You are on page 1of 4

PAARALANG GRADWADO

NOTASYONG PONETIKO
Balangkas ng Modyul:

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga notasyong,ponetiko


2. Naipapaliwanag ang kahulugan ng notasyong ponetiko
3. Nasusuri at natutukoy ang notasyong ponetiko

II. Panimulang Gawain

a. Mga Mahalang Tanong:

1.Bakit mahalagang matutunan ang notasyong ponetiko?


2. Paano isinisagawa ang transkripsyon sa notasyong ponetiko?

III. Introduksyon

Ang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig ,ay binubuo ng mga tunog .Sisimulan natin
ang pag-aaral sa Filipino sa pamamagitan ng mga tunog na bumubuo dito. Ngunit hindi natin
ganap na mauunawaan ang ating tinalakay kung hindi aalamin muna ang mga sangkap na
ginagamit natin sa paglikha ng nasabing mga tunog sa ating pagsasalita.Anupat magiging madali
at malinaw ang pag-aaral sa alinmang bahagi o antas ng Filipino kung magkakaroon muna tayo
ng sanligang kaalaman sa ponolohiya o palatunugan. Ayon kay Alfonso O. Santiago at Norma G.
Tiangco sa kanilang aklat na “Makabagong Balarilang Filipino”

IV. Nilalaman

Notasyong Ponetiko

-tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog ng pagsasalita.Mula ito sa salitang ponetiko sa


wikang Griyego phonetikos na nangangahulugan na bibigkas pa lamang. Hiniram natin sa Ingles
ang salitang phone (tunog) + tic at alinsunod sa tuntunin ng pagbigkas :tulad sa ponetikong
baybay. At sa pag-aasimila sa wikang Filipino,tinatawag natin itong ponetik at tinutumbasan ng
salitang palatinigan.

-sangay ng linggwistika na nag-aaral ng mga pantig o kataga o silaba na binibilang bilang


mga yunit ng tunog na ginagamit sa kanilang wika. Saklaw sa pag-aaral ng ponetiko ang galaw at
pamamaraan ng bahagi ng bibig ng tao kung paano isinasagawa ang pagpapalabas ng tunog sa
pagsasalita. Pinag-aaralan din sa ponetiko ang wastong pagbigkas at kung paano nalilikha ang
tunog.

-tawag sa tunog na kahit palitan ng ibang tunog ay walang kakayahang makapagpapaiba ng


kahulugan.
Sa transkripsyong ito, lahat ng tunog na marinig ng nagsusuring linggwist,makahulugan man
o hindi, aay kanyang itinatala. Kaya nga’t sa transkripsyong ito,hindi lahat ng tunog na binibigyan
ng kaukulang simbolong isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.

-tiyak at palagiang simbolong kumakatawan sa tanging isang tunog lamang na ipinapaloob ng


[ ] o bracket ang gagamitin sa transkripsyong ponetik. Ipinapakita sa transkripsyong ponetik ang
kaayusan ng mga tunog sa loob ng notasyon na kakaiba sa orihinal na pagkakasulat. Ang tunog na
ipinapasok sa notasyong braket ay mga “hilaw” pa o mga di makabuluhang tunog . Halimbawa
[a,s,o]
Sa mga guro at mag-aaral ng wika, hindi ito pinag-uukulan ng masusing talakay sapagkat ang
mga linggwista lamang ang gumagamit at nag-aaral sa ponetikong transkripsyon.

Sa transkripsyon ,mahalaga na malaman ang mga sumusunod:

Kung nagsasagawa ng transkripsyon ,de letra o script ang dapat na gamitin at hindi
“patakbo” o cursive.

Ang salita ,parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat na kulungan ng dalawang


guhit na pahilis.//

Hindi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon

Mga Halimbawa:

Palatuntunan - /pala.tuntu.nan/
Magpapakamatay - /magpa.paka.matay/
Magsasaka- / magsa.saka/
Mapagsamantala-/ mapag.saman.tala/
Nabubuhay-/nabu.buhay/
Naglalaro-/nagla.laro/
Sumasayaw-/suma.sayaw/
Naglalanguyan-nagla.la.nguyan/
Patutunguhan-patu.tu.nguhan/
Pinanalanginan-/pina.na.la.nginan/
Nakatunganga- naka.tu.nga.nga/
Kababaihan-kaba.ba.ihan/
Nagsasalita - /nagsa.salita’/
Isang basket - /isaŋ bas.ket/
Bagong kain – ba.goŋ ka.in/
Iniibig ko ang Pilipinas. Aking Lupang Sinilangan
/ini.i.big koh aŋ pilipi.nas/
/a.kiŋ lupaŋ sini.laŋan/

V. Kongklusyon

Batay sa mga ibinigay na pagpapakahulugan ang notasyong ponetiko ay mahalaga upang ang mga
mag-aaral ay matuto na malaman ang tamang pagbigkas ng mga salita at tamang pagbabaybay gamit ng
transkripsyon. Madaling matutunan ang notasyong ponetiko kung aalamin muna ang konsepto nito. May mga
salita na sa pagtranskribe ay nag-iba ang pagbababay ngunit ang kahulugan ay hindi nagbabago.Mapapansin
din na kinukulong natin ang dalawang guhit na pahilis ang simbolong kumakatawan sa bawat ponemang
banggitin natin dito upang mapaiba ito sa karaniwang letrang ginagamit sa palabaybayan. Nagkataon na
konsistent ang palabaybayan ng Filipino , kaya’y kung minsan ay may mga nalilito sa pagkakaiba ng ponena
at ng letra o titik .Sa Ingles ay madaling maipakikita ang pagkakaiba ng simbolong kumakatawan sa ponema
at sa mga letra ng palabaybayan .May mga titik na nag- iiba kapag ito ito itinatrankribe katulad na lang
halimbawa ng “n at ng” nagkaroon ito ng ibang titik kapag tunog ang pina-uusapan.
VI. Pagsasanay

Panuto: Isulat ng tamang transkripsyong ponetiko ang mga sumusunod na salita.

1. Transkripsyon
2. Kagandahan
3. Kaluwalhatian
4. Isang dipa
5. Isang kahig isang tuka
6. Sanlibutan
7. Karangyaan
8. Kadakilaan
9. Pagbabago
10. Transpormasyon
11. Kapangyarihan
12. Kahulugan
13. Kawikaan
14. Kasukdulan
15. Pangangaso

V. Talasanggunian

Munro,Brett (2013,December 15) Ponetikong Transkripsyon galling sa


https://filipino101,blog.tumblr.com/post/70081025567/ponetikong transkripsyon

Almario, Virgilio S. 2014 Ortograpiyang Pambansa.Manila City:Komisyon ng Wikang


Filipino
Santiago, Alfonso O. at Tiangco,Norma G. 2003.Makabagong Balarilng Filipino, Binagong
Edisyon.Manila Rex Bookstore,Inc.AKLAT
Santiago, Alfonso O. 1979.Panimulang Linggwistika.Quezon City:Rex Bookstore
Igot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika,Cebu City University of San Carlos
Garcia, Lydia G. 2000. Makabagong Gramar ng Filipino .Manila: Rex Bookstore,Inc.
siningngfilipino.blogspot.com
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Likha
Publications:Cebu City
Zamora, Nna Christina et. Al.Komunikasyon sa Akademikong Filipino .Mutya
Publishing ,Inc.:Malabon City

Inihanda ni:

ANDREA P. CABARLES
Tagapag-ulat

You might also like