You are on page 1of 6

PONOLOHIYANG FILIPINO; PONEMA AT MORPEMA

MAG-UULAT : RHENN SHIENA SALUDAR

LAYUNIN
- Nasasabi ang kahulugan ng Ponema
- Naibibigay ang kahulugan ng Ponema

- Naiisa -isa ang uri ng Morpema

PONOLOHIYA

-Isa sa antas ng pag aaral ng wika . Ang ponolohiya nagmuka sa salitang griyego na "phono" na
ngangahulugang tunog at "logia" o diskurson, teorya , o siyentipiko.

- Ang ponolohiya ay makaagham na pag aaral ng ponema.

PONEMA

- Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog ng Isang wika.

- ito ay hango sa wikanh Ingles na phoneme na nahahatid sa dalawang salita; phone(tunog) at eme
(makabuluhan)

Halimbawa :

Abogado- abogada

Maestro - maestra

Tindero - tindera

DALAWANG URI NG PONEMA

PONEMANG SEGMENTAL

A. Ang ponemang Segmental ay binubuo ng ponemang Katinig at Patinig.

B. Ang Filipino ay may dalawampu't Isang ponema:

- Mayroon itong labing -anim na Katinig : b k d, g h l m, n. p, r, s, t, e, y ?

/?/ - para sa /impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin

at mayroon itong limang Patinig :/a, e, I, o, u/

C. May mga salitang nagkakapalit Ang ponemang /u/at /o/ ,gayundin Ang /I/ at e/ ngunit Hindi
nagbabago Ang kahulugan ng salita.
Halimbawa : babae- Babai. Lalake- lalaki

D. Mayroon din namang mga salita itinuturing na hiwalay na ponema , Ang /u/ , /o/ at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at Hindi maaring pagpalitin.

Hal: uso- modern oso- bear mesa -table misa - mass

LIMANG URI NG PONEMANG SEGMENTAL

Ponemang Katinig - Ang mga ponemang Katinig ay maiiayos ayon sa tagpuan bigkasan at paraan ng
pagbibigkas at kung may Tinig at walang Tinig ng pagbibigkas sa mga ito.

Dalawang uri ng Ponemang Katinig

1.Punto ng Artikulasyon - nagsasabi kung sayang Bahagi ng bibig Ang ginagamit upang makalusot Ang
hangin sa pagbigkas ng Isang ponema.

May walong Punto Ang Artikulasyon

•Panlabi •Pangipin. • panlabi - pangipin •panggilagid •palatal •Velar

•panlalamunan • glottal

2 . Paraan ng Artikulasyon -naglalarawan kung pano pinapatutunog Ang ponemang Katinig sa ating
bibig.

May anim na pangkat Ang pamamaraan ng Artikulasyon

•Pasara •Pailong •Pagilid •Pakatal • Pasutsot • Malapatinig

- ponemang patinig - binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap , Sentral at likod na Bahagi.
Diptongo - ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng Isang Patinig at Isang malapatinig sa loob ng Isang
pantig ( iw, iy, ey , ay aw, oy at uy)

Hal: bahay, kalabaw , bangaw, sisiw

-Klaster - dalawa o higit pang Katinig sa loob ng Isang , katulad ito ng kambal - Katinig , subalit tanging
Yung dalawang magkatabing Katinig sa Isang pantig lamang ang ikokonsiderana ganito. ( Prito, protina,
pruweba, plangana , praktis , at prinsipal.)

Pares minimal- mga salita na magkakaibanng kahulugan ngunit magkatulad ng bigkas malibam sa Isang
ponema sa magkatulad na posisyon ( Santiago at yanco , 2003)

Hal.: Misa - mesa , oso- uso , sensya - sinya.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

- ito ang mga Makabuluhang tunog na Hindi tinumtumbasan ng letra, sa halip ay sinasagisag ito ng
notasyong fonemik upang mabanggit Ang paraan ng pagbibigkas.

Tatlong uri ng ponemang Suprasegmental

1. Diin - ito ay pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng Isang salita. Pinapahaba ito kung binibigkas nang
may diiin.

2.Inotasyon - ito Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring maghudyat sa kahulugan ng Isang pahayag
o salita.

3.Hinto / Antala - ito Ang saglit na pagtigil kung nagsasalita . Ang simbolong / ay kumakatawan sa kuwit
at Ang simbolong // ay kumakatawan sa tuldok.

PONOLOHIYA

TATONG SALIK NG PONOLOHIYA

1.Enerhiya (Energy) - nilikha presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga.

2.Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig.

3.Resenador ( Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang inituturing na
resonador.

.
MORPEMA

-Galing sa katagang "morpheme" sa Ingles na kinuha Naman sa salitang griyego bna "Morph" na
nangangahulugang anyono yunit, at "eme" na ngangahulugang na kahulugan.

- ito Ang pinakamaliit na yunit ng Isang salita na natataglay ng kahulugan.

ANYO NG MORPEMA

a. morpemang binubuo ng Isang Ponema o morpemang ponema

Ito Ang anyo ng morpema na may kahulugan taglay na nagsasaad ng kasarian kapag naikabit Ang
salitang ugat.

Halimbawa nito ang /a/ nama'y kahulugang ukok sa kasarian pambabae at /o/ na panlalaki.

Hal: maestra- maestro , senyor -senyora

b. Morpemang binubuo ng panlapi o di - malayang morpema

Ito ang anyo ng morpema na Hindi nakakatayong Mag- isa . Ito ay kailangang naikabit sa salitang - ugat
upang magkaroon ng ganap na kahulugan ( panlapi)

Hal:

um- gawin o ginagawa ( sumasayaw, umalis humiyaw)

m- pagkamayroon ( masipag, matalino, mayaman)

ka- kapangkat ( Kasama, kapamilya)

mala - may hawig na katangian ( mala-rosas , mala -porselas)

C. Morpemang binubuo ng salitang - ugat o malayang Morpema.

Ang mga morpemang ito ay nagtataglay ng kahulugan sa ganang sarili.

Binubuo ng salitang - ugat na may salitang payak, mga salitang walang panlapi.

Hal: bata , ganda , saya, tao tuwa

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Tumutukoy ito sa anumang pagbabagong nagaganap sa karaniwang anyo ng morpema dulot ng


impluwensya ng kaligiran nito.

1.Asimilasyon - pagbabago nagaganap sa Isang morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog.

Dalawang uri ng Asimilasyon


Asimilasyong Parsyal ( di ganap)

Tinatawag itong asimilasyong Parsyal

Hal: pang+ bakod - pam + bakod = pambakod ,

Mang+ likha - man +likha = manlikha

B. Asimilasyong ganap - may nagaganap lang pagbabago sa salita malibam sa alomorp nito.

Hal: mag + salamin - mansalamin = manlamin

Sing + bait - sim + bait = simbait

2.Pagkakaltas o Pagkakawala ng Ponema

May nawawalang Isang ponema o morpema sa Isang salita

Hal: takip + an - takipan = takpan , mag + tahi - magpatahi = patahi

3. Pagpapalit ng Ponema

Ito'y pagbabagong anyo ng Isang ponema na nagpapalitan sa pagbuo ng Isang salita.

a./o/ at /u/ - kapag nilalapian Ang salitang/ o/ sa huling pantig.

Hal: dugo + an = duguan

B./e/ at /I/ - nangyayari ito kapag inuulit Ang pantig spna may e at kinakabitan ng pang - angkop Ang
Unang Bahagi ng salitang inuulit.

Hal : lalake- +ng = lalaking - lalaki

c. /D/ at /r/ -nagaganap Ang pagbabago kapag ito ay nasa pagitan ng dalawang pantig.

Hal: ma + dunong - madunong = marunong

D. /H/ at /n/ - nangyayari ito sa mga sumusunod na salita.

Hal: tawahan = tawanan

4 . Paglilipat o Metatesis

Ito Ang paglilipat ng Lugar o posisyon ng Isang ponema sa Isang morpema.

Hal: yakap + in - yinakap = niyakap

Lamas + in =p- linamas = nilamas


Nangyayari rin Ang paglilipat sa sumusunod na morpema , ngunit may kinakaltas ding ponema.

Hal: tanim+ an - taniman = tamnan

5.Paglilipat diin - Nangyayari Ang pagbabagong ito kapag nalilipat Ang diin ng morpema at ito ay
nilapian.

Hal: linis + an = linisan

6.Pagdaragdag o Reduplikasyon

- Ang ibang tawag dito ay pagsusudlong ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang ugat (hulapi) kahit
mayroon nang dating hulapi Ang salitang ugat.

Hal: totoo+ han - totohan + in = totohanin

Pamalo= pamalo + ma = pamamalo

7.Pag - angkop o Reduksyon

Nangyayari Ang pagbabagong ito kapag pinagsama Ang dalawang salita upang makabuo ng Isang bagong
salita o kaya 'y nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpapaikli ng salita kaysa sa original

Hal: wika + ko = kako

Hintay + ka = Teka

You might also like