You are on page 1of 1

Ponolohiya (Palatunugan)

ay nagmula sa salitang Griyego na:


"phono" - tunog o tinig
"logia" - pag-aaral
siyentipikong pag-aaral sa mga makabuluhang tunog ng isang wika.
pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto o antala (juncture), pagtaas-pagbaba ng
tinig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).

Ponema
ay makabuluhang yunit ng tunog na "nakapagpapabago ng kahulugan" ng isang salita
kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita.

Halimbawa:
paso-baso

Bahagi ng katawan na mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog


*insert picture of saggital diagram*
Saggital Diagram o OSCAR

3 Salik na Kailangan Upang Makapagsalita ang Isang Tao


1. Enerhiya - pinanggagalingan ng lakas
2. Artikulador - kumakatal na bagay
3. Resonador - patunugan o nagmomodipika ng tunog

Apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog


1. Dila at panga (sa ibaba)
2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangala (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)

You might also like