You are on page 1of 72

Pantigin ang mga sumusunod:

1.Kailangan
2.Naglalanguyan
3.Hudyat
4.Radyo
5.Kababaihan
6.Transportasyon
Sabihin kung ang pormasyon ng pantig
sa mga titik na pahilig ay P, KP, KPK,
KKP, PKK, KKPK, KPKK, KKPKK
1.Kaibigan
2.Istandard
3.Kontrata
4.Tsart
5.Tseke
Isulat kung paano mo hihiramin o
tutumbasan ang mga salitang Ingles na
sumusunod.
1.arithmetic
2.lemonade
3.Colgate
4.cemetery
5.education
PALABAYBAYANG
FILIPINO
A. PANIMULA
• Sa wikang Kastila at Ingles, mga
simbolong Romano ang ginagamit sa
palabaybayang Filipino. Ngunit, kaiba sa
Ingles, konsistent ang paraan ng
pagbaybay sa Filipino. Sa ibang salita,
bawat makabuluhang tunog o ponema ay
inirereprisinta ng isang letra lamang
kapag isinusulat. Tingnan, halimbawa, ang
poneman /k/ sa sumusunod na mga salita:
kilay, siko, batok.
Sa wikang Ingles, ang isang ponema na tulad
ng halimbawa nating /k/ ay maaaring
ireprisinta ng higit sa isang letra, tulad ng
makikita sa sumusunod na mga halimbawang
salita:
Transkripsyong Ponemiko
“k” sa ‘kit’ -- / kit /
“ch” sa ‘cholera’ -- / kolera /
“c” sa ‘car’ -- /kar/
“qu” sa ‘quorum’ -- /korum/
“que” sa ‘physique’ -- /fisik/
B. Dating
ABAKADA
Dating ABAKADA
Ito ay tinatawag na (Abakadang
Tagalog).
 Ito ay binubuo ng 20 letra:
( A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,
NG,O,P,R,S,T,U,W,Y)
Lima ang patinig:
A,E,I,O,U
 Labinlima ang Katinig:
B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T,
W,Y
Dating ABAKADA

Ang pangalan ng bawat letra sa Dating ABAKADA


ay:

A, BA, KA, DA, E, GA, HA, I, LA,


MA, NA, NGA, O, PA, RA, SA, TA,
U, WA, YA 
C, CH, F, J, LL, N, Q, V, RR, X

Itinuturing na banyaga, kaya’t


hindi kasama sa dating ABAKADA.

Ito ay ginagamit lang sa ngalang


pantangi tulad ng:
Quezon,Ilocos
Norte,Valleio,Chirino,
Guevarra,Roxas,Pena,atb
• Sa mga salitang hiram sa Kastila,
ang 11 Letra ay tinutumbasan ng
20 ABAKADA
C =K -carga=Karga
C =S -Circo=Sirko QU =K -
CH= TS -Butche= Butse Maquina=makina
=S - RR= R -Carrera=karera
Chinelas=Sinelas o Tsinelas V =B -Vapor=Bapor
F =P -Fecha=Petsa X = KS -Examen=iksamen
J = H -cajon=kahon =S -
= S -Jabon=Sabon Texto=teksto/testo
LL = LY -Billar=bilyar = H -raxa=raha
= Y -Caballo=Kabayo Z =S -
N = NY -Canon=Kanyon Zapatos=sapatos
C. Bagong ALPABETONG
FILIPINO
Bagong ALPABETONG
FILIPINO

Ang tatawagin nating Bagong Alpabetong


Filipino ay binago at pinayaman ng dating
Abakada, batay sa Kautusang Pangkagawaran
Blg.81, s. 1987 ng Kagawaran ng Edukasyon,
Kultura at Isports.
Isinagawa ng dating Surian ng Wikang
Pambansa (Komisyon ng Wikang Filipino na
ngayon) ang pagreporma sa alpabeto at sa
mga tuntunin ng palabaybayang Filipino upang
maiayon ito sa itinatadhana ng Konstitusyon ng
1987 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at
pagpapayaman ng Filipino bilang pambansa at
pampamahalaang wika bilang pagtugon na rin
sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at
paglaganap ng wikang pambansa.
Repormang Ortograpiko ng Surian, ang nahirang na
Tagapangulo ay ang principal na awtor ng aklat na ito.
Mababanggit na nirebisa na ng Surian ang
matandang Abakada noon pa mang 1976. Ang
pagbabagong iyong ay ipinalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura sa pamamagitan ng
Memorandum Pangkagawaran Blg.194, s. 1976.
Subalit iyon ay hini naging matagumpay sapagkat may
lumitaw itong ilang kahinaan, tulad ng mga sumusunod:
Una, hindi nilinaw kung paano ang paraan ng
pagbabaybay – papantig ba o patitik? Ikalawa, hindi
sinabi kung paano tatawagin ang mga letra ng alpabeto
– pa-Abakada ba? Pa-Kastila? O pa-Ingles? Ikatlo, hindi
rin nilinaw kung paano pagsunud-sunurin ang mga letra
ng alpabeto. Ikaapat, hindi naging praktikal sapagkat
Mga naging kahinaan ng isinagawang pagrebisa ng
Surian sa ating palabaybayan.
1. Pagbabaybay sa Filipino : Papantig o
Patitik?
• Ang pagbabaybay ay isa-isang pagsasabi o
pagsulat sa maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga titik na bumubuo sa isang salita,
pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong-
pang- agham, atbp.
• Ang pagpapantig naman ay pagsasabi o
pagsulat sa maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga pantig na bumubuo sa salita.
Paano babaybayin nang papantig,
halimbawa, ang mga sumusunod: (?)
Pangalan ng tao, lugar, Cynthia, Laoag,
gusali atbp Batangas, Villa
Angelita
Akronim KBP, KKK, SSS, RP, UP,
TIP,
Simbolong Pang-Agham H2O, CO2, Fe
Inisyal na pangalan ng FM, CPR, MLQ, UP, TIP
tao, paaralan
Dinaglat na salita Bb., Gng., Abr., Dr., Hen.
Ngunit ang talagang mahirap isipin ay kung
paano nagsimula ang maling konseptong ito ng
pagpapantig na pagbabaybay na sumasalungat
sa tunay na layunin at gamit ng ispeling.
Maaaring ang pinakaugat ng konseptong ito ay
ang ating matandang sistema ng pagsulat – ang
Alibata. Malamang na naniwala ang ating
matatandang mambabalarila na maaaring ilipat
sa kasalukuyan nating sistemang Romano ng
pagsulat ang mga kakanyahan ng matandang
Alibata. Sapagkat kung iispin, sa Alibata, ang
pagpapantig at pagbabaybay ay iisa. Halimbawa,
• Sa Abecedario, ang paraan ng pagbabaybay
ay ganito, sasabihin munang isa-isa ang mga
letra ng unang pantig, pagkatapos ay ang
pantig. Ganoon din ang gagawin sa mga
sumusunod pang pantig at pagkatapos ay
sasabihin naman ang buong salita.
Halimbawa: BATHALA; be-a-te/ BAT; hache-a/
HA; ele-a/ LA = BATHALA.
• Anupat ang papantig na paraan ay
masasabing angkop sa pagtuturo ng
panimulang pagbasa sapagkat ang
pagpapatunog sa alinmang pantig sa Filipino
ay konsistent. Ngunit hindi ito dapat
ipagkamali sa pagbabaybay.
2. Ngalan ng mga letra ng
Alpabeto
Hindi ito matatalakay nang hindi makukulayan ng
emosyon. Subalit hindi malulutas ang problemang
kinakaharap ng wika sa pamamagitan ng emosyon, ng
bulag na pagyakap sa lipas at nilulumot nang mga
katangian nito. May problema ang Filipino sa ortograpiya
nito na humihingi ng obhetibo at praktikal na solusyon.
Nasaksihan na natin ang walang kapararakang mga
pagtatalo sa wika na ang ilan ay humantong pa sa
hukuman dahil sa panatikong pagyakap ng ilang
matatandang tanod sa puristikong uri ng Filipino, ang
hindi sana dapat mangyari pagkabayubay sa krus noong
CONCON 1972 dahil lang sa nakakapikang pagpipilit ng
mga delegadong di-Tagalog ang wikang Filipino.
• Nagsagawa ang SWP ng isang sarbey sa 13 rehiyon
ng bansa upang tayahin ang kaantasan ng
pagtanggap ng bayan sa binagong alpabeto.
• Lumabas diumano sa isinagawang sarbey na ang
pitong letrang “banyaga” na dating wala sa Abakada
ay dapat ngalanan ng gaya ng sumusunod: C/siy/, f
/fa/, J /ja/, Q /kwa/, V /va/, X /xa/ at Z /za/
(Pineda,1981: 4-5)
• Ipinabasasana, halimbawa, ang sumusunod:
Al Q. Perez para matiyak kung paano
ngangalanan ng mga tagasagot ang “Q”.
Paano kaya babasahin ito? /al kwe perez/ , /a/
kyu perez/ o /al ke perez/? Paano kaya
babaybayin ang / b p / sa Ponciano B. P.
Pineda? At ano kaya ang gagamiting ngalan
ng mga letra sa pagbabaybay, halimbawa, sa
Malakanyang, bahay, Gng., Kgg., KKK, atbp?
• Anupat simple lamang ang ibig nilang tukuyin.
Na anumang itatawag o ibibinyag na ngalan
sa mga letra ay iyon sanang gagamitin sa
aktwal na sitwasyon.
• Pansinin na ang mga guro sa paaralan ay turo nang
turo ng 20 titik ng Abakada sa mga bata. Ngunit
naitanong na ba nila sa kanilang sarili kung sila
mismong nagtuturo ay ginagamit sa aktwal na
sitwasyon ang kanilang pagtuturo. Kung ang ngalan
ng 20 titik ng Abakada ay hindi ginamit ng bayan
sa kabila ng katotohanang mahigit na 40 taon na
itong itinuturo sa paaralan, di lalong hindi
gagamitin ang F /fa/, J /ja/, Q/kwa/, V/va/, X/xa/
at Z/za/. Hanggang kalian ba natin igagapos ang
wika sa lipas at di makatotohanang mga tuntunin?
• Kaugnay nito’y ituwid na natin ang isang
maling paniniwala ng di iilang tagapagtaguyod
ng wika, lalo na ng mga guro, na kung ano ang
tawag sa mga titik ng Abakada ay siya na ring
pagpapatunog sa mga ito. Kung totoo ito, ang
mga salitang BAKA, halimbawa, ay magiging
BK na lang, sapagkat ang /b/ ay ba at ang /k/
ay ka! O kaya, ang BAKA naman ay hindi
magiging /baka/ ang basa kundi ba-a-ka-a/!
• Isa pang sinasabi ng ilang ay ito: kung ang
tawag daw o ngalan ng letra ng ating alpabeto
ay isusunod sa kung paano tinatawag ng mga
letra sa alpabetong Ingles, na kung ang a daw
ay /ey/ ang magiging ngalan, ang BATA ay
/beytey/ ang magiging basa.
• Ang isa pang litaw na litaw na kahinaan ng Abakada
o ng ngalan ng mga letra nito ay hindi magandang
mga salitang nabubuo sa pagbabaybay. Halimbawa:
IBON = /i-ba-o-na/ ; BOTE = /ba-o-ta-e/.
• Sa Ingles, man daw ay may mga nabubuo ring hindi
magandang salita, tulad ng inisyal na ITT. Ang
iniisip nilang salita ay may impit o glottal sa dulo,
samantalang ang ITT ay wala. Ikalawa, madaling
remedyuhan iyon kung sakali man. Sa halip na /ay-
ti-ti/ ay ganito ang sasabihin /ay-dobol T/.
Dapat tawagin ang mga ito tulad ng kung
paano tinatawag ang mga letrang Ingles,
dahil sa sumusunod na mga katwiran:
A. Ngalang Ingles namang talaga ang
ginagamit ng bayan. Ito ay tradisyong umiiral.
Kung nagdududa rito, subukin kung may
matutukoy na aktwal na pinaggagamitan ng
Abakada sa labas ng paaralan, sa tunay na
bukay.
B. Kapag Ingles ang inginalan sa mga letra ng alpabeto,
magagamit natin ito bilang mabisang kasangkapan sa ating
pangangailangang intelektwal sa kasalukuyang panahon.
C. Mga titik-Romano kapwa ang ginagamit sa palabaybayan
ng mga wikang Filipino at Ingles.
D. Gamitin man ang ngalang Ingles sa mga letra, mananatili
pa rin ang likas na kakanyahan ng ating wika – ang papantig
na paraan ng pagbasa, gayundin ang regular o konsistent
na paraan ng pagsulat at pagbasa – na kung ano ang bigkas
ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
E. At higit sa lahat, matatamo ng Filipino ang pagtanggap at
respeto ng bayan, lalo na ng mga mambabatas, ng mga
namamahala at iba pang pangkat, kung ang ngalan ng mga
letra ng alpabeto ay iaangkop sa kasalukuyang tradisyon.
3. Bilang at Pagsusunud-sunod ng mga Letra ng Alpabeto
• Ang tunog na /p/, halimbawa, ay isang ponema sa Filipino
sapagkat naikokontrast ito sa kalapit na tunog na tulad ng
/b/. Halimbawa: /pala/ : /bala/. Sinasabing nagkokontrast
ang /p/ at /b/ sapagkat magkaiba ang kahulugan ng “pala”
(shovel) at “bala” (bullet). Isa pang halimbawa: sa Ingles
ay nagkokontrast ang /p/ at /f/, tulad ng mapapatunayan sa
pares minimal na /pin/:/fin/ ; gayundin ang /b/ at /v/ sa
/ban/ : /van/. Ngunit hindi natin matatanggap na mga
ponema na ang /f/ at /v/ sa Filipino sapagkat hindi pa
maikokontrast ang mga ito sa mga kalapit nitong
makahulugang tunog na /p/ at /b/. Ang /p/ at /f/ sa
/kape/:/kafe/ ay hindi nagkokontrast sapagkat hindi
magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita. Anupat gayon
din ang mapatutunayan sa mga letrang “c, j, q, x, v, z” at
sa mga digrapong “ch, ll, rr, at sa “ñ” .
• Sa kabilang dako, kung isasaalang-alang naman
natin ang presyur sosyo-pulitiko-kultural,
napakalakas din ng presyur na ito sapagkat
natatagpuan ang mga letrang nabanggit sa mga
hiram na ngalang pantangi, sa mga katawagang
teknikal at sa mga salitang buhat sa ibang
katutubong wika ng bansa na nagpapahayag ng
unikong katangian ng kulturang etniko. Sa bahaging
ito ay mauunawaan na natin marahil ang dahilan
kung bakit isinama ng dating SWP sa palabaybayang
Filipino ang isang letrang “banyaga” kahit ang mga
ito ay hindi kumakatawan sa mga ponema o
makabuluhang tunog.
• Ang totoo, mismong ang Malacanyang ay
tumanggi sa pagsasama ng mga digrapong
CH, LL, RR, NG at iminungkahing 27 letra
lamang ang gamitin (cf. Malacanyang sa
Direktor ng Surian ng Wikang Pambansa,
Enero 11, 1973.)
• Isa pa, hindi maayos gamitin sa enumerasyon
o sa pagbabalangkas (outlining) ang
alpabetong may mga digrapo. Halimbawa:
Walong pangunahing wika sa Pilipinas:
a. Cebuano d. Bicol
b. Tagalog e. Waray
c. Ilocano f. Pampango
ch. Hiligaynon g. Pangasinan
• Kung ipagpipilitan natin ang (1) papantig na
paraan ng pagbabaybay na sa katotohanan ay
hindi ispeling kundi pagbasa, ang (2)
pagpapatuloy sa tawag na /a-ba-ka-da-e-ga-…/
sa mga letra ng ating alpabeto ng hindi naman
ginagamit sa labas ng paaralan, ang (3)
pagsasama ng digrapo na pamparami lamang,
tatanggapin kaya na ng mga tao at ng pangkat
na tumatangkilik at magbigay ng suporta?
D.
PALAPANTIGA
N
•Ang pantig ay binubuo ng
isang salita o bahagi ng isang
salita na binibigikas sa
pamamagitan ng isang walang
antalang bugso ng tinig.
Kayarian ng Pantig
• Ang pagtukoy sa pantig,
gayundin sa kayarian nito ay
sa pamamagitan ng paggamit
ng K (katinig) at P (patinig)
• Ang Katinig ay mas
• Ang Patinig ay mas
kilala natin sa English
kilala natin sa English
na consonants
na Vowels
• B,C,D,F,G,H,K,L,M,N,P,
• A,E,I,O,U
Q,R,S,T,V,W,X,Y,Z
Mga Pormasyon ng
Pantig
• Sa Matandang Balarila ay apat lamang ang
kinikilalang pormasyon ng pantig:
a.P
b.KP
c.PK
d.KPK
a.P – pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya’t
tinatawag na payak. Halimbawa: o-o, a-a-sa, ma-
a-a-ri
b. KP – pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa unahan, kaya’t tinatawag na
tambal-una. Halimbawa: ba-ba-e, ta-o, gi-ta-ra
c.PK – pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa hulihan kaya’t tinatawag na
tambal-huli. Halimbawa : ok-ra, is-da, ma-is
d.KPK – pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na katinig sa hulihan kaya’t tinatawag na
tambal-huli. Halimbawa : ak-lat, su-lat, bun-dok.
• Ngunit sa ngayon, dahil sa ang Pilipino
ay patuloy na umuunlad at samakatuwid
ay patuloy ring magbabago, ang apat
na pormasyon ng mga pantig na
tinatalakay sa itaas ay naragdagan na ng
mga sumusunod:
e. KKP – pantig na binubuo ng patinig
na may tamal na klaster sa unahan.
Halimbawa: tse-ke, dra-ku-la
f. PKK – pantig na binubuo ng patinig
na may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa: blo-awt, eks-tra
g. KKPK-pantig na binubuo ng patinig
na may tambal na klaster sa unahan at
katinig sa hulihan. Halimbawa: plan-
tsa, trum-pe-ta.
h. KPKK-pantig na binubuo ng patinig
na may tambal na katinig sa unahan
at klaster sa hulihan. Halimbawa:
nars, kard.
i. KKPKK-pantig na binubuo ng
patinig na may tambal na klaster sa
unahan at sa hulihan.
Hal. trans-por-tas-yon, tsart.
Mga Tuntunin sa
Pagpapantig

 Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o


higit pang patinig sa isang pantig, bawat isa
sa magkakasunod na patinig magkatulad
man o hindi ay dapat ibilang na isang pantig
Halimbawa: i-i-yak, i-a-a-lis, ba-o.
B.Kung nagkakasunod ang dalawang katinig,
ang una’y ipinapantig sa patinig na
sinusundan at ang ikalawa’y sa patinig na
sumusunod.
Halimbawa: ban-sa, kam-pa-na, sob-re.
• Ngunit laging tandaan na ang digrapong ng
ay ibinibilang na isang letra lamang o isang
katinig at hindi dalawa. Kaya’t ang salitang
nangunguna ay hindi sakop ng tuntuning
ito.
na-ngu-ngu-na x nan-gun-gu-na
dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng
pantig. Sa ibang salita, maaari ang wala. maaari
ang isa o dalawa, ngunit hindi maaari ang tatlo o
higit pa.
Hal: trans-por-mas-yon at hindi
*transp-or-mas-yon.
Sa Ingles ay karaniwan ang mga klaster na
binubuo ng higit sa dalawang ponemang katinig.
Halimbawa: discounts/
diskawnts
(Tandaan na ang pinag-uusapan sa halimbawa sa
Ingles ay mga ponema o makahulugang tunog na
ipinakikita sa pamamagitan ng transkripsyong
E.
PALAGITLINGA
N
 Bukod sa pangkaraniwang gamit ng
gitling sa paghahati ng salita sa
magkasunod na taludtod, mayroon pang
ilang sadyang gamit ito sa
palabaybayang Filipino , tulad nga mga
sumusunod:

A.Kapag ang salita ay inuulit.


Halimbawa:
gabi-gabi matamis-tamis dala-dalawa paa-
paano malayung- malayo babaing-
babae
• Sa dalawang huling halimbawa, mapapansing
ang /o/ ng malayung-malayo ay naging /u/
nang ulitin at nag /e/ naman ay naging /i/.
Ito’y isang tuntuning sinusunod mula pa nang
sulatin ang Matandang Balarila na kapag ang
huling patinig ng salitang inuulit o
hinuhulapian ay /0/ o kaya’y /e/ , ang /o/ ay
nagiging /u/ at ang /e/ ay nagiging /i/
• Tandaan na ang mga salitang alaala,
paruparo, gunamgunam ay hindi ginitlingan
sapagkat ang ala, paro at gunam ay hindi
mga salitang morpema.
B. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa
katinig at ang salitang-ugat na
nilalapian ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa:
mag-alis pang-ulo
mang-una pang-ako
may-ari pang-aral
• Gaya ng nabanggit na, mag-iiba ng
kahulugan kung hindi lalagyan ng gitling ang
mga halimbawang salita: magalis, pangako,
manguna, pangulo, mayari, pangaral. Kung
minsan namn, ang paggamit ng gitling sa
ganitong pagkakataon ay nagiging opsyonal
o di-sapilitan, kung ang salita ay hindi
naman nag-iiba ng kahulugan, gitlingan man
o hindi. Halimbawa: pag-ibig o pagibig pag-
asa-pagasa basag-ulo o basagulo tag-ulan
o tagulan
C. Kapag may katagang nawawala sa
pagitan ng dalawang salitang pinagsasama.
Halimbawa:
bahay na kubo =
bahay- kubo bulaklak sa
parang = bulaklak- parang
kahoy sa bundok = kahoy-bundok
ningas na kugon = ningas-kugon
D. Kapag ang isang panlapi ay inilalapi sa
unahan ng isang ngalang pantangi.
Halimbawa:
maka- Quezon taga- Nueva Ecija
pang- Mahal na Araw mag-Aba Ginoong Maria
Ngunit pansinin na hindi ginagamit ang
gitling kapag ang mga halimbawang panlapi
sa itaas ay inilalapi sa mga pangngalang
pambalana.Halimbawa:makabayan
tagabukid pangkasal magbalae
E. Kapag ang panlaping ma- ay
iniuuna sa mga pang-uri, lalo na sa
mga nagsisimula sa /m/ at nagbibigay
ng kahulugang maging.
Halimbawa:
ma-mayaman ma-mahirap
ma-malaki ma-maliit
F. Kapag ang panlaping ika- ay inuunlapi
sa mga pambilang.
Halimbawa:
ika-10 mag-iika-5
• Ngunit hindi na ginagamit ang gitling
kapag isinasatitik ang bilang:
Halimbawa:
ikasampu mag-
iikalima
G. Kapag isinusulat nang patitik ang
yunit ng praksyon.
Halimbawa:
isang-katlo (1/3)
tatlong –kapat (3/4)
tatlo at dalawang-
kalima (3-2/5) walo at
dalawang-katlo (8-2/3)
H. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtatambal.
Halimbawa: tawang-aso dalagang-
bukid (babae)barong- Intsik punung-kahoy
• Kapag nawawala na ang likas na kahulugan ng
dalawang salitang pinagtatambal at
nagkakaroon na ng ikatlong kahulugan,
isinusulat na nang walang gitling ang salita.
Halimbawa: hampaslupa kapitbahay
hanapbuhay dalagambukid
F. ANG
KUDLIT
Ginagamit ang kudlit kung may
nawawalang letra o mga letra sa
dalawang salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
ako at ikaw = ako’t ikaw
iba at iba = iba’t iba
mayaman at mahirap = mayama’t
mahirap
bayan at lunsod = baya’t lunsod
May mga salita, kung sabagay, na sa
katagalan ng panahon ay maituturing nang
‘patay’ sapagkat hindi na ginagamit nang
hindi kakabit ang dinaglat na at. Ang mga
salitang ito ay hindi na dapat kudlitan.
Halimbawa:
subalit (subali at)
dapatwat (datapwa at)
ngunit (nguni at)
sapagkat (sapagka at)
G. MGA SALITANG
HIRAM SA INGLES
Kapag panghihiram ng mga salita sa mga dayuhang
wika ang pinag-usapan, tanggapin nating mas
madaling manghiram sa Kastila kaysa sa Ingles.
Ang ca, que, qui, co, cu sa Kastila, halimbawa, ay
regular na tinutumbasan sa mga karaniwang salita
sa Filipino ng ka, ke, ki, ko, ku. Halimbawa:caso
- kaso queso - keso esquinita - eskinita
circo - sirko curva - kurba
Sa ngayon ay tatlong paraan ng pag-asimila ng
mga salitang hinihiram sa Ingles ang maaaring
imungkahi.
TATLONG PARAAN NG PANGHIHIRAM
• Paraan 1 – Pagkakuha sa katumbas sa
Kastila ng hinihiram na salitang Ingles at
pagbaybay dito nang ayon sa
palabaybayang Filipino.
Halimbawa:
1.Kung ibig hiramin ang salitang
electricity ; 2.Kunin ang katumbas
nito sa Kastila – electricidad;
3.Pagkatapos ay baybayin ito nang ayon sa
palabaybayang Filipino – elektrisidad.
Iba pang halimbawa:
• Ingles Kastila Filipino
• Population Populacion Populasyon
• Liquid Liquido Likido
• Delegate Delegado Delegado
• Mathematics Matematica Matematika
• Barricade Baricada Barikada
• Paraan 2 – Paghiram sa salitang Ingles at pagbaybay dito nang
ayon sa palabaybayang Filipino. Karaniwang isinasagawa ang
paraang ito kung –
1. Hindi maaari ang Paraan 1.
2. Walang katutubong salita na maaaring magamit bilang salin o
katumbas ng salitang Ingles. Tingnan ang sumusunod na ilang
halimbawa:
Ingles Filipino
Christmas Tree Krismas Tri
• Pansinin na mayroon tayong Pasko bilang panumbas sa Christmas
ngunit wala sa Christmas Tree.
tricycle traysikel
• Ang katumbas ng bicycle ay bisikleta na ang ginamit ay unang
paraan.
• Subalit ang tricycle ay hindi trisekleta.
3. control kinontrol
Did you control the vocabulary? Kinontrol mo ba ang
talasalitaan?

• Ipinakikita sa itaas kung paano hindi


praktikal na panatilihin ang letrang c
sa mga salitang hinihiram sa Ingles
sa dahilang gumagamit ang Filipino
ng mga gitlapi.
• 4. smuggle ismagel
He smuggles gold. Nag-iismagel siya ng ginto.
• Pansinin sa halimbawa sa itaas na hindi maaaring
panatilihin ang smuggle o alisin kaya ang letrang i
sa unahan ng ismagel sapagkat magkakaroon ng
suliranin kapag ito’y inunlapian. Ang nag-iismagel
ay magiging nag-ismuggle/nag-ismagel – nagbago
ang panahunan! Ito ang dahilan, samakatuwid, kung
bakit kailangang manatili ang letrang i sa mga
salitang tulad ng iskit, iskwat, iskolar, islang, isport,
istandard, istarter, atb.
• Paraan 3 – Paghiram sa salitang Ingles nang
walang pagbabago sa baybay. Ginagamit lamang
ang paraang ito kapag hindi praktikal na gamitin
ang mga Paraan 1 at 2. Pansinin pa rin na dito
lamang sa paraang ito nagagamit ang mga letrang
wala sa 20 letra ng Abakada. Narito ang ilang
halimbawa: Manila Zoo, chess, golf, coke, visa,
Quezon City, Juan de la Cruz, Villa Caridad, atb.
• Kung gagamitin ang letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z, ch,
ll, rr, sa mga karaniwang salita, ang
palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat
maraming mga salita ang magkakaroon ng ibat
ibang baybay.
MARAMING
SALAMAT
PO!
Inihanda nina:
Janice M. Mallorca
Emelyn A. Espelita
Rosalie S. Montoya

You might also like