Ang Nawawalang Ako

You might also like

You are on page 1of 1

"Ang Nawawalang Ako"

Ako ay isang dalaga na nanggaling sa katamtamang pamilya. Nakakakain ng tatlong beses sa


isang araw, nakakapag-aral at higit sa lahat ay mayroong mapagmahal na pamilya. Masasabi
kong maayos ang aking buhay, masaya at payapa. Alam ang pangarap at alam patutunguhan
pero ang buhay ay sadyang mapaglaro at nakakatakot. Ang saya na nabatid ay mapapalitan pala
ng masidhing kalungkutan. Namatay ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, ang aking
papa. Ang mga dati kong pangarap sa buhay ay sa isang iglap ay naglaho. Tila batang nawawala
na hindi alam kung saan pupunta. Tatlong taon ang lumipas na hinayaan ang sarili na mawala,
kainin ng kalungkutan at magpa-agos agos lamang sa daloy ng buhay. Hindi man naging madali
ang tatlong taong iyon ay nagkaroon din ng lakas ng loob na tumayo at magpatuloy muli sa
buhay. Unti-unting pinupulot at binubuo muli ang mga pangarap, at patuloy na hinahanap ang
nawawalang sarili.

Ngayon, ang dalagang ito ay muling nagsusumikap na maabot ang pangarap para sa sarili at sa
pamilya. Kinuha ang kursong pinapangarap na unti-unting kinukulayan at binibigyang buhay
upang maisakatuparan. Maraming pagsubok man ang kailangang kong harapin ngunit sisikapin
kong hindi ito magiging hadlang muli para ipagpatuloy ko ang aking pangarap. Ang pangarap ko
ay pangarap din ng aking mga magulang at nais kong matupad ito at mabigyan ang aking
pamilya ng masagana at marangyang buhay na kailanman ay hindi namin natamasa.

Sadyang puno ng pagsubok ang buhay, sa bawat pagsubok tayo minsan ay nadadapa ngunit pilit
pa ring tumatayo. Nagkakamali ngunit natututo. Magpapatuloy sa buhay kahit hindi sigurado
kung saan ba tayo patungo. Sa puntong ito, lahat naman tayo ay may binubuo, mga
nawawalang piraso ng ating pagkatao at ang kumpiyansa sa sarili na minsan ding naglaho
ngunit tayo ay may mga pangarap na hindi natin isinuko. Ang buhay ay mistulang laro na kung
saan lahat tayo ay naghahangad manalo. Sumusugal sa kabila ng mga paulit-ulit na pagkatalo
pero kasabay naman nito ay ang pagkatuto sa proseso at hindi paghinto.

You might also like