You are on page 1of 85

Kabanata 2

PONOLOHIYA/PONOLOJI

Bahagi ng katawan na mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog

Isa sa antas ng pag-aaral ng wika ang ponolohiya. Ang "pom" ay galing


sa English o "phone" na nangangahulugang tunog at ang ‘’lohiya’’ na
nangangahulugang pag aaral. Samakatwid, ang ponolohiya/ponoloji ay pag-
aaral ng mga tunog ng ating wika. Ang mga tunog ay tinatawag na ponema
à€" bilang yunit ng tunog na nagpapaiba ng kahulugan.

Ponema ang tawag sa mga tunog ng ating wika. Ang isang ponema ay
masasabing makabuluhan kapag nag-iiba ang kahulugan ng isang salitang
kinabibilangan nito sa pagkakataong mapapalitan ng ibang ponema.
Halimbawa, ang pasa at basa ay nag-iiba ang kahulugan kapag pinalitan.
Ang /p/ at /b/ ay mga makabuluhang tunog.

Narito ang balagi ng katawan na malahaga sa pagbigkas ng mga


tunog.
Uri ng Ponema

A. Mga Ponemang Segmental

Ang ponemang segmental ay pag-aaral sa mga tunog na may


katumbas na titik o letra para mabasa o mabigkas. Binubuo ito ng mga
patinig, katinig, klaster, diptonggo at iba pa.

1. Ponemang Katinig

Ang mga ponemang katinig ay inayos sa dalawang artikulasyon ang


paraan at punto ng artikulasyon. Ang paraan ng artikulasyon ay
naglalarawan kung paano pinatutunog ang mga ponemang katinig sa ating
bibig. Samantala, ang punto ng artikulasyon ay nagsasabi kung saang
bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng
isang ponema.

Ang sumusunod ay iba't ibang punto ng artikulasyon:

Panlabi

Ang mga ponemang /p/, /b/, at /m/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit


ng ibabang labi sa itaas na labi.

Panlabi-Pangngipin

Ang mga ponemang /f/ at /v/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdidiit ng


labi sa mga ngipin sa itaas.

Pangngipin
Ang mga ponemang /t/ /d/ at /n/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdiit ng
dila sa likuran ng mga ngipin sa itaas.
Panggilagid

Ang mga ponemang /s/, /z/, /I/ at /r/ ay binibigkas sa ibabaw ng dulong
dila na dumidiit sa punong gilagid.

Pangngalangala

Ang ponemang ñ/ at /y/ ay binibigkas sa punong dila at dumidiit sa


matigas na bahagi ng ngalangala.

Panlalamunan

Ang mga ponemang /k/, /g/, /i/ at /w/ ay binibigkas sa pamamagitan ng


ibaba ng punong dila na dumidiit sa malambot na ngalangala.

Glottal

Ang /?/ at /h/ ay binibigkas sa pamamagitan ng pagdidiit at pagharang ng


presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng glottal na tunog.

Ang sumusunod naman ay mga paraan ng artikulasyon:

Pasara

Ang mga katinig na binibigkas ng pasarang walang tinig at may tinig


ay /p, b, t, d, k, g, ?/.

Pailong

Ang mga katinig ay binibigkas sa paraang dumadaan sa ilong ang


tunog kapag binibigkas. Ang mga katinig na binibigkas na pailong ay /m, n,
Î/.
Pasutsot

Ang mga katinig na pasutsot ay /s, h/.

Pagilid

Ang mga katinig na pagilid ay /I/.

Pakatal

Ang katinig na pakatal ay /r/.

Malapatinig

Ang mga katinig na malapatinig ay /w/ at /y/.

Mapapansin sa tsart ng katinig na naisama ang iba pang tunog ng


Wikang

Filipino upang mapahalagahan ang kontribusyon ng iba't ibang wikaing


matatagpuan sa Pilipinas gayundin ang mga banyagang wika na naging
bahagi na ng ating kultura at wika. Isa ito sa palatandaan na ang wikang
Filipino ay dinamiko dahil patuloy ito sa pagbabago.
Paraan Punto ng Artikulasyon
ng
Panla Panlabi- Pangngi Panggila Panggilagid Pangngalan Panglalamu Impit/Glo
artikulas
yon bi pangngi pin gid Pangngalan gala nan tal
pin gala
Pasara P t k ?
w.t.
b d g
m.t.
Pasutsot (f) s h
w.t.
m.t.
(v) (z)
Pailong m n
Aprikati (i)
bo
w.t.
m.t.
Panggili 1
d
Pakatal r
Malapati y w
nig

Tsart ng mga Katinig

2. Ponemang Patinig

Ang ponemang patinig ay binibigkas sa ating dila na binubuo ng


harap, sentral, gitna at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang siyang
gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas ng mataas, gitna at
mababa ayon sa posisyon ng pagbigkas. Ang /a, e, i, o, u/ ay mga patinig.

Mapapansin sa ibaba ang tsart ng mga ponemang patinig sa Filipino.


Tsart ng mga Ponemang Patinig sa Filipino

Ayos ng Dila Bahagi ng Dila


Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

3. Diptonggo

Alinman sa ponemang patinig na/a/,/e/,/i/,/o/, at/u/ na sinusundan ng


malapatinig na /w/ at/y/ sa loob ng isang pantig ay tinatawag na diptonggo
Ang mga diptonggo ay: aw, ay, ey , iw, iy, oy, ow, uw, at uy.

Halimbawa:

Ba-liw sa-baw rey-na

bahay ka-hoy ba-duy

Ang salitang saliwan ay walang diptonggo sapagkat kapag pinantig


ang salitang ito, nagiging sa-li-wan, ang patinig na /i/ sa li/at malapatinig
na /w/ sa wan ay naghiwalay.

4. Klaster (Kambal-katinig)

Ang klaster na maituturing na kambal katinig ay binubuo ng dalawang


magkasunod na katinig sa isang pantig. Maaaring makita ang klaster sa
inisyal, midyal at pinal na pantig ng salita.

Halimbawa:

Inisyal Midyal Pinal


Blusa sombrero ark
Kwento ekspresyon kard

dragon asambleya biks

Samantala, hindi maaaring sabihing klaster ang digrap na /ng/ na ang


bigkas ay /?/ binubuo ng dalawang katinig ngunit iisa ang bigkas. Maaari ring
ito'y matagpuan sa inisyal, midyal at pinal na posisyon sa salita tulad ng
nguso, ngayon, langoy, bangkay, gulong, at hirang. Ito ay ibinibilang na
isang ponema sa wikang Filipino kaya hindi ito isinasama sa klaster.

5. Pares Minimal

Kasama sa pag-aaral ng ponemang segmental ang pares minimal. Ito


ay binubuo ng pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad
na magkatulad sa bigkas.

Halimbawa:

Pepe /pipi uso / oso

misa / mesa pala / bala

tila / tela bata / pata

6. Ponemang Malayang Nagpapalitan

Ang mga ponemang malayang nagpapalitan ay binubuo ng pares ng


salitang nagtataglay ng magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad
na kaligiran na di-nababago ang kahulugan. Kahit na nagpapalitan ang mga
ponemang ito, hindi pa rin nagbabago ang kahulugan ng salita kaya tinawag
itong malaya dahil maaari silang magpalit ng posisyon.

Halimbawa:

marami / madami tutuo / totoo

nuon / noon babae / babai

B. Ponemang Suprasegmental

Ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa pag-aaral ng


makabuluhang vunit ng tunog Hindi ito tinutumbasan ng letra sa halip ay
sinasagisag nito ang notasyong ponemik (phonemic) upang mabanggit ang
paraan ng pagbigkas.

1. Diin

Ito ang pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng isang salita. Ginagamit


dito ang simbolong /./ upang ipahiwatig na ang bahagi ng salita ay may diin
Sa pagbigkas ng mga patinig pinahahaba ito kung binibigkas nang may diin.
Mahalaga ang din sa pagbigkas dahil kung nag-iiba ng pagdidiin sa pantig.
nagkakaroon ito ng pagbabago sa kahulugan.

Halimbawa:

/bu.hay/ - "life" /tu.boh/ - "pipe’


/buhay/ - "alive’ /tu.bo?/ - "sprout"

/tuboh?/ -"sugar cane"

2. Tono

Ginagamit ang tono kapag tinutukoy ang tindi ng damdamin sa


pagsasalita. Sa tono ng tagapagsalita, malalaman ang kahulugan ng
pahayag na kanyang gustong sabihin.

3. Intonasyon

Nauukol ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita maaaring


maghudyat sa kahulugan ng isang pahayag Ang punto naman ay tumutukoy
sa rehiyonal na tunog o "accent."

Halimbawa:

Totoo ang sinabi niya. (Nagsasalaysay)

Totoo ang sinabi niya? (Nagtatanong)

4. Hinto / Juncture

Ito ang saglit na pagtigil kung nagsasalita. Sa pangungusap,


mapapansin ang bahagi kung kailan dapat huminto ito ay sa pamamagitan
ng kuwit (,) at tuldok (.) Kung nakikita ang mga simbolong ito sa pahayag,
dapat alam ang paraan ng paghinto sa pagsasalita Ang hinto ay
nakapagpapabago sa kahulugan ng pangungusap kung nag-iiba ang hinto sa
bahagi nito. Sa halimbawa sa ibaba, ang / ay kumakatawan sa kuwit,
samantalang ang // ay kumakatawan sa tuldok, mapapansin nating
nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan kung nag-iiba rin ang hinto.

Tito Jose Antonio ang kaibigan ko// (ipinakikilala ang buong pangalan ng
kaibigan niya)
Tito/ Jose Antonio ang kaibigan ko// (ipinakikilala sa kanyang tito si Jose
Antonio)

Tito Jose/ Antonio ang kaibigan ko// (ipinakikilala ang kaibigang


nagngangalang Antonio sa kanyang Tito Jose)

Tito Jose Antonio/ ang kaibigan ko // (ipinakikilala ang kaibigan kay Tito Jose
Antonio)

Mga Uri ng Diin at Tuldik

Sa pakikipagtalastasan, kailangan ang wastong pagbigkas ng mga

salita upang magkaunawaan ang dalawang nag uusap. Sa ating wika,

maraming salita na iisa ang baybay ngunit iba-iba ang bigkas.

Ang diin ay paglalaban ng bigat ng isang pantig sa pagbigkas ng isang

salita. Hindi lahat ng diin ay nilalagyan ng tuldik o tinututuldikan. Ang iba't

ibang uri ng diin sa pagbigkas ay ang sumusunod:

1. Malumanay o banayad o malumay


2. Mabilis o masigla
3. Malumi o banayad na impit
4. Maragsa o bigla o mabilis na impit
5. Mariin o mabagal
6. Malaw-aw o paudlot

Upang maipakita ang iba't ibang bigkas, ginamit ang tuldik. Ang tuldik

ay mga pananda sa ilang uri ng diin sa pagbasa ng mga salitang nakasulat o

nakalimbag. Ang bawat tuldik ay may diing kinakatawan o kinauukulan. Sa


anim na uri ng diin, tatlo lamang ang tuldik na ginagamit na pananda tulad

ng:

1. tuldik na pahilis (/)

2. tuldik na paiwa (\)

3. tuldik na pakupya (^)

Mahalaga ang palatuldikan sapagkat marami sa ating wika ang mga

salitang iisa ang baybay ngunit may dalawa, tatlo o higit pa ang bigkas at

kahulugan.

Uri ng Diin

Ang diin ay may mga uri tulad ng:

1. Salitang malumanay

a. Ang diin ay laging nasa ikalawang pantig ng salita buhat sa hulihan;

binibigkas ng banayad at hindi tinutuldikan. Ito ay maaaring magtapos sa

patinig o katinig.

Halimbawa:

1. bunga

2. halaman
3. tao

4. mayaman

5. mahirap

6. aso (dog)

b. Ang bigkas ay di-nagbabago kahit gamitan ng pang angkop o panlapi.

Halimbawa:

1. dahon 4. makilalang

2. talakayin 5. mabuhay

3. dalaga 6. ala-ala

2. Salitang mabilis

a. Ang diing mabilis ay binibigkas ng pagbunton sa hulihang pantig ng


salita o nang tuluy-tuloy. Ito ay maaaring magtapos sa patinig o katinig. Ang
tuldik na ginagamit sa salitang mabilis ay pahilis.

Halimbawa:

1. timpalák

2. panahán

3. batá

4. lihá

5. Kulugo
b. Lahat ng salitang-ugat na dadalawahing pantig at nagsisimula o
pinangungunahan ng isang katning sa iy o sa uw ay binibigkas ng mabilis at
tinutuldikan.

Halimbawa:

1. iyák 4. buwán

2. niyón 5. siyá

3. uwáy 6. buwág

c. Lahat ng mga panghalip panao ay may diing mabilis maliban sa mga


panghalip na akin, tayo, amin, naming, atin, natin na pawang malumanay.

Ang mga salitang dadalawahing pantig na magkasunod ang dalawang


katinig ay binibigkas ng mabilis gaya ng aklat daglat maliban sa minsan at
pinsan na pawang mariin.

Halimbawa:

1. akó 4. kanilá

2. ikáw 5. ninyó

3. inyó 6. nilá

d. Lahat ng mga katutubong tawag sa mga bilang buhat sa isa ay panay na


mabilis maliban sa apat, anim, libo, yuta at angaw na mga malumay at ang
sampu at laksa na kapwa maragsa.
Halimbawa:

1. isá 4. pitó

2. dalawá 5. waló

3. tatlá 6. siyám

e. Titik na magkawangis na dadalawahing pantig maliban sa oo na diing


malumay.

Halimbawa:

1. paá

2. noó

3. libág

f. Salitang binubuo ng pantig na kabilaan na magkawangis at magkasunod.

Halimbawa:

1. liwaywáy

2. ligamgám

3. Salitang malumi

a. Ang mga salitang malumi ay may tuldik na paiwa. Ito ay laging


nagtatapos sa patinig. Ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa hulihan
nguni't ang huling pantig ay may impit kung bigkasin Walang malumi na
iisahing pantig

Halimbawa:

1. panukalà 4 birà
2. binatà 5. luhà

3. sariwà 6. Dambuhalà

b. Nananatili ang bigkas na malumi kahit may unlapi at gitlapi.

Halimbawa:

1. pinanà 4. tumulà

2. nadayà 5. lumuhà

3. bumatà 6. lumabà

c. Nagiging malumay ang malumi kapag inaangkupan

Halimbawa:

1. diwang kayumanggi 3. sariwang gulay

2. binatang-bukid 4. luhang pumatak

4. Salitang maragsa

a. Ito ay may tuldik na pakupya at laging nagtatapos sa patinig


Binibigkas ang salita na tuluy-tuloy ngunit inimpit sa huling pantig.

Halimbawa:

1. salitâ 3. masidhî

2. dugô 4. bahâ

b. Hindi nawawala ang pagkamaragsa na nagigitlapian ng um at/o in.

Halimbawa:

1. sinundâ 4. pinunô

2. sinalitâ 5. bumahâ
3. dumugô 6. sumalitâ

c. Ang maragsa ay nagiging mabilis kapag inaangkupano ginagamitan ng 't o


'y.

Halimbawa:

1. gintót pilak

2. dugóy Pilipino

3. binhíy magaling

d. Ang salitang dadalawahing pantig na ang huling patinig ay sumusunod sa


dalawang katinig ay binibigkas nang maragsa.

Halimbawa:

1. biglâ

2. dukhâ

3. binhî

5. Salitang mariin

a. Ang diin ay laging nasa ikatlo o higit pang pantig. Ang mga salitang
may diing mariin ay binubuo ng tatlo o higit pang pantig.

Halimbawa:

1. kaluluwa 4. lasingan

2. libingan 5. kainan

3. tahanan 6. Tibagan

b. Mga pangalan sa bilang, kung inuulit ang unang pantig at


nangangahulugan ng wala kundi iyon lamang.
Halimbawa:

1. iisa 4. dadalawa

2. sasampu 5. pipito

3. wawalo 6. tatatlo

c. Mga salitang inuunlapian ng tala o pala at hinuhulupian ng an o han.

Halimbawa:

1. palabigasan 4. palabigkasan

2 talatinigan 5. talatanungan

3. palatuntunan 6. palatunugan

d. Mga pandiwang nasa aspetong imperpektibo at kontemplatibo.

Halimbawa:

1. kumakain 4. kakain

2. tatawagin 5. babasa

3. sumusulat 6. titimbangin

Ang Pagpapantig

Halaw mula sa revisyon ng alfabetong Filipino 2001

Kayarian ng Pantig
Sa kasalukuyan ay may mga kayarian ng pantig na ambag ng mga
lokal na wika at panghihiram.

Ang pagtukoy sa pantig, gayundin sa kayarian nito, ay sa


pamamagitan ng paggamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa
patinig. Narito ang ilang halimbawa ng mga pantig.

Kayarian Halimbawa

P u-pa
KP ma-li
PK is-da
KPK han-da
KKP pri-to
PKK eks-per-to
KKPK plan-tsa
KKPKK trans-por-tas-yon
KKPKKK shorts

Ang Pagpapantig

Ang pagpapantig ay paraan ng pagbabaha-bahagi ng salita sa mga


pantig.

a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong


inisyal, midyal at final na salita, ito ay hiwalay sa mga patinig.

Salita Mga Pantig

aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o
b. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng
isang salita, maging katutubo o hiram man, ang una ay kasama sa patinig na
sinusundan at ang pangalawa ay sa patinig na kasunod.

Salita Mga Pantig

buksan buk-san
pinto pin-to
tuktok tuk-tok
pantig pan-tig
sobre sob-re
kopya kop-ya
kapre kap-re
tokwa tok-wa

C. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa


loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan
at ang huli ay sa patinig na kasunod.

Salita Mga Pantig

eksperimento eks-pe-ri-men-to
transkripsyon trans-krip-syon

d. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay mon at ang


kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, pl, tr, ang unang katinig (m o n) ay
sa sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na
patinig.

Salita Mga Pantig


asembleya a-sem-ble-ya
alambre a-lam-bre
balandra ba-lan-dra
sentro sen-tro
simple simple

e. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang


unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling
dalawa ay sa patinig na kasunod.

Salita Mga Pantig

ekstradisyon eks-tra-dis-yon
eksklusibo eks-klu-si-bo

Ang Pag-uulit ng Pantig

Ang mga sumusunod ang tuntunin sa pag-uulit ng pantig.

a. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita patinig, ang


patinig lamang ang inuulit.
a-lis a-a-lis
eks-tra e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang salita.

mag-alis mag-a-a-lis
umekstra u-me-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP ang inuulit.
(katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig lamang.

ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa


la-kad la-la-kad ni-la-la-kad
tak-bo ta-tak-bo nag-ta-takbo
sulat su-su-lat mag-su-su-lat

c. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klister na katinig) na


kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o variant ng paggamit ng wika
sa komunidad.
-Inuulit lamang ang unang katinig at patinig

plan-tsa - pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa


pri-to - pri-pri-tu-hin - mag-pri-pri-to
kwen-to - ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-kwen-to

- Inuulit klister na katinig, kasama ang patinig


plan-tsa - pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa
pri-to - pri-pri-tu-hin - mag-pri-pri-to
kwen-to - ku-ku-wen-tu-han – mag-ku-kwen-to

Ang Gamit ng Gitling

Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na


pagkakataon.
1. Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

araw-araw dala-dalawa
isa-isa sari-sarili
apat-apat kabi-kabila

2. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay


nagsisimula sa patinig kapag ito hindi ginitlingan magkakaroon ng ibang
kahulugan.

mag-alis pang-ako
nag-isa may-ari
mang-uto tag-init
nag-ulat pag-atas
pag-asa

3. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

pamatay ng insekto - pamatay-insekto


kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humigit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang tagabukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang


kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.

dalagambukid (isda) dahumpalay ( ahas)


buntunghininga
4. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng
isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling.

maka-Diyos mag-PAL
maka-Rizal maka-Johnson
maka-Pilipino mag-Ford
pa-Baguio taga-Luzon

Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay


nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan.

mag-Japan magja-Japan
mag-Coke magco-Coke
mag-Zonrox magzo-Zonrox

5. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

ika-3:00 ng hapon ika-20 pahina


ika-10 n.u. ika-3 rebisyon
ika-9 na buwan ika-7 kabanata

6. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

isang-kapat (1/4)
limat tatlong-kapat (5 Â%)

7. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang


bana o asawa.
Jane Kibla Lartec
Dolores Sunga - Tanawan
Anita Arabejo - Nacin

8. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Kabanata 3

MORPOLOHIYA/MORPOLOJI/PAGBUBUO NG SALITA

Ang morpolohiya/morpoloji ay isang pag-aaral pagsusuri sa mga


morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito upang makabuo ng isang
salita. Ang morpema ay pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng
kahulugan.
Ang salitang maganda ay binubuo ng dalawang morpema. Ang
malayang morpema o salitang ugat at di-malayang morpema o panlapi. Ang
malayang morpema ay "ganda" at "ma-" ay di - malayang morpema. Ang
dalawang morpemang "ganda" at " ma- ay may kahulugang taglay. Ang "ma"
ay isang morpema dahil may taglay na kahulugan ng "pagkamayroon."

ANYO NG MORPEMA

1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog.

Ang morpemang ponema ay binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/


na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.

Halimbawa:
o a
doktor doktora
propesor propesora
abugado abugada
kusinero kusinera
Mario Maria
Ignacio Ignacia

2. Morpemang Salitang-ugat.

Maituturing itong malayang morpema dahil nakakatayong mag-isa.


Binubuo ito ng mga morpemang may taglay na kahulugan kahit walang
panlaping nakakabit.

Halimbawa:
dagat takbo hiram puti
sulat linis bata galaw

3. Morpemang Panlapi

Ang mga morpemang panlapi ay ikinakabit sa salitang-ugat na may


kahulugang taglay at matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi
nakakatayong mag-isa.

Halimbawa:

ma - may kahulugang taglay o pagkamayroon


um - gawi o gawain
mala - katangiang kahawig ng

Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay maaaring


makabuo ng salitang makangalan, makauri at makadiwa.

Halimbawa:

mag- + laro - maglaro (makadiwa)

ma- + sipag masipag (makauri)


mag- + ama - mag-ama (makangalan)

Mga panlaping makangalan

Ang mga panlaping makangalan ay mga panlaping ikinakabit sa


salitang ugat upang makuha ng pangngalan
1. -an = nangangahulugan ito ng pook na kinaroroonan o ginagampanan o
panahon.

Halimbawa:
asinan usapan taguan pasukan

2. -in = nangangahulugang tumutugon sa bagay na tumanggap ng kilos o


hugis na isinasaad ng salitang ugat o maaaring relasyon.

Halimbawa:
Inihaw tiyahin

3. ka- = nangangahulugan itong relasyon

Halimbawa:
kanayon kapatid kalaro kasama

4. ka-an = nangangahulugan ng kaisipang abstrakto, pook

Halimbawa:
kapatiran karagatan kagandahan

5. mag- + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat= nangangahulugan ng


gawain o hanapbuhay

Halimbawa:
magtataho magtatanim mag-aaral

6. mang- + unang salita= nangangahulugan ng gawain o hanapbuhay

Halimbawa:
mang-aawit mangingisda manggagamot

7. pa-an = nangangahulugan ng pook, ngalan o kinalabasan

Halimbawa:
patahian paaralan patakaran

8. pag. = nangangahulugan ng abstrakto

Halimbawa:
pagkalinga pagkauhaw pag-ibig

9. pang. = nangangahulugan ng instrumento o katawagan

Halimbawa:
panluto pang-alis panghalip

10, pala-an = nangangahulugan ng pook, paraan o sining

Halimbawa:
palaisipan palasingsingan palabuuan

11. sang-an nangangahulugan ng kasaklawan.

Halimbawa:
sangkalupaan sangkalangitan sanlibutan

12. taga = nangngahulugan ng lahing pinagmulan o gawain


Halimbawa:
taga-Maynila taga-alok tagapanayam

13. tala-an = nangangahulugan ng talaan

Halimbawa:
talasanggunian talasusian talatinigan

Mga Panlaping Makadiwa

Ang mga panlaping makadiwa ay ang mga panlaping ginagamit sa


pagbuo ng mga pandiwa.

Ang isa sa anyo ng panlaping makadiwa ay ang panlaping makangalan


na nasa iba't ibang morpema dahil sa iba't ibang kahulugang isinasaad.

1. -um
Ang panlaping um ay maaaring unlapi o gitlapi ayon sa kung ano ang
unang ponema ng salitang-ugat na nilalapian. Ito'y ginagamit sa pokus na
tagaganap ng kilos.

Halimbawa:
lumikha umalis lumiban
lumayas uminom lumaya

2. mag-
Ito'y laging inilalagay sa unahan ng salitang-ugat. Ginagamit din sa
pokus na tagaganap at nagsasaad ng kilos. Ito'y likas na pandiwang palipat.

Halimbawa:
maglaro mag-araro magbasa
magsulat magsayaw maghakot

Ginagamit sa pag-uulit ng kilos. Maaaring ulitin ang unang pantig ng


salitang-ugat o ang bahagi nito ayon sa tuntunin upang maipakita ang
kasidhian ng kilos.

Nagsasaad ng isang angking propesyon o gawaing isinasaad ng


salitang-ugat.

Halimbawa:
magnars magdekana magsundalo

3. mag-, -an/-han
Nagsasaad ng tambingang kilos ng sabayan. Nasa pokus
tagaganap.

Halimbawa:
maghiyawan magmurahan magkainan
magtakbuhan magsuyuan magsubuan

4. magka-
Nagsasaad ng pagkakaroon ng isang bagay.

Halimbawa:
magkaroon magkalupa
magkasalapi magkaganito

5. magsi-
Nasa anyong maramihan at nasa pokus tagaganap.
Halimbawa:
magsilaro magsilaba
magsisulat masitulong

6. ma-
Nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na isinasaad ng salitang-
ugat at nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap.

Halimbawa:
masulat maluto maupo
malaro makain mauntog

7. maipa-
Ito'y mula sa ma- na nasa pokus na tuwirang layon at nagsasaad ng
pagpapagawa sa iba ng kilos.

Halimbawa:
maipahiwa maipalaro maipalagay
maipasaing maipabukas maipakain

8. makapag-
Nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos sa salitang ugat.

Halimbawa:
Makapagsulat makapagsuklay makapaglaro
makapagpalit makapagguhit makapaglaba

9. makipag-
Nagsasaad ng kilos na ginanap nang may kasama. Ito’y hango sa ma-
na nasa pokus na tagaganap.
Halimbawa:
makipag-ulayaw makipaghiwalay
makipag-inom makipagbasa

10. mai-
Nagsasaad ng kilos na ginaganap sa isang bagay o para sa iba.

Halimbawa:
maigawa maitakbo maigalaw
maisayaw maiganap mailagay

11. maka-
Nagsasaad ng kakayahang gawin ang kilos na nasa salitang-ugat.

Halimbawa:
makabasa makaguhit makagamot
makalaro makalilok makabigay

Nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Nasa pokus na tagaganap.

Halimbawa:
makabuntal makahulog makasuklay
makasira makabasag makagamit

12. maki-
Nagsasaad ng pakiusap upang sumama sa ibang tao sa pagganap sa
kilos ng pandiwa.

Halimbawa;
makibigay makilagay makisala
makisuyo makihulog makibukas
13. -an-/-han
Nagsasaad na gawin sa isang tao, bagay o hayop o lunan ang kilos o
diwang isinasaad sa nilalapian.

Halimbawa:
lagyan buksan tilihan
puntahan lapian sindihan

14. i-
Nagsasaad ng paggamit sa isang bagay at nasa pokus kagamitan.

Halimbawa:
isulat ibasa ipalit
iinom ihiwalay iguhit

Nagsasaad na gawin para sa iba ang isinasaad ng salitang ugat.

Halimbawa:
iulat iangat ialis
ibahagi ilikha ikanta

15. ipa-
Nagsasaad ng pagpapagawa sa iba ng kilos ng salitang ugat.

Halimbawa:
ipabasa ipasuklay ipabigay
ipaguhit ipagawa ipasakay

16. ipakipa-
Nagsasaad ng pakiusap na ipagawa sa iba ang kilos ng pandiwa

Halimbawa:
ipakipasulat ipakipabukas
ipakipasara ipakıpasundo

17. isa-
May kahulugang ilagay sa kalagayang nasa salitang-ugat
ang paksa.
Halimbawa:
isatabi isakwento isaulo
isakatawan isapelikula isabuhay

18. ka- -an/-han


May kahulugang gawin sa paksa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
kasuyaan kagalitan kainisan
kabaliwan kabagutan

19. pa- -in/-hin


Nagsasaad na ipagawa sa paksa ang kilos na nasa pandiwa.

Halimbawa:
pakintabin paputiin paluhain
pakinisin palambutin palaruin

20. papag- -in/-hin


Nagsasaad na payagan o utusan ang tumutukoy sa paksa na gawin
ang kilos na isinasaad ng salitang-ugat.
Halimbawa:
papaglakbayin papaggupitin
papagsulatin papagbasahin

21. paka- -an/-han


Nagsasaad ng kilos na pinagbubuti o may katindihan.

Halimbawa:
pakahabaan pakasipagan
pakagandahan pakamahalan

22. paki- -an/-han


Nakikiusap na gawin sa paksa ang kilos sa salitang-ugat at nasa pokus
direksyunal.

Halimbawa:
pakisuklayan pakilagyan pakibilhan
pakibuhusan pakiguhitan pakitulungan

23. mang- (mam-, man-)


May kahulugang maramihang pagganap, kasing kahulugan at katulad
ng mag- sa pokus.

Halimbawa:
mambato mambutas manghalik
manghimok manghabol manahi

Mga Panlaping Makauri


Ang mga panlaping makauri ay mga panlaping ikinakabit sa salitang-
ugat upang makabuo ng mga pang-uri

1. ma-
Nagsasaad ng pagkakaroon na isinasaad ng salitang ugat o pagiging
marami.

Halimbawa:
mabuti mapuno masipag
makisig mayaman makitid

2. maka-
Nangangahulugan itong pagkiling o pagkahilig sa tinutukoy ng
salitang-ugat at maaari ring nagpapahiwatig ng kakayahang gawin ang
isinasaad ng salitang-ugat.

Halimbawa:
maka-FPJ makatao makabago
makatindig-balahibo makabasag-pinggan
3. mala-
Nagpapakita ito ng pagiging katulad ng isinasasaad ng salitang-ugat.

Halimbawa:
malasibuyas malapalasyo malarosas

4. mapag-
Nagpapahiwatig ito ng pag-uugali.

Halimbawa:
mapaglaro mapagtimpi mapagtiis
5. mapang - (at ang alomorp nito).
Nangangahulugan ito ng isang katangiang madalas o malimit gawin.

Halimbawa:
mapang-api mapanghusga mapang-away

6. pala-
Nagsasaad ito ng katangiang palagi o paulit-ulit ginagawa.

Halimbawa:
palasulat palabiro palangiti

7. pang- (at ang alomorp nito)


Nangangahulugan ito ng kalaanan ng gamit ayon sa isinasaad ng
salitang-ugat.

Halimbawa:
pang-alis pambato pantakip

8. -an/-han
Ito ay nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat upang
maipakita ang katangiang higit pa sa karaniwang dami, laki, tindi at iba pa.

Halimbawa:
pangahan luhaan balbunan

9. -in- /-in/-hin
Nangangahulugan ito ng katangiang itinulad o ginawang tulad ng
isinasaad ng salitang-ugat o kaya'y katangiang madaling maging
mapasakalagayan ng isinasaad ng salitang-ugat.

Halimbawa:
sinampalok bugnutin ubuhin

10. ma--in/-hin
Nangangahulugan ito ng pagtataglay sa mataas na antas ng isinasaad
ng salitang-ugat.
Halimbawa:
madasalin maramdamin matulungin

Uri ng Morpema ayon sa kahulugan:

1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal

Ang mga morpemang pangnilalaman ay binubuo ng pangngalan at


panghalip bilang nominal, pandiwa at mga panuring na pang-abay at pang-
uri.

Halimbawa:
aso - pangngalan
maganda - pang-uri
kahapon-pang-abay
tumatakbo- pandiwa
siya panghalip

2. Morpemang may kanilugang pangkayarian


Ang mga morpemang ito ay walang kahulugang taglay hanggat di
naisasama sa iba pang morpema na magpapalinaw ng kahulugan ng buong
pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pananda at mga pang-ugnay.

Pananda - si, sina, ng mga, ang, ang mga, ay


Pang-angkop - na, -ng
Pang-ukol ukol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon sa/kay
Pangatnig - at, subalit, datapwa't, ngunit
3. Derivasyunal

Ito ang morpemang may pinaghanguan o pinagmulan. Nabubuo ang


morpemang derivasyunal sa pamamagitan ng pagkakabit ng alinmang uri ng
morpema o salitang kinakabit sa ibang morpema na nagpapabago sa uri ng
gramatika. May pagbabago sa kahulugan ng salita dahil sa pagbabagong
nabubuong salita.

Halimbawa:
awit (song) = mang-aawit (singer)
sulat (letter) = manunulat (writer)

4. Infleksyunal.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang
panlapi sa pandiwa sa iba't ibang aspekto. *Walang pagbabagong
nagaganap sa kategoryang sintaktika ng mga salita kung saan ito nakakabit.
Halimbawa:
Kumain kumakain kakain
Alomorp ng Morpema

Sa alomorp ng morpema, ang isang panlapi ay magkakaroon ng


tatlong anyo dahil sa impluwensiya ng kaligiran na matatawag na alomorp.
Ang panlaping "pang-" ay may tatlong anyo o alomorp - ang pam-, pan-, at
pang- Ang panlaping ‘’pang" ay nagiging "pam" kung ang katabing tunog ay
nagsisimula sa /p/ o /b/. Nagiging "pan-" ito kung ang katabing tunog ay
nagsisimula sa /t/, /d/, /s/, /W. at /r/ Nagiging "pang-" naman kung ang
katabing tunog ay /k, g. h, m. n. ng w, y/ at mga patinig. Ginagamit din ito sa
mga katulad na panlaping may /ng/ tulad ng mang. sing, magkasing,
magsing. kasing, ipang at iba pa Sumusunod din sa tuntunin tulad ng
nangyayari sa pang
Halimbawa:

pang + paäraalan - pampaaralan pang + bahay - pambahay


pag + tao - pantao pang + sayaw - pansayaw
pang + radyo - panradyo pang + daga - pandaga
pang + karga - pangkarga pang + hila - panghila
pang + ilaw - pang-ilaw pang + opera - pang-opera

Pagbabagong Morpoponemiko

Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang


pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensiya ng
kaligiran. Ang mga katabing tunog ang dahilan ng pagbabagong-anyo ng
isang morpema.

1. Assimilasyon.
Ito'y tumutukoy sa pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil
sa impluwensya ng mga katabing tunog. Kabilang dito ang mga panlaping
nagtatapos sa - ng tulad ng sing pang, at mang na nagkakaroon ng alomorp.
May dalawang uri ng asimilasyon, ito ay:

a. Asimilasyong parsyal.
Tinatawag din itong asimilasyong di-ganap. Ito ang mga pagbabagong
nagaganap sa pinal na morpemang -ng na nagiging /n/ o/m/ dahil sa punto
ng artikulasyon o dahil sa sumusunod na tunog.

Halimbawa:
pang + bakod - pam + bakod = pambakod
sing + tangkad - sin + tangkad = sintangkad
mang + likha - man + likha = manlikha

b. Asimilasyong ganap.
May nagaganap pang pagbabago sa salita maliban sa alomorp nito.
Kadalasan, naaalis ang unang titik ng mga salita. salitang-ugat upang lalong
madulas ang pagbigkas ng

Halimbawa:

pang + talo pantalo = panalo


sing + bait - sim + bait = simbait
mang + salamin - mansalamin = manalamin

2. Pagkakaltas o Pagkawala ng Ponema.


Sa pagbabagong ito, may nawawalang isang ponema o morpema sa
isang salita. Maaaring mangyari ito sa unahan o gitna ng salita.

Halimbawa:
takip + an - takipan = takpan
bukas + an - bukasan = buksan
magpa + tahi - magpatahi = patahi
kuha + in - kuhanin = kunin

3. Pagpapalit ng Ponema.
Ito'y pagbabagong anyo ng isang ponema na napapalitan sa pagbuo
ng isang salita. Maaaring mangyari ito sa mga sumusunod na halimbawa:

a. /o/ at /u/ - kapag inuulit ang pantig na may tunog na / o / na maaaring


gamitan ng pang-angkop nilalapian ang salitang may /o/ sa huling pantig ang
unang bahagi ng inuulit na salita, kapag
Halimbawa:
sino + sino = sinu-sino
bibo + ng + bibo = bibung-bibo
dugo + an = duguan
bilog + an = bilugan

b. /e/ at / i/ - nangyayari ang pagpapalit ng /e/ at / i / kapag inuulit ang pantig


na may / e / at kinakabitan ng pang-angkop ang unang bahagi ng salitang
inuulit.

Halimbawa:
lalake + ng = lalaking - lalaki
babae + ng = babaing - babae

c. /d/ at / r / - nagiging /r/ ang /d/ kapag ito ay nasa pagitan ng dalawang
patinig.

Halimbawa:

ma + dunong - madunong = marunong


ma + dami - madami = marami
ka + dagat + an - karagatan = karagatan

d. / h / at / n/- nangyayari ito sa sumusunod na halimbawa ng salita.

Halimbawa:
tawahan = tawanan taluhan = talunan

4. Paglilipat o Metatesis.
Ito ang paglilipat ng lugar o posisyon ng isang ponema sa isang
morpema. Kadalasan, kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ at
ginigitlapian ng -in, nagpapalit ang posisyon ng // at /n/ kaya nagiging ni.
Halimbawa:
yakap + -in- - yınakap = niyakap
yaya + -in- - inaya = niyaya
lamas + -in- linamas = nilamas
luto + -in- - linuto = niluto

Nangyayari rin ang paglilipat sa sumusunod na morpema, ngunit may


kinakaltas ding ponema.

Halimbawa:
tanım + an - taniman = tamnan
atip + an - atipan = aptan

5. Paglilipat ng din.
Nangyayari ang pagbabagong ito kapag naililipat ang diin ng morpema
at ito ay nilapian.

Halimbawa:
linis + an = linisan
kain + an = kainan

Sa halimbawa, ang diin sa salitang-ugat na linis na nasa unang pantig /li/ ay


nailipat sa pangalawang pantig /nis/ nang ito ay nilapian.

6. Pagdaragdag o Reduplikasyon
Ang ibang tawag dito ay pagsusudlong ng isa pang morpema sa
hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit mayroon nang dating hulapi ang
salitang-ugat. Nangyayari rin ito sa pag-uulit ng salitang ugat.

Halimbawa:
totoo + han – totohan + in - totohanin
alala + han - alalahan + in- alalahanin
pamalo=pamalo+ma pamamalo

7. Pag-aangkop o Reduksyon.
Nangyayari ang pagbabagong ito kapag pinagsama ang dalawang
salita upang makabuo ng isang bagong salita o kaya'y nangyayari ito sa
pamamagitan ng pagpapaikli ng salita kaysa sa orihinal.

Halimbawa:
tingnan + mo = tamo hayaan + mo = hamo
wika + ko = kako wika + nila = anila
hintay + ka = teka tayo + na = tena
Paraan ng Pagbubuo ng mga Salita

1. Payak. Ito ang paggamit ng mga simpleng salita o mga salitang ugat
lamang.

Halimbawa:
kain tawa
talumpati bata
tanda sindi
ibig suklam

2. Paglalapı. Ito ang paraan ng pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng


pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat. Ang mabubuong salita ay tinatawag
na maylapi. Sa paglalapi, maaaring gamitin ang iba't ibang anyo ng panlapi.

Mga anyo ng panlapi:


Maraming paraan ng paglalapi ang ginagawa sa salitang-ugat. May
mga anyo ng panlaping ginagamit:

a. Unlapi. Ito ang panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.

Halimbawa:
Mag + asawa = mag-asawa
um- +inom uminom
pala- + basa - palabasa

b. Gitlapi. Ito ang panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat.

Halimbawa:
kain +-in-= kinain
sayaw +-um- = sumayaw
bata + -in- = binata

c. Kabilaan. Ito ang panlaping ikinakabit sa unahan at sa hulihan ng salitang-


ugat
Halimbawa:

ka- + ganda + -han - kagandahan


magka- + sinta + -han = magkasintahan
ka- + dunong + -an = karunungan

d. Laguhan. Ito ang panlaping ikinakabit sa unahan, sa gitna at sa hulihan ng


salitang-ugat.

Halimbawa:
pag- + s+-um- + ikap + -an (salitang-ugat - sikap) = pagsumikapan
mag+ d+ -in- + ugo + -an (salitang-ugat - dugo)-magdinuguan
ipag- +s+ -um- + igaw + -an(salitang-ugat -sigaw)-ipagsumigawan

3. Pag-uulit ng mga Salita. Paraan ito ng pagbubuo ng mga salita sa


pamamagitan ng pag-uulit ng salitang-ugat. May mga paraan ng pag-uulit ng
salita:

a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit. Inuulit lamang ang isa o higit pang pantig
ng salitang-ugat.

Halimbawa:
minu-minuto sasakit
tau-tauhan papalag
b. Buo o ganap. Inuulit dito ang buong salita nang may pang-angkop o wala.

Halimbawa:
oras-oras iyak nang iyak
anu-ano gustung-gusto
c. Magkahalong parsyal at ganap. Ito ang pag-uulit na kumbinasyon ng
parsyal at ganap na pag-uulit.

Halimbawa:
tatakbo-takbo sisinghot-singhot
iiyak-iyak lilima-lima

4. Pagtatambal ng Salita. Ito ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng


pagtatambal o pagsasama ng dalawang magkaibang salitang-ugat upang
makabuo ng bagong salita. Maaaring gumamit ng linker sa pagbubuo ng
mga salita. May dalawang paraang ginagamit sa pagtatambal, ito ay:
a. buo o ganap na pagtatambal = pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na
nagpapahayag o nagreresulta sa pagkakaroon ng ikatlong kahulugan o
bagong kahulugan.

Halimbawa:
hampaslupa balat-sibuyas
dalagambukid bahaghari

b. parsyal o di-ganap na pagtatambal pagtatambal ng salitang-ugat na


nagpapahayag ng sariling kahulugan, nananatili ang orihinal na kahulugan
ng dalawang salitang pinagtatambal o hindi nagkakaroon ng pangatlong
kahulugan.

Halimbawa:
bahay - kubo dalagang bukid
punungguro kapitbisig
Kabanata 4

MGA BAHAGI NG PANANALITA

Bahagi ng Panalita

Pangnilalaman Pangkayarian

Pandi Panan Pang-


Nomin Panuri

Pangawing
Pangngala Pang-uri

Pantukoy
Panghalip Pang-abay

Pang-ukol Pang- Pangatnig


Ang bahagi ng panalita ay nahahati sa dalawa: ang Pangnilalaman at ang
Pangkayarian.
Ang mga salitang pangnilalaman ay nahahati sa tatlo: a) Nominal; b)
Pandiwa; at c) Panuring.

MGA NOMINAL/ PANGNILALAMAN

ANG PANGNGALAN
Ang pangngalan ay ang mga salitang sumasagisag sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian at kalagayan.

Ang pangngalan ay nauuri sa mga pangunahing batayan ayon sa


sumusunod:

A. Ayon sa Konsepto

May dalawang uri ang pangngalan ayon sa konsepto - ang kongkreto o


tahas at abstrakto o basal.

Kongkreto o tahas ang pangngalan kapag mga materyal na bagay ang


tinutukoy. Ito ay ang mga pangngalang nakikita at nahahawakan.

Halimbawa:
Lapis aklat papel
Mesa silya bulaklak
plastik bahay bote
Abstrakto o basal naman ang pangngalan kapag mga di- materyal na bagay
ang tinutukoy. Ito ang mga pangngalang hindi nakikita at hindi
nahahawakan.

Halimbawa:
diwa kaisipan damdamin
hangin kaluluwa hininga
tuwa ligaya pagkagutom

B. Ayon sa Kaanyuan

Nauuri ang pangngalan ayon sa paraan ng pagkakabuo o kayarian nito.


Maaaring ang pangngalan ay payak, maylapi, inuulit at tambalan.

1. Payak. Ang pangngalan ay payak kapag binubuo ng isang salitang-ugat


lamang.

Halimbawa:
bata lindol mangga aklat
tasa halaman baso paru-paro

2. Maylapi. Ang pangngalan ay maylapi kapag binubuo ng salitang-ugat at


panlaping makangalan.

Halimbawa:
palaruan kamag-aral tagaluto
sayawan kaibigan manlalaro

3. Inuulit. Ang pangngalan ay inuulit kapag binubuo ng salitang-ugat na


inuulit.
Halimbawa:
sabi-sabi bali-balita
tau-tauhan tatay-tatayan

4. Tambalan. Ang pangngalan ay tambalan kapag binubuo ng dalawang


salitang magkaiba ngunit pinag-isa.

Halimbawa:
hampaslupa bahay-kubo silid-tulugan
dalagambukid kapitbahay silid-aklatan
C. Ayon sa Kayariang Pansemantika

Maaaring mauri ang pangngalan ayon sa pag-uuring pansemantika.


Kung nagsasaad ng diwang panlahat, tinatawag itong pambalana at kung
nagsasaad ng diwang para sa isang partikular na tao, hayop, bagay, kaisipan
o pangyayari, tinatawag itong pantangi. Ang mga pangngalang pantangi ay
nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Pambalana Pantangi

paaralan Saint Louis University


sabon Safeguard
teleserye Marina
abogado Atty. Rodrigo

D. Ayon sa Kasarian

Mauuri ang pangngalan ayon sa kasarian o sex.


1. Panlalaki ito kung tumutukoy sa ngalan ng lalaki.

Halimbawa:
tatay hari
bayaw mama
lolo tandang

2. Pambabae ito kung tumutukoy sa ngalan babae.

Halimbawa:
nanay reyna
ditse hipag
lola ale

3. Di-tiyak o pambalana kung hindi malaman ang tiyak na kasarian.

Halimbawa:
manggagamot pinuno
guro asawa
nars bata

4. Walang kasarian kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na walang buhay


tulad ng bagay, lugar at pangyayari.

Halimbawa:
pagamutan kompyuter
dyip celphone
bangko aklat

E. Ayon sa Kailanan
Ang pangngalan ay mauuri ayon sa kailanan o dami ng tinutukoy.
Makikilala ang kailanan o dami pangngalan sa pamamagitan ng paggamit ng
pananda ng marker, pamilang at panlaping makangalan at sa paggamit ng
quantifier o panukat para maging tiyak ang bilang.

May tatlong kailanan ang pangngalan:

1. Isahan. Ito ay gumagamit ng panandang ang, ng, sa, si ni, kay at


pamilang na isa.
Halimbawa:
ang sanggol ni Roxanne
ng aklat isang baso
sa ospital kay Philip

2. Dalawahan. Ito ay gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at


pamilang na dalawa.

Halimbawa:
magkapatid mag-ama
magkasintahan dalawang aklat

3. Maramihan. Ito ay gumagamit ng panandang mga, sina, kina, nina, at


quantifier na marami, ilan, at iba pang pamilang na higit sa dalawa at ang
paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit sa unang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
mga tagapamahala mga balita
sina Noynoy kina Jack
nina Elezaar maraming anak
tatlong guro magkakaibigan
limang baso magkakasama

F. Ayon sa Kaukulan

May tatlong kaukulan ang pangngalan: Palagyo, Paari at Palayon

1. Palagyo.
Nasa kaukulang palagyo ang pangngalan kung ginagamit ito bilang:

a.) Paksa ng pangungusap


Ang pangungusap na gumagamit ng pangngalan bilang paksa ay
maaaring nasa karaniwan o kabalikang ayos.

Halimbawa:
1. Si Lee ay madalas na pumupunta sa palengke.
2. Nanonood ng telebisyon si Norbert.
3. Ang mga guro ay dumalo sa seminar.

b.) Panaguring pangngalan (kaganapang pansimuno)


Ang mga pangngalang ginagamit na panaguring pangngalan ay
laging pinangungunahan ng pangawing na "ay" kapag nasa di-
karaniwang ayos ang pangungusap at inuulit o inilalarawan ang paksa.

Halimbawa:
1. Si lan ay masipag na mag-aaral.
2. Ang paborito naming guro ay si Bb. Santos.
3. Si Jerome ay isang tanyag na abogado.

c.) Pangngalang Pantawag


Nasa kaukulang palagyo ang pangngalan kung ito ang tinutukoy
o tinatawag sa pangungusap.

Halimbawa:

1. Ivan, pwede bang tumahimik!


2. Umawit na, Gingging.
3. Abe, gumising ka na.

d.) Pamuno ng paksa (Pangngalang pabanggit)


Ipinapaliwanag o nililinaw ng pamuno ng paksa ang pangngalang nasa
unahan nito. Ang kaukulan ng pamuno sa paksa ay iyon din sa pangngalang
tinutukoy.

Halimbawa:
1. Si Dr. Galangco, ang direktor, ay nagbakasyon sa Boracay.
2. Si Mary, ang nanalong Bb. Pilipinas, ay nangibang bansa.
3. Si Dr. Go, ang doktor, ay kinausap ko.

e.) Pamuno sa kaganapang pansimuno.


Nililinaw ng pamuno ang kaganapang pansimuno.

Halimbawa:
1. Ang dalagang iyan ay si Neri, ang kapatid ko
2. Ang doktor na kinausap ko ay si Rex, ang pinsan ni Tado.
3. Ang abogadong namatay ay si Amelita, ang kamag-aral ko.
2. Paari
Nasa kaukulang paari ang pangngalan kung ito ay: (a) nagsasaad ng
pag-aari, at (b) ginagamit na nakakabuuan ng isang bagay na binabanggit.

a) Pangngalang nagsasaad ng pag-aari


Ang mga ngalang tumutukoy sa tao, o bagay na nag-aari

Halimbawa:
1. Ang hawakan ng bag ay naputol.
2. Ang damit ng matanda ay naputikan.
3. Ang bagong biling sapatos na iyon ay para kay Aguiluz.

3. Palayon
Nasa kaukulang palayon ang pangngalan kapag ginagamit sa mga
sumusunod na pangyayari.

a.) Tuwirang layon o layon ng pandiwa


Ang mga pangngalang ginagamit na tuwirang layon o layon ng
pandiwa ay karaniwang mga pangngalang pambalana. Ito ay mga
pandiwang pinangungunahan pantukoy na pambalanang "ng" at sumasagot
sa tanong na ‘’ano?’’

Halimbawa:
1. Bumili si Pamela ng kotseng bago.
2. Pumitas ng bulaklak na mabango si Raphael.
3. Si Sandra ay kumakain ng mangga.

b.) Layon ng pang-ukol


Maaaring pambalana at maaaring pantangi ang mga pangngalang
layon ng pang-ukol at pinangungunahan ng mga pang-ukol gaya ng: sa, ukol
sa/kay, hinggil sa/kay, alinsunod sa/kay at iba pa.

Halimbawa:
1. Inihahandog ko kay Ella ang karangalan kong ito.
2. Wala na akong nalalaman tungkol sa balita.
3. Ang para sa bata ay nawala.
4. Ialay mo sa Diyos ang lahat ng hinanakit mo sa buhay.

c.) Tagaganap ng pandiwang nasa balintiyak na tinig


Ang pangngalan ay siyang tagaganap o layon ng pandiwa na nasa
balintiyak na tinig.

Halimbawa:
1. Ang lapis ay binali ng bata.
2. Ang laruan ay kinuha ng magnanakaw.
3. Ang larawan ay iginuhit ng isang mag-aaral.

ANG PANGHALIP

Ayon sa balarila, ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa


pangngalan. Sa makabagong pananaw naman, ang panghalip ay makikilala
sa pagbabagong anyo ayon sa tatlong kaukulan - panghalip na nasa anyong
ang, ng, at sa bilang panghalili.

Ang panghalip ay maaaring uriin bilang:


a) Panghalip Panao,
b) Panghalip Pananong,
c) Panghalip Panaklaw, at
d) Panghalip Pamatlig
Panghalip Panao/Personal
Ito ay mga panghalip na inihahalili sa pangalan ng tao.

A. Kaukulan
Ang panghalip ay may tatlong kaukulan

1. Panghalip na panao sa anyong "ang" (palagyo)


Ito ay panghalip na inihahalili sa pangngalang pinangungunahan ng
ang o si o kaya'y panghalip na ginagamit sa paksa o kaganapang pansimuno.

 ginagamit bilang paksa

Halimbawa:
Siya ay masungit.
Ako ay naglilingkod sa bayan.
Kata ay manonood ng palabas mamayang hapon.

 ginagamit bilang kaganapang pansimuno

Halimbawa:
Ikaw ang dahilan ng kanilang pag-aaway.
Sila ang dapat managot sa kasalanan.
Kami ang may-ari ng malaking bahay.

2. Panghalip na Panao sa anyong "ng" (paari)


Ito ang mga panghalip na inihahalili sa pangngalang may panandang
ng o ginagamit ito bilang panuring at nagsasaad ng pag-aari.

 bilang panuring
Halimbawa:
Ang aking kaibigan ay nangibang bansa.
Ang iyong bag ay napakaganda.

 ginagamit bilang nag-aari

Halimbawa:
Kanila ang lupang sinasaka ni Temyong.
Akin ang aklat na hiniram niya.

3. Panghalip panao sa anyong sa (palayon o paukol)


Ito ang panghalip na inihahalili sa pangngalang pinangungunahan ng
sa o kay. Ginagamit ito bilang layon ng pang-ukol at di-tuwirang layon.

 bilang layon ng pang-ukol

Halimbawa:
Para sa inyo ang karangalan ko.
Wala akong kinalaman tungkol sa kanya.

 bilang di-tuwirang layon

Halimbawa:
Ang pahayagan ay basahin mo araw-araw.
Kanyang babayaran ang utang ni Nida.

B. Panauhan

May tatlong panauhan ang panghalip panao.


1. Unang panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita;
2. Ikalawang panauhan - tumutukoy sa taong kinakausap, at
3. Ikatlong panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan.
Tsart ng mga panghalip sa iba't ibang panauhan.

Unang Panauhan Ikalawang Ikatlong


Panauhan Panauhan
Anyong ang ako, kita, kata, ikaw, ka, kayo siya, sila
kami, tayo
Anyong ng ko, natin, naming mo, ninyo niya, nila

Anyong sa akin, atin, amin iyo, inyo kanya, kanila

Mapapansin na ang panghalip na ikaw at ka ay parehong ikalawang


panauhan. Kung ang panghalip ay nauuna sa mahalagang salita sa
pangungusap, ginagamit ang ikaw; samantala ginagamit ang ka kung ang
panghalip ay nahuhuli sa mahalagang salita sa pangungusap.

Halimbawa:
Ikaw ang tatanggap ng tropeo.
Tatanggap ka ng tropeo.

C. Kailanan

May tatlong kailanan ang panghalip - ang isahan, dalawahan at maramihan.

1. Isahan. Ginagamit ito para sa isang tao tulad ng siya, ikaw,


niya, kanya, iyo, mo, ako, at iba pa.
2. Dalawahan. Ginagamit ito para sa dalawang tao tulad ng kata,
kita at kanita.

3. Maramihan. Ginagamit ito para sa higit sa dalawang tao tulad


ng sila, kayo, kanila, natin, namin, ninyo at iba pa.

Panghalip Pananong/Interogatib

Ito ang mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao,


bagay, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at pangyayari.

Ang iba't ibang panghalip pananong:

Sino at Kanino - para sa tao

Halimbawa:
Sino ang pambansang bayani ng Pilipinas?
Kanino mo iaalay ang awitin mo ngayon?

Ano - para sa bagay, hayop, katangian, pangyayari o ideya

Halimbawa:
Ano ang bibilhin mo?
Ano ang nakita mo sa zoo?

Kailan - para sa panahon o petsa

Halimbawa:
Kailan ka luluwas ng Maynila?
Kailan ibibigay ang sahod natin?
Saan - para sa lugar
Halimbawa:
Saan ka ipinanganak?
Nasaan ang bag mo?

Bakit - para sa dahilan

Halimbawa:
Bakit natalo si Tyson sa labanan?
Bakit siya namatay?

Paano - para sa paraan

Halimbawa:
Paano mo ginawa iyon?
Panno nangyari ang pagpaslang sa binata?

Gaano at Ilan - para sa dami o kantidad

Halimbawa:
Gaano karami ang dumalo sa kasal?
Ilan ang nakaenrol sa klase mo?

Magkano - para sa presyo

Halimbawa:
Magkano ang sapatos na Nike?
Magkano ang ibinayad niya sa iyo?

Alin - para sa pamimili


Halimbawa:
Alin ang gusto mo?
Alin ang pipiliin mong damit?

A. Kailanan
May dalawang kailanan ang panghalip pananong.
1. Isahan. Kapag ang panghalip ay tumutukoy sa isa.
2. Maramihan. Kapag ang panghalip ay tumutukoy sa marami. Sa
pagpaparami ng pananong, ginagawa ito sa pamamagitan ng pag-uulit nito.

Halimbawa:
Isahan Maramihan

Sino Sinu-sino
Ano Anu-ano
Alin Alin-alin
Kanino Kani-kånino

Halimbawa:
1. Sino ang nakapunta na sa Banaue Rice Terraces?
2 Sinu-sino ang mga nakapunta na sa Banaue Rice Terraces?
3. Alin ang napili mong damit?
4. Alin-alin ang mga napili mong damit?

Panghalip Panaklaw/Indepinit
Ito ang panghalip na nagsasaad ng kaisahan, dami o kalahatan ng
ngalang tinutukoy na maaaring tiyakan o di-tiyakan. Ito ay sumasaklaw sa
kaisahan o kalahatan ng pangngalan.

Kaisahan - isa, iba, balana


Dami o kalahatan - lahat, pawa, madla
Di katiyakan - gaanuman, alinman, saanman, anuman, kailanman

Halimbawa:
1. Isa lang ang nais kong sabihin sa inyo.
2. Nasiyahan ang madla sa inyong pagtatalumpati.
3. Sinuman ay may karapatang mabuhay sa mundo.
4. Anuman ang mga bagay na bumabagabag sa iyo ay dapat mong
ipagwalang-bahala.

A. Kaukulan

Ang panghalip panaklaw ay may tatlong kaukulan.

1. Palagyo
Nasa kaukulang palagyo ang panghalip kung ito ay ginagamit
bilang paksa at kaganapang pansimuno ng pangungusap.

Halimbawa:
1. Lahat ay nasisiyahan sa kanyang pagdating. (paksa)
2. Sinuman ay maaaring magtagumpay sa buhay kung
nanaisin. (paksa)
3. Ang hinihingi mo ay iba. (kaganapang pansimuno)
4. Balana ang humatol sa nagawang sala ni Mang Paking.
(kaganapang pansimuno)
2. Paari
Nasa kaukulang paari ang panghalip panaklaw kung ito ay
sinusundan ng ng.
Halimbawa:
1. Iginagalang ang hatol ng lahat.
2. Nais kong marinig ang kaisipan ng balana.
3. Palayon
Nasa kaukulang palayon ang panghalip bilang panaklaw kung
ito'y ginagamit tuwirang layon, tagaganap ng pandiwang balintiyak, at
layon ng pang-ukol.

Halimbawa:
1. Ang mga mahihirap ay tumatanggap ng anuman.
(tuwirang layon)
2. Ang pangulong may-sakit ay tinutulungan ng sinuman.
(tuwirang layon)
3. Siya ay binabati ng madla. (tagaganap ng pandiwang
balintiyak)
4. Ang mga kalahok sa paligsahan ay ipinagbunyi ng lahat.
(tagaganap ng pandiwang balintiyak)
5. Ayaw kong makialam tungkol sa iba. (layon ng pang-
ukol)
a. Ang lahat ng hirap ko ay inuukol ko sa isa. (layon
ng pang-ukol)

Ang Panghalip Pamatlig/ Demonstratibo


Ito ang panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, hayop,
lunan o pangyayari. Sa panghalip na pamatlig, nalalaman ang layo o lapit ng
bagay na itinuturo.

A. Kaurian

Ang panghalip na pamatlig ay nauuri sa apat: ang Pronominal na


nagtuturo lamang sa ngalan ng tao o bagay; ang Panawag-pansin o
pahimaton na nagbibigay-pansin naghihimaton sa bagay, tao o lugar, ang
Patulad na naghahambing at panlunan na nagsasaad ng kinaroroonan ng
tinutukoy na tao, bagay, lugar at iba pa.

Iba't ibang uri ng panghalip pamatlig.

1. Pronominal

a. Anyong ang (palagyo/paturol) *ire (ibang anyo: yare), ito, iyan


(ibang anyo: yaan) at iyon (ibang anyo: yaon)
b. Anyong ng (paari)
*nire (ibang anyo: niyari), nito, niyan, noon (ibang anyo: niyon)
c. Anyong sa (palayon/paukol
*dine, dito, diyan, doon

Halimbawa:
1. Ito ang bahay nina Anita.
2. Kailangan nito ang pansin mula sa gobyerno.
3. Dito nakatira ang mga pinsan ko.

2. Panawag-pansin o pahimaton
a. * (h)ere, b. (h)eto, c. (h)ayan, d. (h)ayun
Halimbawa:
1. Hayun ang aso sa damuhan.
2. Ang mga bisita natin ay heto na.
3. Hayan na ang hinahanap mong bolpen.
3. Patulad
a. *ganire, b. ganito c. ganyan d. ganoon (ibang anyo: gayon)

Halimbawa:

1. Ganyan ang sapatos na binili ko.


2. Ganito ang buhay sa probinsiya.
3. Ganoon ang paraan ng epektibong pangangampanya.

4. Panlunan
a. *narini (ibang anyo: nandini)
b. narito (ibang anyo:nandito)
c. nariyan (ibang anyo: nandiyan)
d. naroon (ibang anyo: nandoon)

Halimbawa:
1. Narito na ang mga bagong salta.
2. Naroon ba ang kapatid ko?
3. Nariyan ang gurong masungit?

Ang mga panghalip na may tandang (*) asterisk ay bihirang gamitin.

B. Kailanan

Ang panghalip pamatlig ay may dalawang kailanan:


1. isahan kung tumutukoy sa isa lamang

Halimbawa:
Nanalo iyan sa labanan. (anyong ang)
Pinanood nito ang palabas. (anyong ng)

2. maramihan kung tumutukoy sa marami


Pinararami ang panghalip pamatlig sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng salitang mga.

Halimbawa:
Nanalo ang mga iyan sa labanan.
Pinanood ng mga ito ang palabas.

C. Kaukulan

Nahahati sa tatlong kaukulan ang panghalip pamatlig.

1. Panghalip pamatlig sa anyong "ang" (palagyo)


Ito ay panghalip na ginagamit bilang panghalili sa pangngalang
pinangungunahan ng "ang" kaya ang gamit sa pangungusap ay bilang
paksa.

Ito = malapit sa nagsasalita

Halimbawa: Ito ang damit ko.

lyan = malapit sa kausap

Halimbawa: Iyan ang damit ko.


Iyon = malayo sa kapwa nagsasalita at kausap

Halimbawa: Ivon ang damit ko.

2. Panghalip pamatlig sa anyong ng paari


Ito ang panghalip na inihahalili sa pangngalang pinangungunahan ng
ng kung isahan at ng mga kung maramihan kaya sumusunod ito sa gamit ng
pangngalang pinapalitan.

Halimbawa:
a. Ang layunin nito ay napakahalaga.
b. Ang papel ng mga ito ay hindi pa naibibigay.

3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o paukol


Ito ay panghalip na inihahalili sa pangngalang pinangungunahan ng sa.
Maaari itong gamiting tuwirang layon, tagaganap ng pandiwang balintiyak at
layon ng pang-ukol.

Halimbawa:
1. Siya ang bumili nito sa botika. (tuwirang layon)
2. Binibili ng mga iyon ang aklat. (tagaganap ng pandiwang
balintiyak)
3. Ang lapis na para sa mga iyon ay mahaba. (layon ng pang-
ukol)

Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga panghalip sa


pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng at sa.

Pangngalan sa Ang

Isahan Maramihan
ang/si ang mga/sina

Panghalip panao sa Ang

Isahan Dalawahan Maramihan

ako kata/kita tayo,kami


ikaw, ka kayo
siya sila

Panghalip pamatlig sa Ang

Isahan Maramihan

Ito ang mga ito


iyan ang mga iyan
iyon ang mga iyon

Pangngalan sa Ng

Isahan Maramihan

ng/ni ng mga/nina
Panghalip panao sa Ng

Isahan Dalawahan Maramihan

ko nita natin, namin


mo ninyo
niya nila
Panghalip pamatlig sa Ng

Isahan Maramihan

nito ng mga ito


niyan ng mga iyan
niyon, noon ng mga iyon

Pangngalan sa Sa

Isahan Maramihan

sa/kay sa mga/kay

Panghalip panao sa Sa

Isahan Dalawahan Maramihan

sa akin sa kanita sa atin, sa amin


sa iyo sa inyo
sa kanya sa kanila

Panghalip pamatlig sa Sa

Isahan Maramihan

dito sa mga ito


diyan sa mga iyan
doon sa mga iyon
ANG PANDIWA

Maituturing na mga pandiwa ang mga salitang nagpapahayag ng kilos


o galaw. Ang mga pandiwa ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlaping
makadiwa. Ang salitang-ugat ay nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang
panlapi naman ang nagpapakilala ng iba't ibang panahunan, kailanan, at
tinig ng pandiwa. Ang salitang-ugat at panlapi ang bubuo sa salitang
pawatas na magiging batayang anyo ng pandiwa.

May mga panlaping makadiwa na ginagamit gaya ng: mag-, um, i, ma,
maka, hin, -han/-in, pa mang, maki at iba pa.

Halimbawa:
Panlapi Salitang -ugat Pawatas

um- lakad lumakad


mag- laro maglaro
i- luto iluto
ma- sabi masab
pa- hula pahula

Mga Aspekto ng Pandiwa

Ang pandiwa ay may aspekto na nagpapakita ng kilos o pangyayari na


naganap, o katatapos pa lamang, sisimulang ganapin at magaganap pa
lamang. Ang mga ito ay nababanghay ayon sa aspekto. May tatlong aspekto
ang pandiwa: 1.) perpektibo o ginanap na o natapos na, 2) imperpektibo o
ginaganap at hindi pa natatapos, at 3) kontemplatibo o gaganapin o hindi pa
nasisimulan ang kilos.
May tinatawag na anyong neutral, ito ay ang pawatas at ang pautos.
lisa ang anyo ng mga ito.

A. Aspektong Perpektibo o Pangnakaraan


Ito'y nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na.

Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo

umalis umalis
kumain kumain
maglaro naglaro
magpaganda nagpaganda

Ang mga halimbawang ito ay ang mga pandiwang pabanghay mula sa


anyong pawatas na maaaring manatili ang anyo ng pawatas sa aspektong
perperktibo gaya ng salitang umalis", at "kumain." Samantala, ang anyo ng
pawatas na "maglaro" sa aspektong perpektibo ay nagiging "nag-" ang
"mag-".

Ang mga kilos sa aspektong perpektibo ay nagpapatunay na


natapos na.

A.1 Aspektong Perpektibong Katatapos

Ito ay ang aspektong nagsasaad ng kilos na katatapos lamang


bago nagsimula ang pagsasalita. Ito ay maihahanay sa aspektong
perpektibo. Ang kayarian ng aspetong ito ay nabubuo sa pamamagitan
ng paggamit ng unlaping ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng
salitang-ugat. Ngunit hindi lahat ng pandiwa ay may aspektong
perpektibong katatapos.
Halimbawa:

Pawatas Perpektibong Katatapos

sumulat kasusulat
kumain kakakain
maglaro kalalaro

B. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan

Sa aspektong imperpektibo, ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa


natatapos. Kasalukuyan pang ipinagpapatuloy ang kilos. May dalawang uri
ng kilos na imperpektibo; Una, kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos,
nagaganap o ipinagpapatuloy. Ikalawa, kilos na paulit-ulit na ginagawa.

Halimbawa:
1. Sumusulat ng tula ang mag-aaral. (nagsimula nang sumulat at
sumusulat pa, hindi pa tapos ang kilos)
2. Parati siyang umaawit. (ang kilos ay paulit-ulit na ginagawa)

Pawatas/Pautos Perpektibo Katatapos Imperpektibo

maglaro naglaro kalalaro naglalaro


kumain kumain kakakain kumakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat
umalis umalis kaaalis umaalis

C. Aspetong Kontemplatibo o Panghinaharap


Ang kilos ay hindi pa nasisimulan, ito'y gaganapin pa lamang.

Halimbawa:

Pawatas Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo

maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro


kumain kumain kakakain kumakain kakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat

Ang pandiwa ay may pagbabagong - anyo o tinatawag na


pagbabanghay batay sa aspekto nito. Sa salitang-ugat at panlapi naipakikita
ang pag-iiba ng anyo ng aspekto ng pandiwa.

Neutral Banghay sa UM

Anyong Pawatas sumulat


Perpektibo sumulat
Perpektibong katatapos kasusulat
Imperpektibo sumusulat
Kontemplatibo susulat
Uri ng Pandiwa

1. Pandiwang Katawanin
Ang pandiwang katawanin ay nagtataglay ng kahulugang buo na hindi
nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos.

Halimbawa:

Umalis na ang panauhin.


Lumipad sa himpapawid ang mga ibon.
Ang mga panauhin ay pumunta sa ilog.

Ang mga pandiwang umalis, lumipad at pumunta sa pangungusap ay


mga pandiwang katawanin na buo ang diwang ipinapahayag sa
pangungusap na hindi nangangailangan ng tuwirang layon.

2. Pandiwang Palipat
Ang mga pandiwang palipat ay nagtataglay ng kilos at
nangangailangan ng tuwirang layon. Ang tuwirang layon ay
pinangungunahan ng pang-ukol na sa o kay at layon na maaaring
pangngalan o panghalip na karaniwan.

Halimbawa:
Ang magsasaka ay nagtanim ng mga gulay.
Siya ay kumatha ng isang kuwento.
Sumusuri siya ng isang payak na pangungusap.

Ang mga pandiwang may salanggguhit sa pangungusap ay mga pandiwang


palipat na may tuwirang layon na siyang bubuo sa diwa ng pandiwa, Ang
mga pandiwang palipat sa pangungusap ay nagtanim, ay kumatha, sumusuri
ay may tuwirang layon na bumubuo sa diwa ng pandiwa. Ang tuwirang layon
sa tatlong pangungusap ay ng gulay, ng kuwento at na pangungusap.

Tinig ng Pandiwa

1. Tinig na tahasan o tukuyan

Sa mga pandiwang nasa tinig na tahasan, ang paksa ng pangungusap


ang tagaganap ng kilos na sinasabi ng pandiwa at may layong tagatanggap
ng kilos na tinatawag na tuwirang layon.
Halimbawa:
Bumili ng sariwang gulay ang ina ni Karl.
Bumabalangkas ng isang talata si Cesar.
Ang bata ay nagpalit ng damit.

Ang mga pandiwang nasa tinig tahasan sa pangungusap ay bumili,


bumabalangkas, at nagpalit. Ang paksa ay siyang tagaganap ng kilos. Ang
mga paksa na ina, Cesar, at bata ay may mga layong tagatanggap, ang mga
ito ay -ng gulay, -ng talata at ng damit.

2. Tinig na Balintiyak
Sa tinig na balintiyak, ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos manapa,
ito ang tumatanggap ng kilos na sinasabi ng pandiwa, samakatwid,
tagatanggap ng kilos ang paksa.

Halimbawa:
Ang tula ay isinulat ng batikang manunulat.
Pinulot ng bata ang aklat.
Nabili ni Grace ang bagong Van.
Ang mga pandiwa sa pangungusap ay nasa tinig na balintiyak. Ang mga ito
ay isinulat, pinulot, at nabili, nasa balintiyak na tinig sapagkat may paksa
itong tagatanggap ng kilos tulad ng: tula, aklat, at Van. Ang tagaganap
naman ng mga ito ay manunulat, bata at Grace.

Pokus ng Pandiwa
Naipakikita sa pamamagitan ng pokus ang kaugnayan ng paksa sa
pandiwa kung tagaganap, tagatanggap, sanhi, pinaglalaanan, ginanapan o
kagamitan ang paksa. Ang pokus ay ang pinakapaksa ng pangungusap.
Maaaring maging: 1) aktor, 2) gol, 3) lokatib, 4) kosatib, 5) instrumental, 6)
direksyunal, at 7) benepektib.
1. Aktor Pokus

Nasa aktor pokus kapag ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap. May mga panlaping ginagamit gaya ng: um, nag-, maka-,
mang at ilang ma-.

Halimbawa:
Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral.
Nagdala ng radyo si Trixy.
Mangunguha si Cris ng maraming prutas.

Ang paksa ng pangungusap ay ang mga mag-aaral, si Trixy at si Cris na


gumanap ng kilos na isinasaad ng pandiwang banghay sa um, may at mang-
na nasa aktor pokus.

2. Gol Pokus

Nasa gol pokus kapag ang paksa ang siyang tagatanggap ng kilos na
ipinahahayag ng pandiwa at may layon tagaganap. Ang mga panlaping
ginagamit sa pokus na ito ay i, in, -an/-han, ma-, ipa. Pinangungunahan ng
marker na ng/ni ang aktor o ang kahalili nitong mga panghalip.
Halimbawa:
Kinuha ni Joe ang susi.
Binali ng bata ang lapis.
Binasa ng pulis ang pahayagan.
Ang susi, ang lapis at ang pahayagan ay ang gol ng mga pandiwang
ginamit sa pangungusap na nagsisilbing paksa ng pangungusap.
3. Lokatib Pokus

Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy ay ang pook na pinagganapan


ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay -an/-han, pag-an/-han, -an/-han,
pang...-an/-han.

Halimbawa:
Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran.
Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali.
Napagtamnan ni Joe ang mga malalaking paso.

Ang bakuran, kawali at paso ay siyang lokatib o pinagganapan ng


kilos ng pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.

4. Kosatib Pokus

Kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap. Ang


panlaping ginagamit ay i-, ika- at ikapag- Pinangungunahan ng ng ni
ang aktor o panghalili rito.

Halimbawa:
Iniluha niya ang pag-alis mo.
Ikinainis nila ang pagsisinungaling mo.
Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil.

Ang salita o pariralang "ang pag-alis mo", "ang pagsisinungaling mo"


at "ang iyong pagtataksil" na siyang paksa ng pangungusap ay
nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos ng pandiwa na nasa pokus
kawsatib.

5. Instrumental Pokus

Nasa instrumental pokus kapag ang paksa ay ang kagamitang ginamit


sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay ipang-
at. pinangungunahan ng ng/ni ang aktor.

Halimbawa:
Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan.
Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong twalya.
Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo.

Ang paksang ang lapis, twalya at kutsilyo ay mga kagamitang


ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa na nasa pokus
instrumenral.

6. Direksyunal Pokus

Kapag tinutukoy ang direksyon o tatanggap ng kilos sa pangungusap.


Ang mga panlaping ginagamit sa ganitong pokus -an/-han, at
pinangungunahan ng ng/ni marker ang aktor o mga panghalili nito.

Halimbawa:
Pinasyalan namin ang Banaue Rice Terraces.
Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay.
Tinabihan niya ang kanyang kaibigan.
Ang paksang ang Banaue Rice Terraces, ang kanilang bahay at ang
kanyang kaibigan ay ang direksyon ng kilos ng pandiwa na nasa pokus
direksyunal.

7. Benepaktib Pokus

Nasa benepaktib pokus kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di-


tuwirang layon ng kilos ng pandiwa Ang mga panlaping ginagamit sa
ganitong pokus ay i- ipang- at ipag-. Pinangungunahan ng ng/ni ang marker
ng aktor.

Halimbawa:
Ikinuha ng inumin ng katulong ang panauhin.
Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata.
Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam maysakit. ang

Ang paksang ang panauhin, bata, at maysakit ay siyang pinaglalaanan


o tumatanggap sa kilos ng pandiwa na nasa pokus benepaktib.

Mga Kaganapan ng Pandiwa

Kaganapan ng pandiwa ang tawag sa bahagi ng panaguri na


binubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa.

1. Kaganapang Tagaganap o Aktor

Nasa aktor na kaganapan ang pandiwa kapag ang bahagi ng panaguri


ang gumaganap ng kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
Halimbawa:

a. Ipinagbunyi ng mga tao ang kanilang tagumpay. (ang


pariralang "ng mga tao" ay siyang nagsasaad kung sino ang gumanap
ng kilos ng pandiwa)

b. Ipinagkaloob ni Jose ang ilang pagkain sa mga bata.


(Ang pariralang "ni Jose" ay ang gumanap ng kilos)

c. Isinadula ng mga mag-aaral ang madamdaming bahagi ng


telenobela.

(Ang pariralang "ng mga mag-aaral’’ ang nagsaad kung sino ang
gumawa ng kilos)

2. Kaganapang Layon o Gol

Nasa kaganapang gol o layon ang pandiwa kapag ang bagay o


mga bagay ay ang tinutukoy ng panaguri sa pangungusap.

Halimbawa:

a. Nagpaluto ako ng masarap na pinikpikang manok. (ang


pariralang ng pinikpikang manok ang tinutukoy ng iniluto)
b. Nagpaihaw sila ng malaking bangus.
c. Kumuha ang mga bata ng duhat sa bukid.
d. Pumulot ng mga kumikinang na bato ang mga bata sa Crystal
Cave.

3. Kaganapang Ganapan o Lokatib


Nasa ganapan o lokatib ang kaganapan ng pandiwa dahil ang
panaguri ay nagsasaad ng lugar na pinagganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

a. Nagtampisaw sa ilog ang mga dalaga. (ang pariralang sa ilog


ay nagsasaad kung saan nagtampisaw ang mga dalaga)
b. Nagsayaw ng retro sa plaza ang mga kabataan.
c. Pumulot ng dumi sa sahig si Ivan.
d. Kumuha ang damit sa aparador ang tatay.

4. Kaganapang Kagamitan o Instrumental

Ang kaganapang ito ay nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o


instrumento sa panaguri ang ginamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

a. Ginupit ng nanay ang mga pira-pirasong tela sa pamamagitan ng


gunting. (ang pariralang sa pamamagitan ng gunting ay nagsasaad
kung ano ang ginamit upang magupit ang tela.)
b. Iginuhit ni Norbert ang magandang tanawin sa pamamagitan ng
lapis.
c. Pinunasan ni Liyan ang mga upuan sa pamamagitan ng tuyong
basahan.
d. Binuksan niya ang kabinet sa pamamagitan ng susi.

5. Kaganapang Sanhi o Kosatib


Ito ang kaganapang nagsasaad sa panaguri kung ano ang dahilan ng
pandiwa.

Halimbawa:
a. Nagkasakit siya dahil sa pagpapabaya. (ang pariralang dahil
sa pagpapabaya ay nagsasaad ng pagkakasakit ng taong
tinutukoy)
b. Nakalimot si Dolores dahil sa dami ng gawain.
c. Nalugod ang mga kabatan dahil sa pabuyang ibinigay.
d. Natuwa si Joel dahil nakapasa siya sa UP Diliman.

6. Kaganapang Tagatanggap o Benepaktib

Ang kaganapang ito ay nagsasaad kung sino ang tatanggap o


makikinabang sa panaguri sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
a. Bumili si Jane ng mga gulay para sa kanyang panauhin. (ang
pariralang para sa kanyang panauhin ay nagsasaad kung para kanino
ang biniling gulay)
b. Nagluto si Nanay ng asado para sa kanyang pamangkin.
c. Namitas si Daniel ng mga bulaklak para kay Girlie.
d. Nanguha si Felisa ng mga kamatis para kay Anita.

7. Kaganapang Direksyunal

Ang kaganapang direksyunal ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na


taglay ng pandiwa sa panaguri.

Halimbawa:
a. Pumunta sila sa park. (ang pariralang sa park ay nagsasaad ng
direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa
b. Nagtungo sila sa lugar ng mga katutubo.
c. Nagpunta si Imelda sa Maynila

You might also like