You are on page 1of 98

FIL 103 - INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

MGA HAKBANG
SA PAGSASALIN
INIHANDA NI: CAMILLE V. SAN GABRIEL
PAMPASIGLANG
Aktibidad
AISPANGLSA

PAMPASIGLANG
Aktibidad
AISPANGLSA
PAGSASALIN
PAMPASIGLANG
Aktibidad
NEGOIOOSLM

PAMPASIGLANG
Aktibidad
NEGOIOOSLM
NEOLOGISMO
PAMPASIGLANG
Aktibidad
AIMDOY

PAMPASIGLANG
Aktibidad
AIMDOY
IDYOMA
PAMPASIGLANG
Aktibidad
NLWABYESOA

PAMPASIGLANG
Aktibidad
NLWABYESOA
EBALWASYON
PAMPASIGLANG
Aktibidad
MKTIIISORS

PAMPASIGLANG
Aktibidad
MKTIIISORS
KRITISISMO
PAMPASIGLANG
Aktibidad
SA PAG-UULAT NA ITO, LAYUNIN NITONG MALAMAN:
ang mga hakbang sa paghahanda ng salin
ang mga gabay sa pagtutumbas sa mga matalinghaga at
idyomatikong pahayag
ang ebolusyon at uri ng neologismo
ang mga dapat isaalang-alang at gawin sa ebalwasyon ng salin
ang mga batayang kaalaman, ilan sa mga dalubhasa sa
pagsasalin ng kanilang mga pananaw at modelo sa kritisismong
pampagsasalin
Paghahanda sa Pagsasalin
Pagtutumbas sa mga Matalinghaga at
Idyomatikong Pahayag
Pagsasalin ng mga Neologismo
Ebalwasyon ng Salin
Kritisismong Pampagsasalin
Ang pagsasalin ay isang proseso.
Kasama rito ang maingat na
paghahanda sa pagsasalin, aktuwal na
pagsasalin, at ebalwasyon ng salin.
Ang triangulasyong ito and titiyak ng
kalidad ng salin.
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

PAGHAHANDA
SA PAGSASALIN
Ang isang tagasalin ay dapat makaramdam ng
natural na pagkagusto (natural affinity) sa tekstong
isasalin.
"One should never translate anything one does not
admire" - Justin O' Brien (Nida,1964)
Dapat gabayan ng kaniyang sariling panlasa.
Ang tekstong nakaantig sa kanyang damdamin ay
mas madaling isalin kaysa sa tekstong hindi niya
gusto.
Ralph S. Galan Rolando S. Tinio
nakilala sa pagsasalin ng mga
tula ang hilig isalin
dula (dula ni Shakespeare)
Dapat basahin muna ng tagasalin ang tekstong
isasalin.
Pagkakataon ito upang makilala ang kalikasan ng
tekstong isasalin, kung teknikal ba ito o
pampanitikan.
Dito rin matutukoy ang mga salitang bago sa
pandinig, lalo na iyong malalim o teknikal, na ngayon
palang ay kailangan ng saliksikin o ipagtanong sa
mga eksperto upang hindi na maging problema
kapag aktuwal nang nagsasalin.
Mula sa United Nations, https://www.un.org/en/

This is the first time that World Wildlife Day has focused on life below water, the crucial
importance of marine species to human development, and how we can continue to save
marine biodiversity for future generations.

Marine wildlife has sustained human civilizations for thousands of years, providing food;
materials for construction; and enriching lives culturally, spiritually and recreationally. Today,
some three billion people depend on marine and coastal biodiversity for their livelihoods.

But human activity is posing major problems, both for the planet’s oceans and for human lives,
particularly in coastal communities. These problems include the over-exploitation of marine
species, pollution, the loss of coastal habitats and climate change. Around one-third of fish
stocks are being consumed at unsustainable levels, and up to half the world’s coral reefs have
been lost due to factors such as warming sea temperatures, ocean acidification and a range of
land-based activities.
Inuunawa ng tagasalin ang nilalaman ng teksto sa
kabuoan.
Higit na mainam kung nauunawaan nang buo ang
materyal na isinasalin kaysa inuunawa lamang ito
nang baha-bahagi o kasabay ng salita o
pangungusap na isinasalin.
Kailangang tiyakin ng tagasalin ang uri ng teksto
upang makaisip ng angkop na estratehiyang
ilalapat sa pagsasalin.
Ginagawa ito upang matiyak kung ano ang
tungkuling ginagampanan ng wika sa teksto.
Upang lubusang maunawaan ng tagasalin ang
tekstong isinalin, mainam din na magsaliksik
tungkol sa orihinal na sumulat nito.
Mga tanong na maaring maging gabay:
Sino ang may-akda?
Ano ang estilo sa pagsulat na tatak niya?
Ano-ano ang mga pangyayari sa personal na buhay ng
may-akda o mga pangyayari sa lipunang kasabay ng
pagkakasulat ng teksto na maaaring nakaapekto rito?
Bakit isinulat ng may-akda ang teksto? Ano ang
intensiyon niya?
Dapat unawain ng tagasalin ang intensiyon ng
may-akda sa pagsulat ng teksto.

Mga tanong na maaring maging gabay:


Isinulat ba niya ito upang magbigay-impormasyon?
Upang umantig ng damdamin?
Upang magpakilos?
Dapat kilalanin ng tagasalin ang mga
mambabasang pinag-uukulan niya ng
salin at isaalang-alang ang kanilang
kalikasan sa gagawin niyang salin.
Bubuo na ang tagasalin ng teorya sa pagsasalin na
magsisilbing gabay sa pagpili ng mga panumbas
at iba pang dapat isaalang-alang.
Higit ang kredibilidad ng isang saling may
batayang sinunod kaysa sa ibinatay lamang sa
sarili niyang pananaw at diskarte (liban na lamang
kung iginagalang na siyang awtoridad sa larangan
ng pagsasalin).
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

PAGTUTUMBAS SA
MGA MATALINGHAGA
AT IDYOMATIKONG
PAHAYAG
Isinasaisip sa pagsasaling wika ang mga limitasyon na
kabilang ang diwa (konteksto), ang patakarang pambalarila
(gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng
pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain
(kawikaan o idyoma).

Isang karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak


na paraan ng pakikipag-ugnayan ang bawat dalawang (literal
na salin o pagtutumbas ng salita sa bawat salita); at ang
pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa
pagtutumbas ng salita sa bawat salita, hindi pinapahalagahan
at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga
gawi at kawikaan.
Ito ay isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi komposisyunal.
Ito ay hindi tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan
at kaugalian ng isang lugar.
1. Butas ang bulsa - Walang pera
2. Nagbubuhat ng sariling upuan - Mayabang
3. Bukas palad - Matulungin
4. Balat sibuyas - Iyakin o maramdamin
Ito ay parirala o pangungusap na ang
kahulugan ay kumpletong magkaiba ang
literal na kahulugan ng salitang gawa sa
matalinghagang salita
Ang idyomatikong pahayag ay naging
pangmalawakang gamit dahil ito'y may
makahulugang mensahe.
1. Kagagaling lamang ni Susan sa ospital
kaya siya ay buto't balat.
Buto't balat - Payat na payat

2. Maraming nagkalat ng balitang kutsero sa


Social Media sa panahon ngayon.
Balitang kutsero - Balitang hindi totoo
Isalin ang diwa sa payak na kahulugan,
ang wikang isinalin na matayutay ay
dapat maging payak sa wikang
pinagsalinan.
1. Old maid - Matandang dalaga
2. Sand castle - Kastilyong buhangin
1. Piece of cake - Sisiw
2. No word of honor - Walang isang
salita o walang paninindigan sa salita
1. Barking up the wrong tree - Pagtuturo
sa maling tao
2. Once in a blue moon - Bihira mangyari
1. Run away - Tumakas
2. Run after - Habulin
3. Run over - Masagasaan
4. Run into - Magkasalubong
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

PAGSASALIN NG
MGA NEOLOGISMO
Ang neologismo ay isang bagong
salita, katawagan o parirala na nilikha
upang ipahayag ang isang bagong
konsepto, ipangalan sa isang bagay, o
kaya'y bigyan ng tunog ang isang dati
nang katawagan.
Ginagamit ito ng isang tao at nababasa sa
isang maliit na grupo hanggang sa paulit-
ulit itong gamitin ng mas nakararami.
Maari rin ito ay mamatay na agad kung
walang pupulot at magpapalaganap. At
kapag naging popular ang salita, ito ay
tatangkilikin ng marami.
Iba't ibang larangan ng mga bahaging
salita. Mula sa siyensya at teknolohiya,
maraming mga salitang nabubuo at
naiimbento o nabibigyan ng bagong
kahulugan upang ilarawan ang mga
bagong tuklas, imbento o hipotesis.
1. Lumang Salita, Bagong Kahulugan

1. Bato
Noon: Literal na bato sa lupa
Ngayon: Shabu o ipinagbabawal na gamot
2. Damo
Noon: Isang uri ng luntiang halaman
Ngayon: Marijuana

3. Pirata
Noon: Mga magnanakaw na manlalakbay
sa karagatan
Ngayon: Mga hindi lisensyadong CD o DVD
tape
4. Buwaya
Noon: Isang reptilya na may malaking paa,
mahabang panga, at makapal na balat.
Ngayon: Mga taong sakim at makasarili

5. Nganga
Noon: Nakabukas ang bibig
Ngayon: Walang magawa o nagawa
2. Kombinasyon ng mga dating Salita

1. Brunch - hango mula sa mga salitang


breakfast at lunch. Ito ang ipinantutumbas
na salita kapag pinagsabay sa pagkain ng
agahan at tanghalian.
2. Smog - hango mula sa salitang smoke at
fog. Ito ang ipinantutumbas na salita sa
pinagsamang usok at hamog sa ere.
3. Basagulo - hango mula sa mga salitang
basag at ulo na ipinantumbas sa isang
taong mahilig sa gulo.
4. Spork - hango mula sa salitang spoon at
fork na ipinantumbas sa naimbento na
pinagsamang kutsara at tinidor.
5. Chillax - hango mula sa salitang chill at
relax na ipinantutumbas sa isang tao
upang ito ay huminanahon at
magpahinga.
3. Pagdadaglat o Akronim

1. Yolo - You Only Live Once


2. TBH - To Be Honest
3. OOTD - Outfit Of The Day
4. DIY - Do It Yourself
5. TGIF - Thank God It's Friday
4. Paghihiram at Pagpapaikli

1. Amboy - American Boy


2. Promdi - From the province
3. Pinoy - Pilipino
4. Tisoy - Mestiso
5. Lab - Laboratoryo
5. Pagpapalit ng isang bahagi ng salita

1. Nilupak - mula sa salitang nilusak sa


Visaya. Ito ay pinaghalong binayong
saging o kamote na may kasamang niyog
at asukal.
2. Kinilaw - mula sa salitang hilaw na isang
uri ng pagkain na hindi na dumadaan sa
apoy kapag ito ay niluluto sa halip ito ay
ibinababad lamang sa suka.
3. Lumpiang saging - mula sa salitang
lumpiang shanghai na binalutan ng
wrapper at pinapalibutan ng maraming
asukal sa pagluluto o mas kilala bilang
turon.
4. Hamburger - mula sa salitang burger
patty na ipinapalaman sa sandwich. Ito ay
isang uri ng pagkain na may palaman sa
gitna ng dalawang tinapay.
5. Dinuguan - mula sa salitang dugo na
isang lutuing Pinoy na ang pangunahing
sangkap ay dugo ng baboy.
6. Paggamit ng mga Panlapi

1. Globalisasyon - konsepto ng mas


malawak na pagkaka-ugnay-ugnay ng
mga negosyo, kultura, kalakal, serbisyo at
teknolohiya ng iba’t-ibang bansa sa buong
mundo
2. Aktibista - mga taong gumagawa o
naghahanap ng pagbabago sa lipunan
3. Kanibalismo - pagkain ng isang hayop sa
kapwa niya hayop
4. Propagandista - mga taong kabilang sa
isang propaganda noong panahon ng mga
Kastila
7. Paggamit ng mga tatak ng produkto

1. Colgate / kolgeyt - tatak ng pasimada


2. Downy - tatak ng fabric conditioner o
pampalambot at pampabango ng mga
damit
3. Bear brand - tatak ng gatas
4. Pampers - tatak ng diaper o lampin ng
bata
5. Tang (Juice) - tatak ng pampalasa sa
inumin
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

EBALWASYON
NG SALIN
Ang ebalwasyon ng salin ay paraan ng
pagtaya kung nailipat nang sapat ang
mensahe sa tunguhang lengguwahe.
Narito ang mga layunin ng ebalwasyon ayon kay Newmark
(sinipi nina Almaro et al. sa Patnubay sa Pagsasalin, 1996):

1. Mapabuti ang mga pamantayan sa pagsasalin.


2. Maglaan ng may klarong aralin para sa mga tagasalin.
3. Magbigay ng linaw sa mga konsepto sa pagsasalin na
partikular sa isang paksa o panahon.
4. Makatulong sa interpretasyon ng mga naisalin na ng
naunang manunulat at nagsalin.
5. Masuri ang pagkakaibang kritikal sa semantika at
gramatika ng simulaang lengguwahe at tunguhang
lengguwahe.
Ang pagsubok sa salin ay isa sa mga
pamamaraan upang malaman kung
ang isang salin ay nagtataglay ng mga
katangian ng isang mahusay na salin.
Iba't-ibang paraan ng pagsubok sa
salin ang ilalarawan sa araling ito.
Bago ipabasa o ipataya sa iba ang salin, natural
lamang na ang mismong tagasalin ang
magsagawa ng sariling editing sa ginawa niya.
Sa ganitong paraan, binabalik-balikan ng
tagasalin ang kaniyang ginawang salin, binabago
ang dapat baguhin, pinapalitan ang mga salitang
itinutumbas, kung sa palagay niya ay mas tama,
malinaw o natural ang bago niyang naisip.
1. Pagkonsulta sa Eksperto
Ang pagkonsulta sa eksperto ay isang paraan
upang lalo pang mapabuti ang alinmang salin.
Dalawang uri ng eksperto ang maaring
konsultahin ng isang tagasalin:
1. Eksperto sa Paksa
2. Eksperto sa Wika
2. Balik-salin
Ang balik-salin o back translation ay isang paraan
upang malaman ang kawastuhan ng salin sa
pagsusuri ng paralelismo ng forward at back
translation.
Ang nagsasagawa ng paraang ito ay dalawang
tagasalin na magkasinghusay sa dalawang
wikang sangkot sa pagsasalin.
Orihinal:
Almost 3 million jobs need to be
created in 2021.
Salin sa Filipino (Forward Translation):
Halos 3 milyong trabaho ang
kailangang likhain sa 2021.
Balik-salin sa Ingles (Back Translation):
Almost 3 million jobs need to be
created in 2021.
3. Pagsubok sa Pag-unawa
Upang malaman kung ang isang salin ay
nauunawaan ng target nito, maaring magsagawa
ang tagasalin ng pagsubok sa pag-unawa ng
target niyang mambabasa o sa pinag-uukulan ng
salin.
1. Malakas na pagbasa
Ipabasa nang malakas ang salin sa target na
mambabasa.

2. Pagtatanong tungkol sa nilalaman


Matapos ipabasa ang teksto, magbigay ng mga tanong
na susubok sa kanilang naunawaan.

3. Pagtatanong sa Di-eksperto
Ang mga di-ekspertong tinutukoy dito ay mga taong
pinag-uukulan ng salin na walang alam o kakaunti pa
lamang ang alam tungkol sa paksang isinalin.
4. Subok-gamit
Kung ang isinalin ay mga panuto, ipagawa ito sa
target na mambabasa. Kung tama ang magiging
proseso o produkto, maaring tama ang salin.
5. Pagsubok sa Konsistensi
Ang pagiging konsistent sa pagtutumbas ay
nangangahulugan ng paggamit ng parehong
katumbas ng mga katawagan at hindi pabago-
bago ng gamit.
6. Paggamit ng Instrumento sa
Balidasyon ng Salin
Gaya ng nabanggit, ito naman ang
instrumentong pinasasagutan sa eksperto sa
wika, sa nilalaman, at sa target audience na
maaring magbigay ng kantitatibong datos sa
pagiging katanggap-tanggap o di katanggap-
tanggap ng iba't-ibang aspekto ng salin.
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

KRITISISMONG
PAMPAGSASALIN

Mahalagang bigyang pansin kung


paano kikilatisin ang kalidad ng
nagawang salin.
"Ang kahusayan sa isang salin ay
masusukat sa kung sino ang nagsalin at
hindi sa kung paano ito isinalin."
Karaniwang nagbibigay Higit na mas malalim at mas
malawak.
ng komento sa isang Sinusuri ang pamamaraan o
saling teksto kasama na teoryang nakapaloob sa pagsasalin
ang deskripsyon at ng akda at aplikasyon nito sa
nagawang salin.
ebalwasyon kung mainam Pagsusuri ng detalye at ng
ba itong basahin o bilhin. ebalwasyon ng orihinal at salin.
Binibigyang-pansin ang lahat ng
salik at elemento sa proseso ng
pagsasalin - layunin, uri ng teksto,
estratehiya, prinsipyo, limitasyon at
mambabasa.
Nagbigay si Newmark ng apat na batayang hakbang
sa kritisismong pampagsasalin:
1. Suriin ang intensyon na nangingibabaw na gamit ng
wika, tono, tema, rehistro, estilo, kalidad, at
katangiang kultural. Ipinalalagay na manunulat at
lunan ng teksto sa SL at mapanukala ang angkop na
metodo ng pagsasalin.
Nagbigay si Newmark ng apat na batayang hakbang
sa kritisismong pampagsasalin:
2. Gumawa ng masusing paghahambing sa teksto sa
SL at TL na may pagbibigay diin sa lahat ng
mahahalagang pagkakaiba sa kahulugan, estilo,
gamit at ideyolohiya.
3. Tasahin ang pagkakaiba sa kabuang impresyon sa
pagitan ng tekstong nasa SL at tekstong nasa TL.
4. Magkaroon ng dalawang pagtataya sa ginawang
salin.
Ayon kay Newmark (1988) ang salin ay maaring bigyang-
taya ng iba't ibang awtoridad sa larangan ng pagsasalin.

1. Reviser ng isang tanggapan o ng isang translation


company.
2. Pinuno ng isang departamento o kumpanya o ng
quality control.
3. Mismong kliyente.
4. Propesyonal na kritiko o guro sa pagsasalin.
5. Mambabasa ng inilimbag na salin.
Ang mga dalubhasa at naniniwala sa konseptong
"walang ganap na salin." Ang anumang tekstong
isinalin sa ibang wika ay nababahiran ng kahit
kaunting pagbabago sa oras na ito ay naisalin na.
Ilan sa mga dalubhasa sa pagsasalin at ang kanilang
mga pananaw at modelong magagamit sa panunuri:
Sa modelong Straight, binibigyang diin dito ang
tatlong dimensyon sa ebalwasyon ng isang
salin.
1. Kaalamang kultural at panglinggwistika ng
tagasalin.
2. Layunin ng tagasalin
3. Paggamit ng intuwisyon
Ilan sa mga dalubhasa sa pagsasalin at ang kanilang
mga pananaw at modelong magagamit sa panunuri:
Ang modelong Broeck ay nakatuon sa
komparatibong pagsusuri ng orihinal sa saling
teksto.
Ayon kay Jorge Legaspi (1995), layunin ng
modelong ito na tiyakin ang antas ng factual
equivalence o pagtutumbasan ng impormasyon
sa pagitan ng orihinal at ng salin gamit ang
tatlong hakbang:
1. Ang pagsusuri ng teksto na nakatuon sa
pagsusuri sa panlinggwistikang elemento
ng teksto.
2. Paghahambing ng mga elemento ng
orihinal at ng saling teksto.
3. Paglalagom ng deskripsyon ng mga
pagkakaiba at pagkakatulad ng orihinal
at saling teksto.
Ilan sa mga dalubhasa sa pagsasalin at ang kanilang
mga pananaw at modelong magagamit sa panunuri:
Nakatuon sa kanyang pananaw sa panunuring
pampagsasalin sa pangkalahatang
pagkakatulad kaysa sa partikular na
pagkakaiba ng teksto sa SL (prototext) at tekso
sa TL (metatext).
Ayon sa kaniya, ang hambingang prototext-metatext ay
pumapaloob sa tatlong yugto:

1. Paglulugar ng metatext sa isang konteksto tulad ng


target na kultura.
2. Paghahambing ng mga indibidwal na pahayag sa
dalawang teksto upang matuklasan ang preliminaryong
relasyon at pangkalahatang pagkakatulad ng mga
bahagi ng prototext at metatext.
3. Pagtala ng makukunang pagkakatulad na muling
lilinangin sa malalimang hambingan ng mga teksto.
Ilan sa mga dalubhasa sa pagsasalin at ang kanilang
mga pananaw at modelong magagamit sa panunuri:
Sa pananaw ni Torop, upang mapadali ang
hambingan ng orihinal na salin, kinakailangang
makita ang estilo ng tagasalin kaugnay ng
metodong kanyang ginamit sa pagsasalin at
mula roon ay suriin ang kanyang kaisahan sa
metodo at sa aplikasyon nito.
Kaugnay nito, nagbigay siya ng siyam na anyo ng
kritisismong pampagsasalin (Sipi kay Osimo 2004):

1. Historical-Literacy Criticism
2. Informational Criticism
3. Adaptive Criticism
4. Innovative Criticism
5. Receptive Criticism
6. Theoretical Criticism
7. Translational Method Criticism
8. Qualitative Criticism
9. Personal Criticism
Partikular na Hakbang:

1. Pagsusuri sa orihinal na teksto.


2. Interpretasyon ng tagasalin sa layunin ng orihinal na teksto,
gagamiting metodo ng pagsasalin at maasahang mambabasa.
3. Paghahambing ng salin sa orihinal.
4. Ebalwasyon ng salin batay sa tagasalin at sa kritiko.
5. Pagtataya sa magiging lugar ng salin sa kultura ng TL.
Sa pagsururi ng orihinal na teksto, maaring isaalang-
alang ang layunin ng may akda at ang pananaw nito sa
paksang tinatalakay; ang kategorya at anyo ng teksto;
at ang kalidad ng wikang ginamit.
Iwasan ang pagtalakay sa buhay at iba pang akda ng
manunulat o anumang impormasyon maliban na
lamang kung partikular itong may silbi sa teksto.
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

KONKLUSYON
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

REAKSYON
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

REKOMENDASYON
MGA HAKBANG SA PAGSASALIN

SANGGUNIAN
https://www.coursehero.com/file/57274523/hakbang
-sa-pagsasalinpptx/
https://www.studocu.com/ph/document/university-
of-science-and-technology-of-southern-
philippines/filipino/aralin-3/44428163
https://www.scribd.com/document/409602073/arali
n-5-8#
https://quizlet.com/491274566/filipino-flash-cards/
https://www.scribd.com/document/537324560/PAGT
UTUMBAS-SA-MATALINHAGA-AT-IDYOMATIKONG-
PAHAYAG
https://www.youtube.com/watch?v=XuB8xAobyrc
https://www.tumblr.com/gabiatpanulat/634826801628200960/pagsas
alin-ng-mga-neologismo
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-
batangas/fundamentals-of-business-management-1/neologismong-
pagsasalin-ng-wika/22997202
https://www.coursehero.com/u/file/177769570/Pagsasalin-ng-mga-
Neologismo-GROUP-4pptm/
https://www.coursehero.com/u/file/109291841/FIL-2-Aralin-5-
Ebalwasyon-ng-Salinpdf/
https://www.coursehero.com/u/file/93206125/KRITISISMONG-
PAMPAGSASALIN-REVIEWERdocx/
https://www.coursehero.com/u/file/177769570/Pagsasalin-ng-mga-
Neologismo-GROUP-4pptm/
FIL 103 - INTRODUKSYON SA PAGSASALIN

MGA HAKBANG
SA PAGSASALIN
INIHANDA NI: CAMILLE V. SAN GABRIEL

You might also like