You are on page 1of 217

lOMoARcPSD|22318832

Modyul sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Bachelor in Secondary Education (Ifugao State University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)
lOMoARcPSD|22318832

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA


MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA

lam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya? Integral dahil
kakambal niya ito noong nasilayan niya ang liwanag sa mundong ating ginagalawan.

Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang kaniyang instrumento o
kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang nadarama at opinyon. Sa pamamagitan din ng wika ay
nasasalamin ang kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo dahil may sarili tayong
Wikang Pambansa na daluyan ng karunungan— daan tungo sa pag-unlad ng bayan.

Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:

Pangkaalaman:
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng Wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
Pangkasanayan:
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
sa lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal
at modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon
at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan:
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino
sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang idea.

Paunang Gawain: Panoorin ang dokumentaryong may pamagat na “Sulong Wikang Filipino:
Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” ni Det Neri”.

 Talakayin:
1. Ano ang damdaming nasa likod ng dokumentaryo? Ipaliwanag sa pamamagitan ng
paglilimi sa kahulugan ng pamagat.
2. Itala ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at buong bansa, ayon sa dokumentaryong pinanood.
3. Sino si Dr. Patricia Licuanan?
4. Ano ang tinatayuan ng akronim na CHED at CMO?
5. Anong CHED-Memo ang itinuturing na Anti-Filipino at bakit?

P a h i n a 1 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin

 Ang Wikang Pambansa


Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng mga
mamamayang may iba-ibang nasyonalidad at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na isang
mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa
gayon, ay para sa pambansang pagkakaunawaan. Sa wikang ito sumisibol ang damdamin ng
pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng pambansang
watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag ng isang pambansang
pamahalaan (Almario, 2014).

Dagdag pa ni G. Virgilio S. Almario, Alagad ng Sining sa Literatura at Tagapangulo ng Komisyon


sa Wikang Filipino (KWF), malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng dominante at/o
pinakamaraming pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang pangkat na gumanap ng
pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa. Maaari ding maging dominante ang wika
sa pook na sentro ng komersyo, edukasyon, kultura, at gawaing pampolitika. Sa ganitong paraan
lumitaw na wikang pambansa ng Pransya ang wika ng Paris, ng Great Britain ang wika ng London, ng
Tsina ang wika ng Beijing, ng Espanya ang wika ng Castilla, ng Rusya ang wika ng Moskba, at ng marami
pang bansa.

Maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika ang nagpanitili sa wika ng kanilang mananakop
bilang wikang pambansa. Espanyol ang wikang pambansa ng Mexico, Cuba, Bolivia, Argentina, Chile,
at iba pang bansa kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa sumakop na Espanya. Portuges ang wikang
pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng Portugal. Pranses ang wikang pambansa sa Algeria. Ingles
ang wikang pambansa ng Timog Aprika. Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili
ng Indonesia ang Dutch katulad ng hindi pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles, at tulad ng Filipinas na
pinili ang pagbuo ng katutubong wikang pambansa (Almario, 2014).

Ang Wikang Pambansang Filipino ay dumaan sa hindi mabilang na kontrobersya at


nagpapatuloy pa ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi na ito bago sa atin, alam na natin ito. Dapat nating
maintindindihan na habang nagdaraan ang Filipino sa samo’t saring mga pagsubok ay lalong tumatatag
ang pundasyon para lalo pa itong malinang at magamit sa mahusay at malawakang pamamaraan.

 Mga Isyung Pangwika


Narito ang kasaysayan ukol sa mga kontrobersyang pinagdaanan ng Wikang Pambansa.

• Una. Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong Konstitusyonal na pumili ng isang


katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalista at
Kontra-Kolonyalista.
Matatandaan na hindi nagkasundo ang mga delegado sa 1934 Kumbensyong
Konstitusyonal kung aling katutubong wika ang dapat na ideklarang wikang pambansa. Sa
unang diskusyon pa lamang, o sa pamamagitan ng talumpati ni Felipe R. Jose noong 13 Agosto
1934, ay Tagalog na ang liyamadong katutubong wika. Ngunit sinalungat ito ng mga
delegadong nagnanais na wika nila ang maiproklama. Pangunahing naging kalaban ng mga
Tagalista ang mga delegadong nagpasok sa Sebwano at Ilokano. Ang mga delegadong ito ang
humati sa nasyonalismong pangwika noong 1934, muli noong 1972, at hanggang ngayon, lalo
na sa likod ng panukalang Federalismong Pampolitika (Almario, 2015).

• Ikalawa. Ang paglapastangang ginagawa ni Gng. Arroyo sa wikang Filipino. Noong nasa
posisyon siya bilang Pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive Order Blg. 210 na
may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second
Language in the Education System”. Nilayon ng naturang EO na palakasin ang Ingles sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit nito (ng Ingles) bilang
wikang panturo, bagay na kwinestyon sa Korte Suprema noong Abril 27, 2007.

P a h i n a 2 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahahalagang isinasaad ng EO 210 ay ang


sumusunod:

… ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa lahat ng antas ng sistema
ng edukasyon, simula sa unang baitang.

… ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa pagtuturo ng


asignaturang English, Math at Science hanggang sa ikatlong baitang.

… ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng


institusyong pampubliko sa antas sekundarya.

… at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang bilang ng oras na ilalaan sa mga


asignaturang ituturo sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi bababa ng 70% ng
kabuoang oras na inilaan sa lahat ng larangan ng pagkatuto (learning areas).

… ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng pagtuturo sa asignaturang


Filipino at Araling Panlipunan.

Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa pag-uutos na palakasin
ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran. Mahina sa Ingles ang mga estudyante, ayon sa
taya ng noo’y Pangulo. Nagulat siya nang malaman na maraming bakanteng trabaho sa mga call center
ang di napupunan dahil bumabagsak sa eksaminasyon sa Ingles ang mga aplikante. Dagdag pa niya,
Ingles ang wika ng Information and Communication Technology o ICT. Ang solusyon ng Pangulo sa
problema ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang panturo.

Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong Arroyo ay itinuturing na hindi makatwiran. Ito ay
dahil sinalaula nito ang konstitusyong pangwika upang tugunan ang trabaho sa mga call center. Ang
pangangailangan sa mga kababayan nating mahusay mag-Ingles para punan ang mga posisyon sa mga
call center ay pansamantala at limitado lamang. Dahil ang totoo, may 40,000 hanggang 60,000 trabaho
lamang ang naghihintay sa mga call center. Hindi makatwirang ibatay ang patakarang pangwika ng
buong sistemang pang-edukasyon sa kakarampot na trabaho lamang.

Bukod dito ay inihain ngayon sa Kongreso ang House Bill No. 5091 o “An Act to Strengthen and
Enhance the Use of English as the Medium of Instruction in the Educational System” ni Rep. Gloria
Macapagal-Arroyo ng Ikalawang Distrito ng Pampanga.

• Ikatlo. Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino,


Panitikan at Philippine Government and Constitution bilang mga asignatura sa kolehiyo.

Narito ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga taong kasangkot sa pagtatanggol ng wikang
Pambansa para sa mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa.

Taong 2011 Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa Kolehiyo
Oktubre 3, sa pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan, convenor ng Tanggol Wika,
2011 Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila at
sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning “urging the
Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Education
(DepEd) to consider issuing an immediate moratorium on the implementation of
the senior high school/junior college and Revised General Education Curriculum
(RGEC) components of the K to 12 Program which might cause the downsizing or
even abolition of the Filipino departments in a number of universities (other
departments would surely be downsized too).”

P a h i n a 3 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Agosto 29, Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C.


2012 Umali, Esq. na walang asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education
Curriculum (RGEC).
Disyembre 7, Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo’y pangalawang
2012 tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU, inilabas ng Departamento ng
Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may
pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang
Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang
Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.”
Mayo 31, Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa Komisyon sa Wikang
2013 Filipino (KWF), pinagtibay ng mga gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso
ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang
resolusyon hinggil sa “Pagtiyak sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa
Antas Tersyarya”. Humigit kumulang 200 guro ang nakipagkaisa sa hangaring ito.
Hunyo 28, Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa
2013 bagong kurikulum sa antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self;
Readings in Philippine History; The Contemporary World; Mathematics in the
Modern World; Purporsive Communication; Art Appreciation; Science, Technology
and Society; Ethics.” Kumpirmadong walang asignaturang Filipino sa planong
kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12.
Marso 3, 2014 Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED. Pinamunuan ito
nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol Wika sa udyok nina Dr.
Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU). Kasama sina Prop.
Jonathan Geronimo, Prop. Crizel Sicat-De Laza ng University of Santo Tomas (UST),
mga kaibigan at mga kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad. Nilahukan
ito ng mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UST, UP Diliman at UP
Manila, Ateneo de Manila University, PNU, San Beda College-Manila, PUP-Manila,
National Teachers College, Miriam College (MC) atbp., at mga samahang pangwika
gaya ng PSLLF, Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS),
at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) at humigit- kumulang 200 pirma.
Mayo 23, Pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts-National Committee
2014 on Language and Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING
SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG
REPUBLIKA NG FILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG
UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS
TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO” na
nagsasaad na: “...puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang
asignaturang Filipino...”
Hunyo 20, Inilabas naman ng KWF ang “KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA KOMISYONER
2014 BLG. 14-26 SERYE NG 2014... NA NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA
WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
(CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.” Iginigiit ng nasabing kapasyahan ng
KWF ang “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit
lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit
at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina—na pagkilala sa Filipino bilang
pintuan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak
ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o
P a h i n a 4 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa


Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino.”
Hunyo 2, 2014 Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner
ng CHED na sina Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista
ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State
University.
Hunyo 16, Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan, convenor Tanggol Wika at
2014 Dr. Antonio Contreras at paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na
muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene ang Technical
Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee,
kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
Hunyo 21, Bienvenido Lumbera, National Artist – Isa sa mga Tagapagsalita sa Forum at
2014 paglahok ng halos 500 delegado mula sa mga kolehiyo, unibersidad at
organisasyong pangwika at pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum sa DLSU – Manila.
Hulyo 4, 2014 Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin ng Tanggol Wika.
Agosto 2014 Inilabas ang dokumentaryong gaya ng “Sulong Wikang Filipino” (panayam kay Dr.
Bienvenido Lumbera) at “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para
Kanino?”
Setyembre Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng
2014 Wikang Pambansa”.
Abril 15, 2015 Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr.
Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis
Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100
propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka
Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng
ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
(Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na
nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad
ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner
ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education
[CHED] Dr. Patricia Licuanan).
Abril 21, 2015 Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte
Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary
restraining order (TRO).
Hulyo 18, Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the Implementation of
2016 CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 Entitled “General
Education Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies”.
Setyembre 23, Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni
2016 Prop. Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na
organisasyong Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol
Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang
Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na
Philippine History subject).

P a h i n a 5 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Hulyo 11, Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED – Dr. Patricia
2017 Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan
Courses in All Higher Education Programs), na hindi naman nila gaanong
ipinalaganap.
Agosto 9, Natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation and motion” sa Korte
2017 Suprema ng Office of the Solicitor General.
Agosto 25, Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd).
2017

Anuman ang maaaring kahihinatnan ng mga naging pagkilos ng Tanggol Wika, mainam nang
mairehistro pa rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing argumento ng Tanggol Wika para sa
pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang Pambansa sa kalinangan ng mga Filipino.

Para sa buong transcript ng mga susing argumento ng Tanggol Wika ay maanong i-access ang
https://www.researchgate.net/publication/320558204_Alyansa_ng_Mga_Tagapagtanggol_ng_Wik
ang_FilipinoTANGGOL_WIKA_Internal_na_Kwento_Mga_Susing_Argumento_at_Dokumento_2014-
2017)

P a h i n a 6 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

May Pamimilian: Piliin sa choices kung ano ang tinutukoy o itinatanong sa bawat aytem. Bilugan ang
titik ng iyong sagot. (15 pts.)
1. Ito ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya.
a. wika c. komunikasyon
b. liwanag d. salita

2. Ito ang kahulugan ng CHED.


a. Commission on Higher Education Department
b. Commission on Higher Education
c. Committee on Higher Education
d. Commission on Higher Evolution of Education

3. Siya ang tagapangulo ng CHED na nagpatibay sa CHED Memo No. 20, s. 2013.
a. Patricia Soledad c. Patricia Licuanan
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera

4. Siya ang kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.


a. Patricia Soledad c. Patricia Licuanan
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera

5. Alin sa mga bansang nasa ibaba ang hindi niyakap ang wika ng bansang sumakop sa kanila?
a. Mexico b. Bolivia c. Angola d. Indonesia

6. Aling katutubong wika ng Filipinas ang liyamado noong 1934 kumbensyong konstitusyonal?
a. Sebwano b. Bikol c. Tagalog d. Ilokano

7. Anong trabaho ang nag-udyok kay Gng. Arroyo para ilabas ang Executive Order Blg. 210 na may
pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second Language in the
Education System”?
a. care giver b. call center c. construction worker d. teacher

8. Anong House Bill ni Gng. Arroyo ang nakahain sa Kongreso na itinuturing na naman na Anti-Filipino?
a. House Bill No. 5094 c. House Bill No. 5092
b. House Bill No. 5093 d. House Bill No. 5091

9. Siya ang convenor ng Tanggol Wika na nagpasimuno sa petisyon na may layuning ipahinto ang
implementasyon ng Revised General Education Curriculum (RGEC) Components ng K to 12.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

10. Petsa nang ilabas ng CHED ang CMO No. 20, s. 2013.
a. Agosto 29, 2012 c. Hunyo 28, 2013
b. Disyembre 7, 2012 d. Mayo 31, 2013

11. Siya ang nanguna sa resolusyon hinggil sa pagtiyak sa katayuang akademiko ng Filipino bilang
asignatura sa antas tersarya.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

12. Siya ay isa sa mga Tagapagsalita sa konsultatibong forum sa DLSU na itinuturing na de-kalibre dahil
sa siya ay Alagad ng Sining.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia
P a h i n a 7 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

13. Ito ang petsa kung kailan nagsampa na ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna
ni Bienvenido Lumbera.
a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21, 2014

14. Petsa kung kailan nabuo at naitatag ang Tanggol Wika.


a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21, 2014

15. Noong Hunyo 2, 2014 ay nabigyan ng pagkakataong makipagdiyalogo sa dalawang Komisyoner ng


CHED ang mga tagapagtaguyod ng wika para pag-usapan ang hinggil sa Memo Order No. 20, s.
2013. Ito ay sa pamamagitan ng inisyatiba ni:
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Antonio Contreras
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Prop. Marvin Lai

II. Gawaing Kolaboratibo


A. Pangkatin sa lima ang klase. Ang bawat grupo ay gagawa ng tatlong minutong infomercial video
para sa adbokasiyang pangwika.

Tatayahin ang infomercial video ayon sa rubrik:

Rubrik para sa Proyektong Multimodal

10 puntos kung may isa lamang adbokasiya/paalaalang pangmadla ang itinatampok sa


awtput; may kombinasyon ng pasulat, pasalita at video, napapanahon ang paksa, hindi
tiwalag sa realidad at/o katotohanan at orihinal ang idea at/o pagkakagawa.
8 puntos kung kulang ng isa sa pamantayan.
6 puntos kung kulang ng dalawa sa pamantayan.
4 puntos kung kulang ng tatlo sa pamantayan.
2 puntos kung kulang ng apat sa pamantayan.

Pamantayan Puntos
Nilalaman, naaayon sa paksa ang presentasyon.
Teknikalidad, malinaw ang video, nababasa ang nakasulat, naririnig
ang sinasabi, lapat ang tunog, angkop ang musika, sabay ang bukas
ng bibig sa sinasabi sa video, may tamang anggulo sa pag-video at
walang antala o pagpuputol-putol sa pagpapalabas.
Pagsunod sa Panuto, hindi lumampas sa dalawang minuto ang
video, lahat/mayorya sa miyembro ay nakita sa palabas, nakalagay
sa flash drive, may plan B kung kinakailangan at naipalabas sa
takdang oras at araw.
Pasalitang Presentasyon, naipresenta ang awtput sa hindi hihigit sa
15 minuto, lahat ng miyembro ay nakapagsalita at/o
nakapagpaliwanag, malinaw ang sinabi tungkol sa video, organisado
ang presentasyon, walang delaying tactics at nasagot nang tama
at/o makatwiran ang mga ibinatong tanong o feedback.
Pasulat na Presentasyon, may nakasulat na plano (script at/o
storyboard), naka-encode, Times New Roman, 12 ang font size,
isahang espasyo sa maikling bond paper, nakasulat ang pangalan sa
tapat ng espesipikong gawain at/o ginawa.

P a h i n a 8 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

III. Gawaing Interaktibo at Integratibo:


Gawaing Interaktibo
Pumili ng dalawa mula sa bilang 1-5. Magbigay ng kani-kaniyang karanasan at obserbasyon
batay sa paggamit ng Wikang Filipino sa:
1. lugar umpukan
2. paaralan
3. pamilihang bayan
4. paradahan
5. kapilya/simbahan

Gawaing Integratibo
Talakayin ang iba’t ibang isyung pangwika at tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
ito.
Isyung pangwika

Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba

1934 Kumbensyon CHED Memo No. 20, s.


Executive Order 210
2013

P a h i n a 9 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 10 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

VARYASYON
AT REHISTRO NG WIKA
 Varyasyon ng Wika

Ayon sa Biblia, noong pasimula ay may iisa lamang wika ang mga tao. Sa paglipas ng panahon,
nagkaroon ng halos hindi na mabilang na wika ang mga tao. Sa kasalukuyan, ayon sa Ethnologue:
Languages of the World, 15th ed. (2005) at CIA World Fact Book, ang mga bansang Papua New Guinea,
Indonesia at Nigeria ang tatlong nangungunang bansa na may pinakamaraming lenggahe na sinasalita;
820, 742 at 516, ayon sa pagkakasunod.

Sa parehong tala, sinasabing ang Filipinas, sa ating bansa, ay may 180 lenggwahe na
pinagsasaluhan nating mga Filipino. Filipino (ang ating Pambansang Wika) at Ingles ang dalawang
wikang opisyal sa bansa.

Sa aralin na ito ay aalamin ang varyasyon at mga varayti ng wika.

Layunin sa paksang ito na:


Pangkaalaman
1. Maipaliwanag ang papel ng wikang pambansa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa
isang bansa;
2. Mapagkontrast/Mapaghambing ang mga varayti at varyasyon ng wika.

Pangkasanayan
1. Magamit nang may kahusayan ang tumpak na rehistro ng wika sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang pangkat ng mga tao;
2. Mapagtatala ng iba’t ibang terminolohiya sa iba’t ibang rehistro ng wika.

Halagahan
1. Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino;
2. Makapagpakita ng pagkukusa at pagsisikap na pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng wikang
Filipino na sinasalita ng kasalukuyang henerasyon ayon sa lugar at pangkat na
kinabibilangan.

Panimulang Gawain:
Panoorin ang dokumentaryong Filipino Lesson 201- A Brief History of the Filipino Language.

 Talakayin:
1. Ibigay ang mga pagkakatulad at mga pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino.
2. Ano-ano ang negatibong epekto ng kawalan ng wikang pambansa sa panahon ng
pananakop: Panahon ng mga Kastila, Panahon ng mga Amerikano at Panahon ng mga
Hapon?
3. Magbigay ng mga dahilan kung bakit sa Tagalog ibinatay ang pambansang wika (yaong
pambansang wika noong bago ito tawaging Filipino)?
4. Magbigay ng limang halimbawa ng regional differences sa loob ng wika na nakasasakop sa
inyo.

P a h i n a 11 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin:

Ang Papel ng Wikang Pambansa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba


ng mga Wika sa Bansa
Lydia B. Liwanag
http://wika.pbworks.com/f/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakaiba-
iba+ng+mga+Wika+sa+Bansa.pdf

Introduksyon

Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at


pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng mga
pagpaplanong pangwika na isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga isyung
panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika: paano nagkakaroon ng mga pangkat
ng mga tao na may isang varayti ng wikang sinasalita? Kailan sila nagkakaroon ng karaniwang varayti
ng wika? Ang mga teo(istang neo-klasikal (Tollefson, 1991) ay nagbigay ng tepolohiya ng mga pangkat-
wika batay sa mga katangiang estruktural ng mga varayti ng wika sa degri ng pagkamultilinggwal at sa
gamit ng mga varyasyong ito (Kelman, 1971; Fishman, 1968; Kloso, 1968). Nakabatay ang pagkakaroon
ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist ng pagiging heterogeneous o
pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad ng anumang
wika," ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar
na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado
ang mga gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na
siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950). Ang mga pagkakaibang ito ng/sa wika
ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng di pagkakapantay-pantay
ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000). Magsisilbing
patnubay ang pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga propesor, estudyante, mananaliksik
at mga nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular sa varayti ng Filipino na ginagamit ngayon sa iba't
ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita (heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan
(sosyolek).

 Kahulugan at Uri ng Varayti ng Wika


Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular
na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon
o varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring
ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri
ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay
pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga
varayting permanente ay diyalekto at idyolek. Ang diyalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan
sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita
sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal. Maihahalimbawa rito ang mga
diyalekto ng Tagalog na ayon sa iba't ibang lugar ng tagapagsalita tulad ng Tagalog-Bulacan, Tagalog-
Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Cavite, Tagalog-Mindoro, Tagalog-Rizal at Tagalog-Palawan.
Samantala ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o
wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko
tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. Ayon pa rin kay Catford, permanente
nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang.

Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Kasama
rito ang register, mode at estilo. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa nito ay: siyentipikong register,
panrelihiyong register, akademikong register at iba pa. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng
relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intemeyt o personal. Ang
mode ay ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.
Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan ng: a.)
P a h i n a 12 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

mga taong bumubuo rito; b.) pakikipagkomunikasyon ng tao; c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga
katangian ng pananalita ng mga tao; at; e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.

 Mga Teorya at Pananaw sa Varayti ng Wika


Nasa kamalayan na ng mga pilosopo sa ika-18 siglo (Williams, 1992) ang pagkakaroon ng mga
uri o varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dito nagsimula ang mga
pag-aaral sa varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng
panahon, nagbunga ito ng mga teorya at konsepto kaugnay ng pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Nangunguna sa mga teoryang ito ang sosyolinggwistikong teorya na batay sa palagay na ang
wika ay panlipunan at ang speech (langue) ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay
isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga ralasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.
Para naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita,
nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. Gayundin, makikita ang paghahalo ng mga
varayti ng wika, diyalekto at register sa dalawang paraan: a) code switching o palit-koda at b)
panghihiram. Sa palit koda, ang isang nagsasalita ay gumagamit ng iba't ibang varayti ayon sa
sitwasyon o okasyon, Halimbawa nito ay ang mga usapan ng mga kabataan ngayon na nag-aaral sa
mga kolehiyo: "0, how sungit naman our teacher in Filipino." "Hoy, na-gets mo ba sabi ko sa text ko?"
"It's so hard naman to make pila-pila here." Ito ang tinatawag na conversational code switching kung
saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code sa iisang pangungusap. Dito naghahalo ang
Ingles at Filipino. Mayroon ding palit-koda na sitwasyonal o ang pagbabago ng code ay depende sa
pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita. Isang magandang halimbawa nito ay ang
pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong Baguio mula sa pakikipag-usap niya sa mga
pasahero na nagmula sa Metro Manila, Pampanga, Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galing
Ilocos. Ginagamit niya ang mga wika ng taong galing sa lugar na sumakay sa bus.

Ang panghihiram ay isa pang paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti. Sa paraang ito,
ang isang salita o higit pa ay hinihiram mula sa isang varayti tungo sa isa pang varayti dahil walang
katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita. Tinatawag itong lexical borrowing.
Halimbawa nito ay ang pangalan ng pagkain na narito ngayon sa bansa na may kulturang dala mula sa
pinagmulan nito (cultural color) tulad ng hamburger, pizza, taco, french fries; mga salitang dala ng
pagbabago sa teknolohiya tulad ng CD, computer, diskette, fax, internet, e-mail at iba pa.

Kaugnay pa rin ng sosyolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika o


ang pagkakaroon ng ibat ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal man ang
anyong ito. Maidadagdag din sa pagkakaiba-iba ng anyo ng wika ang lokasyong heograpiko,
pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal na katangian ng isang partikular na lugar o
komunidad na gumagamit ng naturang wika. Ito ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga varayti ng
wika tulad ng pagkakaroon ng Tagalog Filipino, Ilokano Filipino, Ilonggo Filipino, Singapore English,
Filipino English at iba pa. Tinatawag itong linggwistikong varayti ng wika.

Mayroon ding varayti na ayon sa register o sosyal na kalagayan tulad ng Filipino ng mga
nabibilang sa third sex, Filipino ng mga taong may iba't ibang trabaho tulad ng mangingisda,
magsasaka, mga taong-pabrika, maging ang mga taong may iba't ibang dibersyon tulad ng mga
sugarol, sabungero, mga namamahala ng huweteng at karera. Gayundin may Filipino ng mga
kolehiyala, Filipino ng sosyal sayans, matematika, kemistri, at siyensiya na mga varayting pang-
akademiko.

Ang pagkakaroon ng ibat ibang varayti / register / anyo ng wika ay nagreresulta sa pananaw
ng pagkakaroon ng herarkiya ng wika. Tinawag ito ni Bernstein (1972) na Deficit-Hypothesis, na batay
sa mga obserbasyon niya sa mga nag-aaral sa elementarya sa ilang paaralan sa England. Nakita niya
na may magkaibang -katangian ang wika ng mga batang mula sa mahihirap na kalagayan. Nakita niya
na may katangiang abstrak at nasusuri (elaborated code) ang wika ng una at detalyado at deskriptibo
(restricted code) naman sa huli. Ang pananaw na ito ay hindi sinang-ayunan ni Labov (1972) sa
dahilang nagbubunga ng pagtinging di pantay-pantay sa wika ang ganitong pagtingin. Itinaguyod niya
ang konseptong varyabilidad ng wika (variability concept). Sa paniwala niya, natural na phenomenon
ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. At mahalagang tingnan nang

P a h i n a 13 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

pantay-pantay ang mga varayting ito - walang mababa, walang mataas. Ang paniwalang ito ay
makabuluhan sa pagtuturo/pagkatuto ng Filipino kaugnay ng iba pang wika sa iba't ibang rehiyon.
Kaugnay ng pananaw ng varyabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon (Accomadation
Theory) ni Howard Giles (1982). Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral / pagkatuto ng pangalawang
wika sa linguistic convergence at linguistic divergence. Nakapokus ito sa mga taong kasangkot sa
sitwasyong pangwika. Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao,
nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang
pakikiisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.
Sa kabilang dako naman, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap
para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. Mahalaga
ang pananaw na ito sa pag-aaral ng varayti ng wikang Filipino lalo na kaugnay ng atityud sa paggamit
ng inaakalang mas superior na varayti kompara sa mas mababang varayti depende sa katayuan ng
kanilang unang wika sa lipunan.

Bahagi rin ng Teoryang Akomodasyon ang tinatawag na interference phenomenon at


interlanguage na nakapokus sa mga wikang kasangkot. lpinapakita ang pagkakaroon ng interference
sa pagbuo ng mga varayti ng Filipino. Makikita ang impluwensya ng unang wika sa pagsasalita ng
Filipino ng mga kababayan natin sa iba't ibang rehiyon. Tulad halimbawa ng Cebuano Filipino na
mapapansin ang di-paggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng pantig sa salita. (Halimbawa: Magaling
ako sa pagturo ng Filipino.) Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng panlaping mag- kahit na dapat
gamitin ng um- sa dahilang walang um- na panlapi sa Sebwano. Halimbawa: Magkain na tayo sa halip
na Kumain na tayo. Ang interlanguage naman ang tinatawag na gramar o estruktura (mental grammar)
ng wika na nabubuo o nakikintal sa isip ng tao sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa
kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabago sa gramar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas
o pagbabago ng mga tuntunin sa wika. Halimbawa nito ang paglalagay natin ng mga panlapi sa mga
salitang Ingles kahit na ito ay wala sa diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon
tulad ng presidentiable, boarder, bed spacer, mailing. Gayundin, naririnig na ng mga salitang Turung-
turo na ako, Sayaw na sayaw na ako na dati ay hindi tinatanggap bilang pang-uri.

Ang mga teorya, konsepto at pananaw na inilahad ay ilan lamang sa mga batayang teoretikal
sa pagtuturo / pag-aaral ng wika at sa pagtingin sa pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika (sa
ating kalagayan, ng wikang Filipino).

 Papel ng Filipino sa Pagkakaroon ng Magkakaibang Wika sa Bansa


o Ano naman ang papel ng Filipino sa gitna ng magkakaibang wika sa bansa?
o Kung ating babalikan ang kahulugan ng Filipino ayon sa KWF Resolusyon 96-1:

"Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at di-katutubong wika at sa
ebolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na
may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag... "

Sa pagkakaroon ng kaalaman sa mga varayti ng wika, magkakaroon ng pagbabago sa atityud


ng mga Filipino sa wikang Pambansa. Mabubuksan ang kamalayan ng bawat isa sa atin na mayroon
pala tayong bahagi o papel sa pagpapaunlad ng Filipino. Magiging aktibo ang partisipasyon ng lahat sa
gawaing ito at mas lalago at madedevelop ang isang varayti o sariling varayti ng wika kung madalas
gagamitin at tatangkilikin ang Filipino ng iba't ibang tagapagsalita ng katutubong wika.

Isang bagong larangan din ito, na kakikitaan ng mga paksa at gawaing kailangang saliksikin ng
mga guro at mag-aaral sa anumang antas ng pag-aaral hindi lamang sa antas gradwado. Mula sa
simpleng paglilista ng mga salita at diskurso, isagawa ang mas malalim na pagsusuri ng mga sinasalita
at pasulat na anyo ng wika ng mga tao sa iba't ibang pangkat o grupo, sa iba't ibang lugar.

Sa larangan naman ng pagtuturo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral at guro ng


malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng varayti at varyasyon ng wika. Sa gayon, makikita ng mga
mag-aaral na bawat grupo, komunidad at rehiyon na gumagamit ng wika ay hindi iba o naiiba kundi
kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura. Mawawala ang mababang pagtingin sa mga wika
P a h i n a 14 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

ng mga taong hindi kapangkat o karehiyon. Makikita rin ang kontribusyon ng ibat ibang wika sa bansa
sa pagpapaunlad ng Filipino. Mayamang balon na mapagkukunan ang mga rehiyonal na wika ng mga

kaalaman at datos mula sa kanilang etnolinggwistiko, sosyal at komunidad na kinabibilangan.


Dala-dala ito ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa klase. At ibinabahagi nila ito sa mga
interaksyon na nagaganap sa klase. Nabibigyang halaga rin nila ang kanilang sari-sariling wika at
kultura bilang bahagi ng pambansang wika at kultura.

Bilang pagwawakas, isang paalala ang iniiwan ko sa inyo, na huwag nating sayangin ang yaman
ng wika na nasa pintuan na ng ating mga silid-aralan. Huwag nating pabayaan na ang mga dayuhan pa
ang tumuklas nito. Tayong mga nagtuturo at nag-aaral ng wika sa ating bansa ang magkusa at
magsikap na pag-aralan ang pagkakaiba-iba ng wikang Filipino na sinasalita ng kasalukuyang
henerasyon ayon sa lugar at pangkat na kinabibilangan. Makatutulong ito sa pagbuo ng isang
patakaran sa wika na angkop sa lahat ng mga Filipino.

P a h i n a 15 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 16 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

Tama o Mali. Basahing may pang-unawa ang pahayag sa bawat aytem. Kung ang pahayag ay wasto,
TAMA ang isulat. Kung ang pahayag ay hindi wasto, MALI naman ang isulat. Isulat sa laaang patlang
ang isuong sagot.
_____1. Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga linggwist
hinggil sa pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika at "hindi kailanman sa
pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika" .

_____2. Ayon kay Cafford (1965), may dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para sa
mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay dinamiko dahil nagbabago kung may
pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

_____3. Ang diyalekto at idyolek ay kabilang sa mga varayting permanente.

_____4. Ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang
ginagamit ng partikular na indibidwal.

_____5. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita


sa oras ng pagpapahayag.

_____6. Ang ethnolinggwistikong teorya ay batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech
(langue) ay pang-indibidwal.

_____7. Kaugnay pa rin ng ethnolinggwistikong teorya ang ideya ng pagiging heterogeneous ng wika
o ang pagkakaroon ng ibat ibang anyo, mapalinggwistika, mapa-okupasyunal o mapasosyal
man ang anyong ito.

_____8. Ang pagkakaroon ng ibat ibang varayti / register / anyo ng wika ay nagreresulta sa pananaw
ng pagkakaroon ng herarkiya ng wika (Deficit-Hypothesis ang tawag dito ni Bernstein (1972).

_____9. Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng


tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.

_____10. Sa kabilang dako naman, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa
kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling
identidad.

_____11. Bahagi ng Teoryang Speech Act ang tinatawag na interference phenomenon at interlanguage
na nakapokus sa mga wikang kasangkot.

_____12. Sa depinisyong ayon sa KWF Reoslusyon 96-1, "Ang Filipino ay ang pambansang wikang
ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

_____13. Ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika ay dala ng nagkakaibang pangkat ng tao
na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

_____14. Ang diyalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.

_____15. Ayon kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na
gulang.

P a h i n a 17 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 18 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Rehistro at Mga Varayti ng Wika


Ayon sa mga linggwista, ang rehistro ay simpleng varayti at/o baryasyon sa paggamit ng wika
partikular sa kontekstong panlipunan na gumagamit ng mga tiyak na salitang hindi madalas ginagamit
sa ibang konteksto. Sa lalong madaling salita, ang rehistro ay kung paano inuunawa o binibigyang
kahulugan ng isang larang ang isang partikular na salita o termino. Sa IT, halimbawa, ang mouse ay
nangangahulugang isang input device na ikinakabit sa kompyuter upang mapadali ang pagmanipula
rito, ngunit sa pagsasaka ay isa itong maliit, mapanirang hayop kaya itinuturing na peste.

Tunghayan sa ibaba ang paghahambing sa mga varayti ng wika:

Wika laban sa Diyalekto


Wika Diyalekto
➢ Mas malawak at malaki kaysa sa diyalekto ➢ Tinatawag ding wikain, lalawiganin, dayalek
➢ Varyant ng isang malaking wika
➢ Mas marami ang gumagamit kaysa sa
diyalekto ➢ Mas maliit, limitado ang saklaw, mas kaunti
ang gumagamit kaysa sa wika
➢ May cognate na maiintindihan ng mayorya
sa bansa ➢ Nakabatay sa heograpiya/maliliit na lugar
➢ May mutual intelligibility
➢ Walang mutual intelligibility
➢ May pagkakahawig ang ispeling/tunog ng mga
➢ Wika ang Bikol, Tagalog, Bisaya, salita
Kapampangan, Waray, Iloko/Ilokano
➢ May stereotype
➢ May mayamang diksyonaryo, gramatika at ➢ May punto kaysa sa iba
gamit sa mataas na antas ng pagtuturo

➢ May prestihiyo kaysa sa diyalekto


➢ May pagkakaiba ang isang diyalekto sa kapwa-diyalekto sa tatlong aspekto: pagbigkas,
gramatika at bokabularyo

➢ Wika ang Ingles subalit diyalekto ang British English, Scottish English at American English

➢ Gayundin ang yaya English, Taglish, Inggalog, carabao English, Philippine English, kolehiyala
English, bargirl English

➢ Mauuri sa dalawa ang diyalekto: rehiyonal at sosyal

➢ Rehiyonal na diyalekto: kung saan ka nanggaling

➢ Sosyal na diyalekto: saan ka nabibilang

➢ Madalas na pinagmumulan ng katatawanan at pagmamaliit.

➢ Mauuri din sa tatlo: diyalektong heograpiko (espasyo), temporal (panahon) at sosyal (katayuan
sa buhay).

➢ Diyalekto ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.

P a h i n a 19 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sosyolek laban sa Idyolek


Sosyolek Idyolek
➢ Varayti sa paggamit ng wika na nag-iiba-iba ➢ Ang ikinatatangi sa paraan ng pagsasalita ng
depende sa katayuan sa lipunan. isang tao.
➢ Varayting nabubuo batay sa dimensyong ➢ Tumutukoy rin ito sa dalas ng
sosyal, ibig sabihin nakabatay sa mga paggamit/pagbanggit ng
pangkat-panlipunan. salita/parirala/pahayag na ginagaya ng
➢ Halimbawa ay pangkat ng mga bata, bakla, marami.
preso, abogado, inhenyero, nars, doktor at ➢ Varayti ng wikang kaugnay sa personal na
iba pa. kakanyahan ng isang tagapagsalita.
➢ Anumang pekyulyaridad sa paggamit ng
wika.

Pidgin laban sa Creole


Pidgin Creole
➢ Varayti ng wika na nabuo/nabubuo dahil sa ➢ Dati ay Pidgin na napaunlad o nalinang
pangangailangan at praktikalidad. sapagkat inangkin ng isang lehitimong grupo
➢ Nangyayari ito sa pakikipagkalakalan na o pangkat.
hindi alam ang wika ng iba. ➢ Mas marami itong katutubong ispiker kaysa
➢ Wala itong katutubong ispiker. Pidgin.
➢ Walang komplikadong gramatika at may ➢ Hindi na lamang ito wika ng “hilaw na
limitadong talasalitaan. pakikipagkalakalan’ kundi’y naging wika na
➢ Madalas na hango sa isang wika ang usapan ng isang pamayanang panlipunan.
at ang estruktura naman ay sa iba ring wika. ➢ Kongretong halimbawa nito ang Chavacano.
➢ Halimbawa “Suki, ikaw bili tinda mura.”

Mga Karagdagan:
Punto laban sa Rehistro
Punto Rehistro
➢ Tinatawag ding accent ➢ Nakabatay sa kung ano ang iyong ginagawa
➢ Lahat ng tagapagsalita ay may punto, mas ➢ Sinasabi ring intelektwalisasyon ng wika
halata nga lamang sa iba ➢ Nakabatay sa trabaho: abogado, pari,
➢ Tumutukoy sa kung paano bumibigkas ang isports, guro
isang tao ➢ Nakabatay sa gamit at hindi sa gumagamit
➢ Iba ang punto ng isang Bikolano, sa isang
Batanggenyo, sa isang Bisaya, sa isang
Ilokano…

Speech Community laban sa Communicative Competence


Speech Community Communicative Competence
➢ Grupo ng mga taong hindi kailangang ➢ Hindi man gamay ang paggamit sa isang
gumagamit ng iisang wika subalit may wika, naiintindihan naman kung ano ang ibig
pinagsasaluhang mga istandard at tuntunin sabihin nito at kung anong mga pag-uugali
sa paggamit ng wika. ang akma para dito.
➢ Halimbawa ay mga blogger na Filipino, mga ➢ Nakasalalay sa kakayahang ito ang pagpili
parloristang Filipino, ang wika sa mga kung ano ang sasabihin, gayundin kung
tabloid. paano at kailan ito sasabihin.

P a h i n a 20 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pagkilala. Tukuyin kung ano ang binabanggit sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa laang patlang.

____________1. Ito ang naiwang maliliit na varyant o pagkakaibaba sa loob ng isang wika.
____________2. Ang halimbawa nito ay wika ng mga blogger na Filipino, mga parloristang Filipino,
at maging ang wika sa mga tabloid.
____________3. Sa kakayahang ito nakasalalay ang pagpili kung ano ang sasabihin, gayundin kung
paano at kailan ito sasabihin.
____________4. Tinutukoy nito kung paano bumigkas ang isang tao.
____________5. Ang Chavacano ang kongkretong halimbawa nito.
____________6. Ito ay varayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal, ibig sabihin nakabatay sa
mga pangkat-panlipunan.
____________7. Tumutukoy ito sa anumang pekyulyaridad sa paggamit ng wika.
____________8. Ito ay varayti ng wika na nabuo/nabubuo dahil sa pangangailangan at
praktikalidad.
____________9. Tumutukoy ito sa ikinatatangi sa paraan ng pagsasalita ng isang tao.
____________10. Sinasabi o tinatawag din ito bilang intelektwalisasyon ng wika.

II. Magtala 5 teknikal na terminolohiyang may iba’t ibang kahulugan batay sa disiplina/propesyong
pinanggagamitan.

Terminolohiya Disiplina Kahulugan


1._____________________ 1. 1.
2. 2.

2._____________________ 1. 1.
2. 2.

3._____________________ 1. 1.
2. 2.

4._____________________ 1. 1.
2. 2.

5._____________________ 1. 2.
2. 2.

P a h i n a 21 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 22 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

PAGPROSESO
NG IMPORMASYON
Gaano katalas ang iyong isip? Kapag ikaw ay nagbabasa, ganoon ba kadaling maimbak sa iyong
memorya ang mahahalagang impormasyon? O ikaw ay nangangailangan ng susulatang papel upang
doon itala ang mahahalagang impormasyon? Kapag nagpoproseso ng impormasyon, mas gusto mo
bang nakahiga o nakaupo upang maging mabilis ang daloy ng pag-iisip? O nakakapagproseso ka ng
impormasyon sa anumang paraan na naiisin mo?

Ang pagpoproseso ng impormasyon ay maihahalintulad sa kung paano inaayos ang tahanan


at opisina. Ginagamitan ito ng iba’t ibang mahuhusay na estratehiya. Tulad ng pag-aayos ng tahanan
at opisina, inaaalam kung paano maoorganisa ang mga kasangkapan, kung saang lugar ilalagay ang
mga ito at kung paano iaayos ang mga ito sa lagayan. Sa pagproseso naman ng impormasyon,
nilalapatan nang maayos na sistema at organisasyon ang mga konsepto o mga kaisipan upang
maintindihan ito nang lubos at mapanatili sa kaisipan.

 Pagpili ng Batis (Source) ng Impormasyon


Ang impormasyon ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga naririnig, nababasa,
napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga
impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa mga bagay
sa paligid sanhi ng kaayusan, laki, hugis, kulay o bilang ng mga ito.

Ang impormasyon ay maaaring ukol sa pananaw, kuro-kuro, kontrol, datos, direksyon,


kaalaman, kahulugan, persepsyon at mga representasyon. Ang kasingkahulugan ng salitang
impormasyon ay “katotohanan”, “kaalaman” at mga “datos”.

Ang mga datos at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na gamit ang
mga ito. Ang datos ay mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang makabuo ng bagong
impormasyon o kaalaman. Ang kaalaman naman ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso
ng impormasyon o mga kaisipang natamo o natutuhan mula sa maraming karanasan.

Panimulang Gawain
Pag-aralan ang larawan. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
1. Ilang taon na kaya ang larawan? Sa anong panahon kaya naipinta ang larawan?
2. Ano ang masasabi mo hinggil sa larawan?
3. Ano ang ginagawa ng lalaki sa larawan?
4. Paano mo mapatutunayan na tama ang mga naging sagot mo sa mga tanong hinggil sa
larawan?

P a h i n a 23 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin
Ang unang tanong na iyong sinagot sa Panimulang Gawain ay tumutukoy sa mga kasanayan
sa pagkuha ng impormasyon. Ang ikalawa at ikatlong tanong ay tumutukoy sa iyong mga kaalaman sa
interpretasyon o sa kung paano mo ginagamit ang mga kaalaman at karanasan mo para makabuo ng
bagong impormasyon. Samantalang ang ikaapat na tanong ay hinggil sa pagpili ng batis ng
impormasyon.

 Pagproseso ng Impormasyon
Ang pagproseso ng impormasyon ay tumutukoy sa pagkuha, pagtatala, pagpapakita, pag-
intindi at pagpapalaganap ng impormasyon. Ito ay isang paraan ng paglikha ng mga bagong kaalaman
mula sa mga narinig, nakita, nabasa at napanood na napalalawak dahil sa karanasan.

Karaniwan, ang impormasyon ay tumutukoy sa mga katotohanan at opinyon na ibinibigay at


natatanggap sa pang-araw-araw na buhay. Ang impormasyon ay nakukuha nang direkta mula sa
pakikisalamuha sa kapwa tao at sa mga bagay-bagay sa paligid. Sa kasalukuyan, ang impormasyon ay
maaaring tumukoy sa mga kaalamang hatid ng mass media o kaya’y ng mga electronic data banks
tulad ng sa internet. Maaari ding ang impormasyon ay mga pangyayari o mga phenomena sa ating
kapaligiran.

Ang paggamit ng kaalaman mula sa mga impormasyong natamo ay nagbubunga ng


kadalubhasaan at patuloy itong lumalawak dahil sa pag-iisip nang analitikal at pag-aangkop ng
karanasan. Nagiging marunong ang isang tao kapag nakakaproseso ng maraming impormasyon.

Maraming impormasyon ang natatamo mula sa iba’t ibang larangan ng kaalaman. Sa lahat ng
klasipikasyon ng kaalaman na kinabibilangan ng pilosopiya, relihiyon, agham panlipunan, siyensya at
teknolohiya, applied sciences, wika at literatura, sining, kasaysayan ay malalaman ang samo’t saring
kaalaman na maaaring matutuhan. Ngunit paano ba napoproseso ang mga kaalamang ito?

Gamitin natin ang ating mga sarili upang intindihin ang pagproseso ng impormasyon. Kapag
inaayos ang isang problema, gusto mo bang pag-usapan ito o mas gusto mong sumulat ng listahan ng
mga hakbang kung paano malulutas ang suliranin? Nakikisabay ka ba sa isang musika sa pamamagitan
pag hum o pag-tap ng iyong kamay o paa upang masabayan ang awit?

Gusto mo bang tumingin sa mapa, o mas gusto mong basahin na lamang ang mga direksyon
kapag magmamaneho? Gusto mo bang mag-aral sa isang art class o pumasok sa klase ng pag-
eehersisyo? Kapag ikaw ay masaya, ngumingiti ka lamang ba o tumatalon dahil sa nararamdamang
kagalakan? Ang iyong mga sagot ay nagpapahiwatig ng ilan sa mga paraan kung saan naipakikita ang
paraan ng pagproseso ng impormasyon.

May mga kagamitang panteknolohiya, halimbawa’y ng kompyuter, na nakapagpoproseso rin


ng impormasyon. Sa kompyuter, nangyayari ang pagproseso ng impormasyon sa central processing
unit (cpu) at ang lahat ng impormasyon ay nalalaman sa pamamagitan ng mga titik na lumalabas sa
monitor. Ang mga titik sa monitor ay binubuo ng mga byte. Sa kabilang dako, ang tao ay
nakapagpoproseso naman ng impormasyon sa kaniyang utak. Ang naprosesong impormasyon sa utak
ay naihahayag sa pamamagitan ng mga tunog, kilos, ekspresyon at ng tinatawag na paralanguage.
Ang dami ng napoprosesong impormasyon sa utak ng isang tao ay nagreresulta ng maraming
kaalaman.

Bawat tao ay kumukuha ng impormasyon sa pamamagitan ng kaniyang mga pandama. Ang


limang pandama ang tanging paraan upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mundo.
Gayunpaman, napoproseso ang lahat ng impormasyon ayon sa sari-sariling paraan.

P a h i n a 24 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon


Ang iba’t ibang pamamaraan sa pagpoproseso ng impormasyon ay maaaring sa pamamagitan
ng pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinesthetic). Ang mga estilong ito ay
makakatulong nang malaki sa pag-unawa sa mga impormasyon.

Pandinig (aural o auditory)


Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang impormasyon. Karaniwan sa
mga indibidwal na nakakapagroproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa musika o
iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o
pandinig.

Pampaningin (visual)
Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay ilan sa mga
pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga
impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang
pagkakabuo ng mga bagay ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman.

Pagkilos (kinesthetic)
Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na nangangahulugang pagkilos.
Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay
na pisikal. Nakauunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga
demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga kongkretong aplikasyon. Ang mga pelikula at video
ay nakahanay sa estilo na kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na kinesthetic ang lahat ng kanilang
mga pandama (panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging kapaki-pakinabang ang
kanilang pag-aaral.

Hakbang sa pagproseso ng impormasyon

4. Pagtatala at
1. Pagtukoy Pagsasaayos
(Defining) (Recording and
Organizing)

2. Paghahanap 5. Paglalahad /
(Locating) Pagbabahagi
(Presenting)

3. Pagpili
(Selecting) 6. Pagtatasa
(Assessing)

Nagsisimula ang pagproseso ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa kung anong


impormasyon ang kailangan. Inihahanda ang mga kagamitan tulad ng aklat na mapagkukunan ng
impormasyon, taong mapagtatanungan, kagamitang mapapanood, usapan na maririnig, panayam, at
P a h i n a 25 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

maaari ding hanguan sa media o internet. Mula sa mga kagamitang nabanggit ay masusing pinipili ang
mga impormasyong kailangan, inihihiwalay at iniiwan ang mga impormasyong makapagdudulot ng
kalituhan. Ang mga tiyak na impormasyon na maaaring makatulong o magamit ang binibigyang
pansin. Inililista, pinakikinggan o iniimbak sa memorya ang mga kinakailangang impormasyon. Ang
mga impormasyon o kaalamang nakalap ay inaayos upang mabilis itong maibahagi at matasa kung ang
mga ito ay nakatugon sa pangangailangan ng impormasyon. Upang lubos itong maunawaan ay
tunghayan ang halimbawa ng pagproseso ng impormasyon.

Mga Halimbawa ng Pagproseso ng Impormasyon

Prinsipyo Halimbawa ng Gawain

1. Kunin ang atensyon ng mga mag- Gumamit ng mga pahiwatig o cues kapag handa ka
aaral. nang magsimula.

Maglakad sa paligid ng silid-aralan habang


nagsasalita.

2. Isipin ang bagong pag-aaralan. Suriin ang mga aralin noong nakaraang araw ng
pag-aaral.

Magkaroon ng talakayan hinggil sa nakaraang


paksang-aralin.

3. Banggitin ang mahahalagang Maghanda ng handouts.


impormasyon.
Maaaring isulat ang mga impormasyon sa pisara o
gumamit ng kagamitang panturo para sa mga
impormasyon.

4. Ibahagi ang impormasyon sa Ipakita ang mga impormasyon ayon sa


maayos na paraan. pagkakasunud-sunod ng mga konsepto at mga
kasanayan.

Kapag magbabahagi ng bagong kaaalaman, simulan


mula sa pinakasimple patungo sa
pinakakomplikadong impormasyon.

5. Ipakita sa mga mag-aaral kung Maaaring gumamit ng teknik tulad ng keyword


paano gumamit ng coding sa method.
pagsasaulo ng mga datos.

6. Magbigay ng pag-uulit na pag- Ibahagi ang mahahalagang impormasyon ng ilang


aaral. beses sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya.

7. Ibahagi sa mga mag-aaral ang Ipakita ang mga impormasyon ayon sa


pagkakapangkat ng mga pagkakapangkat-pangkat.
impormasyon.

P a h i n a 26 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TAYAHIN
Pangalan: _________________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _____________________________________ Petsa: ____________________
Panuto:

1. Bumuo ng pangkat na may 3-5 miyembro.

2. Magtalaga ng tatlong tauhan na ang gagampanang papel ay:


Tagapanayam
Kakapanayamin
Tagakuha ng video

3. Magsagawa ng panayam na hindi lalampas sa 5 minuto. I–video ang panayam at ibahagi ito
pamamagitan ng simpleng video presentation.

Paksang tatalakayin:
Ang paraan ng pananamit ng mga bakla, bisekswal, emo, jejemon o iba pang katangi-tangi
kung manamit.
Ang pagkikilay ng kababaihan, metrosexual look at iba pang kaugnay na paksa.
Ang (abusadong) paggamit ng cellphone ng (ilang) mga kabataan
Ang buhay kolehiyo, kuwento ng pag-iibigan, lihim na pag-iibigan o anumang karanasan sa
buhay sa kolehiyo.
Mga paniniwala, tradisyong kakaiba ng iba-ibang pangkat etniko.
*Iba pang paksa na isinangguni at inaprubahan ng guro.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Aytem Iskor
Kaugnayan sa paksa 10
Pagkamalikhain 10
Kaayusan 10
Kabuoan 30

P a h i n a 27 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 28 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Pagbasa at Pananaliksik ng Impormasyon


Ang kasalukuyan ay tinatawag na information age. Ga-iglap sa bilis ang pagdami at/o
pagbabahagi ng impormasyon dahil sa maunlad na teknolohiya. Ang mga impormasyon ay dapat na
masubaybayan upang makasabay sa mga kaalamang napapanahon. Iba-ibang kaalaman at karanasan
ang naipararanas ng siyensya at teknolohiya na maaaring matunghayan sa mga pahina ng iba't ibang
materyales tulad ng aklat, journal, magasin at mga elektronikong babasahin o e-book. Sa kabila ng
katotohanan na marami na sa kasalukuyan ang mga babasahin na sinasabing nagsulputang parang
kabute, maliit na porsyento pa rin ang ginugugol para sa paghahanap ng mahahalagang impormasyon.
Idagdag pa rito na sa kasalukuyang pamamayagpag ng napakaraming babasahing limbag at di-limbag
ay nakikisabay rin ang pagkalat ng maraming impormasyon na walang katotohanan o fake news.

Sabi nga sa wikang Ingles, “The more you read, the more you know, the more you know the
smarter you grow, the stronger your voice when speaking your mind and making your choice”.
Katotohanan ang pahayag na ito. Sa nakalipas na panahon, maraming mga indibidwal ang
nagtagumpay dahil sa paggamit ng mahuhusay na impormasyon.

Gawain
Isahan. Pananaliksik hinggil sa pamamahala ng kasalukuyan at mga dating Pangulo ng
Filipinas. Palabunutan ang sistema ng pagbabahagi ng paksa. Iulat sa klase ang nasaliksik. Talakayin
ang paksa, gawing gabay ang sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang adhikain ni Pangulong ______________ sa bansa?
2. Paano nakatulong ang mga adhikaing ito sa bansa?
3. Anong mga isyu ang pinagdaanan ni Pangulong _______________ ?
Napatunayan ba ang mga ito?
3. Sa iyong palagay, masasabi mo bang naging matagumpay ang pamamahala ni Pangulong
________________? Patunayan.

Pamantayan Indikasyon Pts.


1 napakahusay 2 mahusay 3 di gaaning mahusay
Boses Maliwanag ang sinasabi mula sa simula hanggang sa matapos.
Kaalaman sa Ulat Maalam sa paksang iniuulat / Naisaulo ang ulat.
Pagpapaliwanag Naipaliliwanag nang detalyado ang paksa.
Gamit sa Pag-uulat Nilapatan ng estratehiya at kagamitan ang pag-uulat (larawan,
web o balangkas).
X factor Tindig, tikas o angas, pagganyak, appeal at estilo ng pananalita.

Alamin
Ang mga produkto ng makabagong teknolohiya ang siyang pinakamabilis na hanguan ng
kaalaman. Bukod dito, ang mga ito’y siya na ring pinakamabilis na midyum ng komunikasyon kung
saan ay naibabahagi o naipapalaganap ang mga impormasyon.

Mahalaga ang komunikasyon para magkaunawaan ang mga tao sa mundo. Sa


pakikipagkomunikasyon natin naipapahayag ang ating mga saloobin hinggil sa ating mga nakikita at
nadarama. Ang komunikasyon ang nagpapanatili ng kapayapaan sa lipunan.

Likas sa isang tao na makisama, makihalubilo at makipagtalastasan sa kapwa. Ito ang dahilan
kung bakit patuloy na pinauunlad ang teknolohiya sa larangan ng komunikasyon. Magkagayunman,
hindi sapat na alam ng tao na gamitin ang komunikasyon nang mabisa at mapanghikayat, higit na
mahalagang matuto siya mula sa mahahalagang impormasyon na mapupulot sa
pakikipagkomunikasyon.
P a h i n a 29 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Pagbasa ng Impormasyon
Ang pagbasa ay proseso ng pagkuha at/o pag-unawa ng/sa nakalimbag o nakasulat na
impormasyon o idea. Kadalasan, ang mga impormasyon ay nakalahad sa isang wika sa anyo ng mga
simbolo (tulad ng alpabeto) na inayos upang magkaroon ng idea. Sinusuri ng utak o nagkakaroon ng
interpretasyon sa utak kaya nauunawaan ang mga limbag o nakasulat na impormasyon. Maaaring
hindi nakasalig sa wika ang ibang uri ng pagbasa, katulad ng notasyon sa musika, kahulugan ng kilos
ng pagsayaw o kaya’y ng mga larawan. Kung palalawakin pa, sa computer language, matatawag ding
pagbasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.

Ang ating lipunan ay dumaranas ng mabilis na pagbabahagi ng maraming-maraming


impormasyon. (Dahil ito sa patuloy na pagdami ng limbagan at dahil sa komersyalismo.) Kaya
nararapat lamang na tayo ay patuloy na magbasa upang makaagapay at makaangkop sa mabilis na
pagbabago. Malaki ang ginagampanan ng pagbasa sa kasalukuyang panahon sapagkat kung hindi ito
gagawin ay hindi rin tayo makauunawa at makapagbabahagi ng ating kaalaman sa lipunan na ating
ginagalawan

 Kahulugan ng pagbasa
Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga idea mula sa
mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa ay nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal.
Kapaki-pakinabang ang gawaing ito sapagkat ito ang huhubog ng kaniyang pagkatao— ang tutugon sa
kaniyang pagnanais na makapagtamo ng mas malawak na kaalaman hinggil sa kaniyang kapaligiran,
hinggil sa kaniyang bansa at daigdig na ginagalawan, at sa marami pang iba na kailangan niyang
matutuhan.

Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na dapat malinang sa mga estudyante
sapagkat ito ang tulay tungo sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ang pagbasa ay may malaking
kaugnayan sa makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood. Sa pagbabasa ay
napapahusay ang kanilang kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin
sa iba’t ibang disiplina o larangan. Sa kabilang banda, ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa
pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa
iba.

Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at


pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag
ni Johnston (1990) na ito’y isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at
di-konsyus na paggamit ng mga estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo
ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor. Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang
mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at nag-uugnay ng mga kasanayan at
estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng


anumang wikang nakasulat. Ayon nga kay Baltazar (1977), ang pagbabasa ay kasangkapan sa
pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-
aralan ng tao ay mula sa kaniyang karanasan sa pagbasa.

 Kahalagahan ng pagbabasa
Ang isang estudyanteng palabasa ay may mas malaking posibilidad na makapasa sa mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa. Posible ito sapagkat sa kaniyang
pagbabasa ay mas nadaragdagan ang kaniyang kaalaman, mas lumalawak ang kaniyang talasalitaan at

P a h i n a 30 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

mas dumarami ang kaniyang mga karanasan. Kumapara pa sa isang hindi palabasa, mas hasa ang
kaisipan ng estudyanteng palabasa sa pag-unawa ng malalalim na idea o ng mga argumentong
pangangatwiran at batid niya ang implikasyon ng kaniyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing
ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

Sa pamamagitan ng pagbasa ay nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan na


tutugon sa pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan,
teknolohiya, at iba pa. Higit sa lahat, napakahalaga ng pagbasa upang hindi mapag-iwanan ng
nagbabagong panahon na dulot ng rumaragasang makabagong teknolohiya.

 Pananaliksik ng Impormasyon
Iba-iba ang katangian at kakayahan ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkuha ng impormasyon
gayundin sa kanilang pagkatuto. Ang bawa’t isa ay may unique o natatanging kahusayan, kaalaman
at kakayahan upang mapagtagumpayang maunawaan ang mga paksa at kaalaman na nais
maintindihan at maibahagi rin sa kaniyang kapwa.

Ano-ano ang maaaring gawin ng isang mag- aaral upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa
isang paksa? Paano niya gagamitin ang kaniyang sariling karanasan upang lubos na maunawaan ang
kaniyang mga binabasa? Ang pananaliksik ay isa sa mabisang paraan upang magkaroon ng sapat na
kaalaman hinggil sa paksang nais malaman. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ay makatutuklas ng mga
bagong kaalaman na makasasagot sa mga tanong na nais alamin.

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na


humahantong sa pagtamo ng bagong kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit at pag-
uugnay ng sariling karanasan at kaalaman hinggil sa isang paksa. Matatanggap ang karagdagang
kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (o
sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Ang
pananaliksik ay binibigyang kahulugan din na isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan,
organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang
isang katanungan, haka, hula o haypotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o
nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng
mga mamamayan.

 Layunin sa pagsasaliksik ng impormasyon


Bukod sa pagbibigay tugon sa mga tanong na nais patunayan, marami pang layunin sa
pagsasaliksik ng impormasyon. Isa sa mga ito ay ang makahanap ng solusyon hinggil sa isang problema
o suliranin. Dito, kailangang maghanap o tumuklas ng bagong kaalaman sa isang piling larangan ng
kaalaman. Sa pagsasagawa nito, halimbawa, karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga
kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napatunayan nang katotohanan
hinggil sa isang paksa; o kaya’y isa siyang empleyado sa isang klinika at laboratoryo kaya’t nais niyang
magkaroon nang higit na kaalaman kung paano mapahuhusay ang serbisyo. Mayroon ding mga
mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang kabihasnan
o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Ang pananaliksik din ang dahilan
kung bakit ang mga tao ay nagkakaroon ng mahusay at matuwid na pag-iisip dahil sa mga katotohanan
ng mga impormasyong natutuklasan. Isa pang mabuting layunin sa pagsasaliksik ng impormasyon ay
nakagagawa tayo dahil dito ng mga bagay-bagay na nagpaparanas sa atin ng mga bagong kasanayan
at nakapagbabahagi rin tayo dahil dito ng mga kaalaman ayon sa mga karanasang natutuhan.

P a h i n a 31 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Mga Paraan
Ilan sa mga paraan upang makakuha ng bagong impormasyon o kaalaman ay ang sumusunod:
1. Pagpunta sa mga aklatan, museo, laboratoryo, paaralan at sa na-identify na lipunan upang
makakuha ng mga tiyak na impormasyon.
2. Pakikipanayam sa mga dalubhasa at/o sa mga tao sa lipunan na may mapapanaligang
opinyon o aktuwal na kararanasan.
3. Pagbasa ng mga sanggunian na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o may mga tiyak
na paksa, talahuluganan, encyclopedia, yearbook, atlas, mapa, globo at indeks.
Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang
napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga aklat-
sanggunian, inaalam niya ang mga pang-alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing
paksa.
4. Obserbasyon sa paligid at pagtatala ng mahahalagang detalye.
5. Paggamit ng kompyuter (o kagamitang panteknolohiya) o pangmedia upang magkaroon
ng kaugnay na kaalaman ukol sa isang paksa.
6. Pag-eeksperimento upang makatuklas ng bagong kaalaman.
7. Sariling pagmumuni o pag-iisip ayon sa sariling pagkaunawa na ibinatay sa karanasan.

Kahalagahan ng Pagsasaliksik ng Impormasyon

Gaano ba kahalaga na matuto ang bawa’t mag-aaral na manaliksik?

Una, sa pananaliksik ay matututuhan nilang hanapin at alamin ang mga bagong kaalaman o
interesanteng mga bagay na sila mismo ang aalam o gagawa nito. Natututulungan ang sarili upang
maging masipag, matiyaga, malikhain at malayang magdesisyon, kumilos o gumalaw sa paghahanap
ng impormasyon.

Pangalawa, sa pananaliksik ay makapagsasanay kung paano matuto nang mag-isa (self


learning). Sapagka’t hindi lamang ang paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam ang
ginagamit sa pananaliksik. Ginagamit dito pati ang malalim na pagsusuri at interpretasyon sa bawat
impormasyon na makukuha nila.

Pangatlo, ang pananaliksik ay isang kasangkapan para lalong mapahusay ang kakayahan sa
pakikipagtalastasan; lalong mapalawak ang magandang relasyon sa kapwa at lalo pang mapalawig ang
kaniyang kaalaman hinggil sa kapaligiran at lipunang ginagalawan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasaliksik ng Impormasyon


1. Maging mapatmatyag sa buong kapaligiran. Itala ang mga detalyeng kailangan.
2. Tukuyin ang nakikinitang magiging suliranin o tinatayang balakid sa paksang nais saliksikin.
3. Ilahad ang posibleng solusyon ng suliraning nais bigyan ng solusyon.
4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyonan ang nasabing suliranin.
5. Kumilos o gumawa nang naaayon sa plano at pamamaraang nabanggit. Magtala ng mga datos
o mahahalagang impormasyon at suriing mabuti ang bawat detalye ng impormasyon at
lapatan ng angkop na gamit pang-estadistika para sa interpretasyon nito.
6. Sabihin o ilahad ang resulta. Ulitin ang pamamaraan nang maraming beses. Kung
kinakailangan, ilahad muli ang pangkalahatang resulta para masagutan ang mga tanong o
matugunan ang mga suliranin o balakid.
7. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o epektibong solusyon ng nasabing suliranin para sa
mga mambabasa.
8. Laging banggitin ang pinanggalingan ng impormasyon kung ang pagtalakay ng awtor ay
gagamitin (sourcing and citations).

P a h i n a 32 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TAYAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

Panuto: Magsagawa ng library research para sa alinman sa mga paksang nakatala sa kahon. Lapatan
ng angkop na paglalagay ng citation. Ipasa sa guro ang hard copy ng nasaliksik na paksa ayon sa
panukalang format na makikita sa ibaba.

Pamagat
Pangalan ng mananaliksik

Introduksyon: Ilahad ang paksa, liwanagin ang mga usapin hinggil 10


dito, bakit ito nararapat na maunawaan; lapatan ng angkop na
citation (estilong APA) ang mga hahalawing kaisipan.

Talakay: Ilahad ang kaligiran ng paksa sa pamamagitan ng main at 25


sub-topic, talakayin ang detalye ng paksa.

Buod at kongklusyon: Ilahad ang pinakabuod ng tinalakay na paksa, 10


magsaad ng sariling opinyon at pangwakas na talataan.

Sanggunian: Ilista ang mga ginamit na sanggunian sa APA format. 5

Paksang pagpipilian
1. Apnoea 6. Dementia 11. Paninigarilyo
2. Queer 7. Pamahiin 12. Spoken word poetry
3. Cancer 8. ZPD (Language) 13. Bermuda Triangle
4. Catcalling 9. Princess Diana 14. Florante at Laura
5. Relihiyon 10. EJK 15. Iba pa (isangguni sa
guro)

P a h i n a 33 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 34 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

MGA GAWING
PANGKOMUNIKASYON NG
MGA FILIPINO
Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin. Bagamat sa
iba-ibang kontekstong kultural, iba-iba ang pamamaraan, gawi at ugaliin ng pagpapahayag nito. Upang
maging mabisa at malinaw ang pakikipagkomunikasyon, nararapat matutuhan ang mga pamaraan,
ugaliin at mga gawing pangkomunikasyon ng iba-ibang pangkat.

Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kaniyang natatanging pamamaraan, gawi at ugaliin


hinggil sa pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat pangkat ng tagapagsalita ayon sa nakagawiang
konteksto ng kultura.

Paano ba tayo naghahayag ng ating mga kaisipan at nararamdaman? Angkop ba ang paraan
ng paghahayag sa mga sitwasyong kinasasangkutan?

Para sa araling ito, layunin ng pag- aaral ang sumusunod:

Pangkaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang
Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na
akma sa iba’t ibang konteksto.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t ibang
antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-idea.

 Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-bahay at Pulong-bayan


Ang komunikasyon ay nauugnay at nararapat na umayon sa kontekstong kultural. Iba-iba ang
mga pamamaraan, gawi at ugaliin ng pakikipagkomunikasyon sa bawat kultura. Katulad ng mga
mamayan sa iba-ibang bansa, ang mga Filipino ay mayroon ding natatanging kultural na pamamaraan
ng pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat pangkat etniko na naninirahan sa libo-libong kapuluan
ng bansa.

Panimulang Gawain. Pakinggan ang awit na “Pitong Gatang” ni Fred Panopio. Pagkatapos ay
sagutin ang ilang tanong ukol dito. Mababasa ang mga tanong sa ibaba ng lyrics ng awit.

P a h i n a 35 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pitong Gatang
Fred Panopio
Halaw sa https://www.musixmatch.com/lyrics

Yodelehihoo... 2x
Dito sa Pitong Gatang, sa tabi ng Umbuyan
May kasaysayan akong nalalaman
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang.

May isang munting tindahan sa bukana ng Umbuyan


At sa kanto ng kalye Pitong Gatang
Dito ay nag-uumpukan ang ilang pilyong istambay
Na walang hanapbuhay kundi ganyan.
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Ngunit bakit mayroong tao na katulad kong tsismoso


At sa buhay ng kapwa'y usisero
Kung pikon ang iyong ugali at hindi pasensiyoso
Malamang oras-oras basag-ulo
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Yodelehihoo... 2x

Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret


Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay-patayan ka bawat saglit
Ito ay hindi tsismis, napag-uusapan lang
Yo de le hi ho, walang labis, walang kulang

Itong aking inaawit, ang tamaa'y huwag magalit


Ito naman ay bunga lang n'yaring isip
Ang Pitong Gatang kailanman ay di ko maiwawaglit
Tagarito ang aking iniibig. Yodelehihoo... Yodelehi, yodelehi, oh ho yodelehihi

 Talakayin

1. Hinggil saan ang pinakinggang awit?


2. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng “kasaysayang nalaman” na binanggit ng awit.
Mayroon din bang ganito sa inyong lugar? Isalaysay.
3. Batay sa awit, sino-sino ang nasa lugar na tulad ng Umbuyan at Kalye Pitong Gatang?
Ilarawan sila.
4. Ano –ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa ganitong lugar? Magbigay ng
halimbawa.
5. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na:
“Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret
Sa Pitong Gatang lahat naririnig
At kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik
Magpatay-patayan ka bawat saglit”
6. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o matigil ang tulad ng mga nangyayari sa
Kalye Pitong Gatang? Maglahad ng mga paraan at ipaliwanag.

P a h i n a 36 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin
Iba-iba ang mga gawing pangkomunikasyon nating mga Filipino. Nag-iiba-iba ito ayon sa
kultural na katangian ng isang pangkat at naaapektuhan ito ng ilang mga salik tulad ng lugar, mga
taong naninirahan sa lugar, sosyo- ekonomiko, edukasyon at kasarian.

 Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon


Lugar. Ang lugar ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang komunikasyon. Malaki
ang epekto nito sa gawing pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan at gawi ng
pananalita. Isinasaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng paghahatid ng mensahe at kung
paano maaaring isagawa ang daloy ng usapan. Ang salik na ito ay may impluwensya sa paksa na pag-
uusapan. Bukod pa rito, may mga kultural na gawi at pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat lugar
na tangi sa pangkat ng tagapagsalita. Halimbawa ay ang paggamit ng mga Ilocano ng wen, win at wën
na ang kahulugan ay “oo” sa mga Tagalog. Iba-iba ang gawi at paraan ng pagbigkas ng salita sa iba-
ibang lugar ngunit ang kahulugan ay iisa. Isa pang halimbawa ay ang agalwad kayo o kaya ay agannad
kayo na isang pahayag-Iloko na maaaring mangahulugang sana’y maging ligtas kayo sa inyong pag-
uwi o simpleng ingat kayo. Sa ilang lugar sa Ilokos, ang agalwad kayo o agannad kayo ay pagbibigay-
babala sa kaanak, kaibigan o kakilala sapagkat may hinihinuha na nakaambang panganib.

Mga taong naninirahan sa lugar. Napakalaki ang epekto sa gawing pangkomunikasyon ang
mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang humuhubog ng kultura sa lugar. Ang kanilang
mga paniniwala, ugaliin, gawi at uri ng pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa
mga bagay-bagay sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o usapin. Ayon kay Davey (2018),
ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na nabuo
sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng iisang pangkat. Nakikisalamuha ang mga
tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe na tinatawag na
komunikasyon. Ang kultura ay sinasabing komunikasyon sapagkat may malaking bahagi ito sa kung
paanong ang mga mensahe ay naihahayag at naiintindihan kaya nahuhubog ang natatanging kilos,
ugaliin at pananalita at gawing pangkomunikasyon ng mga indibidwal sa isang etnikong pangkat.

Sosyo-ekonomiko. Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kaniyang estadong sosyo-
ekonomiko ay nauugnay sa gawing pangkomunikasyon. Minsa’y iniaayon ang gawi ng komunikasyon
sa iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, sa mga pelikula ay napapanood ang mga
sitwasyong kinasasangkutan ng tauhang mayaman na karaniwang mababa ang tingin sa mga
kasambahay. Naiiba ang gawi ng pananalita ng mayamang amo sa pananalita ng aping kasambahay.

Edukasyon. Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at nilalaman ng pahayag ay


naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas ng mga salita ay may
kaugnayan sa edukasyon. Saan ba madalas marinig ang mga salitang balbal at kolokyal? Sino ang
madalas gumagamit ng mga salitang pormal? Ang mga guro sa kanilang pagtuturo at tagapamahala
ng kumpanya ay higit na gumagamit ng mga salitang pormal. Ang impormal na salita ay maririnig
naman sa mga pangkat ng indibidwal na nasa palengke, umpukan ng magbabarkada at iba pa. Ang
gawi ng pananalita ng isang doktor ay pormal, higit itong malumanay at nagtataglay ng mataas na uri
ng bokabularyo samantalang ang barker sa isang paradahan ng dyip ay gumagamit ng impormal na
salita at malakas na boses sa pagtawag ng mga pasahero.

Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng lalaki ay hindi ayon
sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na hindi akma kapag
ginamit ng isang babae. Kung gayon, ang paraan at gawi ng komunikasyon ay apektado dahil sa
kasarian. Halimbawa, ang paggamit ng mga salitang besh o kaya ay beshie na higit na angkop gamitin
ng mga babae sa kapwa babae at ang bro o brod na malimit namang gamitin ng mga lalaki sa kapwa
lalaki. Bagama’t sa kasalukuyan, ang ganitong kalakaran sa paggamit ng mga salita bilang bahagi ng
gawi ng komunikasyon ay hindi na rin batayan kung sino ang kausap at kung ano ang kasarian ng
kausap sanhi ng usapin hinggil sa gender awareness and development kung saan tanggap ng lipunan
ang paggamit ng alinmang salita na hindi na mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita. Maging lalaki,
babae, tomboy o bakla ay malayang nakagagamit ng mga salitang naisin upang magpahayag ng
kaisipan at damdamin.

P a h i n a 37 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

❖ Mga Gawing Pangkomunikasyon

 Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes”. Karaniwan, kapag sinabing
tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng
kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay maging usap-
usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang bersyon. Nangyayari sapagkat mabilis itong
nagpapasalin-salin mula sa isang tao tungo sa iba pang indibidwal. Intriga, alimuom, sagap, sabi-sabi,
bali-balita o kaya ay bulong-bulungan at alingasngas ito kung tawagin. Kadalasa’y hindi kabutihan ang
dulot nito dahil nakasisira ito sa ugnayang pantao, reputasyon at nagbubunyag ng mga lihim na
maaaring wala naman talagang katotohanan.

 Umpukan
Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang
pamilya o magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o
magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin. Ito ay nangyayari dahil ang
isang paksa, usapin at hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at bigyang linaw. Nagsisilbi
rin itong pagkakataon sa pangkat upang lalong mapatatag ang kanilang samahan at lalo pang mapabuti
ang pagtrato sa isa’t isa. Naiiba ang umpukan sa tsismisan sapagkat higit na mabuti ang tunguhin ng
usapin sa umpukan. Napakaimpormal na gawain ang umpukan, madalas itong nangyayari na hindi
binalak. Sa isang pamilya o magkakapatid, karaniwan na nagaganap ito sa mga oras matapos ang
tanghalian, bago magtakipsilim o matapos ang hapunan bilang pampalipas-oras at pinag- uusapan ang
tungkol sa mga bagay-bagay na natapos o mga nais pang gawin. Minsan, sa umpukan ay walang
paksang tinatalakay kundi biruan lamang. Sa mga magkakaibigan, magkakaklase at magbabarkada,
karaniwang nangyayari ang umpukan dahil mayroon silang nais talakayin ukol sa kanilang mga
gawaing sa paaralan tulad ng pagsasagawa ng proyekto, pag-aayos ng schedule, mga gawain sa
akademya at iba pa. Sa mga magkakatrabaho, nangyayari din ang umpukan pagkatapos ng oras ng
trabaho upang pag-usapan ang mga kaugnay na gawain sa trabaho na dapat umpisahan at tapusin,
mga nais maisakatuparan at iba’t ibang personal at interpersonal na pakikipag-ugnayan.

 Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga
mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang
ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang baranggay upang ipagbigay-alam ang
isyu o mga isyu. Sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng
impormasyon hinggil sa mga gawain at layuning nais isakatuparan sa lugar.

 Pulong-bayan
Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at
layuning pambarangay at pambayan. Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno sa isang
barangay o bayan kasama ang mga mamamayan upang pag-usapan ang mga layunin, proyekto at/o
mga batas na isasakatuparan sa lugar. Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ng barangay o bayan
ang kasangkot at sama-sama sa pagpupulong dahil ang mga na-uusapan at napagkakasunduan ay
tinatalakay sa inihandang lugar at inilalahad sa pamamagitan ng katitikan. Ang pulong-bayan din ay
di-gaanong pormal kapag ang pinuno ng bayan ay nagsasagawa lamang ng anunsyo sa pangkat ng
mamamayan sa pamamagitan ng pamaraang pasalita.

P a h i n a 38 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pasulat. Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem upang matukoy ang konseptong binabanggit.
Isulat ang sagot sa patlang.
________________ 1. Usaping politikal ang karaniwang paksa nito na nauukol sa mga gawain at
layuning pambarangay at pambayan.

________________ 2. Kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na


nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng iisang
pangkat.

________________ 3. Ito ang salik sa gawing pangkomunikasyon na nagtatakda sa uri, paraan at


gawi ng pananalita.

________________ 4. Tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid,


magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o
magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin

________________ 5. Isang gawaing panlipunan na tumutukoy sa pakikipag-usap sa mga


mamamayan sa kanilang mga bahay upang maghatid ng impormasyon.

________________ 6. Ang salik sa gawing pangkomunikasyon na nauukol sa paggamit ng mga


salitang pormal at impormal at nauugnay sa antas ng napag-aralan.

________________ 7. Isang salik sa gawing pangkomunikasyon na tumatalakay sa paggamit ng mga


salita ng iba-ibang kasarian.

________________ 8. Tumutukoy ito sa antas ng pamumuhay ng mga tao na nauugnay sa gawing


pangkomunikasyon.

________________ 9. Salik na humuhubog sa kultura ng isang lugar.

________________ 10. Isang gawing pangkomunikasyon na kadalasa’y hindi kabutihan ang dulot
dahil minsa’y nakakasira sa ugnayang pantao, reputasyon, at nagbubunyag
ng mga lihim na walang katotohanan

II. Pasalita. Bumuo ng pangkat na may 5-7 kasapi. Pumili ng isa sa mga sitwasyon sa ibaba at ito ay
talakayin ayon sa sentro ng usapan. Talakayin ito sa klase. Gamitin ang rubrik para sa
pagtatataya.

Sentro ng usapan:
1. Ano ang pinag-uusapan sa piniling sitwasyon?
2. Anong suliranin ang nailahad sa sitwasyon? Paano ito
mabibigyan ng solusyon?
3. Mabuti ba ang naidudulot nito? Magbigay ng halimbawang
pagkakataon na ang tsismis ay nakakapaminsala.
4. Paano kung sa isang araw ay ikaw ang pinag-uusapan? Paano
mo ito lulutasin?

P a h i n a 39 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sitwasyon 1. Palagiang bumibisita sa bahay si Mang Jaime, 54 taong gulang, balo. Bumibisita
siya sapagkat kaibigan siya ng aking tatay na kasamahan niya dati sa trabaho. Nagkakataon lamang
na kapag bumibisita siya ay nagpupunta sa bayan si Tatay dahil naroon ang kaniyang mga parokyano
ng gulay at prutas. Nabalita na lamang isang araw na mayroon daw kaming relasyon ni Mang Jaime.
Kaya umasenso ang negosyo ng tatay ko ay dahil binibigyan ako ni Mang Jaime ng malaking halaga ng
pera at ginagamit iyon ni tatay sa kaniyang mga paninda. Hindi ito totoo!

Sitwasyon 2. Naglalakad kami ni Mark isang hapon, galing kami sa pista sa bayan. Matalik ko
siyang kaibigan. Noong hapong iyon, sapagkat magtatakip-silim na at pagod na rin kami ni Mark,
pinulikat ang kaliwang binti ko kaya umupo kami ni Mark sa gilid ng daan at nilapatan niya ng paunang
lunas ang pinulikat kong binti. Maraming nakakita sa amin noon. Kinabukasan, kumalat na lamang
ang isang kuwento na may nangyari sa amin ni Mark.

Sitwasyon 3. Nag-resign sa kaniyang trabaho ang pinsan kong si Glena. Nag-apply siya, at
pinalad maging OFW sa isang mayamang bansa sa Kanluran. Nanibago siya sa kaniyang mga gawain
sa ibang bansa at hindi niya ito nakayanan kaya umuwi siya ng Filipinas pagkatapos ng tatlong buwan.
Nagkaroon ng alingasngas na ang pinsan ko’y masyado raw mataas kung pangarap, feelingera at “hindi
makuntento”. Hindi malinaw sa akin kung ano at saan ang pinagbuhatan ng ganitong paratang sa
kaniya. Dahil dito, na-depress ang pinsan ko at kinailangang maipatingin sa psychiatrist. Lumala ang
alingasngas na nababaliw na raw ang pinsan ko.

KASANAYAN NILALAMAN
PAKIKIBAHAGI
Kahusayan sa Kaayunan ng Kabuoan
Miyembro Kontribusyon sa
pagtalakay ng pagtalakay sa (25)
talakayan (5)
paksa (10) paksa (10)

P a h i n a 40 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Komunikasyong Di-Berbal
Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng pagpapahayag na hindi
ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napapansin sapagkat ang paggamit ng mga kilos, ekspresyon at
mga paralenggwahe ay umaayon sa bugso ng nararamdaman sa oras ng pagpapahayag. Ang tawag
dito ay mga uri ng komunikasyong di-berbal. Ang mga uri ng komunikasyong di-berbal tulad ng paraan
ng pag-upo, bilis ng paggalaw ng mga kamay, pagbilog ng mga mata, pag-iling at maging paggalaw ng
bibig, pagtapik at iba pa ay nadsasaad ng iba’t ibang mensahe na nabibigyang kahulugan ng kausap.
Kahit na kapag tayo ay hindi kumikilos o tayo ay hindi nagsasalita ay mayroon pa ring mga mensaheng
inihihiwatig. Minsan din, ang mga salitang lumalabas sa ating bibig ay hindi umaayon sa kahulugan ng
mga ikinikilos natin. Sa mga sitwasyong ito, kinakailangang mapag-ugnay ng nakikinig ang kahulugan
ng kilos at ng salita at mahusay na mapili kung alin sa berbal at di-berbal na paraan ng komunikasyon
ang kailangan niyang paniwalaan.

Ang sumusunod ay halaw mula sa pagpapaliwanag sa artikulo nina Hans at Hans (2018) hinggil
sa tatlong aspekto ang komunikasyong di-berbal. Kabilang dito ang kinesika (kinesic behavior),
pandama (haptics) at proksemika (proxemics). Bagamat nakaugnay sa tatlong ito ang dalawa pang
mahahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon na batay sa pagpapaliwanag ni Heathfield (2018)
tulad ng paralengguwahe (paralanguage) at mga bagay (object language):

1. Kinesika (Kinesics)
Ang kinesika ay tumutukoy sa komunikasyong di-berbal na may kaugnayan sa paggalaw ng
katawan tulad ng tindig (posture), kumpas (gestures), ekspresyon ng mukha (facial expression) at
occulesics na tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact) sa pagpapahayag ng mensahe.

Tindig. Isinasaalang-alang dito ang idea kung paano naaapektuhan ang ibang tao sa
paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo. Kung paano igalaw
ang katawan o tumindig ay nagkapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan. Ang bilis
at bagal ng paggalaw ay mayroon ding kahulugang inihihiwatig. Halimbawa, sa isang
panayam sa telebisyon, ang pag-upo nang nakakrus ang paa at maayos na pagtindig
ng katawan ay nakapagpapahiwatig ng pagiging handa ng guest artist sa mga tanong
at sa iba pang mga ipagagawa sa kaniya sa kabuoan ng panayam. Samantalang ang
hindi pag-upo nang maayos at pagbaluktot ng katawan sa parehong sitwasyon ay
nagpapahiwatig naman ng hindi kahandaan.

Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-araw na pagpapahayag ng


kaisipan at damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay maaaring mangahulugan ng
pagsasabi ng “kumusta” o kaya ay “paalam”. Ang pagturo (point) ay maaari ding
mangahulugan ng galit o kaya ay simpleng pagtukoy lamang ng mga bagay na
nagugustuhan. Ang ilan pa sa mga ginagamit na kumpas ay kapag kinukuyom ang
palad bilang kahulugan ng pagpigil ng matinding emosyon at paglalahad ng palad
paharap sa kausap na ang ibig sabihin ay pagpapahinto. Bilang paglalagom, ang
(paggamit ng) kumpas ay may iba-ibang kahulugan sa konteksto ng iba-ibang lahi at
bansa.

Ekspresyon ng mukha. Binanggit nina Hans at Hans (2015) na ang mukha ay isa sa
mga bahagi ng katawan na nakapagpapahayag ng maraming ekspresyon at
kahulugan. Ang mukha ay nakapagpapahiwatig ng kaligayahan at saya, ng
kalungkutan, ng galit, ng takot at maging ng kabiguan.

Occulesics / Pagtingin. Mabisang gamitin ang mata sa pagpapahayag. Kung paano


tumingin sa iba ay nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito ay maaaring
makapagpakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto.
Ang pagtingin ay napakahalaga rin sa pagpapanatili ng daloy ng usapan at sa kung
paano maaaring tumugon ang kausap. Ayon pa rin kina Hans at Hans (2015), maaari
tayong makipag- usap sa pamamagitan ng ating mga mata:

P a h i n a 41 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

“Eye contact serves several communicative functions


ranging from regulating interaction to monitoring
interaction, to conveying information, to establishing
interpersonal connections”

2. Pandama (haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang kahulugan.
Daan-dang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba-
ibang kahulugan ang paraan ng paghawak. Halimbawa, ang mariing pakikipagkamay at pagtapik sa
balikat ay may magkaibang kahulugang inihahatid. Maaaring may galit, nakikiramay, nagmamahal o
nambabastos ang kahulugan ng paghawak. Samantala, iba-iba ang kahulugan ng paghaplos, pagpisil,
pagpindot at paghipo sapagkat ang diin sa pagsasagawa nito ay naghahatid magkakaibang mensahe
ayon sa pandama ng tumatanggap nito.

3. Proksemika (Proxemics)
Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring may kaugnayan sa dalawang taong nag-
uusap. Ang pagiging malapit, malayo o kaya’y malapit na malapit ng mga taong nag-uusap ay
naghahatid ng iba’t ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap. Karaniwan, ang espasyo
ay di-gaanong napapansin na nakapaghahatid din ng kahulugan. Halimbawa, naranasan mo na bang
makadama ng pagkairita kapag ang taong kinakausap mo ay napakalapit sa iyo? Ang espasyo ay
nakapaghahatid ng mga kahulugan tulad ng kapalagayan ng loob, pagkamapusok o pagiging agresibo,
pangingibabaw (dominance) at pagmamahal o pagsuyo. Inilahad nina Hans at Hans (2015) na ang
espasyo ay may mga kahulugang taglay tulad ng isinasaad ng “Proxemics Zones of Personal Space”:

4. Paralengguwahe (Paralanguage)
Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang paraan
ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa nito ay ang
bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa, paghikab, buntong-hininga, pag-
ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik. Halimbawa, iba-iba ang naipararating ng simpleng
pagngiti sa lakas ng pagtawa. Iba rin ang kahulugan kapag ang isang tao ay humahalakhak sa
karaniwang pagbungisngis. Ang pagngiti, pagbungisngis, pagtawa at paghalakhak ay iba-ibang
ekspresyon na naghahatid ng iba-ibang mensahe. Isa pang halimbawa ng paralengguwahe ay kapag
ang isang tao ay pahinto-hinto o pautal-utal sa kaniyang pagsasalita na naiiba rin kapag ang
karaniwang paghinto (pause) sa pagsasalita ay ginagamit para maging maayos na maiparating ang
mensahe.

5. Bagay (Object language)


Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na
tinatawag ding material artifacts). Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng disenyo ng mga
gamit, damit, mga sasakyan at iba pa. Ang pagkakaayos ang mga kagamitan sa isang bahay o opisina
P a h i n a 42 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

ay nagtataglay rin ng mensahe na nabibigyang kahulugan ng tumitingin nito. Kaugnay nito, ang
pananamit at uri ng pananamit ay ginagamit din bilang isang paraan ng pagsasaad ng mensahe tulad
ng lahi, kalagayan, antas at uri ng pamumuhay at kalagayang ekonomiko. Kaugnay nito, sa ibang
kalagayang kultural, mayroon ding iba pang mga uri ng di-berbal na komunikasyon tulad ng oras
(chronemics, simbolo (iconics) at kulay (color).

Oras. Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali, hapon, takipsilim,


gabi, hatingggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na kalagayan, ang mga ito ay
may kaugnayan sa trabaho at pagpapahinga ngunit sa iba naman ay walang takdang
oras ang pagtatrabaho at pagpapahinga. Kaugnay nito, maaaring nakaugnay ang
kaisipan na ang mga Filipino ay maaaring pumasok sa trabaho na lampas sa takdang
oras ng pagpasok samantalang ang mga Amerikano ay dapat pumasok sa trabaho
ayon sa oras na itinakda. Sa ibang bansa ay may winter, summer, spring at fall,
ngunit sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo.

Simbolo. Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo. Makikita ang
mga ito sa mga pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba iba pa. Halimbawa rito
ang mga simbolo ng na No-U Turn, No Smoking, No Parking at Male / Female sa mga
palikuran.

Kulay. Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang pagsusuot ng
puting damit ng ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit ay
simbolo naman ng pagluluksa. Ang pula ay karaniwang ginagamit sa mga fastfood
chain sapagkat ito ay sumisimbolo sa kulay ng pagkain at bukod pa rito ay nagdadala
ito ng mainit na pakiramdam katulad ng apoy. Maliban dito, noon, ang kulay ay
nagpapahiwatig ng oryentasyong pangkasarian. Ang asul ay para sa mga lalaki
samantalang ang pula (o pink) ay para naman sa mga babae. Ngunit sa pangkat ng
LGBT community, ang kulay ng bahaghari ay simbolo naman ng kalayaan nilang
maging bahagi ng lipunan na walang diskriminasyon.

P a h i n a 43 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 44 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

I. Pasulat
A. Tukuyin kung anong TIYAK na uri ng di-berbal na komunikasyon ang isinasaad ng/sa bawat
pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

_________ 1. Ika-3:00 ng hapon: oras ng pagdarasal


_________ 2. Pagmamahal: Masuyong paghaplos ng ina sa sanggol
_________ 3. Respeto: Pagmamano sa magulang
_________ 4. Walang kahandaan: Mga upuan at entabladong di-maayos
_________ 5. No U Turn sa gilid ng daan: Hindi pagliko ng sasakyan
_________ 6. Usapang intimate : Paglapit ng lalake sa babae
_________ 7. Stress: Malalim na buntong-hininga
_________ 8. Pagbati: Pagkaway sa ibang tao
_________ 9. Takot: Panginginig ng kamay at pagbilog ng mga mata
_________ 10. Pagluluksa: Pagsusuot ng damit na kulay itim

B. Isulat kung ano ang kinakatawan ng bawat simbolo.

II. Pakilos. Ipahayag sa pamamagitan ng angkop na uri ng di-berbal na komunikasyon ang


sumusunod na idea.

Sistema ng pagmamarka: Ang guro at dalawang mag-aaral na itatalaga bilang hurado ang
magbibigay ng marka. Gamiting batayan sa pagmamarka ang:

Kung napakahusay ang pagpapahayag


Kung mahusay ang pagpapahayag
Kung hindi gaanong mahusay ang pagpapahayag

a. “Pakiabot mo nga sa akin ang cellphone dahil malayo ito sa akin.”

b. “Ma’am, sorry po dahil hindi ko talaga alam ang sagot sa tanong ninyo.”

P a h i n a 45 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

c. “Tingnan mo ako, ang ganda- ganda ko… pak! Sexy pa… pak! (nasa harap ng lalaking
natitipuhan)

d. “Magsitigil kayo! Ang iingay ninyo sa klase ko!”

e. “Ay! Sayang!”

f. “Hhmmm… ang kisig- kisig talaga ni Paul. Sana mapansin niya ako.”

g. “Grrrrr… talagang galit na ako sa iyo!” (ngunit pinipigilan ang sarili)

h. “Paano kaya ito, baka malaman nina Nanay at Tatay na buntis ako.
Nakakahiya…nakakahiya…”

i. “Ano!? Lalaban ka!? Ha! Ako ang nasusunod sa pamamahay na ito!”

j. “Haaay naku… anong oras na, wala pa siya. Inip na inip na ako kakahintay sa kaniya.”

k. “Vrix! Ikaw ba yan? Kumusta ka na?”

l. “Magandang araw po. Kumusta na po kayo?”

m. “Kahon…! Kahon…! Wag kang magpepera! Jackpot ang laman ng kahon… ay…ay….!”
(Habang nanonood ng game show)

n. (Sa sarili, takot na takot habang nanonood ng horror movie) “Naku… malapit na siya…
dali magtago ka na…dali…!”

o. “My precious…” (iasta tulad ng mga golum sa Lord of the Rings, nagpapahiwatig ng
paghahangad at kasakiman)

p. “Hayan oh, nasa harap mo… hindi mo ba nakikita!?”

q. “Akala mo lang wala…! Pero meron…! Meron! Meron!”(pahiwatig ng matinding galit)

r. “Holdap ‘to… ‘wag kikilos ng masama…”

s. “Oh, Diyos ko, patawarin Mo po ako sa mga kasalanang nagawa ko!”

t. (Komadrona at buntis habang nanganganak sa bahay, nakaantabay ang asawa)

Komadrona: Ire lang, misis, lakas… sige ire pa…


Buntis: (umiire nang matindi)
Asawa: Ano na kaya ang nangyayari dun…. (sa sarili)

P a h i n a 46 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Mga Ekspresyong Lokal


Mayaman ang kulturang Filipino sa mga kultural na pagpapahayag tulad ng paggamit ng mga
salawikain, kasabihan, talinghaga at bulong. Ang mga ito ay mga uri ng pagpapahayag na ginagamit
para sa iba’t ibang layunin tulad ng pangangaral, pagbibigay ng paalala, pagbababala, paghahangad at
pagpapahiwatig ng damdamin at kaisipan. Mga tao sa lipunan ang gumagamit ng ganitong uri ng
pagpapahayag. Nabubuo at umuunlad ang kultura sanhi ng pakikisalamuha ng tao sa kaniyang
lipunan. Kaugnay nito, dahil iba-iba ang mga taong nakakasalamuha sa lipunan, nahuhubog ang iba-
ibang ugaliin, paniniwala, gawi at kabilang na rin ang pagkakaiba ng mga ekspresyon.

Tayo ay gumagamit ng mga ekspresyon na tangi sa lugar na kinalakhan. Iba-iba ang


ekspresyong ito ayon sa lugar na kinabibilangang pangkat ng tagapagsalita. Halimbawa, ang mga
Ilokano ay gumagamit ng palasak na ekspresyong tulad ng “Wen, Manong” o kaya ay “Win, Manang”.
Sa ibang lugar sa Ilokos, ang wen o win ay binibigkas na wën. Ang mga ekspresyong ito ay katumbas
ng “Opo, Kuya” at “Opo, Ate” na nagpapahiwatig ng paggalang sa nakatatandang kapatid at/o kaya ay
bilang pagrespeto sa mga kakilala. Samantala, may mga ekspresyon tulad ng “Ating”, “Ire” o “nire”
(Cabanatuan), “Ala, eh” (Batangas), “Sus, Ginooo”, “Alla naman” (Bataan) na bukod-tangi rin sa
nabanggit na lugar.

Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino ay nag-iiba
dahil sa heograpiya o lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan kung bakit may varyasyon ang
paggamit ng wika.

Halimbawa:

Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sikat ng araw. (nangangahulugang tanghali


na kaya dapat bumangon na sa pagkakahiga at magtrabaho na)
Ilokano: Bumtak ti sara’t nuangin (o sa iba ay nuangen). sa literal na kahulugan ay
pumutok na ang sungay ng kalabaw. Kapag sinabi ang bumtak ti sara’t
nuangin (nuangen) ay ipinakakahulugan na tanghali na at mataas na ang
sikat ng araw kaya bumangon na at magtrabaho na

Sa ibang tagapagsalita, ipinahahayag ito katulad ng “Tindig araw na’y di pa luto” na ang
kahulugan ay tulad din ng sa Iloko at sa Tagalog.

May mga ekspresyong lokal na karaniwan sa mga tagapagsalitang Filipino. Nahahati ito sa
tatlong pangkat. Ang una ay ang mga katutubong ekspresyon, ang ikalawa ay ang mga ekspresyong
makabago at ang ikatlo ay ang ekspresyong milenyal. Narito ang ilang halimbawa. Maipaliliwanag mo
ba ang ibig sabihin ng mga ito at kung paano ito ginagamit?

Katutubong Ekspresyon
1. Jeproks 6. Iniputan sa ulo
2. Para kang sirang plaka 7. Bugtong na anak
3. Kopong-kopong 8. Topo-topo
4. Naniningalang-pugad 9. Makunat pa sa belekoy
5. Giyera patani 10. May pileges sa noo
Makabagong ekspresyon
1. Anak ng ……..! 6. Diyos ko! O, Mahabaging Diyos!
2. Diyaske 7. Ikako
3. Susmaryosep 8. Mucho dinero
4. Bahala na o kaya ay sige lang 9. Totoy o Nene
5. Ganun? 10. Lutong Macau
Ekspresyong milenyal (Higit na makabagong ekspresyon)
1. Humuhugot 6. Lodi
2. Ansabe 7. E di wow!
3. Ligwak 8. Ginigigil mo ako.
4. Havey 9. Petmalu
5. Werpa 10. Pak!

P a h i n a 47 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 48 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pasulat. Ang sumusunod ay listahan ng mga ekspresyong katutubo at makabago. Isulat ang
kahulugan ng mga ekspresyon sa patlang.

1. Mabilis pa sa alas-kuwatro _______________________________________


2. Promdi _______________________________________
3. Pasharks _______________________________________
4. Praning _______________________________________
5. Pate _______________________________________
6. Buhay alamang _______________________________________
7. Amboy _______________________________________
8. Babaing taratitat _______________________________________
9. Kulelat _______________________________________
10. Utoy _______________________________________
11. Ilista sa tubig _______________________________________
12. Mars _______________________________________
13. Maningalang-pugad _______________________________________
15. Walang katorya-torya _______________________________________
16. Nagdilang anghel _______________________________________
17. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib _______________________________________
18. Atat na atat _______________________________________
19. Matigas ang ulo _______________________________________
20. Utang na loob _______________________________________
21. Bokya na naman _______________________________________
22. Salt _______________________________________
23. Itaga sa bato _______________________________________
24. Astig _______________________________________
25. Ganern _______________________________________
26. KKB na tayo _______________________________________
27. Putok sa buho _______________________________________
28. Magbatak ng buto _______________________________________
29. Kumukulo ang dugo _______________________________________
30. Saling pusa _______________________________________

P a h i n a 49 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Mga Karagdagang Gawain

1. Pagsasaliksik at pangkatang pag-uulat. Bumuo ng grupo na may 5-8 miyembro. Saliksikin ang
mga paksang nakalista. Maghanda ng presentasyong powerpoint para sa 15 minutong
pagtalakay.

Rubrik Para sa Pangkatang Pag-uulat

Layunin: Natatalakay nang may kahusayan ang piniling paksa


Naipaliliwanag ang mga konsepto hinggil sa piniling paksa
Nakapagpapakita ng mahusay at mabisang pagpapahayag

Pangalan: _______________________________ Kurso: _______________________

Indikasyon ng pagtalakay Puntos ng Tagataya: Puntos ng Tagataya: Kabuoan


Mag- aaral Guro 10 / 2
Naaangkop at naaayon ang
pagtalakay ng kaisipan sa 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
piniling paksa

Nakapagpapahayag ng sariling
kaisipan / ideya hinggil sa 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
paksang tinatalakay
Natatalakay nang maayos at
masistema ang paksa 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1

Nailalahad ang mga kaisipan


nang wasto at malinaw 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1

Naipapasa ang sipi ng ulat


(word format, bibigyang pansin 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
ang nilalaman at kaayusan)
Kabuuan

Mga paksa (maaaring kumuha ang pangkat ng ibang paksa na wala sa nabanggit basta may
pahintulot ang guro):

“Sawsaw o Babad: Anong Klaseng Usisero Ka?” ni J. Barrios

“Ituro Mo Beybi: Ang Improbisasyon sa Pagtuturo” ni G. Atienza

“Kasal-Sakal: Alitang Mag-Asawa” (saliksik na gumamit ng umpukan) ni M. F. Balba at E.


Castronuevo

“Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)” ni


G. Zafra

“Bayan at Pagkabayan sa Salamyaan: ang Pagpopook ng Marikina sa Kamalayang-bayang


Marikenyo” ni J. Petras

“Pahiwatig” ni M. Maggay

P a h i n a 50 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

2. Pagsasagawa ng pulong-bayan sa loob ng klasrum o role playing ng iba’t ibang gawing


pangkomunikasyon.

Rubrik sa Pagtataya ng Pulong-Bayan / Role Playing


Layunin: Nakapaglalahad ng mga sitwasyon hinggil sa gawing pangkomunikasyon.
Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon at mga mga salita ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Pangalan: _______________________________ Kurso: _______________________

NATATANGI MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN


4 3 2 PA NG
PAGSASANAY
1
Napakahusay ng pagpapakita
ng sitwasyon; ang mga
nailahad na pangyayari ay
angkop at naaayon (x2)

Nagamit ang mga angkop na


salita at ekspresyon na ayon sa
sitwasyon, maliwanag at
malinaw itong inihayag. (x2)

Napakaayos ang nailahad na


bahagi ng pulong-bayan / role
play. Mayroon itong simula,
katawan, tunggalian at wakas.

Kabuoan

Interpretasyon:
10-12 Natatangi ang pagganap at paglalahad ng konsepto
7-9 May kahusayan ang pagganap at paglalahad ng konsepto
4-6 Katamtaman ang pagganap at paglalahad ng konsepto
1-3 Nangangailangan pa ng pagsasanay

3. Pagsasaliksik ng iba’t ibang ekspresyon. Magsaliksik ng iba’t ibang ekspresyon. Ilahad ang
kahulugan ng mga ekspresyon at kung sa anong sitwasyon ito nagagamit.

Rubrik sa Pagtataya ng Gawaing Pananaliksik

Layunin: Nakapagtitipon ng iba’t ibang ekspresyong lokal.


Nailalahad ang mga hinihinging detalye kaugnay ng mga ekspresyong lokal.
Napahahalagahan ang iba’t ibang mga ekspresyong lokal sa pamamagitan ng pagiging
aktibong kabahagi sa kultural na pagpapayaman ng/sa wika/komunikasyon.

Indikasyon ng Pagtataya Puntos Aktwal


Nilalaman: sapat ang nasaliksik na impormasyon at
ang detalye ay masusing nailahad; nalapatan ng 15
angkop na paliwanag
Kaayusan: maayos ang pagkasunod-sunod ng
impormasyon at detalye sa paglalahad 5
Pagsangguni: inilapat sa papel ang wastong
pagsangguni/sanggunian 5

P a h i n a 51 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pagpasa: naipasa sa guro ang papel sa takdang oras


na napagkasunduan (1 puntos kabawasan sa 5
indikasyong ito bawat araw)
Kabuoan 30

4. Pagsulat ng sosyo-kultural na papel. Sumulat ng sosyo-kultural na papel hinggil sa gampanin


ng wikang Filipino sa pagpapanatili ng pagpapahalaga at kulturang Filipino. (Maaaring pumili ng iba
pang paksa kung ipahihintulot ng guro.)

Rubrik sa Pagsulat ng Sosyo-Kultural na Papel

Pangalan: ____________________________ Kurso at Taon: ______________________________


Pamagat: _________________________________________________________________________

Napakataas Mataas Di-gaanong Kailangan pa


ang ang mataas ang ng
kasanayan kasanayan kasanayan pagsasanay
4 3 2 1

Presentasyon: nakabuo ako ng


maaayos na pangungusap at
talataan
Paggamit ng salita: pili, angkop,
wasto at naaayon sa paksa ang
mga salita na aking ginamit.
Organisasyon: nailalahad ko ang
aking mga kaisipan nang maayos,
malinaw at detalyado.
Nilalaman: nakapaglahad ako ng
mga impormasyong bago,
makakatotohanan at kapani-
paniwala
Pagsangguni: sapat ang
sangguniang ginamit ko at
inilapat ko sa pagtalakay ang
wastong pagsangguni
Estilo at pamaraan:
may sarili akong estilo at
pamamaraan sa pagsulat
Pagpasa: naipasa ko sa guro ang
papel sa takdang oras na
napagkasunduan (1 puntos
kabawasan sa indikasyong ito
bawat araw)
Kabuoang Puntos
28 / 7

Interpretasyon
3.25 – 4.00 Napakataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat at lubos na lubos ang
kahusayan sa pagtalakay ng paksa
2.50 – 3.24 Mataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat at lubos ang kahusayan sa
pagtalakay ng paksa
1.75 – 2.49 Di-gaanong mataas ang antas ng kasanayan sa pagsulat at
nangangailangan pa ng paggabay
1.00 – 1.74 Mababa ang antas ng kasanayan sa pagsulat at nangangailangan pa ng
masusing paggabay

P a h i n a 52 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

MGA NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAL AT NASYONAL
Pabahay, Pangkalusugan, Transportasyon, Edukasyon at
Urbanisasyon

Mga Layunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1) Nakikilala ang iba’t ibang isyu sa lipunan hinggil sa usapin sa pabahay, pangkalusugan,
transportasyon, edukasyon, urbanisasyon, pagkasira ng kalikasan, at kalamidad;
2) Natatalakay ang mga dahilan at bunga ng mga isyung panlokal at pangnasyonal; at
3) Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa iba’t ibang isyung panlipunan.

Introduksyon:

Sa pagbabago ng panahon, umuusbong din ang iba’t ibang hamong panlipunan na


kinakaharap ng isang bansa. Hindi maihihiwalay sa pag-unlad ng isang bansa ang pagharap sa mga
isyung panlipunan. Sinumang nagnanais na paunlarin ang kaniyang bansa o ang kaniyang lipunan ay
nangangailangan ng ibayong pagdalumat sa mga suliranin. Ibig sabihin, kinakailangan na makilala at
maunawaan ng isang lipunan ang mga hamong kinakaharap upang matugunan ang mga ito at
makasabay sa nagbabagong panahon.

Ang Filipinas, bilang umuunlad na bansa, ay hindi rin maitatangging nahaharap sa mga isyung
panlipunan. Sisipatin natin sa araling ito ang kalagayan ng bansa sa konteksto ng serbisyong pabahay,
pangkalusugan, transportasyon, edukasyon, urbanisasyon, pagkasira ng kalikasan at kalamidad na
nagbibigay-buhay sa iba’t ibang isyung panlipunan.

❖ Paunang Aktibidad:

Hatiin ang klase sa walo hanggang sampung grupo. Magsagawa ng sarbey-panayam sa 10


piling mamayan ng inyong barangay na nasa edad 18-65. Itanong kung ano ang mga suliraning
panlipunan na kanilang nararanasan at itala ito sa isang coupon bond. (Idokumento ang gagawing
sarbey-panayam.) Gamiting gabay ang talahanayan sa ibaba:

Suliraning Panlipunan Frequency (bilang ng Kabuoan


beses na ito’y nabanggit)

Iulat sa klase ang resulta ng inyong aktibidad.


Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka sa Sarbey-Panayam at Pag-uulat
Pamantayan Deskripsyon Puntos
• Komprehensibo ang naging pagtalakay/pag-
uulat sa resulta ng sarbey-panayam. 30 pts
• Malinaw na naisa-isa ang iprinesentang mga
Nilalaman suliraning panlipunan.
• Mayroong ebidensyang makapagpapatunay
sa nilalaman ng ulat (dokumentadong
larawan ngisinagawang sarbey-panayam).
• May tikas ang tindig; malinaw at malakas ang
Pag-uulat boses, dinig sa apat na sulok ng klasrum. 20 pts
Kabuoan 50 pts

P a h i n a 53 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Kalagayan ng Iba’t ibang Serbisyong Panlipunan: Pabahay, Pangkalusugan,


Tranportasyon at Edukasyon

Nanatili pa ring usapin sa bansa ang isyu sa mga serbisyong panlipunan na kinabibilangan ng
pabahay, pangkalusugan, transportasyon, at edukasyon. Isa-isahin nating sipatin ang kalagayan ng
mga serbisyong ito:

 Pabahay
Sa inilabas na ulat ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2017, pumapatak na
humigit-kumulang sa 11.7 bilyong piso ang nailaan na badyet sa pabahay at Housing Amenities.
Kasama rito ang mga benepisyong pabahay at mga probisyon para sa malinis na pinagkukunan ng
inuming tubig para mapagaan ang pamumuhay ng mga maralitang Filipino.

Ang National Housing Authority (NHA) bilang ahensya ng gobyerno ay nasa tatlumpu’t siyam
na taon na sa serbisyong pabahay ng masang Filipino. Ito'y nagbibigay tulong, serbisyo't pagkakataon
upang umangat at mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga benepisyaryo sa isang bagong
komunidad at kapaligiran. Patuloy itong nagpapatupad ng mga programa't proyekto na higit na
makakatugon sa tukoy na pangangailangan ng mga awardee ng lote/yunit.

Bagaman napopondahan ito ng pamahalaan, nanatili pa ring usapin sa serbisyong pabahay


ang mabagal na implementasyon ng mga programa. Ang suliraning ito ay maaaring nag-uugat sa
mabagal na proseso ng pagtatamo ng lupa (land acquisition), pagbibigay ng lisensya ng lokal na
pamahalaan, urban planning at hindi malinaw na patakaran at tuntunin ng lokal na pamahalaan, at
hindi malinaw na polisiya ng pamahalan.

 Pangkalusugan
Ang Kagawaran ng Kalusugan ay ang ahensya ng gobyerno na namamahala sa mga serbisyong
pangkalusugan para sa mamayang Filipino. Noong taong 2017, ang inilaan na pondo ng Kagawaran ng
Badyet at Pamamahala para sa Kagawaran ng Kalusugan ay 153.6 bilyong piso. Binubuo ito ng mga
gugulin sa mga serbsiyong ospital, outpatient, kalusugang pampubliko, seguruhang pangkalusugan, at
pangkalusugang pananaliksik at pagsulong.

Pinagtutuonan ng pansin ng nasabing kagawaran ang sumusunod:

1) Health Human Resource. Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng mga bagong health personnel
para matiyak ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga
lilib na lugar.

2) Early Childhood Care and Development. Naglalayong bigyan ang lahat ng 9.3 milyong bata
na limang taon pababa ng mahahalagang bitamina at mineral.

3) National Immunization. Pagsasagawa ng ganap na imyunisasyon sa 2.4 milyong bata sa


buong bansa laban sa mga sakit na kayang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng
dipterya, tigdas at rubella (German Measles).

4) Other Infectious Diseases. Naglalayong mabawasan ang epekto sa kalusugan ng mga


nakakahawang sakit, at palakasin ang paghahanda at pagtugon sa mga lumilitaw at papalitaw
pa lamang na mga sakit..

5) Tubercolosis Control. Naglalayong pigilin ang pagdami ng mga kaso ng Tubercolosis.

6) Health Facilities Enhancement. Naglalayong makabili ng mga kagamitan para sa mga


ipapatayo, ipaaayos o plalawaking pasilidad pangkalusugan ng gobyerno. Binibigyang tuon din
dito ang pagpapagawa, pagpapaayos, at pagkukumpuni ng mga estasyong pangkalusugan sa
mga barangay, rural health units, ospital ng mga LGU at rehabilitation centers para sa mga
drug dependent na gustong magbago bukod sa iba pa.

P a h i n a 54 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Transportasyon
Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng bansa ay ang suliranin sa trapiko. Mayroong
mahigit 520,000 sasakyan ang bumabiyahe sa EDSA sa parehong direksyon araw-araw. Malaking bagay
ang naidudulot ng pag-usbong ng trapiko sa bansa. Hindi lamang oras at panahon ang nagugugol kundi
pati na rin ang pagkasayang ng pera. Idagdag pa rito ang inip ng bawat pasaherong naghihintay ng
masasakayan. Ang problemang ito rin ay nagiging malala at ramdam na ramdam ng karamihan sa
tuwing sasapit ang mga peak season tulad ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Hindi rin maiiwasan ang
mga aksidente sa daan sa daan bunsod ng ganitong penomena.

Ang pagdami ng mga pamilyang gumagamit ng mga sasakyan ay nakadaragdag din sa


problema ng trapik sa lugar. Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang bilang ng mga mayroong
kotse sa Manila ay tumaas mula sa 1.7 milyon noong 2008 hanggang sa 2.1 milyon noong 2015. Ibig
sabihin, ito ay tumaas ng 26 porsyento sa loob lamang ng pitong taon.

Sa pag-usbong ng mga ganitong suliranin, naroon din naman ang pagtugon ng pamahalaan sa
mga ito. Sa kalsada, nariyan ang plano sa metro bus raid transit line at mga integrated terminal. Sa
tren, planong i-extend ang LRT-1 sa Cavite, ang LRT-2 sa Pier 4 at Masinag, at ang PNR sa Pampanga
at Laguna gayundin ang pagtatayo ng lima pang linya ng tren. Sa pamamahala naman, nais na
ireorganisa ng Pangulo ang Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
( http://www.manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-pagbabago/).

Isang malaking tanong pa rin para sa lahat kung magiging epektibo ba ang mga programang
ito para masolusyonan ang problema sa trapiko. Gayunpaman, ang kaisipan na ang gobyerno ay
lumilikha ng mga programa para malutas ang nasabing suliranin ang siyang nagbibigay pag-asa sa
bawat Filipino na isang araw ay mababawasan kundi man ay ganap itong malulutas.

 Edukasyon
Nangunguna ang Kagawaran ng Edukasyon sa mga ahensya na pinaglalaanan ng pondo ng
pamahalaan. Naglaan ang Kagawaran ng Badyet at Pamamahala ng P648.2 bilyon para sa edukasyon
noong taong 2017. Sakop nito ang panimulang batayan at batayang edukasyon, sekondarya at
tersyaryang edukasyon, at maging mga gusaling pampaaralan, bukod pa sa iba.

Kinikilala ng pamahalaan ang edukasyon bilang isang matibay na instrumento sa


pagpapausbong ng pagbabago sa bansa kaya nabigyang buhay ang K to 12 Program. Ang K to 12
Program ay pinatibay ng RA 10533 o Enhanced Basic Education Act na may layuning makalikha nang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi. Isa ring katangian ng programang ito
ang Education for All (EFA) o Inclusive Education na kung saan ang lahat ay bahagi at tanggap sa harap
ng sistema ng edukasyon.

Bagama’t naisakatuparan ang nasabing programa, malaking bilang pa rin ng mga kabataan ang
hindi nakakapag-aral. Batay sa 2017 Annual Poverty Indicators Survey, siyam na porsyento sa
tinatayang 39.2 milyong Filipino na may gulang anim hanggang 24 ang kabilang sa Out-of-School
Children and Youth (OSCY). Ang OSCY ay tumutukoy sa mga miyembro ng pamilya na may gulang anim
hanggang 14 na hindi pumapasok sa isang pormal na edukasyon; at miyembro ng pamilya na may
gulang 15 hanggang 24 na kasalukuyang hindi nakatala sa paaralan, hindi nagtatrabaho, at hindi pa
nakatapos sa kolehiyo o alinmang post-secondary courses.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga dahilan ng mga OSCY sa hindi
pagpasok sa paaralan ay mga isyung pampamilya (37%), kawalan ng interes sa pag-aaral (24.7%), at
mahal na bayarin sa edukasyon at iba pinansyal na usapin (17.9%). Sa mga babaeng OSCY, nangunguna
ang problemang pampamilya (57%) bilang pinakadahilan ng hindi pagpasok sa paaralan; sa kalalakihan
naman, nangunguna ang kawalan ng interes sa pag-aaral (43.8%).

Gayunpaman, sa kabila ng datos na inilabas ng PSA, isang magandang balita para sa mga
mag-aaral ang Free Tuition Fee program ng pamahalaan para sa mga mag-aaral na nasa State
Universities at Colleges. Ang Free Tuition Fee na ito ay nangangahulugang libreng matrikula sa pag-
aaral sa kolehiyo para sa mga mahihirap na mag-aaral. Ang hakbang na ito ng gobyerno ay
P a h i n a 55 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

nagpapatunay lamang na kaya ng bansa na laanan ng maganda at mabuting edukasyong ang mga
mamamayang Filipino.

 Iba’t Ibang Usapin Hinggil sa Urbanisasyon


Ang urbanisasyon ay isang proseso kung saan ang mga bayan at mga siyudad ay nagkakaroon
ng paglobo ng populasyon sanhi ng patuloy na pagdami ng mga taong gustong manirahan at
makapagtrabaho sa lugar. Ang nagyayaring mabilis na urbanisasyong ito hanggang sa kasalukuyan ang
itinuturong dahilan ng paglago ng bilang ng mga slum o karaniwang tirahan ng mahihirap sa ating mga
lungsod.

Ang paglipat ng mga mamamayan patungo sa sentro ng kalakaran ay hindi garantiya ng isang
marangya at maayos na buhay sa bayan o sa siyudad. Sapagkat sa kabilang banda, ito ay maaaring
makapagdulot ng mas malalang problema sa lipunan. Ang National Capital Region, halimbawa, bilang
sentro ng kalakalan sa bansa, ay nahaharap sa iba’t ibang hamong panlipunan na bunga ng
urbanisasyon.

Isa sa mga magagandang naidudulot ng urbanisasyon ay ang pagkakaroon ng lakas paggawa


para sa mga industriya at ilan pang pagawaan sa mga urban area. Gayunpaman, hindi lamang
nalilimitahan dito ang naidudulot ng nasabing penomena. Dahil sa kabilang banda, ang mabilis na
paglobo ng populasyon sa isang lugar ay nakalilikha ng polusyon. Hindi mailalayo na dadami at dadami
ang mga basura mula sa kabahayan at mga pagawaan. Ang pagdami ng basura ay maaaring
makapagdulot ng iba’t ibang sakit sa mga tao.

Ang pagkakaroon din ng mga iskuwater sa mga lungsod ay isang malaking problema para sa
lugar. Malaking suliranin para sa mga nasa iskuwater ang sanitasyon at pagkukuhanan ng malinis na
tubig. Dahil na rin sa lumalaking populasyon, ang pinagkukunang yaman at ang hanapbuhay ay hindi
makatutugon sa pangangailangan ng mga tao kung kaya’t mas lumalala ang kahirapan sa bansa na
siyang nagbibigay problema sa seguridad ng mga tao. Bunga nito, hindi mailalayo ang mabilis na
pagdami ng krimen bunsod ng kahirapang naidudulot ng urbanisasyon.

Upang higit namaunawaan ang iba pang naidudulot ng urbanisasyon, basahin ang artikulo ni
Fr. Anton Pascual sa ibaba:

KAPANALIG, napakabilis ng urbanisasyon sa ating bansa. Hindi


lamang ito nakikita sa National Capital Region, kundi sa ilan pang mga
rehiyon sa bansa. Ang mabilis na urbanisasyon ay may malaking
implikasyon sa mga imprastruktura at serbisyo ng bansa, gaya ng tubig at
sanitasyon.
Base sa opisyal na datos, 45.3% ang antas ng ating urbanisasyon. Ibig
sabihin nito, base sa 2010 population census, 41.9 milyon ng ating 92.3
milyong populasyon ay nakatira na sa urban areas. Noong 2007, nasa
42% lamang ang lebel ng ating urbanisasyon. Ang mabilis na
urbanisasyon ay nagdadala hindi lamang ng kaunlaran,
kundi maging ng ilang problema.

Ang mga siyudad sa ating bansa ay humaharap sa mga isyu ng pagsisikip,


overcrowding, mababang kalidad ng buhay at mga lumalaking informal
settlements. At sa paglaki ng problemang ito, ang problema sa tubig at
sanitasyon ay lumalaki rin.

P a h i n a 56 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Base sa datos ng 2014 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), 85.5


percent ng 22.7 milyong pamilya sa ating bansa ay may access sa ligtas na
supply ng tubig mula sa community water system tungo sa kanilang
sariling bahay, bakuran o sa mga pampublikong gripo o balon

May natitira pang 14.5 porsyento ng pamilya na kumukuha ng kanilang


water supply sa mga ‘di ligtas na pinagkukunan gaya ng mga napabayaang
balon, mga bukal, ilog, lawa, tubig ulan o sa mga nagbebenta ng tubig
gamit ang mga trak.
Pagdating naman sa sanitasyon, 94.1% ng mga pamilya ay may access sa
sanitary toilet facility o mga kasilyas na nafa-flush at nakasara. Anim na
porsyento naman ng pamilya ang gumagamit pa rin ng “open pit, drop
or overhang” at de-buhos.
Kadalasan, ang mga kulang o walang access sa tubig o sanitasyon ay ang
mga tunay na maralita. Sa urban areas, ang mga nakatira sa mga informal
settlement ang karaniwang walang access sa tubig at sanitasyon. At dahil
nga sa congested ang mga lugar na ito, ang mga pangangailangan sa
ganitong batayang serbisyo ay nagiging mas matingkad.
Hindi na kailangang ulit-ulitin pa na sa paghahangad natin ng
modernisasyon at kaunlaran, hindi tayo dapat mang-iipit o mang-iiwan
ng ating mga kababayan. Kahit ano pang linis ang gawin natin sa ating
bakuran, kung madumi din ang ating lipunan, lahat din tayo ay
magkakamantsa. Ang kakulangan sa tubig at sanitasyon ay hindi lamang
problema ng iilan.
Ito ay problema nating lahat dahil public health, kapanalig, ang nakataya
rito. Ang malinis at maayos na access sa tubig at sanitasyon ay isang
batayang karapatan. Ito ay dapat nating itaguyod dahil ito ay isang
pamamaraan ng panlipunang katarungan at common good, mga
prinsipyo ng ating pananalig bilang mga Kristyanong Katoliko.Ayon nga
sa Laudato Si: “Underlying the principle of the common good is respect
for the human person as such, endowed with basic and inalienable rights
ordered to his or her integral development. It has also to do with the
overall welfare of society… The common good calls for social peace, the
stability and security provided by a certain order which cannot be
achieved without particular concern for distributive justice.” (Laudato Si:
isang aklat mula sa Santo Papa na naglalaman ng kaniyang mensahe para
sa mga tao.)
Sumainyo ang katotohanan! (Fr. Anton Pascual)

P a h i n a 57 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Usapin Hinggil sa Malawakang Pagkasira ng Kalikasan at Pagkakaroon ng Kalamidad


Hindi maitatanggi na ang Filipinas ay napakayaman sa likas na pinagkukunang yaman. Tahanan
ang bansang ito ng iba’t ibang uri ng halaman at hayop. Sa halaman, ayon kay Encarnacion (2016),
humigit-kumulang ay may dalawang milyong uri ng mga ito ang matatagpuan sa ating bansa— at
karamihan sa mga ito ay dito lamang sa ating bansa matatagpuan. Samantala, humigit-kumulang 1,200
naman ang uri ng mga hayop na matatagpuan sa Filipinas (IBON Foundation Inc. 2006).

Sa inilabas na badyet ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala noong taong 2017, naglaan ng


P7.6 bilyon para sa proteksyon ng kapaligiran. Ito ay binubuo ng mga gugulin sa waste management,
pagpigil sa polusyon, proteksyon sa biodiversity at kalupaan, bukod pa sa iba. Ngunit tila ba hindi ito
nakasapat para panatilihin ang kalinisan at proteksyonan ang kapaligiran.

Sa tala ng Nilad, Earth Island Institute, PAWS, et al. (2016) at binanggit din ni Encarnacion
(2016), ang lahat ng likas na yaman na ito ay unti-unting nawawala at nasisira. Pitumpung porsyento
(70%) ng bakawanan ang nasira na nitong nagdaang mga dekada. Ang mga bakawan ang nagsisilbing
tahanan ng mga hayop sa dagat. Ibig sabihin nito, kasabay ng pagkaubos at pagkasira ng mga bakawan
ay ang nakaambang pagkaubos din ng mga lamang-dagat.

Unti-unti na ring nasisira ang kagubatan dahil sa malawakang pagpuputol ng mga kahoy na
ginagamit ng iba’t ibang industriya. Ang malawakang pagkasira ng kagubatan ay nagbubunsod ng iba’t
ibang sakuna sa mga mamamayan. Idagdag pa rito na mawawalan ng tirahan ang mga hayop sa
kagubatan kung patuloy ang pagkasira ng kanilang tahanan.

Isang nakikitang dahilan ng patuloy na pagkasira ng kalikasan ay ang hindi pagiging mahigpit
ng ating batas at tila ba sumasang-ayon ito sa mga malalaking industriya o ahensya na siyang lalong
nagpapahirap ng kalikasan. Ang Executive Order no. 79 na nagpapabilis sa proseso ng pagkuha ng
permiso sa pagmimina ay isang malaking hakbang tungo sa pagkasira ng kalikasan. Kung magiging
madali na para sa lahat ang magsagawa ng pagmimina, maraming punongkahoy ang mapuputol
sapagkat ito ang panimulang hakbang sa nasabing aktibidad. Bukod sa pagkaputol ng maraming
punongkahoy, nariyan din ang pagguho ng lupa sapagkat hindi na matibay ang pundasyon nito.

Dahil sa malawakang pagkasira ng kalikasan at dahil sa heograpikong lokasyon ng Filipinas na


nasa Pacific Ring of Fire, umuusbong ang iba’t ibang uri ng kalamidad. Mahirap makalimutan ang
Bagyong Yolada na minsa’y humagupit sa ating bansa, ang bagyong ito ang naitalang pinakamalakas
na bagyo na naranasan sa buong kasaysayan ng ating daigdig.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang hagupitin ang bansa ng pinamalakas na bagyong
iyon. Mahigit anim na libo ang namatay at milyon-milyong halaga ng mga ari-ariang nawala. Dagdag
pa rito ang trauma at hirap na dinaranas ng mga naiwang biktima.

Sa kabila nito, tila kulang ang naging suporta ng administrasyong Aquino sa mga biktima.
Maraming naging anomalya pagdating sa tulong na ipinaabot ng mga Filipino mula sa iba-ibang panig
ng bansa maging sa tulong ng mga dayuhan. Ang mga paunang relief good hanggang sa mga
proyektong pabahay ay hindi lubusang napapakinabangan ng mga biktima.

Pagdating ng administrasyong Durterte, ayon sa Commission on Audit report, nasa mahigit 30


porsyento pa lamang ang nasisimulan sa programa ng rehabilitasyon, mahigit 30 porsyento rin ang
malapit nang simulan at ang natitira ay wala pang usad. Sa pagpasok ng ikaapat na taon matapos ang
bagyong Yolanda, inaasahan ang mas mabilis at komprehensibong pagtugon sa rehabilitasyong
kinakailangan ng mga biktima (http://www.manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-
pagbabago/).

P a h i n a 58 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan : __________________________________ Puntos : ___________________
Kurso at Taon : ______________________________ Petsa : _____________________

A. Punan ng impormasyon ang talahanayan. Sa unang hanay ay magbigay ng limang suliraning


panlipunan. Sa susunod na hanay naman ay ibigay ang mungkahing programang tutugon sa suliraning
binanggit. Sa ikatlong hanay ay ilalagay ang proseso ng pagsasagawa ng programa.

Suliraning Panlipunan Programang Tutugon sa Pamamaraan sa


Suliranin Pagsasakatuparan
1)

2)

3)

4)

5)

B. May Pamiilian. Piliin sa choices ang pinakatumpak na sagot sa tanong na mababasa sa bawat aytem.
Bilugan ang letra ng iyong sagot.

1. Anong ahensya ng gobyerno ang namamahala sa mga serbisyong pangkalusugan para sa


mamamayang Filipino?
a) Kagawaran ng Kalusugan
b) Kagawaran ng Edukasyon
c) Kagawaran ng Badyet at Pamamahala
d) Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

2. Ano ang iba pang tawag para sa RA 10963?


a) Enhanced Basic Education Act
b) Philippine Low-Cost Housing
c) Free Tuition Program for State Universities and Colleges
d) Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Act)

3. Ang sumusunod ay mga programang pinagtutuonan ng pansin ng Kagawaran ng Kalusugan


MALIBAN sa isa. Ano ito?
a) Inclusive Education
b) National Immunization
c) Health Human Resource
d) Early Childhood Care and Development

4. Ilang porsyento sa 39.2 milyong Filipino na may gulang anim hanggang 24 ang kabilang sa Out-
of-School Children and Youth (OSCY)?
a) Anim (6%) c) walo (8%)
b) Pito (7%) d) siyam (9%)

5. Ang sumusunod ay dahilan ng OSCY sa hindi pagpasok sa paaralan MALIBAN sa isa. Ano ito?
a) Isyung pampamilya
b) Kawalan ng interes sa pag-aaral
c) Paglabag sa Karapatang Pangkababaihan
d) Mahal na bayarin sa edukasyon at iba pang pinansiyal na usapin

P a h i n a 59 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

6. Ano ang nangungunang dahilan ng hindi pagpasok ng kababaihan sa paaralan batay sa


isinagawang pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA)?
a) Isyung pampamilya
b) Kawalan ng interes sa pag-aaral
c) Paglabag sa Karapatang Pangkababaihan
d) Mahal na bayarin sa edukasyon at iba pang pinansiyal na usapin

7. Ilang porsyento sa kalalakihan ng OSCY ang walang interes sa pag-aaral?


a) 41.3 % c) 42.3 %
b) 43.8 % d) 48.3 %

8. Ilang porsyento ng mga Filipino ang nasa ilalim ng poverty line sa taong 2016 batay sa
pagsisiyasat ng IBON foundation?
a) 50 % c) 60 %
b) 70 % d) 80 %

9. Ano ang pangunahing layunin ng TRAIN Act?


a) Mapangalagaan at mapaunlad ang kalikasan
b) Makapagbigay ng libreng edukasyon para sa mamamayan
c) Magkaroon ng maayos, simple, at patas na koleksyon ng mga buwis
d) Mabawasan ang mga isyung pangkalusugan na kinakaharap ng bansa

10. Ano ang layunin sa pagkakaroon ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan,


Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS)?
a) Bawasan ang kahirapan
b) Bigyang kapangyarihan ang mga komunidad
c) Isali ang komunidad sa pagbabalangkas, pangangasiwa at pagpapatupad ng mga gawaing
pagpapaunlad
d) Lahat ng nabanggit

11. Ang sumusunod ay mga dahilan sa mga umuusbong na suliranin sa usaping pabahay MALIBAN
sa isa. Ano ito?
a) Mabagal na proseso sa pagtatamo/pagmamay-ari ng lupa
b) Pagbibigay ng lisensya ng lokal na pamahalaan
c) Kawalan ng pagpaplano sa implementasyon ng mga programa
d) Hindi malinaw na patakaran at tuntunin ng lokal na pamahalaan

12. Anong programa ng Kagawaran ng Kalusugan ang naglalayong bawasan ang epekto ng mga
nakakahawang sakit sa kalusugan?
a) Tubercolosis Control
b) National Immunization
c) Other Infectious Diseases
d) Health Human Resources

13. Ang sumusunod ay epekto ng urbanisasyon MALIBAN sa isa. Ano ito?


a) overcrowding
b) pagkalat ng mga nakakahawang sakit
c) lumalaking informal settlements
d) paglobo ng populasyon sa rural areas

14. Anong katangian ng K to 12 Program ang nagpapakita na ang lahat ng mga mag-aaral ay
tanggap sa harap ng sistema ng edukasyon?
a) Exclusive
b) Inclusive
c) Innovative
d) Research-Based

P a h i n a 60 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

15. Ilang porsyento ang antas ng urbanisasyon sa ating bansa?


a) 42.3 % c) 44.5 %
b) 43.5 % d) 45.3 %

16. Alin sa sumusunod ahensya ng gobyerno ang nagbigay ng laang-gugulin para sa iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan?
a) Kagawaran ng Kalusugan
b) Kagawaran ng Edukasyon
c) Kagawaran ng Badyet at Pamamahala
d) Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

17. Anong programa ng gobyerno ang sumusuporta sa mga pamilyang nasa laylayan?
a) TRAIN Act
b) Social Pensyon
c) Pantawid Pamilya Filipino Program (4Ps)
d) Free Tuition Fee for State Universities and Colleges

18. Alin sasumusunod ang HINDI kabilang sa konsiderasyon ng isang OSCY?


a) May gulang 15 hanggang 24 na maagang nakapag-asawa
b) May gulang 15 hanggang 24 na hindi nakapagtapos sa kolehiyo
c) May gulang 15 hanggang 24 na walang trabaho at hindi nakatala sa paaralan
d) May gulang na anim hanggang 24 na hindi pumapasok sa pormal na edukasyon

19. Alin sasumusunod na kagawaran ang nangunguna sa pinaglalaaanan ng pondo ng


pamahalaan?
a) Kagawaran ng Kalusugan
b) Kagawaran ng Edukasyon
c) Kagawaran ng Badyet at Pamamahala
d) Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

20. Ano ang nakikitang dahilan ng kahirapan sa bansa ayon sa IBON foundation?
a) Lumalalang polusyon
b) Mataas na bilang ng krimen
c) Kawalan ng trabaho at kontraktuwalisasyon
d) Kawalan ng programa ng gobyerno para sa mamamayang Filipino

P a h i n a 61 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 62 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

MGA NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAT AT
NASYONAL
Korapsyon, Kahirapan, Malnutrisyon, Kawalang Seguridad Sa Pagkain
Ang korapsyon, kahirapan, malnutrisyon at kawalang seguridad sa pagkain ay mga salitang
magkakaugnay na nagpapahirap sa ating bansa.
• Korapsyon!
• Kahirapan!
• Malnutrisyon!
• Kawalang Seguridad sa Pagkain!

Ano nga ba ang dahilan ng mga ito? Sino ang dapat sisihin hinggil sa nararanasang ito ng ating bansa?

Sa internet, sa kasalukuyang panahon, madalas isisi ang mga ito sa maling pamamalakad ng
mga namamahala sa bansa. Ngunit ang tanong: “Sila nga ba ang may kasalanan at dapat sisihin hinggil
sa mga isyung ito? O tayong mga mamamayan mismo?’’ Ang argumento ng iba, kaya sila nakararanas
ng paghihirap ay dahil wala silang trabaho. Ang totoo, maraming trabaho ang bukas sa mga
manggagawa, mapili lang talaga ang ilan.

Sa bahaging ito ng pag-aaral ay lilinawin isa-isa ang korapsyon, kahirapan, malnutrisyon at


kawalang seguridad sa pagkain bilang napapanahong isyung lokal at nasyonal.

Layunin sa bahaging ito ng pag-aaral ang sumusunod:

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga
realidad ng lipunang Filipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t ibang
antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang idea.

P a h i n a 63 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Paunang Gawain: Ang mga larawan na makikita sa ibaba ay pawang pangangailangan ng tao para
mabuhay.

Pagkain Damit Bahay Pera

Tubig Sanitasyon Kalusugan Edukasyon

Ayon sa iyong sariling pagpapasya, ayusin ang mga larawan sa gusto mong hiyarkiya ng
kanilang kahalagahan. Pagkatapos maisagawa ito, ipaliwanag sa klase kung bakit ganoon ang ginawa
mong pagsusunod-sunod.

Rubrik sa Pagbibigay ng Iskor sa Gawaing Pagpapaliwanag

Buo at Komprehensibo -10


May isa hanggang tatlong kakulangan -7
May apat hanggang limang kakulangan -5
Kulang na kulang -3
Mekaniks 10 7 5 3
Nilalaman – Naipaliliwanag nang buong linaw ang ayos
ng mga pangangailangan batay sa sariling karanasan.
Katatasan sa Paggamit ng Wika – Nailalahad ang idea
gamit ang wika at kayang manipulahin ang mga salita
tungo sa malinaw at epektibong pagpapahayag.
Maayos ang Idea – May kaayusan at wastong
pagkasunod-sunod ang mga idea tungo sa pagbuo ng
mapanghikayat na pahayag kaya kapani-paniwala ang
paglalahad.
Kabuoang Puntos (30)

 Korapsyon at Kahirapan

Alamin:
Tayo’y may iba’t ibang pananaw o konsepto sa buhay batay sa ating kinagisnang uri ng
pamumuhay. Marahil ay malayong magkakaiba ang pagkakaayos ng hiyarkiya ng pangangailangan
dulot ng kinagisnan nating uri ng buhay ng pamilya. Karaniwan ay tatlo lamang ang kinikilala na lalong
mahalaga sa tao upang mabuhay – ang mga ito ay pagkain, tirahan at pananamit; ang iba ay hindi na
abot ng ilan dahil sa kahirapan.

Ayon sa mga eksperto at mga pag-aaral, sa kabila ng ragasa ng mga modernong kagamitan na
produkto ng makabagong teknolohiya at sa kabila ng mga repormang ipinatutupad sa gobyerno ay

P a h i n a 64 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

batbat pa rin ng kahirapan ang buhay na nararanasan ng mga tao. Ang masaklap, lumalala pa ito dahil
sa kagagawan ng ilang tao.

Para lubos na maunawaan ay tatalakayin at lilinawing isa-isa sa bahaging ito ng pag-aaral ang
mga napapanahong isyung lokal at nasyonal na binabanggit sa itaas.

Una ay ang kahirapan. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ay kalagayan o katayuan nang
hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang magkaroon ng mga batayang pangangailangang
pantao tulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan,
kasuotan, at tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting
mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o
bansa, o kapag inihambing sa ibang mga tao sa ibang lipunan o sa ibang bansa.

MGA SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN SA FILIPINAS


ni: Roxanne Gregorio
1. Korapsyon
Maitututring ba itong sakit ng lipunan o distraksyon sa mga mamamayan? Gaano na nga ba
ito kalala? Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng politika dito sa Filipinas. Napakatagal na
panahon nang kaakibat ng salitang “politika” ang “korapsyon”. Halos magkasingkahulugan na nga ang
dalawa. Hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “politika” at “gobyerno”, pumapasok
at pumapasok sa ating isip ang salitang “korapsyon.” Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi
matatagpuan sa indibidwal na tao.

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang Filipinas ang isa sa may pinaka-corrupt na
gobyerno sa mundo kung kaya’t hindi komportable ang ibang bansa na mamuhunan o tumulong sa
bansa dahil kadalasan ay ibinubulsa lamang ito ng mga politiko. Ang pagiging korap ng mga politiko
ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang bansa. Noong nakaraang bagyong Yolanda, mahigit
labinwalong bilyon ang ibinigay ng limampu’t anim na bansa kagaya ng Australia, Bahrain, Taiwan, at
Amerika para sa mga nasalanta ng bagyo ngunit katiting lamang ang napunta sa mga tao (Rappler,
2013).

Isa pa rito ang nangyaring pork barrel scam o mas nakilala yata bilang Priority Development
Assistance Fund (PDAF) scam noong Hulyo ng 2013. Isa itong naging malaking eskandalo sa Kongreso
at Senado. Batay sa naganap na imbestigasyon, mahigit sampung bilyon ang ibinulsa ni Janet Napoles
na tinaguriang “ina ng scam” at ibang miyembro ng Kongreso at Senado. Bukod pa roon, 900 milyong
piso ang nawalang pera mula sa Malampaya Gas Field.

Ito ba ay namana natin? Kanino?

MGA AHENSYANG NILIKHA KONTRA KORAPSYON


Ang 1987 Saligang Batas ng Filipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal o mga
ahensya upang sugpuin ang graft and corruption at epektibong maipatupad ang mga probisyon ng
pagpapanagot na pampubliko. Ang mga ahensyang ito ay pinagkalooban ng kapangyarihang piskal
upang masiguro ang kanilang kalayaan at ang kanilang mga aksyon ay maapela lamang sa Kataas-
taasang Hukuman.

• Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong inihain
laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi bilang mga “people’s watchdog”
ng pamahalaan. Ang Ombudsman at mga diputado nito (Overall Deputy Ombudsman, Deputy
Ombudsman for the Military, One Deputy Ombudsman each for Luzon, Visayas and Mindanao)
ang mga "protektor ng mga tao". Ang opisinang ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at
ispesipikong pagganap ng mga katungkulang opisyal upang ang mga batas ay angkop na mailapat.
Ito ay sumisiguro sa patuloy at maiging paghahatid ng mga serbisyong pampubliko. Ito ang
nagpapasimula sa mga pagpipino ng mga pamamaraan at kasanayang pampubliko at nag-aatas
ng mga sanksyong administratibo sa mga nagkakasalang opisyal at empleyado ng pamahalaan at

P a h i n a 65 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

naglilitis sa kanila sa mga paglabag sa batas. Ang nakaraang Ombudsman na si Merceditas


Gutierrez ay na-impeach dahil sa kawalang pagkilos sa mga kasong inihain laban sa korapsyon.
• Ang Civil Service Commission (CSC) ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na inatasang
magtatag ng isang serbisyo para sa mga kawani at magtaguyod ng moral, kaigihan, integridad,
pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong sibil. Ito ay nagpapalakas din ng
sistemang merito at mga gantimpala, pagpapaunlad ng mapagkukunang pantao at pananagot na
pampubliko. Ito ay may hurisdiksyon sa mga kasong administratibo kabilang ang graft and
currption na kadalasan nagagawang paglabag ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan.
• Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng pamahalaan. Ito ay
binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o i-audit at bayaran ang lahat ng mga account
na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga resibo at mga gastos o paggamit ng mga pondo at
ari-arian sa ilalim ng kustodiya ng mga ahensya ng pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay
magpapalaganap ng mga patakarang accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil
at hindi pagpayag sa mga iregular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi makatwirang mga
gastusin o paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.
• Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Filipinas. Ito ay may hurisdiksyon sa mga
kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng graft and corruption practices at iba pang mga
paglabag na ginawa ng mga opisyal at empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa
pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

2. Kasakiman
Dahil sa sobrang kasakiman ng ilang Filipino, mas pinipili nila na ipagbili ang kanilang sarili sa
mga taong may kapangyarihan. Minsan hindi na nakokontento ang ibang tao sa mga biyayang
natatanggap nila at sa sobrang gusto nilang yumaman o umakyat sa itaas, kadalasan ay nandadamay
at humahatak sila ng ibang tao pababa. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang tanim-bala-scam na
hanggang ngayon (o hanggang ngayong sinusulat ito) ay laganap pa rin sa Ninoy Aquino International
Airport (NAIA). Ayon sa CNN, nagsimula ito noong Nobyembre ng 2015 pagkatapos magreklamo ang
isang pasahero na wala siyang kinalaman sa natagpuang bala sa kaniyang bagahe. Sinasabing may
isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga kababalaghang nangyayari sa paliparang ito at
kasabwat din ang ilang security guards. Mayroong naitalang halos tatlumpung kaso nito noong taong
2015 (CNN, 2015).

3. Populasyon
Ang paglobo ng populasyon sa Filipinas ay isang malaking problemang matagal nang
kinakaharap ng gobyerno ng Filipinas. Isa itong problemang hindi mahanap-hanapan ng solusyon.
Kadalasan, kung sino pa ang mahihirap ay sila pa ang nagpapalobo ng ating populasyon. Sa paglaki ng
populasyon ay mas dumarami rin ang mga taong walang trabaho at hindi nakatatanggap ng sapat na
benepisyo mula sa gobyerno. Ayon sa data, noong 12 ng Mayo 2016 ay tinatayang may 102,031,047
populasyon ng Filipinas at ang kalahati nito ay nakatira sa lungsod (Worldometers, 2016). Nasa top 12
din ang Filipinas pagdating sa mga pinakamaraming populasyon. Ito marahil ay sanhi ng kahirapan sa
bansa at kakulangan ng trabaho para sa mga tao. Dahil sa kakulangan ng programa ng gobyerno sa
Family Planning, kakaunti lang ang impormasyong natututuhan ng mga tao tungkol sa epekto ng
paglobo ng populasyon pati na rin ang iba’t ibang paraan upang kontrolin ang pagdami ng populasyon.
Dahil dito, mas marami ang mga taong nakatira sa lansangan dahil sa kakulangan ng pera, na isa ring
sanhi kung bakit maraming bata ang hindi nabibigyan ng tamang nutrisyon at edukasyon.

4. Edukasyon
Kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad na makapag-aral dahil na rin sa
kahirapan. Karapatan ang edukasyon pero sa bansa natin, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na
tumulong sa kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. Dahil dito, mas nahihirapan
silang makahanap nang maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon upang
makapagtrabaho sa malalaking kompanya.

Bukod pa rito, dahil sa kakulangan ng edukasyon at matinding pangangailangan sa buhay, may


ibang tao rin na nagiging desperado. Kaya para lang may makain ay mas pinipili na lang mabuhay sa
kalye at magnakaw. Sa dokumentaryong, The Slum: Risky Business, makikita natin kung papaano mag-
isip at mabuhay ang mga batang kalye na nakatira sa Lungsod ng Tondo. Kadalasan, ang mga batang
P a h i n a 66 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

kalyeng nakatira sa ampunan ay mas pinipiling tumira sa lansangan dahil sa tingin nila ay mas ligtas
sila rito kumpara sa ampunan dahil ito na ang kanilang nakasanayan.

Ipinapakita ng bidyong Ang Larawan Ng Kahirapan (Poverty and Education) kung paano
pinagkaitan ng kahirapan ng edukasyon ang mga mahihirap. Minsan kasi, kinakailangan munang
kumayod ng mga bata bago sila makapag-aral. Kinakailangan nilang tumulong sa kani-kanilang mga
pamilya para may pangkain sa pang-araw araw. Kung kayat sinasabi nila na minsan hindi “option” ang
edukasyon sa nakararami. Sinasabi rin na “karapatan ang edukasyon pero sa mundo nating ito,
isandaan at dalawampu’t isang daang libong bata ang hindi pumapasok sa eskuwelahan at dahil ito
sa kahirapan” (Lazaro, 2010). Mas pinipili ng mga bata na magkaroon muna ng laman ang tiyan bago
ang kanilang mga kaisipan.

Ngunit hindi lang naman dito nagtatapos ang lahat dahil may iba pa ring mga mamamayan na
gumagawa ng paraan upang makatulong sa kanilang kapwa sa kanilang sariling maliit na paraan. Sabi
nga nila, ang pagtutulungan ay nagsisimula sa isang tao. Si Efren Penaflorida ay isang mamayang
Filipino na nanalo bilang CNN Hero of the Year noong 2009 (CNN, 2009). Sinimulan niya ang pushcart
klasrum na nagsilbing eskuwelahan para sa mga batang nakatira sa lansangan. Naglalayon itong
mapabuti ang kalagayan ng mga batang walang kakayahang pumasok sa eskuwelahan at para ilayo na
rin sila sa paggamit ng droga. Sinabi niya sa kaniyang talumpati na ang bawat tao ay may kakayahang
tumulong sa ating kapwa, mahirap man o mayaman. Kinakailangan lang nating magtulungan at
maglingkod nang mabuti sa mga mamayanan.

5. Kawalang Disiplina
Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Filipinas, opsyonal na lang ang pagsunod sa mga batas.
Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging disiplinado
at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa mga patakaran. Marami nang nagdaang
matatalinong pinuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao ay wala ring
patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang pagbabago pero iilan lang talaga ang handang
magbago.

6. Kolonyal na Kahirapan
Ang ilan sa mga ugali ng mga Filipino na pumipigil sa pag-asenso ng mga mamamayan nito ay
ang “crab mentality,” procrastination, “bahala na,” pagiging ipokrito, ningas kogon, Filipino Time,
pagiging tsismoso, paninisi sa ibang tao, pagsasawalang-bahala ng mga patakaran, at pagiging balat-
sibuyas (Abello, 2014).

“Walang identidad ang mga Filipino.” Iyan ang maririnig mo palagi sa Amerika. Sa sobrang
tagal nating nasakop ng iba’t ibang bansa, sadya nga talagang hindi na natin kilala kung sino tayo. Pero
talaga bang iyon ang dahilan para hindi tayo magkaroon ng malasakit sa ating kapwa? Nakakatawa
lang isipin na kahit tinawag tayong little brown brothers ng mga Amerikano at ginawa tayong mga
alipin (na makikita mo hanggang ngayon) napakalakas pa rin ng impluwensya nila sa atin at minsan
nga ay parang “sinasamba” natin sila na ginugusto nating maging katulad nila. Hindi nga ba’t sinasabi
na kapag nag-i-ingles ang isang indibidwal ay sosyal na siya at nakatataas na siya sa ibang mga tao.
Hindi ba nila naiisip na ginagamit lamang tayo ng mga Amerikano para pagsilbihan sila? Ang palusot
naman ng ilang tao sa pagsasalita ng Ingles ay para makakuha ng magandang trabaho. Pero kung
susuriin ng mabuti, ang ilan sa mga pinakamaunlad na bansa ay hindi masyadong marunong magsalita
ng Ingles kagaya ng Hapon, Timog Korea, at Tsina. Dahil sa kadahilanang napakatapat nila sa kanilang
bansa. Iningganyo sila na tangkilikin ang kanilang sariling mga produkto kaysa sa mga produktong
galing sa Amerika. Sa Filipinas kasi, makakita lang tayo ng imported, eh nagkakagulo na kaagad at iyan
ay only in the Philippines, ha!

Pangkasalukuyang Lagay ng Kahirapan ng Bansa


Marami pa rin sa mamayang Filipino ang nasa laylayan. Nanatiling mahigit 70 porsyento ng
mga Filipino ang nasa ilalim ng poverty line noong 2016. Batay ito sa naging pagsisiyasat ng IBON
Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1,500 residente kung itinuturing nilang kabilang sila
sa mahihirap na hanay ng mga Filipino. Ang nakitang rason dito ay ang noo’y unemployment rate o
bilang ng mga Filipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at mataas na bilang ng
P a h i n a 67 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

kontraktwalisasyon sa bansa (http://www.manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-


pagbabago/.).

Ayon naman sa First Quarter 2018 Social Weather Report na isinagawa ng Social Weather
Stations, lumalabas sa resulta ng sarbey na 9.8 (42%) milyon ng mga pamilya ang nagkokonsidera sa
kanilang mga sarili na mahirap, 2 porsiyentong mas mababa kaysa sa huling quarter. Ito ang kauna-
unahang pagkakataon na bumaba ang self-rated food poverty ng 30%.

Sanhi pa rin ng kahirapan sa bansa, ang pamahalaan din ay gumawa at nagpanukala ng iba’t
ibang programa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap at hatakin pataas ang mga
mamamayang nasa poverty line.

Sa ilalim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD), nasimulan ang


programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services
(KALAHI-CIDSS) na naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga komunidad sa pamamagitan ng
pagsali sa kanila sa pagbabalangkas, pagpapatupad, at pangangasiwa ng kanilang mga gawaing
pagpapaunlad at naglalayong bawasan ang kahirapan. Naisakatuparan din ang Pantawid Pamilya
Filipino Program (4Ps) na sumusuporta sa mga piling pamilyang nasa laylayan. Mayroon ding Social
Pensyon para sa maralitang matatanda na may edad 60 pataas.

Bilang tugon din sa kahirapan kaya naisilang ang RA 10963 o Tax Reform for Acceleration and
Inclusion (TRAIN) Act na naglalayong magkaroon ng maayos, simple, at patas na koleksyon ng mga
buwis para may magamit sa pagpapatayo ng mga pampublikong gusali at makalikha ng personal na
kapital para sa mamamayang Filipino.

Bilang kabuoan, ang alinmang bansa na naglalayon ng pag-unlad ay kinakailangang kumilala


sa mga problema at gumawa ng mga komprehensibong solusyon para sa mga ito. Nangangailangan
din ng disiplina sa sarili upang magkaroon ng mas panatag na paghakbang para sa inaasam na
pagbabago.

Mga Sangkap ng Kahirapan


ni Phil Bartle, PhD
isinalin ni Dionisio R. Vitan III

Mga Sangkap, Dahilan at Kasaysayan:


Ang salitang "sangkap" at "dahilan" ay hindi magkapareho. Ang "dahilan" ay ang bagay na
nakakaragdag sa pinagmulan ng isang suliranin tulad ng kahirapan. Samantala, ang "sangkap" ay
maaaring bagay na nakakaragdag sa patuloy na pagkakaroon ng suliranin matapos na ito ay lumitaw.

Upang malinawan, narito ang limang malalaking nagtataguyod ng Kahirapan.

P a h i n a 68 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

1. Kamangmangan
"Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot lamang, alam ito ng
ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilinin ang kanilang kaalaman upang mapanatili ang
kalamangan sa ibang tao.

2. Karamdaman
Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na panangga sa mga sakit kaysa sa mga
gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng PHC (primary health care o pangunahing
pangangalaga sa kalusugan). Ang ekonomiya ay mas masagana kung ang mga tao ay malulusog; mas
higit kaysa kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin.

3. Kawalan ng Interes
Ang kawalan ng interes ay nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng pakialam, o kung
pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga bagay sa paligid nila, na itama
ang isang kamalian o pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang pamumuhay.

4. Kawalan ng Katapatan
Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay ang halaga ng pagpapababa
ng kayamanan para sa isang pamayanan. Sinasabi ng mga Ekonomista ang tungkol sa "multiplier
effect" o epektong-pangmaramihan. Kung hindi tapat ang mga namumuno sa bayan/bansa ay lalo
itong maghihirap.

5. Pagka-Palaasa
Isang ugali, o paniniwala na kung ang isang tao ay napakahirap at walang kakayanan at hindi
niya kayang tulungan ang kaniyang sarili ay kailangang umasa na lamang siya sa tulong mula sa ibang
tao. Ganoon din ang nangyayari sa isang lugar na may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang
malungkot, ang ganyang ugali at ang magkakaparehong maling paniniwala ang siyang pinakamalaking
katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng tao o grupo ng tao na umasa na lamang mula sa tulong
ng iba.

Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapan ay ang pangkalahatang solusyon sa


pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.

 Malnutrisyon
Ang problema ng malnutrisyon ay patuloy pa rin na gumigimbal sa milyon-milyong tao sa
buong mundo partikular sa mga mahihirap na bansa kabilang na ang Filipinas. Patuloy itong lumalala
kasabay ng tumataas na kaso ng kahirapan at lumolobong populasyon. Ayon sa Food and Agriculture
Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa Filipinas ay konektado sa kakulangan ng sapat na
masusustansyang pagkain o kaya’y dahil sa hirap na maiabot ang mga kinakailangang pagkain sa buong
populasyon. Bukod pa rito, hindi rin daw sapat ang kaalaman ng lahat tungkol sa kahalagahan ng
nutrisyon.

Sinasabing ang kakulangan sa protina (protein-deficiency) ang pangunahing kaso ng


malnutrisyon sa Filipinas. Tinatayang umaabot sa tatlong milyon ang dumaranas nito. Dahil dito,
laganap ang kakulangan sa timbang at pagiging bansot ng mga kabataan sa mga lugar na talamak ang
kaso ng malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot (stunted growth) ay problemang matagal nang
kinahaharap ng bansa at sadyang nakaaalarma, mula sa 16% rate ng pagkabansot sa mga kabataan
noong 2011, dumoble ito sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa World Health Organization,
28 na milyong Filipino ang nanganganib na dumanas ng malnutrisyon, dahil pa rin sa hindi maipaabot
nang husto ang kinakailangang nutrisyon sa buong populasyon.

Upang malabanan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa, nagsasagawa ng ilang programa ang
pamahalaan upang maipaabot sa lahat ang impormasyon. Ipinaaabot ang kaalaman sa kahalagahan
ng nutrisyon sa mga kabataan sa mga pampublikong paaralan, kasabay din nito ay mga feeding
program para sa lahat.

P a h i n a 69 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Ayon pa sa mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas na kawalan ng trabaho
sa Filipinas ay tinuturo ding salik kung bakit hindi sapat ang sustansyang nakukuha ng bawat pamilya.
Ang tinatayang 7.8 na porsyente ng kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing dahilan kung bakit
hindi nabibili ang mga wastong pagkain na kailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Dagdag pa rito
ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado. Ang mga pamilya na biktima ng mga kalamidad ay
nanganganib din na maging biktima ng malnutrisyon.

Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa rin dapat mawalan ng
pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na masusugpo ito sa bansa. Kinakailangan lamang
na pag-ukulan ng pansin ang isyung ito, lalo na ng gobyerno. Kinakailangan din ang pakikiisa ng lahat
ng sektor ng lipunan nang sa gayon ay makamtan natin ang layuning mabura ang malnutrisyon sa mga
Filipino.

MGA DAPAT GAWIN PARA MAIWASAN ANG MALNUTRISYON

Kahirapan ang pinakapangunahing dahilan ng pagkakaroon ng malnutrisyon ng mga bata


dito sa Filipinas. Walang sapat na pera kaya hindi makabili ng mga masustansyang pagkain. Kahit
mahirap, may paraan upang maiwasan ang malnutrisyon. Narito ang ilan:

1. Maging masipag at matalino ang mga magulang sa paghahanapbuhay nang sa gayon ay


tumaas ang kita para may ipambili ng mga masustansyang pagkain at ng mga food
supplement.
2. I-breastfeed ang sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan.
3. Purgahin ang mga bata. Ang bulate ay nagiging kaagaw ng bata sa sustansyang nakukuha sa
pagkain. Dalhin ang mga bata (1 to 6 years old) sa Health Center tuwing "Garantisadong
Pambata" (Abril at Oktubre) para mabigyan ng libreng pampurga. Para sa 6 hanggang 12 taon,
ang pampurga ay ibinibigay sa buwan ng Hunyo at Enero sa lahat ng pampublikong paaralan.
4. Pagkakaroon ng "initiative" ng tahanan, ng paaralan at ng komunidad sa pagtatanim ng mga
gulay at prutas at pag-aalaga ng mga hayop.
5. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga tuntunin at mga programang nakakatulong sa pagbaba
at pag-iwas ng malnutrisyon:
• edukasyon tungkol sa nutrisyon
• livelihood programs
• micronutrient program (food fortification and micronutrient supplementation)
• pagsusulong sa masustansyang pagpapakain sa mga bata
• pagsusulong ng healthy lifestyle
• supplementary feeding sa mga buntis at 6 to 23-buwan na mga bata
• pagtatayo ng sanitary toilet facilities
• pagtatayo ng mga ligtas na maiinom na supply ng tubig
• Nutrition in Disaster and Risk Reduction Management
• Nutrition-Sensitive Agriculture and Development Programs
• Pantawid Pamilya Filipino Program (4Ps) - programang nagbibigay-tulong (cash-
assistance) sa mga mahihirap.
• Agrikulturang Filipino o Agri-Pinoy - programa ng Department of Agriculture na
nagpapaunlad ng sustainable agriculture, fisheries at ng natural resource management.

6. Iwasan ang pagluluto at paghahanda ng pagkain na higit sa kinakailangan ng mga bata at


pamilya.
7. Patuloy na pag-aralan at gawin ang wastong nutrisyon.

 Kawalang Seguridad sa Pagkain


Ang kawalang seguridad sa pagkain ay isa sa pinakamalalang suliranin na kinakaharap ngayon
ng ating bansa. Tayo ay umaangkat ng tone-toneladang bigas sa ibang bansa partikular na sa bansang
Vietnam at Thailand. Paano nangyari na ang bansang nag-i-export ng bigas noon ay nag-iimport na
ngayon? Paano nangyari na ang bansang kinalalagyan ng International Rice Research Institute (IRRI)
na nasa Los Baños Laguna ay isa sa mga bansang umaangkat ng bigas mula sa mga bansang nabanggit
sa itaas? Bakit ang mga bigas na mula sa National Food Authority (NFA) na galing sa ibang bansa ay
may ibang amoy? First class ba ang binibili o yung last class na?
P a h i n a 70 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Di naman natutulog ang gobyerno, dahil gusto ng kasalukuyang administrasyon na makaahon


ang Filipinas sa suliraning ito. Ngunit ang dapat na pagtuunan ng pansin ay ang Modernisasyon ng
Agrikultura. Narito ang buong transcript ng isang editorial.

MODERNISASYONG NG AGRIKULTURA ANG DAPAT UNAHIN


Ni: Magi Gunigundo
April 21, 2018

KAILANGAN ipamalas ang “political will” ng Administrasyong Duterte para isulong ang
modernisasyon ng agrikultura at pangingisda para masugpo ang mga suliranin na humahadlang sa
pangarap ng mga Filipino na magkaroon ng seguridad sa pagkain o “food security”.

Itigil na muna ang paglalaan ng pondo sa pagpapatayo at pagpapaganda ng basketball courts


sa atin bansa na hindi naman nakakapuksa ng kahirapan (https://businessmirror.com.ph/food-
insecurity-in-phl; binuksan ko nuong Abril 20, 2018). Ang nakikinabang lang diyan ay mga politiko na
walang alam sa problema ng bansa at puro yabang lang ang pinaiiral.

Pagsama-samahin ang pondong malilikom para sa Research and Development sa agrikultura


na ngayon ay .14% lang ng GDP upang tumaas ang ani, magkaroon ng de-kalidad at ligtas na mga
produkto na mabibili sa lahat ng palengke sa presyong kaya ng mamamayan. Sa ganitong paraan, ang
pagiging magsasaka at mangingisda ay magiging kaakit-akit na hanapbuhay.

Sa kasalukuyan, abala ang Kagawaran ng Agrikultura sa budget call ng Department of Budget


and Management (DBM). Sana ay may programa sila na nakalinya para dito na maaaring pondohan ng
Kongreso.

Nakalulungkot pagmasdan ang katayuan ng Filipinas bilang isa sa mga pinakamalaking mag-
angkat ng bigas samantalang mayroon tayong IRRI at PHILRICE at mga dalubhasa sa agricultural
research.

Hindi natin makamit ang pangmatagalang food security dahil sa mga panandalian at makikitid
na “short-term Domestic Food Production Programs,” pataas nang pataas na presyo ng bilihin lalo na
ngayong may TRAIN na tayo, pabawas na global food supply, mga kalamidad na gawa ng tao at
kalikasan na hatid ng climate change.

Hindi solusyon ang pagsasauli ng NFA Council Chairman sa Kagawaran ng Agrikultura. Lalong
walang katuturan ang debate kung mas mainam mag-angkat ng bigas sa pamamagitan ng Government
to Government arrangement o pagbibigay ng pahintulot sa pribadong sektor na mag-angkat nito
pagkatapos ng bidding sa kung sino ang bibigyan ng pahintulot ng NFA.

Mahigit 3 milyong Filipino ang walang sapat na pagkain. 37% ng ating cereal requirements
(kabilang na ang bigas at mais), 98% ng gatas at iba pang dairy products. Bagama’t tayo ay net exporter
ng isda batay sa halaga, umaangkat tayo ng mas maraming isda pagdating sa timbang. Kumikita tayo
ng U$3.14B sa pagluluwas ng mga produktong agrikultural, gumagastos naman tayo ng doble ng
halagang ito sa pag-angkat ng mga produktong agrikultural.
(http://opinion.inquirer.net/104490/food-security-required-national-security na binuksan ko nitong
Abril 20, 2018).

Kung hindi tayo kikilos ngayon, ang mga magsasaka at mangingisdang Filipino ang masasaktan
nang husto dahil sa kakulangan ng tubig, madalas na tagtuyot, pagtaas ng temperatura, mga bagong
peste at sakit ng halaman, paikling panahon ng taniman sa mga kabundukan at lupain na sahod-ulan
lang ang inaasahang pagkukunan ng tubig. Tandaan natin na 60% ng kita nila ay ginagastos sa pagkain.
Nakakabahala ito.

Ang ating baseline ay ang ika-79 puwesto ng Filipinas sa 2017 Global Food Security Index (GFSI)
sa 113 bansa.

P a h i n a 71 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sa Asia Pacific na may 23 bansa na isinama sa GFSI, 17th lang tayo. Daig pa tayo ng Sri Lanka
at Pakistan. Ang sinisisi ng Economic Intelligence Unit na gumawa ng GFSI ay ang kakulangan ng pondo
na inilalaan sa Research and Development na wala pang 1% ng GDP.

Hindi dapat mag-aksaya ng panahon ang administrasyong Duterte. Paparating na ang “perfect
storm” na dulot ng pinagsama-samang epekto ng climate change, pataas na presyo ng pagkain, krisis
sa enerhiya, pagkapanot at paglaslas ng kalikasan, kawalan ng biodiversity at paglobo ng populasyon.
Ito ang pinakamalaking banta sa food security at global agriculture sa siglong ito. Ito ang dapat
pagtuunan ng pansin at ang buong bigat ng impluwensya at kapangyarihan ng palasyo ang dapat
gamitin para dito. Ito ang isang pamana na maipagmamalaki ng mga anak at apo ng Pangulong
Duterte.

P a h i n a 72 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan : _______________________________________ Puntos : _____________
Kurso at Taon : ___________________________________ Petsa : ______________

A. Panuto: Piliin sa choices kung ano ang tinutukoy sa bawat aytem.Bilugan ang letra ng iyong sagot.
1. Alin sa mga isyung lokal at nasyonal ang karaniwang kinasasangkutan ng mga politiko?
a. Malnutrisyon b. Korapsyon c. Kahirapan d. Kawalang Seguridad sa Pagkain

2. Ito ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o
makapagdulot magkaroon ng payak o batayang mga pangangailangang pantao, katulad ng malinis
na tubig o maiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.
a. Absolutong kahirapan c. Kahirapan
b. Relatibong kahirapan d. Kawalang Seguridad sa Pagkain

3. Ito ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting
kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga
sa ibang mga tao sa ibang lipunan o sa ibang bansa.
a. Absolutong kahirapan c. Kahirapan
b. Relatibong kahirapan d. Kawalang Seguridad sa Pagkain

4. Ahensya ng gobyerno na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong inihain laban sa mga opisyal
at empleyadong pampubliko at nagsisilbi bilang mga “people’s watchdog” ng pamahalaan.
a. Sandiganbayan c. Office of the Ombudsman
b. Civil Service d. Commission on Audit

5. Ito ay ahensya ng gobyerno na binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o i-audit at


bayaran ang lahat ng mga account na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga resibo at mga gastos
o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa ilalim ng kustodiya ng mga ahensya ng pamahalaan at mga
instrumentalidad.
a. Sandiganbayan c. Office of the Ombudsman
b. Civil Service d. Commission on Audit

6. Ito ay nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong


pampubliko.
a. Sandiganbayan c. Office of the Ombudsman
b. Civil Service d. Commission on Audit

7. Ito ay ugali ng tao na hindi nakokontento sa mga biyayang natatanggap at sa sobrang gusto nilang
yumaman o umakyat sa itaas, kadalasan ay nandadamay at humahatak sila ng ibang tao pababa.
a. Kawalang Disiplina b. Kasakiman c. Makasarili d. Pagiging Palaasa

8. Siya ang kababayang itinanghal bilang CNN Hero of the Year 2009. Sinimulan niya ang pushcart
klasrum na nagsilbing eskuwelahan para sa mga batang nakatira sa lansangan.
a. Efren Penaflorida b. Efren Bata Reyes c. Efren Penaflor d. Efren Reyes

9. Ang sumusunod ay ugali ng mga Filipino bunga ng kolonyalismo maliban sa:


a. Bahala na b. Filipino Time c. Procrastination d. Hospitality

10. Ito ay sangkap ng Kahirapan na nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng pakialam, o kung
pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga bagay sa paligid nila, na
itama ang isang kamalian o pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang
pamumuhay.
a. Karamdaman c. Kawalang ng Katapatan
b. Kawalan ng Interes d. Pagka-Palaasa

P a h i n a 73 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

11. Ito ang pangunahing kaso ng malnutrisyon sa Filipinas.


a. Kakulangan sa Protina c. Kakulangan sa Calcium
b. Kakulangan sa Vitamins d. Kakulangan sa Food supplements

12. Ito ang pinakapangunahing dahilan ng pagkakaroon ng malnutrisyon ng mga bata sa Filipinas.
a. Kahirapan c. Korapsyon
b. Kawalang Seguridad sa Pagkain d. Kasakiman

13. Aling ahensya ng gobyerno ang direktang mananagot sa kawalang seguridad sa pagkain?
a. IRRI b. DA c. PHILRICE d. NIA

14. Batay sa Global Food Security Index (GFSI), sa 113 bansa noong taong 2017, pang-ilan sa
puwesto ang Filipinas?
a. 78 b. 79 c. 80 d. 81

15. Ito ay isa sa mga dahilan ng kawalang seguridad sa pagkain.


a. climate change c. walang koneksyon
b. katamaran d. korapsyon

B. Pasanaysay. Sagutin ang tanong sa bawat aytem sa hindi hihigit sa limang pangungusap.
1. Bakit mahalaga na pag-aralan ang mga isyung lokal at nasyonal partikular na ang kahirapan?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang hakbang na kasalukuyang ginagawa ng administrasyon para mapababa ang


antas ng kahirapan sa Filipinas?
a. ____________________________________________________________
b. ____________________________________________________________
c. ____________________________________________________________
d. ____________________________________________________________
e. ____________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong para masugpo ang kasalukuyang katiwalian sa
gobyerno partikular na ang korapsyon?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Sa palagay mo, sino ang dapat sisihin sa mga nangyayari sa lipunan partikular na ang kahirapan,
malnutrisyon at kawalang seguridad sa pagkain?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

P a h i n a 74 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

C. Gawaing Interaktibo at Integratibo


Punan ang mga patlang ng epektibong solusyon para mapababa (kung hindi man ay
lubusang masugpo) ang kahirapan sa lokal at nasyonal na senaryo.

Mga Sanhi at Bunga Solusyon (Lokal) Solusyon (Nasyonal)


1. Korapsyon

2. Kasakiman

3. Populasyon

4. Edukasyon

5. Kawalang Disiplina

6. Kolonyal na Kahirapan

P a h i n a 75 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

D. Gawaing Integratibo: Bumuo ng grupong may tatlong miyembro. Bumuo ng poster na


naglalahad ng mga kaisipan hinggil sa KAHIRAPAN AT KORAPSYON. Gawing malikhain ang
poster.

P a h i n a 76 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

E. MALIKHAING PAGLALAPAT. Pagbuo ng Video Presentation.


1. Bumuo ng pangkat na may 5 – 10 miyembro. Isaalang-alang sa pagbuo ng pangkat na isa sa
mga miyembro ay may mahusay na kasanayan sa paggamit ng computer application o video
editing.

2. Pumili ng isa sa mga isyu sa ibaba at gawan ng 3 minutong Adbokasiya upang ito’y
malabanan:
a. Kahirapan
b. Korapsyon
c. Malnutrisyon
d. Kawalang seguridad sa pagkain

3. Buoin ang presentasyon ayon sa mapagkakasunduang panahon at araw ng presentasyon.


Bawat miyembro ay nararapat na makita sa video at presentasyon. Kabawasan sa puntos ng
pangkat ang bawat miyembrong hindi nakasali.

4. Para sa pagtataya, gagamitin ang rubrik sa ibaba. Pangkatan ang pagmamarka.


-----------------------------------------------------------------------------
0 kung hindi nakita sa presentasyon ang salik na tinataya
1 – 4 kung di-gaanong nakita sa presentasyon ang salik na tinataya
5 – 8 kung naipakita sa presentasyon ang salik na tinataya
9 – 12 kung lubusang nakita sa presentasyon ang salik na tinataya

PAMANTAYAN ANTAS NG PAGBUO PUNTOS


9 - 12 5 - 8 1 – 4 0
Storyboard: Maayos ang pagkasunod-
sunod ng mga ideya at video
Nilalaman: Naaaayon sa paksa ang
presentasyon at nailahad nito ang layunin at
mahahalagang impormasyon.
Teknikal: May malikhaing transition,
sound at video effects, background, font
size at color na nakatutulong sa paglalahad.
Project requirements: Bawat miyembro ay
bahagi ng presentasyon, naipasa at nailahad
sa napagkasunduang panahon, naipasa ang
mp4 format ng presentasyon.
Kabuoan /60

P a h i n a 77 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 78 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

MGA NAPAPANAHONG
ISYUNG LOKAT AT NASYONAL
(Marhinalisasyon ng) Mga Katutubong Pangkat, Manggagawang
Kontraktwal, Magsasaka, Tindero at Tindera, Kabataang
Manggagawa at Migrasyon

Maliban sa mga isyung natunghayan na, may ilan pang mga isyu na nararapat ding
mapagtuonan ng pansin. Ang mga isyung ito ay nabibilang ang marhinalisasyon, manggagawang
kontraktwal, magsasaka, tindero, kabataang manggagawa at migrasyon.

Ang mga isyung ito ay nakapagdaragdag din sa mga salik na nakaaapekto sa pag-unlad ng
bansa. Kung paanong ang mga isyung nabanggit ay nakaaapekto sa pagsulong ng bansa ay siyang
ilalahad at tatalakayin sa araling ito. Magiging layunin sa pag-aaral ang sumusunod:

Layunin ng Aralin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga salik na nagpapalawak sa kaalaman ng tao;
2. Naipaliliwanag ang papel ng tao sa kaniyang kinabibilangang pangkat; at
3. Napahahalagahan ang tunay na pakikipagkapwa.

 (Marhinalisasyon ng) Mga Katutubong Pangkat

Panimulang Gawain
Panoorin ang Aeta documentary film in the Philippines sa youtube
(https://www.youtube.com/watch?v=6dytjiYvVpI)

Sagutin
1. Ibahagi ang mga kaugalian at kultura ng mga Aeta (Ita).
2. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga Aeta (Ita) sa ibang pangkat etniko rito sa
Filipinas.
3. Ibahagi ang mahahalagang ambag ng mga Aeta (Ita) sa lipunan.

Alamin
Kilalanin ang mga katutubong Filipino.

Pangkat Etniko sa Filipinas


Ang yamang tao ng Filipinas ay ang kaniyang mga mamamayan. Filipino ang tawag sa kanila.
Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. At iba-iba rin ang tawag sa kanila. Isa sa mga
ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Sa Luzon sila karaniwang naninirahan,
sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. Ngunit may naninirahan din sa mga bundok
ng Panay at Negros.

Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Ang mga Ifugao ang
nagtayo ng pamosong Hagdan-hagdang Palayan, dalawang libong taon na ang nakakaraan.

Ang isa pang pangkat ng mga Filipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Nakatira sila sa gawing Hilaga
ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Napadpad sila roon
upang maghanapbuhay (o makipagkalakalan), o dahil doon nakapag-asawa. Matitipid at masisipag ang
mga Ilokano.
P a h i n a 79 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugang Luzon ang mga Tagalog. Sila ang pangalawa
sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Filipinas.

Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila
ay may payak na panlabas na anyo at payak na paraan ng pamumuhay na tulad pa rin ng ating mga
ninuno. Iba-iba rin ang pangkat ng Filipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuano na
may pinakamalaking pangkat sa nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong-awit na "Matud Nila" at
sayaw na “Rosas Pandan”.

Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na “Dandansoy” at sayaw
na “Cariñosa”. Mga Waray naman ang pangkat ng Filipino sa Leyte at Samar. Ang ilan sa mga ito ay
ang mga Badjao, Maranao, Tausug, T'boli, at Manobo. Nakatira sa baybay-dagat ang mga Badjao.
Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay nila.

Ang pangkat ng mga T'boli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay
nila. Isa pang pangkat ay ang Katutubong (etnikong) Dumagat na di gaanong nakilala sa dahilang
ibinilang sila na katulad sa mga Aeta at Negrito sa Luzon. Ang pangkat na ito ay naninirahan sa
bulubunduking bahagi ng Rizal, Bulakan, Laguna at Quezon na nasasakop ng kabundukan ng SIERRA
MADRE. Sila ay nahahati sa dalawang uri - ang una ay ang purong Dumagat na nanatiling nakabahag
at nakatira sa mga nabanggit na mga kabundukan at ang ikalawa ay tinatawag na Redemtador o
Lahukang Tagalog at Dumagat na kilala sa katawagang katutubo, nakatira sa mataong lipunan sa Rizal
at bahagi ng Quezon. Ang katutubong Dumagat ay isa sa natitirang lahi ng tao sa Filipinas na nabibilang
sa uri ng taong India dahil sa pagkakaroon ng kaugnayan ng mga salita at paniniwala nila sa matandang
kabihasnan ng India. Ang katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaring nagmula sa salitang
RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isa sa mga unang lahi ng tao sa
Luzon na nakarating sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa na nakadugtong sa Asya. Kung
tutuntunin, ang isa sa sinaunang lahi ng tao dito sa Filipinas ay nagmula sa India, pinatunayan ito ng
Kasulatan sa Tanso (Laguna Copperplate Inscriptions, 822 AD). Ang ibayong pag-aaral ng kultura at
wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa pasusuring ito. Halimbawa ng pangungusap sa Dumagat
ay ang salin sa magandang umaga sa inyong lahat na – “Masampat tabi abi di kitam mapesan!” Ayon
sa kanilang pagkakaalam, ang salita nila ay nahahati sa dalawa- isang pangkaraniwan at isang
pangmatanda o pamitagan. Sa kasalukuyan, tinatawag ang mga ito na "baybay" o pangkaraniwan at
"Mangni" o pamitagan.

P a h i n a 80 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: ___________________________________________ Puntos: ________________
Kurso at Taon: _______________________________________ Petsa: _________________
A. Pumili ng tatlo mula sa mga pangkat etniko na tinalakay. Magsaliksik hinggil sa mga pangkat
etnikong napili upang mapunan ang Venn diagram ng mga impormasyong nagpapakita ng kani-
kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba.

B. Magdikit ng mga larawang may kapsyon na naglalaman ng mahahalagang impormasyon hinggil sa


tatlong napiling pangkat etniko. (Gumagamit ng isang short bong paper para sa gawain ito.)

Pangkat ____________ Pangkat ____________ Pangkat ___________

P a h i n a 81 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 82 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Manggagawang Kontraktwal

Panimulang Gawain
Gamit na lunsaran ang mga larawang makikita sa ibaba, gumuhit ng bagay na sumisimbolo sa
kahulugan o konsepto ng kontraktwalisasyon.

Alamin

Manggagawa Ka Ba? Regular o Kontraktwal?


(Usapang Manggagawa sa Araw ni Gat. Andres Bonifacio)
Posted: November 29, 2016
By: Makasaysayan
https://makasaysayan.wordpress.com/2016/11/29/manggagawa-ka-ba-regular-ka-ba-o-kontraktwal-usapang-
manggagawa-sa-araw-ni-gat-andes-bonifacio/

Ang totoo, halos walang masyadong kaibhan ang dalawang kalagayan kung ang usapin ay ang
katayuan sa ating mga trabaho kaugnay ng karapatan, seguridad at sahod sa ilalim ng sistemang
umiiral.

 Regular at Kontraktwal
Kung ikaw ay isang regular, mapalad ka nang kaunti dahil maaaring ipinapatupad sa iyo ang labor
standards na ayon sa ating batas-paggawa gaya ng minimum na sahod, walong (8) oras na trabaho,
over time pay, 13th month pay, SIL, holiday pay at rest day o isang araw na pahinga kada linggo. (At
may katiting na alawans kung may unyon dahil may mga benepisyong lagpas sa itinakda ng batas na
maaaring makuha bunga ng mga “labanan,” ng CBA, halimbawa.

P a h i n a 83 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Maaaring ipinapatupad? Bakit parang may duda? Dahil hindi nakakamit ng maraming
manggagawa sa kasalukuyan, naturingan mang regular, ang mga benepisyong binabanggit dahil
sadyang hindi ipinapatupad ng mga switik at gahamang mga employer. Hindi ipinapatupad dahil
maaaring hindi ito alam ng mga manggagawa, o kung alam man nila ay natatakot na mapag-initan sila
pag kinuwestyon nila ang kani-kanilang employer. Nandyan naman sana ang DOLE upang siyasatin ang
bawat pabrika sa nasasakupan ng kanilang satellite offices gamit ang kanilang “visitorial power,”
ngunit hindi ito nagaganap. Kinakailangan pang sadyain muna sila ng mga manggagawa upang
magreklamo, na dahilan upang lalo pang pag-initan ang mga ito at tanggalin sa trabaho. Ganyan
kalakas ang loob ng mga gahamang employer dahil alam nila na kayang tapalan ng salapi ang mga
corrupt sa pamahalaan. Bukod pa ito sa katotohanang napakalaki ng reserbang manggagawa sa bawat
isang regular na matatanggal. Ibig sabihin, may mahabang pila ng manggagawang handang hugutin
oras na may matatanggal na isang regular employee.

Kung ikaw ay kontraktwal ay singhaba lamang ng ilang buwang nilalaman ng kontratang iyong
nilagdaan ang haba ng iyong magiging pagtatrabaho. Ibig sabihin, sa tuwing matatapos ang kontrata
at mawawalan ka na ng hanapbuhay, titigil din muna sa pag-inog ang iyong buhay na nakatali sa
kakarampot na suweldo. Ang “kakarampot” na iyan ay kung ipinapatupad sa iyo ang minimum na
pasahod na itinakda ng batas, na malamang ay hindi mo nga matatamasa dahil bilang kontraktwal
ay agency ang nagpapasahod sa iyo. Ang kita ng mga agency ay galing din lamang sa porsyentong
kinotong mula sa sahod at kulang na ito pagdapo sa iyong mga palad.

Sa umiiral na kalagayan, bago matapos ang isang kontrata, kinakailangang may tinatarget nang
malilipatan ang isang manggagawang kontraktwal.

Ngunit hanggang kailan? Araw-araw ay humihigpit ang kompetisyon ng mga manggagawang


patuloy na lumalago ang populasyon kumpara sa mga trabahong hindi naman nadadagdagan, bagkus
ay nababawasan pa nga dahil sa pag-usad ng makabagong teknolohiya. Ibig sabihin, sasapit tayo sa
edad na hindi na tayo kompetitib at wala nang laban sa papasok na bagong henerasyon ng mga
manggagawa. Paano na?

 Kulang at hindi kailanman sasapat ang Suweldo


Kung ikaw ay minimum wage earner o sumasahod lamang ng minimum, hindi kaila sa iyo ang
kakulangang ito dahil araw-araw natin itong kinakaharap. Aber, gumamit tayo ng kaunting matematika
upang linawin ito. Ang kasalukuyang salary rate para sa NCR ay P492.00. Hatiin o i-divide natin ang
P492 sa average na limang (5) myembro ng pamilya (tatay, nanay at tatlong anak) at iluluwal ang
halagang P98.40. Muli nating hatiin o i-divide ang P98.40 sa apat (4) na kain (agahan, tanghalian,
meryenda at hapunan) at iluluwal ang halagang P24.60. (Hindi pa binabawas diyan ang tax, SSS,
Philhealth na kinakaltas sa sahod bago pa man dumapo ito sa ating mga palad.)

Malinaw na ipinakita sa ating simpleng kuwenta na kulang na ang P492.00 na minimum


wage para sa NCR, sa pagkain pa lamang! Paano na ang iba pang pangagailangan tulad ng upa sa
bahay, tubig, ilaw o koryente, gamot pag may nagkasakit, damit at badget sa eskuwela ng mga bata?
Nakapagtataka pa ba kung bakit may mga manggagawang nakatira sa ilalim ng tulay? Kung bakit may
mga batang hindi makapag-aral? Kung bakit may mga sunog sa isang urbanisadong lugar na ang sanhi
ay napabayaang kandila? Karaniwan na rin ngayon ang sakit sa bato sa mga bata dahil sa sobrang
pagtitipid, alat ng noodles at sitsirya, na pinakamurang ulam at meryenda ang nakahapag sa mesa sa
tuwina. Ang pasahod pa lamang sa NCR ang ating pinag-uusapan. Paano na kaya ang mga karatig
probinsya at ibang rehiyon na mababang sahod ang itinakda ng inutil na wage boards sa kabila ng
reyalidad na kung hindi man pareho lang ay mas mahal pa ang mga bilihin at serbisyo sa kadahilanang
sa Kamaynilaan ang pinanggagalingan ng mga pangunahing produktong ito.

P a h i n a 84 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sumagad sa pag-oobertaym ang solusyon ng karamihang manggagawa sa malaking kakulangang


ito, upang humabol ng dagdag na kita— na sa dulo ay tutungo sa sobrang produksyon kaya mauuwi
rin sa forced leave ng mga manggagawa dahil “natapos nang gawin ngayon ang gawain sana para
bukas.”

Pilit namang aangkop sa sitwasyon ang iba sa paghahanap ng “sideline” o ekstrang pagkakakitaan
paglabas ng trabaho— mag-pedikab, maglako ng kung ano-ano, at iba pa, na pangunahin nang trabaho
ng napakalaking bilang ng mga wala talagang trabaho. Nangingibang-bansa bilang OFW ang marami,
samantalang natutulak ang ilan na pumasok sa mga anti-sosyal at iligal na gawain.

 Ang solusyon ng Gobyerno


Positibo nang kinikilala ng gobyerno sa kasalukuyan ang kontraktwalisasyon bilang pangunahing
suliranin ng bansa. Nilalaman ito ng platforms ng halos lahat ng presidentiables noong nakaraang
eleksyon, bagamat mababaw ang pagtalakay at tila ba simple lamang talaga ang karamihan sa mga
usapin. Kasama si Pangulong Duterte sa nagsabing masama ang kontraktwalisasyon at nangakong
ititigil ito.

Ngunit iba na ngayon ang tono, ang sinasabi na ni Sec. Bello ay ipatitigil ang “endo”. Ibig
sabihin, tuloy-tuloy na ang mga trabaho at hindi na kinakailangang tumigil at mag-renew ng kontrata
ang mga manggagawang kontraktwal tuwing ika-limang (5) buwan. Nauna rito ay inatasan ang
mga agency na mag-comply sa sinasabi ng DO 18-A upang maging lehitimong job contractor.

Aba, eh kanino ba ire-regular? Sa tinatakbo ng mga debelopment, malinaw na sa agency ire-


regular at hindi sa principal. Kung magkakagayon, napaka-vulnerable pa rin ang mga kalagayan dahil
sa oras na hindi na mabigyan ng kontrata ang principal ng agency ay wala na ring mga trabaho. Co-
terminus ang mga panunungkulan sa ahensya sa kontratang namamagitan sa kanilang dalawa
ng principal.

 Nasa ating mga kamay ba ang Solusyon?


Tunay na wala tayong maasahan kahit sino pa ang manungkulan sa Malacañang sa kasalukuyang
panahong malalaking kapitalista ang nangingibabaw. Ang tunay na pagkakamit ng segurado,
permanente at trabahong nakalaan at sasapat para sa lahat ay kung lilinangin at gagamitin ng ating
pamahalaan ang mga likas na yaman at lakas sa paggawa ng bayan para sa pambansang
industriyalisasyon. Hangga’t wala sa atin ang mga medyor na produksyon na magluluwal ng sigurado
at maramihang trabaho, walang maaasahan na pag-unlad ang ating bayan at ang mga mamamayang
Filipino. Hangga’t ang mga pangunahing industriya ay nasa kontrol ng pribado at mga dayuhang
kapitalista lalo’t pinapayagan ang halos lahat nang gustuhin nilang negosyo at patakaran kaugnay ng
paggawa, nganga ang mga manggagawang Filipino.

 Pangungunahan ng mga Manggagawa ang Laban


Tama! Bilang pinakaabanteng uri sa lipunan, marapat na tingnan ng mga manggagawa ang
tungkulin ng pagpapalaya sa bayan. Bilang araw-araw na kaharap ng puwersa ng kapital sa ating mga
pabrika/planta, araw-araw nating tungkulin ang mag-organisa tungo sa pagpapapalakas ng hanay.
Organisahin natin ang mga manggagawa sa mga linya ng industriya, mga unyon o asosasyon, at sa
anong porma mang ipahihintulot ng sitwasyon. Organisahin natin sila sa mga pabrika, sa mga linya ng
gawain (trade skills), at susundan pati sa mga komunidad upang buoin ang mga asosasyon.

Sa milyong bilang, kasanayan at determinasyon, at sa tamang panahon, kakamtin natin ang


kalagayang ang lahat ay may marangal na trabaho at may makabubuhay na suweldo, pumapasok sa
eskuwela ang mga bata, may sapat na pagkain para sa lahat at hindi na kinakailangang iwan ng mga
nanay ang sariling mga anak upang mag-alaga ng anak ng iba sa ibayong dagat.

P a h i n a 85 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pasasanay
A. Paglinang ng Kaalaman
Gamit ang ilustrasyon sa ibaba, muling ilahad ang problema sa usaping manggagawa at ang inihaing
solusyon ng gobyerno para dito. Magsagawa ng pananaliksik upang makapaglahad ng pagsusuri kung
epektibo o hindi ang solusyon. (Gumamit ng short bond paper para sa Pagsasanay A)

PROBLEMA

PAGSUSURI

SOLUSYON

B. Pangkatang Gawain
1. Gumawa ng plakard na naglalaman ng mga hinaing ng mga maggagawa sa kanilang employer at/o
sa gobyerno. Ang nilalaman ng plakard ay bibigkasin sa harap ng klase ayon damdaming nakapaloob
sa teksto. Ang mga tagapakinig (o ang mga kaklase) ang siyang sasagot sa mga hinaing na bibigkasin.

2. Magmungkahi ng organisasyon para sa isang espesipikong sektor ng mga manggagawa (halimbawa:


mga barbero, mga tsuper, mga beautician). Pangalanan ang organisasyon, magrekomenda ng
magiging adhikain nito at mga benipisyong matatanggap ng mga manggagawang magiging miyembro.

Rubrik Para sa Imumungkahing Organisasyon, Adhikain at Benipisyo


Pamantayan Puntos Aktuwal
Pangalan ng Organisasyon
Unique, makatawag-pansin at konektado sa sektor ang 10
pangalang inirekomenda ng aming grupo.

Adhikain ng Organisasyon
Malinaw at espesipikong naisa-isa ng aming grupo ang mga 15
adhikain ng inirekomenda naming organisasyon.
Benipisyo Para sa mga Miyembro
Malinaw at espesipikong naisa-isa ng aming grupo ang mga 15
benipisyong matatanggap ng mga miyembro na aanib sa
organisasyong aming inirekomenda.
Presentasyon
*Malinaw, magkakaugnay at maayos ang aming
presentasyon na naipakita sa pamamagitan ng 10
powerpoint presentation
*Malinaw naming nasagot ang lahat ng ibinatong tanong
hinggil sa aming awtput
Kabuoan

P a h i n a 86 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Magsasaka
REEL TIME PRESENTS 'BAGONG BINHI'
Tumatanda na ang populasyon ng magsasakang Filpino. Nasa 57 anyos ang average na edad ng
mga magsasaka sa bansa. Kakaunti na raw ang bilang ng mga kabataang sumusunod sa kanilang yapak.
Ang bagong henerasyon ng mga Filipino ay naghahanap na ng ‘mas madali at mas mabilis’ na paraan
upang kumita. Darating nga ba ang panahong wala nang matitirang magsasaka sa Filipinas?

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba mula 31 milyon noong 2013 sa 29.1 milyon noong
2015 ang mga Filipinong nasa agrikultura. Ang isa raw sa dahilan ay ang kawalan ng interes ng mga
kabataan. Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), mula noong 2001-2012, bumaba ng
mahigit 45% ang enrollees sa mga kursong agriculture, forestry, at fisheries sa buong bansa.

Araw-araw, iba’t ibang pagsubok ang kinakaharap ng mga magsasakang Filipino - mahal na mga
kagamitan sa pagsasaka, mga bagong uri ng peste, maliit o halos kawalan ng kita, mahinang suporta
ng gobyerno at ibang sektor, at climate change. Isa rin ang mga magsasakang Filipino sa
pinakamahirap na sektor sa bansa kaya naman hindi kataka-takang kakaunti ang mga kabataang
nagpapakita ng interes sa pagsasaka.

Sa ngayon, kung 57 anyos ang average na edad ng mga magsasaka at 70 anyos naman ang
average life span ng isang Filipino, maaari raw na magkaroon ng “critical shortage” ng mga magsasaka
sa Filipinas makaraan ang 15 taon. Kasabay naman nito ang paglobo ng populasyon sa bansa. Ang
hamon: Paano mapapakain ang mas dumaraming bilang ng mga nagugutom kung bumababa naman
ang bilang ng mga magsasaka?

Pero hindi pa naman daw huli ang lahat. Mayroon pa ring mga katulad nina Andrew Von (16
anyos) at Kenjo (24 anyos) - mga kabataang buong pusong niyayakap ang pagsasaka sa kabila ng
paglaganap ng industriyalisasyon at teknolohiya. Sa kanilang edad, batid nila ang pangangailangang
ito ng Filipinas kaya naman ito raw ang kanilang paraan upang tumulong sa bayan, ang pagyamanin
ang ating sariling lupa.

P a h i n a 87 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 88 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: ___________________________________________ Puntos: ________________
Kurso at Taon: _______________________________________ Petsa: _________________
Pamagat ng video: ____________________________________________________________
Source: ______________________________________________________________________
Magsaliksik ng mga video na nagpapakita ng mga usapin hinggil sa mga magsasakang Filipino.
Bumuo ng reaksiyong papel sa napanood na video. Maaaring gamitin sa pagsasaliksik ang
https://www.youtube.com/watch?v=0ZRj0PXWKQ o kaya ng iba pang site na maaaring gamitin.
Ilagay lamang ang pamagat ng video at cite king saan ito napanood. O kaya i-download ang video
para gawing reference ng klase. Gamitin ang pahinang ito sa pagsulat ng reaksyong papel.

P a h i n a 89 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pagsasanay sa Paglinang ng Kaalaman


Saliksikin at ilahad sa pamamagitan ng time frame (na tulad ng makikita sa ibaba) ang pag-
unlad ng pagsasaka sa ating bansa (mula sa makalumang pagsasaka patungong modernong
pagsasaka).

makalumang
pagsasaka

modernong pagsasaka

P a h i n a 90 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Ang Tindera at Tindero

Buhay ng mga Tindero't Tindera


Tawad dito, tawad doon; Tawad dito, tawad doon
Ni Arlyn Floro
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/reading_lessons/LESSONS/buhay_n
g_mga_tindero.htm

Sa bansa natin ay pangkaraniwang tanawin sa isang palengke ang maiingay na tindero't tindera;
tawad dito, tawad doon ang mga mamimili. Sobrang dami ang matutunghayang iba't ibang klase ng
paninda na aayon sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Marami sa atin na umaga pa lang, ang unang destinasyon ay ang palengke. Totoo ito lalong-lalo
na sa mga ginang ng tahanan.

Sa palengke, iba't ibang klase ng mga tindero't tindera ang makakasalamuha. Mayroong
masungit, mataray, at ang iba naman ay sadyang mabait. Ang mga ito iyong kapag tinawaran mo ang
kanilang tinda ay ibibigay naman kahit pabalik lang. Hindi nakapagtatakang marami silang nagiging
suki.

Isa sa maagang nagigising para mamalengke ay si aling Violy dahil sa siya ay may dalawang anak
na nag-aaral sa kolehiyo at isa pang nasa high school. Maaga pa lamang ay kailangan na niyang
makapaghanda ng pagkain dahil nasanay ang mga anak na bukod sa baong pera ay may baon pang
pagkain.

Kung ang mga ginang ng tahanan ay maagang nagigising para pumunta sa palengke, ano pa kaya
ang mga tindero't tindera? Mas malaki ang sakripisyo nila sa buhay. Alam ito ni Riva Careon, 16.
Tinutulungan niya ang kaniyang ina na magtinda kapag tapos na ang klase, kasabay na rito ang
kaniyang pagre-review. Ayon sa kaniya, ipinagpatuloy lang ng kaniyang nanay ang naiwang negosyo
ng kaniyang lolo sa Monumento Market. Marami-rami na rin daw kasi ang matagal nang suki ng
kaniyang lolo noong ito ay nabubuhay pa. Idinagdag ni Riva na sa katagalan, mga ilang beses na rin
silang nagpapalit-palit ng tinda base sa kung ano ang mas mabili.

Samantala, si Alice Aguila, 45, ay nagtitinda naman sa Marulas market sa Valenzuela. Matagal na
rin siyang nagtitinda ng gulay. "Naisipan kong gawin ito nang maagang mag-asawa si Laine, ang
panganay kong anak. Hindi nga siya nakatapos sa kursong nursing. Nagtitinda-tinda na lang ako para
ipangtawid-gutom naming mag-anak."

Idinagdag niya na minsan, may kahirapan sa pamamakyaw ng gulay. Kailangan daw ay mabilis ka
at malakas ang "radar' mo kung saan makakapamakyaw ng gulay sa murang halaga para maitinda din
sa palengke nang mura. Kadalasan, sa Divisoria ay mura at maraming mabibili.

P a h i n a 91 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Si Aling Sion, 65, tindera ng baboy sa Blumentritt market. Kahit matanda na siya ay masipag pa
rin siya sa pagtitinda. Kahit pa nga ngayong ang kaniyang mga anak ay may asawa't anak, todo kayod
pa rin siya. Hindi niya alintana ang hirap ng isang tindera, ang bigat ng kaniyang binubuhat at mga
panganib na dala ng kaniyang trabaho. "Talagang ganoon ang buhay. Ayokong matulad sa mga kasing
edad ko na walang pinatunguhan ang kanilang katandaan. Hindi ko matatanggap na mamatay ako sa
gutom dahil aminado akong hindi ako ganun kasuwerte sa aking tatlong anak.

Nangagsipag-asawa na sila kaya ang mga baboy at baka na itinitinda ko na lang ang itinuturing
kong kapamilya," wika ni Aling Sion.

Si Toto naman ay isang kargador. Sa murang edad ay tumulong na siya sa kaniyang ina sa
pagtitinda ng lugaw sa Malinta market upang hindi na sila humanap pa ng makakatulong na
susuwelduhan pa nila. Wala nang tatay si Toto kaya siya na rin ang tumatayong padre de pamilya sa
kanilang tahanan. Ngayon, sa edad na 22, matatapos na siya ng pagiging guro. At ipinangako niya sa
kaniyang ina na pag-aaralin niya ang kaniyang mga kapatid para balang araw ay huminto na ito ito sa
pagtitinda.

Tuwang-tuwa naman ako nang makilala ko si Barang, 9. Siya ang tagakanta ng kaniyang Tatay Doy
sa kanilang tindahan ng damit. Ito ang maririnig kay Barang, "Bili na kayo, bili na kayo. Dito na tayo,
dito na kayo. Trenta y singko lang may saplot na kayo. Hoy ale… hoy, mama, halika …" At tunay namang
nakakaakit si Barang sa kaniyang style na pakanta sa pagtawag niya sa mga customer. Kasalukuyan
siyang nag-aaral sa paaralang pang-elementraya ng Karuhatan.

Grade 3 na siya roon. Aniya, hindi naman niya napapabayaan ang kaniyang pag-aaral sa pagtitinda
niya ng damit sa Karuhatan market. Isinasabay niya ang pagre-review kapag pagod na siyang tumawag
ng mga mamimili. Iba't iba ang dahilan ng tao kung bakit nila pinasok ang isang klase ng trabaho. Basta
ang mahalaga ay nakatutulong sila at hindi sila nagiging pabigat sa lipunan.

Kunsabagay, ang pagiging tindero't tindera ay isang marangal na trabaho lalo na ngayon na ang
mga paninda nila ay inilalagay na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ayos. Sa
ngayon nga ay may panukalang maging ang kasuotan nila ay iaayos din upang maging kagalang-galang
sila at maganda sa tingin ng mga mamimili.

P a h i n a 92 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
TAYAHIN: Pasalitang Pagsasanay
Pangalan ng mga miyembro: _______________, _______________, _______________,
___________________, ___________________, _______________, _______________,
__________________________ , __________________________ , __________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ______________

Panuto. Bumuo ng pangkat na may hanggang sampung miyembro. Bumuo ng maikling dula-dulaan
na maitatanghal ng hanggang 5 minuto. Ipakita sa dula ang mga kaisipang tatalakay hinggil sa mga
sitwasyon ng mga kabataan bilang tindero o tindera. Isadula sa harap ng klase.

Pamagat: ________________________________________________________
Konsepto ng mga sitwasyon mula sa dula (Isa-isahin ang mga aral):

Pagmamarka para sa pagsasagawa ng dula-dulaan:

Malinaw na nailahad ang mga aral sa dula-dulaan 5______


Makatotohanan at napapanahon ang tema/paksa 5______
May kahusayan sa pag-arte at may akmang costume at props 15______
May hikayat?Kawili-wili sa mga manonood 5______
Bawat miyembro ay may bahagi sa isinagawang dula-dulaan 5______

P a h i n a 93 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 94 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Kabataang Manggagawa
Alamin
Editoryal - Dumadami ang mga Batang Manggagawa
(The Philippine Star) - June 28, 2012 - 12:00am

Nasa 5.49 milyon ang mga batang manggagawa sa bansa. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho
sa bukid, minahan, asinan, pabrika, construction at may nagbebenta ng “laman”. Nasa edad lima
hanggang 17 ang mga batang manggagawa. Karamihan sa kanila ay dating nag-aaral subalit dahil sa
kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil para tulungan ang kanilang mga magulang sa
paghahanapbuhay. Masakit man sa kanilang kalooban, kailangan nilang magbanat ng buto para
magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Ayaw man nilang tumigil sa pag-aaral, wala silang magawa
sapagkat mamamatay sila sa gutom pati ang kanilang pamilya.

Ayon sa National Statistics Office (NSO), mula lima hanggang siyam na taong gulang ay nag-aaral
pa ang mga bata (mga 90 percent) subalit habang tumatagal ay nababawasan na ang kanilang bilang.
Pagdating ng edad 15 ay 50 porsyento na lamang ang nasa paaralan. Iba-ibang trabaho na ang kanilang
pinapasok para matulungan ang mga magulang at hindi magutom.

Ayon sa International Labor Organization (ILO), dahil sa maagang pagsabak ng mga kabataan sa
pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang mga bata.
Nawawala rin ang kanilang dignidad at potensyal. Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maaagang
nawawalay sa kanilang mga magulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit. Ang masama pa,
marami sa kanila ang nasasadlak sa masamang gawain. Dahil iba’t ibang uri ng tao ang kanilang
nakakasalamuha, naaakit o naiimpluwensyahan sila na gumawa ng masama. Ang ilan sa mga
kabataang babae ay nasasadlak sa prostitusyon. Nakakasanayan na nila ang ganoong klase ng trabaho
na madaling kumita ng pera.

Kahirapan ng buhay ang ugat kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa. Ilang
administrasyon na ang nagdaan subalit ang problema sa child labor ay hindi nabawasan kundi dumami
pa nga. Nararapat alamin ng gobyerno ang mga lugar sa bansa na maraming batang manggagawa at
tulungan silang makaahon sa pagka-alipin. Bigyan ng trabaho ang kanilang mga magulang para hindi
ang kanilang mga anak ang magbanat ng buto. Ang mga bata ay nararapat na nasa eskuwelahan.

Alamin ang kuwento ng isang batang manggagawa; i-type sa YouTube ang CameraJuan “Ang
Batang Manggagawa”.

P a h i n a 95 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 96 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan : ___________________________________________ Puntos : _____________
Kurso at Taon : _______________________________________ Petsa : ______________

A. Punan ng hinihinging impormasyon ang mga kahon sa ibaba gamit ang tick-tack na metodo:
Ilahad ang O - Opinion hinggil sa mga Kabataang Manggagawa
Ilahad ang R- Reaksyon hinggil sa binasang akda
Isa-isahin ang A- Aral na napulot mula sa binasa
Iugnay sa S- Sariling kaisipan o karanasan
(O) Ang mga kabataang manggagawa…

(R)

(A)

(S)

B. Magsagawa ng pakikipanayam sa mga manggagawang kabataan. Alamin kung ano-ano ang mga
dahilan ng kanilang pagtatrabaho sa murang edad. Mula sa mga impormasyong makakalap, gumawa
“5 Steps to Success” upang makatulong sa kanila.

5.

4.

3.

2.

1.

P a h i n a 97 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 98 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Usapin ng Migrasyon sa Filipinas


Ang migrasyon ay proseso ng paglipat sa
isang bagong lokasyon upang doon tumira,
pansamantala man o permanente. May iba’t
ibang dahilan sa likod ng migrasyon. Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.
• Economic Migration- Pangingibang bansa
para makahanap ng trabaho o para sundan ang
propesyon.
• Social Migration- Paglipat tungo sa ibang
lugar para sa mas magandang kalidad ng buhay
o upang makasama ang mga kaibigan at
kapamilya.
• Political Migration- pag-alis patungo sa ibang
bansa dahil sa pampolitikang pag-uusig at/o
digmaan.
• Environmental- Paglipat tungo sa isang lugar
Kuhang-larawan ng Overseas Filipino Workers dahil sa mga natural na kalamidad tulad ng
(OFW)(https://www.google.com/search?q=filipi pagbaha, paglindol, atbpa.
(http://www.bbc.co.uk/schools/gcsebitesize/geogra
no+migration&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
phy/migration/migration_trends_rev2.shtml).
ed=0ahUKEwjFyZT5lPjbAhUIp5QKHcEZDU4Q_A
UICigB&biw=1024&bih=623#imgrc=aeP_d9pGrJ
Sa Filipinas, naging normal na ang kultura ng migrasyon at marami na ang tumatanggap at
nagsasagawa nito. Sa pag-usad ng panahon, pataas nang pataas ang nagiging bilang ng mga Filipino
na nangingibang bansa. Dahil sa kawalan ng trabaho o mapagkikitaan sa bansa kaya napipilitan ang
mga Filipino na mangibang-bansa. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, ang bilang ng mga OFW
sa taong 2015 ay 9.1 milyon- 10 porsyento ng populasyon ng mga Filipino.

Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng Filipinas. Noong 2015, 28 bilyon US
dollar ang naipadala ng mga Filipino sa bansa. Ang ganitong halaga ng remittances ay lubos na
tumutulong sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa sapagkat ginagawa nitong estabilisado ang piso laban
sa dolyar. Sa ibang salita, kung mababa ang halaga ng piso, malaking pinsala ang naidudulot nito sa
mga kompanya na may pagkakautang ng dolyar at maaaring makapagresulta sa pagkalugi. Matatakot
na rin ang mga namumuhunan na mag-invest dahil sa mataas na posibilidad ng pagkalugi.

Gayunpaman, marami rin namang hindi magandang naidudulot ang migrasyon. Hindi
magiging madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Napakaraming hamon ang maaaring haharapin ng
mga Filipino sa kanilang paghahanap-buhay at maging sa pagsisimula pa lamang ng paglalakad ng mga
papel na kinakailangan para makapangibang-bansa. Nariyan ang usapin hinggil sa Illegal Recruitement,
Human Trafficking, at kung nasa abroad na, ang hindi mabuting pagtrato sa kanila ng mga amo. Kung
pinalad man na magkaroon ng magandang trabaho, malaki ang posibilidad na hindi na sila uuwi sa
Filipinas at pipiliin nang tumira roon.

Sa konteksto naman ng pambansang kaunlaran, maaaring malaking halaga ng remittances ang


naibibigay ng mga mga Filipinong nasa ibang bansa, ngunit nawawalan naman tayo ng mga
propesyonal na nagtataglay ng kahusayan at kagalingan sa kaniya-kaniyang larang o espesyalisasyon.
Malaki ang naibabawas sa bilang ng mga propesyonal na inaasahang maglilingkod sa bayan at
magtataguyod ng kaunlaran.

P a h i n a 99 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sa iba’t ibang usapin sa migrasyon, may naidudulot man itong maganda at di maganda, naroon
ang pagsisikap ng gobyerno na pangalagaan at proteksyonan ang interes ng mga Filipinong
nangingibang bansa at palakasin o pagtibayin ang relasyon ng huli sa bansang Filipinas.

Pangkatang Gawain. Paggawa ng Poster-Islogan


Hatiin ang klase sa limang grupo. Bawat grupo ay gagawa ng dalawang poster-islogan na
nagpapakita ng mabuti at di mabuting naidudulot ng migrasyon. Gawing gabay ang pamantayan sa
pagmarka na makikita sa ibaba.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mahusay naming nailahad ang aming 25 pts.
idea sa aming islogan. Ito ay unique at
napapanahon kaya makatawag-pansin.
Estetikong Elemento Malikhain ang aming ilustrasyon; malinis, 25 pts.
at may maayos na pagkakaugnay-ugnay
ang mga pansining elemento tulad ng
kulay at agwat o lapit ng mga icon. Sa
kabuoan, ito ay kaakit-akit sapagkat ito’y
nagpapakita ng tiyak na sitwasyong
naidudulot ng migrasyon.
Kabuoan: 50 pts

 Kultural, Politikal, Linggwistiko, Ekonomikong Dislokasyon/ Displacement/ Bunsod ng


Globalisasyon
Sa ating kontemporaryong panahon na ang usad ng modernong teknolohiya at
makabagong sistema ng lipunan ay daluyong na dumarating, hindi maitatangging may napag-iiwanang
panlipunang institusyon. Ang konseptong ito ay tinatawag na dislokasyon o isang proseso kung saan
ang isang panlipunang institusyon ay di nakatutugon sa mga hamong idinudulot ng nagbabagong
panahon. Ito rin ay ang pilit na pagsakop at pagpasok ng internasyonal na konsepto na nagtataboy sa
mga nakagawiang idea, kultura, at pagpapahalaga.

Isa sa umiiral na konsepto ng pamamahala sa pandaigdigang kaunlaran ay Globalisasyon.


Ito ay isang proseso ng muling paghuhugis ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
isang pamantayan para sa pagpapahalaga: economic patterns na may kaugnayan sa malayang
kalakaran, produksyon, konsumpsyon at distribusyon; cultural pattern na may kaugnayan sa entidad,
lenggwahe, at paraan ng pamumuhay; at political pattern na may kaugnayan sa prosesong
pangdemokratiko at karapatang pantao (Gazleh, 2001). Ito ang nagbibigay pag-asa sa mga tao na
magkakaroon ng isang mundong kakaunti ang mahirap at may pagkakapantay-pantay sa harap ng mga
prebelihiyong pangkabuhayan.

Isa ring layunin ng globalisasyon ay ang integrasyon ng iba’t ibang kultura at sistema ng
pamamahala- sa politika man o sa ekonomiya. Itinataguyod nito ang pagbuwag sa mga cultural barrier
at sa mga negatibong dimensyon ng kultura (Rothkopt, 1997). Gayunpaman, ayon kay Barlow (2001),
maraming lipunan, partikular na sa mga indigenous people, ay tinitignan ang kanilang kultura bilang
pinakamayaman nilang namana. Kung wala ito, sila ay walang pinag-ugatan, kasaysayan at kaluluwa.
Ang halaga nito ay hindi mapapantayan ng kahit gaano mang halaga ng pera. Ang globalisasyon ay
pagkakaroon ng isang maluwag na daan para pasukin ng mga naghaharing-uring kultura ang iba pang
mga kultura ng maliliit na pangkat ayon na rin sa perspektiba ng ibat ibang cultural group. Pinagtibay
ni Al-Jazeera (2001) na ang mga lokal na lengguwahe sa mundo ay inaasahang maglalaho. Ang
globalisasyon ang magbibigay daan sa pagkakaroon ng marhinalisasyon ng maraming lokal na kultura.
Sapagkat ang wika ang nakapagpapahayag ng kultura, ang paghaharing-uri ng Ingles ay maaaring
P a h i n a 100 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

makapaglipol sa mga tradisyon, pag-uugali, at pagpapahalaga ng maraming lipunan at ang masaklap,


magpapalaho sa kanilang namulatang kultura. Sa Filipinas, hindi malayong mangyari ang dislokasyon
na ito sapagkat napakaraming maliliit na cultural group ang naninirahan at patuloy na nagpapanatili
ng kanilang kultura.

Ang dislokasyong ito ay hindi lamang nasa kultural na perspektiba, nangyayari din ito sa
ating ekonomiya. Ayon kay Gazleh (2001), ang globalisasyon ay siyang nagpasikat ng “consumer
culture” sa mga tao dahil sa malayang pagdaloy ng iba’t ibang produkto. Sapagkat hindi mamatay-
matay ang pagnanais ng mga mamimili na gumamit at magkunsumo ng mga produkto, sila ay nagiging
alipin na ng kanilang sariling pagnanasa na nakapagdudulot ng pagkawala ng espirituwal, moral, at
intelektwal na dimensyon ng kanilang pagkatao. Ito ay dahil sa mga business corporation na
gumagawa ng maramihang produkto at paggamit nila ng midya para i-advertise ang mga ito. Bilang
resulta, ang aspektong ito ay makalilikha ng “homogenous global culture” o ang iisang pandaigdigang
kultura, na makapagdudulot ng pagkawala ng pagkakaiba-iba at/o varyason ng mga tao. Bukod dito,
nagkakaroon ng malaking agwat sa mayaman at mahirap dahil sa integrasyon ng economic activities
na nagbigay daan sa marhinalisasyon sa ibang sector ng lipunan. Ang mga maunlad na bansa ang
palaging nabibigyan ng mas malaking benepisyo at prebelihiyo sa loob ng buong proseso.
Sa pagdami ng mga naiiwang kababayan sa laylayan, magkakaroon din ng isang malaking
impak sa politikal na usapin. Hindi malayong dadami ang mga terorista na makikipaglaban para sa
kanilang karapatan at makikibaka dahil sa di pagkakapantay-pantay na nararanasan. Ang pagdami ng
mga taong tutuligsa sa gobyeno ay hindi makapagdudulot ng mabuti sapagkat nawawala ang
katatagan at kapayapaan ng isang bansa. Bukod sa impak na ito, mababawasan din ang kapangyarihan
ng isang bansa na pamunuan ang kaniyang nasasakupan sapagkat maraming mga internasyonal na
polisiya ang naidudulot ng globalisasyon. Mawawala ang kapangyarihan ng isang bansa na
magdesisyon para sa kaniyang sarili sapagkat malaya nang makikialam ang ibang mga bansa dahil sa
malayang ugnayan nila sa isa’t isa.
Upang higit pang maunawaan ang kaligiran at epekto ng globalisasyon sa sektor ng ating
lipunan, basahin ang artikulo sa ibaba— isang sipi mula sa Kalagayan Ng Sining At Kultura Sa Panahon
Ng Globalisasyon ni Jenifer Padilla.

Kultura ng Pangangayupapa
Ginagamit ng gobyerno ang islogang “culture of peace” para palubagin ang loob ng mga nag-
aaway na grupo. Ang iba’t ibang cultural exchange programs na binubuo ng immersion
activities at mga pagtatanghal ay aktibo nitong sinusuportahan upang idiin ang “esensyal na
pagiging mapayapa at mapagkasundo” ng mga kultura. Subalit sadya itong inihihiwalay sa
konteksto. Halimbawa, ang mapanlabang tradisyon ng maraming katutubo sa Cordillera ay
pinahihina at pinipilit gawing masunurin sa pagpapaloob sa development aggression projects
ng pambansa at lokal na gobyerno. Isa pang halimbawa ay ang giyera laban sa terorismo na
isinusulong ng US, kung saan ang Filipinas ay nagiging lunsaran na rin ng digmang idinidiin
ang pangkulturang katangian. Binabansagan ang Islam bilang sibilisasyon ng mga barbaro at
terorista. Ang “militanteng Islam” ay ipinapailalim sa “mapayapang Kristiyanismo”; sa totoo’y
binibigyan lang nito ng katuturan ang sistematikong pagsasantabi sa mga karapatang pantao
ng mga Muslim sa Mindanao at iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kongklusyon at mga Resolusyon


Pinatitingkad ng globalisasyon, kulturang popular, korapsyon at panunupil at pasismo ang
dominanteng kulutrang kolonyal, burgis at pyudal. Ang ganitong kalagayan sa kultura ay
sumasalamin sa malakolonyal na estado at malapyudal na ekonomya ng bansa. Naisasalarawan
ng kulturang ito ang tumitindi at mas sopistikadong pagsasabwatan ng imperyalismo,
byurukrata-kapitalismo at pyudalismo – ang tatlong ugat ng kahirapan sa Filipinas.

P a h i n a 101 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 102 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan : __________________________________ Puntos : _______
Kurso at Taon : ______________________________ Petsa : ________
I. MAY PAMIMILIAN. Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat aytem. Piliin at bilugan
ang pinakaangkop na sagot sa tanong. (10 pts.)
1. Alin sa sumusunod na pangkat etniko ang nagtayo ng pamosong Hagdang-hagdang Palayan?
A. Ifugao C. Ita
B. Negrito D. Waray
2. Sino ang pangalawa sa may pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Filipinas?
A. Ifugao C. Cebuano
B. Ilokano D. Tagalog
3. Alin sa sumusunod na pangkat ang naninirahan sa kalagitnaan at Katimugang Luzon?
A. Ifugao C. Negrito
B. Ita D. Tagalog
4. Anong pangkat ang kilala sa awit na Dandansoy at sayaw na Cariñosa?
A. Ifugao C. Ilonggo
B. T’boli D. Waray
5. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng pangkat na T’boli?
A. Pangingisda C. Pagsasaka
B. Pangangaso D. Pangongopisina
6. Alin sa sumusunod na pangkat sa Filipinas ang may kaugnayan sa uri ng taong India?
A. Badjao C. Maranao
B. Dumagat D. Tausug
7. Anong pagkat ang nakatira sa Leyte at Samar?
A. Waray C. Cebuano
B. Ilonggo D. Tagbanua
8. Ilang pangkat ang pagkakauri ng mga Dumagat?
A. Dalawa C. Tatlo
B. Apat D. Lima
9. Ano ang tawag sa pangkaraniwang salita ng mga Dumagat?
A. Baybay C. Mangni
B. Baybayin D. Mangyan
10. Ano ang tawag sa pamitagang salita ng mga Dumagat?
C. Baybay C. Mangni
D. Baybayin D. Mangyan

II. PAGKILALA. Ibigay ang hinihingi at inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot bago
ang bilang. (10 pts.)
________11. Anong ahensya ng gobyerno ang namamahala at nagbibigay ng proteksyon sa interes
ng manggagawang Filipino?
________12. Ano ang kasalukuyang salary rate ng mga manggagawa sa NCR?
________13. Ano ang average na edad ng mga magsasaka sa bansa?
________14. Ilang porsiyento ang ibinaba ng enrolees sa mga kursong pang-agrikultura ayon sa tala
ng Philippine Statistics Authority?
________15. Ilang taon ang average life span ng isang Filipino?
________16. Ilang milyong ang mga batang manggagawa sa bansa?
________17. Nasa anong edad ang mga batang manggagawa ng bansa?
________18. Ano ang nawawala sa mga kabataan sa kanilang maagang pagsabak sa trabaho ayon sa
International Labor Organization?
________19. Ano ang pinakaugat nang pagdami ng mga kabataang napapaaga sa pagtatrabaho?

P a h i n a 103 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

________20. Ilang porsyento ng kabataan na may edad 15 ang nagpapatuloy ng pag-aaral?

III. MODIPIKADONG TAMA O MALI. Isulat ang TAMA bago ang bilang kung ang pahayag ay
tumpak. Sa kabilang banda, kung mali ang nasalungguhitang pahayag, isulat ang TAMANG
SALITA O PARIRALA para ang pahayag ay maging wasto. (20 pts.)

________21. May ilang kabataang babae na dahil sa kahirapan ay napipilitang magbenta ng laman.
________22. Lubos na natutugunan ng mga nagdaang administrasyon ang usapin sa Child Labor.
________23. Ang Economic Migration ay pangingibang bansa paara makahanap ng trabaho.
________24. Ang Social Migration ay pagtungo sa ibang bansa para sa mas magandang kalidad ng
buhay.
________25. Ang bilang ng mga OFW noong 2015 ay 10.1 milyon.
________26. Tinatayang 30 bilyong dolyar ang naipadala ng mga OFW sa bansa.
________27. Ang Environmental Migration ay tumutukoy sa paglipat tungo sa isang lugar dahil sa
mga natural na kalamidad.
________28. Malaki ang naibabawas sa bilang ng mga propesyonal dahil sa migrasyon.
________29. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang namamahala sa usapin sa migrasyon.
________30. Ang Political Migration ay paglipat patungo sa ibang lugar dahil sa pagkakaroon ng
baha at/o iba’t ibang sakuna.

IV. PASANAYSAY. Ipaliwanag nang makabuluhan at komprehensibo (hindi lalampas sa limang


pangungusap) ang hinihingi sa bawat bilang. Isaalang-alang sa iyong pagsagot ang malinaw
na pagkakalahad ng idea at tamang paggamit ng wikang Filipino. (10 pts.)

1. Gaano nakakaapekto sa kultura ng Filipinas ang pagtanggap sa konsepto ng globalisasyon?


Magbigay ng espesipikong pagmamatwid/halimbawa ng inyong sagot. (5 pts.)

2. Paano ginagampanan ng globalisasyon ang pinakalayunin ng kaniyang pagkalalang/eksistens?


Mas positibo o mas negatibo ba ang nagiging bunga? Pagtibayin ang iyong sagot. (5 pts)

P a h i n a 104 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

MGA PROYEKTO NG PAMAHALAAN


TUNGO SA KAGALINGANG PAMBAYAN
AT PAMBANSANG KAUNLARAN
Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga hakbang upang makatulong sa lahat ng mga
mamamayang Filipino lalo na sa mga mahihirap. Ito ang isa sa mga nangungunang adhikain ni Pang.
Rodrigo R. Duterte, ang maiangat ang pamumuhay ng lahat.

Subalit ano ang magiging katungkulan natin upang makatulong sa adhikaing ito na hindi
lamang umaasa sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan? Tandaang tayong lahat ay mayroon ding
gampanin para sa kagalingan ng bayan. Tayo ay may malaking pananagutan upang maisakatuparan
ang bawat mithiin at adhikain ng pamahalaan tungo sa pambansang kaunlaran. Paano natin ito
maisasagawa? Ano ang mga dapat nating gawin upang makatulong? Sapat ba na iparinig lamang ang
ating karaingan o dapat na maipaintindi sa mga kinauukulan ang laman ng ating puso’t isipan?
Kailangan bang isulat ang naiisip? O mas angkop na sabihin na lang upang agad-agad ay kanilang
marinig?

Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na magawa ang sumusunod:

Pangkaalaman
1. Matukoy ang mga proyekto ng pamahalaan para sa kagalingang pambayan at pambansang
kaunlaran.
2. Maipaliwanag ang kahalagahan at benepisyong ibinibigay ng bawat
proyekto ng pamahalaan.
3. Maipaliwanag ang mga katangi-tanging kontribusyon ng mga ahensya ng pamahalaan para
sa pag-unlad ng mga mamamayan at ng bansa.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa pagpapahayag ng kaisipan sa iba’t ibang
sitwasyong pangkomunikasyon.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na
akma sa iba’t ibang konteksto.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-idea.

 Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa Kagalingang Pambayan at Pambansang


Kaunlaran
Sa kabila ng iba’t ibang suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, gaya ng suliranin sa
kahirapan, kalusugan, droga, pagkasira ng kalikasan, at iba pa, hindi rin naman nagpapabaya ang
pamahalaan upang isulong ang mga programa na tutulong sa mga mamamayan. Libo-libong
mamamayan ang nakikinabang sa mga proyekto ng pamahalaan upang kahit papaano ay mabawasan
ang suliraning nararanasan ng mga tao. Ang pamahalaan ay nagbalangkas ng mga plano, mga

P a h i n a 105 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

programa, mga proyekto, mga patakaran at tuntunin upang maisakatuparan ang pambansang
kaunlaran.

Nagtutulungan ang iba’t ibang pamayanan ng bansa at nakikipag-ugnayan sila sa isa’t isa
upang makamtan ang kaunlaran ng bansa. Nagtutulungan ang mga lokal na pamahalaan sa buong
bansa mula sa pinakamababang antas hanggang sa pinakamataas. Nabuo ang mga samahan ng
barangay, lungsod, munisipalidad at lalawigan sa ilalim ng Government Code of 1991 upang
magtulungan at magkaisa para mas maraming mapaglingkurang mamamayan.

May mga programa ang pamahalaan upang umunlad ang bansa sa mga aspektong gaya ng
sumusunod:

1. Programa sa Pabahay
Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga bahay para sa mga mamamayan na hindi
makapagpatayo ng sariling bahay upang mabawasan ang mga nagkalat at palaboy sa daan.
2. Pagpapaunlad ng Sakahan
Tinutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang sakahan upang
makapagbigay at makatulong din sa pag-unlad ng produksyon ng bansa.
3. Edukasyon
Nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng mga mamamayan upang mabawasan ang mga
hindi nakapag-aral para matulungan sila sa kanilang pamumuhay.
4. Kooperatiba
Tumutulong sa mga mamamayan na magkaroon ng trabaho upang kumita para makatulong
sa pamilya.
5. Transportasyon at Komukikasyon
Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga tulay, daan at iba pang uri ng transportasyon para
mapadali ang komunikasyon sa bansa.
6. Elektripikasyon
Maraming imprastaktura ang ipinapagawa ng pamahalaan para magkaroon ng elektrisidad at
upang umunlad ang kabuhayan. (Baya, Juliana Marie.
https://www.slideshare.net/ARALPAN6/programa-ng-pamahalaan-sa-pagpapaunlad-ng-
bansa-baya-slr)

Gawain. Basahin ang diyalogo na nasa ibaba. Pag-aralan ang daloy ng usapan ng magkaibigan.
Kumuha ng kapareha at basahin ang usapan ng dalawa at magbahagihan ng kaalaman
pagkatapos. Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba.

➢ Ano ang kanilang pinag-uusapan?


➢ Paano nila ipinahahayag ang kanilang saloobin?
➢ Ano ang iyong masasabi sa paraan ng pakikipagkomunikasyon nila sa isa’t isa?
➢ Naipahayag ba nila nang maayos ang kanilang kaisipan?

Jomel : Daniel, napanood mo ba ang balita kagabi?


Daniel : Alin, iyong libreng matrikula para sa mga papasok na mag-aaral sa SUCs?
Jomel : Oo. Biruin mo, ngayon lang nila naisip iyon, samantalang maraming naghahangad na
makapasok sa paaralan pero walang pambayad. Sana, noon pa iyon ginawa para noon
pa’y natulungan na ang mga kagaya nating mahihirap.
Daniel : Pero kung iisipin mo, maganda na rin iyon dahil wala nang dahilan para hindi makapag-aral sa
kolehiyo ang mga mahihirap. Magandang programa iyon dahil kung tutuosin, malaki ang
gagastusin ng gobyerno rito. Biruin mo, buong Filipinas makikinabang. Ang galing, ah. Ang
mga magulang ko kaya, tatanggapin kapag nag-aral sa kolehiyo? Naisip ko lang.
P a h i n a 106 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Jomel : Hindi na, matatanda na sila. Kung ano-ano’ng naiisip mo. Sa tingin mo, solusyon na ba ito ng
kahirapan?
Daniel : Alam mo, kahit libre ang matrikula at lahat ay puwede nang mag-aral, hindi ibig sabihin na
agad-agad nang masosolusyonan ang problema sa edukasyon o kahirapan. Mababawasan
lang ang kamangmangan, pero hindi ang kahirapan. Nasa sa atin na rin kung hindi natin
ipupursige ang pag-aaral, masasayang ang pondo na ibinigay ng gobyerno. Samantalahin
natin ito habang may ganitong programa. Balang-araw, alam ko, mapapakinabangan natin
ito.
Jomel : Tama ka riyan. Ang mahalaga ngayon, nakakapasok tayo para makapagtapos ng pag-aaral.
Produkto tayo ng programa ng pamahalaan na libreng edukasyon. Mapalad tayo dahil sa
hirap ng buhay ngayon, malamang huminto na ako at nagtatanim na ng palay sa bukid.
Daniel : Tama ka riyan, kaya bago pa tayo mahuli sa klase natin, halika na at pumasok na tayo.
Mapapagalitan pa tayo niyan.

Alamin
Ang pag-unlad ng bansa ay pag-unlad na rin ng mamamayan. Hindi dapat iniaasa sa
pamahalaan ang kapalaran ng sinuman, bagkus kailangang gumawa rin ng paraan upang
mapakinabangan ang mga programa ng pamahalaan. Bawat mamamayan ay may tungkulin na
kailangang gawin para sa pag-unlad ng bansa. Ang sama-samang pagtutulungan o pansariling
pamamaraan o pagkilos ay tiyak na may malaking kontribusyon sa ikagagaan ng buhay na
makatutulong para sa bansa. Hindi lamang papasanin ng pamahalaan ang lahat ng responsibilidad
kundi magiging katuwang ang mamamayan na balikatin ang anumang sagabal sa pag-unlad. May mga
ahensya ang pamahalaan na may iba’t ibang programa para sa mga mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.

 Kagawaran ng Kalusugan
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang natatanging ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa
kapakanang pangkalusugan ng mamamayan. Ang ahensyang ito ang nagbibigay ng mga impormasyon
hinggil sa mga usaping pangkalusugan ng bansa. Nagbibigay ng mga datos at tamang impormasyon sa
mga mamamayan partikular na sa iba’t ibang uri ng sakit na maaaring maagapan at magamot kapag
nabigyan ng agarang atensyon.

Ilan sa mga programa ng Kagawaran ng Kalusugan ay ang sumusunod:


1. Dengue Prevention and Control Program
Ang dengue ang pinakamabilis na uri ng sakit na kumakalat sa halos isandaang bansa
sa buong mundo. Nakukuha ito mula sa mga kagat ng lamok na may dalang virus na kung tawagin ay
aedes aegypti at aedes albopictus, naililipat ang nabanggit na virus sa mga taong makakagat nito na
nagiging sanhi ng dengue, na kung hindi maaagapan ay maaaring ikamatay ng biktima. Nagsasagawa
ang kagawaran ng malawakang kampanya upang maiwasan ang pagkalat ng maraming lamok na
magdadala ng sakit na dengue. Gumagawa sila ng campaign ads at nagbabahay-bahay sila upang
magkaroon ng malawak na kamalayan ang mga mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar na hindi
naaabot ng komunikasyon.

2. Prevention of Blindness Program


Sa Administrative Order No. 179 s. 2004 ay isinasaad ang mga panuntunansa implementasyon
ng National Prevention of Blindness Program; at sa Proklamasyon Blg. 40 ay idinedeklara na ang buwan
ng Agosto ay “Sight Saving Month.” Bisyon nito na lahat ng mga Filipino ay mabigyan ng karapatang
makakita sa taong 2020. Kaya pinaiigting ng DOH at Local Health Unit (LHU) ang pagkakaisa para
matanggal at maiwasan ang pagkabulag ng mga tao sa Filipinas; magkaroon ng puwang at tungkulin
ang mamamayan na ipabatid ang kahalagahan ng kalusugan ng mga mata upang maiwasan ang

P a h i n a 107 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

pagkabulag; mabigyan ng akses ang lahat para sa de-kalidad na serbisyo para maalagaan ang mga
mata; at pagsugpo ng kahirapan sa pamamagitan ng preserbasyon at restorasyon ng paningin sa mga
mahihirap na Filipino.

3. Philippine Cancer Control Program


Ang kanser ang itinuturing na pinakanangungunang sanhi ng kamatayan ng libo-libong tao sa
buong mundo. Tinatayang 14 milyon ang may malulubhang kaso at umaabot sa 8.2 milyon ang
naitalang namatay noong 2012 (WHO).

Sa kalalakihang Filipino, ang mga karaniwang sakit na nagiging sanhi ng kamatayan ay ang
kanser sa baga, atay, kolon/rectum, prostate, tiyan at leukemia. Sa kababaihan naman ay dibdib,
cervix, baga, colon/rectum, obaryo at atay. Ang datos na ito ay noong 2010. Kaya naman, nagdebelop
ang National Cancer Control Committee (NCCC) ng National Cancer Prevention and Control Action
Plan (NCPCAP) 2015-2020 upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan hinggil sa
nakamamatay na sakit na ito. Hindi lamang matutulungan ang mga may sakit kundi mabibigyan pa ng
sapat na impormasyon ang mga mamamayan tungkol dito.

4. HIV/STI Prevention Program


Layunin ng programang ito na pababain ang transmisyon ng HIV at STI sa mga may matataas
na populasyon at itinuturing na pinakapeligroso upang maipaalam sa kanila ang maaaring idulot nito
sa bawat indibidwal, pamilya, at sa komunidad. Upang mabawasan ang sakit na ito, nagbibigay ang
ahensya ng libreng konsultasyon at mga kampanya laban dito sa tulong ng mga katulong na ahensya
ng pamahalaan.

5. National Tuberculosis TB Control Program


Sa kasalukuyan, ang sakit na TB ay maaari nang maagapan at magamot. Hindi na kailangang
mangamba ang mga mamamayang kinapitan nito basta maagang maipakonsulta upang mabigyan ng
agarang lunas.

Ang programang ito ay may bisyon na “TB-free Philippines.” Nagbibigay sila ng libreng tulong
at konsultasyon sa bansa upang matulungan ang mga mamamayan na kinapitan ng ganitong klaseng
sakit.

Ang mga nabanggit na programa ng kagawaran ng kalusugan ay ilan lamang sa mga


tinututukan ng gobyerno. Hindi mapapasubalian na seryoso ang pamahalaan na bigyan ng priyoridad
ang kalusugan ng mga mamamayan. Patunay ito sa naging tugon ng DOH sa ipinalabas na balita:

Manila-Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health sa publiko na ipupursige nila ang


maayos na sistema ng pagbibigay ng health service.
Sa ginanap na turn over ceremony sa tanggapan ng DOH ay sinabi ni Health Secretary Francisco
Duque III na mayroon nang malaking pondo ang kagawaran para magampanan nito ang tungkulin sa
sambayanang Filipino.
Nabatid na mayroon kabuoang 165 bilyong piso na pondo ang kagawaran ngunit hinamon ni Duque
ang lahat ng kawani ng opisyal ng DOH na makiisa sa pagbibigay ng isang de-kalidad na serbisyo sa taong
bayan.
Giit ng kalihim na umaakyat na sa ikatlong antas ng Performance Governance System ang DOH pero
naantala ito noong mga nakalipas na taon kaya ito ay muling bubuhayin ng kagawaran at ipagpapatuloy ang
lahat ng mga magagandang programa na sinimulan ni outgoing DOH Secretary Paulyn Ubial.
(RMN News Nationwide: The Sound of the Nation, Nov. 6, 2017)

P a h i n a 108 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Kagawaran ng Edukasyon
Si Kal. Leonor Briones, ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ay may maigting
na kampanya para sa pagtatamo ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral mula sa
batayang antas ng edukasyon, pribado man o publiko. Ang kampanyang ito ay mahigpit na
ipinatutupad ng kagawaran upang matamo ang bisyon at misyon nito. Pinatutunayan ito ng iba’t ibang
programa na nagbibigay ng sapat na atensyon at paghahanda sa mga mag-aaral upang makalinang ng
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.

Ilan sa mga programang ito ang sumusunod;


1. K to 12 Kurikulum
Alinsunod sa Batas Pambansa 10533 na kilala rin sa tawag na Enhanced Basic
Education Act of 2013, na palawakin ang batayang edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng
pagpapaunlad sa mga kurikulum at sa pagdaragdag ng dalawang taon sa batayang
edukasyon. Layunin ng batas na ito na mabigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na
makatanggap ng magandang edukasyon na maghahanda sa kanila upang makipagsabayan sa
pandaigdigang kompetisyon; mapalawak ang layunin ng edukasyong sekundarya bilang
paghahanda sa kolehiyo, kursong bokasyunal at teknikal man; at gawin ang mga mag-aaral
na sentro ng edukasyon na tutugon sa kanilang pangangailangan, kakayahan at kalinangang
kultural at pinagmulan sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na wika sa pagtuturo at
pagkatuto kabilang ang Mother Tongue Based – Multilingual Education (MTB-MLE).

2. Oplan Balik-Eskwela
Ang programang Oplan Balik-Eskuwela ay isa sa napakagandang programa ng
Kagawaran ng Edukasyon sapagkat sa pamamagitan nito ay maagang malalaman ang mga
mag-aaral na nagpapatuloy ng pag-aaral. Isinasagawa ang maagang pagpapatala upang
maging basehan din ng bilang ng mga papasok na mag-aaral sa susunod na pasukan. Ito ay
paghahanda rin sa mga kakailanganin sa loob ng silid-aralan at sa paghahanda ng pasilidad
ng paaralan. Ginagawa rin ito bilang panghikayat sa mga mag-aaral na magpatuloy sa
kanilang pag-aaral.

3. Brigada Eskwela
Taon-taon isinasagawa ang Brigada Eskwela sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa mga pampublikong paaralan. Katuwang
ng mga guro ang mga magulang sa paglilinis at pag-aayos sa loob at labas ng silid-aralan,
gayundin ang paglilinis sa buong paaralan. Kinukumpuni rin ang mga sira-sirang bahagi ng
silid-aralan upang gumanda ito. Ginagawa ito upang sa pagpasok ng mga mag-aaral sa unang
araw ng pasukan ay nakahanda na ang buong silid-aralan at buong paaralan para sa unang
araw ng pagkaklase. Paghahanda rin ito upang mahikayat ang bawat mag-aaral na mag-aral
nang maayos at hindi ang paglilinis ang bubungad sa kanila.

4. School-Based Feeding Program (SBFP)


Ang programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay naglalayong makapag-ambag
para mapataas ang bilang ng atendans ng mga mag-aaral na pumapasok sa klase upang
gumanda ang kanilang performans sa loob ng silid-aralan. Sinisikap na matugunan at
mabawasan ang mahigit na 85% na problema sa malnutrisyon kada taon, at mahikayat din
ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan araw-araw.

Tinututukan ng SBFP ang lahat ng mga mag-aaral na kabilang sa mga undernourished


mula kindergarten hanggang ikaanim na baitang.

P a h i n a 109 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA)


Ang PAMANA ay programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga nasa lugar na may
kaguluhan upang mapanatili o maibalik ang katiwasayan para maiwasan ang mga labanan o hindi
pagkakaunawaan na maaaring magresulta sa tiyak na kapahamakan ng mga inosenteng mamamayan
na maiipit sa kaguluhan. Ito ay nasa ilalim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process
(OPAPP).

Ang programang ito ay isinagawa sa ilalim ng administrasyon ng dating Pang. Benigno Aquino
bilang estratehiya para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng
pamahalaan na mapataas ang pagbibigay ng serbisyo, at masolusyonan ang mga sigalot o problema
sa mga lugar na apektado ng krisis pangkapayapaan. Ang disenyo ng PAMANA ay nakasentro sa
pagbibigay ng agarang solusyon at pagpapataas ng kapayapaan sa mga apektadong lugar upag
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at paglalabanan.

Layunin ng PAMANA na abutin at tulungan ang mga nasa bukod, mahirap maabot, at apektado
ng labanan, para maipadama na hindi sila napapabayaan ng pamahalaan. Sa bilang ng mga ahensya
ng pamahalaan at mga katuwang sa implementasyon, mananatili ang PAMANA bilang programa ng
pamahalaan na tumututok sa mga lugar ng bansa na may mga hindi pagkakaunawaan at paglalabanan
na nangangailangan ng mga usapang pangkapayapaan at pakikipagkasunduan.

Isinasagawa ang PAMANA upang makamtan ang panghabambuhay na kapayapaan, at


makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng reporma ng mga patakaran na magpapatatag sa saligan
ng kapayapaan, pagbibigay ng serbisyo sa mga sambayanan at sa komunidad, at pakikipag-ugnayan sa
mga apektadong lugar upang matulungan sa paghahanapbuhay.

Nakatutulong din ang ganitong programa ng pamahalaan para mabawasan ang kahirapan,
mapabuti ang pamamahala at mabigyan ng kapangyarihan ang komunidad na patatagin ang kanilang
kakayahan na pag-usapan ang mga isyu na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng
mga gawaing magpapatatag sa pagsasamahan ng mga mamamayan sa lugar.

 ASEAN Economic Community (AEC) Blueprint 2025


Itinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 8 Agosto 1967. Ito ay isang
rehiyonal na organisasyon na binubuo ng mga bansang kasapi gaya ng Brunei Darussalam, Cambodia,
Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Filipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. Naitatag ito sa
layuning mapabilis ang paglago ng ekonomiya, panlipunan at pangkalinangang kaunlaran at
kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Noong Disyembre 1997, pinagtibay ang ASEAN Vision 2020, na nagbabalangkas ng isang
estratehikong layunin upang magkaroon ng mas malakas na pagtutulungan ang mga miyembro tungo
sa pagbuo ng isang “komunidad ng mga mapag-arugang lipunan”. Ito ang nagbigay daan sa mga
sunod-sunod na plano ng pagkilos upang isakatuparan ang mga layuning naibalangkas sa ASEAN Vision
2020. Tinukoy ng mga nasabing plano ng pagkilos ang mga patakaran at proyekto na siyang isasagawa
ng mga kasaping bansa tungo sa layunin ng mas mahigpit na pagtutulungan at pagiging komunidad.
May haba itong anim na taon, at nirerebisa tuwing ikatlong taon. At una sa mga proyektong ito ay ang
Hanoi Plan of Action, na ipinatupad mula 1998 hanggang 2004. Ang kasalukuyang proyekto ay ang
Vientiane Action Programme (VAP) na sinimulan mula 2004 hanggang 2010.

Ang ASEAN Economic Community (AEC) ay isa sa mga haligi ng pinapangarap na komunidad
ng ASEAN na binigyang-hugis ng Bali Concord II. Naisakatuparan noong 2015 ang hinangad ng ASEAN
na iisang merkado at production base. Nangangahulugan na mula 2015, ang luwas ng produkto,

P a h i n a 110 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

serbisyo, puhunan at mga manggagawa sa mga bansang kasapi sa ASEAN ay naging bukas at naging
liberal, at ang paglipat-lipat ng pumumuhunan ay mas napadali. (Mayroon pa ring mga eksepsyon at
restriksyon (lalo na sa pagdaloy ng pera at puhunan) sa liberalisasyon, kaya ang mga kasapi na hindi
pa handang buksan ang kanilang sektor pangserbisyo ay piniling huwag munang buksan ang sector
(ASEAN minus X Formula).)

Ang isang merkado at production base ay nangangahulugan lang na imbes na ang pagtingin
sa merkado at pinagkukunan nito ay nakakulong lamang sa mga pambansang hanggahan, ang mga
miyembro ay titingnan ito sa kabuoan. Nangangahulugan ito na ang mga kasapi ay ituturing na pareho
ang mga produkto at serbisyo na nanggagaling sa kahit saang bansang kasapi sa ASEAN tulad ng sa
kanilang mga lokal na produkto at serbisyo; ibibigay nito ang parehong prebilihiyo at paraan ng
pagpasok sa ASEAN na namumuhunan at kanilang mga lokal na negosyante; at ang mga manggagawa
at propesyonal ay malayang makakapagtrabaho kahit saan sa loob ng ASEAN.

Upang mapadali ang pagkakaroon ng nag-iisang merkado at production base, ang AEC ay
nagbibigay ng priyoridad sa dalawang bahagi: sa priority integration sectors, at sa pagkain, agrikultura
at kagubatan. Mayroong labindalawang priority integrated sectors: agro-based na produkto, sasakyan,
electronics, isda, produktong goma, paglalakbay sa himpapawid, e-ASEAN, healthcare, tourism, at
logistics. Ito ang mga sector na kung saan lahat ng kasapi ay mayroong interes, at kung saan sila
magkakaroon ng kompetisyon. Ang kaisipan ay kung magiging malaya ang mga sektor na ito, mas
madali itong pag-ugnayin at ang mga kasapi ng ASEAN ay makakaangat sa rehiyon sa mga sector na
ito sa pag-akit ng intra-ASEAN na mamumuhunan at pangangalakal (halimbawa ay ang outsourcing
sa pagitan nila), at matulungang mapaunlad ang mga produktong gawa ng ASEAN.

Ang pagbibigay ng pansin sa pagkain, agrikultura at kagubatan ay may kinalaman sa kung


paano papaunlarin ang sektor na sinasabing pinakasensitibo sa mga kasapi. Upang mabuo ito para sa
nag-iisang merkado, ang Blueprint ng AEC ay nakatuon sa kung paano gagawin ang malayang kalakalan
sa rehiyon, at kung gaano mapapataas ang pamantayan. Isa ring alalahanin ang pagtutulungan at
paglipat ng teknolohiya na tutulong ang mga internasyunal/pangrehiyong mga organisasyon (tulad ng
Food and Agricultural Organization) at ng mga pribadong sektor. Ito rin ay nananawagan para sa pag-
uugnay ng mga lumilikha ng mga produktong agrikultura sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga
kooperatiba sa agrikultura. Maliban sa pagnanais ng iisang merkado, pinapangarap din ng AEC ang
isang rehiyon na may matatag na ekonomiya at ganap na pagkakawing nito sa kabuhayan ng daigdig.
Sa pagtatalaga ng mga polisiya at pagtatayo ng mga kinakailangang imprastraktura makakamit ang
isang rehiyong may matatag na kabuhayan. Upang makamit ito, pag-uugpungin ng ASEAN ang mga
polisiya sa kompetisyon, proteksyon para sa mga mamimili, intellectual property rights, pagbubuwis
at ang e-commerce. Magtatayo ito ng isang integrated transport network (panghimpapawid,
pandagat, panlupa); gagawa ng ICT sytems na magkokonekta at magagamit ng lahat ng bansa sa
rehiyon; at magsulong ng mga proyekto upang pag-ugnay-ugnayin ang mga electricity grids at gas
pipelines; isulong ang pagmimina sa rehiyon; at hikayatin ang mga pribadong sektor na pondohan ang
mga hangaring ito. Sa pamamagitan ng Initiative for ASEAN Integration (IAI), ang isyu ng katarungan
ay matutugunan sa pagtatayo ng mga small and medium enterprises (SMEs); at ang paglalapit ng
agwat sa pagitan ng mga mas mayayaman/ mas malalaki at mga mahirap/ mas maliliit na bansa sa
ASEAN. Ang IAI ay isang proyekto na kikilala sa mga pangangailangan sa technical assistance and
capacity building ng mga bansa sa ASEAN upang ganap na makasali sa regional integration. Panghuli,
nilalayon din ng AEC na iayon ang mga kasunduang ASEAN sa mga patakaran at alituntuning multi-
lateral at magsusulong ng mga patakarang lalo pang mag-uugnay ng rehiyon sa iba pang bahagi ng
daigdig. (Isinalin sa Filipino ni Laya at Galileo Garcia, in-edit ni Arcy Garcia para sa PAKISAMA mula sa
panulat ni Jenina Joy Chavez, Philippine Program Coordinator, Focus on the Global South. Editor: Ma.
Estrella A. Penunia. Vol 3 No. 1. February 2008).

P a h i n a 111 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Iba pang programa ng Pamahalaan


Ang iba pang hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa pambansang kaunlaran ay ang
pagsulong sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng NPA, MILF at MNLF, edukasyon para sa lahat,
pagkakaroon ng automated elections; pagkakaroon ng maraming trabaho sa mga mamamayang
Filipino; pagsulong ng turismo sa bansa; pagbubukas ng Economic Zones sa bahagi ng CALABARZON,
Cebu, Pampanga at Subic, pagpapatayo ng kalsada, tulay, paliparan, daungan, highway, expressway,
plantang geothermal at hydroelectric; pagsulong sa ladderized education program ng TESDA ng pang-
vocational at pagkakaloob ng PHILHEALTH card para sa mga kawani, manggagawa at mahihirap;
pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot sa tulong ng dangerous drugs board; at pagpapaunlad sa
serbisyong pangkalusugan sa tulong ng mga programa ng DOH (https://www.slideshare.net/ARAL
PANG/mga-hakbang-na.ginagawa-ng-pamahalaan-para-sa kaunlaran).

Ayon sa artikulo ni David Damio Jr. na inilathala sa kaniyang blog, “hindi uunlad ang isang
bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad
ng bansa.” Hindi lamang ang pamahalaan ang kumikilos parasa kaunlaran ng bansa kundi katuwang
din ang mga mamamayan. May gampanin din sila upang matamo ang pambansang kaunlaran at
kagalingang pambayan.

Pag-usapan.Sagutin ang sumusunod na tanong sa hindi hihigit sa limang pangungusap


bawat isa.
1. Paano nakatutulong ang mga programa ng pamahalaan para makamit ang pambansang
kaunlaran?
2. Ano-ano ang iba pang programa at proyekto ng pamahalaan na nagbibigay serbisyo sa
mga mamamayan? Sa tingin mo, malaki ba ang benepisyong ibinibigay ng mga
programang ito sa mga mamamayan?
3. Masasabi mo bang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga ahensya ng pamahalaan
tungo sa kagalingang pambayan?
4. Kung hindi kaya nabuo ang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Kagawaran ng
Kalusugan, Kagawaran ng Edukasyon, atbp., hindi na rin ba uunlad ang bayan? Hindi
na ba makakakilos ang pamahalaan nang walang inaasahang ahensya na magpapatupad
ng kanilang mga proyekto?
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang makamtan ang kaunlaran ng bayan?
Ano ang inyong kontribusyon para sa kagalingan ng bayan?

P a h i n a 112 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan : ___________________________________________ Puntos : _____________
Kurso at Taon : _______________________________________ Petsa : ______________

I. Pasulat. Tukuyin kung anong ahensya o programa ng pamahalaan ang tinutukoy o


Inilalarawan sa bawat pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang.

______________________1. Taon-taon pumupunta si Aling Susan sa paaralan upang tumulong sa


paglilinis at pag-aayos ng silid-aralan. Lagi siyang nagdadala ng mga
panlinis upang mas madaling maisagawa ang mga gawain. Ito’y
paghahanda para sa susunod na pasukan.
______________________2. Priyoridad ng programa na mabigyan ng proteksyon ang mga
mamamayan laban sa kaguluhan. Lagi na lamang kasing nangangamba
ang mag-anak na Santos tuwing may mga nakakasagupa ang mga
sundalo at militar.
______________________3. Laging balisa sa pagtulog si Joseph, hindi siya nakakatulog nang maayos
at walang ganang kumain. Lagi niyang idinadaing na masakit ang
kaniyang dibdib at nahihirapang huminga, nagsusuka na rin siya tuwing
umuubo.
______________________4. Tuwing nakakakita si Jun ng mga batang natutulog sa bangketa, hindi
maalis sa kaniyang isipan ang pagkaawa sapagkat minsa’y naging
palaboy din siya sa lansangan at naranasang matulog sa kalye. Siya at
ang kaniyang pamilya ay tinulungan ng pamahalaan na mabigyan ng
masisilungan.
_____________________5. Maaga pa lamang ay sinamahan na ni Aling Perla ang anak na mag-
iikapitong baitang upang magpatala sa paaralan. Nasabi niya sa sarili na
mainam nang maaga kaysa mahuli ang anak.
_____________________6. Si Emy ay patpatin. Lagi siyang tinutukso na “tingting” kaya nawawalan
din siya ng ganang pumasok sa paaralan. Lagi siyang lumiliban sa
pagpasok. Pero naging masigasig ang kaniyang guro na hikayatin siya dahil
aniya, hindi na niya poproblemahin ang kaniyang mga kaklase na laging
nanunukso sa kaniya dahil matutulungan na siya sa kaniyang pagiging
patpatin dahil araw-araw ay mabibigyan na siya ng mga masusustansyang
pagkain.
_____________________7. Sa pagpunta ni Annie sa Indonesia, nakita niya ang mga bandila ng iba’t
ibang bansa kabilang ang watawat ng Filipinas. Iyon pala, kasama ang
Filipinas sa asosasyon.
_____________________8. Nasasayangan si Hector na hindi siya nakapag-aral. Kung naabutan sana
siya nito, malamang ay maaari na siyang makakuha ng magandang
trabaho, hindi sana siya kargador lamang ngayon sa palengke.
_____________________9. Ipinagdiinan ni Sec. Leonor Briones na mahigpit niyang ipatutupad ang
“No Contribution Policy” sa lahat ng paaralang pampubliko sa buong
bansa.
_____________________10. Nag-aalala si Sec. Francisco Duque III na kakaunti na lamang ang mga
nagpapabakuna dahil sa mga lumalabas na maling impormasyon kaya
pinalawak ang kampanya ukol sa kahalagahan ng pagbabakuna bilang
proteksyon sa iba’t ibang klaseng sakit.

P a h i n a 113 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

II. Pasalita. Bumuo ng pangkat na may 10 miyembro. Pumili ng isa sa mga balita na nasa kahon at
bigyang buhay/isadula ang pangyayari na pinaghugutan nito. Kailangang may gaganap na
tagapagpakilala sa tagapagsalita, reporter, pangulo ng samahan o organisasyon.

Sitwasyon: Isa kang kalihim ng kagawaran o ahensya ng pamahalaan na tinutukoy sa ibaba.


Naimbitahan ka bilang tagapagsalita sa isang pagtitipon upang pag-usapan
ang mga programa ng pamahalaan.

Balita 1:
Manila, Philippines – Isa ang usapin sa paglaban sa malnutrisyon sa mga naging agenda sa
katatapos lamang na ASEAN Summit, ito ang iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sa nasabing pulong, inatasan ang mga ASEAN Health leaders na tuldukan ang lahat ng
porma ng malnutrisyon sa rehiyon, kung saan magtutulungan ang mga kagawaran ng kalusugan,
agrikultura, social welfare at iba pang stakeholders.

Target ng ASEAN leaders na pagdating ng 2030, wala nang maitatalang malnourish sa


ASEAN region. (RMN News Nationwide: The Sound of the Nation)

Balita 2:
Manila, Philippines – Higit pang pagtitibayin ng Department of Education ang kanilang
affirmative action upang mapalawak pa ang pag-access sa kalidad na edukasyon sa kultura lalo na
sa rehiyon ng Mindanao.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na sa ngayon ay sinisikap ng DepEd na magtayo


ng mga bagong public school sa iba’t ibang Lumad communities lalo na sa mga itinuturing na
geographically isolated and disadvantaged areas sa pakikipagtulungan ng Kalahi-Cidss National
Community-Driven Development Program ng Department of Social Welfare and Development.

Aniya, ang kagawaran ay nagpasya na ng kahandaan na magtatag ng mga karagdagang


paaralan sa sarili nitong pangangailangan.

Ang naturang hakbang ay ginagawa ng ahensya bilang paggalang sa kultura at tradisyon ng


indigenous people.

Tugon din ito ng ahensya para matulungan ang mga mag-aaral na Lumad para magkaroon
ng access sa magandang kalidad na edukasyon. (RMN News Nationwide: The Sound of the Nation)

III. Paglikha. Hindi mapasusubaliang kay rami nang pagbabago ang naranasan ng bansa na ang
nakikinabang ay tayong mga mamamayan, subalit sa kabila ng mga pagbabagong ito’y nahaharap pa
rin tayo sa iba’t ibang suliranin. Sa harap ng mga suliraning ito, bawat isa ay may papel na dapat
gampanan para makatulong sa paglutas ng mga suliranin ng bansa.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makikiisa sa pamahalaan upang makamtan ang pambansang
kaunlaran? Gawin ang hinihingi sa bawat bilang. Maging malikhain sa pagbuo. Ipresenta sa klase ang
nabuong awtput.

P a h i n a 114 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

1. Gumawa ng isang campaign ad na hihikayat sa mga mamamayan na magkaisang ganap sa pagkamit


ng bansang malaya at maunlad.

P a h i n a 115 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

2. Gumawa ng isang islogan na tugma sa alinman sa isa sa mga kasalukuyang programa ng


pamahalaan.

Paliwanag:

Sanggunian :
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2015. The ASEAN Secretariat Jakarta ASEAN www.asean.org
RMN News Nationwide: The Sound of the Nation
https://www.slideshare.net/ARAL PANG/mga-hakbang-na.ginagawa-ng-pamahalaan-para-sa kaunlaran
Laya at Galileo Garcia, in-edit ni Arcy Garcia para sa PAKISAMA mula sa panulat ni Jenina Joy Chavez, Philippine Program Coordinator, Focus
on the Global South. Editor: Ma. Estrella A. Penunia. AFA at suportado ng Agriterra.Loyola Heights, Quezon City, Philippines.
www.asianfarmers.org; afa@asianfarmers.org. Vol 3 No. 1. February 2008.

P a h i n a 116 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

SINING AT KULTURA NG
FILIPINAS SA PANAHON NG
GLOBALISASYON
Perlas ng Silangan. Kilala ang Filipinas sa katawagang ito. Bukod sa ang bansa ay mayaman sa
mga biyaya ng kalikasan, natatangi rin ang kultura nito. Maipagmamalaki ang kulturang Filipino. Ang
mga tradisyon, kaugalian at gawi ng mga Filipino ay namumukod- tangi kahit na ito ay mula sa
impluwensya ng iba’t ibang katutubong kultura ng mga nandayuhan noon sa bansa. Bagamat
naipagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagsasabuhay ng mga Filipino sa kulturang nakagisnan,
ang modernisasyon ay nagiging hamon sa mabililis na pagbabago nito. Ang magagandang tradisyon,
kaugalian at gawi ng mga Filipino ay hindi naman nakalilimutan, ngunit ang mga ito’y nagbabago sanhi
ng mabilis na pagbabago ng panahon na bunga ng maunlad na teknolohiya.

Sa kasalukuyang panahon ay bakas na bakas ang mga pagbabago sa kultura ng mga Filipino.
Ang tradisyon, kaugalian at gawi ay naiimpluwensyahan na ng makabagong ideolohiya mula sa iba-
ibang bansa. Sanhi nito, ang mga prinsipyo, pag-iisip, pagtanggap at pamumuhay ay hindi na purong
Filipino kundi ito’y konsepto na ng maunlad at makabagong kulturang Filipino na may halo-halong
impluwensya mula sa mga dayuhan sa bansa.

Ano ang sining at kultura ng Filipinas sa panahon ng globalisasyon? Ito ang tutuklasin sa
bahaging ito ng pag- aaral.

Layunin sa bahaging ito ng pag-aaral ang sumusunod:

Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontektwalisadong
komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang
Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na
akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t ibang
konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga
realidad ng lipunang Filipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa iba’t ibang
antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay-etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-idea.

P a h i n a 117 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Ang Konsepto ng mga Filipino sa Bayani, Pinuno at Manggagawa


Ano ang iyong sariling kaisipan kapag naririnig ang salitang bayani? Ano-ano ang katangian
nito upang siya ay maituturing na bayani? Dahil ba sa kaniyang taglay na lakas at kapangyarihan?
Dahil ba sa kaniyang impluwensiya at pagtulong sa nangangailangan? O dahil ba sa pagbubuwis niya
ng buhay para sa kabutihan ng nakararami?

Sino ang ituturing nating mga bayani?

Panimulang Gawain. Pumili ng isang larawan sa ibaba. Isulat ang kaniyang katangian at ipaliwanag
sa klase kung bakit siya ang HIGIT na itinuturing mong bayani.
Si Darna ay bayani sapagkat …

Si Jose Rizal ay bayani sapagkat…

Ang aking ina ay bayani sapagkat…

Si Pangulong ______________ ay bayani sapagkat…

Alamin

Tayo ay may iba’t ibang konsepto hinggil sa bayani. Ito ay dahil sa iba- iba rin ang ating mga
paniniwala at sariling ideolohiya sa buhay. Isama pa rito ang dahilang iba-iba rin ang ating karanasan
at panahon ng ating kamulatan mula pagkasilang. Basahin ang sanaysay sa ibaba upang malaman kung
ano ang konsepto ng mga Filipino sa pagiging bayani.

P a h i n a 118 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Bayani
Rodelio C. Gauuan

Ang salitang bayani ay karaniwang iniuugnay sa mga taong hinahangaan o iniidolo dahil sa
kaniyang taglay na lakas at katapangan, mabubuting gawain at katangian at di-mabilang na pagtulong
sa kapwa na walang hinihintay na kapalit maibuwis man ang kaniyang buhay. Samakatuwid, ang
bayani ay isang magiting na indibidwal na ang tanging hangarin ay ang kabutihan ng lahat.

Kilala natin ang superheroes na sina Darna, Captain Barbell, Wonder Woman at Superman.
Sila ay mga bayani na iniidolo at hinahangaan ng lahat. Sila ay may iba’t ibang kapangyarihan upang
ipagtanggol ang mga naaaping mamamayan at maging ang mga mahal nila sa buhay. Bagama’t
nakatatak sa ating isipan ang kanilang kabayanihan, mulat tayo sa katotohanang sila at ang kanilang
mga kuwento ay likhang-isip lamang.

Sino ang mga bayani at paano maging bayani?

Ang salitang bayani ay mula sa salitang Griyego na “heros” na ang kahulugan ay


tagapagtanggol. Ang kahulugang ito ay katulad din ng salitang Latin na “seruare” na ang kahulugan
ay magbigay ng proteksyon. Sa Filipinas, ang bayani ay may iba- ibang katawagan. Banuar ang tawag
dito ng mga Ilokano, samantalang palbalani sa mga Pangasinensi. Sa Hiligaynon ay baganihan, balani
sa Tausug at bagani sa Maranao.

May iba-ibang konsepto hinggil sa pagiging bayani. Ang mga bayani ay unang nakilala sa mga
panitikang klasikal mula sa mga magigiting na tauhan ng mga epiko. Sa Filipinas, sa panahong katutubo
o lumang panahon, ang bayani ay kinikilala na nagtataglay ng kakaibang lakas at kapangyarihan.

Tayong mga Filipino ay naniniwala sa mga bayaning may anting- anting. Ang anting-anting ay
isang kapangyarihang nagbibigay proteksyon upang hindi masaktan o kaya ay tablan ng kahit na anong
mapaminsala at nakamamatay na sandata. Sinasabing ang kapangyarihang ito ng anting- anting ay
mula sa kakaibang uri ng bato, kuwintas, singsing, pulseras, mga uri ng metal na mula sa kalawakan
tulad ng bulalakaw at maliliit na tipak ng bato sa kalawakan, dagta ng puno tulad ng sa puso ng saging,
dugo o kaya ay buto ng hayop na binasbasan at dinasalan sa panahon ng kuwaresma o sa araw ng
pagkamatay ni Hesus, balat ng hayop at iba pa. Isa o anumang kumbinasyon ng mga anting-anting ay
nakasasapat na upang magkaroon ng lakas at kapangyarihan, tagabulag, kakayahang pagalawin nang
kakatwa ang mga bagay sa paligid at mag-anyo ng kahit na anumang naisin tulad ng sa hayop o ng
anumang bagay sa paligid.

Ang kabutihan nito, naniniwala tayo na ang pagtataglay ng anting-anting ay kaakibat ng


responsibilidad ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Na ang sinumang may anting-anting ay iyong
nabibiyayaan ng kabutihan at kababang loob at ang tanging hangad ay ang pagtulong, pagtatanggol
at pagmumulat sa mga tao na ang kabutihan ay hindi kailanman masusupil ng kasamaan. Ito ay
mabubuting kaaralan na naikikintal sa isipan ng mga Filipino na nararapat maging bahagi sa patuloy
na pagtingin sa konsepto ng kabayanihan. Na ang kabutihan ng kalooban ay siyang tunay na
kapangyarihan.

Sa panahon ng pandarayuhan, kung kailan ang iba’t ibang mga lahi tulad ng mga Kastila,
Amerikano at Hapon ay dumating at nangagsipanirahan sa ating bansa, namulat naman tayong mga
Filipino sa konsepto ng kabayanihan sa katauhan ng mga magigiting na mandirigma. Bago pa
dumating ang mga Kastila ay naipamalas na ang kabayanihan ng mga mandirigma. Sila ay mga
Filipinong malalakas at may pagmamalasakit sa bayan na handang magtanggol sa kanilang pangkat
at sa karamihan. Ang panahong ito ay ang panahon ng kabayanihan na kinabibilangan ni Lapu-lapu.
Natatangi ang konsepto ng kabayanihan sapagkat ang pangunahing katangiang taglay ay lakas,
kahandaan sa pakikidigma para sa layuning magtanggol sa bayan. Ang kabayanihan ng mga
mandirigma ay walang hininging kasunduan o kaya ay kasulatan sapagkat ang tanging kuwalipikasyon
lamang ay ang kaakuhan at kakusahan ng kalooban na humarap sa digmaan ng kalasag at kumintang
para sa kabutihan ng bayan. Sa mga mandirigma natin natutuhan ang konsepto ng kabayanihan na
hindi anting-anting ang makapagtatanggol sa sarili at sa kalahatan kundi ang pag-ako at pagkukusa
P a h i n a 119 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

upang ihayag ang resposibilidad na ipagtanggol ang bayan. Isang kaaralan na nararapat nating
matutuhan sa kasalukuyan.

Samantala, sa panahon pa rin ng pandarayuhan kung kailan mahabang panahon ang pananatili
ng mga Kastila, natutuhan nating mga Filipino ang konsepto ng kabayanihan na ayon sa
pagpapakasakit, pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa bayan. Hindi ang pagkakaroon ng
anting-anting o kapangyarihan at lakas ang katangian ng pagiging bayani kundi ang kakayahan upang
ipreserba ang kultural na kalagayan, pagkaisahin ang mga mamamayan at pagtatanggol sa bayan. Ito
ang panahon ng mga panulat nina Rizal at del Pilar bilang mga propagandista at pakikidigma ni
Bonifacio sa layuning makamtan ang kasarinlan. Napapaisip tayo kung ang ganitong konsepto ng
kabayanihan ay maaari nating gawing batayan ng pagiging bayani sa kasalukuyan. Ang magbuwis ng
buhay para sa bayan ay maiisip nating kalabisan. Lalo tayong mapapaisip na kaya nga ba bayani ang
mga sundalo ay dahil itinataya nila ang kanila ng buhay para sa bayan? Paano ang mga guro, kawani,
abugado at maging ang mga street sweepers na naglilingkod sa bayan? Hindi ba’t sila rin ay naglalaan
ng kanilang buhay para sa bayan?

Ang pandarayuhan ng mga Amerikano at Hapon hanggang sa panahon ng kasarinlan ay nag-


ambag din ng natatanging konsepto ng kabayanihan sa ating mga Filipino. Ang panahong ito na
naglaan ng pagpapahalaga sa edukasyon, paggawa at paglilingkod ay nag-iwan ng marka na ang
kabayanihan ay maaaring makamit kung mayroong mabuting edukasyon sapagkat makatutulong sa
paggawa at makapaglilingkod sa kapwa. Hindi “Bayan Muna Bago ang Sarili”. Ito ang panahon kung
kailan pinahahalagahan ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay
susi upang makapaglingkod sa bayan. Panahon ng mga manggagawa na naglilingkod sa bayan. Ang
makapaglingkod sa bayan ay tunay na kabayanihan.

Ngayon ay nalalaman natin sa radyo, pahayagan at telebisyon ang kabayanihan ng mga OFW
o mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa. Ang kanilang pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya
ay itinuturing na kabayanihan. Sa kanilang pagsasakripisyo, may ilang pasakit ang natatanggap. Ang
lalong masaklap, sa ilan ay ito pa ang nagdulot ng kanilang kamatayan.

Namamalasak din ang pahayag ng kabayanihan sa tuwing may ‘laban’ si Manny Pacquiao. Ang
kaniyang lakas, liksi, estratehiya at buong kahusayan sa boksing ay nagdadala ng pagkilala sa bansa at
itinuturing itong kabayanihan. Ang pagtuturo ni Efren Peῆaflorida sa lansangan kasama ang kaniyang
kariton ay kinikilala ring kabayanihan dahil itinataguyod niya ang kahalagahan ng edukasyon para sa
mga maralita. Maging ang isang mamamayan na nakapulot at nagsauli ng malaking halaga ng salapi
ay kinakabitan ng salitang bayani. Ang pagtataguyod kaya ng isang guro ng libo-libong mag-aaral at
ang pag-aaruga kaya ng ama at ina ay maituturing ding kabayanihan?

Sa kataliwasan, nakamamanghang pag-isipan kung ang mga konsepto ng kabayanihan ay


itutuon sa mga pangyayari tulad ng pag- ibig ni Darna o ni Superman na sadya nilang bibitawan kapalit
ng kanilang mga misyon bilang superhero. Katulad din ito ng sitwasyong kinasasangkutan ng isang
ama na nagnakaw ng malaking halaga ng salapi upang maisalba ang anak sa bingit ng kamatayan.
Maituturing ba ang mga iyon na kabayanihan? O kaya, kabayanihan din bang maituturing ang
pagpayag ng isang ina na isakripisyo ang kaniyang buhay para mabuhay ang sanggol sa kaniyang
sinapupunan?

Ngunit sa katotohanan ay araw-araw nating nakasasalamuha ang mga bayani. Hindi natin sila
kilala. Hindi natin alam kung saan ang adres nila o kung ano ang hitsura nila. Tanging mga pagkakataon
lamang ang maglalapit sa atin sa kanila… kung kailan kailangan natin ang tulong nila. Kusa silang
darating at gagawin ang lahat upang patunayan na sa ating mundo ay laging may mga bayaning
sasaklolo sa oras ng ating pangangailangan.

IKAW, paano ka magiging bayani sa iyong sariling paraan?

P a h i n a 120 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pagpupuno-sa-Patlang. Isulat sa patlang ang nawawalang impormasyon upang mabuo ang


pahayag.

1. Ang salitang pinagmulan ng salitang bayani ay _____________________ .

2. Isulat ang iba pang salita na katumbas ng salitang bayani:


a. ________________ b. ___________________ c. _______________

3. Batay sa sanaysay, ano- ano ang konsepto ng “bayani” sa sumusunod na panahon:

a. Katutubo
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

b. Panahon ng mga mandirigma


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

c. Panahon ng mga Kastila


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

d. Panahon ng Amerikano at Hapon hanggang sa panahon ng kasarinlan


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

e. Kasalukuyan (Ngayon)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Para sa akin, ang isang bayani ay iyong ________________________________________


dahil____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

P a h i n a 121 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

II. Malikhaing Paglalapat. Pumili ng paksa sa ibaba. Ipahayag ang iyong konsepto sa pamamagitan
ng pagsulat ng tula o sanaysay o kaya ay sa pagguhit.

• Ang Aking Konsepto Hinggil sa Pagiging Isang Bayani


• Ang Aking Konsepto Hinggil sa Isang Makapangyarihang Pinuno
• Ang Aking Konsepto Hinggil sa Isang Ulirang Mag-aaral sa Kolehiyo

P a h i n a 122 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Isyung Pangkultural ng Filipinas


Tayong mga Filipino ay kilala sa buong mundo dahil sa pagtataglay ng mabubuting kaugalian
at katangian. Mayroon tayong kulturang bukod-tangi na bumibighani maging sa mga dayuhan.
Marami sa mga kaugaliang ito ay unti-unti nang nalilimutan sanhi ng mabilis na pagbabago ng panahon
at iba pang salik tulad ng enkulturasyon at migrasyon. Nararapat lamang na mapanatili sa kulturang
Filipino ang mabubuting kaugalian. Gayunpaman, nararapat ding isaalang-alang na ang ilang kaugalian
ay hindi na umaangkop sa lipunang ating ginagalawan sa kasalukuyan.

Kaugnay ng kultural na usapin, kasalukuyang nakararanas ang ating lipunan ng maraming


isyung sumasagabal sa pagsulong ng bansa. Ang mga isyung ito ay kailangang matalakay nang sa gayon
ay malapatan ng angkop na aksyon para sa ikasusulong ng bansa. Kaya sa bahaging ito ng pag-aaral ay
tatalakayin ang mga isyung pangkultural ng Filipinas.

Gawain. Isulat ang iyong kaisipan kung bakit masasabing “It’s More Fun in the Philippines” at kung
ano ang mga katangi- tangi sa Filipinas kaya masasabing “Only in the Philipines”.

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
____________________________
It’s more fun in the PHILIPPINES
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Only in the PHILIPPINES
_______________________________________________

Sukatin ang iyong kaalaman hinggil sa iba’t ibang kaugaliang Filipino sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga inilarawan sa pahayag. Maaaring saFilipino o sa Ingles ang sagot. Tiyak na sagot lamang ang isulat
sa patlang.

___________________ 1. Tungkol ito sa pagtutulungan ng magkakapitbahay, magkakapamilya o kaya


ay kabarangay na gawin ang isang bagay nang sama-sama at may iisang
layunin. Sa mga lalawigan, maaari itong tumukoy sa paglilipat ng bahay na
karaniwang gawa sa pawid at kawayan sa pamamagitan ng tulong-tulong
na pagbubuhat nito.

___________________ 2. Ito ay tungkol sa pagbubuklod-buklod ng isang pamilya o magkakamag-


anak. Isa ito sa mga uri o sistemang panlipunan ng mga Filipino. Tiyak nitong
tinutukoy ang pagsasama-sama ng mga magulang at kanilang mga anak
kahit na ang mga ito ay may sarili nang pamilya kaya’t ang tahanan ay
binubuo ng dalawa o higit pang mag-anak.

P a h i n a 123 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

___________________ 3. Isang gawi o kilos panlipunan na nagpapahiwatig ng paggalang sa mga


nakatatanda. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalapat ng kamay sa noo
at magalang na pagyukod.

___________________ 4. Hangarin ng kaugaling ito na magkaroon nang maayos na pakikitungo sa


kapwa. Hindi ito sapilitang pakikibahagi sa pangkat kundi sanhi ito ng ‘hiya’
na sapagkat mga kasamahan o kaibigan ang nagyaya ay nararapat lamang
na maging kasama sa anumang lakad o layunin.

___________________ 5. Ang pagtulong ay walang hinihintay na kapalit. Sa mga panahon ng


pangangailangan, nakikiramay ang mga taong kakilala at kamag-anak at
taos ito sa kanilang kalooban, kaya itinuturing na kailanman ay hindi ito
maaaring bayaran ng anumang halaga ng salapi o bagay.

___________________ 6. Higit na pinahahalagahan nito ang kabutihan ng pagkatao o dignidad. Sa


mga Filipino, tatalikdan ang anumang kayamanan huwag lamang maging
mababa ang pagtingin ng iba sa kaniyang sarili.

___________________ 7. Ito ay isang kaugaliang Filipino na ibabagay ang pagkilos ayon sa kung ano
ang tanggap ng/sa lipunan. Tiyak na inihahayag nito na hindi dapat gawin
ang isang bagay o desisyon at baka may ibang masasaktang damdamin.

___________________ 8. Ang kaugaliang ito ay nahahawig sa kasabihang “Ang taong may hiya, ang
salita ay panunumpa”. Dito, kailangang tuparin ang anumang ipinangako.

___________________ 9. Ang pagbanggit sa mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng paggalang sa mga


nakatatanda. Sinasabi ito ng mga kabataan bilang manipestasyon ng
kababaang loob, paggalang o pagrespeto.

___________________ 10. Ito ang isa sa mga kilalang kaugalian ng mga Filipino. Ang mainit na
pagtanggap ng mga Filipino sa mga kaanak at kaibigan maging sa mga
dayuhan ay bukambibig dahil ang karanasang dulot ng pagiging malayo sa
sariling tahanan ay hindi nararamdaman.

Interpretasyon Hinggil sa Resulta ng Gawain


*Ang interpretasyon ay walang batayang estadistiko. Ito’y isa lamang halimbawa na
ang intensiyon ay maging bahagi lamang ng pagpapahalaga sa talakayan at gawain.

9-10 Lubos na lubos na kilala ang kulturang Filipino. Filipino sa puso, sa isip, sa
salita at sa gawa.
8-7 Lubos na kilala ang kulturang Filipino. Filipinong may pagmamalaki sa bansang
kinagisnan
5-6 Kilala ang kulturang Filipino. Filipinong may pagkiling sa kulturang Filipino
ngunit yumayakap sa impluwensya ng mga dayuhan
3-4 Hindi gaanong kilala ang kulturang Filipino. Filipinong patuloy na kinikilala ang
sariling kultura
1-2 Hindi kilala ang kultura ng bansa. Filipinong dayuhan sa sariling bayan.

P a h i n a 124 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin
Ang mga Kaugaliang Filipino at mga Isyung Kultural
Rodelio C. Gauuan

“Ang bawat bansa ay may sariling kultura, may sariling pambansang identidad na
madaling pagkakakilanlan ng bawat isa” (Arrogante, 2005).

Sa mga nakalipas na daang taon ay nabuo ang kulturang Filipino. Isang kulturang
naimpluwensyahan ng iba’t ibang kultural na pangkat ng mga dayuhan. Ang bayanihan, harana,
pagmamano, pagsasabi ng po at opo sa mga nakatatanda, masayahing pagtanggap (Filipino
hospitality) at pamamanhikan ay ilan lamang sa mga kilalang kaugaliang kultural nating mga Filipino.
Ang mga ito ay manipestasyon ng mahabang panahong pangkasaysayan ng bansa na dapat lamang
mapanatili bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng bawat Filipino. Sa ngayon, nakalulungkot na
ang mga kaugaliang kultural na ito ay dumadaan sa krisis at unti-unti nang nalilimutan. Lumipas na
ang panahon ng mga matatandang nagsabuhay ng mga ito noon. Ang pagpasa ng mga kaugaliang ito
sa bagong henerasyon ay literal na dumadaan sa butas ng karayom dahil sa impluwensya ng agham at
teknolohiya.

“Sharks, milenyal kase!” Noon, ang karanasan ng mga kabataan ay nakakamit sa pamamagitan
ng aktuwal na pakikisalamuha at pagsasagawa samantalang sa kasalukuyan, ang mga kabataan ay
nakararanas ng pagtuklas sa pamamagitan ng megabytes at gigabytes sa harap ng mga kompyuter.
Hindi maikakaila na karamihan sa mga kabataan sa kasalukuyan ay wala na ring sapat na kaalaman
hinggil sa sinaunang kultura. Higit na pipiliin ng mga milenyal ang tumutok sa kanilang mga gadget
kaysa ang makipaglaro at makipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay
abala sa pakikipag-usap sa facebook, twitter, messenger at iba pang aplikasyon ng social media. Mas
pinagkakaabalahan nila ang pagsi-selfie nang sa gayon ay may mai-upload sila sa instagram. Ito ang
buhay at ang mundo na nakagisnan ng mga milenyal. Nakapanghihinayang na ang kanilang mga
karanasan ay hindi nagmumula sa mga espasyo ng totoong mundo at sa halip ay sa mga aplikasyong
virtual.

“I am so glad, I had a childhood before technology took over.” Naranasan ko ang


magpatintero. Naging masaya ako sa pagtataguang pung sa ilalim ng maliwanag na buwan, maglaro
ng trumpo, teks at holen. Nakapaligo ako sa ulan habang naglalaro ng bangkang-papel, nagluksong-
tinik, luksong-baka at naglambitin sa mga dahon ng saging at sanga bayabas. Naranasan ko ring umiyak
dahil sa mga palo ni inang sanhi ng kakulitang magtampisaw sa malinaw na tubig ng ilog. Naranasan
kong matakot dahil sa asaran kasama ang aking mga kaibigan na minsa’y nauuwi sa mga away-bata,
magsumbong, magtago sa likod ng pinto, manood ng mga aninong karton sa karilyo ni kuya kapag
madilim na at makinig sa mga kuwentong kababalaghan at katatakutan ng aking lola. Ang lahat ng iyon
ay nakapagparanas sa akin ng masayang kabataan. Ang mga iyon ang nagturo sa akin na maging
malakas; na magkaroon ng kababaang loob; na tanggapin, pagsisihan at huwag nang ulitin ang
kamalian; ng matapat na pakikisama; ng mabuting pagdedesisyon; at higit sa lahat, natutuhan ko ang
kahulugan ng disiplina, ang magalang na pagsunod sa mga magulang at ang dalisay na pakikipagkapwa.

“The youth is the hope of the motherland. ” Paano kung ang mga kaasalang nabanggit ay hindi
nga naipasa sa mga kabataan sa kasalukuyan? Huhugot ba tayo ng mga ito sa virtual na mundo? Iyon
nga lang, hindi kasimbilis ng megabytes at gigabytes maaaring makuha ang mga ito. Daang taon ang
ginugol upang ang mga kaasalang ito ay maranasan at o matutuhan mula sa mga aktuwal na
karanasan. Kung maaari lamang pabalikin sa kasalukuyan ang ating mga ninuno upang tayo ay
pangaralan, paluin ng tsinelas at paluhurin sa bilao na puno ng mga buto ng monggo nang magtanda
tayo sa ating mga kamalian, malamang titiklop tayo at susunod sa kanilang mga sasabihin o ipapayo.

Paano pamumunuan ng kabataan ang kapwa kabataan na salat sa karanasan? Paano


magpapakita ng mabuting halimbawa kung ang mga kabataan ay naghahanap din ng mga kaasalang
dapat matutuhan? Isasagot ba natin dito ang pamunuan ng Sangguniang Kabataan sa kasalukuyan?
Nawa, ito’y pag- isipan dahil sabi nga ni Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

“Mana-mana lang. “Kung ano ang pinagkabataan, siya ring pinagkatandaan. Mayroon pa
bang hihigit na isyung kultural kung pati ang mga nakatatanda ay maging asal milenyal?
P a h i n a 125 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Nakatutuwang isipin sapagkat ang literal na kahulugan nito ay nag-iisip at kumikilos milenyal ang mga
dapat namumuno sa mga kabataan. Iyong nakalilimot sa mga kutural na nakagawian at sumusunod sa
agos ng pagbabago ng teknolohiya. Nakalilimot sa pagkakaiba ng wasto at dapat, tanggap ngunit hindi
naayon; at naaayon ngunit hindi tanggap. Ano ba ang higit na dapat paniwalaan, ang ipinakitang
halimbawa ng mga nakatatanda ay dahilan ng kaugalian ng mga kabataan? O sadyang may sariling
paniniwala at desisyon ang mga kabataan kaya anuman ang isipin ay walang kinalaman ang mga
nakatatanda sa anumang kaasalang mayroon sila?

“The real score.”Ang totoong isyu ay harapin natin. Pag- usapan natin. Ang ating bansa sa
kabila ng mga mabubuting kaugaliang kinikilala ng marami ay nababahiran ng iba’t ibang isyu. Sa aking
kabataan, natutuhan ko sa aking paglalaro kung paano maging matapat sa aking mga kalaro. Gaano
rin kaya katapat ang mga namumuno sa ating bansa? Ang totoo, isa itong bukas na aklat sa ating lahat,
ang mga nakaraang pamunuan ng bansa ay laging nadidikit sa korapsyon. Kung mayroon man, ano
ang nibel ng katapatang ipinamalas nila kaugnay ng kanilang pamumuno sa bansa?

Natutuhan ko rin ang makipagkapwa sa aking kabataan, ngunit gaano ba ito kahalaga upang
makapaglingkod nang mahusay para sa bansa? Ang disiplina at matapat na pagsunod sa nakatatanda
ang dalawa sa pinakamahahalagang values na ipinagmamalaki kong natutuhan ko mula sa aking
kabataan, ngunit gaano ito kahalaga sa political agenda? Ang pagtanggap sa nagawang pagkakamali
at kababaang loob ay nakintal sa aking isipan, paano ito nakaaapekto sa mga namumunong nakasakit
o nakasira ng buhay ng mga mamayang nawalan ng tahanan, namatayan dahil sa isyu sa droga at
pabahay, at sa pakikipaglaban sa mga karapatan ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa? Higit
sa lahat, paano maaaring makaagapay sa pagsulong ng bansa ang natutuhan kong mabuting
pagdedesisyon? Kaya nga tayo may kaugaliang kultural upang may makaagapay sa paghahanap ng
pangmatagalan o kung hindi man ay permanenteng lunas para sa mga isyung kinahaharap ng ating
bansa, ‘di ba?

Kaya isang tanong ang aking iiwan para makita mo ang iyong sarili bilang mamamayan. Ikaw
ba ay isang Filipinong nakakakilala sa mga kultural na kaugalian ng ating bansa?

P a h i n a 126 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: _________________

I. Pasulat. Hanapin at bilugan ang 20 salita na tutukoy sa kultural na kaugalian ng mga Filipino, mga
pagpapahalaga at mga isyu na kasangkot dito. Ang mga hinahanap na salita ay maaaring nakasulat
sa alinman sa mga direksyong makikita sa ibaba. Isulat ang mga salita sa patlang.

S D R O P O L I T I C A L A G E N D A M L P
N D A W R T B G H Y I O P W A K M K D G H L
U E S W R Y G N B M N K S A I O N B U S K P
R L T Y I O N A K I H N A M A M A P A B D E
G I R T B D A U M K L O P D B T A E S N R L
S C Z E R V T U N A K O B H Y U G B N A R A
K A B A B A A N G L O O B P S H U W Y T B N
G D H K E T B N M H A H N U P O A I S A D D
O E R P D Y H N M K P A S E D S H I R P I R
B Z N A M A M O R P R O P I O P R E S A T O
N A E G N A D R Y A D U I L K I D O B T N G
L P I T D O N U S G A P D E G T A B K A T A
F H G A E Y R N M M S I T B B A L E A K R N
L P I N T R E I P A A H O N A L D E W K N E
U Y N G M G S O T M P L A S Y I R B U B W A
N G A G E R A T S A N M K U A T H O R B A I
O S P A Y T M Y H N P H B N N Y R O I N M O
Y T S P O B R G M O A D I H I G H L U E T Y
I G E P N T O I T M B L Y U H T D A S A S A
S N O N I D D E Y I P S P T A E N N S G T K
P I G H S A P S A I N A L R N D U G P A N Y
A P T I U S H A S N U L A L L Y P N S U K L
R A R M E I I I E D M E S P I S N A A S B N
O O A R W D D P T Y E Y R D P L A T R R W P
K L P A K I K I P A G K A P W A L U T B H I
M H E Y T O K A E G B H N S L P Y R N B I A
________________ ________________ ________________ _________________
________________ ________________ ________________ _________________
________________ ________________ ________________ _________________
________________ ________________ ________________ _________________
________________ ________________ ________________ _________________

II. Malikhaing Paglalapat. Pagbuo ng mapanghikayat na video presentation.

1. Bumuo ng isang pangkat na may 5 – 10 miyembro. Isaalang-alang sa pagbuo ng pangkat na


ang isa sa mga miyembro ay may mahusay na kasanayan sa paggamit ng computer application
o video editing.

2. Pumili ng isa (1) sa mga paksang paksang mababasa mula sa a – e. Hindi maaaring maulit
ang isang paksa.
a. Presentasyong mapanghikayat na nagpapakita ng iba’t ibang kaugaliang kultural ng
Filipinas.

P a h i n a 127 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

b. Presentasyong mapanghikayat na nagpapakita ng idea na “It’s more fun in the


Philippines” o kaya ay “Only in the Philippines”.

c. Presentasyong mapanghikayat hinggil sa mga gampanin (responsibilities) ng mga


kabataan o milenyal.

d. Presentasyon nanghihikayat na tumulong sa mga biktima ng bagyo, digmaan at iba pang


isyung panlipunan (Maaaring hinggil din sa AIDS, cancer patients, women’s rights,
indigenous people’s rights, marhinalisasyon ng mga katutubong pangkat, LGBT at iba pa.)

e. Presentasyong mapanghikayat hinggil sa isang political agenda na maaaring tumalakay


sa korapsyon, droga, EJK at iba pa.

*Kung ang nais ay isang paksa na wala sa talaan, sumangguni sa iyong instruktor.

3. Buoin ang presentasyon ayon sa mapagkakasunduang panahon at araw ng presentasyon.


Bawat miyembro ay nararapat na makita sa video at presentasyon. Kabawasan sa puntos
ng pangkat ang bawat miyembrong hindi nakasali.

4. Para sa pagtataya, gagamitin ang rubrik sa ibaba. Pangkatan ang pagmamarka.

0 kung hindi nakita sa presentasyon ang salik na tinataya


1–4 kung di-gaanong nakita sa presentasyon ang salik na tinataya
5–8 kung naipakita sa presentasyon ang salik na tinataya
9 – 12 kung lubusang nakita sa presentasyon ang salik na tinataya

PAMANTAYAN ANTAS NG PAGBUO PUNTOS


9 - 12 5 - 8 1-4 0
Storyboard: Maayos ang pagkakasunod-
sunod ng mga ideya at video
Nilalaman: Naaaayon sa paksa ang X2
presentasyon at nailahad nito ang layunin
at mahahalagang impormasyon.
Teknikal: May malikhaing transition, sound
at video effects, background, font size at
color na nakatutulong sa paglalahad
Project requirements: Bawat miyembro ay
nakabahagi sa presentasyon, naipasa at
nailahad sa napagkasunduang panahon,
naipasa ang mp4 format ng presentasyon
Kabuoan /60

P a h i n a 128 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Blg. ng Pangkat: ______ Pamagat: ______________________________________


Mga Kasapi: ________________ , ___________________ , _____________________
________________ , ___________________ , _____________________

Puna:

Suhestyon:

P a h i n a 129 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 130 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

ANG PAKIKIBAHAGI NG
KABATAAN SA USAPING
PANLIPUNAN
Ang kasalukuyang henerasyon ay sinasabing panahon ng mga milenyal. Panahon ng mga
kabataan. Si Dr. Jose P. Rizal ay bumanggit na “Kabataan ang pag- asa ng bayan”. Naniniwala ang
pambansang bayani na may mga katangian ang mga kabataan na gumawa ng mga bagay–bagay para
sa ikaaayos ng bansa. Ipinahihiwatig din nito na ang mga kabataan ay may kakayahan na mamuno at
umakay ng kapwa kabataan tungo sa ikabubuti ng kalahatan.

Gaano katotoo ang pahayag na ito ng pambansang bayani sa kasalukuyan? Paano


maisasagawa ng mga kabataan ang mga tunguhin at layuning nakaatang sa kanilang mga balikat?
Nagagampanan ba ng mga kabataan ang responsibilidad na nararapat nilang maipakita sa
kasalukuyang henerasyon?

Sa araling ito, tatalakayin ang pakikibahagi ng mga kabataan sa usaping panlipunan. Higit sa
lahat, ilalahad sa mga aralin kung paano maaaring maging bahagi ang mga kabataan sa mga
mahahalagang isyu ng lipunan upang maunawaan ang kanilang mga gampanin at ang kanilang
tungkulin sa para sa pag-unlad ng bansa. Sabi nga, hindi kailangang maging matanda ang kabataan
upang maging aktibong kasapi o miyembro ng kaniyang pamayanan.

Layunin sa pag-aaral na ito na:


1. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa.

2. Magamit ang wikang Filipino sa iba-ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang


Filipino.

3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipag-palitang-idea.

Panimulang Gawain
Dugtungan ng pahayag na nakalagay sa mga balloon. Basahin sa klase awtput.

Ako ay kabataan dahil nagagawa kong…

Bilang isang kabataan, pinapangarap kong…

P a h i n a 131 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sapagkat ako ay isang kabataan, nararapat lamang na . . .

Talakayin

Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan


Michaela E. Macan (Sabado, Setyembre 12, 2015)

Ito'y isang talumpating aking inihahandog sa mga Kabataang Filipino. Bago ko simulan ang
aking talumpati, tatanungin ko muna kayo. Kagaya ko bilang isang kabataan, may kamalayan ba kayo
sa mga nangyayari sa ating lipunan? Paano nga ba natin ito matutugunan at mabibigyan ng solusyon?

Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabing: kung hindi ka marunong sumabay, maiiwan ka
talaga. Ngunit ang karamihan sa atin ngayon ay parang napag-iwanan na ng panahon. Marami na sa
ating mga kababayan ang nalugmok sa kahirapan. Kahit anong sikap nilang umahon ay hinihila pa rin
sila pababa dahil sa pagiging makasarili ng ilan sa atin.

" Kakambal ng buhay ang paghihirap," ika nga ni Buddha. Simula pa noong tayo ay sanggol,
ang kahirapan ay nandyan na. Kahit iwasan natin ito, kahit magtago pa tayo saan mang sulok ng
mundo, hindi pa rin natin ito magagawang iwasan dahil ang kahirapan ay parte na ng buhay ng tao.

Imbes na magalit tayo dahil sa naging ganito ang katayuan natin sa buhay, dapat nating isipin
at isapuso ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob ng ating Panginoon. Ang mga biyayang
ito ay may kapalit na responsibilidad upang ito'y gamitin sa tamang paraan upang mas mapaunlad pa
ang ating mga sarili.

Ngunit taliwas ang tugon natin dito. Masakit isipin na dahil sa kahirapan ay maraming tao
ang naudyok na gumawa ng masasamang bagay para mabuhay.

Ang katotohanang ito na aking nasaksihan hinggil sa kahirapan na kinakaharap ng ating


lipunan ay taliwas sa nakikita ko sa telebisyon. Kasi sa TV, napapansin kong ang mga tao ay puro sisi
sa pamahalaan sapagkat para sa kanila ay napapabayaan na sila nito. Walang masama ang pagiging
dukha basta tayo ay nagsisikap na malampasan ang kalagayang ito. Ito ay isang bagay na hindi
nararapat na isisi kaninuman. Dahil tayo mismo ang may hawak ng ating kapalaran. Ito ay maaaring
sanhi ng kawalan ng pagsisikap, ng katamaran, ng kawalan ng determinasyong mangarap at ng iba
pang mga kahalintulad na dahilan. Bilang isang taong may kakayahang magdesisyon at mangatwiran
para sa sarili, nararapat lang na tayo ay maging responsable at huwag umasa at maging reklamador sa
pamahalaan lalo pa't mahirap ang kanilang tungkulin sa ating lipunan. Mga kaibigan, sariling sikap po
ang solusyon sa kahirapan.

Kayo namang mga nakaupo sa pamahalaan at sa mga nakakataas, huwag po nating abusuhin
ang kapangyarihan na hawak natin. Kaya nga pinili kayo ng sambayanan upang maglingkod nang tapat
sa bayan at hindi upang kupitin ang pondo ng bayan at gastusin para sa sariling kapakanan. Ang mga
taong naghihikahos at naghihirap sa buhay ay lalong naghihirap dahil sa mga kalokohan na inyong
ginagawa. Sana'y inyong mapagtanto ang inyong mga nagawa para sa ikagaganda at ikalalago ng ating
P a h i n a 132 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

bansa.

Ako ay lubos na naghahangad ng pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat
upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa
mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang. Nararapat lamang na tayo mismo
ang bumago nito at hindi lamang umasa sa pamahalaan. Dahil kung nakaya ng ibang bansa na pigilan
ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay makikialam
sa mga nangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa
pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos nang mabuti at nang may katwiran. Mag-aral nang mabuti para
may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng
hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa, simulan na. Huwag
matakot harapin ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung tayo mismo ay
hindi marunong gumawa ng paraan.

Kaya para sa mga kabataang Pinoy, huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nagaganap
dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.

P a h i n a 133 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 134 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: _________________

I. Punan ang unang kolum ng talahanayan ng mga isyung panlipunan at isulat naman sa ikalawang
kolum ang mga solusyon na ilalapat upang matugunan ang mga ito.

Isyung Panlipunan Solusyon

II. Bumuo ng ISLOGAN na magbibigay diin sa mahalagang gampanin ng kabataan sa pagsusulong ng


pagbabago sa bansa. Ilahad ito sa klase.

P a h i n a 135 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 136 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin

Maraming tungkuling ginagampanan ang mga kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan.


Marami ring mga isyu ang dapat matukoy ng mga kabataan at nararapat lamang na maging bahagi sila
sa pagbibigay ng solusyon sa mga isyung ito. Paano maaaring maging bahagi ang mga kabataan sa
mga isyung ito at paano sila makatutulong para sa ikabubuti at ikauunlad ng ating bansa?

 Pakikibahagi ng mga kabataan sa mga usaping panlipunan


Nito lamang Mayo ng 2018 ay nasaksihan ng bawat Filipino ang pakikibahagi ng mga kabataan
sa pagpili ng mga mamumuno sa lipunang kanilang kinabibilangan. Naging bahagi rin ang mga
kabataan sa pagtataguyod ng mga layuning pambarangay at pambayan sapagkat sila man ay naging
abala sa pagbuo ng kanilang mga layunin at plataporma bilang mga Sangguniang Kabataan. Ito ay
nagpapatunay lamang na bahagi ang mga kabataan sa anumang layunin ng pamahalaan.

Ang Republic Act 10742 o ang SK Reform Act ay naaprubahan noong Enero ng 2016 upang
ganap nang maging bahagi ang mga kabataan sa pagpili ng pamunuan na bubuo ng mga programa na
susuporta sa mga hangarin ng pamahalaan. Mula sa dating edad na 15 – 21 taong gulang, nililinaw ng
akto na ang edad ng mga kabataang maaaring makilahok sa Sangguniang Kabataan ay mula sa 18 – 30
taong gulang simula sa eleksyong pambarangay ng 2018. Sa layuning mapabuti ang pagsasakatuparan
ng mga proyekto ng mga kabataan, ang SK ang siyang lilikha ng mga layunin na ayon sa mga tunguhin
ng barangay na nauugnay din sa mga layunin ng pamahalaan.

Maraming suliraning kinahaharap ang bayan sa kasalukuyan. Ang mga suliraning ito ay hindi
lamang nararanasan sa ngayon kundi kahit na sa mga nakaraang pamamahala ng mga pinuno ng
bayan. Kung iisa-isahin, mangunguna sa mga suliraning ito ang kahirapan, sunod ang korapsyon,
kalidad ng edukasyon, kriminalidad at droga. Isama na rin dito ang mga usapin ukol sa mga kalamidad,
ugnayan ng simbahan at pamahalaan, pagpapahalagang pantao, child labor, prostitusyon, paglobo ng
bilang ng nahahawaan ng sakit na AIDS, kalusugan at pabahay (kasama na ang mga relokasyon ng mga
mahihirap na pamilya sa bansa). Kung iisipin, ang mga nabanggit ay ang pangunahing suliranin lamang
na kinahaharap ngayon ng bayan. Marami pang maliliit na isyu ang maidaragdag dito.

May mga isyung ituturing na maliit lamang ngunit nararapat na pagtuunan ng pansin. Dati,
nakagiginhawa sa atin na marinig na ang ating kapatid o isang miyembro ng pamilya ay magtatrabaho
sa ibang bansa, ngunit ngayon ay nakababahalang isipin na maging ang mga Overseas Filipino Workers
ay nakararanas na nang matinding suliranin dahil sa mga karanasang nagpapahirap at pagmamaltrato
sa kanila sa ibang bansa. Noon, ikinararangal natin na marinig ang napakagandang balita na ang bansa
natin ay isa sa bansa na may mayaman, malinis at ligtas na kapaligiran. Ngayon, nakabibiglang
malaman na ang ilang bahagi ng karagatan ng ating bansa ay tinatayuan na ng karatig bansa ng mga
imprastraktura at nababalita na ring inaangkin ang bahagi ng karagatang ito. Hindi na rin maikakaila
na may suliranin din sa pamamahala at pagtataguyod ng katahimikan o kapayapaan sa bansa sapagkat
nagiging laman na rin ng mga usapin ang hidwaan sa pagitan ng mga namumuno sa hudikatura, ilang
mga senador at sa iba pang sektor ng pamahalaan. Ang sunod-sunod na pagbaha sa maraming bahagi
ng bansa, pag-aalsa ng mga jeepney driver, walang habas na pagtaas ng presyo ng gasolina, pagtaas
ng presyo ng mga pangunahing bilihin at pati na ang paghina ng ekonomiya ay patuloy na binibigyang
solusyon ngunit tila may kahirapang matugunan.

Kung ang mga suliraning ito na kinahaharap sa kasalukuyan ay may kahirapang tugunan ng
mga namumuno sa bansa, paano kaya maaaring maging bahagi ang mga kabataan para sa ikatutugon
nito?

Halaw sa isang paskil sa social media, nabanggit ng blogger na si Julliene28 ang ilang
mahahalagang tungkulin ng mga kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan. Una rito ay ang
paggalang sa bansa at sa mga simbolong pambansa. Pagtulong sa kaunlaran ng pamahalaan at
kagalingan ng estado, pakikibahagi at paggawa ng mga aksyon na tutugon kahirapan at sa mga taong
nangangailangan, pagsunod sa mga patakarang panlipunan na pinaiiral ng bansa, pagiging aktibo sa
pagsasakatuparan ng mga proyekto ng pamahalaan, pamumuno para sa kapayapaan at

P a h i n a 137 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

pagtutulungan ng komunidad, pakikibahagi sa paglilinis at pagsasabuhay ng kalikasan at pagbuo ng


mga proyekto na makatutulong para sa ikagiginhawa ng nakararami.

Napakapositibo ng ating pag-iisip na ang mga ito ay magagawa ng mga kabataan. Marahil, sa
tulong at gabay ng mga nakatatanda at ng mga may karanasan na sa pagtugon sa mga suliraning naisa-
isa, hindi malayo na mararating at matutupad ang mga hangarin para sa bansa. Gayunpaman, may
isang tanong na dapat patuloy nating pag-isipan. Sa kasalukuyan, maituturing (pa rin) bang pag-asa
ng bayan ang mga kabataan? Sa pinagdadaanang nilang hirap at pagsubok sa ngayon,
maipagpapalagay bang nagkulang ang mga nakatatanda sa pagdidisiplina sa kanila, o ang mga
kabataan mismo ang may dala ng suliranin sa lipunan? Bakit hindi mo ito pag-isipan?

P a h i n a 138 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
TAYAHIN: Pasalitang Pagsasanay
Pangalan ng mga miyembro: ________________________________ Puntos: ____________
____________________________ , __________________________ , ______________________
____________________________ , __________________________ , ______________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ______________

Panuto: Bumuo ng pangkat na may hanggang limang miyembro. Pumili ng isa sa mga suliraning
panlipunan na nabanggit sa maikling talakay. Magsagawa ng skit o maikling palabas upang
maipakita ang suliranin at kung paano ninyo ito tutugunin bilang kabataan. Isulat sa ibaba
ang mga konsepto kung paano tutugunin ang suliranin.

Suliranin: ________________________________________________________
Mga Tugon sa suliranin (Isulat ang mga tugon):

Pagmamarka para sa pagsasagawa ng skit:

Malinaw na nailahad ang suliranin sa skit 5 ______


Malinaw at naaayon ang solusyong inilahad sa skit 5 ______
May kasanayan sa paglalahad ang pangkat 5 ______
Maayos na naisagawa ang skit 5 ______
Bawat miyembro ay may bahagi sa isinagawang skit 5 ______

P a h i n a 139 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 140 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

PAGLAHOK NG MGA
KABATAAN FILIPINO SA
ISYUNG PANLIPUNAN
MGA DAHILAN NG PAGLAHOK, EPEKTO SA SARILI AT LIPUNAN

Tinaguriang pag-asa ng bayan ang mga kabataan. Sila ang mag-aangat sa kalagayan ng bansa
sa kasalukuyan. Katuwang ang pamahalaan sa pagsugpo sa anumang suliranin at mga usaping
pambayan. Maraming mga isyung panlipunan ang kinasasangkutan ng mga kabataan. Sila ang
nagsisilbing Bmga tiyoses ng nakararami sa mga usaping may kinalaman sa mga kabataan. Nakikilahok
sila upang marinig ang kanilang mga munting tinig.

Sa gitna ng kasalukuyang itinatakbo ng ating lipunan, mahalaga pa ba ang pakikisangkot ng


mga kabataan? Ikaw bilang kabataan, naranasan mo na bang makilahok sa mga usaping panlipunan.
Ano-anong isyung panlipunan ang iyong sinalihan at sinubukang maging kabahagi. Paano ka
nakibahagi sa mga usaping ito?

Sa araling ito’y mailalahad at mauunawaan pang lalo ang mga paglahok ng mga kabataan sa
mga isyung panlipunan. Iisa-isahin ang mga dahilan ng paglahok, epekto sa sarili at lipunan.
Maipauunawa ang mahalagang tungkulin ng mga kabataan sa ating lipunan, at higit sa lahat, paano
nagiging makabuluhan ang pakikisangkot ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan sa kinabukasan
ng bansa?

Sa araling ito, inaasahan na matutugunan ang sumusunod na layunin:

Pangkaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga isyung panlipunan na nilalahukan ng mga kabataang Filipino.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat
sa mga realidad ng lipunang ito.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino
sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-idea.

Panimulang Gawain: Basahin ang blog na sinulat ni Karlo Basilio (2016) hinggil sa isyung
panlipunan.

Sanggunian: http:/karlobasilio13.blogspot.com/2016/08/solusyon-ng-kabataan-sa…
Nailathala noong Agosto 31, 2016

P a h i n a 141 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Solusyon ng Kabataan sa Isyung Panlipunan

Bilang isang kabataan, anak, mag-aaral, kaibigan, at mamamayan, mahalaga na tayo ay


mulat sa mga suliranin ng ating bansa. Ang pagkakaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa lipunan
ay inaasahan sa ating mga kabataan, ang susunod na henerasyon na magtataguyod sa matayog na
bayan.

Kilala ang ating bansa sa gandang taglay nito, mula sa mga tanawing kaakit-akit, mga
pagkaing pagkasarap-sarap, at kasaysayang tumatak sa bawat bahagi ng bansa. Ang pagpupunyagi
at pagsisikap ng bawat Filipino ang nag-angat at nagpaganda ng kaniyang buhay. Ipinagkaloob ng
Diyos ang kaniyang pinakamagandang regalo na ating matatanggap, ang ating kapwa at ang mundo.
Tulad na lamang ng nakasaad sa bibliya, nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kalikasan at
isa’t isa. Nabuo ang mga pangkat ng tao, nagtatag ng mga lungsod para sa maayos na pamamahala
at pagtataguyod ng pantay-pantay na karapatan ng bawat mamamayan. Likas na sa ating mga
Filipino ang pagiging matatag sa anumang problema na ating kakaharapin. Hindi tayo nagpapadaig
sa mga taong pilit tayong hinihila pababa. Lumalaban tayo kaysa nagpapatalo.

Bilang kabataan, may mga bagay na hindi natin kayang gawin, dahil hindi sapat ang ating
karanasan at kaalaman sa buhay na puno ng pagsubok, Gayunpaman, hindi dapat nawawala ang
ating interes na alamin ang mga suliranin ng ating lipunan. Mga problemang hindi masosolusyonan
at naghihintay lamang ng kasagutan at resolusyon. Hindi natin maitatago na maraming suliranin
ang kinakaharap ngayon ng ating bansa, tulad na lamang ng mataas na kakulangan sa suplay ng mga
pangangailangan ng bawat mamamayan, mataas na antas ng korapsyon, kahirapan at talamak na
paggamit o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mataas na kakulangan sa suplay ng pangangailangan ay suliraning maaaring mabigyan


ng solusyon. Ang hindi wastong paggamit o pag-aaksaya ng mga produkto ay mayroong malaking
epekto sa ating lipunan. Marami ang magdurusa dahil sa kakulangan ng pondo na nakalaan para
itustos sa mga nangangailangan. Hindi mabibigyan ng sapat na tulong ang bawat pamilya. Kaya
bilang isang kabataan, kailangan nating maging maingat sa mga bagay na ating ginagamit. Higit
itong makatutulong sa ating sarili at sa ating pamilya. Mabuti rin na maging masinop sa mga bagay
na ipinagkaloob sa atin ng kapwa at ng pamahalaan.

Ang mataas na antas ng korapsyon ay nadudulot ng kahirapan. Habang ang mga sakim na
politiko ay nahihiga sa limpak-limpak na pera na kanilang nanakaw sa taong-bayan na kanilang
niloko sa halip na pinaglingkuran, naghihirap naman ang mga mamamayan, kaya minsan ay
kumakapit na sila sa patalim para makaahon sa kahirapan. Lingid man sa ating kaalaman kung paano
nangyayari ang mga imoral na kilos na ito ng mga sakim na politiko, lubos naman nating alam kung
paano sila pagbabayarin ng Diyos, ang tanging may karapatang manghusga sa mga may kasalanan.
Ngunit hindi dapat tayo pumapayag na ang mga magnanakaw na ito ang magtatakda ng ating
kinabukasan, ipaglaban natin ang mga bagay na ipinagkakaloob at nakalaan para sa atin.

Shabu, Marijuana, Heroine; ilan sa mga ipinagbabawal na gamot sa ating bansa. Ang mga
ito’y ilegal kaya hindi maaaring gamitin, ngunit marami ang pinipiling suwayin ang batas. Sa
katotohanan, halos daan-daang libong Filipino ang gumagamit nito. Nakakalungkot lamang na
marami ang pumili ng mali kaysa sa tamang tunguhin ng buhay. Nagdulot na rin ang problemang
ito ng maraming karahasan, tumapos sa buhay ng marami at nag-iwan ng mapapait na alaala. Bilang
isang kabataang alam ang dulot nito, nararapat na hindi tayo maging interesado sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot. Tulungan din natin ang ating kapwa na maging bukas ang isip sa suliraning
ito. Mabuti na ipagbigay-alam natin sa awtoridad kung may kahina-hinalang pangyayari sa ating
kapaligiran.

Ang kabataang bukas ang isip sa mga suliranin ng lipunan ay isang mabuting tao. Ang
Filipinong may malasakit sa kaniyang bansa ay dapat ipagmalaki ng kahit sinuman. Isa siyang
kabataang mag-aangat sa kagitingan at kabutihan ng mamamayang Filipino, ipapakilala niya ang
Filipinas bilang isang maunlad at makapangyarihang bansa.
P a h i n a 142 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pag-usapan:
1. Kanino isinasatinig ng nagsasalita sa teksto ang kaniyang mga saloobin?
2. Ano-ano ang nais iparating ng nagsasalita sa kaniyang kausap?
3. Ano/Ano-anong isyung panlipunan ang ipinararating ng nagsasalita?
4. Anong pagkilos ang hinihingi ng nagsasalita sa mga kabataan at sa mga nasa pamahalaan?
5. Ano-anong solusyon ang ibinigay ng nagsasalita sa kaniyang mga kausap? Makabuluhan ba
ang mga ito? Ano ang magiging epekto nito sa lipunan?

Alamin
Mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataang Filipino sa mga usapin hinggil sa mga isyung
panlipunan. Nakikita sila sa mga iba’t ibang pagtitipon, kumperensiya, rally sa lansangan at telebisyon
upang makilahok sa mga usaping panlipunan na may kinalaman sa mga kabataan lalo na sa mga
suliranin ng bansa, sa paaralan at sa lipunang kinabibilangan. Bawat kabataan ay may mahalagang
papel na ginagampanan tungo sa pag-unlad ng bayan. Mahina man ang tinig nila ngunit kapag
pinagsama-sama ay magdudulot ng matinding alingawngaw at magmimistulang parang kulog sa lakas.
Ganito kahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan.

Ayon sa ASEAN Children’s Forum (ACF) at Child Rights Coalition sa kanilang publikasyon noong
2011 na Spaces for Children’s Participation in ASEAN, ang partisipasyon ng mga bata ay isang
karapatang pantao. Ito ay nakalahad sa Convention on the Rights of the Child (CRC), kung saan ang
ating bansa ay isa sa mga signatories o pumirma. Ayon nga sa Article 12 and 13 nito, dapat masiguro
ng mga estado ang karapatan ng mga bata na kaya nang bumuo ng kanilang mga ideya at opinyon na
malayang maibahagi ang kanilang mga pananaw. Dapat ding masiguro ng mga estado ang kalayaan ng
mga bata na maghanap, tumanggap at magbigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsulat,
pagsasalita, sining, o sa kahit ano pa mang paraan o medium na nais nila.

Ang mga bata ay maaaring aktibong makilahok sa paghulma ng kanilang buhay mula sa
kanilang tahanan pa lamang. Maaari din siyang makilahok sa kaniyang komunidad, at maging sa
lipunan. Kaya lamang ay maraming balakid dito, lalo na sa ating bansa. Unang una, ang child
participation o partisipasyon ng mga bata ay isang bago o malayong konsepto para sa maraming
pamilya. Tradisyunal na inaasahan kasi ang mga bata na susunod lamang sa magulang, at ang mga
paglahok sa mga gawaing labas sa pamilya ay extra lamang.

Pangalawa, ang kahirapan ay isang malaking balakid sa child participation. Maraming mga
kabataan ang napipilitang kumalas sa normal na daloy ng buhay ng bata dahil kailangan nilang
tumulong na maghanap ng pagkakakitaan para sa pamilya. Pangatlo, kulang din sa kaalaman at
kamulatan ang maraming mga magulang ukol sa karapatang pantao. Itinuro man ito sa paaralan, hindi
naman lingid sa ating kaalaman na marami sa maralita ang maagang iniwan ang pag-aaral para
maghanapbuhay.

Sa ating bansa kung saan maraming mga bata ang biktima ng karahasan at paglabag sa
karapatang pantao, ang partisipasyon ng kabataan ay napakahalaga. Base sa pagsasaliksik ng
Ecumenical Institute for Labor Education Research (EILER) noong 2015, kalat ang child labor sa mga
minahan at plantasyon, kung saan 22.5% sa mga kabahayan sa mga plantation communities ay may
child worker, habang ang child labor incidence naman sa mga komunidad na may minahan ay nasa
14%. Ang karaniwang edad ng mga child worker ay 12, ngunit mayroong nagsisimulang magtrabaho
na limang taon pa lamang ang edad. Pitumpu’t anim na porsyento (76%) ng child laborers ang tumigil
na mag-aral at marami sa kanila ay kumakayod ng mga sampu o higit pang oras kada araw.

Kapanalig, ang karapatang pantao ay integral sa ating dignidad, na isa ring prinsipyong
itinataguyod ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Gaudium et Spes, ang anumang
tumatapak sa dignidad ng tao ay lason sa lipunan. Ang isang antidote o lunas sa lason na ito ay ang
makabuluhang pakikilahok sa paghulma ng lipunan, isang karapatan na dapat matamo ng mga
kabataan. (https://www.veritas846.ph/partisipasyon-ng-mga-kabataan-sa-kaganapan-ng-kanilang-
karapatan/) Partisipasyon ng mga Kabataan sa Kaganapan ng Kanilang Karapatan/ Posted March 31,
2016 Anton Pascual)

P a h i n a 143 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Ang kabataan ay may karapatang makisangkot sa anumang isyung panlipunan. Mas magiging
malaya silang magsatinig ng kanilang kaisipan at mas bukas ang kanilang mga mata sa mga nangyayari
sa kapaligiran.

Bilang kabataan, mahalaga na maunawaan ang mga isyung panlipunan upang malaman ang
mga epekto nito sa kanilang sarili at sa lipunan. Mahalaga na makatulong para makabuo ng mga
patakaran o polisiya na makatutulong sa pamahalaan para sa pag-unlad ng bansa sapagkat mahalaga
ang lipunan sa pagbuo ng mamamayang may malasakit sa kapakanan ng nakararami. Sabi nga ni
Mooney (2011), “ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari
at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kani-kanilang tungkulin. Binanggit naman ni
Charles Cooley na ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba
pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksyon ng mga mamamayan (Mooney, 2011).

Basahin ang artikulo na pinamagatang “Kung Papaanong Makakaapekto sa Lipunan ang


Kawalang Layunin ng Tao,” na hinango sa http.//tl.harunyahya.com/tl/Artikulo/21575/kung-
papaanong-nakaka… Tingnan ang mga dahilan ng paglahok ng mga kabataan sa mga isyung
panlipunan, epekto sa sarili at sa lipunang kinabibilangan.

“Sa pangkasalukuyang panahon natin, ang tao ay lubhang may kakulangan o kawalan mismo
ng tunay na layunin sa kaniyang buhay (purpose of life). Halos lahat ay bulag na tagasunod lamang sa
isang pangkaraniwang pamamaraan ng pamumuhay o tinaguriang standard way of living, o ang
pamumuhay na naaayon sa kung ano ang nakagisnan kung kaya katanggap-tanggap sa nakararami.
Ang matugunan ang pangangailangang pangkatawan gaya ng pagkain at ang magkaroon ng
hanapbuhay ay mga mithiing higit na pinagtutuonan ng pansin at siyang nararapat makamtan ng tao
sa dahilang ang mga ito lamang ang sinasabing pinakamahahalagang bagay sa buhay ng tao, gaya nga
ng nakamulatan na. Sa ganitong kaparaanan, idinidikta na sa buhay na ito, ang layunin ay natatapos
na lang sa pagkakamit ng magandang estado sa buhay at ng pamilya.

Karamihan sa mga tao ay may mababaw o limitado nang pananaw. Kadalasan, nasasabi nilang
may silbi na ang buhay nila o may kahulugan na ito basta patuloy silang nakakapanood ng mga
sinusubaybayang serye sa telebisyon o nakakapanood ng mga bagong pelikula sa mga sinehan. Para
sa tulad ng mga taong ito, ang mas mahusay na layunin sa buhay, kung mayroon man, ay maaaring
ang sumapi na lang sa isang samahang sosyal o social club.

Isa pang grupo naman ng mga tao ay yaong ang isipan at panahon ay abalang-abalang
nakatuon sa paghahanapbuhay o negosyo. Ang buong buhay nila ay umiinog lamang sa pagitan ng
opisina at bahay na tila wala nang katapusan ang pagtatrabaho para mabuhay. Madalas, iyong
nagsimulang magtrabaho ng mula sa batang edad na 20 pataas ay makikita pa rin nating nasa pareho
pa ring hanapbuhay pag-abot nila sa edad 40 mahigit. Ang mga taong ito ay walang hinintay kundi ang
pagdating ng Biyernes (kaya nga bantog sa mga empleyado ang kawikaang “Thank God it’s Friday”).
Ang kanilang mga pangunahing ambisyon ay ang matapos ang buwan nang walang problema sa
pananalapi, ang may maipambayad sa buwanang renta ng bahay at ang may malabing pera na maiipon
para sa kinabukasan ng mga anak. Tila bagang ang anumang kaganapang pambansa o pandaigdigan
man ay hindi alintana. Lubhang ang pinakikialamanan lamang nila ay yaong mga bagay na
makakaapekto sa kanilang hanapbuhay. Walang kabuluhan sa kanila ang mga kaganapang
pangkalahatan dahil basta nasa ayos ang lagay (status quo) ng sarili at ng pamilya, wala silang
nakikitang problema rito. At kung anuman ang nangyayari sa labas, basta walang masamang epekto
sa kanilang kabuhayan ay tanggap lang nila ito. Makakaramdam lang sila ng pagkakabagabag kapag
may mga isyung patungkol sa kalagayan ng pinagkukuhanan ng kanilang ikabubuhay. Para iparating
ang kanilang tinig tungkol sa mga usaping ito, makikilahok lang sila sa mga programang pantelebisyong
may diskusyon o ang makipag-usap hanggang abutin ng madaling araw, subali’t natatapos ang lahat
ng walang matibay na solusyon o kongklusyon. Kinabukasan, siya ay magsisimula ulit ng isang
panibagong araw gaya ng nakagawian, at tila balewala na lang lahat ang naganap ng nakalipas na araw.

P a h i n a 144 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Ang mga kabataan din ay nagdurusa dahil sa kawalang-layunin at sa kakulangan sa mga


mahahalagang bagay na sa ngayon ay hindi man nakikilala ang mga lider ng kanilang bansa, kasama
na ang mga politikal na desisyong ginagawa ng mga ito, ang epekto ng mga desisyong ito sa
pagtatanggol sa bansa, ang ekonomiya, o mga sistemang pang-edukasyon at panghukuman. Dahil
lubusang hindi alintana ang mga pangunahing pangyayari at pagbabago sa mundo, sila ay patuloy na
nagugulo lamang sa mga maliliit na bagay na pawang walang halaga o saysay. Bagay na nagiging sanhi
upang magkaroon ng kakulangan sa kakayahang umunawa sa kahalagahan ng maraming kaganapang
umuukit sa kasaysayan ng mundo. Ang kanilang pag-uusap ay madalas na limitado sa computer games,
internet chat, pakikipag-date, mga walang kabuluhang pangyayari sa paaralan, pandaraya sa
pagsusulit, mga planong gawin para sa katapusan ng linggo, mga usong damit o mga laro gaya ng
football. Sa survey na ginawa para sa isang magasin, humiling ito sa mga tinedyer na bigyang ranggo
(ranking) ang mga “pinakadakilang layunin sa buhay na nararapat na ipagpursigi, at dito makikitang
nangunguna ang resulta na maging isang sikat na modelo o artista at ang paglalaro ng gitara kagaya
ng ‘guitarist’ sa isang sikat na banda.

Ang kawalan ng layunin sa buhay at ang pagkilos na halos walang pakialam sa iba pang mga
realidad o kaganapan sa buhay ay isang napakalaking banta sa sangkatauhan. Gayundin, higit pa sa
mga nabanggit, may mga klase ng taong may lubhang makasariling hangad o kagustuhan at karamihan
sa kanila ay nagtataglay ng pananaw na salat sa tunay na pagpapahalaga (values) na sadyang
mapaminsala sa kalagayan ng sangkatuhan. Sila ang masasabing higit na mga banta. Ang mga lider o
tagasulong ng ganitong mapanganib na adbokasiya ay madaling nakakapasok sa mga ordinaryong
mamamayan o sa masa kung saan ang karamihan ay walang sapat na kakayahang makabatid ng tunay
na panganib sa likod ng mga bagong ideya, kung kaya madadaling matangay o bukas agad na
tumatanggap sa anumang bagong pananaw nang walang independyenteng pagsusuri sa katotohanan
ng mga ito.”

Malaki ang epekto ng pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan, hindi lamang
sa sarili kundi sa lipunang kinabibilangan. Maaaring makabuti o makasama ang pakikilahok sa mga
usapin subali’t nakadepende rin ito sa kung papaano makikibahagi at magbibigay ng mga kalutasan sa
mga suliranin ng bansa. Hindi sa pamamagitan ng pagra-rally makikilahok ang mga kabataan kundi sa
pagbuo ng mga programa, patakaran at mga gawain na magsusulong sa kahalagahan at kabuluhan ng
mga kabataan sa lipunan.

Pagbabahagi ng Kaalaman:
1. Ano ang epekto sa buhay, sa pagkatao at sa lipunang kinabibilangan ng mga kabataan ang kawalan
nila ng layunin sa pakikilahok sa mga isyung panlipunan?

2. Paano nakikisangkot ang mga kabataan sa mga usapin hinggil sa mga isyung panlipunan?

3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang papel ng mga kabataan sa pakikisangkot sa mga isyung
panlipunan? Bakit?

4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pinakamainam na pamamaraan upang marinig ang tinig ng mga
kabataan?

5. Solusyon ba ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga rally upang mapakinggan ang kanilang tinig?
Bakit?

P a h i n a 145 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 146 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan : ______________________________________ Puntos : _________________
Kurso at Taon : __________________________________ Petsa : __________________

I. Pasulat. Basahing may pang-unawa ang pahayag sa bawat aytem: Isulat ang S kung sumasang-ayon
at DS kung hindi sumasang-ayon. Ipaliwanag sa laang mga patlang kung bakit S o DS ang iyong sagot.

1. Mahalaga ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga isyung panlipunan lalo na sa mga usaping
pangkapayapaan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Hindi kailangang isangkot ng pamahalaan ang mga kabataan sa mga nangyayari sa lipunan lalo na
kung politika ang pinag-uusapan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Bawat kabataan ay may papel na ginagampanan para sa kagalingan ng bayan lalo na sa isyu sa droga,
korapsyon at kahirapan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Ang hindi pakikialam sa mga nangyayari sa lipunan ay may malaking epekto sa buhay ng mga
kabataan lalo na kung ang tumatakbo sa kanilang isipan ay wala silang pananagutan dahil ang
pamahalaan dapat ang nagbibigay ng solusyon dito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Hindi kailangang sumali ang mga kabataan sa mga rally sapagkat lalo lamang magdudulot ito ng
kaguluhan at wala silang maitutulong sa mga isyung panlipunan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

II. Pasalita. Bumuo ng pangkat ng may 3-5 miyembro. Pumili ng isa sa mga larawan sa ibaba at suriin.
Pag-aralang mabuti ang mga isyung panlipunan na tinutukoy sa larawan. Sagutin ang mga tanong na:
o Anong isyung panlipunan ang tinutukoy sa bawat larawan?
o Paano nakilahok ang mga kabataang Filipino sa isyung panlipunan na nabanggit?

Isulat ang sagot sa dayagram. Ipresenta sa harap ng klase ang inyong sagot.

1) PH di pa ready sa same-sex marriage


June 21, 2018

Read more:
http://bandera.inquirer.net/188620/ph-di-pa-
ready-sa-sex-marriage#ixzz5J8MjRwGD
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter |
inquirerdotnet on Facebook

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

P a h i n a 147 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

2) Tambay hinuli, namatay sa selda


By Leifbilly Begas, June 21, 2018

Read more:
http://bandera.inquirer.net/188565/tambay-
hinuli-namatay-sa-selda#ixzz5J8NAgEX7
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter
inquirerdotnet on Face

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

3) P2M shabu samsam sa buybust


By Leifbilly Begas, June 19, 2018

Read more:
http://bandera.inquirer.net/188396/p2m-
shabu-samsam-sa-buybust#ixzz5J8OEdsPr
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter
inquirerdotnet on Face

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

4)

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

5)
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

P a h i n a 148 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

III. Paglikha. Suriin ang bahagi ng tulang “Gobyerno ng P(F)ilipinas.” Sagutin ang mga tanong na nasa
kahon. Lumikha ng sariling tula na naglalahad ng pakikisangkot ng mga kabataan para
masolusyonan ang mga isyung panlipunan. Isang saknong lamang na may apat na taludtod. (Sinulat
ni mynameisLynlee halaw sa Pusong Umiibig/MgaTula Wattpad
https://www.wattpad.com/43407091- galing-sa-pusong-umiibig-mga-tula-xix-gobyerno-ng...)

Ano ang nais Ano-ano ang mga


ipahiwatig ng tula sa Ilang upuan ang pinag-aagawan isyung panlipunan ang
mga kabataan at sa nagbabatuhan ng iba’t ibang inisa-isa rito? Paano
pamahalaan? isyu pagdating ng halalan. makakatulong ang mga
__________________ Mga koneksyon nila ay nabanggit sa tula sa
__________________ talagang importante pakikilahok ng mga
__________________ upang sa gustong posisyon sa kabataan sa mga
__________________ resulta’y maging kampante. isyung panlipunan?
__________________ Gobyerno ng ating bansa __________________
__________________ may pag-asa pa nga ba? __________________
__________________ Tuwid na daan nga ba ang __________________
__________________ tinutungo __________________
__________________ gaya ng sabi ng dating __________________
__________________ Pangulong Aquino? __________________
__________________ Marami pa ring taong __________________
__________________ naghihirap __________________
__________________ Hindi umaangat kahit na anong __________________
__________________ sikap. __________________
__________________ Pondo na para sa bayan __________________
__________________ Winawaldas lamang ng kung __________________
__________________ sino-sino man. __________________
__________________ Mga opisyal na nagkakasala __________________
__________________ nabibigyan nga ba ng nararapat __________________
__________________ na parusa? __________________

P a h i n a 149 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 150 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

MGA TIYAK NA SITWASYONG


PANGKOMUNIKASYON GAMIT
ANG WIKA
Ginagamit ng tao ang wika sa kaniyang pag-iisip, sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao at maging
sa pakikipag-usap sa sarili. Samakatuwid, wika ang behikulo ng kaniyang ekspresyon at epektibong
komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon lalo’t higit sa akademikong larangan.

Pinag-aaralan ang wika upang linangin ang dalawang kakayahan: ang kakayahang linggwistika
o ang makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila (linguistic
competence); at kakayahang komunikatibo o ang kakayahang maunawaan at magamit ang mga
pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa
hinihingi ng sitwasyon (communicative competence). Bagama’t pangunahing sagabal sa proseso ng
komunikasyon ang pagkakaroon ng suliranin sa wika. Wika ang nagsisilbing midyum upang maihatid
ang mensahe sa kapwa. Ito rin ang nagsisilbing midyum upang maintindihan ng nakikinig ang
mensaheng nais maipaabot. Bagamat may mga komunikasyong di-berbal, pangunahin pa rin ang
paggamit ng wika sa paghahatid ng impormasyon at kasanayan. Ang hindi ganap na pagkaunawa o
pagkaalam sa paggamit ng wika ay nagsisilbing hadlang sa mabisang komunikasyon. Paano
magkakaroon ng epektibong komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon? Paano makakalikha ng angkop
na pahayag sa tiyak na sitwasyon? Sa ano-anong paraan maaaring magamit ang wika upang ang mga
kaalamang kinakailangan ay matamo?

Sa araling ito, tutukuyin at tatalakayin ang iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon gamit
ang wika. Layunin sa araling ito ang sumusunod:

Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
3. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa, batay sa pananaliksik.
Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng
midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
ideya.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan
at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang
lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa.

P a h i n a 151 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Pasalitang Pag-uulat, Forum, Lecture, Seminar at Workshop


Ang wikang Filipino ay may mahalagang gampanin sa pagpapahayag ng mga damdamin,
kaalaman, mithiin at layunin ng mga Filipino. Ito ang susi upang magkaunawaan ang bawat isa at susi
rin sa pagtamo ng mga layuning pambansa.

Ang mahusay na paggamit ng wikang Filipino ay nagdudulot ng kapakinabangan sa pagkamit


ng mga pangangailangan ng mamamayan at sa paghahayag ng mga saloobin sa lipunan. Sapagkat ang
wikang Filipino ang pinakamalawak na gamitin sa pagpapahayag at komunikasyong pambansa, ito ay
nararapat na magamit sa iba’t ibang larangan at mga gawain na nauukol sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon, pormal man o di-pormal. Kapag ito’y naisakatuparan, magkakaroon ng kaisahan
sa pagpapahayag at sa gayo’y makakamit ang mga hangaring pansarili, panlipunan at pambansa.

Panimulang Gawain

Tunghayan ang mga larawan. Isulat sa loob ng kahon kung (a) ano ang kanilang ginagawa, (b)
kung ano ang paksang pinag-uusapan at (3) detalye ng kanilang usapan. Ilahad sa klase ang awtput.

Alamin

Ang mga pagpapangkat at mga usaping nabanggit sa gawain ay ilan lamang sa mga tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ginagamit ang wikang Filipino. Marami pang ibang
sitwasyon ang matatalakay sa araling ito. Tuklasin ang mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon at
gawin ang mga pagsasanay upang malinang ang kasanayan sa mahusay na pagpapahayag.

Pasalitang pag-uulat
Ang pasalitang pag-uulat ay isang gawaing sumasaklaw sa pagtalakay ng isang tiyak na paksa
sa maliliit at malalaking pangkat na karaniwang natatapos sa loob lamang ng labinlima hanggang
dalawampung minuto. Isa itong paraan upang tasahin ang kaalaman ng isang indibidwal hinggil sa
isang piling paksa at isa rin itong mahusay na gawain upang tayahin ang kasanayan sa pasalitang
pagpapahayag. Sa isang maliit na pangkat na may lima hanggang sampung katao o kaya sa malaking
pangkat na binubuo ng labinlima hanggang dalawampu’t limang katao ay tinatalakay ng piling
tagapagsalita ang paksa. Layunin nito na maipakita ang pagkakaiba-iba ng kahusayan ng bawat
tagapagsalita na nakatuon sa kaalaman sa paksa, sa kasanayan at sa pamamaraan ng pagtalakay.
P a h i n a 152 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Ang mga nalilinang sa pasalitang pag-uulat ay ang malawak na pagkakaroon ng kaalaman sa


paksa/nilalaman. Tumutukoy ito sa maayos na paglalahad sa mga detalye ng paksang tinatalakay.
Ang kaugnayan ng mga halimbawa ay nabibigyan ng kaukulang pansin sapagkat ito ang tuon ng
talakay. Nalilinang din nito ang kasanayan sa pagsasalita. Naisasaalang–alang dito ang kaisipan na
ang komunikasyon ay isang tambingang kilos kung saan may ugnayan sa pagtalakay ang nagsasalita
at mga nakikinig. Matagumpay ang tagapagsalita kung ang atensyon ng mga nakikinig ay kaniyang
nakukuha; gayundin, matagumpay ang mga nakikinig kung ang mga impormasyon na nailahad ng
tagapagsalita ay kanilang nauunawaan.

Dapat tandaan na sa pagsasagawa ng pasalitang pag-uulat, ang tagapagsalita ay dapat maalam


sa paksang kaniyang tatalakayin. Kailangang handa ang tagapagsalita sa alinmang tanong na maaaring
ipukol sa kaniya pagkatapos ng pag-uulat. Nakatutulong din ang kahusayan sa pagsasalita at ang
kalinawan ng pagbigkas ng mga ito. Maging mabuti sa pagsagot sa mga tanong at iwasan ang
pakikipag-argumento sa mga nagtatanong. Maging magalang sa mga kasamahan at maging wasto at
makatwiran sa pakikibahagi sa anumang talakayan.

 Forum (Pangkatang Pagpupulong)


Ang forum (o pangkatang pagpupulong) ay pagtitipon ng isang pangkat na may magkakatulad
na katangiang sosyal, edukasyunal at maging kultural, at may layuning magplano at magkausap-usap
hinggil sa isang mahalagang paksa na karaniwan sa bawat isa. Tumutukoy din ito sa pampublikong
pagtitipon ng mga samahan, organisasyon o grupo ng mga indibidwal na may layuning matalakay ang
napapanahong paksa ayon sa kanilang mga interes. Sa kasalukuyan, tinatawag ding forum ang mga
pagtitipong virtual ng mga indibidwal sa pamamagitan ng internet kung saan ay tinatalakay nila ang
mga napapanahong isyu, o kaya’y nagsasagawa sila ng mga proposal at/o nagpaplano ng mga gawaing
ayon sa mga layunin ng pangkat.

Dalawang panlahat na uri ng forum


Mauuri sa dalawa ang forum. Maaari itong pampubliko (Public) o di kaya’y di-publiko o
eksklusibo (Non-public). Ang pampublikong forum ay pagtitipon na walang eksklusyon na maaaring
maisagawa sa isang lugar na karaniwang para sa lahat. Ang lugar na ito ay maaaring sa isang bahagi
ng daan (street), parke (park) o maging sa maliliit na kalye (sidewalks). Maaaring ang mga sangkot
dito ay maramihan at maaari ding isang partikular na bilang lamang ng isang pangkat. Halimbawa,
maramihan kung ang isang kilalang politiko ay maglalahad ng layuning politikal sa mga mamamayan
ng isang barangay at pangkatan kung ang ilang mamamayan ng isang barangay ay nagpupulong para
sa isang proyektong pambarangay.

Ang di-publiko o eksklusibong forum naman ay mga pagpupulong ng isang pangkat na


maaaring limitado lamang sa mga miyembro ng isang organisasyon o samahan. Dito ay eksklusibong
pinag-uusapan ang mga layunin, gawain, proyekto at mga tunguhin. Ang mga halimbawang
maituturing na di-publikong forum ay iyong mga isinasagawa sa mga itinalagang lugar tulad ng sa mga
presinto, paaralang publiko, kampo ng mga military, pribadong opisina at iba pa. Ang mga usapin sa
mga di-publikong forum ay limitado, mahigpit na tinatalakay sa mga miyembro ng pangkat at
natatakdaan ng mga impormasyon na para lamang sa pangkat at sa mga miyembro.

Iba pang uri ng forum


Ang kasalukuyang pagbabago at mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at paglikha ng iba’t ibang
platforms na pang-media ay nakapagdulot ng madernong uri ng forum. Ang mga aplikasyon pang-
social media tulad ng facebook, messenger, tweeter, instagram at iba pang mga eksklusibong
aplikasyon ay nakapagsasagawa ng mga forum at ito ay tinatawag na internet forum. Ang internet
forum ay isang uri ng sistema ng computer conferencing kung saan ang guests, members,
administrators at moderators ay pangkatang nagsasagawa ng pag-uusap o pagtalakay hinggil sa isang
paksa, o isang layunin at/o kaya’y mga gawain. Ito ay karaniwang eksklusibo o di-publiko. Sa
pamamagitan ng aplikasyong gamit ng pangkat, ang forum ay maaaring maisakatuparan sa
pamamagitan ng mga posts (mensaheng isinusumite o ipinapaskil na naglalaman ng mga ideya, sagot
sa tanong, panukala o iba pang mahalagang impormasyon) o kaya ay sa pamamagitan ng video na mas
kilala bilang video conferencing. Ang mga naipon na posts na nagiging thread o conversation thread
P a h i n a 153 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

ay karaniwang nakapaskil at nababasa at nagsisilbing reference ng mga usapan sa forum (bagamat ang
mga ito ay maaaring burahin kung nanaisin ng kasama sa internet forum).

Ang mga guest ay ang mga indibidwal na nagnanais maging miyembro ng pangkat bagamat
hindi pa nabibigyan ng buong access at karapatan o kalayaan na magbukas ng usapin o paksa. Ang
kanilang partisipasyon ay limitado lamang sa paghahayag ng mga post. Ang mga miyembro naman ay
iyong mga indibidwal na nabigyan ng buong access, kalayaan at karapatan na maging bahagi sa usapin
anumang oras na kanilang naisin. Ang administrator ang kumakatawan bilang pinakapinuno ng forum.
Siya ang gumaganap bilang tagatanggap ng mga miyembro at moderator na rin ng forum. Sa mga
internet forum, kadalasang ang naisasagawa ay pagtatanong, pakikipagtalakayan, pagsasagawa ng
sarbey, paghingi ng opinyon tungkol sa isang paksa at pakikipagdebate.

Seminar, Lecture at Workshop


Madalas ay naipagkakamali ang seminar sa lecture, lecture sa workshop at workshop sa
seminar. Ano-ano ba ang katangian ng mga ito? Ano-ano ang kanilang pagkakatulad-tulad at
pagkakaiba-iba?

 Seminar
Ito ay isang uri ng instruksyong akademiko na karaniwang isinasagawa ng iba’t ibang pribado
at publikong organisasyon. Layunin nito ang pagtalakay sa mga natatangi o piling paksa ayon sa
natukoy na pangangailangan ng isang pangkat. Ito ay ginagamit bilang isang paraan ng pagtuturo
upang matalakay ang napapanahon at mahahalagang paksa na makatutulong sa pagtamo ng mga
bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan at paraan din upang mailahad ang mga kaalaman mula sa
mga isinagawang pananaliksik at pag-aaral.

Ang seminar ay maaaring uriin sa dalawa. Ayon sa pangkat ng nagsasagawa nito at ayon sa
saklaw. Ang ayon sa pangkat ng nagsasagawa ng seminar ay mauuri sa tinatawag na tutor facilitation
at student facilitation. Ang tutor facilitation ay tumutukoy sa seminar na pinamamahalaan ng
eksperto na siyang namumuno sa daloy ng talakayan at ang student facilitation naman ay tumutukoy
sa seminar na pinamamahalaan ng mag-aaral.

Ang ayon sa saklaw ng seminar naman ay maaaring mini, major, pambansa at pandaigdig na
seminar. Ang mini seminar ay sumasaklaw lamang sa mga paksang tiyak at di-gaanong malawak. Hindi
rin malaki ang bilang ng pagdalo sa seminar na ito, madalas na sampu hanggang dalawampu lamang.
Ang uring ito ay nauugnay sa pag-uulat sa maliit na pangkat kung saan maaaring maisagawa sa loob
ng klasrum o kaya ay isang silid na maaaring ang interaksyon ay di na nangangailangan ng paggamit
ng mikropono. Ang mini seminar ay isang mahusay na pagsisimula bilang paghahanda sa mga seminar
na may maliit na saklaw ng pagdalo tulad ng seminar ng isang departamento. Ang major seminar
naman ay iyong mga isinasagawa ng isang institusyon o ng isang departamento na may higit na bilang
ng pagdalo kaysa sa mini seminar. Ang halimbawa nito ay ang mga seminar na maaaring daluhan ng
mga guro at mag-aaral upang talakayin ang mga paksa na mahalaga sa larangan ng pagtuturo. Sa mga
institusyong pribado, maaaring ang major seminar ay maisagawa upang talakayin ang mga layunin,
tunguhin at mga gampanin ng mga miyembro ng institusyon. Isa pang uri ayon sa saklaw ay ang
pambansang seminar. Ito ay isinasakatuparan ng mga samahan, pangkat o organisasyon na ang
pagdalo ay hindi lamang mula sa isang rehiyon kundi pagdalo ng mga sangkot na indibidwal mula sa
iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa ganitong uri ng seminar, isang tiyak na paksa ang inilalatag upang
tatalakayin ng mga pili at kuwalipikadong tagapagsalita. Ang pandaigdigang seminar ay tumutukoy sa
mga seminar na isinasakatuparan na dinadaluhan ng mga organisasyon mula sa iba’t ibang dako ng
daigdig. Higit na malawak ang saklaw ng seminar na ito na karaniwang global ang tinatalakay.

May apat na mahahalagang elemento ng seminar. Ito ay ang papel, presentasyon, talakayan
at kongklusyon.

P a h i n a 154 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

PAPEL

KONGKLUSYON SEMINAR PRESENTASYON

TALAKAYAN

Apat na elemento ng seminar


Ang mga nabanggit na elemento ng seminar ay nagkakaugnay-ugnay at nagkakatulong-
tulungan para sa kaayusan nito. Ang papel ay tumutukoy sa maayos na paghahanda ng sipi na
naglalaman ng paksang tatalakayin. Kasama rito ang paghahanda ng programa at poster na
karaniwang pasulat. Ang presentasyon ay ang pamaraan, estilo, kahusayan at kawilihan ng
tagapagsalita sa paglalahad ng paksa. Sa presentasyon naipakikita ang kahusayan at kasanayan ng
tagapagsalita sa pagtalakay ng papel na inihanda. Ang talakay ay kumakatawan sa mga
pagpapaliwanag ng mahahalagang kaisipan kasama na ang pagsagot sa mga tanong hinggil sa paksa
at ang kongklusyon ay tumutukoy sa pagbuo ng mga bagong kaalaman mula sa mga pagtalakay.

 Lecture
Ang lecture ay kasingkahulugan ng panayam. Ito ay isang pamaraan ng pagtalakay sa isang
tiyak na paksa na maaaring karaniwang gawain, isang kalakaran o pamaraang nakaugalian. Isa itong
proseso ng pagtalakay sa paksa na nangangailangan ng mga estratehiya, pamaraan at dulog na
iniaayon sa mga katangian ng tagapakinig. Sa katunayan, ang lecture ay nauugnay sa seminar sapagkat
ang mga ito ay magkatulad sa pamamaraan ng pagtalakay. Naiiba lamang ang seminar sa lecture
sapagkat ang lecture ay maaaring isakatuparan ng isang eksperto (hinggil sa paksa) anumang oras at
araw na naisin para sa mga tiyak na tagapakinig samantalang ang seminar ay nangangailangan ng
ibayong paghahanda at isinasagawa ito ayon sa pangangailangan. Halimbawa, ang lecture ay
maaaring isagawa araw-araw ng isang guro sa harap ng kaniyang mga mag- aaral at tinatalakay ang
mga konsepto ng isang aralin alinsunod sa kaniyang inihandang silabus. Ang seminar naman ay
isinasagawa ng isang tagapanayam na eksperto sa isang tiyak na larangan hinggil sa napagkasunduang
paksa, sa napagkasunduang araw at lugar sa harap ng mga tagapakinig na may magkakatulad na
katangian at hangarin.

Apat na bahagi ang dapat maisaalang-alang sa pagsasagawa ng lecture. Una ay ang malawak
na kaalaman sa paksa. Ang tagapagsalita, gayundin ang mga tagapakinig, ay nakauunawa kung ano
ang paksa at kung bakit ang paksa ay kailangang talakayin. Ang tagapagsalita ay nararapat na
magkaroon ng malawak kaalaman sa paksa at naiuugnay ang kahalagahan nito sa iba pang larangan.
Ang mga bagong usapin, isyu, siyentipiko at panlipunang pagkakaugnay ng paksa ay nararapat
maipaliwanag upang maunawaan nang husto ang paksa at maiaangkop sa sarili ang kahalagahan nito.
Ikalawa ay ang kahusayan at kasanayan sa pagsasalita. Kung ang kaalaman sa paksa ay mahalaga, higit
na mahalaga ang kasanayan sa pagsasalita dahil anumang kaalaman mayroon ang tagapagsalita kung
hindi naman nito maihahatid nang maayos ay wala ring halaga sa mga tagapakinig. Lalong-lalo na
kung ang mga tagapakinig ay maraming tanong ukol sa paksang tinatalakay sapagkat ang pagtatanong
at pagsagot ay nakadaragdag at nakapagpapalawak ng pag-unawa sa paksa. Ikatlo ay ang kasanayan
sa pamumuno. May kakayahan ba ang tagapagsalita na pamunuan ang pangkat upang siya ay

P a h i n a 155 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

pakinggan? Nakahihikayat ba ang tagapagsalita na makinig ang mga dumalo? Ang mga katangian tulad
ng pagkakaroon ng mahusay na pagpapasya, pagkukusa, pagtitiyaga, pagkamahikayatin at kasanayan
sa pakikibagay sa mga dumalo ay ilan lamang sa dapat taglayin ng tagapamuno. Ikaapat ay ang mga
katangian at ugaliin ng pangkat ng tagapakinig. Kung marunong makibagay ang tagapamuno, kasabay
nito ang pag-ayon ng mga tagapakinig. Kung ang tagapagsalita ay may kakayahang magpatawa sa
panayam, nahihikayat nito ang kalooban at pakikibahagi ng mga dumalo. Samakatuwid, ang tagumpay
ng isang lecture ay nakasalalay sa apat na bahaging ito.

 Workshop
Ang workshop ay isang pagpupulong o pagtitipon ng mga indibidwal na may iisa o iba-ibang
katangian ngunit may isang tunguhin. Ang mga indibidwal na kasangkot ay binibigkis ng layuning
makapagsagawa ng detalyadong pagtalakay sa isang paksa na susundan ng masinsinan o matinding
pagsasanay para sa pagbuo ng isang proyekto. Ang workshop ay kasingkahulugan at nauugnay sa
salitang pagsasanay o training. Dalawa ang mahalagang layunin ng pagsasagawa ng workshop—
maglahad at makapagbigay ng mga impormasyon ukol sa piniling paksa at magsanay ng mga
indibidwal upang maisakatuparan ang isang proyekto. May kabutihan ang pagsasagawa ng workshop
dahil sa pamamagitan nito’y nakapagsasanay ang mga delegado na bumuo ng mga plano at
magdisenyo ng mga proyekto bukod sa natatamo rin ang mga kaalamang kinakailangan ng pangkat.

Hindi tulad ng seminar at lecture na dinadaluhan ng mga indibidwal na may magkakatulad na


katangian, ang workshop ay maaaring daluhan ng pangkat na may iba-ibang katangian o heteregenous
group. Gayunman, tulad ng seminar at lecture, ang workshop ay tumutungo sa isang layunin na
maunawaan ang isang tiyak na paksa. Lamang, ang workshop ay higit na nakatuon sa maaaring maging
output pagkatapos ng pagsasanay. Ang isa pang mabuting katangian ng workshop ay maaaring
magkaroon ng tuwirang interaksyon ang mga facilitator at mga dumalo kaya napananatili at
napagtitibay ang ugnayan ng bawat isa. Dahil dito, napapamahalaan nang mabuti ang mga pagtalakay,
ang mga halimbawa at ang mga pagsasanay kaya natatamo nang may pagpapahalaga ang mga layunin.

Seminar, workshop, lecture at training, ano ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba? Katulad ng
nabanggit na, ang seminar, lecture at workshop ay magkakatulad sa dahilang ang ilan sa mga layunin
ng mga ito ay ang maglahad ng isang tiyak na paksa, magpaliwanag ng mahahalagang konsepto at
magbigay ng sapat na impormasyon ayon sa mga pangangailangan ng mga dumalo. Nagkakaiba-iba
ang mga ito sa mga pamamaraan ng pagsasagawa. Halimbawa, ang workshop ay maaaring nakapaloob
lamang sa isang seminar at hindi ito maaaring makapag-isa sapagkat pangangailangan ang pagtalakay
sa paksa bago ang pagsasanay at pagbuo ng output. Ang training ay isang pagsasanay.
Nangangahulugan na tuon nito ang pagtamo ng mga kasanayan samantalang ang workshop ay
nakatuon sa kaalaman at pagtamo ng kasanayan. Ang proseso ng workshop ay ang pagkakasunod ng
pagtalakay sa paksa, pagsasanay at pagbuo ng output. Sa training, ang proseso ay maaaring
magkasabay na pagtalakay ng paksa at pagbuo ng output.

P a h i n a 156 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

Ang sumusunod ay mga sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ang paggamit ng wikang Filipino
ay pangangailangan. Batay sa mga inilahad na sitwasyon, ano sa mga nabanggit na sitwasyong
pangkomunikasyon ang maaari mong gawin upang maitupad ang layunin? Isulat ang sagot sa patlang.

__________________ 1. Naatasan ka ng iyong guro na talakayin sa harap ng mga kamag-aral ang


paksa tungkol sa ugnayan ng wika at kultura.

__________________ 2. Bago pa magpasukan, natukoy mo ang suliranin ng departamento na


kailangang mailahad ang mga pagbabago sa kurikulum.

__________________3. Nais mong maglahad ng mahahalagang impormasyon tungkol sa


epektong social media sa tao sa iyong mga tagapakinig na nasa iba-ibang
bansa.

__________________ 4. Hindi lahat ng iyong empleyado ay mahusay sa paggawa ng powerpoint


presentation. Kaya nais mong linangin ang kanilang kasanayan sa
pagbuo ng powerpoint presentation.

__________________ 5. Nais mong maging mahusay ang kaalaman ng mga out of school youth sa
paggawa ng online marketing. Nais mo ring pagkatapos ng talakayan ay
makabuo sila ng kani-kanilang halimbawa.

Tukuyin kung anong uri ng sitwasyong pangkomunikasyon ang binabanggit sa mga pahayag. Isulat
ang sagot sa patlang.

__________________6. Sitwasyong pangkomunikasyon na karaniwang nakapaloob lamang sa


isang seminar at hindi makapag-isa sapagkat pangangailangan ang
pagtalakay sa paksa bago ang pagsasanay at pagbuo ng output.

__________________7. Pagtalakay sa loob ng 15-20 minuto hinggil sa isang tiyak na paksa sa


maliliit at malalaking pangkat.

__________________8. Kasingkahulugan ito ng panayam at isang pamaraan ng pagtalakay ng


tiyak na paksa na maaaring karaniwang gawain, isang kalakaran o
pamaraang nakaugalian.

__________________9. Ginagamit sa pagtuturo upang matalakay ang napapanahon at


mahahalagang paksa na makatutulong sa pagtamo ng mga bagong
kaalaman sa iba’t ibang larangan.

__________________ 10. Ito ay isang pagsasanay na nakatuon sa pagtamo ng mga kasanayan.

P a h i n a 157 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 158 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Symposium at Kumperensya
Pangunahing sagabal sa proseso ng komunikasyon ang pagkakaroon ng suliranin sa wika. Wika
ang nagsisilbing midyum upang maihatid ang mensahe sa kapwa. Ito rin ang nagsisilbing midyum
upang maintindihan ng nakikinig ang mensaheng nais na ipaabot sa kaniya. Bagamat may mga
komunikasyong di-berbal o kaya’y hindi ginagamitan ng wika, pangunahin pa rin ang paggamit ng wika.
Ang hindi ganap na pagkaunawa o pagkaalam sa paggamit ng wika ay nagsisilbing hadlang sa mabisang
komunikasyon.

Gawin

Basahin ang kasunod na sanaysay at gawin ang ipinagagawa sa ibaba nito.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon


Halaw mula sa: http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/sanaysay-tungkol-sa-edukasyon.html

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na
edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natututuhan sa apat na sulok ng
ating mga paaralan at/unibersidad. Bagama’t kasama ito sa mga pangunahing elemento upang
magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan na bunga ng mga pormal na pag-aaral hinggil sa Mathematics, Science,
Language at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay nang maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa.
Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay
at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ang siyang magdadala sa kanila sa inaasam na
mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at


impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na
humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga
mabubuti at mga magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging
sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila
hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.
Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan ng isang tao upang magkaroon ng mga
kaalaman hinggil sa kaniyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng
mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang
mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Nararapat na ang kabataan ay magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang


karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang sasandatahin upang
matagumpay na malampasan ang mga hamon ng buhay na kanilang haharapin. At dahil sila ang ating
pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin ang karampatang edukasyon na kailangan nila upang
maabot ang mga pangarap na nais nilang tuparin— para sa kanilang sarili, para sa kanilang mga mahal
sa buhay, at higit sa lahat… para sa bayan!

Ibuod ang mga kaisipang mahahalaw sa teksto sa pamamagitan ng pangkatang pagtalakay. Gawing
gabay ang sumusunod na tanong. Ilahad sa klase ang naging sagot ng pangkat sa bawat tanong.

1. Hinggil saan ang binasang sanaysay?


2. Ano-ano ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay?
3. Ipaliwanag ang pahayag na: Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan.
4. Isa-isahin ang mga kaisipan/aral na maaaring mapulot mula sa sanaysay.

P a h i n a 159 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

5. Bilang kabataan, paano mo mapapakinabangan ang mga kaisipan/aral na ito?


6. Bakit sinasabing sandata ng mga kabataan ang edukasyon?

Pamantayan sa Pagsasagawa

Miyembro KASANAYAN NILALAMAN PAKIKIBAHAGI Kabuoan


Kahusayan sa Kaayunan ng Kontribusyon (25)
pagtalakay ng pagtalakay sa sa talakayan (5)
paksa (10) paksa (10)

Alamin

Maraming dapat isaalang-alang sa larangan ng komunikasyon upang mapagtagumpayan ang


mahusay na pagsasagawa nito. Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika
(Halimbawa, ang mga tagapagsalita na Tagalog ang unang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalita
ng Tagalog), nagiging natural lamang o hindi na kailangang pag-isipan ang paggamit ng naaangkop na
pahayag ayon sa sitwasyon. Gayunman, para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutuhan
kung paano “lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto, na may
pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng interaksyon, at itinatakdang
kumbensyon ng interaksyon” (Freeman at Freeman, 2004).

Nakalikha at nilinaw ng sosyolinggwistang si Dell Hymes (1974) ang modelo na maaaring


isaalang-alang sa pag-aanalisa ng mga diskurso sa loob ng bawat komunikasyon sa iba’t ibang
sitwasyon. Ang mga ito ay mahalagang salik sa lingguwistikong interaksyon na tinawag niyang
SPEAKING Model.
.
Setting and Scene (Saan nag-uusap?). Tumutukoy ito sa panahon at lugar na maaaring
kinaganapan ng komunikasyon o diskurso.

Participants (Sino ang nag-uusap?). Sino ba ang tagapagsalita at sino ang tagapakinig? Isa ito
sadapat isaalang-alang sa mabisang komunikasyon. Sakultura ng mga Pilipino, isang normal
na tagpo na kapagmatanda ang kausap ay gumagamit ng po at opoang nakababata sa
pagsagot o pagsang-ayon sa kanila.

Ends (Ano ang layunin ng pag-uusap?). Napakahalagang isaalang-alang ang isang mananalita
ang kaniyang layunin sa pakikipag-usap bago magsalita. Sa kabilang dako naman ay
kinakailangan ding magtalaga ng layunin ang tagapakinig kung bakit siya makikinig. Higit na
mapagpaplanuhan ang mga salita at paraan ng pananalita kapag maliwanag ang nilalayon sa
pagsasalita.

Act Sequence (Paano dumadaloy ang usapan?). Ito ang pagkasunod-sunod na pangyayari
habang nagaganap ang komunikasyon.

Keys (Kabuoang tono o kaanyuhan ng pagsasalita). Hindi kapani-paniwala sa isang nagagalit


ang nakangiti habang nagpapahayag ng saloobin. Kinakailangang bumagay sa tono ng
pananalita ang mga katagang lumalabas sa bibig. Kinakailanganang katanggap-tanggap at
akma ang mga kilos, pananamit at tono ng pagsasalita sa bawat okasyon.

P a h i n a 160 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Instrumentalities (Anyo at estilo ng pananalita). Sa usapang pangmedisina, may mga angkop


na register ng wika na dapat na gamitin; gayundin sa usaping legal o kaya’y teknikal.
Halimbawa na lamang ang salitang jumper, kapag ang terminong ito ay ginamit sa IT ay
nangangahulugang maikling kable o kaya’y optical fiber na ginagamit upang makalikha ng
halos permanenteng koneksyon sa pagitan ng mga circuit sa distribution frame o patch panel.
Samantala, sa usaping pananamit, ito ay walang manggas na damit na karaniwang
ipinapatong sa blusa. Sa basketbol ay tumutukoy ito sa player na tumatalon kapag tumitira ng
free throw. Sa elektrisidad naman, ito ang ilegal na koneksyon na ginagawa upang
makapagnakaw ng koryente. Kinakailangang isaaalang-alang nang maigi ang estilo ng wikang
gagamitin nang sa gayon ay magkaroon ng tamang pagkakaunawa sa mga katagang
binibitiwan ng nagsasalita.

Norm (Pinakaangkop o pinakakatanggap-tanggap na kilos o gawi sa paksang pinag-


uusapan). Kung pambabae ang usapin, hindi kinakailangang makisawsaw ang mga lalaki,
gayundin, ang mga bata ay hindi dapat nakikisabat sa usapan ng mga matatanda. Dapat
lamang na umakto nang naaayon sa paksa at katayuang ginagampanan sa bawat usapin.
Pinakaangkop na modelo nito ang panonood ng mga dula na bawat aktor ay may kani-
kaniyang papel na ginagampanan, at nakasalalay sa kawastuhan ng kanilang pagganap ang
katagumpayan ng dula. Ganito rin sa loob ng komunikasyon, hindi magiging matagumpay ang
komunikasyon kung hindi umaaangkop ang gampanin ng ispiker o nakikinig.

Genre (Uri ng Pagpapahayag). Umiikot sa apat na genre ng anumang uri ng pagpapahayag.


Maaaring ito ay nagsasalaysay, naglalarawan, naglalahad o kaya’y nangangatwiran.
Mahalagang mabatid ng nagsasalita ang genre ng kaniyang kausap nang sa gayo’y maiayon
niya ang genre na kaniyang gagamitin.

Ang mga nabanggit ni Hymes ay lubos na nakatutulong para sa mahusay ng pagpapahayag


lalong-lalo na sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ay ginagamit ang wikang
Filipino. Kaugnay nito, kung tayo ay nakikibahagi sa isang talakayan, dapat ay nasusunod ang
prosesong lumilinang ng makrong kasanayan sa pakikinig, pag-iisip at pagbibigay ng kuro-kuro o ideya
sa sinabi ng tagapagsalita. Ang isang mag-aaral na lumalahok sa mga gawaing ito ay nahahasa at
umuunlad ang kakayahang magsalita, magpaliwanag at mangatwiran. Ayon nga kay Tawanan, et al.
(2004), may mga kapaki-pakinabang na matatamo sa pagtatalakayan. Nalulutas ng mag-aaral ang
kaniyang suliranin sa mapayapang paraan. Nagiging bihasa at tiyak sa pagpapayahag ng kuro-kuro sa
pamamagitan ng mabisang pakikipag-usap. Higit sa lahat, nalilinang ang mga katangian ng
pagkamaginoo, pagkamagalang, pagkamatimpi at pagkakaroon ng bukas na isipan.

Sa sumusunod na talakay ay nakalahad ang iba pang mga sitwasyong pangkomunikasyon.


Katulad ng mga nauna nang nailahad na sitwasyon, ang sumusunod na uri ay mahalaga rin sa paglinang
ng kahusayang komunikatibo.

 Symposium
Ang symposium ay isang interaksyon o talakayang pangkatan hinggil sa isang tiyak at
napapanahong isyu. Mauuri ito sa dalawa, pormal at di-pormal na symposium. Kadalasan, pormal ang
gamiting anyo ng symposium lalo na sa mga paaralan o unibersidad (Pasturan, 2015).

Ito’y tinatawag ding “pagpupulong bayan.” Isang pangkat na karaniwa’y binubuo ng apat
hanggang anim na dalubhasang tagapagsalita na inanyayahan upang talakayin ang iba’t ibang aspekto
ng ilang mahahalagang isyung pampubliko. Bawat isa’y naghahanda ng sariling talumpati hinggil sa
isang aspekto ng paksa na inilaan ayon na rin sa larangang kaniyang pinagdalubhasaan. Ang tserman
o tagapangulo ang nagsasaayos sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga tagapagsalita nang hindi
maguluhan ang mga tagapakinig. Bawat tagapagsalita ay ipinakikilala ng tagapamagitan o moderator
at bawat pagtatalumpati ay may takdang haba ng oras.

Ang talumpati ay maaaring harapang binabasa, o kaya’y may balangkas na sinusulyap-


sulyapan lamang. Ang inihandang talumpati kung minsan ay ipinakokopya o ipanamimigay bago

P a h i n a 161 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

magsimula ang sesyon nang sa gayo’y masundan ng mga tagapakinig ang inihahayag ng tagapagsalita
lalo na’t kung mahina siyang magsalita o mahina ang abot ng tinig (kung may diperensya ang
mikropono). Ito’y nakatutulong din sapagkat pagkatapos ng sesyo’y muli itong mababasa ng kalahok
pagdating sa kanilang bahay at/o maaari ding gawing sanggunian (Fernando, et al., 1977). May
talakayan ang mga tagapagsalita at mga tagapakinig matapos ang mga talumpati.

Pagpaplano ng symposium
Binaggit ni Corpuz (2016) na ang symposium ay isang pagtitipon kaugnay ng isang paksa kung
saan may ilan/maraming tagapagsalita ang magbabahagi o maglalahad para sa mga imbitadong
tagapakinig o kalahok. Ang staff ay nahahati sa iba't ibang komite upang mapag-ukulan ng pansin ang
bawat bahagi ng gawain.

2 5

1 3 6 8

4 7

Pagpaplano ng symposium
(https://prezi-com/zjxadzfejqw3/pagsasagawa-ng-symposium/)

1- Mga detalye ng symposium. Dapat tandaan ang mahahalagang detalye tulad ng petsa at
oras ng symposium, lugar, komite, pagmumulan ng pondo, pagkakagastusan, paksang tatalakayin at
mga mga tagapagsalita.

2- Pagreserba ng mga kagamitan at ng lugar na pagdadausan. Isaisip din ang mga kagamitan
tulad ng mesa at silya, sound system, LCD projector, mga gamit sa dokumentasyon at maging ang
kaangkupan nito sa lugar na pagdadausan.

3- Pakikipag-usap sa caterer para sa pagkain. Mahalaga ring isaalang-alang ito lalong-lalo na


kung ang symposium ay gaganapin sa buong araw o higit pa.

4- Pagpapaalam sa madla ng mga detalye hinggil sa symposium. Tumutukoy sa paghahanda


ng mga pabatid tulad ng liham para sa mga dadalo, poster, patalastas at iba pa.

5- Pagbuo ng programa para sa symposium. Para sa kaayusan ng mga gawain, ihanda rin ang
pagkakasunod-sunod ng mga programa at ipabatid ang mahahalagang detalye sa mga ispiker.

 Kumperensya
Ayon kay Shah (2018), ang kumperensya ay isang sitwasyong pangkomunikasyon kung saan
ang tagapagsalita o eksperto sa piling larangan ay inanyayahan upang magbahagi ng kaniyang mga
pananaw sa iba't ibang mga paksa sa mga delegado. Ito ay nakikita rin sa konsultasyon o talakayan sa
pagitan ng mga estudyante at ng kanilang tagapayo.

Ang kumperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pulong kung saan ang mga kalahok ay
nagkakaroon ng pagbabago sa kani-kanilang pananaw sa iba't ibang paksa. Maaari itong maganap sa
iba’t ibang larangan kaya maaaring magkaroon ng kumperensya ng mga guro, magulang, doktor, mga

P a h i n a 162 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

atleta at sa anumang larangan ng pampalakasan, mga mangangalakal, mamamahayag, mga iskolar sa


pananaliksik at iba pa.

 Ang Paghahanda sa Pakikipagtalakayan


Upang maging maaayos ang isasagawang kumperensya, isaalang- alang ang sumusunod na
gawain:

1. Pagpili ng Paksa. Dapat kawili-wili at makapukaw-usisa sa lahat ng mga kalahok ang paksa na
naglalaman ng isang suliraning hangga’t maaari’y mabigyang-liwanag at kalutasan. Ibigay ang
paksa sa mga kalahok o tagapakinig.
2. Pagkuha ng mga kakailanganing materyales. Upang maipaliwanag nang husto sa
makatotohanan at kapani-paniwalang paraan, may awtoridad, wika nga; at ito’y ganap lamang
kung ang mga katibayan o ebidensya, mga datos at iba pa ay malawak na nalilikom at mainam na
napag-aaralan, kabilang na ang matiyagang pananaliksik at obhetibong pagmamasid.
3. Balangkasing maigi ang paksa nang sa gayo’y maiayos ayon sa tamang pagkasunud-sunod ang
kahalagahan ng mga katunayang sasabihin. Bukod dito, madaling makikinita sa pamamagitan ng
pagbabalangkas ang katanungang maaaring itanong ng mga tagapakinig. Upang mahusay na
masunod ito, pagsanayan ang pagsasalitang gagawin.

 Mga Dapat Tandaan sa Talakayan


Para sa ikatatagumpay ng kumperensya at sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon
dapat mabatid ang sumusunod na kaisipan:

1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan.


2. Makibahagi at huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik.
3. Huwag lumihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan.
4. Maging obhektibo o walang kinikilingan sa pamumuna. Ang kakitiran ng utak at pagka-
emosyonal ay maaaring lumikha ng gulo sa halip na maremedyuhan kaagad ang problemang
tinatalakay.
5. Maging mapagbigay. Iklian lang ang sasabihin. Alalahaning hangad din ng iba ang magpahayag
at makatulong.
6. Maging matapat sa sarili. Panindigan ang sariling katwiran subalit matutong tumanggap ng
kamalian. Sakaling hindi gaanong angkop ang mungkahing ibinibigay, maging bukas ang isipan
para sa mga idea ng iba.
7. Hangga’t maaari, huwag sasalungat sa katwiran ng higit na nakararami.
8. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alitan sa mga kasama. Ang pagpipigil ay hindi
kaduwagan. Walang maidudulot na kabutihan ang init ng ulo o pagpapawala ng hinahon at
pagkamataas, bagkus, ito’y magiging hadlang lamang sa kalutasan ng problemang tinatalakay
at kasiraan ng sariling pagkatao ang magiging epekto.

 Tungkulin ng Tagapangulo ng Pagtatalakayan


May mahalagang tungkulin sa talakayan ang tagapangulo. Ang mga tungkuling ito ay
nararapat na magampanan nang mabuti upang ang pagpapadaloy ng kumperensya ay maayos.

1. Tagapagsimula. Ipinakilala niya ang suliraning tatalakayin, ang sanhi nito at ang layunin ng
talakayan at ang mga dalubhasang tagapagsalita.
2. Pinananatili niyang maayos ang lahat sa pagtatalakayan. Ang mga naliligaw sa paksa, na
makagugugol lamang ng oras at ang mga maiinitin ang ulo ay pinaaalalahanan niya.
3. Tagapagpaunlad. Inaakit niya ang mga tagapakinig na maglahad ng kani-kaniyang opinyon
at katanungan tungo sa ikalilinaw ng iba pang mga suliranin.
4. Tagapagwakas. Matapos ang talakayan, tanungan at sagutan ng lahat, binubuod niya ang
mga napag-usapan o mga napagkasunduan.

P a h i n a 163 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 164 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pasulat
A. Pagtatapat-tapat. Itapat ang mga kaisipan/konsepto na mababasa sa Hanay B sa mga katawagang
mababasa sa Hanay A. Isulat ang letra ng iyong sagot sa laang patlang.

Hanay A Hanay B
_____ 1. Ends A. Sino ang nag-uusap?
_____ 2. Keys B. Anyo at estilo ng pananalita
_____ 3. Setting and Scene C. Paano dumadaloy ang usapan?
_____ 4. Norm D. Bakit ito ang pinag-uusapan?
_____ 5. Participants E. Ano ang layunin ng pag-uusap?
_____ 6. Instrumentalities F. Uri ng Pagpapahayag
_____ 7. Kumperensya G. Kabuoang tono o Kaanyuan ng Pagsasalita
_____ 8 Genre H. Isang pormal na pulong ng mga tao
_____ 9. Act Sequence I. Saan nag-uusap?
_____ 10. Symposium J. Bakit nag-uusap?
K. Pinakaangkop o pinakakatanggap-tanggap na kilos
L. Isang pormal na pagtitipon sa akademikong gawain

B. Pagpupuno-sa-Patlang. Gamit ang dayagram sa ibaba, ibigay ang mga pagkakatulad at pagkakaiba
ng Symposium at Kumperensya.

Pagkakaiba Pagkakatulad

_____________________
_____________________
_____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_______________ _______________ _____________________
_____________________

P a h i n a 165 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

II. Pasalita
A. Basahin, pag-aralan at unawain ang halimbawa ng plano ng symposium na nasa ibaba. Bumuo
ng grupo na may 5-6 kasapi at gumawa ng isang plano ng symposium. Ibahagi sa klase ang
inyong awtput.

Paksa: Kahalagahan ng Wika

Lider: Anna Javillo

Tagasulat: Fhoebe Medrano & Ella Manlapig

Taga-ulat: Tristan Adriano, Lorenzo Dela Peña, Jerome Faustino

Paksa at Tema: Ang aming napiling paksa ay ang kahalagahan ng wika. Nais naming ipakita sa lahat
ang tunay na kahalagahan nito at kung bakit kinakailangan natin itong linangin at pahalagahan. Isa
sa aming mga layunin ay ibahagi ang mga benepisyong naibibigay ng wika, maliban sa pagpapahayag
ng saloobin.

Ibig din ng aming pangkat na ipresenta sa lahat ang aming mga nalikom na impormasyon hinggil sa
ating Wikang Pambansa. Hindi lingid sa amin na karamihan sa mga estudyante sa ating panahon ay
binabalewala na lang ang wikang ating kinamulatan.

Tagapagsalita: Pumili kami ng tatlong kinatawan sa aming pangkat na sina Tristan Adriano, Lorenzo
Dela Peña, at Jerome Faustino, upang magbahagi ng kanilang mga kaalaman hinggil sa natukoy na
paksa. Mabibigyan ng panahon ang mga delegado upang magtanong sa mga tagapagsalita nang
maliwanagan ang kanilang isipan.

Delegado: Ang mga delegado na dadalo sa aming symposium ay ang mga mag-aaral na kumukuha
ng kursong edukasyon.

Programa: Ang programa ay magsisimula eksakto ala-una ng hapon sa ika-07 ng Nobyembre, 2018.
Sisimulan ito sa pamamagitan ng pag-awit ng pambansang awit, na susundan ng maikling
pambungad na pananalita ng isa sa mga kinatawan ng aming grupo.

Ganapan: Ito ay gaganapin sa College-AVR.

Materyales: Sa pagsasaliksik at paghahanda namin para sa symposium ay gagamit kami ng bolpen,


papel, folder, laptop at internet connection.

Source: https://www.scribd.com/document/340965108/Symposium-Panitikan

B. Bumuo ng pangkat na may 4-5 na kasapi. Pumili ng isa sa mga usapin sa ibaba at magsagawa ng
kumperensya. Sumangguni sa rubrik para sa pagtataya.

Mga usapin
1. Administrasyong Duterte 6. Karapatang pantao
2. TRAIN Law 7. Moralidad at edukasyon
3. Teenage pregnancy O Teenage delinquency 8. Epekto ng Social Media
4. Pagtanggap ng lipunan sa mga LGBTQ 9. Same Sex Marriage
5. Kapangyarihan ng Kababaihan 10. Iba pang paksa
(Women Empowerment) (Isangguni sa guro)

P a h i n a 166 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pamantayan sa Pagsasagawa ng Kumperensya

Miyembro KASANAYAN NILALAMAN PAKIKIBAHAGI Kabuoan


Kahusayan sa Kaayunan ng Kontribusyon sa (25)
pagtalakay ng pagtalakay sa talakayan (5)
paksa (10) paksa (10)

P a h i n a 167 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 168 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Roundtable at Small Group Discussion


Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang instrumento sa maayos at kapaki-
pakinabang na interaksyon ng mga tao. Ito ang nagsisilbing tulay na ginagamit ng tao upang
maipahayag ang anumang pangangailangan at mithiin. Sumasang-ayon ito sa sinabi ni Lachica (1999)
na binanggit sa pag-aaral ni Hernandez (2017), na ang wika ay nagpapaliwanag at naglalarawan sa
nararamdaman ng tao sapagkat itinuturing itong daluyan ng lahat ng uri ng komunikasyon. Itinuturing
din ito ng mga eksperto sa wika bilang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan.

Ang wika ay daluyan ng komunikasyon at sa pagkakaroon ng komunikasyon ay


naisasakatuparan ang ugnayan ng isang tao sa kaniyang kapwa. Bilang karagdagan, ang wika ay isang
kagamitan sa komunikasyon o pakikipagtalastasan na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin,
impormasyon, paniniwala at iba pa.

Katulad ng sa social media na pinapayagan tayo na ibahagi ang ilan sa ating mga opinyon in a
push of a button gamit ang wika. Magaan at maginhawa ang komunikasyong online, ngunit sanhi ng
kaniyang boundless at limitless na kaligiran, minsa’y nagbubunga ng hindi maayos na pagkakaunawaan
ang ganitong komunikasyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating itanong: Ano ang mabuti o
mainam na paraan upang makipag-ugnayan o makipag-usap sa mga malawakang paksain?

Gawain: Bigyang pansin ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1 Ano ang ipinapakita ng/sa mga larawan?


2 Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
3 Ang mga ito ba ay mahusay na paraan upang maging mabisa ang
pakikipagtalastasan?
4 Maliban sa mga ito, ano pa kaya ang ibang estratehiya upang ang komunikasyon
ay maisakatuparan?
5 Mayroon kayang proseso ang mabuting komunikasyon?

Source: https://www.answerplane.com/what-is-a-round-table-discussion/

 Roundtable Discussion
Ito ay kadalasang isang impormal na talakayan na karaniwang binubuo ng mula lima hanggang
sampung tao. Ito ay pinamumunuan ng isang tagapangulo subalit aktibong lahat ang mga kalahok kaya
hindi nasasarili ng tagapangulo ang pagsasalita.

Mabisa ang pamamaraang ito upang bumuo ng mga estratehiya, tukuyin ang mga pagkilos at
tuklasin ang mga solusyon. Ang roundtable ay pag-uusap hinggil sa mga isyu at naglalayong lumikha
ng sitwasyon na win-win sa halip na win-lose (Day, et al., 1998).

Sa roundtable, ang mga kalahok, maging sila ay nasa larangan ng negosyo, empleyado, lokal
na awtoridad, environmentalist, miyembro ng mga organisasyong nakabase sa komunidad, lahat ay
magkakapantay sa estado (Day, et al., 1998). Walang pinuno sa pamamaraang ito ngunit may isang
facilitator upang maging maayos at magaang proseso ng pagsasagawa.

1. Panuntunan sa Pagsasagawa ng Roundtable Discussion


• walang gagamit ng mobile phone
• tahimik ang lugar/ ang pagdarausan
P a h i n a 169 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

• walang anumang nakagagambalang ingay


• makinig sa iba, walang interuption ng speeches
• walang mga pakikipag-usap na peer-to-peer habang ang isa ay nagsasalita
• paggalang sa nakatakdang oras ng pagsasalita
• ang pulong ay nakatuon sa pinagkasunduan (walang dominasyon)
• aktibong pakikilahok ng lahat
• ang pagkakaiba sa mga opinyon ay hindi dadalhin nang personal
• may boluntaryong pakikilahok

2. Bago ang Pagsasagawa ng Roundtable

2.1. Bilang ng mga kalahok. Depende sa karanasan, limitahan ang bilang ng mga kalahok. Kung
mga first timer, ang 10-12 kalahok ay sapat nang bilang upang ito’y maisagawang mahusay.

2.2. Mag-set up ng agenda. Kailangan ang mga layunin bago magsimula. Kapag nag-set up ng
agenda para sa pulong, tiyakin na malinaw kung ano ang misyon at kung paano makakamit ang mga
tiyak na layunin.

2.3 Ayusin ang petsa at lugar na pagdarausan. Mahalaga na balaking mabuti ang pagpupulong.
Kakailanganin ng hindi bababa sa anim na linggo upang ihanda ang pagpupulong. Tiyaking may sapat
na espasyo at sapat na bilang ng upuan. Tingnan kung nag-aalok ang venue ng catering at
refreshments, kung hindi, gawin ang mga angkop na pag-aayos.

2.4 Mag-imbita ng mga kalahok. Mag-imbita ng mga kalahok 3-4 na linggo bago ang takdang
araw; isama sa agenda ang imbitasyon. Siguraduhing mag-imbita ng mga kalahok mula sa iba't ibang
propesyonal at di-propesyonal na sektor (hal. mula sa public sector, sa administrasyon, sa mga
asosasyon, sa pribadong sektor, sa komunidad, atbpa).

Kaugnay nito, humingi ng kumpirmasyon ng pakikilahok; maaaring kasama sa kumpirmasyon


ang pangalan o organisasyon ng mga kinatawan at impormasyon ng contact para sa mga update
dissemination. Ang imbitasyon na ipapadala 3-4 na linggo bago ang takdang araw ay naglalaman ng
sumusunod na elemento:

▪ nakikilala ang pinanggalingan


▪ mga layunin ng proyekto / roundtable
▪ agenda: paksa ng roundtable
▪ oras, haba at petsa, lokasyon ng gaganapin na roundtable
▪ mga tiyak na inaanyayahan
▪ oras ng pagsisimula ng roundtable
▪ address ng hosting institution
▪ mga detalye ng pagkontak
▪ kumpirmasyon ng follow-up
▪ maglakip ng karagdagang impormasyon tulad ng polyeto hinggil sa proyekto/paksa

2.5 Mga Tauhan. Kailangan ng tagapamagitan (facilitator) lalo na sa mas malaking grupo
upang masubaybayan ang proseso. Kung inaanyayahan ang mga pandaigdigang panauhin sa
roundtable, isipin ang posibleng pangangailangan para sa pagsasalin.

2.6 Pag-promote at pagsaasagawa ng pagpupulong. Tiyakin na mayroong nakumpirmang


petsa, oras at lugar bago simulang itaguyod ang pagpupulong. Maaaring gumamit ng media para sa
pag-aanunsyo ng diskusyon / pulong tulad ng:

• advertisement o mga anunsyo sa lokal na radyo / telebisyon


• postcard, leaflet o poster sa mga pampublikong lugar
• post sa mga blog / twitter ng mga tao na maaaring interesado sa mga kinalabasan ng
pagpupulong
• Pag-setup ng isang pangkat/pahina sa facebook upang doon i-post ang mga balita,
agenda ng pagpupulong, atbpa
P a h i n a 170 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

• Anyayahan ang mga lokal na mamamahayag na talakayin ang hinggil sa layunin ng


pagpupulong

2.7 Mga Kagamitan. Ang mga handout at mga visual na materyal ay kapaki-pakinabang.
Depende sa agenda, maaaring ihanda ang mga kagamitang ito bago ang pagpupulong.

3. Sa panahon ng pagsasagawa ng roundtable

3.1 Bago magsimula. Tiyaking dumating 30 minuto bago ang takdang oras upang suriin kung
handa ang lahat ng bagay o pangangailangan.

3.2 Simula ng roundtable. Ipakilala ang iyong sarili at ang facilitator, banggitin ang mga layunin
at agenda ng pagpupulong, na magpapahiwatig din ng magiging tungkulin ng mga delegado.
Ipaliwanag nang ilang sandali ang mga alituntunin at ang pamamaraan ng pagsasagawa.

3.3 Pamamahala ng roundtable. Mahalaga na may isang facilitator para sa pagpupulong.


Makapagpapagaan sa proseso kung taglay ng facilitator ang mga katangiang masayahin, matatag,
palakaibigan, may kumpyansa sa sining ng pagpapakilos at pagbuo ng pinagkasunduan.

3.4 Pagsusuri. Ipaliwanag ang pamamaraan ng pagsusuri at kung ano ang nais gawin sa
impormasyong iyon. Sa panahon ng pulong ay kumuha ng feedback at pagsusuri mula sa mga delegado
upang lalong mapabuti ang proseso ng pulong.

3.5 Pagtatapos ng roundtable. Magbigay ng pagbubuod at karagdagang impormasyon.


Tapusin ang pulong sa itinakdang oras at mag-iwan ng mga positibong paalala.

4. Pagkatapos ng Roundtable
Gumawa ng isang ulat hinggil pagpupulong at magbigay ng follow-up na gawain kaugnay nito
(ng isinagawang pagpupulong). Sulatan ang mga kalahok; pasalamatan sila sa pagdalo at ibahagi sa
kanila ang ulat. I-publish ang pagpupulong at ang mga isyu na tinalakay.

 Small Group Discussion

Source:https://www.google.com.ph/search?q=IMAges+of+SMALL+GROUP+discussion&tbm=isch&so
urce=iu&ictx=1&fir=3CNnkVBQcz6Z3M%253A%252Cp5ayy_CLNOPQNM%252C_&usg=__Kqo83kfoU
bzEsP_8J-8g-q8I-TM%3D&sa=X&ved=0ahUKEwivy8Cb_sbbAhUBC6YKHVMbB-
4Q9QEIKDAA#imgrc=_XReqdwJSfI3JM:

Ito ay isang tuwirang pag-uusap ng isang maliit na pangkat ng mga tao. Tinatalakay ang mga
problema/suliranin na mahalaga at binibigyan ang mga ito ng solusyon. Ang mga kasali rito ay
pasalitang nag-uusap-usap. Nagpapalitan sila ng kaisipan hinggil sa paksa/temang pinag-uusapan. May
sapat na lakas ang kanilang boses upang mapakinggan ng mga nakikinig ang kanilang diskusyon.
Mahalaga sa ikapagtatagumpay ng gawaing ito ang mabuting pagpaplano. Kung sa klase,
mainam na planuhin itong mabuti ng guro at ng mga mag-aaral na magsisipag-usap. Dapat na
magsaliksik at maghanda ang mga kasali sa paksang tatalakayin.

P a h i n a 171 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Impormal na usapan ito. Hindi ito pormal na pagtatalumpati o pulong na gagamitan ng mga
pormal na tuntunin sa pagpupulong. Gawin lamang maikli ang pagsagot sa usapan. Ang sagot ay dapat
na iukol sa mga kausap subalit may sapat na lakas para marinig sa buong silid-aralan. Dapat na makinig
at magsalita ang mga kasali sa pangkatang talakayan (Tumangan, et al., 1997).

Narito ang ilang paalala sa mga kalahok sa pangkatang talakayan.


1. Bawat kasali ay dapat nakapaghandang mabuti sa pamamagitan ng pagbabasa sa paksang
pag-uusapan. Alam niya ang kaniyang balangkas at nakahanda siyang sumagot sa bahaging
ang sagot niya ay makatutulong sa paglinang sa problemang pinag-uusapan.
2. Maging malaya ang pagsasagutan ng mga kasali.
3. Dapat na iukol nila ang kanilang atensyon sa ginagawa ng pangkat at hindi sa sarili lamang
nila.
4. Dapat nilang pakinggan at talakaying mabuti ang bawat isyung nakalahad.
5. Dapat silang maging mahusay na tagapakinig at maging interesado sa sinasabi ng kanilang
kasama.
6. Kailangang makatulong sila para mabuo ang solusyon sa problema.
7. Maaari silang sumagot at magbigay ng kanilang isipan nang hindi na kinakailangang tawagin
pa ng tagapanguna.
8. Magsalita sila nang may sapat na lakas para marinig ng mga kaharap at nakikinig.
9. Tumulong sila na mailapit o maipasok ang bagong isipan sa kanilang diskusyon.

Bakit gumagamit ng small group discussion o talakayang panggrupo?


• Kasiya-siya ito sa mga estudyante.
• Pinapayagan nito ang aktibong paglahok ng lahat.
• Ang mga mahiyain at hindi gaanong nagsasalita sa klase ay makapag-aambag.
• Ang mga mag-aaral ay matututo sa isa’t isa.
• Malilinang ang lahat sa pagpapahayag ng kani-kaniyang idea.
• Ang two way discussion ay laging mas malikhain kaysa sa indibidwal na pagpapahayag.
• Ang diskusyon ay mahalaga upang maklaro ang mga argumento hinggil sa mga paksa na wala
naman talagang “tamang sagot”

Mga dapat tandaan sa pagpapatakbo ng small group discussion o talakayang panggrupo


• Siguraduhin na ang gawain ay malinaw at may tiyak na patutunguhan.
• Tiyaking mayroong sapat na kaalaman at mapagkukunan upang makumpleto ang gawain.
• Huwag itong gawing masyadong mahaba.
• Siguraduhing ang set-up ng upuan ay kita ng lahat ang isa’t isa.
• Huwag pahintulutang maging maingay ang isang grupo. Makakaakit sila ng interes mula sa
ibang mga grupo, na mawawalan na ng sariling pagkakakilanlan.
• Karaniwang nagtatagumpay ang pangkatang gawain kung magkakaibigan ang mga miyembro
dahil kilala at nagtitiwala sila sa isa’t isa; gayunman, hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon.
I-regroup ang mga pangkat na walang nagagawa.
• Bago magtapos, maglaan ng oras para sa feedbacking at pasalamatan ang naging kontribusyon
ng bawat pangkat.

P a h i n a 172 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pasulat
Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung hindi wasto. Isulat ang
sagot sa patlang.
_________ 1. Ang Roundtable Discussion ay isang pampublikong pagpupulong.
_________ 2. Ang roundtable discussion ay naglalayong lumikha ng sitwasyong win-
win sa halip na win-lose.
_________ 3. Kailangang magtalaga ng facilitator upang maging maayos ang proseso
ng roundtable discussion.
_________ 4. Ang two way discussion ay laging mas malikhain kaysa sa indibidwal
pagpapahayag.
_________ 5. Kakailanganin ng hindi bababa sa anim na linggo upang ihanda ang
roundtable discussion.
_________ 6. Sa roundtable discussion ay maaaring sumagot at magbigay ng kaisipan
nang hindi na kinakailangang tawagin pa ng tagapanguna.
_________ 7. Isang pangangailangan na maging aktibo ang lahat ng kasapi sa maliit na
talakayan o small group discussion.
_________ 8. Ang ingay sa talakayan ay hindi binibigyang pansin sa small group
discussion.
_________ 9. Dapat na makinig at magsalita ang mga kasali sa pangkatang talakayan.
_________ 10. Huwag gawing masyadong mahaba ang talakayan sa small group
discussion.
II. Pasanaysay. Talakaying may katalinuhan kung ano ang hinihingi sa bawat aytem.
1. Mga dapat tandaan sa pagpapatakbo ng small group discussion o talakayang panggrupo
2. Mga paalala sa mga kalahok sa pangkatang talakayan
3. Panuntunan sa Pagsasagawa ng Roundtable Discussion
III. Pasalita. Bumuo ng pangkat na may 3-5 kasapi. Pumili ng isa sa mga paksang nasa loob ng kahon.
Magtanghal ng isang small group discussion o maliit na talakayang panggrupo.

Mga Mungkahing Paksa


1. Ang Anti-Bullying Law
2. Ang paggamit ng social media
3. Ang sistemang Pederalismo

Tandaan: Maaaring pumili ng isang napapanahong paksa na wala sa


talaan basta ipaalam at ipaapruba sa guro.

Pamantayan Sa Pagsasagawa ng Small Group Discussion

Miyembro KASANAYAN NILALAMAN PAKIKIBAHAGI Kabuoan


Kahusayan sa Kaayunan ng Kontribusyon sa (25)
pagtalakay ng pagtalakay sa talakayan (5)
paksa (10) paksa (10)

P a h i n a 173 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 174 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Pagsasagawa ng Pulong/Miting/Asemblya
Ang pulong o miting, lalo na ang business meeting, ay bahagi na ng buhay ng tao sa
kasalukuyan. Ito ay pangkaraniwang gawain sa loob ng mga samahan, organisasyon, kompanya,
paaralan, institusyon, at iba pa. Halos araw-araw ay may nagaganap na pulong sa opisina, pag-uusap
ng mga opisyales ng mga sub-organization ng mga paaralan, lingguhang board meeting sa kompanya,
seminar, at maging ang pagdaraos ng malalaking kumperensya.

Bukod sa regular na pulong kung saan magkakaharap ang mga taong kabahagi ng
miting/pulong, ginagawa na rin sa kasalukuyan, bunga na rin ng makabagong teknolohiya ang
teleconference, video conference at online meeting sa pamamagitan ng Internet. Dahil
pinaniniwalaang ang susi ng tagumpay ng mga kompanya, samahan, organisasyon, negosyo, at
trabaho ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtatrabaho bilang isang team o koponan, labis na
pinahahalagahan sa kasalukuyan ng bawat isa ang pagbabahaginan ng mga idea at epektibong
pagpaplano ng mga proyekto na mabisang naisasagawa o naisasakatuparan sa pamamagitan ng
pagdaraos ng epektibo at maayos na pagpupulong (Julian, et al., 2017).

Mga Elemento ng Pulong na Dapat Isaalang-alang


Ang pagpupulong ay dapat magkaroon ng sumusunod na elemento:
1. Mga layuning legal. Ang anumang pagpupulong ay dapat na may mga legal na layunin. Ang mga
pagpupulong na labag sa batas o di etikal ay hindi balido sa mata ng batas.
2. Naghahatid ng tamang paunawa sa tamang panahon.
3. Pinamumunuan ng isang tagapangulo. Ang pagpupulong ay dapat na pangunahan ng isang
tagapangulo na itinalaga o pinili ng mga miyembro.
4. May tiyak na agenda.Nararapat na may tiyak na agenda ang pagpupulong, sa agenda iikot ang
diskusyon o talakayan.
5. May korum. Bago ang pagsisimula ng pagpupulong, kinakailangang may korum o sapat na bilang
ng kalahok.

 Alituntunin upang maging Mabisa ang Pulong


1. Ang Pinakamahusay ang Piliing Lider
Ang mahusay na pangunguna ang siyang susing-elemento para sa isang epektibong pulong.
Ang lider ang nagtatakda ng tono, ang tumitiyak na ang agenda ay masasakop, ang humikayat ng
paggalang sa lahat ng kalahok at sa kani-kanilang idea, at gumagabay sa pangkalahatang proseso.

2. Ibahagi ang Layunin ng Pagpupulong


Linawin ang layunin ng pulong upang maging malay ang mga miyembro hinggil sa
patutunguhan ng talakayan at hindi mawawala sa agenda.

3. Gumawa o Bumuo ng Layunin at Agenda


Gumawa o bumuo ng layunin at agenda para sa nakaiskedyul na pulong, tulungan ang mga
dadalo na malaman kung ano ang aasahan at i-frame ang impormasyon sa kanilang isipan.

4. Anyayahan ang mga Kalahok


Imbitahan ang mga lalahok sa pulong. Mapapahalagahan nila ang paggalang mo sa kanilang
oras. Iwasang anyayahan ang mga kalahok na hindi kailangang naroon.

5. Piliin ang pinakamainam na Araw at Oras


Kapag mag-i-iskedyul ng isang pulong, isaalang-alang ang araw at oras. Hangga’t maaari ay
iwasan ang oras na pagkatapos ng tanghalian (maaaring ang mga tao ay katatapos lamang kumain) o
malapit na ang hapon (maaaring iniisip nila ang tungkol sa pag-uwi sa bahay).

P a h i n a 175 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

6. Pagsisimula at Pagtatapos
Isang malinaw na tanda ng paggalang kung sisimulan at tatapusin ang pagpupulong ayon sa
itinakdang oras. Mainam sa mangunguna ng pulong na maglaan ng limang minuto para sa set up. Kung
hindi kakayaning masakop ang lahat ng mga aytem sa agenda, mag-iskedyul ng isa pang pulong.

Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan.
Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa
nang pormal. Obhetibo at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng
tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay
nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyong maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na mga pagpaplano
at pagkilos.

Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na


naitala at naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang
organisado, obhetibo at sistematikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng
samahan o organisasyon, ang bawat kasapi o miyembro ay maaaring maatasang gumawa nito lalong-
lalo na kung wala ang kalihim (Julian, et al., 2017).

Ayon kay Garcia (2017) na binanggit nina Mangahis at Villanueva (2015), nagsisilbing
paglalagom sa mahahalagang tinalakay ang katitikan ng pulong. Mahalaga ang pagsulat nito upang
matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli
mula sa pagpupulong na naganap na. Dito makikita ang mga pagpapasya at mga usaping kailangan
pang bigyang-pansin para sa susunod na pulong. Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at
pook na pagdarausan ng pulong, at maging ng tala ng mga dumalo at hindi dumalo ang katitikan ng
pulong.

 Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Makikita sa ibaba ang gabay sa pagsulat ng maayos at mahusay na katitikan ng pulong ayon
kina Dela Cruz at Evasco (2016).

1. Bago ang pulong. Kung naatasan o nagboluntaryong magsulat ng katitikan ng pulong, siguraduhing
hindi ang sarili ang pangunahin o pinakaimportanteng kalahok rito. Mahahati lamang ang iyong
atensyon. Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat. Maglaan ng
maraming espasyo.

Bago pa man magsimula ang pulong, basahin na ang inihandang agenda upang madali na
lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong. Mangalap na rin ng mga impormasyon
tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa. Maaaring magtanong sa
namamahala sa pulong at sa mga dumalo. Sa pamamagitan nito, hindi na mahihirapang unawain kung
ano ang nangyayari sa pulong. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop, o tape recorder.

2. Habang nagpupulong. Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Hindi iyon ang
kahingian ng pagsulat ng katitikan ng pulong. Nagsusulat nito upang ibigay balangkas ng mga nangyari
sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sabihin ng mga kalahok. Magpokus sa pag-unawa sa pinag-
uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon. Itala ang mga aksyon habang nangyayari
ang mga ito, hindi pagkatapos.

3. Pagkatapos ng pulong. Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naintindihan, lapitan
at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namahala rito o ang iba pang dumalo. Gawin ito habang
sariwa pa sa isipan ng lahat ang mga impormasyon. Kapag tapos nang isulat o i-encode ang katitikan
ng pulong, ipabasa ito sa namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. Mas mainam
na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o
pagsusuri sa susunod na pulong. Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng
salita, bantas, at iba pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya.
Magtabi ng kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap.

P a h i n a 176 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pasulat: Talakayin sa loob ng 3-5 sentens ang paksang mababasa sa bawat aytem .

1. Symposium
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Kumperensya
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Roundtable Discussion
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Small Group Discussion


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Pulong/Miting/Asemblya
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

II. Pasalita: Basahin at unawain ang nakalagay sa kahon.

1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at gawin ang mga hakbang sa ibaba:

• Magplano ng isang usapin hinggil sa pagbabago ng kurikulum.


• Magtalaga ng lider o mamumuno sa gagawing pulong.
• Paalalahanan ang bawat miyembro na makibahagi sa pulong.
• Sundin ang mga napag-aralan hinggil sa pagsasagawa ng pulong.

2. Ipresenta sa harap ng klase ang awtput ng bawat pangkat.

3. Magbigay ng fidbak sa iprinesenta ng ibang pangkat.

P a h i n a 177 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Pamantayan sa Pagsasagawa ng Pulong

Miyembro KASANAYAN NILALAMAN PAKIKIBAHAGI Kabuoan


Kahusayan sa Kaayunan ng Kontribusyon sa (25)
pagtalakay ng pagtalakay sa talakayan (5)
paksa (10) paksa (10)

Alternatibo at Iba pang Gawain


1. Pagsasaliksik at pangkatang pag-uulat. Magsaliksik hinggil sa mga paksang nakalista sa ibaba.
Maghanda ng presentasyong powerpoint para sa 15 minutong pagtalakay sa anyo ng Talk Show.

Rubrik sa Pangkatang Pag-uulat/Talk Show

Layunin: Natatalakay ang piling paksa


Naipaliliwanag ang mga konsepto ng napiling paksa
Nakapagpapakita ng mahusay at mabisang pagpapahayag

Pangalan: __________________________________________ Kurso: _________________

Indikasyon ng pagtalakay Puntos ng Tagataya: Puntos ng Tagataya: Kabuoan


Mag- aaral Guro 10 / 2
Naaangkop at naaayon ang
pagtalakay sa kaisipan ng 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
napiling paksa

Nakapagpapahayag ng sariling
kaisipan / idea sa paksang 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
tinatalakay
Natatalakay nang maayos at
masistema ang paksa 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1

Nailalahad ang mga kaisipan


nang wasto at malinaw 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1

Naipapasa ang sipi ng ulat


(word format, bibigyang pansin 5 4 3 2 1 5 4 3 2 1
ang nilalaman at kaayusan)
Kabuoan

Inirerekomendang paksa: Ano-ano ang kahalagahan ng mga tiyak na sitwasyong


pangkomunikasyon gamit ang wika (makikita sa ibaba) sa pag-aaral sa kolehiyo?

1. Symposium
2. Kumperensya
3. Roundtable Discussions
4. Small Group Discussions
5. Pagsasagawa ng Pulong/Miting/Asembleya

P a h i n a 178 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

2. Pagsasaliksik ng mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon gamit ang wika

Rubrik sa Pagtataya ng Gawaing Pananaliksik

Layunin: Naibabahagi ang kahalagahan ng mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon gamit ang
wika.

Indikasyon ng Pagtataya Puntos Aktwal


Nilalaman: sapat ang nasaliksik na
impormasyon at ang detalye ay masusing 15
nailahad; nailapat ang angkop na paliwanag
Kaayusan: maayos ang pagkasunod- sunod
ng impormasyon at detalye sa paglalahad 5
Pagsangguni: inilapat sa papel ang wastong
sanggunian 5
Pagpasa: naipasa sa guro ang papel sa
takdang oras na napagkasunduan (1 puntos 5
kabawasan sa indikasyong ito bawat araw)
30
Kabuoan

P a h i n a 179 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 180 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Mga Sitwasyong Pangkomunikasyong Pangmedia


Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay nakapagdulot ng malaking pagbabago sa
sitwasyong pangkomunikasyon. Bagama’t araw-araw ay malawak pa rin ang paggamit ng oral at
personal na komunikasyon, hindi maikakaila na ang media ay may malaki nang epekto sa
komunikasyon. Ayon kay Willis (2017), may 2.8 bilyong indibidwal ang gumagamit ng social media sa
buong mundo. Ito ay nangangahulugan lamang na halos katlong bahagi ng populasyon sa buong
mundo ang apektado na ng paggamit ng social media at teknolohiya. Sa Filipinas, ang social media ay
ginagamit na rin ng mga Filipino anumang edad, kasarian, ekonomikong pamumuhay at etnikong
kinabibilangan. Nagpapatunay lamang na ang bawat isa ay nakararanas na ng pagbabago sa
sitwasyong pangkomunikasyon.

Maituturing na ngang makabagong uri ng pakikipagkomunikasyon ang social media at nagiging


isa na itong pangangailangan sa komunikasyon sa halos lahat ng larangan ng kaalaman. Habang
patuloy na nakatutuklas ng bagong gadget ang teknolohiya ay patuloy rin ang pag-unlad at paglawak
pa ng paggamit ng social media. Malaking bahagi na ng pang- araw-araw na gawain at interaksyon ng
mga tao ang social media. Ito ay nakalilikha ng oportunidad upang mapahusay at mapalawak ang
komunikasyon na hindi na nahahadlangan ng oras, panahon, lugar, antas ng kaalaman, uri ng
pamumuhay at sitwasyon. Sa ngayon, magkakaiba-iba man ang henerasyong kinabibilangan ng mga
komyunikeytor, iisa lamang ang hangarin ng bawat isa at ito ay ang makipagkaunawaan. Nagkaroon
man ng pagbabago mula sa sinasabing komunikasyong ‘face-to-face’, nananatili pa rin ang hangaring
makipag-usap kahit na sabihing ang komunikasyon ay ‘through-the-screen’.

Gawain

Isulat ang ngalan ng simbolo o aplikasyong pangmedia na makikita. Isulat ang sagot sa
patlang.

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

______________ ______________

P a h i n a 181 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Alamin

Ang ating pakikisalamuha, pakikipagkapwa, trabaho at komunikasyon sa kasalukuyan ay hindi


na maihihiwalay sa paggamit ng social media. Gumagamit tayo ng mga social network upang maging
kabahagi sa mga gawain o kaya ay usapin nang maipahayag ang ating mga kaisipan at damdamin.
Maliban sa layunin na maging bahagi ng malawak na ugnayang pantao, nakikipagtalakayan tayo sa
mga napapanahong isyu na kinaiinteresan ng marami at sa mga paksang higit na pinag-uusapan o
tinatawag na trending topic.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang aplikasyong pangmedia, ang mga indibidwal ay nakalilikha ng


koneksyon kahit na magkakalayo-layo ang lugar. Ang personal o ‘face to face’ na koneksyon ay
nagagawa na sa pamamagitan ng virtual na komunikasyon at ang mga kaalaman sa iba’t ibang disiplina
ay madali nang matutuhan dahil din sa paggamit ng mga tiyak na aplikasyong pangmedia. Ito na kaya
ang papalit sa nakagawian nating personal na karanasan?

 Komunikasyon sa Social Media


Ang salitang social media ay tumutukoy sa isang paraan ng interaksyon na nagaganap sa mga
indibidwal kung saan ang mga impormasyon ay nalilikha, naibabahagi at natatalakay sa pamamagitan
ng pamaraang virtual at sa sistemang networking o network. Ayon kay Bhamare (2018), ang social
media ay isang uri ng online communication na ang layunin ay magkaroon ng interaksyon,
kolaborasyon at pagbabahagi ng mga kaalaman gamit ang iba’t ibang channel o website. Sa tulong ng
mga website ay naibabahagi ang mga karanasan, nakapagpaplano ng mga gawain at pagdiriwang,
nakakapag-ugnayan sa mga kaibigan at mahal sa buhay at nakikipag-usap sa anumang oras, lugar at
pagkakataon.

Ang proseso ng komunikasyon sa social media ay hindi naiiba sa personal o ‘face to face’ na
komunikasyon. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga instrumento na maaaring gamitin sa
pagpapahayag ng tagapagsalita (encoder) at tagapakinig (decoder). Inilarawan ito ni Kuhlmann (2007)
sa kaniyang pagtalakay.

(2)
PROSESO NG KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA
Paghahatid (5) Natanggap na
ng nabuong (4) Mensaheng naproseso gamit ang mensahe
mensahe sa napiling aplikasyong pangmedia
pamamagitan
ng iba’t (3) Signal / Ugnayang wireless
ibang
aplikasyong
pangmedia

(1) Nabuong
mensahe ng encoder (7) Tugon ng decoder (6) Mensaheng
na nais ihatid naintindihan ng decoder

Larawan: adaptasyon ng ‘E-learning process’ ni Kuhlmann (2018) sa kaniyang How Do You Communicate
with Your E-Learners? mula http://blogs.articulate.com/rapid-elearning.html

Ang proseso ng komunikasyon sa social media ay kinasasangkutan ng encoder at decoder.


Ang encoder ang bumubuo (encoding) at pinagmumulan ng mensahe. Ang mga (1) mensahe ay mga
impormasyon na nais ihatid ng encoder. Isinasagawa ng encoder ang (2) paghahatid ng mga mensahe
sa pamamagitan ng kaniyang napiling aplikasyong pangmedia na maaaring katulad ng aplikasyong
gamit ng decoder. Ang mga aplikasyong karaniwang ginagamit ayon kay Willis (2017) ay ang Facebook,
Tweeter, Instagram, email, Snapchat at Messenger. Naihahatid ito sa pamamagitan ng (3) ugnayang
wireless o sa tulong ng signal na itinatatag mga kompanyang pantelekomunikasyon. Ang ugnayang
ito ay ang madalas na sagabal sa komunikasyon sa social media dahil sa lokasyon. Maliban pa rito ay
nangangailangan din ng salapi upang makakuha ng koneksyon kapag gumagamit ng mga aplikasyonng
pangmedia. Kapag mayroong koneksyon ang encoder, matagumpay na naihahatid ang mensahe; ang
mensaheng ito ay (4) napoproseso sa pamamagitan ng aplikasyon na gamit ng decoder sa kaniyang
gadget tulad ng laptop, cellphone, tablet at iba pa. Ang mga mensahe ay (5) natatanggap ng decoder

P a h i n a 182 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

at kaniyang pipiliin ang mahahalagang impormasyon na hatid ng encoder. (6) Iniintindi ng decoder
(decoding) ang impormasyon at (7) nilalapatan ng angkop na tugon na ihahatid din niya sa encoder sa
pamamagitan ng katulad na aplikasyong pangmedia. Nagpapatuloy ang ganitong proseso hanggang
sa naisakatuparan na ang layunin ng encoder at decoder.

 Epekto ng social media sa komunikasyon


Maraming epekto ang paggamit ng social media. Ang epekto nito ay maaaring mabuti at hindi
mabuti. Ayon kay Reider (2014), sa pamamagitan ng social media ay nakakalikha ng paraan upang
mapabilis ang pakikipag-ugnayan at paghahatid ng mga impormasyon. Ang paghahatid ng
impormasyon ay maaaring isagawa anumang oras, saanmang lugar at alinmang pagkakataon. Dahil
din sa social media, ang pagkalap ng kaalaman sa iba’t ibang displina ay madali nang maisakatuparan.
Maliban dito, ang social media ay nakalikha rin ng paraan upang mapadali at maging episyente ang
pagnenegosyo. Maaari na ring isagawa ang pagtuturo at pagpupulong dahil dito. Ang mga karanasan
sa iba’t ibang larangan ay mabilis na napapanood at nababasa kaya maraming mga kasanayan ang
mabilis na natututuhan. Bukod pa rito, nalalaman ang mahahalagang isyung pambansa tulad ng
kalagayang ekonomiko, kriminalidad, batas at politika. Nagkakaroon din ng pagkakataon ang mga
mamamayan upang maiparating ang mga saloobin at kaisipan hinggil sa mga isyung panlipunan. Higit
sa lahat, ang bawat isa ay nagkakaroon ng pagkakataon na magpahayag at mapakinggan.

Gayunpaman, ang social media ay nakapagdulot din ng mga suliraning nakaaapekto sa tao.
Ang pagkahumaling ng mga milenyal sa mga aplikasyong ginagamit sa social media ay nakaaapekto sa
interaksyong personal. Kasama ang gadget, patuloy ang pag-post, pag-comment o kaya ay pag-call sa
harap ng hapag-kainan, sa loob ng klasrum, sa gitna ng pulong, habang nanonood ng sine, habang nasa
trabaho at hanggang sa pagtulog. Lubos itong nakaaapekto sa pagpapahalagang pantao at personal
na interaksyon. Ang mga sigalot o problemang personal, pamilya, kaibigan at kaopisina ay nagiging
komplikado dahil ito ay nababasa sa mga post sa social media.

Nagkalat na rin sa social media ang mga balitang walang katotohanan (fake news) at ito at
nagdudulot ng malaking kalituhan sa netizens na siyang tumatanggap ng mensahe. Bunga nito ay
lalong nagiging mahirap na maipaliwanag ang isang usapin o isyu dahil dumadagdag pa ang mga
kumento ng iba’t ibang tao na may iba – iba ring pananaw. Dahil sa lawak ng nararating at mabilis na
pagkalat ng post, naapektuhan ang buhay ng isang tao at ang isyung nararapat maresolba ay
naiiwanang walang kasagutan. Talamak na rin ang panloloko sa social media. May mga indibidwal o
pangkat na sadyang lumilikha ng mga account o di kaya ay gumagamit ng fake account na ang layunin
lamang ay lumikom ng pondo para sa sariling interes. Sanhi nito, nasisira ang layunin ng mga samahan
o organisasyon na ang nais ay makatulong sa kapwa.

Ang komunikasyon ay magpapatuloy hangga’t ang mga tao sa lipunan ay naghahangad ng


impormasyon. Patuloy rin ang pagnanais na maging bahagi sa paghahatid ng impormasyon sa
lipunang naghahangad nito. Ngunit sa dulo ng isang araw na gawain at pakikisalamuha, nanaisin pa
rin nating makita, makausap at makapiling ang taong nais nating bahaginan ng impormasyon at
damdamin.

 Video Conference
Isang bahagi lamang sa paggamit ng social media ang video conference. Binanggit ni Rouse
(2015) na ang video conference ay isang live at at koneksyong biswal sa pagitan ng isang tao o higit pa
mula sa magkaiba at magkalayong lugar na ang layunin ay makipag-ugnayan at makipagtalakayan.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng full motion video kasabay ng paglalahad ng mga
teksto, larawan at video upang talakayin o pag-usapan ang piling paksang napagkasunduan. Ayon sa
investopedia, ang video conferencing ay paggamit ng teknolohiyang angkop at magkatulad sa pagitan
ng dalawang tao o higit pa upang gampanan ang katulad na sitwasyong ‘face to face’. Karaniwang
isinasagawa ito sa mga opisina, edukasyon, politika, negosyo at kalakalan o kaya ay sa pagitan ng
dalawang tao sa magkaibang lugar.

Naiiba ang video conference sa teleconference at video calling. Ang video conference ay isang
live link na ginagamitan ng komunikasyong audio at video samantalang ang teleconference ay isa
namang live link na ginagamitan lamang ng audio. Iba rin ang video conferencing sa video calling dahil
P a h i n a 183 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

ang video calling ay sa pagitan lamang ng dalawa hanggang tatlong katao at karaniwan itong impormal
na komunikasyon.

Ang video conferencing ay ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na magsagawa ng


talakayan kasama ang iba pang indibidwal (participants, viewers). Upang maging matagumpay ang
video conferencing, kinakailangang may koneksyon at link na gagamitin upang makita at marinig ang
mga kasama sa conference at matalakay ang isang paksa kahit na nasa magkaibang lugar.

 Kabutihan ng Video Conferencing


Maraming kabutihan ang video conferencing. Binanggit ni Unuth (2018) na sa pamamagitan
ng video conference ay natatalakay ang makabuluhang paksa na hindi na kailangan pang maglakbay.
Dahil dito, nakatitipid ng salapi, oras at panahon. Malaya at mabilis na natitipon ang mga kasamahan.
Magkakalayo-layo man, sa pamamagitan ng mga gadget ay natitipon ang mga kasamahan sa trabaho
sa mabilis at episyenteng paraan. Nakatutulong din ito sa telecommuting o nakapagtratrabaho kahit
nasa bahay lamang. Isa itong paraan upang maisagawa ang mga dapat tapusin sa opisina kahit nasa
bahay lamang. Naisasagawa rin ang pagpupulong anumang oras na naisin. Sa larangan ng edukasyon,
natatalakay ang mga paksa kasama ang mga mag-aaral na may pagkakahawig sa mga karanasan sa
loob ng klasrum at sa negosyo at kalakalan, ang video conference ay maaaring pamalit sa ‘face to face’
meeting sa pagitan ng dalawang negosyante. Sapagkat ang video conference ay maaaring maisagawa
sa magkalayong lugar, ang mga nakaambang panganib sa paglalakbay/pagbibiyahe ay hindi na
inaalala.

Iba’t ibang Uri ng Video Conference

Sa pamamaraan, maaaring gumamit ng laptop, tablet, desktop, smartphone at iba pang


gadget na may aplikasyong nakalilikha ng koneksyon sa internet upang makapagsagawa ng video
conference. Ayon sa bilang ng participating sites, may dalawang uri ng video conference.

a. Video conferencing point to point. Ito ay video conference na nagsasangkot sa dalawang


site.

Video Audio

Video Audio

b. Video conferencing multipoint. Ito ay video conference na sangkot ang higit sa dalawang
sites. Ito ay nangangailangan ng central unit na nakikipag- ugnayan sa iba’t ibang sites at
nagsisilbing tagahatid ng video at audio sa lahat ng kasapi.

Central
Unit

P a h i n a 184 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Batay naman sa uri ng kagamitan, narito ang mga uri ng video conference:

1. Desktop Video Conferencing. Ginagamitan ng mga desktop computer o laptop. Ang mga
kagamitan sa uring ito ay ginagamitan ng mga software upang magkaroon ng koneksyon. Ginagamitan
din ito ng webcam and microphone para sa audio at video.

2. Telepresence. Ginagamitan ito ng life-size simulation kung saan nakikita ang lahat ng mga
kasamahan sa isang silid, klasrum, opisina at iba pa. Sa ganitong uri ay ginagamit ang mga malalaking
LCD monitor / screen na karaniwang isinasabit sa isang bahagi ng lugar na dausan ng pulong.

3. Room-Based. Ang Room-based video conferencing ay kadalasang isinasagawa sa isang silid


kung saan ang pagpupulong ay isinasagawa. Tinutunghayan ng mga nakikinig ang tagapanayam sa
isang LCD screen at projector na tulad ng sa isang ‘face to face’ na pulong.

May iba’t iba ring uri ng video conference ayon sa sistema ng pagsasagawa nito.

1. Telepresence Video Conferencing System. Ito ay dinisenyo upang isagawa ang


pagpupulong na mula sa pangkat na nasa magkaiba at magkalayong lugar. Sa sistemang ito,
naisasagawa ang pagpupulong sa pamamagitan ng malalaking screen / monitor at video camera upang
makita ang lahat ng mga nangyayari sa isang grupo na nakikita rin sa isa pang grupo sapagkat sila ay
virtual na konektado sa isa’t isa.

2. Integrated Video Conferencing System. Ang Integrated video conferencing system ay


nakalaan para sa maraming pangkat na nagsasagawa ng pulong kung saan ay mayroong isang central
system o lokasyon. Ang central system ang gumaganap na tagapaghatid ng audio at video ng lahat ng
pulong nang sabay-sabay. Mainam itong gamitin sa mga boardroom at classroom conference.

3. Desktop Video Conferencing System. Karaniwang ginagamit ang uring ito ng mga
indibidwal na nagpapalipat-lipat ng lugar ng trabaho. Sa paggamit ng ganitong uri, ang conference ay
nagaganap sa laptop, smartphone at personal computer.

4. Service-based Video Conferencing System. Ang serviced-based systems ay isang uri


ng conferencing kung saan kinakailangan ang mga service provider. Ang mga service provider ay mga
telecom carrier na siyang kumokontrol sa mga nais gawin ng mga nais magsagawa ng conference.
Bagamat ang ganitong uri ng conference ay nangangailangan ng pahintulot ng mga service provider,
marami ang naglalaan ng salapi para makalikha ng sariling account at magamit ang serbisyong ito.

5. Codec. Ang codec ay kumakatawan sa mga salitang coder at decoder. Naisasagawa


ang ganitong conference gamit ang mga smartphone, camera at speaker. Karaniwan ay video call ang
ginagamit sa uring ito kung saan ang pagtawag ay tulad ng sa telepono, lamang ay may kasabay na
video.

 Komunikasyon sa Radyo at Telebisyon


Ang komunikasyon sa radyo at telebisyon ayon kay Noordhof (2017) ay nagsisimula kapag may
mahalaga at kawili-wiling impormasyon, paksa at pangyayari na nais maunawaan o ipaunawa sa mga
tao o sa mga mamamayan ng bansa. Ang mga impormasyon ay inilalahad sa iba’t ibang paraan sa mga
programa ng radyo at telebisyon. Halimbawa, ang pasalitang komunikasyon ay ginagamit sa isang
programa sa radyo kung saan ay nakikinig ang taumbayan. Maaari ding maisagawa ang pag-uusap ng
Radio DJ at ng tagapakinig kung ang programa ay may layuning maging bahagi ang mga tagapakinig sa
kabuoan ng programa. Samantala, sa telebisyon naman ay inilalahad ang mga impormasyon sa
pamamagitan ng iba’t ibang programang pantelebisyon tulad ng talk show, panayam, balita at iba pa.

Sa alinmang midyum, maparadyo man o telebisyon, ang proseso ng komunikasyon ay


magkatulad. Dumadaloy ang proseso mula sa pagbuo ng mensahe ng encoder hanggang makarating
at maintindihan ng decoder.

P a h i n a 185 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Ang komunikasyon sa telebisyon ay isang paraan ng paghahatid impormasyon sa


pamamagitan ng mga tunog at visual images na ibinabato sa mga tv screen. Ito ang proseso na
pinagdadaanan sa paghahatid ng samo’t saring kaalaman sa pamamagitan ng mga programa na
panlibang (entertainment), pang-impormasyon (information) at pang-edukasyon (educational).
Sapagkat malaganap ang paggamit ng telebisyon, isa itong mabisa at mabilis na paraan ng paghahatid
ng impormasyon na tumutugon sa mga pangangailan ng mga tao sa isang bansa. Ito rin ang
pangunahing midyum sa larangan ng negosyo at kalakalan dahil sa pangangailangan sa pag-aanunsyo
(advertisement). Sa kasalukuyan, ang telebisyon ang nangungunang midyum ng komunikasyon sa
lahat ng uri ng mass media dahil bahagi ito ng araw-araw na libangan ng mga tao sa lipunan.
Nasusukat ang bisa ng paggamit ng mga impormasyon mula sa telebisyon sa kung paanong ang mga
impormasyong ito ay nagagamit at nailalapat sa pang-araw-araw na buhay o pakikisalamuha ng isang
tao.

Ang komunikasyon sa radyo ay isang paraan naman ng paghahatid ng impormasyon sa


pamamagitan ng transmisyon, emisyon at resepsyon ng mga radio waves ng mga estasyong panradyo
(frequency at band). Hindi nalalayo ang layunin ng mga programang panradyo sa telebisyon. Tulad
ng mga programa sa telebisyon, ang mga programa sa radyo ay naglalayon ding maghatid ng
impormasyon (information function), manlibang (entertainment function) at magbigay ng kaalaman
(education function). Pakikinig ang kasanayang nalilinang sa radyo, samantalang panonood at
pakikinig naman ang nalilinang sa telebisyon.

 Komunikasyon sa Telebisyon at Radyo (Online)


May mga pagkakataon na dahil sa dami ng mga ginagawa natin ay hindi na rin nahaharap ang
manood sa telebisyon o kaya ay makinig sa radyo. Dahil din sa oras ng trabaho, hindi na rin
napapanood o napakikinggan ang mga programa sa radyo at telebisyon na hilig natin. Gayunpaman,
ang patuloy na pagyabong ng teknolohiya ay nakalikha ng oportunidad upang magawa pa rin ang hilig
sa panonood at pakikinig. Ayon kay Ahmud (2012), malaganap na rin ngayon ang online na
programang pantelebisyon at panradyo. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mobile device, laptop
o personal computer ay maaari nang mapanood ang mga programa sa telebisyon o kaya mapakinggan
ang mga programa sa radyo. Sa kabutihan pa, ang mga programa sa telebisyon ay maaari na ring
makuha sa pamamagitan ng pag-download sa mga ito sa world wide web.

P a h i n a 186 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pasulat.
A. Isulat sa patlang ang salita o grupo ng mga salita na tinutukoy sa bawat aytem.

_________________ 1. Ang uri ng video conference na karaniwang ginagamit ng mga


indibidwal na nagpapalipat-lipat ng lugar ng trabaho.

_________________ 2. Isang live at koneksyong biswal sa pagitan ng isang tao o higit pa


mula sa magkaiba at magkalayong lugar na ang layunin ay makipag-
ugnayan at makipagtalakayan.

_________________ 3. Isang paraan ng paghahatid impormasyon sa pamamagitan ng mga


tunog at visual images na napapanood sa mga screen.

_________________ 4. Uri ng video conference na sangkot ang higit sa dalawang sites.

_________________ 5. Isang live link na ginagamitan lamang ng audio.

_________________ 6. Komunikasyong online na ang layunin ay magkaroon ng


interaksyon, kolaborasyon at pagbabahagi ng mga kaalaman gamit
ang iba’t ibang channel o website.

_________________ 7. Uri ng video conference na laan para sa maraming pangkat na


nagsasagawa ng pulong na may isang central system o lokasyon.

_________________ 8. Paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng transmisyon,


emisyon at resepsyon ng mga wave, frequency at band.

_________________ 9. Tumutukoy ito sa indibidwal na pinanggagalingan ng mensahe o


bumubuo ng mensahe.

_________________ 10. Tawag sa mga mensahe, larawan o video na ipinapaskil sa social


media sites.

_________________ 11. Isang uri virtual na komunikasyon na may dalawa hanggang


tatlong katao na sangkot at karaniwang impormal.

_________________ 12. Tawag ito sa koneksyong nalilikha sa pagitan ng isang tao sa isa
pang tao o pangkat na hindi ginagamitan ng personal o ‘face to
face’ na komunikasyon.

_________________ 13. Isa itong mahalagang pangangailangan sa video conference upang


magkaroon ng koneksyon sa kausap.

_________________ 14. Video conference na ginagamitan ng life-size simulation.

_________________ 15. Kinakatawan ng salitang ito ang mga salitang coder at decoder.

B. Isa-isahin ang hinihingi sa bawat sytem.

1. Maglista ng limang (5) kabutihang dulot ng paggamit ng social media.


a. __________________________________________________
b. __________________________________________________
P a h i n a 187 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

c. __________________________________________________
d. __________________________________________________
e. __________________________________________________
2. Tatlong layunin ng komunikasyong panradyo at pantelebisyon.
a. _____________________________________________
b. _____________________________________________
c. _____________________________________________
3. Dalawang uri ng komunikasyon na nauugnay sa paggamit ng social media
a. _____________________________________________
b. _____________________________________________
4. Limang uri ng video conference ayon sa sistema nito.
a. __________________________________________________
b. __________________________________________________
c. __________________________________________________
d. __________________________________________________
e. __________________________________________________

II. Pangkasanayan

Pangkatin sa lima ang klase. Sa pagpapangkat, isaalang-alang ang katangian ng mga mag-
aaral. Halimbawa, pangkat ng mga magagaling sumayaw, pangkat ng mga mang-aawit, mga hawig ng
artista, mga mag-aaral na may kakaibang talento at iba pa.

` Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang talk show kung saan mayroong tagapanayam at
kakapanayamin. Maaaring magdala ng mga kagamitan upang maging makatotohanan ang talk show.

Sumangguni sa pamantayan ng pagmamarka para sa gawaing ito.

Pamantayan sa Pagsasagawa ng Talk Show

Pangalan ng mga miyembro: _______________________________________________________


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Paksa: _________________________________________________________________________

Pamantayan Puntos Aktwal


Nilalaman

1. Ang mga tanong ay naaayon sa katangian at layunin ng 10


gawain / talk show.

2. Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga tanong. 5

3. Makabuluhan at makatotohanan ang mga tanong. 5

4. Humihimok ng kritikal na pag-iisip ang mga tanong. 10

5. Nasasagot nang mahusay ang mga tanong ng 10


tagapanayam.
6. Kawili-wili ang pagtatanong at pagsagot. 5

7. Kapupulutan ng mahahalagang konsepto o 10


pagpapahalaga ang talk show.

P a h i n a 188 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Presentasyon

8. Maayos ang kabuoang daloy ng talk show 10

9. Lahat ng miyembro ay may ginampanan sa talk show 5

10. Naisagawa ang talk show ayon sa napagkasunduang 5


pagsisimula at pagwawakas.
/70

Mga suhestyon at komento:

P a h i n a 189 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 190 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

GAWAING
PANANALIKSIK
Malayo na rin ang nararating ng ating wikang pambansa. Mula sa pagkakatuklas ng sinaunang
alpabeto (ang baybayin o alibata) na ginamit kaya naitala ang mga kaalaman hinggil sa mga ugaliin,
gawain at mga gawing kultural ng mga sinaunang Filipino ay lalo itong naging gamitin sa higit na
modernong paraan ng pagtuklas ng mga kaalaman. Ito ay naisasakatuparan gamit ang modernong
teknolohiya at sa tulong ng iba’t ibang platform. Katunayan, ang ating wikang pambansa ay
nakakasabay na sa pandaigdigang paggamit ng internet kung kailan ang pagtuklas ng mga kaalaman
ay sinasabing nasa dulo na lamang ng daliri dahil sa mabilis na paghahatid at paghahalaw ng
mahahalagang impormasyon sa pamamagitan lamang ng pag-click sa mga icon ng iba’t ibang
aplikasyong pangmedia.

Intelektwal, modernisado at napakayaman na ng Filipino. Bilang katunayan, sa larangan ng


pananaliksik ay hindi na lamang Ingles ang gamitin. Malawakan na ring ginagamit ang Filipino sa
larangang ito.

Inaasahan na sa bahaging ito ay mayroon nang kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa
gawaing pananaliksik. Kaya sa araling ito, layunin ng pag-aaral ang sumusunod:

Pangkaalaman
1. Matukoy ang mga bahagi ng pananaliksik at ang IMRaD format nito.
2. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng pananaliksik na social at technical kaugnay ng IMRaD format.

Pangkasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng pananaliksik sa IMRaD format.
2. Makabuo ng pananaliksik sa IMRaD format gamit ang mga paksa sa wika at panitikan.

Halagahan
1. Mapahalagahan ang wikang Filipino bilang midyum sa pagtuklas ng mga kaalaman tulad ng
pananaliksik.
2. Maisaalang-alang ang mga usaping pangwika at pampanitikan sa pananaliksik gamit ang IMRaD
format.

 Kaalamang Pampananaliksik at Pagsulat ng IMRaD format


Ang isang mahusay na mananaliksik ay hindi lamang may kaalaman hinggil sa usaping
pampananaliksik kundi higit sa pagbuo nito. Masasabing ganap na natutuhan ng mag-aaral ang
pananaliksik kapag may kakayahan ito na maipaliwanag ang iba’t ibang bahagi ng pananaliksik at
mailapat ang mga kaalamang ito sa aktuwal na pagbuo o pagsasagawa nito.

Panimulang Gawain

I. Wika Rambulan. Ang gawaing ito ay isang pagbabalik-aral sa mga paksa ng pananaliksik. Isa itong
pagtatasa na susukat sa iyong kahusayang pampananaliksik. Ayusin ang ginulong mga letra sa bawat
aytem upang mabuo ang hinihinging konsepto. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang pananaliksik na nagbibigay halaga sa deskriptibong TOKALIWITAB


katangian o paglalarawan sa paksang pinag-aaralan ___________________
kaysa sa mga datos na statistical tulad ng frequency at
mean.

P a h i n a 191 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

2. Tumutukoy ito sa mga tanggap na kaalaman at YORETA


karagdagang impormasyon hinggil sa isang paksa na ___________________
ginagamit o ipinapanukala bilang pangkalahatang
batayan ng konsepto ng pananaliksik.

3. Sa pananaliksik ay tumutukoy ito sa mga pahayag na nais NASILRUNI


bigyan ng paliwanag o nais patotohahan. __________________

4. Tumutukoy ito sa mga construct o mga katangiang nais RALYABOB


imbestigahan at patunayan na maaaring magtaglay ng ___________________
mga katangiang eksklusibo o higit pang halaga.

5. Ito ay pagbibigay kahulugan sa mga katawagan ayon sa RANEPOLASOY


pagkakagamit ng mga ito sa pag- aaral. ___________________

6. Ito ay isang proseso ng paghahanap at pangangalap ng KALAAPINIKNS


mga totoong impormasyon na ang hangarin ay makabuo ___________________
ng mga bagong kaalaman.

7. Tinatawag din itong haka o prediksyon. Ito ang SITEYOHAPS


pangkalahatang palagay kaugnay ng mga nais sagutin o ___________________
bigyang linaw sa pagsasaliksik.

8. Tinutukoy nito ang lugar kung saan isinagawa ang NALIGARIKA


pananaliksik kaya nakalap ang mahahalagang datos. ___________________

9. Bahagi ito ng pananaliksik kung saan ang kalahatan ng NIKOSOLKGUYN


mga natuklasan sa pag-aaral ay inilalahad sa ___________________
pamamagitan ng maiikli ngunit tiyak na pahayag.

10. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay ipinahahayag ng YODIMERSOKEMAN


mananaliksik ang mga panukalang gawain o kaya ay ang ___________________
mga nais pang isakatuparan kaugnay ng mga kinalabasan
ng pag-aaral.

11. Isang akademikong pagsulat na tumatalakay sa paksa ng TELARITARU


pag-aaral sa pamamagitan ng masusing pagpili ng mga ___________________
makabuluhang artikulo.

12. Sa pamamagitan ng binalangkas na figure ay DAPIRAM


inilalarawan nito ang mga hakbang maging ang mga ___________________
konsepto kung paano maaaring maisakatuparan ang
pananaliksik.

13. Pagtalakay sa kinalabasan ng pagsasaliksik na TOPTINARSERIYEN


karaniwang nilalakipan ng koroborasyon ng mga pili at ___________________
nauugnay na kaisipan ng mga dalubhasa.

14. Bahagi ng pananaliksik na naglalahad ng uri ng AYLIMODEHOTO


pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ang disenyo ng ___________________
pag-aaral ay inilalahad sa bahaging ito.

15. Ito ay tumutukoy sa mga nakalap na impormasyon, idea TODAS


at kaalaman mula sa mga tagatugon. ___________________

P a h i n a 192 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Interpretasyon ng mga iskor:


13-15 Napakataas ang kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang walang gabay
10-12 Mataas ang kaalaman sa pananaliksik, makapagpapatuloy nang walang gabay
7-9 May kaalaman sa pananaliksik, maaaring magpatuloy kung may gagabay
4-6 Nangangailangan ng paggabay sa pananaliksik, hindi maaaring magpatuloy
1-3 Nangangailangan ng pagbabalik-aral sa pananaliksik, hindi maaaring magpatuloy

Ano ang natutuhan mo?


Ang resulta ng gawain ay nagpapakita ng iyong kaalaman sa
pananaliksik. Bagamat ito ay pagtatasa lamang, ipinahihiwatig nito kung
gaano ka kahanda sa pagsasagawa ng pananaliksik. Tandaan na may malaking
ginagampanan ang kaalaman sa pananaliksik sa aktuwal na pagbuo nito. Hindi
natin malalapatan ng pagsasagawa ang isang bagay na hindi natin alam. Kaya
nararapat na isaalang-alang ang kaalaman sa paksa at ang kahusayan sa
pagsasagawa nang sa gayon ay maisakatuparan ang gawaing pananaliksik nang
mabisa at makabuluhan.

Alamin
Pagbalik-aralan natin ang ilang mahahalagang kaalaman hinggil sa pananaliksik bilang
paghahanda sa pagsulat ng IMRaD format nito. Ang mga konseptong ito ay napakahalagang
matutuhan nang sa gayon ay makapagpatuloy nang mahusay sa pagsulat.

Mahahalagang Kaalaman sa Pananaliksik

 Kahulugan
Katulad ng nabanggit na, ang pananaliksik ay isang proseso ng paghahanap at pangangalap ng
mga totoong impormasyon na ang hangarin ay makabuo ng mga bagong kaalaman. Ang mga
kaalamang ito ay makabuluhan sapagkat naipaliliwanag ang mga suliraning nais bigyang ng kasagutan
o kaya ay tumutugon sa mga suliraning agarang nangangailangan ng kalutasan. Naaayon ito sa
pahayag ni Babbie (1998; salin) na ang pananaliksik ay isang sistematikong pagtatanong na
naglalayong maglarawan, magpaliwanag, magbigay ng sapat at detalyadong kasagutan sa mga haka o
prediksyon hinggil sa mga bagay-bagay na kinasasangkutan ng tao. Samantala, ayon kay Good (1963),
ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal at disiplinadong paghahanap ng mga sagot sa pamamagitan
ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at resolusyon nito.

Bagamat marami pang mga dalubhasa ang nagbigay ng kani-kanilang pagpapakahulugan sa


pananaliksik, dapat isaisip na hindi lamang nauukol sa mga statistical na datos ang tuon ng pananaliksik
sapagkat ang kabuluhan nito ay kung paano maaaring maisagawa nang makabuluhan at makatotohan
ang mga proseso sa pagtuklas. Higit pa rito ay ang pagbuo ng mga kaisipan, argumento at mga
konsepto na nauugnay sa mga nakalap na datos na sumusuporta sa mga natuklasang bagong
kaalaman. Ginagawa ito upang maglahad, magpaniwala at manghikayat ng mga tao hinggil sa mga
katotohanang natuklasan sa pag- aaral.

 Apat na Uri ayon sa Layunin


Bakit tayo nagsasagawa ng pananaliksik? May apat na dahilan na binabanggit si Patton (1990)
kung bakit nagsasagawa nito. Ipinaliwanag niya ang apat na uri ng pananaliksik ayon sa mga layunin.
Ang Basic Research ay isang pananaliksik na ang pinakalayunin ay unawain ang mga bagay-bagay sa
pamamagitan ng maingat na pagpapaliwanag sa mga ito. Ang ganitong uri ay nauugnay sa mga teorya
na nagpapaliwanag sa mga penomenon. Karaniwan itong deskriptibo at nauukol sa pagpapaliwanag
sa mga tanong na ano ang nangyari, bakit ito nangyari at kung paano ito nangyari. Ang Applied
Research naman ay naglalayong magpaunawa at tumugon sa mga kalikasan ng mga suliraning pantao.
Higit nitong nililinaw at pinagtutuonan ang mga tanong na ukol sa kung paano maaaring mabigyan ng
solusyon ang mga suliraning kinahaharap ng mga tao sa lipunan. Ang Evaluation research ay nakatuon
sa ebalwasyon ng mga naisagawang proseso at naging bunga ng mga gawain. Maaari itong formative
P a h i n a 193 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

kung ang layunin ay alamin at pataasin pa ang antas ng pakikibahagi o pakikisangkot ng tao sa iba’t
ibang kondisyon tulad ng mga gawain ng mga tao. Maaari din itong summative kung ang layunin ay
magsagawa ng ebalwasyon ukol sa pagkaepektibo ng isinagawang programa o kaya interbensyon.
Samantala, ang Action Research naman ay naglalayon na makapagbigay ng solusyon sa mga naging
suliranin ng isang programa o gawain ng isang pangkat.

 Disenyo
Iba-iba ang disenyo na maaaring gamitin ayon sa kung ano ang layunin ng pananaliksik. Kung
ang nais isakatuparan ay isang pananaliksik na may layuning malaman at mapatunayan ang mga
dahilan kung bakit nangyari ang mga pagbabago kaugnay ng mga baryabol, naaangkop gamitin ang
disenyong eksperimental; kung ang layunin naman ay tuklasin kung paano nauugnay ang mga baryabol
sa bawat isa, gamitin ang disenyong korelasyon. Ang eksperimental at korelasyon ay napapaloob sa
disenyong kwantitatibo. Samantala, kung nais mailarawan at maintindihan ang isang partikular na
kondisyong panlipunan at ang iba’t ibang karanasang sosyal ng mga tao, gamitin ang disenyong
kwalitatibo; sa mga paksang may layuning maglahad ng mga baryabol at maglarawan ng mga
pangyayari, kaisipan at kondisyon, gamitin ang disenyong mixed.

 Mga Bahagi ng Pananaliksik at ang IMRaD format


Ang isang buong pananaliksik ay karaniwang naglalaman ng limang mahahalagang bahagi na
nahahati sa limang kabanata. Ang mga kabanatang ito ay may mga seksyon na naglalaman ng
mahahalagang impormasyong nakatutulong upang maunawaan ang isang pag-aaral.

Sa IMRaD format ay pinaikli ang karaniwang limang kabanata ng pananaliksik. Ayon kay
Abderisak (2013), ang IMRaD ay isang modelo ng pananaliksik na kumakatawan sa Introduksyon -
Metodolohiya - Resulta at Diskusyon. Halos walang pagkakaiba sa nilalaman ang IMRaD format sa
karaniwang limang kabanatang pananaliksik. Ang IMRaD, inuulit, ay pinaikling bersyon; inilapat sa
ilang bahagi nito ang ibang bahagi ng kabanata ng pananaliksik.

Ang mga pananaliksik na social at technical ay maaaring lapatan ng IMRaD format. Ang Social
Research ay nauukol sa mga pananaliksik na may kaugnayan sa lahat ng disiplinang pang-akademiko.
Nakatuon ito sa mga paksa hinggil sa kaugnayan ng mga tao sa lipunang ginagalawan nito—
antropolohiya, ekonomiks, batas at kasaysayan, lipunan at heograpiya, linggwistiks, politika,
sikolohiya at sosyolohiya. Ang Technical Research naman ay nauukol sa lahat ng mga sangay ng agham
at teknolohiya kung saan isinasagawa ang mga prosesong eksperimental. Nabibilang sa larangang ito
ang mga sangay ng agrikultura, teknolohiya, medisina at iba pang sangay. Samakatuwid, ang mga
pananaliksik sa alin mang larangan ay maaaring magkaroon ng bagong anyo sa pamamagitan ng
IMRaD.

Tunghayan sa presentasyon ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bahagi ng kabanata


ng pananaliksik at ng IMRaD format.
Buong Pananaliksik IMRaD format

Kabanata 1: Suliranin at ang Saligan Nito


Introduksyon / Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon Introduksyon
Balangkas Konseptwal Hinggil sa paksa, saligan,
Balangkas Teoretikal suliranin, layunin, rasyunal at
Haypotesis kahalagahan.
Kahulugan ng mga Termino
Kabanata 2
Literatura
Kaugnay na Pag- aaral

P a h i n a 194 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Kabanata 3: Metodolohiya ng Pag-aaral Metodolohiya


Disenyo Disenyo
Kaligiran ng Pag-aaral Instrumento
Tagatugon Tagatugon
Instrumento sa Pag-aaral Kaligiran
Hakbang sa Pagkalap ng Datos Hakbang at pamaraan
Paraan ng Pagsusuri ng Datos/Treatment

Kabanata 4: Paglalahad at Interpretasyon Resulta


ng Datos Paglalahad ng resulta ayon
sa inilahad na suliranin,
Paglalahad ng Datos interpretasyon at
Interpretasyon ng Datos koroborasyon o pagpapatibay

*may mga institusyong pang-


akademya na naglalapat ng
buod sa bahagi ng resulta. Ito
ay opsyonal

Kabanata 5: Buod, Kongklusyon at Diskusyon o Talakay


Rekomendasyon Kongklusyon
Buod Rekomendasyon
Kongklusyon
Rekomendasyon

 Paano sinusulat ang IMRaD format?

Introduksyon (Ano ang paksang sasaliksikin at bakit?)


Ang introduksyon ay naglalahad ng paksa at mga suliranin ng pananaliksik at mahahalagang
tanong na nais linawin. Naglalaman ito ng maikling pagpapahayag ng saligan ng pag-aaral at kung
bakit ito mahalagang saliksikin. Inilalakip din sa introduksyon ang paglalahad ng limitasyon at iba pang
mahahalagang paksa na dapat talakayin sa larangan (research gap) at ang layuning nais itugon dito.
Ang mahahalagang pagtalakay sa paksa ay inilalakip din sa introduksyon upang maunawaan ang
larangang nais maipakilala. Nililiwanag sa pagtalakay ang mga “alam” at di-alam” tungkol sa paksa at
kung ano pa ang maaaring malaman hinggil dito. Ang mga haka o prediksyon na maaaring maging
resulta ay pahapyaw na nililiwanag sa bahaging ito.

Simulan ang pagsulat nito sa pamamagitan ng paglalahad ng paksa at ng suliraning nais


bigyang linaw. Ihayag sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita at mga kaisipan na ang paksa
ay napapanahon, mahalaga at dapat bigyang pansin. Ipaliwanag ang kasalukuyang kalagayan ng
napiling paksa at tukuyin ang mga bahagi na hindi pa gaanong natatalakay (gap) at ipaliwanag. Isama
rin ang paglalahad ng mga layunin at kabuluhan (rationale) ng isinasagawang pananaliksik.

Sa pagsulat nito, ilapat ang mga kaukulang citations. Gamitin ang mga pandiwang
pangkasalukuyan at gumamit ng mga tiyak, maiikli at di-maliligoy na pangungusap. Iwasan ang
mahabang introduksyon. Ang paglalahad ng mga detalye ng resulta ay hindi angkop sa bahaging ito.

 Metodolohiya (Ano ang ginawa at paano ito ginawa?)


Anim na mahahalagang tanong ang dapat masagot sa paglalahad ng bahaging ito: Ano? Sino?
Saan? Bakit? Kailan? at Paano?

Ang Ano? ay tumutukoy sa disenyo at mga pamaraang ginamit sa pag-aaral. Ang Sino? at
Saan? ay tumutukoy sa mga tagatugon at sa kaligiran ng pag-aaral. Ang Bakit? ay para sa mga
P a h i n a 195 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

konsiderasyong etikal sa pagsasagawa ng pananaliksik at ang Kailan? naman ay sa saklaw na panahong


ginamit hanggang sa mabuo ang pananaliksik, samantalang ang Paano? ay tumutukoy sa mga hakbang
at paraan ng pagtalakay sa mga datos gayundin sa pagpili ng mga tagatugon.

Sa pagsulat ng metodolohiya ay gumamit ng mga pandiwang perpektibo (past tense).


Liwanagin sa bahaging ito ang mahahalagang kaisipang ukol sa ano, sino, saan, bakit, kailan at paano
nang sa gayon ay maunawaan ang kabuoang pamaraan o proseso kung paano nakuha ang detalye ng
mga datos. Maging detalyado sa paglalahad ng metodolohiya at sa mga prosesong kaugnay nito.
Halimbawa, kung nagsagawa ng panayam, kailangang mailahad kung paano napili ang kakapanayamin
o mga kakapanayamin, saan isinagawa ang panayam, kung mayroon bang katangiang isinaalang-alang
sa pagpili ng mga tagatugon at ano ang mga kagamitang ginamit para sa panayam.

 Resulta (Ano ang natuklasan?)


Sa bahagi namang ito inilalahad ang naging resulta at natuklasan sa isinagawang pag-aaral.
Ang mga resulta ay inilalahad ayon sa pagkasunod-sunod ng mga suliranin. Mainam kung sa
paglalahad ay gagamit ng mga seksyon at sub-seksyon upang higit na maging maayos at maliwanag
ang isasagawang pagtalakay. Dalawang bagay ang mahalaga sa bahaging ito– maglahad ng resulta at
magbigay ng kuro-kuro sa mga natuklasan sa isinagawang pananaliksik.

Sa paglalahad ng resulta, gamitin ang mga hanayan na may wastong label at angkop na
deskripsyon. Samahan ang paglalahad ng mga kuro-kuro, mga pagpapaliwanag at pagpapatibay
(koroborasyon) mula sa mga nabasang artikulo at paghahambing sa mga resulta ng kaugnay na pag-
aaral.

Halimbawa, maaaring talakayin ang resulta ng ganito:

Sa kalahatang ebalwasyon ng mga mag-aaral ipinakikita ng talahanayan na… kaya masasabing


makatotohanan ang resulta ay sapagkat binanggit sa pag-aaral ni Cruz (2018) na …

O kaya ay ganito:

Mayroong kaibahan ang resultang ipinakikita ng Talahanayan 3 ukol sa… mahihinuha sa pag-aaral
na isinagawa ni Mendoza (2017) na… Dahil dito, masasabing…

Gayunpaman, sikaping matuwid at hindi maligoy ang paglalahad at pagpapaliwanag ng mga


kaisipan. Hangga’t maaari, ilagay sa resulta ang mga tanging impormasyong kailangan at tiyak na
sumasagot sa mga suliranin (Highlights, key findings and primary outcomes).

*Tandaan na may ilang institusyong pang-akademya na pinipiling ilapat sa bahaging ito


(resulta) ang buod ng pag-aaral. Nasa tuntunin ng naturang mga institusyon na gamitin ang kanilang
sariling format.

 Diskusyon o Talakay (Ano ang ibig sabihin ng resulta?)


Laman ng bahaging ito ang buod ng pag-aaral, gayundin ang maaaring kalahatang
pagkakatulad at pagkakaiba ng resulta sa iba pang mga pag-aaral. Kaya ang pinakatunguhin ng
bahaging ito ay ang paglalahad ng mga kongklusyon at mga rekomendasyon batay sa lumabas na mga
resulta. Ang iba pang mahahalagang maaaring matalakay sa diskusyon ay ang mga implikasyon mula
sa ibang naisagawang pananaliksik na nauugnay sa paksa ng pag-aaral. Ginagawa ito upang
mapalawak at mapalalim pa ang pagtalakay sa resulta ng pananaliksik.

P a h i n a 196 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

TASAHIN
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. PASULAT. Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat aytem hinggil sa pananaliksik. Isulat ang sagot
sa patlang.

Apat na uri ng pananaliksik ayon sa layunin:


1. _______________________________ 3. __________________________
2. _______________________________ 4. __________________________

Mga Bahagi ng Pananaliksik


Kabanata 1: (5) ______________________ Kabanata 2: (9) _______________
(6) ______________________ (/) Literatura
(7) ______________________ (10) ______________
(/) Kahalagahan ng Pag- aaral
(8) ______________________
(/) Haypotesis
(/) Katawagan ng mga termino

Kabanata 3: (11) _____________________ Kabanata 4: (16) _______________


(/) Disenyo ng Pag- aaral (/) Paglalahad ng Datos
(12) _____________________ (17) _______________
(13) _____________________
(/)Kaligiran ng pag- aaral
(14) _____________________
(15) _____________________

Kabanata 5: (18) _____________________


(19) _____________________
(/) Kongklusyon
(20) ____________________

Disenyo ng pananaliksik
Ang iba’t ibang pamamaraan ng pananaliksik ay tinatawag na (21) _______________. Ang
disenyong (22) _________________ ay ginagamit kung may layuning malaman at mapatunayan ang
mga dahilan kung bakit nangyari ang mga pagbabago kaugnay ng mga baryabol. Kung layunin naman
na tuklasin kung paano nauugnay ang mga baryabol sa bawat isa, ginagamit ang disenyong (23)
________________. Samantala, kung nais mailarawan at maintindihan ang isang partikular na
kondisyong panlipunan at ang iba’t ibang karanasang sosyal ng mga tao, gamitin ang disenyong (24)
_________________; sa mga paksang may layuning maglahad ng mga baryabol at maglarawan ng mga
pangyayari, kaisipan at kondisyon, ang disenyong (25) __________________ naman ang gamitin.

P a h i n a 197 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Pagbuo at Presentasyon ng Pananaliksik na IMRaD

P a h i n a 198 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Naaangkop gamitin ang IMRaD sa mga pananaliksik na may layuning sumagot sa mga tiyak na
suliranin. Ito ay higit na mabuting gamitin sa mga pananaliksik na mayroong proseso ng pag-
eeksperimento, panayam, obserbasyon, at iba pa. Maaari din itong gamitin kapag nagsasagawa ng
pananaliksik na secondary na ginagamitan lamang ng pagkuha ng impormasyon ukol sa isang tiyak na
paksa mula sa mga aklat, magasin, mga artikulo at maraming iba pang hanguan. Sa bahaging ito ng
pag-aaral ay magkakaroon ng pagsasanay sa pagbuo at presentasyon ng pananaliksik gamit ang
IMRaD. Ang mga pananaliksik na inilalathala ay karaniwang ginagamitan ng IMRaD format.

Gawin
Inaasahan na sa bahaging ito ay mayroon nang naisagawang pananaliksik ang mga mag-aaral.
Maaaring gamitin ang mga nakalipas o natapos nang pananaliksik. Kung kasalukuyang
isinasagawa ang pananaliksik at nasa huling bahagi na ng pagsulat, maaari din itong gamitin
bilang halimbawa.

1. Pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay bubuoin ng 3-5 miyembro lamang.


2. Isaalang-alang na ang bawat pangkat ay mayroong soft o hard copy ng natapos nang
pananaliksik.
3. Magkaroon ng brain storming ang bawat pangkat at pag-usapan ang tungkol sa napiling
pananaliksik. Gamitin bilang gabay ang halimbawang IMRaD sa ibaba.
4. Dalawang bahagi ang tatayahin sa gawaing ito: Nabuong IMRaD at Presentasyon ng
IMRaD
5. Sa pagtataya, gagamitin ang Rubrik 7.

Alamin

Ilang Mungkahing Dapat Tandaan sa Pagsulat ng IMRaD

Pamagat na Karaniwang nasa Gawing Itaas ng Papel, Centered Alignment at Sinusulat nang Tagilo
(inverted pyramid), Lahat ng mga Salitang Pangnilalaman ay Sinisimulan
sa Malalaking Titik, ito ay opsyonal ayon sa mga pamantayan ng institusyon.
Maaaring ang pamagat ay isulat sa malalaking titik.

Buong Pangalan ng Mananaliksik


Iba pang mahalagang impormasyon tulad ng uri ng pananaliksik, email atbp.

 Abstrak
Ang abstrak ay sinusulat na isang talataan lamang at hangga’t maaari ay hanggang isandaang
salita lamang. Laman nito ang pinakamahahalagang impormasyon ng pag-aaral. Dalawampu’t limang
porsyento (25%) nito ay paglalahad ng kahalagahan ng pag- aaral o introduksyon, 25% para sa
metodolohiya, 35% ang sa paglalahad ng resulta at ang 15% ay laan para sa mga implikasyon,
kongklusyon at rekomendasyon na siyang kumakatawan sa diskusyon. Ilagay sa ibaba nito ang mga
susing salita o keywords.

Susing salita: Ang susing salita ay mga salitang nauugnay sa pag-aaral. Maaari ding ito ay mga
salita na nagsasaad kung sa anong kategorya o larangan nabibilang ang pag-aaral. Sa pamamagitan
ng mga susing salita ay mapabibilis ang paghahanap ng pananaliksik lalo na kung ito ay inihanda para
sa publikasyon.

Introduksyon
Isulat ang introduksyon. Binibigyang-diin na 25 % bahagi ng IMRaD ang introduksyon. Simulan
ang pagsulat sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa paksa at suliranin at kung bakit napakahalagang
saliksikin ang paksa o rasyunal. Gawing makatotohanan at mapanghikayat ang tono ng pananalita
upang ipagpatuloy ng mga mambabasa ang pagbasa sa nilalaman ng pag-aaral. Talakayin nang tiyak
at di-maligoy ang kasalukuyang estado ng paksa at ilahad din ang mga research gap o mga suliranin sa
larangang tinatalakay gayundin ang maaaring maging solusyon dito. Tapusin ang introduksyon sa
pamamagitan ng himig na nagpapaniwala upang magkaroon ng interes ang mga mambabasa na
alamin ang susunod na bahagi.

P a h i n a 199 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

 Metodolohiya
Ang metodolohiya ay 25% bahagi ng IMRaD. Ito ay sinusulat gamit ang mga pandiwang
perpektibo. Maaaring may heading at subheading ang bahaging ito. Ipokus sa talakay ng metodolohiya
ang kahalagan ng uri at disenyo ng pag-aaral. Ilahad nang mahusay ang kaligiran ng naisagawang
pananaliksik at kung bakit ito ang napiling lokasyon. Banggitin din kung sino ang mga tagatugon ng
pananaliksik, kung paano pinili ang mga tagatugon at liwanagin kung bakit sila ang napiling tagatugon.
Ang instrumento ng pag-aaral ay ilahad gayundin ang mahahalagang katangian nito. Bigyang pansin
sa bahaging ito ang mga paraan ng pag-analisa ng datos at mga hakbang na isinagawa sa pagkuha ng
datos upang maunawaan ang kalahatan ng mga prosesong isinagawa.

 Resulta
Matapos mailahad ang metodolohiya, isulat ang naging resulta ng pag-aaral. Ang resulta ay
kumakatawan ng 35% bahagi ng IMRaD. Dalawang mahalagang bahagi ang dapat maisaalang-alang
dito – maglahad ng resulta at magbigay ng kuro-kuro. Ituon sa paglalahad ng resulta ang naging sagot
sa mga suliranin ayon sa pagkasunod-sunod ng mga nito. Ilagay ang mahahalagang talahanayan at
angkop na label o interpretasyon ng mga resulta. Sikaping ang mga kuro-kuro ay malapatan ng mga
pagpapatibay na naaayon sa mga nailahad na resulta ng pag- aaral.

 Diskusyon
Labinlimang porsyento (15%) ng IMRaD ang diskusyon. Ang mga implikasyon, kongklusyon at
rekomendasyon ay binibigyang halaga sa bahaging ito ng IMRaD. Maaari din namang isama rito ang
pangkalahatang buod ng pag-aaral upang magkaroon ng idea ang mga mambabasa kung ano ang
kabuoang kinalabasan pananaliksik. Maglagay ng pangwakas na kaisipan na nauukol sa kalahatang
resulta ng pag-aaral sa bahaging ito.

Tapusin ang IMRaD sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sanggunian.

Iba pang mahahalagang mungkahi sa pagsulat ng IMRaD:


1. Gumamit ng papel na ang sukat ay 8.5” x 13” (long size bond paper) na may 1.5” sa
bahaging binding edge o kaliwang bahagi at 1” sa iba bang bahagi ng papel.
2. Gumamit ng 12 font size, Times New Roman o kaya ay Arial
3. Ang espasyo sa pagitan ng mga linya ay maaaring 1.5 o 2 espasyo. Samantala, 2.5 espasyo
sa pagitan ng headings at subheadings.
4. Limitahan ang papel ng hanggang 20–25 pahina lamang, kasama na ang mga talahanayan,
figures at sanggunian.

Halimbawang IMRaD
(Ang halimbawang IMRaD na makikita sa ibaba ay sadyang hindi isinunod sa pamantayan ng
paggamit ng espasyo sa layuning mapaikli ang mga pahina)

MGA KAGAMITANG MULTIMODAL: PANUKALANG TUGON SA MALAYUNING


KOMUNIKASYON
Rodelio C. Gauuan
 Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tuon sa pagbuo ng kagamitang multimodal bilang panukalang tugon
sa mga kompitensi ng kursong Malayuning Komunikasyon. Nilayon nito ang pagtataya ng mga
kompitensi na isinagawa ng mga kwalipikadong guro ng komunikasyon, pagtukoy, pagbuo at
pagtataya ng mga kagamitang multimodal at pagtataya sa pagkaepektibo ng mga nabuong
kagamitan. Nailahad sa pag-aaral ang pitong kompitensi ng Malayuning Komunikasyon na
nangangailangan ng paglinang. Bunga nito ay nabuo ang sampung kagamitang multimodal na mp4
format na kinabibilangan ng mga paksa tulad ng pasalitang pagpapahayag, interpretasyon ng mga
imahen, pagbuo ng mga presentasyong mapanghikayat at pagsulat ng sanaysay. Nailahad din sa
papel na ito ang mga pagtataya ng mga guro at mag-aaral sa mga kagamitang multimodal na tuon
sa kaangkupan, paglalahad at kaayusan, kawastuhan at kapanahunan. Sa kalahatan ng pag-aaral,
sampung kagamitang multimodal at mga Strategic Intervention Material (SIM) na naglalaman ng
plano ng pagkatuto, mga teksto at rubrik na siyang ipinanukalang gamitin bilang paghahanda para
sa pagpapatupad ng Malayuning Komunikasyon.
P a h i n a 200 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Susing salita: Kagamitan, Multimodal, Kurikulum

Introduksyon
Sa buong Asya, tanging ang Filipinas na lamang ang mayroong sampung taong pag-aaral ng
batayang edukasyon at ito ay hindi na nakatutugon sa pandaigdigang pangangailangan at pamantayan
(Tecson, 2012). Kaugnay nito, sa bisa ng RA 10533, ang K-12 Curriculum o ang Enhanced Basic
Education Curriculum ay sinimulang ipinatupad ng pamahalaan noong taong 2013 upang pataasin ang
kalidad ng edukasyon. Dahil sa pagpapatupad ng K-12 Kurikulum, lubhang naapektuhan ang mga
asignatura sa antas tersyarya. Kaya ipinatupad ng Commission on Higher Education ang CMO No. 20,
s. 2013 o ang New General Education Curriculum (NGEC) na nagtadhana ng mga bagong core courses
sa antas tersyarya.

Ang New General Education Curriculum ay naglalaman ng 36 units na core courses kung saan
kasama ang 24 units na core courses na kinabibilangan ng mga asignaturang Pag-unawa sa Sarili, Mga
Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas, Ang Kasalukuyang Daigdig, Matematika sa Kasalukuyang
Daigdig, Pagpapahalaga sa Sining, Agham, Teknolohiya at Lipunan, Etika, at 3 units na asignaturang
Filipino na Malayuning Komunikasyon.

Ang Malayuning Komunikasyon ay isa sa siyam na core courses sa New General Education
Curriculum na naaayon sa CMO 20, S. 2013. Ito ay tatlong yunit na kurso na nilaanan ng limampu’t
apat na oras na pagtuturo sa loob ng labingwalong linggo. Tungkol ito sa pagsulat, pagsasalita at
pagsasagawa ng presentasyon sa iba’t ibang audience at para sa iba’t ibang layunin.

Bagamat napapanahon ang mga hakbangin na isinasagawa sa kasalukuyan para sa


pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, kaalinsabay nito ang mga nakalatag na mga suliranin sa
pagpapatupad nito. Katunayan, sa pag-aaral na isinagawa nina Tadifa, et al. (2015) hinggil sa mga
suliranin at pagtugon ng mga guro sa pagpapatupad ng K-12, limang suliranin ang natukoy. Ang mga
ito ay ang sumusunod: pagtugon at suporta ng administrasyon, implementasyon, training ng mga
guro, kaalaman sa paksa; at ang lumabas na pangunahin ay ang kasalatan sa mga materyales na
magagamit sa pagtuturo. Ang mga natuklasang ito ay umaayon sa mga binanggit ni Tobias (2014) na
kinakaharap ng kasalukuyang pagbabago ng kurikulum, ang kakulangan ng mga kagamitang panturo
na lilinang sa mga kasanayan ng mga mag- aaral. Katunayan lamang na ang pagbuo ng kagamitang
panturo ay isa sa mga dapat na mabigyan ng pansin nang sa gayon ay matugunan ang mga suliranin
sa pagpapatupad ng bagong kurikulum.

Ang paghahanda ng kagamitang panturo ay isa sa mga naging hakbangin ng Commission on


Higher Education (CHED) para sa pagpapatupad ng New General Education Curriculum. Sa
pamamagitan ng CMO No. 72, Series of 2017 ay hinikayat ng CHED ang mga guro, awtor at mga iskolar
na magsaliksik at bumuo ng mga kagamitang panturo para sa alinman sa 9 na core courses ng NGEC
upang masuportahan ang isinasaad ng CMO No. 20, S. 2013. Bahagi ito ng programa na ukol sa
Development of Materials for the New General Education Core Courses kung saan nabibilang ang
Malayuning Komunikasyon.

Bilang tugon sa panawagan ng CHED batay sa isinasaad ng CMO No. 72, Series of 2017, ang
pag-aaral na ito ay isinagawa upang makabuo ng materyal na panturo na angkop sa kasanayan at
kahusayan ng mga mag-aaral. Kaugnay na naging layunin nito ang pagtukoy at pagtataya (assessment)
sa mga kompitensi ng Malayuning Komunikasyon upang malapatan ng angkop na kagamitang lilinang
sa mga kasanayan ng mga mag-aaral at ang pagtataya at pagtatasa sa pagkaepektibo ng mga
kagamitan. Apat na suliranin ang tinugon sa pag-aaral na ito: (1) Ano ang antas ng mga piling
kompitensi ng mga mag-aaral sa komunikasyon ayon sa pagtataya ng mga guro? (2) Ano- ano ang
kompitensi na nangangailangan ng mga presentasyong multimodal? (3) Ano-ano ang multimodal na
angkop buuin upang tugunan ang mga kompitensi ng mga mag- aaral para sa Malayuning
Komunikasyon? at (4) Ano ang antas ng pagkaepektibo ng mga multimodal sa paglinang ng mga
kompitensi ng mga mag-aaral ayon sa pagtataya ng mga mag-aaral at sa pagtataya ng mga guro.
Mapabubuti ang pagtuturo ng Malayuning Komunikasyon kapag ang mga layunin ay
maisasakatuparan. Ang kasalukuyang panahon ay panahong digital. Ang kasanayan ng mga mag-aaral
ay nararapat lamang na angkupan ng epektibong kagamitan sa pagtuturo upang lalong malinang ang
P a h i n a 201 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

kanilang kahusayan. Kaya nararapat lamang na ang bawat isa ay maging bahagi sa pagbabagong ito.
Aagapay at susuporta sa mga pagbabago ng imprastraktura, edukasyon, kultura at teknolohiya– at
nagsasaalang-alang sa bawat indibidwal na may iba-ibang kasanayan at pangangailangan.

 Metodolohiya
Ang pag- aaral ay isang Quantitative na pananaliksik. Quantitative dahil napapaloob dito ang
pagtatasa (assessment) sa antas ng mga kompitensi ng mga mag- aaral at pagtataya (evaluation) kung
gaano kaepektibo ang mga nabuong multimodal. Inilapat din sa pag-aaral ang pamaraang palarawan
sapagkat inilahad sa pananaliksik ang mga deskripsyon ng nabuong multimodal at ng mga talakayan
at mga gawain sa Strategic Intervention Material (SIM). Inilarawan din sa pananaliksik ang aktuwal na
pagbuo ng mga kagamitang panturo sa pamamagitan ng paggamit ng internet at mga aplikasyong
pangmidya para sa iba’t ibang moda na audio, visual at textual.

Apat na pangkat ang naging tagatugon ng pag-aaral. Ang unang pangkat ay kinabibilangan ng
mga guro na nagsagawa ng pagtataya sa mga kompitensi ng mga mag-aaral. Ang ikalawang pangkat
ay ang labinlimang (15) mag-aaral sa antas tersyarya na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling
method at naging bahagi sa testing ng mga nabuong presentasyong multimodal. Ikatlong pangkat
naman ng tagatugon ang anim (6) na guro na naging bahagi sa pagtataya ng mga nabuong kagamitang
multimodal batay sa tatlong salik at sa pagtataya ng pagkaepektibo nito. Ang ikaapat na pangkat ng
mga tagatugon ay kinabibilangan ng anim (6) na propesyonal na guro na pinili sa pamamagitan ng
purposive sampling method na nagbigay–pansin sa nilalaman ng nabuong kagamitang multimodal; at
labing- anim (16) na mag- aaral na nagsagawa ng ebalwasyon ng pagkaepektibo ng mga multimodal.

Sa pamamagitan ng mga kagamitan tulad ng competency evaluation index, gabay na


talatanungan at multimodal evaluation tool ay nakalap ang mga datos na naging daan para sa
pagtataya ng pagkaepektibo ng mga nabuong kagamitan. Inalisa ang mga datos sa pamamagitan ng
iskalang 1-4 at paglalapat ng deskripsyon at interpretasyon mula sa dalas (f) ng pagtugon ng
respondents at weighted mean.

Ang mga suliranin ay natugon sa pamamagitan ng apat na mahahalagang hakbang gaya ng


ipinapakita sa Figure 1:

Figure 1. Hakbang sa Pag-aaral

Ang mga hakbang na ito ay (1) pagtataya ng mga guro sa antas ng mga kompitensi upang
matukoy kung alin sa mga kompitensi ang nangangailangan ng paglinang (2) pagtukoy sa mga
kompitensi na mababa ang pagtaya upang matukoy kung anong kagamitan ang nararapat ilapat nang
sa gayon ay malinang ang kompitensi (3) aktwal na pagbuo ng mga kagamitang multimodal kung saan
isinaalang-alang ang iba’t ibang format at application extentions tulad ng .amr, .jpg, .jif, .wav, mp3 at

P a h i n a 202 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

mp4 (4) Testing kung saan isinagawa ang mga halimbawang pagtuturo gamit ang mga multimodal at
SIM at pagtataya ng mga mag-aaral at mga guro sa pagkaepektibo ng mga multimodal. Matapos
maisagawa ang mga hakbang ay nabuo ang panukalang kagamitang multimodal bilang tugon sa mga
suliranin sa kagamitang panturo na pangangailangan ng CMO No. 20, S. 2013.

 Resulta
 Antas ng mga kompitensi
Ang resulta ng unang suliranin hinggil sa pagtataya ng mga kompitensi ay natuklasan na may
tatlong kompitensi ang may mataas na antas at pitong may mababang antas na nangangailangan ng
kagamitang multimodal.

Talahanayan 1. Pagtataya sa mga kompitensi ng mga mag-aaral

CODE WEIGHTED MEAN DESKRIPSYON


K1 2.67 M
K2 2.50 M
K3 2.33 DM
K4 2.00 DM
K5 2.17 DM
K6 1.83 DM
K7 1.83 DM
K8 1.67 HM
K9 2.50 M
K10 2.33 DM
Legend: 3.25-4.00 Napakahusay (N) 2.50-3.24 Mahusay (M)
1.75-2.49 Di-gaanong Mahusay (DM) 1.00-1.74 Hindi Mahusay (HM)

Ang talahanayan ay nagpapakita ng tatlong kompitensi na may mahusay na pagtataya.


Nangahulugan ito na taglay na ng mga mag- aaral ang kasanayan. Ang mga kompitensing ito ay ang
paglalarawan ng kalikasan, mga elemento at gamit ng komunikasyong berbal at di berbal sa iba’t ibang
multikultural na konteksto (K1), pagliliwanag ng mga mag-aaral ang epekto ng komunikasyon at mga
usaping kultural at pandaigdig (K2) at pagbuo ng mga mag-aaral ng isang mapanghikayat na
presentasyon ng ideya sa pamamagitan ng angkop na rehistro ng wika, tono, ekspresyon ng mukha at
galaw (K9). Ang mga ito ay lubos na natutugunan, samakatwid, hindi ito agarang nangangailangan o
lalapatan ng mga kagamitang multimodal.

Sa pagtataya ng mga guro, pitong kompitensi ang nangangailangan pa ng paglinang. Ang mga
kompitensing ito ay kinabibilangan ng kaalaman ng mga mag-aaral at epekto ng komunikasyon sa
lipunan at sa mundo (K3), pagtukoy ng mga mag- aaral ng mga angkop na termino, ekspresyon at
imaheng kultural na may pagsasaalang-alang sa kasarian, lahi at uri (K4), pagpapahahayag ng mga
mag-aaral ng mga ideya sa pamamagitan ng mga presentasyong pasalita, audio-visual, web-based
para sa iba’t ibang target na audience sa lokal at global na setting sa pamamagitan ng angkop na
rehistro (K5). Pagkakaroon ng kamalayan at pagsasaalang-alang na kultural at interkultural sa
komunikasyon ng mga ideya (K6), pagbuo ang mga mag-aaral ng malinaw, magkakaugnay at mabisang
materyales sa komunikasyon (K7), pagsasagawa ng mga mag-aaral ng masusing ebalwasyon ng mga
tekstong multimodal upang mapahusay ang kasanayan sa pakikinig, pagbabasa at panonood (K8) at
pagsulat at pagsasagawa ng mga presentasyon ng mga akademikong papel sa pamamagitan ng angkop
na tono, estilo, kumbensyon at pagsangguni (K10). Ang pitong kompitensi na hindi mahusay at di-
gaanong mahusay o may mababang antas ng pagtataya ay nilapatan ng mga kagamitang multimodal.
Ang pagtataya ng mga guro ay nahahawig sa pag-aaral na isinagawa ni Visitacion (1998) sa kaniyang
pag-aaral na pokus din sa pagtataya ng mga kompitensi ng mga mag-aaral. Natuklasan niya na ang
mga kasanayan ng mga mag-aaral ay nabibilang lamang din sa dalawang antas na mahusay at di-
mahusay. Pinatunayan din sa kaniyang pag-aaral na sa kahit anumang larangan ng pag-aaral ay di-
gaanong natatamo ang mga kasanayan na siya ring nakikita sa naging resulta ng pagtataya ng mga
guro.

P a h i n a 203 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Ang ganitong pagtataya ng mga kasanayan ay nahahawig sa isinagawang pag- aaral ni Sesame
(2009) kung saan binanggit niya na ang mga mag-aaral ay nakakaranas ng tagumpay at kabiguan sa
pagtamo ng mga kasanayan. Alam ng lahat na hindi laging nagtatagumpay ang mga bata sa kanilang
mga gawain, subalit kapag ang isang suliranin ay nalutas, masasabing nagtagumpay sila sa pagkatuto.
Dagdag pa ni Sesame (2009), napagtatagumpayan ng mga mag-aaral ang mga paksa na paulit- ulit na
natatalakay at kung ang mga ito ay mga paksang pangkaalaman. Sapagkat ang mga kompitensing ito
ay natutugunan, maaaring masabi na ang mga ito ay hindi agarang nangangailangan ng mga
kagamitang multimodal.

 Kompitensi na Nangangailangan ng Kagamitang Panturo


Natuklasan na may pitong kompitensi na may mabababang antas ng pagtaya na kailangang
lapatan ng multimodal.

Talahanayan 2. Kompitensi na Nangangailangan ng Kagamitang Panturo

KOMPITENSI PAKSA
K3 Malaman ang epekto ng komunikasyon sa Komunikasyon at globalisasyon
lipunan at sa mundo
K4 Matukoy ang mga angkop na termino, ekspresyon Komunikasyong lokal at global
at imaheng kultural na may pagsasaalang-alang sa multikultural na setting
sa kasarian, lahi, uri at iba pa.
K5 Maipahayag ang mga ideya sa pamamagitan ng Ebalwasyon ng mga mensahe at
presentasyong pasalita, audio-visual at web- mga imahen
based para sa iba’t ibang audience sa lokal at
global na setting sa pamamagitan ng angkop na
rehistro

K6 Magkaroon ng kamalayan at pagsasaalang-alang Mga Varayti at Rehistro ng


sa kultural at interkultural na komunikasyon ng wikang Pasalita at Pasulat
mga ideya

K7 Makagawa ng malinaw, magkakaugnay at Komunikasyon sa trabaho


mabisang materyales sa komunikasyon,
magkaroon ng kamalayan ang audience at
konteksto sa presentasyon ng mga ideya sa
pagpapahayag

K8 Magkaroon ng masusing ebalwasyon sa mga Ebalwasyon ng mga mensahe at


tekstong multimodal upang mapahusay ang mga imahen
kasanayan sa pakikinig, pagbasa at panonood

K10 Nakasusulat at nakapagsasagawa ang mga mag- Komunikasyon para sa layuning


aaral ng presentasyon ng akademikong papel sa akademiko
pamamagitan ng angkop na tono, estilo,
kumbensyon at pagsangguni

Ang mga kompitensi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo ay tungkol sa epekto ng


komunikasyon sa lipunan at sa mundo, pagtukoy sa mga termino, ekspresyon at imaheng kultural na
may pagsasaalang-alang sa kasarian, lahi at uri at pagpapahayag ng mga ideya sa pamamagitan ng
presentasyong pasalita, audio-visual at web-based. Kasama rin dito ang mga kompitensi tungkol sa
pagkakaroon ng kamalayan at pagsasaalang-alang sa kultural at interkultural na komunikasyon,
pagggawa ng malinaw, magkakaugnay at mabisang materyales sa komunikasyon at ebalwasyon ng
mga tekstong multimodal upang mapahusay ang kasanayan sa pakikinig, pagbasa, panonood at
pagsulat. Ang mga kompitensing ito, ayon kay Sankey (2003) ay dapat nang matutuhan ng mga mag-
P a h i n a 204 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

aaral sa kasalukuyan. Kailangan ang pagtuon sa uri ng komunikasyong ginagamit ng mga mag- aaral
sapagkat halos nakadikit na sa bawat indibidwal ang mga teknolohiyang pangkomunikasyon. Sang-
ayon dito ang binanggit ni Jewitt (2008) na sa kasalukuyan ay lubhang nakaaapekto na ang teknolohiya
sa buhay ng bawat isa lalo na sa komunikasyong kultural at interkultural.

 Nabuong multimodal
Sampung multimodal ang nabuo sa pag-aaral bilang tugon sa mababang kompitensi ng mga
mag- aaral.

Talahanayan 3. Nabuong multimodal batay sa natayang kompitensi ng mga mag-aaral

KOMPITENSI NABUONG MULTIMODAL


K3 Malaman ang epekto ng komunikasyon sa lipunan at Multimodal 1:
sa mundo Nasanay sa Pag-iisa

K4 Matukoy ang mga angkop na termino, ekspresyon at Multimodal 2: Pagpapahayag sa


imaheng kultural na may pagsasaalang-alang sa Multikultural na Setting
kasarian, lahi, uri at iba pa
K5 Maipahayag ang mga ideya sa pamamagitan ng Multimodal 3: Ebalwasyon ng mga
presentasyong pasalita, audio-visual at web-based Mensahe at Imahen (Larawan at
para sa iba’t ibang audience sa lokal at global na Ilustrasyon)
setting sa pamamagitan ng angkop na rehistro

K6 Magkaroon ng kamalayan at pagsasaalang-alang sa Multimodal 4a at 4b :


kultural at interkultural na komunikasyon ng mga Rebyu ng mga Pelikula
ideya Rebyu ng Pelikula: Instruction

K7 Makagawa ng malinaw, magkakaugnay at mabisang Multimodal 5a:


materyales sa komunikasyon Pag-aanunsyo sa Negosyo at Kalakalan

Multimodal 5b:
Magkaroon ng kamalayan ang audience at konteksto Mabuting Komunikasyon sa Negosyo
sa presentasyon ng mga ideya sa pagpapahayag at Kalakalan

K8 Magkaroon ng masusing ebalwasyon sa mga tekstong Multimodal 6a:


multimodal upang mapahusay ang kasanayan sa Ika 6 na Utos (Media Campaign)
pakikinig, pagbasa at panonood
Multimodal 6b:
Universal Declaration of Human Rights
(PSA)

K10 Nakasusulat at nakapagsasagawa ang mga mag- Multimodal 7:


aaral ng presentasyon ng akademikong papel sa Sanaysay na nakatuon sa Socio-
pamamagitan ng angkop na tono, estilo, Political (Socio-Political paper)
kumbensyon at pagsangguni

Ang paksa ng mga multimodal ay tungkol sa komunikasyon at globalisasyon, pagpapahayag sa


multikultural na setting, ebalwasyon ng mga mensahe at imahen, presentasyon at rebyu ng mga
pelikula, pag-aanunsiyo sa larangan ng negosyo at kalakalan, pagbuo ng media campaign at public
service awareness/announcement (PSA) at pagsulat ng sanaysay tulad ng socio-political paper. Ang
multimodal na nabuo ay para sa pagpapahusay ng mga kasanayan ng mga mag-aaral. Naaayon o may
koneksyon ang mga multimodal sa pagpapataas ng kasanayan at kahusayan ng mga mag- aaral. Sa
talakay ni Godhe (2011) ay kaniyang binanggit na ang kasanayan ng mga mag- aaral ay lubos na

P a h i n a 205 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

malilinang kapag ang mga gawain sa klasrum ay naayon sa kanilang kawilihan, kahandaan at
kahusayan. Ang ganitong kaisipan ay isinaalang-alang sa pagbuo ng mananaliksik ng mga kagamitang
multimodal. Binanggit pa ni Godhe (2011) na kailangan nang tanggapin ang malaking hamon ng
komunikasyon sa kasalukuyang panahon dahil may malaking pagkakaiba ang tradisyunal na
pamaraang pasalita sa paggamit ng komunikasyong nababatay sa iba’t ibang uri ng teknolohiya.

Kaugnay ng mga nabuong multimodal, nabuo rin ang mga Strategic Intervention Material
(SIM). Ang mga Strategic Intervention Material ay napatunayan nang nakatutulong bilang kagamitan
sa pagtuturo ayon sa pag-aaral ni Padilla (2014).

 Pagkaepektibo ng mga multimodal


Sa pangkat ng mga mag- aaral, isinagawa ang microteaching na may labinlima (15) hanggang
tatlumpung (30) minutong pagtuturo. Tinaya ng mga mag-aaral ang mga nabuong multimodal gamit
ang multimodal evaluation tool na nagtataya sa layunin at kahalagahan, nilalaman, panlahat na
pagtaya at disenyo at kabuoan ng mga multimodal. Tinaya rin ng mga piling guro ang mga nabuong
multimodal. Ang mga indicator ng pagtataya ng mga mag-aaral ay ukol sa kawastuhan, kaangkupan
at kapanahunan.

Talahanayan 7. Pagtataya ng mga mag-aaral at guro sa pagkaepektibo ng mga


multimodal
Tagataya Mean Ranggo Deskripsyon

Mag-aaral 3.841 3.41 – 4.00 Napakaepektibo


Guro 3.846 3.41 - 4.00 Napakaepektibo

Kalahatan 3.843 4.41 – 4.00 Napakaepektibo


Legend: 3.25-4.00 Napakaepektibo (N) 2.50-3.24 Epektibo (E)

1.75-2.49 Di-Gaanong Epektibo (DE) 1.00-1.74 Hindi Epektibo (HE)

Batay sa mga ginamit na deskripsyon, mababatid na ang mga nabuong multimodal ay


napakaepektibo. Nangangahulugan na ang mga multimodal ay angkop gamitin sa pagtuturo ng
Malayuning Komunikasyon. Bukod pa rito, masasabi rin na ang mga multimodal ay naaayon sa antas
ng pag-iisip ng mga mag-aaral sapagkat naiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan sa
mga nailahad na multimodal. Ang mga multimodal ay tumutugon sa mga karanasan ng mga mag-
aaral kaya nakapagpapahayag ang mga ito ng kani- kanilang mga sariling ideya sa klasrum. Mababatid
din sa pagtataya ng mga guro na ang mga multimodal ay nakapanghihikayat, nakatutulong sa
talakayan at nagtataglay ng disenyong nakatutulong upang mapagtuunan ng pansin ang mga paksang
tatalakayin. Maidaragdag na sa pag-aaral na isinagawa ni Maier (2015) ay napatunayan na ang mga
pagtuturo gamit ang mga multimodal ay nakapagbibigay ng malaking oportunidad sa mga mag-aaral
upang matuto sa iba’t ibang estratehiya at gawain (variety of facets). Idinagdag pa niya na sa
pamamagitan ng pagtuturo gamit ang multimodal ay nalilinang ang iba’t ibang sensori ng mga mag-
aaral dahil dito ay lubos ang kanilang pagkatuto.

Sa kalahatan ng pag-aaral na ito na nakatuon sa pagbuo ng mga kagamitang multimodal at


kaugnay ng pagtataya nito, sinabi ni Bamlet (2016) na hindi rin dapat kaligtaan ng mga guro ang ilang
suliranin sa pagbuo, pagtatasa at pagtataya. Sinabi niya na mayroon pa ring ilang suliranin na dapat
mapagtuonan tulad ng uri at kalidad ng nabuong multimodal, kung ang mga ito ay tumutugon sa iba’t
ibang sensori at hindi lamang para sa isang sensori tulad ng radyo na para lamang sa pandinig at kung
ito ba ay nakatutulong nang mabuti sa konsepto ng komunikasyon upang makapagpahayag nang
mahusay ang mga mag-aaral.

 Diskusyon
Sa kabuoan ng isinakatuparang pananaliksik, natuklasan na sa pagtataya ng mga guro ay may
pitong kompitensi ang kursong Malayuning Komunikasyon na may mababang pagtasa at ang mga ito
P a h i n a 206 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

ay nangangailangan pa ng paglinang. Ang mga kompitensi na nangangailangan pa ng paglinang ay


karaniwang hinggil sa mga pagsasanay sa pagsasalita at interpretasyon, paggamit ng wika sa iba’t
ibang setting, mapanuring panonood, pagbuo ng mga sulating mapanghikayat tulad ng socio-political
paper, media campaign at public service awareness/announcement. Batay sa ika-21 siglong
pagtuturo, karaniwang ang mga kasanayang kailangan pang linangin ay nahihinggil sa media literacy,
communication, information literacy at critical thinking.

Bilang tugon sa mga kompitensing nangangailangan pa ng paglinang, sampung kagamitang


multimodal ang nabuo sa pag-aaral. Ang paksa ng mga multimodal ay tungkol sa komunikasyon at
globalisasyon, pagpapahayag sa multikultural na setting, ebalwasyon ng mga mensahe at imahen,
presentasyon at rebyu ng mga pelikula, pag-aanunsyo sa larangan ng negosyo at kalakalan, pagbuo ng
media campaign at public service awareness/announcement (PSA) at mga usapin hinggil sa sanaysay
at sa pagsulat ng socio-political paper.

Napakaepektibo ang naging pagtaya sa mga multimodal na nabuo. Ang mataas na pagtataya
ng mga mag-aaral at guro sa mga multimodal ay nagpapatibay na lubos na angkop gamitin ang mga
multimodal upang matugunan ang mga kasanayan ng mga mag- aaral.

Kaya inirerekomenda na ipagpatuloy ang pagbuo pa ng mga multimodal para sa iba pang
kompitensi upang maging ganap at buo ang kagamitan na maaaring gamitin bilang paghahanda sa
implementasyon ng bagong kurso sa Filipino. Ang mga guro at iba pang mananaliksik sa larangan ng
pagtuturo ay magsagawa pa ng pananaliksik tungkol sa Malayuning Komunikasyon. Inirerekomenda
na ang mga isasagawang pananaliksik ay may diin sa mga persepsyon, pagtanggap at kaalaman ng mga
guro at mag-aaral tungkol sa Malayuning Komunikasyon upang ganap na magkaroon ng kahandaan sa
nalalapit na pagpapatupad ng kurso. Inirekomenda rin na sikaping linangin pa ng mga guro ang
kompitensi na may mabababang pagtataya. Ang mga kompitensi ng Malayuning Komunikasyon ay
nakatuon sa layuning outcomes, kaya inirerekomenda rin na pumili ng angkop na estratehiya sa
pagtuturo at payamanin pa ang mga inihandang Strategic Intervention Material, mga teksto at rubrik
upang lalo pang mapahusay ang pagtuturo ng Malayuning Komunikasyon at higit sa lahat, sa mga
gurong magtuturo ng Malayuning Komunikasyon, gamitin sa pagtuturo ang mga nabuong kagamitang
multimodal sa pag-aaral na ito. Ang mga ito ay napakaepektibong kagamitan upang tugunin ang mga
kompitensing nangangailangan pa ng paglinang.

P a h i n a 207 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Rubrik 9
Pamantayan sa Pagtataya sa Nabuo IMRaD at Presentasyon

Pamantayan Puntos Aktuwal


Introduksyon 15
a. Naisakatuparan ang mahahalagang bahagi ng introduksyon 5
b. Maayos at magkakaugnay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya 5
c. May sapat at wastong citations ang mga bahaging 5
nangangailangan ng pagpapatibay
Metodolohiya 20
a. Malinaw at angkop na nailahad ang mga mahahalagang bahagi ng 15
metodolohiya tulad ng disenyo, pamaraan, kaligiran, tagatugon at
iba pang bahagi
b. Maayos at magkakaugnay ang paglalahad ng mga bahagi 5
Resulta 25
a. Nailahad ang mga resulta ayon sa pagkasunod-sunod ng suliranin 10
b. Natalakay ang resulta ng pananaliksik
c. May paghahambing, pagpapatibay at angkop na citations ang 10
mga pagpapaliwanag 5
Diskusyon 20
a. Angkop ang pagbubuod, kongklusyon at rekomendasyon 10
b. Nagtataglay ng sapat na kaisipan at mga implikasyon para sa 10
susunod pang pananaliksik
Presentasyon 20
a. Malinaw, magkakaugnay at maayos ang organisasyon ng 8
presentasyon ng kagamitang biswal
b. Oral Presentation
Stage presence 4
Kalinawan at kalakasan ng boses 4
Kahusayan sa pagsagot ng mga tanong 4
Kabuoan

Tagataya: __________________________ Petsa: ___________


Pangalan at Lagda

TAYAHIN
Pangalan ng mga miyembro: _____________________ ,______________________
________________________, ____________________ , ______________________
Pamagat: ____________________________________________________________
____________________________________________________________
Petsa: _________________________ Puntos: ______________________

Puna para sa pagpapahusay:

Rekomendasyon:

P a h i n a 208 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

P a h i n a 209 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Talasanggunian
ABDERISAK, A. 2013. The IMRAD Format: Explanation. Retrieved June 8, 2018
from http://www.study-habits.com/imrad-format-explanation
ABELLO, J. C. 2014. 14 bad habits that Filipinos should break to achieve progress.
Retrieved from http://faq.ph/14-bad-habits-that-filipinos-should-break-to-achieve-progress/
AGUILAR, J.L. 2018. Mga dapat isaalang-alang sa mabisang komunikasyon Retrieved
March 20, 2018 from https://www.scribd.com/doc/33123375/Mga-Dapat-
Isaalang-Alang-Sa-Komunikasyon

Alliance of Progressive Labor. 2011. Henry Sy’s riches set off by contractualization.
Retrieved from http://www.apl.org.ph/?p=1189
ALVAREZ, K. 2015. 10 slang phrases you need to know. Retrieved May 2, 2018 from
https://matadornetwork.com/notebook/10-slang-phrases-youll-need-know-philippines/
AROGANTE, J. A. et al. 1987. Kakayahan sa pakikipagtalastasan pangkolehiyo
Binagong edisyon. National Book Store, Inc.
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). 2015. The ASEAN Secretariat
Jakarta ASEAN Retrieved from www.asean.org

BABBIE, E, R. 1998. The practice of social research, 8th ed. Belmont: Wadsworth
Publishing Company
BATONGBAKAL Jr., L. E. 2018. 19 Common Pinoy expressions younger
generations won’t understand. Retrieved April 15, 2018 from
https://www.filipiknow.net/
BEAVERSTOCK, J. R. 2008. Globalization: Interconnected Worlds. Retrieved from
http://www.sagepub.com/upm-data/24132_19_Hollway_Ch_19.pdf

BERNALES, R. A. et.al. 2009. Akademikong Filipino para sa kompetetibong Pilipino.


Mutya Publishing House, Inc.
BHAMARE, C. R. 2018. Effects of social media on communication skills. Retrieved June 20, 2018
from https://theknowledgereview.com/effects-social-media-communication-skills

CASTRO, R. 2017. Pananaliksik. Retrieved June 8, 2018 from


https://rdcastro1.wordpress.com/2017/09/29/kahulugan-ng-pananaliksik/
Center for Teaching and Learning, University of Georgia. 2016. Video conferencing in
a nutshell. University of Georgia
CHAVEZ, J.J., GALILEO, G. and GARCIA, A., ed. 2008. Para sa PAKISAMA
www.asianfarmers.org; afa@asianfarmers.org. Vol. 3 No. 1. Feb. 2008.
CNN. 2009. Pushcart educator named CNN hero of the year.CNN. Retrieved from
http://www.cnn.com/2009/LIVING/11/16/cnnheroes.tribute.show/

CRUZ, C. 2015. Ugaling Pilipino: noon at ngayon. Retrieved May 28, 2018 from
https://magingalagadngsining.wordpress.com/2015/08/06/ugaling-pilipino-noon-at-ngayon/
DAVEY, K. 2018. The meaning of culture. Retrieved May 5, 2018 from
http://culturalconfidence.com/the-meaning-of-culture-by-anna-katrina-davey/

DAY, R. A. 1998. How to write & publish a scientific paper. 5th ed. Phoenix: Oryx
DELA CRUZ, M.. et al. 2016. Pagsulat sa Filipino sa piling larangan: akademik. Diwa Learning Sytems,
Inc.
Different types of video conferencing systems. 2015. Retrieved June 18, 2018 from

P a h i n a 210 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

https://www.eztalks.com/video-conference/different-types-of-video-conferencing-systems.html

DRAPEZA, H. 2016. Kakayahang sosyolingguwistiko: paglikha ng angkop na pahayag sa tiyak na


sitwasyon. Retrieved May 20, 2018 from
https://www.counsehero.com/file/19441702/sosyolingguwistika-H-Drapeza

Essays, UK. 2013. Factors affecting cross culture communication cultural studies essay. Retrieved
May 5, 2018 from https://www.ukessays.com/essays/cultural-studies/factors-affecting-cross-
culture-communication-cultural-studies-essay.php?vref=1
Fil Internationalism. 2010. Para sa kabataan at estudyante. Retrieved from
Internasyunal na Komunistang Tunguhin: http://fil.internationalism.org
/internasyonalismo/201001/141/para-sa-mga-kabataan-estudyante
FLORO, A. 2016. Buhay ng mga tindero. Retrieved from http://www.seasite.niu.edu/
tagalog/new_intermediate_tagalog/reading_lessons/LESSONS/buhay_ng_mga_
tindero.html
GABRIEL, J. 2017. Seven amusing Filipino expressions and how to use them. Retrieved May 2, 2018
from https://blog.gengo.com/translators/

GARCIA, F. et al. 2017. Filipino sa piling larang (Akademik). Quezon City: SIBS
Publishing House
GMA News Online. 2018. Mga batang magsasaka: Kilalanin sa ‘REEL TIME’. Retrieved from
GMA news online: http://www.gmanetwork.com/news /newstv/reeltime/640314/mga-batang-
magsasaka-kilalanin-sa-reel-time/story/

Got Questions Ministries. 2018. Maghanap, magtanong: ang mabuting balita


mahahalagang katanungan. Retrieved May 5, 2018 from
https://www.gotquestions.org/Tagalog/tsismis-Bibliya.html

GRAF, C. et al. 2010. The guide for roundtables: how to plan, organize, perform,
evaluate and document roundtables. Retrieved May 20, 2018 from
Book%20St.%20Andrews%20Publishing/Researches%20on%20conference%20and%20symposium/R
ound%20table/planning%20,%20implementing%20round%20tables.pdf
GUTTAL, S. 2007. Globalisation. Retrieved from http://mongolianmind.com/wp- c
content/uploads/2012/10/Globalisation-transnational-corporations-as- institutions- of-
global-capitalism-2007.pdf
HANS, A. and HANS, E. 2015. Kinesics, haptics and proxemics: aspects of non –
verbal communication. IOSR Journal Of Humanities And Social Science Vol.
20, No. 2, pp 47-52
HEATHFIELD, S. M. 2018. Nonverbal communication in the workplace. Retrieved May 2, 2018 from
https://www.thebalance.com/nonverbal-communication-in-the-workplace-1918470

HERNANDEZ, L. G. 2017. Pagwiwikang kultural ng panitikang ikalahan/kalanguya sa


Nueva Vizcaya: isang pagdalumat dokumental. La Trinidad, Benguet: Benguet
State University
INVESTOPEDIA. 2016. Video conferencing. Retrieved June 15, 2018 from
https://www.investopedia.com/terms/v/video-conferencing.asp

JAMES, L. 2016. The role of television in mass communication. Retrieved June 18,
2018 from https://james1738.wordpress.com/2016/06/22/the-role-of-television-
in-mass-communication/
JOHN, J. 2015. Ang pagsasagawa ng simposyum. Retrieved May 20, 2018 from

P a h i n a 211 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

https://www.youtube.com/watch?v=yr6Now17JIU
JOVANOVIC, M. N. 2010. Is globalisation taking us for a ride? Jornal of Economic Integration.
retrieved from http://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm? abstract_id=1683328

JULIAN, A. B. et al. 2 017. Filipino sa piling larang (Akademik). Quezon City:


Phoenix Publishing House
KIRBY, P. 2006. Theorising globalization social impacts: prposing the concept of vulnerability.
Taylor and francis ltd . Retrieved from http://www.tandfonline.com/doi/pdf/
KUHLMANN, T. 2007. How do you communicate with your e-Learners? Retrieved
June 18, 2018 from http://blogs.articulate.com/rapid-elearning/how-do-you-
communicate-with-your-e-learners/
LAZARO, T. 2010. Ang larawan ng kahirapan (poverty and education). Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=_nhsDTfaX1o

LEDUC, S. 2006. 10 Guidelines for effective meetings. Retrieved May 20, 2018 from
file:///D:/Book0St.%20Andrews%20Publishing/Researches%20on
%20conference%20and%20symposium/Conducting%20a%20meeting/Guidelines
ForEffectiveMeetings.pdf
LEWIS, B. 2015. Tagalog: a fun language to learn in the Philippines! Retrieved April 15, 2018 from
https://www.fluentin3months.com/tagalog/

LUMBERA, B. 2009. Ang sining at komitment sa panahon ng krisis at karahasan.


Retrieved May 18, 2018 from http://avhrc-kultura.blogspot.com/
MACASPAC, M. 2011. Larawan: Kabataang Makabayan, muling nanawagan sa kabataan na
lumahok sa rebolusyon. Retrieved from Pinoy Weekly:
http://pinoyweekly.org/new/2011/12/ larawan-kabataang-makabayan
-muling-nanawagan-sa-kabataan-na-lumahok-sa-rebolusyon/
MAGTIRA, M. C. and DELA CRUZ, JR., J. 2000. Ano ang kahulugan ng "bayani"?
Retrieved May 20, 2018 from http://www.bayani.com/kuta/kah.
MaKasaysayan. 2016. Manggagawa ka ba? Regular ka ba o Kontraktwal? : usapang
manggagawa sa araw ni Gat. Andres Bonifacio. Retrieved from
https://makasaysayan.wordpress.com/2016/11/29/manggagawa-ka-ba-regular- ka-
ba.html
MOVIUS, L. 2010. Cultural Globalisation and Challenges to traditional communication theories.
Journal of Media and Communication . Retrieved from http://journals.culture-
communication.unimelb.edu.au /platform/resources/includes/vol2_1/Platform Vol2
Issue1_Movius.pdf
NEWMAN, K. 2018. Four tips for planning and hosting a successful roundtable.
https://www.eventmanagerblog.com/organising-successful-roundtables
News 5 Everywhere. 2016. Disiplina. Retrieved from
https://www.youtube.com/watch?v=k0oNRlRKeDI

NOORDHOF, J. 2015 Television communication. Retrieved June 20, 2018 from


https://www.taitradioacademy.com/topic/what-is-communication-1/
NUCASA, W. and VICTORIA, 2018. Varayti at RehistrongWika. Faculty Training for the
New General Education Core Courses: Modified Second Generation GE Faculty Training
ORIOKOT, L., BUWEMBO, W. and MUNABI, I. 2011. The introduction, methods,
results and discussion (IMRAD) structure: a survey of its use in different
authoring partnerships in a students' journal. Retrieved June 5, 2018 from
https://doi.org/10.1186/1756-0500-4-250.html
PATTON, M. 1990. Qualitative evaluation and research methods. Beverly Hills, CA:

P a h i n a 212 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Sage.
PANOPIO, F. 2018. Pitong gatang. Retrieved April 12, 2018 from
https://www.musixmatch.com/lyrics/FRED-PANOPIO/Pitong-Gatang

PASCUAL, A. 2016. Tatak ng isang tunay na bayani. Retrieved May 20, 2018 from
https://www.veritas846.ph/tatak-ng-isang-tunay-na-bayani/

PASTURAN, A. 2015. Simposyum. Retrieved May 20, 2018 from


https://prezi.com/ca25vkwuqc4w/simposyum/
REIDER, C. 2014. How is social media affecting our communication? Retrieved June
20, 2018 from https://www.nrmedia.biz/blog/

RICAFRENTE, D. 2016. Clipart 2 Darna Retrieved May 20, 2018 from


https://www.artstation.com/artwork/ym
RMN News Nationwide: The Sound of the Nation
ROUSE, M. 2017. Video conference. Retrieved June 15, 2018 from
https://searchunifiedcommunications.techtarget.com/feature/Tracking-the-
evolution-of-UC-technology

SEGAL, J. SMITH, M. and ROOSE, G. 2018. What is non verval communication? Retrieved May 2,
2018 from https://www.helpguide.org/articles/relationships-communication/nonverbal-
communication.html
STEFANOVIC, Z. 2008. Globalization: Theoretical perspectives impatcs and institutional
response of the economy. economics and organization, 5.
http://facta.junis.ni.ac.rs/eao/eao2 00803/eao200803-09.pdf

TAN, S. 2015. Why we need more round table discussions. Retrieved May 20, 2018
from https://darlingmagazine.org/why-we-need-more-round-table-discussion/

TANAWAN, D.S. et al. 2004. Sining ng mabisang komunikasyon. Trinitas Publishing,


Inc.
TARPAN, S. 2018. The Meaning of symposium and conference. Retrieved May 20,
2018 from https://www.youtube.com/watch?v=IC0bCuSZWhE
The Philippine Star. 2012. Dumadami ang mga batang mangagawa. Retrieved from
The Philippine star: https://www.philstar.com/opinyon/2012/06/28 /822087/editoryal-
dumadami\ -ang-mga-batang-manggagawa

TUMANGAN, A.P. Sr., et al. 1997. Sining ng Pakikipagtalastasan (Filipino1). Makati


City: Grandwater Publications
Universidad de Alivante. 2018. Video conferencing. Retrieved June 8, 2018 from
https://si.ua.es/en/videoconferencia/types-of-videoconferences.html

University of Sheffield. 2018. Uses of video conferencing. Retrieved June 18, 2018
from https://www.sheffield.ac.uk/cics/videoconferencing/uses

UNUTH, N. 2018. Benefits of video conferencing. Retrieved June 18, 2018 from
https://www.lifewire.com/benefits-of-video-conferencing-4108480

VEERRRAJUL, R. P, and SRINIVASA, A. 2011. Benefits of video conferencing.


International Journal of Hybrid Computational Intelligence Volume 4, Nos. 1-2,
Jan. – Dec. pp. 39-42

P a h i n a 213 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

Villegas, A. 2016. Personal Interview


WARNER, W. S. 2016. The mechanics of scientific writing.
Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. 2018. Tanong ng mga
Kabataan: masama ba ng tsismis? Retrieved May 2,
2018https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1102008106

WILLIS, A. 2017. How social media changed the way we communicate. Retrieved
June 15, 2018 from http://circaedu/hemj/
Wordometers. 2016. philippines population (live). Retrieved from
http://www.worldometers.info/world-population/philippines-population/

Mga Sangguniang Elektroniko:


Yolanda (Typhoon Haiyan): aid, donations from int’l community.
Retrieved from http://www.rappler.com/nation/43310-yolanda-international- community
Mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa kaunlaran. Retrieved from
https://www.slideshare.net/aralpang/mga-hakbang-na.ginagawa-ng- pamahalaan-para-
sakaunlaran
Components of a technical paper. Retrieved June 3, 2018 from
http://www.me.ua.edu/swe/components.html

The IMRaD format. Retrieved June 8, 2018 from


https://sokogskriv.no/en/writing/structure/the-imrad-format/
Buhay ng dyip. Retrieved from https://merciditablog.wordpress.com 2017/05/18/buhay-sa-dyip/
Mga pangkat etniko sa Pilipinas. https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_ pangkat_etniko_sa_Pilipinas
https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/06/06/mga-sanhi-at-bunga-ng- kahirapan-
sa-pilipinas/

http://problemasalipunan.blogspot.com/

http://cec.vcn.bc.ca/mpfc/modules/emp-pvtt.htm

https://www.affordablecebu.com/load/health/mga_dapat_gawin_para_maiwasan_ang_ma
lnutrisyon_ng_mga_bata/24-1-0-23987

http://kalusugan.ph/malnutrisyon-problema-ng-kahirapan-sa-pilipinas/

http://www.journal.com.ph/editorial/opinion/modernisasyon-ng-agrikultura-ang-dapat- unahin

http://abm-a.blogspot.com/2016/11/kahirapan-sa-pilipinas.html

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=d90yW_a GIpHU-
Qb37qrYDQ&q=larawan+ng+kontraktwalisasyon&oq=larawan+ng+
kontraktwalisasyon&gs_l=img.3...6475.29543.0.30286.48.34.0.0.0.0.1261.5692.4-
4j3j1j1.9.0....0...1c.1.64.img..41.3.2233...0j0i67k1j0i30k1.0.0ErDKNRBok8#imgrc=po4j9Xn8yaY0IM:

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=d90yW_aGIpHU-
Qb37qrYDQ&q=larawan+ng+kontraktwalisasyon&oq=larawan
+ng+kontraktwalisasyon&gs_l=img.3...6475.29543.0.30286.48.34.0.0.0.0.1261.5692.4-
4j3j1j1.9.0....0...1c.1.64.img..41.3.2233...0j0i67k1j0i30k1.0.0ErDKNRBok8#imgrc=fpGniGFWFvuvtM:

P a h i n a 214 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

https://www.google.com.ph/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=d90yW_aGIpHU-
Qb37qrYDQ&q=larawan+ng+kontraktwalisasyon&oq=larawan+
ng+kontraktwalisasyon&gs_l=img.3...6475.29543.0.30286.48.34.0.0.0.0.1261.5692.4-
4j3j1j1.9.0....0...1c.1.64.img..41.3.2233...0j0i67k1j0i30k1.0.0ErDKNRBok8#imgrc=nGPSeLfXTuS2KM:

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa=1&ei=GgczW8q8MYuuoASa7JS
YCw&q=larawan+ng+mga+driver+ng+dyip&oq=larawan+ng+mga+driver+ng+dyip&gs_l=img.3...5033
0.57209.0.57971.24.18.0.1.1.0.557.2138.5-
4.4.0....0...1c.1.64.img..19.3.1101...0.0.MHwNeArPoSk#imgrc=TTAGXTPEkV3o9M:

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=JzEzW6nmDZGmoAT3xIi
ABQ&q=magsasaka&oq=magsasaka&gs_l=img.3...591289.596595.0.596805.24.17.0.0.0.0.703.2491.
3-1j2j1j1.5.0....0...1c.1.64.img..22.1.701...0j0i67k1.0.O-RsHDfDRvA#imgrc=86EU2YDbFlxw_M:

https://nimespino.wordpress.com/2017/08/12/posisyong-papel/

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=rDozW9ytJImtoASZlrDAC
w&q=manggagawang+dyipney+driver&oq=manggagawang+dyipney+driver&gs_l=img.3...75789.870
77.0.87704.44.29.1.0.0.0.1355.4453.3-
3j2j2j0j1.8.0....0...1c.1.64.img..35.4.2506...0j0i67k1j0i30k1j0i24k1.0.BdyLn5XcV_U#imgrc=_e194IEp2
IbYoM:

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=eT4zW5vwH5Hr-Qbeq4-
AAg&q=balitang+dyip+news+tv&oq=balitang+dyip+news
+tv&gs_l=img.3...355430.364256.0.364605.41.23.0.0.0.0.1428.3509.2-
1j1j2j1j0j1.6.0....0...1c.1.64.img..36.0.0....0.VeCgrerRQJQ#imgrc=NyqNO4Yi7LLRgM:

https://www.google.com/search?biw=1366&bih=613&tbm=isch&sa=1&ei=FkAzW7HWH9qC-QbN-
JSICA&q=balitang+dyip+UN+Tv&oq=balitang+dyip+
UN+Tv&gs_l=img.3...440097.447715.0.448559.11.11.0.0.0.0.858.3144.3-
2j1j2j1.6.0....0...1c.1.64.img..5.0.0....0.z-iTDQcvtlk#imgrc=2ClpZoVy8QnENM

2017. Learn everyone.https://www.youtube.com/watch?v+Q6APRAtmcT4

https://www.genietutors.co.uk/5-benefits-of-small-group-learning/

https://thebusinesscommunication.com/what-is-meetingadvantages-and-disadvantages/
file:///D:/Book%20St.%20Andrews%20Publishing/Researches%20on%20conference%20and%20sym
posium/Small%20group%20discussion/smaall%20group%20discussion.pdf

http://www.nuffieldfoundation.org/science-society/small-group-discussion

https://www.collinsdictionary.com/dictionary/english/symposium

https://glosbe.com/en/tl/symposium

https://www.youtube.com/watch?v=dnMYgu5YZTw

https://www.youtube.com/watch?v=IC0bCuSZWhE

https://www.youtube.com/watch?v=5eD1oGh6bm0

P a h i n a 215 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)


lOMoARcPSD|22318832

http://facta.junis.ni.ac.rs/eao/eao200803/eao200803-09.pdf

http://en.wikipedia.org/wiki/Globalization

https://globalsociology.pbworks.com/w/page/14711303/What%20is%20Globalization

http://www.manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-pagbabago/

http://www.manilatimes.net/senators-hit-70-cut-housing-budget/355690/

https://www.dbm.gov.ph/images/pdffiles/2017-Badyet-ng-Bayan-Final.pdf

https://psa.gov.ph/current-labor-statistics/statistical-tables

https://psa.gov.ph/content/nine-percent-filipinos-aged-6-24-years-are-out-school-results-2017-
annual-poverty-indicators

https://psa.gov.ph/content/one-every-ten-filipinos-aged-6-24-years-out-school-child-and-youth
https://www.rappler.com/business/204298-amount-money-filipino-family-needs-decent-life

P a h i n a 216 | 216

Downloaded by Aldren Duruin (dhenuduruin@gmail.com)

You might also like