You are on page 1of 1

Ponolohiya (Palatunugan)

 ito ay galling sa salitang Griyego na:


 “phono” - tunog o tinig
 “logia” - pag-aaral

Ponema
Halimbawa:
 paso-baso
 ponemang p at b – makabuluhang
tunog
 nagbago ang kahulugan

 Bilang panimula, atin munang pag-aralan


ang mga bahagi ng ating katawan na
ginagamit sa pagsasalita.

 Ang larawan ay nagpapakita ng mga


bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa
hanging nagmumula sa baga hanggang sa
ito'y makarating sa babagtingang tinig at sa
paglabas ng tunog labi at hangin sa ilong.

 Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng


alon ng tunog na dumarating sa ating mga
tainga.

 Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng


papalabas na hiningang nagbubuhat sa
baga na siyang nagpapalag sa mga
babagtingang tinig at gumaganap bilang
artikulador.

 Ang bibig at ilong ang nagsisilbing


resonador.

Apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng


mga tunog
1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)

 Malaya nating naigagalaw ang ating panga


at dila kaya nagagawa nating pagbagu-
baguhin ang hugis at laki ng ating bibig.

 Maraming posisyon ang nagagawa ng ating


dila. Maari itong mapahaba, mapaikli,
mapalapad, maitukod sa ngipin o
ngalangala atmbp ayon sa tunog na nais
nating likhain.

 Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong


tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong
nabanggit kanina.

You might also like