You are on page 1of 21

FILIPINO SA PILING

LARANGAN
Bb.Elaine C. Discipulo
Panuto: Sa mga akronim na nasa ibaba,
magbigay ng salita na sa tingin mo ay pag-aaralan
at may kaugnayan sa ating tatalakayin.
A-
B-
S-
T-
R-
A-
K-
A- ral sa pagsulat nito
B- uod
S- inusuri ang nilalaman
T- esis
R- esulta
A- alisin ang mga opinion at paggamit ng table
K- onklusyon at komprehensibo
ABSTRAK
• Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na Abstractus na
nangangahulugang drawn away o extract form.
• Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel.
• Ito ay kadalasang makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
• Buod ng anumang malalimang pagsusuri ng iba’t ibang
paksa na nagagamit ng mambabasa upang
madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin
Pagtitimbang ng kaisipan
Pagsusuri ng nilalaman
Paghahabi ng pangungusap sa talata
Pagpapayaman ng bokabularyo
3 URI NG ABSTRAK

1.IMPORMATIBO
2.DESKRIPTIBO
3.KRITIKAL
IMPORMATIBONG ABSTRAK

 Naglalaman ng halos lahat na mahahalagang impormasyong


matatagpuan sa loob ng pananaliksik. Maaari na itong
makapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa
lalamanin ng pananaliksik
ANG MGA SUMUSUNOD AY MGA TAGLAY NG
IMPORMATIBONG ABSTRAK

1.MOTIBASYON O RATIONALE-Sinasagot nito ang tanong kung bakit


pinag-aralan ng isang mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na
paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang kabuluhan at
kahalagahan ng pananaliksik.

2. SULIRANIN – kailangang masagot ng abstrak kung ano ang


sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik
3. PAGDULOG O PAMAMARAAN – ilalahad ng isang mahusay na
abstrak kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung
saan nagmula ang impormasyon at datos. Ibig sabhin, magbibigay ito ng
maikling paliwanag sa metodolohiya ng pag-aaral

4. RESULTA -  ipapakita
rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-
aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik

5. KONGKLUSYON – sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon


ng pananaliksik batay sa mga natuklasan
DESKRIPTIBONG ABSTRAK
Ito ay mas maikli (kadalasang nasa 100 salita lamang) naglalaman lamang
ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at
saklaw ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta, kongklusyon
at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral sapagkat, hindi buo ang
impormasyong ibinibigay tungkol sa pananaliksik.
KRITIKAL NA ABSTRAK
Pinakamahabang uri ng abstak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang
rebyu, binibigyang ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at
katumpakan ng isang pananaliksik

KONGKLUSYON

Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng
ideya ang isang mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit
kailangan din gustuhin niyang mapalalim pa ang ang naunawaan sa
pamamagitan nang pagbasa sa buong pananaliksik
PAMANTAYAN AT GABAY SA
PAGSULAT NG ABSTRAK
1.Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat
makikita sa kabuoan ng papel.
2.Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak.
3.Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa abstrak
4.Dapat ito ay dobleng espasyo
5.Gumamit ng malinaw at direktibang mga pangungusap
6.Gawin itong maikli ngunit komprehensibo
7.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga
pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ito.
8.Maaring maglaman ng 100-200 na salita
9. Isinusulat ito sa ikatlong panauhan.
GREEN INTRODUKSYON

SKY BLUE METODOLOHIYA Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-
aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng
Talavera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas
ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining
GRAY SAKLAW AT pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukwento at pagtatalumpating
LIMITASYON impromptu at ekstemporanyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na magrebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang
YELLOW RESULTA AT pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing
KONGKLUSYON pasalitang pagkukuwento at pagtatalumpating impromptu,
ekstomporanyo. Ang instrumenting ginamit sa pagtanto ng antas ng
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ay ang
walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa
pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa
impromptu at ang paksang “Global krisis” sa ekstemporenyo gamit ang
pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuyin sa pagsasalita ay
ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na
husay o kasanayan na pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at
pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila ay nabalitaan na kakulangan sa
kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang
maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita angg mga mag-aaral.
PAGTUKOY SA MGA NATUTUHAN
BLG.2
I.Panuto: Basahin at Unawain ng mabuti ang bawat tanong. Ilagay
kung ito ay TAMA o MALI. Kapag mali, isulat ang tamang sagot.
1.Ang abstrak ay isang uri ng Lagom na karaniwan ginagamit sa
pagsulat ng mga Akademikong Papel.
2. Sa Deskriptibong abstrak, inilalarawan sa mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng pananaliksik.
3.Sa impormatibong Abstrak ipinahahayag sa mga mambabasa ang
mahahalagang punto ng teksto
4.Sa impormatibong abstrak hindi binibigyang pansin ang
layunin,pamamaraan, konklusyon at resulta
5.Isa sa gabay ng pagsulat ng abstrak ay ginagamitan ito ng ikaunang
panauhan.
II.Panuto: Basahin at unawain ng Mabuti ang bawat tanong. Piliin ang
letra ng tamang sagot.
1.Ito ay pagpapahayag ng dahilan sa kung bakit isasagawa ang isang pag-aaral. 

a. Metodo o Pamamaraan

b.Motibasyon o Rationale

c.Resulta

d.Konklusyon

2. Ito ay Pagpapahayag ng kinalabasan ng isinagawang pagkalap ng sagot gamit ang napiling pamamaraan.

 a.Metodo o Pamamaraan

b. Motibasyon o Rationale

c.Resulta

d.Konklusyon
3. Dito kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o
tanong ng pananaliksik 
a.Resulta b.Suliranin c.Konklusyon d.Metodo o Pamamaraan
4.Pagpapahayag na particular na pamamaraan o kung paano makukuha ng
mananaliksik ang kasagutan sa pinoproblemang pananaliksik
a.Resulta b.Suliranin c.Konklusyon d.Metodo o Pamamaraan 
5.ito ay pagpapahayag ng nabuong hinuha batay sa isinagawang pananaliksik 
a.Resulta b.Suliranin c.Konklusyon d.Metodo O Pamamaraan
• GAWAIN BILANG 2
Panuto:bumuo NG DESKRIPTIBONG ABSTRAK BATAY SA MGA PAKSA.Mamili
lamang ng 2.

K-12
• SERBISYONG NEGOSYO
• MARIJUANA, GAMOT O SALOT?
• GOBYERNO, SA PAGLABAN NG PANDEMYA SA MUNDO
• PAMANTAYAN

•  
• Nilalaman 5
Kaugnayan sa Larangan 5
Paggamit ng mga Bantas 5
• Kalinisan 5
• KABUUAN 20 Puntos
Takda/Kasunduan

1. SALIKSIKIN ANG KAHULUGAN


 NG SINTESIS AT SINOPSIS (KUWADERNO)

You might also like