You are on page 1of 6

Paghahanda ng mga Kagamitang Tanaw-Dinig

I.Ginagawa
A.Tuwirang karanasan
B.Mga Binalangkas na Karanasan
C.Madulang Pakikilahok
II.Minamasid
A.Pakitang-turo
Sa paaralan, ang isang paraan ng guro sa pagtuturo ay sa pamamagitan ng
pakitang-
turo. Itinuturo ang kahulugan ng salitang lakad sa pamamagitan ng aktwal na
paglalakad,
ang salitang awit sa pamamagitan ng aktwal na pag-awit.
Halos lahat ng mga asignatura ay maaaring gamitin ng pakitang-turo bilang
paraan ng
pagtuturo. Sa pakitang-turo, kadalasang tagamasid ang mga mag-aaral. Ngunit
may mga
pagkakataon ding isinasali ng guro ang kanyang mga mag-aaral. Anumang
paraan ang
gustong gawin ng guro sa kanyang pagtuturo, may mga panuntunan na dapat
sundin
upang maging mabisa at makabuluhan ang pakitang-turo. Ilan sa mga ito ay
ang mga
sumusunod:
A.Subukin munang gawin ng sarilinan ng guro ang ipapakitang-turo bago ipakita
sa klase.
B.Ihanda lahat ang mga gagamitin bago magpakitang-turo.
C.Pukawin ang interes ng mga mag-aarl upang magtanong sila sa kanilang
minamasid.
Kapag nagising ang kanilang interes, maaaring makabuo sila ng mga
katanungan. Ang
kasagutan ay makukuha rin sa pakitang-turong ginagawa.
D.Pag-usapan ang mga namasid ng mga mag-aaral; sagutin ang kanilang mga
katanungan; bumuo ng paglalapat batay sa pakitang-turo; at ipagawa sa mga
bata ang
kanilang nakita at natutuhan sa pakitang-turo.

Sa pakitang-turo, karaniwan ng ginagamit ang pisara at paskilang pranela bilang


mga kagamitang tanaw-dinig.
1.Pisara

This study source was downloaded by 100000790777867 from CourseHero.com on 09-26-2023 02:19:32 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-oct5docx/
Anga silid-aralang walang pisara ay tulad ng isang dyip na walang gasoline.
May kulang
sa pagtuturo ng guro kung walang pisarang masusulatan ng mga paliwanag at
ilustrasyon.

Mga adbentahe ng pagkakaroon ng pisara:


a.kagyat at agad-agad na magagamit
b.nabubura kaagad ang mga mali
c.naitatakda ang bilis o bagal ng pakitang-turo na hindi nagagawa sa
demonstrasyon sa
pamamagitan ng sine o telebisyon.
d.nagkakaroon ng masiglang pakikilahok ang mga mag-aaral na pumunta sa
pisara at isulat
ang sagot o ang hinihingi ng pakitang-turo.

2. Paskilang Pranela o Pelt


Isang kagamitang tanaw-dinig na dikitan ng mga bagay. Para dumikit ang
mga ito,
kailangan ang paskilan ay nababalutan ng pranela o pelt o mga lumang
stocking, at ang
likod naman ng mga bagay tulad ng mga cut-out, larawan at bilang ay
kailangang
nadidikitan ng papel de liha.

Tanong:
1.Paano itinuturo sa inyo ng inyong mga magulang ang isang gawain, halimbawa
ang
paghugas ng pinggan o ang pagsasaing sa rice cooker o ang tamang paglilinis
ng bahay?

2.Paano nakatutulong ang pisara at paskilang pranela sa pagpapakitang-turo?

B. Paglalakbay o Ekskursyon
Napakaiksi ng buhay. Maraming bagay at karanasan ang gusto nating isagawa
at pag-
aralan nang sarilinan ngunit sa kakulangan ng panahon ay natututuhan na
lamang natin sa
pamamagitan ng mga aklat, sine, telebisyon o mga gawain ng iba. Ngunit may
mga bagay
na matututuhan lamang natin sa pamamagitan ng pagmamasid, pagsisiyasat at
paglalakbay.

This study source was downloaded by 100000790777867 from CourseHero.com on 09-26-2023 02:19:32 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-oct5docx/
Ang paglalakbay ay isang binalak na gawaing edukasyonal na ang hangarin ay
matuklasan
ang mga kasagutan tungkol sa pinag-aaralan o aktwal na maranasan ang pinag-
aaralan sa
pamamgitan ng paglabas sa apat na sulok ng silid-aralan at pagpunta sa tiyak na
lugar na
kakikitaan ng pinag-aaralan. Ito ay may kasingkahulugan g salita na hiram sa
Kastila at
Ingles : excursion o fied trip.

Ang paglalakbay bilang estratehiya sa pagtuturo ay mabisa sa pagkakamit ng


kauna-
unahan at mga bagong kaalaman at kasanayan o “first hand information” tungkol
sa isang
tiyak na paksa. Sa ganitong paraan ng pagtuturo, nagagamit ng mga estudyante
ang
kanilang (5) pandama.

Ang mga asignaturang kailangan ng paglalakbay ay Sibika at Kultura, Siyensya


(zoo,
museo, planetarium, dagat, bukid), sa asignaturang Dulang Filipino , ang
panonood ng mga
de-klaseng dula sa Sentrong Kultura ng Pilipinas (CCP), Dulaang Fort Santiago etc.

Ang paglalakbay bilang estratehiya sa pagtuturo ay hindi nagtatapos sa aktwal


na
paglalakbay. Mahalaga rin ang follow-up o mga gawain pagkatapos nito. Ang
panapos na
mga gawain ng pamamaraang paglalakbay ay maaaring pagpapahalaga o
ebalwasyon ng
mga kaalaman, karanasan, kasiyahan at kahalagahang natamo sa paglalakbay;
maaaring
sa porma ng proyekto; at maaari ring sa pamamagitan ng pagpapasulat ng
komposisyon,
liham o kuwento tungkol sa naganap na paglalakbay.

Ngunit mangilan-ngilan na lamang guro ang gumagamit ng estratehiyang ito


sa
pagtuturo dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1.nangangailangan ito ng mahabang pagbabalak at paghahanda
2.mahabang oras ang ginugugol sa pagbabalak kaysa karaniwang oras ng
pagtuturo
3.magastos para sa guro at mag-aaral
4.nangangailangan ng karagdagang atensyon sa panig ng guro

This study source was downloaded by 100000790777867 from CourseHero.com on 09-26-2023 02:19:32 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-oct5docx/
5.maaaring may masama o di-inaasahang mangyayaring magaganap na
makasasama
kapwa sa guro at mga mag-aaral
6.isang karagdagang responsibilidad ito sa panig ng guro
7.pagwawalang-halaga sa panig ng administrasyon

Tanong:
1.Ano-ano ang mga bentahe ng paglalakbay sa ibang mga estratehiya na
ginagamit sa
pagtuturo?

2.Bakit iilan ang mga gurong gumagamit ng paglalakbay bilang estratehiya ng


pagtuturo?

3.Pagkatapos isagawa ang paglalakbay, anong kasunod na gawain ang


maaaring ibigay
sa klase?

C. Eksibit
Ang eksibit ay ang maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang
tanging lugar o lalagyan upang mamasid ng balana. Ito ay may layuning
mangganyak, magturo o magpaalaala ng mga pangyayari.

Sa paghahanda ng anumang eksibit, dapat isaisip ang mga sumusunod:


1. Ang eksibit ay tinitingnan at hindi hinihipo
2. Nasa lugar na tiyak na napapansin ang eksibit
3. May iisang diwang ipinahahayag
4. Malinaw at payak ang mga tatak at paliwanag
5. Dapat ay malinaw, kawili-wili at kaakit-akit
6. Ang eksibit na gumagalaw ay kailangang pakilusin o pagalawin
7. Ilarawan ang eksibit kung kinakailangang
8. Lapatan ng musika ang eksibit kung kinakailangang

Ang ilan sa mga porma ng eksibit ay ang: display na yari ng guro at mga mag-
aaral, museo, bulitin bord, takbord, poster, timeline, dayorama at mobil.
1. Displey na yari ng guro at mga mag-aaral – mga bagay na ginagawa ng
guro at ng kanyang mga mag-aaral. Unang itatanghal ng guro ang kanyang
mga ginagawang bagay o Proyekto. Magsisilbing halimbawa ito sa mga bata
at gagawa rin sila ng kanilang.
2. Museo – ito ay isang lugar na kakikitaan ng pagtatanghal ng mga bagay na
may kinalaman sa alinman sa mga sumusunod: siyensya, sinin, kultura,
heograpiya, kasaysayan, mga kagamitang luma ng ating mga ninuno at iba
pa.

This study source was downloaded by 100000790777867 from CourseHero.com on 09-26-2023 02:19:32 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-oct5docx/
3. Bulitin bord – isang kagamitang tanaw na katulad din ng pisara at ginagamit
bilang tanghalan o paskilan ng mga bagay na may relasyon sa aralin at pag-
aaral.

Maraming gamit ang bulitin bord. Maaari itong paskilan ng mga takdang-
aralin, ulat, cut-out, dayagram, larawan, tula poster, postcard at iba pa.
Nagsisilbi itong paskilan ng patalastas at anunsyo hingil sa mga ito sa silid-
aralan sapagkat ang anumang bagay na patungkol sa paksang-aralin o yunit
na ituturo ay idinidisipley rito.

4. Takbord – magkatulad ang gamit ng takbord at bulitin bord bilang tanghalan


at paskilan. Nagkakaiba lamang sila sa paraan ng pagpapaskil. Ang ginagamit
na pampaskil sa bulitin bord ay kola samantalang sa takbord ay thumbtacks o
aspili. Kaya dapat lamang na ang materyales ng takbord ay malambot tulad
ng kork o Styrofoam. Kaya madali ang paglalagay o pag-aalis ng anumang
bagay na ipapaskil dito sa pamamagitan ng thumbtacks o pantusok.

5. Poster – ginagamit ang poster bilang kagamitang tanaw-dinig sa mga


paaralan. Nakapaskil ang mga ito sa pisara, bulitin bord o dingding ng silid-
aralan. Nagsisilbi itong pangyanyak, paalala at patnubay sa mga mag-aaral
hingil sa leksyong kanilang pinag-aaralan.

6. Timeline – ito ay pisi o kawad na ginagamit bilang sabitan. Pinapasukan ito


ng mga sipit upang maging sabitan ng mga larawan o iba pang bagay. Sa
pamamagitan nito, napapadali ang pagtatanghal ng anumang kagamitang
tanaw-dinig na kailangang ipakita sa harap ng klase.

7. Dayorama – isang kagamitang tanaw-dinig na yari sa kahon. Inaalis ang


itaas at harap na bahagi ng kahon at sa halip, ang pinapalit ay plastic. Ang
dahilan nito ay upang makita ng mga bata ang mga bagay na nakadispley sa
loob ng kahon na may kaugnayan sa leksyon.

8. Mobil o Pabitin – anumang tanaw-dinig na itinatanghal sa pamamagitan ng


pagsasabit, kaya’t ito ay gumagalaw kapag humahangin. Ang isang gurong
nagsasabit ng iba’t ibang uri ng prutas na sa mga sanga ng halamang nasa
loob ng silid-aralan bilang pangganyak sa paksang-aralin “mga uri ng prutas”
ay gumagamit ng tanaw-dinig na kung tawagin ay mobil. Ang mga banderitas
na nakasabit sa harapan ng silid-aralan na may paksa ng isang bagong aralin
ay isang halimbawa ng mobil.

Tanong:
1.Ano-ano ang bentahe ng mga eksibit sa mga mag-aaral?
2.Paano nakapagsimulang magkaroon ng museo ang isang paaralan?
3.Bakit mahalagang kagamitang tanaw-dinig ang bulitin bord? Ang takbord?
4.Ano ang gamit ng poster sa loob ng klasrum?
5.Ano ang kaibahan ng dayorama sa iba pang kagamitang tanaw-dinig?

This study source was downloaded by 100000790777867 from CourseHero.com on 09-26-2023 02:19:32 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-oct5docx/
Gawain:
Maghanda ng poster tungkol sa gaganaping patimpalak sa pagtatalumpati at
pagbabaybay sa inyong departamento (CSP).

This study source was downloaded by 100000790777867 from CourseHero.com on 09-26-2023 02:19:32 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/115840656/ROEL-JR-GLORIA-aralin-tanaw-dinig-3-oct5docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like