You are on page 1of 14

West Visayas State University

Lambunao Campus
College of Education
Lambunao, Iloilo

FIL-ED 210 – INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN

Mga Araling I-uulat: Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles at


Pagsasalin sa larangan ng agham at teknolohiya

JESSA MAE M. BISORIO CHERRIE MAE R. ALADA


Mga Taga-Ulat Guro

[A. KABUUANG NILALAMAN NG ULAT]

PAGDEVELOP NG WIKA AT EDUKASYONG PANGWIKA


Ponciano B.P. Pineda

Unang usapin: Ang gamit sa TAGALOG bilang wikang pambansa, laban sa panukalang
inihapag, upang magdevelop ng isang pinaghalong wikang pambansa mula sa mga
pangunahing bernakular.

Ang Tagalog ang batayan ng wikang pambansa na nadevelop alinsunod sa


Commonwealth Act No. 184 na nagpapatupad ng mandatong pangwika ng 1934
Konstitusyon. Sa Atas administratibo noong 1959, ang wikang pambansa na batay-sa-Tagalog
ay nagiging Pilipino. Ang layunin ay iwasto ang paratang na ang wikang pambansa ay
“walang iba kundi purong Tagalog”. Si Demetrio Quirino Jr. nagpilit na ang Pilipino ay
100% Tagalog pa rin, walang ibang layunin kundi ang manligaw.

Ang bagong Konstitusyon (1973) naglalayong “magdevelop ng isang wikang


pambansa na kikilalaning Filipino.”Ang Pilipino kasama ang Ingles, “ang magiging opisyal ...
Hangga’t walang itinadhanang iba ang batas. Lumikha ng isang wikang IDEAL na bubuuin o
lilikhain sa pamamagitan ng isang KONGLOMERASYON ng lahat na umiiral na katutubong
wika. Ang ”amalgamasyon” Ninanais na magkaroon ng patas na kontribusyon sa lahat ng
wikang kasangkot.

Ang Filipino, na umusbong sa gayong sistema ng inhenyeriyang pangwika ay walang


kultura. Natatakda itong mabigo gaya ng Esperanto, Volapuk, at iba pang wikang artipisyal.
Nagsimula ang intelektuwalisasyon ng Pilipino sa mga paaralan sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingguwal, kahit pa sa matamlay na pagpapatupad nito. Ang pagpipilit na ang
Pilipino ay 100% Tagalog ay pagbubunyag ng malinaw na kamangmangan sa kalikasan ng
isang buhay na wika. Ang “paghahalo” o “amalgasyon” ay makikitang resulta ng
pagpapayaman at pagpaparami ng bokabularyo, at sa ilang kaso.

Batasang Pambansa ng Parliamentary Bill NO. 7199 ni MP Pacificador


“The Commissions shall take steps to develop a common national language to be known as
Filipino with Pilipino as the nucleus. Mula sa SWP, nagpapakita na mahigit 77% ng mga
Pilipino ang nakakaunawa at nakapagsasalita ng Pilipino. Layon ng Parliamentary Bill No.
7199 na isabatas ang Ingles bilang “perpetual national and international language of the
country,” at bilang “sole medium of instruction in the whole educational system more
particularly in the tertiary level.” (sek 7-8)

Ikalawang usapin: Ang pagsasaalang-alang sa paggamit ng Tagalog bilang midyum ng


instruksyon habang hinihintay ang pagdevelop ng isang pinaghalong wikang pambansa.
Atas ng D.O. No. 25, s. 1974 na tumupad sa diwa ng NBE Resolution No. 73-7. Posibleng
pagbura ng Pilipino – hindi Tagalog – bilang midyum ng instruksyon. Ang kailangan sa
puntong ito ay hindi ang pagbasura sa Pilipino bilang midyum sa instruksiyon, sa halip ay ang
ganap, wasto, at hustong pagpapatupad ng patakaran sa edukasyong bilingguwal, na halos
nanatiling isang “patakaran sa papel” lamang pagkaraan ng 11 taong implementasyon. To
develop a bilingual nation competent in the use of both English and Filipino” Kailanganing
balangkasin ang isang bagong gramatika, kailangang idisenyo ang isang masinsing
diksyonaryo, kailangang idevelop ang isang ang isang kakatwang idiyoma at retorika.

#ORTOGRAPIYA

Ang isang wikang pambansa na idedevelop bilang isang nasyonal o supra-etnikong


wika, tawagin man itong Filipino o anuman sa isang lehislatibong atas, ay kailangang
magagamit sa pambansa, isang mapauunlad na wika, at mapayayaman sa linguistic
progression. Ang kompetensi sa Ingles ng mga mag-aaral ay hindi mapabubuti sa
pamamagitan lamang ng pagtatanggal ng Pilipino. Ang pagpupunyaging pahusayin ang Ingles
ng ating kabataan ay kinakailangang malay sa kasalukuyang realidad. Mayroon tayong
tinatawag na kalayaan, kasarinlan!

Ikatlong usapin: Ang muling pagsasaalang-alang sa paggamit ng Tagalog bilang midyum


ng instruksyon kaugnay ng paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral na
makipagtalastasan sa Ingles.

Mahalagang suriin ang apat na baryabol sa pagkatuto sa wika, viz, metodolohiya,


distansyang sosyal, salik pangguro at aktitud.

UNA
•Paano itinuturo ang Ingles sa mga paaralan?
•Anong metodolohiya ang gamit sa pagtuturo ng Ingles?
Kinakailangang angkop sa pangangailangan ng mag-aaral sa Filipino.
Kung depektibo ang metodolohiya, aasahang hindi ito matututo ng anumang wikang banyaga.

PANGALAWA
•Banyaga ang wikang Ingles ngunit inaaral ito bilang unang wika.
•Inaaral ito sa Pilipinas na may ibang sosyo-kultural kompara sa lugar na katutubong sinasalita
ang Ingles.
•Ang pakikipag-usap sa mga gumagamit ng target na lengguwahe bilang unang wika ay isa
ring salik sa pagtamo ng kompetensing komunikatibo sa wikang inaaral
•Nahahadlangan ang kahusayang komunikatibo sa Ingles ng nakararaming Filipino dahil hindi
pinahihintulutan ng sitwasyon.

PANGATLO
•Mismong ang mga guro ay nangangailangan ng pagpapahusay ng kanilang kompetensi sa
Ingles.
PANG-APAT
•Kinakailangang ganyakin ang mga estudyante na matuto ng Ingles na, kasawimpalad, walang
gamit sa labas ng klase. Madaling matutuhan ang Pilipino hindi lamang sa mga paaralan kundi
maging sa labas nito.
•Wika ito ng midyang pangmadla at ng entertainment.
•Wika itong ginagamit sa mahigit 5,000,000 magasing komiks na kinikonsumo lingo-lingo ng
taumbayan.
•Maging sa pelikula na pinapanood ng mga tao sa buong Pilipinas.

Natural na napagtitibay ang Pilipino sa labas ng paaralan. Kung humina sa Ingles ang mga
estudyante, hindi dahil mahusay na ngayon sa Pilipino ang mga kabataan. At kung
magkagayon nga, tanging ang mga utak kolonyal na edukador ang desmayado.
Ikaapat na usapin: Mga dulog sa “interlektuwalisasyon ng Tagalog,” i.e. ang gamit nito
sa malawak na kaalaman upang ang isang taong nagsasalita lamang sa Tagalog ay hindi
mahihirapan sa pagbasa ng mga aklat sa anumang sabjek na interest niya.

Kailan magiging intelektwalisado ang wikang Pilipino?


Department Order Blg. 25, s. 1974

Bilingual education in the Philippines is defined operationally as the separate use of Filipino and
English as the media of instruction in specific subject areas. As embodied in the DECS Order No.
25, Pilipino (changed to Filipino in 1987) shall be used as the medium of instruction in social
studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics, practical arts, and
character education. English, on the other hand, is allocated to science, mathematics, and
technology subjects. The same subject allocation is provided in the 1987 Policy on Bilingual
Education which is disseminated through Department Order No. 52, s. 1987.

Kaso ng wika sa labas ng bansa:

•Suporta ng gobyerno sa mga hakbang sa pagdevelop ng wikang pambansa.


•Sa ibang bansang ASEAN na tulad sa atin ang suliraning pangwika, gaya ng Malaysia at
Indonesia, nagbibigay ng ganap na suporta ang gobyerno sa ahensiyang may atas na
magdevelop at magpalaganap ng wikang pambansa.
•Ang ahensiyang pangwika ay lumilikha ng mga patakaran na ipinatutupad ng gobyerno sa
pamamagitan ng mga batas.

Kaso sa Pilipinas:
•Hindi binibigyan ng ang SWP ng ganap na suportang moral at pagganyak na kailangan nito.
•Kakulangan ng pondo.

PAGPAPLANO NG WIKA UKOL SA PAMBANSANG PAGSULONG


Ponciano B.P. Pineda

Ang Batas ng Wikang Pambansa


Batas Komonwelt Blg 184 “pagkalikha ng SWP”
The execution of the plan is placed mainly in the hands of the Institute created by law as the
technical body. The work of the institute comprises three steps: preparation, development, and
supervision as outlined in the National Language Act No. 184. Si Norberto Romualdez ang
tinaguriang ama ng Batas ng Wikang Pambansa.
Pig. 2. Tipolohiya ng Pagpapasiyang Pangwika ni Haugen (1966)
Bagong pananaw
Hangga’t nililinang ang wikang pambansan, gagamitin ang Pilipino bilang opisyal na wika ng
Pilipinas.

Sa pagkilalang konstitusyonal na opisyal ang PIL, ito'y tumibay nang higit pa sa kalagayan nitó
bago sinulat ang tadhanang pangwika sa bagong SB. Ang patakarang pambansa ay malinaw:
Magsagawa ng mga hakbangin para sa pagbuo ng FIL há bang patuloy na gagamitin ang PIL hindi
lá mang ng pamahalaan kundi ng bansa. Walang anuman sa batas na nagbabawal sa alinmang
sektor ng lipunang pribado sa paggamit ng opisyal na PIL.

PAGLIKHA NG TERMINOLOHIYA: ANG LANDAS

Leksikon

1. larangan ng pangangailangan—saan kailangan ang dagdag na salita; anong salita ang


kailangan.
1.1 teknikal—pinakakrusyal sa elaborasyon; ito’y kaugnay ng mga gawaing pangkaunlaran
1.2 karaniwan—kinakailangan sa pagpapalawak ng wika sa iba pang larangan
1.2.1katutubo—ang nagpapahayag ng unikong katangian ng kalinangang etniko
1.2.2 dayuhan—kung may kakulangang mapagpupunan

2. mga aspektong kaugnay


2.1 balarila
2.1.1 kayariang morpolohika
2.1.1.1 batayang salit.
2.1.1.2 anyuing hango
2.2 palatunugan
2.3 palabigkasan

3. ortograpiya—sa paglikha ng mga terminolohiya’y mahalagang magkaroon ng pagpapasiya


ang tagapagplano. Maaaring magkaroon siya ng mapamimilian sa ayos ng kahalagahan.

Halimbawa:
1. transliterasyon
1.1 tradisyong Castilla
1.2 tradisyong Ingles
2. traduksiyon
2.1 ng salit.
2.2 ng kahulugan
3.ganap na pagtutumbas
3.1 ng salit.
3.2 ng diwa
Tagapagpatupad
1.Sanggunian ng Wika sa Pambansang Pagpapaunlad
2.Lupon sa Estandardisasyon ng Pilipino sa Mass Media

Pagsusubaybay
PAGPAPLANONG WIKA AT PAGDEVELOP NG PILIPINO
Bonifacio P. Sibayan

Modelo ng Pagpaplanong Pangwika ni Haugen


1.Pagtukoy sa suliraning may kaugnayan sa wika.
a.Ekstensibong saliksik ng mga katibayan
b.Saklaw ng suliranin
c.Paggamit ng mga pag-aaral, survey, atbp.
d.Pagbuo ng ipotesis
2. Pagsasaalang-alang ng mga alternatibong plano ng aksiyon—pinatibay o kininis na ipotesis
a. konsultatibo
b. paggamit ng karanasan ng ibang mga bansa (nangangailangan ng
kaalaman sa mga pag-aaral—maaaring hawig ito sa 1c sa itaas)
3. Pagpapasiya
a. ng mga pribadong tao o grupo
b. ng mga opisyal o tanggapan ng pamahalaan
4. Pagpapatupad ng mga pasiya sa tiyak na paraan
a. matagalan—madalian
b. nino—para kanino—sino ang target na populasyon
c.kinabib.langan ng badyet, talatakdaan, atbp
d.ebalwasyon—pana-panahon o kasalukuyang isinasagawa at pinal
(na awtput, atbp)

ISYU NG WIKA SA PILIPINAS


“Ang paggamit ng wikang Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan
sa Pilipinas sa lahat ng aralin maliban sa agham at matematika?”

Ang sabay na gamitin ang Pilipino bilang wika ng pagtuturo sa kolehiyo at mataas na
paaralan at dapat na bigyang-diin doon upang:

(1)maging prestihiyosong wika ang Pilipino;


(2)ang iskolarsip sa iba’t ibang disiplina ay isusulat at tatalakayin sa wikang ito.
(3)ang mga kinakailangang aklat, lalo na yaong mga tungkol sa ib.’t ib.ng disiplina ay dapat
isulat sa Pilipino, kung di man ang orihinal, kahit sa salin man lamang.
Isa sa mga solusyon sa suliraning sa pagbuo ng isang wikang pambansa ay ang pagtatayo ng
isang suriang pangwika– SWP. Kaya ang SWP ang tanging solusyon sa suliraning pangwika.
Ang isang solusyon ay may nakaharap na mga problema – o nakatutulong ito upang
maklala ang mga sub-problema. Ito ang SWP.
Wikang Pambansa VS Wikang Bernakular

Katibayan: Hindi pa tayo handa sa maraming aspekto para sa ganap na pagpapatupad.


Pagsusuri
1.Magsimula tayo sa problema. Ang mga suliraning dulot ng paggamit ng Pilipino bilang
midyum ng pagtuturo sa lahat ng sabjek maliban sa matematika at agham.

●Alamin natin ang mga sub-problema.


a. Kakulangan ng materyales pampagtuturo at sanggunian. Walang tiyak na materyales sa
Pilipino.

b. Sa maraming lugar na di-Tagalog, maraming guro ang hindi handing magturo sa Pilipino. c.
May mga umiiral na pagtutol sa mga tiyak na lugar.
Huminto tayo doon.

2. Mga mungkahing alternatibong plano ng aksiyon—ilang ipotesis.


May kagyat na pangangailangan para sa mga teksto at sanggunian:

a. Ipotesis: Ang mga teksto at sangguniang ito ay mahusay na


maihahanda sa SWP—may panahon kay., (Maaaring sabihin ninyong wala kay.ng pondo,
ngunit hindi kay. ang mag-iimprentang mga iyon; may ib.ng mag-iimprenta noon).

b. Pasiya: Dapat pangunahan ng SWP ang paghahanda ng mga aklat na ito.

3. Pagpapatupad
a. Planong aksyon

Sa pangunguna ng SWP—sa pakikipagtulungan sa BEE, BSE, BHE, mga kolehiyo at mga


unibersidad—ang mga aklat ay dapat sulatin sa bawat larang ng karunungan—mga salin muna
—sa lahat ng antas.

Ang mga kailangan nilang (mga guro at superbisor) teksto at sanggunian ay maaaring ihanda
ng SWP sa pakikipagtulungan sa mga kolehiyo at unibersidad at maaaring maging ng mga
imprenta. Paano maililinang? Edukasyon ng mga guro upang mahusay sa pagtuturo kapuwa sa
Ingles at Pilipino Ang sikolohikong pagtututol sa Pilipino bilang wika ng pagtuturo sa ilang
lugar.

ANG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA SA PAGPAPAUNLAD NG WIKANG


PAMBANSA
Andrew B. Gonzalez, FSC

Surian ng Wikang Pambansa – Ahensiyang nangangalaga sa pagpapaunlad ng wika.


Naitatag noong 1936 dahil sa Batas Komonwelt. Quezon ay nagrekomendang Tagalog ang
gawing batayan ng wikang pambansa. 1959, naging Pilipino alinsunod sa kautusan ng kalihim
ng edukasyon. Noong 1973, magsagawa ng hakbang at tatawaging Filipino.
Pagkukulang ng SWP sa diseminasyon nito sa pamamagitan ng sistemang edukasyon,
mass media, at ang panimulang elaborasyon nito bilang wika ng diskursong iskolarli.
Kalagayang legal ng SWP ay mananatili dahil sa kaisipang na ang Pillipinong batay sa
Tagalog.

Bansang may katulad na problemang pangwika sa Pilipinas


Pinili ang isang wikang umiiral na sinasalitang mula sa maraming wika ng pangkat ng
nabubuhay na komunidad na nagtatangkang bumuno ng isang nasyon.
Isang Pahambing ng Pagtingin sa mga Akdemya ng Wika sa Ibang mga Bansa
Posible ba na magkaroon ng isang wikang pambansa na walang isang ahensiyang
namamahala?

1. Académie Francaise ng France


2. Spanish Academie ng Spain
3. Dewan Bahasa dan Pustaka ng Malaysia
4. Lembaga Bahasa ng Indonesia

Ang bentahang nakikíta ko sa pagiging awtonomo ay hindi silá nakatali sa mga problemang
burukratiko ng Ministri ng Edukasyon; maaaring tingnan sa pambansang perspektiba at
tingnan ang pagsisikap sa estandardisasyon, diseminasyon, at elaborasyon, sa holistikong
pananaw at hindi lámang sa punto ng sistema ng edukasyon, na maaaring makalikha ng
makitid na pagtingin sa mga gawain at mga paraang kailangang gawin upang maisagawa ang
gawaing ito.

May kakulangan ang diseminasyon ang SWP dahil wala silang pakialam sa mass
media. Ito ang nangyayari sa Pilipino noong nakalipas.

Ang Papel ng Akademya sa Pilipinas

Ang problema ay seleksyon at ito’y isang malaking problema. Ang pagpili ng isang wikang
hindi buhay at tatawaging Filipino. PANANALIKSIK ang kailangan upang mabuo ang
FILIPINO. Ang pag-aalinlangan kung ang mga kasapi ng komunidad ay may tiyagang matuto
ng bagong wikang ito upang magamit nito at mapayabong. Kagaya ng Esperanto.
[B. BUOD NG MGA NILALAMAN NG ULAT PARA SA VISUAL AIDS: MANILA PAPER]

I. Pagdevelop ng Wika at Edukasyong Pangwika: Ponciano B.P. Pineda

1. Unang Usapin: Gamit ng Tagalog bilang Wika Pambansa


 Tagalog ang batayan ng wikang pambansa alinsunod sa Commonwealth Act
No. 184.
 Pagiging Pilipino ng wikang pambansa pagkatapos ng Atas administratibo
noong 1959.
 Layunin ng Konstitusyon ng 1973 na magdevelop ng Filipino, isang wikang
kikilalanin.

2. Ikalawang Usapin: Pagsasaalang-alang sa Paggamit ng Tagalog


 D.O. No. 25, s. 1974: Paggamit ng Tagalog habang naghihintay sa
pagpapaunlad ng wikang pambansa.
 Pangangailangan ng edukasyong bilingguwal.
 Pangangailangan ng bagong gramatika at diksyunaryo.

3. Ortograpiya
 Mahalaga ang pag-unlad ng ortograpiya para sa pagpapayaman ng wika.
 Ang kompetensi sa Ingles ay hindi mapapabuti sa pamamagitan ng pagtanggal
ng Pilipino.
 Ang suporta ng Parliamentary Bill NO. 7199 na ituring ang Ingles bilang
perpetual na wika.

4. Ikatlong Usapin: Pagsasaalang-alang sa Paggamit ng Tagalog sa Instruksiyon


 Analisis ng mga baryabol sa pagkatuto ng wika.
 Problema sa metodolohiya, distansyang sosyal, salik pangguro, at atityud.
 Pagsusuri sa mga guro, pagtuturo ng Ingles, at kahalagahan ng Ingles sa
lipunan.

5. Ikaapat na Usapin: Dulog sa "Interlektuwalisasyon ng Tagalog"


 SWP Department Order Blg. 25, s. 1974.
 Paggamit ng Filipino at English bilang midyum ng instruksiyon sa iba't ibang
asignatura.

II. Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsulong: Ponciano B.P. Pineda

1. Batas ng Wikang Pambansa


 Batas Komonwelt Blg 184: Paglikha ng SWP.
 Pagtatag ng Institute para sa pagpaplano, pag-unlad, at pagsupervise ng wika.
 Si Norberto Romualdez ay ang ama ng Batas ng Wikang Pambansa.

2. Bagong Pananaw: Gamitin ang Pilipino bilang Opisyal na Wika


 Pagtibay ng PIL sa 1987 Constitution.
 SWP ang solusyon sa suliraning pangwika.
 Isyu ng SWP sa Pilipinas at sa ibang bansa na may katulad na problema.
III. Pagpaplano ng Wika at Pagdevelop ng Pilipino: Bonifacio P. Sibayan
1. Modelo ng Pagpaplanong Pangwika ni Haugen
 Pagtukoy sa suliraning may kaugnayan sa wika.
 Alternatibong plano ng aksiyon: Konsultatibo, paggamit ng karanasan ng ibang
bansa.
 Pagpasiya at pagpapatupad ng mga pasiya.

2. Isyu ng Wika sa Pilipinas


 Suliraning dulot ng paggamit ng Pilipino sa pagtuturo.
 Sub-problema: Kakulangan ng materyales at sanggunian, pagtutol sa ilang
lugar.
3. Mga Alternatibong Plano ng Aksiyon
 Kagyat na pangangailangan para sa teksto at sanggunian.
 Ang SWP ay dapat manguna sa paghahanda ng mga aklat.

4. Pagpapatupad ng Planong Aksyon


 SWP sa pangunguna at pakikipagtulungan sa iba't ibang sektor.
 Edukasyon ng mga guro sa Ingles at Pilipino.
 Sikolohikong pagtutol sa Pilipino.

IV. Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Andrew


B. Gonzalez, FSC
1. Surian ng Wikang Pambansa
 Naitatag noong 1936 alinsunod sa Batas Komonwelt.
 Pilipino ang naging opisyal na wika noong 1959, Filipino noong 1973.
 Pagkukulang ng SWP sa diseminasyon at pagsasagawa ng surian sa buong
bansa.

2. Bansang May Katulad na Problema


 Pagpili ng wikang umiiral sa komunidad.
 Pagsusuri sa mga akademya ng wika sa ibang bansa.

3. Ang Papel ng Akademya sa Pilipinas


 Problema sa seleksyon ng wika.
 Pananaw ukol sa awtonomiyang ahensiyang pangwika.
 Kakulangan sa diseminasyon ng SWP sa mass media.

[C. MGA PALIWANAG HINGGIL SA ULAT:]


Ang ilang mahahalagang punto at usapin ay maipapaliwanag ng sumusunod:

I. Pag-develop ng Wika at Edukasyong Pangwika:

Unang Usapin: Gamit ng Tagalog bilang Wika Pambansa

 Ang Tagalog ay naging batayan ng wikang pambansa alinsunod sa Commonwealth


Act No. 184, ngunit ito'y naging Pilipino noong 1959.
 Layunin ng Konstitusyon (1973) na mag-develop ng wikang Filipino.
 Batasang Pambansa ng Parliamentary Bill No. 7199 ni MP Pacificador naglalayong
isabatas ang Ingles bilang perpetual national and international language.

Ikalawang Usapin: Paggamit ng Tagalog bilang Midyum ng Instruksyon


 D.O. No. 25, s. 1974, tumutok sa edukasyong bilingguwal at ang pangangailangan sa
paggamit ng Tagalog.
 Pangangailangan sa pagbuo ng bagong gramatika, diksyunaryo, at iba pang yaman ng
wikang pambansa.

Ikatlong Usapin: Ortograpiya


 Pagtutok sa pagpapayaman at pagpaparami ng bokabularyo, at ang kahalagahan ng
Ingles sa kasalukuyang realidad.

Ikaapat na Usapin: Interlektuwalisasyon ng Tagalog


 Pagmumungkahi na ang Tagalog ay gamitin sa malawakang kaalaman para sa mas
malawakang pang-unawa ng mga Pilipino sa iba't ibang disiplina.

II. Pagpaplano ng Wika ukol sa Pambansang Pagsulong:


 Pagsusuri sa Batas ng Wikang Pambansa (Batas Komonwelt Blg. 184) na nagtatag ng
Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
 Bagong pananaw na gagamitin ang Pilipino bilang opisyal na wika habang hinuhubog
ang wikang pambansang Filipino.

Paglikha ng Terminolohiya: Ang Landas


 Pagbuo ng leksikon at pagpapasya sa mga aspeto ng wika tulad ng balarila,
palatunugan, at ortograpiya.

III. Pagpaplano ng Wika at Pag-develop ng Pilipino:


 Pagtukoy sa suliranin may kaugnayan sa wika at ang paglikha ng mga alternatibong
plano ng aksiyon.
 Pangangailangan sa edukasyon ng mga guro at sikolohikong pagtutol sa Pilipino sa
ilang lugar.

IV. Ang Surian ng Wikang Pambansa sa Pagpapaunlad ng Wika:


 Kasaysayan at papel ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
 Problema sa diseminasyon at ang pangangailangan ng pag-aaral at pagpapaunlad ng
Filipino bilang wika ng diskursong iskolarli.

Isyu ng Wika sa Pilipinas:


 Pagpapasya sa paggamit ng Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan
maliban sa agham at matematika.
 Pagsusuri sa mga sub-problema at mga alternatibong plano ng aksiyon.

Kongklusyon: Ang mga nabanggit na aspeto ay naglalaman ng mga hamon at solusyon sa


pag-unlad ng wikang pambansa at edukasyong pangwika sa Pilipinas. Ang mga suhestiyon at
pagsusuri ay naglalayong mapabuti ang implementasyon ng wika sa edukasyon at lipunan ng
bansa.

You might also like