You are on page 1of 13

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

1. Pasalitang pag-uulat -Tumutukoy ito sa maayos na paglalahad sa mga detalye ng paksang


tinatalakay. Isang gawaing sumasaklaw sa pagtalakay ng isang tiyak na paksa sa maliliit at
malalaking pangkat na karaniwang natatapos sa loob lamang ng 15-20 minuto. Layunin nito na
maipakita ang pagkakaiba-iba ng kahusayan ng bawat tagapagsalita na nakatuon sa kaalaman
sa paksa, sa kasanayan at sa pamamaraan ng pagtalakay. Matagumpay ang tagapagsalita kung
ang atensyon ng mga nakikinig ay kaniyang nakukuha; gayundin, matagumpay ang mga
nakikinig kung ang mga impormasyon na nailahad ng tagapagsalita ay kanilang nauunawaan.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

2. Forum (o pangkatang pagpupulong) - pagtitipon ng isang pangkat na may magkakatulad


na        katangiang sosyal, edukasyunal at maging kultural, at may layuning magplano at
magkausap-usap hinggil sa isang mahalagang paksa na karaniwan sa bawat isa.  Sa kasalukuyan,
tinatawag ding forum ang mga pagtitipong virtual ng mga indibidwal sa pamamagitan ng internet
kung saan ay tinatalakay nila ang mga napapanahong isyu, o kaya’y nagsasagawa sila ng mga
proposal at/o nagpaplano ng mga gawaing ayon sa mga layunin ng pangkat.
Uri ng forum
1. pampublikong forum (public) - pagtitipon na walang eksklusyon na maaaring maisagawa
sa isang lugar na karaniwang para sa lahat. Halimbawa, maramihan kung ang isang
kilalang politiko ay maglalahad ng layuning politikal sa mga mamamayan ng isang
barangay at pangkatan kung ang ilang mamamayan ng isang barangay ay nagpupulong
para sa isang proyektong pambarangay.  
2. di-publiko o eksklusibong forum - pagpupulong ng isang pangkat na maaaring limitado
lamang o para lamang sa mga miyembro ng isang organisasyon o samahan. Halimbawa,
iyong mga isinasagawa sa mga itinalagang lugar tulad ng sa mga presinto, paaralang
publiko, kampo ng mga military, pribadong opisina at iba pa.  
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

3. Internet forum – gumagamit ng mga aplikasyon pang-social media tulad ng facebook,


messenger, tweeter, instagram at iba pang mga eksklusibong aplikasyon Ito ay binubuo ng
guests, members, administrators at moderators.
a. guest - mga indibidwal na nagnanais maging miyembro ng pangkat bagamat hindi pa
nabibigyan ng buong access at karapatan o kalayaan na magbukas ng usapin o paksa.
Ang kanilang partisipasyon ay limitado lamang sa paghahayag ng mga post.
b. miyembro - mga indibidwal na nabigyan ng buong access, kalayaan at karapatan na
maging bahagi sa usapin anumang oras na kanilang naisin.
c. administrator (moderator) - ang kumakatawan bilang pinakapinuno ng forum. Siya ang
gumaganap bilang tagatanggap ng mga miyembro at moderator na rin ng forum.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

3. Seminar - isang uri ng instruksyong akademiko na karaniwang isinasagawa ng iba’t ibang pribado at publikong
organisasyon. Layunin nito ang pagtalakay sa mga natatangi o piling paksa ayon sa natukoy na pangangailangan ng
isang pangkat. Ginagamit bilang isang paraan ng pagtuturo upang matalakay ang napapanahon at mahahalagang
paksa na makatutulong sa pagtamo ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan at paraan din upang mailahad
ang mga kaalaman mula sa mga isinagawang pananaliksik at pag-aaral.
Uri ng seminar
1. ayon sa pangkat ng nagsasagawa ng seminar
a. tutor facilitation - pinamamahalaan ng eksperto
b. student facilitation - pinamamahalaan ng mag-aaral
2. ayon sa saklaw ng seminar
a. mini seminar - sumasaklaw lamang sa mga paksang tiyak at di-gaanong malawak; madalas 10-20
lamang. Maaaring maisagawa sa loob ng klasrum o kaya ay isang silid na maaaring ang
interaksyon ay di na nangangailangan ng paggamit ng mikropono
b. major seminar - isinasagawa ng isang institusyon o ng isang departamento na may higit na bilang
ng pagdalo kaysa sa mini seminar. Halimbawa ang mga seminar na maaaring daluhan ng mga
guro at mag-aaral upang talakayin ang mga paksa na mahalaga sa larangan ng pagtuturo. Sa
mga institusyong pribado, maaaring ang major seminar ay maisagawa upang talakayin ang mga
layunin, tunguhin at mga gampanin ng mga miyembro ng institusyon.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

c. pambansang seminar - isinasakatuparan ng mga samahan, pangkat o organisasyon na ang pagdalo


ay hindi lamang mula sa isang rehiyon kundi pagdalo ng mga sangkot na indibidwal mula sa iba’t ibang
bahagi ng bansa. Sa ganitong uri ng seminar, isang tiyak na paksa ang inilalatag upang tatalakayin ng
mga pili at kuwalipikadong tagapagsalita.
d. pandaigdigang seminar - tumutukoy sa mga seminar na isinasakatuparan na dinadaluhan ng mga
organisasyon mula sa iba’t ibang dako ng daigdig. Higit na malawak ang saklaw ng seminar na ito na
karaniwang global ang tinatalakay.
Elemento ng seminar
1. papel - tumutukoy sa maayos na paghahanda ng sipi na naglalaman ng paksang tatalakayin. Kasama
rito ang paghahanda ng programa at poster na karaniwang pasulat.
2. presentasyon - ang pamaraan, estilo, kahusayan at kawilihan ng tagapagsalita sa paglalahad ng
paksa. Dito naipakikita ang kahusayan at kasanayan ng tagapagsalita sa pagtalakay ng papel na
inihanda.
3. talakay - kumakatawan sa mga pagpapaliwanag ng mahahalagang kaisipan kasama na ang pagsagot
sa mga tanong hinggil sa paksa
4. kongklusyon - tumutukoy sa pagbuo ng mga bagong kaalaman mula sa mga pagtalakay.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

4. Lecture - kasingkahulugan ng panayam. Ito ay isang pamaraan ng pagtalakay sa isang tiyak na paksa na
maaaring karaniwang gawain, isang kalakaran o pamaraang nakaugalian. Isang proseso ng pagtalakay sa
paksa na nangangailangan ng mga estratehiya, pamaraan at dulog na iniaayon sa mga katangian ng
tagapakinig. Sa katunayan, ang lecture ay nauugnay sa seminar sapagkat ang mga ito ay magkatulad sa
pamamaraan ng pagtalakay. Naiiba lamang ang seminar sa lecture sapagkat ang lecture ay maaaring
isakatuparan ng isang eksperto (hinggil sa paksa) anumang oras at araw na naisin para sa mga tiyak na
tagapakinig samantalang ang seminar ay nangangailangan ng ibayong paghahanda at isinasagawa ito ayon sa
pangangailangan. Halimbawa, ang lecture ay maaaring isagawa araw-araw ng isang guro sa harap ng
kaniyang mga mag- aaral at tinatalakay ang mga konsepto ng isang aralin alinsunod sa kaniyang inihandang
silabus.
5. Workshop (worksyap) - isang pagpupulong o pagtitipon ng mga indibidwal na may iisa o iba-ibang katangian
ngunit may isang tunguhin. Ang mga indibidwal na kasangkot ay binibigkis ng layuning makapagsagawa ng
detalyadong pagtalakay sa isang paksa na susundan ng masinsinan o matinding pagsasanay para sa pagbuo
ng isang proyekto. Ang workshop ay kasingkahulugan at nauugnay sa salitang pagsasanay o training. Sa
workshop, higit na nakatuon sa maaaring maging output pagkatapos ng pagsasanay. Ang isa pang mabuting
katangian ng workshop ay maaaring magkaroon ng tuwirang interaksyon ang mga facilitator at mga dumalo
kaya napananatili at napagtitibay ang ugnayan ng bawat isa.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

6. Symposium - isang interaksyon o talakayang pangkatan hinggil sa isang tiyak at napapanahong isyu. Mauuri ito
sa dalawa, pormal at di-pormal. Kadalasan, pormal ang gamiting anyo ng symposium lalo na sa mga paaralan o
unibersidad.
Ito’y tinatawag ding “pagpupulong bayan.” Isang pangkat na karaniwa’y binubuo ng 4-6 na dalubhasang
tagapagsalita na inanyayahan upang talakayin ang iba’t ibang aspekto ng ilang mahahalagang isyung pampubliko.
Bawat isa’y naghahanda ng sariling talumpati hinggil sa isang aspekto ng paksa na inilaan ayon na rin sa larangang
kaniyang pinagdalubhasaan. Ang tserman o tagapangulo ang nagsasaayos sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga
tagapagsalita nang hindi maguluhan ang mga tagapakinig. Bawat tagapagsalita ay ipinakikilala ng tagapamagitan o
moderator at bawat pagtatalumpati ay may takdang haba ng oras.

7. Kumperensya - tumutukoy sa isang pormal na pulong kung saan ang mga kalahok ay nagkakaroon ng pagbabago
sa kani-kanilang pananaw sa iba't ibang paksa. ang tagapagsalita o eksperto sa piling larangan ay inanyayahan
upang magbahagi ng kaniyang mga pananaw sa iba't ibang mga paksa sa mga delegado. Ito ay nakikita rin sa
konsultasyon o talakayan sa pagitan ng mga estudyante at ng kanilang tagapayo. Maaari itong maganap sa iba’t
ibang larangan kaya maaaring magkaroon ng kumperensya ng mga guro, magulang, doktor, mga atleta at sa
anumang larangan ng pampalakasan, mga mangangalakal, mamamahayag, mga iskolar sa pananaliksik at iba
pa.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

8. Round table discussion - isang impormal na talakayan na karaniwang binubuo ng mula 5-10 katao. Ito ay
pinamumunuan ng isang tagapangulo subalit aktibong lahat ang mga kalahok kaya hindi nasasarili ng tagapangulo
ang pagsasalita. Mabisa ang pamamaraang ito upang bumuo ng mga estratehiya, tukuyin ang mga pagkilos at
tuklasin ang mga solusyon. Ito rin ay pag-uusap hinggil sa mga isyu at naglalayong lumikha ng sitwasyon na win-win
sa halip na win-lose. Walang pinuno sa pamamaraang ito ngunit may isang facilitator upang maging maayos at
magaang proseso ng pagsasagawa.

9. Small group discussion - isang tuwirang pag-uusap ng isang maliit na pangkat ng mga tao. Tinatalakay ang
mga problema/suliranin na mahalaga at binibigyan ang mga ito ng solusyon. Ang mga kasali rito ay
pasalitang nag-uusap-usap, nagpapalitan sila ng kaisipan. May sapat na lakas ang kanilang boses upang
mapakinggan ng mga nakikinig ang kanilang diskusyon. Mahalaga sa ikapagtatagumpay ng gawaing ito
ang mabuting pagpaplano. Kung sa klase, mainam na planuhin itong mabuti ng guro at ng mga mag-aaral
na magsisipag-usap. Dapat na magsaliksik at maghanda ang mga kasali sa paksang tatalakayin.
Impormal na usapan ito. Hindi ito pormal na pagtatalumpati o pulong na gagamitan ng mga pormal na
tuntunin sa pagpupulong. Gawin lamang maikli ang pagsagot sa usapan. Ang sagot ay dapat na iukol sa
mga kausap subalit may sapat na lakas para marinig sa buong silid-aralan.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

10. Pulong o miting - pangkaraniwang gawain sa loob ng mga samahan, organisasyon, kompanya, paaralan,
institusyon, at iba pa. Halos araw-araw ay may nagaganap na pulong sa opisina, pag-uusap ng mga opisyales
ng mga sub-organization ng mga paaralan, lingguhang board meeting sa kompanya, seminar, at maging ang
pagdaraos ng malalaking kumperensya. Ginagawa na rin sa kasalukuyan, bunga na rin ng makabagong
teknolohiya ang teleconference, video conference at online meeting sa pamamagitan ng Internet.
Elemento ng Pulong

1. May layunin

2. May tagapangulo - mangunguna

3. May tiyak na agenda – pag-uusapan

4. May korum - sapat na bilang ng kalahok.


MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

10. Pulong o miting - pangkaraniwang gawain sa loob ng mga samahan, organisasyon, kompanya, paaralan,
institusyon, at iba pa. Halos araw-araw ay may nagaganap na pulong sa opisina, pag-uusap ng mga opisyales
ng mga sub-organization ng mga paaralan, lingguhang board meeting sa kompanya, seminar, at maging ang
pagdaraos ng malalaking kumperensya. Ginagawa na rin sa kasalukuyan, bunga na rin ng makabagong
teknolohiya ang teleconference, video conference at online meeting sa pamamagitan ng Internet.
Elemento ng Pulong

1. May layunin

2. May tagapangulo - mangunguna

3. May tiyak na agenda – pag-uusapan

4. May korum - sapat na bilang ng kalahok.


MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

11. Komunikasyon sa Social Media - Ang salitang social media ay tumutukoy sa isang paraan ng
interaksyon na nagaganap sa mga indibidwal kung saan ang mga impormasyon ay nalilikha, naibabahagi
at natatalakay sa pamamagitan ng pamaraang virtual at sa sistemang networking o network. Ang social
media ay isang uri ng online communication na ang layunin ay magkaroon ng interaksyon, kolaborasyon
at pagbabahagi ng mga kaalaman gamit ang iba’t ibang channel o website.

12. Video Conference - bahagi lamang sa paggamit ng social media ang video conference - isang live at at
koneksyong biswal sa pagitan ng isang tao o higit pa mula sa magkaiba at magkalayong lugar na ang layunin
ay makipag-ugnayan at makipagtalakayan. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng full motion video
kasabay ng paglalahad ng mga teksto, larawan at video upang talakayin o pag-usapan ang piling paksang
napagkasunduan. Karaniwang isinasagawa ito sa mga opisina, edukasyon, politika, negosyo at kalakalan o
kaya ay sa pagitan ng dalawang tao sa magkaibang lugar.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

Uri ng video conference

1. Desktop Video Conferencing - ginagamitan ng mga desktop computer o laptop; software upang
magkaroon ng koneksyon; at webcam and microphone para sa audio at video.

2. Telepresence - ginagamitan ito ng life-size simulation kung saan nakikita ang lahat ng mga
kasamahan sa isang silid, klasrum, opisina at iba pa. Ginagamitan ng malalaking LCD monitor / screen
na karaniwang isinasabit sa isang bahagi ng lugar na dausan ng pulong.

3. Room-Based - kadalasang isinasagawa sa isang silid kung saan ang pagpupulong ay isinasagawa.
Tinutunghayan ng mga nakikinig ang tagapanayam sa isang LCD screen at projector na tulad ng sa isang
‘face to face’ na pulong.
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA

13. Komunikasyon sa Radyo at Telebisyon - nagsisimula kapag may mahalaga at kawili-wiling impormasyon,
paksa at pangyayari na nais maunawaan o ipaunawa sa mga tao o sa mga mamamayan ng bansa na
inilalahad sa iba’t ibang paraan sa mga programa ng radyo at telebisyon. Halimbawa, ang pasalitang
komunikasyon ay ginagamit sa isang programa sa radyo kung saan ay nakikinig ang taumbayan. Maaari ding
maisagawa ang pag-uusap ng Radio DJ at ng tagapakinig kung ang programa ay may layuning maging bahagi
ang mga tagapakinig sa kabuoan ng programa. Samantala, sa telebisyon naman ay inilalahad ang mga
impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pantelebisyon tulad ng talk show, panayam, balita at
iba pa.

14. Komunikasyon sa Telebisyon at Radyo (Online) - malaganap na rin ngayon ang online na programang
pantelebisyon at panradyo. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mobile device, laptop o personal computer
ay maaari nang mapanood ang mga programa sa telebisyon o kaya mapakinggan ang mga programa sa radyo.
Ang mga programa sa telebisyon ay maaari na ring makuha sa pamamagitan ng pag-download sa mga ito sa
world wide web.

You might also like