You are on page 1of 4

III.

Paglalarawan ng Metodo o Pananaliksik

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tumutukoy sa pamamaraang ginamit ng

mananaliksik upang makalap ang mga kinakailangang datos para sa pagsasakatuparan ng pag-

aaral. Ang kabanatang ito ay nagtatanghal ng disenyo ng pananaliksik, mga tagasagot, pagsusuri

ng datos, pamamaraan ng sampling, instrumento sa pananaliksik, at balangkas ng pananaliksik.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng deskriptibong ebalwatib upang malaman ang antas ng

pag-unawa batay sa kakayanang bumasa at diskriptibong komparatibong pamamaraan ng

pananaliksik upang malaman ang resulta ng ebalwasyon ng mga guro at mag-aaral para sa antas

ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Bubuin ng mananaliksik ang talatanungan upang

magamit sa pag-alam ng mga kakayahan o antas ng pagbasa na kung saan magiging hakbang sa

kalutasan ng suliranin.

B. Instrumento ng Pananaliksik

Isinaalang-alang ng mananaliksik ang mga mahahalagang impormasyon na makatutulong

sa pag-alam ng antas ng kakayahan sa pagbasa upang makakuha ng kinakailangang datos,

Nagsaliksik din sa mga libro at internet upang makakuha ng ilan sa pamamaraan at impormasyon

na makatutulong sa nasabing pag-aaral upang maging makabuluhan at kagamit – gamit.

C. Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos

Sa pagsasagawa ng pag-aaral ang mananaliksik ay nakipag-ugnayan sa mga guro na

nagpapadaloy ng asignaturang Filipino mula sa kanilang pakikibahagi na naisagawa sa unang

hakbang para sa pag-alam ng antas ng pag-unawa sa pagbasa.


Ang pamamaraang ito ay makatutulong sa pagkuha ng impormasyon ng mananaliksik

ayon sa antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Bondoc Peninsula Agriculture High

School na kung saan isinagawa ang pananaliksik.

D. Mga Tagasagot

Pangkat Kabuoang Bilang Bilang ng Tagasagot

E. Pamamaraang Sampling

Ang magiging sangkot sa pag-aaral na ito ay ang mga guro sa asignaturang Filipino at

mga piling mag-aaral sa Grade 8. Para sa ebalwasyon ng isang daan at animnapu’t limang mag-

aaral (165) mula sa 20% mula sa pangkalahatang bilang nito at bawat pangkat ay may labing

isang (11) bilang sa kaukulang tagasagot buhat sa pangkat ( Narra, Yakal, at Apitong ) gayundin

ang tatlong guro sa asignaturang Filipino para sa pag-eebalweyt ng talatanungan.

Purposive Sampling ang gagamitin ng mananaliksik sa pagpili ng mga magiging tagasagot, ang

manaliksik ang nagsagawa ng pagpapabasa sa unang bahagi ng markahan at mula rito nakahuha

ng mataas na bilang o bahagdan ng may mga mag-aaral na may suliranin sa pag-unawa ng teksto

o akda sa lahat ng pangkat ng nasabing antas (Grade 8).


N = 165

N
n=
1+ Ne2

165
n= 2
1+165( 0.05)

165
n=
1+165+(0.0025)

165
n=
1+0.4125

165
n=
1.4125

165
n=
1+0.4125

F. Pagsusuri ng Datos

Sa pag-alam ng mga sapat na bilang ng mga mag-aaral na magiging tagasagot sa

Grade 8 ginamit ang pormulang weighted mean:

WM = ∑F /N

kung saan:

WM= weighted mean

∑FM= bilang sa bawat pangkat

N= bilang ng tagasagot
G. Balangkas ng Pananaliksik

Pagbuo ng Talatanungan
Input Pagbabaledeyt ng Talatanungan

Pag-unawa sa mga katanungan ng mga tagasagot


Awtput

ELEKRONIKONG AKDA (Bagong bihis ng babasahin)


Produkto

Pinili ng mananaliksik ang Elektronikong akda sa Bondoc Peninsula Argriculture High

School sapagkat kinakitaan ito ng pangangailangan sa pagpapaunlad ng antas sa pag-unawa ukol

sa pagbasa na kung saan namasid ng mananalisik ang suliranin ukol sa pagsagot ng mga gawain

sa bawat aralin at nagdudulot ito ng mababang resulta ng pag-unawa o pagkatuto subalit

positibo o aktibo ang mga nabanggit na mag-aaral sa social media , ilan sa mga gawain nila ay

ibinabahagi nila sa facebook na mag-uugnay sa kanila sa lubos na pagkatuto sa pamamagitan ng

E-Akda (Elektronikong Akda).

You might also like