You are on page 1of 42

MGA TIYAK NA SITWASYONG

PANGKOMUNIKASYON
MGA TIYAK NA SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON
• Ang komunikasyon ay kilos ng pagbabahagi
ng impormasyon mula sa isang tao patungo sa
ibang tao o sa pangkat ng mga tao.
• Napakahalaga ng mga kasanayan sa
komunikasyon upang magkaroon ng isang
epektibo at mahusay na pakikipagtalastasan.
FORUM
• Ang bawat pagpupulong ng forum ay nilikha bilang
tugon sa mga partikular na prayoridad, paksa, at
interes ng mga kalahok. Ito ay isang malaking
pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad
ng mahalagang suliranin
• Sa internet forum ay maari kang magbahagi ng
iyong saloobin, ideya o tulong sa pamamagitan ng
pagpo-post ng text messages.
Tamang pag-uugali sa internet forum:
 Umasal nang tama gaya din ng pakikipag-usap ng personal sa tao o sa totoong-buhay.

 Iwasan ang slang na chat.

 Kapag gumagawa ng isang bagong post, gumawa rin ng maikling deskripsyon sa paksa
o pagpapaliwanag ng dahilan para sa pagpo-post nito.

 Gawin ang iyong makakaya upang mai-baybay nang tama ang lahat ng mga salita at
gumamit ng wastong bantas. Gayunpaman, malalaman mo din na walang sinuman
ang perpekto.

 Bigyan ang iyong post ng ilang oras upang makakuha ng mga tugon o sagot sa tanong
Tamang pag-uugali sa internet forum:
 Huwag MAGSULAT SA NAKA ALL CAPS dahil ipinapakita nito na parang kang galit o sumisigaw.

 Basahin muna ang mga post na "Read me first" o iba pang mga naka-pin post bago lumikha ng
isang bagong post.

 Igalang ang lahat ng iba pang mga miyembro sa forum.

 Subukan na huwag magsalita nang labis sa detalye o gumawa ng post na higit sa tatlong talata
ang haba. Mahabang post ay maaaring makakuha ng isang TL; DR na tugon. (Ibig sabihin ay
masyadong mahaba ang post).

 Huwag nang tumugon sa mga lumang message or post threads o necropost.

 Sumunod sa mga patakaran na nilikha ng mga nagpapatakbo o admin ng forum.


Bukas na Forum (Open Forum)
• Ang mga Bukas na Forum (Open Forum)
ay idinisenyo upang talakayin ang tunay
at may-katuturang mga isyu na
kinaharap ng mga kasapi sa forum sa
kanilang mga pamayanan.
• Ang mga paksa ay maaaring saklaw
mula sa kahirapan, karahasan, HIV at
AIDS, mga isyu sa mga lungsod, mga
hadlang sa wika, sa pagkasira ng
kapaligiran at iba pa.
Pangunahing Mga Prinsipyo ng isang
Open Forum
1. Pagkakaroon ng inklusibong Pakikilahok - dapat
tulungan ng tagapagpadaloy na panatilihin ang bukas at
dumadaloy na talakayan na nagpapahintulot sa bawat isa
na magkaroon ng pagkakataon sa buo at pantay na
pakikilahok at pagbabahaginan ng kanilang mga pananaw.
2. Pagdadagdag ng personal na pagkatuto - ang mga
kalahok ay dapat mayroong mga bagong ideya at
pananaw na ibabahagi sa grupo.
Pangunahing Mga Prinsipyo ng isang
Open Forum
3. Lumilikha ng Pakikiisa - nagkakaroon ng mga bagong
mga kakilala ang mga kalahok dahil sa forum,
tinutulungan nito na ang nga kalahok ay maging
konektado sa isa't isa.
4. Pagbibigay ng access - karamihan sa mga forum ay
nagaganap sa online. Kaya sa mga open forum ay
nagkakaroon ng pagkakataong ang mga kalahok na
marinig ang boses nila sa isang pisikal na set up.
Pangunahing Mga Prinsipyo ng isang
Open Forum
5. Pagkakaroon ng isang koneksyong Lokal at Global
- binibigyang diin dito ang pagbabaginan tungkol sa
mga tinatalakay ng lokal sa isang kontekstong
global.
6. Ang pagiging isang Catalyst for Action - sa
pagsasama-sama ng mga kalahok upang talakayin
ang mga isyu at ideya ay maaaring maglungsad sa
isang pagkilos at bagong pakikipagtulungan.  
Mga Hakbang sa pagsasagawa ng isang Open
Forum sa inyong komunidad:
1. Pagtukoy sa isyu - alamin kung ano ang kabuuang konsepto
na tatalakayin sa kabuuan, ito ay dapat napapanahon at
nakakasangkot ang mga kalahok upang sila ay makapagbahagi
ng mga karanasan nila sa buhay tungkol sa isyu.
2. Paghahanap ng pagdadausan - maaring isagawa ang Open
Forum sa community centre, library, o school gymnasium at iba
pa
3. Itakda ang iyong agenda at i-submit sa nauukulang opisina o
inyong tanggapan. Kung naaprubahan na ay maari na itong i-
promote.
Mga Hakbang sa pagsasagawa ng isang Open
Forum sa inyong komunidad:
4. Pag-anunsyo at promosyon ng iyong Open
Forum - magsimulang mag-promote ng nabuong
programa sa inyong komunidad at sa online.
5. Pagsasagawa ng Open Forum - i-facilitate nang
maayos kasama ang iyong team para sa
matagumpay na programa
Lektyur (Lecture)
• Ito ay naglalayon na makapagturo o makapagtanghal
at makapagbatid ng isang ideya sa tao.
Ginagamit ang lektyur upang:

-Makapagpakilala ng bagong asignatura

-Makapagbuod ng isang tinalakay na usapin

-Maiugnay ang mga teorya sa aktwal na gawain


Kabutihan ng Lektyur
• Ang lektyur ay nagbibigay ng orihinal na ideya at
mga pagtuturo na nagmula sa materyal na
nakikita sa libro.
• Mas kontrolado ng instruktor ang pagdaloy ng
pagtuturo at mas nabibigyang kahalagahan niya
ang objektib, layon at daloy ng presentasyon
Mga Uri ng lektyur
• Impormal na Talakayan -malayang pagpapalitan
ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at walang
pormal na mga hakbang na sinusunod.
• Pormal na Talakayan - nakabatay sa tiyak na mga
hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at
mamumuno ng talakay.
Mga disbentahe ng lektyur
• Mas pasibo ang ganitong paraan, hindi ito katulad ng pag-
eexperimento na matututo ang lahat ng indibidwal.

• Dapat magaling ang lektyurer at dapat makuha niya ang loob, isip
at atensyon ng kanyang klase. Kailangan niyang maintindihan ang
kanyang mga estudyante upang sila ay makinig.

• Kailangan mataas ang pinag-aralan at alam ng lektyurer ang


kanyang mga sinasabi.
Mga Katangian na dapat taglayin ng lektyurer
1. May interes sa kapaligiran - Natural na niyang kinalulugdan ang lahat lahat
sa kanyang kapaligiran. Ito ang nagbibigay sa kanya ng likas na sigla sa
anumang paksang tatalakayin niya.

2. May angking kasanayan. Nakukuha ito sa pagbabasa at pakikinig ng ibat-


ibang talumpati.

3. May pulso sa publiko. Naangkin ito sa pagkakaroon ng karanasan sa


pagsasalita sa harap ng madla, sa gayon, mapipigil na ang nerbiyos o takot
sa entablado.
Mga Katangian na dapat taglayin ng lektyurer
4. May ganap na kaalaman sa paksa. Palabasa, palakausap, mapagmasid,
palaranas, sa maikling salita, mapanaliksik dapat siya para master siya sa
kanyang mga sasabihin.

5. Mapakiramdam at may pandamang palapatawa. Mapagmasid dapat


siya sa reaksyon ng madla sa kanyang mga sinasabi, sa gayon, alam niya
ang pagkakataong kailangan niyang maging mapamaraan sa pagsasalita.

 
Seminar
• Ang tagalog ng salitang 'seminar' ay BINHISIPAN.
Ang salitang ito ay galing sa 2 salitang BINHI at
ISIPAN. Ang ibig sabihin ng binhi ay buto ng
itinatanim at kailangan mong alagaan upang ito'y
lumaki at mamunga
Paano magsagawa ng isang seminar?
 Pumili ng isang mahusay na paksa.
 Alamin ang iyong tagapakinig.
 Magsimula sa isang slide ng pamagat at ipakita ang isang
maikling balangkas o listahan ng mga paksang
tatalakayin.

 Ipakilala nang mabuti ang iyong paksa.


Paano magsagawa ng isang seminar?
 Pamamaraan.

 Ang presentasyon ng datos ay siyang puso ng isang


matagumpay na pag-uusap.

 Palaging magbigay ng isang generalization o konklusyon.

• Sagutin nang lubusan at maalalahanin ang mga katanungan ng


tagapakinig
GAWAIN:
Halimbawang ikaw ay magsasagawa/magpa-facilitate ng isang Open Forum
sa inyong Komunidad anong hakbang ang iyong isasagawa? Punan ang kahon
ng iyong sagot:
 
Paksa o isyung
tatalakayin sa
Open Forum:
 
Titulo o Pamagat
ng programa: 
 
Target na Kalahok:
 

 
Lokasyon:
 

 
Kailan:
 
GAWAIN:
Batay sa nadaluhan mong seminar punan ang mga
sumusunod na datos.
Paksa ng seminar: Ano ang iyong Paano mo ito Ano ang naging bunga
natutuhan: isinabuhay? ng seminar na ito sa
iyong buhay?
Worksyap
• Ang workshop ay isang uri ng interaktibong
pagsasanay kung saan ang mga kalahok at
tagapagsanay ay may mga aktibidad ng
pagsasanay sa halip na isang payak na pakikinig
lamang sa panayam o pagtatanghal.
Symposium at Kumperensya , Roundtable at
Small Group Discussion
• "Ang Simposium o Symposium ay isang pormal na
pagtitipon sa isang akademikong gawain kung saan
ang mga kalahok ay dalubhasa sa kanilang
larangan.
• Ito ay isang kumperensya o pulong upang
talakayin ang isang partikular na paksa. Isang
pormal na pagtitipon kung saan ang mga kalahok
ay eksperto sa kanilang mga larangan.
Katangian ng Symposium:

 Pang-akademikong gawain
 Sumasaklaw sa isang piling paksa o konsepto
 Ang presentasyon ay nanggagaling sa dalubhasa
sa larangang ito at natatapos sa maikling oras
lamang
Symposium at Kumperensya , Roundtable at
Small Group Discussion
• Ang kumperensya (conference) ay mas malaking
pagtitipon, karaniwang nasa isang malaking
benyu, at maaring binubuo ng iba't ibang yugto
ng pagpupulong o tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
Symposium at Kumperensya , Roundtable at
Small Group Discussion
• Sa Roundtables ay nabibigyan ng oportunidad ng
mga miyembro na magsagawa ng isang small
group discussion na may iba't ibang paksa batay
sa kanilang larangan. Impormal, kolaboratibong
talakayan, sa Roundtable ay nakakapag-explore ng
ispesipikong paksain at isyu sa small group (mga
nasa sampung katao).
Pagsasagawa ng Pulong/Miting/Asembliya,
PAG-OORGANISA NG PULONG (ORGANIZING THE
MEETING)

• Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay


maging epektibo at mabisa.

• Ang apat (4) na elemento ng isang organisadong pulong.


1. PAGPAPLANO (PLANNING)
Mga tanong na dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong:

• Ano ba ang dapat makuha o maaabot ng grupo pagkatapos ng pulong?

• Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?

• Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong: ito ba ay


pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan?

• Mahalaga ito upang malinaw kung sino ang dapat na iimbitahan sa pulong.
MAGKAROON NG MALINAW NA LAYUNIN, KUNG
BAKIT DAPAT MAY PAGPUPULONG:
• Pagpaplano para sa organisasyon (Planning)

• Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mga kasapi)

• Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang


myembro lamang)

• Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)

• Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto)


2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
• Sa imbitasyon (by letter, text o verbal), kailangang sabihan ang mga taong
dapat dumalo sa pulong: kung kalian (petsa at oras), saan (lugar ng pulong),
at ano ang agenda (mga bagay na pag-uusapan) na tatalakayin. Ang
paghahanda ay nakadepende rin sa mga partikular na tungkulin ng mga tao
sa pulong.

• Chairman/President (presiding officer)- kailangang alam nya ang agenda,


kung paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang
mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
• Secretary (Kalihim)- kailangan niyang ihanda ang katitikan
(minutes of the meeting) o talaan noong nakaraang
pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon.

• Mga kasapi sa pulong (members)- kailangang pag-aralan


nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo
ang kanilang pakikilahok.
SA IMBITASYON DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA
PAG-UUSAPAN/TATALAKAYIN (Agenda of the Meeting)
Pagbubukas ng pulong (date, day, time, and place of meeting) Pagbasa at
pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong(reading the minutes of the
previous meeting)

• Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong.(pending


matters)

• Pinakamahalagang pag-uusapan (business of the day)

• Ibang paksa (other matters)

• Pagtatapos ng pulong (adjournment)


MAGHANDA SA PULONG
• Ihanda ang lugar, (mesa. upuan, pagkain kong
kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security at iba pang
mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or pentel pen at
iba pa)

• pag-aralan (research) ang mga topic na tatalakayin, kong


kinakailangan magtalaga (assign) ng taong mas higit na
nakakaalam sa usapin.
3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)
• Ang pulong ay dapat mayroong mga "rules, procedures o standing
orders" kung paano ito patatakbuhin. Sa pangkalahatan, pareho
naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang (rules) ginagamit ng
union, nagkakaiba lang sa mga detalye.

• Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang


tungkol sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng desisyon.
3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)
• Quorum - ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong
na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong. Madalas
ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa
pulong

• Consensus - isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan


kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi
sa pulong.
3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)
• Simpleng mayorya - isang proseso ng pagdedesisyon ng kung
saan kinakallangan ang 50% + 1 (simple majority) ng
pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa
isang opisyal na pulong.

• 2/3 majority - isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan


kinakailangan ang 2/5 na pagsang-ayon o hindi pagsang-
ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
4. PAGTATALA (RECORDING)
• Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes)
ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na record ng mga
desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong
balikan ng organisasyon kung may kinakalangang linawin
sa mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lang ang
kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala
rin sila ng hindi nila makalimutan ang pinag-usapan.
MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG
• 1. Pinuno (Chairperson) -tinatawag ding
"Facilitator" tagapatnubay, o "meeting leader.
Sinisiguro niya na maayos ang takbo ng pag-uusap
at pagdedesisyon. Ang chairperson ay parang
pulis-trapiko na siyang nagpapaandar o
nagpapahinto ng usapan sa pulong:
MGA PATRIKULAR NA GAWAIN NG CHAIRPERSON
1)Nangunguna at nag-aambag sa usapan.

2) Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-


uusapan.

3) Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa mga


usapan.

4) Nag-aayos ng sistema ng pulong.

5) Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga kasama sa pulong


MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG
• 2. Secretary - tinatawag ding recorder, minutes-
taker, o tagatala. Responsibilidad niya ang
sistematikong pagtatala ng mga nagpag-uusapan
at desisyon sa pulong. Tungkulin niya na ipaalala
kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi
mawala sa direksyon ang grupo at upang maging
tuloy-tuloy ang pag-uusap.
MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG
• 3. Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) - sila
ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong.
Responsibilidad nila na ipaalala sa Chairperson at
Secretary ang kanilang mga gawain. Maaari din silang
magbigay ng mga mungkahi o panukala sa pamamaraan
ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag.
Nagtatanong, makatuwirang pumumuna at gumagawa
ng desisyon.

You might also like