You are on page 1of 1

KALABAN

EBREO, DAISYRIE MAY L.

FAKE NEWSAlamin kung pano mapipigilan


ang kalaban ng katotohanan

Ang Fake news ay pagpapakalat ng


mga maling impormasyon mula sa
mga bagay bagay or isyu na dapat
pinagtutuunan ng pansin. Ang mga
gawang ito ay naglalayon na mag
umpisa ng kalabuan sa mga
mambabasa.

MAGING MAPANURI
Paraan upang maiwasan ang Fake News:

Palaging tandaan na hindi lahat ng nababasa at


napapakinggan natin ay totoo. Upang maiwasan ang
"Fake News", kailangan na maging mapanuri tayo sa
napapakinggan at nababasa natin. Suruin ang pinagmulan
at batayan ng balita. Tingnan mabuti kung ang pagkaka-
ayos ng mga impormasyon kung tama pa ang "grammar" o

MAGING MAINGAT
ang mga salita na ginamit ay akma sa isyu.

Hindi lahat ng balita na narinig at nabasa natin


ay dapat ng ipagkalat sa iba hangga't hindi pa
nasusukat o nakikita kung talaga bang totoo
ang balita at may sapat itong batayan. Kung
nasigurado na may katotoohanan ang balita
ay saka lamang dapat ito ibahagi sa iba.

TINGNAN KUNG NAPAPANAHON


Gayundin, tingnan mabuti kung ang nabasa bang balita ay
napapanahon o yun nakalagay na taon kung kelan na nasulat
ang balita ay akma sa kasalukuyang panahon o taon. Baka
ipinagkalat natin ang balita na nabasa natin ng hindi
tiitingnan kung kailan pa ito nasulat. Gayundin, wag
magpadala sa magandang presentasyon lamang ng isang
balita. Hindi ito sapat na batayan ng pagiging totoo nito.

TAGUMPAY!
Kung mapipigilan natin

ang pagkalat ng maling
impormasyon o ng Fake news, makakapagbigay tayo ng
akma at tamang impormasyon sa mga tao uoang maging
bukas ang kanilang kaalaman sa mga nangyayare.
Gayundin, magkakaroon tayo ng bahagi sa pagtatama ng
mga mali sa ating lipunan. Matututo din magtiwala ang tao
sa balita sapagkat alam nila na tama at totoo iyon. Kaya
bilang matalinong mamamayan, pigilan natin ang pagkalat
ng Fake news! Maging tulay sa pagkamit ng katotohanan.

Ang Fake News ay Kalaban ng Lahat ng


Mamamayang Filipino sa Pagkamit ng Katotohanan

You might also like