iisip, sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Samakatuwid, wika ang behikulo ng kanyang ekspresyon at epektibong komunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon lalo’t higit sa akademikong larangan. ? Hindi ganap na pagkaunawa o pagkaalam sa paggamit ng wika. KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO Kakayahang linggwistiko (linguistic competence) Kakayahang sosyolinggwistiko (sociolinguistic competence) Kakayahang diskorsal Kakayahang strategic SPEAKING Model -Dell Hymes (1974) S- setting and scene P- participants E- ends A- act sequence K- keys I- instrumentalities N- norms G- genre MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASY ON GAMIT ANG WIKA PASALITANG PAG-UULAT Ito ay isang gawaing sumasaklaw sa pagtalakay ng isang tiyak na paksa sa maliliit at malalaking pangkat na karaniwang natatapos sa loob lamang ng labinlima hanggang dalawampung minute. Layunin nito na maipakita ang pagkakaiba-iba ng kahusayan ng bawat tagapagsalita na nakatuon sa kaalaman sa paksa, sa kasanayan at sa pamamaraan ng pagtalakay. Nalilinang ng pasalitang pag-uulat ang malawak na pagkakaroon ng kaalaman sa paksa/nilalaman. Nalilinang din nito ang kasanayan sa pagsasalita. DAPAT TANDAAN SA PASALITANG PAG-UULAT Dapat maalam sa paksang kanyang tatalakayin ang tagapagsalita. Kailangang handa ang tagapagsalita sa alinmang tanong na maaaring ipukol sa kanya pagkatapos ng pag-uulat. Paghusayan ang pagsasalita at gawing malinaw ang pagbigkas. Maging mabuti sa pagsagot sa mga tanong at iwasan ang pakikipag- argumento sa mga nagtatanong. Maging magalang sa mga kasamahan at maging wasto at makatwiran sa pakikibahagi sa anumang talakayan. FORUM (PANGKATANG PAGPUPULONG) Ang forum ay pagtitipon ng isang pangkat na may magkakatulad na katangiang sosyal, edukasyunal, at maging kutural, at may layuning magplano at makausap-usap hinggil sa isang mahalagang paksa na karaniwan sa bawat isa. Tumutukoy din ito sa pampublikong pagtitipon ng mga samahan, organisasyon o grupo ng mga indibidwal na may layuning matalakay ang napapanahong paksa ayon sa kanilang mga interes. URI NG FORUM Pampubliko (Public)
-pagtitipon na walang ekslusyon na maaaring maisagawa sa isang lugar na karaniwang para
sa lahat. Maaaring ang mga kasangkot dito ay maramihan at maaari ding isang particular na bilang lamang ng isang pangkat. Di-publiko/Eksklusibo (Non-public)
-pagpupulong ng isang pangkat na maaaring limitado lamang sa mga kasapi ng isang
organisasyon o samahan. Dito ay eksklusibong pinag-uusapan ang mga layunin, gawain, proyekto at mga tunguhin. -ang mga usapin dito ay limitado, mahigit na tinatalakay sa mga kasapi ng pangkat at nagtatakdaan ng mga impormasyon na para lamang sa pangkat at sa mga kasapi. INTERNET FORUM Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga aplikasyong pang-social media tulad ng facebook, messenger, tweeter, instagram, at iba pang eksklusibong aplikasyon. Ang forum ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga posts (mesaheng isinusumite o ipinapaskil na nalalaman ng mga ideya, sagot sa tanong, panukala o iba pang mahalagang impormasyon) o kaya ay sa pamamagitan ng video na mas kilala bilang video conferencing. Ang mga naiipon na posts na magiging thread o conversation thread ay karaniwang nakapaskil at nababasa at nagsisilbing reference ng mga usapan sa furom (bagamat maaari itong burahin ng kasama sa internet forum). BUMUBUO SA INTERNET FORUM Guest- ang mga indibidwal na nagnanais maging kasapi ng pangkat bagaman hindi pa nabibigyan ng buong access at karapatan o Kalayaan na magbukas ng usapin o paksa. Ang kanilang partisipasyon ay limitado lamang sa paghahayag ng mga post. Kasapi- ang mga indibidwal na nabigyan ng buong access, Kalayaan at karapatan na maging bahagi sa usapin anumang oras na kanilang naisin. Administrator- kumakatawan bilang pinakpinuno ng forum. Siya ang tagatanggap ng mga kasapi at moderator na rin ng forum. MGA ISINASAGAWA SA INTERNET FORUM Pagtatanong Pakikipagtalakayan Pagsasagawa ng sarbey Paghingi ng opinyon sa isang paksa Pakikipagdebate SEMINAR Ito ay isang uri ng instruksyong akademiko na karaniwang isinasagawa ng iba’t ibang pribado at publikong oraganisayon. Layunin nito ang pagtalakay sa mga natatangi o piling paksa ayon sa natukoy na pangangailangan ng isang pangkat. Ito ay ginagamit bilang isang paraan ng pagtuturo upang matalakay ang napapanahon at mahahalagang paksa na makatutulong sa pagtamo ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan at paraan din upang mailahad ang mga kaalaman mula sa mga isinagawang pananaliksik at pag-aaral. URI NG SEMINAR Ayon sa pangkat na nagsasagawa Tutor facilitation Student facilitation Ayon sa saklaw ng seminar Mini seminar Major seminar Pambansang seminar Pandaigdigang seminar ELEMENTO NG SEMINAR Papel Presentasyon Talakay Kongklusiyon LECTURE Ang lecture ay kasingkahulugan ng panayam. Ito ay isang pamaraan ng pagtalakay sa isang tiyak na paksa na maaaring gawin, isang kalakaran o pamaraang nakaugalian. Isa itong proseso ng pagtalakay sa paksa na nangangailangan ng mga estratehiya, pamaraan at dulog na iniaayon sa mga katangian ng tagapakinig. Ang lecture ay nauugnay sa seminar sapagkat ang lecture ay maaaring isakatuparan ng isang eksperto (hinggil sa paksa) anumang oras at araw na naisin para sa tiyak na tagapakinig samantalang ang seminar ay nangangailangn ng ibayong paghahanda at isinasagawa ito ayon sa pangangailangan. DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSASAGAWA NG LECTURE
Malawak na kaalaman sa paksa
Kahusayan at kasanayan sa pagsasalita Kasanayan sa pamumuno Katangian at ugaliin ng pangkat ng tagapakinig WORKSHOP Ang workshop ay isang pagpupulong o pagtitipon ng mga indibidwal na may iisa o iba-ibang katangian ngunit isang tunguhin. Ang mga indibidwal na kasangkot ay binibigkis ng layuning makapagsagawa ng detalyadong pagtalakay sa isang paksa na susundan ng masinsinan at matinding pagsasanay para sa pagbuo ng isang proyekto. Ang workshop ay kasingkahulugan at nauugnay sa salitang pagsasanay o training. Dalawa ang mahalagang layunin ng pagsasagawa ng workshop- maglahad at makapagbigay ng mga impormasyon ukol sa piniling paksa at magsanay ng mga indibidwal upang maisakatuparan ang isang proyekto. Ang workshop ay makatuon sa maaaring maging output pagkatapos ng pagsasanay. Maaari ring magkaroon ng tuwirang interaksyon ang mga facilitator at mga dumalo kaya napananatili at napagtitibay ang ugnayan ng bawat isa. Bilang resulta, napapamahalaan nang mabuti ang mga pagtalakay, ang mga halimbawa at ang mga pagsasanay ay natatamo nang may pagpapahalaga ang mga layunin. Ang seminar, lecture, workshop at training ay magkakatulad sa dahilang ang ilan sa mga layunin ng mga ito ay ang maglahad ng isang tiyak na paksa, magpaliwanag ng mahahalagang konsepto at magbigay ng sapat na impormasyon ayon sa mga pangangailangan ng mga dumalo. Nagkakaiba-iba lamang ang mga ito sa pamamaraan sa pagsasagawa. SYMPOSIUM Ang symposium ay isang interaksyon o talakayang pangkatan hinggil sa isang tiyak at napapanahong isyu. Mauuri ito sa dalawa, pormal at di-pormal na symposium. Kadalasan, pormal ang gamiting anyo ng symposium lalo na sa mga paaralan o unibersidad (Pasturan, 2015). Ito’y tinatawag ding “pagpupulong bayan.” Isang pangkat na karaniwa’y binubuo ng apat hanggang anim na dalubhasang tagapagsalita na inanyayahan upang talakayin ang iba’t ibang aspekto ng ilang mahahalagang isyung pampubliko. Bawat isa’y naghahanda ng sariling talumpati hinggil sa isang aspekto ng paksa na inilaan ayon na rin sa larangang kanyang pinadalubhasaan. Ang tserman o tagapangulo ang nagsasaayos sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga tagapagsalita nang hindi maguluhan ang mga tagapakinig. Bawat tagapagsalita ay ipinakikilala ng tagapamagita o moderator at bawat pagtatalumpati ay may takdang haba ng oras. PAGPAPLANO NG SYMPOSIUM 1. Mga detalye ng symposium. 2. Pagreserba ng mga kagamitan at ng lugar na pagdadausan. 3. Pakikipag-usap sa caterer para sa pagkain. 4. Pagpapaalam sa madla ng mga detalye hinggil sa symposium. 5. Pagbuo ng programa para sa symposium. KUMPERENSYA Ayon kay Shah (2018), ang kumperensya ay isang sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ang tagapagsalita o eksperto sa piling larangan ay inanyayahan upang magbahagi ng kanyang mga pananaw sa iba’t ibang mga paksa sa mga delegado. Ito ay nakikita rin sa konsultasyon o talakayan sa pagitan ng mga estudyante at ng kanilang tagapayo. Ang kumperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pulong kung saan ang mga kalahok ay nagkakaroon ng pagbabago ng kani-kanilang pananaw sa iba’t ibang paksa. Maari itong maganap sa iba’t ibang larangan kaya maaaring magkaroon ng kumperensya ng mga guro, magulang, doktor, mga atleta at sa anumang larangan ng pampalakasan, mga mangangalakal, mamamahayag, mga iskolar sa pananaliksik at iba pa. ANG PAGHAHANDA SA PAKIKIPAGTALAKAYAN 1. Pagpili sa paksa. 2. Pagkuha ng mga kakailanganing materyales. 3. Balangkasing maigi ang paksa nang sa gayo’y maiayos ayon sa tamang pagkasunod-sunod ang kahalagahan ng mga katunayang sasabihin. MGA DAPAT TANDAAN SA 1. TALAKAYAN Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan. 2. Makibahagi at huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik. 3. Huwag lumuhis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan. 4. Maging obhektibo o walang kinikilingan sa pamumuna. 5. Maging mapagbigay. 6. Maging matapat sa sarili. 7. Hangga’t maaari, huwag sasalungat sa katwiran ng higit na nakararami. 8. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alitan sa mga kasama. TUNGKULIN NG TAGAPANGULO NG PAGTATALAKAYAN 1. Tagapagsimula. 2. Pinanatili niyang maayos ang lahat sa pagtatalakayan. 3. Tagapagpa-unlad. 4. Tagapagwakas. ROUNDTABLE DISCUSSION Ito ay kadalasang isang impormal na talakayan na karaniwang binubuo ng mula lima hanggang sampung tao. Ito ay pinamumunuan ng isang tagapangulo subalit aktibong lahat ang mga kalahok kaya hindi nasasarili ng tagapangulo ang pagsasalita. Mabisa ang pamamaraang ito upang bumuo ng mga estratehiya, tukuyin ang mga pagkilos at tuklasin ang mga solusyon. Ang rountable ay pag-uusap hinggil sa mga isyu at naglalayong lumikha ng sitwasyon na win-win sa halip na win-lose (Day, et al., 1998). PROSESO NG PAGSASAGAWA NG ROUNDTABLE DISCUSSION 1. Panuntunan sa pagsasagawa ng Roundtable Discussion. 2. Bago ang pagsasagawa ng Roundtable. 3. Sa panahon ng pagsasagawa ng Roundtable. 4. Pagkatapos ng Roundtable. SMALL GROUP DISCUSSION Ito ay isang tuwirang pag-uusap ng isang maliit na pangkat ng mga tao. Tinatalakay ang mga problema/suliranin na mahalaga at binibigyan ang mga ito ng solusyon. Ang mga kasali rito ay pasalitang nag-uusap- usap. Nagpapalitan sila ng kaisipan hinggil sa paksa/temang pinag-uusapan. May sapat na lakas ang kanilang boses upang mapakinggan ng mga nakikinig ang kanilang diskusyon. Mahalaga sa ikatatagumpay ng gawaing ito ang mabuting pagpaplano. Kung sa klase, mainam na planuhin itong mabuti ng guro at ng mga mag-aaral na magsisipag-usap. Dapat na magsaliksik at maghanda ang mga kasali sa paksang tatalakayin. PAALALA SA MGA KALAHOK SA SMALL GROUP DISCUSSION 1. Bawat kasapi ay dapat nakapaghandang mabuti sa pamamagitan ng pagbabasa sa paksang pag-uusapan. 2. Maging malaya ang pagsasagutan ng mga kasali. 3. Dapat iukol nila ang kanilang atensyon sa ginagawa ng pangkat at hindi sa sarili lamang nila. 4. Dapat nilang pakinggan at talakaying mabuti ang bawat isyung nakalahad. 5. Dapat silang maging mahusay na tagapakinig at maging interesado sa sinasabi ng kanilang kasama. 6. Kailangang makatulong sila para mabuo ang solusyon sa problema. 7. Maaari silang sumagot at magbigay ng kanilang isipan nang hindi kinakailangang tawagin pa ng tagapanguna. 8. Magsalita sila nang may sapat na lakas para marinig ng mga kaharap at nakikinig. 9. Tumutulong sila na mailapit o maipasok ang bagong kaisipan sa kanilang diskusyon.