You are on page 1of 24

Aurora State College of Technology

Zabali, Baler, Aurora

Bachelor in Industrial Technology

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA
FILIPINO (KOMFIL)

GE10

MODYUL 4

Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal

(Unang Bahagi)

PANGALAN NG MAG-AARAL: __________________________________

KURSO/ TAON AT SEKSYON: __________________________________

ARALIN IV
Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
(Unang Bahagi)

Nakalaang Oras: 15 Oras

I. Layunin

1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa

kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa.
3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino.
4. Makapagpahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino
5. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
6. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto.
7. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa
mga realidad ng lipunang Pilipino.
8. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
9. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
ideya.

II. Panimulang Gawain:

Panuto: Sa apat na larawan may kahulugan na nakalaan.Isulat sa loob ng kahon ang tamang
sagot at base sayong sagot isulat ang iyong paliwanag.
Interpretasyon:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
III.Pagtalakay:

Ano nga ba ang korapsyon?

 Hindi mawawala kahit kailan ang Korapsyon sa ating bansa maaari lang itong mabawasan
ngunit hindi ito mawawala.
 Sapagkat tayo rin ang pumipili ng taong magnanakaw sa atin. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay nagiging tapat sila sa ating bayan.
 Ang kaban ng bayan ay nangangahulugang kayamanan ng bayan kung saan dito
nilalagay ang mga buwis na naibabayad ng mga tao.
 Ginagamit ito upang matustusan ang pangangailangan ng isang bansa upang
makapagtaguyod ng mga proyekto na makapagpapaunlad ng ating bansa.
 Ang Korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.
 Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon”.
 Hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “Pulitika” at “Gobyerno” pumapasok
at pumapasok pa rin ang salitang “Korapsyon”.

Madalas binibigyang kahulugan ang korapsyong bilang “maling paggamit ng posisyon para
sa pansariling kapakinabangan”. Naging kora pang mga inihalal at/o pampublikong opisyal sa oras
na gamitin nila ang oportunidad na dala ng kanilang posisyon upang makalamang sa
pamamagitan ng paglilipat ng pera o assets ng pamahalaan patungo sa kanilang mga bulsa.

Dalawang Uri ng Korapsyon:

 PETTY-Maliitang korapsyon
- kalimitang nasasangkot sa maliitang korapsyon ang mga mababang opisyal ng
pamahalaan na hindi nabibigyan ng sapat na sahod upang makapamuhay nang
matiwasa,kaya naman kailangan nilang dumepende sa maliliit na suhol o lagay upang
madagdagan ang kanilang kita.
 GRAND-Malakihang korapsyon
- sa malakihang korapsyon, sangkot naman ang mga matataas na opisyal ng
pamahalaan na ginagamit ang kanilang posisyon upang kumita sa mga malalaking
kontrata at proyekto na pinamumuhunan ng pamahalaan o mga pribadong ahensya.

Maraming porma ng korapsyon.kabilang dito ang mga sumusunod:

1. PANUNUHOL (BRIBERY) - (R.A. 6485 Anti-Redtape Act of 2007)

 Pagbibigay ng benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng isang tao.
 Fixer ang tawag sa mga taong nagpapasuhol kapalit ang serbisyong ito.
 Ang benepisyo ay hindi kinakailangan ng pera , maari itong maging regalo , esesyal na
pabor, pang-aliw, pagbibigay trabaho, pautang o iba pang maibibigay upang makapag-
udyok.
 Maari din itong maging pampadulas o maliit na halagang hinihingi ng mga opisyal ng
pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay ng serbidyo na karapatan mo naman
tamasin.
2. PANGINGIKIL - Paggamit ng pananakot, paninira o iba pang pagbabanta upang
mapwersag makipagtulungan ang isang tao.
 Maaring gumamit ang isang public prosecutor ng pagbabanta ng criminal na prosecution
bilang batayan ng pangingkil.
3. KICKBACKS - Iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mag-
impluwensiya sa mapipiling bigyan ng isang kontrata o transaksyon.
 Karaniwang pinapatungan ang presyo ng kontrata o transaksyon upang magsilbing
kickback sa taong nakapagbigay ng espesyal na pabor sa isang partikular na indibidwal o
kumpanya.
4. STATE CAPTURE - Isang sitwasyon na magbabayad ang makapangyarihang indibidwal o
grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa ang mga batas o regulasyon na
makapagbibigay nang hindi patas na kalamangan sa nasabing indibidwal o grupo.
5. PANDARAYA(FRAUD) - Isa sa pinakamalaking iskandalo ng pandaraya ang isyu sa
eleksyon sa pagkapangulo noong 2004.nagkaroon umano ng manipulasyon sa boto,ang
itinuturing na dahilan umano sa likod ng manipulasyong ito ay sina Dating Presidente Gloria
Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman Virgillo Garcillano.
 Ito ay tinatawag nilang Hello Garci” maririnig sa record ang usapan sa telepono nina
Gracillano at Arroyo upang panlunin ang huli sa pagkapangulo noong eleksyon 2004.
6. PLUNDER - Ang Illgoten Wealth ay bunga ng Korapsyon.lahat ng yaman ,ari-
arian,negosyo na nakuha mula sa maling paraan ay anyo ng korapsyon o plunder.Isa sa
pinakasikat na kaso nito ang kay dating pangulong Ferdinand Marcos.Dahil sa laki ng
yamang nakuha niya mula sa kanyang panunungkulan.

May mga nagsasabing sa isang bansa tulad ng Pilipinas kung saan mahalaga ang
pagbibigay ng regalo ay mahirap matukoy kung ang isang regalo ay tunay ngang kusang loob na
ibinibigay o talagang isang suhol. Totoong mahilig magregalo ang mga Pilipino.Hindi lamang tayo
nagbibigay ng regalo tuwing may espesyal na okasyon tulad ng kaarawan,kasalan o
binyagan.Nagbibigay din tayo ng regalo bilang pasasalamat o bilang pasalubong mula sa isang
paglalakbay. Gayunpaman, ang totoong regalo ay dapat na walang kapalit.Kung ibinibigay ang
regalo, anuman ang halaga nito, upang makaimpluwensiya sa pagkilos o pagpapasya ng
pinagbibigyan nito, isa itong suhol.

NEPOTISMO AT KRONYISMO
 Kronyonismo ang tawag sa mga itinatalaga sa posisyon ng Pangulo o sinumang
mataas na posisyon ay kaniyang malapit na kaibigan , at kapag-anak naman ay
Nepotismo,kahit hindi sila kwalipikado sa posisyon.
 Halimbawa:itinalaga ni Pangulong Duterte nang maupo siya ng gobyerno:Margaux
Justiniano “Mocha Uson”bilang Assistant Secretary ng President Communication
Operation Office.isa siya sa mga na para kay Pangulong Duterte.

MGA SANHI NG KORAPSYON

Hindi nagaganap ang Korapsyon nang walang dahilan.Magpapasya lamang ang isang tao
na masangkot sa korapsyon kung Malaki ang kapakinabangan at maliit ang tsansang mahuli.Kung
gayon, ang opisyal ng pamahalaan na hindi sapat ang sahod upang suportahan ang kanyang
pamilya ay matutuksong tumanggap ng suhol o lagay upang madagdagan ang kanyang kita lalo
na kung naniniwala siyang maliit ang posibilidad na mahuli siya.

Ayon kay Robert klitgaard,kilalang eksperto sa anti-korapsyon ,mayroong pormula kung paanong
nagaganap ang korapsyon.

C=M+D-A

C ay Corruption o korapsyon

M ay Monopoly o Monopolyo

D ay Discretion o kalayaang pumili

A ay Accountability o Pananagutan

Ayon sa pormula, ang isang sitwasyon ay malamang na humantong sa korapsyon kapag ang
isang tao ay mayroong monopoly sa isang produkto,bilihin o serbisyo,nabibigyan siya ng
eklusibong kalayaang mamili o magdesisyon kung paano siya nagpapasya matapos niyang gawin
ang pagpapasyang yaon.

Maraming mga salik na nag- aambag sa tumbasang M+D-A.kabilang dito ang mga sumusunod.

1. Hindi malinaw, kumplikado at madalas na nagbabagong batas at regulasyon

Ang mga batas o regulasyong hindi malinaw o hindi nagkakaugnayan ay
nagbibigay nang pagkakataon sa mga opisyal ng pamahalaan upang Malaya nilang bigyan
ng sariling interpretasyon.Hindi matiyak ng mga negosyante ang kanilang karapatan at
obligasyon, kaya naman pumapayag sila sa korapsyon, upang maiwasan ang hindi
makatarungang desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan.
2. Kawalan ng transparency at accountability
Kapag walang nagbabantay sa mga transaksyon, ang pamantayang ginagamit sa
pagpasok sa mga transaksyong ito ay hindi nasusukat.Ang mga taong sangkot sa
transaksyong ito.Kung gayon,ay hindi na mapapasasagot sa kanilang mga naging aksyon.
3. Kawalan ng kompetisyon
Ang mga kumpanyang may monopoly sa pagbebenta ng produkto/bilihin o
pagbibigay ng serbisyo ay mayroong malakas na impluwensya upang masuhulan ang mga
opisyal ng pamahalaan upang ang mga desisyon nito ay mapanigan ang kanilang interes.
4. Mababang pasahod sa pampublikong sektor
Kapag ang mga opisyal ng pamahalaan ay hindi nababayaran ng sapat upang
makapamuhay nang matiwasay, malakas ang tukso ng korapsiyon upang madagdagan ang
kanilang kita.Gayundin , sa baba ng kanilang sweldo, madalas na hindi na nila inaalala ang
pagkatanggal sa trabaho sa oras na mahuli silang nasasangkot sa korapsyon.
5. Kulang, pagbabago, at hindi patas na pagpapatupad ng batas at regulasyon
Kapag ang batas ay hindi ipinapatupad nang patas,alam ng mga taong maaari
silang manuhol upang maiwasan ang multa at iba pang parusa.

Kung gayon, sa pagtasa kung paano bibigyang solusyon ang isang problemang kaugnay
ng korapsyon, kailangan nating isaalang-alang kung paano maiiwasan ang monopolyo ng taong
humihingi ng lagay kung paano natin malilimitahan ang kalayaang magpasya ng nanghihingi ng
lagay, at kung paano natin mapapanagot ang taong naghihingi ng lagay.

EPEKTO NG KORAPSYON
 Ang pagpapalala ng kahirapan sa ating bansa.
 Naghahadlang sa pag-unlad ng bansa.
 Ang pagkawala ng tiwala ng mga tao sa mga nasa itaas.
IV.PAGSASANAY

I. Panuto: Gamit ang graphic organizer. Isulat ang sanhi at bunga at solusyon ng upang malutas
ang korapsyon.

SANHI BUNGA

KORAPSIYON

SOLUSYON

II. Panuto: paghambingin ang mga sumusunod na konsepto. Magbigay ng ilustrasyon

hinggil sa mga konseptong ito.
1. Graft at korapsyon

GRAFT KORAPSYON
ILUSTRASYON:

2.Nepotismo at Dinastiya

NEPOTISMO DINASTIYA

ILUSTRASYON:
V. PAGTATAYA

Panuto: Gumawa ng isang Editorial Cartooning tungkol sa Korapsyon at bigyan ito ng

pagpapaliwanag.

Paglalarawan:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY MAY KAHUSAYAN PUNTOS

4 3 2
KAANGKUPAN Malinaw na nailahad Malinaw na Hindi gaanong
NG ang nilalaman sa nailahad ang malinaw ang
NILALAMAN pamamagitan ng mga nilalaman.Mahus pagkakalahat.hindi
simbolo sa ay ang kabuuang gaanong mahusay
guhit.Napakahusay pagguhit ang kabuuang
ng kabuuang pagguhit
pagguhit
ORINALIDAD Ang guhit ay Ang guhit ay Hindi gaanong
nagpakita ng kakaiba kakaiba at kakaiba ang
at napakagandang maganda.mahus pagguhit
produkto.Napakahus ay ang paggamit
ay ng paggamit ng ng ibang disenyo
kakaibang disensyo
sa pagguhit
KARIKTAN/ Ang guhit ay Ang guhit ay Ang guhit ay hindi
PAGKAMALIKH nakakakit sa nakakaakit at gaanong nakakaakit
AIN pamamagitan ng mahusay ang at di gaanong
kalinisan at pagiging mahusay ang
napakahusay ng malikhain sa pagiging malikhain
pagiging malikhain sa disensyo ng guhit sa disenyo ng guhit.
disensyo ng guhit.
KAHUSAYAN Malinaw ang Malinaw ang Hindi gaanong
SA PAGPAPALI pagapapaliwanag sa pagpapaliwanag malinaw ang
WANAG produkto.napakahusa at mahusay ang pagpapaliwanag sa
y at detalyado ang na detalyado na guhit.May 2-4 na
naipaliwanag ang naipaliwanag ang bahagi ang hindi
lahat ng bahagi. mga napaliwanag
bahagi.mayroon
lamang isa na
hindi nabigyang
pansin

VI. PAGNINILAY
Bilang isang Pilipino, papaano mo pinapapalalim at binabalangkas ang mga gabay etikal kaugnay
sa paggamit ng ibat-ibang porma ng midya?
______________________________________________________________________________

KONSEPTO NG BAYANI
II.PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, subukin muna natin ang
dati mo nang alam sa paksang tatalakayin. Kilala mo ba ang nasa mga larawan?
Kung gayon isulat ang iyong nalalaman sa kanila.

1.

2.

3.
III.PAGTALAKAY:

Kahit walang batas na nagpapahayag kung paano nagiging bayani ang isang Pilipino, mayroong
ilang pamantayan na tumutukoy sa kwalipikasyon ng isang makasaysayang tao upang hirangin
siya bilang bayani ng Pilipinas.

ANG NATIONAL HEROES COMMITTEE AY GINAWA ANG MGA

SUMUSUNOD NA CRITERIA:

 Ang mga bayani ay nagnanais at nagpupunyagi para sa kalayaan ng bansa.

 Umaambag ang mga bayani sa buhay, kalayaan at kaayusan ng isang bansa.

 Ang bayani ay nakatutulong sa kalidad ng buhay at tadhana ng isang bansa.

 Iniisip ng mga bayani ang hinaharap lalo na sa mga susunod na henerasyon.

 Ang pagpili ng mga bayani ay nagsasangkot sa buong proseso na gumawa ng isang

partikular na tao bilang isang bayani.

NOONG NOBYEMBRE 15, 1995, PINILI NG TEKNIKAL NA KOMITE NG NATIONAL HEROES

COMMITTEE ANG SIYAM (9) NA MAKASAYSAYANG PILIPINO BILANG MGA
PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS

1. DR. JOSE RIZAL

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng
kanyang mga Nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng
pananakop ng Espanya sa bansa.

2. ANDRES BONIFACIO
Isang Pilipinong Rebolusyonaryo at Bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalangan na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), isang lihim na lipunan na
nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

3. APOLINARIO MABINI
Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, isa siya sa mga bumuhay
ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa kilusang Reporma.

4. EMILIO AGUINALDO
Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling
taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898) at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-
Amerikano (1898), at sa laban saEstados Unidos sa Panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano (1899-1901).

5. GABRIELA SILANG
Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong Maghihimagsik na si Diego Silang. Kasunod
ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa Himagsikan laban sa
mga Kastila.

6. JUAN LUNA
Isang Pilipinong Pintor at Bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang
dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colesseum sa
Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian
ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

7. MARCELO H. DEL PILAR

Isang Propagandista at Satiristang Rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang
makabayang sentimyento ng mga ilustadong Pilipino o Burgesya laban sa Imperyalismong
Espanyol.

8. MELCHORA AQUINO
Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang “Tandang Sora” dahil sa kanyang edad siya rin
ay kilala bilang “Ina ng Katipunan”, “Ina ng Himagsikan” at “Ina ng Balintawak” para sa
kanyang mga kontribusyon.

9. SULTAN KUDARAT

Ang ika-7 Sultan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Sa panahon ng kanyang
paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng Espanyol at
hinadlangan ang pagkalat ng Katolisismo ng Roma sa isla ng Mindanao.

IV.PAGSASANAY

I. Panuto: Gamit ang isang graphic Organizer, magbigay/maglista ng mga katangian na dapat
taglayin ng isang bayani.
II. Panuto: paano mo masasabi ang halaga ng isang bayani sa pera kung saan makikita mo sila?

III. PAGTATAYA

Panuto: Ipakilala kung sino ang iyong tinuturing na bagong bayani sa pamamagitan ng iyong
pagkamalikhain (tula/pagguhit/kanta/ at ibp.) at ipaliwanag kung bakit siya ang iyong napili.

PAGNINILAY

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa mga sumusunod na tanong

1. Paano mo patototohan na ang OFW’s ang modernong bayani natin at sila ang may malaking
ambag sa pagpapaunlad ng bansa?
___________________________________________________________________________

KALAGAYAN NG SERBISYONG PABAHAY, PANGKALUSUGAN,

TRANSPORTASYON AT EDUKASYON
II.PANIMULANG GAWAIN

Panuto: tukuyin kung anong mensahe ang nasa mga larawan

1.

2.

3.

4.
III. PAGTALAKAY

SERBISYONG PABAHAY
Ang kawalan ng maayos na tahanang masisilungan ng isang pamilya ay isang suliraning
matagal ng kinakaharap sa buong mundo.Sumasalamin ito sa mukha ng kahirapan na hindi
madaling solusyonan dahil sa maraming kadahilanan katulad ng kawalan ng inisyatibo buhat sa
pamahalaan ,kawalan ng disiplina sa bahagi ng mga maralita na magsasagawa ng paraan upang
maiahon ang kanilang mga sari sa totoong kahirapan.

Sa tala ng Global Homeless Statistic, nasa apatnapu’t apat na bahagdan ng mga Pilipino
ang nanatiling walang maayos na tirahan ang matatagpuan sa Metro Manila
(https.//www.verita846.ph/local-na-pamahalaan –solusyon-sa-problema-sa pabahay/).

 Napakahalaga sa bawat tao o bawat pamilya na magkaroon ng sapat na paninirahan.

Paninirahang hindi siya maiirita, kundi tahanang siya o sila’y masaya. Ngunit sa maralita,
lalo na sa mga lugar ng iskwater, maraming demolisyon ang nagaganap; maraming
maralita ang nawawalan ng tahanan.

 Marami sa mga maralitang dinemolis at dinala sa relokasyon ang hindi naman talaga
nabibigyan ng sapat na pabahay, ayon sa negosasyon sa kanila bago sila idemolis,
bagamat marami talaga sa kanila ang sapilitang tinanggalan ng bahay.

 Bahala na ang maralita sa erya ng relokasyon pagdating sa pabahay. Ang matindi pa ay

ang pagiging negosyo ng pabahay, imbes na serbisyo.

 Patunay dito ang tinatawag na escalating scheme of payment na kasunduan para sa

pabahay, na hindi naman kaya ng mga maralita.

 Sinasabing nasa 1.5 million o 15% ng ating urban population ay informal settlers.

 Isa sa pinakamalaking rason dito ay kahirapan.

 Nakahanda ang iba’t ibang kinatawan ng mga ahensiya ng pabahay upang tumulong at
sumagot sa mga suliranin ng publiko.

 Ang pamahalaan ay nagbibigay ng prayoridad sa programang pabahay upang matugunan

ang pangangailangan ng mamamayan.

AHENSYA NG PABAHAY

 National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)

 National Housing Authority (NHA)

 Home Guarantee Corporation (HGC) sa pangunguna ng Housing and Urban Development

Coordinating Council (HUDCC)

SERBISYONG PAGKALUSUGAN
 Ang lakas –tao ay isang napakahalagang bahagi ng lipunan. Nakasalalay sa tao ang
pagbubuo ng desisyon para sa pang-araw-araw na kahihinatnan ng kaniyang buhay at
maging sa lipunang kaniyang ginagalawan.

 Kaya naman mahalagang malusog ang kaniyang pangangatawan upang malusog din ang
kaniyang pag-iisip.

 Ito ay isinasaalang-alang ng pamahalaan upang lubos na mapakinabangan ang

mamamayan at maging katuwang ito sa pagbubuo ng tamang pasiya at pagsasagawa ng
wastong pagkilos para sa maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa.

MGA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN

1. National Health Insurance Program (NHIP)

- itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban

ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan ng pangkalahatang
kalusugan.

- sa tulong ng NHIP, maipagkakaloob sa mga mamamayan lalo na sa mahihirap ang

mga serbisyong pangkalusugan, pag-iwas man ito sa sakit o paggamot ng karamdaman.

 Maraming Pilipino ang nakikinabang sa programang Philippine Health Insurance ng

pamahalaan. Sa tulong ng Philhealth, maraming mamamayan ang nakapagpapagamot at
nabibigyan ng libreng gamot.

 Kasama rito ang paggagamot sa mga sakit na dengue, asthma at katarata,maging sa

malalang sakit gaya ng kanser.

2. Complete Treatment Pack

 - layunin nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng
kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa.

 - Nagtatalaga rin ng mga doktor, nars at komadrona sa malalayong munisipyo upang

mapabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga tao rito.

3.Pagbabakuna

.o imunisasyon ng mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas at
trangkaso. Kasama pa rito ang pamamahagi ng mga bitamina tulad ng Vitamin A, iron at
iodine laban sa sakit sa dugo at mata.

4. Programa sa mga Ina at Kababaihan

 Kasama rito ang regular na pagpapatingin sa sentrong pangkalusugan ng mga

nagdadalang-tao, libreng bitamina para sa kanila, at libreng bakuna laban sa sakit gaya ng
neo tetanus.

5.Programa laban sa iba pang mga sakit

 Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis ay madali nang malunasan sa tulong ng
programa ng pamahalaan laban sa sakit na ito. Maliban sa walang bayad ang
pagpapatingin, may mga gamot pang ibinibigay ang mga health center para tuluyang
mapagaling ng mga mamamayang may karamdamang ito.

 May mga programa rin sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas, tamang

pagsugpo at paggamot sa human immunodeficiency virus (HIV) infection at acquired
immune deficiency syndrome (AIDS).

 Patuloy ang pangangalaga ng pamahalaan sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na

tuwing nalalapit ang tag-ulan kung saan maraming mga bata ang nagkakasakit .

SERBISYONG PANG -TRANSPORTASYON:

TRAPIKO

 Isang malaking problema ng Pilipinas, ito ay abala para sa mga tao na naglalakbay sa iba’t
ibang lugar.

 Maraming oras ang nasasayang ng maraming Pilipino.

 Ayon kay Felino A. Palafox Jr. ang mga residente ng Metro Manila ay nakararanas ng
1,000 na oras sa trapiko dahil sa Congested Roads at mahinang pagpaplano ng lungsod.

 Ayon kay Arsenio Balisacan (Economic Planning Secretary) dahil sa matinding trapiko 2.4
billion na Peso ang nawawala sa Pilipinas.

MGA EPEKTO NG TRAPIKO:

 Pagkasayang ng Oras

 Pagsikip at pagkasira ng kalsada

 Polusyon

 Sakit

 Pagbagsak ng Ekonomiya

 Sa ngayon, sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metro Manila Development

Authority (MMDA), umaabot lang sa 19.3 kilometro kada oras (kmh) ang average na bilis ng
mga sasakyan sa EDSA.

 Malayung-malayo umano ito sa 60 kmh na speed limit sa naturang mayor na kalsada ng

NCR.

EDUKASYON

 Sadyang napakahalaga ng edukasyon sa

taongbayan at sa pag-unlad ng lipunan. Ito kasi ang huhubog sa isipan, kasanayan at

personalidad ng

bawat mamamayan upang sila ay maging produktibo at maunlad.

Programang inilunsad ng pamahalaan para malutas ang mga isyu sa edukasyon:

 Pagbabago ng kurikulum

 Pagsasakatuparan ng Edukasyon para sa lahat o Education for All (EFA)

 Pagtataguyod ng cyber education project

Isyu Tungkol sa Sistema ng Edukasyon na hanggang ngayon ay

hindi parin nalulutas:

 Mababang kalidad ng edukasyon sa ating bansa

 Kakulangan ng mga tamang bilang at kwalipikado o mahuhusay na guro

 Mababang sahod ng mga guro

 Mababang kakayahan na mabayaran ang pag-aaral o affordability

 Maliit ang budget ng pamahalaan para sa edukasyon

 Kakulangan ng pagkakataon upang makapag-aral

 Kakulangan ng mga paaralan

 Kakulangan ng mga aklat at kagamitan sa paaralan

 Kakulangan sa bilang ng mga guro

 Paghinto sa pag-aaral o drop-out ng mga mag-aaral sa paaralan

IV. PAGSASANAY

I. Panuto: Bigyan ng masining na nilalaman ang bawat isyung naghihintay ng iba

pa/karagdagang solusyon at pagbabago.

1. SERBISYONG PABAHAY

2. SERBISYONG PANGKALUSUGAN

3. TRANSPORTASYON

4. EDUKASYON

II. Panuto: magbigay ng mga programa ng pamahalaan sa iba’t ibang isyung kinahaharap ng
bansa.

1.

serbisyong
pabahay

2.

3.

serbisyong
pangkalusugan
TRANSPORTASYON
4.

EDUKASYON

III.
Panuto: Ano ang iyong reaksyon sa pagpapatupad ng K-12 program. Pabor ka ba o hindi?
Ipaliwanag.

Reaksyon:

Pabor/ Hindi Pabor

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PAGNINILAY:
Kung ikaw ang papipiliin ? Ano ang bibigyan mo ng natatanging pansin sa mga serbisyong
tinalakay sa itaas at bakit? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

You might also like