You are on page 1of 34

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building
Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Antas ng Kaalaman sa Binagong Ortograpiyang Pambansa, Binagong Edisyon


2013 ng mga mag-aaral ng Senior High School Batayan sa
Mabisang Kagamitang Pampagtuturo

Isang pangangailan sa pagtupad asignaturang Multidisiplinaryong Pananaliksik


sa Edukasyong Pangwika

Disyembre 2022

RAMOSO, Remajane R.

SANCHEZ, John Rey S.

TAÑAMOR, John Francis O.

Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building
Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Ang Suliranin at Kaugnay na Pag-aaral

Kaligiran ng Pag-aaral ***************** 1-3

Pagsusuri ng mga Kaugnay na Pag-aaral ***************** 3-8

Balangkas Konseptwal ***************** 8-10

Layunin ng Pag-aaral ***************** 11

Kahalagahan ng Pag-aaral ***************** 111-


13

Saklaw at Limitasyon ***************** 13

Depinisyon ng mga Terminolohiya ***************** 13-15

Kabanata II

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik ***************** 16

Locale ng Pananaliksik ***************** 17

Kalahok at Sampling ***************** 17-18

Instrumento ng Pananaliksik ***************** 18-20

Pamamaraan

Pagtataya ( Pre-Assessment) ***************** 20

Paglilikha ng Kagamitan Pampagtuturo ***************** 20

Balidasyon ng Kagamitan Pampagtuturo ***************** 21

Potensyal na Usaping Etika ***************** 22


Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
Graduate Research Office
Room 305, Faculty Center CED Building
Tel. No. 317-17-68 loc. 539

Sanggunian ***************** 23-26

Apendiks ***************** 27

Curriculum Vitae ***************** 28-31

TALAAN NG TALAHANAYAN

Talahanayan 1 ***************** 18

Talahanayan 2 ***************** 18

TALAAN NG PIGURA

Pigura 1 ***************** 10
1

KABANATA I

Ang Suliranin at Rebyu ng Literatura

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang wika ang instrumento ng komunikasyon, ito ang nagsisilbing midyum upang

magkaintindihan tayo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay maaaring pasulat o

pasalita na may tiyak na balangkas na sinusunod. Ayon sa Komisyon sa Wikang

Filipino (KWF) Diksyonaryo ang Ortograpiya ay sining sa pagsulat ng mga salita ayon

sa paggamit ng tumpak na letra alinsunod sa wastong gamit at tuntunin. Malaki ang

ginagampanan na tungkulin ng ortograpiya sa pandaigdigang pagkakaunawan- lalo na

sa mga pasulat na paraan. Sa tulong nito ay malinaw na naipapahayag ang mga

damdamin, ideya, pilosopiya at mga nais mong ipahayad kanino man.

Ang ating bansang Pilipinas ay may sariling ortograpiyang sinusunod upang

maging istandardisado ang paggamit nito. Nabuo ang unang ortograpiya ng wikang

pambansa na nakabatay sa wikang Tagalog noong 1940. Ito ay binuo ni Lope K.

Santos na naglalaman ng mga tuntunin sa wastong paggamit ng wika. Naglimbag ang

KWF ng bagong gabay noong taong 2009 na may ikaapat na edisyon nitong 2012. Sa

kasalukuyan ang pinagbabatayan na ortograpiya ay ang may pamagat na Binagong

Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino, edisyon 2013. Ito na ang ginagamit at gabay

ng mga guro sa pagtuturo ng gramatka at balarila sa mga mag-aaral.

Nakapaloob sa kurikulum magmula elementarya hanggang Junior High School

ang mga aralin na may kaugnayan sa ortograpiya. Sa pag-usbong ng teknolohiya ay


2

nagdulot ito ng malaking epekto sa wastong paggamit ng wika lalo na sa ispeling ng

mga mag-aaral. Maraming mga mag-aaral ang nahihirapan sa paggamit ng wastong

bantas, salita at ispeling upang makabuo ng isang maayos na pangungusap. Ayon kay

Baustista (2004) dulot ng mga pagbabagong teknolohiya ay ang problema sa ispeling at

gramatika at sa patuloy na panghihiram ng mga salita sa iba pang wika na nagiging

resulta sa paghina ng isang wika dahil sa paghahalaw ng mga salita upang dumami ang

palabaybayin nito. Ayon naman sa pag-aaral ni Reandino (2014), umabot ng tatlumpo’t

anim na bahagdan (36%) na mag-aaral na nagsabi na hindi dekalidad ang pagtuturo ng

Filipino sa mga paaralan.

Ang problemang ito ay nagpatuloy hanggang sa antas ng Senior High School.

Kahit nasa mataas na antas na pagkatuto ang mag-aaral ay kakakitaan pa rin sila

kahinaan sa ortograpiya. Ipinakita ito sa resulta ng pagtataya ng mga kaguruan ng

paaralan tungkol sa paksa na lumalabas na 47% lamang ng kabuang mga mag-aaral

mula sa baitang labing-isa na pumasa. Lalo pa’t sa antas ng Senior High School ay

nangangailangan na may katatasan sa ortograpiya dahil sa mga paksang may

kaugnayan sa teknikal at akadamekinong sulatin upang makabuo ng isang

pananaliksik. Hindi makakapagsulat ang isang mag-aaral kung may problema sa antas

ng kaalaman nila sa ortograpiyang pambansa.

Minarapat ng mga mananaliksik na pag-aralan ang antas ng kaalaman ng mga

mag-aaral sa Senior High School sa Ortograpiyang Pambansa sa layuning makabuo ng

isang interbensiyon o kagamitang pampagtuturo na makapagpapataas sa kanilang

antas. Kasama rin sa pag-aaral na ito ang pagtataya sa kabisaan at kaangkupan ng

nabuong kagamitang pampagtuturo. Sa tulong nito, magkakaroon ng mataas na antas


3

ng kasanayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng ortograpiyang pambansa tungo sa

mabisa at mahusay na paggamit ng wika pasulat o pasalita man. Sa pangkalahatan

nilalayon ng mga mananaliksik na mas lalo pang pataasin ang kamalayan at kahusayan

ng mga mag-aaral sa ating sariling wika.

Pagsusuri ng mga Kaugnay na Pag-aaral

Nagsaliksik at nagsuri ng iba’t ibang mga kaugnay na pag-aaral at literatura

upang magsilbing gabay sa pagbuo ng pananaliksik. Ito ay isinaayos sa paraang

tematiko.

Ortograpiyang Pambansa

Nagsimula noong taon 1930 ang pagsagawa ng pananaliksik tungkol sa

pagtukoy ng pambansang wika at ito ay nakabatay sa Wikang Tagalog na karaniwang

ginagamit ng mga taga- Maynila pati na rin sa sosyo-ekonomik at sentro ng pulitka (Ilao,

J., & Guevara, R. C.,2012). Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Pangulo Manuel L. Quezon

na kung saan ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa Batas

Komonwelt Blg. 184 kung saan si Jaime C. de Veyra ang unang nahirang bilang pinuno

kasama ang iba pang mga dalubhasa na nagmula sa iba’t ibang kapuluan

(kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato).

Malaki ang naging impluwensya ng kolonsyalismo sa lahat ng aspeto ng buhay

sa bansa lalong lalo na sa wika. Dagdag pa nina Ilao, J., at Guevara, R. C. (2012),

nagdulot ng mga pagbabago sa wika ang pananakop ng mga bansa sapagkat

nagkaroon ito ng kanya-kanyang baryasyon katulad na lamang ng “lalaki” at “lalake” na

parehong may iisang kahulugan sa Ingles na “male”. Sa pamamagitan nito, matutukoy


4

kung ano ang tunay na kasaysayan sa likod ng mga pagbabagong naganap sa isang

salita nang sa gayon ay makabuo ng istandard na salita na ilalakip sa ortograpiyang

sistema ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.

Noong ika-14 ng Agosto, 2013 ay nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng

Kautusang Pangkagawaran Bilang 34 series of 2013 tungkol sa binagong gabay sa

ortograpiya ng Wikang Filipino na pinamagatang Ortograpiyang Pambansa.

Nakapaloob sa kautusang ito ang kopya ng nasabing edisyon ng ortograpiya na ang

layunin ay maitampok ang mga mahahalagahang kaakuhan ng mga katutubong wika

upang magkaroon ng estandardisadong ortograpiyang Filipino na gagamitin ng buong

mamamayang Pilipino. Nakasaad din dito na magiging mainam na ambag ito sa pagbuo

ng mga kagamitang panturo ng mga guro at pagpapahusay ng mga akda, dokumento,

komunikasyon, at iba pa ng pamahalaan, ng media at ng mga tagalimbag.

Ayon kay Almario (2013) sa kanyang panimulang paglalahad na ang

Ortograpiyang Pambansa ay kinapapalooban ng mga kaparaanan sa pagsulat gamit

ang Wikang Filipino. Dagdag pa niya na ang mga kaalamang nakasulat sa gabay na ito

ay simulain pa lamang at hindi pangwakas na tuntunin. Naniniwala siya na ang Wikang

Filipino ay buhay na wika at ito ay sumasabay sa pagbabagong nagaganap sa ating

daigdig. Binanggit niya ang winika ni Ferdinand de Saussure noong 1996 na “Ang

bigkas sa isang salita ay ipinapasiya, hindi ng ispeling, kundi ng kasaysayan nito.” Sa

pahayag na ito mauunawaan natin na ang wika ay nagbabago-bago sa paraan kung

paano ito ginagamit ng mga mamamayan sa isang partikyular na panahon.


5

Ito ay pinalawig pa lalo ni Fortunato (1991) sa kanyang libro na Ortograpiyang

Filipino: Isang Pag-aaral sa Istandardisasyon ng Wika kung saan ay binigyan niya ng

kahulugan ang tatlong mahahalagang salita: ortograpiya, Filipino at istandardisasyon.

Nilinaw niya na ang ortograpiya ay ang pamamaraan kung paano bibigyan ng simbolo

ang wikang pasalita sa pasulat na paraan. Naglalaman ito ng mga kaalaman tungkol sa

wastong pagbabaybay o ispeling gamit ang isang partikyular na wika. Ang kasunod na

binanggit niya ay Filipino na siyang kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas na unang

binanggit sa Konstitusyong 1973 hanggang sa kasalukuyang Konstitusyon ng 1987.

Pagdating naman sa istandardisasyon, ipinahayag niya na ito ay ang malawakang

pagtanggap at paggamit ng isang wika ayon sa itinakdang pamamaraan sa alinmang

gawaing pasulat o pasalita man.

Ang Ortograpiyang Pambansa ay makatutulong sa mga mag-aaral upang

maging gabay sa kanilang pagsulat. Kung susuriin ang mga kasanayang nakapaloob sa

Curriculum Guide sa Filipino, marami sa mga kompetensi ang naglalayong maipakita ng

mag-aaral ang kanilang kahusayan sa pagsulat ng sanaysay gamit ang Wikang Filipino.

Sa pag-aaral nina Maligalig at Carada (2021), inilahad nila na isang malaking hamon

ang kasalukuyang panahon lalo na sa kinakaharap na pandemya na naging dahilan sa

malaking pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon. Nagkaroon ng epekto ito sa

mga mag-aaral ang dalawang taong distance learning na naging dahilan upang

mahirapan silang maipahayag ang kanilang ideya at saloobin sa paraang pasulat,

kawalan ng kawilihan, tinatamad na basahin o pag-aralan ang aralin at lalo na sa

pagsusulat na wari ay kulang sa kasanayan.


6

Pagbuo ng mga Kagamitang Pampagtuturo

Binanggit ni Vizmanos ang pag-aaral ni Cabigao (2012) na ang guro ay dapat

maging bukas sa mga pagbabagong nagaganap sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng

pag-aaral ng noon pa ay 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Dagdag pa ni

Vizmanos na bago pasulatin ang mga mag-aaral ay ituro muna ang mga kaalamang

magagamit nila lalo na ang mga alituntuning nakasaad sa Ortograpiyang Pambansa na

nagkaroon na ng panibagong edisyon. Malaki ang naitutulong ng ortograpiya sa

pagtuturo ng kasanayan sa pagsusulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan nito ay

nakatutugon ang nasabing kaalaman at kasanayan sa pangangailangan ng

pagpapaunlad at pagpapayaman ng Wikang Filipino. Ito ang natuklasan ni Bacalla

(2019) na kapag walang ortograpiya ay magbubunga ng walang kaisahan at

magkakaroon ng iba’t ibang bersyon sa pagbabaybay ng mga salita.

Inilahad ni Antonio (2021) sa kanyang pag-aaral na karaniwan sa mga mag-aaral

na mahina sa Filipino ay nakikita sa pasulat na gawain. Sa kabila ng pag-aaral ng

Filipino mula kinder hanggang senior high school ay hindi pa rin maiiwasan na

karamihan sa kanila ay nagkakamali pagdating sa gramatika. Binanggit ni Antonio ang

pag-aaral ni Bartholome (2014) na ito ay repleksyon sa katotohanan na nahihirapan ang

mga mag-aaral na iproseso sa kanilang sarili ang pag-aaral at paggamit ng isang

partikyular na lenggwahe. Matutugunan lamang ang suliraning ito kapag gumamit ng

angkop na metodo o pamamaraan sa pagtuturo ang guro upang makuha ang kawilihan
7

ng mga mag-aaral upang matuto sa aralin ayon kay Magpantay (2011) na tinalakay sa

pag-aaral ni Antonio.

Kapag susuriin nang mabuti kung bakit nagkakamali ang mga mag-aaral sa

pagbuo ng kanilang mga pangungusap gamit ang wastong gramatika ay dahil sa

impluwensya ng text messaging kung saan pinapaikli ang mga salita sa pamamagitan

ng pagbabago ng ispeling, akronim, at iba pa. Pinatunayan ito sa pag-aaral ni Gomez

(2006) na ang paraan ng pagsusulat at pagpapahayag ng mga mag-aaral ay may

impluwensya ng text messaging na makikita sa mekaniks, ayos ng pangungusap, at

hindi angkop na mga salitang ginamit. Dagdag pa niya na nagiging dahilan ang paraang

ito ng pakikipagkomunikasyon na nagbubunga ng kahinaan sa maunlad at mabisang

paglalahad ng kanilang kaisipan at saloobin. Ayon kay Buendia (2019) na

nasasakripisyo ang pagbabaybay ng mga salita sa kadahilanang mas mapadali ang

paghahatid ng komunikasyon ngunit sa kalaunan ay nakakalimutan at nagagamit ng

mga mag-aaral sa mga gawaing pasulat.

Isang malaking hamon para sa mga guro ang kasalukuyang kalagayan ng mga

mag-aaral pagdating sa kasanayan sa pagsulat. Interes pa lamang ang pag-uusapan ay

nagkakaroon na ng kahirapan sa panghihikayat sa kanila na bumuo kahit gamit lamang

ang mga payak na pangungusap. Sa pag-aaral ni Villamater-Garcia (2022) nakita niya

na malaki ang naging impluwensya ng mga makabagong teknolohiya na ang hatid ay

libangan upang unti-unting mawalan ng interes at kasanayan sa pagsulat ang mga

mag-aaral. Mas nahuhumaling ang mga kabataan sa paggamit ng mga millenial words

na ginagamit halos ng nakararami. Ang paggamit ng epektibong estratehiya ng

pampagtuturo ay iminungkahi ng mananaliksik upang maiangat ang kakayahan ng mga


8

mag-aaral sa wastong gamit ng millenial words kapag gawaing pagsulat ng wastong

komposisyon ang pag-uusapan.

Tinalakay naman sa pag-aaral nina De Guzman at Abagon ang pahayag ni Mapa

(2014) na nakasalalay sa mga guro ang pagkatuto ng kanilang mga mag-aaral na

umaayon sa pamamaraan ng pagtuturo upang ang inaasahang bunga ay makamit.

Inilahad nila sa kanilang pag-aaral ang mungkahing mabigyan ng kalayaan ang mga

guro na gumamit ng mabisang pamamaraan ayon sa kakayahan at kapasidad ng mga

mag-aaral. Dagdag pa nila na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga guro upang

maibigay ang iba’t ibang paraan at pagsasanay na tutulong sa mga mag-aaral na

malinang ang kanilang kakayahan sa pagsusulat sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na

paghahasa, paglinang at pangangalaga. Samakatuwid, sa pag-aaral ni Pajarillo (2019)

inilahad kung gaano kahalaga ang paggamit ng angkop na estratehiya tungo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Balangkas Konseptwal

Ang pananaliksik ay sumusunod sa isang sistematikong pamamaraan sa

pamamagitan ng pagtukoy ng mga mahahalagang konsepto na gagamitin sa

pagsasakatuparan ng pananaliksik.

PAGHAHANDA NG TALATANUNGAN

Ihahanda ang talatanungan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ibang mga pag-

aaral at pagbuo ng sariling talatanungan. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi na

nagtataglay ng wastong gamit ng bantas, salita at ispeling. Ito rin ay susuriin ng mga

eksperto upang mapakinis at mapahusay pa ito.


9

PAGPAPASAGOT SA TALATANUNGAN

Ang talatanungan ay papasagutan sa loob ng isang oras at tatlumpong minute

lamanag na gagabayan ng mga mananaliksik. Ang mga kalahok at pinili sa

pamamagitan ng random cluster sampling.

PAGSUSURI NG DATOS

Magsasagawa ng isang item analysis upang suriin ang mga nakalap ng

talatanugan. Ito ang magiging basehan sa pagbuo ng isang kagamitang pampagtuturo.

PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa modelo nila Inghlis at

Nichols. Bubuo ng isang kagamitang pampagtuturo sa pamamagitan ng mga input sa

item analysis at mga guro at dalubguo na nagtuturo ng Filipino sa Senior High School.

PILOT TESTING

Upang masubok ang kabisaan, kaangkupan at pagkagamitin ng kagamitang

pampagtuturo ay ito muna ay dadaan sa isang pilot testing na lalahukan ng piling

dalawang pangakat sa ika labing isang baiting.

PAGSUSURI NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


10

Susuriin ang kagamitang pampagtuturo sa pamamagitan ng nilikhang sariling

pamantay sa pagsusuri at lalahukan ng panayam at focus group discussion mula sa

mga eksperto, dalubguro at guro sa may kaalaman sa asignaturang Filipino.

REBISYON AT PAGPAPAKINIS SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

Sasailalim sa isang masinsinan na pagpapakinis at rebisyon ang kagamitang

pampaguturo upang maisaayos ang lahat ng komento at rekomendasyon ng nagsuri ng

kagamitang pampagtuturo.

PINAL NA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA ORTOGRAPIYANG PAMBANSA

PARA SA SENIOR HIGH SCHOOL

Magpapalimbag ng sapat na kopya ng nabuong pinal na kagamitang

pampagtuturo at ipapamudmud sa lahat ng mga-aaral ng paaralan at magbibigay ng

kopya sa Sangay ng Tanggapan ng mga Paaralan para sa posibleng malakwang

paggamit nito sa sangay ng lungsod Iriga.


11

Pigura 1

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito naglalayong matamo ang mga sumusunod na layunin:

1. Masukat ang Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Senior High

School ng San Agustin (Stand Alone) Senior high School ayon sa:

a. Wastong gamit ng bantas

b. Wastong gamit ng salita

c. Tuntunin sa pagbabaybay o ispeling

2. Makabuo ng isang interbensiyon o kagamitang pampagtuturo mula sa

mga natuklasan sa pag-aaral.

3. Mataya ang kabisahan, pagkagamitin at kaanggkupan ng kagamitang

pampagtuturo sa ortograpiyang pambansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilahad ang kahalagahan ng pag-aaral at magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral

sa antas senior high school lalo na sa wastong gamit ng mga bantas, salita at mga

tuntunin sa pagbabaybay o ispeling. Higit na makatutulong sa kanila kung paano

malinang ang kanilang kasanayan sa paggamit ng Wikang Filipino sa gawain ng

pasalita at pasulat.
12

Sa mga guro. Bilang tagapagturo ng asignaturang Filipino, mahalaga ang

kanilang papel na ginagampanan sa paghubog at pagpapayaman sa kaalaman ng mga

mag-aaral. Ang magiging bunga ng pananaliksik ay magsisilbing gabay sa mga guro

kung paano ituturo ang mga kasanayan sa kanilang pagtuturo.

Sa mga Filipino Koordineytor. Ang bunga ng pananaliksik ay tutulong sa mga

Filipino koordineytor kung paano maihhahanay ang mga programa o mga gawain na

makatutulong sa paglinang ng kaalaman tungkol sa binagong ortograpiya ng Wikang

Filipino.

Sa mga Punungguro. Malaki ang maitutulong ng mga pununggruro bilang

tagapamahala ng paaralan. Makakalikha sila ng mga hakbang o mga proseso kung

paano isagawa ang mga programa na magsusulong sa pagpapaunlad ng Wikang

Filipino gamit ang mga alituntuning nakasaad sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

Sa mga Superbisor. Ang pananaliksik ay magbibigay ng impormasyon sa mga

superbaysor tungkol sa kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa kasanayan ng

pagsulat. Malaki ang maitutulong ng kanilang mga kasanayan at kaalaman upang higit

na magabayan ang mga paaralan sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpapaunlad

ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Bilang tagapamahala ng mga paaralan,

makabubuo sila ng mga gawain at pagsasanay na lilinang sa kakayahan ng mga guro

upang epektibong maihatid at maituro ang mga kompetensi sa mga mag-aaral.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Maaaring magamit ng mga mananaliksik

sa hinaharap ang mga datos sa pananaliksik na ito upang linangin at paunlarin ang

pag- aaral. Magiging gabay ang mga hakbang at proseso na ginamit kung saan
13

pwedeng mapaunlad pa lalo ayon sa layunin at paraan ng kanilang pananaliksik nang

sa gayon ay magiging malaking kontribusyon sa mas makabuluhang pag-aaral sa

larangan ng edukasyon.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral ay nakatuon lamang sa pagbuo at pagtataya ng nabuong

kagamitang pampagtuturo mula sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

Ortograpiyang Pambansa, Binagong Edisyon 2013 ng San Agustin (Stand Alone)

Senior High School, lungsod Iriga. Ang kalahok sa pag-aaral ay mga mag-aaral na nasa

ika-labing isang baitang ng unang semestre taong panuruan 2022-2023. Ang magtataya

ng kaangkupan, kabisaan at pagkagamitin ng nilikhang kagamitang pampagtuturo ay

mga guro at dalubguro lamang na nagtuturo ng ano mang asignatura sa Filipino para sa

Senior High School.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mas malinaw na maunawaan ang mga terminong ginamit sa pananaliksik,

ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan:

Antas. Ito ay lebel na naabot tungkol sa Ortograpiyang Pambansa ng mga kalahok

batay sa kanilang markang nakuha.

Interbensyon. Ito ay mga kaparaanan kung paano matugunan ang suliraning nais

mabigyan ng solusyon na sumusunod sa isang proseso hanggang makamit ang

inaasahang bunga. Nagsisilbing pantulong ito sa gawain ng guro upang makita kung

epektibo ba ito sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng kakayahan at kasanayan ng mga

mag-aaral.
14

Kagamitang Pampagtuturo. Mga kagamitang katuwang ng mga guro sa pagtuturo

partikular na sa kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa senior high school. Higit

na makakatulong ang mga kagamitan sa pampagtuturo para pukawin ang interes ng

mga mag-aaral na malinang ang kakayahan nila sa pagsusulat lalo na sa pagsunod sa

mga alituntunin na nakasaad sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.

Kasanayan. Ang kakayahang inaasahang matutunan at malinang ng mga mag-aaral

mula sa itinakdang kurikulum o Curriculum Guide. Nagsisilbing gabay ito sa para sa

mga guro kung paano huhubugin ang mga mag-aaral gamit ang mga epektibong

estratehiya at metodo tungo sa makabuluhang proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa

loob at labas ng silid-aralan.

Kurikulum. Ito ang itinakdang mga aralin na maingat na inihanay ayon sa antas o lebel

ng mga mag-aaral. Dumaan ito sa maraming pagsisiyasat at pagsusuri upang

umangkop sa kasalukuyang takbo ng panahon kung saan inaasahang matutunan at

makamit ang mga kasanayan sa ika-21 Siglo. Dito rin masisilayan na sa bawat lebel ng

pag-aaral ay may mga aralin tumatalunton sa paggamit ng Ortograpiyang Filipino bilang

gabay sa pagpapahusay ng kaalaman at kasanayan tungkol sa Wikang Pambansa.

Ortograpiya ng Wikang Filipino. Binuong alituntunin ng Komisyon ng Wikang Filipino

na nagsisilbing gabay para sa lahat ng mamamayang Pilipino kung paano gamitin sa

paraang pasulat ang mga bantas, salita at mga tuntunin sa pagbabaybay o ispeling

gamit ang Wikang Filipino.

Senior High School. Ito ay dagdag na dalawang taon sa sekondarya sa ilalim ng

programang K to 12 kung saan ang mga mag-aaral ay hinuhubog at sinasanay bago


15

sila tutungtong sa kolehiyo. Sa antas na ito ay makakapili ang mga mag-aaral ng

kanilang nagugustuhan larangan ayon sa kanilang kakayahan at interes na binubuo ng

academic tracks (ABM, GAS, HUMMS, STEM), Arts and Design, Sports Track at

Technical, Vocational at Livelihood.


16

Kabanata II

Metodolohiya

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng presentasyon ng disenyo ng

pananaliksik, locale ng pananaliksik, kalahok, paraan ng sampling, instrumento ng

pananaliksik at pamamaraan na ginamit sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang deskriptibo-ebaluwatibong pamamaraan ang ginamit upang matukoy

ang antas ng kaalaman sa Ortograpiyang Pambansa, binagong edisyon 2013 ng mga

mag-aaral ng Senior High School. Ayon kay Wollman, “ ang ebalwatibong pananaliksik

ay may kinalaman sa pagtataya ng mga polisiya , programa o institusyunal na

balangkas”. Ito rin ay may kakayahang sumukat ng iba’t ibang baryabol at antas ng

kaalaman na may kaugnayan sa pananaliksik. Dahil ang pangunahin layunin ng pag-

aaral ay malaman ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Ortograpiyang

Pambansa, mainam na gamitin ang deskriptib-ebaluatibong pamamaraan upang

makalikha berbal na interpretasyon at matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-

aaral upang maging basehan sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo.

Naging gabay sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo ang modelo ni Inglis

(1975) at Nichols at Nichols (1972). Itinatakda nito ang mga prosesong dapat

pagdaanan ng isang kagamitang panturo mula sa paghahanda at pagdidisenyo ng

aralin, ebalwasyon at ang rebisyon.


17

Ganapan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa pampublikong paaralan ng San Agustin (Stand

Alone) Senior High School ng lungsod Iriga, Bicol. Ito ay isa mga dalawang paaralan sa

Bicol na tinatawag na Stand Alone dahil tanging Senior High School kurikulum lamang

ang kanilang ipinapatupad sa kanilang mga paaralan. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay

may tinatayang populasyon na 1,117 na mag-aaral mula baitang labing-isa hanggang

labing-dalawa. Ito ay may limang (5) strand na ipinatutupad: Science Technology,

Engineering and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS),

General Academic Strand (GAS), Accountancy Business and Management (ABM) at

Technical Vocational Livelihood strand (TVL).

Kalahok at Sampling

Ang kalahok sa pag-aaral ay lahat ng mga mag-aaral na nasa ika-labing isang

baitang ng San Agustin (Stand Alone) Senior High School mula sa lahat ng track at

strand na ipinapatupad ng paaralan na nakaenrol sa unang semestre, taong panuruan

2022-2023. Upang mapadali ang pagsasagawa ng pananaliksik ay gumamit ng cluster

random sampling sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang strand. Mula sa mga cluster ay

pipili ng parehong bilang ang mga mananaliksik upang sumagot ng talatanungan.

Kumuha ng limampong porsyentong bahagdan mula sa populasyon ng bawat strand

upang pantay ang kukunin sa bawat klaster na kinabibilangan ng kalahok.


18

Talahayan ng Kalahok sa Pag-aaral

Strand Bilang Kalahok sa


Pananaliksik

Science Technology Engineering and 60 30


Mathematics

Accountancy, Business and 32 16


Management

Humanities and Social Sciences 135 68

General Academic Strand 142 71

Technical Vocational School 75 38

KABUUAN 444 223

Talahanayan 1

Guro Bilang

Guro II 4

Dalubguro II 1

KABUAN 5

Talahanayan 2

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay gumamit ng apat instrumento ng pananaliksik. Ang unang

pamamaraan ay ang paggamit ng talatanungan upang masukat ang antas ng kaalaman

ng mga mag-aaral sa Ortograpiyang Pambansa at pagtataya sa kabisaan, kaangkupan

at pagkagamitin ng nabuong kagamitang pampagtuturo.Pangalawa, panayam sa piling

mga kalahok na magbibigay ng karagdagang sagot at input sa pagbuo ng kagamitang

pampagtuturo. Ang panghuling pamamaraan na ginamit ay pagsusuri ng mga


19

dokumento na may kaugnayan sa pag-aaral na magiging gabay sa pagbuo ng

kagamitang pampagtuturo.

Talatanungan

Ang talatanungan na ginamit ay binubuo ng tatlong bahagi; a. Wastong gamit ng

bantas, b. Wastong gamit ng salita at c. tuntunin ng pagbabaybay o ispeling. Ito rin ay

binubuo ng maraming pagpipillian, pagpupuno at pagbuo upang mataya ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa ortograpiyang pambansa.

Upang mataya naman ang kabisaan, kaangkupan at pagkagamitin ng nilikhang

kagamitang pampagtuturo ay gumamit ng 5-point likert scale upang makita ang resulta

sa pamamagitan ng pamantayan. .

Panayam

Gumamit ng malayang estruktura ng tanong para sa panayam upang makalikom

ng karagdagang datos sa pag-aaral. Ang mga nakalap na datos mula sa panayam ay

susuriin at gagamitin sa pagbuo ng isang kagamitang pampagtuturo at pagtataya nito.

Dokumentaryong Analisis

Ang pag-aaral ay naghanap ng mga kaugnay na datos upang gamiting basehan

at pandagdag sa kagamitang pampagtuturo.


20

Focus Group Discussion

Ang pag-aaral gagamitin ang pamamaraan na ito upang makuha ang mga

komento at suhestyon ng mga dalubguro at guro na magtataya sa kagamitang

pampagtuturo.

Pamamaraan

Pagtataya ( Pre-Assessment)

Ang paghahanda ng talatanungan ay nakabatay sa mga nakaraang pag-

aaral at pananaliksik. Ngunit nagkaroon ng mga pagbabago sa mga tanong na ginamit

sa pag-aaral. Ang bawat bahagi ng talatanungan ay mayroong mga panuto upang

madaling masagutan ng mga kalahok ng pag-aaral. Ito ay sasagutan ng mga kalahok

sa loob ng isang oras at tatlupong minuto lamang na may paggabay ng mga

mananaliksik. Nagkaroon din ng konsultasyon sa mga eksperto upang maisaayos ang

talatanungan.

Paglilikha ng Kagamitan Pampagtuturo

Ginamit na basehan ang antas ng kaalaman sa Ortograpiyang Pambansa ng

mga mag-aara. Gumamit ng item anlysis upang matukoy ang kahinaan ng mga mag-

aaral sa bawat paksa. Lilikha ng mga video lessons at mga gawaing pang-upuan mula

sa mga natukoy na kahinaan ng kalahok. Ito ay dadaan sa konseptuwalisasyon sa

tulong ng mga eksperto at pagbubuo ng kagamitang pampagtuturo. Naging gabay sa

pagbuo ng kagamitang pampagtuturo ang modelo ni Inglis (1975) at Nichols at Nichols

(1972). Itinatakda nito ang mga prosesong dapat pagdaanan ng isang kagamitang

panturo mula sa paghahanda at pagdidisenyo ng aralin, ebalwasyon at ang rebisyon.


21

Balidasyon ng Kagamitang Pampagtuturo

Sa pagtataya ng kagamitang pampagtuturo ay gumamit ng sariling modelo ng

pagtataya at pagsusuri na nakatuon sa mga sumsusunod na pamantayan: 1.

Organisasyon at Pormat, 2. Nilalaman at Layunin, 3. Mga Gawaing Pampagkatuo, 4.

Kabisaan, 5. Kaangkupan, at 6. Lay-out. Ito ay susuriin ng mga dalubguro at guro sa

Filipino at magiging batayan ang mga nakuhang marka ng mga mag-aaral gamit ang

nilikhang kagamitang pampagtuturo.

Rebisyon at Pagpapakinis ng Kagamitang Pampagtuturo

Magsasagawa ng rebisyon at pagpapakinis pagkatapos mabuo ang kagamitang

pampagtuturo sa pamamagitang ng pagsusuri na pangungunahan ng dalubguro at mga

guro sa Filipino bilang miyembro. Ibabatay din ito sa mga komento ng mga mag-aaral

na sumailalim sa pilot testing.

Balidasyon ng Kagamitan Pampagtuturo

Ang kagamitan pampagtuturo ay dumaan sa balidasyon sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng isang dry-run ot pilot testing sa dalawang pangkat. Maliban dito, ito rin

ay sinuri ng mga guro at dalubguro sa Filipino sa pamamagitan ng pagsagot sa

ebalwasyon sa nalikhang kagamitang pampagtuturo.


22

Potensyal na Usaping Etika

Mula sa pag-aaral, ang mga sumusunod na usaping etika ang maaaring makita:

1. Pagpapaalam sa magulang ng kalahok- Dahil ang mga kalahok ay karamihan ay

minor de edad pa lamang ay ngangailangan ito ng permiso sa kanilang

magulang na sasailaim sila sa isang pag-aaral.

2. Respeto sa resulta ng pananaliksik- Kailangan na iulat at gamitin ang nakalap na

datos.

SANGGUNIAN
23

(PDF) Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng


Pandemya. (2022, December 15). ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/353543257_Mga_Pamamaraan_
at_Kagamitan_sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya
Alhazmi, A. K., Zafar, H., & Al-Hammadi, F. (2015, July 1). Framework for
integrating outcome-based assessment in online assessment: Research
in progress. IEEE Xplore. https://doi.org/10.1109/SAI.2015.7237147
Analiza D. Resurreccion, & Feorillo P. Demeterio Iii. (2021). Mara, Tara, and
Vhaya: Case Studies on Batangueña E-trepreneurship Using Pierre
Bourdieu’s Modified Theory of Capitals. MALAY, 33(2), 1–1.
https://ejournals.ph/article.php?id=16473
Fe, M. (2020). Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng
Filipino. DALUMAT E-Journal, 6(2), 1–1. https://ejournals.ph/article.php?
id=16040
Gico, E. T. (2013). Mga isyu at suliranin sa ortograpiyang Kinaray-a. In
repository.cpu.edu.ph.
https://repository.cpu.edu.ph/handle/20.500.12852/1492?locale-
attribute=fil
Joel T. Aclao, Ken Willem S. Estrada, Adrian Michael Y. Pahayahay, Shantee
Nicole G. Regalado, Gina A. Tomo, & Ashley Faye A. Aclao. (2013).
Perceived Effects of Texting and the Spelling Skills of High School
Students in Misamis University. JPAIR Multidisciplinary Research Journal,
14(1), 1–1. https://ejournals.ph/article.php?id=12339
Lezondra, E. (2019). Antas ng Kaalaman sa Ortograpiyang Filipino ng mga Guro
at Mag-aaral sa. Www.academia.edu.
https://www.academia.edu/44611854/Antas_ng_Kaalaman_sa_Ortograpiy
ang_Filipino_ng_mga_Guro_at_Mag_aaral_sa
Lilia C. Manahan, & Ramiro F. Plopino. (2011). Texting at Pagbaybay sa
Komunikasyong Pasulat ng mga Mag-aaral. Harvest, 7(1), 1–1.
https://ejournals.ph/article.php?id=1960
24

Marianne C. Ortiz. (2021). Language Registers of Camareros of Makati City.


MALAY, 33(2), 1–1. https://ejournals.ph/article.php?id=16472
Pananliksik | PDF. (n.d.). Scribd. Retrieved November 18, 2022, from
https://www.scribd.com/document/414530550/Pananliksik
Ruben Infiesto Jr, Kenneth Lloyd Tano, & Maricar Pintor. (2013). The
Relationship of SMS to the Writing Proficiency of The First Year Education
Students of The University of Immaculate Conception. ARETE, 1(1), 1–1.
https://ejournals.ph/article.php?id=5659
Santos, K. J. D. (2022). Ang Kalagayan ng Intelektuwalisadong Wikang Filipino
at ang Istandardisasyon nito (SINTESIS). Www.academia.edu.
https://www.academia.edu/37435953/Ang_Kalagayan_ng_Intelektuwalisa
dong_Wikang_Filipino_at_ang_Istandardisasyon_nito_SINTESIS_
Teresita F. Fortunato. (1991). Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-Aaral sa
Istandardisasyon ng Wika. MALAY, 9(1), 1–1.
https://ejournals.ph/article.php?id=7761
Varona, F., & Mandado, J. (n.d.). Ang Kasanayang Pasalita Gamit ang
Kagamitang Multimidya sa Antas Tersyarya. American Journal of
Humanities and Social Sciences Research, 4, 180–186.
https://www.ajhssr.com/wp-content/uploads/2020/12/Y20412180186.pdf
Voltaire Villanueva. (2021). Nationalist Pegdagogy: Analysis, Process, Output.
MALAY, 33(2), 1–1. https://ejournals.ph/article.php?id=16474
(2023). Coursehero.com. https://www.coursehero.com/file/71640899/DAHON-
NG-PAGPAPATIBAYdocx/

Ilao, J., & Guevara, R. C. (2012). Investigating spelling variants and


conventionalization rates in the Philippine national language’s system of
orthography using a Philippine historical text corpus. Proc. of O-COCOSDA.

Fortunato, T. F.. (1991). Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-Aaral sa


Istandardisasyon ng Wika. MALAY, 9(1). Retrieved from
http://ejournals.ph/form/cite.php?id=7761
25

Maligalig, Angelica & Carada, Imelda. (2021). CLOZE PASSAGE SA


PAGTUTURO NG FILIPINO AT KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY. 5. 39-
47.

Vizmanos, Ruth. (2021). Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng


Filipino sa Panahon ng Pandemya.

Antonio, C. (2021). Karaniwang Gramatikang Pagkakamali sa Pagsulat ng


Sanaysay Tungo sa Lingguwistikong Kasanayan. EPRA International Journal of
Research & Development (IJRD), 6(7), 1-1.

Gomez, E. P. (2006). Kakayahan at mga karaniwang kamalian sa pagsulat na


naiimpluwensiyahan ng kadalasan ng text messaging (Doctoral dissertation)

Bacalla, L. A. (2019). PAGTATAYA NG MTB-MLE: TUGON SA


PAGPAPAUNLAD NG IMPLEMENTASYON NG K TO 12 KURIKULUM. American
Journal of Humanities and Social Sciences Research, 3(3), 252-261.

Buendia, A. (2019). Ortograpiyang Pambansa: Pagpapayaman Ng Kakayahan


Sa Pagbaybay Ng Mga Mag-Aaral Sa Baitang 6 Sa Rosario West Central School.
Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts, 3(2F).

Villamater-Garcia, F. (2022). IMPLUWENSYA NG “MILLENNIAL WORDS” AT


KASANAYAN SA PAGSULAT NG KOMPOSISYONG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL
NG BIÑAN INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL. IMPLUWENSYA NG
“MILLENNIAL WORDS” AT KASANAYAN SA PAGSULAT NG KOMPOSISYONG
FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG BIÑAN INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL, 112(1), 13-13.

De Guzman, J. A., & Abagon, B. S. KAKAYAHAN NG MGA GURO SA


PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG
FILIPINO NG SENIOR HIGH SCHOOL.

Pajarillo, R. C. (2019). Kabisaan Ng Tatlong Estratehiya Sa Pagtuturo Ng


Filipino-VIII. Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts, 3(2F).
26

APENDIKS

Disyembre 12, 2022

CELITO V. SAYSON
27

Punongguro II
San Agutsin (Stand Alone) Senior High School

G. Sayson

Pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral ng Philippine Normal Univeristy na kukumukuha ng Master


sa Sining ng Edukasyong Pangwika sa Filipino ngayong unang semestre. Isa mga
kahingian ng aming asignatura na Multidisiplinaryong Pananalaiksik Pangwika ang
makalikha isang panukalang pananaliksik. Ang pamagat ng aming pananaliksik ay “
Antas ng Kaalaman sa Ortograpiyang Pambansa, Binagong Edisyon 2013
basehan sa mabisang kagamitang pampagtuturo”

Kaugnay nito, kami po ay magalang na humihingi ng pahintulot na magsagawa ng


sarbey sa inyong paaralan. Ang mga kalahok ng aming pananaliksik ay mga mag-aaral
sa ika labing-isang baitang at mga guro at dalubguro sa asignaturang Filipino. Malaking
tulong ang maibibigay nito para sa aming pananaliksik at sa mabubuong kagamitang
pampagtuturo na magagamit ng inyong paaralan.

Kami ay umaasa sa inyong positibong pagtugon

Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Ramoso, Remajane
Sanchez, John Rey
Tañamor, John Francis O.

Nabatid:

Dr. Rachel Payapaya


Tagapayo/Guro ng Asignatura

CURRICULUM VITAE

Personal na Datos

Pangalan: JOHN FRANCIS O. TAÑAMOR


28

Edad: 30 taong gulang

Tirahan: Sta. Lucia Nabua Camariner Sur Bicol

Istatus: Single

Kaarawan: May 1, 1922

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod Iriga

Magulang: Rodolfo L. Tañamor (D) Gina O. Tañamor

Kapatid: Maria Bernadette O. Tañamor

Relihiyon: Romanong Katoliko

Edukasyon

Bachelor Of Arts, Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Ateneo de Naga University

2009-2013

Karanasan

Senior High School Teacher II

San Agustin (Stand Alone) Senior High School

2018- kasalukuyan

CURRICULUM VITAE

Personal na Datos

Pangalan: JOHN REY G. SANCHEZ

Edad: 33 taong gulang


29

Tirahan: Zone 13, El Mundo, Natumulan, Tagoloan, Misamis

Oriental

Istatus: Single

Kaarawan: November 17, 1989

Lugar ng Kapanganakan: Lungsod ng Tagoloan

Magulang: Timoteo L. Sanchez Adelina G. Sanchez

Kapatid: Jennifer S. Degracia Daniel G. Sanchez (D)

Jeovannie G. Sanchez Michael G. Sanchez

Relihiyon: Romanong Katoliko

Edukasyon

Bachelor Of Arts, Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Tagoloan Community College

2006-2011

Karanasan

Classroom Teacher (Contractual)

Misamis Oriental Public School Teacher and Employees Association

June 2011- March 2012

Classroom Teacher (Contractual)

Regina Angelorum School of Villanueva, Inc.

June 2012 - March 2013

School Teacher I

Misamis Oriental General Comprehensive High School (JHS)

May 2013 - April 2017

School Teacher III


30

Misamis Oriental General Comprehensive High School (JHS)

May 2017 - Kasalukuyan

CURRICULUM VITAE

Personal na Datos

Pangalan: REMAJANE E. RAMOSO

Edad: 30 taong gulang

Tirahan: Purok 2-A, Barangay 26 Kahulugan , Gingoog City

Istatus: Married

Kaarawan: September 02,1992


31

Lugar ng Kapanganakan: Dumalinao, Zamboanga Del Sur

Magulang: Romeo A. Estiva at Rita R. Estiva

Kapatid: Romerita R. Estiva at Ria Mae R. Estiva

Relihiyon: Born Again Christian

Edukasyon

Bachelor Of Elementary Education Bachelor of Secondary Education

Bukidnon State University Filipino major - 45 units only

2009-2013 Gingoog City Colleges

2015-2018

Karanasan

Senior High School Teacher I

Anakan National High School

2018- kasalukuyan

You might also like