You are on page 1of 24

PAGPROSESO NG

IMPORMASYON
Ang impormasyon ay anumang bagong
kaalaman na natamo mula sa mga naririnig,
nababasa, napapanood o nararamdaman na
naproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari
ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang
nabubuo sa isipan o representasyon at
interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng
kaayusan, laki, hugis, kulay o bilang mga ito.
Ang impormasyon ay maaaring ukol
sa pananaw, kuro-kuro, kontrol, datos,
direksyon, kaalaman, kahulugan,
persepsyon at mga representasyon.
Ang kasingkahulugan ng salitang
impormasyon ay “katotohanan”,
“kaalaman”, at mga “datos”.
Ang mga datos at kaalaman ay mga
konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na
gamit ang mga ito. Ang datos ay mga
kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri
upang makabuo ng bagong impormasyon o
kaalaman. Ang kaalaman naman ay mga
kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng
impormasyon o mga kaisipang natamo o
natutuhan mula sa maraming karanasan.
Pagtukoy Paghahanap Pagpili
• Locating
• Defining • Selecting

Pagtatala at Paglalahad/ Pagtatasa


Pagsasaayos Pagbabahagi
• Recording and • Assesing
• Presenting
Organizing

PAGPOPROSESO NG
IMPORMASYON
AKLAT

PAGPILI PAHAYAGAN
NG BATIS MAGAZIN
NG
JORNALS
IMPORMA
SYON INTERNET

EKSPERTO
PAGBASA AT
PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON
PAGBASA
Resuma, et al. (2002)
Ang pagbasa ay proseso ng pagbibigay-
kahulugan sa mga simbolong nakatitik.
Interpretasyon ito ng mga sagisag ng mga
kaisipang nakalimbag.
Goodman (1973)
Ang pagbasa ay isang “psycholinguistic
guessing game” na kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe o
kaisipang hango sa tekstong binabasa. Ang
gawaing ito ng pagbibigay kahulugan ay
patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto,
sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya,
pagpapatunay, pagrerebisa, at ibayo pang
pagpapakahulugan.
Coady (1979)
Para sa lubusang pag-unawa ng isang
teksto, kailangang ang dating kaalaman ng
tagabasa ay maiugnay sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kaisipan at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong
masasalamin sa teksto.
KAHALAGAHAN NG
PAGBASA
1. Isang mabuting paraan ito ng pagpapalawak ng
kaalaman ng tao.
2. Sa pamamagitan ng pagbasa ay naglalakbay ang
diwa at kaisipan ng tao.
3. Instrumento ito sa pangangalap at pagtuklas ng
iba’t ibang uri ng karunungan.
4. Nagiging daan din ito upang makilala ang mga
bantog at dakilang tao tungo sa mga karanasan at
mithiinh pinapangarap.
5. Nagdudulot ito ng malaking
impluwensya sa pagkatao at
personalidad.
6. Nakaaantig ng damdamin,
nakapagpapabago ng saloobin at layunin
sa buhay at nagbibigay kalutasan sa mga
suliranin at kahinaang taglay.
7. Nagsisilbing libangan ito kapag ang
isang tao ay nababagot at napapagod.
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay ang proseso ng
pangangalap ng mga totoong
impormasyon na humahantong sa
pagtamo ng bagong kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit at pag-uugnay ng sariling
karanasan at kaalaman hinggil sa isang
paksa.
PANANALIKSIK
Matatanggap ang karagdaganag
kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay ng mga panukala
(teorya) o mga pamamaraan (sistema),
at pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o
observasyon.
Ang pananaliksik ay binibigyang kahulugan
din na isang prosesong mapagsuri, sistematiko
o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-
kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot
ng prosesong ito ang isang katanungan, haka,
hola o haypotesis. Sa ganitong paraan, dapat
itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang
bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga
mamamayan.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Bigyang tugon ang mga tanong na nais patunayan.

Mahanapan ng solusyon ang isang problema o suliranin.

Matuklasan ang katotohanan.

Pagbuo ng mga bagay-bagay.


PARAAN NG
PANANALIKSIK
1. Pagpunta sa mga aklatan, museo,
laboratory, paaralan at sa natukoy na
lipunan upang makakuha ng mga tiyak na
impormasyon.
2. Pakikipanayam sa mga dalubhasa at/o sa
mga tao sa lipunan na may
mapapanaligang opinyon o aktuwal na
karanasan.
PARAAN NG
PANANALIKSIK
3. Pagbasa ng mga sanggunian na naglalaman ng
pangkalahatang kaalaman o may mga tiyak na paksa,
talahuluganan, encyclopedia, yearbook, atlas, mapa,
globo at indeks. Nagsisimula ang isang mananaliksik
na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang
napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning
ibig tugunin. Mula sa mga aklat-sanggunian, inaalam
niya ang mga pang-alalay na mga paksang kaugnay
ng pangunahing paksa.
PARAAN NG
PANANALIKSIK
4. Obserbasyon sa paligid at pagtatala ng
mahahalagang detalye.
5. Paggamit ng kompyuter (o kagamitang
panteknolohiya) o pangmedia upang magkaroon ng
kaugnay na kaalaman ukol sa isang paksa.
6. Pag-eeksperimento upang makatuklas ng bagong
kaalaman.
7. Sariling pagmumuni o pag-iisip ayon sa sariling
pagkaunawa na ibinatay sa karanasan.
KAHALAGAHAN NG
PAGSASALIKSIK
1. Matututuhan nilang hanapin at alamin ang mga bagong
kaalaman o interesanteng mga bagay na sila mismo ang
aalam o gagawa nito.
2. Makapagsasanay kung paano matuto nang mag-isa
(self-learning).
3. Isang kasangkapan para lalong mapahusay ang
kakayahan sa pakikipagtalastasan;lalong mapalawak
ang magandang relasyon sa kapwa at lalo pang
mapalawig ang kaniyang kaalaman hinggil sa
kapaligiran at lipunang ginagalawan.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSASALIKSIK NG
IMPORMASYON
1. Maging mapagmatyag sa buong kapiligiran. Itala ang mga detalyeng kailangan.
2. Tukuyin ang nakikinitang magigig suliranin o tinatayang balakid sa paksang
nais saliksikin.
3. ilahad ang posibleng maging suliraning nais bigyan ng solusyon.
4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyonan ang nasabing
suliranin.
5. Kumilos o gumawa nang naaayon sa plano at pamamaraang nabanggit. Magtala
ng mga datos o mahahalagang impormasyon at suriing mabuti ang bawat detalye
ng impormasyon at lapatan ng angkop na gamit pang-estadistika para sa
interpretasyon nito.
6. Sabihin o ilahad ang resulta. Ulitin ang pamamaraan
nang maraming beses. Kung kinakailangan, ilahad
muli ang pangkalahatang resulta para masagutan ang
mga tanong o matugunan ang mga suliranin o balakid.
7. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o
pektibong solusyon ng nasabing suliranin para sa mga
mambabasa.
8. Laging banggitn ang pinanggalingan ng
impormasyon kung ang pagtalakay ng awtor ay
gagamitin (sourcing ang citations).
GAWAIN
Panuto: Magsagawa ng library research para sa alinman sa mga paksang nakatala sa kahon.
Lapatan ng angkop na paglalagay ng citation.
PAMAGAT
PANGALAN ng MANANALIKSIK
INTRODUKSYON: Ilahad ang paksa; liwanagin ang mga usapin hinggil dito; bakit ito
nararapat na maunawaan; lapatan ng angkop na citation ang mga hahalawing kaisipan.
TALAKAY: Ilahad ang kaligiran ng paksa sa pamamagitan ng pangunahin at pansuportang
paksa, talakayin ang detalye ng paksa.
BUOD AT KONGKLUSYON: Ilahad ang pinakbuod ng tinalakay na paksa, magsaad ng
sariling opinyon at pangwakas na talataan.
SANGGUNIAN: Ilista ang mga ginamit na sanggunian sa APA format.
PAKSANG PAGPIPILIAN
1. Apnoea 6. Dementia 11. Paninigarilyo
2. Queer 7. Pamahiin 12. Sponken Word Poetry
3. Cancer 8. ZPD (Language) 13. Bermuda Triangle
4. Catcalling 9. Princess Diana 14. Florante at Laura
5. Relihiyon 10. EJK

You might also like