, at ang mga manunuri”

(p. 15). Sa magkabukod na papel nina Aguila (2017) at Fajilan (2014) ay kapwa

tinalakay at sinuri nila ang mga premyadong kuwentong pambata na nagwagi

ng unang gantimpala sa Gawad Palanca. Nagkaiba lamang sila ng mga sakop

na taon—mga nagwaging kuwento mula taong 2001-2010 ang sinuri ni Aguila


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 41

habang mga nagwaging kuwento sa taong 1995-2009 naman ang sinuri ni

Fajilan.

Pangunahing layunin ng deskriptibong pag-aaral ni Aguila (2017) na

masuri ang mga kuwentong pambatang nagawaran ng unang gantimpala sa

Gawad Palanca mula taong 2001-2010 upang matuklasan kung ang mga

nagwaging kuwento ay nagtataglay ng mga katangiang naaayon sa panunuring

pampanitikan na ang pokus ay ang mahahalagang elemento ng maikling

kuwentong pambata: banghay (plot), tauhan (character), tagpuan (setting),

tema (theme), at estilo (style) ng awtor na nakapaloob din sa ginamit na dulog

sa panunuring pampanitikan na text-focused at context-focused approach

(Norton, 2003; Lukens, 1995; Mcguire, 1982; Glazer, 1997, sinipi mula kay

Aguila, 2017).

Mahalaga ang bawat elementong ito upang masuring mabuti ang

katangian at nilalaman ng kuwento lalo na para sa mga mag-aaral na bumabasa

at tumatangkilik nito.

Tunguhin naman ng pag-aaral ni Fajilan (2014) na suriin ang varayti ng

wikang ginamit sa mga bata sa tulong ng naratibo ng walong kuwentong

pambatang nagwagi ng Palanca Award at Philippine Board of Books for Young

People (PBBY) na gantimpala mula 1995-2009—na may mga tema sa pagiging

ina o pagiging ama (motherhood or fatherhood). Natuklasan sa pag-aaral na

ang mga konsepto ng pagiging ina tulad ng tradisyonal na maybahay, OFW,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 42

single mother, at lesbian na ina; konsepto ng pagiging ama tulad ng OFW na

ama, environmentalist at rebolusyonaryong mga magulang ang katangian ng

mga piling kuwento.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ni Aguila (2017), natuklasan ng

mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pagsusuri ng mga akdang

ipinagagamit sa mga mag-aaral upang matasa ang kaangkupan nito sa

kanilang mga murang isipan at sa wikang kanilang naaabot. Mahalaga ang

pagkakaroon ng panimulang ebalwasyon upang matiyak ang kaakmaan nito sa

mga mambabasa at magamit bilang suplemento/kagamitang pampagtuturo.

Makabuluhang hakbangin ito na makatutulong nang lubos sa mga gurong

gumagamit ng mga genre na kagaya ng mga kuwentong pambata.

Kuwentong Pambata bilang Tagapagtalakay ng Seksuwal na Edukasyon

Ang mga kuwentong pambata ay itinuturing na hanguan ng kaalaman at

kabutihang-asal. Talamak ang temang wastong pag-uugali sa mga premyadong

kuwentong pambata na madalas makita sa mga komersiyalisadong bilihan ng

aklat. Ayon nga kay Gojo Cruz (2007), “nagiging instrumento tuloy ng

matatanda o ng lipunan ang panitikang pambata upang hubugin ang bata ayon

sa kanilang kagustuhan at pamantayan” (p. 12).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 43

Una nang kinuwestiyon ni Rolando Tolentino ang pag-iwas ng mga

panitikang pambata at mga manunulat sa maseselang paksa sa kaniyang

pahayag tungkol sa binasang papel na “Ang Pinag-aagawang Bata sa

Panitikang Pambata: Folklore, Media at Diskurso ng Bata” sa Unang

Pambansang Kumperensiya sa Panitikang Pambata sa UP Diliman, noong

Hulyo 2007. Ayon sa kaniyang mapanuring pagsisiyasat (sinipi mula kay

Evasco, 2008):

Bakit di tulad ng nakakatandang panitikan—at hindi lamang dahil


mas nauna itong umunlad—na maaring maging palaban ang
laman at porma ng sektoral at rehiyonal na panitikan, ang
panitikang pambata ay masyadong “wholesome” o ang
komentaryong panlipunan at historikal ay limitado sa personal na
antas? (p. 41)

Bunga ng konserbatibong kultura sa lipunang Filipino, kung saan

itinuturing na sensitibo ang usaping seksuwal, hindi naging madali ang

pagtanggap ng mga Pilipino sa mga kuwentong pambata na tumatalakay rito.

Gayun pa man, maraming kuwentong pambata pa rin ang nailathala na

pumapaksa sa usaping seksuwal partikular sa pang-aabuso.

Sa pag-aaral ni Evasco (2008), sinuri ang ilang panitikang pambata na

umalpas sa karaniwang paksa at estilo gaya ng Ang Batang Ayaw Gumising

(1997) ni Rene O. Villanueva, Erika and Jay Learn the Touching Rules (2005)

ni Ma. Agnes Cayaban, Hoy bata! Mahalaga ka! Sina Biboy at Nina para sa

patakaran sa ligtas na paghawak (2005), at Ang Aking Aklat para sa Pansariling


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 44

Kaligtasan (2003) ng CPTCSA. Hinimay niya ang naging kalakasan at kahinaan

ng mga panitikang pambata pagdating sa estilo ng pagkakasulat: mga salita at

simbolismong ginamit, gayundin sa elemento: mga tauhan, tagpuan, at iba pa.

Sa kaniyang suhestyon sa mga naturang akda, iginiit niya na kailangan nang

iwasan ang mga yupemismo at metapora ng mga seksuwal na bahagi ng

katawan gaya ng paggamit ng bulaklak, bibingka, monay, at ibon sa mga

termino sa ari. Mas mabuti rin umanong gawing komportable ang mga bata sa

pagtukoy ng ngalan ng bahagi ng katawan upang maging komportable rin silang

magkuwento at magbahagi ng kanilang danas, masama man ito o hindi.

Pinuri naman niya ang kapangahasan ng mga aklat sa pagtalakay ng

sensitibong paksa, maging sa patuloy na pagkukuwento hanggang sa marinig

ang danas ng karamihan sa batang Filipino. Sinisira umano nito ang nosyon na

inosente, wholesome, at ligtas sa anumang ideolohiya at politika ang mga aklat-

pambata. Naghahain din umano ang mga ito ng matatapang na akdang hindi

naitatampok sa komersiyal na paglalathala o produksiyon na isaalang-alang

ang panlasa at pintig ng interes ng mga bata sa panggitnang uri.

Bukod sa estilo ng pagsulat, malaking tulong din ang ilustrasyon sa

paghahatid ng kahulugan sa paraang hindi mabibigla sa seksuwal na

impormasyon ang mga batang mambabasa o binabasahan. Halaw sa pahayag

ni Gojo Cruz (2007):


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 45

Hindi maaaring ihiwalay ang ilustrasyon ng kwento sa kwento


mismo. Integral na bahagi ng kwento ang ilustrasyon. Sa mga
batang hindi pa nakababasa, malaki ang ginagampanan ng mga
ilustrasyon. Pinupunan ng ilustrasyon ang mga hindi nila
mabasa/maunawaan sa teksto ng kwento. Ang mga ilustrasyon
ay kwento ring sinusundan ng bata. (p. 15-16)

Patunay lamang ito na mabisang instrumento ang mga kuwentong

pambata bilang tagapagtalakay ng usaping seksuwal.

Kaugnay nito, hindi na rin bago ang pagtatangkang gamitin ang mga

kuwentong pambata sa pagtuturo ng seksuwal na edukasyon sa Pilipinas. Sa

ilalim ng Reproductive Health Bill na ngayon ay ganap nang batas, mula pa

noong 2010 ay sinusubukan na ng Department of Education (DepEd) na isama

ang seksuwal na edukasyon sa elementarya at sekondaryang kurikula. Layon

ng programa na talakayin ang mga usaping seksuwal sa pamamagitan ng

modyul at isabay sa pagtuturo ng sumusunod na mga asignatura: Agham;

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP); Kalusugan; Heograpiya,

Kasaysayan at Sibika; at Matematika. Gayun pa man, hindi naging madali ang

proseso at implementasyon nito.

Sa panukalang papel ni Gapuz (2013), isiniwalat niya na ang kabiguan

sa pagpapatupad ng tuloy-tuloy, komprehensibo, at makatuturang programa ng

seksuwal na edukasyon sa Pilipinas ay dahil sa sumusunod na mga balakid: (1)

ang pagtutol ng mga relihiyosong grupo, partikular ang Catholic Bishops

Conference of the Pilipinas (CBCP) sa kadahilanang magsusulong umano ito


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 46

ng seksuwal na kahalayan; (2) kakulangan sa malinaw na direksiyon ng

kurikulum. Mula sa depinisyon ng DepEd sa seksuwal na edukasyon noong

2012 na “kurso ng pag-aaral na sumasaklaw sa malawak na hanay ng

impormasyon tungkol sa pisikal, sikolohikal, panlipunan at sekswal na pag-

unlad ng mga indibidwal" ang kahulugan umanong ito ay nagpapakita ng

kakulangan ng direksiyon at pagpapasya mula sa mga naghain ng programa;

at (3) limitadong pananaw at pamamaraan sa pagtuturo nito.

Sa huling bahagi ng panukalang papel, inihain ni Gapuz ang paggamit

ng literatura sa pagtuturo ng seksuwal na impormasyon sa basikong

edukasyon. Iminungkahi niya ang mga kuwentong pambata na Papa's House,

Mama's House (2004) na tungkol sa pagpapakasal, diborsiyo at konsepto ng

pamilya, Ang Lihim ni Lea (2007) na tungkol sa pang-aabusong seksuwal sa

mga bata, Ang Ikaklit sa Aming Hardin (2012) na tungkol sa relasyon ng

lesbianang mga magulang, at Naku, Nakuu, Nakuuu (2008) na tungkol sa

pagbubuntis at panganganak. Ganito ang palagay niya ukol dito (salin ng

mananaliksik):

Ang mga panitikang materyales ay may kapasidad na hikayatin


ang mambabasa habang nagpapakita ng realidad. Ang isang
programang nakabatay sa panitikan ay hindi nangangahulugang
pagbubukod ng siyentipikong datos at mga materyales sa
kalusugan. Nilalayon nitong magbigay ng mukha at konteksto
para sa impormasyon. (p. 2)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 47

Sa kabila ng mga programang nagsusulong sa paggamit ng mga

kuwentong pambata bilang hanguan ng seksuwal na edukasyon, malaki pa rin

ang papel ng mga guro at magulang na siyang magbabasa at magtuturo sa mga

bata. Mahalagang tandaan na sa paggamit ng mga kuwentong pambata,

kinakailangan ang patnubay at gabay ng nakatatanda tulad ng guro at

magulang. Sapagka’t tiyak na may mabubuong mga tanong ang bata sa

kaniyang pagbabasa o habang binabasahan na kailangang matugunan. "Hindi

dapat iasa lamang sa aklat ang lahat ng pagpapaliwanag sa batang

mambabasa" (Evasco, 2008).

Sa kabuoan, masasabing natugunan na ang pahayag ni Tolentino

tungkol sa pag-iwas ng mga kuwentong pambata sa maseselang paksa. Gayun

pa man, hindi maipagkakaila na malayo pa ang tatahakin ng mga manunulat sa

paglikha ng kuwentong umaalpas sa paggamit ng yupemismo at metapora sa

maseselang bahagi ng katawan na integral sa paghahatid ng mabisang

impormasyon sa mga batang mambabasa o binabasahan.

Kultural na Pagsipat sa mga Kuwentong Pambatang Filipino

Binanggit ni Zafra (2016) ang ugnayan ng wika at kulturang Filipino na

nagtatampok sa aspektong tumitingin sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng

kultura. Aniya, “iisa lang ang ipinahihiwatig ng mga talinghagang ito—nasa wika
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 48

ang kultura, at kung nais tuklasin ang kaalamang nakapaloob sa kultura,

kailangang pag-aralan ang wika” (p. 8).

Masasabing isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakalimbag sa

dalawang kuwentong pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako ay May Kiki” ay ang

magturo ng basikong seksuwal na edukasyon sa mga musmos at sa kabuoan,

upang lusawin ang konserbatibong pagtingin sa ganitong mga usapin. Madalas

gamitan ng mga yupemistikong termino o katawagan ang ari ng lalaki at babae

dahil “bulgar” at “bastos” ang kiki at titi dahilan upang maging salat sa

mahahalagang karunungan hinggil dito ang mga bata. Kaya’t mahalagang pag-

aralan ang pagkakagamit ng wikang Filipino sa dalawang kuwentong pambata

ayon sa kaangkupan nito sa konteksto ng kulturang Filipino.

Ipinaliwanag ni Evasco (2011) na pinakamaunlad na anyo ng panitikang

Filipino ang mga akdang pambata sa kasalukuyan. Aniya, may simplistikong

paniniwalang maunlad ito dahil maraming bata sa bansa. Maraming sanggol

ang isinisilang bawat taon na magiging potensiyal na mambabasa ng mga aklat.

Sa kabila nito, nananatiling problema sa lipunan ang kultura ng pagbabasa at

ang makalikha ng henerasyon ng mga mambabasa ng akdang Filipino.

Sa kalagayan ng bansa, pribelihiyo para sa nakararami ang makaranas

ng pagkabata. Sa papel ni Evasco (2011), sinasabing maagang tumatanda ang

mga bata sa bansa dahil madalas, isinasabak na kaagad sila sa paggawa para

makaraos sa pang-araw-araw na pamumuhay ang pamilya. Maaari namang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 49

hinahayaan silang humawak ng baril para sa digmaan, ginagawang pambayad-

utang, o kaya’y naisasabak sa mga delikadong trabaho gaya ng muro-ami,

pagiging alipin, at pagbebenta ng sariling katawan. Kaya’t dapat isakonteksto

at tugunan ng mga manlilikha ng panitikang pambata ang danas at

pangangailangan ng mga batang Filipino.

Kaugnay nito, tinalakay rin ni Evasco (2011) sa kaniyang sanaysay na

kapansin-pansin ang problemang patuloy na kinahaharap ng mga batang

Filipino sa kanilang pagkabata. Pasan-pasan pa rin nila ang kolonyal na

naratibong kinakailangan nila ang patnubay ng simbahan at iba pang mga

katulad na institusyon. May epekto ang dalumat na ito sa pagdidisiplina at sa

pagturing sa bata bilang “hindi pa ganap na nilalang” o “unfinished adult.”

Hanggang sa kasalukuyan, matapos ang mahabang kasaysayan ng

kolonisasyon, patuloy pa rin ang Europeonisasyon at Amerikanisasyon ng

kaakuhan (identidad) ng mga bata sa bisa ng edukasyon at ng mass media

(Evasco, 2011). Sa pagpapatuloy ng talakay ng sanaysay, sinasabing kolonyal

pa rin ang mentalidad at oryentasyon ng kalakhan ng mga batang Filipino.

Dagdag pa, ang lumang paniniwalang ang kabataan ay “miniature adults” sa

Kanluran ay umiiral pa at patuloy pa ring namamayani sa ating lipunan. Ito ang

pag-iisip at pagtingin na isa sa malalaking hadlang sa pagsusulong ng higit na

pagpapayabong at pagpapaunlad ng panitikang pambata sa bansa.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 50

Binigyang-diin ni Evasco (2011) na “. . . upang higit na mapaunlad ang

panitikang pambata sa bansa, malawakang pagbabago sa kamalayan at

kaugalian ang marapat isagawa kaugnay sa pagdulog sa mga batang Filipino”

(p. 118).

Dagdag pa rito, tinalakay naman ni Coats (2001, sinipi mula kay Evasco,

2011) sa kaniyang sanaysay ang iba’t ibang suliraning kinahaharap ng

panitikang pambata sa kabuoan. Napansin niyang itinuturing ang anyong

pampanitikang ito bilang kategoryang popular o sa kategoryang pedagohikal.

Naisasantabi tuloy ang pagtalakay rito bilang likhang pampanitikan, kung kaya’t

hindi ito nalalapatan ng mga malalimang lente sa pagsusuri at pagpapahalaga.

Ganito rin ang umiiral na suliranin sa panitikang pambata sa Pilipinas, lalo’t higit

sa mainstream o komersiyal na panitikang pambata.

Natukoy ni Peczon-Fernandez (1993, sinipi mula kay Evasco, 2011) na

kapitalismo ang nangingibabaw na moda ng produksiyon sa industriyang ito. Sa

kalakhan, itinuturing lamang itong negosyo at tubo ang pangunahing

motibasyon sa paglilimbag. Dagdag pa, kasama rin sa mga suliranin ang

kolonyal na pag-iisip ng mga Pilipinong mambabasa at ang katotohanang maliit

ang market ng panitikang pambata sa bansa dala ng kahirapan (Peczon-

Fernandez, 1993; dela Cruz, 1993, sinipi mula kay Evasco, 2011).

Hindi na abot pang makayanan ng marami ang pagbili ng mamahaling

mga aklat-pambata dahil kalakhan sa mga pamilyang Pilipino ay pangunahing


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 51

prayoridad sa pang-araw-araw na buhay ang pag-iisip kung paano

mapagkakasya ang kakarampot na sahod sa gitna ng patuloy na lumolobong

presyo ng mga bilihin at basikong pangangailangan—kaya’t bilang resulta,

nagiging salat ang mga bata sa karunungang mapupulot sana sa mga

panitikang pambata gayundin ay nakokompromiso at hindi nila nakakamit ang

kasanayan at ang hilig sa pagbabasa na magandang malinang na sa murang

edad pa lamang.

Sa pagpapatuloy ng talakay ni Evasco (2011), nabanggit niyang

mahalaga sa mga akdang pambata na hindi tinitingnan at/o itinuturing na

musmos o paslit ang mga bata. Isa ito sa mga problema ng kulturang Filipino

hinggil sa pagkabata. Itinuturing madalas na walang muwang at kapos sa talino

ang batang mambabasa.

Kung palaging ganito ang taglay na pag-iisip at paniniwala ng manunulat

ukol sa mga bata, para saan pa ang pag-akda at paglikha ng kathang pambata

kung hindi kinikilala ang kanilang pagkatao? Kapwa mga manunulat maging

mga magulang na tagabasa ng mga kuwentong pambata sa kanilang anak,

kailangang magtiwala at maniwala sa talino ng mga bata—mauunawaan nila

ang mga salita, matutukoy ang mga simbolo sa mga talata, matatanggap ang

ipinahihiwatig ng akda, at maaaliw sa mga bugtong na nakaukit sa pantasya.

Sa pag-aaral ni Galleon (2017) ay siniyasat niya ang pagtanggap at

pananaw ng mga magulang at guro hinggil sa mga di-nakaugaliang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 52

(unconventional) kuwentong pambata sa Filipino at ang mga posibleng epekto

nito sa pag-unlad ng muwang o kamalayan ng mga bata. Ang mga di-

nakaugaliang kuwentong pambata, gaya ng tinukoy sa pag-aaral, ay ang mga

kuwentong may temang lumalayo sa karaniwan at tradisyonal na mga kuwento

para sa mga bata.

Bagama’t ang mga tradisyonal at nakasanayang kuwento ay may mga

temang sumasalamin sa kagandahang-asal, pagpapahalaga sa moral, mito at

alamat, at pantasya (fairytale), ang mga di-nakaugaliang kuwentong ito ay

tumatalakay sa mga temang kontrobersiyal at sensitibong isyu sa lipunang

Pilipino gaya ng pang-aabuso sa bata at danas na kinakaharap ng mga

LGBTQIA+ na maaaring tingnan ng ilan na hindi naaangkop para sa mga bata

kahit na naililimbag ang mga kuwentong ito sa mga aklat-pambata.

Nakatuon ang pananaliksik ni Galleon (2017) sa kung paano nakikita ng

mga magulang at guro ang mga potensiyal na epekto ng di-nakaugaliang

panitikang pambata sa pag-unlad ng panlipunang kamalayan, pag-iisip, at

personalidad ng kanilang mga anak. Sinuri ng mananaliksik ang mga librong

may temang tumutuon sa mga sitwasyon ng pamilya tulad ng paghihiwalay ng

mga magulang sa Papa's House, Mama's House ni Jeanette Patindol (2004),

pagkakaroon ng lesbiyanang mga magulang sa Ang Ikaklit sa Aming Hardin ni

Bernadette Neri (2012) at incestuous na pang-aabusong seksuwal sa Ang Lihim

ni Lea ni Augie Rivera (2007).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 53

Sinuri naman ni Antonio (1980, sinipi mula kay Evasco, 2011) ang

representasyon sa mga bata batay sa karakterisasyon sa mga klasikong

maikling katha sa Tagalog. Tinugunan ng nasabing pag-aaral ang suliranin na

“Ano ang pagtingin at pagpapahalaga sa bata ng mga kuwentistang Tagalog?”

Mula sa pagbabasa ng mga katha, nakalikha si Antonio ng listahan ukol sa

pananaw ng manlilikha sa kanilang mga batang tauhan:

(1) pagharap ng mga batang tauhan sa pisikal na pagbabago sa


kanilang paglaki; hindi lamang personal na bagay ito kundi bahagi
rin ang pamilya at komunidad; (2) pagpapamalas sa sensitibidad
at pagkamalikhain ng bata na nakahihigit pa minsan sa
nakatatanda, (3) pagkakaunawa ng bata sa kagandahan ng
buhay sa tulong ng nakatatanda sa kaniya, (4) ang bata bilang
“hiyas” ng pamilya at “tulay” sa pagkakaunawaan ng mga
matatanda, (5) bilang tagapagturo sa matatanda, (6) bilang bunga
ng maling pagpapalaki ng pamilya dahil sa bulag na pagsunod at
pagmamahal at wala sa direksiyong pagsang-ayon, (7) bilang
sentro ng tunggalian ng makabago at makalumang paniniwala, (8)
saksi sa kahirapan ng pamumuhay, at (9) bilang biktima ng
karahasan sa lipunan. (p. 112)

Sa kabuoan, ipinakita ng pag-aaral ni Galleon (2017) kung gaano kalaki

at kahalaga ang papel ng mga guro at magulang sa pagbuo ng positibo o

negatibong impresyon sa mga di-nakaugaliang kuwentong pambata sa lipunan

dahil sila ang may kakayahang bumili, magpakilala, at magtalakay ng mga

ganitong kuwento sa mga bata. Mahalaga ang kanilang kamalayan at

pagtanggap hinggil dito dahil makatutulong itong pasinayahan ang paglusaw sa

paniniwalang ang mga bata ay napakabata pa upang malaman at maunawaan

ang mga isyung panlipunan na nilalaman ng mga aklat na ito. At dahil


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 54

kakaunting pag-aaral pa lamang ang umiiral tungkol sa mga lokal na di-

nakaugaliang panitikang pambata, malaking ambag ang patuloy na pag-aaral

at pagtalakay rito bilang paksa ng mga pananaliksik sa hinaharap.

Makatutulong ang ganitong mga hakbangin upang lalo pang maitatag

ang mga panitikang pambatang nagtataglay at nagtuturo ng mga

mahahalagang aral at kaalaman sa tulong ng pagpapakilala sa mga hindi

nakasanayang panlipunang tema sa panitikan at makita kung paano ito

makaaapekto sa pag-unlad ng kaisipan at kamalayan ng kabataang Pilipino.

Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa nakalap na mga kaugnay na pag-aaral at literatura, unang tinalakay

ang pangwikang pagsusuri sa mga panitikang pambatang Filipino. Binigyang-

diin dito na nararapat pakaisipin ng mga manunulat na ang kuwentong

pambatang nililikha ay may pangunahing layunin na isulat para sa mga bata at

nararapat na tumutugon sa danas, interes, pangangailangan, kapasidad sa

pagbasa, at wikang naaabot ng mga bata.

Pangalawang tinalakay ang pagsipat sa kuwentong pambata bilang

tagapagtalakay ng seksuwal na edukasyon. Kung saan, pinatunayan ang

kabisaan ng literatura partikular ang panitikang pambata bilang hanguan ng

seksuwal na impormasyon. Gayundin ang kahalagahan ng ilustrasyon sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 55

paghahatid ng kahulugan sa paraang hindi mabibigla ang mga batang

mambabasa o binabasahan. Binigyang-diin naman ang papel ng mga

nakatatanda gaya ng magulang at guro bilang kaagapay ng panitikan sa

pagpapaliwanag at pagsagot sa mga katanungang posibleng mabuo sa isip ng

mga bata.

Panghuli, binigyan ng kultural na pagsipat ang mga kuwentong

pambatang Filipino. Sa kalagayan ng bansa, pribelihiyo para sa nakararami ang

makaranas ng pagkabata. Maagang tumatanda ang mga bata sa bansa dahil

madalas, isinasabak na kaagad sila sa paggawa para makaraos sa pang-araw-

araw na pamumuhay ang pamilya. Kaya’t dapat isakonteksto at tugunan ng

mga manlilikha ng panitikang pambata ang danas at pangangailangan ng mga

batang Filipino.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 56

Kabanata 3

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito ng pag-aaral, inilahad ang Disenyo ng Pananaliksik, Paraan ng

Pangangalap/Paglalatag ng Datos, Metodo sa Pagsusuri ng Datos, Pinagmulan

ng Datos, ang Instrumentong Gagamitin, at mga Etikal na Konsiderasyon sa

pagsasagawa ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na Estilistikong Pagsusuri sa Paggamit ng Wikang

Filipino sa mga Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako ay May

Kiki” ay gumamit ng kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik.

Ang disenyo ng kuwalitatibong pananaliksik ay tuloy-tuloy (fluid),

umaangkop (flexible), interaktibo (interactive), at tugunan (reflexive) (Maxwell,

2013; Ravitch & Carl, 2019). Kinasasangkutan ito ng magkakaugnay na mga

proseso ng pangangalap at pagsusuri ng datos, pagbuo at pagbabago ng

teorya, pagpapalawig o muling pagtutuon ng pansin sa mga tanong ng

pananaliksik, at pagtukoy at pagtugon sa mga banta ng katumpakan (validity

threats) (Maxwell, 2013, p. 2). Ang tungkulin ng isang mananaliksik ay iugnay

(o muling pag-ugnay-ugnayin) ang mga tuldok sa pagitan ng lahat ng mga

sanga-sangang bahagi ng pananaliksik—hindi bilang nag-iisang mananaliksik


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 57

o nag-iisang dumadalumat, nguni’t kasama ang mga kapwa mananaliksik sa

pag-iisip at pagpapatunay sa tulong ng iba pang pananaw ng mga kalahok.

Sa konteksto ng pananaliksik na ito na layong suriin ang pagkakagamit

ng wikang Filipino sa dalawang kuwentong pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako

ay May Kiki,” kuwalitatibong metodo ang sinandigang disenyo ng pag-aaral

upang matugunan ang mga suliraning inilahad at tunguhing sagutin ng

pananaliksik na ito na umiikot sa sangay ng pag-aaral na estilistika (stylistics)

bilang pangunahing teorya sa paglalapat ng estilistikong pagsusuri habang

gabay ang apat na mga pangwikang elementong pumapailalim sa teorya ng

pag-aaral.

Paraan ng Pangangalap/Paglalatag ng Datos

Mula sa Balangkas Konseptuwal ng pananaliksik na ito, isinagawa ng

mga mananaliksik ang proseso ng pangangalap at paglalatag ng datos sa

pamamagitan ng:

Bilang siyasat sa pagkakagamit ng wika ang kabuoang tunguhin ng

pananaliksik, inilatag ang pagsusuri sa tekstuwal na aspekto ng dalawang

kuwentong pambata sa pamamagitan ng paghihimay ng mga mananaliksik sa

pangwikang mga elementong nakalilok sa dalawang akda sa tulong ng sangay

ng lingguwistika na estilistika (stylistics) bilang pangunahing teorya sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 58

paglalapat ng estilistikong pagsusuri habang gabay ang apat na mga

pangwikang elementong pumapailalim sa teoryang ito—diksiyon o pagpili ng

salita, sintaks o pagkakabuo ng parirala, gramatika, at semantika.

Magmumula ang paliwanag ng diksiyon sa talakay ni Ellis (2022),

pagbabatayan naman ng paliwanag ng sintaks ang talakay rito ni Ceña (2012),

sasangguni naman ang mga mananaliksik sa talakay ni Simpson (2004) ng

gramatika at panguli, sa talakay ni Leech (1974) ng semantika. Sa

pangkalahatan, sinandigan ng mga mananaliksik ang talakay ng estilistika nina

Widdowson (1975), Simpson (2004), at Jeffries & McIntyre (2010) na kapwa

mga nakilala bilang naunang nagsulong at nagtatag ng larang na ito.

Metodo sa Pagsusuri ng Datos

Batay sa Balangkas Teoretikal ng pananaliksik na ito, sumandig ang

estilistikong pagsusuri ng dalawang kuwento na tunguhing buoin ng pag-aaral

sa pamamagitan ng pagkasangkapan sa apat na mga pangwikang elementong

nakapailalim sa estilistika:

DIKSIYON

Una sa mga ito ang diksiyon. Nagmula ang talakay ng diksiyon na

pinagbatayan ng pagsusuri ng pag-aaral kay Ellis (2022). Aniya, sa pagsulat,

ang diksiyon ay ang estratehikong pagpili ng mga salita batay sa mambabasa,


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 59

konteksto, o sitwasyon. Maaari din itong magpahayag ng mga karagdagang

kahulugan o partikular na estilo. Gaya sa simpleng halimbawa na iba ang mga

salitang pipiliin mo sa isang email para sa iyong guro o kasamahan sa trabaho

kompara sa mga salitang pipiliin mo kapag nakikipag-usap sa isang malapit na

kaibigan—iyon ang diksiyon. Subali’t sa praktika, mas komplikado pa rito ang

diksiyon kaya’t isa-isang tinalakay ni Ellis (2022) ang bawat katangian at

partikularidad ng pangwikang elementong diksiyon.

Ano nga ba ang diksiyon sa pagsulat? Sa talakay ng may-akda, ang

maikling sagot ay ito ang proseso ng pagpili ng salita. Nangangailangan ng iba’t

ibang estilo ang iba’t ibang sitwasyon at tagapakinig. Halimbawa,

nangangailangan ang mga bagay sa trabaho at paaralan ng pormal na wika

habang gamit sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ang impormal na wika.

Tinutukoy ng diksiyon ang mga salitang ginagamit ng sinuman, na mula rito ay

tumutukoy sa estilo ng pagsulat at uri ng tono na ginagamit ng mga manunulat.

Sa pamamagitan ng diksiyon, maaaring ang isang manunulat ay magtunog

palakaibigan o seryoso, may kaalaman o mangmang, makata o walang buhay.

Sa pagpapatuloy ng talakay ni Ellis (2022), gumagamit ang mahuhusay

na manunulat ng diksiyon upang maiparating din ang pailalim na kahulugan na

lampas sa literal na kahulugan ng mga salita. Halimbawa, kung nagsasalita ang

isang karakter gamit ang malalaking akademikong salita, maaaring ipalagay ng

mambabasa na gusto ng nagsasalita na isipin ng ibang mga karakter na siya


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 60

ay matalino. May higit na epekto o impak ang pagpapakita ng detalye ng

karakter sa pamamagitan ng hindi direktang paglalarawang tulad nito kaysa sa

literal na pagpapahayag nito sa pamamagitan ng mga salita lamang, tulad ng

direktang paglalarawan.

Dagdag pa ni Ellis (2022), naaapektuhan din ng diksiyon ang ayos ng

pangungusap. Halimbawa, maaari kang gumamit ng mas maiikling

pangungusap kapag nakikipag-usap sa mga taong may maikling oras ng

atensiyon at gumamit ng mas mahahabang pangungusap sa paligid ng mas

matiyagang tagapakinig. Nakaaapekto naman ang estruktura ng pangungusap

sa ayos ng talata kaya mahalagang isaalang-alang ang diksiyon sa pagsulat

upang magkaroon ng kontrol sa direksiyon ng akdang isinusulat at sa panulat

sa kabuoan.

Diksiyon vs. Sintaks

Sa pagpapatuloy ng may-akda, kadalasang ikinalilito ang diksiyon sa isa

pang elemento ng wika, ang sintaks. Habang tumatalakay ang diksiyon sa

pagpili ng mga salita, tumutukoy naman ang sintaks sa pagsasaayos at

pagsasalansan ng mga salita.

Bagama’t magkaugnay ang dalawa at nakaaapekto sa isa’t isa,

kinakatawan nila ang magkaibang ideya. Sangkot ang diksiyon sa pagpili at

kaangkupan—maaaring gumamit ang iba’t ibang manunulat ng iba’t ibang salita

upang maging kakaiba ang tunog, kahit na pareho silang naglalarawan. Ang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 61

sintaks, sa kabilang banda, ay higit na nakatali sa mga panuntunan sa

gramatika, kaya’t ibang aspekto ang kasangkot dito (Ellis, 2022). Sa gramatika,

kaayusan ang pangkalahatang tuntunin; dapat mapunta sa mga partikular na

ayos ang mga salita upang maging tama at wasto.

Uri ng Diksiyon sa Pagsulat

Sa talakay pa rin ni Ellis (2022), mayroong iba’t ibang uri ng diksiyon,

bawat isa ay may sari-sariling partikular na estilo na pinakamahusay na

mailalapat sa mga espesipikong sitwasyon. Sa ibaba, binalangkas ng may-akda

ang siyam na pinakakaraniwan at kapaki-pakinabang na mga uri ng diksiyon;

magpapataas at magpapatalas sa kalidad ng panulat sa iba’t ibang konteksto

at sitwasyon ang pag-unawa sa mga ito.

Para sa mga halimbawang ito, inilalarawan ang iba’t ibang uri ng diksiyon

sa pamamagitan ng pagpapakita kung ano ang sasabihin ng isang

tagapagsalita o manunulat gamit ang estilong iyon. Upang pinakamahusay na

maipakita ang pagkakaiba ng bawat uri ng diksiyon sa isa’t isa, ginamit ng may-

akda ang pare-parehong halimbawa: hindi sumasang-ayon sa sinabi ang

tagapagsalita.

1. Pormal na Diksiyon (Formal Diction)

Gumagamit ang pormal na diksiyon ng wastong kahulugan ng mga

salita sa seryosong tono. Ito ang estilo sa mga lugar ng trabaho, paaralan,
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 62

at iba pang pormal na kapaligiran. Hindi sumusubok o nagbabakasakali ang

pormal na pananalita at maaaring makita ng iba bilang payak o nakakainip,

nguni’t para sa kapakanan ng kalinawan, ito ang pinakamahusay na

mapipiling tono ng pananalita kapag nakikipag-usap sa mga estranghero o

mga awtoridad.

Halimbawa ng pormal na diksiyon:

Magalang akong hindi sumasang-ayon.

2. Impormal na Diksiyon (Informal Diction)

Kabaligtaran ng impormal na diksiyon ang pormal na diksiyon;

nasasangkot ito sa mapaglarong paggamit ng mga salita, kabilang ang mga

biro at laro sa salita (wordplay). Paraan ng pakikipag-usap ang impormal na

diksiyon sa mga taong pinakamalapit sa iyo, kompara sa mga estranghero

o mga kasamahan sa trabaho. Ito ay pinakamahusay sa mga kaswal na

sitwasyon, at maaaring hindi magandang pakinggan sa mga seryosong

sitwasyon.

Halimbawa ng impormal na diksiyon:

Ayoko, hindi ako pumapayag.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 63

3. Pedantik na Diksiyon (Pedantic Diction)

Gumagamit ang pedantik na diksiyon ng labis-labis na mga

akademiko o “malalaking” salita, na para bang sinusubukan ng nagsasalita

na patunayan kung gaano siya katalino. Nakikita ang diksiyon na ito bilang

ginagamit ng mga taong mayabang sa totoong buhay, nguni’t kapaki-

pakinabang ito sa isang manunulat bilang kasangkapan sa pagsusulat. Sa

piksiyonal na diyalogo, maipapakita nito ang isang karakter na labis na

isinasaalang-alang ang maipakitang matalino o sopistikado siya, tulad kay

Jay Gatsby sa The Great Gatsby.

Halimbawa ng pedantik na diksiyon:

Sa pagsusuri sa iyong tindig, natukoy ko ang ilang kritikal na

pagkakamali na ipaliliwanag ko ngayon.

4. Pedestriyan na Diksiyon (Pedestrian Diction)

Itinuturing na kabaligtaran ng diksiyon na pedestriyan ang pedantik;

sa halip na subukang maging matalino, sinusubukan nitong maging normal

o karaniwan. Ang diksiyon ng pedestriyan, na hindi gumagamit ng mga

magarbong salita o balbal, ay iniisip kung paano nagsasalita ang mga

regular na tao. Ito ang uri ng diksiyon na ginagamit ng mga politiko kapag

nagsasalita sa magkakaibang mga tao o mga taong may teknikal na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 64

kaalaman kapag nagpapaliwanag ng isang bagay o konsepto sa mga taong

wala gaanong kaalaman hinggil dito.

Halimbawa ng pedestriyan na diksiyon:

Naiintindihan ko ang sinasabi mo, ngunit may isang bagay na

napakahalagang nawawala sa iyo.

5. Balbal (Slang)

Ang balbal na diksiyon, na isang ekstensiyon ng impormal na

diksiyon, ay sumasaklaw sa mga salita at parirala na tanging isang partikular

na uri o grupo ng mga tao ang nakaiintindi. Kadalasang nahahati ang balbal

ayon sa henerasyon, gaya ng “mudra,” na madalas gamitin ng mga Gen Z,

at “ermat,” na kadalasang ginagamit ng mga Gen X at Gen Y. Maaari ding

sumaklaw sa business jargon ang balbal, na mga salitang naiintindihan

lamang ng mga tao sa isang partikular na propesyon o larangan.

Halimbawa ng balbal na diksiyon:

Ekis iyan sa ‘kin.

6. Kolokyal na Diksiyon (Colloquial Diction)

Katulad ng balbal, tumutukoy ang kolokyal na diksiyon sa mga

partikular na salita o parirala na ginagamit sa mga partikular na heograpikal

na lokasyon. Halimbawa, sa punto ng Tagalog-Batangas o Tagalog-


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 65

Tayabas, sinasabi ng mga tao sa Timog Katagalugan partikular sa mga

probinsiyang nabanggit ang “‘di ga?” o “saan ga?” habang sinasabi naman

ito ng mga nasa Kamaynilaan bilang “‘di ba?” o “saan ba?”. Iisa ang ibig

sabihin ng mga kataga nguni’t sumasalamin ang pagkakaiba ng mga ito sa

wika ng partikular na mga rehiyon. Kasama rin sa kolokyal na diksiyon ang

mga espesyal na ekspresyon na kilala lamang sa ilang lugar. Maaari ding

kumatawan ang diksiyong ito sa mga diyalekto ng isang wika gaya ng

nabanggit na—ang mga diyalekto ng wikang Tagalog tulad ng Tagalog-

Batangas, Tagalog-Tayabas, Tagalog-Bulacan, at iba pa na may mga

pagkakaiba sa mga terminong ginagamit at bigkas ng mga salita dahilan

upang maaaring hindi magkaintindihan ang mga lokal sa bawat probinsiya.

Halimbawa ng kolokyal na diksiyon:

Hindi baga mali ang iyong naatikha? (Hindi ba mali ang iyong nakuha?)

- Tagalog-Tayabas

7. Abstrak na Diksiyon (Abstract Diction)

Tumutukoy ang abstrak na diksiyon sa pagtalakay sa isang bagay na

hindi nakikita, tulad ng isang ideya o damdamin. Mahirap isasalita ang mga

abstrak na kaisipan kaya madalas makita ang abstrak na diksiyon bilang

malabo o magulo.

Halimbawa ng abstrak na diksiyon:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 66

Hindi ko maunawaan ang kaniyang pag-ibig.

8. Kongkretong Diksiyon (Concrete Diction)

Kabaligtaran ng abstrak na diksiyon ang kongkretong diksiyon, na

gumagamit ng tiyak at direktang wika na may kaunti o halos walang

kalabuan. Inilalarawan ng kongkretong diksiyon kung tungkol saan ang mga

bagay-bagay at kung ano ang mga ito, na sumusunod sa wastong

kahulugan ng mga salita at nagbabanggit lamang ng mga katotohanan.

Halimbawa ng kongkretong diksiyon:

Naiintindihan kong naniniwala ka na tama ka, nguni’t kulang ka ng

kinakailangang mga piraso ng impormasyon.

9. Makatang Diksiyon (Poetic Diction)

Gumagamit ang makatang diksiyon ng mga tugma, ritmo, at ponetika

upang maging kaaya-aya ang pagkakasama-sama ng mga salita. Bagama’t

hindi ito akma sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, isa itong

kinakailangang elemento sa maraming uri ng malikhaing sining tulad ng tula,

liriko ng kanta, rap, at sa iba pang mga porma ng sining ng pagbigkas.

Halimbawa ng makatang diksiyon:

Kalokohan at kamangmangan ang iyong sinabi

Pakinggan ako at mamumula ang iyong pisngi


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 67

Mga Elemento ng Diksiyon

Sa talakay naman sa artikulong “Diction in Literature,” anuman ang

epekto na sinusubukang makamit ng isang manunulat sa kaniyang akda gamit

ang diksiyon, may mga pangunahing elemento na dapat isaalang-alang:

Denotasyon

Mahalaga ito sa pagsulat ng mabisang pangungusap, at

nangangahulugan ito ng pagbibigay-pansin sa literal o direktang kahulugan

ng isang salita. Dapat piliin ng mga manunulat ang tamang salita na

tumutugma sa kanilang layunin kung nais nilang maunawaan ang mensahe

ng kanilang akda. Kung tutuusin, mabisa lamang ang pagsusulat kung

malinaw na mauunawaan ito ng mga mambabasa.

Tono

Kapag pumipili sa pagitan ng maraming salita na pare-pareho ang

ibig sabihin, maaaring isaalang-alang ng isang manunulat ang

konotasyon—ang mga emosyon, asosasyon, o implikasyon—ang dulot ng

bawat isa. Nauugnay ito sa tono dahil dapat pumili ang mga manunulat ng

isang salita na tumutugma ang emosyon sa kapaligiran ng kuwento.

Maaaring nakalilito ang simpleng pagkonsulta sa isang diksiyonaryo para sa

mga kasingkahulugan; dapat piliin ng mga manunulat ang salitang may

tamang konotasyon, hindi lamang ang tamang kahulugan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 68

Halimbawa, maaaring ituring na magkasingkahulugan ang matipid at

maramot, nguni’t ang pagtitipid ay maikakabit sa positibong pakahulugan ng

pagiging masinop at matalinong pagdedesisyon, habang ang maramot ay

nagpapahiwatig ng pagkamakasarili at kasakiman.

Rehistro

Panghuli, dapat ding isaalang-alang ng mga manunulat ang rehistro,

o ang pormalidad at pagiging komplikado ng isang salita. Kadalasang

ginagamit ang matataas na rehistro sa mga konteksto ng negosyo, kung

saan pinakamahalaga ang propesyonalismo. Ang impormal na

komunikasyon tulad ng mga text message at mga post sa blog ay

kadalasang isinusulat sa mas mababang rehistro na gumagamit ng pang-

araw-araw na mga pattern ng pagsasalita at bokabularyo. Sa panitikan,

maaari nitong gawing mas tunay o relatable ang pagsusulat.

SINTAKS

Sinipat at sinuri din ng mga mananaliksik ang paraan ng pagkakabuo ng

mahahalagang parirala mula sa dalawang kuwentong pambatang “Ako ay May

Titi” at “Ako ay May Kiki.” Nagmula ang pinagbatayang talakay ng sintaks sa

ginawang estilistikong pagsusuri ng mga mananaliksik sa paliwanag ni Ceña

(2012) hinggil sa balangkas ng parirala.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 69

Sa talakay ni Ceña (2012), binigyang-pakahulugan niya ang parirala

bilang sunuran ng mga sangkap (constituent) na bumubuo ng isang balangkas

(structure). Dagdag ng may-akda, ang mga sangkap ay maaaring salitang

pangnilalaman (lexical word) (halimbawa, inom, lakad), salitang

pangkayarian (functional word) (halimbawa, ang mga partikulong nga, ba, ni),

at panlaping pangkayarian (halimbawa, mag-, ‑um-, sing-), o isa ring parirala.

Maaaring walang representasyon na mabibigkas ang isang sangkap kung

pangkayarian ito.

Sa naging pag‑aaral ni Ceña (2012), pinagtuunan niya ang

pambalangkas na katangian at anyo ng parirala at mga sangkap nito, hindi ang

kanilang kahulugan. Kabilang sa tinatawag na kategoryang pansintaktika

(syntactic category) ang mga salita, panlapi, at parirala.

Iba’t ibang balangkas at kayarian ng parirala at sugnay ang makikita sa

iba’t ibang akda: may mga pariralang ulo (head) at layon o kaganapan (object)

lamang ang mga bahagi, mayroon namang may pantiyak (specifier) na

sangkap, at mga sugnay na walang simuno. Batay sa talakay sa Sintaks ng

Filipino ni Ceña (2012), sa tradisyonal na balarila ay inilalarawan ang mga

sugnay na walang simuno bilang sugnay na hindi kakikitaan ng mga

pantakdang ang, si, sina at iba pang mga marker ng simuno. Masasabing hindi

naging ganap ang pagkakaroon ng simuno sa isang sugnay kapag nawala ang

mga pantakda o marker ng simuno.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 70

Upang mas maging malinaw ang pagsusuri sa kayarian at balangkas ng

mga parirala at sugnay na makikita sa tekstong sinuri, ang bawat halimbawang

sangkap/parirala/sugnay mula rito ay inuri sa mga gramatikal o pansintaktikang

kategorya ng mga ito.

Sa baba ay makikita ang pag-uuri sa mga pariralang ulo at layon o

kaganapan lamang ang mga bahagi—itinala ang kategoryang pansintaktika ng

bawat parirala upang masiyasat at maklasipika ang mga bahagi nito,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng mga balangkas:

Parirala Ulo Kategoryang Pansintaktika Takda

1. gawa ng Birhen gawa pariralang pangngalan NP

2. gawa ng himala gawa pariralang pangngalan NP

gawa ng Birhen gawa ng himala

pariralang pangngalan (NP) pariralang pangngalan (NP)

N’ N’

N DP N DP
gawa ng Birhen gawa ng himala
(ulo) (layon/kaganapan) (ulo) (layon/kaganapan)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 71

Sa dalawang halimbawang parirala na gawa ng Birhen at gawa ng

himala sa itaas, kapwa ulo at layon lamang ang sangkap ng mga ito at walang

pantiyak na bahagi. Sa dalawang sangahan ay minarkahan at hinimay ang

bawat bahagi ng mga parirala. Parehong gawa ‘creation’ ang ulo ng mga ito na

pangngalan (N o noun sa Ingles), ang layon naman na ng Birhen at ng himala

ay mga pariralang pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles) dahil sa ulo

ng mga ito na ng na pantakda (determiner). Layon man ang mga ito ng mas

malaking parirala, maituturing pa rin ang dalawang ito na mas maliit na parirala

na may sariling ulo at layon.

Minarkahan ng N’ (“n-bar”) ang dalawang ugpungan ng ulo na gawa (N)

at layon na ng Birhen at ng himala (DP). Sa kabuoan, dahil pangngalan (N)

ang ulo ng dalawang parirala na gawa, nabibilang ang dalawang halimbawang

parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang pangngalan (NP o noun

phrase sa Ingles).

Kalakasan ng Parirala at Sugnay sa Malikhaing Pagsulat

Sa pansining na aspekto ng pagsusulat, madalas gamiting teknik o

kapamaraanan ng mga may-akda ang pagkakaltas ng mga salita upang

mapalakas ang tinig ng linya. Ginagamit din ito sa pagsulat ng tula upang mas

maging direkta at buo ang ipinahahayag na mensahe. Dito papasok ang

kalakasan ng mga parirala at sugnay. Kinasasangkapan at ginagamit ito ng mga

manunulat sa pagpapatingkad ng artistikong kulay at tindig ng kanilang mga


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 72

akda dahil may mga pagkakataong nagiging mahina ang tinig ng linya kapag

masyadong buong-buo ang pagkakasulat dito at wastong-wasto ang gramatikal

na aspekto nito.

May katangian kasi ang parirala na pagkamatipid sa salita kaya’t

ginagamit ng mga manunulat ang elementong ito kapag gusto nilang subtle

lamang ang pagpapahayag ng damdamin o mensahe sa kanilang isinusulat

nang sa gayon ay hindi agad ganap na malalantad at malalatag ang kabuoang

tunguhin at daloy ng akda. Magkakaroon ng elemento ng pambibitin at

pagkapanabik sa mga mambabasa o manonood. Sa kabuoan, usapin ito ng

pagkamalikhaing pagpapasya sa pagpapahayag ng sining ng may-akda.

GRAMATIKA

Sa talakay ni Simpson (2004), kapag pinag-uusapan ang gramatika ng

isang wika, pinag-uusapan dito ang isang napakasalimuot na hanay ng

magkakaugnay na mga kategorya, yunit, at estruktura: sa kabuoan, ang mga

tuntunin ng wikang iyon. Sa akademikong pag-aaral ng wika, ang katagang

“mga tuntuning pambalarila” ay hindi tumutukoy sa mga preskriptibong mga

detalye, sa mga uri ng alituntuning hinggil sa tamang paggamit ng “ng” at

“nang”, o kagaya ng mga ito. Ang tinatawag na “mga panuntunan” na ito ay

walang iba kundi mga random na koleksiyon lamang ng mga paghihigpit labag

sa malayang paggamit ng wika. Sa kabilang banda, ang tunay na mga tuntunin


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 73

sa gramatika ng isang wika ay ang wika ng tao mismo na siyang nagtatakda ng

mismong pundasyon ng sintaktikang estruktura nito sa parehong paraan na ang

mga tuntunin ng iba’t ibang isports ay silang bumubuo sa pangunahing mga

prinsipyo na nagpapanatili sa kaayusan ng mga larong iyon. Dahil dito,

ginagawa nitong nakatatakot na bahagi ng estilistikong pagsusuri ang

gramatika dahil hindi laging madaling masuri kung aling mga aspekto ng

maraming magkakaugnay na pattern ng balarila ng isang teksto ang kapansin-

pansin sa lente ng estilistika.

Pangunahing Modelo ng Gramatika

Sa pagpapatuloy ni Simpson (2004), karamihan sa mga teorya ng

gramatika ay tinatanggap na nakaayos ang mga yunit ng balarila ayon sa

hirarkiyang laki ng bawat elemento. Kilala ang hirarkiyang ito bilang antas ng

pagkakasunod-sunod (rank scale). Tulad ng ipinapakita ng pagsasaayos sa

ibaba, nakasandig ang pag-uuri ng mga yunit sa ugnayan ng mga ito sa isa’t

isa, na umuusad mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit:

pangungusap

sugnay

parirala

salita

morpema
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 74

Gaya ng ipinahihiwatig sa antas ng pagkakasunod-sunod, ang morpema

ang pinakamaliit na yunit sa gramatika dahil sa wala itong sariling estruktura;

kung hindi ganito ang morpema, hindi ito ang magiging pinakamababang yunit

sa antas. Masasabing ang sugnay ang pinakamahalagang yunit sa antas.

Lubos na mahalaga ang sugnay dahil ito ang lugar ng ilang mahahalagang

partikularidad sa wika: a) nagbibigay ito ng panahunan o tense; b)

nagpapakilala ito sa pagitan ng positibo at negatibong polaridad; c) nagbibigay

ito ng sentro o ‘umbok’ ng isang proposisyon sa wika; d) at dito matatagpuan

ang impormasyon tungkol sa gramatikal na ‘tinig’ (tungkol sa kung ang isang

sugnay ay paturol, interogatibo, o pautos) (Simpson, 2004).

Sa layunin ng may-akda, inilahad niya ang apat na pangunahing

elemento ng estruktura ng sugnay: ang Simuno o Subject (S), ang Panaguri o

Predicator (P), ang Kaganapan o Complement (C), at ang Pandagdag o Adjunct

(A). Narito ang ilang halimbawa ng mga sugnay na nagpapakita ng pattern na

‘PCSA’:

Talahanayan 3

Mga Pangunahing Elemento ng Estruktura ng Sugnay o ang Pattern na ‘PCSA’

Panaguri (P) Kaganapan (C) Simuno (S) Pandagdag (A)

Pinapakain ng babae ang mga kalapati araw-araw.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 75

Hinabol ng aso ang kartero kahapon.

Nakaitim na damit ang propesor tuwing Huwebes.

Itinatampok ng mga halimbawang ito ang kakayahan ng gramatika na

maglagak ng mga yunit na may iba’t ibang laki sa loob ng isa’t isa. Pansinin

halimbawa kung paano ang mga elemento ng estruktura ng sugnay ay

‘pinupuno’ ng iba pang mga yunit, tulad ng mga salita at parirala, na nangyayari

pababa sa antas ng pagkakasunod-sunod na ipinakita sa taas.

Sa katunayan, sa pagpapatuloy ni Simpson (2004), pagtukoy ito sa isang

katangian ng estruktura ng sugnay na sinasabing binibigyang-linaw ng iba’t

ibang uri ng parirala ang apat na pangunahing elementong ito. Halimbawa,

palaging may pariralang pandiwa o pang-uri ang Panaguri. Ang Paksa ay

karaniwang pinupuno ng isang pariralang pangngalan na isang kumpol ng mga

salita kung saan nagiging sentral na komponent ang isang pangngalan. Ang

posisyon ng Kaganapan ay karaniwang pinupunan ng isang pariralang

pangngalan. Panghuli, ang Pandagdag ay karaniwang pinupunan ng isang

pariralang pang-abay.

Dagdag ng may-akda, mahirap balikwasin ang panuntunang nagsasaad

na dapat punan ng pariralang pandiwa ang elementong Panaguri, samantalang

ang mga panuntunan tungkol sa kung ano ang uri ng mga pariralang

mapupunta sa iba pang tatlong elemento ay hindi gaanong estrikto at mas


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 76

nakaayon sa sitwasyon at konteksto. Mahalaga ang bawat elementong ito

upang maisakatuparan ang nilalayong estilistikong pagsusuri.

SEMANTIKA

Bakit kailangang pag-aralan ang semantika? Sa talakay ni Leech (1974),

ang semantika, bilang pag-aaral ng kahulugan, ay sentro ng pag-aaral ng

komunikasyon; at sa patuloy na pagyabong ng kahalagahan ng larang ng

komunikasyon sa panlipunang konteksto, nagiging lalong integral ang

pangangailangan na maunawaan ito. Ang semantika ay nasa sentro din ng pag-

aaral ng lingguwistika—wika, proseso ng pag-iisip, kognisyon,

konseptuwalisasyon—ang lahat ng ito ay masalimuot na nauugnay sa paraan

ng bawat isa sa paghahatid ng mga karanasan sa mundo sa pamamagitan ng

wika. Iyon ang dahilan kung bakit malalim ang pagkakaangkla ng lingguwistika

sa semantika.

Sa pagpapatuloy ni Leech (1974), nakikita niya ang semantika bilang

isang sangay ng lingguwistika—na pag-aaral ng wika—bilang isang larang ng

pag-aaral na kahanay sa, at nakikipag-ugnayan sa sintaks at ponolohiya, na

tumatalakay sa mga pormal na pattern ng wika, at ang paraan kung paano

isinasalin sa tunog ang mga ito. Habang pinag-aaralan ng sintaks at ponolohiya

ang estruktura ng mga mapagpahayag na posibilidad sa wika, pinag-aaralan

naman ng semantika ang mga kahulugang maaaring ipahayag nito.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 77

Dagdag pa ng may-akda, ang pagtingin sa semantika bilang isang

bahagi ng disiplina ng lingguwistika ang pinakamabunga at kapana-panabik na

punto ng pag-aaral ng lingguwistika sa kasalukuyang panahon. Sa nakalipas

na labinlimang taon, binigyan ito ng higit na sentral na posisyon sa mga pag-

aaral sa lingguwistika; isang posisyon na sinasang-ayunan at

pinanghahawakan bilang tama ng karamihan sa mga iskolar ngayon.

Sa talakay ni Leech (1974), nagdala mismo ang lingguwistika sa paksa

ng semantika ng isang tiyak na antas ng analitikong kahigpitan na sinamahan

ng isang pagtingin sa pag-aaral ng kahulugan bilang isang pinagsama-samang

sangkap sa loob ng kabuoang teorya kung paano gumagana ang wika.

Ginagawang posible ng lakas ng pinagsama-samang pananaw ang paglipat sa

semantika ng mga pamamaraan ng pagsusuri na napatunayang matagumpay

sa iba pang aspekto ng wika.

Isa sa mga pangunahin at susing-tinig ng modernong lapit

panlingguwistika sa semantika ay walang pagtakas sa wika—lagi’t lagi itong

may kinalaman sa iba’t ibang pangwikang salik at elemento (Leech, 1974).

Uri ng Kahulugan

Sa talakay ni Leech (1974), mayroong pitong uri ng kahulugan

(meaning). Aniya, nais ng iba na itaguyod ang semantika bilang isang pag-aaral

ng kahulugan sa malawak na konteksto sa lahat ng salik na ipinahahayag ng

wika; habang ang iba naman ay nais itong limitahan sa praktika ng pag-aaral
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 78

ng lohikal o konseptuwal na kahulugan ng wika. Ang semantika sa una, na

pagtalakay sa mas malawak na kahulugan ay maaaring humantong muli sa

walang kabisaan na panay pag-aalinlangan—ang paglalarawan sa lahat ng

bagay na maaaring maging tuntungan ng kaalaman o paniniwala ng tao. Sa

kabilang banda, maipapakita natin, sa pamamagitan ng maingat na pagkilala

sa mga uri ng kahulugan, kung paanong lahat sila ay umaangkop sa kabuoang

pinagsama-samang epekto ng komunikasyong pangwika, at maipakita kung

paanong ang mga pamamaraan ng pag-aaral na angkop sa isang uri ay

maaaring hindi angkop sa iba.

Dagdag pa ng may-akda, pinakamainam pag-aralan ang kahulugan

bilang lingguwistikong penomena at hindi bilang isang larang na ‘labas sa wika.’

Ibig sabihin, sinusuri kung paano ‘alamin ang isang wika’ sa semantikal na lapit

gaya ng pag-alam sa mga salik at konseptong may kaugnayan sa kahulugan

ng mga pangungusap kasama ang pagsusuri kung aling pangungusap ang

makabuluhan at alin ang hindi.

Sa batayang binuo ni Leech (1974), tinalakay niya ang ‘kahulugan’ sa

pinakamalawak na esensiya nito sa pitong magkakaibang sangkap, na

nagbibigay ng pangunahing tuon sa lohikal na kahulugan o mas tinatawag

niyang Konseptuwal na Kahulugan (Conceptual Meaning). Ang anim na iba

pang uring tinalakay ng may-akda ay ang Konotatibong Kahulugan

(Connotative Meaning), Sosyal na Kahulugan (Social Meaning), Apektib na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 79

Kahulugan (Affective Meaning), Replektib na Kahulugan (Reflected

Meaning), Kolokatib na Kahulugan (Collocative Meaning), at Kahulugang

Pampakay (Thematic Meaning).

1. Konseptuwal na Kahulugan (Conceptual Meaning)

Ang Konseptuwal na Kahulugan na minsan ay tinatawag na

denotatibo (denotative) o kognitibong (cognitive) kahulugan ay malawak na

ipinalalagay bilang sentral na salik sa lingguwistikong komunikasyon, at sa

palagay ni Leech (1974) ay maipapakita ito bilang integral na bahagi sa

mahalagang pag-iral ng wika sa paraang kaiba sa iba pang mga uri ng

kahulugan. Pangunahing rason ng may-akda sa pagbibigay-tuon sa

konseptuwal na kahulugan ang pagkakaroon nito ng komplikado at

sopistikadong balangkas na maiuugnay o maihahalintulad sa katulad na

balangkas ng sintaktika at ponolohikal na antas ng wika.

Sa aklat naman nina Cardenas et. al., literal na kahulugan ng mga

salita ang konseptuwal na kahulugan at “dictionary meaning” kung tawagin

ito na nangangahulugang aktuwal, tahasan, tuwiran, o tiyak na kahulugan.

Tinatawag din ito nina Porter at Perrin bilang “core meaning” sapagka’t

walang pasubali at may paniniyak; kinikilala, sinasang-ayunan, at

tinatanggap ng mga tao. Dagdag pa ni Leech, may tunguhin ang

denotatibong pagpapakahulugan na magbigay ng naaangkop na semantikal


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 80

na representasyon sa isang pangungusap o pahayag. Itinuturing itong

batayan ng lahat ng iba pang uri ng pagpapakahulugan.

Sa halimbawa ni Leech (1974), maaaring suriin ang konseptuwal na

kahulugan sa pamamagitan ng mga tampok ng kaibahan (contrastive

features). Mula rito, maaaring tukuyin ang salitang “magulang na babae”

(woman) bilang +tao, −lalaki, +nasa gulang (adult) kaiba sa “batang lalaki”

(boy) na maaaring bigyang-pakahulugan bilang +tao, +lalaki, −nasa

gulang.

2. Konotatibong Kahulugan (Connotative Meaning)

Lilitaw ang higit pa sa kung ano ang katangi-tangi tungkol sa

konseptuwal na kahulugan kapag ihinambing ito sa Konotatibong

Kahulugan. Ang konotatibong kahulugan ay ang halagang

pangkomunikasyon na taglay ng isang pagpapahayag sa pamamagitan ng

kung ano ang tinutukoy nito, higit pa sa purong konseptuwal na kahulugan

nito. Sa isang malawak na pagtanaw, ang nosyon ng ‘sanggunian’

(reference) ay sumasaibabaw sa konseptuwal na kahulugan.

Kung ang salitang “magulang na babae” (woman) gaya ng halimbawa

sa itaas ay binibigyang-pakahulugan gamit konsepto ng tatlong katangian

(+tao, −lalaki, +nasa gulang (adult)), ang tatlong katangiang ‘tao’, ‘nasa

gulang’ (adult), at ‘babae’ ay dapat magbigay ng kriterya ng tamang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 81

paggamit ng salitang iyon. Ang mga tampok ng kaibahan (contrastive

features) na ito, na isinalin sa mga termino sa ‘tunay na mundo,’ ay nagiging

mga katangian ng sinasangguni (referent) (o ang tinutukoy ng mga salita).

Nguni’t maraming karagdagan subali’t hindi kritikal na mga katangian na

natutunang asahan na taglayin ng isang sinasangguni (referent) na salita

gaya ng “magulang na babae” (woman). Kasama sa mga ito hindi lamang

ang mga pisikal na katangian (‘may dalawang paa’ (biped), ‘may

sinapupunan’), kundi pati na rin ang sikolohikal at panlipunang mga

katangian (‘mahilig makisalamuha’ (gregarious), ‘pagkakaroon ng maternal

na kalikasan’), at maaaring umabot sa mga tampok na karaniwan lamang

kaysa sa hindi nagbabagong mga kaakibat ng pagkababae (‘magaling

magsalita’, ‘magaling magluto’, ‘nagsusuot ng bestida’).

Karagdagan pa, maaaring yakapin ng konotatibong kahulugan ang

‘litaw na mga katangian’ (putative properties) ng sinasangguni, dahil sa

pananaw na natutunan ng isang indibidwal o isang grupo ng mga tao o ng

buong lipunan. Kaya noon, iniuugnay ang babae sa ganitong mga katangian

(mahina, ‘madaling lumuha’, ‘duwag’, ‘emosyonal’, ‘hindi makatwiran’,

‘pabago-bago ang isip’) bilang ipinapataw ito sa kanila ng nangingibabaw na

mga lalaki. Gayundin ang mas nauugnay sa kanilang mga katangian tulad

ng ‘maamo’, ‘maawain’, ‘sensitibo’, ‘masipag’. Mula rito, malinaw na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 82

nakadepende at nag-iiba-iba ang mga konotasyon mula sa bawat edad o

henerasyon at konteksto ng iba’t ibang lipunan.

3. Sosyal na Kahulugan (Social Meaning)

Babaling ngayon sa dalawang aspekto ng komunikasyon na may

kinalaman sa sitwasyon kung saan nagaganap ang isang pagbigkas. Una,

ang Sosyal na Kahulugan ay yaong ipinahihiwatig ng isang piraso ng wika

tungkol sa mga kalagayang panlipunan na gamit nito. Sa bahagi, ‘binabasa’

(decode) ang panlipunang kahulugan ng isang teksto sa pamamagitan ng

pagkilala sa iba’t ibang dimensyon at antas ng estilo sa loob ng wikang ito.

Kinikilala ang ilang mga salita o pagbigkas bilang diyalektiko (dialectal), ibig

sabihin, nagsasabi ito ng heograpikal o panlipunang pinagmulan ng

nagsasalita; ang iba pang mga tampok ng wika ay nagsasabi ng bagay

tungkol sa panlipunang relasyon sa pagitan ng nagsasalita at nakikinig:

mayroon ding sukat ng paggamit ng ‘katayuan’ (status), halimbawa, mula sa

pormal at pampanitikang wika sa isang dulo hanggang sa kolokyal, pamilyar,

at kalaunan ay balbal sa kabilang dulo.

4. Apektib na Kahulugan (Affective Meaning)

Mula rito, isang maliit na hakbang lamang sa pagsasaalang-alang

kung paano sinasalamin ng wika ang personal na damdamin ng nagsasalita,

kabilang ang kaniyang saloobin sa nakikinig, o ang kaniyang saloobin sa

isang bagay na kaniyang tinatalakay. Ang Apektib na Kahulugan ay


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 83

kadalasang malinaw na ipinararating sa pamamagitan ng konsepto o

konotatibong nilalaman ng mga salitang ginamit.

Halimbawa, ang pahayag na: ‘Ikaw ay isang malupit na maniniil at

isang kontrabidang makasalanan, at kinasusuklaman kita dahil dito!’ ay

tuwiran at nag-iiwan ng maliit na pagdududa tungkol sa damdamin ng

nagsasalita. Nguni’t may mga hindi gaanong direktang paraan ng

pagsisiwalat ng saloobin kaysa rito: halimbawa, sa pamamagitan ng

pagtantiya ng mga pangungusap ayon sa pagiging magalang.

Sa layuning patahimikin ang mga tao, maaaring sabihin ang alinman

sa: ‘Paumanhin sa istorbo nguni’t iniisip ko kung makakayanan n’yo bang

hinaan ang inyong boses nang kaunti.’ o kaya’y ‘Maaari ba kayong

tumahimik?’ Ang mga salik gaya ng intonasyon at timbre ng boses—na

madalas tukuyin bilang ‘tono ng boses’—ay mahalaga rin dito. Ang

impresyon ng kagalangan sa unang pahayag ay maaaring mabaliktad ng

tono ng pag-uuyam habang ang pangalawang pahayag ay maaaring maging

biro kung sasambitin sa isang lugar na may natural na maingay na

kapaligiran.

5. Replektib na Kahulugan (Reflected Meaning)

Dalawa pa, bagama’t hindi gaanong mahalagang mga uri ng

kahulugan ang nagsasangkot ng pagkakaugnay sa leksikal na antas ng

wika.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 84

Una, ang Replektib na Kahulugan ay ang kahulugan na lumilitaw sa

mga kaso ng maramihang konseptuwal na kahulugan, kapag ang esensiya

ng isang salita ay bahagi ng tugon sa ibang kahulugan. Sa pandinig, sa

isang misa sa simbahan, ang magkasingkahulugan na mga pananalitang

Ang Tagapayo at Ang Banal na Espiritu, na parehong tumutukoy sa

Pangatlong Persona ng Trinidad, maaaring ang reaksiyon sa mga katagang

ito ay makondisyon ng pang-araw-araw na di-relihiyosong kahulugan ng

payo at espiritu. Ang Tagapayo kung pakikinggan ay tila isang taong nasa

legal o pambatas na propesyon (bagaman sa konteksto ng relihiyon, ito ay

nangangahulugang ‘ang tagapagpalakas o tagasuporta’), habang Ang

Banal na Espiritu ay maaaring maiugnay sa iba pang kababalaghang

elemento dahil sa salitang espiritu.

6. Kolokatib na Kahulugan (Collocative Meaning)

Ang Kolokatib na Kahulugan ay binubuo ng mga ugnayang nakukuha

ng isang salita dahil sa kahulugan ng mga salitang maaaring umusbong sa

kapaligiran nito. Ang maganda at guwapo ay may pagkakapareho sa

kahulugang ‘kaaya-ayang histura,’ nguni’t maaaring magkaiba sa hanay ng

mga pangngalan kung saan sila ilalagay o isasama:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 85

Pigura 4

Hanayan ng mga Pangngalan para sa Kolokatib na Kahulugan

batang babae

lalaki

maganda babae

bulaklak

hardin

batang lalaki

lalaki

guwapo sasakyan

sapatos

damit
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 86

Sa kabila nito, maaaring magkapatong ang mga hanay: parehong

katanggap-tanggap ang magandang babae at magandang lalaki, bagama’t

nagmumungkahi sila ng ibang uri ng pagiging kaakit-akit dahil sa

magkakaugnay na relasyon kahit pa pareho ang dalawang pang-uri.

7. Tematikong Kahulugan (Thematic Meaning)

Ang panghuling kategorya ng kahulugan na tinangkang tukuyin ng

may-akda ay ang Tematikong Kahulugan, o kung ano ang ipinahihiwatig ng

paraan ng pagkakaayos ng mensahe ng tagapagsalita o manunulat, sa mga

salik ng pagkakasunud-sunod, pokus, at diin. Halimbawa, kadalasang

nakikita na ang isang (1) tahasan (active) na pangungusap ay may ibang

kahulugan sa katumbas nitong (2) balintiyak (passive) na pangungusap,

bagama’t sa konseptong nilalaman ay tila pareho ang mga ito:

(1) Ipinamahagi ni Nena ang mga regalo.

(2) Ang mga regalo ay ipinamahagi ni Nena.

Tiyak na ang mga ito ay may magkaibang pangkomunikasyong

halaga dahil nagmumungkahi ang dalawang pangungusap ng magkaibang

konteksto: ang (1) tahasang pangungusap ay tila sumasagot sa isang ganap

na tanong na ‘Ano ang ipinamahagi ni Nena?’ o sa mas simple na ‘Sino ang

namahagi ng mga regalo?’. Samantalang ang kaibahan ng pangalawa ay


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 87

nagpapahiwatig itong kilala na ng nakikinig kung sino si Nena marahil sa

pamamagitan ng paunang pagbanggit.

Kadalasang hinggil ang tematikong kahulugan sa pagpili sa paggitan

ng iba’t ibang alternatibong estrukturang panggramatika, gaya sa:

(3) Isang lalaki ang naghihintay sa bulwagan.

(4) May naghihintay na lalaki sa bulwagan.

Sa ibang mga kaso, diin at intonasyon sa halip na estrukturang

panggramatika ang nagbibigay-tuon sa impormasyon sa isang bahagi ng

pangungusap. Kung ang salitang elektroniko ay binibigyan ng diin ng

kaibahan (contrastive stress) sa:

(5) Gumagamit si Mark ng elektronikong pang-ahit.

(6) Ang uri ng pang-ahit na ginagamit ni Mark ay elektroniko.

Ang epekto ay upang ituon ang pansin sa salitang iyon bilang

naglalaman ng bagong impormasyon, kompara sa balangkas kung saan

alam na kung ano ang ipinalalagay na impormasyon (na si Mark ay

gumagamit ng pang-ahit). Ang ganitong uri ng diin ay maaaring pantay na

nakamit sa pamamagitan ng iba’t ibang sintaktikang estruktura gaya sa

ikalawang pangungusap.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 88

Buod

Dahil ang talakay ni Leech (1974) ay nagpakilala ng isang hanay ng

mga termino para sa mga uri ng kahulugan, angkop na ito ay dapat

magtapos sa isang buod, at mga mungkahi para sa pagpapasimple ng

terminolohiya:

Talahanayan 4

Buod ng Pitong Uri ng Kahulugan

Lohikal, kognitibo, o
1. Konseptuwal na Kahulugan
denotatibong nilalaman.

Ang ipinahahayag sa

pamamagitan ng bisa ng
2. Konotatibong Kahulugan
kung anong wika ang

tinutukoy.
Mapag-ugnay na

Kahulugan Ang ipinahahayag ng mga

(Associative 3. Sosyal na Kahulugan kalagayang panlipunan ng

Meaning) paggamit ng wika.

Ang ipinahahayag ng

4. Apektib na Kahulugan damdamin at saloobin ng

nagsasalita/manunulat.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 89

Ang ipinahahayag sa

pamamagitan ng ugnayan
5. Replektib na Kahulugan
sa isa pang kahulugan ng

parehong pahayag.

Ang ipinahahayag sa

pamamagitan ng ugnayan

6. Kolokatib na Kahulugan ng mga salita na

umuusbong sa kapaligiran

ng isa pang salita.

Ang ipinahahayag sa

pamamagitan ng paraan

kung paano iniayos ang


7. Tematikong Kahulugan
mensahe sa mga salik ng

pagkakasunod-sunod at

diin.

Pinagmulan ng Datos

Ang mga mananaliksik ay humango ng mga impormasyon at lathalain sa

mga online journal na kinabibilangan ng Humanities Diliman: A Philippine

Journal of Humanities ng Unibersidad ng Pilipinas, Malay Research Journal ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 90

Pamantasang De La Salle, Katipunan ng Pamantasang Ateneo De Manila,

Diwa E-Journal, The Normal Lights, Taylor & Francis e-Library, at iba pa. Ang

nakalap na mga datos ay nakatulong upang maipaliwanag ang isinagawang

pag-aaral, mailahad ng kaligirang pangkasaysayan ng mga kuwentong

pambata, at makapagbigay ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Instrumentong Ginamit

Upang maisakatuparan ang pangangalap ng datos, gumamit ang mga

mananaliksik ng instrumento kung saan isinaalang-alang ang mga suliraning

kailangang matugunan ng pag-aaral.

Bilang pangunahing teorya sa paglalapat ng estilistikong pagsusuri ang

estilistika (stylistics), kinasangkapan ng mga mananaliksik ang apat na mga

pangwikang elementong pumapailalim sa teoryang ito: (1) diksiyon o pagpili ng

salita batay sa talakay ni Ellis (2022), (2) sintaks o pagkakabuo ng parirala batay

sa talakay ni Ceña (2012), (3) gramatika batay sa talakay ni Simpson (2004), at

(4) semantika na batay sa talakay ni Leech (1974). Kaugnay nito, pumili lamang

ng tig-sampung sugnay ang mga mananaliksik mula sa dalawang kuwentong

pambata upang himayin ang pangwikang mga elementong nakalilok sa mga ito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 91

Mga Etikal na Konsiderasyon

Tiniyak ng mga mananaliksik na ang lahat ng nakalap na impormasyon

ay binigyang-pagkilala at iginalang ang karapatan sa pag-aaring intelektuwal o

intellectual property rights.

Bilang pundasyon ng pag-aaral na ito, magalang na ipinaalam ng mga

mananaliksik sa mga manunulat na sina Propesor Genaro R. Gojo Cruz at

Propesor Glenda C. Oris ang naganap na pagsusuri sa dalawang kuwentong

pambata.

Panghuli, ang anumang datos at impormasyon na nasa pananaliksik na

ito ay paninindigan at pananagutan ng mga mananaliksik, kaya’t buong katapan

na isinulat ang pag-aaral na ito.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 92

Kabanata 4

RESULTA AT PAGTALAKAY

Sa bahaging ito naman ng tesis binigyang-interpretasyon at suri ng mga

mananaliksik ang mga kuwentong pambata na tutugon sa mga suliraning

nailahad sa pananaliksik.

Tungkulin ng Diksiyon sa Pagbubuo ng mga Parirala sa Dalawang

Kuwentong Pambata

Sa talakay ni Ellis (2022), ang diksiyon ay ang estratehikong pagpili ng

mga salita batay sa mambabasa, konteksto, o sitwasyon. Maaari din itong

magpahayag ng mga karagdagang kahulugan o partikular na estilo. Upang

masuri ang diksiyon ng dalawang kuwentong pambata, pumili ang mga

mananaliksik ng ilang mga salita mula sa dalawang akda at sinuri ang mga ito

batay sa iba’t ibang uri ng diksiyon na natalakay sa metodo ng pag-aaral.

Sa gramatikal na hirarkiya ni Simpson (2004) na antas ng

pagkakasunod-sunod (rank scale) (nasa pahina 71), ipinapakitang mga salita

ang bumubuo sa parirala. Magkasunod ang puwesto ng dalawang elementong

ito sa hanayan kaya’t inilagay rin sa ibaba ang mga pariralang pinagmulan ng

mga salita upang makita kung paano ginamit ang salita sa loob ng pariralang

kinabibilangan nito o sa paligid ng mga salitang katabi nito. Sa ganitong paraan,

mas madaling makaklasipika kung saang uri ng diksiyon nabibilang ang mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 93

salita at masusuri kung paano binuo ng salita ang pariralang kaniyang

kinalalagyan.

Talahanayan 5

Mga Salita at Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Salita Parirala Uri ng Diksiyon

1. ‘tapos ‘tapos (ay) Impormal na Diksiyon

2. salawal malinis na salawal Kolokyal na Diksiyon

3. patak ilang patak lang Pedestriyan na Diksiyon

4. uli kasi uli Balbal

5. mahalaga talagang mahalaga Abstrak na Diksiyon

6. presko (ay) presko Kongkretong Diksiyon

7. titi sa aking titi Pedestriyan na Diksiyon

8. kakaunti (ay) kakaunti Pormal na Diksiyon

9. kuluntoy (ay) kuluntoy Kolokyal na Diksiyon

‘sinliit ng bagong
10. ‘sinliit Makatang Diksiyon
pisang sisiw
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 94

Unang Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang unang salita sa talahanayan ay ’tapos na nasa pariralang “’tapos

(ay).” May panaklong ang pantakdang ay dahil kinaltas ito sa sugnay na

pinagmulan ng parirala. Dahil kung isasama ang mga sumunod na salita

matapos ang tampok na salita, hindi na ito magiging isang parirala bagkus ay

magkakaroon na ng kompletong diwa at magiging isang ganap na sugnay.

Bagaman may naganap na pagkakaltas ng bahagi ng salita, naging ganap at

kompleto pa rin ang kahulugan na ipinahahayag nito.

Ginamit bilang pang-abay na pamanahon ang salitang ’tapos sa sugnay

dahil inilarawan nito kung kailan isasagawa ang isang kilos (makikita sa

talahanayan sa ibaba ang buong sugnay). Kung susuriin ang tampok na salita,

pinaikling anyo ito ng salitang pagkatapos. Kinaltas ang bahaging [pagka]

kaya’t mapapansin ang paglalagay ng kudlit (‘) sa unahang bahagi bilang tanda

sa kinaltas na parte ng salita. Madalas isinasagawa ng mga may-akda ang

pagpapaikli ng salita upang mas maging madulas ang pagbasa sa

pangungusap, o pagbigkas kung ito ay pasalita. Mas nagiging direkta at tuwiran

din ang mensahe kapag nagkakaltas at nagbibigay ito ng kumbersasyonal na

tono sa isang pahayag. May taglay itong pampanitikang halaga na ibinabagay

ng mga manunulat sa sitwasyong humihingi ng ganitong tono upang magbigay-

kariktan sa kanilang isinusulat.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 95

Mula rito, dahil sa naganap na pagkakaltas sa salita, maituturing na

Impormal na Diksiyon ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa tampok

na salita. Ito ang hinihingi ng partikular na sugnay na kinabibilangan nito kaya’t

naging desisyon ng may-akda na gamitin ang ganitong anyo ng salita sa halip

na ang pormal na anyo nito na pagkatapos.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita ‘tapos pang-abay na pamanahon

Uri ng Diksiyon Impormal na Diksiyon

Parirala ‘tapos (ay) pariralang pang-abay

Sugnay Tapos (ay) pupulbuhan niya ito. (mula sa pahina 9)

Ikalawang Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikalawang salita naman sa talahanayan ay salawal na ginamit sa

pariralang “malinis na salawal.” Pangngalang pambalana ang tampok na

salitang salawal na inilarawan ng pang-uring malinis. Kung sa pang-araw-araw


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 96

na konteksto sa kasalukuyan, madalang nang marinig na ginagamit ang

salitang salawal sa kumbersasyonal na pakikipag-usap. Sa panahon ngayon,

mas tinatawag na ito ng karamihan bilang “underwear” o “brief” lalo na ng mga

bagong henerasyon.

Dahil sa katangian ng salita na henerasyonal, maituturing ang paraan ng

pagkakapili at pagkakagamit sa tampok na salita bilang Balbal. Nguni’t bukod

sa paggamit dito ng partikular na mga henerasyon, isa pang aspektong

maituturing na kakabit ng salita ay ang paggamit dito sa mga partikular na

heograpikal na lokasyon. Hindi lang mga nakatatandang henerasyon ang

madalas gumamit ng salitang salawal kundi sinasalita pa rin ito sa mga

probinsiya na malayo sa kanayunan. Kaiba sa kalunsuran na ang madalas nang

gamiting mga salita ay “underwear” o “brief” na mula sa wikang Ingles. Kaya’t

maituturing din ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa tampok na salita

bilang Kolokyal na Diksiyon.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita salawal pangngalang pambalana


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 97

Uri ng Diksiyon Kolokyal na Diksiyon/Balbal

Parirala malinis na salawal pariralang pang-uri

Susuutan ako ni Nanay ng malinis na salawal. (mula


Sugnay
sa pahina 12)

Ikatlong Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikatlong salita naman sa talahanayan ay patak na nasa pariralang

“ilang patak lang.” Pangngalang pambalana ang tampok na salitang patak na

inilarawan ng pang-uring ilan. Kung titingnan ang konteksto ng pagkakagamit

ng salita sa parirala, simple lamang ito at direkta ang kahulugan. Walang ligoy

at gumamit lamang ng payak na salita kaya’t madaling naunawaan kung ano

ang mensahe o nais ipahayag ng parirala.

Dahil dito, madaling maikaklasipika ang paraan ng pagkakapili at

pagkakagamit sa tampok na salita bilang Pedestriyan na Diksiyon. Sa talakay

ni Ellis (2022) hinggil sa iba’t ibang uri ng diksiyon, sinusubukan ng pedestriyan

na diksiyon na maging normal o karaniwan kaya’t hindi gumagamit ng mga

magarbo, malalim, o matalinhagang salita bagkus ay iniisip kung paano

nagsasalita ang mga regular na tao.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 98

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita patak pangngalang pambalana

Uri ng Diksiyon Pedestriyan na Diksiyon

Parirala ilang patak lang pariralang pang-uri

Sugnay Ilang patak lang ang lumalabas. (mula sa pahina 18)

Ikaapat na Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikaapat na salita naman sa talahanayan ay uli na ginamit sa

pariralang “kasi uli.” Ginamit bilang pang-abay na pamanahong nagsasaad ng

dalas ang tampok na salitang uli sa sugnay dahil inilarawan nito kung gaano

kadalas gagawin ang pandiwa sa sugnay (makikita sa ibaba ang buong

sugnay). Kung titingnan naman ang anyo ng pagkakagamit ng salita sa parirala,

kinaltasan ito ng isang letra sa dulo mula sa orihinal nitong anyo na ulit.

Bagaman may naganap na pagkakaltas ng bahagi ng salita, naunawaan pa rin

ang kahulugan na ipinahahayag nito.

Ang ganitong gawain ay artistiko o pansining na desisyon ng isang

manunulat. Gaya ng nabanggit sa unahan, madalas isinasagawa ng mga may-


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 99

akda ang pagpapaikli ng salita upang mas maging madulas ang pagbasa sa

pangungusap, o pagbigkas kung ito naman ay pasalita. Nagbibigay ang

pagkakaltas ng kumbersasyonal na tono sa isang pahayag. May taglay itong

pampanitikang halaga na ibinabagay ng mga manunulat sa sitwasyong

humihingi ng ganitong tono upang magbigay-kariktan sa kanilang isinusulat.

Mula rito, dahil sa naganap na pagkakaltas sa salita, at dahil din sa

katotohanang madalas na mga bagong henerasyon ang gumagamit ng salitang

ito, maituturing na Balbal ang diksiyon ng salita. Ayon nga sa talakay ni Ellis

(2022) hinggil sa mga uri ng diksiyon, ang balbal na diksiyon o slang sa Ingles,

na isang ekstensiyon ng impormal na diksiyon, ay sumasaklaw sa mga salita at

parirala na tanging isang partikular na uri o grupo ng mga tao ang nakaiintindi.

Kadalasang nahahati ang balbal ayon sa henerasyon, gaya ng tampok na salita

na may partikular na mga grupo ng tao o henerasyon ang madalas na

gumagamit.

Ito ang hinihingi ng partikular na sugnay na kinabibilangan ng salita

kaya’t naging desisyon ng may-akda na gamitin ang ganitong anyo ng salita sa

halip na ang pormal o buong anyo nito na ulit.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 100

Sangkap Kategoryang Panggramatika

pang-abay na pamanahong
Salita uli
nagsasaad ng dalas

Uri ng Diksiyon Balbal

Parirala kasi uli pariralang pang-abay, ingklitik

Sugnay Naiihi kasi uli ako! (mula sa pahina 24)

Ikalimang Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikalimang salita naman sa talahanayan ay mahalaga na nasa

pariralang “talagang mahalaga.” Sa pariralang ito, pang-uring panlarawan ang

pagkakagamit sa tampok na salita at inilarawan naman ng pang-abay na talaga.

Kung susuriin ang konteksto ng salita, isang di-nahahawakan at di-nasusukat

na konsepto ang bitbit na kahulugan ng salitang mahalaga. Ginagamit ito ng

mga tao sa paglalarawan ng mga bagay o tao na prayoridad nila o iniingatan.

Mula rito, maituturing ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa

tampok na salita bilang Abstrak na Diksiyon. Abstrakto ang bitbit na konteksto

at kahulugan ng tampok na salita. Sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa mga uri

ng diksiyon, tumutukoy ang abstrak na diksiyon sa pagtalakay sa isang bagay

na hindi nakikita, tulad ng isang ideya o damdamin. Sinasabing mahirap


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 101

isasalita ang mga abstrak na kaisipan kaya madalas makita ang abstrak na

diksiyon bilang malabo o magulo.

Nguni’t sa kaso ng tampok na salita, kahit abstrakto ang ipinahahayag

na mensahe nito, kung babasahin ang parirala ay ganap na mauunawaan ang

kahulugang nais nitong ipabatid.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita mahalaga pang-uring panlarawan

Uri ng Diksiyon Abstrak na Diksiyon

Parirala talagang mahalaga pariralang pang-abay

Bahagi ito ng aking katawan na talagang mahalaga.


Sugnay
(mula sa pahina 27)

Ikaanim na Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikaanim na salita naman sa talahanayan ay presko na ginamit sa

pariralang “(ay) presko.” Gaya sa unahang bahagi, may panaklong ang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 102

pantakdang ay dahil upang makuha ang parirala ng tampok na salita, ginawang

di-karaniwang ayos ang sugnay. Dahil kung isasama ang mga sumunod na

salita matapos ang tampok na salita, hindi na ito magiging isang parirala bagkus

ay magkakaroon na ng kompletong diwa at magiging isang ganap na sugnay.

Ginamit bilang pang-uring panlarawan ang salitang presko dahil

inilarawan nito ang isang pangngalang pambalana (makikita sa talahanayan sa

ibaba ang buong sugnay). Taliwas sa naunang tampok na salita, malinaw at

direkta ang ipinahayag na paglalarawan sa damdamin ng nagsasalita at ginamit

ang salitang ganap na tumutugon sa mensaheng nais ipabatid ng nagsasalita.

Mula rito, masasabing Kongkretong Diksiyon ang paraan ng pagkakapili at

pagkakagamit sa tampok na salita. Kapag binasa ang sugnay na pinagmulan

ng parirala, tiyak na malalaman agad ang “pakiramdam” na sinasabing

nararamdaman ng nagsasalita. Malinaw na pagiging presko ang pandamang

tinutukoy at nilalarawan ng tagapagsalita.

Sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa mga uri ng diksiyon, kabaligtaran ng

abstrak na diksiyon ang kongkretong diksiyon, na gumagamit ng tiyak at

direktang wika na may kaunti o halos walang kalabuan. Inilalarawan ng

kongkretong diksiyon kung tungkol saan ang mga bagay-bagay at kung ano ang

mga ito, na sumusunod sa wastong kahulugan ng mga salita at nagbabanggit

lamang ng mga katotohanan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 103

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita presko pang-uring panlarawan

Uri ng Diksiyon Kongkretong Diksiyon

Parirala (ay) presko pariralang pantakda

Sugnay Presko ang pakiramdam ko! (mula sa pahina 12)

Ikapitong Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikapitong salita naman sa talahanayan ay titi na nasa pariralang “sa

aking titi.” Sa pariralang pinagmulan ng tampok na salita, pangngalang

pambalana ang salitang titi na pag-aari ng panghalip panao na akin. Sa

konteksto ng lipunang Filipino, kung pakikinggan ang tampok na salita sa unang

pagkakataon, tila bulgar at bastos ito. Nguni’t kung sisipatin ang aktuwal at

literal na kahulugan ng salita, natural na bahagi ito ng katawan at hindi dapat

bigyan ng malisya. Sa paraan ng pagkakagamit ng salita sa parirala, tuwiran ito

at direkta ang kahulugan. Walang ligoy kaya’t madaling naunawaan kung ano

ang mensahe o nais ipahayag ng parirala.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 104

Dahil dito, madaling maikaklasipika ang paraan ng pagkakapili at

pagkakagamit sa tampok na salita bilang Pedestriyan na Diksiyon. Sa talakay

ni Ellis (2022) hinggil sa iba’t ibang uri ng diksiyon, sinusubukan ng pedestriyan

na diksiyon na maging normal o karaniwan kaya’t hindi gumagamit ng mga

magarbo, malalim, o matalinhagang salita bagkus ay iniisip kung paano

nagsasalita ang mga regular na tao.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita titi pangngalang pambalana

Uri ng Diksiyon Pedestriyan na Diksiyon

Parirala sa aking titi pariralang pantakda

Iba-iba ang nangyayari sa aking titi. (mula sa pahina


Sugnay
16)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 105

Ikawalong Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikawalong salita naman sa talahanayan ay kakaunti na ginamit sa

pariralang “(ay) kakaunti.” Gaya sa unahang bahagi, may panaklong ang

pantakdang ay dahil kinaltas ito sa sugnay na pinagmulan ng parirala. Dahil

kung isasama ang mga sumunod na salita matapos ang tampok na salita, hindi

na ito magiging isang parirala bagkus ay magkakaroon na ng kompletong diwa

at magiging isang ganap na sugnay (makikita sa talahanayan sa ibaba ang

buong sugnay).

Ginamit bilang pang-uring pamilang ang tampok na salitang kakaunti at

inilarawan nito ang pangngalang pambalana na agos ng ihi na siyang simuno

ng katabi nitong sugnay sa kuwento. Kung susuriin ang salita, malimit itong

gamitin sa kumbersasyonal na pakikipag-usap dahil ang madalas gamitin ay

ang mahabang baybay ng salita na “kokonti.” Pinapaikli ito ng karamihan upang

maging mas mabilis at mas maikling bigkasin.

Mula rito, masasabing Pormal na Diksiyon ang paraan ng pagkakapili

at pagkakagamit sa tampok na salita. Mas pinili ng may-akda ang pormal at

buong baybay ng salita na kakaunti kaysa sa pinaikli at impormal nitong anyo

na “kokonti” dahil marahil sa kuwentong pambata ito at nais magbigay ng

manunulat ng pormal na tono para sa akda.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 106

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita kakaunti pang-uring pamilang

Uri ng Diksiyon Pormal na Diksiyon

Parirala (ay) kakaunti pariralang pantakda

Sugnay Minsan naman (ay) kakaunti. (mula sa pahina 18)

Ikasiyam na Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikasiyam na salita naman sa talahanayan ay kuluntoy na nasa

pariralang “(ay) kuluntoy.” Gaya sa naunang salita, may panaklong ang

pantakdang ay dahil upang makuha ang parirala ng tampok na salita, ginawang

di-karaniwang ayos ang sugnay. Dahil kung isasama ang mga sumunod na

salita matapos ang tampok na salita, hindi na ito magiging isang parirala bagkus

ay magkakaroon na ng kompletong diwa at magiging isang ganap na sugnay

(makikita sa talahanayan sa ibaba ang buong sugnay).

Pang-uring panlarawan ang salitang kuluntoy na naglarawan sa

panghalip pamatlig na ito. Kung tatanungin ang isang taong lumaki sa

kalunsuran, maaaring hindi niya masagot kung ano ang kahulugang bitbit ng
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 107

salitang kuluntoy dahil mas madalas itong ginagamit sa mga probinsiyang

malayo sa kanayunan kung saan malawakan pa ring sinasalita ang malalalim

na salitang Tagalog gaya ng tampok na salita. Dahil sa katangian ng salita na

heograpikal, maituturing ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa salita

bilang Kolokyal na Diksiyon. Maituturing na kakabit na aspekto ng salita ang

paggamit dito sa mga partikular na heograpikal na lokasyon.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita kuluntoy pang-uring panlarawan

Uri ng Diksiyon Kolokyal na Diksiyon

Parirala (ay) kuluntoy pariralang pantakda

Sugnay Kuluntoy ito. (mula sa pahina 22)

Ikasampung Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikasampung salita sa talahanayan ay ‘sinliit na nasa pariralang

“‘sinliit ng bagong pisang sisiw.” Kakatwang ang pariralang pinagmulan ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 108

tampok na salita ay siya ring buong sugnay na makikita sa kuwento. Wala itong

maituturing na simuno subali’t buo ang diwa kaya’t matatawag itong sugnay na

nakapag-iisa. Kung susuriin, kinaltas sa sugnay ang simuno nitong ito. Ginamit

naman bilang pang-uring panlarawan ang tampok na salitang ‘sinliit sa sugnay

dahil inilarawan nito ang kinaltas na simunong ito na isang panghalip pamatlig.

Kung susuriin ang salita, pinaikling baybay ito ng salitang kasinliit.

Kinaltas ang unang pantig nito na [ka] kaya’t mapapansin ang paglalagay ng

kudlit (‘) sa unahang bahagi bilang tanda sa kinaltas na parte ng salita. Sa kabila

ng naganap na mga pagkakaltas sa bahagi ng sugnay at salita, naging ganap

at kompleto pa rin ang kahulugan na ipinahahayag ng mga ito (makikita sa

talahanayan sa ibaba ang buong sugnay).

Madalas isinasagawa ng mga may-akda ang pagpapaikli ng salita upang

mas maging madulas ang pagbasa sa pangungusap, o pagbigkas kung ito ay

pasalita. Mas nagiging direkta at tuwiran din ang mensahe kapag nagkakaltas

at nagbibigay ito ng kumbersasyonal na tono sa isang pahayag. May taglay

itong pampanitikang halaga na ibinabagay ng mga manunulat sa sitwasyong

humihingi ng ganitong tono upang magbigay-kariktan sa kanilang isinusulat.

Mula rito, idagdag pa ang pagkakagamit sa tampok na salita bilang

tayutay na pagtutulad (simile), maituturing na Makatang Diksiyon ang paraan

ng pagkakapili at pagkakagamit sa tampok na salita. Ito ang hinihingi ng

partikular na sugnay na kinabibilangan nito kaya’t naging desisyon ng may-akda


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 109

na gamitin ang pinaikling anyo ng salita upang umakma sa tonong minimithi

niyang makamit para sa sugnay.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita ‘sinliit pang-uring panlarawan

Uri ng Diksiyon Makatang Diksiyon

‘sinliit ng bagong
Parirala pariralang pang-uri
pisang sisiw

Sugnay ‘Sinliit ng bagong pisang sisiw. (mula sa pahina 22)

Talahanayan 6

Mga Salita at Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Salita Parirala Uri ng Diksiyon

1. bahagi bahagi rin Pedestriyan na Diksiyon


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 110

2. panloob damit panloob Pedantik na Diksiyon

Kolokyal na
3. shorts ng shorts
Diksiyon/Balbal

4. puwedeng ang puwedeng mag-alaga Abstrak na Diksiyon

bahagi ng katawan na
5. tanging Kongkretong Diksiyon
tanging akin

6. dumi ng dumi Pedestriyan na Diksiyon

7. panty ang panty ko Pedestriyan na Diksiyon

8. kiki ang kiki Balbal

9. maselang maselang bahagi Abstrak na Diksiyon

10. bawal bawal makita Kongkretong Diksiyon

Unang Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang unang salita sa talahanayan ay bahagi na ginamit sa pariralang

“bahagi rin.” Pangngalang pambalana ang tampok na salitang bahagi na tinukoy

ang simuno ng sugnay na ito na isang panghalip pamatlig. Kung titingnan ang

konteksto ng pagkakagamit ng salita sa parirala, simple lamang ito at direkta

ang kahulugan. Walang ligoy at gumamit lamang ng payak na salita kaya’t

madaling naunawaan kung ano ang mensahe o nais ipahayag ng salita.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 111

Dahil dito, madaling maikaklasipika ang paraan ng pagkakapili at

pagkakagamit sa tampok na salita bilang Pedestriyan na Diksiyon. Sa talakay

ni Ellis (2022) hinggil sa iba’t ibang uri ng diksiyon, sinusubukan ng pedestriyan

na diksiyon na maging normal o karaniwan kaya’t hindi gumagamit ng mga

magarbo, malalim, o matalinhagang salita bagkus ay iniisip kung paano

nagsasalita ang mga regular na tao.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita bahagi pangngalang pambalana

Uri ng Diksiyon Pedestriyan na Diksiyon

Parirala bahagi rin pariralang pangngalan

Bahagi rin ito ng katawan na kailangang alagaan.


Sugnay
(mula sa pahina 7)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 112

Ikalawang Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikalawang salita naman sa talahanayan ay panloob na nasa

pariralang “damit panloob.” Ginamit bilang pang-uring panlarawan ang tampok

na salitang panloob na inilarawan ang pangngalang pambalana na damit. Kung

susuriin ang parirala at magiging teknikal sa gramatika, marapat na may pang-

angkop na na sa paggitan ng dalawang salita. Kung nais mapanatili ang

kasalukuyang anyo at nais kaltasin ang pang-angkop sa paggitan, marapat

itong lagyan ng gitling (-) upang maging wasto ang pagkakabuo sa salita. Kung

gayon ay magiging isang salita na lamang ang parirala, isang tambalang salita

na di-ganap dahil nanatili ang kahulugan ng salita sa kabila ng nangyaring

pagtatambal.

Dagdag pa, may naganap na morpo-ponemang pagbabago sa unlapi ng

salita. Sa halip na gamitin ang buong unlapi na [pang-], naging [pan-] na lamang

ito dahil letrang /l/ ang unang letra ng salitang-ugat na kakabitan ng unlapi.

Ganito ang nagiging kaso sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa letrang /d/,

/l/, /r/, /s/, at /t/ (pandaigdig, panlahat, panradyo, pansalok, at pantaas). Gayon

pa man, magiging mahirap man sa bata ang pag-unawa sa salita sa simula,

nariyan naman ang magulang nila na tagapagpabasa ng aklat-pambata upang

ipaliwanag at sagutin ang kanilang mga katanungan.

Kung titingnan ang pagkakabuo ng parirala at konteksto ng

pagkakagamit sa salita, hindi ito agad-agad mauunawaan ng isang bata.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 113

Gumamit ang may-akda ng salitang panloob na maaaring bago at malalim para

sa mga batang mambabasa. Kinaltas din ng may-akda ang pang-angkop sa

paggitan ng dalawang salita kaya’t mas naging mahirap unawain ang parirala

kung babasahin ng isang musmos.

Gayon man, gaya ng nabanggit sa itaas, madalas isinasagawa ng mga

may-akda ang pagkakaltas at pagpapaikli ng parirala o salita upang mas

maging madulas ang pagbasa rito, o pagbigkas kung ito ay pasalita. Mas

nagiging direkta at tuwiran din ang mensahe kapag. May taglay itong

pampanitikang halaga na ibinabagay ng mga manunulat sa sitwasyong

humihingi ng ganitong tono upang magbigay-kariktan sa kanilang isinusulat.

Mula rito, dahil sa anyo at konteksto ng tampok na salita at sa porma ng

pagkakabuo sa parirala, maituturing na Pedantik na Diksiyon ang paraan ng

pagkakapili at pagkakagamit sa salita. Ito ang hinihingi ng partikular na sugnay

na kinabibilangan nito kaya’t naging desisyon ng may-akda na gamitin ang

ganitong anyo ng salita. Sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa iba’t ibang uri ng

diksiyon, kabaligtaran ng pedestriyan na diksiyon na sinusubukang maging

normal o karaniwan kaya’t hindi gumagamit ng mga magarbo at malalim na

salita, gumagamit naman ang pedantik na diksiyon ng mga akademiko o

“malalaking” salita, na para bang sinusubukan ng nagsasalita na patunayan

kung gaano siya katalino. Nguni’t kapaki-pakinabang ito sa isang manunulat

bilang kasangkapan sa kaniyang pagsusulat.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 114

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita panloob pang-uring panlarawan

Uri ng Diksiyon Pedantik na Diksiyon

Parirala damit panloob pariralang pangngalan

Damit panloob ang suot kong panty. (mula sa pahina


Sugnay
12)

Ikatlong Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikatlong salita naman sa talahanayan ay shorts na ginamit sa

pariralang “ng shorts.” Ginamit bilang pangngalang pambalana ang tampok na

salitang shorts sa parirala. Gaya ng naging talakay sa unahan hinggil sa

paggamit ng salitang salawal, kabaligtaran naman nito ang konteksto sa

paggamit sa salitang shorts. Kung sa pang-araw-araw na konteksto sa

kasalukuyan, mas madalas marinig na ginagamit ang salitang shorts kaysa sa

salawal lalo na ng mga bagong henerasyon.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 115

Dahil sa katangian ng salita na henerasyonal, maituturing ang paraan ng

pagkakapili at pagkakagamit sa salita bilang Balbal. Nguni’t bukod sa paggamit

dito ng partikular na mga henerasyon, isa pang aspektong maituturing na

kakabit ng salita ay ang paggamit dito sa mga partikular na heograpikal na

lokasyon. Hindi lang mga bagong henerasyon ang madalas gumamit ng

salitang shorts kundi mas madalas din itong sinasalita sa mga lungsod kung

saan ginagamit din ang iba’t ibang salitang Ingles, kaiba sa mga probinsiya na

malayo sa kanayunan na mas ginagamit ang mga tradisyonal at malalim na

salita. Kaya’t maituturing din ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa

salita bilang Kolokyal na Diksiyon.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita shorts pangngalang pambalana

Uri ng Diksiyon Kolokyal na Diksiyon/Balbal

Parirala ng shorts pariralang pantakda


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 116

Pinapatungan ko ito ng shorts o bestida, pantalon o


Sugnay
palda. (mula sa pahina 12)

Ikaapat na Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikaapat na salita naman sa talahanayan ay puwede na nasa

pariralang “ang puwedeng mag-alaga.” Sa pariralang ito, pang-abay na panang-

ayon ang pagkakagamit sa tampok na salita na inilarawan ang pandiwang mag-

alaga. Kung susuriin ang konteksto ng salita, nagbibigay ito ng permiso at

pagsang-ayon na maaaring gawin ang kilos na isinasaad. Dahil dito, may bitbit

na kahulugan o konsepto ang tampok na salita na di-nahahawakan, di-nakikita,

at di-nasusukat. Ginagamit ng mga tao ang salitang puwede sa pagpapahayag

ng pagsang-ayon, permiso, o kaya’y pagbibigay-pahintulot na isagawa ang

isang partikular na aksiyon.

Mula rito, maituturing ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa

salita bilang Abstrak na Diksiyon. Abstrakto ang bitbit na konteksto at

kahulugan ng tampok na salita. Sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa mga uri ng

diksiyon, tumutukoy ang abstrak na diksiyon sa pagtalakay sa isang bagay na

hindi nakikita, tulad ng isang ideya o damdamin. Sinasabing mahirap isasalita

ang mga abstrak na kaisipan kaya madalas makita ang abstrak na diksiyon

bilang malabo o magulo.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 117

Nguni’t sa kaso ng tampok na salita, kahit abstrakto ang ipinahahayag

na mensahe nito, kung babasahin ang parirala ay ganap na mauunawaan ang

kahulugang nais nitong ipabatid.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita puwede pang-abay na panang-ayon

Uri ng Diksiyon Abstrak na Diksiyon

ang puwedeng
Parirala pariralang pantakda
mag-alaga

Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay at ako lang!


Sugnay
(mula sa pahina 18)

Ikalimang Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikalimang salita naman sa talahanayan ay tangi na ginamit sa

pariralang “bahagi ng katawan na tanging akin.” Ginamit bilang pang-uring

panlarawan ang salitang tangi na inilarawan ang panghalip panao na akin.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 118

Taliwas sa naunang tampok na salita, malinaw at direkta ang ipinahayag na

konteksto ng nagsasalita at ginamit ang salitang buo ang kahulugan na

tumutugon sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagsalita.

Mula rito, masasabing Kongkretong Diksiyon ang paraan ng

pagkakapili at pagkakagamit sa tampok na salita. Kapag binasa ang sugnay na

pinagmulan ng parirala, tiyak na malalaman agad ang mensaheng nais

ipahayag ng nagsasalita. Malinaw na inaako niya at sinasabing kaniya lamang

ang tinutukoy niyang bahagi ng kaniyang katawan. Sa talakay ni Ellis (2022)

hinggil sa mga uri ng diksiyon, kabaligtaran ng abstrak na diksiyon ang

kongkretong diksiyon, na gumagamit ng tiyak at direktang wika na may kaunti

o halos walang kalabuan. Inilalarawan ng kongkretong diksiyon kung tungkol

saan ang mga bagay-bagay at kung ano ang mga ito, na sumusunod sa

wastong kahulugan ng mga salita at nagbabanggit lamang ng mga

katotohanan.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita tangi pang-uring panlarawan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 119

Uri ng Diksiyon Kongkretong Diksiyon

bahagi ng katawan
Parirala pariralang pangngalan
na tanging akin

Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na tanging akin.


Sugnay
(mula sa pahina 26)

Ikaanim na Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikaanim na salita naman sa talahanayan ay dumi na nasa pariralang

“ng dumi.” Ginamit bilang pangngalang pambalana ang tampok na salitang

dumi sa parirala. Kung titingnan ang konteksto ng pagkakagamit sa salita,

simple lamang ito at direkta ang kahulugan. Walang ligoy at gumamit lamang

ng payak na salita kaya’t madaling naunawaan kung ano ang mensahe o nais

ipahayag ng parirala.

Dahil dito, madaling maikaklasipika ang paraan ng pagkakapili at

pagkakagamit sa tampok na salita bilang Pedestriyan na Diksiyon. Sa talakay

ni Ellis (2022) hinggil sa iba’t ibang uri ng diksiyon, sinusubukan ng pedestriyan

na diksiyon na maging normal o karaniwan kaya’t hindi gumagamit ng mga

magarbo, malalim, o matalinhagang salita bagkus ay iniisip kung paano

nagsasalita ang mga regular na tao.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 120

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita dumi pangngalang pambalana

Uri ng Diksiyon Pedestriyan na Diksiyon

Parirala ng dumi pariralang pantakda

Sugnay Tinatanggalan ito ng dumi. (mula sa pahina 9)

Ikapitong Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikapitong salita naman sa talahanayan ay panty na ginamit sa

pariralang “ang panty ko.” Pangngalang pambalana ang salitang panty na pag-

aari ng panghalip panao na ko. Gaya ng naunang tampok na salita, kung

titingnan ang konteksto ng pagkakagamit ng salita sa parirala, simple lamang

ito at direkta ang kahulugan. Walang ligoy at gumamit lamang ng payak na salita

kaya’t madaling naunawaan kung ano ang mensahe o nais ipahayag ng

parirala.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 121

Sa kabila ng pagiging Ingles ng tampok na salita, naituring pa rin itong

simple at madaling maunawaan dahil naging bahagi na ang salita ng kultura at

lipunang Filipino. Malawakan itong ginagamit saanman sa bansa at siyang

salitang tumutukoy sa damit-panloob ng mga babae. Sa katunayan, kung

titingnan ang mga diksiyonaryong Filipino sa internet maging ang Diksiyonáryo

ng Wíkang Filipíno ng Komisyón sa Wíkang Filipíno, walang salin sa Filipino

ang salitang panty. Marahil ay isang rason kung bakit salitang panty ang

ginagamit ng karamihan sa pagtukoy sa kasuotang ito.

Dahil dito, madaling maikaklasipika ang paraan ng pagkakapili at

pagkakagamit sa tampok na salita bilang Pedestriyan na Diksiyon. Sa talakay

ni Ellis (2022) hinggil sa iba’t ibang uri ng diksiyon, sinusubukan ng pedestriyan

na diksiyon na maging normal o karaniwan kaya’t hindi gumagamit ng mga

magarbo, malalim, o matalinhagang salita bagkus ay iniisip kung paano

nagsasalita ang mga regular na tao.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita panty pangngalang pambalana


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 122

Uri ng Diksiyon Pedestriyan na Diksiyon

Parirala ang panty ko pariralang pantakda

Sugnay ‘Di dapat makita ang panty ko. (mula sa pahina 17)

Ikawalong Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikawalong salita naman sa talahanayan ay kiki na nasa pariralang

“ang kiki.” Ginamit bilang pangngalang pambalana ang tampok na salitang kiki

sa parirala. Kung titingnan ang baybay at anyo ng pagkakagamit sa salita,

tunog-impormal ito at may paglalaro sa salita hindi gaya ng kasingkahulugan

nitong salita na puki. Marahil ay ginamit ang salitang kiki sa halip na puki upang

maibagay ito sa salitang titi na ginamit sa naunang kuwentong pambantang

“Ako ay May Titi.” Mas nauna itong nailimbag kompara sa akdang pambatang

“Ako ay May Kiki” kaya’t maaaring naging desisyon ng manunulat na kiki na ang

gamitin upang tumugma ito sa katumbas nitong kuwentong pambata. Balbal o

slang man ang ginamit na salita, naunawaan pa rin ang kahulugan na

ipinahahayag ng tampok na salita.

Idagdag pa na mga bata ang target na mambabasa ng mga akda kaya’t

nakatulong ang paggamit sa salitang kiki upang mas maging kawili-wili para sa

mga batang basahin ang kuwento. Ang ganitong gawain ay artistiko o pansining

na desisyon ng isang manunulat. Pinipili ng mga may-akda ang paggamit sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 123

iba’t ibang partikular na salita alinsunod sa mga espesipikong pangkariktan na

rason. Nagbibigay ang pagpili at paggamit sa mga balbal na salita ng

kumbersasyonal na tono sa isang sugnay o pahayag. May taglay itong

pampanitikang halaga na ibinabagay ng mga manunulat sa sitwasyong

humihingi ng ganitong tono upang magbigay-kariktan sa kanilang isinusulat.

Mula rito, dahil sa piniling porma at baybay ng tampok na salita ng may-

akda, at dahil din sa katotohanang madalas na mga bagong henerasyon ang

gumagamit ng salitang ito, maituturing na Balbal ang diksiyon ng salita. Ayon

nga sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa mga uri ng diksiyon, ang balbal na

diksiyon o slang sa Ingles, na isang ekstensiyon ng impormal na diksiyon, ay

sumasaklaw sa mga salita at parirala na tanging isang partikular na uri o grupo

ng mga tao ang nakaiintindi. Kadalasang nahahati ang balbal ayon sa

henerasyon, gaya ng tampok na salita na may partikular na mga grupo ng tao

o henerasyon ang madalas na gumagamit.

Ito ang hinihingi ng partikular na sugnay na kinabibilangan ng salita

kaya’t naging desisyon ng may-akda na gamitin ang ganitong anyo at baybay

ng salita sa halip na ang kasingkahulugan nitong puki na mas direkta ang

kahulugan.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 124

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita kiki pangngalang pambalana

Uri ng Diksiyon Balbal

Parirala ang kiki pariralang pantakda

Sugnay Kailangang hugasan ang kiki. (mula sa pahina 21)

Ikasiyam na Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikasiyam na salita naman sa talahanayan ay maselan na ginamit sa

pariralang “maselang bahagi.” Sa pariralang ito, pang-uring panlarawan ang

pagkakagamit sa tampok na salita at inilarawan nito ang pangngalang

pambalana na bahagi. Kung susuriin ang konteksto ng salita, isang di-

nahahawakan at di-nasusukat na konsepto ang bitbit na kahulugan ng salitang

maselan. Ginagamit ito ng mga tao sa paglalarawan ng mga bagay o tao na

sensitibo at nangangailangan ng ibayong pag-iingat o pag-aalaga.

Mula rito, maituturing ang paraan ng pagkakapili at pagkakagamit sa

tampok na salita bilang Abstrak na Diksiyon. Abstrakto ang bitbit na konteksto

at kahulugan ng tampok na salita. Sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa mga uri


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 125

ng diksiyon, tumutukoy ang abstrak na diksiyon sa pagtalakay sa isang bagay

na hindi nakikita, tulad ng isang ideya o damdamin. Sinasabing mahirap

isasalita ang mga abstrak na kaisipan kaya madalas makita ang abstrak na

diksiyon bilang malabo o magulo.

Nguni’t sa kaso ng tampok na salita, kahit abstrakto ang ipinahahayag

na mensahe nito, kung babasahin ang parirala ay ganap na mauunawaan ang

kahulugang nais nitong ipabatid.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita maselan pang-uring panlarawan

Uri ng Diksiyon Abstrak na Diksiyon

Parirala maselang bahagi pariralang pang-uri

Sugnay Maselang bahagi ang aking kiki. (mula sa pahina 22)


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 126

Ikasampung Salita mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikasampung salita naman sa talahanayan ay bawal na ginamit sa

pariralang “bawal makita.” Ginamit bilang pang-abay na pananggi ang salitang

bawal na inilarawan ang pandiwang makita. Taliwas sa naunang tampok na

salita, malinaw at direkta ang ipinahayag na konteksto ng nagsasalita at ginamit

ang salitang buo at ganap ang kahulugan na tumutugon sa mensaheng nais

ipabatid ng tagapagsalita.

Mula rito, masasabing Kongkretong Diksiyon ang paraan ng

pagkakapili at pagkakagamit sa tampok na salita. Kapag binasa ang sugnay na

pinagmulan ng parirala, tiyak na malalaman agad ang mensaheng nais

ipahayag ng nagsasalita. Malinaw na pinagbabawalan niyang makita ng iba ang

bagay na kaniyang tinutukoy sa sugnay. Sa talakay ni Ellis (2022) hinggil sa

mga uri ng diksiyon, kabaligtaran ng abstrak na diksiyon ang kongkretong

diksiyon, na gumagamit ng tiyak at direktang wika na may kaunti o halos walang

kalabuan. Inilalarawan ng kongkretong diksiyon kung tungkol saan ang mga

bagay-bagay at kung ano ang mga ito, na sumusunod sa wastong kahulugan

ng mga salita at nagbabanggit lamang ng mga katotohanan.

Upang mas madaling masundan at maunawaan ang isinagawang

pagsusuri sa salita, inilagay sa talahanayan ang mga sangkap o bahagi upang

mauri at maitala rin kung ano ang kategorya ng mga salita at upang mas makita

ang ugnayan ng bawat bahagi sa isa’t isa:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 127

Sangkap Kategoryang Panggramatika

Salita bawal pang-abay na pananggi

Uri ng Diksiyon Kongkretong Diksiyon

Parirala bawal makita pariralang pang-abay

Sugnay Bawal makita ng iba. (mula sa pahina 24)

Gampanin ng Sintaks sa Paghahabi ng Diwa ng mga Sugnay sa Dalawang

Kuwentong Pambata

Sa talakay ni Ceña (2012), binigyang-pakahulugan niya ang parirala

bilang sunuran ng mga sangkap (constituent) na bumubuo ng isang balangkas

(structure). Pinagtuunan ng may-akda ang pambalangkas na katangian at anyo

ng parirala at mga sangkap nito, hindi ang kanilang kahulugan. Kabilang sa

tinatawag na kategoryang pansintaktika (syntactic category) ang mga salita,

panlapi, at parirala.

Iba’t ibang balangkas at kayarian ng parirala at sugnay ang makikita sa

dalawang akdang sinuri: may mga pariralang ulo (head) at layon o kaganapan

(object) lamang ang mga bahagi, mayroon namang may pantiyak (specifier) na

sangkap, at mga sugnay na walang simuno.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 128
6
Sa talakay ni Simpson (2004) hinggil sa kaniyang gramatikal na hirarkiya

kung saan sa antas ng pagkakasunod-sunod (rank scale) ng mga pangwikang

elemento (nasa pahina 71), magkasunod ang parirala at sugnay dahil integral

ang estruktura ng parirala sa pagbubuo ng diwa ng mga sugnay. Kaya’t pumili

ang mga mananaliksik ng tigsampung mga parirala mula sa dalawang

kuwentong pambata—na kahanay ng mga tampok na salita mula sa naunang

bahagi ng pagsusuri sa diksiyon ng dalawang akda—upang masuri at

maklasipika ang bawat sangkap ng mga ito. Sa kabuoan, dalawampung

parirala ang pinili mula sa dalawang kuwentong pambata.

Talahanayan 7

Mga Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Parirala Ulo Kategoryang Pangsintaktika

1. tapos (ay) tapos pariralang pang-abay

2. malinis na salawal malinis pariralang pang-uri

3. ilang patak lang patak pariralang pangngalan

4. kasi uli kasi pariralang pang-abay

5. talagang mahalaga talagang pariralang pang-abay

6. (ay) presko (ay) pariralang pantakda


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 129
6

7. sa aking titi sa pariralang pantakda

8. (ay) kakaunti (ay) pariralang pantakda

9. (ay) kuluntoy (ay) pariralang pantakda

‘sinliit ng bagong
10. bago pariralang pang-uri
pisang sisiw

Upang mas maging malinaw ang pagsusuri sa kayarian at balangkas ng

mga parirala at sugnay na makikita sa tekstong susuriin, ang bawat

halimbawang sangkap at parirala mula rito ay iuuri sa mga gramatikal o

pansintaktikang kategorya ng mga ito. Nasa ibaba ang detalyadong pagsusuri,

pagmamarka, at pag-uuri sa mga ito.

Unang Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

unang parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala ‘tapos (ay) pariralang pang-abay AdvP


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 130

Ulo ‘tapos pang-abay na pamanahon Adv

Layon (ay) pantakda D

Sugnay Tapos (ay) pupulbuhan niya ito.

Adv’

Adv D
‘tapos (ay)
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa unang tampok na parirala na ‘tapos (ay), ulo at layon lamang ang

sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan

at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na ‘tapos ay isang

pang-abay (Adv o adverb sa Ingles), ang layon naman na (ay) ay isang

pantakda (D o determiner sa Ingles).

Minarkahan ng Adv’ (“adv-bar”) ang ugpungan ng ulo na ‘tapos (Adv) at

layon na (ay) (D). Sa kabuoan, dahil pang-abay (Adv) ang ulo ng parirala na

‘tapos, nabibilang ang unang tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika

na pariralang pang-abay (AdvP o adverb phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang pandiwang pupulbuhan kaya’t naging pang-abay na

pamanahon ang ulo nito na [pagka]tapos. Nagsaad ito ng panahon kung kailan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 131

isasagawa ang kilos kaya’t nakatulong ang tampok na pariralang makompleto

ang diwa ng sugnay.

Ikalawang Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikalawang parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala malinis na salawal pariralang pang-uri AP

Ulo malinis pang-uri A

Layon na salawal pariralang pantakda DP

Sugnay Susuutan ako ni Nanay ng malinis na salawal.

A’

Adv DP
malinis na salawal
(ulo) (layon/kaganapan)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 132

Sa ikalawang tampok na parirala na malinis na salawal, ulo at layon

lamang ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na

malinis ay isang pang-uri (A o adjective sa Ingles), ang layon naman na na

salawal ay isang pariralang pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Minarkahan ng A’ (“a-bar”) ang ugpungan ng ulo na malinis (A) at layon

na na salawal (DP). Sa kabuoan, dahil pang-uri (A) ang ulo ng parirala na

malinis, nabibilang ang ikalawang tampok na parirala sa kategoryang

pansintaktika na pariralang pang-uri (AP o adjective phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na kinabibilangan nito,

inilarawan ng ulo ang pangngalang salawal kaya’t naging pang-uring

panlarawan ito. Nagbigay ng ibayong detalye at deskripsiyon ang tampok na

parirala sa simuno ng sugnay kung kaya’t nakatulong itong makompleto ang

diwa ng sugnay.

Ikatlong Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikatlong parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 133

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala ilang patak lang pariralang pangngalan NP

Pantiyak ilan (na)* pariralang pang-uri AP

Ulo patak pangngalan N

Layon lang pang-abay na ingklitik Adv

Sugnay Ilang patak lang ang lumalabas.

NP

AP N’
ilan (na)*

N Adv
patak lang

Sa ikatlong tampok na parirala, binubuo na ito ng tatlong sangkap—ulo,

layon at pantiyak. Kung titingnan ang sangahan ng pariralang pangngalan

(NP o noun phrase sa Ingles) na ilang patak lang, minarkahan ng takda ng

kategorya ang mga buko (node) ng sangahan. Makikita sa sangahan na ang

ulo na patak ay isang pangngalan (N o noun sa Ingles), na may layong lang

na isang pang-abay (Adv) at pantiyak na ilan (na)* na isang pariralang pang-

uri (AP) (*pansining hindi pinapansin ang mga pang-angkop (na, -ng, -g) dahil

isang detalye ito ng pagbigkas, na sakop ng ponolohiya).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 134

Isa ring parirala ang ugpungan ng N at Adv—ang N’ (“n-bar”), na isang

balangkas na mas malaki sa N nguni’t mas maliit sa AP. Ang pinakamalaking

parirala sa balangkas ay ang AP na ang ulo ay N. Kung mayroon mang sangkap

sa itaas nito, bahagi na ito ng ibang balangkas.

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na kinalalagyan nito,

panaguri ito ng simuno ng sugnay na ang lumalabas at nagbigay-turing o

deskripsiyon dito kaya’t naging buo ang mensahe ng sugnay. Nagbigay ng

ibayong detalye ang tampok na parirala sa simuno kung kaya’t nakatulong itong

makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikaapat na Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikaapat na parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala kasi uli pariralang pang-abay AdvP

Ulo kasi pang-abay na ingklitik Adv


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 135

pang-abay na pamanahong
Layon uli Adv
nagsasaad ng dalas

Sugnay Naiihi kasi uli ako!

Adv’

Adv Adv
kasi uli
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikaapat na tampok na parirala na kasi uli, ulo at layon lamang ang

sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan

at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na kasi at layon

naman na uli ay kapwa mga pang-abay (Adv o adverb sa Ingles).

Minarkahan ng Adv’ (“adv-bar”) ang ugpungan ng ulo na kasi (Adv) at

layon na uli (Adv). Sa kabuoan, dahil pang-abay (Adv) ang ulo ng parirala,

nabibilang ang ikaapat na tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na

pariralang pang-abay (AdvP o adverb phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na kinabibilangan nito,

inilarawan nito ang panaguri ng sugnay na naiihi na isang pandiwa kaya’t

naging pang-abay ang mga sangkap ng parirala. Nagbigay ng ibayong detalye

at deskripsiyon ang tampok na parirala sa panaguri ng sugnay at nagsaad kung


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 136

gaano kadalas isasagawa ang kilos kaya’t nakatulong ang tampok na pariralang

makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikalimang Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikalimang parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala talagang mahalaga pariralang pang-abay AdvP

Ulo talaga pang-abay na panang-ayon Adv

Layon -ng (na)* mahalaga pariralang pantakda DP

Sugnay Bahagi ito ng aking katawan na talagang mahalaga.

Adv’

Adv DP
talaga -ng (na)* mahalaga
(ulo) (layon/kaganapan)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 137

Sa ikalimang tampok na parirala na talagang mahalaga, ulo at layon

lamang ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na

talaga ay isang pang-abay (Adv o adverb sa Ingles) habang ang layon naman

na -ng (na)* mahalaga ay isang pariralang pantakda (DP o determiner phrase

sa Ingles) (*pansining hindi pinapansin ang mga pang-angkop (na, -ng, -g) dahil

isang detalye ito ng pagbigkas, na sakop ng ponolohiya).

Minarkahan ng Adv’ (“adv-bar”) ang ugpungan ng ulo na talaga (Adv) at

layon na -ng (na)* mahalaga (DP). Sa kabuoan, dahil pang-abay (Adv) ang ulo

ng parirala, nabibilang ang ikalimang tampok na parirala sa kategoryang

pansintaktika na pariralang pang-abay (AdvP o adverb phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na kinabibilangan nito,

inilarawan nito ang panaguri ng sugnay na bahagi ng aking katawan. Inilarawan

naman ng ulo ng parirala na talaga ang salitang mahalaga na isang pang-uri

kaya’t naging pang-abay ito. Nagbigay ng ibayong detalye at deskripsiyon ang

tampok na parirala sa panaguri ng sugnay at nagbigay-pagsusog sa

paglalarawan kaya’t nakatulong ang tampok na pariralang makompleto ang

diwa ng sugnay.

Ikaanim na Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikaanim na parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 138

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala (ay) presko pariralang pantakda DP

Ulo (ay) pantakda D

Layon presko pang-uring panlarawan A

Sugnay Presko ang pakiramdam ko!

D’

D A
(ay) presko
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikaanim na tampok na parirala na (ay) presko, ulo at layon lamang

ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na (ay)

ay isang pantakda (D o determiner sa Ingles) habang ang layon naman na

presko ay isang pang-uri (A o adjective sa Ingles).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 139

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na (ay) (D) at layon na

presko (A). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala, nabibilang ang

ikaanim na tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang

pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simuno ng sugnay na pakiramdam na isang pangngalan

habang pang-uri naman ang panaguri nitong presko. Nagbigay ng ibayong

detalye at deskripsiyon ang tampok na parirala sa simuno ng sugnay at

naglarawan sa katangian ng simuno nito kaya’t nakatulong ang tampok na

pariralang makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikapitong Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikapitong parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala sa aking titi pariralang pantakda DP

Ulo sa pantakda D
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 140

Layon aking titi pariralang panghalip PronP

Sugnay Iba-iba ang nangyayari sa aking titi.

D’

D PronP
sa aking titi
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikapitong tampok na parirala na sa aking titi, ulo at layon lamang ang

sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan

at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na sa ay isang

pantakda (D o determiner sa Ingles) habang ang layon naman na aking titi ay

isang pariralang panghalip (PronP o pronoun phrase sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na sa (D) at layon na

aking titi (A). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala, nabibilang

ang ikapitong tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang

pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simuno ng sugnay na nangyayari. Nagbigay ng ibayong

detalye at deskripsiyon ang tampok na parirala sa simuno ng sugnay kaya’t

nakatulong itong makompleto ang diwa ng sugnay.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 141

Ikawalong Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikawalong parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala (ay) kakaunti pariralang pantakda DP

Ulo (ay) pantakda D

Layon kakaunti pang-uring pamilang A

Sugnay Minsan naman kakaunti.

D’

D A
(ay) kakaunti
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikawalong tampok na parirala na (ay) kakaunti, ulo at layon lamang

ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na (ay)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 142

ay isang pantakda (D o determiner sa Ingles) habang ang layon naman na

kakaunti ay isang pang-uri (A o adjective sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na (ay) (D) at layon na

kakaunti (A). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala, nabibilang

ang ikawalong tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang

pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simuno ng sugnay na minsan na isang pang-abay.

Nagbigay ng ibayong detalye at deskripsiyon ang tampok na parirala sa simuno

ng sugnay at nagsaad ng bilang kaya’t nakatulong ang tampok na pariralang

makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikasiyam na Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikasiyam na parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala (ay) kuluntoy pariralang pantakda DP


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 143

Ulo (ay) pantakda D

Layon kuluntoy pang-uring panlarawan A

Sugnay Kuluntoy ito.

D’

D A
(ay) kuluntoy
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikasiyam na tampok na parirala na (ay) kuluntoy, ulo at layon lamang

ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na (ay)

ay isang pantakda (D o determiner sa Ingles) habang ang layon naman na

kuluntoy ay isang pang-uri (A o adjective sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na (ay) (D) at layon na

kuluntoy (A). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala, nabibilang

ang ikasiyam na tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na

pariralang pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simuno ng sugnay na ito na isang panghalip habang pang-

uri naman ang panaguri nitong kuluntoy. Nagbigay ng ibayong detalye at


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 144

deskripsiyon ang tampok na parirala sa simuno ng sugnay at naglarawan sa

katangian ng simuno nito kaya’t nakatulong ang tampok na pariralang

makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikasampung Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikasampung parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

‘sinliit ng bagong
Parirala pariralang pangngalan NP
pisang sisiw

Pantiyak ‘sinliit (ng) pariralang pang-uri AP

Ulo bago pangngalan N

Layon -ng (na)* pisang


pariralang pantakda DP
sisiw

Sugnay ‘Sinliit ng bagong pisang sisiw.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 145

NP

AP N’
‘sinliit (ng)

N DP
bago -ng (na)* pisang sisiw

Sa ikasampung tampok na parirala, binubuo na ito ng tatlong sangkap—

ulo, layon at pantiyak. Kung titingnan ang sangahan ng pariralang

pangngalan (NP o noun phrase sa Ingles) na ‘sinliit ng bagong pisang sisiw,

minarkahan ng takda ng kategorya ang mga buko (node) ng sangahan.

Makikita sa sangahan na ang ulo na patak ay isang pangngalan (N o noun sa

Ingles), na may layong -ng (na)* pisang sisiw na isang pariralang pantakda

(DP) at pantiyak na ‘sinliit (ng) na isang pariralang pang-uri (AP) (*pansining

hindi pinapansin ang mga pang-angkop (na, -ng, -g) dahil isang detalye ito ng

pagbigkas, na sakop ng ponolohiya).

Isa ring parirala ang ugpungan ng N at DP—ang N’ (“n-bar”), na isang

balangkas na mas malaki sa N nguni’t mas maliit sa NP. Ang pinakamalaking

parirala sa balangkas ay ang NP na ang ulo ay N. Kung mayroon mang

sangkap sa itaas nito, bahagi na ito ng ibang balangkas.

Kung susuriin ang tampok na parirala, wala itong simuno subali’t

maituturing na sugnay na makapag-iisa dahil buo ang taglay na diwa. Sa kabila


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 146

ng pagkaltas sa simuno nitong ito, naihatid pa rin ang mensahe at konteksto ng

sugnay at maituturing pa ring kompleto ang diwa nito.

Talahanayan 8

Mga Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Parirala Ulo Kategoryang Pangsintaktika

1. bahagi rin bahagi pariralang pangngalan

2. damit panloob damit pariralang pangngalan

3. ng shorts ng pariralang pantakda

ang puwedeng mag-


4. ang pariralang pantakda
alaga

bahagi ng katawan
5. katawan pariralang pangngalan
na tanging akin

6. ng dumi ng pariralang pantakda

7. ang panty ko ang pariralang pantakda

8. ang kiki ang pariralang pantakda

9. maselang bahagi maselan pariralang pang-uri


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 147

10. bawal makita bawal pariralang pang-abay

Upang mas maging malinaw ang pagsusuri sa kayarian at balangkas ng

mga parirala at sugnay na makikita sa tekstong susuriin, ang bawat

halimbawang sangkap at parirala mula rito ay iuuri sa mga gramatikal o

pansintaktikang kategorya ng mga ito. Nasa ibaba ang detalyadong pagsusuri,

pagmamarka, at pag-uuri sa mga ito.

Unang Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

unang parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala
bahagi rin pariralang pangngalan NP

Ulo bahagi pangngalan N

Layon rin pang-abay Adv

Sugnay Bahagi rin ito ng katawan na kailangang alagaan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 148

N’

N Adv
bahagi rin
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa unang tampok na parirala na bahagi rin, ulo at layon lamang ang

sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan

at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na bahagi ay isang

pangngalan (N o noun sa Ingles), ang layon naman na rin ay isang pang-abay

(Adv o adverb sa Ingles).

Minarkahan ng N’ (“n-bar”) ang ugpungan ng ulo na bahagi (N) at layon

na rin (Adv). Sa kabuoan, dahil pangngalan (N) ang ulo ng parirala na bahagi,

nabibilang ang unang tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na

pariralang pangngalan (NP o noun phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang panghalip pamatlig na ito kaya’t naging pangngalan ang

ulo nito na bahagi. Nagbigay ng ibayong detalye ang tampok na parirala sa

simuno kung kaya’t nakatulong itong makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikalawang Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikalawang parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 149

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala
damit panloob pariralang pangngalan NP

Ulo damit pangngalan N

Layon panloob pang-uri A

Sugnay Damit panloob ang suot kong panty.

N’

N A
damit panloob
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikalawang tampok na parirala na damit panloob, ulo at layon lamang

ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na damit

ay isang pangngalan (N o noun sa Ingles), ang layon naman na rin ay isang

pang-uri (A o adjective sa Ingles).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 150

Minarkahan ng N’ (“n-bar”) ang ugpungan ng ulo na damit (N) at layon

na panloob (A). Sa kabuoan, dahil pangngalan (N) ang ulo ng parirala na damit,

nabibilang ang ikalawang tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na

pariralang pangngalan (NP o noun phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simunong ang suot kong na isang pariralang pantakda

kaya’t naging pangngalan ang ulo nito na damit. Nagbigay ng deskripsiyon ang

tampok na parirala sa simuno ng sugnay kung kaya’t nakatulong itong

makompleto ang diwa ng ikalawang sugnay.

Ikatlong Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikatlong parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala
ng shorts pariralang pantakda DP

Ulo ng pantakda D

Layon shorts pangngalan N


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 151

Sugnay Pinapatungan ko ito ng shorts o bestida, pantalon o palda.

D’

D N
ng shorts
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikatlong tampok na parirala na ng shorts, ulo at layon lamang ang

sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan

at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na ng ay isang

pantakda (D o determiner sa Ingles), ang layon naman na shorts ay isang

pangngalan (N o noun sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na ng (D) at layon na

shorts (N). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala na ng,

nabibilang ang ikatlong tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na

pariralang pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simunong ito na isang panghalip pamatlig kaya’t naging

pantakda ang ulo nito na ng. Nagbigay ng ibayong detalye ang tampok na

parirala sa simuno ng sugnay kung kaya’t nakatulong itong makompleto ang

diwa ng ikatlong sugnay.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 152

Ikaapat na Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikaapat na parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

ang puwedeng mag-


Parirala pariralang pantakda DP
alaga

Ulo ang pantakda D

puwedeng mag-
Layon pariralang pang-abay AdvP
alaga

Sugnay Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay at ako lang!

D’

D AdvP
ang puwedeng mag-alaga
(ulo) (layon/kaganapan)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 153

Sa ikaapat na tampok na parirala na ang puwedeng mag-alaga, ulo at

layon lamang ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa

sangahan ay minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang

ulo nito na ang ay isang pantakda (D o determiner sa Ingles) habang ang layon

naman na puwedeng mag-alaga ay isang pariralang pang-abay (AdvP o

adverb phrase sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na ang (D) at layon na

puwedeng mag-alaga (AdvP). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng

parirala, nabibilang ang ikapitong tampok na parirala sa kategoryang

pansintaktika na pariralang pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

simuno ito ng sugnay at binigyan ng ibayong detalye at deskripsiyon ng

panaguri na si Nanay at ako lang. Paksa ng sugnay ang tampok na parirala

kaya’t nakatulong itong makompleto ang diwa ng pangungusap.

Ikalimang Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikalimang parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 154

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

bahagi ng katawan
Parirala pariralang pangngalan NP
na tanging akin

Pantiyak bahagi (ng) pariralang pangngalan AP

Ulo katawan pangngalan N

Layon na tanging akin pariralang pantakda DP

Sugnay Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na tanging akin.

NP

AP N’
bahagi (ng)

N DP
katawan na tanging akin

Sa ikalimang tampok na parirala, binubuo na ito ng tatlong sangkap—

ulo, layon at pantiyak. Kung titingnan ang sangahan ng pariralang

pangngalan (NP o noun phrase sa Ingles) na bahagi ng katawan na tanging

akin, minarkahan ng takda ng kategorya ang mga buko (node) ng sangahan.

Makikita sa sangahan na ang ulo na katawan ay isang pangngalan (N o noun


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 155

sa Ingles), na may layong na tanging akin na isang pariralang pantakda (DP)

at pantiyak na bahagi (ng) na isang pariralang pang-uri (AP).

Isa ring parirala ang ugpungan ng N at DP—ang N’ (“n-bar”), na isang

balangkas na mas malaki sa N nguni’t mas maliit sa NP. Ang pinakamalaking

parirala sa balangkas ay ang NP na ang ulo ay N. Kung mayroon mang

sangkap sa itaas nito, bahagi na ito ng ibang balangkas.

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na kinalalagyan nito,

panaguri ito ng simuno ng sugnay na ang aking kiki at nagbigay-turing o

deskripsiyon dito kaya’t naging buo ang mensahe ng sugnay. Nagbigay ng

ibayong detalye ang tampok na parirala sa simuno kung kaya’t nakatulong itong

makompleto ang diwa ng sugnay.

Ikaanim na Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikaanim na parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala ng dumi pariralang pantakda DP


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 156

Ulo ng pantakda D

Layon dumi pangngalan N

Sugnay Tinatanggalan ito ng dumi.

D’

D N
ng dumi
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikaanim na parirala na ng dumi, ulo at layon lamang ang sangkap ng

mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan at hinimay

ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na ng ay isang pantakda (D o

determiner sa Ingles), ang layon naman na dumi ay isang pangngalan (N o

noun sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na ng (D) at layon na

dumi (N). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala na ng, nabibilang

ang ikaanim na tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang

pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simunong ito na isang panghalip pamatlig kaya’t naging

pantakda ang ulo nito na ng. Nagbigay ng ibayong detalye ang tampok na
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 157

parirala sa simuno ng sugnay kung kaya’t nakatulong itong makompleto ang

diwa ng ikaanim na sugnay.

Ikapitong Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikapitong parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala ang panty ko pariralang pantakda DP

Ulo ang pantakda D

Layon panty ko pariralang pangngalan NP

Sugnay ‘Di dapat makita ang panty ko.

D’

D NP
ang panty ko
(ulo) (layon/kaganapan)
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 158

Sa ikapitong tampok na parirala na ang panty ko, ulo at layon lamang

ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na ang

ay isang pantakda (D o determiner sa Ingles) habang ang layon naman na

panty ko ay isang pariralang pangngalan (NP o noun phrase sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na ang (D) at layon na

panty ko (NP). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala, nabibilang

ang ikapitong tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang

pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

simuno ito ng sugnay at binigyan ng ibayong detalye at deskripsiyon ng

panaguri na ‘di dapat makita. Paksa ng sugnay ang tampok na parirala kaya’t

nakatulong itong makompleto ang diwa ng pangungusap.

Ikawalong Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikawalong parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 159

Parirala
ang kiki pariralang pantakda DP

Ulo ang pantakda D

Layon kiki pangngalan N

Sugnay Kailangang hugasan ang kiki.

D’

D N
ang kiki
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikawalong tampok na pariralang ang kiki, ulo at layon lamang ang

sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay minarkahan

at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na ang ay isang

pantakda (D o determiner sa Ingles), ang layon naman na kiki ay isang

pangngalan (N o noun sa Ingles).

Minarkahan ng D’ (“d-bar”) ang ugpungan ng ulo na ang (D) at layon na

kiki (N). Sa kabuoan, dahil pantakda (D) ang ulo ng parirala na ang, nabibilang

ang ikawalong tampok na parirala sa kategoryang pansintaktika na pariralang

pantakda (DP o determiner phrase sa Ingles).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 160

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan, ito

mismo ang simuno na inilalarawan ng panaguring kailangang hugasan na isa

namang pariralang pangngalan, kung kaya’t nakatulong pa rin ang parirala

upang makompleto ang diwa ng ikawalong sugnay.

Ikasiyam na Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikasiyam na parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala
maselang bahagj pariralang pang-uri AP

Ulo maselang pang-uri A

Layon bahagi pangngalan N

Sugnay Maselang bahagi ang aking kiki.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 161

A’

A N
maselang bahagj
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikasiyam na tampok na pariralang maselang bahagi, ulo at layon

lamang ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na

maselang ay isang pang-uri (A o adjective sa Ingles), ang layon naman na

bahagi ay isang pangngalan (N o noun sa Ingles).

Minarkahan ng A’ (“a-bar”) ang ugpungan ng ulo na maselang (A) at

layon na bahagi (N). Sa kabuoan, dahil pang-uri (A) ang ulo ng parirala na

maselang, nabibilang ang ikasiyam na tampok na parirala sa kategoryang

pansintaktika na pariralang pang-uri (AP o adjective phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang simunong ang aking kiki na isang pariralang pantakda

kaya’t naging pang-uri ang ulo nito na maselang. Nagbigay ng ibayong detalye

at deskripsiyon ang tampok na parirala sa simuno ng sugnay kung kaya’t

nakatulong itong makompleto ang diwa ng ikasiyam na sugnay.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 162

Ikasampung Parirala mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang pag-uuri sa mga sangkap ng

ikasampung parirala at pagtatala sa kategorya ng mga ito upang masiyasat at

maklasipika ang mga bahagi, makita ang ugnayan ng mga ito sa isa’t isa,

mapagbukod-bukod sa sangahan (tree diagram), at mamarkahan ang bawat

sangkap ng balangkas:

Sangkap Kategoryang Pansintaktika Takda

Parirala
bawal makita pariralang pang-abay AdvP

Ulo bawal pang-abay Adv

Layon makita pandiwa V

Sugnay Bawal makita ng iba.

Adv’

Adv V
bawal makita
(ulo) (layon/kaganapan)

Sa ikasampung tampok na pariralang bawal makita, ulo at layon lamang

ang sangkap ng mga ito at walang pantiyak na bahagi. Sa sangahan ay

minarkahan at hinimay ang bawat bahagi ng mga parirala. Ang ulo nito na
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 163

bawal ay isang pang-abay (Adv o adverb sa Ingles), ang layon naman na

makita ay isang pandiwa (V o verb sa Ingles).

Minarkahan ng Adv’ (“adv-bar”) ang ugpungan ng ulo na bawal (Adv) at

layon na makita (V). Sa kabuoan, dahil pang-abay (Adv) ang ulo ng parirala

na bawal, nabibilang ang ikasampung tampok na parirala sa kategoryang

pansintaktika na pariralang pang-abay (AdvP o adverb phrase sa Ingles).

Kung susuriin ang tampok na parirala sa sugnay na pinagmulan nito,

inilarawan nito ang kaganapang ng iba na isang pariralang pantakda kaya’t

naging pang-abay ang ulo nito na bawal. Nagbigay ng ibayong detalye at

deskripsiyon ang tampok na parirala sa kaganapan ng sugnay kung kaya’t kahit

walang simuno ay kumpleto pa rin ang diwa ng ikasampung sugnay.

Kahalagahan ng Gramatikal na Estruktura sa Pagpapamalas ng

Kaangkupan ng Dalawang Akda sa Edad ng mga Mambabasa

Sa talakay ni Simpson (2004), kapag pinag-uusapan ang gramatika ng

isang wika, pinag-uusapan dito ang isang napakasalimuot na hanay ng

magkakaugnay na mga kategorya, yunit, at estruktura. Sa gramatikal na

hirarkiya ni Simpson (2004) na antas ng pagkakasunod-sunod (rank scale)

(nasa pahina 71), sugnay ang pinakamahalagang yunit kaya’t pumili ang mga

mananaliksik ng tigsampung mga sugnay na makapag-iisa—may tig-isang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 164

simuno at panaguri at nagtataglay ng iisang diwa—mula sa dalawang

kuwentong pambata upang masuri at maklasipika ang bawat sangkap ng mga

ito: limang sugnay na kompleto ang sangkap at limang sugnay na hindi

kompleto ang sangkap sa bawat kuwento. Sa kabuoan, dalawampung

sugnay ang pinili mula sa dalawang kuwentong pambata. Nasa ibaba ang

detalyadong pagsusuri, pagmamarka, at pag-uuri sa mga ito.

Mga Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang

“Ako ay May Titi”

1. Tapos pupulbuhan niya ito. (mula sa pahina 9)

2. Susuutan ako ni Nanay ng malinis na salawal. (mula sa pahina 12)

3. Ilang patak lang ang lumalabas. (mula sa pahina 18)

4. Naiihi kasi uli ako! (mula sa pahina 24)

5. Bahagi ito ng aking katawan na talagang mahalaga. (mula sa pahina

27)

Sa talahanayan sa ibaba, inuri at klinasipika ang bawat bahagi ng mga

halimbawang sugnay upang mamarkahan ang mga sangkap nito gabay ang

pattern ng ‘PCSA’ o Panaguri o Predicator (P), Kaganapan o Complement (C),

Simuno o Subject (S), at Pandagdag o Adjunct (A):


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 165

Talahanayan 9

Pagmamarka sa mga Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

1. Tapos pupulbuhan niya ito.

ng malinis na
2. Susuutan ako ni Nanay
salawal.

3. Ilang patak lang ang lumalabas.

4. Naiihi kasi uli ako!

ng aking na talagang
5. Bahagi ito
katawan mahalaga.

Upang mas madaling maunawaan ang naging pag-uuri sa mga sangkap

ng bawat sugnay at upang mas makita ang ugnayan ng bawat bahagi nito sa

isa’t isa, gawin nating nasa di-karaniwang ayos ang mga pangungusap upang

agad matukoy ang simuno (S) ng mga ito:

Unang Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang

“Ako ay May Titi”

Kapag binago ang ayos, magiging “Ito ay pupulbuhan niya [pagka]tapos.”

ang unang sugnay. Dahil kita na agad ang pantakda (determiner) na ay,
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 166

madaling malaman na ito ang simuno (S) ng pangungusap na isang panghalip

pamatlig (demonstrative pronoun). Sinusundan ito ng panaguri (P) na

pupulbuhan na isang pandiwa (verb) na nasa aspektong kontemplatibo (future

tense), ng kaganapan (C) na niya na isang panghalip panao (personal

pronoun), at pandagdag (A) na [pagka]tapos na isang pang-abay na

pamanahon (adverb of time) na walang pananda.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

pang-abay na pamanahon, walang


Tapos
pananda

pupulbuhan pandiwa, aspektong kontemplatibo

niya panghalip panao

ito. panghalip pamatlig

Makikita sa unang talahanayan ang paggamit ng mga simpleng salita at

estruktura upang madaling maunawaan ng mga batang mambabasa ang unang

sugnay.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 167

Ikalawang Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikalawang sugnay naman ay magiging “Ako ay susuutan ni Nanay

ng malinis na salawal.” sa di-karaniwang ayos. Ang simuno (S) ng pangungusap

ay ako na isang panghalip panao (personal pronoun) na natukoy dahil sa

pantakdang (determiner) ay. Sinusundan ito ng panaguring (P) susuotan na

isang pandiwa (verb) na nasa aspektong kontemplatibo (future tense), ng

kaganapang (C) ni Nanay na isang pariralang pantakda (determiner phrase),

at ng pandagdag (A) na ng malinis na salawal na isa ring pariralang pantakda

(determiner phrase).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Susuutan pandiwa, kontemplatibo

ako panghalip panao

ni Nanay pariralang pantakda

ng malinis na salawal. pariralang pantakda


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 168

Katulad ng unang sugnay, may simple at direktang estruktura ang

ikalawang sugnay upang agad na maiparating ang mensahe sa mga

mambabasa.

Ikatlong Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Magiging “Ang lumalabas ay ilang patak lang.” ang ikatlong sugnay sa

di-karaniwang ayos. Simuno (S) ang pariralang pantakda (determiner phrase)

na ang lumalabas na madaling natukoy dahil sa pantakdang (determiner) ay.

Sinusundan ito ng panaguring (P) ilang na isang pang-uring pamilang (numeral

adjective), ng kaganapang (C) patak na isang pangngalang pambalana

(common noun), at ng pandagdag (A) na lang na isang pang-abay na

pamanahong (adverb of time) nagsasaad ng dalas.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Ilang pang-uring pamilang

patak pangngalang pambalana

pang-abay na pamanahon, nagsasaad


lang
ng dalas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 169

ang lumalabas. pariralang pantakda

Hindi malalim ang mga salitang ginamit sa sugnay dahilan para

magkaroon ito ng direktang konteksto.

Ikaapat na Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikaapat na sugnay naman ay magiging “Ako ay naiihi kasi uli” kapag

ginawang di-karaniwan ang ayos. Dahil sa pantakdang (determiner) ay,

madaling matutukoy ang simunong (S) Ako na isang panghalip panao (personal

pronoun), sinusundan ito ng panaguring (P) naiihi na isang pandiwa (verb) na

nasa aspektong imperpektibo (present tense), ng kaganapang (C) kasi na isang

pang-abay (adverb) na ingklitik, at ng pandagdag (A) na uli na isang pang-abay

na pamanahong (adverb of time) na nagsasaad ng dalas.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Naiihi pandiwa, imperpektibo

kasi pang-abay na ingklitik


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 170

pang-abay na pamanahon, nagsasaad


uli
ng dalas

ako! panghalip panao

Kapansin-pansin sa estruktura ng ikatlong sugnay ang pagbase sa tono

at paraan ng pananalita ng mga bata na maaaring kagiliwan ng mga

mambabasa.

Ikalimang Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Ganito naman ang kalalabasan ng ikalimang sugnay sa di-karaniwang

ayos “Ito ay bahagi ng aking katawan na talagang mahalaga.” Dahil sa

pantakdang (determiner) ay, matutukoy ang simunong (S) Ito na isang

panghalip pamatlig (demonstrative pronoun), sinusundan ng panaguring (P)

bahagi na isang pangngalang pambalana (common noun), ng kaganapan (C)

na ng aking katawan na isang pariralang pantakda (determiner phrase) at

pandagdag (A) na na talagang mahalaga na isa ring pariralang pantakda

(determiner phrase).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 171

Sangkap Kategorya ng Salita

Bahagi pangngalang pambalana

ito panghalip pamatlig

ng aking katawan pariralang pantakda

na talagang mahalaga. pariralang pantakda

Hindi komplikado ang mga salitang ginamit, malinaw at hindi paligoy-

ligoy ang mensahe ng ikalimang sugnay.

Mga Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

1. Presko ang pakiramdam ko! (mula sa pahina 12)

2. Iba-iba ang nangyayari sa aking titi. (mula sa pahina 16)

3. Minsan naman kakaunti. (mula sa pahina 18)

4. Kuluntoy ito. (mula sa pahina 22)

5. ‘Sinliit ng bagong pisang sisiw. (mula sa pahina 22)

Sa talahanayan sa ibaba, inuri at klinasipika ang bawat bahagi ng mga

halimbawang sugnay upang mamarkahan ang mga sangkap nito gabay ang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 172

pattern ng ‘PCSA’ o Panaguri o Predicator (P), Kaganapan o Complement (C),

Simuno o Subject (S), at Pandagdag o Adjunct (A):

Talahanayan 10

Pagmamarka sa mga Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa

Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

1. Presko ang pakiramdam ko!

ang nangyayari sa
2. Iba-iba
aking titi.

3. Minsan naman kakaunti.

4. Kuluntoy ito.

‘Sinliit ng bagong
5.
pisang sisiw.

Upang mas madaling maunawaan ang naging pag-uuri sa mga sangkap

ng bawat sugnay at upang mas makita ang ugnayan ng bawat bahagi nito sa

isa’t isa, gawin nating nasa di-karaniwang ayos ang mga pangungusap upang

agad matukoy ang simuno (S) ng mga ito:

Unang Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 173

Kapag binago ang ayos, magiging “Ang pakiramdam ko ay presko!” ang

unang sugnay. Dahil kita na agad ang pantakda (determiner) na ay, madaling

malaman na ang pakiramdam ko ang simuno (S) na isang pariralang pantakda

(determiner phrase). Sinusundan naman ito ng panaguring (P) presko na isang

pang-uri (adjective), habang walang sangkap na kaganapan (C) at pandagdag

(A) ang unang sugnay.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Presko pang-uri

ang pakiramdam ko. pariralang pantakda

Bagama’t hindi kompleto ang sangkap, buo pa rin ang mensahe ng

unang sugnay at madaling maiintindihan ng mga bata.

Ikalawang Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikalawang sugnay ay magiging “Ang nangyayari sa aking titi ay iba-

iba.” kapag binago ang ayos. Dahil sa pantakdang (determiner) ay, matutukoy

ang simuno (S) na Ang nangyayari sa aking titi na isa namang pariralang

pantakda (determiner phrase), sisusundan ito ng panaguring (P) iba-iba na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 174

isang pang-uri (adjective), habang wala itong sangkap na kaganapan (C) at

pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Iba-iba pang-uri

ang nangyayari sa aking titi. pariralang pantakda

Simple nguni’t epektibong mga salita ang ginamit sa ikalawang sugnay

dahilan upang maging kawili-wili ang dating ng mensahe nito.

Ikatlong Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Sa kabilang banda, magiging ganap na di-karaniwang ayos ang ikatlong

sugnay kung dadagdagan ito ng pantakdang (determiner) ay para maging

ganito “Minsan naman ay kakaunti.” madaling makikita ang simunong (S)

minsan naman na isang pariralang pang-abay (adverb phrase), sinusundan ito

ng panaguring (P) kakaunti na isang pang-uri (adjective), at katulad ng mga

nauna, wala rin itong sangkap na kaganapan (C) at pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 175

Sangkap Kategorya ng Salita

Minsan naman pariralang pang-abay

kakaunti. pang-uri

Maikli man ang estruktura ng sugnay, buo naman ang mensahe nito at

hindi nagkulang upang maintindihan pa rin ng mga mambabasa ang konteksto.

Ikaapat na Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Magiging ganito ang ikaapat na sugnay kapag binago ang ayos “Ito ay

kuluntoy.” Gamit ang pantakdang (determiner) ay, matutukoy na ito ang simuno

(S) na isang panghalip pamatlig (demonstrative pronoun), sisusundan naman

ito ng panaguring (P) kuluntoy na isang pang-uri (adjective), habang wala rin

itong sangkap na kaganapan (C) at pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Kuluntoy pang-uri

ito. panghalip pamatlig


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 176

Kaiba sa mga naunang sugnay, kapansin-pansin sa sugnay na ito ang

paggamit ng malalim at ‘di karaniwang salita (kaluntoy) na maaaring magdulot

ng kuryosidad o kalituhan ng mga batang mambabasa hinggil sa kahulugan

nito.

Ikalimang Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Titi”

Ang ikalimang sugnay naman ay may iisang sangkap lamang. Panaguri

(P) ang ‘sinliit ng bagong pisang sisiw na isang pariralang pang-uri (adjective

phrase). Wala itong sangkap na simuno (S), kaganapan (C), at pandagdag (A).

Kung gagawin namang di-karaniwang ayos ang sugnay, ito ay magiging “[Ito]

ay ‘sinliit ng bagong pisang sisiw.”

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

‘Sinliit ng bagong pisang sisiw. pariralang pang-uri

Makikita sa sugnay na ito ang mahusay na paglalaro sa mga salita.

Gumamit ng tayutay na pagtutulad (simile) ang may akda upang maiparating

ang mensahe sa malikhaing pamamaraan, kaya’t kahit iisa lang ang sangkap

ay buo pa rin ang diwa ng sugnay.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 177

Mga Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang

“Ako ay May Kiki”

1. Bahagi rin ito ng katawan na kailangang alagaan. (mula sa pahina 7)

2. Damit panloob ang suot kong panty. (mula sa pahina 12)

3. Pinapatungan ko ito ng shorts o bestida, pantalon o palda. (mula sa

pahina 12)

4. Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay at ako lang! (mula sa pahina 18)

5. Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na tanging akin. (mula sa pahina

26)

Sa talahanayan sa ibaba, inuri at klinasipika ang bawat bahagi ng mga

halimbawang sugnay upang mamarkahan ang mga sangkap nito gabay ang

pattern ng ‘PCSA’ o Panaguri o Predicator (P), Kaganapan o Complement (C),

Simuno o Subject (S), at Pandagdag o Adjunct (A):

Talahanayan 11

Pagmamarka sa mga Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

na kailangang
1. Bahagi rin ito ng katawan
alagaan.

2. Damit panloob ang suot kong panty.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 178

ng shorts o bestida,
3. Pinapatungan ko ito
pantalon o palda.

ay si Nanay at
4. Ang puwedeng mag-alaga lang!
ako

5. Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na tanging akin.

Upang mas madaling maunawaan ang naging pag-uuri sa mga sangkap

ng bawat sugnay at upang mas makita ang ugnayan ng bawat bahagi nito sa

isa’t isa, gawin nating nasa di-karaniwang ayos ang mga pangungusap upang

agad matukoy ang simuno (S) ng mga ito:

Unang Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong Pambatang

“Ako ay May Kiki”

Kapag binago ang ayos, magiging “Ito ay bahagi rin ng katawan na

kailangang alagaan.” ang unang sugnay. Dahil kita na agad ang pantakda

(determiner) na ay, madaling malaman na ito ang simuno (S) na isang

panghalip pamatlig (demonstrative pronoun). Sinusundan ito ng panaguring (P)

bahagi rin na isang pariralang pangngalan (noun phrase), ng kaganapan (C)

na ng katawan na isang pariralang pantakda (determiner phrase), at ng

pandagdag (A) na na kailangang alagaan na isa ring pariralang pantakda

(determiner phrase).
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 179

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Bahagi rin pariralang pangngalan

ito panghalip pamatlig

ng katawan pariralang pantakda

na kailangang alagaan. pariralang pantakda

Simple ang mga salitang ginamit sa unang sugnay. Mapapansin rin na

binubuo ito ng mga parirala na kapag pinagsama-sama ay makapaghahatid ng

direktang mensahe.

Ikalawang Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikalawang sugnay naman ay magiging “Ang suot kong panty ay

damit panloob.” sa di-karaniwang ayos. Ang simuno (S) ay ang damit kong na

isang pariralang pantakda (determiner phrase) na natukoy dahil sa pantakdang

(determiner) ay. Sinusundan ito ng pandagdag (A) na panty at ng panaguring

(P) damit na kapwa pangngalang pambalana (common noun), at ng

kaganapang (C) panloob na pang-uri (adjective).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 180

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Damit pangngalang pambalana

panloob pang-uri

ang suot kong pariralang pantakda

panty. pangngalang pambalana

Direkta at hindi maligoy ang konteksto ng ikalawang sugnay, kaya’t tiyak

na maiintindihan agad ito ng mga batang mambabasa.

Ikatlong Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Magiging “Ito ay pinapatungan ko ng shorts o bestida, pantalon o palda.”

ang ikatlong sugnay sa di-karaniwang ayos. Simuno (S) ang ito na isang

panghalip pamatlig (demonstrative pronoun) na madaling natukoy dahil sa mga

pantakdang (determiner) ay. Sinusundan ito ng panaguring (P) pinapatungan

na isang pandiwa (verb) na nasa aspektong imperpektibo (present tense), ng

kaganapang (C) ko na isang panghalip panao (personal pronoun), at ng

pandagdag (A) na ng shorts o bestida, pantalon o palda na isang pariralang

pantakda (determiner phrase).


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 181

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Pinapatungan pandiwa, imperpektibo

ko panghalip panao

ito panghalip pamatlig

ng shorts o bestida, pantalon o pariralang pantakda

palda.

Madulas na naipahayag ang mensahe ng ikatlong sugnay, nakatulong

din ang mga salitang magkakatugma upang makapagbigay-aliw sa mga batang

mambabasa.

Ikaapat na Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Kaiba naman sa tatlong sugnay na nauna, nasa di-karaniwang ayos ang

ikaapat na sugnay “Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay at ako lang.” kung

saan ang simuno (S) ay Ang puwedeng na isang pariralang pantakda

(determiner phrase), sinusundan ng kaganapang (C) mag-alaga na isang

pandiwa (verb) na nasa aspektong kontemplatibo (future tense), ng panaguring

(P) ay si Nanay at ako na isang pariralang pantakda (determiner phrase), at


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 182

ng pandagdag (A) na lang! na isang pang-abay na pamanahong (adverb of

time) nagsasaad ng dalas.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Ang puwedeng pariralang pantakda

mag-alaga pandiwa, kontemplatibo

ay si Nanay at ako pariralang pantakda

lang! pang-abay na pamanahon, nagsasaad

ng dalas.

Mahusay ang pagkakapili ng mga salita sa ikaapat na sugnay, dahilan

upang makapag-iwan ito ng mabigat na pahayag sa paraang maiintindihan pa

rin ng mga bata.

Ikalimang Sugnay na Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Nasa di-karaniwang ayos din ang ikalimang sugnay na “Ang aking kiki

ay bahagi ng katawan na tanging akin.” Dahil sa pantakdang (determiner) ay,

matutukoy ang simunong (S) Ang aking kiki na isang pariralang pantakda
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 183

(determiner phrase). Sinusundan naman ito ng panaguring (P) ay bahagi, ng

kaganapang (C) ng katawan, at ng pandagdag (A) na na tanging akin na mga

kapuwa pariralang pantakda (determiner phrase) rin.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Ang aking kiki pariralang pantakda

ay bahagi pariralang pantakda

ng katawan pariralang pantakda

na tanging akin. pariralang pantakda

Katulad ng ikaapat na sugnay, nakatulong ang pagkakapili ng mga salita

upang makapag-iwan ng mabigat na bahayag ang ikalimang sugnay. Ganoon

pa man, hindi malalim ang mga salitang ginamit at hindi rin komplikado ang

estruktura upang madali itong maintindihan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 184

Mga Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

1. Tinatanggalan ito ng dumi. (mula sa pahina 9)

2. ‘Di dapat makita ang panty ko. (mula sa pahina 17)

3. Kailangang hugasan ang kiki. (mula sa pahina 21)

4. Maselang bahagi ang aking kiki. (mula sa pahina 22)

5. Bawal makita ng iba. (mula sa pahina 24)

Sa talahanayan sa ibaba, inuri at klinasipika ang bawat bahagi ng mga

halimbawang sugnay upang mamarkahan ang mga sangkap nito gabay ang

pattern ng ‘PCSA’ o Panaguri o Predicator (P), Kaganapan o Complement (C),

Simuno o Subject (S), at Pandagdag o Adjunct (A):

Talahanayan 12

Pagmamarka sa mga Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa

Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

1. Tinatanggalan ito ng dumi.

2. ‘Di dapat makita ang panty ko.

Kailangang
3. ang kiki.
hugasan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 185

4. Maselang bahagi ang aking kiki.

5. Bawal makita ng iba.

Upang mas madaling maunawaan ang naging pag-uuri sa mga sangkap

ng bawat sugnay at upang mas makita ang ugnayan ng bawat bahagi nito sa

isa’t isa, gawin nating nasa di-karaniwang ayos ang mga pangungusap upang

agad matukoy ang simuno (S) ng mga ito:

Unang Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Kapag binago ang ayos, magiging “Ito ay tinatanggalan ng dumi.” ang

unang sugnay. Dahil kita na agad ang pantakda (determiner) na ay, madaling

malaman na ito ang simuno (S) na isang panghalip pamatlig (demonstrative

pronoun). Sinusundan naman ito ng panaguring (P) tinatanggalan na isang

pandiwa (verb) na nasa aspektong imperpektibo (present tense), at ng

kaganapang (C) ng dumi na isang pariralang pantakda (determiner phrase),

habang wala itong sangkap na pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 186

Tinatanggalan pandiwa, imperpektibo

ito panghalip pamatlig

ng dumi pariralang pantakda

Walang alinlangan na buo pa rin ang diwa ng unang sugnay sapagka’t

pandagdag (C) lamang ang kulang dito. Direkta rin ang mensahe dahil sa mga

simpleng salita na ginamit.

Ikalawang Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikalawang sugnay ay magiging “Ang panty ko ay ‘di dapat makita.”

kapag binago ang ayos. Dahil sa pantakdang (determiner) ay, matutukoy ang

simuno (S) na ang panty ko na isa namang pariralang pantakda (determiner

phrase), sisusundan ito ng panaguring (P) ‘di dapat makita na isang pariralang

pang-abay (adverb phrase), habang wala itong sangkap na kaganapan (C) at

pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

‘Di dapat makita pariralang pang-abay


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 187

ang panty ko pariralang pantakda

Bagama’t dalawang sangkap ang nawala sa ikalawang sugnay, buo pa

rin ang diwa nito. Mahusay rin ang pagkakapili ng mga salita upang makapag-

iwan ito ng direktang pahayag.

Ikatlong Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Magiging ganito naman ang ikatlong sugnay kapag binago ang ayos

“Ang kiki ay kailangang hugasan.” Dahil sa pantakdang (determiner) ay,

makikita ang simunong (S) Ang kiki na isang pariralang pantakda (determiner

phrase), sinusundan ito ng panaguring (P) kailangang hugasan na isang

pariralang pangngalan (noun phrase) dahil sa unang salitang kailangang. Wala

ring sangkap na kaganapan (C) at pandagdag (A) ang sugnay.

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Kailangang hugasan pariralang pangngalan

ang kiki pariralang pantakda


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 188

Mapapansin ang paggamit ng mga karaniwang salita at hindi

komplikadong estruktura sa ikatlong sugnay, akma para madaling maunawaan

ng mga batang mambabasa.

Ikaapat na Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ganito naman ang kalalabasan ng ikaapat na sugnay kapag binago ang

ayos “Ang aking kiki ay maselang bahagi.” dahil sa pantakdang (determiner) ay,

matutukoy ang simunong (S) Ang kiki na isang pariralang pantakda

(determiner phrase), sisusundan naman ito ng panaguring (P) maselang

bahagi na isang pariralang pang-uri (adjective phrase), habang wala rin itong

sangkap na kaganapan (C) at pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Maselang bahagi pariralang pang-uri

ang kiki pariralang pantakda

Binubuo ng dalawang parirala na direkta at hindi paligoy-ligoy ang

ikaapat na sugnay, kaya’t buo pa rin ang diwa at konteksto nito kahit hindi

kompleto ang apat na sangkap.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 189

Ikalimang Sugnay na Hindi Kompleto ang Sangkap mula sa Kuwentong

Pambatang “Ako ay May Kiki”

Ang ikalimang sugnay naman ay walang simuno (S) ngunit mayroong

panaguring (P) bawal makita na isang pariralang pang-uri (adjective phrase)

dahil sa unang salitang bawal. Sinusundan ito ng kaganapang (C) ng iba na

isang pariralang pantakda (determiner phrase), habang wala rin itong sangkap

na pandagdag (A).

Upang mas madaling masundan, ilalagay sa talahanayan ang mga

sangkap upang mauri at maitala kung ano ang kategorya ng mga salita:

Sangkap Kategorya ng Salita

Bawal makita pariralang pang-uri

ng iba pariralang pantakda

Kaiba sa mga naunang sugnay, dahil wala itong kasamang simuno, hindi

ganoon kabuo ang diwa ng ikalimang sugnay kung babasahin. Ganoon pa man,

direkta pa rin ang pagpapahayag nito ng mensahe.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 190

Semantikal na Ugnayan ng Diksiyon, Sintaks, at Gramatikal na Estruktura

sa Pagbubuo ng Kuwento ng mga Akda

Sa talakay ni Leech (1974), ang semantika, bilang pag-aaral ng

kahulugan, ay nasa sentro din ng pag-aaral ng lingguwistika at malalim ang

pagkakaangkla ng wika sa semantika. Sa bahaging ito ng pagsusuri, tatalakayin

na ng mga mananaliksik ang kahulugan ng mga sugnay na napili mula sa

dalawang kuwentong pambata. Ikaklasipika ang mga sugnay sa uri ng

kahulugan na kinabibilangan nila gamit ang iba’t ibang uri ng kahulugan na

tinalakay sa metodo ng pag-aaral.

Minarkahan ang mga tampok na salita at pariralang sinuri sa naunang

bahagi upang makita ang semantikal na ugnayan ng diksiyon, sintaks, at

gramatikal na estruktura sa isa’t isa. Sa ibaba ng talahanayan ay iniayos naman

ang bawat sugnay at inihanay sa mga tsart kasama ang klasipikasyon ng mga

piling salita at pariralang nauna nang sinuri upang mas madaling masundan ang

kabuoang daloy ng pagsusuri mula sa naunang pagtalakay sa diksiyon at

sintaks patungo rito sa bahagi ng semantikal na pagsusuri sa mga sugnay.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 191

Talahanayan 13

Mga Piling Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

Sugnay Uri ng Kahulugan

1. Tapos pupulbuhan niya ito. Tematikong Kahulugan

Susuutan ako ni Nanay ng malinis na


2. Replektib na Kahulugan
salawal.

3. Ilang patak lang ang lumalabas. Konseptuwal na Kahulugan

4. Naiihi kasi uli ako! Apektib na Kahulugan

Bahagi ito ng aking katawan na talagang


5. Tematikong Kahulugan
mahalaga.

6. Presko ang pakiramdam ko! Apektib na Kahulugan

7. Iba-iba ang nangyayari sa aking titi. Konotatibong Kahulugan

8. Minsan naman kakaunti. Tematikong Kahulugan

9. Kuluntoy ito. Sosyal na Kahulugan

10. ‘Sinliit ng bagong pisang sisiw. Konotatibong Kahulugan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 192

Unang Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

'tapos
Impormal na Diksiyon

'tapos (ay)
Pariralang Pang-abay

Tapos pupulbuhan niya ito.


Tematikong Kahulugan

Sa unang sugnay, litaw na litaw ang unang salita na “[pagka]tapos” na

isang pang-abay na pamanahon at nagsasaad o nagtatakda ng pagkakasunod

ng pangyayari kaya’t nagpapahayag ang sugnay na ito ng Tematikong

Kahulugan. Malinaw na sinabi sa talakay ni Leech (1974) na ipinahahayag ang

Tematikong Kahulugan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano iniayos

ang mensahe sa mga salik ng pagkakasunod-sunod ng kaganapan at diin sa

mga ito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 193

Ikalawang Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

salawal
Kolokyal na Diksiyon

malinis na salawal
Pariralang Pang-uri

Susuutan ako ni Nanay ng malinis na salawal.


Replektib na Kahulugan

Ang ikalawang sugnay ay may Replektib na Kahulugan dahil ang

salitang “salawal” ay maaaring magkaroon ng higit sa isang konseptuwal na

kahulugan. Sa kontekstong ito, ang salawal ay nangangahulugang underwear

o brief. Ngunit sa ibang konteksto ay maaari itong maging shorts, palda,

pantalon, at iba pang damit pambaba. Malinaw sa talakay ni Leech (1974)

tungkol sa Replektib na Kahulugan na ito ay lumilitaw sa mga kaso ng

maramihang konseptuwal na kahulugan, kapag ang esensiya ng isang salita ay

bahagi ng tugon sa ibang kahulugan.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 194

Ikatlong Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

patak
Pedestriyan na Diksiyon

ilang patak lang


Pariralang Pang-uri

Ilang patak lang ang lumalabas.


Konseptuwal na Kahulugan

Nagpapahayag ng Konseptuwal na Kahulugan ang ikatlong sugnay

dahil sa aktuwal, tahasan, at tuwirang pagpapakahulugan nito sa salitang

“kakaunti” mula sa (sinundan nitong sugnay na minsan naman kakaunti) bilang

“ilang patak lang”.

Ikaapat na Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

uli
Balbal

kasi uli
Pariralang Pang-abay

Naiihi kasi uli ako!


Apektib na Kahulugan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 195

Sa tulong ng bantas na tandang padamdam, madaling matutukoy na

masigla ang tono ng ikaapat na sugnay, kaya naman nagpapahayag ito ng

Apektib na Kahulugan. Sa talakay ni Leech (1974), binanggit na ang mga salik

gaya ng intonasyon at timbre ng boses—na madalas tukuyin bilang ‘tono ng

boses’—ay mahalaga sa pagtukoy ng Apektib na Kahulugan. Sa pagtukoy nito,

isinasaalang-alang kung paano sinasalamin ng wika ang personal na

damdamin ng nagsasalita, kabilang ang kaniyang saloobin sa nakikinig, o ang

kaniyang saloobin sa isang bagay na kaniyang tinatalakay.

Ikalimang Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

mahalaga
Abstrak na Diksiyon

talagang mahalaga
Pariralang Pang-abay

Bahagi ito ng aking katawan na talagang mahalaga.


Tematikong Kahulugan

Nabanggit sa talakay ni Leech (1974) na sa ibang mga kaso ng

Tematikong Kahulugan, diin at intonasyon sa halip na estrukturang

panggramatika ang nagbibigay-tuon sa impormasyon sa isang bahagi ng

pangungusap, sa ikalimang sugnay, mapapansin kung paano binigyang-diin ng

salitang “talagang” ang salitang “mahalaga” na nagbibigay-tuon naman sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 196

pariralang “Bahahi ito ng aking katawan”, kaya’t ang sugnay ay nagpapahayag

ng Tematikong Kahulugan.

Ikaanim na Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

presko
Kongkretong Diksiyon

(ay) presko
Pariralang Pantakda

Presko ang pakiramdam ko!


Apektib na Kahulugan

Agad na matutukoy na Apektib na Kahulugan ang ipinapahayag ng

ikaanim na sugnay dahil sa pariralang “ang pakiramdam ko” na nagpapahiwatig

ng personal na damdamin ng nagsasalita o may-akda. Dagdag pa, sinabi sa

talakay ni Leech (1974) na ang Apektib na Kahulugan ay kadalasang malinaw

na ipinararating sa pamamagitan ng konsepto o konotatibong nilalaman ng mga

salitang ginamit. Sa kasong ito, malaki rin ang naging papel ng salitang “presko”

na isang pang-uri at nangangahulugang sariwa, malamig o maaliwalas sa

paglalahad ng damdamin ng nagsasalita.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 197

Ikapitong Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

titi
Pedestriyan na Diksiyon

sa aking titi
Pariralang Pantakda

Iba-iba ang ang nangyayari sa aking titi.


Konotatibong Kahulugan

Nagpapahayag ng Konotatibong Kahulugan ang ikapitong sugnay

sapagka’t hindi tuwirang isinasaad ng pariralang “iba-iba ang nangyayari” ang

katangian ng sinasangguni (referent) na “aking titi”. Gaya nga ng sinabi ni Leech

(1974) tungkol sa Konotatibong Kahulugan, maraming karagdagan subali’t hindi

kritikal na mga katangian na natutunang asahan na taglayin ng isang

sinasangguni (referent).

Ikawalong Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

kakaunti
Pormal na Diksiyon

(ay) kakaunti
Pariralang Pantakda

Minsan naman kakaunti.


Tematikong Kahulugan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 198

Mapapansin sa ikawalong sugnay ang pariralang “minsan naman” na

isang pariralang pang-abay na pamanahon at nagsasaad o nagtatakda ng

pagkakasunod ng pangyayari kaya’t nagpapahayag ito ng Tematikong

Kahulugan. Gaya sa talakay ni Leech (1974) ipinapahiwatig nito ang paraan

ng pagkakaayos ng mensahe ng tagapagsalita o manunulat, sa mga salik ng

pagkakasunud-sunod.

Ikasiyam na Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

kuluntoy
Kolokyal na Diksiyon

(ay) kuluntoy
Pariralang Pantakda

Kuluntoy ito.
Sosyal na Kahulugan

Ang ikasiyam na sugnay ay nagpapahayag ng Sosyal na Kahulugan

dahil ang salitang “kuluntoy” ay isang Kolokyal na Diksiyon at mas ginagamit sa

mga partikular na lugar katulad ng probinsya kaya’t maituturing itong diyalekto.

Malinaw sa talakay ni Leech (1974) na kinikilala ng Sosyal na Kahulugan ang

ilang mga salita o pagbigkas bilang diyalektiko (dialectal), ibig sabihin,

nagsasabi ito ng heograpikal o panlipunang pinagmulan ng nagsasalita.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 199

Ikasampung Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi”

‘sinliit
Makatang Diksiyon

‘sinliit ng bagong pisang sisiw


Pariralang Pang-uri

‘Sinliit ng bagong pisang sisiw


Konotatibong Kahulugan

Agad na mauuri sa Konotatibong Kahulugan ang ikasampung sugnay

dahil sa salitang “sisiw” kung saan inihatintulad ang sinasangguni (titi) na

madalas ginagamitan ng yupemismomg termino gaya ng “ibon”. Katulad sa

talakay ni Leech (1974), niyayakap rin ng Konotatibong Kahulugan ang ‘litaw

na mga katangian’ (putative properties) ng sinasangguni, dahil sa pananaw na

natutunan ng isang indibidwal o isang grupo ng mga tao o ng buong lipunan.

Sa makatuwid, ang sugnay na ito ay nagpapahayag ng katangiang nabuo

bunga ng mga yupemismong termino para sa ari ng lalaki: “ibon” para sa

matatanda at “sisiw” naman para sa mga bata.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 200

Talahanayan 14

Mga Piling Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

Sugnay Uri ng Kahulugan

Bahagi rin ito ng katawan na kailangang


1. Tematikong Kahulugan
alagaan.

2. Damit panloob ang suot kong panty. Konseptuwal na Kahulugan

Pinapatungan ko ito ng shorts o bestida,


3. Sosyal na Kahulugan
pantalon o palda.

Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay at


4. Tematikong Kahulugan
ako lang!

Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na


5. Tematikong Kahulugan
tanging akin.

6. Tinatanggalan ito ng dumi. Replektib na Kahulugan

7. ‘Di dapat makita ang panty ko. Konotatibong Kahulugan

8. Kailangang hugasan ang kiki. Konotatibong Kahulugan

9. Maselang bahagi ang aking kiki. Konotatibong Kahulugan

10. Bawal makita ng iba. Konotatibong Kahulugan


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 201

Unang Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

bahagi
Pedestriyan na Diksiyon

bahagi rin
Pariralang Pangngalan

Bahagi rin ito ng katawan na kailangang alagaan.


Tematikong Kahulugan

Sa kasong ito, ang pariralang “bahagi rin ito ng katawan” ay

nagpapahayag na inayos ang sugnay bilang karugtong o kasunod na

kaganapan ng naunang sugnay na parehong tumalakay sa iisang paksa.

Habang binibigyang diin naman ito ng pariralang “na kailangang alagaan”.

Kaya’t nagpapahayag ng Tematikong Kahulugan ang unang sugnay dahil

dahil iniayos ang mensahe sa mga salik ng pagkakasunod-sunod ng

kaganapan at diin sa mga ito.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 202

Ikalawang Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

panloob
Pedantik na Diksiyon

damit panloob
Pariralang Pangngalan

Damit panloob ang suot kong panty.


Konseptuwal na Kahulugan

Kapag hinanap ang kahulugan ng ”panty” sa diksiyonaryo, isa sa unang

lalabas ang “damit panloob” (underwear), kaya naman nagpapahayag ng

Konseptuwal na Kahulugan ang ikalawang sugnay naman sapagka’t aktuwal,

walang pasubali at may paniniyak na binibigyang-kahulugan ng “damit panloob”

ang sinasangguni (referent) na “panty”. Ayon nga sa talakay sa metodo, ang

Konseptuwal na Kahulugan tinatawag ding “core meaning” sapagka’t walang

pasubali at may paniniyak; kinikilala, sinasang-ayunan, at tinatanggap ito ng

mga tao.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 203

Ikatlong Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

shorts
Kolokyal na Diksiyon

ng shorts
Pariralang Pantakda

Pinapatungan ko ito ng shorts o bestida,


pantalon o palda.
Sosyal na Kahulugan

Nagpapahayag ng Sosyal na Kahulugan ang ikatlong sugnay dahil sa

pabago-bagong paggamit dito ng katayuan (status) ng wika. Ayon pa rin kay

Leech (1974), ang Sosyal na Kahulugan ay mayroon ding sukat ng paggamit

ng ‘katayuan’ (status), halimbawa, mula sa pormal at pampanitikang wika sa

isang dulo hanggang sa kolokyal, pamilyar, at kalaunan ay balbal sa kabilang

dulo. Sa kasong ito, ang sugnay ay nag-umpisa sa pariralang “Pinapatungan ko

ito” na nasa pormal katayuan, hanggang sa kolokyal na diksiyong “shorts” at

pamilyar na “o bestida, pantalon o palda”.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 204

Ikaapat na Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

puwedeng
Abstrak na Diksiyon

ang puwedeng mag-alaga


Pariralang Pantakda

Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay at ako lang!


Tematikong Kahulugan

Tematikong Kahulugan ang ipinapahayag sa ikaapat na sugnay dahil

nakaayos ito base sa diin at tuon ng mensahe. Binibigyang diin ng salitang

“lang” ang pariralang “si Nanay at ako” na nagbibigay-tuon sa sanggunian

(reference) ng pariralang “Ang puwedeng mag-alaga”.

Ikalimang Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

tanging
Kongkretong Diksiyon

bahagi ng katawan na tanging akin.


Pariralang Pangngalan

Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na tanging akin.


Tematikong Kahulugan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 205

Tematikong Kahulugan din ang ipinapahayag ng ikalimang sugnay

dahil diin at intonasyon ang nagbibigay-tuon sa impormasyon sa isang bahagi

nito. Mapapansin na binibigyang-tuon ng pariralang “bahagi ng katawan na

tanging akin” ang pariralang “Ang aking kiki”.

Ikaanim na Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

dumi
Pedestriyan na Diksiyon

ng dumi
Pariralang Pantakda

Tinatanggalan ito ng dumi.


Replektib na Kahulugan

Ayon pa rin sa talakay ni Leech (1974), lumilitaw ang Replektib na

Kahulugan sa mga kaso ng maramihang konseptuwal na kahulugan, kapag ang

esensiya ng isang salita ay bahagi ng tugon sa ibang kahulugan. Sa ikaanim na

sugnay, litaw na litaw ang salitang “dumi” na nagsasaad ng higit sa isang

konseptuwal na kahulugan. Sa konteksto ng ikaanim na sugnay, maaaring

nangangahulugan ito dungis, nguni’t sa ibang konteksto, ang dumi ay

nangangahulugang dumi ng tao, libag, at iba pa. Kaya’t nagpapahayag ito ng

Replektib na Kahulugan.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 206

Ikapitong Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

panty
Pedestriyan na Diksiyon

ang panty
Pariralang Pantakda

‘Di dapat makita ang panty ko.


Konotatibong Kahulugan

Higit pa sa Konseptuwal na Kahulugan ng “panty” bilang damit panloob

o tapis para sa ibabang ari ng mga babae, isa sa litaw na mga katangian

(putative properties) na natutuhan ng lipunan ay ang pagtatago o hindi

pagpapakita nito sa iba sapagka’t itinuturing itong pribado. Kaya’t

nagpapahayag ng Konotatibong Kahulugan ang ikapitong sugnay.

Ikawalong Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

kiki
Balbal

ang kiki
Pariralang Pantakda

Kailangang hugasan ang kiki.


Konotatibong Kahulugan
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 207

Mauuri din bilang Konotatibong Kahulugan ang ikawalong sugnay

dahil nagpapahayag ito ng litaw na katangian (putative properties) na

“kailangang hugasan” ng sinasangguni (kiki) sapagka’t lagi itong ikinakabit sa

mga katangiang natutuhan ng lipunan katulad ng pagiging madumi, mapanghi,

o mabaho.

Ikasiyam na Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

maselang
Abstrak na Diksiyon

maselang bahagi
Pariralang Pang-uri

Maselang bahagi ang aking kiki.


Konotatibong Kahulugan

Ganito rin ang kaso ng ikasiyam na sugnay, ito ay mauuri din bilang

Konotatibong Kahulugan sapagka’t ipinapahayag nito ang isa sa mga litaw

na katangian ng sinasangguni (kiki) na pagiging “maselang bahagi” ng katawan

ng kababaihan, na natutuhan ng lipunan higit pa sa Konseptuwal na Kahulugan

nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 208

Ikasampung Sugnay mula sa Kuwentong Pambatang “Ako ay May Kiki”

bawal
Kongkretong Diksiyon

bawal makita
Pariralang Pang-uri

Bawal makita ng iba.


Konotatibong Kahulugan

Ang ikasampung sugnay ay may kaparehong kaso sa ikapitong sugnay,

kung saan isinasaad nito ang pagiging pribado ng “kiki” bilang bahagi ng

katawan at imaituturing na isa sa litaw na mga katangian (putative properties)

nito ang pariralang “bawal makita ng iba.” Sa makatuwid, nagpapahayag din ng

Konotatibong Kahulugan ang huling sugnay.

Saysay ng Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtalakay ng Seksuwal na

Edukasyon

Sa talakay ni Evasco (2011) tungkol sa Panukalang Filipinong Estetika

sa Panitikang Pambata, tinukoy niya na ang mga panitikang pambata sa

Pilipinas ay dapat tumugon at sumagka sa mga problemang kinakaharap ng

kabataan sa bansa, at isa sa mga problemang ito ay ang malalang kaso ng

pang-aabuso sa kabataang Pilipino. Ayon nga pinakahuling tala ng Philippine


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 209

Statistics Authority noong 2020, nasa 31.17 milyon ang kabuoang populasyon

ng kabataang may edad na 5 hanggang 17 taong gulang, at ayon sa tala ng

internasyonal na organisasyong CAMELEON (w.p.), nasa tinatayang pitong

milyong kabataang Pilipino ang dumaranas ng pang-aabusong seksuwal taon-

taon, kung saan 70% ng mga biktima ay naglalaro sa edad mula 10 hanggang

18 taong gulang at ang 20% ay nasa edad anim pababa. Bagama’t mayroong

mga batas na ipinasa laban sa karahasan, nangunguna pa rin ang

panggagahasa sa listahan ng pang-aabusong seksuwal kung saan 18% ng mga

biktima ay kababaihan at ang masaklap pa rito, 33% ng kaso ay kamag-anak

ang salarin. Kung bakit patuloy itong nangyayari, kasalatan sa seksuwal na

edukasyon ang isa sa mga nakikitang salik sa pagtaas ng bilang ng ganitong

uring paglabag sa karapatan. Karaniwan kasing hindi lubos nauunawaan ng

mga batang walang muwang ang maling ginagawa sa kanila ng iba.

Kaugnay nito, hindi na rin bago ang pagtatangkang gamitin ang mga

kuwentong pambata sa pagtuturo ng seksuwal na edukasyon sa Pilipinas.

Nariyan ang programa ng Department of Education (DepEd) na isama ang

seksuwal na edukasyon sa elementarya at sekondaryang kurikula sa ilalim ng

Reproductive Health Bill mula pa noong 2010, ganoon din ang mga edukador

gaya ni Gapuz (2013) na naghain ng panukalang papel tungkol sa paggamit ng

literatura sa pagtuturo ng seksuwal na impormasyon sa basikong edukasyon,

kung saan nagmumgkahi siya ng mga kuwentong pambatang Filipino na


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 210

tumatalakay sa mga paksa gaya ng pang-aabusong seksuwal, seksuwalidad,

pagbubuntis at panganganak, at iba pa.

Sa isinagawang estilistikong pananaliksik kung saan kinasangkapan ang

apat na pangwikang elemento na diksiyon, sintaks, gramatika, at semantika,

natuklasan ng mga mananaliksik na ang dalawang kuwentong pambata ay

maaaring gamitin sa pagtalakay ng seksuwal na impormasyon sapagka’t ang

mga salita, sugnay, at pariralang ginamit sa mga kuwento ay: una, bumabasag

sa malisyang nakadikit sa wastong terminong alinsunod sa katangiang

bayolohikal ng bawat indibidwal dahil sa paggamit ng mga salitang titi na isang

pedestriyan na diksiyon at kiki na isang balbal— bumabalikwas ito sa

nakagawiang paggamit ng mga yupemismong termino gaya ng ibon para sa ari

ng lalaki at mani, monay, o bulaklak naman para sa ari ng babae. Pangalawa,

nagbabahagi ito ng kaalaman sa mga bata hinggil sa tamang pangangalaga sa

kanilang katawan gaya ng “Susuotan ako ni nanay ng malinis na salawal.” na

isa sa mga sugnay na may kumpletong sangkap mula sa akdang Ako ay May

Titi at “Tinatanggalan ito ng dumi” na isa sa mga sugnay na may di-kumpletong

sangkap mula sa akdang Ako ay May kiki. Pangatlo, may tunguhin itong

maturuan ang mga batang kilalanin ang sarili at pahalagahan kung ano ang

mayroon sila na makikita sa mga ginamit na sugnay gaya ng “Iba-iba ang

nangyayari sa aking titi.” at “Ang aking kiki ay bahagi ng katawan na tanging

akin.” Panghuli, itinuturo nito kung paano iingatan ang sarili gamit ang mga
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 211

impormasyong matututuhan bilang depensa sa posibleng banta ng pang-

aabuso gaya ng mga sugnay mula sa akdang ako ay may Kiki na “Bawal makita

ng iba” (may di-kumpletong sangkap) at “Ang puwedeng mag-alaga ay si Nanay

at ako lang!” (may kumpletong sangkap). Ang mga bnabanggit na sugnay at

ang iba pang nasuri ay nakitaan din ng kaakuhan sa edad ng mga batang

mambabasa o binabasahan (limang taong gulang pataas) dahil sa paggamit ng

mga simpleng salita at estruktura ng mga may-akda— sa kabila ng malikhain at

magaang estilo ng pagpapahayag ay napananatili pa rin ang kahulugan ng

bawat sugnay na makikita naman sa semantikal na bahagi ng pagsusuri.

Ang Kamalayang Loob, Ligid, at Lalim

Upang mapatibay pa ang pangkabuoang suri ng mga mananaliksik sa

dalawang akda, hiniram ang pampanitikang balangkas o pagsipat na Loob,

Ligid, at Lalim. Inilapat ang balangkas sa dalawang kuwentong pambata upang

malinaw na mahimay naman ang pampanitikang aspekto ng mga akda.

Sipat pa-Loob

Mula pa lamang sa pamagat ng dalawang akda, makikita na hindi nag-

alinlangan ang mga may-akda at matibay ang kanilang tindig sa layunin ng mga

kuwentong makapagbigay-kaalaman sa mga mambabasa hinggil sa mga

paksang hindi karaniwang napag-uusapan sa loob ng tahanan. Tuwirang

tinukoy ang pribadong bahagi ng babae at lalaki—“titi” at “kiki.” Hindi gumamit

ng mga yupemistikong termino gaya ng putotoy o etits at kipay o mani para sa


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 212

pagtukoy ng ari. Mula rito, binibigyang-diin o tuon nito ang kahalagahan ng

wasto at malinaw na pagtukoy o pagtawag sa mga pribadong bahagi ng mga

bata nang sa gayon ay hindi ito kinakabitan ng malisya, na siyang dahilan upang

hindi maipaliwanag sa mga bata kung ano ang bahaging ito ng kanilang

katawan at paano ito pangangalagaan. Mahalagang sa pamagat pa lamang ng

akda, nakukuha na nito ang interes ng mambabasa at nagkakaroon na siya ng

ideya kung hinggil saan ang paksa ng kuwento. Nayayakap dapat ng pamagat

ang kabuoang laman, mensahe, at layunin ng isang pampanitikang akda.

Mula naman sa naging tekstuwal na pagsusuri ng mga mananaliksik sa

dalawang akda, nakita ritong gumamit ang mga may-akda ng payak at tuwirang

mga salita sa pagbubuo ng konteksto at kuwento ng dalawang kuwentong

pambata. Nakatulong ang pagpili at paggamit ng mga simpleng salita at

estruktura ng pangungusap upang maging litaw, malinaw, at aktuwal ang

ihinahayag na mensahe ng mga akda. Sa daigdig ng pantikang pambata, isa

sa pinakamahalagang aspekto ang kaangkupan ng kayarian ng akda sa

musmos na diwa at pang-unawa ng mga mambabasa. Hindi lamang dapat

basta naaabot ng mga bata ang kaisipang ipinahihiwatig ng kuwento, marapat

din na sumasalamin ito sa danas, interes, at pangangailangan ng mga bata.

Sipat pa-Ligid

Nailathala ang dalawang akdang pambata sa gitna ng mabagal na pag-

usad ng tuluyang pagpapalaya sa wikang Filipino. Sa talakay nga ni Ordonez


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 213

(2008), patuloy na ikinakahon ng lipunan ang wika kaya’t napananatili ito sa

kabansutan o kawalan ng pagyabong at pag-unlad dahil sa iba’t ibang aspekto

at puwersang sumasagka sa higit pa nitong pamumukadkad.

Ang parehong libro ay naglalayong turuan ang kabataan kung paano

mapangangalagaan nang maayos ang pribadong parte ng kanilang mga

katawan at upang higit na maiwasan ang seksuwal na pang-aabuso sa mga

bata.

Sa kabila ng progresibo at magandang inisyatiba, naging hati ang

opinyon ng mamamayan sa pagkakalimbag ng mga aklat, hindi naiwasan ang

pag-ani ng batikos ng mga naturang akda. Nariyan ang negatibong pidbak ukol

sa kakatwang pamagat ng libro, na sa palagay ng ilang mamamayan ay hindi

angkop sa mga musmos dahil sa ‘masagwa’ nitong dating, habang suportado

naman ng ilang sikolohista, guro, at magulang ang interesanteng babasahin

dahil sa tunguhin nitong maturuan ang mga batang kilalanin ang sarili at

pahalagahan kung ano ang mayroon sila.

Sipat pa-Lalim

Sinasabing malimit makaligtaang anyo ng panitikan ang panitikang

pambata. Interesante namang pag-aralan ang ganitong mga kuwento para sa

iba dahil madalas ay nababaon na ito malayo sa hinagap ng mga intelektuwal

at pantas—nakakaligtaan dahil kakaunting kritiko ang naglalaan ng panahon at

isip upang suriin ito dahil sa nakasanayan nang tingnan ang mga bata bilang
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 214

mahina at mababang uri na nilalang, na nagdudulot ng pagiging mapanghamak

na pagturing ng ilan sa pambatang panitikan (Gojo Cruz, 2007; Evasco, 2011;

Hunt, 2002).

Sa pagpapatuloy ng talakay ni Ordonez (2008), aniya, hindi magamit ng

mga tao ang eksaktong mga salita sa pagtukoy ng mga bagay lalo na kapag

may kinalaman sa seks at mga usaping itinuturing na kalaswaan ng

“nagbabanal-banalang lipunan.” Dagdag pa niya, matagal nang nakabilanggo

ang sariling wika ng bansa sa selda ng pagkukunwari o ipokrisya. Pinatingkad

ng kaniyang mga pahayag ang tinatalakay ng pananaliksik na ito hinggil sa

konserbatibong wika at lipunang Filipino na palaging tumutuloy sa paggamit ng

mga tao ng yupemistikong mga termino lalo sa mga usaping “bulgar” o “bastos”

para sa pandinig ng marami dahil sa konsepto ng hiya.

Sa kabuoan, sa pamamagitan ng paghihimay at pagsusuri sa mga

pangwikang elementong nakapaloob sa dalawang kuwentong pambata ay

natuklasan ang saysay ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtalakay ng

seksuwal na edukasyon na maaaring maging tuntungan ng pagtuturo nito

partikular sa basikong edukasyon, sapagka’t dito nabibilang ang edad ng mga

bata na pangunahing target ng dalawang akda.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 215

Kabanata 5

LAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito, inilahad ng mga mananaliksik ang lagom ng

natuklasan mula sa mga suliraning tinugunan ng pag-aaral. Gayundin,

binigyang-kongklusyon at rekomendasyon ang kabuoang pananaliksik upang

magamit at mapayabong pa ito ng mga susunod na mananaliksik.

Lagom ng Natuklasan

Batay sa naging resulta ng estilistikong pagsusuri sa dalawang akda,

naluklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Sa isinagawang pagsusuri sa diksiyon o pagpili ng salita ng mga may-

akda, nakita sa pag-uuri ng mga tampok na salita na mahigit kalahati sa mga

piniling salita ng mga may-akda ay nabibilang sa uri ng diksiyon na Impormal—

Pedestriyan na Diksiyon, Balbal o Slang, at Kolokyal na Diksiyon. Ibig sabihin

ay madalas na mga karaniwan, simple, at makabagong salita na ginagamit ng

mga bagong henerasyon ang pinili at kinasangkapan ng mga manunulat sa

pagbuo ng dalawang kuwentong pambata. Maituturing na payak ang karamihan

sa mga tampok na salita at nagtataglay ng direktang konteksto at kahulugan.

Sa kabuoan, nakatulong ang tuwiran, tiyak, at simpleng paraan ng mga may-

akda sa pagpili at paggamit ng mga salita na siyang naging tuntungan ng mga

parirala upang maging buo ang kanilang estruktura at maiintegra nang maayos
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 216

sa mga sugnay na sinuri ng mga mananaliksik sa mga sumunod na bahagi ng

paglalatag ng analisis.

Sa sintaktikal na pagsusuri ng dalawang kuwentong pambata, na

kaugnay ng naunang pagsusuri sa diksiyon ng mga akda kung saan nakitang

gumamit ng mga payak at tuwirang salita ang mga may-akda, natiyak naman

sa pagsusuri ng estruktura ng mga parirala na malaki ang gampanin ng paraan

ng pagkakabuo sa mga parirala upang maging malinaw at masinop ang

balangkas ng mga sugnay. Sa konteksto ng mga tampok na parirala mula sa

dalawang kuwento, na kahanay ng mga tampok na salita mula sa pagsusuri ng

diksiyon, nakita sa dalumat ng mga sangkap ng parirala na hindi naging

masalimuot at komplikado ang pagbubuo ng mga manunulat sa mga parirala

mula sa mga akda. Dahil sa payak na estruktura ng mga parirala, bilang resulta

ay naging buo at ganap din ang diwang ipinahahayag ng mga sugnay.

Sa gramatikal na pagsusuri salig sa hirarkiya ni Simpson (2004) na antas

ng pagkakasunod-sunod (rank scale), kung saan sugnay ang

pinakamahalagang yunit, natuklasan ng mga mananaliksik mula sa mga piling

sugnay na may mga nagtataglay ng kompletong sangkap na ‘PCSA’ o Panaguri

o Predicator (P), Kaganapan o Complement (C), Simuno o Subject (S), at

Pandagdag o Adjunct (A), subali't mayroon ding mga sugnay hindi nagtataglay

ng apat na sangkap. Ganoon pa man, kapuwa buo ang diwa ng mga sugnay,

kompleto man ang apat sangkap ng gramatikal na estruktura ng sugnay o hindi.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 217

Natuklasan din ang kaangkupan ng gramatikal na estruktura ng mga akda sa

edad ng mga mambabasa dahil sa magaan at malikhaing estilo ng

pagkakasulat, kung saan gumamit ang mga may-akda ng mga simpleng salita

at estruktura upang makabuo ng direktang pahayag upang maiintindihan ng

batang mambabasa o binabasahan.

Panghuli, sa semantikal na pagsusuri kung saan ikinlasipika ang mga

napiling sugnay sa uri ng kahulugan na kinabibilangan ng mga ito gamit ang

pitong uri ng kahulugan ni Leech (1974), natuklasan ng mga mananaliksik na

karamihan sa mga sugnay ay nagpapahayag ng Konotatibong Kahulugan at

Tematikong Kahulugan, may ilan ding nagtataglay ng Konseptuwal, Sosyal,

Replektib, at Apektib na mga Kahulugan, habang walang nakitang sugnay na

nagpapahayag ng Kolokatib na Kahulugan. Sa prosesong ito, nakita ang

ugnayan ng diksiyon, sintaks, at gramatikal na estruktura ng mga sugnay dahil

ang bawat sangkap ay nag-aambag sa maaring maging kahulugan ng isang

sugnay.

Mula sa naging estilistikong pagsusuri gamit ang mga pangwikang

elemento na diksiyon, sintaks, gramatika, at semantika, natuklasan ng mga

mananaliksik na ang mga salitang ginamit sa dalawang kuwento ay bumabasag

sa malisyang nakadikit sa wastong terminong alinsunod sa katangiang

bayolohikal ng bawat indibidwal, habang ang mga parirala at sugnay naman ay

nagbibigay-kaalaman sa mga bata hinggil sa tamang pangangalaga sa kanilang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 218

ari, nagtuturo sa mga batang kilalanin ang sarili at pahalagahan kung ano ang

mayroon sila, gayundin kung paano nila iingatan ang sarili bilang depensa sa

posibleng banta ng pang-aabuso.

Kongklusyon

Nabanggit sa paglalagom ng mga resulta na karamihan sa mga piniling

salita ng mga may-akda ay karaniwan, simple, at makabagong salita na

ginagamit ng mga bagong henerasyon kaya’t naging tuwiran at payak ang

paghahayag ng konteksto at kahulugan ng mga tampok na salita. Mula rito,

napatunayang malaki ang gampanin ng diksiyon o pagpili ng salita sa pagbubuo

ng estruktura ng mga parirala. Nakita ng mga mananaliksik sa naging pagsusuri

sa diksiyon ng mga kuwento at paglalatag ng analisis sa mga tampok na salita

na matibay ang ugnayan ng pagpili ng salita sa pagbubuo ng magiging anyo o

porma ng isang parirala. Hindi mapaghihiwalay ang maigting na relasyon ng

dalawang pangwikang elemento. Sa kabuoan, napatotoo lamang nito ang

talakay ni Simpson (2004) hinggil sa kaniyang gramatikal na hirarkiya kung

saan sa antas ng pagkakasunod-sunod (rank scale) ng mga pangwikang

elemento (nasa pahina 71), nasa ilalim at sumusunod lamang ang salita sa

parirala dahil integral ang pagpili ng salita sa pagbubuo ng mga parirala.

Mula sa naging pagsusuri at paglalatag ng analisis sa mga parirala kung

saan nakita ang maigting na ugnayan ng estruktura ng parirala at pagiging


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 219

masinop ng balangkas ng sugnay, nakatulong ang payak at tuwirang

pagkakabuo sa mga parirala upang maging malinaw at direkta ang konteksto at

mensaheng ihinahayag ng mga kuwento sa mga mambabasa. Bilang akdang

pambata ang mga ito, integral na aspekto ang pagtataglay ng mga simpleng

balangkas ng mga parirala at pangungusap upang epektibong nakararating ang

mahahalagang aral na nais ikintal ng mga kuwento sa mga bata. Sa

pagkakaroon din ng payak na estruktura ng mga sugnay, nasisigurong naaabot

ng mga musmos na kamalayan at hinagap ng mga mambabasa ang esensiya

at mensahe ng mga akda.

Sa pagtatasa sa mga napiling sugnay, napatunayan ng mga

mananaliksik na mahalaga ang gramatikal na estruktura sa pagpapamalas ng

kaangkupang ng dalawang akda sa mga mambabasa nito. Sa pamamagitan ng

magaan at malikhaing estilo ng pagkakasulat, kung saan gumamit ang mga

may-akda ng mga simpleng salita at estruktura ay nagkaroon ng direktang

pahayag at buong diwa ang bawat sugnay upang maintindihan ng mga batang

mambabasa o binabasahan.

Napatunayan din ng mga mananaliksik na may semantikal na ugnayan

ang sintaks, diksiyon, at gramatikal na estruktura sa pagkakabuo ng kuwento

ng mga akda dahil ang bawat sangkap ay may malaking papel sa pagkakabuo

ng mensahe o kahulugan ng bawat sugnay, katulad kung paanong ang isang


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 220

sugnay na mayroong Kolokyal na Diksyon ay awtomatikong nagpapahayag ng

Sosyal na Kahulugan dahil sa salitang ginamit dito.

Mula sa naging resulta ng ikalimang suliranin, nakita ang kakayahan ng

mga akda, na nasusulat sa wikang Filipino, na matugunan ang isa sa malaking

problemang kinahaharap ng kabataan sa bansa, ang malalang kaso ng

seksuwal na pang-aabuso, dahil sa mga salita, parirala, at sugnay na

tumatalakay sa seksuwal na impormasyon at nagbibigay-kaalaman sa mga

mambabasa hinggil sa paksaing ito. Napatunayan din sa isinagawang

pananaliksik ang saysay ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtalakay ng

seksuwal na edukasyon na maaaring maging tuntungan ng pagtuturo nito sa

hinaharap, partikular sa primaryang antas.

Rekomendasyon

Iminumungkahi ng pananaliksik na ito sa mga nagsusulat ng kuwentong

pambata na maging payak at tuwiran ang kanilang panulat. Bagaman

napatunayan sa pag-aaral na naging simple at direkta ang pagpili at

pagkakagamit ng mga may-akda sa mga salita sa dalawang akdang sinuri,

mayroon pa ring ginamit na mga salitang malalim at abstrakto ang kahulugan

at konteksto na hindi agad maaabot ng hinagap ng mga batang mambabasa.

Sabi nga sa talakay ni Evasco (2001), nararapat pakaisipin ng mga manunulat

na ang kuwentong pambatang nililikha ay may pangunahing layunin na isulat


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 221

para sa mga bata at nararapat na tumutugon sa danas, interes,

pangangailangan, kapasidad sa pagbasa, at wikang naaabot ng mga bata.

Sa kasalukuyan, kulang na kulang pa ang mga pag-aaral na may

kinalaman sa gamit ng wikang Filipino sa mga kuwentong pambata.

Pinakamahahalagang taon sa pagbubuo ng kamalayan ng isang tao ang

kaniyang kabataan. Ang realidad sa bansa, bukod sa walang kultura ng

pagbabasa, maraming mga bata ang hindi na nakararanas maging bata. Sa

patuloy na pananaliksik sa wika ng mga literaturang pambata, magiging

tuntungan ito sa ibayo pang pag-unawa sa kung paano tatalakayin ang mga

danas at pangangailangan ng mga batang Filipino. Sa pagsikhay ng mga pag-

aaral sa panitikang pambata, magiging repleksiyon ito ng pagkilala sa saysay

at talinong taglay ng mga bata.

Ipinapayo ng mga mananaliksik sa mga manunulat ng kuwentong

pambata na may temang seksuwal ang paggamit ng wastong termino sa

pagtukoy ng mga seksuwal na bahagi ng katawan gaya ng titi at kiki sa halip na

mga yepemismong termino upang hindi maging salat sa kaalaman ang mga

bata hinggil dito. Isaalang-alang din ang paggamit ng mga simpleng salita at

estruktura sa pagsusulat upang makapaghatid ng magaan at mabigat na

pahayag sa paraang madaling maiintindihan ng mga batang mambabasa o

binabasahan.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 222

Inirerekomenda sa mga susunod pang mananaliksik na magkaroon pa

ng mga estilistikong pagsusuri para sa mga kuwentong pambatang tumatalakay

sa seksuwal na edukasyon at mas palawakin pa ang pag-aaral kung paanong

nakaaapekto sa isa’t isa ang bawat sangkap gaya ng diksiyon, sintaks, at

gramatikal na estruktura sa magiging semantikal na kahulugan ng sugnay na

integral sa kabuoang mensahe ng kuwento.

Panghuli, iminumungkahi rin ng mga mananaliksik ang pagkasangkapan

sa mga kuwentong pambata gaya ng Ako ay May Titi at Ako ay May Kiki sa mga

programang nagsusulong ng pagtuturo ng seksuwal na edukasyon, partikular

sa basikong antas. Gaya ng sinabi ni Evasco (2008), maaari itong maging

kaagapay ng mga guro at magulang sa pagtalakay ng seksuwal na

impormasyong kinakailangan ng mga batang Pilipino. Marapat ding patuloy na

gamitin ang wikang Filipino sa mga akdang pambatang tumatalakay sa

mahahalagang paksain gaya ng seksuwal na edukasyon dahil epektibo itong

nakapaghahatid ng mensahe at aral sa mga Filipinong mambabasa. Marapat

na patuloy pang pagyamanin at palawakin ang gamit ng wikang Filipino sa mga

panitikang pambata sa bansa nang sa gayon, maraming batang Filipino pa ang

matuto ng mga aral na integral sa pagbuo ng kanilang pagkatao.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 223

MGA SANGGUNIAN
Aguila, C. A. (2017). Isang salamisim sa pagkabata: Pagsusuri, pagtuklas, at
ebalwasyon sa mga kuwentong pambata na nagwagi sa Gantimpalang
Palanca sa Panitikan. The Normal Lights, 11 (1), 176-197.
Anderson, A. & Ward, D. (2022, April 09). What is style in literature? | Types &
examples. https://study.com/academy/lesson/style-in-literature-
definition-types-examples.html
Anderson, A. (2016, June 28). Language analysis in literature: Overview &
examples. https://study.com/academy/lesson/language-analysis-in-
literature-lesson-examples-quiz.html
Ceña, R. M. (2012). Sintaks ng Filipino. National Commission for Culture and
the Arts.
Clemente, J. R., Galang A. R., & Arpon, A. T. (2017). Sino ang may hiya at
sino naman ang wala? Paunang pagtitibay sa panukat ng hiya bilang
isang pagpapahalaga. Diwa E-Journal, 5, 39-73.
Context in the Philippines. (w.p.). CAMELEON. https://www.cameleon-
association.org/contexte-aux-philippines/?lang=en
Dagmang, F. D. (1996). Hiya: Daan at kakayahan sa pakikipagkapwa. MST
Review, (Introductory Issue), 66-90.

Diction in literature. (2022, June 27). SuperSummary. https://www.supersum


mary.com/diction-in-literature-definition-examples/
Donaire, A. N. (w.p.). Panitikan sa Pilipinas. Pamantasan ng Silanganing
Pilipinas. https://www.studocu.com/ph/document/university-of-eastern-
philippines/bs-civil-engineer/1-panitikan/11472121

Ellis, M. (2022). The 9 types of diction in writing. Grammarly.


https://www.grammarly.com/blog/diction-in-writing/
Evasco, E. Y. (2008). Kapag maselan ang larong-bata: Ang panitikang
pambata bilang pananggalang sa abusong seksuwal sa bata.
Humanities Diliman: A Philippine Journal of Humanities, 5 (1), 1-46.
Evasco, E. Y. (2011). Pag-akda at pagkabata: Ang namamayaning tunguhin at
estetika sa panitikang pambata ng Pilipinas. Humanities Diliman: A
Philippine Journal of Humanities, 8 (2), 105-144.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 224

Fajilan, W. F. (2014). Pagsasatinig ng pagkabata: Ang varayti ng wika sa mga


premyadong kuwentong pambata. Humanities Diliman: A Philippine
Journal of Humanities, 11 (2), 90-112.
Galleon, C. S. (2017). Isip, bata!: A study on the perceptions about
unconventional children’s stories in child development. [Unpublished
undergraduate thesis]. University of the Philippines-Manila.
Gapuz, C. L. (2013). Reading sexuality: A reading- and literature-based
curriculum for sex education in basic education. University of the
Philippines-Diliman. https://www.academia.edu/5224413/Reading_
and_Literature_Based_Curriculum_for_Sex_Education_in_Basic_Educ
ation

Georgandis, A. (2010). Children’s classics through the lenses of literary


theory. Bellaire High School. https://uh.edu/honors/Programs-
Minors/honors-and-the-schools/houston-teachers-institute/curriculum-
units/pdfs/2003/twentieth-century-novels/georgandis-03-kid-lit.pdf
Gojo Cruz, G. R. (2007). Kwentong pangkasarian sa mga kwentong pambata.
Malay, 19 (3), 11-18.

Hunt, P. (Ed.). (2002). Understanding children’s literature. Taylor & Francis e-


Library.

Ibarrientos, R. N. (2008). Kalakaran ng panitikang pambata tungo sa isang


kilusang pampanitikan para sa bata: Isang sosyo-historikong pag-
unawa sa karanasan ng batang Pilipino at kasaysayan ng panitikang
pambata sa Pilipinas. University of the Philippines-Diliman.
Jeffries, L. & McIntyre, D. (2010). Stylistics. Cambridge University Press.
Khader, K. T. (2010). A brief introduction to stylistics. Islamic University of Gaza.
http://site.iugaza.edu.ps/kkhader/files/2011/10/Intro-to-Stylistics.pdf

Leech, G. N. (1974). Semantics: The study of meaning. https://www.academia.


edu/36700485/Geoffrey_leech_semantics_the_study_of_meaning
Limos, M. A. (2020, August 20). Ako ay may titi wants to teach little boys a
crucial lesson. Esquiremag.ph. https://www.esquiremag.ph/culture/
books-and-art/ako-ay-may-titi-a00293-20200820
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 225

Maggay, M. P. (2002). Pahiwatig: Kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino.


Ateneo de Manila University Press.

Mambrol, N. (2020, October 20). Literary theory and criticism.


https://literariness.org/2020/10/20/stylistics/
Manzanilla, S. M. (2015). Affective stylistic analysis of E.L. James’ “Fifty
Shades of Grey”. Tilamsik, 8 (1), 49-60.
Mapa, D. S. (2021, December 15). Working children and child labor situation.
Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines.
https://psa.gov.ph/content/working-children-and-child-labor-situation
Maxwell, J. A. (2013). Qualitative research design: An interactive approach.
SAGE. https://www.researchgate.net/publication/320353627_
Qualitative_research_design_An_interactive_approach
Ordonez, R. L. (2008). Wikang nakabartolina. https://plumaatpapel.wordpress.
com/author/plumaatpapel/
Pahiwatig at yupemismo sa komunikasyong Pilipino. (2020, October 29).
Elcomblus. https://www.elcomblus.com/pahiwatig-at-yupemismo-sa-
komunikasyong-pilipino/
Panitikan sa panahon ng propaganda. (2017). Slideshare. https://www.slide
share.net/sjbians/panitikan-sa-panahon-ng-propaganda-78084643

Ravitch, S. M. & Carl, N. M. (2019). Qualitative research: Bridging the


conceptual, theoretical, and methodological. SAGE.
https://www.gbv.de/dms/tib-ub-hannover/1669287041.pdf
Salazar, Z. (2004). Kasaysayan ng kapilipinuhan bagong balangkas. Studocu.
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-visayas/
readings-in-philippine-history/zeus-salazar-balangkas-ng-kasaysayan-
2004/17845898
Simpson, P. (2004). Stylistics: A resource book for students. London and New
York: Routledge.
Sunday, A. B. (2011). Language of confessional autobiography: A stylistic
appraisal of Emmanuel Eni’s Delivered from the Powers of Darkness.
Lumina, 22 (2), 1-9.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 226

Tan, M. L. (1998). Sex and sexuality. University Center for Women's Studies,
University of the Philippines.

Tarrayo, V. N. (2017). Exploring the coalescence of language and literature


through a stylistic analysis of Cristina Pantoja Hidalgo's “When It's A
Grey November In Your Soul”. University of Santo Tomas.
Tismo, B. S. (2008). Point of view in six Matsumoto stories: A stylistics
analysis. Kinaadman, 30 (1), 23-66.
Villanueva, R. O. (2014, June 23). Pagsulat ng kuwentong pambata.
LIKHAAN: Panitikan.ph. https://panitikan.ph/2014/06/23/pagsulat-ng-
kuwentong-pambata/

Widdowson, H. G. (1975). Stylistics and the teaching of literature. Routledge.


https://doi.org/10.4324/9781315835990
Zafra, G. S. (2016). Ang pagtuturo ng wika at kulturang Filipino sa disiplinang
Filipino (konteksto ng K-12). Katipunan, 0 (1), 1-26.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 227

APENDIKS
Apendiks 1: Tala sa Sarili
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 228
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 229

Apendiks 2 : Mga Liham ng Pahintulot

Enero 25, 2023

ASST. PROF. GENARO R. GOJO CRUZ


Kolehiyo ng Malalayang Sining
Pamantasang De La Salle-Manila

Pagbati!

Kami, mga mananaliksik mula sa Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya 4-1 sa


Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ay bumubuo ng pananaliksik na
pinamagatang Estilistikong Pagsusuri (Stylistic Analysis) sa Paggamit ng
Wikang Filipino sa mga Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako
ay May Kiki” na layong suriin ang pagkakagamit ng wikang Filipino sa
dalawang kuwentong pambata sa pamamagitan ng paghihimay sa mga
pangwikang elemento nito.

Kaugnay nito, magalang po kaming humihingi ng pahintulot na maaral at


masuri ang inyong akdang “Ako ay May Titi” na mula nang mailimbag ay
lumikha na ng tunog sa pagsusulong ng gamit ng wikang Filipino sa pagtuturo
ng seksuwal na edukasyon sa mga bata. Mula rito, ninais ng mga mananaliksik
na ibayong paugungin ang ingay ng mga kuwentong pambata sa pamamagitan
ng paghahabi ng pagsusuri sa wika ng mga ito.

Matitiyak pong tanging sa pampananaliksik na layon lamang gagamitin ang


akda at wala nang iba pa.

Maraming salamat po! Hangad po namin ang inyong kaligtasan sa lahat ng


pagkakataon.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 230

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik: Noted by:

Gumba, Floro G.
2019-02547-MN-0
PROP. SHEILA MAE C. INTOY
Sayo, Ina Patricia A.
Tagapayo
2019-12487-MN-0

Enero 25, 2023

ASST. PROF. GLENDA C. ORIS


Kagawaran ng Filipino, Paaralang Humanidades
Pamantasang Ateneo de Manila

Pagbati!

Kami, mga mananaliksik mula sa Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya 4-1 sa


Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, ay bumubuo ng pananaliksik na
pinamagatang Estilistikong Pagsusuri (Stylistic Analysis) sa Paggamit ng
Wikang Filipino sa mga Kuwentong Pambatang “Ako ay May Titi” at “Ako
ay May Kiki” na layong suriin ang pagkakagamit ng wikang Filipino sa
dalawang kuwentong pambata sa pamamagitan ng paghihimay sa mga
pangwikang elemento nito.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 231

Kaugnay nito, magalang po kaming humihingi ng pahintulot na maaral at


masuri ang inyong akdang “Ako ay May Kiki” na mula nang mailimbag ay
lumikha na ng tunog sa pagsusulong ng gamit ng wikang Filipino sa pagtuturo
ng seksuwal na edukasyon sa mga bata. Mula rito, ninais ng mga mananaliksik
na ibayong paugungin ang ingay ng mga kuwentong pambata sa pamamagitan
ng paghahabi ng pagsusuri sa wika ng mga ito.

Matitiyak pong tanging sa pampananaliksik na layon lamang gagamitin ang


akda at wala nang iba pa.

Maraming salamat po! Hangad po namin ang inyong kaligtasan sa lahat ng


pagkakataon.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik:

Gumba, Floro G. Noted by:


2019-02547-MN-0

Sayo, Ina Patricia A.


PROP. SHEILA MAE C. INTOY
2019-12487-MN-0
Tagapayo
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 232

Apendiks 3 : Mga Larawan

Proposal Defense
Hulyo 22, 2022

Final Defense
Pebrero 16, 2023
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 233

Mga Email at Tugon ng Pahintulot mula sa mga May-akda

Asst. Prof. Genaro R. Gojo Cruz


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 234

Asst. Prof. Glenda C. Oris

You might also like